Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 2 Part 2

ARALING PANLIPUNAN 2 Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:25:51

Description: 2ARPA2-2

Search

Read the Text Version

na panahon sa Taoismo ay nangyari nang ang dinastiyang T’ang ay napag-isa angTsina at ang emperador na si Li-Shi-Min (627-649 A.D.) ay nagbigay ng kautusan nakailangang pumasa sa pagsusulit sa teksto ng Taoismo ang sinumang gustongmaglingkod sa serbisyong sibil. Dahil dito ay kumalat sa hilaga at timog Tsina, sa Tibetat japan ang Taoismo. Sa kasalukuyan ang Taoismo ay langanap sa Taiwan, lalo na ng lumipat dittoang ang master ng simbahang Taoismo mula sa Tsina nang ang kumunista ay umuposa kapangyarihan, sa mga intsik sa Malaysia, Thailang at Singapore.3. Shintoismo Noong ang mga hapon ay isa pang primitibong kalipunan ng iba’t-ibang lahi atwala pang linguaheng nasusulat, ang kanilang relihiyon ay simpleng pagsamba sakalikasan. Ang kalawakan ay pinaniniwalaang pinaninirhan ng mga ga-taong diyos. Sa panahong ito ang mga hapon ay wala pang pangalan sa kanilang relihiyon.Nang tinipon nila ang una sa magiging banal na kasulatan noong A.D. 712 na tinawagnilang Kojiki o talaan ng makalumang bagay, kung saan isinama nila ang kasaysayanng unang emperador at ang kanyang pinagmulang ga-taong diyos sa langit. Nang makasalamuha na ng hapon ang mga intsik, natutunan nila ang mgakasulatang intsik, Buddhismong intsik, Confucianismo at marami pang elementongcultural mula sa Tsina. Tinangap din ng mga hapon ang relihiyon ng mga intsik atsinamahan nila ito ng kanilang katutubong ritwal at paniniwala na umusbong bilangisang bagong relihiyon na tinawag ng mga intsik na “Shin-Tao” o ang daan ng mgadiyos. Nakilala ang relihiyong ito na tinatawag sa japan na Kami-No- Michi bilangShintoismo. Kakaiba sa ibang buhay na relihiyon, liban sa Hudaismo, ang Shintoismo aybahagi ng kasaysayan ng isang lahi. Ang isang Shinto ay kailangang magkaroon ngwalang alinlangang katapatan sa emperador ng Japan bilang isang nagmula sa angkanng diyos ng araw. Sa relihiyong ito lahat ng ipinanganganak na hapon ay kailangang 43

maging tapat sa paniniwala at gawa upang siya ay maituring na mabuting hapon. Hindiniya ito pinili, ito ay kanyang obligasyon. Ang Shintoismo ay maraming templo kung saan maaring manalangin ang mganananampalataya subalit wala silang mga imahin at idolo. Ang kagandahan aykailangang manahan sa pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ayon sa Shintoismoang kagandahan na nasa kalikasan ay banal. Mayroon din silang mga ritwal kagaya ngritwal sa pag-aani, sa diyos na araw, at sa paglilinis. Ang Shintoismo ay nagwawaksi sa pagnanakaw at pagsisinungaling. Mayroonsilang batas sa pag-uugali o batas ng mga mararangal. Ito ay binubuo ng mgasumusunod: 1. Katapangan- ang una sa mga birtud. Ang tapang na mabuhay kung ito ay nararapat at mamatay kung ito ay nararapat. 2. Pagwaksi sa karuwagan- na lahat ng kasalanan, maliit man o malaki ay maaring patawarin liban sa karuwagan at pagnanakaw. 3. Katapatan-ang unang katapatan ay sa emperador, sunod ay pamilya, kumunidad at sa susunod na henerasyon 4. Kalinisan-malaking oras sa ritwal nila ay ginugugol sa paglilinis. Ang karumihan ay isang kasalanan sa diyos. Ayon sa alamat ng Shintoismo, isang araw may dalawang diyos na bumisita samundong ballot pa noon sa tubig. Ito ay si Izagani at ang kanyang nakababatangkapatid na babaeng si Izanami. Habang ang dalawa ay nasa tulay nag langit, kinuhanila ang sibat at itinusok sa tubig. Nang kanilang inangat ang sibat may tubig napumatak sa dulo nito at ito ang nagging isla ng Onogoso. Sa islang ito nanirahan angdalawa. Mula sa pagniniig ng dalawa ay isinilang ang islang tinawag na Futa-na.Matapos nito, marami pang isla ang sumunod. Pagkatapos isinilang naman ang mgadiyos at sa huli ay ang tatlong anak: ang diyos ng araw (Amaterasu-omi-Kami), angdiyos ng buwan at ang diyos ng bagyo(Susa-No-Wo). Mula kay Amaterasu-Omi-Kami(diyos ng araw) ay ang apong si Jimmu-Tenno na nagging unang emperador o Mikadong Japan at ditto na nagsimula ang kasaysayan ng Japan. 44

Sa kasalukuyan, kahit pa maraming nagging sekta ang Shintoismo, karamihanay naniniwala sa mga sumusunod na aral:1. Ang maging matapang, tapat at malinis2. Ang ama at ina ng mga hapon ay nagmula kay Izagani at Izanami3. Ang buhay ay mabuti4. Ang mundo ay naghahayag ng kagandahan lalong lalo na sa dignidad at simplisidad5. Ang gawa ay mas mahalaga kaysa argumento. Ang kamay ay mas malakas kaysa sa bibig. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magbigay ng tatlong gawaing Pilipino na may elemento ng paniniwalang Confucianismo Gawaing Pilipino Elemento ng Confucianismo1._______________________ _________________________2._______________________ _________________________3._______________________ _________________________Gawain B: Magbigay ng halimbawa ng mga turo ng Confucianismo, Daoismo atShintoismo na makakatulong sa iyong buhay moralidad1. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________2. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________3. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 45

Tandaan Mo! Ang confucianismo ay naniniwala sa Gintong aral –“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”, sa Moralidad at Edukasyon, pagpapahalaga sa mga nagawa ng tao at pagkakaroon ng mabuting pamahalaan.Ang Daoismo ay naniniwala sa pagsunod sa kalikasan, sa “Wu Wei” o pagtatakwilsa mga gawaing may hinihintay na kapalit at tutol sa pakikialam sa buhay ng tao atsa digmaan at maluhong pamumuhayAng Shintoismo ay naniniwala na ang buhay ay mabuti, ang mundo ay naghahayagng kagandahan lalong lalo na sa dignidad at simplisidad at ang gawa ay masmahalaga kaysa argumento. Ang kamay ay mas malakas kaysa sa bibig. Gawain 3: Paglalapat A. Panuto: Isulat sa mga titik A ang mga relihiyon sa Asya na napag- aralan sa modyul na ito. Isulat naman sa titik B ang nagtatag ng relihiyong ito. Isulat sa mga titik C ang bansang pinagmulan ng mga ito. Anong kaisipan ang natutunan mo batay sa nabuong Concept Mapping? 46

a. ______________ b. ______________ c. ______________a. ______________ a. ______________b. ______________ b. ______________c. ______________ c. ______________ MGA RELIHIYON SA ASYAa. ______________ a. ______________b. ______________ b. ______________c. ______________ c. ______________ a. ______________ b. ______________ c. ______________B. Pagbubuo Panuto: Punuan ang patlang sa ibaba at bumuo ng isang paglalahat tungkol sa mgarelihiyon sa Asya. .Ang mga relihiyon sa Asya na nagmula sa India ay ang (1) _______________,______________at ________________, Samantalang ang (2) ________________,__________________at _________________ ay nagmula sa gitnang Asya. Sa Tsinaat Japan naman galing ang mga relihiyong (3) ______________________,________________, at __________________. Si (4) _____________________ ang nagtatag ng Buddhismo; si (5)________________ ang sa Islam at si Lao Tzu ang sa_______________. Laganap ang Kristiyanismo sa (6) ___________________ samantalang sa Israelay (7) __________________ at may mga naniniwala pang mangilan-ngilan sa Jainismosa (8) ____________________. 47

C. Bakit mahalaga ang relihiyon sa buhay ng mga Asyano? • ________________________________________________________ • ________________________________________________________ • ________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO  Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, dapat mong tandaan ang mga sumusunod na mahahalagang kaalaman:  Ang prinsipal na relihiyon sa Asya ay Hinduismo, Islam at Buddhismo, samantalang ang ibang relihiyon o sektang di-gaanong laganap ay ang Sikhs, Parsis at Jains sa India.  Ang Hinduismo ay walang kinikilalang iisang indibidwal na tagapagtatag, ito ay nagmula sa mga Aryan, samantalang si Sidharta Gautama o Buddha ang nagtatag ng Buddhismo at si Mahavira naman ang nagtatag sa Jainismo.  Si Abraham ang kinikilalang tagapagtatag ng Hudaismo, samantalang si Hesu- Kristo ang nagtatag sa Kristyanismo at si Kutam Mohammed naman ang nagtatag sa Islam.  Ang Confucianismo ay nagmula sa turo ni Kung Fu Tsu o Confucius, si Lao Tzu naman ang pinagmulan ng Taoismo. Ang Shintoismo ay nagmula sa tradisyonal na paggalang ng mga hapon sa kalikasan  Ang mga relihiyon na nagmula sa India ay may karakter na pilosopikal, panloob at sumasaliksik sa natura ng realidad.  Ang mga relihiyon namang nagmula sa Gitnang Silangan ay may pagka moralista; at naniniwala sa relasyong tao at Diyos, sa kaligtasan at pagiging optimistiko. 48

 Ang sentral na paniniwala ng Hinduismo ay ang pagkakaroon ng isang unibersal na espiritu, o walang hangang essensya, walang simula at walang hangan, na tinatawag na Brahman. Ang pangunahing pananampalataya ng Buddismo ay pagkilala sa apat na dakilang katotohanan. Ang konsiderasyon sa lahat ng bagay na buhay ay buod at sentro ng paniniwala ni Mahavira at ng Jainismo. Tinagurian itong AHIMSA, ibig sabihin kawalan ng pananakit na nagbibigay dangal sa buhay at lahat ng may buhay. Ang Hudaismo ay naniniwala kay Yahweh, and Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob na nagligtas sa bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Ang bayang Israel ay bayang pinili ng Diyos sa pakikipagtipan kay Abraham. Ang Kristiyanismo ay naniniwala na si Hesus ay ang Mesias na ipinadala ni Yahweh upang iligtas hindi lamang ang Israel kundi ang lahat ng tao sa kasalanan. Ang Islam ay naniniwala na walang ibang Diyos kundi si Allah, si Mohammad ang kanyang propeta at ang tao ay dapat isuko ang sarili kay Allah Ang tatlong relihiyong ito ay naniniwala na may iisang Diyos na nagmamahal sa tao. Ang Confucianismo ay naniniwala sa Gintong aral –“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”, sa Moralidad at Edukasyon, pagpapahalaga sa mga nagawa ng tao at pagkakaroon ng mabuting pamahalaan. Ang Daoismo ay naniniwala sa pagsunod sa kalikasan, sa “Wu Wei” o pagtatakwil sa mga gawaing may hinihintay na kapalit at tutol sa pakikialam sa buhay ng tao at sa digmaan at maluhong pamumuhay Ang Shintoismo ay naniniwala na ang buhay ay mabuti, ang mundo ay naghahayag ng kagandahan lalong lalo na sa dignidad at simplisidad at ang gawa ay mas mahalaga kaysa argumento. Ang kamay ay mas malakas kaysa sa bibig. 49

PANGHULING PAGSUSULITPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Anong batas ng Hinduismo ang nagsasaad na “Anumang mabuti aygaling sa mabuti at anumang masama ay galing sa masama”?A. Batas ng Dharma C. Batas ng KarmaB. Batas ng Reinkarnasyon D. Batas ng Anatta2. Siya ang propeta ni Allah. C. Lao Tzu A. Kutam Mohammad D. Abraham B. Siddharta Gautama3. Ang pagdarasal ng Muslim ng limang beses sa isang araw.A. Hajj C. SawmB. Zakah D. Salat4. Ito ang tawag sa mga nagsulat ng buhay, turo at aral ni Hesus.A. Jains C. ApostolesB. Abu Bakr D. Evangelista5. Ang estado ng pagkawala sa tanikala ng reinkarnasyon at pakikiisa kayBrahman.A. Samsana C. DharmaB. Moksha D. Nirvana6. Ito ang aklat na sinulat ni Lao Tzu na nagging sandigan ng Daoismo.A. Tao Te Ching C. UpanishadB. Analect D. Limang libro ng K’ing 50

7. Siya ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ngBuddhismo.A. Kutam Mohammad C. Lao TzuB. Siddharta Gautama D. Abraham8. Ang una sa apat na banal na katotohanan ayon kay Buddha. A. Ang sanhi ng pagdurusa ay paghahangad B. Ang buhay ay puno ng pagdurusa C. Maaring mawala ang pagdurusa D. Nawawala ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagsunod sa walong tamang daan9. Ito ang dating lungsod ng Yathrib na tinaguriang lungsod ng kaharianng propeta kung saan nagkubli si Mohammad sa mga taong gustongpumatay sa kanya.A. Mecca C. JudahB. Medina D. Jerusalem10. Ito ang banal na kasulatan ng Shintoismo. C. Kojiki A. Tao te cheng D. Shu K’ing B. Analect11. Ang pangunahing paniniwala ng Jainismo na iba sa Hinduismo at Buddhismo. A. Ang mga Vedas ay hindi banal na aklat B. Ang Ahimsa o pagiging sagrado ng buhay C. Ang paggawa ng Dharma D. Ang Karma 51

12.Ang templong ginawa ni Abraham na kung saan naroroon ang itim nabanal na bato at kung saan humaharap sa direksyon nito kapag nananalanginang mga Muslim.A. Kaaba C. Temlo ni ShivaB. Altar D. Ang arko ng kasunduan13. Ito ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai. A. Kaaba B. Ang Sampung Utos C. Ang apat na banal na katotohanan D. Ang Shahada14. Ang tradisyonal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan.A. Jainismo C. ShintoismoB. Buddhismo D. Daoismo15. Ang unang tao na nilikha ni Brahman ayon sa paniniwalang Hinduismo.A. Manu C. AdanB. Abraham D. Brahmin16. Ito ang kumentaryo sa batas na itinuturo sa pamamagitan ngbukambibig ng Hudaismo.A. Upanishad C. TorahB. Talmud D. Analect17. Ang mga nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. A. Ang mga gurong Tomasinong amerikano B. Ang mga prayleng Kastila C. Ang mga sundalong Hapon D. Ang mga mangangalakal na intsik 52

18. Siya ang nagsagawa ng sermon sa Benares. A. Hesu-Kristo C. Ismael B. Mohammad D. Buddha 19. Sino ang nakakasakop sa Judea ng isilang si Hesus? A. Mga Kastila C. Mga Amerikano B. Mga Hapon D. Mga Romano 20. Ito ay ang banal na aklat ng Hinduismo. C. Vedas A. Koran D. Torah B. Bibliya GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. B 6. D 11. B 16. D 17. C2. D 7. A 12. D 18. D 19. B3. A 8. B 13. C 20. B4. C 9. B 14. B5. A 10. A 15. BARALIN 1 ANG MGA RELIHIYON SA ASYAGawain 1: Pag-isipan Mo!A: 1.Salat, 2.Samsana, 3. Nirvana, 4.Rosh Hashona, 5. Tao Te Ching 53

B. K OB R I SL AM U OI SD M SS ID S TH H NH I IU I DI N NA D AS A T NA OJ M I O II O C SS U MM F OO O N O C ONFUCI A NI S MOGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. 1. E 2. C 3. D 4. B 5. FB. Buddhismo: Burma, Thailand, Laos, Cambodia, Sri Lanka, at Japan Islam:Silangang Asya, Indonesia, Pakistan, Bangladesh, Malaysia, at AfghanistanGawain 3: Paglalapat 6. Hudaismo Gawain A 1. Buddhismo 54

2. Hinduismo 7. Kristiyanismo3. Islam 8. Taoismo4. Confucianismo 9. Islam5. Buddhismo 10. HudaismoB. Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyongsagotARALIN 2 MGA RELIHIYONG NAGSIMULA SA INDIAGawain 1: Pag-isipan Mo!A Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at Isanguni ang iyong sagotB: 1. Brahma 2. Sudras 3. Manu 4. Siddhartha Gautama 5. MahaviraGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. 1. Samsana 2. Brahma 3. Aryan 4. Karama 5. BrahminB:. 1.. Mali 55

2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. MaliGawain 3: PaglalapatA. 1. Tripitaka 2. Buddha 3. Ang paghahangad 4. Siddhartha Gautama 5. NirvanaB. Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyong sagotARALIN 3 MGA RELIHIYONG NAGSIMULA SA TSINAGawain 1: Pag-isipan Mo!K-krus,Kristo,Kalbaryo; R- rosaryo, Romano, Roma; I- Ilias,imahin; S- santo,sakramento ;T- tradisyon, trinidad; I-iisang Diyos; Y- Yahweh ; A- altar, abuloy;N- Nazareth; I- Israel; S- santo papa; M- Misa; O- olyo, ostiyaGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 5. AA. 1. E, 2.D, 3. C, 4. B,B. Paniniwala sa Iisang Diyos Paniniwala sa Angel Paniniwala sa pagmamahal sa kapwa 56

Paniniwala sa pagpapatawad at kapatawaran ng kasalanan May iba pang tamang sagot. Isangguni sa iyong guro.Gawain 3: PaglalapatA. Pababa Pahalang 1. Rabbi 2. Passover 2. Purim 5. Abraham 3. Hudyo 6. Yahweh 4. MosesB. Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyong sagotARALIN 4 RELIHIYONG NAGSIMULA MALAPIT SA SILANGANG ASYAGawain 1: Pag-isipan Mo! 1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo. 2. Gawaing may hinihintay na kapalit, digmaan, maluhong pamumuhay, pakikialam sa buhay ng may buhay 3. Tiwala sa pinuno, sapat na armas at sapat na pagkain 4. Moralidad at edukasyon 5. Pagsunod sa kalikasanGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyong sagotB. Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyong sagot 57

Gawain 3: Paglalapat Taoismo ConfucianismoA. Lao Tzu ConfuciusBuddhismo Tsina TsinaSiddhartha Gautama Pagmamahal sa kalikasan maging Superior na taoIndiaGintong AralHudaismo Islam JainismoAbraham Mohammad MahaviraGitnang Silangan Gitnang Silangan IndiaMaging tapat sa tipan pagsuko kay Allah paggalang sa buhayB. 1.Hinduismo, Buddhismo, Jainismo 2.Hudaismo, Kristiyanismo at Islam 3.Confucianismo, Taoismo at Shintoismo 4.Sidhartha Gautama 5.Mohammad; Daoismo 6.Pilipinas 7.Hudaismo 8.IndiaC. Maraming maaaring maging sagot. Makipagkita sa iyong guro at isanguni ang iyong sagotPANGWAKAS NA PAGSUSULIT:1. C 6. A 11. B 16. B 17. B2. A 7. B 12. A 18. B 19. D3. D 8. B 13. B 20. C4. D 9. B 14. C5. D 10. C 15. A 58

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 15 ANG EKONOMIYA SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 15 ANG EKONOMIYA SA ASYA “Economic Miracle”, iyan ang madalas na sinasabi kapag ang pinag-uusapanay tungkol sa ekonomiya ng Asya. Bakit? Marami ang hindi makapaniwala sa mabilis napag-unlad ng rehiyon. Sa dami nga namang pinagdaanang krisis ng rehiyon kagaya ng pananakop,digmaan, kalamidad, at iba pa, hindi madaling tanggapin ng iba na parang himalangagad na nakabangon ang Asya. Bagama’t may mga bansa pa ring mabagal ang pag-unlad, higit na nakararamiang patungo sa landas ng pag-unlad. Ano na nga ba ang kalagayan ng ekonomiya ng Asya sa kasalukuyan?Malalaman mo ang kasagutan matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito. May araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Katangian ng Ekonomiya ng Asya Aralin 2: Ang Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Asya Aralin 3: Antas ng Pagsulong at Pag-unlad sa Asya Aralin 4: Ekonomiya ng Asya sa Ngayon Aralin 5: Neo-kolonyalismo Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalarawan ang mga katangian ng ekonomiya ng Asya; 2. Masusuri ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at pag-unlad sa Asya; 3. Masusuri ang mga anyo at tugon ng mga Asyano sa Neokolonyalismo; 4. Mabibigyang-puna ang mga pagbabagong naganap sa ekonomiya sa pagdaraan ng panahon; 5. Mauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas; 2

6. Masusuri ang mga datos at kaisipan na may kaugnayan sa mga likas na pinagkukunang-yaman ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit nito; 7. Matatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas; 8. Malalaman ang pagkakaiba ng yamang-napapalitan sa yamang di-napapalitan; 9. Makapagmumungkahi ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa; 10. Maipapaliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon sa ekonomiya ng bansa; at 11. Maitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use). Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. PANIMULANG PAGSUSULITI. Tukuyin ang mga sumusunod. Hanapin sa ibaba ang kasagutan. 1. Kabuuang halaga ng mga kalakal at serbisyo sa loob ng bansa. 2. Bansang may pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP) sa buong Asya (1998). 3. Tawag sa mayayamang pamilya sa Hapon noon na kumukontrol sa mga industriya ng bansa. 4. Ang muling nagbukas sa mga daungan ng Hapon. 5. Sa kanya galing ang repormang “One Center, Two Basic Points” (GNP, GDP, Deng Xiaoping, Matthew Perry, Japan, Zaibatsu) 3

II. Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.HANAY A HANAY B1. Korea A. Deng Xiaoping2. Singapore B. Fidel Ramos3. Malaysia C. Park Chung Hee4. Philippines D. Indira Gandhi5. China E. Mahathir Mohammad F. Lee Kuan Yew 4

ARALIN 1ANG KATANGIAN NG EKONOMIYA NG ASYA Marahil malimit mong naririnig sa iyong Lolo na sa panahon nila marami silangnabibili sa kanilang piso. Ngunit ngayon kung may piso ka lang sa bulsa wala namasyadong mabibili. Ang sabi pa nga nila kahit maliit ang sahod nila noon magkakasyaparin upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Hindi katulad sa panahonnatin ngayon na kahit marami kang pera mahihirapan kapang pagkasyahin ito. Teka! Teka! May napansin kaba sa presyo ng ating bilihin? Tamaka, ito ay patuloyna hinihigit pataas. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ay isang mabigat na suliranin ngating bansa. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. 2. 3. 4. Gawain 1: Pag-isipan Mo! 5

Ang Katangian ng Ekonomiya ng Asya Maraming beses nang naisulat sa mga aklat na mayaman sa yamang-likas angrehiyon ng Asya kung kaya’t isa ito sa mga dahilan kung bakit nakarating dito ang mgadayuhan. Ang iba’t ibang pagsubok na naranasan ng Asya ang nagpatatag dito upangsikaping muling makabangon. Tunghayan natin kung paano umunlad ang sistema ngekonomiya ng ilang bansa sa Asya.Tsina 256 BC Sistemang Piyudal na pamamahala sa mga lupa 1860 Pagpasok ng mga Kanluranin Nagpagawa ng riles, kalsada, at mga pagawaan 1920 Lumitaw ang Chinese Communist Party Nagkaroon ng Reporma sa Lupa 1949 Pagkakatatag ng Pamahalaang Komunista 1. Kontrolado ang lahat ng pribadong lupa, pabrika, paaralan, istasyon ng radyo, pahayagan at mga bangko. 2. Inaresto ang mga dayuhang misyonero at mangangalakal. 3. Ang mga produkto sa mga pagawaan ay mahigpit na itinatakda ng pamahalaan. 1953 Inilunsad ang Five-Year Plan 1.Lumawak ang lupang pansakahan at naging matatag ang sistema ng irigasyon. 2.Maraming pabrika at pagawaan ang naitatag. 6

3.Naging masigla ang kalakalan, panlabas man o lokal. 4.Pinag-ibayo ang mga produkto. 5.Napaunlad ang mga sistema ng transportasyon tulad ng tren. 1958 Inilunsad ang Five-Year Plan II Naging bantog ang Great Leap Forward Pinalawak ang industriyalisasyon at pagmimina ng yamang-likas tulad ng bakal. 1976-85 Inilunsad ang 10 Taong Plano ng Modernisasyon Nakatuon sa agrikultura, tanggulang-pambansa, at agham at teknolohiya. 1990 Patuloy ang pag-akit sa mga kapitalista at teknolohiyang kanluranin.Hapon Ang kagila-gilalas na naging pag-unlad ng Hapon sa larangan ng ekonomiya ay naging inspirasyon ng maraming bansang Asyano. Mula sa pagiging wasak na bansa pagkatapos ng World War II ay nagawa nitong makabangong muli sa tulong na rin ng Estados Unidos. Hindi rin naging hadlang ang limitadong pinagkukunang-yaman nila. Pinagyaman nila ito at pinakinabangan nang husto sa tulong ng makabagong teknolohiya. Paano ba unti-unting umunlad ang Hapon? 7

1854 1991-Pagbubukas niMatthew Perry sa mga Naging pangalawa sa maydaungan ng Hapon pinakamataas na GDP sa buong mundo kasunod ng 1905 Estados UnidosItinatag ang malalakingindustriya sapangunguna ng mgaZaibatsu 1939 1945-1946Nangingibabaw sa Pagkasira sa mgapandaigdigang pangunahing industriyapamilihan ang industriya sanhi ng WW II atng tela pagbomba sa Hiroshima at NagasakiMga patakarang ipinairal sa permanenteng pagtatrabaho: Mataas na kasanayan sa edukasyong lakas-paggawa Maayos na sistema sa gulang at katandaan Work ethics - ugali sa paggawa 8

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanI. Isulat sa piramide ang mga kaganapan sa ekonomiya ng Tsina sa mga sumusunodna taon. 256 BC 1860 1920 1949 1963 1958 1976-1985 1990- 9

II. Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat. HANAY A HANAY B1. Kinontrol ng estado ang mga pabrika, A. 1920 B. 1958 estasyon ng tv, at radyo. C. 19002. Itinatag ang sistema ng irigasyon. D. 18603. Nagkakaroon ng Reporma sa Lupa. E. 19534. Nagpagawa ng mga riles, kalsada, at mga pagawaan. F. 19495. Naging tanyag ang Great Leap Forward.Tandaan Mo! 10

Gawain 3: Paglalapat Panuto: Isulat ang T kung Tama ang sinasabi tungkol sa hapon at M kung Mali. 1. Hindi na nakabangon ang Hapon matapos mabagsakan ng bomba atomika ang Hiroshima at Nagasaki. 2. Ang muling nagbukas sa mga daungan ng Hapon ay si Matthew Perry. 3. Pinaka-industriyalisadong bansa sa Asya ang Hapon sa kasalukuyan. 4. Hindi kailanman natalo sa digmaan ang Hapon. 5. Sobra o labis ang likas na yaman ng Hapon.ARALIN 2ANG PAGPAPAUNLAD SA EKONOMIYA NG ASYA Alam natin ang lahat ng problema ay may dahilan. Ang pag-unlad ng ekonomiya sa Asya ay may dahilan. Ano kaya ang dahilan nito? Sa para maipagpapatuloy natin ang pagtatalakay sa araling ito gawin mo muna ang unang gawain. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. 2. 3. 4. 11

Gawain 1: Pag-isipan Mo!Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat. HANAY A HANAY B1. Mahathir Mohammad A. South Korea2. Fidel Ramos B. Tsina3. Lee Kuan Yew C. Malaysia4. Deng Xiaoping D. Singapore5. Park Chung Hee E. Pilipinas F. TaiwanAng Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Asya Ano ang napansin mo sa mga larawan sa itaas? Nakikita mo ba ang mga ito saating bansa? Kung gayon, ano ang ipinahihiwatig ng mga ito? 12

Gaya ng makikita sa mga larawan, ang pagpapaunlad sa imprastraktura angmagiging susi sa mabilis at maayos na pakikipagkalakalan sa loob man o labas ngbansa. Ang mga bagong kalsada, tulay, daungan, riles, linya ng komunikasyon,elektrisidad, at iba pa ang hinaharap ng mga bansa sa Asya ngayon. Malaking pondoang inilalaan ng pamahalaan para dito. Subalit, isa lamang ito sa mga dapat isaalang-alang kung nais ngpangmatagalang pag-unlad. Kailangan ng matatag na pamahalaan, mga pribadongnegosyo, at pamilihan ng mga eksport. Walang mamumuhunan sa isang bansangmahina at magulo sapagkat maaaring manganib ang kanilang kapital. Magigingmatatag lamang ang pamahalaan kung matatag din ang pinuno. Tunghayan natin ngayon ang ilang repormang isinagawa para sa pagpapaunladng ekonomiya ng Asya. 1. Park Chung Hee…”Ekonomiya muna bago ang pamumulitika.” 2. Deng Xiaoping … “One Center, Two Basic Points” 3. Fidel Ramos … “Philippines 2000” 4. Gloria Macapagal-Arroyo … “Strong Republic” Dahil sa pamumuno ni Park Chung Hee, ang dating mahirap na South Korea ayisa na ngayong Tiger Economy sa Asya. Nakikipagsabayan na sa pandaigdigangkalakalan ang mga produkto nitong mga kotse at gamit elektronikong pambahay. Binigyang-diin naman ni Deng Xiaoping ang patakarang pagsunod sapamunuang Sosyalismo at Komunismong nakasentro sa pagpapaunlad ngekonomiyang may bahid ng kapitalismo. Ninais noon ni dating Pangulong Ramos na matamo ang kakayahangmakipagkompetensya sa pamilihang pandaigdig. Kasama na rin dito ang pagnanaisna mailawan ang bawat tahanan at magkaroon ng malinis na tubig ang bawat gripo satahanan. 13

Strong Republic naman ang kay Pangulong Arroyo, isang matatag na pamahalaan na handang humarap sa lahat ng pagsubok lalo na sa paglaban sa kahirapan at sa graft and corruption.Mga hamong kailangan harapin ng mga Asyano:  Paano maipagpapatuloy ang pagiging epektibo at mabisa upang hindi naisasakripisyo ang kapaligiran?  Paano makikipagsabayan at makikipagkompetensya ang mga produktong Asyano sa globalisasyon? Mabigat ang hamon sa mga Asyano. Sa paglago ng industriyalisasyon, hindi maiiwasang masira ang kapaligiran. Kailangang mag-isip, magsaliksik, at gumawa ng mga polisiya kung paano matatamo ang responsableng pag-unlad nang may tamang pangangalaga sa kapaligiran. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. Direksyon: Hanapin at bilugan ang mga apelyido ng ilang pinunong Asyano ng hinihingi sa ibaba. RX OA S HE E O MB MR A R X S K B B X R A MOS D QR MOH A MA D S O Y Y E WS I N X I A OP I NGM 1. Pinuno ng Singapore 2. May repormang “Strong Republic” 3. Pinuno ng Malaysia 14

4. “One Center, Two Basic Points” ang paniniwala niya 5. Namuno sa S. Korea at nagsabing “Ekonomiya muna bago pamumulitika.”II. Pagbubuo: Dugtungan ang mga salita upang mabuo ang mga pangungusap. 1. Magiging maunlad ang ekonomiya ng mga bansang Asyano kung… 2. Anumang krisis ang dumating sa mga Asyano, kayang-kayang labanan kung… Tandaan Mo! Gawain 3: Paglalapat Tukuyin ang mga sumusunod. Hanapin sa ibaba ang kasagutan. (GNP, GDP, Deng Xiaoping, Matthew Perry, Japan, Zaibatsu) 1. Ang muling nagbukas sa mga daungan ng Hapon. 2. Kabuuang halaga ng mga kalakal at serbisyo sa loob ng bansa. 3. Sa kanya galing ang repormang “One Center, Two Basic Points” 4. Tawag sa mayayamang pamilya sa Hapon noon na kumukontrol sa mga industriya ng bansa. 5. Bansang may pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP) sa buong Asya (1998). 15

ARALIN 3ANTAS NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD SA ASYA Nalaman mo sa nakaraang aralin ang pagpapa-unlad sa ekonomiya napinamamalas sa iba’t ibang bansa sa rehiyong Asya. Ngayon naman sa araling ito aytatalakayin natin ang antas ng pagsulong at pagunlad ng ekonimiya ng asya. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. 2. 3. 4. Gawain 1: Pag-isipan Mo! I. Direksyon: Tukuyin ang bansang pinamumunuan ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa tabi ng pinuno. Park Chung Hee 1. -- ______________________ Lee Kuan Yew 2. --______________________ 3. Mahathir Mohammad -- __________________ 4. Joseph Estrada --______________________ 16

II. Direksyon: Batay sa talahanayang nabuo mo sa Gawain 5, sagutin ang mgasumusunod: 1. Anong bansa ang nangunguna sa GDP? 2. Anong bansa naman ang nangunguna sa GDP per Capita? 3. Anu-anong bansa ang napasama pa rin sa 10 nangunguna sa GDP Per Capita? 4. Anu-anong bansa naman ang hindi napasama sa 10 nangunguna sa GDP per Capita? 5. Bakit nangyari ang ganito?Kung di lubos na naunawaan ay maaaring makipagkita sa guro bago pumunta sasusunod na gawain.Antas ng Pagsulong at Pag-unlad sa AsyaKalagayan ng Ekonomiya at Antas ng Kabuhayan sa mga Bansa sa AsyaRehiyon Bansa GDP Per capita GDP ($)Silangang Asya China 2.61 tri. 2,500.00 Taiwan 290.5 B 13,510 N. Korea 21.5 B 920 S. Korea 591.00 B 13,000 Japan 2.68 tril 21,300 Mongolia 4.9 B 1,970 Hongkong - 27,500Timog Silangang 180 B 2,530 Pilipinas 711 B 3,500Asya Indonesia 17

Singapore 66.1 B 22,900 Thailand 16.7 B 6,900 Malaysia 193.6 B 9,800 Brunei 4.6 B 15,800 Myanmar 47 B 1,000 Cambodia 7B 600 Vietnam 97 B 1,300 Laos 5.2 B 1,100Timog Asya India 1.41 Tril. 1,500 Pakistan 274 B 2,100 Bangladesh 144.5 B 1,130 Sri Lanka 65.6 B 3,600 Bhutan 1.2 B 700 Nepal 25.2 B 1,200 Maldives 390 M 1,500Timog Kanlurang 323.5 B 4,700 Iran 91.2 B 5,900Asya 18.3 B 4,900 Syria 345.7 B 5,500 Lebanon 19.3 B 4,700 Turkey 80.1 B 15,500 Jordan 189 B 10,100 Israel 30.8 B 17,000 Saudi Arabia Kuwait 12,000 20,820TKA Bahrain 7.3 B 24,000 Qatar 10.7 B UAE 70.1 B 18

Oman 19.1 B 10,800 Yemen 37.1 B 2,520 Afghanistan 12.8 B 600 Hilagang Asya Walang datos*World Almanac, 1998 Ang GDP o Gross Domestic Product ay ang kabuuang halaga ng mga kalakal atserbisyo sa loob ng bansa. Ang GDP per Capita naman ang kita ng bawat tao mula saGDP. Kung susuruing muli ang talahanayang nabuo sa gawain, masasabi nating hindigarantiya na kapag mataas ang GDP mo ay mataas na ang GDP per Capita mo. Anglaki ng populasyon ng bansa ay isa sa mga sanhi nito. Kahit gaano kalaki ang kinitang bansa kung marami rin naman ang aasa at makikihati dito ay mababa pa rin gayang kaso ng Tsina. Isa pang patunay nito ay ang Hongkong na napasama sa Top 10 saGDP pero nangunguna naman sa GDP per Capita. Kahit di gaanong malaki ang GDPng Hongkong gaya ng Japan, sa liit ng populasyon nito ay sobra ang kita para sa mgatao. Sa mga bansang napabilang sa Top 10 GDP per capita, ano ang kapansin-pansin sa kanila? Saan sila magkakatulad? Anu-ano kaya ang mga salik nanakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa? Hindi naging madali sa mga bansang Asyano ang pagtamo ng minimithingkaunlaran. Kung ilang ulit silang nalugmok subalit pilit pa ring bumabangon at nag-iisip, nagpaplano, kumukunsulta, at sumusubok ng iba’t ibang estratehiya paramagkaroon ng matatag na ekonomiya. Nagkakaisa ang maraming eksperto na angmga sumusunod ang mga salik na maaaring maging daan sa pag-unlad o humihilapara bumagal ang pag-sulong. 19

Pinagkukunang-yaman Kultura Sistemang PampulitikaUri ng Mamamayan Mga salik sa Mabilis na paglaki ng (ugali) pag-unlad ng populasyon ekonomiyaUri ng Pinuno Edukasyon Heograpiya Maraming naniniwala na kaya mabilis ang pag-unlad ng Singapore ay dahil sa mahusay na pamumuno ni Lee Kuan Yew. Nakapagtala ito ng U.S. $86 B, o $20,730 per capita sa buong mundo. Ang kanilang ekonomiya ay nakasentro sa pinansyal at serbisyong pangkalakalan. Ang mga sumusunod ang ilan sa sinasabing nakatulong sa pag-unlad ng Singapore:• Pagiging disiplinado ng mga tao.• Mahigpit na pagpapatupad sa mga batas lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan ng hangin at katubigan.• Maliit na populasyon. Ang South Korea sa pamumuno ni Park Chung Hee ay kabilang na ngayon sa 4 Tigers of Asia gaya ng Singapore, Taiwan, at Hongkong. Ilan lamang ang mga 20

sumusunod sa mga hakbang na isinagawa ni Park Chung Hee na nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng bansa:• Pakikipagkasundo ng Korea sa Japan noong 1965 na kung saan ang isinantabi ang kahilingan sa mga nasira ng digmaan kapalit ng tulong pang-ekonomiya. Sa kabilang dako, ang Pilipinas na dati ay nasa mataas na puwesto ngayon ay muli na namang bumabangon. Pagkakaiba naman sa relihiyon at paniniwala ang naging hadlang sa pag-unlad ng India at Pakistan. Kung nais ang ganap na kaunlaran, kailangang tulung-tulong ang lahat ng mga salik upang walang maging hadlang at mabilis ang pag-unlad.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanI. Direksyon: Itala ang mga bansang nangunguna sa bawat rehiyon batay sa GDP atGDP per Capita. Rehiyon GDP Per Capita GDP Bansa Bansa Silangang Asya Timog- Silangang Asya Timog Asya Timog-KanlurangAsyaAno ang ibig sabihin ng pangunguna ng mga bansang ito?Bakit kaya sila ang nangunguna sa kanilang rehiyon? 21

II. Direksyon: Isulat ang hinihingi sa bawat kahon.A. 4 Tigers of Asia B. Katangian ng mga Hapon kung bakit sila maunladTandaan Mo!Gawain 3: PaglalapatI. Direksyon: Isulat ang 10 bansang may pinakamataas ng GDP at GDPper Capita sa buong Asya. GDP ($) GDP Per Capita ($)1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.6. 6.7. 7.8. 8.9. 9.10. 10. 22

II. Direksyon: Isulat ang O kung Opinyon at K kung Katotohanan ang mga sumusunod na pahayag. 1. Maaring umunlad din tayo kung papalitan ang sistema ng pamahalaan. 2. Si Lee KuanYew ang isa sa sanhi ng pag-unlad ng Singapore. 3. Kapag sagana sa likas na yaman, siguradong uunlad ang bansa. 4. Mahirap pakisamahan ang mga dayuhang mangangalakal. 5. Ang Taiwan ay kabilang sa 4 Tigers of Asia.ARALIN 4: ANG EKONOMIYA NG ASYA SA NGAYON Sa araw-araw ng iyong buhay, gumagawa ka ng mga pagpapasya. Mula saoras ng paggising, sa pagsasakatuparan ng iyong mga gawain hanggang sa oras ngiyong pagtulog sa gabi. Anuman ang ginagawa mong pagpasya ay direktangmakaaapekto sa iyong buhay. Ang araling ito ay makatutulong sa iyong luminay at umunawa sa kalagayan ngekonomiya sa asya sa kasalukuyan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. 2. 3. 4. 23

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Ang Asya ang pinakamaunlad na bahagi ng mundo noong kalagitnaangpanahon. Ang Syria ay bantog sa mga tela, espada, bakal at mga gamit na gawa sapilak. Ang India naman ay kilala sa mga bulak samantalang ang Iran o Persia atGitnang Asya ay kilala sa alpombra. Ang Timog Silangang Asya sa mga panangkap sapagkain, samantalang ang Tsina ay kilala sa porselana at sa silk. Subalit sa kasalukuyang panahon, karamihan sa bansang nasa Asya ay kabilangsa mga bansang papaunlad pa lamang liban sa bansang Russia, Japan, Israel at angmga bansang mga mayayaman sa langis sa Timog Kanlurang Asya. Ang Asya ay hindi nakasabay sa rebolusyong industriyal na tinamasa ng mgakanluraning bansa kaya karamihan sa mga bansa dito at mga tao nito ay nabubuhay namalapit sa hantungan ng pagkabuhay. Ang agrikultura ay nananatiling dominanteng gawaing pang-ekonomiko sa buongasya liban sa Israel kung saan mababa pa sa tatlong porsyento (3%) ng populasyonang nasa pagsasaka, Japan na may limang porsyento (5%) ng populasyong ang nasapagsasaka at Kuwait na kung saan mababa pa sa dalawang porsyento (2%) ngpopulasyon ang nasa agrikultura. Kung paghahambingin ang proporsyon ng lakas 24

paggawa na nasa pagsasaka sa buong Asya may 54% sa Tsina, 46% sa Indonesia at61% sa India at ang pinakamataas na 87% sa Bhutan. May Apat na magkakaibang sistemang agrikultura ang matatagpuan sa Asya. Itoay ang maliitang agrikultura, agrikulturang plantasyon, kolektibong agrikultura at papalit-palit na agrikultura. Ang maliitang agrikultura ang maliliit na pribadong sakahan ay mayproduktong pangkabuhayan at may mga pananim na maaring ibenta para sapantahanang pagkunsumo o sa local na pamilihan ay matatagpuan sa mga bansangmay kapitalistang ekonomiya. Ang kolektibong pagsasaka, kung saan ang produksyonay batay sa sentral na pagpaplano ay isinasagawa sa Tsina. Ang agrikulturangplantasyon na kinabibilangan ng produksyon sa malalaking lupa ng isa o mangilan-ngilang produktong agricultural para sa banyagang pamilihan ay nakagawian na saTimog Silangang Asya. Ang papalit-palit na agrikultura o pagkakaingin ay isinasagawanaman ng mga katutubong tribu sa tropical na kagubatan. Ang pangunahing pananim sa Asya ay palay na karaniwang tinatanim sapinatubigang sakahan tuwing tag-init. Ang ibang palay ay sa matataas na lugartinatanim na wala ng irigasyon. Mahigit sa 90% ng bigas sa mundo ay nagmumula saasya, mga 40% nito mula sa Tsina, 20% sa India, 7% sa Indonesia at 6% saBangladesh. Ang trigo ang ikalawang mayor na pananim sa panahon ng tagtuyo sa hilagangTsina, Turkey at sa mga pampang ng Dagat Mediterannean. Mga 10% ng trigo samundo ay produkto ng Tsina, 7% sa India, 4% sa turkey at 5% sa iba pang bansa saasya.. Ang iba pang mayor na tanim na pagkain ay millet, sorghum, mais, barley,soybeans, at kaoliang. Ang pangkomersyal na produkto ay ang bulak (India at Tsina),seda (Tsina, India at Japan), jute (Bangladesh at Timog Silangang Asya), rubber atpalm oil ( Malaysia, Thailand at Indonesia), tubo (Pakistan, Thailand, Indonesia,Taiwan, India at ang Pilipinas), tsaa (India, Tsina, Indonesia at Japan), at kopra(Indonesia at Pilipinas). Ang pag-aalaga ng hayop ay may malaking gampanin sa agrikultura sa Asya.Ang Tsina ang may pinakamaraming alagang baboy sa buong mundo. Ang baboy ay 25

madaling alagaan, nagbibigay ng abono, at ang karne nito ay pangunahingpinagkukunan ng protina sa pagkaing Tsino. Ang kamel, na ginagamit sa transportasyon ay laganap sa mga tuyong lugar saAsya. Ang mga tupa ay inaalagaan sa mga semi-arid na mga lugar gaya ng SovietAsya, kanlurang Tsina at sa sentral na talampas sa India at sa gitnang silangang asya.Ang usa naman ay inaalagaan sa kanluraning bahagi ng Asiatic Russia. Ang Japan, India at Tsina ay sagana sa pagkain. May mga bagong binhi ng trigoat palay na pina-unlad noong 1960 at 1970 bilang bahagi ng programang greenrevolution, na nagpaparami nang maka-apat na beses sa ani sa isang hektaryangsakahan sa maraming lugar, subalit ang mga ito ay nangangailangan ng mga abuno atmasusing irigasyon. Dahil dito ang produksyon ng abuno ay lumaki ng husto gayon dinang bilang ng lupang may irigasyon. Ngunit liban sa Japan at Taiwan, ang mga abunoat irigasyon ay mahirap makuha ng lahat ng magsasaka. Yaong mga mahihirap atwalang pambayad nito ay nagtitiis na lamang sa maliit na ani. Ito ang nagpabilis ngkasalukuyang konsentrasyon ng pag-aari ng lupa, kahit pa maraming repormangagraryo ang namahagi ng lupa sa ilang bansa, lalo na sa Tsina. Ang paggamit ng makinarya ay hindi gaanong nagpataas ng produksyongagrikultural dahil ang agrikultura sa Asya ay tradisyonal na intensibong manggagawa.Mas marami pa ang problemang haharapin ng maraming bansa sa asya kung gagamitng makinarya sapagkat mahihirapang hanapan ng alternatibong trabaho ang mgamawawalang trabaho sa sakahan dahil kalimitang mabagal ang pagsulong ng sektor ngindustriya sa asya. Marami sa asya ang natutuon din sa paggugubat at pangingisda upangmatugunan ang local na pamilihan. Ang paggugubat at pangingisda ay mgapangunahing industriya sa Japan at Russia. Ang teak ay isang espesyal na trosonginaangkat mula sa Thailand at Burma. Ang saganang yamang mineral ng Asya ang nagbibigay ng mga hilaw namateryales sa karamihan sa industriya ng mundo. Noong 1993, ang gitnang silangan aynagkaroon ng 29% produksyong petrolyo sa buong mundo at 17% ng liquefied gas. AngRussia at mga dating nasyon ng Unyong Soviet ay nag-ambag ng 24% sa kabuuhangproduksyon ng coal sa buong mundo. Ang Tsina at India ay ang una at ikatlo sa buong 26

mundo ng opal samantalang ang Tsina ay ang ikaapat sa produksyon ng petrolyo.Noong 1995 ang mga bansa sa asya, liban sa gitnang silangan, Russia at mga bansang dating unyong soviet asya ay nagkaroon ng kabuuhang 91% produksyon sa mundong magnesite, 80% ng iodine, 74% ng tungsten, 68% ng graphite, 64% ng barite, 56%ng tin, 55% ng semento, 33% fluorspar, 31% ng iron ore, 29% ng manganese at 26%ng nickel. Sa kabuuhang halaga ng produktong mineral, ang asia ang nanguna sa lahatng mga kontenente. Ang industriyalisasyon ay malawakang pinaniniwalaan na solusyon sa problemang kahirapan at kawalang trabaho sa asya. Ang Japan ay ipinakita ang bentahe ng “economic miracle” at napatunayan ng Taiwan, South Korea, Singapore at Israel na angmodelo ng hapon ay maaring tularan kahit saan man. Ang Timog Kanlurang Asya aynakinabang sa banyagang tulong sa limitadong paraan, lalo na sa kaso ng Turkeysubalit langis pa rin ang nakapagbigay ng maraming kapital na kailangan sa pag-unlad. Ang Russia at Japan ang kabilang sa mga nangunguna sa mundo sa laranganng manufacturing. Subalit ang pangunahing industriyal sa Russia ay nasa bahagi ngEuropa. Ang Russian Asya ay isang imbakan ng yamang natural na hangang ngayonay hindi pa nagagalaw dahil sa kawalan ng daanan tungo sa pamilihan. Ang Japan aykulang sa hilaw na material sa industriya at nagpakadalubhasa sa produksyon ngmakinaryang teknikal, kagamitang pang transportasyon at mga instrumentong eksaktona may mataas na halaga subalit kaunti sa rami. Ang Tsina ay nagekspiremento panandalian sa industriyalisasyong batay samahihirap noong 1958-60 subalit iniwan ang pamamaraang ito dahil maaksaya.Matapos ang rebolusyong cultural ang Tsina ay nagsimulang mag-angkat ngmakabagong teknolohiya mula sa kanluran upang pagtibayin ang programangindustriyalisasyon. Ang mga industriya ay hinikayat na maging Malaya at tumugon sakagustuhan ng pamilihan kahit pa bumagal ang reporma nito noong 1980. Katulad ngIndia, ang Tsina ang nangunguna sa magaang manufacturing. Ang Timog SilangangAsya at Gitnang Silangan ay nagmamay-ari ng kakaunting mahahalagang rehiyongindustriyal. Anumang maliit na manufacturing ang nananatili at konsentrado sa ilangmga kabisera at komersyal na lungsod. Sa Gitnang Silangan ang pag-unlad ng 27

industriya ay nagambala ng pananakop ng Iraq sa Kuwait noong 1990 na nagginggiyera sa gulfo noong 1991. Ang petrolyo ang pangunahing eksport ng mga bansang mayayaman sa langissa gitnang silangan. Ito ay bumubuo ng 90% ng lahat ng eksport ayon sa halaga, ngSaudi Arabia at ang pangunahing eksport ng Iran at Kuwait, tulad ng sa Iraq bagomagkaroon ng pandaigdigang embargo sa dalawang nasyon matapos ang pagsakop ngIraq sa Kuwait noong 1990. Ang Indonesia ang kasalukuyang nag-iisang bansang maymalaking eksport ng petrolyo sa mga bansang monsoon sa asya. Ang rehiyonal na epekto ng pagsakop ng Iraq sa Kuwait na naghantong sa gerasa gulpo ay binubuo ng pagkawala ng kita ng mga daan-daang Palestino, Jordano,timog asyan at Pilipinong manggagawa sa rehiyon; ang pagtigil ng eksport sa pagtaasng presyo ng langis at ang pagkawala ng kita ng mga Turko at Jordano mula sakanilang eksport sa Iraq. Ang eksport mula sa Timog Silangang Asya ay binubuo ngmga produktong tropikal at mineral (rubber, palm oil, tubo, niyog, tin, bauxite)karamihan ditto ay dinadala sa mga industriyal na bansa sa mundo. Ang eksport ngIndia ay mga tela, produktong makinarya at handicraft. Ang pangunahing import ay angproduktong galing sa petrolyo. Ang banyagang kalakal ng Tsina ay tumaas noong 1980,subalit nahuhuli ito sa Taiwan at Japan. Ang mga rehiyonal na pagtutulungan ay makikita sa Columbo Plan noong 1960,sa Asosasyon ng mga nasyon sa Timog Silangan (ASEAN) noong 1967 bilang pamalitsa SEATO, sa lagging nagkakahati-hating liga ng mga Arabo, noong 1945 at angasosasyon ng timog silangan para sa rehiyonal na kooperasyon noong 1985 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 28

Tandaan Mo!Gawain 3: Paglalapat 29

ARALIN 5NEO-KOLONYALISMO Pagnarinig mo ang salitang Neokolonyalismo, ano ang sumasagi sa iyongisipan? Tinatalakay dito ang ibig sabihin ng neo-kolonyalismo at mga uri nito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. 2. 3. 4. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto 30

NEO-KOLONYALISMO Ano ang masasabi mo sa mga larawan sa itaas? Ilan lamang yan sa mga paraanng pagsasamantala ng isang mayamang bansa sa isang mahirap na bansa na lumitawpagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Marami ang nag-akala noon namalaya na ang maraming bansa, subali’t sa paglipas ng ga taon ay nagising ang mgabagong layang mga bansa na ang kalayaang kanilang natamo ay hindi ganap at totoogaya ng kanilang inaasahan. Lumitaw ang isang bago at ibang uri ng pananakop natinatawag na Neokolonyalismo. Ito ay hindi tuwirang pananakop dahil walangmadugong labanan at mga armas, sa halip ay kontrolado ng isang mayamang bansaang lahat ng aspekto ng kabuhayan ng isang mahirap na bansa gaya ng Pilipinas. Uri ng Neo-kolonyalismo: Ekonomiko Kultural Ipinapakita ito sa Ipinapakilala ng mgapagbibigay kunwari ng tulong dayuhan ang kanilang mgaat pagpapautang para sa musika, sayaw, palabas,pagpapaunlad ng bansa, babasahin, atbp na massubalit ang totoo ay itinatali pinahahalagahan ng mga taosya nito sa mga patakaran na kaysa sa sarili nilang gawa.pabor sa kanya. 31

Epekto ng Continued enslavement oNeokolonyalismo patuloy na pang-aalipin Loss of pride o kawalan ng karangalan Over dependend o labis na pagdedepende sa iba Mahalaga na kumilos ang pamahalaan at mga mamamayan kung nais namakamit ang tunay na kahulugan ng salitang “kalayaan”. Kailangan ang Political Will atStrong Republic na siyang isinusulong ng Pilipinas sa kasalukuyan. Panahon na rin napag-aralan ang ating mga batas na may kaugnayan sa pakikipagkalakalan atpagtuunan ng pansin ang tinatawag na Globalisasyon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. Direksyon: Sumulat ng isang sanaysay. Pumili ng isang paksa sa ibaba at talakayin. 1. Pagsikip, kaakibat ng Pag-unlad 2. Katatagan sa Gitna ng Krisis 3. Isang Bansa, Isang Lahi 32

II. Direksyon: Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M kung Mali. 1. Madaling masakop ang isang bansang walang matatag na pamahalaan. 2. Lahat ng tulong na ipinagkakaloob ay may hinihintay na kapalit. 3. Ganap na malaya ang isang bansa kung nagsasarili na ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. 4. Higit na maganda at matibay ang gawa ng ibang bansa sa lahat ng iba sa lahat ng klase ng produkto. 5. Mabuting ugali ang palaasa. Tandaan Mo! 33

Gawain 3: Paglalapat MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? 34


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook