SINING V
Ikalimang Baitang LINYA Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na matutukoy mo na at maipakikita angmga linyang tulduk-tuldok, tuluy-tuloy at putul-putol, gayon din ang mga linyang tilagumagalaw at hindi gumagalaw. Inaasahan din na makaguguhit ka ng isang larawan nanagpapakita sa binanggit na mga katangian ng linya. PAGBALIK-ARALAN MO Maraming bagay kang nakikita sa nakalarawang halamanan. May mga bagay sa larawan na ipinakikita sa iba’t ibang linya tulad ng patayo, pahiga, pahilis, pasigsag at paalun-alon. Tukuyin mo ang mga larawang-bagay ng mga linyang ito. Isulat mo sa ilalim ng kahon ng linya ang mga bagay na nagpapakita nito.
Patayo Pahiga Pahilis Pasigsag Paalun-alon Maglaro ka naman ngayon ng pares-pares. Idugtong mo sa larawan angtumutukoy na uri ng linya na nakikita mo rito. makapal manipis malambot matigas makitid malapad PAG-ARALAN MO Pagmasdan mo kung paano iginuhit ang dahon. Pare-pareho ba ang pagkakaguhit ng mga linya sa larawan? Ang mga linya ay iginuhit sa tatlong katangian nito tulad ng tulduk-tuldok na ginamit sa tangkay, tuluy-tuloy sa mismong dahon at putul-putol naman sa pinaka-ugat nito.
Ang linya ay may iba pa ring katangian tulad ng tila gumagalaw at hindigumagalaw. Pagmasdan mong mabuti ang mga larawan sa ilalim. Alin ang larawangnagpapakita ng mga linyang tila gumagalaw? ng mga linyang hindi gumagalaw? AB C DE 1. Kumuha ka ng isang papel. Tiklupin mo ito sa gitna. 2. Sa pamamagitan ng krayola, ilarawan mo sa kalahati ang mga linyang tila gumagalaw. 3. Sa kabilang bahagi ng papel, ipakita mo naman ang mga linyang hindi gumagalaw. 4. Gumamit ka ng iba’t ibang kulay at kilos o lapad ng linya sa iyong gawain. Ang larawang A, D at E ay iginuhit nang maikli, tuluy-tuloy at tuwid kaya mgalinyang hindi gumagalaw ang ipinakikita nito. Ang mga linyang gumagalaw (dynamiclines) at hindi gumagalaw (static lines) ay magagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang uring linya. Maaari kang gumagamit ng mga linyang tuwid, pakurba, paalun-alon, pasigsagat iba pa. Sa pamamagitan ng mga linya ay maipahihiwatig mo ang ibat’t ibangdamdamin at kalagayan. Ang mga linyang hindi gumagalaw (static lines) ay nagpapahiwatig ngkatahimikan, kapayapaan, kalungkutan, kaauyasan, katatagan, pananatili o pamamalagi,hindi natitinag at may pormalidad. Mga linyang gumagalaw ay may aksyon, masigla at malilikot.
PAGSANAYAN MO Ipakita mo ang kaalaman mo sa katangian ng linya. Pagdugtung-dugtungin moang magkakalayong tuldok sa pamamagitan ng mga katangian ng linya na tulduk-tuldok,tuluy-tuloy at putul-putol. Anong larawan ang nabuo mo? TANDAAN MO Ang linya ay may iba’t ibang katangian. Ang linya ay maaaring tuluy-tuloy, putul-putol at tulduk-tuldok. Ang linya ay may tila gumagalaw at hindi gumagalaw.
SUBUKIN MOIpakita mo ang iyong kaalaman sa pagguhit ng mga linyang tila gumagalaw at hindigumagalaw. 1. Kumuha ka ng isang papel. Tiklupin mo ito sa gitna. 2 Sa pamamagitan ng krayola, ilarawan mo sa kalahati ang mga linyang tila gumagalaw. 3. Sa kabilang bahagi ng papel, ipakita mo naman ang mga linyang hindi gumagalaw. 4. Gumamit ka ng iba’t ibang kulay at kitid o lapad ng linya sa iyong gawain.Ngayon may isa ka pang gagawin. 1. Kumuha ka uli ng papel at krayola. 2. Gamit ang krayon, gumuhit ka ng larawan na nagpapakita sa mga katangian ng linya. 3. Ihayag mo ang iyong damdamin sa pamamagitan ng mga linyang putul-putol, tuluy-tuloy at tulduk-tuldok. 4. Gumamit ka rin ng mga linyang tila gumagalaw at hindi gumagalaw sa iyong larawan. 5. Lagyan ng pamagat ang iyong larawan sa likod ng papel. Isulat mo rin ang iyong pangalan sa likod.
PAGTATAYAA. Pagtambalin ang larawan at ang katangian nito. A. hindi gumagalaw B. putul-putol C. tuluy-tuloy D. tila gumagalaw E. tulduk-tuldok
ISAPUSO MOB. Basahin ang sitwasyon. Lagyan ng ang kolum ng sagot. Sagutin mula sa Puso Oo Hindi Hindi Gaano1. Ipinagawa ko sa iba ang aking gawain.2. Iniligpit ko nang maayos ang aking kagamitan pagkatapos gumawa.3. Tinapos ko ang modyul sa takdang panahon.4. Ipinahayag ko ang aking damdamin sa gawain ko.5. Nasiyahan ako sa natapos kong gawain.
Binabati kita sa matagumpay mong pagkatuto ng mga kaalaman at kasanayan sa linya. At dahil natapos mo nang maayos ang lahat ng gawain ng Modyul…Congratulations!Modyul 1 – Linya – Grade V
Ikalimang Baitang HUGIS Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na masasabi at maipakikita mo na kungpaano nagagawang hugis at espasyo ang linya. Inaasahan din na makagagawa ka ngisang gawain pansining na magpapakita ng hugis at espasyo. PAGBALIK-ARALAN MO Si Nena ay namalengke. May dala siyang at . Habangsiya’y naglalakad nakakita siya sa daan ng isang . May magagandang sa kanyang dinaanan. Maraming bagay siyang nakita sa palengke.Bumili siya ng , at . Bumili rin siya ng . Naalala niya na mayroon siyang itatanim kaya bumili rin siya ngisang . Bumili na rin siya ng para pandilig.
Alin sa mga nakalarawang bagay ang may hugis na likas? di-likas? Isulat ito satamang kahon.Malayang Hugis Geometrikong HugisIlagay mo rin sa kahon ang mga salitang naglalarawan sa hugis: tuwid, malambot,di-tiyak, matigas, pakurba, tiyak, malaya.Malayang Hugis Geometrikong Hugis
ALAMIN MO Pag-aralan mo ngayon kung paano nagiging hugis ang linya. Pagmasdan mo ang larawan. Paano naging hugis ang linya? (Nagiging hugis ang linya kapag pinagdugtong moang dalawang dulo nito.) Anong hugis ang nabuo sa larawan? Masdan mo ang hugis na nabuo. Ano ang nakikita mo sa loob at labas ng hugis? espasyo espasyo Ang labas ng hugis ay tinatawag na espasyo. Ang loob ng hugis ay nagpapakitarin ng espasyo kung ito ay nakaguhit lamang. espasyo
Kung ang hugis ay tulad na sa ikalawang larawan na kinulayan mo ang loob nglinya, ang espasyo ay ang labas na lamang ng hugis. PAGSANAYAN MO Maglalaro ka ngayon. Ang bawat kahon sa ilalim ay may simulang linya. Pahabain mo ang linya atpagdugtungin mo ang dalawang dulo. Tingnan mo kung anong hugis o bagay angmalilikha mo. Anong bagay o hugis ang nalikha mo? Anong mga linya ang ginamit mo sapagbuo ng hugis o bagay? May espasyo ba sa loob at labas ng hugis na nabuo mo? SUBUKIN MO Gagawa ka ngayon ng isang likhang sining na nagpapakita ng hugis at espasyo. 1. Kumuha ka ng papel at krayon. 2. Gumawa ka ng isang komposisyon ng mga hugis. 3. Iguhit mo nang sama-sama at may pagsasanib-sanib ang mga likas at di-likas na hugis. 4. Gamitin mo ang iba-ibang kulay na krayon sa pagguhit ng hugis.
5. Maaari kang gumamit ng ruler sa pagguhit ng di-likas na hugis. 6. Umisip ka ng magandang pamagat para sa komposisyon mo. 7. Isulat mo sa likod ng papel ang iyong pangalan at pamagat ng iyong gawa. TANDAAN MO 1. Nabubuo ang hugis kapag pinagdugtong ang dalawang dulo ng linya. 2. Ang hugis ay nagpapakita ng espasyo. 3. Ang loob at labas ng linyang hugis ay espasyo. 4. Kapag kinulayan ang loob ng linyang hugis, ang labas na lamang nito ang espasyo. ISAPUSO MO Lagyan mo ng ang larawang nakangiti kung Oo ang sagot mo at angnakasimangot kung Hindi.
Mga Tanong 1. Malinis ba ang papel mo?2. Napuno mo ba ng hugis ang papel?3. Iba-ibang hugis ba ang iginuhit mo?4. Nasiyahan ka ba sa natapos mong gawain? PAGTATAYA Isulat ang T kung tama ang kaisipan at M kung mali.________1. Ang linya ay makapagpapakita ng hugis.________2. Ang hugis ay maaaring magpakita ng espasyo.________3. Ang dalawang dulo ng linya ay pinagdurugtong para makabuo ng hugis.________4. Hindi ka makalilikha ng gawaing pansining kung puro hugis lang ang I guguhit mo.________5. Ang mga bagay ay nailalarawan ng hugis.
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa hugis. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 2 – Hugis – Grade V
Ikalimang Baitang KATINGKARAN O KALAMLAMAN NG KULAY Pagkatapos ng Modyul na ito, inaasahang masasabi mo at maipapakita kungpaano mapalalamlam ang matingkad na kulay. ALAMIN MO May mga kulay na maputla o mapusyaw at madilim at mayroon ding matingkad.Kung minsan sinasabi ng iba, “Ang sakit naman sa mata ng kulay na iyon.” Angmatingkad na kulay ay nagagawang malamlam upang di maging masakit sa paningin. Tingnan ang color wheel. Ang bawat kulay ay may katapat. Ang katapat nakulay ang magpapalamlam sa isang kulay kapag hinaluan ng kaunti nito.
PULA BERDE Pula ang magpapalamlam sa matingkad na berde at berde naman angmagpapalamlam sa matingkad na pula. LILA DILAW Anong kulay ang magpapalamlam sa matingkad na lila? Anong kulay angmagpapalamlam sa matingkad na dilaw? PAGSANAYAN MOA. 1. Kulayan ng isang matingkad na kulay ang dalawang lobo.
2. Kapag magkatulad na ang kulay ng dalawang damit, gawin mong malamlam ang kulay ng isa.B. Ulitin ang pagsasanay. Gumamit ng ibang kulay na nasa Color Wheel. Kulayan mo ng matingkad ang isa at malamlam naman ang isa. TANDAAN MO Nagiging malamlam (dull) ang isang matingkad (bright) na kulay kapaghinahaluan ito ng kasalungat na kulay na nasa Color Wheel. SUBUKIN MO 1. Ihanda ang papel, lapis, water color o krayon. 2. Basahin ang tula sa kasunod na pahina. 3. Iguhit ang inilalarawan ng tula. 4. Kulayan ang larawan. 5. Gumamit ng matingkad na kulay. 6. Gawing malamlam ang ibang matingkad na kulay.
Panaginip Ako’y nanaginip kakaibang-kakaiba Sa ilalim ng dagat ako’y nagpunta Sari-saring bagay aking nakita Ako’y namangha ang gaganda nila Doo’y maraming isda iba-iba ang anyo Matitingkad ang kulay malamlam ang malayo Mga halamang dagat parang nakikipaglaro Sa mga koral at gumagapang na suso PAGTATAYAA. Tukuyin ang mga larawan. Kulayan ang mga ito ayon sa nakasaad na kulay.
1. matingkad na dilaw2. malamlam na berde3. malamlam na dalandan4. matingkad na asul5. malamlam na lila
Mahusay mong naisagawa ang modyul… Binabati kita!Modyul 3 – Katingkaran o Kalamlaman ng Kulay – Grade V
Ikalimang Baitang KATUTUBONG SINING Sa modyul na ito, inaasahang maipagmamalaki mo ang katutubong sining(folk art) at matutukoy ang mga ito na pinagyaman ng tribong etniko. PAG-ARALAN MO Isa sa mga pamana ng lahi ng ating bansa ay ang katutubong sining (folk art).Ang katutubong sining ay likha ng kahit aling pangkat pangkat ng mga tao sa iba’t ibanglugar sa bansa. Sila ay sanay at dalubhasa sa paggawa ng mga bagay na kawili-wili athinahangaan o kinaluluguran, hindi lang nating mga Pilipino, kundi mga dayuhan.Marami sa mga katutubong sining ay gawa ng pangkat-etniko gaya ng Maranao at T’boling Mindanao; mga Igorot at Ifugao sa Cordillera, at iba pa. Isa sa mga katutubong siningna pinagyaman ng mga tribong-etniko ay ang mga inuukit o nilililok na kahoy. Angkatutubong disenyo ng paglililok sa Maranao ay tinatawag na okir at sa Sulu ay ukkil.Ang pinakatanyag na disenyong okir na inukit sa kahoy ay ang sari-manok, naga at angpako rabong. Laganap naman sa mga Igorot ang bulul o pigurang anito, ang kinabbigat,tattagu, binabbuy, at iba pa. Tanyag din ang mga santo sa Paete, Laguna. Ang Paete ayisang bayan sa Laguna na kilala sa rebulto ng mga santo na sinlalaki ng tao. Ditomatatagpuan ang lahat ng uri ng santo na masinop na nililok at pinalamutian. Pagmasdan ang mga inukit o nililok na mga bagay ng mga tribong etniko.Pansinin ang pagkakagawa.
Eskultor na Palamutingnililok sa kahoy ipinipinta sa dyipni May mga katutubong sining na gawa rin sa Bulacan at Quezon. Ang paglalagayng palamuting pinta sa mga dyipni na may pambihirang palamuti na kakaiba atmakukulay ang gayak nito. Marami sa mga katutubong sining na ginagawa ngayon ay gawa ng mgadalubhasa noong unang panahon. Ito ay kanilang ipinamana sa kanilang salinlahi. Ang ating bansa ay nakikilala dahil sa ating katutubong sining. Ang mga ito aybahagi na ng ating kulturang Pilipino na dapat nating ipagmalaki at pagyamanin. Kaya mo bang gumuhit ng isang bagay na halimbawa ng katutubong sining? PAGSANAYAN MO Bilang pagpapahalaga sa mga katutubong sining na likha ng ating mga katutubo atmalikhaing manggagawa o tribong etniko, gumuhit ka ng isa o dalawang katutubongsining. Pansinin mo ang mga katutubong sining na napag-aralan mo. Mga kagamitan: papel, lapis, krayola o watercolor Sa isang papel, iguhit ang napili mong bagay. Kulayan mo ito kungkinakailangan na katulad ng mga kulay na ginagamit nila. Ipakita sa iyong guro angnatapos na gawa at idikit sa paskilan.
GAWIN MO Gumupit ng isang larawan o postcard ng katutubong sining. Idikit ito sa isangmalinis na papel. Ilarawan kung paano ito ginawa, anong katutubong tribo ang gumawa,saan ito nagsisimula o matatagpuan, anong materyal ang ginamit at paano itomapapahalagahan. Gumuhit ng larawan ng katutubong kagamitan na makikita sa sariling bayan. TANDAAN MO Ang katutubong sining (folk art) ay mga bagay na likha ng kahit aling pangkat ngtao na mga sanay at malikhaing manggagawa o tribong etniko. Ang pangkat ng mgaPilipino o tribong etniko na nakilala sa kanilang kakayahan sa pag-ukit o paglilok ngkahoy ay ang mga Ifugao, Maranao at mga taga Paete, Laguna. ISAPUSO MO Gumawa ng isang “slogan” kung paano mapapahalagahan ang mga katutubongsining. Maaari itong ipaskil sa loob o labas ng silid-aralan.
PAGTATAYA Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang katutubong sining? 2. Magbigay ng mga halimbawa ng katutubong sining. 3. Paano mo mapapahalagahan ang pamana ng sining sa paglinang sa pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa? Binabati kita sa matagumpay mong pagkatuto, at dahil natapos mo nang maayos ang lahat ng gawain ng Modyul…Congratulations!Modyul 4 – Katutubong Sining – Grade V
Ikalimang Baitang PAGPAPAHALAGA SA MGA LIKHANG SINING NG MGA DALUBHASANG PINTOR Sa modyul na ito, inaasahang mapahahalagahan mo ang mga likhang sining ng mga bantog at dalubhasang pintor ng bayan at matatalakay ang damdaming hatid ng mga larawan. ALAMINMO Ang ating bansa ay mayaman sa mga tanyag na manlilikha ng sining tulad ng pintor at iskultor. Sina Juan Luna at Fernando Amorsolo ay mga dalubhasang pintor na kilala sa buong mundo. Kabilang din sa mga bantog na pintor ay sina Victorio Edades, Hernando Ocampo, Anita Magsaysay-Ho, Vicente Manansala, Jose Joya, Arturo Luz, Cesar Legaspi, Rafael Pacheco, Carlos Francisco, Eduardo Castrillo, Guillermo Tolentino, Fermin Gomez at iba pa. Ang mga manlilikha, pintor man o skultor, ay may kinagigiliwang paksa o bagay na inilalarawan sa kanilang likhang-sining na kadalasan ay isang pangyayari sa buhay. Kung minsan ipinahihiwatig ng mga pintor sa kanilang likha ang isang karanasan, hilig o damdamin. Pagmasdang mabuti at pag-aralan ang sumusunod na mga larawan ng mga kilalang pintor._______________ ________________Alin sa mga larawan ang iyong hinangaan?
PAGSANAYAN MO Pumili ng isang larawan na labis mong hinahangaan sa mga ipinakitang larawanng tanyag na manlilikha. Sabihin mo kung bakit mo ito hinahangaan sa harap ng klase. GAWIN MO Gumupit ng isang larawan o postcard na likha ng isang tanyag na manlilikha ngsining. Idikit ito sa isang malinis na papel at sa ibaba nito isulat ang kinagigiliwangpaksa o bagay na ipinahihiwatig sa larawan. TANDAAN MO Ang mga likhang sining ng ating mga bantog na pintor ay maykinagigiliwang paksa o bagay na ipinahihiwatig. Ipinahihiwatig din ng larawanang isang damdamin, hilig o karanasan ng manlilikha o pintor.
ISAPUSO MOBasahin ang sitwasyon. Lagyan ng Tsek () ang kolum ng sagot. ISKOR KARD Oo Hindi1. Nasiyahan ako sa pakikipagtalakayan2. Naipahayag ko ang aking damdamin sa pagsasagot sa mga tanong.3. Naging inspirasyon ko ang mga likhang sining ng mga bantog na pintor4. Kinagigiliwan ko ang ipinahihiwatig ng larawan5. Ipinauunawa ko sa iba ang paghanga ng mga likhang sining ng mga bantog na pintor PAGTATAYA Pumili ng isa sa apat na larawang inilalahad at sagutin ang sumusunod na mgatanong.1. Bakit mo nagugustuhan ang larawan?2. Ano kaya ang hilig ng pintor?3. Ano ang nadarama mo habang pinagmamasdan ang larawang napili mo?4. Ano kayang damdamin ang ibig ipadama ng pintor?
Binabati kita sa matagumpay mong pagkatuto ng mgakaalaman at kasanayan. At dahil natapos mo nangmaayos ang lahat ng gawain ngModyul…Congratulations!
Modyul 5 – Dalubhasang Pintor – Grade V
p Ikalimang Baitang PROPORSYON Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang masasabi mo na ang kahulugan ngproporsyon at maipakikita mo ang proporsyon sa iyong gawaing pansining. PAG-ARALAN MO Katulad ng balanse, ang proporsyon ay isa ring prinsipyo ng sining na dapat isaalang-alang sa pagguhit o pagpipinta. Ang proporsyon ay ang kaugnayan sa laki, taas at luwang ng isang bahagi sa kabuuan ng isang bagay o kaugnayan ng isang bagay sa iba pang bagay na kasama niya kung ang pinag-uusapan ang laki, taas at luwang. Maganda ba kung wala sa proporsyon ang bahagi sa kabuuan? Kapag ang isang bagay o bahagi nito ay napalaki o napaliit kaysa sa normal na laki, ito ay masasabing hindi normal o abnormal at wala sa proporsyon.
A. Proporsyon ng ulo sa katawan Ang karaniwang proporsyon ng ulo sa katawan ay makikita sa sumusunod na paglalarawan.B. Proporsyon ng tao sa bahay Sa pagguhit ng tao na nasa tabi o malapit sa bahay, tiyakin na ang tao ay maghuhusto sa loob ng bahay. Hindi maaring lumaki pa ang tao sa bahay maliban na lamang kung ang taong iguguhit mo ay malapit sa iyo at ang bahay ay malayo.
C. Proporsyon ng bulaklak sa plorera Sa pagguhit ng mga bulaklak sa plorera, tiyakin na ang sukat ng bulaklak ay angkop sa plorerang paglalagyan ayon sa tunay na laki ng bulaklak upang hindi magmukhang mabigat ang bulaklak at mabubuwal ang plorera o kaya nama’y magmukhang pagkalaki-laki ng plorera. Isaalang-alang lagi ang laki ng bulaklak at ang haba ng tangkay nito sa hugis at laki ng plorerang paglalagyan. PAGSANAYAN MOA. Lagyan ng bulaklak ang plorera.
B. Gumuhit ng isang bata na may dalang lobo. Ipakita ang proporsyon ng ulo at katawan ng bata. Gumuhit din ng larawan ng isang matanda at ipakita ang tamang proporsyon ng ulo at katawan.C. Ilarawan ang sarili mo noong maliit ka pa na kasama ng nanay mo. Ipakita ang proporsyon sa iyong larawan.
TANDAAN MO1. Ang proporsyon ay ang kaugnayan ng isang bahagi sa kabuuan ng isang bagay o kaugnayan ng isang bagay sa iba pang bagay sa larawan sa kanilang laki, taas at luwang.2. Sa pagguhit ng tao, ang ulo ng matanda ay isa sa walong bahagi (1/8), ang ulo ng kabataan (teenagers) ay isa sa pitong bahagi (1/7) at ang ulo ng bata ay isa sa apat na bahagi (1/4).3. Sa paglalarawan ng tao at bahay, ang tao ay dapat husto sa pinto ng bahay at sa loob nito.4. Sa pagguhit ng bulaklak sa plorera, isaalang-alang ang laki ng bulaklak at haba ng tangkay nito sa hugis at laki ng plorera.5. Ang lahat ng bagay ay may kani-kaniyang proporsyon at ito’y binibigyang pansin sa pagguhit at pagpipinta. SUBUKIN MO Dampa Dampa nami’y maliit lang Yari sa kawayan Dingding ay sawali Aapat ang baitang Ngunit sa mahirap Tulad nito’y yaman.1. Ihanda ang papel, lapis at krayon.2. Unawain ang awit na “Dampa”. Awitin mo sa sarili kung alam mo.3. Maglarawan ng kapaligirang may dampa.4. Idagdag ang iyong sarili sa larawan. Isaalang-alang ang proporsyon sa paglalarawan.5. Kulayan ang iginuhit mo.
PAGTATAYAA. Kung ang larawan ay may proporsyon isulat ang P at WP kung wala at isulat ang bahagi ng larawan na wala sa proporsyon. ____________1. _____________2. _____________3.
4.B. Sagutin ang tanong. Lagyan ng ang kolum ng sagot. Sagutin mula sa Puso Oo Hindi Hindi Gaano1. Nasiyahan ba ako sa pagguhit ng magandang kapaligiran?2. Naipakita ko ba ang wastong proporsyon ng mga bagay-bagay sa larawan?3. Masaya ba ako sa pagsama ng aking sarili sa larawan?4. May wastong proporsyon ba ako kaugnay ng dampa?C. Iguhit ang karanasan na hindi mo makakalimutan.
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa hugis. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 6 – Proporsyon – Grade V
Ikalimang Baitang BALANGKAS NG KATAWAN (Contour Drawing) Sa modyul na ito, inaasahang makalilikha ka ng balangkas ng sarili mongkatawan sa pamamagitan ng pagdama at pagguhit nito habang nakapikit ang mata. ALAMIN MO Ang araling ito ay magbibigay ng pagkakataon upang maiguhit ang balangkas ng sariling katawan. Hindi kailangang makatotohanan ang pagguhit ng balangkas. Tingnan ang balangkas ng katawan na iginuhit ng isang batang tulad mo.
Iginuhit niya ito sa isa niyang kamay habang hinihipo naman ng kabilang kamayang kanyang katawan mula ulo hanggang paa habang siya ay nakapikit. Pag-aralan angmga guhit na ginawang background sa ginawa niyang balangkas. PAGSANAYAN MO Handa ka na bang iguhit ang balangkas ng katawan mo? Bago ka magsimula,ihanda ang mga kagamitan: papel, lapis, krayon, watercolor. Gumamit ka ng krayon na itim sa pagguhit. Ipikit ang iyong mga mata at sapamamagitan ng iyong kaliwang/kanang kamay, kapain mo ang iyong katawan mula ulohanggang paa habang iginuguhit ng iyong kanang/kaliwang kamay. Tuloy-tuloy angpagguhit, huwag iangat ang krayon o lapis sa papel. Kung tapos na, tingnan angbalangkas na iyong iginuhit. Kulayan mo ito. Lagyan ng iba’t ibang uri ng linya angbackground nito. Maari din gawin ang iyong likhang-sining na crayon resist. Pahiran lang ngmanipis na itim na watercolor ang buong larawan sa pamamagitan ng brotsa (brush).Lilitaw ang iyong balangkas na ginamitan ng krayon. Ipakita ang iyong gawang-sining sa iyong guro. Pagkatapos, ikabit ito sapaskilan. TANDAAN MO Ang paglikha ng balangkas ng katawan ay isang pagkakataon na maiguhit mo angbalangkas ng sarili mong katawan o ng iba. Hindi kailangang ito ay makatotohanan omaganda. Gawing tuloy-tuloy ang pagguhit at lagyan ang bawat bahagi ng backgroundng iba’t ibang uri ng linya.
SUBUKIN MO1. Ihanda ang mga materyales na gagamitin sa pagguhit.2. Guguhit ka muli ng balangkas ng katawan ngunit hindi na sa iyo kung di sa kapareha o kaklase mo.3. Pumili ng isang kaklase o kapareha mo na gagawin mong modelo.4. Patayuin o paupuin mo sa silya ang iyong modelo.5. Pagmasdang mabuti ang iyong modelo – ang kanyang ulo, katawan at paa.6. Iguhit ang balangkas ng kanyang ulo, katawan at paa. Habang iginuguhit mo ang iyong modelo, huwag kang tumingin sa papel na pinagguguhitan.7. Lagyan ng background na mga linyang op art ang iyong balangkas.PAGTATAYALagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na tumutugon sa iyong sagot.Mga Tanong Oo Di-gaano Hindi1. Natamo ba ang layunin na dapat makamit?2. Nasunod ba ang pamamaraan sa paggawa?3. Nalagyan ba ng kawili-wiling linya ang background ng disenyo?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa paglikha ng balangkas ng katawan. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 7 – Balangkas ng Katawan – Grade V
Ikalimang Baitang PAGLILIMBAG (Printmaking) PAGBALIK-ARALAN MO Naalaala mo pa ba ang ginawa ninyong gawaing-sining sa paglilimbag noongnasa ikatlo at ikaapat na baitang ka pa? Ano-anong patapong bagay ang ginagamitninyo? Alin dito ang ginagamit mo? Alam mo na ba ang mga hakbang sa paggawa nito?Ano ang mga hakbang sa paglilimbag? ALAMIN MO Ang paglilimbag ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kakayahan ng isangbata sa paggamit ng iba’t ibang bagay. Kadalasan ang paglilimbag ay nagpapakita ngdibuho. Maraming uri ang paglilimbag. May paglilimbag sa pisi, paglilimbag sa mgadahon, sa pamamagitan ng bloke (block printing) na ang ginagamit ay patatas, kamote okalabasa. Kung minsan ipinakikita sa paglilimbag ay titik o salita lamang. Mayroon dingisang uri ng paglilimbag na ang ginagamit ay dahon, aso at langis – mga di-pangkaraniwang bagay na hindi mo akalaing magagamit sa sining. Lahat ng uri ngpaglilimbag ay ginagawang paulit-ulit. Sa ating likhang-sining ngayon ang pag-aaralan mo ay isang uri ng paglilimbagng mga patapong bagay gaya ng tansan, takip ng bote, walis tingting, plastic na tinidor,kutsara o baso. Kung mayroon pang patapon na bagay na nakikita mo sa paligid na saiyong palagay ay maaari mong gamitin sa iyong paglilimbag, malaya mo itong gamitin. Tingnan ang larawan sa ibaba. Ito ay nagpapakita kung paano gagawin angpaglilimbag sa pamamagitan ng paggamit ng plastic na tinidor.
plastik na tinidor Ano-anong linya at mga kulay ang ginagamit? Kawili-wili ba ang disenyongnabuo? PAGSANAYAN MOMga Kagamitan: papel lapis watercolor brotsa (brush) tansan, takip ng bote, walis tingting, plastic na tinidor, kutsara o baso o alinmang patapong bagay lumang diyaryo
Bago simulan ang paggawa, maglatag ka muna ng lumang diyaryo sapaggagawaan. Pintahan ang napiling bagay (tansan, takip ng bote, walis tingting, plasticna tinidor o ibang patapong bagay) ng watercolor at idiin sa papel. Subukan muna ito salumang diyaryo upang matiyak na maganda ang bakas nito. Ilimbag nang pauli-ulit angdisenyo upang lumabas ang isang dibuho. Tingnan ang larawan kung ayos na ito atpatuyuin. Ipakita sa iyong guro ang nailimbag na disenyo. TANDAAN MO Ang paglilimbag (printmaking) ay isang uri ng sining na nagpapakita ng dibuho.Ito ay ginagawang paulit-ulit. Ang mga bagay na ginagamit sa paglilimbag maliban sabloke (block printing), dahon, aso at langis ay mga patapong bagay gaya ng tansan, takipng bote, plastic na tinidor, kutsara o baso, walis tingting o iba pang patapong bagay. SUBUKIN MO1. Gumuhit ka ng isang disenyo sa puting papel.2. Pumili ka ng isang patapong bagay na napag-usapan natin.3. Pintahan ng water color o katas ng gulay/bulaklak ang patapong bagay at subukang idiin sa papel.4. Kung ayos na ang bakas nito, ilimbag nang paulit-ulit sa disenyo o dibuhong ginuhit.5. Patuyuin ito. Ipakita sa guro at ikabit sa paskilan.
PAGTATAYA A. Isulat ang tama o mali sa mga sumusunod na pangungusap o pahayag.______1. Ang mga patapong bagay ay maaaring gamitin sa paglilimbag.______2. Ang lahat ng uri ng paglilimbag ay ginagawang paulit-ulit.______3. Ang dahon, aso at langis ay hindi maaaring gamitin sa paglilimbag.______4. Ang paglilimbag ay nagpapakita ng dibuho.______5. Ang pagkukuskos ng krayon ay isang uri ng paglilimbag. B. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: 1. Nakagagamit ba ng iba’t ibang bagay sa paglilimbag? 2. Nakawiwili bang tingnan ang disenyo? 3. Nagbibigayan ba kayo habang gumagawa?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa paglilimbag. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 8 – Paglilimbag – Grade V
Ikalimang Baitang BATIK Pagkatapos ng modyul, inaasahang maipakikita mo ang iyong pagkamalikhain atkakayahan sa paggamit ng krayon sa iba’t ibang pamamaraan. Naipakikita angkakayahan sa paggamit ng krayon sa paggawa ng “batik.” Naipakikita ang kaluguran attiyaga sa paggawa ng likhang-sining. ALAMIN MO Alam mo ba ang batik? Nakakita ka na ba nito? Ang batik ay isang uri ng tela namay matingkad na kulay at magandang disenyo. Kadalasan ito’y ginagawang baro,mantel o pandekorasyon sa dingding. Ang paggawa ng batik ay isang sining nanagsimula sa bansang Indonesia. May kamahalan ang isang tunay na batik, dahil mahabaang proseso sa paggawa nito. Nagagawa ito sa pamamagitan ng tina at pagkit (wax). Batik na Papel Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Ito ay isang likhang-sining na batik na papel naginawa sa pamamagitan ng krayon at pampinta. Anong uri ng mga linya ang ginamit sa batik na ito? Ano-anong kombinasyon ngkulay ang karaniwang ginagamit? Kawili-wili bang tingnan ang ginagawang batik napapel? Bakit?
TANDAAN MO Ang batik na papel ay ginagawa sa pamamagitan ng krayon at pampinta. Angmagandang batik ay iyong may nakalitaw na mga linyang parang bahay ng gagamba.Handa ka na bang gumawa ng batik na papel?SUBUKIN MO Bago ka magsisimula sa paggawa ng iyong likhang-sining, ihanda ang mgakagamitang kailangan.Mga kagamitan: tubig papel brotsa (brush) krayon plantsa watercolor lumang peryodiko Maglatag ka ng lumang diyaryo sa lugar na paggagawan. Magsuot ng lumangkamiseta upang hindi madumihan ang iyong damit. Gumuhit ka ng isang disenyo sapapel na gamit ang krayon. Kulayan mo ang buong papel. Kailangang idiin angpagkuskos ng krayon upang lilitaw ang ganda nito. Pagkatapos, dahan-dahan mo itonglamukusin. Buksan mo ito at iunat nang dahan-dahan upang hindi mapunit. Pintahan moito ng malabnaw na watercolor na itim. Patuluin at iipit sa pahina na diyaryo o peryodiko.Dalhin mo ito sa bahay ninyo at plantsahin upang maunat nang husto. Dalhin sasumunod na araw at ipakita sa iyong guro. Pagkatapos, ikapit sa paskilan.
Search