Ang industriya ang sector ng ekonomiya na namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging isang produkto o serbisyo na ibinebenta sa pamilihan Nahahati sa mga sumusunod ang sector ng industriya : a) pagmimina, b)pagmamanupaktura, c) konstruksyon at d)utilities tulad ng elektrisidad, gas at tubig. Kung masigla at maunlad ang sektor ng industriya, mas makililikha ang ekonomiya ng mga kapakipakinabang na mga produkto at serbisyo para sa mga mamamayan. Ang sector ng pangangalakal ay tumutukoy naman sa mga kalakalang panlabas at panloob na maaring nasa anyo ng kalakalang pagtitingi o panlahatan. Mahalaga ang kalakalang panloob sapagkat nagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming manggagawa at nakatutulong sa pagbili ng mga produktong industriyal at agricultural. Mayroong iba’tibang uri ng produksyon sa industriya. Ito ay ang mga ass: Produksyong mala-industriyal, Maliitang produksyon, Katamtaman Hanggang sa Malakihang produksyon, ilang gawaing pagmamanupaktura.. Simpleng pagproseso lamang ng mga produktong ginagamit sa araw araw ang kayang gampanan ng sector industriya sa Pilipinas Ang ilan sa mga suliraning dala ng industriyalisasyon ay ang: Una, Ang malawakang paggamit ng teknolohiya laban sa paggawa ay nakapagdudulot ng pagkawala ng mga hanapbuhay lalong lalu na ang mga manggagawang walang kasanayan; Ikalawa,lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na kailangan sa programang industriyalisasyon; Ikatlo, nagdudulot ng polusyon at pagkasira ng kapaligiran ang masyadong mabilis na industriyalisasyon. Nilalayon ng pamahalaan na mapunlad ang sector industriya at pangangalakal bunga na rin ng kahalagahan nito sa ekonomiya. Sinisikap ng pamahalaan na mapaunlad ang maliliit at katamtamang laking industriya dahil na rin sa kahalagahan nito sa pagbibigay ng empleyo sa maraming tao sa bansa 40
PANGHULING PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa sector industriya?A. paghahalaman. C. pagsasaka.B. paghahayupan. D. pagmimina.2. Sa anong sector nabibilang ang mga produktong primarya, o mga likas naprodukto at hilaw na sangkap na galling sa kalikasan at hindi pa dumadaansa pagproproseso?A. agrikultura. C. pangangalakal.B. industriya. D. serbisyo.3. Itinatag ng Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine Carabao Center upang A. magsaliksik kung paano magkakaroon ng iba’t ibang breed ng kalabaw. B. maparami at mapaunlad ang populasyon ng kalabaw bilang katulong sa pagsasaka. C. mapigilan .ang sobrang pagdami ng kalabaw sa bansa D. upang maihanap ng alternatibong gamit ang kalabaw kung traktora na ang gagamitin sa pagsasaka.4. Alin sa mga sector ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw namaterial upang ito ay maging isang produkto?A. agrikultura. C. paglilingkod.B. industriya. D. pangangalakal5. Ano ang tungkulin ng sector ng pangangalakal? A. Sinsuplayan nito ng pagkain at mga hilaw na sangkap ang mga industriya.. 41
B. Namamahala ang sector na ito sa sa pagproproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging isang produkto.C. Ito ang sector na lumilikha ng serbisyo para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansaD. Nangangalaga ito ng pagpapalitan ng mga kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa.6. Alin sa mga sumusunod ang suliraning sa sector industriya? A. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran. B. Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor C. Pagkaubos ng likas na yaman D. Kakulangan ng pondo o capital ng mga namumuhunan.7. Bakit mahalaga ang sector ng pangangalakal? A. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay. B. Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit material sa industria. C. Ito ang pangunahing pinagkukunang ng kitang panlabas. D. Ito ang nagpapalago ng pagpapalitan ng mga kalakal .8. Ang key production approach ay naglalayong A. Pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga magsasakang napiling benepisyaryo. B. Pagtatanim ng mga piling crops o produkto sa mga lupain. C. Pagbibigay tulong sa mga bentang kalakal ng mga magsasaka. D. Pagpapatayo ng mga pabrika sa malalapit sa lalawigan.9. Ang lahat maliban sa isa ay ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sapagpapaunlad ng agrikulturaA. BFAR. C. Department of Agriculture.B. DENR. D. World Trade Organization. 42
10. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa sector ng industriyal?A. konstruksyon. C. pagsasaka.B. pagtitingi. D. Paglilingkod.11. Alin sa mga uri ng pangingisda ang may pinakamalaking naitala sakabuuang produksyon ng pangisdaan sa Pilipinas?A. Pangingisdang komersyal. C. Pangingisdang aquacultureB. Pangingisdang munisipal. D. Pamamansing.12. Naniniwala ang PIlipinas na higit na lumaki ang pagkakataon ng bansa na makipagkalakalan sa pandaigdigang pamilihan at maganyak ang mga local na tagagawa na maging mahusay at maipakita ang kakayahan sa larangan ng kainamang kapakinabangan kung makikibahagi ang ating bansa dito A. World Bank. B. International Monetary Fund. C. Wold Trade Organization (WTO). . D. Pandaigdigang Kalakalan.13. Saang antas o uri ng produksyon nabibilang ang paggawa ng mga air conditioner? A. Produksyong mala-industriyal. B. Maliitang produksyon. C. Katamtaman Hanggang sa Malakihang produksyon. D. ilang gawaing pagmamanupaktura.14. Ang pagtatatag ng Regional Industrial Development Center (RIDC) ay naglalayong: A. mapalakas ang produksyon ng agrikultura at industriya sa ilAng piling lugar B. mapaunlad ang mga piling lugar na magiging sentro ng industriya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 43
C. Makapagtayo ng mas maraming pabrika sa bansa. D. Lahat ng nabanggit.15. Alin sa mga sumusunod ang suliraning kinakaharap ng industriya? B. Maraming dayuhang namumuhunan ang kakompetsiyon ng mga local na namumuhunan C. Kakulangan ng dolyar at pananalApi na pantustos sa sangkap na inaangkat sa labas. D. Kakulangan ng kakayahan ng mga Filipino sa paggawa. E. Lahat ng nabanggit16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na suliraning dulot ng industriyalisasyon? A. lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na kailangan sa programang industriyalisasyon. B. Lalong lumalawak ang mga lupaing nasasakop ng mga panginoong may lupa. C. Nababawasan ang mga produktong ating nailalabas bunga ng industriyalisasyon. D. Tumatatas ang bilang ng mga manggagawa sa bansa.17. Isang programa ng pamahalaan na naglalayong mabago ang systema ng pagmamay-ari ng lupain at mapaunlad ang buong istruktura o kaayusan ng pagsasaka A. Gintong Ani. B. Key production Approach. C. Malayang Kalakalan. D. Repormang Pansakahan 44
18. Bakit mahalaga ang sector ng industriya? A. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay. B. Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit material sa industria. C. Ito ang pangunahing pinagkukunang ng kitang panlabas. D. Ito ang lumilikha ng mga tapos na produkto na tumutugon sa pangangailangang Filipino19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang watso? A. Mahalaga ang teknolohiya sa pagsulong ng ekonomiya B. Nakasasagabal ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya C. Hindi angkop ang makabagong teknolohiya sa umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas D. Maari lamang ang teknolohiya kung idnustriyalisado na ang isang Bansa20. Mahalaga na itaguyod ang mataas na pamantayan ng kalakalan kaya itinatag ng pamahalaan ang A. Bureau of Products Standards B. World Trade Organization C. Department of Trade and Industry D. Bangko Sentral ng Pilipinas 45
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSUSLIT1. A 11. A2. D 12. D3. A 13. A4. C 14.A5. A 15. C6. D7.C8. D9. B10. APANGHULING PAGSUSULIT1. D 11. C2. A 12.C3. B 13.C4. B 14.B5. D 15. A6. D 16. A7. D 17. D8. A 18. D9. D 19. A10. A 20. A 46
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 14PATAKARAN SA PANANALAPI BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 14 PATAKARAN SA PANANALAPI Humihingi ka ba ng pera sa magulang mo? Bakit ba mahalaga ang pera? Kunggaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito kahalaga sa atingbansa. Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayanggampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang, kaya kailangan niya ng patakaran sapananalapi. Sa modyul na ito ay tutulungan ka naming maintindihan mo ang patakaran ngpananalapi sa ating bansa. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Kasaysayan ng Pananalapi sa Pilipinas Aralin 2: Paggawa at Gamit na Salapi sa Pilipinas Aralin 3: Institusyon ng Pananalapi sa Pilipinas Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Maikukwento sa sariling salita ang kasaysayan ng pera sa bansa; 2. Maipaliliwanag ang paggawa ng salapi sa bansa; 3. Maiisa-isa ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng pera sa ekonomiya; 4. Makikilala ang iba’t ibang institusyon ng pananalapi sa bansa; at 5. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang mga bayaning nakalarawan sa ating mga salapi sa pamamagitan ng pagkilala. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULIT I. Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga letra ng alpabeto na katapat ng bawat numero. A – 1, B – 2, C – 3…1. Pinangangalagaan ang katatagan ng salapi sa bansa. Tinaguriang bangko ng mgabangko.35 18 12 1 7 58 9 5 192. Ang paggamit ng anumang bagay tulad ng ginto, pilak, at tanso bilang instrumento ngpalitan. 3 13 15 4 13 253. Instrumento ng palitan ng kalakal at paglilingkod na tinatanggap ng mga tao. 12 164. Nasa ganitong paraan sa kasalukuyan ang paggawa ng pera sa Pilipinas. 12 9 20 1 45. Tinatawag din itong savings bank. 20 2 11 20 8 186. Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo ng charitable institutions. 20 18 20 3 13 16 5 19 3
7. Pinakamaliit na bangko. P2 milyon ang kailangang kapital upang maitatag.Naglalayong tulungan ang magsasaka upang magkaroon ng puhunan. 18 21 12 2 118. Ang akronim na ito ay may kahulugang “Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw,Bangko at Gobyerno”.16 1 -9 7 6 21 4 -9. Itinatag noong 1946 sa Washington, D.C. na naglalayong tulungan na makabangonmuli ang mga bansang napinsala ng digmaan at nangangailangan ng puhunan para sapagpapaunlad ng ekonomiya. 23 15 42 1110. Pamantayan sa paggawa ng pera na salaping papel at hindi na kailangan pangtumbasan ng anumang metal. Halimbawa nito ay ang Yen ng Japan, Pound ngEuropa, Piso ng Pilipinas, at iba pa.16 1 5 18 20 1 4 18II. Lagyan ng S kung totoo ang pahayag at H kung hindi totoo ang pahayag.1. Ang International Monetary Fund (IMF) ay tumatayong international cooperative.2. Ang ating salapi mula noon hanggang ngayon ay pareho. Hindi ito nagbago.3. Barter ang paraan ng palitan ng produkto ng ating mga ninuno. Produkto kapalit ng produkto.4. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ayaw ng maraming bansa ang paggamit ng salapi. Ito ay madaling makilala, tinatanggap ng lahat, madaling dalhin, at nahahati. 4
5. Madali lamang ang paggawa ng pera. Maaari itong gawin kahit saan at ng kahit sino.6. Madaling makilala ang huwad na salapi.7. Sa kasalukuyan ay kakikitaan ng larawan ng ating mga bayani ang lahat ng ating pera.8. Ang bagong barya ay binubuo ng 75% na bakal.9. Ang pagkontrol sa suplay ng salapi ay nakabubuti sa ating ekonomiya.10. Kailangan lamang gumawa ng gumawa ng pera ang bansa upang mabigyang solusyon ang kahirapan. 5
ARALIN 1KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINAS May pera ka ba sa bulsa mo ngayon? Sino ang nakalarawan dito? Maaari moba itong gamitin sa ibang bansa? Ito na kaya ang salapi noong panahon bago pa angiyong mga lolo at lola? Lahat ng ito ay pipilitin nating alamin sa araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalaysay ang kasaysayan ng salapi sa Pilipinas sa pamamagitan ng info wheel na ipapakita; 2. Makikilala ang iba’t ibang uri at anyo ng pera na ginagamit sa lahat ng uri ng transaksyon sa ating ekonomiya; 3. Matutukoy ang mga umiral at umiiral na pamantayan sa paggawa ng salapi sa iba’t ibang bansa; at 4. Mapahahalagahan ang ating mga bayani sa pamamagitan ng pagkilala sa kanila sa mga umiikot nating salapi sa bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 6
Nakakita ka na ba ng ganitong mga pera? ____________________________________Ginagamit ba ito sa ating bansa? ___________________________________________Bakit hindi nagagamit ang iba sa mga perang nasa larawan? ___________________________________________________________________________________________Ano ang pagkakaiba ng ibang pera na nasa larawan sa pera na nasa bulsa mo? ___________________________________________________________________________Nagbabago kaya ang pera? _____________________________________________________________________________________________________________________Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas Ano ang ibig sabihin ng salapi o pera? Ito ay instrumento o gamit sapagpapalitan ng kalakal at serbisyo. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may barter na.Nakikipagpalitan na tayo ng kalakal sa kapwa Pilipino o maging sa mga taga-karatigbansa. Nagpapalitan sila ng produkto sa produkto. Maaaring ipampalit ang kahit naanong produkto noon tulad ng bigas, ginto, gulay, asin, at marami pang iba. Ang unang barya sa Pilipinas ay nadiskubre ni Dr. Gilbert Perez at tinawag itongpenniform gold barter ring. Hindi ito gawa sa Pilipinas. Ang unang barya na gawa sa Pilipinas ay ginawa ng unang bangko sa Pilipinas.Ito ay ang El Banco Espanol-Filipino de Isabel II. Tinawag itong Spanish Barilla. Angunang salaping papel ay tinawag na Pesos Fuertes. Tinatanggap din kasabay ng mgaperang ito ang Mexican Pillar Dollar at Dos Mundos na nagmula sa ibang bansa.Nagkaroon din ng kakaibang hugis na pera noong panahon ng Kastila. Ito ay tinawagna Hilis Kalamay. Naging gamitin ang barya sa ating bansa kaya pinagtibay ng Philippine CoinageAct ang gold exchange standard at muling binuksan noong 1920 ang minting plant saQuezon City. Ito ang gumagawa ng ating barya katulong ang mga dayuhan bago paang World War II. Taong 1977 nang mag-solo itong gumawa ng sarili nating barya. 7
Panahon ng Hapon nang magpalabas ng maraming pera sa sirkulasyon angPuppet Government. Naging dahilan ito ng implasyon at unti unting nawalan ng halagaang piso na tinawag noong Mickey Mouse Money. Taong 1949 naman nang itatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpalabas ngsalaping papel na may halaga mula sa piso hanggang 100 piso. Sa panahon ng Bagong Republika ni Pangulong Marcos ay inalis ang pisong papelat pinalitan ng 2 piso. Sa kasalukuyan ay may 500 at 1,000 pisong papel na ang Pilipinas sa sirkulasyon.Uri at Anyo 1. Commodity Money – ito ay ang uri at anyo ng pera kapag gumagamit ng anumang bagay sa palitan tulad ng ginamit ng ating mga ninuno. Ang ginto, pilak, at tanso ay halimbawa ng commodity money. May intrinsic value (halaga ng metal) o face value (halagang isinulat o itinakda) ang lahat ng salapi. 2. Credit Money – ito ay anumang gamit na tinatanggap bilang bayad sa inutang na produkto o serbisyo. Ito ay ang mga promissory notes, tseke (papel na may nakasulat na halaga, bangko, at para kanino), cash card (tulad ng tseke, maaari din itong di tanggapin kung walang sapat na pondo), at credit card. 3. Fiat Money – ito ay salaping papel na may face value. Ito ay itinuturing na legal tender o may halaga dahil sa ginagarantiyahan ng pamahalaan ang paggamit nito sa lahat ng transaksyon. Money Supply ang tawag sa barya at perang papel na nasa sirkulasyon na ginagamit ng tao sa araw-araw. 8
Pamantayan sa Paggawa ng Salapi 1. Commodity Standard a. Gold Standard kapag ang money supply ay may katumbas at tinutubos ng ginto. Halimbawa, ang U.S. ay gumagamit ng pamantayang gold coin at gold bullion standard. Ang gold coin ay inilalabas nila sa sirkulasyon, samantalang ang gold bullion ay reserba ng pamahalaan. Tayo ay nasa ganitong standard sa panahon ng pananakop ng Amerikano. Tinawag din itong gold exchange standard. Ipinagamit din nila sa atin ang dollar exchange standard. b. Silver Standard kapag ang pamantayan ng halaga ng salapi ay pilak. Kasama din ang silver coin standard at silver bullion standard. Kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ginto o pilak bilang pamantayan ng pananalapi, sila ay nasa monometallic standard. Kapag dalawang metal, ginto at pilak, sila ay nasa bimetallic standard. Ang England ay dating nasa ganitong standard pero pinalitan nila dahil sa paliwanag ni Sir Thomas Gresham. Ayon sa Gresham’s Law, itinatago ng mga tao ang salaping may mataas na halaga ng metal. Nawawala ito at ang natitira ay ang inferior money. 2. Non- Commodity Standard a. Paper Standard - salaping papel na di na kailangang tumbasan ng kahit anong metal. Ito ay ang managed currency standard na sinimulang gamitin dahil mas madaling kontrolin ang dami nito sa sirkulasyon. Nangangailangan ang papel ng garantiya ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay nasa ganitong pamantayan mula 1949. 9
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Kilalanin ang tamang sagot mula sa info wheel. barter 1. Unang baryang ginamit sa bansa. _______________________________________ 2. Salapi noong panahon ng Hapon. _______________________________________ 3. Unang salaping papel na ginawa sa bansa. _______________________________ 4. Kalakalang produkto ang salapi. ________________________________________ 5. Salaping nakilala dahil sa kakaibang hugis. _______________________________B. Sagutan ang puzzle. 12 3 10 6 5 4 7 8 9 10
1. Pera sa sirkulasyon. 2. Anumang gamit na tinatanggap kapalit ng produkto o serbisyong nakuha. 3. Gumagamit ng ginto at pilak bilang batayan ng halaga ng salapi. 4. Halaga ng metal. 5. Gumagamit ng ginto o pilak bilang batayan ng halaga ng salapi. 6. Gawa dito ang perang nangangailangan ng garantiya ng pamahalaan bago magamit. 7. Standard na ginto ang batayan ng halaga ng salapi. 8. _______ Law, nagsabing di maganda sa ekonomiya ang metallic standard. 9. Standard na pilak ang batayan ng halaga ng salapi. 10. Tawag sa perang natitira sa sirkulasyon kapag itinago ng tao ang perang metal na may mas mataas na halaga. Tandaan Mo! Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas: Penniform Gold Barter – Spanish Barilla – Mickey Mouse – Bagong Lipunan – Kasalukuyang Pera Uri at Anyo:Commodity – bagay ang gamit sa palitan. May face value o intrinsic value ito.Credit – tseke, promissory notes, credit cardFiat – salaping may legal tender Pamantayan sa Paggawa ng Salapi:Commodity Standard – gold o silver, monometallic o bimetallic standardNon-Commodity Standard – paper o managed currency standard tulad ng sa Pilipinas 11
Gawain 3: Paglalapat A. Panuto: Kilalanin ang ating salaping papel at barya sa pamamagitan ngpagsulat kung sino ang mga nakalarawan dito. 1. Singkuwenta Pesos - _________________________________________________ 2. Limang Piso - _______________________________________________________ 3. Sampung Piso - _____________________________________________________ 4. Piso - _____________________________________________________________ 5. Isandaang Piso - ____________________________________________________ 6. Isanlibong Piso - ____________________________________________________ 7. Limandaang Piso - ___________________________________________________ 8. Dalawampu’t limang sentimo - __________________________________________ 9. Dalawampung Piso - _________________________________________________ 10. Dalawangdaang Piso - _______________________________________________B. Panuto: Kilalanin ang salapi sa ibang bansa. Isulat ang katawagan sa salapi ng sumusunod na bansa. 1. Japan - ____________________________________________________________ 2. Kuwait - ___________________________________________________________ 3. Saudi Arabia - ______________________________________________________ 4. Korea - ____________________________________________________________ 5. Italy - _____________________________________________________________ 6. Amerika - __________________________________________________________ 7. Indonesia - _________________________________________________________ 8. China - ____________________________________________________________ 9. Thailand - __________________________________________________________ 10. Singapore - ________________________________________________________ 12
ARALIN 2PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINAS Meron ka bang bagay na gustong-gusto ngayon? Bakit mo ito gusto? Paano kamagkakaroon nito? Ano ang kailangan mo para mabili ito? Sa mga bagay na gusto molang bang bilhin nagagamit ang pera? Mahalaga ba ito? Tutulungan ka ng araling ito upang masagot ang mga tanong na ito. Halika… Simula na tayo… Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang mga gamit ng salapi; 2. Maipaliliwanag ang sistema ng pagmomoneda sa Pilipinas; 3. Matutukoy ang iba’t ibang sistema ng pagmomoneda; at 4. Makikilala ang mga barya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkukwento kung paano ito nagawa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! 13
Mula pa noong unang panahon marami ng sinubukan ang tao upang makuhanang maayos ang mga bagay na kailangan at gusto niya. Mula sa una nating aralin napag-alaman nating ang unang paraan ng palitan ngkalakal ay sa pamamagitan ng produkto sa produkto o barter. Hindi ito gaanong nagtagal dahil sa maraming dahilan. Mag-isip ka nga ngmaaaring mangyari kung kailangan mong palitan ng bigas ang gustong-gusto mong t-shirt? Ilang kilo kaya ng bigas ang isang branded shirt? Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng taong gumamit ng salapi. Isa-isahin natin ang mga gamit ng salapi.Gamit ng Salapi 1. Instrumento ng palitan. Kaya kung marami kang gusto, maraming pera ang kailangan mo. 2. Pamantayan ng halaga. Para malaman ang tunay na value ng isang bagay nilalagyan ito ng halaga. Ang bigas ay P20 isang kilo, P450 ang isang t-shirt, at iba pa. 3. Pamantayan ng maaantalang pagbabayad. Ang pera ay ginagamit bilang tanda ng pangungutang at pagbabayad. 4. Reserba ng halaga. Lahat ng produkto ay hindi maaaring itago nang matagal dahil nagbabago ang halaga nito. Kaya pinauutang ang mga produkto at pinapalitan ito ng salapi. Salapi ngayon ang nagiging reserba ng halaga ng mga produkto. Ngayong alam na natin ang gamit ng salapi, paano ba ito ginagawa? Bakitnagbabago ang laki at itsura nito? Alamin naman natin ang paraan ng paggawa ng pera. Sistema ngpagmomoneda ang tawag dito. 14
Sistema ng Pagmomoneda (Coinage) Ang Bangko Sentral ng Pilipinas lang ang may kapangyarihang mag-moneda atmagpalabas ng money supply. Ang gagawin nitong pera ay ibabatay sa kakayahan atari-arian ng Pilipinas. Isipin mo na lang kung marami ang binigyan ng karapatanggumawa ng pera. E, di iba-iba ang kulay at laki ng pera! Magiging madali rin angcounterfeiting sa ganitong sistema. Siguradong magulo ang palitan ng kalakal atserbisyo. Ang pagmoneda ng salaping barya ay may tiyak na sukat, timbang, atpagkametal. Ang pag-imprenta ng salaping papel ay ginagamitan ng espesyal na papelmula pa sa ibang bansa.Uri ng Pagmomoneda1. Limitado Pamahalaan ang mismong bumibili ng tiyak na dami ng metal at papel nagagamitin sa pagmomoneda. Ito ang paraang ginagamit ng Pilipinas ngayon.Nagpapakita lamang ng ganap na kapangyarihan ng pamahalaan ang sistemang ito.2. Di - limitado Kahit sino ay may pagkakataong magpagawa ng kahit gaanong kadami ng baryamula sa metal na dadalhin sa planta ng pagmomonedahan ng pamahalaan. FreeCoinage ang tawag dito. Naglaho ang ganitong sistema dahil sa di magandang dulotnito sa ekonomiya. Kapag pumayag ang pamahalaan na makagawa ng barya ang isang tao mula sadala niyang metal, naniningil ito ng brassage (eksaktong gastos sa paggawa) o kaya ayseignorage (may tubo). Paano kaya ginagawa ang mga pera natin ngayon? 15
Bagong Barya sa Pilipinas Noong1977, nakagawa ng barya ang Philippine Mint sa Quezon City. Mula noonnagpapalit-palit na ang barya ng Pilipinas. Kapag nagpalit na ng bagong barya angpamahalaan, nagbibigay lang ang Bangko Sentral ng petsa kung hanggang kailanmaaaring gamitin at tanggapin sa bangko ang lumang barya. Kapag lumampas na sapanahon, demonetized na (wala ng halaga) ang mga ito. Positive seignorage ang tawagkapag mas mataas ang intrinsic value kaysa face value ng barya. Halimbawa, noong1995, P2.55 ang ginastos ng pamahalaan sa pag-prodyus ng piso. Negative seignoragekung mas mataas ang face value kaysa intrinsic value nito. Halimbawa, ang baryangpiso sa money supply ngayong 2005 ay ginastusan lang ng .64 ang produksyon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Kung mali, isulat ang tamang sagot. 1. Sa Pilipinas kahit sino ay pwedeng magmoneda. 2. Ang seignorage ay bayad sa eksaktong halagang ginugol ng pamahalaan sa paggawa ng barya. 3. Dahil sa sistema ng pagmomoneda natin ngayon ay napakahirap malaman ang mga perang counterfeited. 4. Tanging ang Philippine Mint sa Quezon City ang gumagawa ng barya sa Pilipinas mula pa noong 1977. 5. Negative Seignorage ang barya natin ngayon. 6. Walang masyadong gamit ang salapi kaya hindi ito mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. 7. Ang lahat ng bangko kasama ang Bangko Sentral ay maaaring mag-imprenta ng perang papel ng Pilipinas. 8. Coinage ang tawag sa paggawa ng pera na may sinusunod na tiyak na timbang. 9. Demonitized ang tawag sa pera kapag di na ito tatanggapin pa sa pamilihan o bangko. 10. Limitado ang uri ng pagmomoneda sa Pilipinas. 16
Tandaan Mo! Gamit ng salapi: • Istrumento ng palitan; • Pamantayan ng halaga; • Pamantayan ng maaantalang pagbabayad; at • Reserba ng halaga Sistema ng Pagmomoneda (Coinage) ng Bangko Sentral Uri ng Pagmomoneda: • Limitado (Pamahalaan lang ang gumagawa ng pera.) • Di-limitado (Free coinage o kahit sino pwedeng magpagawa. Naniningil ang pamahalaan ng brassage o seignorage.) Barya sa Pilipinas Ginagawa sa Philippine Mint sa Quezon City mula pa 1977. Demonitized angperang di na tinatanggap sa palitan at bangko. Maaari itong negative o positiveseignorage.Gawain 3: Paglalapat kung kasiya siya ang pahayag atPanuto: Bilugan angkung di kasiya-siya ang mga pahayag.1. Maliliit na barya tulad ng 5 at 10 sentimo ngayon 2. Nag-iisang Minting Plant sa Quezon City 3. Paggawa ng maraming pera ng Bangko Sentral 4. Pagpaparusa sa mga taong nagkakalat ng counterfeited na mga pera 17
5. Pagpapalit ng mga lumang pera sa sirkulasyon 6. Paggamit ng mumurahing materyales sa paggawa ng barya 7. Iba’t ibang uri ng barya na ginagamit ng tao 8. Nagkalat sa bansa ang mga pekeng pera 9. Pagtanggal ng 5 at 10 sentimo sa sirkulasyon 10. Pagbalik ng sistemang barter o palitan ng produkto sa produktoARALIN 3INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINAS \"[Type Lesson Overview here]\" Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maiisa-isa ang uri ng bangko sa Pilipinas;2. Makapagbibigay ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng bangko; at3. Mapahahalagahan ang mga institusyong di bangko sa pamamagitan ng pagkilala samga ito. 18
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sagutin ang tanong: Sang-ayon ka ba na “Sa ikauunlad ng bayan… Bangko ang kailangan?” Pangatwiranan ang sagot. ________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________.Institusyon ng PananalapiBangko1) Thrift Bank – tinatawag na savings bank. Kabilang dito ang a) Savings and Loan Association na nagpapahiram at nagpapautang; b) Private Development Bank na pinahihiram sa mga small and medium scale industry ang deposito ng tao; c) Savings and Mortgage Bank na tumatanggap ng sanla sa pangungutang.2) Commercial Bank – kilala ngayon bilang unibanking (universal banking) o expanded commercial banks. Tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito (savings, time, at demand). Nagpapautang ng lahat ng uri ng utang (puhunan, housing, auto, at iba pa) Tumatanggap ng letter of credit, bill of exchange, at tseke.3) Rural Bank – may pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso. Layunin nitong tulungan ang magsasaka at industriya sa lalawigan. 19
4) Trust Companies – inaasikaso nito ang pondo at ari-arian ng taong walang kakayahang pangalagaan ang pera niya (ng bata, menor de edad, at may kapansanan). Gayundin ang sa simbahan at charitable institutions.5) Espesyal na Bangko Land Bank of the Philippines (LBP) - pangunahing layunin ang pagpapatupad ng reporma sa lupa Development Bank of the Philippines (DBP) - tumutulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga small and medium scale industries. Nagpapautang ito nang may mababang interes sa maliliit na negosyante. Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines - may pangunahing layunin na tulungan ang mga nangangailangang Muslim6) Bangko Sentral 6.1 Naitatag sa Pilipinas noong Enero 3, 1949 sa bisa ng Batas Republika 265. May kapital na P 50 Bilyong piso. Si Miguel Cuaderno ang unang CB governor. 6.2 Bangko ng mga bangko dahil ito ay nagpapautang sa mga bangko 6.3 Nag-iisyu at pinanggagalingan ng salapi 6.4 Chief banker at tagapayo ng pamahalaan 6.5 Pag-aaring publiko dahil ito ay sa pamahalaan 6.6 Tagapamahala sa reserbang dayuhang salapi, ginto, at ang pagbabayad ng utang panlabas at panloob 6.7 Layunin nito ang mapatatag ang pananalapi at presyo sa bansa, alagaan ang palitan at international value ng piso, at mapataas ang produksyon, empleyo, at kita. 6.8 Monetary Board ng BSP – 1 governor ng CB, 1 cabinet member, at 5 miyembro ng pribadong sektor 20
Institusyong Di- Bangko1) Government Service Insurance System (GSIS) – nagkakaloob ng seguro, pensyon, pautang, at dibidendo sa mga kawani ng pamahalaan. Kumukuha ito ng pera mula sa kontribusyon ng mga kasapi nito at mga negosyo.2) Social Security System (SSS) – ahensyang pang-seguro ng pribadong sektor. Tinatanggap nitong kasapi ang may tiyak na trabaho, boluntaryong kasapi, self- employed, at maging katulong sa bahay at magsasaka.3) PAG-IBIG FUND – Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw, Bangko at Gobyerno - Itinatag upang matulungan ang mga kasaping magkaroon ng sariling bahay. Manggagawang private, public, at overseas ay pwedeng maging kasapi nito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. Tukuyin ang sumusunod mula sa pinaghalong letra sa kahon. 1. Isa sa mga uri ng savings bank. Tumatanggap ng sanla sa pangungutang. B NKAVNGSAIS DNAEGAGMTOR 2. Bangkong naglalayong tulungan ang mga magsasaka. May pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso. LBAUA NKRR 21
3. Itinatag para maipatupad ang Reporma sa Lupa. LBPOFANKHILIN NDAETHPPPISE 4. Bangko para sa mga simbahan at charitable institutions. ENISTRS PAMOCUT 5. Isa pang tawag sa Bangko Sentral. A EEI C BHFNKRII. Punuin ang patlang para mabuo ang paghahambing. 1. Pribado: SSS; Publiko: ______________________________________________ 2. Safekeeper ng reserbang dolyar: Central Bank; Unibanking: ________________ 3. Bangkong katulong ng pamahalaan sa pagpapaunlad: ____________________; Bangkong tumutulong sa pangangailangan ng Muslim: Al Amanah Islamic Bank of the Philippines 4. Bangko: Trust Companies; ______________________________: PAG-IBIG FUND 5. Gawain ng Bangko Sentral: Mag–isyu at panggalingan ng salapi; ___________________________________: Mapanatili ang katatagan ng presyo 22
Tandaan Mo! DI-BANGKO 1. GSIS BANGKO 2. SSS 1. Thrift 3.PAG-IBIG 2. Commercial 3. Rural tumatanggap ng kon-4. Trust Companies tribusyon at nagpa- pautang nagpapaimpok at nagpapautang 23
Gawain 3: Paglalapat Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa mga sumusunod.1. Mahalaga ba ang bangko sa pag-unlad ng bansa? Bakit mo nasabi? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________2. Paano makatutulong ang isang mag-aaral na tulad mo sa pagpapaunlad ng pagbabangko sa ating bansa? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 24
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkolsa modyul na ito: Ang ating salapi ay dumaan sa pagbabago. Mula sa penniform gold barter ring – Spanish barilla at pesos fuertes – mickey mouse money – pera sa panahon ng bagong lipunan - kasalukuyang pera. May 3 uri ang pera: commodity, credit, at fiat. Ang paggawa ng pera ay maaaring commodity o non-commodity. Ginto at Silver ang ginagamit sa bimetallic commodity standard. Ginto o silver kapag monometallic standard. Paper Standard ang ginagamit sa non-commodity standard. Ang Pagmomoneda ay maaaring limitado o di limitado. Maaaring magbayad ng brassage o seignorage sa di limitadong pagmomoneda. May 2 institusyon ng pananalapi, ang bangko at di bangko. Bangko ng mga bangko ang tawag sa Bangko Sentral. Thrift, Commercial, Rural, Trust, at Espesyal ang uri ng mga bangko. Special bank na maituturing ang Land Bank, Development Bank at Al Amanah ng mga Muslim. Institusyong di bangko naman ang SSS, GSIS, at PAG-IBIG Fund. 25
PANGHULING PAGSUSULIT: I. Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa ekonomiya. NT kung nakatutulong; NS kung nakasasagabal. 1. Holdapan sa bangko. 2. Pagsasara ng mga maliliit na bangko. 3. Kumikita ang mga negosyo ng trust companies. 4. Pagpapaliban ng pagbabayad ng utang panlabas ng bansa. 5. Mabagal na pagproseso ng loan ng GSIS. 6. Pagdaragdag ng banking hours. 7. Pagtaas ng interes ng mga utang sa bangko. 8. Pagdami ng small and medium scale industries na nanghihiram sa ADB. 9. Pagtaas ng piso laban sa dolyar. 10. Dumami ang taong nag-iimpok sa bangko.II. Isulat sa paligid ng salaping papel ang mga gamit ng pera. (larawan ng pera)III. Pagkilala. Ilagay sa mga kahon ang tinutukoy ng mga pahayag. 1. Unang Central Bank Governor. 2. Unang perang papel na nagawa sa Pilipinas. 26
3. Pera noong panahon ng pananakop ng Hapon.4. Salaping papel na may value dahil sa ginarantiyahan ito ng pamahalaan.5. Pamantayan sa paggawa ng pera na maaaring monometallic o bimetallic.6. Tanging tagagawa ng barya sa Pilipinas.7. Naitatag noong Enero 3, 1949. May 50 bilyong pisong kapital.8. Unang barya sa Pilipinas.9. Tawag sa mga pera na nawalan na ng halaga, hindi tatanggapin ng bangko at mga tindahan.10. Kasama ng gobernador ng Central Bank at 5 taga-pribadong sektor bilangMonetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP. 27
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT II.I. 1. S 2. H 1. Central Bank of the Philippines 3. S 2. Commodity Standard 4. H 3. Salapi 5. H 4. Limitado 6. H o S 5. Thrift Bank 7. H 6. Trust Companies 8. H 7. Rural Bank 9. S 8. Pag-ibig Fund 10. H 9. World Bank 10. Paper StandardARALIN 1 KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINASGawain 1: Pag-isipan Mo! B.Isangguni sa guro ang sagot. 1. money supply 2. salapiGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 3. bimetallic A. 4. intrinsic 1. penniform gold barter ring 5. monometallic 2. Mickey Mouse money 6. paper o papel 3. Spanish fuertes 7. gold 4. barter 8. Greshams 5. hilis-kalamay 9. silver 10. inferior 28
Gawain 3: Paglalapat B. 1. Yen A. 2. Dinar 1. Sergio Osmeña 3. Rial 2. Emilio Aguinaldo 4. Won 3. Apolinario Mabini 5. Euro 4. Dr. Jose Rizal 6. U.S. Dollar 5. Manuel Roxas 7. Rupee 6. Abad Santos, Vicente Lim, Josefa 8. Yuan Llanes Escoda 9. Baht 7. Benigno Aquino 10. Singapore Dollar 8. Simbolo ng BSP 9. Manuel Quezon 10. Diosdado MacapagalARALIN 2 PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINASGawain 1: Pag-isipan Mo! 6. MIsangguni sa guro ang sagot. 7. M 8. TGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 9. T 1. M 10. T 2. M 3. M 4. T 5. T 29
Gawain 3: Paglalapat 6.1. 7.2. 8.3. 9. o4. 10.5.ARALIN 3 INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINASGawain 1: Pag-isipan Mo!Isangguni sa guro ang iyong sagot.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. 1. Savings ang Mortgage Bank 2. Rural Bank 3. Land Bank of the Philippines 4. Trust Companies 5. Chief Banker II. 1. GSIS 2. Commercial Bank 3. Development Bank of the Philippines o DBP 4. Di–Bangko 5. Layunin ng Bangko Sentral 30
Gawain 3: Paglalapat III.Isangguni sa guro ang sagot. 1. Miguel Cuaderno 2. Pesos FuertesPANGHUILNG PAGSUSULIT 3. Mickey Mouse Money I. 4. Fiat Money 1. NS 5. Commodity Standard 2. NS 6. Philippine Mint 3. NT 7. Bangko Sentral ng Pilipinas 4. NT 8. Spanish Barilla 5. NS 9. Demonitized 6. NT 10. Miyembro ng Gabinete 7. NS 8. NT 9. NT 10. NT II. (in any order) instrumento ng palitan pamantayan ng halaga pamantayan ng naantalang kabayaran reserbang halaga 31
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 16 PAMBANSANG KAUNLARANBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 16 PAMBANSANG KAUNLARAN Ikaw ay nasa ika-17 na modyul na. Sa puntong ito ay mayroon ka nang ganapna kaalaman sa mga batayang konsepto sa ekonomiks. Gagamitin mo ngayon ang mgakonseptong iyon upang maunawaan ang mga aspeto ng pambansang kaunlaran. Hindi sapat na alam mo lamang kung paano umaandar o tumatakbo ang atingekonomiya. Mahalaga na ikaw ay may matibay na paggagap sa konsepto ng pag-unladupang iyong masuri kung matatamo ba talaga ng Pilipinas ang pambansang kaunlaran. Sa modyul na ito, masusuri mo ang mga pagsisikap ng Pilipinas na makamit angpag-unlad. Sasagutin mo rin ang tanong na: Bakit kailangan ang pambansangkaunlaran? May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Pananaw sa Pag-unlad Aralin 2: Mga Palatandaan ng Pag-unlad Aralin 3: Mga Pagsisikap ng Pilipinas Tungo sa Pag-unlad: Isang Kritikal na Pagsulyap Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga pananaw sa pag-unlad; 2. Matutukoy at mapahahalagahan ang iba’t ibang palatandaan ng pag-unlad; at 3. Masusuri ang mga patakaran sa pag-unlad ng Pilipinas sa iba’t ibang panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULITI. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pag-unlad ay binubuo ng mga sumusunod maliban sa: A. Likas-kayang pag-unlad. B. Makataong pamamahala. C. Kaseguruhang pangkabuhayan. D. Modernisasyon.2. May pag-unlad kung: A. tumataas ang GNP. B. tumataas ang dami ng naghahanapbuhay. C. dumadami ang pinuno. D. natutugunan ang pangangailangan ng tao.3. Sa Growth-Oriented Development palatandaan ng pag-unlad ang:A. Pagtaas ng GNP. C. Pagtaas ng GDP.B. Pagtaas ng National Income. D. Lahat ay tama.4. Sa Sustainable Human Development palatandaan ng pag-unlad ang: A. Pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao. B. Pagtaas ng bilihin. C. Pagtaas ng dami ng nag-aaral. D. Pagtaas ng dami ng may hanapbuhay.5. Si Pangulong Corazon Aquino ay nagpatupad ng sumusunod na patakaran,maliban sa:A. Pribatisasyon C. Reporma sa PansakahanB. Reporma sa Lupa D. Malayang Kalakalan 3
6. MTPDP ang tawag sa programang pangkaunlaran ni:A. Joseph Ejercito Estrada. C. Corazon Aquino.B. Fidel V. Ramos. D. Walang tama.7. Angat Pinoy ang tawag sa programang pangkaunlaran niA. Joseph Ejercito Estrada. C. Corazon Aquino.B. Fidel V. Ramos. D. Walang tama.8. Ang prayoridad ng pamahalan ni Pangulong Estrada ay: A. Pagpapalago ng small and medium scale industries. B. Pagpapalago ng large scale industry. C. Pangungutang. D. Walang tama.9. Ang Human Poverty Index ay sumusukat ng: A. Kakulangan sa edukasyon ng mga tao. B. Kakulangan sa kita ng mga tao. C. Maikling buhay ng tao. D. Lahat ay tama.10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama? A. Sapat na ang paglago ng ekonomiya upang maging maunlad ang isang bansa. B. Sapat nang maging masaya ang tao. C. Sapat nang may trabaho ang tao upang maging maunlad ang bansa. D. Walang tama. 4
II. Panuto: Piliin sa Hanay C ang tamang kasagutan sa mga salita sa Hanay A. Ilagay ang sagot sa Hanay B HANAY A HANAY B HANAY C11. Land Reform Act Fidel V. Ramos12. Medium Term Philippine Mga Amerikano Development Plan o MTPDP Mga Kastila13. Pribatisasyon Corazon Aquino14. De-Control Carlos P. Garcia15. Green Revolution Ferdinand Marcos16. Filipino First Policy Joseph Ejercito Estrada17. Import Substitution Progam Diosdado Macapagal18. Kalakalang Galeon Ramon Magsaysay19. Malayang Kalakalan Elpidio Quirino20. Angat Pinoy 5
ARALIN 1MGA PANANAW SA PAG-UNLAD Ang araling ito ay tumatalakay sa iba’t ibang pananaw sa pag-unlad. Ano ba angpag-unlad? May iba’t iba bang pamamaraan ang pag-unlad? Para kanino ang pag-unlad? Ilan lamang ito sa mga katanungang ating sasagutin sa araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:1. Mabibigyan ng pakahulugan ang salitang kaunlaran;2. Matatalakay ang mga pananaw sa pag-unlad;3. Masusuri ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-unlad; at4. Makapagbibigay ng sariling mungkahi upang umunlad ang Pilipinas.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Bago mo basahin ang inihandang aralin, sagutin mo muna ang sumusunodna tanong. Sumasang-ayon ka ba sa mga sumusunod na pangungusap? Lagyan ngekis ang iyong sagot. PANGUNGUSAP OO HINDI1. May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada.2. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa.3. May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at makinarya.4. May pag-unlad kung may demokrasya.5. May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran.6. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.7. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal.8. May pag-unlad kung ang baryo ay naging lungsod.9. May pag-unlad kung may mataas na pasahod.10. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan. 6
Mayroong dalawang pananaw na batayan ng konseptong kaunlaran. Ang una aymula sa pananaw na tinatawag na Growth-Oriented Development at ang ikalawa aySustainable Development Model. Sa unang pananaw, ang pag-unlad ay sinasabing isang proseso ng paglaki ngekonomiya. Naipapakita ang paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas opaglaki ng kita ng bansa na binubuo ng Gross National Product (GNP), Gross DomesticProduct (GDP), at National Income (NI). Ang mga konseptong ito ay napag-aralan mona sa mga nakaraang modyul, hindi ba? Sa pagtaas ng kita ng bansa, nasusukat ang paglago ng isang ekonomiya.Ipinapakita nito na tumataas ang produksyon at pagkonsumo dahil sa paglaki ng kita saproduksyon at serbisyo. Ang mga bansang naniniwala sa pananaw na ito aykadalasang nanghihikayat ng mga dayuhang mangangalakal na magpapasok saekonomiya ng panibagong puhunan. Pinalalakas din ng bansa ang pag-eeksport opagluluwas ng kanyang mga produkto kasama ang pagpapadala ng mga manggagawasa labas ng bansa upang maragdagan ang kita sa pandaigdigang pamilihan. Dahil ditoay maaaring tumaas ang produksyon, magkaroon ng trabaho upang lumaki ang kita ngmga mamamayan at magkaroon ang mga tao ng kakayahang mamili at kumonsumo. May mga kritiko ang pananaw na ito. Kanilang sinusuri ang maaaring magingepekto ng mga patakarang nakabatay sa growth model na ito. Basahin ang sumusunodna tsart: MGA PATAKARANG KADALASANG \ IPINAPATUPAD AYON SA GROWTH MGA SINASABING DI MAGANDANG MODEL EPEKTO NG MGA PATAKARANPaghikayat ng dayuhang kapital Napipilitang panatilihing mababa angPagbibigay ng insentibo sa mga pasahod upang mahikayat ang mga dayuhang kapitalista Isa sa mga insentibo ay supilin ang mga 7
mangangalakal upang lalong mamuhunan manggagawa sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan bilang manggagawa.Pagpapaigting ng eksport o pagluwas ng Kadalasan ay mga produktong galing samga produkto kalikasan tulad ng troso, mga mineral, at pagkain ang iniluluwas. Dito nalalapastangan ang kalikasan kapalit ng kita.Paghikayat sa mga mamamayan na Ang mga panlipunang konsiderasyon tuladmaghanap buhay sa ibayong dagat. ng matatag na pamilya ay naisasakripisyo at nagbubunga ng paghihiwalay at pagkakawatak-watak ng pamilya dahil sa paghahanap buhay sa ibayong dagat.Pagtanggal ng mga sagabal sa Sa pagpasok ng mga dayuhang produkto,pakikipagkalakalan tulad ng taripa at iba kadalasan ay hindi maka-agapay ang mgapang buwis. lokal na mamumuhunan kung kaya unting- unti bumabagsak ang mga lokal na negosyo. Ang mga dayuhang produkto kasi ay kadalasang mas mura kaysa sa lokal na produkto. Nagbigay daan ang mga kritisismong ito sa Growth Model sa alternatibongpananaw na itinataguyod ng ilang mga pandaigdigang samahan tulad ng UnitedNations Development Programme o UNDP. Tinatawag itong Sustainable Development. 8
Ang pag-unlad sa pananaw ng Sustainable Development Model ay isangproseso ng pagpapalawak sa oportunidad ng isang tao na makamit kahit man lamangang minimum na istandard ng kabutihang pantao o well-being. Naniniwala ang mgatagapagtaguyod ng modelong ito na ang pag-unlad ay para sa tao kung kaya angbatayan ng pag-unlad ay ang pagtugon sa pangangailangan ng tao at pagtaas ngkalidad ng buhay ng tao. Ang buhay ng tao ay may iba’t ibang dimensyon tulad ngpulitikal, ekonomik, spiritwal, sikolohikal, pisikal, at sosyo-kultural. Maipapakita ang mgadimensyong nabanggit sa sumusunod na dayagram na galing sa Philippine Agenda 21: 1. Kaunlarang Pang-spiritwal (Spiritual Development )– ang pagkakaroon ng kapayapaan at makabuluhang buhay ay batayan ng pag-unlad 2. Kaunlarang Pang-tao (Human Development) – ang kaunlaran ay dapat na nagsusulong ng kagalingang pantao. Ang kanyang dignidad at mga potensyal bilang tao ay napapangalagaan at napapagyaman. Mayroong lubos na paggalang sa karapatang pantao. Walang tunay na pag-unlad kung ang tao hindi nakikinabang. 9
3. Kaunlarang Panlipunan (Social Development) – may pag-unlad kung may katarungan at pagkakapantay-pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng lipunan. 4. Kaunlarang Pang-kultura (Cultural Development) – may pag-unlad kung may paggalang sa kultura ng bawat isa at ang lahat ay maaaring makinabang sa mga yamang pangkultural. 5. Kaunlarang Pampulitika (Political Development) – demokratikong pamamahala, walang korupsyon, episyente, epektibo, at makatao ang mga palatandaan ng kaunlarang pulitikal 6. Kaunlarang Pang-ekonomiya (Economic Development) – maunlad ang kabuhayan kung mayroong seguridad ang bawat isa na makalahok at makinabang sa mga gawaing pangkabuhayan. 7. Kaunlarang Pang-ekolohiya (Ecological Development) – ang pag-unlad ay dapat likas-kaya. Hindi isinasakripisyo ang kalikasan upang kumita at matustusan ang mga pangangailangang materyal ng tao. Ang kalikasan ang pundasyon ng anumang pag-unlad. Ang Philippine Agenda 21 ang tugon ng Pilipinas sa pandaigidgang plano namakamit ang pag-unlad sa ika-21 siglo. Pinagpulungan ito at sinang-ayunan ngnagkakaisangmga bansa sa daigdig at tinawag na AGENDA 21 para sa buong daigdig. Balikan mo ang iyong mga kasagutan sa Gawain 1. Kung ang iyong sagot sabilang 1-3 at 6-10 ay OO, ikaw ay gumagamit ng pananaw ng Growth Model. Kung angiyong sagot sa mga bilang na nabanggit ay HINDI; at OO naman sa bilang 4-5, ikaw aygumagamit ng Sustainable Development Model. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang mga sumusunod ay mga simbulong naglalarawan ng pag-unlad.Lagyan ng A ang patlang sa ilalim ng bawat larawan kung nagpapahiwatig ito ngpananaw ng Growth Model at B kung Sustainable Development. 10
1. _______________ 2. _______________ 3. _______________4. _______________ 5. _______________ 6. _______________7. _______________ 8. _______________ 10. _______________11. _______________ 12. _______________ 13. _______________ 11
14. _______________ 15. _______________ Tandaan Mo! Iba-iba ang pananaw sa pag-unlad. Ang pananaw na ginagamit ang nagiging batayan ng depinisyon ng pag-unlad. Ang pag-unlad ay hindi lamang naglalayon na mapaunlad ang ekonomiya o tumutukoy lamang sa dimensyong pangkabuhayan ng bansa. Bahagi ngproseso ng pag-unlad ay ang pagtaas ng kalidad ng iba pang aspeto ng pag-unlad tulad ng pulitikal, sosyo-kultural, pang-tao, spiritual, at ekolohikal.Magkakaugnay ang mga bahagi ng lipunan kung kaya kailangang maging buoang pagtingin sa pag-unlad.Tao ang sentro ng pag-unlad. Ang tao ang dapat makinabang nito. Ang tunay napag-unlad ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao at nagtataas ng kalidadng kanilang buhay. 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280