Ang Pambansang Asemblea Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ngFrance nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ngisang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 saVersailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindinagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulongnang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto.Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng unaat ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli. Dahil dito humiling ang ikatlong estate na malaking bilang ay mgabourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-iisangboto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula saikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang naisna mga reporma. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlongestate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17,1789. Inimbitahan nila dito ang una at ikalawang estate . Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni HaringLouis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapatsana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo satennis court ng palasyo. Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at hinilingsa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’thindi naisakatutuparan ang kanilang layunin. Matapos ang isang linggo’y ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlongestate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sapambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng ikatlongestate. Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ____ 279
Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, FranceAng Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang BagongAsembliya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna MarieAntoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upangpayapain ang lumalaganap na kaguluhan. Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon.Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurinng mga galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mganapagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyangpamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ngBastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sapamahalaan. Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng France attinawag na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’ybinubuo ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea. Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughawna naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulayna ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France. 280
Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagongkatawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ngisang bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ngsaligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga KarapatangPantao at Mamamayan. Binigyang-diin nito na ang lipunangPranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan,pagkapantay-pantay at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, aylubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sapamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ngmga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din atang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos. PRIMARYANG BATIS NG Men are born and remain KASAYSAYAN free and equal in rights… Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Every man is presumed Pranses ang Declaration of the Rights innocent until proven guilty… of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat Law is the expression of na kahon. Unawain ang mga the general will (of the kaisipang nakapaloob sa bawat kahon people). at sagutin ang mga tanong tungkol dito.The aim of the government isthe preservation of the …rightsof man… Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito? Bakit? Bakit mahalaga na paniwalaang inosente ang nasasakdal hanggat hindi napatutunayan ang kanyang sala? Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa Declaration of the Rights of Man? 281
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon 1. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Maraming mga monarko sa Europa ang labis na Bastille sa kasaysayannaapektuhan sa pagsiklab ng French Revolution. Natakot ng monarkiya sasilang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa France?kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong ___________________taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga ___________________sundalong tutulong upang talunin ang mga ___________________rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng ___________________pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang ___________________mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. 2. Ilarawan ang Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at kalagayan ng France samalaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang panahon ng rebolusyon.abogadong nagngangalang Georges Danton. ___________________ ___________________ Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na ___________________posibleng ang mga noble ng France ay bumubuo ng ___________________alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ___________________ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin angrebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila anghari at ang mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sapamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilangSeptember Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutannaman ng ulo ang haring si Louis XVI. Sa taong dingiyon ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette.Dahil sa mga sunod-sunod nitong pangyayari ayidineklarang isang Republika ang Pransiya.Ang Reign of Terror Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumamana sa digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatangkalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensaang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo angisang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Angpinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na siMaximilien Robespierre, isang masidhing republikano.Ang manananggol na si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy angrebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mgakaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sapamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign ofTerror.Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan. 282
Ang France sa ilalim ng Directory Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mgarebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang samga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierreay pinatay rin sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng Franceang kaniyang pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito aylumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain.Taong 1795 nang angRepublika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layuninay magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taun-taon ay ihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang angpamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba’t ibang pangkatingpampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao angnais na bumalik sa monarkiya. Ano ang ‘reign of terror’? ________________________________________________________ Bakit ito lumaganap? ________________________________________________________ Ang Pagiging Popular ni Napoleon Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampoltika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15Mga Mungkahing Babasahin:Kasaysayan ng Daigdig’ (Mateo et al.) pp 262-266Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 228-230 283
Iyong natunghayan ang masalimuot na kasaysayan ng Rebolusyong Pranses. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pangyayaring ito? Naging makatuwiran ba ang mga Pranses sa mga pagbabagong kanilang isinakatuparan? Hinahamon kita na ipahayag ang iyong kaisipan sa pagsasagawa ng susunod na gawain.GAWAIN 6: Diagram ng Pag-unawaPANUTO: Gawaing DyadGamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon ayon saiyong pagkaunawa.REBOLUSYONG REBOLUSYONG AMERIKANO PRANSESPAANO NAGKAKATULAD? 284
PAANO NAGKAKAIBA?REBOLUSYONG ASPETO REBOLUSYONG AMERIKANO PRANSES MGA DAHILAN MGA SANGKOT NA AKTOR DALOY NG MGA PANGYAYARI BUNGA O IMPLIKASYON SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI Pamprosesong Tanong1. Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihang mamamayang Pranses sa pagsibol ng rebolusyon?2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya?3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan? Pangatwiranan.4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo?5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses?6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa?7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europa?8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino partikular sa mataas na buwis? Pangatuwiranan. 285
ANG NAPOLEONIC WARS Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonapartena naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala angkaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ayserye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaanay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong1815. Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng RebolusyongPranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahinaang kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahilsa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sanapipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sakanilang mga pamumuno. Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia nghukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mgarebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan paramadepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig- bansa. Noong1793 ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses angNetherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ayminabuti ng Britanya, Espanya, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan. 1. Ano ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 286
Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ngFrancesa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sakatubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahanbilang pinunong heneral ni Napoleon Bonaparte.Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa aynaipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong1805ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Germany. Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib napuwersa ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806nang durugin ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battleof Jena at sa kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany nanakilala bilang Rhine Confederation. Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya. Noong 1807 aytinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol dinniya nang lumaon ang Poland. Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundosa France. Sinunod naman niya ang pagsakop sa Espanya at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na niNapoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging angBritanya na lamang ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ngkapangyarihan ni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan atpinuno. Karamihan ay miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mgakapatid na lalaki, si Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nanglumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, aynaging hari sa Holland. Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upangbaguhin at gawing modernisado ang mga kaharian. 1. Sino si Napoleon Bonaparte? ________________________________________________________ ________________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ 287
Peninsula War (1808) Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ngmga Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundaloang Britanya sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Espanyakaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Angbahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sadahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng Europa na IberianPeninsula.Ang Paglusob sa Russia Ang Pagkatalo ng France(1812) Napilitan si Napoleon Napagdesisyunan niNapoleon na lusubin ang Russia na pabalikin ang kaniyangsa dahilang kapag ito’y kaniyangmasakop ay madali na niyang hukbo sa France dahil samapapasok ang Britain. Noong1812 ay nagpadala si Napoleon nakamamatay na lamig sang 600,000 mga sundalo nabinubuo ng Polish, German, Russia. Karamihan saItalyano at mga Pranses upanglumaban sa Battle of Borodino natirang mga sundalo na Marami sa mga kaniyang nakasama sa Battlesundalong ipinadala ni Napoleonang namatay sa labanan at of Borodino ay namataykinulang ang bilang ng mgasundalo na magpapatuloy ng naman sa kanilangpaglaban. Nakaabot ang hukboni Napoleon hanggang sa paglalakbay pagbalik saMoscow ngunit laking gulat niladahil wala silang naabutang tao France. Sila ay namatay dahildito nang sila’y dumating. Nanggabi ng Setyembre 14 ay sa gutom, sa lamig ng klima onagkaroon ng malaking sunogsa Moscow. Ang mga gamit at napatay ng mga Russians.tinitirhan ng mga sundalo niNapoleon ay nadamay sa sunog Mga 20,000 sundalongkaya nawalan sila ngpananggalang sa malamig na Pranses na lamang angklima. nakabalik nang maluwalhati Sino kaya ang maaaringnagsimula ng sunog sa Moscow? sa France.Pangatuwiranan. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa HilagangFrance. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti- unting bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon. 288
Pagtatapos ng mga Labanan Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria, Prussia at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya. Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kaliwa) ng puwersang British at siGebhard von Blucher (kanan) ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangunahing aktor sapagpapahina ngpuwersa ni Napoleon Bonaparte. 289
Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII. Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa Netherlands. Dahil sa pinagsamang puwersang militar ng Britain at Prussia, madaling natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang kanyang ‘Isang Daang Araw’. Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning.Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya pagkatapos na maipatapon si Napoleon sa St. Helena. 290
Bunga ng Rebolusyon Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig.Sang-ayon sa mananalaysay na si John B Harrison, ‘Tulad ito ng kahon ni Pandora na nangmabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halosahat ng sulok ng daigdig.’ Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay atpagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ngmaraming mga kilusang panlipunan, politikal at pangkabuhayan.Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15GAWAIN 7: Turn –Back Time ( Timeline Plotting )Panuto: 1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic. 2. Itala ang mga esensyal na pangyayaring magtutulak sa pag- usbong ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito. 3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang timeline. 4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang saloobin tungkol dito. 5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka sa ginawang timeline.TIMELINE RUBRICKategorya/ Pinakatama MedyoTama Malinaw MalaboPamantayan 3 1Pamagat 4 2 Epektibo at Walang pamagatPetsa Epektibo, madaling Simple at maunawaan Hindi tiyak ang nakatatawag madaling nawawalang May kulang na mga pansin at 1-2 petsa ng maunawaan mga madaling maunawaan Kumpleto ang May kulang na 3-5 petsa sa petsa ng mga mga pangyayari, 291
Tiyak at pangyayari, pangyayari, pangyayari,halos mahigit sa tumpak ang May 2-3 mali o lima ang hindi lahat ng tiyak lahat ng Malabo sa pangyayari ay di pangyayari mga tiyak pangyayariEstilo at Sumasakop sa Sumasakop sa Sumasakop sa Dalawa lamangOrganisasyon ang nasasakop lahat ng lahat ng lahat ng ngNilalaman mahahalagangLayunin mahahalagang mahahalagang mahahalagang panahon, hindi pareho-pareho panahon,tama panahon, may panahon, ang pagitan ng mga at pare-pareho 2-3 petsa sa nagtataglay ng petsa/panahon ang pagitan ng panahon na 5 bawat hindi kapareho petsa/panahon taon/petsa ang pagitan na di pare- pareho ang pagitan Nagtataglay Nagtataglay Nagtataglay Nagtataglay ng 5 ng 11-15 ng 8-10 pangyayaring pangyayaring ng 6-7 lamang kaugnay ng kaugnay ng paksa paksa pangyayaring pangyayaring Malinaw at Malinaw tiyak ngunit kaugnay ng kaugnay ng mayroong mga ideyang paksa paksa di-tiyak Hindi malinaw Walang ibingay na layunin PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europa?2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europa?3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europa na ibalik ang pamahalaang monarkiya?4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa Pransya? Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag. Ang Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga sa kaayusang politikal ng mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo. 292
PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIGPagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaringbiglaan. Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila angkanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat atmapagmahal sa bansa. Sa iba, kailangang isakripisyo pati ang buhay. Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan.Hangad ng mga tao na may ipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindiang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan. Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t-ibang pamamaraan kung paanonadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila angkanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilangdamdamin na humahantong sa digmaan. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint. Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia si Ivan the Great, tumalo at nakapagbagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka. 293
Paghimok ni Lenin sa mga kapwa-Ruso na pamunuan ng mamamayan ang bansa mataposmapatalsik ang czar. Ito ay naipinta ilang taon matapos ang nasabing pangyayari. Himagsikang Ruso Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar. Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido. Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong 1940. Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar? 294
Nasyonalismo sa Latin America Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at Katoliko Romano ang pananampalataya.Mapa ng South America na nasakop ng Spain at Portugal Pagtapos makamit ng Estados Nakatulong ang heograpiya ngUnidos ang kanilang kalayaan sa Latin America sa pagpapaliwanagGreat Britain, nag-alsa ang mga kung bakit ito umunlad bilang hiwa-lalawigan sa Latin America laban sa hiwalay na bansa. Inihihiwalay angSpain. Chile sa hanay ng Bundok Andes at ng Disyerto ng Atacama. Nagkabuklod-buklod sila sakanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Nakalubog ang Paraguay saEspanyol, katiwalian sa pamahalaan, malalim na gubat. Nahahati ng mgawalang kalayaang magpahayag ng talampas at bulkan ang Bolivia mulamga batas na naghihigpit sa kanluran. Nahihiwalay sa isa’t-isa angpangangalakal. Colombia, Venezuela at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes. Nakalilikha ng likas na hangganan ang malaking daanan ng ilog upangpaghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang Argentina sa Uruguay dahil sa Riode Plata at mga bahagi nito. Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan ng Colombia atVenezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa daigdig, ang Amazon. Angmga bundok, gubat, ilog at ang Dagat Caribbean ay nakatutulong na paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa iba’t ibang bansa. 295
Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tuladng Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Ang populasyon ng iba- Ecuador, Peru,Bolivia at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic,itinuturingang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing Aprikano,Indian at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain , Germany at Italy. MaramingEuropeo ang naninrahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil lamangnagkaroon ng pag-aasawahan ang iba’t-ibang lahi at nasyonalidad. Ang mga Creole Tinatawag na Creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba’t- ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo (Espanyol at Indian), zambo (Indian at ibang lahi) at mulatto (puti at ibang lahi). Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika. Hindi tulad ng 13 kolonya sa Estados Unidos, nag-alsa ang mga kolonya ngmga Espanyol sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mgabagong republika na mabigyang –halaga ang kanilang naiambag gayundin angkanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahassa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay-diin ito sa mgapagkakaiba ng mga Latin Amerikanong bansa. Maraming himagsikan angnagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi. 296
Mga Sagabal sa Nasyonalismo Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America.Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok samga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo. Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang malalakinglupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang Espanyol. Marami angnakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa pagkakaalipin. Nakilalangpeones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin America atnakasagabal sa kanilang nasyonalismo. Sa mga bansang Latin Amerikano, napabayaan ang nasyonalismo sapagkatmatagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing namababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sakanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap. Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng tahanano magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming mga Indianang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubongtao sa Peru, Ecuador at Bolivia ang tumira sa bundok upang malayo sa pamamahala ngbanyaga. Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang-uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ __________________________________________________ 297
Si Bolivar- ang Tagapagpalaya Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayainang Timog Amerika laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Angpagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco deMiranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuelamula sa Spain. Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolinang mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sakalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika. Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya angmga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpayniya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagangpampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator atpagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyangheneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacuchosa Peruvian Andes. Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de SanMartin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol saArgentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo saAndes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon dinsiyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno. Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia at Ecuador. 298
Ang Demokrasya at Nasyonalismo saLatin America Maraming pinuno ang Latin Americana gumawa ng mga hakbang sapagpapaunlad ng demokrasya nasinalungat naman ng mga diktador.Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno saArgentina mula noong 1820 hanggang1827, ang nagtaguyod ng edukasyon,nagsikap na matamo ang karapatangbumoto para sa lahat at gumawa ng paraanupang magkaroon ng makatarungangsistemang legal. Nawalan ng saysay ang mga itodahil sa pananakot, pagpapahirap,katiwalian at mga pagpatay na isinagawa niJuan Manuel de Rosas, ang sumunod nanamahala sa Argentina hanggang 1852. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Ang Sahara ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing Itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy. Binuo ang mga lahing Puti ng mga mangangalakal na Arab,mga Asyano at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang ang Puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap. Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910. 299
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang DigmaangPandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan.May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ngCongo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabweat Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975. Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa?Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Africa 300
Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ay nag-uugat sapagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at namulat sa katotohananna ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at magingmaligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ang nagbubungang pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop. May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapangparaan subalit maraming nagbuwis ng buhay upang lumaya tulad ng mga Pilipino,Amerikano, Hindu at iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang kalayaan angpinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamitng layunin . Nakahanda silang magbuwis ng buhay upang mapangalagaan angprinsipyong ipinaglalaban.SANGGUNIAN:Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 234-241GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya ?Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa bawatbilang. Ang initial letter ay ibinigay na bilang iyong gabay.S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’.C_______________2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahingEuropeo.N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses naglalayong magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa.L_______________ 4. Haring iniluklok sa Pransya matapos magapi ang puwersa ni Napoleon Bonaparte.M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na nagtanggol laban sa mga nagtatangkang buwagin ito.T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng AmerikaB______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang monarkal ng Pransya. 301
J_____S________ 8.Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR sa kaniyang kamatayan.P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa mga British..N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan. Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo? 2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso? 3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag- usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America? 4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? Patunayan ang iyong sagot. 5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang nasyonalismo? 6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng halimbawa.GAWAIN 9: WHO’S WHO IN THE REVOLUTION? Personality and History(GROUP DYNAMICS) Panuto: Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit ang internet.Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na itinakda sainyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay namaaaring ikuwento sa klase .Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa klase.Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin. Pangkat I- Patrick Henry Thomas Jefferson Pangkat II- Napoleon Bonaparte Camille Desmoulins Pangkat III- Vladimir Lenin Josef Stalin Pangkat IV- Simon Bolivar Jose de San Martin 302
Rubric para sa PresentasyonCriteria Natatangi Mahusay Medyo Hindi 4 puntos 3 puntos Mahusay Mahusay 2 puntos 1 puntosKaalaman sapaksaKalidad ng mgaimpormasyon oebidensiyaKaalaman sakontekstongpangkasaysayanIstilo atpamamaraan ngpresentasyonKabuuangMarka Pamprosesong Tanong 1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing isinagawa? 2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng mga personalidad na sangkot sa rebolusyon? 3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa kanilang bansa. 4. Sa iyong palagay lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan. 5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo din ba ang kanilang ginawa? Bakit oo? Bakit hindi?Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng awit,subukin muling sagutan ang mga katanungan.1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit?2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit?3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?Bakit kaya ninanais ng may-akda na baliktarin ang tatsulok?4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya.6. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ?7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit? 303
GAWAIN 10: Hagdan Ng Karunungan …Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyongnalalaman tungkol sa tanong. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? FINAL REFINED DINITIAL Naunawaan mo ba ang mga konsepto at ideyang tinalakay saaraling ito? Kung hindi ay malaya kang magtanong sa iyong guro atkapwa-mag-aaral upang higit mong maunawaan ang Aralin 3. Kung oo,isang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Mahusay mong natapos ang bahaging Paunlarin sa Aralin 3. PAGNILAYAN AT UNAWAIN Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman sa ugnayan ng rebolusyong pangkaisipan sa rebolusyong politikal at ang implikasyon nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo, napapanahon na upang palalimin ang iyong kaalaman sa paksang ito. Inaasahan din na sa bahaging ito’y kritikal mong masusuri ang mga kaisipang may kinalaman sa paksa. Isang batikang mananalaysay na nagngangalang Dr. Jaime Veneracion ang nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay mahalagang maunawaan hindi lamang ang pangyayari kundi pati ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya ang terminong ‘spirit of the time’ upang ilarawan ang ‘esensya ng isang panahon’ at ang kwentong pumapaloob dito. Kailangang lubusang maunawaan ang ‘pangyayari at panahon’ kung ang nais ay makuha ang aral ng kahapon. 304
GAWAIN 11: KUWENTONG MAY KUWENTA (Tanungin mo sila…)Panuto: Kapanayamin ang isa o dalawang taong nakilahok na sumama sa EDSARevolution noong 1986 (EDSA I). Maaaring ito ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo otiya, guro, kapitbahay, malayong kamag-anak o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera o anumangelectronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon kaugnay ngpangyayari. Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sapakikipanayam.1. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I?2. Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong desisyon?3. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang ikuwento ninyo?4. Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa EDSA ?5. Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ang ninyo ang pagsama dito? Ipaliwananag.Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap.Ikaw aymamarkahan gamit ang kasunod na rubric.* May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o pangkatan. Rubric Para sa PresentasyonCriteria Natatangi Mahusay Medyo Hindi 3 puntos Mahusay Mahusay 4 puntos 2 puntos 1 puntosKaalaman sapaksaKalidad ng mgaimpormasyon oebidensiyaKaalaman sakontekstongpangkasaysayanEstilo atpamamaraan ngpresentasyonKabuuangMarka 305
PAMPROSESONG TANONG 1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa? 2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I? 3. Nakita o naramdaman mo ba ang ‘katuwaan, kasiyahan o kalungkutan na ipinakita ng iyong kinapanayam? 4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapanayam? 5. Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa kinapanayam.GAWAIN 12: LESSON CLOSURE : A Good EndingPanuto: Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sapagsulat ng mga impormasyon. LESSON CLOSURE Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo… Isa sa mahalagang kaisipan ay… Ito ay mahalaga sapagkat… Isa pang mahalagang ideya ay… Nararapat itong tandaan dahil… Sa pangkabuuan…GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal) Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay ang pagiging mapagmahal sa bayan o isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino? Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang isabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo?GAWAIN 14: Hagdan Ng Karunungan …Panuto: Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging “final” angiyong nalalaman tungkol sa tanong. 306
Ano ang kaugnayan ngRebolusyong Pangkaisipansa Rebolusyong Amerikano at Pranses? FINAL REFINED DINITIAL Mahusay mong naisakatuparan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan atUnawain sa Aralin 3. ILIPAT AT ISABUHAY Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Sa puntong ito nais kongunawain mong mabuti ang bahaging gagampanan mo sa pagtatagumpay ng gawain.Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong tinamong kaalaman sa mganakaraang aralin. Ang iyong gawain ay mamarkahan gamit ang rubrics.Gallery Walk/ Every Child A Tour Guide Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan atnaging pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdigtungo sa makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ngpaghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaaring ninyong gamitin ang mgaginawang poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibidwal nabahagi ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng ibapang pwedeng iexhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual napresentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din isamaito sa exhibit. Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa mgalarawan o bagay na kanilang ieexhibit. Bibigyang-diin nang bawat pangkat angnaging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay, komunidadat bansa ng daigdig. 307
Ang gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubric.Panukatan Pinakamahusay Higit na Mahusay Di MahusayPresentasyon (4) Mahusay (3) (2) (1) Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas Isa lamangNilalaman pagkamalikhain, ng 3 sa 4 na ng 2 lamang ang kahandaan, kahusayan sa sa 4 na naipamalas naPangkalahatang kooperasyon at pagtatanghal kahusayan ng kahusayan saImpak kalinawan sa pagtatanghal pagtatanghal presentasyon Naipamalas ang pangkat ang 3 sa 4 na Naipamalas Isa lamang sa May tuwirang pamantayan ang 2 sa 4 na 4 na kaugnayan sa pamantayan pamantayan pananaw batay Tatlo sa apat ang sa pamantayan na Dalawa sa naipamalas tulad ng pamantayan apat na orihinal, ang pamantayan Isa lamang sa pagkakabuo, naisagawa ang 4 na pagkakaugnay naipamalas pamantayan ng ideya at ang makatotohanan naipamalas ang mga ipinakita sa exhibit. Sa kabuuan ng presentayon, nag-iwan tumpak na mensahe, nakahikayat ng nagmasid, positibong pagtanggap at maayos na reaksyon ng mga nagmasid.Transisyon sa susunod na modyul Binigyang-diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran at epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Tinalakay rin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan, at maging ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba’t ibang panig ng Daigdig. Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring ito ay nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Subalit hindi dito natapos ang mga Suliranin at Hamon ng daigdig tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa at Kaunlaran. Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng Kasaysayan ng ating daigdig ay iyong matutunghayan sa susunod na modyul. 308
TalasalitaanAbsolute monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ayhindi nalilimitahan ng sinumanBourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng negosyante,banker, may-ari ng pantalan o daungan at mga kauri nitoEnlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang ‘agham’ sapagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal at maging kulturalFrench Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses nanaglayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at kalayaan.Geocentrism- Paniniwala noong panahong Medieval na ang Daigdig (Earth)ay ang sentro ng solar systemHeliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar systemHumanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance nananiniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece atRome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito.Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isangbansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pangpamamaraan upang maisakatuparan ang layuninIndustriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan saEngland na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon.Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinangBansaKontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko nanaglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalatayasa Kristyanismo partikular sa KatolisismoLaissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ngekonomiya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaanMerkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng 309
mahahalagang metal tulad ng ginto at tansoMonarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna at mga kaurinitoNapoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte nanaglayong pag-isahin ang buong EuropaNasyonalismo- Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sapagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilanganNation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo napinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura,relihiyon, at kasaysayan at napasasailalim sa isang pamahalaan.Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment nananiniwalang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhayPhysiocrats –Mga taong naniniwala at nagpalalaganap ng ideyang ang lupang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayamanRebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at radikal na pagbabagosa isang lipunanRenaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ngGreece na sumibol sa bansang ItalyaRepormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng repormasa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig saKakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sapagkakahati ng simbahang Kristiyano. 310
SanggunianA.AklatKasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 185 – 186Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p.189Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 213 - 214Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 - 218Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 294Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al (pp. 228-230)Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al (pp. 262-266)Kasaysayan ng Daigdig (Vivar, T. et al) pp. 222-225World History: Connections to Today (Discovery Channel School)World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553World History: Connections to Today (Discovery Channel School)Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” TheChristian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and StephenRosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987),22–23. 311
B. ModulesProject Ease Araling Panlipunan III Modyul 10Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 14Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 13Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 312
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral IV: Ang Kontemporaryong Daigdig(Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon tungo saPandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan, at Kaunlaran Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga- waran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng DaigdigAraling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2014ISBN: 978-971-9601-67-8 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan otanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) naginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay saisang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDAssistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M. Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla VictorInilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 52tnhdFFlloooorrMDoarbminiGB, uPiSldCinCgo,mDpepleExd ComplexMeralco AvenueM, PearsailgcoCAitvyePnhuielip, PpainsiegsC1i6ty0,0Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected]
PAUNANG SALITA Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka-hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka-kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananawat pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan. Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Angmga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higitmong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig saiba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sakahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinangang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuringpag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahonhanggang sa kasalukuyang panahon. Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahatinaman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya atmga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonalna Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng MakabagongDaigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig. Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mgagintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
TALAAN NG NILALAMANModyul IV Ang Kontemporaryong Daigdig (Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan, at Kaunlaran Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 436 Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 437 Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 438 Aralin 1 Ang Unang Digmaang Pandaigdig Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 446 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 449 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 464 Aralin 2 Ang Ikalawang DigmaangPandaigdig Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 470 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 473 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 487 Aralin 3 Mga Ideolohiya, Cold War, at Neokolonyalismo Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 493 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 497 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 520 Aralin 4 Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat, at Alyansa Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 524 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 526 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 535 Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 543 Buod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 545 Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 548 Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 549
MODYUL 4ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG(IKA-20 SIGLO HANGGANG SAKASALUKUYAN): MGA SULIRANIN ATHAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANGKAPAYAPAAN, PAGKAKAISA,PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARANPanimula Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika, relihiyon, at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya, at kaisipang pampolitika ng mga bansa. Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika-20 siglo maraming pangyayari ang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War, at ang malawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di-pagkakaunawaan, bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa. Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga babasahin at teksto ang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano ka makatutulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran? 436
Mga Aralin at Sakop ng Modyul Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Modyul na ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto. Sige na! Simulan na nating basahin. Ang Kontemporaryong Daigdig (Simula sa Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon Tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan, at Kaunlaran Pamantayan sa Pagkatuto Aralin 1 - Ang Unang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang mahahalagang pangyayari na naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig • Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran Aralin 2 - Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran 437
Aralin 3- Mga Ideolohiya, Cold War, at Neokolonyalismo • Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomik sa hamon ng establisadong institusyon ng lipunan • Natataya ang epekto ng Cold War sa iba’t ibang bahagi ng daigdig • Nasusuri ang mga epekto ng neokolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na bansa Aralin 4- Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organi- sasyon, Pangkat, at Alyansa Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran • Ang United Nations (UN) at ang mga sangay nito • Mga organisasyon at alyansa • Mga pang-ekonomikong organisasyon at trading blocsPanimulang Pagtataya Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. 1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa: A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa. D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa Gamiting gabay ang mapa ng Europe upang masagot ang tanong sa kabilang pahina. 438
Source: http://mapofeurope.com/wp-content/uploads/2013/07/map-of-europe-1024x833.jpg?a600a52 Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito? A. Labanan ng Austria at Serbia B. Digmaan ng Germany at Britain C. Paglusob ng Russia sa Germany D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzer- land3. Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensiyang dayu- han.” A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensiya 439
5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty of Versailles? A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig A. Treaty of Paris B. United Nations C. League of Nations D. Treaty of VersaillesSuriin ang T-diyagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong Demokrasya Komunismo South Korea North KoreaSouth Vietnam North Vietnamsa bilang 7-87. Alin sa sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diyagram? 440
A. 17th parallel at 38th parallel B. 38th parallel at 17th parallel C. 19th parallel at 38th parallel D. 38th parallel at 19th parallel8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diyagram, na nahati ang Korea at Vietnam matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa sa Asya? A. Upang magkaroon ng tiyak na hangganan B. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansa C. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawat bansa9. Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang pag siklab ng digmaang pandaigdig dahil ito ay naging pandaigdigang forum upang pag-usapan ang sigalot ng mga bansa Pahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sa pang-aabuso ng Israel sa karapatang pantao ng mga Palestinian. A. Tama ang pahayag I at mali ang pahayag II B. Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II C. Parehong tama ang pahayag I at II D. Parehong mali ang pahayag I at II10. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisi- mula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers B. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria, Hungary, Russia, at Ottoman11. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pan- daigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan? A. Naitatag ang United Nations B. Nagkaroon ng World War III 441
C. Nawala ang Fascism at Nazism D. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya12. Alin sa sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN? A. Mga bansang nanalo sa digmaan B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig Source: http://library.thinkquest.org/06aug/02455/pictures/worldwarII.jpgGamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong bilang 13.13. Alin sa sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan? A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado D. Lahat ng nabanggit14. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o super power. Anong dalawang bansa ang naka- ranas nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 442
A. United States at Union of Soviet Socialist Republics B. United States at France C. Germany at Union of Soviet Socialist Republics D. Germany at France15. Alin sa sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansa kung sasanib sila sa Asia-Pacific Economic Cooperation? A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastraktura B. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansa C. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pagpapaunlad ng agham at ekonomiya D. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga kasaping bansa16. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Ang kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II.” A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig C. Ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga arkitekto nito D. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasun- duan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa17. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang? A. May karapatang makaboto B. May kalayaan sa pananampalataya C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan D. May karapatan sa edukasyon18. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War? A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States C. Pangingibabaw ng ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa 443
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Russia na maka- pasok sa kanilang bansa Naideklarang Open City ang Maynila Naideklarang Open City ang Maynila pasok sa kanilang bansa19. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita ng chain of events sa ibaba. A. Mga salik na nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig B. Mga salik na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig C. Mga pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig D. Mga pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang PandaigdigBasahin at unawain ang talata sa ibaba upang sagutin ang tanong. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nakalikha ang United States ngsandatang nukleyar sa ilalim mg Manhattan Project. Ang lakas ng puwersangpinapakawalan ng bombang ito ay katumbas ng pinasabog na TNT na nasakilotons o megatons ang bigat. Ika-6 ng Agosto 1945 nang hulugan ng bombang nukleyar ng mgaAmerikano ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nagdulot ito ng pagkasawing maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983,nang may ilang siyentipikong naglabas ng kanilang pag-aaral sa posiblengepekto ng pagpapasabog ng sandatang nukleyar sa mga klima sa mundo natinawag na Nuclear Winter Theory. Ayon sa teorya, ito ay magtatapon ng usok 444
at alikabok na sapat upang takpan ang araw sa loob ng maraming buwanna magiging sanhi ng paglamig ng klima ng mundo na ikamamatay ng mgahalaman at mga bagay na may buhay. 445
ARALIN 1ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIGALAMIN Malalaman sa Modyul na ito ang mga dahilan at mga pangyayaring nag- bigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan. Bibigyang pansin din ang matinding epekto nito na nag-iwan ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin din ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang kapayapaang pandaigdig. Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang tanong na Paano nagsikap ang mga bansa upang wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig? Ngayon, simulan mo nang basahin ang kasunod na teksto at ihanda ang iyong sarili sa pagtupad sa iba’t ibang gawain.GAWAIN 1: Konseptong Nais Ko, Hulaan MoBasahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawansa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon.1. Pagkakampihan ng mga bansaAY A2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa EuropeM I TA S O3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansaIP YL O4. Pagmamahal sa bayanNS NL M 446
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254