Aralin 5: Ang Aking PagtulogGawain 1: Kailangan Kong Magpahinga Maglakad tayo. Tumakbo tayo. Kapag pagod na tayo, tayo’y magpahinga.Gawain 2: Gaano Ka Katagal Matulog?Ang pagtulog at pagpapahinga ay tumutulongupang tayo ay lumaki at lumusog.Gaano katagal matulog si Nina?Bilangin ang bituin. 26
Tingnan ang orasan.Ika-8:00 na ng gabi.Natutulog si Nina tuwing ika-8:00 ng gabi.Gumigising siya tuwing ika- 7:00 ng umaga.Natutulog siya ng 11 oras.Ikaw, anong oras ka natutulog?Anong oras ka gumigising?Natutulog ako sa ganap na _____.Gumigising ako sa ganap na ______.Natutulog ako ng _________.Gawain 3: Matulog nang Maaga Matulog at gumising nang maaga, para maging malusog at masigla. Anong oras ka natutulog? Anong oras ka gumigising? Anong mangyayari sa iyo kapag sapat ang iyong pagtulog? Bakit? 27
Gawain 4: Inaayos Ko ang Aking TuluganPagmasdan ang larawan A at BAlin sa dalawang batang lalaki ang iyong gusto?Bakit?Gawain 5: Handa na Akong MatulogBasahin ang kuwento. 28
29
1. Palitan ang kobre-kama linggo-linggo.2. Palitan ang punda linggo-linggo.Tandaan Kailangan natin ng sapat na oras sa pagtulog. Ang pagtulog ay nagpapalusog. Mahimbing ang tulog natin kapag malinis ang kobre-kama. Mahimbing ang tulog natin kapag malinis ang mga unan at kumot. 30
Gawain 6: Ang Aking Gamit sa PagtulogAno-ano ang ginagamit mo sa pagtulog?Isulat sa sagutang papel ang bilang ng tamangsagot. 31
Aralin 6: Ang Aking TindigPag-aralan NatinGawain 1: Tumayo nang Tuwid 1. Tumayo nang tuwid sa tabi ng dingding. 2. Hayaang nakalapat ang ulo sa dingding. 3. Hayaang nakalapat ang balikat sa dingding. 4. Hayaang nakalapat ang likod sa dingding. 5. Tumingin nang diretso. 6. Ituwid ang tuhod. 7. Iliyad ang dibdib. 8. Huwag iliyad ang tiyan. Nagawa mo ba? Tumayo nang Tuwid Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Mahal kong kamag-aral Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Mahal kong kamag-aral 32
Gawain 2: Umupo nang Tuwid1. Umupo nang tuwid sa silya.2. Isandal ang likod sa silya.3. Umupo nang tuwid ang balikat.4. Hayaang dumikit ang ibabang bahagi ng katawan sa silya.6. Umupo nang nakaayos ang tuhod at balakang.6. Ilapat ang paa sa sahig.7. Huwag pagpatungin ang dalawang binti.Gawain 3: Wastong Paglakad 1. Tumayo nang tuwid. 2. Tumingin nang tuwid at hindi nakatungo. 3. Itaas ang baba. 4. Huwag iliyad ang tiyan. 5. Lumakad paharap. 6. Hayaang gumagalaw ang braso. 7. Ibaluktot nang bahagya ang tuhod. 33
Gawain 4: Pulutin ang Iyong GamitKung may pupulutin o may ilalagay na bagay saibaba: 1. Ibaluktot ang tuhod kasabay ng hita. 2. Iwasang yumuko.Gawain 5: Sino ang May Maayos na Tindig?Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin sakuwaderno.1. Sino ang nakaupo nang maayos?2. Sino ang nakatayo nang tuwid? 34
1. Sino ang may wastong tindig sa paglalakad?Tandaan: Tumayo nang tuwid Umupo nang tuwid. Maglakad nang wasto. Pulutin ang mga bagay nang buong ingat. 35
Huling PagtatayaA. Alin ang ginagamit natin sa paghuhugas ng kamay at paa? Iguhit sa iyong papel ang tamang sagot. 36
B. Paano tayo naghuhugas ng ating kamay? Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.Gawin sa kuwaderno. 37
C.Piliin ang letra ng maling larawan sa kuwaderno.D. Isulat ang Oo kung tama ang gawain at Hindi kung mali sa iyong papel.______ 1. Maglalaro ako nang buong araw.______ 2. Matutulog ako sa tamang oras.______ 3. Tatayo ako nang tuwid.______ 4. Matutulog ako sa malinis na banig.______ 5. Magpapalit ako ng damit linggo-linggo. 38
1Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 3 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1
Music, Art, Physical Education, and Health- Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna angpahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilangkondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapangmahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin nikinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral MUSIC Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo Mirandilla ART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San Diego Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art) Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art) Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro PHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD. HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health) Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] 2
TALAAN NG MGA NILALAMANHealthYUNIT 3: Ang Aking Mga Pandama …………… 256 258Aralin 1: Malilinaw na Mata .......................................... 258 Gawain 1: Hindi Ito Biro ………………………….…. 259 Gawain 3 ……………………………………………... 260 Gawain 4: Pangangalaga sa mga Mata ……… 262 Gawain 5: Pangalagaan ang Iyong Mata …….. 262 Gawain 6: Sakit sa Mata …………………………… 264 262Aralin 2: Matalas na Pandinig ...................................... 262 Gawain 1: Ano ang nsa Kahon? Gawain 2: Pagsusuri sa Tunog ………………….… 264 Gawain 3: Pangalagaan Natin ang Ating 266 Tainga …………………………………………... 266 267Aralin 3: Ingatan ang Iyong Ilong ................................. 268 Gawain 1: Mabango at Mabaho ……………….. 268 Gawain 2: Pangangalaga sa Ilong ……………… 270 271Aralin 4: Dila na Panlasa ............................................... 271 Gawain 1: Dila na Panlasa ………………………... 272 Gawain 2: Pangangalaga sa Iyong Dila ……….. 273 278Aralin 5: Masayang Ngiti, Malusog na Bibig …...……... 278 Gawain 1: Masayang Ngii ………………………… Gawain 2: Ang Aking Milk Teeth …………………. 279 Gawain 3: Magsepilyo Tayo ………………………. 283 284Aralin 6: Pangangalaga ng Ating Bibig at Ngipin …… Gawain 1: Mabuti o Masama ……………………. Gawain 2: Masusustansiyang Pagkain para sa Bibig ……………………………………………...Aralin 7: Makinis na Balat .............................................. Gawain 1: Ako ay Malinis Araw-araw …………..3
YUNIT 3: ANG AKING MGA PANDAMA 4
Pag-aralan Natin:Basahin ang tula.Iguhit ang sagot sa iyong kuwaderno. Ang Aking Maliliit na Katulong ni Evelina M. VicencioAko ay may dalawang __________________ upang makita ang mga bagay sa aking paligid. Ako ay may dalawang ___________________ pang marinig ang tunog, malayo man o malapit.Ako ay may isang __________________ na pang-amoy sa mabaho o mabango.Ako ay may isang ____________________ upang malaman kung ang pagkain ay matamis o maalat . Ako ay may dalawampung __________________ na pangkagat at pangnguya.Mayroon din akong __________________ para ang init at lamig ay aking madama. 5
Aralin1: Malilinaw na MataPag-aralan Natin:Gawain 1: Hindi Ito BiroKailangan mo ng : lapis malaking panyo1. Gumuhit ng masayang mukha sa inyong kuwaderno.2. Markahan ito ng A.3. Takpan ng panyo ang iyong mata.4. Gumuhit muli ng masayang mukha sa inyong kuwaderno.5. Markahan ito ng B. Pagkumparahin ang iyong mga iginuhit. Alin saiyong iginuhit ang mas maganda? Bakit? 6
Gawain 3: Nakakikita tayo gamit ang ating mga mata. Nakikita natin ang iba’t ibang bagay. Nakikita natin ang mga bagay na ating gusto. Pinananatili tayong ligtas ng ating mata. Napakahalaga ng ating mga mata. 7
Ang Ating Kahanga-hangang MataBasahin natin ang tula. Ang Aking Kahanga-hangang Mata ni Teodora Conde May dalawa akong kahanga-hangang mata, Na nakakikita ng liwanag at ganda. Kapag ako’y napapagod aking pinapahinga, Tanging sa liwanag ako nagbabasa.Gawain 4: Pangangalaga sa mga MataPangalagaan ang iyong mata.Narito kung paano —Tandaan: WASTONG GAWI PARA MANATILING MALUSOG ANG ATING MATA. 8
Gawain 5: Pangalagaan ang Iyong MataPag-aralan ang larawan.Alin sa ginagawa nila ang mali?Bakit mali ang kanilang ginagawa?Isulat ang bilang ng larawan na hindi dapat gawin.Gawain 6: Sakit sa Mata Sore eye KulitiTandaan Mahalaga ang malusog na mata. Alagaang mabuti ang ating mata. Ugaliin ang wastong gawi upang mapanatiling malusog ang ating mata. 9
Kopyahin ang drowing ng mukha sa ibaba sa inyongkuwaderno. Lagyan ng dalawang mata ang mukha. 10
Aralin 2: Matalas na PandinigPag-aralan NatinGawain1: Ano ang nasa kahon?Gawain 2: Pagsusuri sa TunogMay ilang bagay na lumilikha ng kaaya-ayangtunog. 11
A. Anong bagay ang lumilikha ng kaaya- ayang tunog? B. Anong mga bagay ang lumilikha ng hindi kaaya-ayang tunog? Isulat ang bilang sa iyong kuwaderno.Tandaan:Iwasan natin ang ingay.Hindi ito mabuti sa ating tainga.Pangalagaan ang ating tainga sa ingay. 12
Gawain 4: Pangalagaan Natin ang Ating TaingaInaalagaan ng mga bata ang kanilang tainga.Paano nila ito ginagawa? 13
Para sa Tainga o HindiTingnan ang mga larawan.Iguhit ang mga ginagamit na panlinis ng tainga sakuwaderno.Tandaan Ang malakas na tunog ay masama sa ating tainga. Pangalagaan natin ang ating tainga. Linising palagi nang buong ingat ang ating tainga gamit ang tuwalya. Huwag lagyan ng matutulis at kung ano-anong bagay ang ating tainga. 14
Aralin 3: Ingatan ang Iyong IlongPag-aralan Natin Ang ilong ay para sa paghinga. Ang ilong ay pang-amoy rin. Ang ilong ay pang-amoy ng mabango. Ang ilong ay pang-amoy rin ng mabaho.Gawain 2: Mabango at MabahoAnong amoy ang mabuti para sa ilong?Piliin at iguhit ang sagot sa inyong kuwaderno.Panatilihing malinis ang ating ilong.Panatilihing malusog ang ating ilong. 15
Gawain 3: Pangangalaga sa IlongAng malinis na ilong ay nakapagpapalusog sa atin.Mahalaga ang malusog na ilong.Bakit dapat panatilihing malinis ang ilong? 16
Tandaan: Ating Ilong Tono: Leron-leron Sinta ni Teodora D. Conde Ating ilong ay panghinga Ating ilong ay pang-amoy Amuyin ang mabango. Huwag amuyin ang mabaho. Panatilihing malinis ang ilong. Panatilihing malusog ang ilong. Suminga nang dahan-dahan. Linisin nang mabuti.Aralin 4: Dila na PanlasaPag-aralan NatinAng ating dila ay nasa loob ng bibig.Ang ating dila ay nakalalasa ng pagkain.Ang ating dila ang tumutulong upang tayo aymakapagsalita.Ang ating dila ang nagpapanatiling malinis angngipin. 17
Gawain 5: Dila na PanlasaAno ang lasa ng pagkain?Isulat sa kuwaderno ang A-kung matamis, B-maasim,C-maalat, D-mapait. 18
Gawain 6: Pangangalaga sa Iyong DilaSino sa mga bata ang inaalagaan ang kanilangdila? Piliin ang bilang ng iyong sagot.Isulat sa inyong kuwaderno.Alagaan ang ating dila.Sepilyuhin qng ating dila pagkatapos magsepilyo ng ngipin.Uminom ng maligamgam na inumin.Huwag uminom ng mainit na inumin.Huwag kumain ng mainit na pagkain.Huwag ding kumain ng maanghang na pagkain.Tandaan: Ang Aking Dila ni Evelina M. VicencioAng aking dila ay nakalalasa ng pagkain:mapait, maalat, maasim, at matamis;tumutulong din itong bumatisa aking mga kaibigan kapag kami’y nagkikita;nililinis nito ang tirang pagkainsa aking ngipin kapag ako’y kumakain. 19
Aralin 5: Masayang Ngiti, Malusog na BibigPag-aralan NatinGawain 1: Masayang NgitiSino ang may masayang ngiti?Ang Ating BibigAng bibig ay ginagamit sa pagkain.Ang bibig ay ginagamit din sa pagsasalita.Ang bibig ay may ngipin at dila.Ang ngipin ang dumudurog ng ating kinakain.Ang dila naman ang tumutulong sa paglulon.Ang mga ito ay sama-samang gumagawa.Kaya kailangan nating pangalagaan. 20
Gawain 3: Ang Aking Milk Teeth 1. Tumingin sa salamin. 2. Ibuka ang iyong bibig. 3. Bilangin ang iyong ngipin. 4. Ilan ang iyong ngipin? 5. Mayroon ka bang nawawalang ngipin? 6. Ilan ang iyong nawawalang ngipin? 7. Tingnan ang larawan ng baby teeth.]Kopyahin sa inyong kuwadernoLagyan ng ekis (X) ang iyong nawawalang ngipin.Mawawala rin ang iyong baby teeth.Pagkatapos, magkakaroon ka ng bagong ngipinAng mga ito ang iyong permanenteng ngipin. 21
Ang Ating NgipinMayroon tayong dalawang uri ng tumutubongngipin.Ang unang uri ay ang baby teeth.Tinatawag din itong milk teeth.Ang mga bata ay may dalawampung baby teeth.Ang pangalawang uri ay ang permanenteng ngipin.Ang mga nasa wastong gulang na ay maytatlumpu’t dalawang permanenteng ngipin.Gawain 3: Magsepilyo TayoNagsesepilyo ka ba?Ang pagsesepilyo ang paraan upang magingmalinis ang ating bibig.Pinananatili nitong malinis ang ating ngipin at dila.Pinananatili rin nitong malinis ang ating gilagid.Ang pagsesepilyo ay isang paraan upangtayo’y maging malusog. 22
Kailan ka nagsesepilyo ng ngipin? Magsepilyo ng ngipin bago at pagkatapos kumain. Ganito ang tamang paraan ng pasesepilyoMga kailangan Sepilyo toothpaste o asin basong may tubig dental floss o malinis na maliit na tuwalya sinulid1. Kunin ang sepilyo.2. Basain ang sepilyo ng malinis na tubig.3. Maglagay ng kaunting toothpaste sa sepilyo.4. Magsepilyo nang paikot ang galaw. 23
5. Magsepilyo mula kaliwa patungong kanan.6. Sepilyuhin din ang dila.7. Siguraduhing malinis lahat ng gilid.8. Idura ang mga natitirang laway at toothpaste.9. Banlawan ang iyong sepilyo nang mabuti.10. Panatilihing malinis ang iyong sepilyo.11. Ilagay ito sa tuyong lugar.12. Punasan ang bibig ng malinis na tuwalya. 24
Huwag Kalimutang Mag-floss 25
TandaanMagsesepilyo ako ng ngipin pagkatapos kumain.Sa pagsesepilyo, gumagamit ako ng toothpaste.Gagamit ako ng floss.Sa paggamit ng floss, gumagamit ako ng malinis nasinulid.Pupunta ako sa aking dentista . 26
Aralin 6: Pangangalaga ng Ating Bibig at NgipinGawain 1: MABUTI O MASAMA?Tingnan ang mabuting gawi.Piliin ang bilang ng iyong sagot.Isulat sa inyong kuwaderno. 27
Gawain 2: Masusustansiyang Pagkain para sa BibigPanatilihing malinis ang ating ngipin.Tayo’y magsepilyo ng ngipin.Tayo’y mag-floss ng ngipin.Tayo’y kumain ng masusustansiyang pagkain.Masama ang masyadong matamis na pagkain.Maaaring masira ang ating ngipin.Iguhit ang kung masustansiyang pagkain.Iguhit ang kung hindi masustansiyang pagkain.Gawin sa inyong kuwaderno. 28
Wastong Gawi para sa Masayang NgitiTingnan ang mga larawan.Tukuyin ang dapat at hindi dapat gawin. 29
TandaanPanatilihing malinis angbibig.Kapag malinis ang ngipin,malusog din ang bibig.Ang pagsesepilyo atpagpo-floss ay nakalilinisng ngipin.30
Mga paraan kung paano mapananatiling malinisang bibig: Huwag masyadong kumain ng matatamis na pagkain. Uminom at kumain ng masustansiyang pagkain. Pumunta sa dentista dalawang beses sa isang taon. Huwag kumagat ng matitigas na pagkain at bagay. Palaging magsepilyo pagkatapos kumain. Palaging mag-floss pagkatapos kumain. Malusog na Bibig (Tono: London Bridge) ni Teodora D. Conde Ang ating bibig ay may malusog na ngipin, Mamula-mulang dila at mabangong hininga; Alagaan ang ating bibig at ngipin Huwag masyadong kumain ng matatamis. 31
Aralin 7: Makinis na BalatPag-aralan Natin:Mga Bagay na Nagpapanatili sa Ating MalinisTingnan ang mga larawan na tumutulong paratayo’y manatiling malinis at ligtas.Iugnay ang bagay sa bahagi ng katawan na nalilinisnito. Isulat ang letra sa inyong kuwaderno. 32
Gawain 3: Ako ay Malinis Araw-araw Ang tubig ay panghugas. Ang sabon ay panlinis ng katawan. Maghilamos ng mukha araw-araw. Maligo araw-araw.Mga Kailangan: bimpo o labakara tuwalya palanggana at tabo sabon at haboneraMaligo araw araw.1. Gumamit ng malinis na tubig. Gumamit ng sariling sabon. Basain at lagyan ng shampoo ang buhok. Banlawang mabuti.2. Lagyan ng sabon ang bimpo o labakara. Kuskusin ang mukha at leeg. 33
Kuskusin ang labas ng tainga. Kuskusin ang kilikili. Kuskusin ang braso. Kuskusin ang binti. Banlawang mabuti ang mukha at leeg. Banlawan ang bimpo o labakara. Kuskusin ng bimpo o labakara ang labas ng tainga. Kuskusin ang iyong kilikili. Banlawan ang braso. Banlawan ang binti. Banlawan ang buong katawan.3. Patuyuin ang iyong buhok, mukha, at katawan gamit ang tuwalya.4. Magsuot ng malinis na damit araw-araw. Pantakip ito sa ilang bahagi ng ating katawan. Magsuot ng komportableng kasuotan. Magsuot ng wastong kasuotan ayon sa panahon. Magsuot ng tsinelas o sapatos. 34
5. Magsuklay ng buhok.6. Panatilihing malinis ang kamay at paa. Maggupit ng kuko. Magpatulong sa nakatatanda.Nangangati ka ba? Dapat ay mayroon kang sariling — suklay bimpo o labakara tuwalya damit 35
Alam mo ba kung ano ang maliliit na hayop na ito?kuto surotKuto at surot ang tawag sa mga ito.Ang kuto ay nasa ulo.Ang surot ay kumakapit sa balat.Nagpapakati ng ulo ang kuto.Nagpapakati ng balat ang surot.Anong gagawin mo kapag ikaw ay nangati?Kumanta Habang NaglilinisIto ang paraan ng paghihilamos ng mukhaHilamos ng mukha, hilamos ng mukha.Pagkagising sa umaga.Ito ang paraan ng paglilinis ng buhok…Ito ang paraan ng paliligo…Ito ang paraan ng paglilinis ng tainga…Ito ang paraan ng paghihilamos ng mukha…Ito ang paraan ng paghuhugas ng kamay …Ito ang paraan ng pagsesepilyo…Ito ang paraan ng paglilinis ng braso…Ito ang paraan ng paghuhugas ng paa…Ito ang paraan ng paglilinis ng katawan…Ito ang paraan ng pagpuputol ng kuko… 36
Tandaan Ang malinis na katawan ay nagpapalusog sa atin. Sundin natin ang mga wastong gawi sa kalinisan. Panatilihin nating malinis ang ating katawan. Simulan sa ulo hanggang paa. Linisin ang bawat bahagi ng katawan. Gumamit ng malilinis na damit at bagay.Panapos na PagsusulitA. Tama o Mali? Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek () kung tama at ekis (X) kung mali.Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Uminom ng gatas. 2. Suminga nang dahan-dahan. Maligo araw- araw. 3. Panatilihing malinis ang labas ng tainga. 4. Ang gulay ay masustansiyang pagkain. 5. Magsepilyo nang isang beses sa isang linggo. 6. Ang matatamis ay mabuti sa ngipin. 37
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136