Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI V Volume 1

HEKASI V Volume 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:16:17

Description: HEKASI V V1

Search

Read the Text Version

B. Gumuhit ka ng tatlong bagay na ginagawa pareho ng babae at lalaki. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. PAGTATAYA Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan ang wastong sagot sa sumusunod na mgakatanungan. 1. Walang pormal na edukasyon ang ating mga ninuno. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay __________. A. nakapipili ng paarlan B. tinuturuan sa silid-aralan C. pumapasok sa malaking paaralan D. nag-aaral sa kani-kanilang tahanan 2. Kung ang mga babae ay tinuturuan upang maging handa sa pagiging ina ng tahanan, ang mga lalaki naman ay tinuturuan upang maging mabuting _____________ ng tahanan. 3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa alpabeto ng mga unang Pilipino? A. may 17 titik, 14 ang katinig at 3 ang patinig B. may 17 titik, 12 ang katinig at 5 ang patinig C. may 17 titik, 13 ang katinig at 4 ang patinig D. may 17 titik, 11 ang katinig at 6 ang patinig 4. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sistema na ng pagsulat ang ating mga ninuno. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay dito? A. nakasusulat sila ng kanilang pangalan B. nakasusulat na sila ng kanilang alpabeto C. may mga titik ang alpabeto na binubuo ng 13 katinig at 4 na patinig D. may isang nahukay na tapayang ipinakikita ang pagsulat na natagpuan sa Calatagan, Batangas 5. Sa pagkuwenta, ang mga ninuno natin ay gumagamit ng timbangan na tularo ang tawag. Gumamit din sila ng kaban, salop, at gatang. Samakatuwid _____________ A. may paraan sila ng pagbilang at pagkwenta HKS 5 M-6

B. hndi sila nakabibilang at nakapagkukuwenta C. ang mga ninuno natin ay walang kaalaman sa pagkwenta D. makabago ang pamamaraan ng kanilang pagbilang at pagkuwenta PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ang salawikain at mga kasabihan ay ginagamit ng mga magulang sa pagtuturo ngkagandahang asal sa kanilang mga anak. Magsaliksik ka ng mga salawikain o mga kasabihan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-6

GRADE VPROYEKTO: PANANAMPALATAYA NG MGA UNANG PILIPINO ALAMIN MO Ano ang iyong relihiyon? Sa inyong pamilya, magkakapareho ba angpinupuntahan ninyong simbahan? Sa modyul na ito, mailalarawan mo ang relihiyon ng mga unang Pilipino.Inaasahan na tatapusin mo ang mga gawain nang buong kasiyahan. Sundang mabuti angmga panuto. PAG-ARALAN MO Ano ang pagkakaiba ng pananampalataya ng mga unang Pilipino at ng atingpananampalataya ngayon? Basahin nang mabuti ang mga kaalamang inihahayag samodyul na ito. Ang mga unang Pilipino ay naniniwala sa Paganismo at ang tawag sa kanila aymga Pagano. Ano ang Paganismo? Ito ang pananampalataya ng mga pagano sa dakilanglumikha ng tao, daigdig at kalikasan. Kung tayo ay may Diyos na tinatawag sa DakilangLumikha ngayon, ang mga unang Pilipino ay may iba ibang katawagan dito batay salugar o pangkat-etniko.Tignan mo ang tsart sa ibaba. HKS 5 M-7

Pangkat Etniko Tawag sa Dakilang Lumikha1. Tagalog Bathala2. Bisaya Laon o Abba3. Zambal Ikasi4. Bikolano Gugurang5. Ilokano, Ifugao, Kabunian6. Bagobo Manana o Kalayagan Naniniwala ang mga pagano sa kapangyarihan ng kalikasan kung kayat ang bawatpook tulad ng dagat, ilog, kapatagan, lambak, bundok, batis, burol at gubat ay maykanya-kanyang Diyos tulad nina Agni na Diyos ng apoy at Balangaw na diyos ngbahaghari. May mga ritwal o seremonyang ginaganap kung saan naghahandong ng kanilangani at hayop bilang pasasalamat , pagmamakaawa para maalis ang kamalasan omasamang kapalaran sa buhay o paghingi ng tulong sa mga gawain o pangyayari tulad ngmga sumusunod: Gawain o pangyayari Tawag sa diyos1. Pagsasaka Idiyanale2. Pag-aani Lalahon3. Kamatayan Sidapa Ang mga seremonya ay pinamumunuan ng mga babaylan sa mga Bisaya ocatalonan sa mga Tagalog. Sila ang pinaniniwalaang nakakausap ng mga diyos at espirituo anito ng mga Tagalog at diwata naman ng mga Bisaya. Ang mga espiritu ay maaaringmabuti o masama. Ang mga mabuting espiritu ay mga namatay na nilang kamag-anak atang masamang ispiritu ay yaong mga kaaway nila. Ang mga mabuting espiritu aynakatutulong samantalang ang masasama ay nagdadala ng sakit at kamalasan. Ang mga pagano ay gumagawa ng mga imahen o rebulto ng kanilang mga diyos oanito. Ang mga imaheng ito ay tinawag na bul-ol ng mga taga Cordillera, likha ng mgaTagalog at tawo-tawo ng mga Bisaya. Ang mga ito ay hugis tao na nililok sa kahoy atnapapalamutian ng ginto. Sa Cordillera, ang bul-ol ay karaniwang estatwang nakatalungko at nakalagay sa bungad ng mga kamalig o pinaglalagyan ng palay.Naniniwala ang mga taga-Cordillera na ang bul-ol ay magbibigay ng masaganang ani. HKS 5 M-7

Ang isa pang paniniwala ng mga pagano ay hindi ganap na namamatay ang isangtao. Para sa matapang at mabuting tao, may buhay na naghihintay pagkatapos nilangpumanaw sa daigdig. Naniniwala sila na ang mga kaluluwa ay bumababa sa halip naumaakyat sa langit. Ang mga namatay ay inililibing kasama ang kanilang mgakayamanan, damit, pagkain, ginto at porselana. Ang mga pinuno ay inililibing din nakasama ang kanilang mga alipin upang maglingkod sa kanila sa kabilang buhay. Naniniwala rin sila sa mga aswang, kapre, tikbalang, tiyanak, nuno sa punso,duwende, manananggal at kulam. Naniniwala silang may taong may kapangyarihangmag-ibang anyo. Ang aswang ay maaaring maging ibon, aso o kaya’y mabangis na hayopat kumakain ng atay at bituka ng maysakit. Ang manananggal ay putol ang kalahati sagabi, ngunit pagdating ng araw ay buo na namang muli. Ang tikbalang ay may mukha ngkabayo na kapag may nakatuwaang isang tao ay inililigaw ito. Ang kulam aynakapagdudulot ng lagnat at sakit sa isang tao sa pamamagitan lamang ng salita. Ang mga paniniwala at mga pamahiin ay may malaking kinalaman sa buhay ngmga unang Pilipino. Binigyan nila ng kahulugan ang isang pangyayari tulad ng nasa tsartsa ibaba. Pangyayari Kahulugan1. Humuni ang uwak sa gabi May masamang mangyayari2. Naghilamos ang pusa3. Humuni ang butiki May darating na ulan4. Pagbahin bago manaog ng bahay5. Nanaginip na nalagas ang ngipin May bisitang darating6. Nasalubong ang itim na pusa Mamalasin ang lakad May mamamatay na kamag-anak o kaibigan Mamalasin ang lakad Ano ang Islam? Ang Islam ay relihiyon ng mga Muslim. Ito ay salitang Arabe naang kahulugan ay kapayapaan o ganap pagpapailalim kay Allah. Ang tawag sa kanilangdiyos ay Allah at ang Koran ang banal na aklat at batayan ng mga aral. Itinatag ito niPropreta Muhammad (s.a.w.). Sa Mecca ang sentro ng pagsamba. HKS 5 M-7

