Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN I Part 2

ARALING PANLIPUNAN I Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 00:32:19

Description: 1ARPA2-2

Search

Read the Text Version

7. Sec. Of Defense na kunwaring inambush noong Sept. 1971. 8. Pangulong nagdeklara ng Batas Marsyal. 9. Mga dayuhang umalis sa Pilipinas dahil sa tumataas na bilang ng krimen. 10. Kalakal mula sa Saudi Arabia na patuloy na tumataas, dahilan ng pagtaas ng lahat ng presyo noon sa Pilipinas. 11. Lugar kung saan nagdaos ng political rali ang Liberal Party, binomba ng mga di pa rin nakikilalang mga tao hanggang ngayon. 12. Mga inaasahang tutulong sa mga Pilipino noon, pero umabuso din.II. Isulat ang S, kung sang-ayon ka, at HS kung hindi ka sang-ayon sa pahayag._____1. Agosto 23, 1972 ng ipahayag ng Pangulo ang Batas – Militar._____2. Makapangyarihan ang mga sundalo at pulis sa panahon ng Batas-Militar._____3. Maraming Pilipino ang sumaya ng ideklara ang Batas-Militar._____4. May legal na batayan ang pagpapahayag ng Batas-Militar ng PangulongMarcos._____5. Lahat halos ng Pangulo ng Pilipinas ay nagdeklara ng Batas-Militar._____6. Referendum ang tawag sa halalang nagpatatag sa Batas-Militar ngPangulong Marcos._____7. Proclamation 1081 ang legal na katawagan sa Batas-Militar ngPangulong Marcos._____8. Kung magiging pangulo ka balang araw, magandang paraan ang Batas-Militar upang patagalin ang inyong panunungkulan._____9. Tama ang pagkakasuspinde ni Pangulong Marcos sa “Writ of HabeasCorpus.”_____10. Pareho sa ibang bansa ang Batas-Militar na umiral sa Pilipinas noong1972. 9

Tandaan Mo! Ang mga dahilan sa pagkadeklara ng Batas-Marsyal ay gumugulong sistemang pangkabuhayan, pampulitika at panlipunan. Sa ilalim ng Batas-Marsyal o Batas-Militar, may kapangyarihan ang pangulo bilang kumandante ng lahat ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang magapi ang anumang uri ng rebelyon, karahasan o kaguluhan. Ang Saligang-Batas 1935 ang pinagbatayan ng Martial Law ni Pangulong Marcos. Lalo pa itong pinatibay ng referendum noong Hulyo,1973. Kakaiba ang Batas-Militar na ito dahil tanging ang pangulo at sundalo ang makapangyarihan. Naging malawak lalo ang kapangyarihan ng pangulo. Gawain 3: Paglalapat1. Kung ikaw si Pangulong Marcos noon, Idedeklara mo rin ba ang Batas- Militar? Bakit? _____________________________________________.2. Suriin mo ang mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan. Kailangan bang magkaroon uli ng Batas-Militar? Gugustuhin mo ba ito? Bakit? ___________________________________________________________. 10

ARALIN 2ANG AWTORITARYANISMONG KONSTITUSYONAL NIPANGULONG MARCOS Katulad ng nabanggit sa Aralin 1, kakaiba sa ibang bansa ang Batas-Militar na pinairal ng Pangulong Marcos. Gusto mo bang malaman kung ano ito?Ang araling ito ang magpapaliwanag. Inaasahang magagawa mo ang sumusunod pakatapos mong pag-aralanang araling ito: 1. Masusuri ang mga dahilan kung bakit tinawag na awtoritaryanismong konstitusyonal ang Batas-Militar sa Pilipinas, at 2. Maipaliliwanag sa sariling salita kung ano ang awtoritaryanismong konstitusyonal. Gawain 1:Pag-isipan Mo! Narinig mo na ba ang salitang awtoritaryan? Bilugan ang mga salita opariralang nasa kahon na may kaugnayan sa konseptong awtoritaryan.Pananaig ng pinuno DemokratikoMay kalayaan sa pagsasalita Pananaig ng sibilyanKonsultasyon sa tao DiktadorPwedeng tumutol sa pinuno Di pwedeng tumutolAng Bagong Pamahalaang Awtoritaryan Pagkaraang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas-Militar, pinirmahanni Pangulong Marcos ang tinatawag na “Presidential Decrees,” upang maginggabay sa kanyang pamahalaan. Tinawag niya ang kanyang pamahalaan naAwtoritaryang Konstitusyunal. Lahat ng mga direktiba ay itinuring na utos ngPangulo. 11

Ang Batas Senado 77: Ito ang nag-utos sa pagdaraos ng Con-con o KumbensyongPangkonstitusyon. Sa kumbensyong ito, binago ang Saligang-Batas ng Pilipinasat nilagdaan noong Nobyembre 30, 1972. Ito ang naging Saligang-Batas 1973.Ang Referendum ng 1973 Iniutos ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng dikretong ito angpagtatanong sa mga taong bayan tungkol sa kanilang pagsang-ayon o di-pagsang-ayon sa pamahalaan ng barangay, bagong Saligang-Batas,pagpapatuloy ng Batas-Militar at plebisito para mapagtibay ang bagongSaligang-Batas. Sa Referendum na ginanap noong Hulyo 27-28, 1973, 90% ng mgasumagot sa mga tanong ay sumagot ng “Oo.” Samakatuwid, lumalabas naginusto ng tao ang mga pagbabago sa pamahalaan.Ang Parlyamentaryong Pamahalaan Sa Saligang-Batas 1973, na inaprubahan sa Referendum ng 1973,itinakda ang Parliyamentaryong Pamahalaan. Ang kapangyarihan ngtagapagpaganap at tagapagbatats ay napasailalim ng isang Punong Ministro atPangulo, na walang iba kundi si Pangulong Marcos. Ang mga gabinete o kagawaran ay tinawag na ministri imbes nakagawaran.Ang Interim Batasang Pambansa Dahilan sa inaprubahan ng mga tao ang Bagong Saligang-Batas,ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Interim Batasang Pambansa bilang unanghakbang sa pagtatag ng Partiyamentaryong pamahalaan. Ito ang nagingPambansang Asembleya. Pinawalang-bisa at binuwag ang Senado at Kongreso.Bilang Punong Ministro, kabilang si Marcos at siya ring pinuno ng BatasangPambansa. 12

Ang Militar Patuloy na naging kataas-kataasang pinuno ng tanggulang pambansa siPangulong Marcos habang siya ang Punong Ministro at Pangulo ng bansa.Malaki ang papel ng militar sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang Ministro ngTanggulang Pambansa at ang Hepe ng Sandatahang Lakas ay direktong nasailalim ng opisina ng Punong Ministro at Pangulong Marcos. Ang sinumangmapaghinalaan ay kaagad ikinukulong at hindi na dumadaan sa mga paglilitis. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Natalakay natin ang mga hakbang na isinagawa ni Pangulong Marcosupang maitatag ang Pamahalaang Awtoritaryang Konstitusyunal. Kung napansinmo, ginawang legal ng Konstitusyon at mga kautusan ng Pangulong Marcos angpamahalaang iyan na naganap noong panahon ng Batas-Militar. Ang mga ginawang hakbang ay nakalista sa ibaba. Iayos ang tamangpagkakasunud-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng bilog. Simulan sa bilang1._____Nagtatag ng Parliyamentaryong Pamahalaan._____Nagpatawag ng Referendum._____Nagdeklara ng Batas-Marsyal._____Binuwag ang Senado at Kongreso._____Pinagtibay ang Saligang-Batas 1973._____Nagtatag ng Pambansang Asembleya o Batasang Pambansa._____Isinalin at pinag-isa ang kapangyarihang tagapagpaganap at tagapagbatassa Punong ministro at Pangulo na walang iba kundi si Marcos. 13

B. Kilalanin ang sumusunod. Gawing gabay ang mga kahon sa itaas ng mgapahayag. Galingan mo ha? F1. Eleksyong pinagbatayan ng pagpapahaba ng panunungkulan ni Marcos. N2. Napagkasunduang susulat ng bagong Konstitusyon. Naging legal ito dahil sa Senate Bill 77. RP3. Kikilalanin bilang Pambansang Asemblea. Ipapalit ito sa Senado at Kongreso. IO4. Pamahalaang pamumunuan ng Punong Ministro o Prime Minister. Sa panahon ni Marcos ay pareho siyang Prime Minister at Pangulo. W5. Pamahalaang pinamumunuan lang iisang diktador. Tandaan Mo! Pagkadeklara ng Batas-Militar, awtoritaryanismong konstitusyonal ang naging tawag sa ating pamahalaan. Ang pagiging diktador o awtoritaryan ni Pangulong Marcos ay naging legal. Pinagbatayan nito ang Referendum 1973, Senate Bill 77 at ang 1973 Konstitusyon. Nagawa ring palabasin ng Pangulo na ang lahat ng ito ay ginusto ng Pilipino. Gawain 3: Paglalapat Suriin mo ang mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan. May mga mungkahi na ibalik ang Parliyamentaryong Pamahalaan. Kailangan bang gawin iyan ng pamahalaan? Pangatwiranan mo ________________________ ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 14

ARALIN 3:MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA PANAHON NG BATAS-MILITAR Sa araling ito ay malalaman mo ang mga pagbabagong panglipunan,pangkabuhayan at pampulitika noong panahon ng Batas-Militar. Susuriin natinkung maganda ba o hindi ang ibinunga nito. Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng aralin: 1. Maiisa-isa ang mga pagbabagong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitikang pagbabago ng Batas-Militar. 2. Matutukoy ang mabuti at di mabuting pagbabago sa panahon ng Batas- Militar; 3. Makapagbibigay ng reaksyon sa mga naidulot ng Batas-Militar. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sa panahon ng pamahalaang awtoritaryan ni Pangulong Marcos,naging bukambibig ang mga sumusunod: Ipaliwanag mo ang iyong pagkakaunawa sa pamamagitan ng pangungusap. 1. Isang bansa, isang diwa. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Bagong bansa, bagong galaw, sa Bagong Lipunan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 15

4. Ako ay Pilipino may dugong maharlika. Likas sa aking puso ay mithiing kay ganda. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________Mga Pagbabagong Pampulitika Napansin mo marahil s mga ipinaliwanag mong mga kaisipan, angkagandahan ng layunin ng pamahalaang Marcos sa panahon ng Batas-Militar.Natamo kaya ang mga iyon? Mabibigat ang mga hakbang na isinagawa ng pamahalaang awtoritaryan.Mula sa isang demokratikong pamahalaan, ang Pilipinas ay pumalaot sa dagatng diktaduryang pamamahala.Paglawak ng Pamunuang Militar Nalaman na natin na binuwag ang Senado at Kongreso at BatasangPambansa. Ngunit dahil sa Batasang Pambansa ay Pangulong Marcos din,naipagpatuloy niya ang kanyang diktadurya. Bagama’t itinuloy ang KorteSuprema at mababang hukuman, lumikha ang Pangulo ng Hukumang Militar atnagkaroon ng maraming pag-aresto. Patuloy na nasuspinde ang “Writ ofHabeous Corpus.” Bunga nito, ang mga pulitikong kalaban ng administrasyon aynangakulong; ang iba ay nangibang-bansa upang maiwasan an pagtugis ngmilitarya.Ang Bagong Lipunan Inilunsad ng Pangulong Marcos ang Bagong Lipunan. Ginamit na isloganang “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Madaling napasunod angkaramihan sa paglikha ng mga bagong tanggapan. Inilunsad din ang programang PLEDGES na kumakatawan sa.P – Peace and order (kapayapaan)L – Land Reform (Reporma sa lupa) 16

E – Economic Development (Kaunlarang Pangkabuhayan)D – Development of Moral Values (Pagbabagong Moral)G – Governent Reform (Pagbabago s Gobyerno/Serbisyo)E – Educational Reform (Pagbabagong Pang-edukasyon)S – Social Services (Kagalingang Panlipunan)Kilusang Bagong Lipunan (KBL) Tinipon ng Pangulong Marcos ang lahat ng mga ka-alyansa sa pulitika sailalim ng KBL, kasama ang Unang Ginang Imelda Marcos na nagkaroon ngmaraming katungkulan.Kalipunan ng mga Barangay (Barangay o People Assembly) Nag-utos si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo 86,na lumikha ng mga asembleyang pambarangay. Pinalawak at pinasigla ang mgakilusang barangay.Kabataang Barangay Nagtatag ng samahan ng mga kabataan at ginawang tagapangulo anganak niyang si Imee Marcos. Pinasigla at isinangkot ang mga kabataan sa mgaproyektong pambarangay at pangsibiko.Mga Pagbabagong PanglipunanPangkatahimikan Ipinatupad ang curfew mula alas dos hanggang alas kuwatro ng umaga.Ang mga barangay ay nagtatag ng mga barangay-tanod at mga vigilantes.Pagpapaganda ng Kapaligiran at Kultura Pinangunahan ng Unang Ginang ang maraming proyekto sapagpapaganda, paglilinis, pagtatanim ng puno at pagpapatayo ng Sentro 17

Kulutural ng Pilipinas at iba’t ibang tanghalan upang mapasulong ang sining atkultura.Serbisyo Publiko Nagtayo ng mga murang pabahay tulad ng BLISS sa Taguig,Kapitbahayan sa Navotas, Tenement sa Tondo. Nagtatag ng pamilihang bayanKADIWA para sa mahihirap. Nagpatayo rin ng mga ospital at gusalingpampubliko na nagbibigay ng murang konsultasyon gaya ng Philippine HeartCenter at National Kidney Institute. Nagtatag ng MEDICARE upang maparatingsa mamayan ang serbisyong pangkalusugan. Sa isang banda, ginawang mahigpit ang pagpapalahad ng medya. Angmga istasyon ng radyo, dyaryo at telebisyon ay ipinasara at hinalinhan ng mgaistasyong pinalakad ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, nasala ang mgabalitang dumadating sa mga mamamayan. Maging ang PLDT, Meralco eroplano (PAL) ay napasailalim lahat ngPangulong Marcos at ng kanyang mga kaibigan. Marami pang ibang negosyoang napasakamay ng mga pamilyang malalapit sa mga Marcos.Pagbabagong Pang-Edukasyon Malawak ang reporma sa edukasyon. Nagpatayo ng mga paaralangnakilala bilang “Marcos type” na mga paaralan. Inilunsad ang Youth Civic ActionProgram (YCAP) na naglayong linangin ang kasanayan sa paggawa at paglahokng mag-aaral sa mga proyektong panlipunan. Isinama sa kurikulum ang pagmamahal sa paggawa, bokasyonal atteknikal. Nagkaroon ng CAT (Citizen Army Training) upang sanayin ang mgamag-aaral sa hayskul sa mga kasanayang pang-militar. Inilunsad at ipinatupad ang NCEE (National College EntranceExaminations) upang mapataas ang kalidad ng antas pangkolehiyo. 18

Mga Pagbabagong PangkabuhayanReporma sa Pansasaka Malaki ang nagawa ni Pangulong Marcos sa pagpapasulong ngRepormang Pansakahan na nakapaloob sa Atas ng Pangulo Blg. 27. Binigyanng karapatang mag-mayari ng lupa ang maliliit na magsasaka. Inilunsad din niyaang Masagana 99 o pagpapadami ng ani at produksyon sa palay sapamamagitan ng pagpapabuti ng uri ng binhi ng palay o bigas.Pagbubukas ng Negosyong Pangkabuhayan Isinulong ng pamahalaang Marcos ang “Parity Heights” o ang pagbibigayng parehong karapatan sa mga dayuhan sa paggamit ng mga likas na yaman obansa. Nagtayo ng mga EPZA o “Export Processing Zone” sa bansa atnagkaroon ng “Open Door Policy” na nagbigay ng pahintulot na magtayo angmga korporasyong multinasyonal ng mga negosyo sa bansa sa mababang buwislamang. Samantalang upang maisagawa ang maraming proyektong pang-infrustuktura, gaya ng mga tulay, mahahabang kalsada, LRT, expressway, atmga palengke, isinulong ang malawakang pangungutang sa IMF-World Bank nanaging simula ng paglaki ng utang panlabas ng bansa. Sa isang banda, nabuo sa panahon ng Awtoriyanismo ang NEDA, oNational Economic Development Authority na naging pangunahing ahensiya ngpamahalaan sa pagpaplano ng programang pangkabuhayan. Naitatag din ngOWWA (Overseas Workers Welfare Administration) sa ilalim ng Phlippine LaborCode noong May 1, 1974, upang mabigyan ng mga pribelehiyo ang mgaPilipinong nagtatrabaho sa Gitnang Silangan at ibang bansa. Sa gitna ng maraming pagbabagong pang-ekonomiko, naging magastosang gobyerno. Ang pamilya Marcos at ang kanilang mga kaanak at mga kaibiganay nagkamal ng yaman at ang karamihan sa salapi ay nailabas at naideposito saibang bansa. Unti-unting bumagsak ang pambansang kita, tumaas ang halagang mga bilihin at dumami ang mahihirap. Samantalang naging maging mahirap 19

ang pagtuligsa sa pamahalaan at nawalan ng malayang pamamahayag sabansa.Ang Pagtatapos ng Batas-Militar Nasanay ang mga tao sa pamamalakad ng rehimeng-militar. Sa gitna ngkahirapan, ang mga mamamayan ay nagtiis habang ang mga “krony” ni Marcosay nagsisiyaman. Ang mga intelektuwal, kalaban sa pulitiko, manggagawa atmga estudyanteng militante ay sinupil at maraming lider ang nakulong. Samadaling tingin, tahimik na ang bansa. Noong Disyembre 22, 1980 sa ika-45 na anibersaryo ng SandatahangLakas ng Pilipinas, Kampo Aguinaldo, ideneklara ni Pangulong Marcos angpagtatapos ng Batas-Marsyal. Sinabi niya: “Ngayon at sa wakas, ang sandali ngpagpapasya ay sumapit. Naniniwala akong ngayon na ang panahon upangwakasan ang kalagayang pambansang kagipitan. Ako’y taimtim na naniniwalanang taus-puso at katapatan, tulad nang walong taong nakaraan, na angmapanganib na kalagayan ng bansa ang nagbunsod sa akin sapangangailangang militar. Ngayong malapit na ang sandali ng pagpapahayag ng pagwawakas ngbatas-militar, muli kong sasabihin na hindi ako iiwas sa pananagutan ngpamumuno. Ang hakbang patungo sa pampulitikang normalisasyon ay nakaayosna, ang paghahasikan ay nakahanda na, ang batas ay matatag at handa na sapaghamon ng kinabukasan. Gagawa ako ngayon ng pinakamabigat na pasiya namagwawakas sa batas militar.” Ang hakbang na binanggit ng Pangulo ay ang paglagda sa Proklamasyon2045, na nilagdaan nila noong Enero 17, 1981. Naging maayos angpagpapahayag na ito, subalit may mga pasubali ang pangulo sa pagwawakastulad ng 1) pagpapatuloy ng sandatahang lakas upang mapigil ang krimen atinsureksyon 2) pananatili ng batas militar sa 2 rehiyong independiente saMindanao, at 3) pananatili ng kapangyarihan ng Pangulo upang bumuo ng batasat umaresto ng kakalaban sa pamahalaan. Ang ganitong kondisyon ay 20

nagpatuloy hanggang sa umabot si Pangulong Marcos ng 20 taon sa kanyangpanunungkulan. Ilan sa mga naisakatuparan ng Batas-Militar pagkatapos ng 9 na taon aypagpapagawa ng imprastraktyur. Ang inaaning palay ay nadagdagan. Angpagbabahagi ng lupaing pansakahan ay naging tahimik at maayos. Sa mga suliraning panlabas, sa tulong ni Unang Ginang Imelda R. Marcosito ay sumulong. Naitatag ang relasyong pandiplomatiko sa Tsina, UnyongSobyet at sa ibang mga bansang komunista sa Silangang Europa. Marami ringmga pulong pang-international ang ginanap sa Maynila. Marami ring di masyadong nabigyan ng pansin sa panahong ito. Ilan ditoay ang pang-aabuso ng mga militar. Katiwalian nang huling taon sa malakingpaglustay sa sektor ng pananalapi at pagbabangko nang huling dalawang taon. Dahil dito nagkaroon ng dobleng implasyon, patuloy na tumataas angutang panlabas at nagpapatuloy ang pagdami ng bilang ng walang hanapbuhayat ang pagbaba ng sahod ng manggagawa. Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Pagkatapos mong mabasa ang mga pagbabagong dulot ng Batas-Marsyal,paano mo sasagutin ang mga tanong na ito? Bilugan ang tamang sagot.1. Ano ang tama sa sumusunod na pahayag? a. Puro masama ang naidulot ng Batas-Militar b. Puro mabuti ang naidulot ng Batas-Militar c. May mabuti at masamang naidulot ang Batas-Militar2. Kailan nagwakas ang Batas-Militar sa Pilipinas? a. September 21, 1972 b. Disyembre 22, 1980 c. Enero 17, 19813. Ano ang hindi kasama sa pangkat? a. Pagkakaroon ng mga bagong imprastraktura. b. Pagtaas ng presyo ng bilihin. 21

c. Pagdami ng Pilipinong walang trabaho.4. Ano ang pinakatamang pahayag ukol sa pagtatapos ng Batas-Militar?a. Kaguluhan ang dahilan kung kayat winakasan na ng Pangulong Marcosang Batas-Militar.b. Maayos at mapayapa na ang bansa kaya’t wawakasan na ang Batas-Militar.c. Nais na ng Pangulong Marcos na pumunta ng ibang bansa kayaminabuti na niyang wakasan ang Batas-Militar.5. Ano ang hindi aral ng Batas-Militar sa mga Pilipino?a. Malaki ang bahaging ginamgampanan ng midya sa lipunan.b. Dapat higit sa lahat ay manatili tayong tapat sa bansa at hindi sa iisang pinuno lang.c. Kapag naging pinuno ka balan araw, isipin mong maging mabuting halimbawa at sikaping magkaroon ng mabuting paraan ng pamumuno.B. Panuto: itapat ang aytem sa Hanay A sa pahayag sa Hanay B. Isulat ang titiksa linya.Hanay A Hanay B___1. Atas ng Pangulo blg. 742 a. Pagbabawal sa paglabas ng bahay___2. Open Door Policy at Parity mula 12 ng hatinggabi hanggang 4 ng umagaRights b. Reporma sa edukasyon___3. CPP c.Pang-akit sa mga dayuhang mamuhunan.___4. Atas ng Pangulo blg.27 d. Pagbibigay ng Awtonomiya sa Mindanao.___5. KADIWA e. Programa kasabay ng pamahalaang___6. Masagana 99 Bagong Lipunan.___7. NCEE f. Pagpapalaya sa magsasaka sa lupang___8. BLISS matagal ng sinasaka pero di kanila.___9. Curfew g. Pagpapadami ng ani.___10. PLEDGES h. Murang pagahay i. Samahan ng mga Pilipinong naniniwala sa komunismo j. Murang bilihin 22

C. Panuto: Basahin ang mga nakasulat at subukan mong ipangkat sa tsart saibaba.Curfew, Repormang Pansakahan, Pagkontrol sa Media, Repormang Pang-edukasyon, Reorganisasyon ng Pamahalaan, Pagdakip sa mga PinaghihinalaangLaban sa Pamahalaan, Labor Law / OWWA, National Economic, ExportProcessing Zone, Pabahay na BLISS at PAG-IBIG, MEDICARE, Kidney Institute,Heart Center, CCP, pagdami ng abusadong dayuhang namumuhunanTsart ng mga Pagbabago sa Panahon ng Batas-MilitarPangkabuhayan Pampulitika PanlipunanMaganda Di-Mabuti Maganda Di-Mabuti Maganda Di-MabutiD. Nangyari na ba ito o hindi?Panuto: Markahan ng tsek () kung nangyari at ekis (x) kung hindi nangyari angmga sumusunod na pahayag.Sa panahon ng Batas-Militar…___1. Kongreso ang gumagawa ng batas.___2. Ang kapangyarihan lehislatibo at ehekutibo ay nasa kamay ng Pangulo.___3. Barangay Assembly ang hihikayat sa mamamayang lumahok sa gawaingmagpapaunlad sa Pilipinas.___4. Naging masagana at maunlad ang Pilipinas.___5. Pawang kasamaan ang dulot.___6. Gumanda ang kapaligiran. 23

___7. May kalayaang magsalita at magpahayag ng opinyon.___8. Nagkaroon ng maraming rali at demonstrasyon.___9. Umabuso ang mga sundalo at pulis.___10. Naging katulong ang Unang Ginang Imelda Marcos sa mga proyekto ngpamahalaan. Tandaan Mo! Sa panahon ng Batas-Militar, nagkaroon ng mga malawakang pagbabagong pang-ekonomiya, pampulitika, at panlipunan.Sa larangan ng pulitika, naging diktadurya ang pamahalaan sa pamumunoni Pangulong Marcos. Dahil dito, naisulong ang maraming pagbabagonang hindi dumadaan sa maraming pagtuligsa. Sa isang banda, namayanilamang ang mga pulitikong kampi kay Marcos at nawalan ng katungkulanang mga kontra-partido.Sa larangan ng ekonomiya, naging malawakan ang pangungutang saibang bansa, ang pagpasok ang mga mamumuhunanng dayuhan at mgakorporasyong multinational, at lumiliit ang pambansang kita.Ang mga pababagong panlipunan ay naisulong sa pamamagitan ngpagtatag ng Bagong Lipunan, at sa pasusulong ng mga repormangbinubuo ng PLEDGES.Naibaba ang Batas-Militar nang Enero 17, 1981 subalit nagpatuloy angdiktaduryang Marcos hanggang sa dalawampung taon ng kanyangpanunungkulan. 24

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO!Hindi lubusang nabigyang lunas ang suliraning pangkabuhayan sapanahon ng pamumuno ni Pangulong Macapagal. Ito ang nagbigay daanpara sa pagkahalal ni Pangulong Marcos.May mga pangyayari sa pulitika, kabuhayan at lipunan na nagdulot ngsigalot at panganib na naging dahilan ng Pangulong Marcos para ideklaraang Batas-Militar noong September 21, 1972.Nagdulot ang batas militar ng mga pagbabago sa lipunan, kabuhayan atpulitika. Ilan dito ang maituturing na nakabuti sa mga Pilipino. Subalit,marami rin ang nakasama. Lalo na sa mga kumalaban sa pamahalaan.Dahil sa ginamit ng Pangulong Marcos ang referendum, saligang batas atmga presidential decree; tinawag ang kanyang panunungkulan naAwtoritaryanismong Konstitusyonal.Noong Enero 17, 1981, nilagdaan ng pangulo ang Proklamasyon 2045 nanagsaad ng pagtatapos ng 8 taong pamumunong militar. Marami angnagduda sa pagwawakas dahil may tatlong pasubali ang pagwawakas atnagpatuloy ang kapangyarihan ng militar. 25

PANGHULING PASUSULIT: Bilang pagtatapos, maaari mo bang sagutan ang sumusunod natanong?A. Panuto: Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang pangyayari na nasascroll. Simulan sa blg.1. Ika-45 Anibersaryo ng 5.Sandatahang Lakas 4. Pagkawala ng trabaho 3.ng maraming Pilipino. 2. Parliament of the Streets 1. Pakikipag-ugnayan samga bansang komunismo. Pagsusupinde ng Writ ofHabeas CorpusB. Panuto: Subukan mong punan ang patlang ng mga naaalaala mo sa mganakaraang talakayan. Maglagay ng isa lang sa bawat kahon. Lahat ito ay tungkolsa panahon ng Batas-Militar.Aspeto Dahilan ng Pagkadeklara Pagbabagong Idinulota. Pulitikalb. Pangkabuhayanc. PanlipunanC. Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung Mali. Itama ang may salungguhitna salita kung mali ang pangungusap._________1. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong nagpatupad ng batasmilitar. 26

_________2. Tumagal ng 20 taon ang pagpapairal ng batas militar sa Pilipinas._________3. Isa sa magandang naisakatuparan ng batas militar ay angpagpapatupad ng Reporma sa Lupa._________4. Marami ang nag-alinlangan sa pagwawakas ng batas militar noongEnero 17,1981._________5. DISIPLINA ang acronyms sa naging programa ng Bagong Lipunan._________6. Si Unang Ginang Imelda Marcos ang tumulong kay PangulongMarcos sa pagpapaganda ng Pilipinas at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa._________7. Naging maunlad at tahimik na bansa ang Pilipinas pagkataposmaipatupad ang batas militar._________8. Ang mga kaguluhan bago ideklara ang batas militar ay gawa-gawalamang._________9. Ang pagdedeklara ng batas militar ay naaayon sa 1935konstitusyon._________10. Maraming kalayaan ang natamo ng Pilipino sa panahon ng batasmilitar. 27

Gabay sa PagwawastoPanimulang Pagsusulit A. B. Dahilan - Pagbabago 21 1. M 7.M 43 65 2. T 8.T 97 8 3. M 9.T 10 4. T 10.M 5. M 6. TARALIN 1 ANG BATAS MARSYAL AT DAHILAN SA PAGDEDEKLARA NITO1. Tatawagin ang nanay o tatay. 1.Parliament of the Streets 1.pulitikal 2.Kabuhayan2. Barangay Captain 2. Writ of Habeas Corpus 3.lipunan 4.kabuhayan3.Alkalde o Mayor 3. di-rehistradong armas 5.kabuhayan 6.lipunan4.Pangulo 4. estudyante 7.pulitikal 8.pulitikal5.Ferdinand E. Marcos 5.MILF6. Mahaba ang panunungkulan 6. CPP 7. Enrile 8. Marcos 9.namumuhunan 10. langis 11.Plaza Miranda 12. Pulis 28

ARALIN 2 H. Mga posibleng sagot:F. Gawain # 2 Oo, dahil paraan ito para masiguro ang1.HS katahimikan ng buong bansa.2.S3.HS Hindi, para sa akin may iba pang paraan para4.S masiguro ang katahimikan ng bansa.5.HS6.S (oo man o hindi ang sagot mo ay tama, basta may7.S paliwanag ang mga sagot mo.)8.HS9.HS10.HSD. Posibleng sagot: H. Posibleng sagot:1.Oo o Hindi Oo, dahil ito ang sinasabi ng kasaysayan.2.Iisa3. Hindi ko pa alam Hindi, dahil pabor lahat kay dating pangulong Marcos ang resulta ng referendum.F. Gawain # 31.Referendum2.ConCon3. interimBatasangPambansa4.Parliyamentaryo5. Awtoritaryan 29

D. F.Gawain # 4 H.Pangkabuhayan 1. D 1. XMaganda ------ di-mabuti 2. C 2. /Land reform - abusadong namumuhunan 3. I 3. /Labor law 4. F 4. XEconomic Development 5. J 5. XEPZ’s 6. G 6. /Pulitikal 7. B 7. XMaganda ------ di-mabuti 8. H 8. /Phil.Constabulary- reorganisasyon ng pamahalaan 9. A 9. /Panlipunan 10.E 10. /Maganda ------ di-mabutiPAG-IBIG – CurfewMEDICARE – Kontrol sa MidyaKidney Institute- pagdakip sa kalaban ng pamahalaan Heart Center at CCPAralin 5D.Posibleng sagot: 3. A 3. Nilagdaan ito noong Enero 17, 1981.1. Oo o Hindi 4. B2. Oo o Hindi 5. A 4. May masama at mabuti3. Oo o Hindi H. Posibleng sagot: itong naidulot.F. Gawain # 5 1. Maayos ito1. C 2. Parang hindi totoo dahil sa2. C mga pasubali.Panimulang PagsusulitA. C.5. Pagkawala ng trabaho ng mga Pilipino 1. T4. Ika- 45 Anibersaryo ng Sandatahang Lakas 2. M – 8 taon3. Pakikipag-ugnayan sa Bansang Komunista 3. T2. Pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus 4. T1. Parliament of the Streets 5. M - PLEDGES 30

B. Posibleng sagot: 6. TDahilan ----------- Pagbabago 7. M- mas mahirap at maguloLipunan- pananambang ---pagsuspinde sa writ 8. Tkay Enrile of habeas corpus 9. Tkabuhayan-pag-alis ng --- Parity Rights 10. M – walang kalayaannamumuhunanPulitika ---Parliament ---- Curfewof the Streets 31

MODYUL 18 ANG PILIPINAS SA PANUNUMBALIK NG DEMOKRASYA EDSA… Ninoy Aquino…. Hindi Ka Nag-iisa…. Mga salitang nagingsimbolo ng pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa. Mga katagang tunay nanakapagpabagsak ng diktadurya ni Pangulong Marcos at nakapagpalaya sa mgaPilipino sa tanikala ng batas militar. Mga katagang nagpasigla sa mga Pilipinoupang muling itaguyod ang isang Republikang malaya, makatao, at makaDiyos. Sa modyul 17, napag-alaman mo na kusang pinawalang bisa niPangulong Marcos ang Batas Militar. Ngunit sa katotohanan, patuloy na nagingdiktadurya at mapaniil ang kanyang pamahalaan at lubhang nagingmaimpluwensya ang puwersa ng militar. Dito sa modyul na ito, pagtutuunan natin ang tunay na puwersangnakapagpabagsak sa diktadurya at nakapanumbalik sa demokrasyangtinatamasa natin sa ngayon. May tatlong araling inihanda para sa iyo: Aralin 1: Ang Pagbubuwis ang Buhay ni Ninoy Aquino at Pag-usbong ng Pambansang Pagkakaisa Aralin 2 : Ang EDSA at ang “People Power” Aralin 3 : Ang Pamahalaang Aquino at Panunumbalik ng Demokrasya Pagkatapos ng mga aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalahad ng mga pangyayaring nagbigay daan sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas; 2. Masusuri ang naging lakas ng puwersa ng mamamayan o people’s power; 3. Maibibigay ang kahulugan ng salitang demokrasya; at 4. Mapahahalagahan ang papel na ginampanan ni Pangulong Corazon Aquino sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa bansa. Nasa ika-18 modyul ka na. Sanay na sanay ka na sa mga gawain sabawat modyul, hindi ba? Kaya’t gawin mo na ang panimulang pagsusulit. Alamkong kayang kaya mo na iyan. 1

PANIMULANG PAGSUSULITPanuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Pagkatapos ay pumili ka ngtamang sagot mula sa talaan sa ibaba. Isulat ang titik ng pinili mong sagot sapatlang sa bawat bilang._____1. Ang kanyang pagkamatay ang nagpasulong ng isang pambansangdamdamin tungo sa isang mapayapang rebolusyon._____ 2. Nakilala siya sa buong Pilipinas at sa buong daigdig sa kanyangmapayapang pakikilaban bilang isang maybahay at isang pangulo ng bansaupang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas._____3. Ang lansangang naging simbolo ng mapayapang rebolusyon para sademokrasya sa Pilipinas_____4. Huling hakbang ni Marcos upang ipakita na ang Pilipinas ay maydemokrasya._____5. Ang naging armas ng mga taong nagrebolusyon sa EDSA._____6. Nagpasumpa kay Gng. Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas._____7.Itinawag sa naganap sa EDSA noong Pebrero 22, 1986._____8. Ang islogan na nagpasulong sa “People Power.”_____9. Dahilan ng pagbabalik ni Ninoy Aquino sa Pilipinas._____10. Ang kulay na simbolo ng “People Power.”_____11. Pinangalanan ang lugar na ito bilang alaala sa pagkabayani ni NinoyAquino._____12. Tawag sa probisyonal na Konstitusyon ng bagong tatag napamahalaang Aquino._____13. Ang kalipunan ng mga pinuno na binuo upang baguhin ang Saligang-Batas ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Aquino._____14. Unang demokratikong hakbang upang isangguni sa mga mamamayanang bagong Saligang-Batas._____15. Opisyal ng simbahang Katoliko na tumulong kay Gng. Corazon Aquinona manawagan sa mga tao upang magtipon sa EDSA noong Pebrero 24, 1986. 2

_____16. Petsa ng pagkakapaalis sa Pangulong Marcos at panunumbalik ngdemokrasya sa Pilipinas._____17. Isa sa mga opisyal ng militar na nanguna sa mga sundalo sapagbalikwas sa pamahalaang Marcos at naging pangulo ng Pilipinas pagkataposng ilang taon._____18.Mahalagang dokumento na nagbibigay ng kapangyarihan sa mgapamahalaang lokal sa malayang pamumuno._____19. Programang pang-edukasyon na isinulong ng administrasyon niPangulong Corazon Aquino._____20. Pinakamahalagang ibinunga ng EDSA Revolution at nagpabalik namuli ng mga malayang proseso o sistemang pampulitika, panlipunan atpangkabuhayan.Mga pagpipilian: J. DemokrasyaA. Fidel V. Ramos K. Cardinal SinB. Ninoy Aquino L. Corazon C. AquinoC. Pebrero 26, 1986 M. Snap ElectionD. Plebisito N. EDSA o Epifanio Delos SantosE. Freedom ConstitutionF. CON-CON o Constitutional Highway O. Dilaw Convention P. Rekonsilyasyon o PagkakaisaG. Ninoy Aquino International Airport Q. Chief Justice Claudio TeehankeeH. Education for All o Edukasyon R. “Hindi ka nag-iisa” S. EDSA People’s Revolution Para sa Lahat T. Panalangin at PagkakaisaI. Kodigo ng Pamahalaang Lokal o Local Government Code 3

ARALIN 1ANG PAGBUBUWIS NG BUHAY NI NINOY AQUINOAT PAG-USBONG NG PAMBANSANG PAGKAKAISA Sa araling ito, matutuklasan mo ang naging dahilan ng pag-usbong ngpanibagong damdaming nasyonalismo noong 1986. Ito ang naging patnubay samga pagkilos ng sambayanang Pilipino tungo sa pagpapanumbalik ngpamahalaang demokrasya. Inaasahang pagkatapos ng aralin, magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay ang papel ni Ninoy Aquino sa kilusang demokratiko; at 2. Makapagbibigay ng pagpapahalaga sa kanyang pagkamatay at sa demokrasyang umusbong dahil dito. Gawain 1: Pag-isipan Mo Kilala mo ba ang nakalarawan sa salaping ito? Tama ka. Siya si NinoyAquino. Tanungin mo ang iyong mga magulang o ilang matatanda sa inyonglugar kung sino siya. Ano ang kanyang mga nagawa para sa Pilipinas? Ilista angmga natuklasan mo: 4

Ang Batas Militar Bilang Panahon ng Paniniil Sa pag-aaral mo ng kasaysayan sa iba’t ibang modyul, marami kangmahalagang natutuhan. Marahil, malinaw na sa iyo na sa likod ng mgamahahalagang pagbabago sa ating bansa ay may mga dakilang tao atpangyayari. Ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahala ay naagaw sapagdating ng mga mananakop. Pinagpunyagian ng mga bayani ng ating lahi namuli at muli itong makuha sa pagdaraan ng panahon, mula sa mga Kastila, samga Amerikano, at sa mga Hapon. Nang tayo’y makapagsarili at lubos nanapasakamay ng mga Pilipino ang pamamahala, nagkaroon ng katiwasayan atkapanatagan ng loob ang mga mamamayan. Nakaranas tayo ng demokrasya sailalim ng Estado at sa pamamahala ng Pilipino mismo. Subalit sa pagdating ngpanahon ng batas militar, ang demokrasyang napanalunan ay muling naagaw.Ang masakit, kapwa Pilipino din ang umagaw. Sa panahon ng batas militar, ang liderato ng pamahalaan ay naipon saPangulong Marcos at sa mga taong nakapaligid sa kanya, unang-una na angmilitar. Ang mga kalabang partido ay nawalan ng karapatang magbigay nganumang puna at makilahok sa pag-ugit ng mga batas. Ang mga lider ngoposisyong partido ay isa-isang minatyagan at pinagbintangang subersibo okalaban ng pamahalaan. Lahat ng kritiko, manggagawa man o propesyonal aypinaghinalaang subersibo. Sila’y tinugis at ikinulong ng walang paglilitis. Maraming manggagawa, intelektuwal, at propesyonal ang humiling ngpagbabago o kaya’y tumulong sa mga karaniwang mamamayan upangipakipaglaban ang kanilang karapatan. Subalit marami sa kanila ang nakulongnang walang ebidensya, pinaslang ng militar, o naglahong parang bula. May mgapropesyonal at intelektuwal na “ipinatapon sa ibang bansa” o inutusang lumabasng bansa. Ang iba’y tumakas at nagkanlong sa ibang bansa upang makaiwas sakapahamakan. Walang karapatan sa pamamahayag noong panahon ng batas militar.Sinumang mahulihan ng mga dokumentong tumutuligsa sa pamahalaan aynalagay sa panganib. Isinara ang mga pahayagan, radyo at telebisyon, at angmga itinira ay ipinailalim sa pamahalaan. Gayundin, ang mga matataas na tao sa 5

lipunan na iginagalang sa larangan ng negosyo at serbisyong publiko ay inalisanng karapatan sa kanilang mga negosyo at korporasyon. Naisalin ang mgakapangyarihan sa pagmamay-ari ng mga korporasyon kay Pangulong Marcos,sa kanyang mga kaanak at sa kanyang mga “cronies” o alalay at kaibigan.Ang Pagbubuwis ng Buhay ni Ninoy Aquino Ang itinuring na pinakamabigat na puwersang maaaring magpabagsakkay Marcos sa isang malinis na halalan ay si Senador Benigno Aquino. Isasiyang matalinong pulitiko at mambabatas na naglingkod bilang isangmamamahayag at naging senador. Siya ay inaasahang mangunguna bilangkandidato ng oposisyon sa pagkapangulo kung hindi sana nagdeklara ng BatasMarsyal ang Pangulong Marcos. Kilala bilang karibal sa Pangulong Marcos sa pwesto si Ninoy Aquino,nabigo siyang makipaglaban ng patas sa dahilang ginamit ni Pangulong Marcosang lahat ng makinarya ng gobyerno upang mapanatili ang sarili sa puwesto.Nakulong si Ninoy, kasama ng iba pang mga kilalang lider ng demokrasya sabansa na sina Senador Jovito Salonga at Jose Diokno. Bukod sa kanila, dimabilang ang dami ng mga lider ng oposisyon ang nakulong o nawalan ngtungkulin sa pamahalaan. Sa maraming taong pagkabilanggo, kahit sa loob ng kulungang militar aynagawa ni Ninoy na magpahayag ng kanyang mga plataporma para sa bayansakaling siya ay palayain. Maraming beses niyang hinamon si Marcos na ibalikang mga prosesong demokratiko sa bansa. Unang-una dito ang pagtawag ngpambansang halalan upang mataya kung ang mga tao ay kuntento pa o hindina sa kanyang liderato. Hiniling niya kay Marcos ang pagpapanumbalik ngpambansang pagkakaisa sa ilalim ng kanyang panukalang “rekonsilyasyon” opagkakaisa ng oposisyon at administrasyon, pagpapatigil ng paniniil atpagbubuwag ng batas militar. Subalit lahat ng ito’y nawalan ng saysay. Pitongtaon at pitong buwang nakulong si Ninoy. Noong taong 1980, pinayagan siyangpumunta sa Amerika sa dahilang siya’y may karamdaman at doo’y 6

magpapagamot. Tumanggap siya ng maraming banta na maaari siyangmapahamak kung itutuloy niya ang pagbalik. Noong Agosto 21, 1983, pagkaraan ng tatlong taong pamamalagi saAmerika, nagpasyang umuwi si Ninoy alang-alang sa pinakamimithi niyangreskonsilyasyon sa bansa. Ang Pilipinas ay nasadlak na sa malakingpagkakautang. Nagsisilisan na ang mga mamumuhunang dayuhan sa bansa.Ang mga mamamayan ay naghihirap, at ang pamahalaan ay bulag sa mgakinakailangang pagbabago. Sa kanyang mga liham at mga isinulat bago siyalumulan ng eroplanong magdadala sa kanya sa Pilipinas, natanim sa isip ng mgaPilipino ang binitawan niyang mga salita. “The Filipino is worth dying for.” AngPilipino ay karapat-dapat pagbuwisan ng buhay. Maraming tao ang nagpunta sa Manila International Airport o MIA. Maymga dala silang dilaw na laso o kaya ay nakasuot ng damit na kulay dilaw. Maymga banderang dilaw din na iwinawagayway. Sa mga plakard ay nakabandilaang malaking pangalan ni Ninoy. Sa kanyang pagbaba sa MIA, sinalubong ngmilitar si Ninoy Aquino sa loob ng eroplano at muling inaresto. Dinala siya salikod ng labasan at dumiretso sa Tarmac o babaan na hindi ipinagagamit sasibilyan. Sa Tarmac ay binaril diumano ng isang assassin o bayarang kriminal siNinoy Aquino. Nagtangka diumano ang mga kasama niyang militar na iligtas siyaat dahil doo’y nabaril at namatay ang taong bumaril kay Ninoy. Nagpalagay angmga tao na walang hustisyang darating.Ang Pag-usbong ng Diwa ng EDSA Sa pagkamatay ni Ninoy, umusbong ang diwa ng EDSA. Pinaglamayanng bansa si Ninoy. Dinumog ang kanyang libing. Libu-libong tao ang naghatid sakanya sa huling hantungan at nabuo ang islogang “Hindi ka nag-iisa!” Sa mga sumunod na taon mula 1983 hanggang 1986, di mabilang na rallyat martsa ang isinagawa ng iba’t ibang grupong sibiko. Pinanguhanan ngkanyang asawang si Corazon Aquino, na kilala sa tawag na Cory, ang pagrarallysa Liwasang Bonifacio, simbahan ng Santo Domingo, sa Luneta at QuirinoGrandstand upang alalahanin ang iba’t ibang petsang may kinalaman kay Ninoy: 7

Agosto 21: Pagkamatay ni Ninoy; Setyembre 21, National Day of Sorrow (sadahilang ito ang araw ng deklarasyon ng Batas Marsyal); Nobyembre 27:Kapanganakan ni Ninoy. Naging laman si Cory ng mga entablado at dininig ngmga tao ang kanyang mga panawagan. Libu-libong mamamayan mula sa iba’tibang antas ng buhay ang nagsidalo, nagsipagmartsa at di natakot sa mgamilitar. Kasabay ng paghiling ng hustisya para kay Ninoy, hinihiling nila ang pag-alis ni Marcos sa puwesto at pagbabalik ng demokrasya. Hindi naniwala ang pamahalaang Marcos na ayaw na sa kanya ng mgamamamayan. Samantala’y pinapayuhan na siya ng bansang Amerika kung saanmay malaking pagkakautang ang bansa na ayusin ang lumalalang gulo saPilipinas. Noong buwan ng Nobyembre, 1985, nagpahayag si Pangulong Marcos namagaganap ang isang biglaan o snap election upang maipakita na nais pa rinng mga Pilipino na siya ang mamuno. Inaasahan niyang sa muli niyangpagkahalal ay mahihinto na ang maraming reklamo laban siya. Isinulong ng mga tao sa pangunguna ni G. Chino Roces, dating may-aring pahayagang ipinasara ni Marcos, ang kandidatura ni Cory Aquino. Nangalapsiya ng isang milyong pirma upang makumbinsi si Cory na kailangan siya ngbayan. Noong unag linggo ng Pebrero 1986, isinagawa ang halahan. Nagkaroonng malawakang pananakot ng militar, pamimili ng boto, at pagpapalit ng balota.Nagkamatayan sa pangangalaga ng balota at maraming sibilyan ang nasaktan.Pinokralama bilang siyang nanalo si Marcos at nagsimulang maghanda sakanyang inagurasyon. Malawakan ang mga kilos portestang sumunod sa Kalakhang Maynila atmga karatig-pook. Naglunsad si Cory Aquino at nagsimula ang “civildisobedience” o hindi pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan at hindipagtangkilik sa mga produkto pinamumuhunan ng mga “cronies” ni Marcos.Nang “mag-walk-out” o umalis ang mga nagsisipagkanbas ng boto sa halalan atideklara nilang dinaya ang mga numero sa botohan, lalong lumakas angpuwersa ng mga taong nagsipagmartsa at nagkilos protesta. 8

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng timeline ng mga pangyayaring nagpausbong ngsinasabing diwa ng EDSA. Ilagay sa kahon ang iyong timeline.Petsa Pangyayari Tandaan Mo! Si Ninoy Aquino ay isa sa mga senador ng oposisyon na nakulong sa panahon ng Batas Militar. Nagbuwis siya ng buhay alang-alang sa rekonsilyasyon sa bansang Pilipinas. Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ay ng pag-usbong ng kamalayang Pilipino upang mapanumbalik ang demokrasya. Gawain 3: Paglalapat Ang dating Manila International Airport o MIA kung saan napatay si Ninoy Aquino ay tinatawag ngayong Ninoy Aquino InternationalAirport o NAIA. Sa palagay mo ba ay karapat-dapat itong ipangalan sa kanya?Naging makabuluhan ba ang pagbubuwis ng buhay ni Ninoy Aquino? Sumulat ngdalawang talata tungkol sa mga tanong na iyan. 9

ARALIN 2ANG EDSA AT ANG “PEOPLE POWER” Sinabi sa Aralin 1 na umusbong and diwa ng EDSA sa pagkamatay niNinoy Aquino. Ano ba ang diwa ng EDSA? Sa araling ito, susulyapan natin angmga naganap sa EDSA at aalamin kung bakit ito ay nagtagumpay. Inaasahang pagkatapos mo ng aralin, ikaw ay:1. Makabubuo ng pahayag hinggil sa diwa ng EDSA at ang kinahinatnan nito; at2. Makapagawa ng pagpapahalaga sa mapayapang paraang nanaig sa EDSA. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tunghayan mo ang mapa. Nasaan ang EDSA sa mapa? Nakarating kana ba dyan? Ano ang alam mo tungkol sa EDSA? INSERT MAP OF EDSA DURING THE PEOPLE POWER REVOLUTIONAng Pag-aalsa ng Militar Sa lumulubhang mga pangyayari noong panahon ng batas marsyal,nagkaroon ng diskuntento sa ranggo ng mga militar. Nagbalak ng isang coupd’etat o tangkang pag-agaw ng militar sa pamahalaan. Noong Pebrero 22, 1986,isinagawa ng mga military na kasangkotang plano. Ang mga rebeldeng sundaloay pinangunahan ni Kalihim Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Pambansa at niFidel V. Ramos, Vice-Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Bansa at 10

Pinuno ng Kampo Krame. Nagtipon sila sa Kampo Krame. Subalit habang sila aynaghahanda, ay napag-alaman ni Pangulong Marcos ang kanilang balak. Nakakita ang mga mamamayan ng pag-asang mabago na angpamahalaan. Sa dahilang maaring ikamatay ng mga sundalong rebelde angkanilang pagbalikwas, dumagsa ang mga tao sa gitnang lansangan sa harap ngKampo Krame upang kahit paano ay mabigyan ng proteksyon ang mga nag-aalsang sundalo. Ang lansangang ito ay ang Epifanio Delos Santos Avenue oEDSA. Ninais ng simbahan sa pangunguna ni Cardinal Sin na maiwasan angpagdanak ng dugo ng Pilipino kapwa Pilipino. Nanawagan din ang maybahay niNinoy na si Cory Aquino sa mga tao upang magsidalo sa EDSA at sama-samangmanalangin tungo sa mapayapang solusyon sa nakasisindak na pangyayari.Ang Diwa ng EDSA Libu-libong mamamayan ang pumunta sa EDSA. Sinalubong nila nangwalang takot ang mga tangke ng militar na nasa ilalim ng Chief of Staff ni Marcos 11

na si Gen. Fabian Ver. Naghahanda ng pagsalakay sa Kampo Krame ang mgamilitar kung saan nagtipon ang mga sundalong rebelde. Hinihintay lamang nilaang utos ni Pangulong Marcos. Sa pamamagitan ng Radyo Veritas, Katolikongistasyon ng radyo, nakaabot sa mga tao ang mga panawagan atnakapagsagawa ng mga pagkilos ang mga rebeldeng militar at sibilyan. Nangipaputol ni Marcos ang brodkast sa Veritas, humanap sila ng ibang istasyon ngradyo sa pangunguna ni June Keithley at naipagpatuloy ang pagkilos. Sa loobng limang araw, nagkapit -bisig ang mga pari at madre, at mga karaniwangmamamayan upang manalangin, magbigay ng bulaklak sa mga kalabang militar,at himukin ang mga militar ng pamahalaan na ihinto ang pagsalakay. Umabot ng apat na araw ang pagbabantay ng mga tao sa EDSA. Angkahabaan ng EDSA ay napuno ng maraming tao. Nagdasal sila araw at gabi,nag-awitan, at ipinanalangin ang tahimik na pag-alis ni Marcos sa Malakanyang.Noong Pebrero 25, 1986, sinikap pa rin ni Marcos na siya ay mailuklok bilangPangulo ng Pilipinas. Nanumpa siya sa harap ni Cesar Virata na noo’y PunongMinistro ng kanyang diktadurya. Samantala, nagkaroon din ng seremonya saClub Filipino sa Makati. Idineklara ang isang rebolusyonaryong pamahalaan atpinanumpa si Gng. Corazon Aquino sa harap naman ni Chief Justice ClaudioTeehankee, upang kung sakaling bumagsak si Marcos, ay hindi maiiwangwalang pangulo ang bansa. Lumabas sa telebisyon ang panunumpa ni Marcos, subalit hindi nataposang seremonya at naputol ang mga linya ng radyo at telebisyon ng gobyerno.Nang mangyari ito, tuluyan nang nawalan ng kapangyarihan si PangulongMarcos. Kinailangang magdesisyon siya kung sasalakay ang mga militar saEDSA o lisanin niya ang Malakanyang upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.Pinili niya ang pangalawa. Noong gabi ring iyon, siya at ang kanyang pamilya aylumulan sa isang eroplanong naghatid sa kanya sa Hawaii, kung saan doon nasiya inabot ng kamatayan. Ang rebolusyong naganap sa EDSA ay kinilala sa buong mundo bilanghalimbawa ng isang mapayapang rebolusyon na sa Pilipinas unang nasaksihan.Ang pag-aalsang naganap ay tinawag sa kasaysayan na “EDSA people power.” 12

Ang pagkakaisa at damdaming makabayan ang nagbunsod sa ganitong pag-aalsa. Ito ang diwa ng EDSA. Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanIlista mo ang mga taong naging mahalagang bahagi ng EDSA. Sabihinang kanilang naging papel sa “People’s Power Revolution”.Mga Tao Naging Papel Nila1. _________________ = __________________________________________2. _________________ = __________________________________________3. _________________ = __________________________________________4. _________________ = __________________________________________5. _________________ = __________________________________________ Tandaan Mo! Ang rebolusyon sa EDSA o “EDSA People’s Power Revolution” ay isang mapayapang pag-aalsa ng mga mamamayan bunsod ng isang diwang nagkakaisa atnananalangin para sa mapayapang solusyon sa kaguluhan ng bansa.Ipinakita ng ”EDSA People’s Power Revolution” na maaaring magkaroon ngpagbabago sa mapayapang paraan. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang tatanugnin, makikilahok ka ba sa rebolusyong nagyari sa EDSA? Paanong magiging makabuluhan ang mga nangyaring kabayanihan sa EDSA? Ipaliwanag sa tatlong talata lamang ang iyong sagot. 13

ARALIN 3ANG PAMAHALAANG AQUINO AT ANGPANUNUMBALIK NG DEMOKRASYA SA PILIPINAS Sa pagkakatalaga kay Gng. Corazon Aquino, nanumbalik angdemokrasya sa Pilipinas. Tatalakayin sa araling ito kung paano niya pinamunuanang lugaming bansa at paano niya isinulong ang mga patakarang demokratiko. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Mabibigyang kahulugan ang salitang demokrasya at ang mga prosesong nakapaloob dito; at2. Mapahahalagahan ang mga naisulong na pagbabago sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sino ba si Cory Aquino? Maglista ng mga katangiang alam mo tungkolsa kanya. Pagkatapos ay ikumpara mo ang iyong ginawa sa mga nakasaad saaralin.Ang Pamahalaang Aquino sa Panahon ngPagbabago Si Pangulong Corazon Aquino ang ika-7Pangulo ng Republika ng Pilipinas at siya ringkauna-unahang babae na naging Pangulo ng bansa. Nang makaalis ang mga Marcos, nagdiwangang mga Pilipino. Nagsimulang manungkulan siPangulong Aquino sa gitna ng maraming suliraningnaiwanan ng tumakas na pangulo. 14

Itinatag ng bagong pangulong Aquino ang tinatawag na TransitionalRevolutionary Government sa ilalim ng isang Freedom Constitution na binuopagkatapos niyang manumpa. Maraming ginawang proklamasyon angPangulong Aquino upang mapadali ang pagbabalik ng mga prosesongdemokratiko. Ang Freedom Constitution ay batay sa Proklamasyon Blg. 3 atnagsilbing gabay sa pamamalakad ng pamahalaan habang wala pang pormalna Saligang-Batas. Agad ding pinalabas ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon Blg. 9 nabumuo ng CON-CON o Constitutional Convention o KumbensyongKonstitusyonal na siyang naatasang bumuo ng Saligang-Batas ng 1987.Pagkaraang mabuo ang Saligang-Batas na nabanggit, nagdaos ng isangplebisito o referendum noong Pebrero 2, 1987, kung saan sinangayunan ngmamamayan ang bagong Saligang-Batas. Nang napagtibay ang Saligang-Batasng 1987, nagwakas ang pamahalaang rebolusyonaryo at naibalik ang mgaprosesong demokratiko sa bansa.Mga Pagbabago sa Pamahalaan at ang Pagsibol Muli ng Demokrasya Muling re-organisasyon ang pamahalaan. Una’y binuwag ang sistemangparlyamentaryo at ibinalik ang sistemang presidensyal. Muling sumigla ang mgapulitiko at nagtatag ng iba’t ibang partido pulitikal. Nagsulong at pinagtibay angisang Kodigo ng Pamahalaang Lokal o Local Government Code na nagpalawakng tungkulin sa sariling pamamahala ng mga pamahalaang lokal. Ito ay upangmagbigay ng kakayahan at karapatang mamuno ang mga nasa mahihirap nalugar. Nang panahon din ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, isinulongnaman ng nagkakaisang bansa o UN ang Education for All o Edukasyon Para saLahat. Ang mga reporma sa edukasyon ay umikot sa pandaigdigang hamon napaunlarin ang batayang edukasyon sa elementarya at sekundarya gayundin, sapagbibigay ng oportunidad sa mga hindi nakakapag-aral pamamagitan ngsistemang non-formal o di pormal. Naging sentro ang Education for All ito ngprogramang pang-edukasyon ng administrasyong Aquino. 15

Isinulong ni Pangulong Aquino ang mga usapang pangkapayapaan sapagitan ng Communist Party of the Philippines, NPA, at MILF. Pinaimbestigahandin niya ang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni Marcos.Nagtalaga siya ng isang komisyon na naglayong maibalik ang mga ninakaw nayaman ng bansa noong panahon ni Pangulong Marcos. Ibinalik niya ang sistema ng paglilitis at pagdinig ng mga usapin sa korte.Ang mga naging biktima ng mga mapang-abusong militar ay binigyan ngoportunidad upang makapagsampa ng kaso at magkamit ng hustisya. Pinagbuti ang sistema ng kuryente, transportasyon at komunikasyon.Binuksang muli ang mga pahayagan, istasyon ng radyo at telebisyon. Unti-untingbumalik ang malayang pamamahayag. Pinagbuti ang serbisyo at palatuntunang pangkalusugan. Pinagbuti angkomersiyo at sistema ng bangko at pagpapautang. Pinagbuti ang turismo atipinagpatuloy ang paglinang ng sining at kultura. Higit sa lahat, muling pinayagan ang malayang pamamahayag upangmaiparating ang mga hinaing ng mga mamamayan sa pamahalaan. Sa panahonng Pangulong Aquino, nagkaroon ng mahalagang papel ang civil society sapagsusulong ng mga programa para sa mga manggagawa at mahihirap. Hindi lahat nang nangyari ay mabulaklak sa panahon ng PangulongAquino. Marami ring nagnais, sa hanay ng mga militar na halinhan si PangulongAquino at nagsagawa ng mga coup d’etat. Subalit dahil nasa likod ni PangulongAquino ang pamahalaan, ang simbahan, at mga mamamayan, naisulong din niyaang pagpapanumbalik ng demokrasya. Noon at magpahanggang ngayon, kinikilala bilang “Ina ng Bansa” siPangulong Aquino at sa kanyang hudyat at hikayat, muling natitipon ang mga taoupang magkaisa sa mapayapang protesta laban sa mga tiwaling opisyal. 16

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Sinasabing nanumbalik ang demokrasya sa bansa sa mga naganap na pangyayaring inilarawan sa modyul. Mula sa mga nabasa mo sa mga aralin, anu-ano ba ang katangian ng demokrasya. Ilista mo ang ilan at ipaliwanag: 1. ________________________________________ 2. ________________________________________ 3. ________________________________________ 4. ________________________________________B. Mula sa aralin, ilista mo ang mga ginawang pagbabago ng pamahalaangAquino:Pampulitika Pangkabuhayan Panlipunan________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang panunumbalik ng demokrasya ang katangi-tanging nagawa ni Pangulong Corazon Aquino. Sa isang demokrasya, may kalayaan ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga pinuno; sa pamamahayag; sa mapayapangpagtitipon upang magprotesta; at sa pagkakamit ng mataas na kalidad ngbuhay at hustisya. 17

Gawain 3: Paglalapat Ilagay mo ang iyong sarili sa kalagayan ni Pangulong Corazon Aquino. Gagawin mo rin ba ang kanyang mga ginawa kung ikaw ang pumalit kay Pangulong Marcos? Ano ang iba pang dapatniyang ginawa? Sumulat ng isa o dalawang talata. Kung ako si Pangulong Aquino, _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ang nagpausbong sa diwa ng pagkakaisa upang makamit ang demokrasya. Napagtagumpayan ng mga pilipin ang pagbabalik ng demokrasya sa isang mapayapa at kapuri-puring paraan Sa ikapagtatagumpay ng layunin ng bansa, ang pagkakaisa ay siyang damdaming nagpapagalaw sa mga mamamayan at nagsuslong ng pagbabago sa lipunan. Nararapat na isulong ang diwa ng EDSA, ang people power, at ang pagkakaisa tungo sa pambansang kaunlaran. 18

PANGHULING PAGSUSULIT Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Suriin kungtama o mali and diwang ipinahahayag. Isulat sa patlang ang Tama, kung wastoang pangungusap at ang Mali kung ito ay mali._____1. Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ang nagpausbong sa isangpambansang damdamin tungo sa isang mapayapang rebolusyon._____2. Naging madali kay Cory Aquino ang pamumuno dahil may dati nasiyang karanasan sa pulitika._____3. Si Cory Aquino ay naging tanyag din bilang tagapagsulong ngdemokrasya sa bansa._____4. Ang EDSA ang lansangang naging simbolo ng mapayapang rebolusyonsa Pilipinas upang mapatalsik ang diktadurya ni Pangulong Marcos._____5. Upang ipakita ang kanyang lakas, iniutos ni Marcos na bombahin angmga nag-aalsang militar at ang mga mamamayang nasa EDSA noong Pebrero24-26, 1986._____6. Mga bulaklak, dasal, at rosaryo ang tanging armas ng mga taongdumalo sa EDSA noong Pebrero 24-26._____7. Ang dahilan ng pagbabalik ni Ninoy Aquino sa Pilipinas ay upangmakapiling ang kanyang pamilya._____8. “Hindi ka nag-iisa,” ang islogan ng People Power Revolution sa EDSAnoong 1986._____9. Dilaw ang simbolo ng “People Power.”_____10. “People Power Revolution” ang itinawag sa naganap sa EmilioAguinaldo Highway noong Pebrero 24-26, 1986. 19

_____11. Saligang Batas ng 1987 ang tawag sa probisyunal na konstitusyonnang pinalitan ni Pangulong Cory Aquino si Marcos._____12. Bilang pagpupugay sa pagkabayani ni Ninoy Aquino, karapat-dapatlamang pangalanan ang Nino Aquino International Airport kung saan siyanagbuwi ng buhay._____13. Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal o “Local Government Code” aydapat nating igalang sapagkat pinahahalagahan nito ang kakayahan ng mgalocal na opisyal na pamunuan ang kanilang pamayanan sa pamamaraangdemokratiko._____14. Dahil mga militar at kaalyansa ni Pangulong Marcos ang bumalikwasnoon laban sa kanya, dapat ay hindi na sila sinuportahan ng mga tao sa EDSA._____15. Kung ikaw ay nasa EDSA noong panahong naganap ang PeoplePower Revolution, dapat ay hindi ka na sumali sapagkat iyon ay walangkahulugan._____16. Ang pinakamalaking naiambag ni Pangulong Aquino sa panahalaan ayang panunumbalik ng mga prosesong demokrasya sa bansa._____17. Isinulong ni Pangulong Aquino ang isang programang pang-edukasyonna para sa mga katulad niyang mayayaman lamang._____18. Naging pang-anim na Pangulo ng Republika si Pangulong Aquino atPangalawang babaeng humawak ng ganitong puwesto._____19. Napatunayan ng mga mamamayang Pilipino noong Pebrero 24-26,1986 na maaaring matamo ang demokrasya sa pamamagitan lamang ng dahas._____20. Sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution nanumbalik angdemokrasya sa pinakamimithi ng mga Pilipino pagkaraan ng diktaduryangpamahalaang naranasan nila sa ilalim ni Marcos. 20

GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. B 6. Q 11. G 16. C2. L 7. S 12. E 17. A3. N 8. R 13. F 18. I4. M 9. P 14. D 19. H5. T 10. O 15. K 20. JARALIN 1 ANG PAGBUBUWIS NG BUHAY NI NINOY AQUINO ATPAG-USBONG NG PAMBANSANG PAGKAKAISAGawain 1: Pag-isipan Mo!Maaaring matuklasan mo ang mga sumusunod: 1. Si Ninoy Aquino ang ama ni Kris Aquino. 2. Siya ay asawa ng dating Pangulong Cory Aquino. 3. Siya ang nabaril sa tarmac ng airport na kung tawagin ngayon ay Ninoy Aquino International Airport o NAIA. 4. Siya ang bayani ng “People’s Power Revolution” sa EDSA noong 1986. 5. Siya ay mahigpit na kalaban ni Ferdinand Marcos sa pulitika., nong dekada 70.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaisipanNagpausbong ng kaganapan sa EDSA (1986): Petsa PangyayariAgosto 21, 1983 Umuwi sa Pilipinas si Ninoy AquinoNobyembre, 1985 upang isulong ang rekonsilyasyon atPebrero 1, 1986 naaril sa tarmac ng Manila Internation Airport. Nagpatawag ng “Snap Election” si Pangulong Marcos kung saan kumandidato si Cory Aquino bilang Pangulo. Naganap ang snap election; nagwagi si Cory Aquino, ngunit dinaya siya at naipahayag na si Marcos ang nagwagi.Gawain 3: Paglalapat Ang iyong sagot ay depende sa iyongkuro-kuro at pananaw. Para sakaramihan karapat-dapat lang na ipangalan kay Ninoy Aquino ang NAIA. Dahil 21

sa kanyang pagkamatay doon ay nawala ang takot at nag-kaisa sa pagkilos angmga mamamayang Pilipino na muling magkaroon ngdemokrasya.ARALIN 2 Ang EDSA at ang “People Power”Gawain 1: Pag-isipan Mo!Ang EDSA ay dating kilala bilang Highway 54. ito ang kauna-unahang “Highway”o mahabang lansangang nag-uugnay sa maynila at sa Quezon City na parehongnaging kabisera ng Pilipinas. Ipinangalang ito sa Patriotikong si Epifanio DelosSantos.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMga taong naging bahagi ng EDSA1. Juan Ponce Enrile- Dating Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong panahon ng Batas Marsyal at nanguna sa pagbalikwas laban sa Pamahalaang Marcos noong Pebrero 24, 1986.2. Fidel V. Ramos- Vice Chief of Staff ni Pangulong Marcos at kasamang nagbalikwas ni Juan Ponce Enrile.3. Gringo Honasan- Nanguna sa “Reform the Armed Forces Movement” o RAM at kasama din ni Kalihim Enrile sa pagbalikwas ng militar.4. Cory Aquino- Maybahay ni Ninoy Aquino na hinimok ng taong bayan na kumandidato bilang Pangulo. Nanawagan siya sa lahat ng mga Pilipinong makilahok sa kaganapan sa EDSA.5. Cardinal Sin- Pinuno ng Simbahang Katoliko. Nagsilbing ispiritwal na lider noong kaganapan sa EDSA.6. June Keithley- Brodkaster na buong tapang na nagbigay ng balita at mga panawagan sa mga mamamayan upang maging maayos ang kilos protesta sa EDSA.Gawain 3: Paglalapat Ang iyong sagot ay batay sa iyong sariling pananaw. Ngunit sa kalahatan,magiging makabuluhan ang mga nangyaring kabayanihan sa EDSA kung patuloyang mga taong magbabantay at magbubunyag ng katiwalian sa pamahalaan,babantayan at ipagtatanggol ang karapatang pantao, at huwag hahayaangmapalitang muli ang mga prosesong demokrasya sa Pilipinas. 22

ARALIN 3 ANG PAMAHALAANG AQUINO AT ANG PANUNUMBALIK NGDEMOKRASYA SA BANSAGawain 1: Pag-isipan Mo!Maaaring masabi mo na:1. Palagi siyang nakakasama sa mapayapang rally sa EDSA.2. Naging Pangulo siya ng Pilipinas at hinalinhan si Pangulong Marcos.3. Siya ay maybahay ni Ninoy Aquino at ipinagpatuloy niya ang laban ni Ninoy.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Mga Katangian ng Demokrasya:1. Nananaig ang batas at pamumuno ng mga sibilyan.2. May malayang pamamahayag.3. May pagdinig at proseso ng paglilitis at hustisya sa mga taong napaghihinalaang lumalabag sa batas.4. May respeto sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan.5. May malayang halalan at pamumuno ng mga pamahalaang local.6. May sistemeang pang-edukasyon, pampulitika at panlipunan na angkop sa kagalingan ng lahat ng mamamayan.B. Mga Pagbabagong Ginawa ng Pamahalaang Aquino:PAMPULITIKA PANGKABUHAYAN PANLIPUNAN1. Ibinalik ang sistemang 1. Pagpapabuti ng 1. Isinulong ang mga presidensyal. serbisyong prinsipyo ng pangkalusugan. “edukasyon para sa2. Isinulong ang kodigo Lahat.” ng Pamahalaang 2. Pinagbuti ang sistema Lokal. ng pagbabangko, 2. Nagkaroon ng turismo, at komersiyo. mahalagang papel3. Isinulong ang ang NGOs o ang “civil usapang society” sa pangkapayapaan sa pagpaparating ng iba’t ibang grupo ng serbisyo sa mga rebelde. mahihirap. 23

4. Ibinalik ang sistema 3. Pinahintulutang muli ng paglilitis at ang malayang pagdinig ng mga pamamahayag at usapin sa korte. binuksang muli ang mga pahayagan, istasyon nga radio at telebisyon.Gawain 3: Paglalapat Ang iyong sagot ay batay sa sarili mong pananaw. Ipatsek sa gurongtagapamahala ang iyong isinulat.PANGHULING PAGSUSULIT: 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali 6. Tama 7. Mali 8. Tama 9. Tama 10. Mali 11. Mali 12. Tama 13. Tama 14. Mali 15. Mali 16. Tama 17. Mali 18. Mali 19. Mali 20. Tama 24

MODYUL 19 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG PAGPAPATATAG Nasa ika-labingsiyam na modyul ka na ngayon. Sa mga naunang aralin, nalamanmo ang iba’t ibang hamon na kinaharap ng pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino.Sa kanyang pamamahala, unti-unting tumibay ang mga saligan ng demokrasya.Kaakibat nito ang muling pagbangon ng Pilipinas bilang isang bansang nagpupunyagisa Asia sa gitna ng pandaigdigang pagbabago sa pulitika, kalakarang pang-ekonomiya,at teknolohiya. Ang modyul na ito ay tatalakay sa mga pagbabagong pandaigdigan sa pagpasokng dekada nubenta. Titingnan kung papaano hinarap ang mga pagbabagong ito ngpamahalaang Fidel Ramos, Joseph Ejercito Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.Tutugunan din ng mga aralin ang mga aral na ating natutuhan sa mahahalagangkaganapan sa mga panahong ito katulad ng EDSA DOS. Ang mga aral na ito aymaaaring maging saligan tungo sa isang bansang mapayapa at maunlad sakasalukuyang panahon ng pagpapatatag. May limang aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pilipinas sa Panahon ng Globalisasyon at Pandaigdigang Pagbabago Aralin 2: Philippines 2000 at ang Pilipinas Sa Pamamahala ni Pangulong Fidel Ramos (1992-1998) Aralin 3: “Erap Para sa Mahirap” - Ang Pilipinas sa Panahon ni Pangulong Joseph Estrada (1998-2001) Aralin 4: EDSA na NAMAN! Ang Pilipinas sa Nagbabagong Anyo ng Pulitika at Pamumuno Aralin 5: Tungo sa Isang Matatag na Republika: Pilipinas sa Pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (2001 – kasalukuyan) 1

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang iyong: 1. Matutukoy ang mga pandaigdigang pagbabagong nagaganap sa larangan ng pulitika, ekonomiya, at teknolohiya sa pagpasok ng dekada nubenta at ang epekto nito sa Pilipinas; 2. Mailalahad ang mga suliraning hinarap ng mga administrasyong pinamunuan nina Pangulong Fidel Ramos, Joseph Ejercito Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo sa pagpapaunlad ng bansa; 3. Maipaliliwanag ang mga mahahalagang programa ng bawat pamahalaan upang tumugon sa mga suliraning pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan; at 4. Mapahahalagahan ang alaala ng EDSA 1 at 2 sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga mahahalagang aral, kaganapan at tauhan na bumuo sa makasaysayang pangyayaring ito. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Sagutin ang pangwakas na pagsusulit. Iwasto nang may katapatan at ibigay sa guro ang sagutang papel. Isulat sa patlang ang tamang sagot sa mga katanungan.______ 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa halimbawa ng mga salik ng globalisasyon? A. malayang kalakalan B. paglaganap ng multinational corporation C. mga bagong buwis sa imported na produkto D. mga bansang nagkakaisa sa APEC, AFTA at GATT E. mga bagong pamamaraan ng transportasyon at komunikasyon______ 2. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng globalisasyon sa ekonomiya? A. paglaganap ng iba’t ibang uri ng terorismo B. patuloy na pagdami ng maliliit na digmaan sa loob ng bansa C. paglawak ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap D. pagsulpot ng mga bagong sakit katulad ng AIDS at SARS E. paglikha ng mga bagong pamamaraan sa pagpatay ng maramihan, o mga “weapons of mass destruction”______ 3. Ang Medium Term Philippine Development Plan ni Pangulong Joseph Estrada ay mas kilala sa tawag na ______________. A. Strong Republic B. 10-point Agenda C. Angat Pinoy 2004 D. Philippines 2000 E. Bagong Lipunan 3


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook