PANGWAKAS NA PAGSUSULITI. Tukuyin ang mga sumusunod. Hanapin sa ibaba ang kasagutan.1. Ang muling nagbukas sa mga daungan ng Hapon.2. Kabuuang halaga ng mga kalakal at serbisyo sa loob ng bansa.3. Sa kanya galing ang repormang “One Center, Two Basic Points”.4. Tawag sa mayayamang pamilya sa Hapon noon na kumukontrol sa mga industriya ng bansa.5. Bansang may pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP) sa buong Asya (1998). (GNP, GDP, Deng Xiaoping, Matthew Perry, Japan, Zaibatsu)II. Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.HANAY A HANAY B1. Mahathir Mohammad A. South Korea2. Fidel Ramos B. Tsina3. Lee Kuan Yew C. Malaysia4. Deng Xiao Ping D. Singapore5. Park Chung Hee E. Pilipinas F. Taiwan 35
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT I. 1. GDP 2. Japan 3. Zaibatsu 4. Matthew Perry 5. Deng Xiao Ping II. 1. C 2. F 3. E 4. B 5. AARALIN 1 KATANGIAN NG EKONOMIYA NG ASYAGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. 1. Sistemang Piyudal 2. Pagpasok ng mga Kanluranin 3. Lumitaw ang Chinese Communist Party 4. Pagkakatatag ng Pamahalaang Komunista 5. Inilunsad ang Five-Year Plan 6. Inilunsad ang Five-Year Plan II 7. 10 Taong Plano ng Modernisasyon 8. Pag-akit sa mga Kapitalista 36
II. 1. F 4. D 2. E 5. B 3. AGawain 3: Paglalapat 1. M 2. T 3. T 4. M 5. MARALIN 2 ANG PAGPAPAUNLAD SA EKONOMIYA NG ASYAGawain 1: Pag-isipan Mo!1. C2. E3. D4. B5. AGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanI. 1. Yew 2. Arroyo 3. Mohammad 4. Xiao Ping 5. HeeII. Ipatsek sa gurong tagapamahala. 37
Gawain 3: Paglalapat 1. Matthew Perry 2. GDP 3. Deng Xiao Ping 4. Zaibatsu 5. JapanARALIN 3: ANTAS NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD SA ASYAGawain 1: Pag-isipan Mo!I. 1. South Korea 2. Singapore 3. Malaysia 4. PilipinasII.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanI. Rehiyon GDP Per Capita GDP Bansa Bansa Silangang Asya Japan Hongkong Singapore Timog- Malaysia Singapore Silangang Asya UAE Timog Asya India Timog- Turkey Kanlurang Asya 38
II. A. South Korea 1. Hongkong Taiwan 2. UAE Singapore 3. Singapore Hongkong 4. Qatar 5. Japan B. disiplinado 6. Kuwait masipag 7. Brunei may kasanayan 8. Israel 9. TaiwanGawain 3: Paglalapat 10. South KoreaI. 39 1. Japan 2. China 3. India 4. South Korea 5. Turkey 6. Iran 7. Taiwan 8. Pakistan 9. Malaysia 10. Saudi ArabiaII. 1. O 5. K 6. O 7. O 8. K
ARALIN 4 EKONOMIYA NG ASYA SA NGAYONGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatARALIN 5 NEO-KOLONYALISMOGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 4. MI. Ipatsek sa gurong tagapamahala. 5. MII. 1. T 2. M 3. TGawain 3: Paglalapat 40
PANGWAKAS NA PAGSUSULITI. 1. Matthew Perry 2. GNP 3. Deng Xiao Ping 4. Zaibatsu 5. JapanII. 1. C 2. E 3. D 4. B 5. A 41
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 16 SINING NG TEATRO AT ANG MARTIAL ARTS SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 16 SINING NG TEATRO AT ANG MARTIAL ARTS SA ASYA Ang naging kontribusyon ng mga Asyano sa larangan ng sining ay hindi matatawaran. Naging bahagi na ang sining at palakasan ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang Asyano. Ang kanilang kultura at tradisyon ay labis na naimpluwensiyahan ng uri ng sining na umiiral sa iba’t-ibang bansa sa Asya na di naglaon ay nagging sagisag na rin ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang bansa. Samantala ang palakasan ay nagging isang daan upang magkabuklod-buklod ang mga mamamayang Asyano. Ang nakaraang Ika-23 Souteast Asian Games na isinagawa sa Pilipinas ay isang patunay ng pagpapahalagang ibinibigay nila sa larangan ng isport at palakasan. Din a mabilang ang mga Asyanong nagging matagumpay, hinangaan at dinakila sa iba’t-ibang palaro. Sila ay nagsilibing inspirasyon upang patuloy na magkaisa at magnais ng kapayapaan ang lahat ng mamamayan sa Asya May dalawang araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Martial Arts sa Asya Aralin 2: Ang Sining ng Teatro sa Asya Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa moang mga sumusunod: 1. Mailalarawan ang sining ng martial arts na naging tanyag sa Asya; 2. Maipapaliwanag ang naging impluwensya ng martial arts sa pamumuhay ng mga Asyano; 3. Matutukoy ang iba’t-ibang uri ng martial arts na nakilala sa Asya; 4. Mailalarawan ang sining ng teatro sa Asya; 5. Maipapaliwanag kung paano naaimpluwensya ang sining ng teatro sa pamumuhay ng mga asyano; at 6. Matutukoy ang iba’t-ibang sumikat na teatro sa mga bansa sa Asya. 2
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihandapara sa iyo.PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Bilugan ang tamang sagot.1. Hango sa wikang Koreano na ngangahulugan ng “ sa pamamagitan ngkamay at paa”A. Tae Kwon Do C. KarateB. Kung Fu D. Judo2. Ipinakilala ni Kano Jigoro ang martial Arts na ito noong 1882.A. Jujutso C. JudoB. Tae Kwon Do D. Aikido3. Sa isport na ito ang mga malalaking lalake ay nagbubuo sa loob ng ring.A. Kickboxing C. JudoB. Kendo D. Sumo4. Kilala rin ito bilang “Japanese Fencing” C. Kendo A. Jujutso D. Aikido B. Karate5. Ang kahulugan ng jujutso. A. sining ng pagkamahinahon B. daan tungo sa pagkakasundo C. sa pamamagitan ng espada D. kamay na walang hawak 3
6. Ang PEAR GARDEN ay nakilala sa bansang ito.A. Cambodia C. TsinaB. Japan D. Thailand7. Kauna-unahang teatro sa Tsina. C. Jing Xi A. Yuan Zagu D. Kunqu B. Huaju8. Kinilala ang No sa bansang ito. C. Japan A. China D. Myanmar B. Cambodia9. Tinanghal bilang pinakapopular na teatro sa bansang Japan.A. Kabuki C. KK OKTU KAKSIB. Huaju D. Sandae- Guk10. Tampok ditto ang paggamit ng naglalakihang puppet na tinatayangpinakamalaki sa buong mundo.A. Khon C. Lakhon Fai NaiB. Nang Yai D. Katkhakali11. Sa bansang ito galling ang Nat Pwe at Zat Pwe.A. Myanmar C. PhilippinesB. Vietnam D. Sri Lanka12. Palabas mula sa Pilipinas na nagpapakita ng labanan sa pagitan ng mgaKristiyano at Muslim.A. Balagtasan C. Moro-MoroB. Opereta D. Zarzuela 4
13. Isinasagawa ng mga Mahayana Buddhist Monks.A. Nang-Yai C. Wayang KulitB. Khon D. Mani-Rimdu14. Ang pinakapopular na Balinese Dance Drama.A. Nat Pwe C. LegongB. Hat Boi D. Lakhon Fai Nai15. Ang orihinal na pinagmulan ng Balinese Dance Drama.A. Myanmar C. VietnamB. Thailand D. Indonesia 5
ARALIN 1ANG MARTIAL ARTS SA ASYA Ang martial arts o ang sining ng pakikipaglaban gumagamit man o hindi nganumang armas ay sinasabing nagmula sa Silangang Asya. Ang martial Arts ayisinasagawa na sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tinatayang humigit kumulang 100milyon tao ang nagsasagawa nito bilang pagtatanggol sa sarili, pagtatamo ngkapanatagan ng isipan at bilang bahagi ng isang kumpetisyon. Iba’t-ibang uri ngmartial Arts ang sumibol sa mga bansang Asyano na di naglaon ay nagging popularnarin sa iba’t-ibang panig ng mundo. Karamihan sa mga martial arts na ito ay naimpluwensyahan ng mga pilosopiyasa Silangan. Ilan ditto ay ang Budismo at Daoismo. Ayon sa mga tagasunod ngBudismo ang bawat isa ay dapat na magsumikap na magpatuloy sa pagpapabuti ngkanilang sarili upang matamo ang sariling kagalingan a t kaliwanagan. Samantala ang mga tagapagsulong naman ng Daoismo ay nagsasabi na maymga pisikal na ehersisyo na naglalayon din ng sariling kagalingan at kaliwanagan. Di tulad ng maraming isports at gawang pisikal na kadalasang nakapokus samga pisikal na pagsasanay, ang martial arts ay naglalayon na isulong ang pag-unldng isip at katawan ng mga magsasagawa nito. Para sa mga magsasagawa ng martial arts, ito ay hindi tungkol sapakikipaglaban bagkus, ito ay nakatuon sa buhay at sa pagpapabuti nito. Sapamamagitan ng martial arts nababawasan ang pag-aalaala at madaragdagan angpagiging responsible at tiwala sa sarili. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mailalarawan ang sining ng martial arts na naging tanyag sa Asya; 2. Maipapaliwanag ang nagging impluwensya ng martial arts sa pamumuhay ng mga Asyano; at 3. Matutukoy ang iba’t-ibang uri ng martial arts na nakilala sa Asya; 6
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: May makikilala ka bang marunong ng mga sumusunod na martial arts? Isulat ang kanyang pangalan.. SUMO KARATE KICK BOXING______________________ ______________________ ____________________________________________ ______________________ ____________________________________________ ______________________ ____________________________________________ ______________________ ______________________ Martial Arts KUNG-FU ______________________ AIKIDO TAE KWON DO ____________________________________________ ______________________ ____________________________________________ ______________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ______________________ 7
Mga Pangunahing Martial Arts Ang mga pangunahing martial arts ay gumagamit ng teknik ng paghampas o pagpalo, gamit ang kamay, siko, paa, tuhod, at ulo. Ilang halimbawa nito ay ang:Karate Hango sa wikang Hapones na nangangahulugn ng “kamay na walang hawak”.Nagmula sa Okinawa noong mga taong 1600’s bilang “te” o kamay na mayimpluwensya ng kung fu ng mga Intsik. Kinilala si FUNAKOSHI GOCHIN isang gurosa Okinawa, ang Ama ng Makabagong Karate na siyang nagdla sa Japan noong1922. Ang karate ay nilahukan niya ng pilosopiya ng pagpapaunlad ng kaisipan ngmga mag-aaral nito at tinawag itong KARATE-DO. Ang pagsasanay ang ginagawasa mga DOJO o bulwagan ng pagsasanay at gamit ay GI-O ang puting damit naginagamitan ng iba’t-ibang kulay ng sinturon depende sa ranggo ng may suot nito. 8
Kung-fu Mula sa Tsina at nangangahulugan ng kasanayan, kakayahan at gawain, ito aygingamitan ng suntok, hampas, sipa at pagbabato o paghahagis. Hindi tulad ngKarate ang Kung Fu ay gumagamit ng espada o polo (piraso ng khoy). Sinasabingnagmula sa Tsina mga 2000 taon na ang nakalipas at hinihinalang ginamit din napamamaraan ng pakikipaglaban sa Sinaunng India.Tae-kwon-do Hango sa wikang Koreano na nangangahulugan ng sa pamamgitan ng kamayat paa. Nagmula noong 1955 sa pangunguna ni CHOI HONGHI. Ito ang pambansangisports at libangan sa Korea at tanyag na tanyag na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo.Ang tae-kwon-do ay ginagamitan nng mga natatnging pagsipa at nilalahukan ngpaglundag at pagikot. Napili bilang isa sa mga opisyal na isport sa Olympic ang tae-kwon-do noong 2000 kung kailan ginanap din ang Olympic Summer Games saSydney, Australia. 9
Iba pang Martial Arts Ang iba pang uri ng martial arts ay gumagamit ng teknik ng pakikipagbuno upang maihampas, mapigilan at maihagis ang kalaban. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang:Jujutso Hango sa wikang Hapones na nangangahulugan ng “sining ngpgkamahinahon”. Hindi matukoy kung saan ito nagmula bagamat tinatayang bahagiito ng paraan ng pakikipaglaban ng mga Damurai noong ina- 15 at 16 na daan siglo.Judo Hango sa wikang hapones na nangangahulugan ng “daan sa kahinahunan”. Itoay isang sining ng pagtatanggol ng sarili at nagmula sa Jujutso. Nagsimul ito noong1882 sa pangunguna ni KANO JIGORO. Tulad ng Jujutso gumagamit din ang Judo ngkakayahan sa pakikipagbuo at paghagis upang talunin ang kalaban. 10
Aikido Hango sa wikang Hapones na ngangahulugan ng “daan tungo sapagkaksundo”. Tulad ng Judo hngo rin ito sa JUJUTSO. Noong 1925, sa pangungunani WESHIBA MORIHEI, nagsimula ang aikido. Di nagtagal, sinamahan niya ito ngZEN. Ang Aikido ay di isang paraan ng pakikipaglaban, bagkus ito ay pakikipag-ugnayan sa kalikasan at naglalayon na makasundo ang katunggali. Noong 1987naging tanyag ang tinatwag na Combat Aikido sa pamamgitan ng pelikulangpinagbibidahan ni Steven Seagal, isang eksperto sa Aikido.Martial Arts May ilang martial arts na ngayon ay ginagawa na rin bilang isports. Kung saan may isinasagwa ng kompetisyon para dito, May limang tanyag na Martial Arts sa buong mundo;, ang karate, karate-do, ang Olympic Sports na Tae-kwon-do , judo at kick boxing. Ang sumo wrestling at kendo ay tanyag na martial sports din na prehong nagmula sa Japan. 11
Kickboxing Ito na marahil ang pinakatanyag na martial arts para sa mahihilig sa isportsdahilan nrin sa malawakang pagpapakita nito sa mga telebisyon. Ang isports na ito aynagmula sa Thailand ilang daan taon na ng nakalilipas at lumaganp sa America noong1970’s kung saan ito ay nagging tnyag na husto. Gumagamit ng teknik ng pagsuntokng mga kanluranin at teknik naman ng pagsipa mula sa martial rts ng Silangan.Sumo Isa pa sa pinakatanyag na isport ay ang sumo na nagmula sa japan. Sa isportna ito mga malalaking lalake ang nagbubuno sa loob ng ring. Ang layunin nito aymatapon palabas ng ring ang kalaban o kaya mailapat ng ano mang bahagi ng katwnnito sa lapag ng ring. Ang sumo ay hango sa sinauna pang paraan ng pakikipagbunona tinatawag na SUMAI (paglalaban) na tinatayang nagmula noon pang 23 BC.Pwede sa isports n aito ang paghagis, paghila, pagpalo, pagbato, at pagtapon sakalaban. 12
Kendo Hango sa wikang Hapones na nangangahulugan sa pamamagitan ng espadaat kilalarin bilang Japanese Fe ncing. Ito ay isang sinauna pang isports ng espadahan.Bagamat noong unang panahon ng mga kalahok ay gumagamit na armas ay yari nalamang sa kawayan. Ang kendo ay may malaking i9mpluwensya sa martil arts ngJapan na tinatawag n Kenjetsu (sining sa paggamit ng espada) na ginagamit samortal combat ng mga samurai. Samantala ang martial arts ay unang nakita sa United States noong 1840’sdala-dala rin ng manggagawang Tsino na may kasanayan sa Kung-Fu. Ilang daan tonpa ang lumipas at ang Judo, kendo at karate ay nagging tanyag narin ditto. Nagingmabilis ang paglaganap ng mga martial rts sa iba’t-ibang panig ng mundo. Noong ika-20 siglo maging sa Europe ay mabilis na lumaganp ang martial arts bunga na rin ngpaglalakbay ng mga eksperto ditto. Malaki rin ang nagging bahagi ni Bruce Lee isang aktor na Tsino-Amerikano,ang pelikula niyang ENTER THE DRAGON ay nagpasikat ng hust sa martial arts. Angmga taong 1972-1975 na kasagsagan ng kasikatan niya.. 13
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanPanuto: Paghambingin: KUNG-FU TAE-KWON-DOA. KARATEB. SUMO KENDO KICKBOXING. Tandaan Mo! Ang mga pangunahing martial arts ay ang Karate, KungFu, at Tae-Kwon-Do. Ang iba pang mga nakilalang martial arts ay ang jujutsu, Judo, at Aikido. May mga ilang martial arts ang ginagawa na ngayonng isports na rin sa mga kompetisyontulad ng karate,karate-do, tae-kwon-do,judo at kickboxing. 14
Gawain 3: Paglalapat A. Alin sa mga martial arts ang gusto mong matutunan? ________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ B. Magtala ng ilang Asyano na kinilalasa iba’t-ibang larangan ng palakasan. 1. _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. _________________________________________________________ _________________________________________________________ 3. _________________________________________________________ _________________________________________________________ARALIN 2ANG SINING NG TEATRO SA ASYA Ang teatro kung saan may nagsisikap na mga artista o puppet sa mga palabasat dul-dulaan ay tanyag na tanyag sa Asya. Kadalasan ito ay pinagsama-samangkwento, sayawan at awitan at ginagamitan ng makukulay na mascara at make-up ngmga artista, magagara at magagarbong props at kasuotan. Karamihan din ditto ayhango sa mg magagandang istorya ng buhay . Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mailalarawan ang sining ng teatro sa Asya; 2. Maipapaliwanag kung paano naaimpluwensya ang sining ng teatro sa pamumuhay ng mga asyano; at 3. Matutukoy ang iba’t-ibang sumikat na teatro sa mga bansa sa Asya. 15
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Ikaw ba ay nakapanod na ng dula-dulaan. Subukan sagutin ang mga ito.Pamagat:____________________________________________________________Mga Bida:___________________________________________________________Lugar na Pinagdausan:________________________________________________Buod:_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Aral:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Mga Puna/Suhestiyon:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 16
Kahulugan ng Teatro Kadalasang hango sa mga paniniwalang pangrelihiyon. Maraming relihiyon angnakaimpluwensya sa Teatro ng mga Asyano. Ang mga epikong MAHABHARATA ATRAMAYANA na umiinog sa mga diyos na sina KRISHNA at RAMA at sa mgabayaning tulad ni ADJUNA ay naipalabas na sa maraming teatro sa mga bansa saTimog Silangang Asya. Gayundin ang kwento ng tagasunod ng Budismo na siJATAKA na naipalabas na rin sa iba’t-ibang teatro sa Asya. Nangangailangan ng mahabang panahon ng paghahanda at pagsasanay ngmga artista. Karaniwang binubuo ng maraming anyo ng sining tulad ng sayaw, awit,acrobatic, at iba pa.Ang Teatro s Ilang Piling Bansang AsyanoCHINA Pangkaraniwan na ang mga awit at sayaw sa teatro ng mga Tsino. Nagsimulaito noon pang ika-3 siglo BC. Sa pamumuno ni XUANZONG naitayo ang PEARGARDEN isang konserbatoryo kung saan na nagssanay ang mga artista. May 4 napangunahing panahon ng pagsulong ng tetro s Tsina.Yuan ZajuKauna-unhang teatro sa Tsina at nagsimula noong ika-13 siglo 17
Kunqu Isang eleganteng pgsasadula na nagsimula noong ika-16 na siglo.Jing Xi Ang pinakatanyag at kilala ng mga kanluranin bilng Peking opera. Nagsimulanong ika-19 siglo, sumikt ng husto dahil sa makukulay n mascara at make-upng mgaartista. Kapuna-puna din ang mhusay n pagssama-sama ng sayaw, wit at acrobtics.Kadalasan gumagamit din ng iba’-iba pang musikang instrumento.Huajo Drama at nagsimula noong 20 siglo.JAPAN Ang tradisyunal na teatro ng mga hapones ay ngsimula mga 1300 taon na ngnakalipas . Ilang mga pangunahing halimbawa nito ay ang:Nô Ang pinakatanyag mula pa noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ynakikilala noong ika-14 na siglo sa pangunguna ni Zeami Motokiyo, isang actor nanagtatanhal s teatro ng kanyang ama na noon ay itinataguyod ng isang Shogun na si 18
Yoshimitsu. Ang Nô ay binubuo ng apat na sangkap, ang musika, koreograpiya,literature t dramatic effects ng mascara t mga kasuotan.Kabuki Nagmula sa pagtatanghal na ginawa ni Okuni isang babaeng mananayawnoong 1600. Suot ang panlalking kasuotan siya ay nagtanghal ng isng maemosyongsayaw at sjkit na tinawag na Kabuki. Di na nagtagal ng Kabuki ang tinanghal napinakapopular na palabas sa Teatro ng mga Hapones.Bankuru Nagsimula non din 1600 ito ay itinatanghal ng mga puppet na may sukat na 3feet 19
KOREA Ang pagtatanghal ng puppet sa Korea ay nagsimula non pang ika-7 siglo.Kkoktu Kaksi Iisang tradisyunal na pagtatanghal ng puppet sa Korea. Isang tao ang umaawithabang pinapagalaw ng mga puppet.Sundae-Guk (Pagtatanghal sa kabundukan). Kadalasang itinatanghal sa labas at tumatagalang katutubong drama na ito ng magdamag.INDONESIA Ang pinakaunang makabagong dula ay ang BEBASARI (1926) ni RUSTUMEFFENDI na isang talinghagi ng pagtuligsa ng mga Indonesian sa pananakop ng mgaDutch.Wtang-Kuut Isang halimbawa ng pagtatanghal ng puppet noon pang ika-10 siglo atgumagamit ng mga kwentong hinango sa mga epikong Hindu.Balinese Dance-Drama Hango sa sinaunang tradisyon mula sa epikong Indian Hindu at gingamitan ngmga awit at sayaw. Ang LEGONG ang pinakapopular na BAUNESE Dance-Drama. 20
Sa Legong ang mga sarong at mga bulaklak sa ulo habng sumasayaw sa saliw ngmusikang gamelan.THAILANDNang Yai Tampok ang pinakamalaking aninong puppet sa buong mundo na yari sa balatat may sukat na 4-5 ft. Ito rin ay pinagagalaw ng mga puppeteers at mananayaw.Khon Isang nakamaskarang dance drama na itinatnghal at kasama ang PiphatOrchestra at mananalaysay mula sa RamakienLakhon-Fai Nai sang eleganteng dance-drama na binubuo ng pawang kababaihan at sa saliwng Piphat Orchestra (na gumagamit ng Xylophones, drums, gongs at cymbals).CAMBODIA Ang Lakhon Kabach Boran dance drama na ipinapalabas ng mga kababaihanat halos katulad ng Lakon Fai Hai. Tumatagal ito ng halos 4 na araw noong unangpanahon. 21
MYANMAR (BURMA)Nat Pwe Isang uri ng Trance Dance at hango sa pagsamba sa mga tinatawag na “spiritwives” na tuloy-tuloy na nagsasayaw hanggang sila ay saniban ng isa sa 37 ispiritu, atsila ay nagsasalita habang sila ay walang malay.Zat Pwe Isang klasikong dance drama na hango sa paniniwalang Budismo ung saanmay mga prinsipe at prinsesa na umaangat at sumasayaw habang nakikipaglaban samga kontra bida tulad ng mga halimaw.VIETNAMHat Boi Tinatawag din na HAT TUONG na nagsimula pa noong ika-13 siglo at isangklasikong drama.Mua Roi Nuoc Nagsimula noon pang ika-12 siglo at gumagamit din ng puppet na nagtatanghalsa mga dagat-dagatan bilang entablado at pinapaandar ng mga Mechanical Nods. 22
PHILIPPINESMoro-moro Palabas na nagpapakita ng labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.Zarzuela Isang palabas na kadalasan ay hango sa kapanahunan ng mga kastila.INDIAKathakali Isang dance drama noong ika-17 siglo at hango sa mga mitolohiyang Hindu. 23
SRI LANKAKolani isang nakamaskarang dance drama na kadalasang hango sa mga nakatatawang kwento.NEPALMani Rimdu Isinasagwa ng mga Mahayana Buddhist na mga monghe gamit ang makukulayna mascara at magtatanghal sa mga templo at bulwagan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Sa inyong palagay, anu-ano ang maaaring gawin ng pamahalaan upang muling buhayin ang interes ng mga Pilipino sa Teatro? 1. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________. 24
Tandaan Mo! Ang mga atangian ng isang teatro. • kadalasang hango sa mga paniniwalang panrelihiyon. • kailangan ng nahabang panahn ng pagsasanay. • karaniwang bumubuo ng maraming anyo ng sining tulad ng sayaw, awit, acrobatic at iba pa. May iba’t-ibang uri ng teatro na sumikat sa Asya na nagpapakita ng mga kultura at tradisyon ng iba’t-ibang bansa. Gawain 3: Paglalapat Sa kasalukuyan may matutukoy ka bang natatanging teatro na naglalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino? Ilarawan ito. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 25
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang mga pangunahing martial arts ay ang Karate, KungFu, at Tae-Kwon-Do. Ang iba pang mga nakilalang martial arts ay ang jujutsu, Judo, at Aikido. May mga ilang martial arts ang ginagawa na ngayonng isports na rin sa mga kompetisyontulad ng karate,karate-do, tae-kwon-do,judo at kickboxing.. Ang mga atangian ng isang teatro. • kadalasang hango sa mga paniniwalang panrelihiyon. • kailangan ng nahabang panahn ng pagsasanay. • karaniwang bumubuo ng maraming anyo ng sining tulad ng sayaw, awit, acrobatic at iba pa. May iba’t-ibang uri ng teatro na sumikat sa Asya na nagpapakita ng mga kultura at tradisyon ng iba’t-ibang bansa. 26
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuton: Punan ang tsart. Pinagmulang Bansa Paglalarawan1. Kolam2. Zarzuela3. Huaju4. Bankuru5. No6. Wayangkulit7. Khon8. Hat Boi 27
9. Kathakali10. Mani Ramdu 28
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 17ANG ASYA SA KASALUKUYANG PANAHON: ISANG PANIMULABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 19 ANG ASYA SA KASALUKUYANG PANAHON: ISANG PANIMULA Napag-aralan mo na ang iba’t ibang pangyayari sa nakalipas ng kontinente ngAsya. Ngunit hindi natin maikakaila na ang mga pangyayari sa aksalukuyan ay mayroonding napakalaking epekto sa tunguhin ng Asya. Ang intensyon sa modyul na ito ay upang mabigyan ka ng isang panimula samga pangyayaring naganap na may tuwiran o di tuwirang epekto sa kalakhan ng Asya.Kasama dito ang mga pangyayaring may politikal at ekonomikong implikasyon. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Cold War Aralin 2: Ang Asya sa Pamayanang Global Aralin 3: Ang Populasyon Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Mapahahalagahan ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon sa larangan ng pulitika, lipunan at pangkabuhayan; 2. Masusuri ang mga implikasyon ng mga kasalukuyang pangyayari sa kalagayang politikalat ekonomiko sa Asya; at 3. Maaaanalisa ang mga kasalukuyang pangyayari maging sa ibang bahagi ng mundo at ang mga posibleng epekto at implikasyon nito sa kalagayang polikal, panglipunan at pangkabuhayan sa Asya. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Bansang naging katunggali ng dating Unyong Sobyet sa pagpapalaganap ngideolohiya sa mundo. Ito rin ang bansang pangunahing kasangkot sa Cold Warmaliban sa Unyong Sobyet.A. Estados Unidos C. BritanyaB. Tsina D. Japan2. Ang Tsinong lider na nagtatag ng nasyonalistang pamahalaan sa Taiwan.A. Chiang Kai-shek C. Mao Tse TungB. Dien Bien Phu D. Pol Pot3. Ang doktrinang nagtatag ng Council of Mutual Economic Assistance.A. Molotov Plan C. Doktrinang TrumanB. Marshal Plan D. Tydings-Mc Duffie4. Tumutukoy sa isang diplomatikong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos At UnyongSobyet na sadyang pinaninindigan ang kanilang pulitikal at ekonomikongkapakinabangan nang walang tuwirang labanan.A. Cold War C. SkirmishB. Hot War D. Boxer’s Rebellion5. Ang patakarang ekstensyon ng doktrinang Truman na nagtatag ng European RecoveryProgram.A. Marshall Plan C. Doktrinang TrumanB. Molotov Plan D. 38th parallel6. Taon nang pagbagsak ng Saigon sa komunismo.A. 1995 C. 1986B. 1975 D. 1976 3
7. Ang itinakdang demarkasyon sa pagitan ng Korea na naghati dito sa Hilaga at TimogKorea.A. 17th parallel C. 18th parallelB. 38th parallel D. 37th parallel8. Namuno sa Hilagang Vietnam matapos ang pagtatalaga ng demarkasyon ng Hilaga atTimog Vietnam sa isang kasunduan sa Geneva.A. Ngo Dinh Diem C. Dien Bien PhuB. Ho Chi Minh D. Pol Pot9. Asosasyong pang-ekonomiko na Itinatag noong 1995 upang mapagbigkis angskonomiya ng bansang Asyano. Ito ay naglalayong magtatag ng isang Asia-Pacific freetrade na lugar sa tulong ng mga industriyalisadong bansa sa rehiyon hanggang sataong 2010 at ang mga umuunlad naming mga bansa hanggang sa taong 2020.A. GATT C. ASEANB. APEC D. NATO10. Ayon kay Marshall McLuhan, tumutukoy ito sa isang makabagong bersyon ngpandaigdigang pamayanan bilang isang nayon na binuo ng isang mataas na lebel ngkomunikasyong elektronik.A. Industriyalisasyon C. RasyonalisasyonB. Globalisasyon D. Migrasyon 4
ARALIN 1ANG COLD WAR Sa araling ito ay tutukuyin natin ang naging epekto ng tensyong Cold War saAsya. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang mga epekto ng tatlong pangyayaring nabanggit sa kabuuang kalagayan sa Asya; 2. Masusuri ang mga epekto nito; at 3. Makapagbabadya ng mga maaari pang epekto ng mga pangyayaring ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:1. Balikan natin ang ilan sa mga pangyayari sa iyong buhay estudyante. Natatandaan mo ba nung minsang may mag-away na kaklase mo? Yung isa ay kaibigan mo at yung isa ay hindi. May kinampihan ka ba? Ano ang naging epekto sa iyo nito?2. Noong minsang kinapos sa panggastos ang iyong tatay at nanay, mayroon ba itong naging epekto sa iyo? Kung mayroon, ano? Kung wala, bakit kaya? 5
Ang Cold War Ang Cold War ay isang diplomatikong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos AtUnyong Sobyet na sadyang pinaninindigan ang kanilang pulitikal at ekonomikongkapakinabangan nang walang tuwirang labanan. Pilit nilang ginagamit ang kanilangimpluwensya upang mahikayat ang mga bansang kumampisa kanilang paninindigan.Ito ay higit na kilalang tensyon sa pagitan ng demokrasya at komunismo. Sa katunayanhinati nito ang mundo sa dalawa (bipolar world) – ang Kanluran at Silangan. AngSilangan ang higit na kilalang communist bloc ng Unyong Sobyet at mga kaanib nabansa nito pati na ang komunistang Tsina. Ang Kanluran naman ay igit na kilalangdemokratiko at iba pang di-komunistang bansa o ang malayang daigdig. Noong 1945 hanggang 1974, naging saksi ang mundo sa pagsisimula ng ColdWar. Matapos ang mga karahasan na dala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig pinili ngmga komunista ang Pransya, Gresya at Turkey bilang kanilang mga pangunahingtarget. Napalakas nila ang kanilang posisyon sa Pransya at Italya nang kanilangsamantalahin ang masaligutsot na komdisyon matapos ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Ang Doktrinang Truman ay inilunsad ni Pangulong Harry Truman sa Kongreso ngEstados Unidos noong 12 Marso 1947. Itinatakda nito na nararapat na maging bahaging mga polisiya ng Estados Unidos na tulungan ang mga malalayang tao na lumabansa mga minoryang de armas o kaya ay taga-labas na nagnanais na sila ay lupigin osakupin. Ang doktrinang ito ay isang mungkahi na ang Estados Unidos ay magpadalang tulong pinansyal at militar sa Gresya at Turkey na inaprobahan naman ng Kongresonoong Mayo 1947. Ang Marshall Plan ay ekstensyon ng Doktrinang Truman.Ipinapanukala nito ang pagsisimula ng European Recovery Program upang bigyangsuporta ang mga kaalyansa ng Estados Unidos sa kontinenteng ito. Pinuna ng UnyongSobyet ang patakarang ito sapagkat ito daw ay pakikiaalam sa usaping panloob ng mgabansang nais “tulungan” ng Estados Unidos. Sa panahong ito, lalo nang tumindi angtensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa Gresya na nagpasama ng relasyon nila.Alinsunod sa Marshall Plan, ang Estados Unidos ay nagbigay ng 11 bilyong dolyar natulong sa loob ng apat na taon na sa palagay ng kanilang mga kaaalyado ay nakatulong 6
sa pagbawi ng Europa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagpigil ng pagkalat ngkomunismo sa kontinenteng ito. Ipinatupad naman ng Unyong Sobyet ang Molotov Plan na siyang magtatag ngCouncil Mutual Economic Assistance (COMECON) upang tulungang palakasin angekonomiya ng mga sosyalistang bansa. Kung kaya, maaari nating sabihin na angMarshall Plan at ang COMECON ang siyang nagpasimula ng tensyon sa pagitan ngEstados Unidos at Unyong Sobyet.Ang Cold War sa Tsina Ang tagumpay ng komunismo sa Tsina noong 1949 ay tumapos sa mahabangebolusyon, digmaang sibil at kaguluhan sa Tsina. Ito rin ay nagpasimula ng bagongpanahon sa bansa. Sa kanilang pagtatagumpay, pinalakas ng mga lider na komunistaang kanilang pamamahala sa bansa at iniayon ang kanilang sistema sa sistema ngUnyong Sobyet. Itinatag ni Chiang Kai-shek ang kanyang pamahalaan sa Taiwan. Sapgakakataong ito, sinikap tulungan ng Estados Unidos ang bansa at prinotektahanlaban sa komunistang Tsina. Nang magkaroon ng pakikipagkasundo ang Estados Unidos sa People’sRepublic of China, binawing lahat ng Estados Uidos ang kanyang mga hukbo mula saTaiwan. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinakda ang 38th parallel sapagitan ng Hilaga at Timog Korea. Ang Hilagang Korea ay inokupa ng Unyong Sobyetat ang Timog Korea ay inokupa ng Estados. Ang bawat bansa ay nag-oorganisa ngkani-kanilang pamahalaan sa kani-kanilang pamahalaan sa kani-knailang sonahanggang sa pumagitna ang United Nations sa usapin. Ninais sana ng UN namagtalaga ng halalan sa buong bansa sa pamamamagitan ng superbisyon ng isangkomisyon ngunit hindi pinayagan ng Rusya na makapasok ang komisyon s akanilangsona. Ang halalan ay naganap lamang sa Timog Korea noong 1948. 7
Noong Hunyo 1950, sinakop ng Hilagang Korea ang Timog Korea. Dhail dito,nagpadala ang UN ng hukbong sandatahan sa Timog Korea. Nagtuloy ang labananhanggang sa magkaroon ng armistice noong 1953. Ang armistice ay isang kasunduangtigil-putukan habang nagsasagawa o idinaraos ang usapang pangkapayapaan. Sakasamaang palad, walang kinahinatnan ang usapan kung kaya at muling ibinalik ang38th paralllel. Natapos ang digmaan sa Korea na nahahati pa rin ang bansa sa dalawa.Ang Cold War sa Indochina Sa pagkatalo ng Pransya at bansang Hapon, naorganisa ang grupongnasyonalistang Vietnamese na higit na kilalang grupong Viet Minh. Ang grupong ito napinamumunuan ni Ho Chi Minh ay komunistang Tsino. Nang subuking muling sakupinng Pransya ang Vietnam, ang nasyonalista at komunistang Vietnamese aymagkasamang nanlaban sa mga Pranses na natalo nila noong 1954 sa Dien Bien Phuat pumayag sa isang kasunduan. Sa katotohanan, naniniwala ang Estados Unidos na sa sandaling magtagumpaysi Ho sa Vietnam, ito ay manantiling banta sa buong Asya. Nakaksiguro siyangmagaganap ang Teoryang Domino sa Timog-silangang Asya. Ang teoryang ito aytumutukoy sa paniniwalang ang agbagsak ng isang bansa sa kamay ng komunismo aymaaaring mauwi sa pagbagsak ng iba pang kalapit na bansa nito sa sistema.Ang Dalawang Vietnam Sa pagtatapos ng usapang pagkakasundo sa Geneva, ang Vietnam ay nahati sadalawa sa pamamagitan ng 17th parallel. Ang Hilagang Vietnam ay pinamumunuan niHo Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Ngo Dinh Diem na di-naglaon aynapabagsak nila sa pamahalaan. Ang mga sumunod na liderato pagkatapos ni Diemay hindi naging kasing popular ng mga sinundan. 8
Noong mga unang taon ng dekado 60, pumasok ang Estados Unidos sahidwaan. Sa paglaon, milyung-milyong Amerikano ang nasawi sa Vietnam sapagbabaka-sakaling mailigtas ang demokrasya sa Timog Vietnam. Noong 1975, nasako ng mga komunista ang Saigon. Maliwanang nanagtagumpay ang komunismo sa bansa. Ang Hanoi ay naging kabisera ng Vietnam. Sa buong kasaysayan ng daigdig, itinuturing na labis na kalunus-lunos angnaging bunga ng Cold War sa pagkakaalis ng mga mamamayan mula sa kanilang mgatahanan. Sadyang naging trahedya sa mga galaw na ito ang naganap sa mga boatpeople na tumakas mula sa Vietnam sa pamamagitan ng karagatan. Ang daloy na ito ng mga lumilikas na Vietnamese ay nagsimula nang bumagsakang Saigon noong Abril 1975. Dahil sa takot sa maaaring kahinatnan nila sa ilalimm ngpamahalaang komunista, libu-libong Vietnamese ang nagdesisyong lumikas mula sakanilang mga tahanan at ibuwis ang kanilang buhay sa karagatan sa paghahanap ngkanilang kalayaan. Ang trahedyang ito ay labis pang pinalala ng mga malalang kasamaang loob atsuliraning lokal ng mga bansnag kanilang natakbuhan upang magsilbing tirahan. Dahilsa hindi maayos na kalagayan, ang mga ito ay naging seryosong suliranin ng UN.Epekto ng Cold War sa Cambodia Sa kabila ng pagiging nyutral ng Cambodia noong Digmaang Vietnam. Ginamitng taga Hilagang Vietnam ang bansa bilang ruta ng suplay at base militar. Noong1970, inagaw ni Lon Nol ang pamahalaan ng Cambodia mula kay Norodom Sihanouk.Hindi naglaon, ang pamahalaan ni Lon Nol ay kinalaban ng mga rebeldeng komunistang Cambodia, ang mga Khmer rouge. Ang digmaang sibil ay natapos sapagtatagumpay ng mga rebeldeng komunista at itinatag ng mga ito ang pamahalaangkomunista sa ilalim ng pamumuno ni Pol Pot. Si Pol Pot ang naghasik ng brutal na rehimen sa bansa na di-naglaon aynagsimula nang palalain ng tension ang bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng 9
hukbong tropa sa Vietnam. Noong Disyembre 1978, muling sinakop ng Vietnam angbansa at nagpasimula ng bagong rehimen dito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Tukuyin ang mga inilalarawan sa mga sumusunod napangungusap. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong kwaderno. 1. Isang diplomatikong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na sadyang pinaninindigan ang kanilang pulitikal at ekonomikong kapakinabangan nang walang tuwirang labanan. 2. Ang doktrinang nagtatakda na nararapat na maging bahagi ng mga polisiya ng Estados Unidos na tulungan ang mga malalayang tao na lumaban sa mga minoryang de armas o kaya ay taga-labas na nagnanais na sila ay lupigin o sakupin. 3. Tumutukoy sa paniniwalang ang pagbagsak ng isang bansa sa kamay ng komunismo ay maaaring mauwi sa pagbagsak ng iba pang kalapit na bansa nito sa sistema. 4. Nagsisilbing takda ng hangganan ng Hilaga at Timog Vietnam. 5. Ang grupong kinilalang rebeldeng komunista ng Cambodia.17th parallel Khmer RougeTeoryang Domino Cold WarDoktrinang Truman 38th parallel 10
Tandaan Mo! Ang Cold War ay isang diplomatikong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na sadyang pinaninindigan ang kanilang pulitikal at ekonomikong kapakinabangan nang walang tuwirang labanan.Ang Doktrinang Truman nagtatakda na nararapat na maging bahagi ng mga polisiyang Estados Unidos na tulungan ang mga malalayang tao na lumaban sa mgaminoryang de armas o kaya ay taga-labas na nagnanais na sila ay lupigin o sakupin.Ang Marshall Plan ay ekstensyon ng Doktinang Truman. Ipinapanukala nito angpagsisimula ng European Recovery Program upang bigyang suporta ang mgakaalyansa ng Estados Unidos sa kontinenteng ito.Ang Molotov Plan na siyang magtatag ng Council Mutual Economic Assistance(COMECON) upang tulungang palakasin ang ekonomiya ng mga sosyalistangbansa.Ang paglalabanan bunga ng Cold War ay bunga ng pagkakaiba ng ideolohiya,pananalig at prinsipyo.Nahati ang Tsina, Korea, Vietnam at Cambodia dahil sa tensyong dulot ng ColdWar.Ang Teoryang Domino ay tumutukoy sa paniniwalang ang pagbagsak ng isangbansa sa kamay ng komunismo ay maaaring mauwi sa pagbagsak ng iba pangkalapit na bansa nito sa sistema. 11
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong kwaderno. 1. Ano ang naging epekto ng Cold War sa mga bansang Asyano? Anong rehiyon sa Asya ang higit na naapektuhan ng tensyong ito? Bakit? 2. Ano ang papel na ginampanan ng Estados Unidos at Unyong SObyet sa Asya noong panahon ng tension sa Cold War?.ARALIN 2ANG ASYA SA PAMAYANANG GLOBAL Sa pagsisimula ng rebolusyon sa ekonomiya, maraming reporma attranspormasyon ang patuloy na pumasok at ipinatupad sa mga bansang Asyano. Paras amga ekonomista, ito na ang simula ng magandang kinabukasan para sa mga bansa.Sa pagpasok ng dekada 80, ang Asya ay itinalaga bilang pinakadinamikong ekonomiyasa daigdig. Mula sa simbolikong GATT, lumitaw ang World Trade Organization namaaasahang siyang tutupad sa bisyong pagpapalaganap ng daigdigang kayamanan saparaang pandaigdigang kalakalan o globalisasyon. Gayunpaman, hindi nakaligtas samga ekspertong kritiko ang WTO. Ayon sa kanila, mayroong hindi maayos na larawanang bisyon nito. Sa araling ito, mauunawaan natin ang tunay na larawan ng globalisasyon –ang mga kapakinabangan at di-kapakinabangan nito lalo na sa mga bansang Asyano. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng globalisasyon; 2. Maaanalisa ang mga posibleng naging at magiging epekto ng globalisasyon sa kalakhang Asya; at 12
3. Masusuri kung nararapat o hindi na umayon ang Asya sa penomenong ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Taluntunin mo ang tinahak na landasin ng mga Asyano. Ilagay mo sa bilang ang mga napag-aralan mong yugto ng kasaysayan ng Asya. 5._______________ GLOBALISASYON _______________ HATID DAW ANG _______________ KAGINHAWAAN4._______________ _______________ _______________ 3._______________ _______________ _______________ KANLURANIN 2._______________HATID DAW ANG _______________ _______________ PAG-ASA • _______________ _______________ _______________ 13
Ano ang Globalisasyon? Ang terminong ito ay may iba’t ibang depenisyon. Ayon kay Marshall McLuhan,ito ay isang makabagong bersyon ng pandaigdigang pamayan bilang isang nayon nabinuo ng isang mataas na lebel ng komunikasyong elektronik. Kadalasan, ito ayinilalarawan bilang isang pag-aasahan o interdependence, deregulasyon at integrasyon.Sa kabuuan, ito ay napagkasunduang isang penomena na napapalooban ng mgasumusunod na esensya: • Ito ay pinabilis na pag-aasahang pang-ekonomiyang dulot ng makabagong teknolohiya lalo na sa larangan ng komunikasyon at transportasyon. • Ito ay bumubuo ng mga organisasyong hindi napapailalim sa pamahalaan na dalsa’y nagbibigay-hamon sa awtoridad ng estado gaya ng WTO. • Ito ay nakapagtatalaga ng presyon sa estado upang umayon sa bagong pandaigdigang panukatan o istandard ng pamamahala gaya ng libersalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. • Ito ay nagbigay-daan sa paglitaw ng sinasabing mass culture o pandaigdigang kultura, sanhi ng sining na itinatransmit ng midya. • Ito ay mabilis na nagiging sanhi ng mga suliraning transnasyunal gaya ng enerhiya, kaalamang pangkapaligiran, daloy ng mga manggagawa, organisadong krimen na nagangailangan ng pagkakaisang multilateral upang mabigyan ng solusyon.Pagsisimula ng Pandaigdigang Pamayanan Tunay na nagbago ang pandaigdigang ekonomiya pagkatapos ng IkalawangDigmaang Pandaigdig. Noong 1945, ang bagong kaayusang pandaigdigan aypinroklama ng Estados Unidos na sa pagsisimula pa lamang ay sinuportahan nakaagad ng ilang mga bansa. 14
Pagtatag ng International Monetary Fund o World Bank (IMF-WB) Ang dalawang haligi ng sistemang ito ay itinatag noong Hulyo 1944 sa BrettonWoods, New Hampshire ng mayroon lamang 44 na kasaping nasyon na naging 179noong 1995. Ang mabilis na pagdami ng miyembro nito ay dala ng pagtatapos ngpanahon ng kolonyalismo at mabilis na pagbagsak ng komunismo.Pagtatatag ng General Agreement on Tariff and Trade (GATT) Ang GATT ay itinatag upang mabantayan ang WTO. Layunin nitong mapababaang taripa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga balakid sa pandaigdigangkomersyo.Pagtatatag ng Asia-Pacific Economic Cooperation Ang APEC ay itinatag upang mapagbigkis ang ekonomiya ng bansa sa Asya.Ang APEC ay itinatag noong 1995 sa pag-asang maitatag nito ang isang Asia-Pacificfree trade na lugar sa tulong ng mga industriyalisadong bansa sa rehiyon hanggang sataon 2010 at ang mga umuunlad namang mga bansa hanggang sa taong 2020.Impak o Kahulugan ng Globalisasyon sa Asya Sa katotohanan, binabago ng globalisasyon ang relasyon ng mga bansangAsyano. Sinasabing sa paglitaw nito, unti-unting nagiging matatag ang rehiyon. AngJohor-Riau-Singapore Triangle ay nabawasan na at maaaring tuluyan nang magtapossa potensyal na hidwaan sa rehiyon. Gayunpaman, malaking pangamba din ang inaasahang ibibigay na hamonglobalisasyon hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong daigdig. 15
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426