IV
MGA MODYUL SA MUSIKA Grade IVBilang Pamagat Bilang ng ng Pahina Pulso ng AwitModyul Paglalarawan ng Pulso 6 1 Ang Diin (>) sa Palakumpasang 2-4 4 2 Palakumpasang 3-4 5 3 Palakumpasang 4-4 4 4 Kapat na Nota o Quarter Note 4 5 Kapat na Pahinga o Quarter Rest 5 6 Ang Kawalong Nota Kawalong Pahinga 1 7 Hulwarang Ritmo Ang Matataas at Mababang Tunog 5 8 Ang Tunog na Pahakbang o Palaktaw 1 9 Iskalang Mayor 1 10 Ang Iskalang Pentatonic 1 11 Ngalang Pantono ng mga Guhit at Puwang 1 12 Tunugang C 4 13 Lundayang Tonong Do ng Iskalang Mayor 1 14 Parirala ng Awit 1 15 Uri ng Tinig 5 16 5 17 - List of Musika Modules.doc 1C:\Users\User\Desktop\MSEP-2015-09-14\MSEP\Dennis-MSEP\MUSIKA\musika IV\00 Printed: 9/15/2015 10:16 AM [User]
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 1 PULSO NG AWIT ALAMIN MO Ang maayos at regular na pagkakasunod-sunod ng mga tunog aytinatawag na ritmo. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng musika. Ang kumpas o beat ay ang pulso ng musika. Ito ay panayang galaw namaaaring marinig, makita o maramdaman. Ang bawat awit ay nagtataglay ngpulso. Ang pulso ay nadaramang dumadaloy nang regular, pantay-pantay atwalang palya mula sa simula hanggang sa katapusan ng awit. Dahil sa ito ay regular at pantay-pantay, ito ay maaaring itulad sa:tibok ng puso tik-tak ng orasan hampas ng alon sa dalampasigan Sa modyul na ito ay madarama mo ang pulso ay patuloy na dumadaloy sabuong awit at ang pagtugon dito ay patuloy kahit may tunog man na naririnig owala.
GAWIN MO1. Isagawa mo ang sumusunod na gawain at damahin ang palagiang pulso.pagpitik ng daliri pagmamartsapagtapik sa hita pagluluksong lubid Naisagawa mo ba ito ng tama? Mabuti!2. Ipikit mo ang iyong mga mata at pakinggan ang mga tunog sa paligid: Aling tunog ang may patlang o katahimikan? Maaari mong lagyan ng marka ang narinig mo. Tulad nito:
____ _____ aw aw aw aw aw aw3. Sabayan mo ng palatak ng dila ang tik-tak ng orasan tik tak tik tak tik tak PAG-ARALAN MO1. Ilagay mo ang kaliwang kamay sa tapat ng puso at damahin ang tibok nito. Itapik sa mesa ang tibok ng puso na ginagamit ang kanang kamay. Ano ang masasabi mo sa galaw nito? Nadama mo ang panayang tunog tulad nito?
2. Awitin mo ang “Chua-Ay Ito ay ay isang awiting bayan ng Igorot. Inaawit nila ito habang nagbabayo ng palay.3. Damahin mo sa pamamagitan ng pagpalakpak ang kumpas o pulso ng awit. Umawit habang pumapalakpak.Ganito ba ang ginawa mo? Ang mga guhit I ang nagsasaad kung saandapat tumapat ang iyong palakpak.I I I I I I I II I IIChu – a – ay Chu – a – ay ta – lum a – lay I I I I III I I I I ITa – ku – ay Oe – – – Oe – – –Tingnan mo ang huling bahagi. Ano ang napansin mo? Nadama mo ba ang pulso ng awit? Paano ito gumalaw? Ano ang nangyari sa pulso kahit wala tayong tunog na naririnig?Tama! Patuloy na dumaloy ang pulso kahit walang tunog na naririnig.SUBUKIN MOAwitin mo ang Leron leron SintaMagmartsa habang umaawit upang madama ang pulso ng awit.
TANDAAN MO Ang pulso ay ang regular na galaw na nadarama sa ritmo. Ang pagdama at pagtugon sa pulso ay tuloy-tuloy, may nadirinig man owala. PAGTATAYA Lagyan ng marka ( I ) ang mga tunog na tuloy-tuloy na naririnig at ( – )kung ang tunog ay may patlang o kahimikan. Halimbawa: Patak ng ulan I I I I I I Kahol ng aso I I – – I I I – – I – I 1. paglakad ng tao 2. tiktak ng orasan 3. busina ng dyip 4. pukpok ng martilyo 5. dial tone ng telepono 6. iyak ng sanggol 7. patak ng tubig gripo 8. tunog ng makina 9. sirena ng ambulansiya 10. tibok ng puso
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 2 PAGLALARAWAN NG PULSO ALAMIN MO Ang pulso ay nagbibigay kaayusan sa daloy ng tunog. Ang musika ayparang tao; may pulso o tibok na kung tawagin ay kumpas o bilang. Sa modyul na ito ay mararanasan mo na mailarawan ang pulso sapamamagitan ng pagguhit nang paulit-ulit at pantay na mga linyang patayokasabay ng himig na inaawit o pinakikinggan. PAGBALIK-ARALAN MO Awitin mo ang “Leron Leron Sinta.” Magmartsa ka ng kaliwa, kanan, kaliwa, kanan sa bawat bagsak ng pulso. Iguhit mo sa hangin ang pulso habang umaawit. PAG-ARALAN MO1. Basahin mo ang tugmang pambata na ito.Bu buka ang bu lak lak Tiya yabum ye ye 2xSa sara ang bu lak lakPapa sok ang rey naSa sayaw siyaBum tiya yabum
2. Ipalakpak nang tuloy-tuloy ang pulso ng tugma.3. Habang sabay na binabasa at pinapalakpak ang pulso, pansinin mo ang mga pantay na guhit sa tapat ng bawat salitang bagsakan ng pulso.4. Narito ang isa pang tugmang pambata. Bata batuta Sumpay muta Aplan dalugdog Sinaw itlog Subukin mong: a. Bigkasin ang tugma b. Ipalakpak ang pulso c. Isulat ang pantay na guhit sa pulso ng tugma5. Awitin mo ang “Pen Pen de Sarapen”
- Damahin mo sa pamamagitan ng pagpitik sa daliri (snap) ang pulso ng awit- Iguhit sa hangin ang pulso ng awit- Isulat mo sa awit ang pantay-pantay na guhit sa tapat ng bawat salitang bagsakan ng pulso.Halimbawa: Pen Pen de Sarapen- Ituloy mo PAGSANAYAN MO1. Awitin ang “Magtanim ay Di Biro.”2. Ipalakpak ang pulso habang umaawit.3. Iguhit sa hangin ang pulsong nadarama habang umaawit.4. Isulat ang pantay na guhit sa bagsakan ng pulso. MAGTANIM AY DI BIRO MAGHAPON NAKAYUKO DI NAMAN MAKATAYO DI NAMAN MAKAUPOTANDAAN MO Ang pulso ng tunog ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng pantay-pantay ng guhit
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 3ANG DIIN (>) SA PALAKUMPASANG 2 4ALAMIN MO Ang pulso ay maaaring mabigat o magaan. Ang mabigat na pulso aynilalagyan ng diin o accent (>). Ang diin ay kadalasang nadarama sa unangkumpas ng bawat sukat. Ang wastong paglalagay ng diin ay nagiging batayan ng pagpapangkat ngpulso nang dalawahan, tatluhan o apatan. Ang tandang panghati / o barline ang ginagamit sa pagpapangkat ngpulso upang makabuo ng sukat.GAWIN MUNA1. Bigkasin mo at sabayan ng palakpak ang bawat tanda ng pulso. II II IIMER – LIE BER – TO DI – TAS II II IILIN – DA CO – RA GLO – RIA II II IIWIL – LIE MAN – DY RO – MA2. Pansinin mo ang accent o diin sa bawat pulso. Bigkasin mo ang pantig ng mga salita at sabayan ng dalawang uri ng palakpak
Hal: > I I Mabigat MagaanMag-isip ka ng mga prutas na may dalawang pantig tulad nito. > > > II II IIchi – co a – tis du – hat > > > II II IIpong – kan sa – ging su – ha3. Ang daloy ng tunog na ipinalakpak mo ay may dalawahang pulso. Ang unang pulso ay may mabigat na diin >>> IIIIII mabigat magaan PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “BAGBAGTO” Ito ang awiting bayan mula sa Timog Benguet
2. Sabayan mo ng dalawang uri ng pagpalakpak ang awit – isang mabigat at isang magaan na palakpak. mabigat magaan mabigat magaan3. Ipalakpak mo nang mabigat ang may diin at magaan ang walang diin habang bumibilang ng 1 – 2. >> > > 1212 12 12 Aling bilang ang may mabigat na pulso? Aling bilang ang may magaan na pulso?4. Awitin mo muli ang buong awit. Habang umaawit ilarawan mo ang mabibigat at magagaang na pulso sa pamamagitan ng pagguhit sa papel. Hal: Bag bag toSa ilang bilang gumagalaw ang ating awit?5. Lagyan natin ng panghating guhit o barline upang mapangkat ang mga pulso.> >>>12 12 12 12panghating panghating sukat guhit guhitKapag nilagyan natin ng panghating guhit ang bawat dalawang pulso, angmga bahagi ay tinatawag na sukat.Ipalakpak mong muli ang mabigat at magaan na pulso at sabayan ng bilang1, 2.
2 Ang pulsong isinagawa mo ay nasa metrong dalawahan o4 2 4 palakumpasang . Ito ay may dalawang pulso sa bawat sukat kaya’t bumibilang tayo ng 1-2, 1-2. 2> > > 4 12 12 12Ginagamit natin ang metrong dalawahan sa mga tugtuging martsa. TANDAAN MO Ang metrong dalawahan ay isinusulat na 2 . Ito ay may dalawang pulso o 4kumpas sa bawat sukat. SUBUKIN MO1. Pangkatin mo ang panayang pulso sa dalawang kumpas at lagyan ng panghating guhit, diin at bilang.2. Pansinin ang sumusunod na halimbawa. Ilang sukat mayroon ito? > > >>
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 4 PALAKUMPASANG 3 4 ALAMIN MO Sa modyul na ito matututuhan mo na ang pulso ay maaaring pangkatinnang tatlu-tatlo sa pamamagitan ng paglalagay ng nakatayong linya o guhit (I )na tinatawag na panghating guhit (bar line). Ito ay nasa palakumpasang 3 na may tatlong pulso o kumpas sa bawat 4sukat. Ang unang pulso ay may diin na mas mabigat kaysa sa ikalawa at ikatlongpulso tulad nito.mabigat, magaan, magaanmabigat, magaan, magaan Ang pulso ng metrong tatluhan ay nagpapahayag ng bilang ayon sasumusunod > 123 GAWIN MUNA1. Bigkasin mo at sabayan ng palakpak ang bawat tanda ng pulso.>> >JO – I – I KA – I – I O – I – I CE LYN THE RINE FE LIA>> >FER – I – I BEN – I – I JEN – I – I DI NAND JA MIN NI FER
2. Ang daloy ng tunog na ipinalakpak mo ay may tatluhang pulso. Ang unang pulso ay may mabigat o malakas na diin. >> >> PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “O Naraniag A Bulan.”, awiting bayan ng mga Ilokano O Naraniag A Bulan
2. Awitin mong muli at itapik mo ang panayang pulso o kumpas.3. Pumalakpak ka nang mabigat sa unang kumpas Hal: mabigat, magaan, magaan > > >>4. Kumuha ka ng kapareha at sumayaw kayo ng balse habang umaawit. Damahin ninyo ang bilang na 1, 2, 3,5. Ang daloy ng awit na sinayaw ninyo ay nasa metrong tatluhan o 3 palakumpasang 4 Ito ay may tatlong pulso sa bawat sukat kaya’t bumibilang tayo ng >> >123 123 123panghating sukat guhitGinagamit natin ang metrong tatluhan sa mga sayaw na balse.TANDAAN MOAng metrong tatluhan ay isinusulat na 3 . Ito ay may tatlong kumpas sa 4bawat sukat.SUBUKIN MO1. Awitin mo ang “Early to Bed”.2. Ipalakpak mo ang pulso ng awit. Ilang pulso mayroon sa isang sukat?
3. Iimbay mo ang iyong katawan pakanan at pakaliwa. Damhin mo ang ritmong 1, 2, 3.4. Iguhit mo sa papel ang daloy ng pulso ng awit sa palakumpasang 3 4 Hal: Early to bed and Ituloy mo. . . Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ikaapat na Baitang Modyul 5 KAPAT na NOTA o Quarter Note ( )KAPAT na PAHINGA o Quarter Rest ( )ALAMIN MO Sa musika, ang tunog ay naipakikita sa pamamagitan ng nota. Angkatahimikan naman ay naikakikita sa pamamagitan ng pahinga.Tunog - kapat na nota (quarter note)Katahimikan - kapat na pahingao Pahinga (quarter rest) Ang kapat na nota o quarter note ( ) ay ginagamit sa mga tunog na mayisang kumpas sa mga palakumpasang Ang kumpas na walang tunog ay ipinakikita ng simbolong kapat napahinga o quarter rest ( ). Tumatanggap din ito ng isang kumpas sa mgapalakumapasang
PAGBALIK-ARALAN MOIsulat mo ang katumbas na pulso. Lagyan ng bilang at palakumpasan.Halimbawa: = = 2 4 12 121. = =2. = =3. = =4. = =5. = =
PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Twinkle, Twinkle Little Star”2. Ipalakpak mo ang pulso ng awit. Paano mo ipinalakpak ang pulso?3. Ipalakpak mo naman ang ritmo ng mga salita sa awit. Hal: Twinkle, Twinkle, Little StarIpagpatuloy mo…4. Iguhit mo sa papel ang may tunog at walang tunog.2 Twin – kle Twin – kle Little Star4ang may tunog ay quarter note walang tunog ang quarter rest5. Ipalakpak mo ang kapat na nota ng ganito at ang pahinga ng ganito6. Awitin muli ang Twinkle, Twinkle Little Star” habang ipinapalakpakang mga nota at pahinga.
TANDAAN MO Ang kapat na nota ( ) o quarter note, at kapat na pahinga ( ) oquarter rest ay tumatanggap ng isang kumpas sa mga palakumpasang 2 , 3 4 4,44. GAWIN MO1. Ipalakpak mo ang bawat kapat na nota at huwag pumalkpak sa bawat kapat na pahinga. 2 4 3 4 4 42. Gumuhit ng mga kapat na nota o pahinga sa loob ng mga sukat. 3 4 3 4
34 Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 5 PALAKUMPASANG 4 4ALAMIN MOAng pulso ay maaaring pangkatin ng apat-apat. Ito ay nasapalakumpasang 4 . Katulad sa palakumpasang 2 at 2 tumatanggap ang 4 4 4kapat na nota o pahinga ng isang kumpas o pulso sa bawat sukat. Ang unang pulso ay may diing nas nabigat kaysa sa ikalawa, ikatlo at ika-apat na pulso tulad nito:Mabigat, magaan, magaan, magaanAng daloy ng tunog sa apatang pulso ay ganito >>> Sa paggamit ng panghating guhit, ang pulso ay napapangkat sa metrongapatan o palakumpasang > > >44 1234 1234 1234 panghating guhit Sapagkat ito ay may apat na pulso sa bawat sukat kaya’t bummbilangtayo ng> >1-2-3-4 1-2-3-4
GAWIN MUNABigkasin mo at sabayan ng palakpak ang bawat tanda ng pulso.> > I II II IJo - se - li - to Ro - sa - lin - da> > I II II IA - nge - li - ta Es - pe - ran - za> > Car - mIe - lIi - tIaMar - cIe - I - nIo li Ang daloy ng tunog na ipinalakpak mo ay may apatang pulso. Ang unangpulso ay may mabigat o malakas na diin. PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Magandang Umaga”
2. Itapik mo ang pulso ng awit.I mI agandaI ng umI agaI sIa inyoI ng lahaI t III I I umIawIit TaI yo’y mI agsayI a I Tayo ayIpalakpak mo nang malakas ang mabigat na pulso; mahina ang magaan napulso. > > I > > II Sagutin mo - Ilan ang laman ng bawat sukat? - Bilangin mo - Ipalakpak muli at magbilang. Ilakas ang bilang sa unang kumpas na may diin3. Lumikha ka ng kilos na uugma sa bilang na > > 1-2-3-4 1-2-3-4 TANDAAN MO Ang palakumpasang apatan ay isinusulat na 4 . Ito ay may apat na pulso 4o kumpas sa bawat sukat.
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ikaapat na Baitang Modyul 7 ANG KAWALONG NOTA ( ) KAWALONG PAHINGA ( ) ALAMIN MO Sa modyul na ito malalaman mo na ang isang pulso ay may katumbas nadalawang maiikling tunog. Ang maiikling tunog na ito ay tinatawag na kawalong nota o eight note( ) Ang katumbas na pahinga ay ang kawalong pahinga o eight rest ( ) = Ang isang kapat na nota ay katumbas ng dalawang kawalong nota. = Ang isang kapat na pahinga ( ) ay katumbas ng dalawang kawalongnota. = Kung ang kapat na nota at pahinga ay may isang kumpas ang kawalongnota at pahinga ay may kalahati lamang na kumpas. Sa pangkaraniwan ang dalawang kawalong nota na magkasunod ayipinagkakabit ang buntot.
PAGBALIK-ARALAN MO 1. Ipalakpak mo ayon sa nakalarawan. Isulat mo ang katumbas na nota at pahinga. 2. Awitin mo ang Twinkle, Twinkle habang ipinapalakpak ang mga kapat na nota at pahinga sa iskor ng awit 3. Ipalakpak ang mga sumusunod na hulwarang ritmo. 4 4 PAG-ARALAN MOA. 1. Basahin ang kuwento at ikilos mo Inutusan si Pep eng kanyang nanay na bumili ng gulay. Lumakad siya papunta sa palengke Walang anu-ano’y nakakita siya ng lumilipad na paru-paro. Siya ay tumakbo at hinabol niya ito ng hinabol
Hindi niya inabutan ang paru- paro. Napagod siya at muling naglakad Maya-maya ay naramdaman niyang pumapatak na ang ulan at siya’y nagtatakbo pauwi ng bahay. 2. Sagutin. Ano ang iyong ginawa? Paano ka kumilos?B. 1. Awitin mo ang “Sing and Dance” 2. Suriin mo ang iskor ng awitin 3. Ipalakpak mo ang tatlong sukat ng awit. Alin ang mas mabilis? Ang kapat o kawalong nota? Alin ang mas maikli ang tunog? Iguhit mo:Pansinin mo na ang kawalong nota ay mas maikli kaysa sa kapat na nota.4. Tingnan mo ang mga larawan. Anong nota ang katumbas ng mga ito? Ipakita mo sa pamamagitan ng guhit ang mga mahab at maikling tunog.a. Cat Cat Kit-ty Catb. dog dog pup-py dog
c. star star lit-tle stard. Tama ka ba?5. Tumayo ka at isagawa mo. Nadama mo ba ang pagkakaiba ng bilis ng kapat na nota sa kawalong nota?6. Ibigkas mo ang ritmong silaba sa pamaraang Rodely Gamitin mo ang pa- at pi- Subukan mo:Alin ang mabilis? Alin ang mabagal?Alin ang mahaba ang tunog? Alin ang maikli?
7. Pagsabayin mo ang pagkilos at pagdama ng at . makikita mo na ang isang kapat na nota ay katumbas ng dalawang kawalong nota. TANDAAN MO1. Ang kapat na nota ( ) ay katumbas ng dalawang kawalong nota ( )2. Ang kapat na nota ay may mahabang tunog sapagkat tumatanggap ito ng isang bilang samantalang ang kawalong nota ay ½ bilang. GAWIN MOTumugtog ka ng anumang instrumentong perlusyon
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 8HULWARANG RITMO ALAMIN MO Ang hulwarang ritmo o “rhythmic pattern” ay ang pinagpangkat-pangkatna mahaba at maiikling tunog at pahinga. Ito ay maaaring maging payak o di-payak batay sa bilang o kombinasyonng mga nota sa isang hulwaran. Halimbawa:Para sa madaling pagsulat ay gumamit tayo ng “stick notation” Ang aypara sa kapat na nota at para sa dalawang kawalong nota tulad nito. Sa hulwarang ritmo natin binabatay ang pagbigkas ng mga titik o salita ngawit. Ito ay tinatawag na ritmo sa salita o “rhythm syllable” Halimbawa: Mo - ther mo - ther I am sick Ang wastong pagbigkas ng mga titik ayon sa hulwarang ritmo aynagbubunga ng kaakit-akit na tunog.
PAGBALIK-ARALAN MO Basahin mo at sabayan ng palakpak ang mga hulwarang ritmo na maymaikli at mahabang tunog.1. Rain rain go away 4. Jingle bells jingle bells2. Pen pen de sarapen 5. Maligayang bati3. Jack & Jill went up the hillMagsanay ka: - Ipalakpak mo ang ritmong ito nang paulit-ulit - Bigkasin mo ang mga sumusunod na titik/salita ayon sa hulwarang ritmong sinanay mo.Simulan mo: - one, two, tie my shoe - bata, batuta - rain, rain go away - Lito halika
PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang Inday sa Balitaw. Ito ay awiting bayan ng Tagalog.2. Ipalakpak mo ang hulwarang ritmo nang baha-bahagi. Halimbawa: In – day In day sa balitaw Ituloy mo.3. Suriin mo ang iskor ng awit Ano ang palakumpasan ng awit? Anu-ano ang mga notang pinagsama-sama sa loob ng unang sukat? Sa ikalawang sukat? Ang tawag sa ginawa mo ay hulwarang ritmo.
4. Basahin mo ang titik ng awit ayon sa hulwarang ritmo nito.5. Basahin mong muli habang ipinapalakpak ang hulwarang ritmo. TANDAAN MO Ang hulwarang ritmo ay ang pagsasama-sam ng iba’t ibang mga nota atpahinga. Binibigkas natin ang titik ng awit ayon sa hulwarang ritmo. GAWIN MO Buuin ang mga sumusunod na hulwarang ritmo. Maglagay ng mga kapatna nota ( ), kapat na pahinga ( ) at kawalong nota ( ), ayon sapalakumpasan.
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 9 ANG MATATAAS AT MABABANG TUNOG ALAMIN MO Ang mga nota ng melodiya ay mayroong iba’t ibang uri ng galaw.Mapapansin mo ito sa iyong pag-awit at pagtugtog. Malalaman mo ba kung ang tono ay tumataas, bumababa o inuulit? Sa iskor ng musika anggalaw ng mga nota ay makikitamo sa limguhit na may limangguhit at apat na puwang5 44 33 22 11 Ang galaw ng mga nota sa linguhit ay tinatawag na direksyon. Pansinin mo ang mga halimbawa ng direksyon ng mga nota.1. Pataas na tunog o himig
2. Pababang tunog o himigPantay na mga tunog PAG-ARALAN MO1. Narito ang isang awit na nagpapakita ng iba’t ibang galaw ng mga nota o tunog. Awitin mo ang Manang Biday.
Ano ang napansin mo sa awit? Paano kumilos ang mga tunog?2. Ikilos mo ang iyong kamay habang umaawit upang ipakita ang direksyon ng himig3. Awitin mo ang bawat parirala ng awit. Iguhit mo sa papel ang direksyon kung pababa, pantay, pataas ang mga tunog. Halimbawa: Manang Biday ilokat mo man Ituloy mo. . .4. Tukuyin mo ang mga tonong pataas, tonong pababa at mga tonong inuulit sa awit. TANDAAN MO Ang kilos o galaw ng mga tunog ay tinatawag na direksyon. Ito ay maaaring pataas, pababa o inuulit. GAWIN MOI. Sabihin kung pataas, pababa o inuulit ang mga sumusunod na hulwaran. 1. 4.
2. 5. 3.II. Gumuhit ka ng mga notang pataas, notang pababa at mga notang inuulit sa mga linguhit. pataas pababa Inuulit Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 10 MGA TUNOG NA PAHAKBANG AT PALAKTAW ALAMIN MO Natutuhan mo na ang himig ay may direksyong pataas, pababa o pantay. Malalaman mo ngayon na ang pagtaas at pagbaba ay maaaring.:Pahakbang kung ang mga ay isa-isang umaakyat o bumababa sa limguhitna walang nilalagpasang guhit o puwang tulad nito: la so so fa fa mi miPalaktaw na pataas o pababa ang direksyon ng tono kung ang mga nota aymay nilalagpasang guhit o puwang. do so so mi mi do do
PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Early to Bed.”2. Iguhit mo sa hangin ang notasyon ng awit Early to bed and early to risePansinin mo ang paggalaw ng himig kung ito’y pataas na pahakbang opalaktawItuloy mo sa ibang bahagi ng awit.3. Suriin mo ang bawat sukat.Halimbawa: Unang sukat – paakyat na pahakbang Ikalawang sukat – paakyat na palaktawItuloy mo
TANDAAN MO Ang mga tono ng isang awit ay maaaring pataas o pababa na palaktaw atpataas o pababa na pahakbang. GAWIN MO c.1. Alin ang tonong palaktaw. a. b. d.2. Alin ang mga tonong pababa na pahakbang? a. c.b. d.
3. Alin ang mga tonong pataas na palaktaw? a. c. b. d. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 11 ISKALANG MAYOR ALAMIN MO Ang sunod-sunod na nota na pataas o pababa sa limguhit ay bumubuo ngisang hanay ng mga nota na ang tawag ay ISKALA. Ang isang uri ng iskala na pag-aaralan mo ay ang iskalang mayor nanagsisimula sa “do” Sanayin mong bigkasin ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor nanagsisimula sa do. do - re - mi - fa - so - la - ti - do Ang walong notang ito ay bumubuo ng iskalang mayor. Ang mga notaay nakaayos nang sunod-sunod at gumagalaw na pataas o pababa sa limguhit.
Search