Ang mga tungkulin ng isang Muslim ay nakapaloob sa limang haligi ng Islam: 1. Walang ibang Diyos na paniniwalaan maliban kay Allah at si Muhammad(s.a.w.) ang sugo ni Allah. Ang tawag dito ay Shahada. 2. Magdasal nang 5 beses sa isang araw na nakaharap sa direksyon ng Mecca. Ito ay isinasagawa bago sumikat ang araw, sa pananghalian, sa hapon, sa paglubog ng araw, at bago maghatinggabi. Ang tawag dito ay Salat. 3. Magbigay ng Zakat sa mga nangangailangan tulad ng mga maysakit, ulila at mga naging biktima ng bagyo, lindol, o pagbaha lalong-lalo na kung panahon ng Ramadan. Ang zakat ay ikasampung bahagi ng kita ng isang Muslim. 4. Pag-aayuno o Saum sa panahon ng Ramadan o ikasiyam na buwan ng kalendaryong Muslim. Dahil ang Ramadan ay buwan ng pagsisisi ng kasalanan, ang pag-aayuno ay ginawa sa bawat araw. Hindi sila kumakain, umiinom at nagsasalita ng masama mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Ipinagbabawal din ang kasayahan at paggawa ng mabibigat na gawain sa panahong ito. Ang pagtatapos ng Ramadan ay araw ng pasasalamat kay Allah at ito ay tinawag ng Hariraya Puasa o Id’l Fitr’. 5. Maglakbay sa Mecca minsan sa buong buhay kung makakayanan. Hajj ang tawag sa paglalakbay at Hadji ang tawag sa mga taong nakapaglakbay sa Mecca. Naniniwala rin ang mga Muslim sa araw ng paghuhukom at ang kakayahanggumawa ng mabuti o masama ay nagmumula sa kapangyarihan, kagustuhan o kautusanng panginoon. PAGSANAYAN MO Basahing mabuti ang panuto at isulat ang mga sagot sa kwaderno. A. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang Paganismo? 2. Ano ang Islam? HKS 5 M-7

3. Sa Paganismo, ano ang tawag sa Diyos o Dakilang Lumikha ng sumusunod na pangkat- etniko? a. Tagalog ________________ b. Bikolano ________________ c. Bisaya ________________ d. Ilokano ________________ e. Ifugao ________________4. Sino si Allah para sa mga Muslim?5. Sino si Muhammad?B. Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.Hanay A Hanay B_____1. Allah A. sugo ni Allah_____2. Paganismo B. nakakausap ng mga Diyos_____3. Islam C. Panginoon ng mga Muslim_____4. Muhammad D. banal na kasulatan ng relihiyong islam_____5. Anito o Diwata E. salitang Arabe na ang kahulugan ay kapayapaan_____6. Koran F. paraan ng pagsisi ng kasalanan ng mga Muslim_____7. Bathala G. tawag ng mga Tagalog sa Dakilang Lumikha ng Daigdig_____8. Sakat H. pinaniniwalaan ng mga pagano na maaaring mabuti o masama_____9. Hadji I. tawag sa mga Muslim na nakagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca J. pananampalataya ng mga ninunong Pilipino sa Dakilang Lumikha ng daigdig, tao o pamayanan____10. Pag-aayuno K. ikasampung bahagi ng kita ng isang Muslim iniibigay sa mga nangangailangan HKS 5 M-7

C. Ang sumusunod ay gawain sa pananampalataya ng mga unang Pilipino. Buuin ang Venn Diagram. Isulat sa loob ng bilog A ang nauukol sa Paganismo at sa bilog B ang sa Islam. Kung angkop sa paganismo at Muslim ang tinatalakay isulat sa loob ng C.  pagsisisi ng kasalanan tuwing buwan ng Ramadan  may mga pinaniniwalaan at tungkulin  paniniwala sa anito o diwata  pagtupad ng Hajj  pagbibigay ng sakat  pagsamba sa kalikasan  pagtupad sa paniniwala at tungkulin  paniniwala sa aral ng Koran A C BPaganismo Islam HKS 5 M-7

TANDAAN MO  Pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang pananampalataya sa kalikasan, mga espiritu, mga diyos at ang Dakilang Lumikha. ISAPUSO MO Sa iyong pananaw, dapat bang panatilihin ang pagsamba sa mga anito at ispirituang mga Pilipino? Bakit? Isulat ang paliwanag sa kwaderno.GAWIN MO Magkaiba ang relihiyon at paniniwala sa pananampalataya ng pinakamatalikmong kaibigan kung ihahambing sa iyo. Isulat sa kwaderno kung paano mo igagalangang kanyang relihiyon at paniniwala.PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Isulat sa kwaderno ang titikng tamang sagot.1. Kung ang mga pagano ay sumasamba sa kalikasan at iba pang walang buhay,sino naman ang sinasamba ng mga Muslim?A. Allah C. LalahonB. Bathala D. Muhammad HKS 5 M-7

2. Alin sa sumusunod ang katumbas ng anghel sa mga pagano?A. Bato C. kalikasanB. ilog D. Anito at Diwata3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tungkulin ng isang Muslim? A. pagtupad ng Hajj B. pangagalaga ng kalikasan C. pag-aayuno sa buwan ng Ramadan D. pagdarasal nang limang beses maghapon nang nakaharap sa direksyon ng Mecca4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakawanggawa ng mga Muslim lalong-lalo na sa panahon ng Ramadan? Pagbibigay ng _______ A. pagkain sa mga pulubi B. bahay sa mga biktima ng bagyo C. kalahating bahagi ng kanilang lupa D. ikasampung bahagi ng kita sa mga ulila5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paniniwala sa kapangyarihan ng mga bagay-bagay sa kapaligiran ng mga pagano? A. Hindi nila pinuputol ang mga kahoy B. Hindi sila nagsusuog ng mga dahon C. Naglalakbay sila sa dagat tuwing Biyernes D. Gumagawa sila ng imahen ng kumakatawan sa mga diyos o anito PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ng sarili mong pananaliksik sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklato di kaya ay pagtatanong sa mga kasambahay o kakilala ukol sa sumusunod na tanong.Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Saan matatagpuan ang Mecca? Tingnan din ang isang mapa o globo. 2. Ano ang ginagawa ng mga Muslim tuwing Biyernes sa panahon ng Ramadan? 3. Ano ang tawag sa isang paring Muslim? Ano ang kanyang tungkulin? 4. Ano ang kaugnayan ng Id’l Fitr sa atin ngayon? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-7

HKS 5 M-7

GRADE VPROYEKTO: HANAPBUHAY NG MGA NINUNO ALAMIN MOKagubatan Kapatagan Ilog/Karagatan Pagmasdan mo ang mga likas na yaman. Ano ang masasabi mo? Naging mahalaga sa pamumuhay ng mga unang Pilipino ang mgapinagkukunang-yaman ng bansa. Ang mga likas na yamang matatagpuan sa kanilangkapaligiran ang naging batayan ng uri ng kanilang hanapbuhay. Sa modyul na ito, matututuhan mo kung gaano kahalaga sa mga ninuno angpinagkukunang-yaman sa kanilang hanapbuhay. Handa ka na ba? HKS 5 M-8

PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Panuto : Suriin ang sumusunod, kopyahin mo ang likas na yaman sa iyong kwaderno.hipon ginto sapatos alimangobulaklak katol pilak karbondamit bahay silya punopalay mangga manganese coralaparador narra computer TV PAG-ARALAN MO Naging mahalaga sa pamumuhay ng mga unang Pilipino ang mgapinagkukunang-yaman ng bansa. Ang mga yamang natatagpuan sa kanilang kapaligiranang naging batayan ng uri ng kanilang hanapbuhay. Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga unang Pilipino na nakatira sa tabi ng ilogat dagat. Nakahuhuli sila rito ng iba’t ibang uri ng isda. Karaniwang ginagamit nila ang HKS 5 M-8

sibat, salakab, bingwit, buslo at lambat. Bukod sa pangingisda, ang mga unang Pilipinoay nanguha rin ng mga kabibi at halamang dagat, ang iba naman ay nanisid ng perlas.Ginamit nila itong pamalit sa mga kalakal ng mga mandarayuhang Tsino, Hapon atArabe. Ginagamit din ng mga unang Pilipino ang mga ilog at dagat bilang daungan. Sa ngayon ang Maynila, Cebu at Butuan sa Mindanao ang sentro ng kalakalan satabi ng dagat. Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa pagsasaka.Binungkal nila ang lupa sa pamamagitan ng araro at suyod na hila-hila ng kalabaw. Unti-unting umunlad ang paraan ng kanilang pagsasaka. Sa lawak ng lupain, nagtanim sila ng halamang-ugat tulad ng kamote, gabi at ube,bukod sa mga gulay. Ang mga taga lambak tulad ng mga Bisaya at Ilokano ay nagtanim ng tubo, niyog,abaka, bulak at saging. May mga tanim ring punongkahoy tulad ng mangga, langka,santol, papaya, bayabas, sampalok at iba’t ibang uri ng kawayan. Sa kabundukan sa Banawe, gumawa ang mga Ifugao ng hagdang-hagdangtaniman. Ang tanim na bulak ng mga ninuno ay isa sa mahalagang tanim. Hinabi nila angbulak at ginamit nila sa paggawa ng mga kasuotan. HKS 5 M-8

Ang isa pang paraan ng pagsasaka ay ang pagkakaingin. Ginamit nila ang maliliitna lupain sa paligid ng burol. Ang kaingin ay ang pagputol at pagsunog ng mga puno sagubat. Kapag malinis na ang lugar ay tinatamnan nila ito ng palay o mais. Sinasaboy nilaang binhi o kaya ay hinuhulog ang mga buto sa mga hukay na binutas ng pinatulis nakawayan o sanga ng kahoy. Ang malalaking punongkahoy sa kagubatan ay napakinabangan din ng ating mganinuno. Ginamit nila ito sa paggawa ng bahay at iba pang mga kagamitang yari sa kahoy. Nangaso ang iba pang nanirahan sa kagubatan at kabundukan. Naging sagana silasa pagkain, sapagkat alam nilang gamitin ang mga pananim sa kagubatan. Natuklasandin nila ang mga tanim na maaaring kainin, gamot sa mga sakit, damit at sandata. HKS 5 M-8

Mayroon din silang natuklasang iba’t ibang bungangkahoy, goma at yantok. Angkanilang natuklasan ay nagsilbing malaking tulong sa pamumuhay. Natuto rin silang magmina. Ang ilan sa kanilang namina ay ginto, pilak, tanso atbakal. Ginamit nila ito bilang alahas, kutsilyo at sandata.Tanong: Anong uri ng hanapbuhay ang tinutukoy ng sumusunod? Isulat mo ang sagot sa bawat bilang sa iyong kwadernong sagutan.1. _____ panghuhuli ng mga mailap na hayop sa kagubatan2. _____ paghuhukay ng mga ginto, pilak at tanso3. _____ pamumutol ng malalaking punongkahoy para gawing bahay4. _____ pangunguha ng mga lamang dagat5. _____ pagkakaingin at pagtatanim PAGSANAYAN MOPanuto: Pag-aralan mo ang graphic organizer. Ano-ano ang hanapbuhay ng mga ninuno na ginamit ang likas na yaman? Tabing-ilog, dagat at karagatan Hanapbuhay ng mga ninuno at Likas na Yaman Kabundukan Kapatagan at kagubatan HKS 5 M-8

TANDAAN MO Mahalaga ang mga pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga unangPilipino. ISAPUSO MO Basahin mo ang pangungusap sa ibaba at sagutin mo ang kasunod na tanong. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wastong paggamit ng likas na yamanna siyang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga Pilipino. Paano mo napapanatili anglikas na yaman ng bansa? Magbigay ng mga mungkahi ng pagpapanatili at pangangalaganito. GAWIN MO Pagmasdan mo ang nakalarawan sa pahina 7. Kung patuloy na ganito angpamamaraan ng pangingisda. Ano na ang mangyayari sa ating karagatan? Sa atingmangingisda? Isulat mo ang kasagutan sa iyong kwadernong sagutan. HKS 5 M-8

PAGTATAYAA. Panuto: Tingnan mo ang tsart sa ibaba. Ilagay mo ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa hanapbuhay ng mga ninuno. Ang unang bilang ay magsisilbing halimbawa. Isulat mo ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. Likas na Yaman Hanapbuhay pangingisda1. ilog, dagat2.3.4.5.6.B. Panuto: Isulat ang W kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at DW kung di wasto. ______1. Ang likas na yaman ay mahalaga sa kabuhayan ng bansa. ______2. Kanais-nais na gawain sa kagubatan ang pagkakaingin. ______3. Dapat nating gamitin ang mga likas na yaman sa matalinong pamamaraan. ______4. Upang makahuli ng maraming isda kailangang gumamit ng dinamita. ______5. Ang pagkasira ng kagubatan ay dahilan ng pagkaubos ng mga hayop sa gubat. HKS 5 M-8

PAGPAPAYAMANG GAWAINA. Bukod sa natutuhan mong mga hanapbuhay ng mga unang Pilipino, magsaliksik ng iba pang impormasyon kung paano nabuhay ang mga unang Pilipino.B. Gumawa ka ng islogan sa tamang pangangalaga sa likas na yaman. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-8

GRADE V PROYEKTO: PAMAHALAANG LOKAL NG ESPANYOL ALAMIN MO Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol noong ika-17dantaon. Magmula sa pamahalaang sentral, nagkaroon ng pamahalaang panlalawigan,pambayan at panglungsod. Mapag-aaralan mo sa modyul na ito kung paano naitatag ang pamahalaang lokalat ang mga uri nito, ang mga pinuno ng bawat uri at ang kani-kanilang tungkulin atkarapatan. Inaasahan na matatapos mo ang lahat ng gawain nang buong kasiyahan. PAGBALIK-ARALAN MO Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa, itinatag nila ang pamahalaangsentral na namahala sa buong kapuluan. Basahin ang bawat tanong at isulat ang mgasagot sa kwaderno. 1. Bakit itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang sentral? 2. Ano ang tungkulin ng Gobernador-Heneral tungkol sa mga batas at kautusan ng hari ng Espanya? 3. Sino ang nangangasiwa sa mga parokya? 4. Ano ang tawag sa karapatan ng isang gobernador-heneral para pigilin ang pagpapatupad ng batas mula sa Espanya? 5. Bakit itinatag ng Hari ng Espanya ang residencia sa Pilipinas? 6. Ano ang tawag sa mataas na hukuman na pinamumunuan ng Gobernador- Heneral? HKS 5 M-9

7. Bakit maaaring masuspendi o magmulta ang isang opisyal? 8. Paano ito malalaman? PAG-ARALAN MO Ang Pilipinas ay nahati-hati sa mga lalawigan, bayan, o lungsod para madali angpamamahala ng Gobernador-Heneral.Paano ang naging pamamalakad sa isang lalawigan? May mga unang Espanyol sa Pilipinas na nabigyan ng pansamantalang lupain oencomienda para sakupin. Sila ang mga encomendero at may karapatang mangolekta ngbuwis mula sa mga taong sakop nila. Ang kapalit nito ay ang pagtatangol niya sa kanyangmasasakyan at tumulong sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon, binuwag ang mga encomienda at itinatagang iba-ibang yunit ng pamahalaang lokal. Nagkaroon ng mga lalawigan at ang bawatlalawigan ay may hanggahan. May dalawang uri ang lalawigan. Alcaldia ang tawag salalawigang payapa at corregimiento naman ang lalawigang may nagaganap pangkaguluhan. Ang mga naunang alcaldia ay Ilocos, Nueva Segovia o Cagayan, Bulacan,Pampanga at Camarines. Ang mga corregimiento naman ay Mindoro, Masbate at Aklan.Sino ang pinuno sa alcaldia ? Ang alcaldia ay pinamunuan ng alcalde-mayor at siya ang kinatawan nggobernador-heneral.Ano-ano ang tungkulin ng alcalde-mayor? Ang mga tungkulin ng alcalde-mayor ay: (1) mangolekta ng buwis; (2)magpanatili ng katahimikan at kaayusan; (3) magbigay ng lisensya sa kalakalan; at (4)mangasiwa sa mga gawaing panrelihiyon. Bagama’t maliit ang sweldo ng alcalde-mayor, may karapatan siyangmakipagkalakalan o magnegosyo.Sino ang pinuno ng isang corregimiento at ano ang kanyang tungkulin? HKS 5 M-9

Ang corrigimiento ay pinamunuan ng isang corregidore at ang tungkulin niya aymagpatahimik ng mga pook na may kaguluhan. Siya ay kinatawan din ng gobernador-heneral. Tingnan ang tsart at punan mo ng kailangang datos. Ang unang bilang ayginawang halimbawa. Isulat ang mga sagot sa kwaderno. PAMAHALAANG PANLALAWIGANKategorya Alcaldia Corregimiento di-payapa1. Katangian payapa2. Pinuno3. Tungkulin ng pinuno a. b. c. d.4. Karapatan ng pinunoPaano nagkaroon ng pueblo o bayan? Ang bawat lalawigan ay hinati-hati sa mga pueblo o bayan. Ang bawat pueblo obayan ay may poblasyon o kabisera na sumasakop sa ilang baryo o sityo. Makikita sapoblasyon ang simbahan at kumbento, ang tribunal o audiencia paaralang publiko at mgapook-tirahan.Sino ang namuno sa mga pueblo o bayan? Ang pueblo o bayan ay pinamunuan ng gobernadorcillo o maliit na gobernador.Municipio naman ang tawag sa kanyang tanggapan. Ang gobernadorcillo angpinakamataas na posisyon na maaaring gampanan ng mga Pilipino.Paano pinili ang gobernadorcillo? Sa mga unang bahagi ng pananakop, inihahalal ng mga Pilipinong may-asawa anggobernadorcillo hanggang sa napalitan ang sistema. Ang paghalal sa kanila ay ginawa ng12 na cabeza de barangay na mga apo o kamag-anak ng mga datu. Tatlo ang pinipilingkandidato para sa tungkuling ito at ang gobernador-heneral ang hihirang nggobernadorcillo.Ano ang tungkulin at karapatan ng gobernadorcillo? HKS 5 M-9

Ang tungkulin ng gobernadorcillo ay: (1) mangolekta ng buwis at (2)pangasiwaan ang mga gawaing pambayan gaya ng pagpapagawa ng mga tulay at daan.Ang karapatan naman niya ay hindi pagbabayad ng buwis at pagiging kabilang saprincipalia o pangkat ng matataas na tao sa kolonya.Paano ang pamamalakad sa barangay? Ang mga pueblo ay nahahati sa mga barangay na pinamumunuan ng cabeza debarangay. Ang cabeza de barangay ay maaaring dati nang datu o di kaya ay pinuno ngisang tribu. Sila ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga nasasakupang pamilya.Kabilang sila sa principalia kaya hindi sila nagbabayad sa buwis at hindi sila sumasali ngpolo o sapilitang paggawa.Paano nagkaroon ng mga lungsod? Ang mga bayang may malalaking populasyon at naging aktibo sa pulitika,kabuhayan at kalinangan ay binigyan ng tanging karta o charter para maging lungsod.Paano ang pamamahala sa isang lungsod? Ayuntamiento ang tawag sa pamahalaang lungsod na pinamunuan ng isangcabildo. Ito ay may konseho na pinamunuan ng alcalde-ordinario, anim hanggang 12regidores o konsehal, isang escribano o kalihim at isang alguacil-mayor o punongkonstable.Ang ayuntamiento ang sentro ng kalakalan, relihiyon at kultura. Ang mga naunang lungsod ay Maynila, Cebu, Nueva Caceres o Naga, Arevalo(ngayo’y sakop ng siyudad ng Iloilo) at Villa Fernandina o Vigan. Ang Lungsod ng Maynila ang pinagkalooban ng opisyal na escudo ng Hari ngEspanya. Ito ang naging kabiserang lungsod ng kolonya noong ika-19 ng Nobyembre1595. Bakit kinakailangang magkaroon ng mga pamahalaang lokal sa mga lalawigan,pueblo o bayan, lungsod at barangay? HKS 5 M-9

PAGSANAYAN MOBasahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.A. Sino ang tinutukoy sa bawat bilang? 1. Espanyol na pansamantalang binigyan ng lupaing sasakupin 2. Pinuno ng lalawigang payapa 3. Pinuno ng lalawigang di-payapa 4. Pinuno ng isang bayan 5. Pinuno ng isang barangay 6. Pinuno ng isang lungsodB. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. 1. Noong ika-17 dantaon, lahat ng lalawigan ay mapayapa. 2. Malaki ang kita ng alkalde-mayor batay sa kanyang suweldo. 3. Ang mga Pilipino ay maaaring mahirang na gobernadorcillo. 4. Mayayaman lamang ang maaaring maging cabeza de barangay. TANDAAN MO Ang pamahalaang lokal ay itinatag para mas madali ang pananakop ng mga Espanyol. Ang pamahalaang lokal ay nagbigay daan sa pagtatatag ng mga lalawigan, bayan at lungsod. HKS 5 M-9

ISAPUSO MO Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng mga Espanyol na magtatag ngpamahalaan sa mga lalawigan, bayan, lungsod at barangay? Bakit? Isulat sa iyongkwaderno ang iyong paliwanag. GAWIN MO Sa kasalukuyan, ang ating pamahalaang lokal ay pinamumunuan ng mga opisyalna inihalal ng mga mamamayang maaaring bumoto. Isulat ang pangalan ng mgananunungkulan sa kasalukuyan sa inyong pamahalaang lokal. Sumangguni sa mgapahayagan o magtanong sa mga kakilala. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Sino ang Gobernador ng iyong probinsya? 2. Sino ang Mayor sa iyong bayan o lungsod? 3. Sino ang Punong Barangay ng iyong barangay? PAGTATAYA Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Alin ang HINDI tungkulin ng encomendero? A. Magtakda ng buwis B. Magpatayo ng simbahan C. Magtanggol sa nasasakupan D. Tumulong sa pagpapalaganap ng Kristyanismo 2. Alin ang HINDI katangian ng isang lalawigan o alcaldia? A. Ito ay may hanggahan B. Ito ay pag-aari ng alkalde-mayor HKS 5 M-9

C. Ito ay maaaring mapayapa o di-mapayapaD. Ang alkalde-mayor ay nakakapagnegosyo3. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng gobernadorcillo? A. magsabi ng misa B. magpagawa ng daan C. magpagawa ng tulay D. mangolekta ng buwis4. Alin sa sumusunod ang karapatan ng cabeza de barangay? A. Mamuno sa halalan B. Mamigay ng lisensya C. Hindi magbayad ng buwis D. Mangasiwa ng mga simbahan5. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang bayan para maging lungsod? Ito ayaktibo sa __________.A. pulitika C. kalinanganB. digmaan D. kabuhayan PAGPAPAYAMANG GAWAIN Basahin ang bawat sitwasyon. Pumili ng isa at isulat ang iyong sagot sakwaderno. 1. Ikaw ang pinakamayaman sa iyong Barangay. Tatanggapin mo ba ang posisyon ng cabeza de barangay? Bakit? 2. Ikaw ay naninirahan sa isang lungsod. Papayag ka bang kunin ng pamahalaan ang pag-aari mong gusali para gawin itong isang museo? Bakit? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-9

GRADE VPROYEKTO: PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL (PAMAHALAANG SENTRAL) ALAMIN MO Nagbago ang pamamahala sa Pilipinas nang dumating ang mga Espanyol.Sinakop nila ang Pilipinas sa loob ng mahigit sa tatlong dantaon, mula 1565 hanggang1898. Sa panahong ito, umiral ang pamahalaang kolonyal dahil ang Pilipinas ay nagingisang kolonya o bansang sakop ng Espanya. Mapag-aaralan mo sa modyul na ito kung paano ang pamamahalang ginawa ngmga Espanyol nang magtatag sila ng pamahalaang sentral. Inaasahang matatapos mo anglahat ng gawain nang buong kasiyahan. PAGBALIK-ARALAN MO Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan tungkol sa ating pamahalaan noongUnang Panahon? Sagutin ang word puzzle. Isulat sa loob ng bawat kahon ang angkop natitik para mabuo ang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1B Y2 AL 3T4A A5N Y1. Ano ang tawag sa pamahalaan ng Unang Pilipino?2. Sino ang namamahala sa mga gawaing panrelihiyon? HKS 5 M-10

3. Sino and pinuno sa barangay?4. Sino ang mga taong bumubuo sa lupon na tumutulong sa pinuno?5. Sino ang namamahala sa paggawa ng nga kasangkapan? PAG-ARALAN MO Anong uri ng pamamahala ang itinatag ng mga Espanyol nang masakop nila angmalaking bahagi ng Pilipinas? Nang masakop ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng Pilipinas, nagtatag silang pamahalaang sentral upang madali ang pamamahala sa buong bansa. Ang pamahalaang sentral ang namahala sa buong kapuluan maliban sa ilanglugar sa Mindanao at sa rehiyong Cordillera ng Luzon. Tunghayan ang balangkas ng organisasyon na itinatag ng mga Espanyol. Angnakasulat sa loob ng panaklong ( ) ay tumutugon sa namumuno. Pamahalaang Sentral (Gobernador-Heneral)Corregimiento Alcadia Ayuntamiento(Corregidores) (Alcalde-Mayor) (Cabildo) Pueblo (Gobernadorcillo) Barangay (Cabeza de Barangay) Kung ihahambing natin sa kasalukuyan, ang Gobernador-Heneral ay katumbas ngPangulo ng Pilipinas ngayon. Ang Alcalde-Mayor ay katumbas naman ng Gobernadorng isang lalawigan. Ang Gobernadorcillo ay katumbas ng Mayor ng isang munisipyo olungsod at ang Cabeza de Barangay ay katumbas naman ng Punong Barangay ngayon.Paano napili ang Gobernador-Heneral? HKS 5 M-10

Ang gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal sa bansa sapagkat siya ayhinirang ng Hari ng Espanya. Siya ang kinatawan ng hari at may titulong Vice royalpatron.Ano ang mga tungkulin ng isang Gobernador-Heneral? Ang mga tungkulin ng isang gobernador-heneral ay (1) pagpapatupad ng mgabatas at kautusan ng hari ng Espanya, (2) pamumuno sa sandatahang lakas ng bansa, (3)humirang at mag-alis ng mga iba pang pinuno sa bansa maliban sa mga hinirang ng hari,(4) magrekomenda ng mga pari para mangasiwa sa mga parokya, (5) mamagitan sa mgaalitan at hindi pagkakasundo ng mga pinuno ng simbahan, at (6) gumawa ng sarilingbatas sa pamamagitan ng dekreto superior na ang bisa ay parang tunay na batas. Ang gobernador-heneral ang tagapangulo ng Audencia o mataas na hukuman.Ang paggawa ng batas ay nasa kamay ng gobenador-heneral at hari ng Espanya. Ilalahad mo ngayon sa pamamagitan ng isang concept map ang mga tungkulin ngisang Gobernador-Heneral.Tungkulin ng 1. tagapatupad ng mga batas galing sa Espanya.Gobernador-Heneral 2. 3. 4. 5. 6.Ano ang karapatan ng isang Gobernador-Heneral? Ang gobernador-heneral ay may karapatang pigilin ang pagpapatupad ng mgabatas mula sa Espanya kung talagang kinakailangan. Ito ay tinatawag na cu’mplase.Paano malalaman ng Hari ng Espanya ang pamamalakad ng mga opisyal? Ang residencia ay itinatag ng Hari ng Espanya para gumawa ng hayag napagsisiyasat sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pagtatapos ng kanilangpanunungkulan. Dito malalaman kung may karaingan laban sa opisyal at parurusahankung may kasalanan. HKS 5 M-10

Ang Visita ay pagpapadala ng isang opisyal na tinatawag na Visitador-generalpara gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga gawain at gawi ng mgananungkulan sa pamahalaan. Maaring suspendihin o pagmultahin ang sinumang opisyalna mapapatunayang nagkasala.PAGSANAYAN MOA. Buuin ang Data Retrieval Chart. Isulat ang kinakailangang datos sa kwaderno.Ang unang bilang ay ginawa na.1. Proseso ng pagpili ANG GOBERNADOR-HENERAL2. Titulo3. Tungkulin Hari ng Espanya ang pumipili V4. Karapatan A. B. C. D. E. F. A.B. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Ano ang itinatag ng mga Espanyol nang masakop nila ang malaking bahagi ng Pilipinas? 2. Bakit itinatag ang ganitong uri ng pamamahala? 3. Sino ang pinakamataas na opisyal? 4. Sino ang kinakatawan ng pinakamataas na opisyal? 5. Ano ang tungkulin ng gobernador-heneral hinggil sa mga batas at kautusan ng hari ng Espanya? 6. Ano ang pinamumunuan ng gobernador-heneral? HKS 5 M-10

7. Sino ang hindi maaaring alisin ng gobernador-heneral sa kanyang katungkulan?8. Sino ang nangangasiwa sa mga parokya?9. Ano ang tawag sa batas na ginawa ng isang gobernador-heneral?10. Ano ang tawag sa karapatan ng isang gobernador-heneral para pigilin ang pagpapatupad sa batas mula sa Espanya?11. Ano ang tawag sa mataas na hukuman?12. Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang residencia?13. Bakit ginawa ang Visita?14 Ano ang maaaring gawin sa mga napatunayang may sala? TANDAAN MO Itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang sentral upang higit na maging madali ang kanilang pamamahala. Ang Gobernador-heneral ay hinirang ng hari ng Espanya para mamuno sa pamahalaang sentral. Ang Gobernador-heneral ay maraming tungkulin at karapatan sa pamamahala. HKS 5 M-10

ISAPUSO MO Kung ikaw ay nahirang ng Hari ng Espanya para maglingkod na Gobernador-heneral, paano ang gagawin mong pamamalakad ng pamahalaan? Isulat ang iyongpaliwanag sa iyong kwaderno. GAWIN MO Sa ating pamahalaan sa kasalukuyan, sino ang Pangulo ng ating bansa? Alin samga tungkulin ng Gobernador-heneral ang kasama sa mga tungkulin niya ngayon? Isulatang sagot sa kwaderno. PAGTATAYA Basahin ang bawat aytem at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot. 1. Alin ang dahilan kung bakit itinatag ng Espanya ang pamahalaang sentral? A. Kulang ang perang pambayad ng sweldo. B. Madali ang pamamahala sa buong bansa. C. Maraming Espanyol ang magkakaroon ng trabaho. D. Ayaw manungkulan ang mga Espanyol sa Pilipinas. 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng Gobernador-heneral? A. mamuno sa sandatahang lakas B. magpatupad g batas at kautusan C. mamuno sa mga halalan at lalawigan D. magrekomenda ng mga pari na mamumuno sa mga parokya 3. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng Gobernador-heneral? A. gumawa ng sariling batas HKS 5 M-10

B. magpawalang-bisa ng kasal C. pigilin ang pagpapatupad ng batas D. magsayos ng mga alitan ng mga pari 4. Bakit itinatag ng Hari ng Espanya ang residencia? A. makakuha ng pera B. maparusahan ang opisyal C. masiyasat nang hayag ang mga opisyal D. masiyasat nang palihim ang mga opisyal 5. Bakit naghirang ang Hari ng Espanya ng isang Visitador-heneral? A. mangolekta ng buwis B. maglapat ng parusa sa maysalang opisyal C. palitan ag batas na hindi sinasang-ayunan ng Gobyerno-Heneral D. gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga gawain at gawi ng mga nanunungkulan 6. Ano ang maaaring mangyari sa opisyal maliban sa masususpendi kung mapapatunayang nagkasala? A. pagmultahin B. ilalagay sa karsel C. pawiin sa Espanya D. itatapon sa malayong lugar PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ang sentro ng pamahalaan natin ngayon ay nasa Malakanyang na pinamumunuanng Pangulo ng Pilipinas. Magsaliksik tungkol sa kanyang mga tungkulin. Gumawa ngpaghahambing ukol sa tungkulin ng Gobernador-heneral noon at ang ating Pangulongayon. Anong mga tungkulin ang wala sa ating Pangulo ngayon? Isulat sa kwaderno angiyong mga sagot. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-10

GRADE VPROYEKTO: POOK TIRAHAN NG ATING MGA NINUNO ALAMIN MO Pagmasdan mo ang mga larawan. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Sa modyul na ito matutuhan mo ang mga naging panahanan ng ating mga ninuno. HKS 5 M-11

PAGBALIK-ARALAN MO Sagutin ang mga tanong: Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ilang pamilya ang karaniwang naninirahan sa isang panahanan? A. 30 – 50 pamilya B. 30 – 300 pamilya C. 50 – 300 pamilya D. 100 – 300 pamilya 2. Aling panahanan ang naibigan ng mga ninuno? A. kuweba B. kapatagan C. kagubatan D. tabing ilog, dagat at look PAG-ARALAN MO Alam mo ba na may limampu hanggang tatlong daang pamilya ang bawatpanahanan ng mga unang Pilipino? Sa simula sa kuweba nanirahan ang mga unang Pilipino. Ang kuweba aykaraniwang makikita sa bunganga ng bundok. Mataas at maliwanag ang loobnito. Nang tumagal, lumisan sila at nagpalipat-lipat ng pook tirahan upanghumanap ng mga pagkain. Nomad ang tawag sa mga ninuno dahil wala silangpirmihang tirahan. Nakarating sa tabing-ilog, dagat at look ang karamihan sa ating ninuno.Nakita nila na sagana sa yamang dagat ang lugar na ito. Dito na sila nanirahan,nakipagkalakalan, naghanapbuhay at nakipag-ugnayan sa ibang pangkat. Ang iba naman ay nakarating sa mga kagubatan. Sila ay nagkakaingin.Palipat-lipat sila ng panahanang pook matapos nilang gamitin ang isang kaingin athahanap ng ibang magagawang kaingin. Hindi tumatagal sa pook kagubatan ang HKS 5 M-11

ating mga ninuno. Kapag naramdaman nilang may espiritu sa kapaligiran, umaalis sila. Ano kayang ispritu ang mga iyon sa palagay mo? Mabutign espiritu o masamang espiritu? Sa kapatagan, layu-layo ang pook tirahan ng ilang ninuno na napadpad dito. May mga lupain sila na kanilang sinasaka at tinatamnan PAGSANAYAN MOSagutin mo ang sumusunod: 1. Ano-ano ang pook panahanan ng mga ninuno? 2. Saan unang nanirahan ang mga unang Pilipino? 3. Bakit nagpalipat-lipat ng tirahan ang mga unang Pilipino? 4. Bakit maraming ninuno ang nanirahan sas tabing-ilog, dagat at look? 5. Sa kasalukuyang panahon, aling panahanan ang gusto mong tirahan? Bakit? TANDAAN MO  May iba’t ibang uri ng panahanan ang mga unang Pilipino.  Nomad ang tawag sa mga taong palipat-lipat ng tirahan. GAWIN MO 1. Pumili ka ng isang uri ng panahanan. Iguhit mo ito. HKS 5 M-11

PAGTATAYAIsulat mo ang iyong sagot sa kwaderno.Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.1. Ang unang panahanan ng mga ninuno ay makikita sa A. kuweba B. kapatagan C. kabundukan D. tabing dagat2. Ang panahanang naibigan ng higit ng mga ninuno. A. kuweba B. kapatagan C. kagubatan D. tabing dagat3. Bakit higit na nakararami sa ating ninuno ang tumira sa tabing-ilog, dagat at look? A. Makapagpapalitan ng kalakal B. Madaling maglakbay sa iba’t ibang lugar C. Nakapag-uunagnayan sila sa ibang pangkat D. Makapagkukunan ng pagkain at hanapbuhay4. Bakit hindi nagtatagal ang mga ninuno sa ibang panahanan? A. Naniniwala sila mga espiritu. B. Natatakot sila sa mababangis na hayop. C. Nakapagtatanim sila sa iba’t ibang lugar. D. Nais nilang marating ang ibang pananahanan.5. May pook panahanan na di gaanong tinirahan ang mga ninuno dahilan sa ________ A. Mahirap makipag-ugnayan sa mga ibang mga pangkat. B. Nagkakaroon ng pag-uugnayan ang bawat pamilya. C. Naniniwala sila sa mga mabubuting espiritu na nasa paligid ng kanilang panahanan. D. Natatakot sila sa masasamang espiritu na nasa paligid ng kanilang pook tirahan. HKS 5 M-11

PAGPAPAYAMANG GAWAINPagsasaliksik sa mga Pook Tirahan ng mga Ninuno Sa kasalukuyan, may mga natatagpuang mga pook tirahan sa ating bansa. Ang ilan aymaayos pa habang ang ilan ay nasisira na.Magsagawa ng pagsasaliksik sa mga tirahang ito.Ilarawan ang mga pook tirahan at kung sa ang panig ng bansa matatagpuan ang mga ito. Iulatang mga natuklasan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-11

GRADE V PROYEKTO: PANAHANAN NG MGA NINUNO ALAMIN MO Bahay Kubo Kahit munti Ang halaman doon…. Natatandaan mo ba ang awiting ito? Payak ngunit iba’t iba ang uri ng mga naging tahanan ng mga unang Pilipino.Nagtayo sila ng mga panahanan sa iba’t ibang lugar. Panahanan ang tawag sa pook-tirahan ng isang pangkat ng tao. HKS 5 M-12

Ang mga unang Pilipino ay pumili ng mga pook na pagtatayuan ng kanilang mgatirahan. Pinipili nila ang pook na panggagalingan ng kanilang ikabubuhay. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga lugar na pinili ng mga ninuno, at angdahilan ng kanilang pagkakapili. Malalaman mo rin kung bakit ang pook tirahan nila ay hiwa-hiwalay, kumpul-kumpol at pahanay. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MOPanuto: Punan mo ng tamang titik ang mga kahon upang mabuo ang sagot sa palaisipan. 1. maitim, pandak at kulot ang buhok N GR T2. matangkad at matangos ang ilong ND N S3. kayumanggi at alun-alon ang buhokML Y HKS 5 M-12

PAG-ARALAN MO Panahanan ng mga Ninunokuweba kuweba kuweba kuwebabunganga kabun- Malawak na tubigan ng dukan lupain at dagat maba-bang bundok lugar Pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay HKS 5 M-12

Unang naging tirahan ng ating mga ninuno ang kuweba. Karaniwang nakikitaang mga kuweba sa mga bunganga ng bundok. Patunay na naninirahan sa kuweba angating mga ninuno nang matuklasan noong 1962 sa kuweba ng Tabon sa Palawan. Angmga Tasaday ng Cotabato ay sa mga kuweba rin naninirahan, nang sila ay matagpuan.Sa kabundukan sila naghahanap ng makakain tulad ng mga mailap na hayop at halamangdagat. Ang ibang mga tirahan ay matatagpuan sa itaas ng mga punong-kahoy.Ginagamit nila ang mga bahagi ng puno sa pagyari ng kanilang tirahan. Naaakyat nilaang kanilang tirahan sa pamamagitan ng hagdang kawayan na kanilang tinatanggal sa HKS 5 M-12

gabi. Ganito ang pagtatayo ng kanilang bahay dahilan sa kanilang madalas napakikipagdigmaan sa ibang mga angkan. Sa umaga nanghuhuli sila ng iba’t ibang uri ng hayop tulad ng mga baboy ramo atlabuyo. Ang labuyo ay isang uri ng manok. Ang iba sa ating mga ninuno ay naninirahan sa isang bahagi ng kagubatan.Marami sa kanila ang nagkaingin. Ang pagkakaingin ay isang paraan ng pagsasaka.Nililinis nila ang isang bahagi ng bundok. Sinusunog nila ang mga damo at pinuputolang mga punungkahoy upang may pagtamnan. Palay, saging, gabi at iba pang halamangugat ang kanilang tinatanim. Mula sa isang lugar, humahanap sila ng bagong lugar na maraming puno atwalang damo. Dahil sa paglilipat-lipat na ito hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang kanilangmga panahanan. Nomad ang tawag sa kanila dahil sa lagi silang naghahanap ng bagongmalilipatan at mapagkakaingin. Ito ang dahilan kung bakit hindi naging pirmihan ang uring kanilang panahanan. Isa pang dahilan ay ang paniniwala nila sa mga mabuti atmasamang espiritu. Kapag nagkasakit o namatay ang isang kasapi ng mag-anak,naniniwala sila na nagalit ang espiritu. Dahil dito kailangan nilang umalis. HKS 5 M-12

May mga panahanan ding sama-sama sa isang lugar. Sila ay naninirahan sa mgakapatagan. Ito ay malawak at mababang lupa. Dahil sa lawak ng lupain may mgabukirin silang binabantayan. Ang mga silong ng bahay ay may mga manok at ibang mgahayop na kanilang inaalagaan. Naiiba naman ang tirahan ng iba nating ninuno. Matatagpuan sila sa mga dagat oilog at iba pang tubigan. Pinili ng marami sa ating mga ninuno ang tabi ng dagat o ilog bilang panahanan.Nakakukuha sila rito ng isda, hipon, alimango at iba pang pagkaing dagat. HKS 5 M-12

Madali ang paglalakbay sa mga baybaying ilog at dagat. Gumagamit sila ng mgasasakyang pantubig tulad ng balsa at bangka. Sa pamamagitan ng mga sasakyang ito,nadadala nang maayos ang mga kalakal sa ibang paraan sa maginhawang paraan. Ang mga panahanang ganito ay matatagpuan sa Luzon, Visayas at Mindanao. SaMindanao makikita ang mga panahanan ng mga Maguindanao, Maranao at Samal. Sagutin mo ang sumusunod at isulat sa iyong kwaderno. Tanong: 1. Ano-ano ang mga pook panahanan ng mga ninuno? 2. Bakit nagpalipat-lipat ng tirahan ang unang Pilipino? PAGSANAYAN MO Isulat mo ang iyong sagot sa kwaderno. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang unang panahanan ng mga ninuno ay makikita sa: a. kuweba b. kapatagan c. kabundukan d. tabing dagat 2. Bakit hindi nagtatagal ang mga ninuno sa ibang panahanan? a. Naniniwala sila sa mga espirito. b. Natatakot sila sa iba’t ibang lugar. c. Nakapagtatanim sila sa iba’t ibang lugar. d. Nais nilang marating ang iba’t ibang panahanan. 3. Ang panahanang may malawak na lupain ay ang: a. kuweba b. kapatagan c. kagubatan d. tabing ilog 4. Bakit tinatanggal ng mga nakatira sa itaas ng punungkahoy ang kanilang hagdanan sa gabi? Upang HKS 5 M-12

a. makapagpahinga sila ng maayos b. makaiwas sila sa mababangis na hayop c. makagising nang maaga sa kabundukan d. mapangalagaan ang sarili sa mga kaaway5. Alin ang hindi naglalarawan sa mga panahanan ng mga unang Pilipino? a. pahaba b. pahanay c. hiwa-hiwalay d. kumpol-kumpol6. Alin sa sumusunod ang hindi dahilan ng pagkakaiba ng mga panahanan ng mga unang Pilipino? a. Nagpalipat-lipat sila dahil sa pagkakaingin. b. Iniwan nila ang lugar na may masamang espirito. c. Pinili ng marami ang lugar na kasiya-siya ang klima. d. Pinili nila ang pook na maaaring may mapagkukunan ng pagkain at ikakabubuhay.7. Bakit iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran? a. pagandahin ang bahay b. pagandahin ang paligid c. lagi silang magkasama-sama d. pangalagaan ang sanhi nglamig at init ng panahon TANDAAN MO May iba’t ibang uri ng panahanan ang mga unang Pilipino. Iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang pinagkukunang pagkain at hanapbuhay. Nomad ang tawag sa mga taong palipat-lipat ng tahanan. HKS 5 M-12

ISAPUSO MO Ang mga unang Pilipino ay malikhain, mapamaraan at masipag, ito ay patunay samga itinayo nilang tahanan. GAWIN MO Pumili ka ng isang panahanan na naibigan mo. Iguhit mo ito. HKS 5 M-12

PAGTATAYAIsulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Titik lamang ang sagot.______1. A B______2. malawak na lupain A. Dagat at mababang lupa unang naging tirahan B. Nomad ng mga ninuno______3. tawag sa mga taong C. Ninuno______4. palipat-lipat ng tirahan D. Espirito______5. gamit nila ay bangka E.______6. at balsa sa paglalakbay F. Kuweba______7. kinatatakutan ng mga G. Kapatagan ninuno H. Tabing Ilog_______8. pagsunog ng ilang I. Pagkakaingin_______9. bahagi ng kagubatan J. Masamang espirito_______10. matatagpuan ang mga Taas ng punong kahoy panahanang ito sa Maguindanao, Maranao at Samal gumagamit ng hagdang kawayan na tinatangal sa gabi pinaniniwalaan ng mga ninuno may mga bukiring binabantayan HKS 5 M-12

PAGPAPAYAMANG GAWAINMag-survey ka sa sariling mong barangay.Gamitin mo ang pormat na ito. Saan matatagpuan Uri ng tirahanMaaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul. HKS 5 M-12

GRADE V PROYEKTO: PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO ALAMIN MO Ang naging layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas ay pampulitika,pangkabuhayan at pangrelihiyon. Sa layuning pangrelihiyon nagtagumpay ang Espanya.Naging Kristiyano ang nakararaming Pilipino. Ang naging epekto ng Kristiyanismo sabuhay ng mga Pilipino maliban sa mga Muslim ay mahalaga at panghabambuhay. Sa modyul na ito, inaasahang masasabi mo ang bahaging ginampanan ngsimbahan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakapaloob sa modyul na ito ang mgakaalaman at gawain para maintindihan mo ang aralin. Basahing mabuti ang mga teksto atsundin ang mga panuto. Sana’y matapos mo ang aralin nang buong kasiyahan. HKS 5 M-14


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook