Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI V Volume 1

HEKASI V Volume 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:16:17

Description: HEKASI V V1

Search

Read the Text Version

PAGBALIK-ARALAN MO Naaalala mo pa ba ang mga kaalaman tungkol sa pananampalataya ng mga unangPilipino? Sagutin ang mga tanong sa tulong ng mga salitang nakapaloob sa mga kahon.Isulat ang mga sagot sa kwaderno. P B EMKDH F P G AAGUOAA I AA NTGHRH J AGT SHAAA I J NAO AARMN L Z I AR L L RME I I T YA AA E A S N S OUD T XQD T E LMN E NERAL LAHOE Z AKA T TMA I D Ano/Sino ang tinutukoy ng sumusunod? 1. banal na kasulatan ng Islam 2. banal na paglalakbay sa Mecca 3. tawag ng mga Tagalog sa Dakilang Lumikha 4. ikasampung bahagi ng kita ng isang Muslim na ibinibigay sa mga nangangailangan lalung-lalo na sa panahon ng Ramadan 5. salitang Arabe na ang kahulugan ay kapayapaan 6. paraan ng pagsisisi ng kasalanan ng mga Muslim 7. pananampalataya ng mga ninunong Pilipino sa Dakilang Lumikha ng daigdig, tao, pamayanan 8. panginoon ng mga Muslim 9. sugo ni Allah 10. pinapaniwalaan ng mga pagano na maaaring mabuti o masamang ispiritu HKS 5 M-14

PAG-ARALAN MO Ipinakilala ng mga Espanyol ang pananampalatayang Kristiyanismo nananiniwala sa iisang Diyos na may likha ng tao at ng lahat ng bagay sa mundo. Si Hesusay ang Diyos Anak at tagapagligtas ng sanlibutan. Ang pagkakaiba ng Kristiyanismo saPaganismo/Animismo ay nasa paniniwala, aral, katawagan, at seremonya o ritwal. Maraming sekta ang relihiyong Kristiyano. Ang Romano Katoliko ang dala ngmga Espanyol sa Pilipinas. Ang pinakamataas na pinuno ng Katoliko ay nasa Roma atsiya ay tinatawag na Pope o Papa. Simulan natin ang aralin sa pamamagitan ng concept map na ito. Mga Ekspedisyong Dumating sa PilipinasMagellan (1521) Legazpi (1564)Limasawa Cebu Bohol CebuUnang misa at Unang misa at Hindi Itinatag angpagbibinyag pagbibinyag nagtagumpay unang Pamahalaan ng Espanyol Itinatag ang Kristianismo sa pamamagitan ng mga ordeng misyonero HKS 5 M-14

Makikita mo sa concept map na nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismosa pagdating ng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521. Kasamaniya si Padre Valderrama na nagsagawa ng unang misa sa Limasawa at bininyagan niyaang mga katutubo. Ito ay nasundan nang tumuloy sina Magellan sa Cebu. Pagkatapos ngmisang naganap, nagpatayo ng krus si Magellan at sinundan ito ng pagbibinyag sa mgakatutubo na pinamunuan ni Raha Humabon at ng kanyang asawa. Sila ay binigyan ngpangalang Carlos at Juana. Isang imahen ng Sto. Nino ang ibinigay kay Juana. Ang ikalawang ekspedisyon ay pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi atkasama niya si Padre Andres de Urdaneta. Nagtuloy sila sa Bohol at bininyagan ni PadreAndres ang mga katutubo na pinamunuan nina Raha Sikatuna at Raha Sigala. Tumuloysina Legazpi sa Cebu at nang masakop nila ito ay itinatag ang kauna-unahang panirahanng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa bawat lupain na sinakop ng mga Espanyol, nagtulungan ang mga pinuno ngpamahalaan at mga prayle o pari. Pinalaganap ng mga prayle ang relihiyong RomanoKatoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang pananalita at makukulay na seremonyaat ang mga pinuno ay nagpairal ng mga batas sa pamahalaan na umayon sa mgaalituntunin ng relihiyon. Mga Orden ng Misyonero Ang mga pari ay kabilang sa iba-ibang orden ng misyonero sa Katolisismo sabuong mundo. Tingnan sa tsart ang mga orden, at kung kailan sila dumating sa Pilipinasat ang mga lugar na kanilang pinangasiwaan. Mga Ordeng Taon Mga Lugar na Pinangasiwaan Misyonero Dumating Cebu, Ilocos, Negros, Pampanga, Panay1. Agustino 1565 Bicol, Catanduanes, Laguna, Masbate, Quezon2. Franciscano 1577 Antipolo, Bohol, Cainta, Cavite, Leyte, Samar3. Jesuita 1581 Bataan, Batanes, Cagayan, Manila, Pangasinan4. Dominicano 1587 Mindoro, Palawan, Zambales5. Recoleto 1606 Katungkulan ng mga Pari Tunghayan mo ang organizational chart na nagpapakita ng katungkulan ng mgapari na nagsisimula sa Hari ng Espanya dahil siya ang nagbibigay ng recomendasyon sa HKS 5 M-14

Papa (Pope) na nasa Roma. Ang Roma ang pinakasentro ng relihiyong Romano Katolikosa buong mundo. Ang nakasulat sa malalaking titik ang tawag sa tanggapan at angnakalagay sa loob ng panaklong ( ) ang tawag sa pinuno. ESPANYA ( Hari ) ROMA ( Santo Papa ) DIYOSES ARSOBISPADO DIYOSES ( Obispo ) ( Arsobispo ) ( Obispo ) DIYOSES ( Obispo )PAROK PAROKYA PAROKYA PAROKYA PAROKYA PAROKY YA (Cura (Cura (Cura (Cura A (Cura (Cura Paroco) Paroco) Paroco) Paroco) Paroco)Paroco) PAROKYA PAROKYA PAROKYA (Cura (Cura Paroco) (Cura Paroco) Paroco)Kaugnayan ng mga Pari sa Pamahalaan Suriin mo ang tsart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga pari sa pamamalakad ngpamahalaan. HKS 5 M-14

Kaugnayan sa Pamahalaan Katungkulan Tungkulin1. Arsobispo Tumatanggap ng sahod  Tagapayo ng Gobernador-Heneral2. Obispo3. Cura Paroco mula sa pamahalaan  Maaaring gumanap na pansamantalang Gobernador- Heneral Tumatanggap ng sahod mula sa  Nangangasiwa ng diyosesis pamahalaan Tumatanggap ng sahod mula sa  Pagtatala ng lahat ng binyag pamahalaan  Pagtatala ng lahat ng kasal  Pagtatala ng lahat ng namamatay na tao  Nangagasiwa sa eleksyon  Nangangasiwa sa edukasyon ng mga mamamayan  Namamahala sa pagpapatayo ng simbahan  Namamahala sa pagpapatayo ng paaralan  Nagsusuri sa mga babasahin at dulang ipinalalabas  Nagsasaayos sa mga bagay na itinuturing na di kanais-nais o labag sa aral ng simbahan at patakaran ng pamahalaan  Nagpapasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan HKS 5 M-14

Paano pinalaganap ng pamahalaan ang Katolisismo? Ang mga batas sa pamahalaan ay umayon sa mga alituntunin ng relihiyongRomano Katoliko tulad ng sumusunod: Batas Mga Dapat Tandaan1. Pagpapabinyag sa  Ito ay pormal na pagtanggap bilang kasapi ng simbahan simbahan  Dapat may unang pangalan na hango sa mga Santo o may kinalaman sa relihiyon tulad ng Maria, Lucas  Dapat may huling pangalan o apelyido tulad ng Cruz, Lamadrid, Santos, Torres2. Pagpapakasal sa  Ang kasal ay sakramentong panghabambuhay simbahan  Pinagbabawal ang paghihiwalay ng mag-asawa3. Pagtutol sa pag-aalsang  Pinaparusahan ang sino mang magbalik sa sa panrelihiyon katutubong pananampalataya  Pinaparusahan ang sinumang magtatag ng samahang panrelihiyon na hindi sang-ayon sa relihiyong Katoliko4. Pabibigay ng pangalan  Ang pangalan ng lugar ay parangal sa isang Santo tulad sa bawat bayan at baryo ng San Esteban, Santa Catalina5. Pagtuturo sa mga  Ang kapistahan ng Patrong Santo paaralan sa parokya  Ang pinakamahalagang asignatura ay ang pag-aaral ng relihiyon, mga dasal at kautusan ng simbahang Katoliko. HKS 5 M-14

PAGSANAYAN MOA. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan ang iyong sagot. 1. Ano ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko? 2. Ano ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pamamahala ng bansa? B. Basahin ang mga tanong at isulat sa kwaderno ang iyong sagot. 1. Paano nagtulungan ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng Relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas? 2. Sinong Espanyol na namuno sa isang ekspedisyon ang pinakamaraming nasakop na lugar sa Pilipinas? 3. Aling orden ng misyonero ang unang dumating sa Pilipinas ? 4. Sino ang pinakamakapangyarihan sa mga prayle? Bakit? 5. Paano nagiging kasapi ng simbahan ang isang katutubo? TANDAAN MO  Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Magellan ang nagsimula sa pagtatatag ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas.  Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Legazpi ang nagtatag ng unang pamahalaan ng mga Espanyol.  Ang mga orden ng misyonero ang nagtatag ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas. HKS 5 M-14

 Malaki ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas. ISAPUSO MO Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ngRomano Katoliko sa Pilipinas? Bakit? Isulat ang paliwanag sa iyong kwaderno. GAWIN MO Basahing muli ang mga katungkulan ng Cura Paroco. Alin sa mga katungkulanniya ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit? Isulat ang paliwanag sa kwaderno.PAGTATAYABasahin ang pahayag at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.1. Ang nagtagumpay sa mga layunin ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinasay ang ___________.A. pampilitika C. pangrelihiyonB. pangkabuhayan D. pang-edukasyon2. Ang nanguna sa pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinasay mga _____.A. pinunong Espanyol C. misyonerong EspanyolB. sundalong Espanyol D. katutubong bininyagan3. Ang mga Cura Paroco ay humawak ng tungkuling pampapahalaan dahil __________. HKS 5 M-14

A. Ipinagutos ito ng Santo Papa B. nagbuklod ang simbahan at pamahalaan C. nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan ang pamahalaan D. nakatataas sa tungkulin ang mga kinatawan ng hari ng Espanya4. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang _____. A. magpasya kung sin ang ititiwalag sa simbahan B. mamahala sa halalang lokal at gawing pambayan C. magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing D. mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil at kasal5. Ang sumusunod ay tungkulin ng Cura Paroco MALIBAN sa _____________. A. nangangasiwa sa eleksyon B. namamahala sa pagpapatayo ng simbahan C. gumaganap na pansamantalang Gobernador-heneral D. pagtatala ng lahat ng binyag, kasal at namatay a taoPAGPAPAYAMANG GAWAIN Ano ang iyong relihiyon? Anu-ano ang seremonya o pagdiriwang na ginagawa sainyong simbahan? Ano ang layunin ng mga ito? Ihayag sa pamamagitan ng tsart tuladnito. Ilagay sa kwaderno.Relihiyon_________________Seremonya o Kailan Ginaganap LayuninPagdiriwang Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-14

HKS 5 M-14

GRADE VPROYEKTO: REAKSYON NG MGA PILIPINO SA KRISTIYANO ALAMIN MO Ang isang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa ay upang palaganapin ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ginamit nila ang “Krus at Espada” upang matupad ang kanilang layunin. Ang krus ay sumasagisag sa pagpapalaganap ng relihiyon at ang espada ay sa pananakop at pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya. Ano kaya ang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa Kristiyanismo, mabuti o masama? Sa tulong ng modyul na ito, inaasahang mabibigyang-katwiran mo ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng sektang Romano Katoliko. Basahing mabuti ang mga teksto at sagutin ang mga gawain. Sumunod nang mabuti sa mga panuto. PAGBALIK-ARALAN MO Naaalala mo pa ba kung paano pinalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas? Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kwaderno ang mga sagot. 1. Paano nagtulungan ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas? 2. Sinong Espanyol na namuno sa isang ekspedisyon ang pinakamaraming nasakop na lugar sa Pilipinas? 3. Aling orden ng misyonero ang unang dumating sa Pilipinas ? 4. Sino ang pinakamakapangyarihan sa mga prayle? Bakit? 5. Paano nagiging kasapi ng simbahan ang isang katutubo? HKS 5 M-15

PAG-ARALAN MO Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong 1521, noong dumating si FerdinandMagellan. Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag saKatolisismo kay Padre Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag natinanggap ang mga aral, at paniniwala ng Katolisismo nang dumating sina Miguel Lopezde Legazpi at Padre Andres de Urdaneta. Kasabay ng paglaganap ng relihiyongKatolisismo noong pagtatag naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mgalupaing nasasakupan ng mga Espanyol. Nang lumaon, may mga Pilipinong Kristiyano na namuno sa mga pag-aalsangpanrelihiyon. Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa. Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ngBohol na manumbalik sa dati nilang paniniwala. Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod saKristiyanismo upang manumbalik sa dati nilang pananampalataya. Maraming katutubong Leyte ang nakumbinsi nila. Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ngApayao ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpapatuloy ang kanilangkinagisnang pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maaarinilang gamitin. Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais niTapar na magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyanismo ngunit tinutulan ito ngmga prayle. Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay angpinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ngKristiyanong libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsanoong 1744 at nagtapos noong 1829. Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilalasa tawag na Hermano Pule ang Cofradia de San Jose . Bilang isang debotong Katoliko,nais ni Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isangindio. Dahil dito, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapirito. May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala. HKS 5 M-15

Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko.Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman aynagpakalayu-layo upang hindi marating ng pari. Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindinarating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan. Apat ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo saPilipinas : (1) Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sadating pananampalataya, at, (4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.PAGSANAYAN MOA. Gumawa ng tsart tulad ng nasa ibaba sa iyong kwaderno. Punan ng mga datos na kinakailangan. Sa ikalawang hanay, isulat ang dahilan ng pag-aalsa at sa ikatlong hanay isulat ang katwiran at kung sang-ayon ka o hindi sang-ayon.Taong Nag-alsa Dahilan Katwiran1. Tamblot2. Bankaw3. Lanab4. Tapar5. Dagohoy6. Apolinario de la CruzB. Sagutin mo sa iyong kwaderno ang sumusunod na tanong. 1. Bakit iba-iba ang naging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo? HKS 5 M-15

2. Bakit nag-alsa ang ilang Kristiyanong Pilipino? 3. Bakit hindi narating ng mga Espanyol ang ibang lugar tulad ng Cordillera? TANDAAN MO  Iba-iba ang reaksyon ng mga katutubo sa Kristiyanismo o Katolisismo: - May mga nagsipag-alsa nang hindi masiyahan sa ginawa ng pari. - May sumampalataya. - May mga tahimik na bumalik sa dating paniniwala. ISAPUSO MO Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya saiyong relihiyon? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. GAWIN MO Sa inyong pamilya, lahat ba kayo ay kasapi sa iisang relihiyon? Kung ang sagotmo ay OO, itala ang mga paniniwala, gawi o aral ng inyong relihiyon na sinusunod ngbuong mag-anak. Kung ang sagot mo naman ay HINDI, kanino ka sumasama? Bakit? Itala ang mgapaniniwala, gawi o aral ng inyong relihiyon na sinusunod mo. HKS 5 M-15

PAGTATAYAIsulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot. 1. Sino ang kauna-unahang Pilipino na nagpabinyag sa Katolisismo? A. Felipe at Maria B. Carlos at Juana C. Diego at Gabriella D. Andres at Gregoria 2. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari? A. Tamblot B. Dagohoy C. Bangkaw D. Hermano Pule 3. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid? A. Tamblot B. Dagohoy C. Bangkaw D. Hermano Pule 4. Bakit hindi nahimok sa Katolisismo ang mga taga-Cordillera? A. Magaling makipaglaban B. Marami silang guwardia C. Malayo ang mga bayan sa Codillera D. Lubos na binabantayan ng mga katutubo para walang makapasok. 5. Sino ang nag-alsa nang hindi siya pinayagan na magtayo ng bagong relihiyon? A. Tapar B. Pagali C. Alababan D. Miguel Lanab HKS 5 M-15

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Tanungin ang mga kamag-anak o kasambahay tungkol sa mga paniniwala, gawi,o aral ng inyong relihiyon na hindi ninyo ginagawa o sinusunod. Magbigay ng katwiran kung bakit. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-15

GRADE V PROYEKTO: ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPANYOL ALAMIN MO Ang Pagdating ng mga Misyonero Benedictine 1895 Recoletos 1606i Dominicano 1587 Jesuitas 1581 Franciscano 1577 Agustinian 1565 Tingnan mo ang hagdanan ng pagdating ng iba-ibang pangkat ng mga misyonero sa Pilipinas. Malaki ang bahaging ginampanan nila sa sistema ng edukasyon. Naging pangunahing layunin nila ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. Upang maisakatuparan ito, nagtatag sila ng iba’t ibang paaralan sa bansa. Ano-ano ang paaralang itinatag nila sa Pilipinas? Paano ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Espanyol? Ito ang aalamin natin sa modyul na ito. Handa ka na ba? 1 HKS 5 M-16

PAGBALIK-ARALAN MO Sa nakaraang modyul, pinag-aaralan natin ang uri ng edukasyon ng mga unangPilipino. Masasagot mo kaya ang pagsubok na ito? Kumuha ka ng papel at isulat angiyong sagot. Panuto: Isulat ang () kung tumutukoy sa edukasyon ng mga ninuno at (x) kung hindi. 1. Sa tahanan unang natutuhan ang sistema ng edukasyon. 2. May dalawampu’t walong titik ang alpabetong Pilipino. 3. Inihahanda sa buhay may – asawa at gawaing – pantahanan ang mga babae. 4. Gumamit ng pluma at makinis na papel sa pagsulat. 5. Tinuturuan ang mga lalaki ng pag-iigib ng tubig, pagsibak ng kahoy, pangangaso, pagsasaka, at iba pa. Nasagot mo bang mabuti ang pagsubok na ito? Kung gayon nakahanda ka na sa kasunod na aralin natin. Batay sa kasaysayan ng ating bansa, napasailalim tayo sa pamamahala ng mgaEspañol sa loob ng 333 taon. PAG-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang pinag-aralan mo sa nakaraang modyul tungkol sasistema ng edukasyon ng ating mga ninuno? 2 HKS 5 M-16

Noong dumating ang mga Espanyol sa ating bansa nagkaroon ng pagbabago angsistema ng kanilang edukasyon. Ang di-pormal na edukasyon sa panahon ng ninuno aynaging pormal. Tingnan mo ang larawan upang maunawaan mo kung bakit sinabing angdi pormal na sistema ay naging pormal. Maraming paaralan ang itinatag ng iba’t ibang misyonero sa ating bansa. Unangnaitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unangguro. Itinuro ito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Español, pagsulat, pagbasa,aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral magingang mga dasal. May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralangitinatag para sa mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman parasa lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589. Binigyang diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doctrina Cristiana atmga pagsasanay sa pagbasa ng alpabetong Español at wikang Tagalog Nagtatag din ng mataas na paaralan o sekondarya upang madagdagan angkaalaman ng mga mag-aaral. Ang relihiyon at wikang Latin ang itinuro sa halip nawikang Español. 3 HKS 5 M-16

May mga paaralang bokasyonal nanaitatag din layunin nitong ituro ang iba’tibang karunungan tulad ng pananahi,paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat.Nang naitatag na ang paaralan sa pagsasakanoong 1889 sa Maynila at paaralan sa mgasining at hanapbuhay sa Pampanga noong1861. Nagkaroon din ng mga pamantasantulad ng Unibersidad ng San Ignacio, NuestraSeñora del Rosario na naging Unibersidad ngSanto Tomas, at marami pang iba. Dahil sa pangangailangan ng mga guropara sa paaralang primarya at sekondarya omataas na paaralan, nagbukas ng mgapaaralang normal para sa kalalakihan atkababaihan. Ano ang masasabi mo sa sistema ng edukasyon sa panahon ng Espanyol? Naiiba ba ito sa sistema ng ating mga ninuno? 4 HKS 5 M-16

Pag-aralan mo ang balangkas na ito. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Español Pamantasan May mga pamantasan para sa iba’t ibang kurso Sekondarya o Mataas May mga paaralang normal para na Paaralan sa babae at lalake May mga kolehiyo para sa mgaPrimarya babae at lalake Paaralang bokasyonal Paaralang parokyal1. Ano-ano ang antas ng pag-aaral sa panahon ng Espanyol?2. Anu-ano ang mga itinuro sa mga paaralang primarya/sekondarya?3. Bakit nagtatag ng mga paaralang bokasyonal?4. Bakit nagtatag ng mga paaralang normal?5. Bakit masasabing naging pormal ang sistema ng edukasyon sa pagdating ng mga Espanyol? 5 HKS 5 M-16

PAGSANAYAN MO May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang sistema ng edukasyon sa panahon ninunoat panahon ng Espanyol? Subukin mong gawin ang tsart sa ibaba. Gawin mo ito sa kwadernong sagutan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Ninuno EspanyolPaaralanMga GuroMga ItinuroWikang Panturo Saan nagkakaiba at nagkakatulad ang sistema ng edukasyon sa panahon ngninuno at panahon ng Español? Nagkaroon ba ng pagbabago ang edukasyon ng mga ninuno noong dumating angmga Espanyol? TANDAAN MO Nagkaroon ng pormal na edukasyon nang dumating ang mga Español sa bansa. 6 HKS 5 M-16

 Maraming paaralan ang naitatag ng mga misyonero sa ating bansa.  Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro. ISAPUSO MO Natutuhan mo na may tatlong antas ng pag-aaral tungo sa pagtatayo ngmatagumpay na edukasyon. Ngayon pa lang ay nangangarap ka nang maging guro,doktor, abogado, atbp. Nasa unang hakbang ka pa lang ng pag-aaral at marami pang taonang magdaraan Ano-ano ang nararapat mong gawin. Sumulat ka ng mga pansariling pangako. Ang Aking mga Pangako 7 HKS 5 M-16

Ang mga pangako mong ito ang lagi mong isapuso upang makamit mo angtagumpay. Palagi mong isaisip ang salawikaing ito: Kapag may itinanim ay may aanihin GAWIN MO Pag-aralan mo ang timeline. Sagutin mo ang mga tanong na kasunod nito. Gawinmo ito sa iyong kwadernong sagutan.1590 1600 1610 1620 Ang timeline na ito ay nahahati sa tigsasampung taon. Bawat guhit ay tumatayong isang taon.Ipagpalagay natin na ikaw ay ipinanganak noong 1594.1. Noong sumapit ka sa ikapitong gulang ipinasok ka ng iyong magulang sa unangbaitang ng primarya. Anong taon ito? A. 1600 B. 1601 C. 1602 D. 16102. Kung apat na taon ang mataas na paaralan o sekondarya, anong taon ka nagtapos? A. 1601 B. 1608 C. 1609 D. 16103. Kung apat na taon naman ang kursong pagkaguro, sa anong taon ka nagtapos ? A. 1611 B. 1612 C. 1614 D. 1616 8 HKS 5 M-16

PAGTATAYAIsulat ang wastong sagot sa iyong kwadernong sagutan. 1. Ang mga paaralang parokyal ay pinamahalaan ng mga ____________. A. pari B. guro C. sundalo D. kagawad 2. Ang binigyang diin sa edukasyong primarya ay ang pagtuturo ng __________. A. wika B. Bibliya C. matimatika D. doctrina cristiana 3. Ang sumusunod ang mga kasanayang bokasyonal maliban sa isa. Ito ay ang _________. A. paglililok B. papipinta C. pagkukulot D. paggagamot 4. Ang mga paaralang normal ay itinatag upang sanayin ang mga lalaki at babae na maging __________. A. nars B. guro C. doktor D. manananggol 5. Ang sumusunod na pangungusap ay nagpapatunay na nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon sa panahon ng Espanyol maliban sa isa. Alin ito? A. nagtatag ng mga pribadong pamprimarya at sekondarya B. nagtatag ng pamantasan para sa mataas na antas ng pag-aaral C. nagtatag ng mga paaralang normal para sa mga babae at lalaki na nais maging guro D. nagtayo ng mga sentrong pangkompyuter upang maging makabago ang pagtuturo 9 HKS 5 M-16

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Magsaliksik ka tungkol sa mga bayaning Pilipino na nagtapos sa mga paaralangnaitatag noong panahon ng Espanyol. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 10 HKS 5 M-16

GRADE V PROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG ESPANYOL ALAMIN MO Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng mga babaing ganito ang kasuotan? Sa nakaraang modyul tinalakay natin kung paano pinahalagahan ng ating mganinuno ang kababaihan. Sa aralin naman natin ngayon, pag-aaralan natin ang mgatradisyunal at di-tradisyunal na bahaging ginampanan ng mga babae sa lipunan sapanahon ng Espanyol. Handa ka na ba? HKS 5 M-17

PAGBALIK-ARALAN MOIsulat ang S sa iyong kwaderno kung sang-ayon ka sa isinasaad ngpangungusap sa bawat bilang at SkDung hindi.1. Maaring maghanapbuhay ang mga babae sa panahon ng ating mga ninuno.2. Itinuturing na kawalang-galang at isang pagkakasala ang mauna sa paglalakad ang mga lalaki kaysa sa babae.3. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga maybahay ng mga ninunong Pilipino na makapagbigay ng pangalan sa kanilang bagong silang na sanggol.4. Magkapantay ang pribilehiyo ng mga babae at lalaki sa panahon ng ninuno.5. Hindi maaaring maging datu ang babae kahit walang anak na lalaki ang pinakadatu.PAG-ARALAN MO Pag-aralan mo ang larawan sa pahina 2. Ano ang ipinakikita nito? Ganito rin baang kalagayan ng kababaihan ngayon? HKS 5 M-17

Basahin mo ang sumusunod na teksto. Ang Kababaihan sa Panahon ng Espanyol Sa panahon ng Espanyol ang mga kababaihan ay iginagalang at ikinararangal din. Sila ay mga pantahanan lamang. Inaasikaso nila ang pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak sa tahanan. Tungkulin ng kanilang asawa na ibigay sa kanila ang kinita sa paghahanapbuhay. Hindi pinapayagang makisalamuha ang mga babae sa mga lalaki. Hindi sila pinapayagang dumalo sa mga kasayahan nang nag- iisa. Kailangang may kasamang kapatid o sinumang kamag-anak. Hindi rin sila kailangang makaabot sa mataas na pinag-aralan tulad ng pagiging doktora, manananggol, o inhinyera. Sa halip ay sinasanay silang maging mabuting maybahay at mapagmahal na ina. Kung tagurian ang mga babae ay Maria Clara dahil ang Maria Clara ay simbolo ng pagiging mahinhin, mahinahon, magpagpakumbaba, matimpi, at maingat sa pagkilos. Ito ang mga tradisyunal na bahaging ginampanan ng mga babae noon sa lipunan. Sagutin mo: 1. Ano-ano ang tungkulin sa tahanan ng kababaihan? 2. Anong uri ng edukasyon ang kanilang natatamo lamang? 3. Bakit sila tinaguriang Maria Clara? May mga kababaihang nagpamalas ng talino at katapangan upang ipaglaban angkalayaan ng mga Piipino. Ipinakita nila na ang mga babaeng Pilipina ay di lamang parasa mga gawaing-bahay. Maaari rin silang gumanap ng mahalagang bahagi para sa bayan.Si Gregoria de Jesus ang naging tagapag-ingat ng lahat ng mahahalagang kasulatan ng HKS 5 M-17

katipunan at himagsikan. Si Melchora Aquino na tinaguriang “Tandang Sora” at Ina ngBalintawak ay malaki rin ang naitulong sa katipunan. Naging kanlungan ang kanyangtahanan at ginamot niya ang mga sugatang katipunero. Si Trinidad Tecson naman aytinaguriang “Ina ng Biak-na-Bato.” Gumanap siya ng tungkulin bilang nars sa Biak-na-Bato. Ang mga babaeng ito ay ilan lamang sa maraming bayaning babae na naglingkodpara sa bayan. Di tradisyunal na bahagi ng kanilang ginampanan. Sagutin mo: 1. Ano-ano ang di-tradisyunal na gawaing ginampanan ng mga tinukoy nating mga bayaning babae? 2. Ano-ano ang ipinamalas nilang katangian?PAGSANAYAN MO Basahin mo ang dalawang damit na nag-uusap.` “Naku, “Kami, aalis isusuot na naman mamaya. Kaya ako ng amo ko. ako isusuot ng Dito lang kami amo ko dahil sa bahay papasok siya sa nagluluto, opisina. naglilinis at Pagkatapos nagwawalis.” pupunta kami sa handaan.”Tradisyunal Di-Tradisyunal Ano-ano ang mga tradisyunal at di tradisyunal na bahaging ginampanan ng mgababae? Narito ang talaan. Isulat mo ang titik sa tamang hanay.A. nagluluto F. namamalantsaB. nagtuturo G. bumubunot ng ipin HKS 5 M-17

C. naglalaba H. nag-aasikaso ng pamilyaD. nagsasaing I. nagliingkod sa restaurantE. namamasukan J. nagtatanggol sa nasasakdal Tradisyunal Di-Tradisyunal TANDAAN MO Sa panahon ng Espanol, ang kababaihan ay nagsilbing pantahanan lamang. May mga kababaihang lumahok sa mga gawain para sa kalayaan ng ating bansa. HKS 5 M-17

ISAPUSO MO Ano-ano ang katangian ng isang dalagang Pilipina noon na nais mong taglayin? Sipiin mo ang nakalarawang puso sa iyong kwaderno. Dito mo isulat ang iyongkasagutan. HKS 5 M-17

GAWIN MO Ito ay isang awit tungkol sa mga dalagang Pilipina. Subukin mong awitin itonang may damdamin. Ang Dalagang Pilipina Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Maging sa ugali’t maging sa pagkilos Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso, maging sa pag-irog May tibay at tining ng loob Bulaklak na tanging marilag Ang bango ay humahalimuyak Sa mundo’y dakilang panghiyas, pang-aliw sa pusong may hirap Batis ng ligaya at galak, hantungan ng madlang pangarap Iyan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta. Sagutin mo: 1. Ano-ano ang katangian ng dalagang Pilipina na binanggit sa awit? 2. Ganito pa rin ba ang mga dalagang Pilipina sa ngayon? HKS 5 M-17

PAGTATAYA Ihambing mo ang kababaihan sa panahon ng ninuno at sa panahon ng Espanyol.Ano ang kanilang pagkakatulad? Ano ang kanilang pagkakaiba? Sipiin mo ang nakalarawang “Venn Diagram”. Dito mo isulat ang iyong mgasagot. Gawin mo ito sa kwadernong sagutan.Panahon ng Panahon ng Ninuno Espanyol Pagkakatulad HKS 5 M-17

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Magsaliksik ka tungkol sa kasuotan ng kababaihan sa panahon ng Espanyol.Ihambing mo ito sa kasuotan ng mga babae sa kasalukuyan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-17

GRADE VPROYEKTO: PANGKABUHAYA SA PANAHON NG ESPANYOL ALAMIN MO Nalaman mo ang naging hanapbuhay ng mga unang Pilipino. Ginagamit nila ang likas na yaman sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Sa panahon ng Espanyol ipinakilala ang mga paraaan na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng mga Pilipino. Pinagbuti ang sistema ng pagsasaka at pangangalakal. Ang mga kalakal na panluwas ay nagkaroon ng pagkakataong maipagbili sa Mehiko at iba pang kolonya ng Espanya. Nabuksan din ang Maynila sa kalakalang pandaigdig. Malaki ang naitulong ng pakikipagkalakalan sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Lumaki ang kita ng pamahalaan at nakabuti ito sa kabuhayan ng bansa. Sa modyul na ito matututuhan mo ang ginawa ng mga Espanyol sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa. Handa ka na ba? HKS 5 M-18

PAGBALIK-ARALAN MOPanuto: Itambal mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat mo sa iyong kwaderno.Hanay A Hanay B_______1. mangingisda A. karatagan_______2. magsasaka B. kapatagan_______3. magmimina C. kagubatan_______4. magtrotroso D. kabundukan_______5. mangangaso PAG-ARALAN MO Tingnan mo ang Mapa ng Pilipinas sa kabilang pahina. Gamitin mo ang iyong hintuturo at hanapin ang sumusunod na lalawigan. Unahinmo ang sa Luzon. Handa ka na ba? Lalawigan ng Cagayan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tayabas, Batangas,ILocos, Abra, Zambales at Marinduque. Sa Visayas, ituro mo naman ang sumusunod na lalawigan ng Leyte, Samar, atBohol. HKS 5 M-18

HKS 5 M-18

Ngayon naman, basahin mo: Ang malalawak na lupain o kapatagan ay nasa lalawigan ng Bulacan,Pampanga, Nueva Ecija, Leyte, Samar at Bohol. Nasa mga lugar na ito angpinakamahalagang sakahan sa bansa. Tinawag itong palabigasan ng bansa. Sa Batangas naman ang pag-aalaga ng baka. Dito mainam mag-alaga ng baka,dahil sa magandang tubo ng damo. Tinuruan ang mga Pilipinong gumawa ng bagong industriya tulad ng paggawang apog at laryo, magtibag ng bato, gumawa ng patubig, gumawa ng kandila, sabon atalak buhat sa katutubong halaman. Natuto rin ang mga Pilipino ng paglala ng banig atsombero, pagkuha ng dagta sa puno sa lalawigan ng Zambales, pangingisda atpaggawa ng asin sa Pampanga at ang paggawa ng apog at laryo sa Cagayan, atpaghahabi ng tela. Upang higit na mapasigla ang pagsasaka sa Pilipinas, may tanim na trigo samga lambak at gayon din ng kakaw, niyog,buyo, paminta at bulak. May kautusan ding mag-alaga ang bawat pamilya ng inahing manok attandang. Itinatag din ang monopolyo sa tabako ni Jose Basco. Pagtatanim lamang ngtabako sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Ilocos, Marinduque, Abra atIsabela ang maaaring itanim. Ang paraan ng pamamay-ari ng lupain ay nag-iba sa panahon ng Espanyol.Maraming pinunong Espanyol ang nagnais na magmay-ari ng lupang sakahan at silaay nagkaroon sa pamamagitan ng pagbili, pagkamkam at pagtanggap ng mgadonasyon. Ipinabungkal ito sa mga kasama ng mga magsasakang Pilipino. MaramingPilipino ang nawalan ng lupain. Ang kalakalang Galyon ay isa pang pamamaraang pangkabuhayan nanagpahirap sa mga Pilipino. Ngunit nagkaroon din ito ng mabuting epekto sa bansa,nakilala ang Pilipinas sa makasining na paggawa ng barko at pinakamaramingtabakong inani kaysa alinmang bansa. Ngayon alam mo na ang tungkol sa pagpapaunlad ng kabuhayan na isinagawa sa panahon ng Espanyol, ilagay mo ang mga ito sa concept web. Pangkabuhayan sa Panahon ng Espanyol HKS 5 M-18

Mga Lalawigan Mga PangkabuhayanPAGSANAYAN MOPanuto: Piliin at isulat mo ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.1. Aling lalawigan ang tinatawag na Palabigasan ng Pilipinas?A. Abra C. PampangaB. Cebu D. Zamboanga2. Aling lalawigan ang natutong gumawa ng apog at laryo?A. Ilocos C. BatanesB. Cagayan D. Zamboanga3. Sino ang nagtatag ng monopolyo sa tabako?A. Jose Raon C. Hortado CorcueraB. Jose Basco D. Miguel de Benavides4. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng monopolyo sa tabako? A. pagkilala sa Pilipinas sa silangan B. pagmumulta ng mga magsasaka HKS 5 M-18

C. pagbaba ng produksyon na bigas D. di-pagbabayad sa mga magsasaka sa pananim na binili ng pamahalaan 5. Alin ang hindi magandang epekto ng kalakalang Galyon? A. lumaki ang kita ng pamahalaan B. nagpapahirap sa mga magsasaka C. nakilala ang Pilipino sa pagawa ng barko D. pagkakaroon ng maraming ani ng tabako TANDAAN MO  May mabuti at di mabuting epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang iba’t ibang patakarang pangkabuhayan sa panahon ng Espanyol.  Nagkaroon ng mabuti at di-mabuting epekto ang kalakalang Galyon sa pamumuhay ng mga tao. ISAPUSO MO Malaking tulong sa mga Pilipino ang mga industriyang ipinakilala ng mgaEspanyol. Nagkaroon ng mga pabrika at pagawaan ng mga sabon, kandila at kendi sakasalukuyan ng pag-aari na mga Pilipino. Ano ang nararapat mong gawin upang magtagal ang mga pagawaang ito na pag-aari ng kapwa mo Pilipino? Pangatwiranan mo ang iyong sagot. HKS 5 M-18

GAWIN MO Ngayong natutuhan mo na ang patakarang pangkabuhayan sa panahon ng Espanyol,alin ang higit mong pahahalagahan? Bakit? Pumili ng isa sa sumusunod: 1. pagsasaka 2. paghahayupan 3. pakikipagkalakalan 4. makabagong industriya PAGTATAYA Panuto: Punan mo ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong kwaderno. 1. Ang ___________ ang tawag sa mga lalawigang may malawak na sakahan. 2. Ang lalawigan ng __________ ay angkop sa pag-aalaga ng baka. 3. Ang __________ ay puno na makikita sa Zambales. 4. Ang paggawa ng __________ ay natutuhan sa lalawigan ng Pampanga. 5 Ang pag-aalaga ng __________ay ipinag-utos sa bawat pamilya. 6. Si __________ ay nagtatag ng monopolyo sa tabako. 7. Ang sistemang __________ ang dahilan ng pagkawala ng lupain ng mga Pilipino. 8. Sa __________ ay nakilala ang Pilipinas sa paggawa ng barko. 9. Ang mga __________ Espanyol ang kumamkam ng lupain ng mga Pilipino. 10. Ang pagtatanim lamang ng __________ ang dapat itanim sa lalawigan ng Ilocos. HKS 5 M-18

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Basahin mo ang talaan ng mga industriya sa loob ng kahon. Pumili ka ng tatlong industriya na naiibigan mo. Ilarawan mo ito at isulat moang dahilan ng iyong pagkakapili. pagawaan ng asin pagawaan ng kendi pagawaan ng sabon pagawaan ng kandila pagawaan ng baldosa Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-18

GRADE VPROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG AMERIKANO ALAMIN MO Sa pagdating ng mga Amerikano naging kapansin-pansin ang mga pagbabago sapamumuhay ng mga Pilipino. Naging mabilis ang takbo ng buhay dahil sa mgamakabagong daan, tulay, sasakyan, radyo, kuryente, telegrapo at iba pang kagamitan.Malaki rin ang ipinagbago sa pamumuhay na sosyal ng mga Pilipino. Isa na rito angkatayuan sa lipunan ng mga kababaihan. Ano ang naging katayuan sa lipunan ng kababaihan sa panahon ng Amerikano? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Panuto: Isulat ang T sa iyong kwadernong sagutan kung ang gawaing ginampanan ng babae ay tradisyunal at DT kung hindi. 1. Mga gawaing bahay ang palaging ginagawa ni Alma araw-araw. 2. Naglilingkod si Ana bilang kalihim sa isang malaking tanggapan. 3. Hindi nakalalabas ng bahay si Nena sapagkat ayon sa kanyang asawa, tungkulin niyang mag-asikaso sa kanyang pamilya. 4. Pinangangansiwaan ni Anita ang kanilang mga ari-arian. 5. Si Dra. Ma. Xena Geran ay maraming pasyente araw-araw. HKS 5 M-19

PAG-ARALAN MO Tingnan mo ang larawan. Ano ang isinasaad nito? Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba. Isa sa mahalagang nagawa ng Amerika sa bansa ay ang pagkakaroon ngkalayaan ng mga kababaihan sa panlipunan at pampulitikang gawain na di nilanatamasa noong panahon ng Espanyol. Ang kababaihan ay di na pantahanan lamang. Malaya na silangnakalalabas at maaari nang makihalubilo sa kalalakihan. Nakadadalo sila sa mgakasayahan na hindi na kailangang may bantay. Pinayagan na silangmaghanapbuhay sa mga pagawaan at mga tanggapan, dumalo sa mgapampulitikang pagpupulong, at makilahok sa mga isports. Nabigyan din ng kalayaan ang mga kababaihan na makapag-aral sa mataasna antas ng edukasyon at maisagawa ang mga propesyon na dati ay para sa mgalalaki lamang. Nakapipili na sila ng mga kursong pag-aaralan tulad ng medisina,manananggol, inhinyerya at iba pa. HKS 5 M-19

Natamasa rin nila ang mga pampulitikang karapatan tulad ng paglilingkodsa pampublikong tanggapan at malayang pagpapahayag ng sariling opinyon. Angmga ito ay hindi nila naranasan sa panahon ng Espanyol. Sagutin mo: 1. Ano-anong kalayaan ang natamo ng kababaihan sa panahon ng Amerikano? 2. Tinatamasa rin ba ang mga kalayaang ito ng kababaihan sa kasalukuyan? PAGSANAYAN MO Isulat sa tamang hanay kung ang sumusunod na paglalarawan sa kababaihan aynaganap sa panahon ng Espanyol o sa panahon ng Amerikano. Titik lamang ang isulat.Panahon Panahon ng ngEspanyol Amerikano_____ __________ __________ _____a. Nakapagliligkod sa mga tanggapanb. Malayang nakadadalo sa mga kasayahanc. Nabigyan ng pagkakataon na makatapos ng kursod. Kapag lumabas ng tahanan ay may kasamang bantaye. Hindi pinapayagang makisalamuha sa mga kalalakihan HKS 5 M-19

f. Nananatili lamang sa tahanan upang asikasuhin ang pamilya TANDAAN MO Natamasa ng kababaihan ang kalayaang panlipunan at pampulitika sa panahonng Amerikano tulad ng: Kalayaang makihalubilo at dumalo sa mga kasayahan Kalayaang maghanapbuhay at pumasok sa mga tanggapan Kalayaang makamit ang mataas na antas ng edukasyon ISAPUSO MO Sagutin mo: 1. Pangarap mong maging isang manggagamot sa hinaharap. Ano-anong balakin ang iyong gagawin upang matamo mo ang pangarap na ito? 2. Binigyan ka ng pagkakataon na maipahayag ang iyong saloobin. Paano mo ito isasagawa? HKS 5 M-19

GAWIN MO Gumuhit ng mga larawan tungkol sa pananamit o hitsura ng mga babae sapanahon ng Espanyol at sa panahon ng Amerikano.Panahon ng Panahon ng Espanyol Amerikano HKS 5 M-19




Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook