Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Music Grade 1

Music Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 21:38:34

Description: Music Grade 1

Search

Read the Text Version

MUSIC 1

1Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 1 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna angpahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilangkondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapangmahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin nikinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral MUSIC Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo Mirandilla ART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San Diego Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art) Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art) Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro PHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD. HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health) Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

TALAAN NG MGA NILALAMAN MUSIKA 2 3YUNIT 1 4 7Modyul 1: Dynamics …………........................................ 8 Gawain 1: Mga tunog ……………………….…….. 9 Gawain 2: Paggaya sa Tunog …..……………..… 9 12Modyul 2: Tempo …………………….…………….……... 12 Gawain 1 …..……………….………………..……… 13 Gawain 2: Gayahin Mo! ..…………….…………… 15 Gawain 3 ……………………….…………………..… 16 18Modyul 3: Timbre …………………..……………………….. 18 Gawain 1 ………………………..……..…….………. 20 Gawain 2: Larong Aso ………………….………….. Gawain 3: Iba Pang Pinagmulan ng Tunog …… 21 Gawain 4: Sa Sirkus (Kuwentong Tunog) ………..Modyul 4: Balik-aral ng Yunit …………………..……..…. Gawain 1: Ang Trabaho ng mga Bumbero……. Gawain 2: Pagtataya ………………..……........... Gawain 3: Unang Kuwarter na pagtataya sa Sarili ….………………………………………….iii



YUNIT I Modyul 1: DynamicsI. Awit/Laro a. “Ang Susi Nakatago” Katutubong awit/ laro b. “Maligayang Bati”(Birthday Song) - Awit sa pagdiriwang ng kaarawan c. “Tulog Na” - OyayiII. Mga Gawain Gumagamit ang musika ng malakas at mahinang tunog upang maipahayag ang iba’t ibang kaisipang pangmusika o damdamin. Makinig sa awit na pagbati ng iyong guro. 1. Paano kinanta ng iyong guro ang awit na pagbati? 2. Binati mo rin ba siya sa parehong paraan? 3. Ngayon, batiin mo ang iyong guro sa malakas na boses, pagkatapos ay sa mahinang boses. Aling pagbati ang mas angkop gamitin, ang malakas o mahinang boses? 1

Pag-aralan natin ang awit na “Ang Susi Nakatago”: Ang susi nakatago, Kung saan di ko piho Kung sakaling nasa ‘yo Akin na gagamitin ko. Maglaro tayo. Makinig nang mabuti sa panuto ng guro upang matukoy ang nawawalang susi. Gawain 1: Mga TunogPanuto: Iguhit sa inyong sagutang papel ang larawan na malakas ang tunog. 2

Gawain 2: Paggaya sa TunogPanuto: Bigkasin ang tunog ng mga larawan na nasa Gawain 1 nang malakas at mahina. 1. pinag-umpog na cymbals 2. tunog ng ulan 3. tahol ng aso 4. tunog ng ambulansiya 5. huni ng ahas 6. huni ng daga 7. tunog ng kampana 8. tunog ng pito 9. tunog ng motorsiklo 10. huni ng pusa Awitin natin ang “Tulog Na”. Makinig habanginaawit ng guro. (Kantahin ng guro ang buong awit.)Kantahin ang bawat linya ng awit pagkatapos ngguro. Tulog Na by C. Mirandilla Tulog na, tulog na. Tayo ay magpahinga. (2x) • Ano ang naramdaman mo nang marinig ang awit? Sa iyong palagay, kailan ito inaawit? 3

• Subukan nating awitin ito nang malakas? Sa inyong palagay, tama bang awitin ito nang malakas? Bakit?• Ngayon naman, sabay- sabay nating awitin ang “Maligayang Bati”. Maligayang Bati Maligayang bati, Sa iyong pagsilang, Maligayang, maligaya, Maligayang bati.• Ano ang layunin sa pag-awit ng Maligayang Bati ?• Ano ang naramdaman mo nang marinig ang awit?• Subuking awitin ito nang mahina. Sa iyong palagay, tama bang awitin ito nang mahina? Bakit? Sa musika, may natatanging tawag sa lakas at hina ng tunog. Tinatawag itong dynamics. Gumagamit ng dynamics ang mga musikero para malinaw na maipadama ang emosyon at maipahayag ang damdamin ng awit. Kaya inaawit nang mahina ang oyayi (awiting pampatulog sa sanggol) at inaawit naman nang malakas ang mga awit ng pagdiriwang. Dynamics ang nagpapalinaw sa mga tagapakinig ng damdamin at layunin ng musika. 4

III. PagtatasaIguhit ang masayang mukha kungnaisagawa mo ang mga gawain at malungkot kung hindi sa sagutang papel. 1. Malinaw kong nabigkas ang mgasalita.2. Gumamit ako ng tamang antas  ng dynamics sa tula.3. Nabigkas ko nang may  pagbabago sa lakas at hina ang tula. 4. Nasiyahan ako sa gawain.IV. Pagbubuo• Alin sa mga gawain ang inyongnagustuhan o hindi nagustuhan? Bakit?• Ano ang nararamdaman mo kapagnakaririnig ka ng mahinang awit?• Ano ang nararamdaman mo kapagnakaririnig ka ng malakas na awit?• Anong uri ng musika ang nais mong awitino pakinggan? Bakit?• Buuin ang pangungusap:Ang dynamics ay . 5

Modyul 2: TempoI. Laro / Tugma a. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora b. “Leron, Leron, Sinta” Awiting Bayan ng Tagalog c. “Tren” (Engine No. 9) TugmaII. Mga Gawain Alamin at laruin ang paboritong laro ng mga bata sa Binondo, Maynila. Kilala ang Binondo sa mga pagkaing Intsik. Gustong-gusto ng pumupunta dito ang sariwang lumpia, tikoy, at ang paborito ng mga Pilipino na hopia. Isa sa mga salita sa tugmang nasa ibaba ay tumutukoy sa tanyag na pagkaing Intsik. Hulaan kung ano ito? Chimpoy Champoy (Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni M. Factora) Chimpoy Champoy, dose nade que Dose nade pot-pot, dose nade que. ba-bay a –men • Ano ang masasabi mo sa larong ito? • Ano ang naramdaman mo habang inaawit ito nang mabilis? 6

Gawain 1Panuto: Awitin natin ang “Leron, Leron, Sinta”. Sabayan ang ritmo ng pagtapik ng guro sa mesa habang umaawit at nagmamartsa.“Leron, Leron, Sinta”Leron, leron, sinta,Buko ngpapaya,Dala-dala’y buslo,Sisidlan ngbunga.Pagdating sa dulo,Nabali angsanga,Kapos kapalaran,Humanapng iba. Kung ikaw ang umaakyat sa puno ng papaya,ano ang magiging bilis ng awit? Bakit?• Ano ang nangyari sa huling bahagi ng awit?• Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nahulog ang bata?• Paano kaya siya kumilos habang umaakyat?• Anong mga linya ng awit ang mabagal at mabilis? 7

Gawain 2: Gayahin Mo!Panuto: Nasa ibaba ang ilan sa mga hayop na matatagpuan sa bukid. Lagyan ng tsek () ang hayop na mabilis kumilos at ekis (x) ang mabagal sa kuwaderno. 1. kabayo 2. Suso 3. Baboy 4. Kalabaw 5. Aso 6. ManokGawain 3Pag-aralan natin ang tugmang “Tren” (Engine No. 9)at isipin na tayo ay tren. “Tren” (Engine No. 9)(Tugma na isinalin ni : C. Mirandilla)Engine, engine number 9 Heto na ang aming trenGoing down the railroad line Palapit ng palapit.If that train goes off the track Kung sakaling sumadsadWill I get my money back? Pa’no ang aking bayad? 8

Panuto: Magpangkat-pangkat at isiping kayo ay tren. Ipakita ang inyong kilos kung aakyat sa mataasna bundok.1. Awitin ang tugma habang umaakyat kayo sa bundok.2. Ngayon naman, ipakita ang kilos kung bababa na kayo sa bundok.3. Awitin ang tugma habang bumababa kayo sa bundok. • Ano ang napansin mo sa bilis ng inyong tren habang umaakyat sa bundok? Ano naman ang napansin mo sa bilis ng inyong tren habang bumababa sa bundok? • Sa pag-awit nang mabilis at mabagal, mahalaga ba ang pagbasa at pag-unawa sa mga salita ng awit o tugma bago mo ito isakilos? Bakit? Sa musika, may mga awit na mabilis atmabagal. Ang bilis ng isang awit ay tinatawag natempo. Balikan natin ang awiting “Tulog Na”. Anoang tempo? Katulad ng Dynamics (lakas at hina ng tunog),ang Tempo (bilis) ng awit o tugma ay nagpapakitang damdamin. Ito ang dahilan kaya inaawit nangmabagal at mahina ang oyayi para mabilismakatulog ang sanggol. 9

Magkaiba ang Dynamics at Tempo ng awiting“Maligayang Bati”. Inaawit ito nang malakas atmabilis para batiin at pasayahin ang may kaarawan.III. PagtatasaMagbigay ng mga awit o tugma na mabilis atmabagal na inaawit. Ihanda ang sarili sa pag-awit ng isang mabilis at isang mabagal na awitsa klase.IV. Pagbubuo• Ano ang iyong nararamdaman kapagnakaririnig o umaawit ka ng mabilis naawit? Bakit?• Ano ang iyong nararamdaman kapagnakaririnig o umaawit ka ng mabagal naawit? Bakit?• Anong uri ng musika ang gusto mong awitin o pakinggan? Bakit?• Anong uri ng awit ang gusto mo? Bakit?• Buuin ang pangungusap:Ang Tempo ay . 10

Modyul 3: TimbreI. Awit / Kuwento a. “Aso, Aso” (Doggie, doggie) Musika ni K. Forrai b. “ Ang Sirkus” (The Circus) Kuwentong TunogII. Mga Gawain Punong-puno ng iba’t ibang uri ng tunog ang ating mundo. Ang mga tunog mula sa makina, kalikasan, at gawa ng tao ang halimbawa nito. Simulan sa mga tunog na kaya nating gawin. Gaano ka kahusay kumilala ng boses ng iyong katabi, ng iyong guro, at ng iyong mga kamag- aral? Gawain 1Panuto: Iguhit ang mga bagay na unang pumasok sa iyong isip sa sagutang papel nang marinig ang awit ng iyong kamag-aral. Kamag-aral 1:Kamag-aral 2:Kamag-aral 3: 11

• Pare-pareho ba ang iginuhit mo nang marinig mo ang boses ng iyong mga kamag-aral? Bakit? Bakit hindi?• Subukan natin ang susunod na gawain. Tingnan natin kung gaano ka kahusay kumilala sa boses ng iyong mga kamag- aral. Galingan!Gawain 2: Larong Aso Pag-aralan natin ang awiting “Aso, Aso”.Subukan itong laruin kasama ang iyong mgakaibigan at kamag-aral. “Aso, Aso” (Doggie, doggie)LAHAT: Aso, aso, nasaan ang iyong buto?ASO: May kumuha nito.LAHAT: Sino ang kumuha?ISANG BATA: Nasa akin ang buto.Mga Tuntunin ng Laro:1. Pauupuin nang pabilog ang mga bata.2. Uupo sa gitna ang isang bata at gaganap bilang aso. 12

3. Tatakpan ng aso ang kaniyang mata kapag nagsimula nang umawit ang mga batang nakabilog. 4. Kukunin ng isang bata ang buto sa tabi ng aso. 5. Hihintayin ng aso na matapos umawit ang isang bata na nakakuha ng buto bago niya buksan ang kaniyang mga mata. 6. Huhulaan ng aso kung sino ang nagtatago ng buto.• Nagustuhan mo ba ang laro? Nalaman mo ba o ng iyong mga kamag-aral kung sino ang kumuha ng buto sa aso? Ngayon, mag-isip ng ibang hayop at palitan ang pangalan ng aso at ang nawawalang bagay.• Anong hayop ang naiisip mong ipalit natin sa laro kanina? Anong bagay ang maaring mawala sa hayop na iyong naiisip?Halimbawa: Nawawalang BagayHayop tinik mais pusa manok• Palitan ng ibang hayop ang aso at kantahin ang awit. Gayahin ang tunog ng hayop na ipinalit habang umaawit. 13

• Pareho ba ang iyong pagkaawit sa “Aso, Aso” nang palitan mo ang awit ng ibang hayop? Puno ng kakaiba at kawili-wiling tunog angating mundo. May sariling tunog ang bawat bagay.Ito ang dahilan kaya ang boses mo ay iba sa bosesng iyong kapatid at mga kamag-aral. Sa musika, timbre ang tawag sa kagandahan atpagkakaiba ng tunog. Ito ang nagbibigay sa iyongboses ng natatanging kalidad. Kaya mo bang gayahin ang iba’t ibang timbreng tunog ng mga hayop o bagay sa sumusunod nalarawan? Gawain 3: Iba Pang Pinagmumulan ng TunogPanuto: Gayahin ang iba’t ibang timbre ng tunogng mga hayop o bagay sa sumusunod na larawan:tilaok ng manok kalantog ng pompiyangtahol ng aso dagundong ng tambol 14

Gawain 4: Sa Sirkus (Kuwentong Tunog) Sa SirkusIsang araw, si at ang kaniyang ay pumuntasa sa kalapit na barangay. Sa kanilang pagpasok sa bakod,nakita nila ang mga hayop tulad ng mga , , at isangmalaking . Habang palapit sila sa malaking tolda, narinig nilaang dagundong ng at ang mga na masayangsumisigaw. Tumakbo sila upang makita ang pangkat ng mgana nagma-magic. Sa tuwing ang isa sa mga ay magma-magic, nakaririnig si at ang ng kalantog ngSi at ang kaniyang ay masayang-masaya saat gusto pa nilang bumalik upang makita ang mga , angmalaking , at ang mga .• Kung ikuwento mo itong muli, paano mo gagawing mas kawili-wili?• Ano ang mga bagay sa inyong silid-aralan na maaari mong gamitin upang makalikha 15

ng mga kawili-wiling tunog para sa kuwento? • Mag-isip ng paraan kung paano ka magkukuwento nang may kawili-wiling tunog. Sabihin ito sa klase. Pakinggan ang kanilang sasabihin.Pampaunlad na Gawain: 1. Sumulat at gumuhit ng 3 bagay na makikita sa inyong tahanan sa kuwaderno. Ilarawan ang tunog na nalilikha nito. 2. Maglaro ng “Aso, Aso” kasama ang iyong mga kalaro o kasapi ng pamilya. Tingnan kung makikilala ang taong kumuha ng buto.III. Pagtatasa Lumikha ng tunog na angkop sa linya ng kuwento. Gamitin ang iyong boses at mga bagay sa silid-aralan. Huwag matakot sa paglikha ng iba’t ibang tunog. Tandaan, ang pinakakaiba ang pinakamaganda.IV. Pagbubuo • Alin sa mga gawain ang pinakagusto o hindi mo gusto? Bakit? • Ano ang mangyayari sa ating mundo kung pare-pareho ang tunog na nalilikha? Bakit? • Buuin ang pangungusap: Ang timbre ay nagbibigay _______________. 16

Modyul 4: Balik-aral ng YunitI. Kuwento / Paguulat ng pag-unlad a. “Ang Trabaho ng mga Bumbero” (Working at the Fire Station) salin mula sa Holt Music Series b. Pagtataya at Ulat sa pag-unlad sa MusikaII. Mga Gawain Ngayon, maaari kang gumalaw at isakilos ang kuwento. Basahin natin ang kuwento nang sabay-sabay. Humanda upang ulitin ito sa klase. Gumamit ng kilos at tunog. Gawain1: Ang Trabaho ng mga Bumbero “Isang araw, abalang naglilinis ang mgabumbero ng kanilang trak at istasyon. Bigla silangnakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May 17

sunog!” Mabilis na tumakbo ang mga bumbero sakanilang trak. Wang! Wang! Wang! Malakas natunog ng trak ang kasunod narinig. Pagdating salugar ng sunog, mabilis na bumaba ang mgabumbero mula sa trak. Agad nilang pinatay angapoy. Pataas-pababa, pataas-pababa angpaghawak nila sa hose na naglalabas ngnapakaraming tubig. Nang wala ng apoy, inayos nila ang kanilanggamit. Bumalik sila sa kanilang istasyon. Puno ngputik at uling ang kanilang trak. Nilinis muli nila angkanilang trak at istasyon. Muli silang nakarinig nangmalakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May sunog nanaman!” • Basahing muli ang kuwento kasabay ng guro. Bigyan ng sariling wakas ang kuwento. • Pag-usapan ang mga kilos at tunog na maaaring gamitin sa kuwento. Isa-isahin ang mga ito. 18

Gawain 2: PagtatayaPanuto: Alamin kung naisagawa mo ang angkop na kilos at tunog sa kuwento. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon.Gawin sa sagutang papel.Pamantayan May Nakita Ipinakitang Pag-unlad1. Angkop ang kilos na ginamit sa bawat bahagi ng kuwento.2. Angkop ang tunog na ginamit sa pangyayari sa kuwento.3. Madaling naunawaan ang kuwento batay sa ginawang kilos. 19

Gawain 3: Unang Kuwarter na Pagtataya sa SariliPanuto: Sukatin ang pag-unlad ng iyong kasanayan sa musika. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa hiwalay na papel kung nagpapakita ng iyong kaalamang nakamit.Pansariling Pagtataya Kayang Halos Gawin NagagawaMga Kasanayan sa Musika:1. Nakapagpapakita ng tempo at pagbabago ng dynamics sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan.2. Nakagagamit ng sariling boses upang makabuo ng iba’t ibang timbre.3. Nakagaganap ng may wastong antas ng dynamics.20

4. Nakagagawa ng iba’t ibang uri ng timbre gamit ang sariling boses o iba’t ibang kagamitan sa loob ng silid- aralan.5. Naaawit ang tanong at sagot ng pagbati nang mag-isa.6. Nakapakikinig at nakasusunod sa mga panuto at tuntunin sa pag-awit.7. Nakapagpapakita ng angkop na pagsisikap sa mga gawain.8. Patuloy na nakapagpapakita ng pakikiisa, pagpipigil sa sarili, paggalang sa isa’t isa, at pagkamamamayan. 21

1Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 2 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna angpahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilangkondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapangmahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin nikinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral MUSIC Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo Mirandilla ART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San Diego Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art) Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art) Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro PHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD. HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health) Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] 2

TALAAN NG MGA NILALAMAN MUSIKA 23 25YUNIT 2: 26Modyul 5 …………………………....................................... 27 Gawain 1: Tayo Nang Maghanap! ……...........… 29 Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling 31 Tunog .…………………………………………… 31 Gawain 3 ..……………………………………………. 32Modyul 6 …………..………………….………………….…. 33 Gawain 1: Damhin ang Kumpas ……………….… Gawain 2: Pagguhit ng Kumpas ..……….……..... Gawain 3: Mga Kumpas na Walang Tunog ….... Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang Tunog …………………………………………….Modyul 7 ………………………………………………...…… 34 Gawain 1: Patalbugin ang Bola ..…….………….. 37 Gawain 2: Pagbilang ng Sukat …..…………....… 39 Gawain 3: Pagguhit ng Bar Lines …………..……. 40 Gawain 4: Hulaan ang Sukat ………………....... 41 44Modyul 8 …………………………………………..…………. 45 Unang Araw …..………………………..…………..… 47 Ikalawang Araw ………………………..….............. 48 Pagtataya 1 .……………………………….……….... 49 Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang Kuwarter3

YUNIT 2 Musika 1 - Modyul 5I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikalimang Modyul saPagkatutoIII. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-4 minutoIV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo o rhythm. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag- unawa sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.V. Batayan ng Pagkatuto/ LayuninAng mag-aaral ay inaasahang:• naiuugnay ang mga larawan sa tunog at katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.• nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga 4

instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo. • nakalilikha ng madaling hulwarang ostinato nang dalawahan, tatluhan at apatang pangkat sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan. • nakapaglalaro ng mga kagamitang pansilid upang makalikha ng mga simpleng himig na paulit-ulit o hulwarang ostinato.VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO o RHYTHM – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.VII. Mga Mapagkukunan a. “Tulog Na” - Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla b. “ Duyan” (See-Saw) - Tugma c. “Tren” ( Engine, Engine No. 9) - TugmaVIII. Mga Gawain Nakapagduyan ka na ba? Paano ito gumagalaw? Gayahin. Awitin ang “Duyan”. “Duyan” (See-Saw) (Isinalin sa Filipino ni: Ms. Dulce de Vera) Duyan, umimbay pataas at pababa (2x) 5

May mahaba at maikling tunog ng musika. Mulinating awitin ang Duyan. Pakinggan kung alingbahagi ng awit ang may mahaba at maikling tunog.Gawain 1: Tayo Nang Maghanap!Panuto: Kopyahin ang awit sa sagutang papel.Hanapin ang salitang may mahaba at maiklingtunog sa awiting “Duyan”. Bilugan ang salitanginawit nang mahaba. Ikahon ang salitanginawit nang maikli.Sundan ang halimbawa:See - saw up and down,In the sky and on the ground.Du- yan u- mim- bayPa -ta -as at pa - ba -ba. 6

Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling TunogPanuto: Makikita sa kahon ang mahaba at maikling guhit. Ito ang naglalarawan sa mahaba at maikling tunog ng unang linya ng awit na “Tulog Na.” Lagyan ng mahaba at maikling guhit ang pangalawang linya ng awit upang maipakita ang mahaba at maikling tunog sa sagutang papel. • Pumalakpak nang mahaba at maikling tunog habang inaawit ang Tulog Na. • Ipalit ang salitang mahaba at maikli sa mga titik na awit na “Tulog Na”. Pumalakpak habang umaawit. 7

Gawain 3Tren Linya 1: Linya 2: Linya 3: Linya 4:IX. Pagtatasa Ipakita kung gaano ka kahusay umawit habang pumapalakpak nang mahaba at maikling tunog. Iguhit sa iyong papel ang at kulayan ito ng DILAW kung NAPAKAHUSAY, PULA kung MAHUSAY at BERDE kung HUMUHUSAY sa pag- awit. 1. Naaawit nang wasto ang himig. 2. Nakapapalakpak at naaawit nang tama ang mahaba at maikling tunog. 3. Nakikilala ang mahaba at maikling tunog sa awit na walang tulong ng guro. 8

X. Pagbubuo • Anong mga tunog ang ating natutuhan ngayon? • Ano kaya ang magiging tunog ng awitin kung maikling tunog lamang ang gagamitin? • Ano naman ang magiging tunog kung ang mahabang tunog lamang ang gagamitin? • Buuin ang pangungusap: Mahalaga ang pagsasama ng mahaba at maikling tunog sa isang awit dahil ________. 9

Musika 1 – Modyul 6I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikaanim na Modyul saPagkatutoIII. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggona tig-40 minutoIV. Kabuuan ng Modyul: Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo o element of rhythm. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan, at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain.V. Batayan ng pagkatuto/ LayuninAng Mag-aaral ay inaasahang: naiuugnay ang mga larawan sa tunog at katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit, at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo 10

 nakapaglalaro ng mga madaling hulwarang ostinato sa mga kagamitang pansilid-aralan o anumang bagay na magpagkukunan ng tunogVI. Nilalaman/ Paksa: RITMO O RHYTHM – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.VII. Mga Mapagkukunan a. “Pan de Sal” Salin ni D. De Vera b. “Tren” Tugma c. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora d. “Tulog Na” Oyayi ni Cielito Margo E. MirandillaVIII. Mga Gawain Ang musika ay pagsasama-sama ng tunog at katahimikan. Tapikin ang mesa o ang iyong kandungan kasabay ng guro habang inaawit ang “Tulog Na.” 11

Gawain 1: Damhin ang KumpasPanuto: Ang sumusunod ay kumpas ng awiting “Tulog Na”. Mula sa kaliwa, sabayan ng tapik ang bawat kumpas ng awit na “Tulog Na.” IIII IIII Ang kumpas ng isang awit o piyesa ng musikaay tinatawag ding pulso o pulse. Hihinto ang kumpasng awit kapag tapos na ito. Gawain 2: Pagguhit ng KumpasPanuto: Gayahin ang halimbawa sa Gawain 1. Isulat ang kumpas ng tugmang “Tren”. Awitin ito habang gumuguhit ng kumpas sa iyong sagutang papel. Ilang kumpas mayroon ang awitin? _______ 12

Gawain 3: Mga Kumpas na Walang TunogPanuto: Makikita sa ibaba ang kumpas ng awit na “Chimpoy, Champoy.” Lagyan ng ekis (x) sa papel ang mga kumpas na para sa iyo ay WALANG TUNOG.Linya 1 IIIIIIILinya 2 IIIIIII Sa musika, pahinga o rest ang tawag sa kumpasna WALANG TUNOG. Ibig sabihin, walang tunog omay KATAHIMIKAN sa kumpas na ito. Ginagamit angsimbolong . Sino ang mahilig kumain ng pan de sal?Kantahin natin ang awit na “Pan de Sal”. Pan de Sal (translation of Hot Cross Buns) Salin ni: D. de Vera Pan de Sal Pan de Sal “Tig singkwenta, tig mamiso Pan de Sal. 13

Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang TunogPanuto: Isulat ang kumpas ng bawat linya ng awiting “Pan de Sal.” Lagyan ng ekis (x) sa papel ang kumpas na WALANG TUNOG at iguhit ang sa tabi nito.Tingnan ang halimbawa: Linya 1 I I II Linya 2 Linya 3 Linya 4IX. PagtatasaAlamin ang iyong kakayahan. Lagyan ng tsek() ang bilang ng angkop na kakayahan mo sapapel.Mga Kasanayan Kayang Hindi Gawin Pa Kaya1. Natutukoy ang kumpas na WALANG TUNOG sa awit habang nakikinig. 14

2. Nakasusunod sa mga SIMBOLO ng KUMPAS at PAHINGA sa mga kilalang awitin. 3. Nakasusunod sa mga ibinigay na kumpas sa pamamagitan ng kilos ng katawan. 4. Nakaguguhit ng mga KUMPAS at PAHINGA ng isang kilalang awitin.IX. PagbubuoNatutuhan natin sa modyul na ito na gumagamitang musika ng TUNOG at PAHINGA sa ilang awit. • Ano ang kaibahan ng TUNOG sa PAHINGA? • Anong salita ang ginagamit upang tukuyin ang KUMPAS NA WALANG TUNOG O PAHINGA? • Buuin ang pangungusap: Ang kumpas ng awit ay tinatawag ding ____________________. Humihinto lamang ito kapag tapos na ang awit. 15

Musika 1 - Modyul 7I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikapitong Modyul saPagkatutoIII. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggona tig- 40 minutoIV. Kabuuan ng Modyul: Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag- unawa sa tunog, pahinga/katahimikan, at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.V. Batayan sa Pagkatuto/Layunin:Ang mag-aaral ay inaasahang; nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmong:• Nasa metrong dalawahan• Nasa metrong tatluhan• Nasa metrong apatan 16

 nakapaglalaro ng madadaling hulwarang metrong dalawahan, tatluhan at apatang sukat gamit ang kagamitang pansilid- aralan o anumang bagay na mapagkukunan ng tunog nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato sa metrong dalawahan, tatluhan at apatan na may kasabay na kilos ng katawanVI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama-sama ng tunog at pahinga/katahimikan sa tamang tiyempo.VII. Mga Mapagkukunan:a. “Talbog Pataas” (Bounce High) Awitingpambatab. “Pan de Sal” Tugmac. “Tren” Tugmad. “Pedro Penduko” Awit na Pasalita niM. IsletaVIII. Mga Gawain Sa musika, ang kumpas ay maaaringipangkat sa metrong dalawahan o metrongtatluhan. 17

Awitin natin ang “Talbog Pataas” atmagkunwaring may hawak na bola. “Talbog Pataas” Talbog Pataas, Talbog Pababa Ihagis ang bola kay John Dave! Gawain 1: Patalbugin ang Bola 1. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at saluhin ito habang umaawit. 2. Matapos awitin ang “Talbog Pataas” ng dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod. Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog. 3. Ano ang iyong napuna?Panuto: Makikita sa ibaba ang mga patayong guhit. Simbolo ito ng kumpas ng awiting “Talbog Pataas.” Lagyan ng ekis (X) sa iyong papel ang ibaba ng guhit na may malakas na kumpas. Tingnan ang halimbawa: IIIIIIII X 18

Kantahing muli ang awit. Gawing gabay ang sagot sa sagutang papel. Sa musika, tinatawag na MALAKAS NA KUMPASang may markang X at MAHINANG KUMPAS namanang walang marka. Tingnang mabuti ang patayong guhit na maymalaking letrang L at letrang H. Ang titik L ay parasa Lakas ng kumpas at H ay para naman sa Hina ngkumpas. Pumili ng tamang kilos ng katawan namagpapakita ng MALAKAS NA KUMPAS atMAHINANG KUMPAS. Ipakita ang ibig sabihin ng bawat guhit sapamamagitan ng tamang paggalaw ng katawan. IIIIIIII L HL HL HL H Upang maging madali ang pagsulat atpagbasa ng musika, gumagamit ang mga musikerong guhit sa unahan ng malakas na kumpas. BARLINES ang tawag dito. Ang puwang sa pagitan ngBAR LINES ay tinatawag na SUKAT o MEASURE. 19

Gawain 2: Pagbilang ng Sukat I I I II I I I L HL HL HL H ______ Ilan ang mga bar sa pagitan ng bar lines? Napansin mo ba kung ilang kumpas ang nasa bawat bar? Kapag may dalawang kumpas sa bawat bar,ang awit ay gumagalaw nang dalawahan. Inilalagay ang simbolong 2 sa unahan ng awitupang ipakita na ang daloy ng awit ay maydalawahang sukat. Sa musika, ang ibig sabihin ngbilang ay ang SUKAT ng awit. Balikan ang Gawain 2. Isulat sa patlang saunahan ng malakas na kumpas ang bilang na 2.Kantahing muli ang awit na “Talbog Pataas” habangsinusunod ang kahulugan ng L (lakas) at H (hina). Pumili ng kilos ng katawan na magpapakita ngmalakas na kumpas ng awit at gawin ito sa tuwingaawitin ang malakas na kumpas. 20

Gawain 3: Pagguhit ng Bar linesPanuto: Muli nating awitin ang “Leron, Leron, Sinta.” Gumawa ng patayong guhit upang maipakita ang kumpas ng unang bahagi ng awit. Lagyan ng panandang diin (>) ang malakas na kumpas. Gumuhit ng bar lines sa tamang lugar nito. Isulat ang bilang ng kumpas sa unahan ng awit. Gawin sa hiwalay na papel. Pamagat Sukat Linya 1 Linya 2 Linya 3 Linya 4 Napansin mo ba ang kinalalagyan ng mgaMALAKAS NA KUMPAS ng awit? Saan nakikita ang MALAKAS NA KUMPAS sabawat sukat? 21

Gawain 4 : Hulaan ang SukatPanuto: 1. Awitin ang “Pedro Penduko”. Lagyan ng patayong guhit ang bawat linya ng awit upang maipakita ang kumpas nito iyong papel. 2. Lagyan ng panandang diin (>) ang bahagi ng awit na may malakas na kumpas. Isulat ang sukat ng awit sa patlang sa kuwaderno. Pedro Penduko (Awiting Pasalita) Pedro Penduko, kumain ng itlog, Nang hindi maligo iniwan ng kalaro. Linya 1 sukat Linya 2 22

IX. Pagtatasa Ngayon naman, awiting muli ang “Tren”. Pumalakpak ayon sa kumpas ng awit at sabayan ito ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS AT MAHINANG KUMPAS. Lagyan ng tsek() ang kasanayang iyong natutuhan sa sagutang papel.Mga Kasanayan Kayang Hindi Gawin pa Kaya1. Nakaririnig ng malakas at mahinang kumpas.2. Nakasusunod sa palatandaan ng malakas at mahinang kumpas.3. Nakasusunod sa kumpas gamit ang paggalaw ng katawan.4. Nakakikilala ng sukat ng alam na awit.5. Nakaaawit ng awiting may sukat na dalawahan at tatluhan.23

X. Pagbubuo Natutuhan natin sa modyul na ito na ang KUMPAS ay maaaring MALAKAS o MAHINA at maaring pangkatin na may sukat na dalawahan (2 meters) o tatluhan (3 meters). • Ano ang hinahanap ng mga musikero bago maglagay ng bar lines sa isang awit? • Upang matukoy ang sukat ng isang awit, dapat bilangin ang __________________ na makikita sa bawat ______________________. 24


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook