Tandaan Mo! Ang Kagawaran ng Pagbabadyet ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa ng paglalaan ng mga kaukulang badyet sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan Ang line item budget ay nagpapahayag ng mga aytem na pinagkakagastahan ng pamahalaan. Bawat posisyon sa pamahalaan kasama ang kaukulang sahod ay nasa badyet na ito. Ang performance budget ay naglalaan ng buong halaga para sa bawat proyekto o gawaing pampamahalaan. .Ang pambansang badyet, sa pamamagitan ng isang panukalang batas ng Kongreso, ay ipinapasa sa isang regular na sesyon nito. Ang hindi pagpapasa ng panukalang batas sa pambansang badyet ay nangangahulugang hindi ito maaaring gamitin at ang nakaraang pambansang badyet na na-aprubahan ng Kongreso ang siyang magiging epektibo. Gawain 3: Paglalapat Magsawa ng isang panayam sa inyong barangay at alaminang iba’t ibang gastusin na pinaglalaanan ng konseho ng barangay. Ano angkanilang basehan sa mga prioridad at di gaanong prioridad na gastusin ngbarangay? May pagkakapareho ba ang mga gastusin ng barangay sa mgagastusin sa inyong pamilya? Anu-ano ang mga ito? 15
ARALIN 3ANG BALANGKAS NG BADYET NG PILIPINAS Sa bahagi ng pag-aaral nating ito ay bibigyang pansin naman natin angpagkakabalangkas ng badyet ng Pilipinas. Aalamin natin ang mga prioridad at di-gaanong prioridad na pinag-uukulang ng badyet ng pamahalaan. Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng araling ito: 1. Maiisa-isa ang mga pinagkakagastahan ng pamahalaan; at 2. Matutukoy ang mga ahensya na binibigyang prioridad sa pagbabalangkas ng pambansang badyet. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Halimbawang nagkaroon ng dagdag na kita ang iyong pamilya dahil sapagtaas sa posisyon ng iyong ama o ina, ano ang mga mga bagay na idadagdagmo sa mga paglalaanan ng karagdagang kita ng pamilya? Magbigay ng hangganglimang bagay at ipaliwanag ang dahilan kung bakit ito isasama sa paglalaanan ngbadyet ng iyong pamilya.Ang Balangkas ng Badyet ng Pilipinas Ang Kagawaran ng Pagbabadyet ang naglalaan ng kaukulang halaga nagugugulin ng bawat kagawaran ng pamahalaan. Ito ay inilalabas apat na beses saisang taon. Pagkatapos mabigyan ng pamahalaan ang kagawaran ngawtorisasyong maglabas ng pondo, kailangan aprubahan ng Awditor-Heneral angpaggagamitan ng pondo. Siya ang susuri at magtatakda ng pagkakagastahannang naaayon sa batas. Lahat ng pinagbayaran ng pondong pampubliko ay dapatna maawdit. Ang prinsipyong ito ay siyang sinusunod ng pamahalaang nasyonalatmga pamahalaang lokal. Ang paggugol ng pamahalaan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat napondo. Ang kasapatan ng pananalapi ay nakasalalay naman sa kontribusyon obuwis na manggagaling sa mga mamamayan. 16
Pangunahing layunin ng pamahalaan ang maglingkod sa mga mamamayanat pangalagaan ang kanilang kapakanan. Ang pondong inilalaan ng bansa aynararapat lamang na gugulin para sa mas ikabubuti ng kalagayang panlipunan ngmga mamamayan. Ayon sa Kagawaran ng Paggbabadyet, nahahati sa apat angmalaking pinaglalaanan ng pamahalaan. Ito ay ang mga sumusunod (Ang mgadatos ay nasa libong piso):OBLIGATION BY GENERAL OVERHEAD FY 2003 (In thousand pesos)MGA PINAGLALAANAN NG TAON PORSYENTOPAMAHALAAN 2003 % 1. MGA PROGRAMA 307,148,837 37.8 2. MGA PROYEKTO 268,116,163 33.1 3. MGA NETO NG UTANG 5,500,000 .7 4. PAMBAYAD SA INTERES 230,697,000 28.4TOTAL 811,462,000 100.0 17
ANG PAMBANSANG BADGET28% 38% 1% 33% MGA PROGRAMA MGA PROYEKTO MGA NETO NG UTANG PAMBAYAD SA INTERESPinanggalingan: Kagawaran ng Badyet (DBM) Makikita sa tsart na ang may pinakamalaking bahagi ng pinaglalanang badyet ng Pilipinas ay ang mga programa ng pamahalaan na may tatlumpu’t walong bahagdan 38% ng kabuuang badyet. Ipinapakita lamang nito na nais ng pamahalaan na binibigyang prioridad nito ang mga nakatakdang programa ng pamahalaan upang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. Sinusundan ito ng mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan upang mapagalaw ang ating ekonomiya. Kasama dito ang proyektong nag-iimbita sa mga mamumuhunan na magtayo ng kanilang negosyo dito sa Pilipinas upang makalikha ng sapat at maraming trabaho para sa mga mamamayang Pilipino. 18
Mapapansing tatlumpu’t tatlong bahagdan (33%) ng kabuuang badyet ng bansaang inilaan para sa ganitong mga proyekto.Ikatlo sa tsart ang pondong nakalaan para sa pagbabayad natin ng interessa mga pinagkakautangan nating bansa na bumubuo lamang ng 1%. Ipinakikitalamang dito na maaaring hindi sapat ang mga kinita ng pamahalaan sa mga buwisna kinolekta sa mga mamamayan at upang maisakatuparan ang mga program atproyekto nito, ang pamahalaan ay nangungutang sa mga institusyon ngpagpapautang tulad ng World Bank, International Monetary Fund, at mga lokal nabangko na handang magpautang sa pamahalaan.Ikaapat na bahagi ng tsart ay ang pambayad sa interes ng mga salapinghiniram ng pamahalaan. Kapag humihiram ng salapi ang pamahalaan, ito ay maybabyarang interes. Ganyan din kapag nagigipit ang pamilya. Minsan aynagsasangla ang mga magulang natin ng mga gamit tulad ng alahas, relo, at ibapa. Karaniwan nang pinapatungan ng interes ang mga salaping hiniram upangmagkaroon ng kita ang tumatanggap ng mga isinasanglang bagay.Tunghayan naman natin ang pagkakabahagi ng badyet para sa mga iba’tibang sangay ng pamahalaan: MGA KAGAWARAN PORSYENTO SA BADYETEdukasyon 13Mga Lansangan at Pampublikong Paggawa 6.4Panloob at Lokal na Pamahalaan 5.5Tanggulang Pambansa 5.3Kalusugan 1.4Transportasyon at Komunikasyon 1.2Kapaligiran at Likas na Yaman .8Pananalapi .8Empleo at Paggawa .5Katarungan .6Ugnayang Panlabas .5Agrikultura .4Syensya at Teknolohiya .3Kalakal at Industriya .2 19
Ipinakikita sa tsart ang balangkas ng badyet ng Pilipinas batay sapagkakahati nito sa mga sangay ng pamahalaan. Pansinin mo ang bawat isa.Anong sangay ang may pinakamalaking bahagdan ng badyet? Anong sangay angmay pinakamaliit ng bahagdan na badyet? Makikita sa tsart na ang Kagawaran ngEdukasyon ang may pinakamalaking nakalaang badyet sa lahat ng sangay. Ito aysa dahilang binibigyan ng ibayong pansin ng pamahalaan ang edukasyon dahilnaniniwala ang pamahalaan na kailangan ng malusog na kaisipan upang maabotng bansa ang kaunlaran. Sumusunod ang Kagawaran ng Lansangan atPampublikong Paggawa. Ito ay dahil sa kinakailangang magkaroon ng maayos atmabilis na daloy ng mga produkto at serbisyo mula sa mga pinanggagalingan nitopatungo sa pamilihan nang sa gayon ay maiwasan ang pagkabulok o pagkasira ngmga produkto. Prioridad din ng pamahalaan ang agrikultura. Ito ay dahil sakinakailangan ng mga mamamayan ang sapat na nuntrisyon upang magampannila ang mga responsibilidad at gawain sa araw-araw. Naniniwala ang pamahalaanna ang pagkakaroon ng malusog na mamamayan ay isang paraan upangmagkaroon ng malusog na ekonomiya. Gawain 2: Pagpapalalim Ng Kaalaman Muli mong tunghayan ang tsart ng Balangkas ng Pambansang Badyet ng Pilipinas sa pahina 19. Sa iyong palagay, sapat ba ang mgahalaga ng inilalaang badyet ng pamahalaan sa bawat sangay nito? Pansinin angbahagi ng porsyento na inilalaan para sa pagbabayad ng interes at mga neto sautang. Tinatayang halos kalahati ng ating pambansang badyet ang inilalaan paradito. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging epekto nito sa mga ibangpinaglalaanan ng badyet? Ipaliwanag ang iyong mga sagot. 20
Tandaan Mo! Ang kabuhayan gumugol ng pamahalaan para sa mga proyekto at serbisyong publiko ay nababatay sa pagkakaroon ng sapat na pondo o badyet ng pamahalaan, Ang panukalang badyet at ang mga halaga nito ay hindi nangangahulugan na ito ay ang pamahalaan may sapat na halagang maaari nang gastisin kaagad. na kaagad. Ito ay perang inilalaan lamang sakaling makakalap ng sapat na halaga ang pamahalaan sa pamamagitan ng pangongolekta nito ng buwis sa mga mamamayan at mga industriya. Kung hindi sapat ang mga buwis, nangungutang ang pamahalaan sa mga institusyong pinansyal na nagpapautang Binibigyang priorodad ng pamahalaan ang edukasyon, imprastraktura, at agrikultura sa paglalaan ng badyet dahil ito ang mga daan upang maabot ang minimithing kaunlaran. Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nagkaroon ka ng pagkakataon ngayon ng magingpangulo ng Pilipinas atkasama sa kapangyarihan mo bilang pinuno ng bansa angmangasiwa ng paglalaan ng badyet ng Pilipinas, ilista mo ang mga bibigyan mo ngprioridad sa paglalaanan ng sapat na halaga ng pamahalaan at bigyang paliwanagang mga ito. 21
MODYUL 23 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO: MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN Ikaw ay nasa ika-22 modyul na. Sa puntong ito ay mayroon ka nangganap na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakilala mo na angbayang iyong sinilangan, ang kulturang iyong kinalakihan, at mga ninuno atbayaning Pilipino na iyong maipagmamalaki. Sa mga nakaraang modyul, ikaw rin ay hinikayat na magsuri sa mganakaraang kaganapan ng ating bansa. Kasama rito ang mga patakaran ng mganakaraang pamahalaan. Alam mo ba kung bakit? Upang maiugnay mo ang mgakasalukuyang nangyayari sa ating bansa sa naganap sa ating kasaysayan. Bago mo simulan ang modyul na ito, inaasahan na mayroon ka nangkaalaman hinggil sa Saligang-Batas at ang kahalagahan nito. Kailangan iyonupang lalo mong mapahalagahan kung bakit kailangang malaman mo ang mgatatalakaying tanong sa modyul na ito: Ikaw ba ay Pilipino? Bakit mo nasabingikaw ay Pilipino? Anu-ano ang iyong mga karapatan at tungkulin bilang Pilipino? May walong aralin sa modyul na ito: Aralin 1 – Ako ay Mamamayang Pilipino Aralin 2 – Ang Karapatang Pantao Aralin 3 – Ang Aking Mga Karapatan Bilang Pilipino Aralin 4 – Mga Bata at ang Kanilang mga Karapatan Aralin 5 – Mga Kababaihan at ang Kanilang Karapatan Aralin 6 – Mga Manggagawa at Kanilang mga Karapatan Aralin 7 – Ang Aking Mga Tungkulin Bilang Pilipino Aralin 8 – Ang Pakikilahok sa Lipunan Bilang Mamamayan Pagkatapos mong gawin ang mga pagsasanay sa modyul na ito,inaasahang iyong: 1. Makikilala kung sino ang mamamayang Pilipino; 2. Maipaliliwanag ang karapatang pantao; 3. Matatalakay ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamamayan; 4. Matutukoy ang mga karapatan ng bata, kababaihan at manggagawa; 5. Mapapahalagahan ang mga karapatan ng bata, kababaihan at mangagagawa; at 6. Maitataguyod ang mga karapatan sa pamamagitan ng iba’t ibang pakikilahok sa mga prosesong panlipunan. 1
PANIMULANG PAGSUSULIT:Ang pagsusulit na ito ay naglalayong na malaman ang iyong panimulangkaalaman tungkol sa pagkamamamayang Pilipino, iyong mga karapatan, atprosesong pulitikal ng bansa. Huwag kang mag-alala kung hindi mo masagotang lahat ng tanong. Tutulungan ka ng modyul na ito na matutuhan ang mgapaksang hindi pa malinaw sa iyo. Kayat magsimula ka na!A. Sa iyong palagay, ang mga sumusunod ba ay dayuhan o mamamayang Pilipino? Ilagay ang pangalan sa tamang hanay.Corazon C. Aquino George W. Bush Jose P. RizalOsama Bin Laden Michael Jordan Gabriela SilangHillary Clinton Lea Salonga Jaime Cardinal SinPope John Paul II Queen Elizabeth Pangulong. Gloria Macapagal-ArroyoHANAY A – PILIPINO HANAY B - DAYUHANB. Anu-ano ang mga karapatang nalalabag sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat sa patlang ang iyong sagot. 2
1. Mga batang lansangan :________________________________________ 2. Pagtaas ng matrikula sa paaralan :_______________________________ 3. Hindi maaaring tanggapin sa trabaho ang babaeng buntis :____________ ___________________________________________________________ 4. Pagpapasabog ng mga pulis ng tear gas sa mga nagkikilos protesta :____ ___________________________________________________________ 5. Pagkakaroon ng mga bilanggong pulitikal :_________________________ ___________________________________________________________C. Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang pangungusap at M kung ito ay mali. _____ 1. Ang mga kasapi ng Kongreso ay maaaring maalis sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment. _____ 2. Ang karapatang pantao ay likas sa tao at hindi maaaring labagin ng kahit na sino. _____ 3. Ang mga bata ay mga taong ang edad ay limang taon pababa. _____ 4. Dapat limitahan ang karapatan ng mga manggagawa para sa pag- unlad ng bansa. _____ 5. Ang pagboto ay isang karapatan. 3
ARALIN 1AKO AY MAMAMAYANG PILIPINO Ano ang pagkamamamayan at batayan ng pagkamamamayan. Sa aralingito, tatalakayin natin ang pagkamamamayang Pilipino. Susuriin mo kung bakitmay mga Pilipino at ang iba ay dayuhan. Mahalagang malaman mo ito upangmagkaroon ka ng lakas ng loob na ipaglaban ang iyong karapatan bilang Pilipino.Bilang Pilipino, ikaw ang nagmamay-ari ng Pilipinas – isang karapatang hindimaaaring kunin sa iyo ninuman.Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na iyong:1. Makikilala kung sino ang mamamayang Pilipino;2. Matutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino; at3. Masusuri ang sariling pagkamamamayan gayundin ang sa iba batay sa prinsipyo ng pagkamamamayan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago nating simulan ang talakayan, subukan mong sagutin ang mgatanong sa loob ng kahon. Lagyan ng ekis ang tamang kolum. TANONG OO HINDI1. Ang nanay mo ba ay Pilipino sa araw ng iyongkapanganakan?2. Ang tatay mo ba ay Pilipino sa araw ng iyongkapanganakan?3. Ikaw ba ay ipinanganak sa ibang bansa ngunit ang nanaymo ay Pilipino sa araw ng iyong kapanganakan?4. Ikaw ba ay ipinanganak sa ibang bansa ngunit ang tataymo ay Pilipino sa araw ng iyong kapanganakan?5. Ikaw ba ay binigyan ng Pamahalaan ng Pilipinas ngpagkamamamayang Pilipino kahit na ang iyong magulangay hindi Pilipino, ngunit ninais mong maging Pilipino? 4
Tignan natin kung tama ang iyong mga sagot. Basahin ang mgasumusunod na talata. Mayroong dalawang mahalagang salita na dapat kang matutuhan. AngCitizen at Citizenship o mamamayan at pagkamamamayan. Ang pagkamamamayan ay ang pagiging kasapi sa isang estado. Angestado ay ang pagsasama-sama ng mga grupo ng taong naniniwala na sila aydapat na magkakasama bilang isang bansa at may karapatang angkinin bilangkanilang panahanan ang isang teritoryo. Nananaig ang kapangyarihan ngkanilang itinatag na pamahalaan at kinikilala at iginagalang ito ng ibang bansa sadaigdig. Samakatuwid, ang estado ay may apat na elemento: teritoryo,mamamayan, pamahalaan, at kapangyarihan na igalang ng ibang bansa. May dalawang uri ng taong naninirahan sa isang bansa. Una ay angmamamayan (citizen) at ikalawa ay ang dayuhan (alien). Ang mamamayan ayang mga taong kasapi ng isang bansa at nagtatamasa ng lahat ng karapatangsibil at pulitikal ng bansang iyon. Ang mamamayan ng ibang bansa nadumadalaw, pumupunta o naninirahan sa ating bansa subalit walang balak namaging kasapi ng ating estado ay tinatawag na dayuhan. Kilala siya sa tawag na“Foreigner”. Wala siyang karapatang bumoto o manungkulan sa atingpamahalaan, subalit karapatan niya na pangalagaan ang kanyang buhay at ari-arian habang nasa ating bansa. Paano magiging isang mamamayang Pilipino? May dalawang paraanupang maging mamamayang Pilipino. Ang unang paraan ay hindi boluntaryo.Mula pagsilang pa lamang ay kaagad ka nang mabibigyan ngpagkamamamayang Pilipino kung isa sa iyong mga magulang ay Pilipino.Tinatawag itong Jus Sanguinis o pagkamamamayang batay sa dugo omagulang. Ang tawag sa mga Pilipinong ito ay “natural-born Filipino”. Sila angmga Pilipinong mula sa kanilang pagsilang ay Pilipino na agad. Ikaw kaya ay“natural-born Filipino”? Ang ikalawang paraan ng pagiging Pilipino ay boluntaryo. Ito ay sapamamagitan ng batas ng “naturalisasyon”. Para ito sa mga Pilipinong hindinaman Pilipino nang isilang dahil hindi Pilipino ang pagkamamayan ng kahit isa 5
sa kanilang magulang sa araw ng kanilang kapanganakan. Pinili nila ang magingPilipino sa pamamagitan ng batas na naturalisasyon. Sila ay mga taong datingdayuhan ngunit humingi ng pahintulot sa ating pamahalaan na maging kasapi ngEstado ng Pilipinas. Samakatuwid, kusa nilang pinili ang umanib sa isang bansaat maging mamamayan nito. May dalawang paraang sinunod sa proseso ng naturalisasyon. Ang una aysa pamamagitan ng pag-aaplay sa isang Regional Trial Court. Sa prosesong itokailangang matugunan ng isang nagnanais maging Pilipino ang mgakwalipikasyong hinihingi ng korte. Pagkatapos ay magpapalabas ng utos anghukuman upang siya ay kilalanin bilang mamamayan ng Pilipinas. Ang ikalawa aysa pamamagitan ng proklamasyon ng Kongreso. Sa prosesong, ito ang kailanganlamang ay ang batas na nagsasabing ang isang partikular na dayuhan aymagiging mamamayan na ng bansang kanyang pinag-aaplayan Kung ang isang dayuhan ay ma-ipuproklama na isang mamamayangPilipino, ang tawag sa kanya ay “naturalized Filipino”. Kung magkakagayon aymay karapatan na rin siyang matamasa ang lahat ng karapatan ng isangmamamayang Pilipino maliban na lamang sa paghawak ng matataas natungkulin sa pamahalaan, tulad ng pagiging pangulo, pangalawang pangulo,punong mahistrado, mahistrado at komisyoner ng mga komisyongkonstitusyonal. Sa Pilipinas, hindi batayan ng pagkamamamayan ang lugar ng iyongkapanganakan. Ang tanging batayan lamang ay kung isa sa iyong mgamagulang ay Pilipino sa araw ng iyong kapanganakan. Kung ang iyong magulang ay Pilipino at ipinanganak ka sa bansangAmerika, Australia, Gran Birtanya, Canada at iba pa, ano ang iyongpagkamamamayan? Alam mo ba na ang iyong pagkamamamayan ay magigingdalawa? Sa mga bansang ito, ang batayan ng kanilang pagkamamamayan ayang lugar ng kapanganakan ng isang tao at hindi ang pagkamamamayan ngmagulang o jus sanguinis. Ang tawag sa batayang ito ay “jus soli” o batayan salugar. Kaya kung ipinanganak ka sa Amerika maituturing ka ring Amerikano.Tinatawag itong “dual citizenship” o dalawang pagkamamamayan. 6
May isa isang sitwasyon kung paano magkakaroon ng dalawangpagkamamayan: kung ang iyong ama at ina ay magkaiba ng pagkamamamayan ocitizenship. Halimbawa, kahit nakapag-asawa ang iyong ina ng taga-Switzerland,ang pagkamamamayan nang iyong ina ay Pilipino pa rin. Kaya sa bisa ng jussanguinis, ikaw ay mamamayang Pilipino. Mamamayang Swiss ka rin sa bisa ngjus sanguinis dahil Swiss naman ang iyong ama. Higit sa dalawa naman ang iyong pagkamamamayan kung ang iyong ina ayPilipino, ang iyong ama mo ay Swiss, at sa Estados Unidos ka ipinanganak.Pilipino ka sa bisa ng jus sanguinis; Swiss ka rin sa bisa ng jus sanguinis; atAmerikano ka rin sa bisa naman ng jus soli. Alam mo ba na maaari ring mawala ang pagkamamamayan? May dalawaring paraan o proseso para mangyari ito. Ito ay sa paraang boluntaryo at hindiboluntaryo. Boluntaryo ang pagkawala ng mamayan kung may: 1. nag-aplay ng naturalisasyon sa ibang bansa; 2. kusang loob na tumiwalag sa pagkamamamayan sa isang; 3. nanumpa ng katapatan sa konstitusyon at batas ng ibang bansa; at 4. sumanib sa hukbong sandatahan ng ibang bansa. Ang hindi naman boluntaryong pagkawala ng pagkamamamayan aynangyayari kung binawi ng husgado ng isang bansa ang pagkamamamayan ngisang tao sa bansang iyon. Nangyayari ito sa mga “naturalized citizen” ng isangbansa, o di kaya ay dahil sa pagsumpa ng katapatan sa sandatahang lakas ngibang bansa. Expatriation ang tawag sa boluntaryong pag-aalis ng taglay napagkamamamayan ng isang tao. Hindi ito pinapayagan sa panahon ng digmaan. Maibabalik pa ba ang pagkamamamayan kung iyo ay naalis sa isang tao?Oo, kung muling manunumpa sa Republika ng Pilipinas, at muling magparehistrosa tanggapan ng Civil Registry.repatriation ang tawag dyan. 7
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Palalimin mo ang iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay ang hinihinging kasagutan sa tanong:1. Kung ang ina at ama ni Edward ay parehong Pilipino, ano ang kanyang pagkamamamayan ? ___________________________________________2. Si Edsel ay ipinanganak sa Canada. Ang ina niya ay Pilipino. Ano ang kanyang pagkamamamayan ? ___________________________________3. Si Elzie at Ramon ay mga Pilipinong naninirahan sa Brunei. Nagkaroon sila ng anak na si Shelly Mae. Ano ang pagkamamamayan ni Shelly Mae? ____________________________________________________________4. Ang ama ni Enrico ay si Rene na isang Mexikano ; at ang kanyang ina ay si Zenaida na isang Pilipina. Ipinanganak siya sa Estados Unidos. Ano ang kanyang pagkamamamayan? ____________________________________ Tandaan Mo! Pilipino ka hindi lamang dahil dito ka sa Pilipinas ipinanganak. Kahit saang bansa ka ipinanganak ay maaari kang maging Pilipino kung ang iyong ina o ama ay Pilipino. Maaaring maging higit sa isa ang iyong pagkamamamayandahil may mga bansa na jus sanguinis (relasyon sa dugo) ang ginagamit nabatayan tulad ng Pilipinas, at ang iba naman ay jus soli (lugar ngkapanganakan), tulad ng sa Estados UnidosMaaari kang mamili ng iyong pagkamamamayan sa pamamagitan ngnaturalisasyon.Maaari ring mawala ang iyong pagkamamamayang Pilipino. 8
Gawain 3: Paglalapat May mga sitwasyon sa tunay na buhay na angkop sa paksa ng araling ito. Suriin mo ang mga sumusunod na sitwasyon atpagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong. 1. Si Janah ay nakapag-asawa ng Amerikano at ikinasal sa Amerika. Pinili niyang maging “American citizen”. Pagkatapos ng ilan taon ay nakipaghiwalay siya sa asawang Amerikano. Ninais niyang manumbalik sa pagiging Pilipino. Ano ang tawag sa muli niyang pag-anib sa pagkamamamayan ng Pilipinas?__________________________________ 2. Nais ni Edmon na maging mamamayan ng Greece. Dahil dito, kailangan niyang boluntaryong alisin ang kanyang pagkamamamayan bilang Pilipino. Ano ang tawag sa prosesong ito?_________________________________ 3. Nagkataon na panahon ng digmaan nang ninais ni Edmon na tumiwalag sa kanyang pagiging mamamayang Pilipino. Papayagan ba siya ng hukuman? 4. Nagtatrabaho bilang Navy si Maximillan sa U.S. Navy. Siya ba ay isa pa ring mamamayang Pilipino ?_______________ Bakit? _________________ 5. Nahuli si Edwin ng mga sundalong Vietnamese sa gitna ng digmaan. Tinawag siyang Bilanggo ng Digmaan. Pinilit siyang pasumpain ng katapatan sa Konstitusyon ng Vietnam. Sumumpa si Edwin. Siya ba ay isa pa ring mamamayang Pilipino ? ___________ Bakit?__________________ 9
ARALIN 2ANG KARAPATANG PANTAO Bakit ba mahalagang malaman mo na ikaw ay Pilipino? Ito ay dahil sa maymga karapatan ka bilang Pilipino na hindi pwedeng matamasa ng mga dayuhan.Bago natin pag-aralan ang iyong mga karapatan bilang Pilipino, aalamin munanatin sa araling ito kung ano ang karapatan. Pagkatapos ng araling ito; inaasahan na iyong; 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng karapatang pantao, at 2. Matutukoy ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao sa isang lipunan.Gawain1: Pag-isipan Mo!Tignan mo ang tao sa larawan. May mga katangian at pangangailanganng tao sa loob ng simbulong . Isulat sa tamang hanay sa tsart sa ibaba angiyang mga sagot. 10
Hanay A Hanay BMGA KATANGIAN NG TAO NA DI MGA KAILANGAN NG TAO UPANGTAGLAY NG IBANG MAY BUHAY MALINANG ANG KANYANG MGA KATANGIAN Nasagot mo ba ang bawat hanay. Ngayon ay ikumpara mo ang iyong mgasagot sa pahina __. Gabay sa Pagwasto. Ang mga kasagutan sa Hanay A ay nagpapakita na ang tao ay may iba’tibang dimensyon. Mayroon siyang mga katangiang pisikal, sikolohikal ointelektwal, emosyonal, ispiritwal, sosyal-kultural, ekonomik, at pulitikal. Ang mgakasagutan naman sa Hanay B ay nagpapakita na ang bawat katangian ng tao aymay kaakibat na pangangailangan na dapat matamasa upang ang katangiang itoay lubos na magampanan ng tao. Ang kabuuan ng iyong kasagutan sa Hanay A atB ay nagpapakita ng kabuuan ng pagkatao ng bawat tao. Hindi maaaring alisinang alin man sa mga kasagutang iyan dahil ang mga ito ay taglay ng tao at dapatna maranasan. 11
Kung ililista natin, ganito ang mga katangian at kailangan ng tao: (A) (B) Mga Dimensyon ng Tao: Mga Pangangailangan ng Iba’t Ibang Dimensyon ng Tao:Sosyal-Kultural Kagalngang PanlipunanPisikal KalusuganIntelektwal EdukasyonEkonomik KabuhayanIspiritwal Pananampalataya Iyong pansamantalang isipin, paano kaya kung ang mga bagay na nasaHanay B ay ipagkait sa isang tao. Ano kaya ang kanyang mararamdaman?Naranasan mo na ba ito? Halimbawa, kung walang pagkain? Walang edukasyon?Walang bahay? Walang katahimikan? Ano kaya ang mangyayari sa kanyang mgakatangian? Dito nakabatay ang karapatang pantao. May mga bagay na taglay natinbilang tao na hindi maaaring ipagkait o labagin o agawin ng sino man. Kakaiba ang karapatang pantao dahil ito ay mga bagay na dapat igalang atipatupad ng pamahalaan. Bagaman dapat itong igalang ng lahat ng tao, masmalaki ang responsibilidad ng pamahalaan. Nagsimula ang pagkilala na ang bawattao ay may karapatan noong Disyembre 10, 1948, matapos ang IkalawangDigmaang Pandaigdig. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napatunayan na ang mgapamahalaan ng daigdig ay nagkaroon ng malawak na kapangyarihan at hindinaging mahalaga para sa mga pinuno ng pamahalaan ang buhay, ari-arian,kalayaan, at kaligtasan ng kanyang mga mamamayan. Makikita ang relasyong itosa sumusunod na larawan: 12
Karapatan ng TaoKapangyarihanng Pamahalaan Makikita na hindi naging pantay ang pamahalaan at taong bayan kung kayanaging madali sa pamahalaan na ipagwalang-bahala ang buhay ng mgamamamayan. Dahil sa mga maling naganap noong Ikawalang DigmaangPandaigdig, minabuti ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa o United Nations (UN)na umugit ng mga patakaran upang igalang ng mga pamahalaan ang karapatangpantao ng kanyang mga mamamayan. Nagawa ito ng UN sa pamamagitan ngdokumentong tinatawag na UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS oUDHR (1948). Dahil sa dokumentong ito, ipinaaalam ng UN na ang pamahalaanay maaari lamang gumamit ng kanyang kapangyarihan kung ito ay gumagalang sakarapatang pantao. Malaking pangyayari ito sa kasaysayan ng daigdig. Nasanay kasi ang mgatao na maging sunud-sunuran lamang sa pamahalaan at ang pamahalaan namanay walang habas kung gumamit ng kanyang kapangyarihan. Dahil sa UDHR, hindina ito pwede. Maaari na nating singilin ang pamahalaan sa mga paglapastangannito sa ating mga karapatang pantao.Dahil sa UDHR, ito na ang dapat na makita sa larawan:Kapangyarihan Karapatan ngng Pamahalaan Mamamayan 13
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang karapatan ay may tatlong uri:1. Ang karapatang sibil ay mga karapatang hindi dapat pakialaman ng pamahalaan sa ating buhay, kalayaan, at ari-arian nang hindi ayon sa batas.2. Ang karapatang pulitikal ay mga karapatan ng mamamayan na makialam sa pamamahala.3. Ang karapatang ekonomik-sosyo-kultural ay mga karapatan ng mamamayan na maiangat ang antas ng kanyang materyal na buhay at malayang makipag-ugnayan sa kanyang lipunan at kapwa. Kasama dito ay ang malayang mamuhay ng ayon sa kanyang kultura.Suriin kung ang anong uri ng karapatan ang nakasulat sa tsart. Lagyan ng ekisang tamang hanay. MGA KARAPATANG PANTAO Sibil Pulitikal Ekonomik- Sosyo-Karapatang mabuhay na may dignidad KulturalKarapatan sa edukasyonKarapatan sa pagkainKarapatan sa bahayKarapatang isabuhay ang sariling kulturaKarapatang bumotoKarapatang maging malaya sa pagsasalita atpagpapahayagKarapatan sa pananampalatayaKarapatan na magsagawa ng mapayapangprotesta sa pamahalaanKarapatan sa seguridadKarapatan laban sa pang-aabusoKarapatan laban sa “torture” at di makataong 14
parusaKarapatan sa kalusuganKarapatan sa trabahoKarapatan sa makatarungang sweldoKarapatan sa makataong kondisyon sapaggawaKarapatan sa pantay na pagpataw ng batasKarapatan sa pagkakapantay-pantayKarapatan sa pantay na katarunganKarapatang maging MalayaKarapatan sa mabuting pamahalaanKarapatan sa malinis na kapaligiranKarapatan sa impormasyonKarapatang magkaroon ng ari-arianKarapatan sa proteksyon laban sapananamantalaKarapatan sa pahinga at mga libanganKarapatan sa paglalakbay at pamimili ng lugarna titirhanKarapatan sa pagtatatag ng UnyonKarapatan sa buhay na angkop para sa isangtaoKarapatan sa tamang pagpapatupad ng batasKarapatan laban sa di makatarungangpaghalughog ng ari-arianKarapatan laban sa hindi legal na pagkakulong 15
Tandaan Mo! Ang karapatang pantao ay: 1. para sa lahat ng tao sa daigdig; 2. walang kinikilingan o walang diskriminasyon; 3. hindi dapat nilalabag; at 4. magkakaugnay dahil ang tao ay buo at hindi maaaring hati-hatiinSa iyong pagkakatuto sa iyong mga karapatan, may responsibilidad kangigalang ang karapatan ng iba.Ang estado ang may pinakamalaking responsibilidad upang igalang atipagtanggol ang karapatang pantao. Gawain 3 : Paglalapat Mayroon ka bang mga sumusunod na karapatan? Lagyan ng ekis ang antas ng pagtamasa mo ng iyong mga karapatan. Ang 1 aypinakamababa at 4 ang pinakamataas. MGA KARAPATANG PANTAO 1234Karapatang mabuhay na may dignidadKarapatan sa edukasyonKarapatan sa pagkainKarapatan sa bahayKarapatang isabuhay ang sariling kulturaKarapatang bumotoKarapatang maging malaya sa pagsasalita at pagpapahayagKarapatan sa pananampalatayaKararapatan na magsagawa ng mapayapang pagprotesta sapamahalaanKarapatan sa seguridadKarapatan laban sa pang-aabusoKarapatan laban sa “torture” at di makataong parusaKarapatan sa kalusugan 16
Karapatan sa trabahoKarapatan sa makatarungang sweldoKarapatan sa makataong kondisyon sa paggawaKarapatan sa pantay na pagpataw ng batasKarapatan sa pagkakapantay-pantayKarapatan sa pantay ng katarunganKarapatang maging MalayaKarapatan sa mabuting pamahalaanKarapatan sa malinis na kapaligiranKarapatan sa impormasyonKarapatang magkaroon ng ari-arianKarapatan sa proteksyon laban sa pananamantalaKarapatan sa pahinga at mga libanganKarapatan sa paglakbay at mamimili ng lugar na titirahanKarapatan sa pagtatatag ng UnyonKarapatan sa buhay na angkop para sa isang tao Ang iyong kasagutan ay nagpapakita rin ng kagalingan ng atingpamahalaan sa kanyang pagtupad sa responsibilidad na igalang, ipatupad atipalaganap ang karapatang pantao. Kung may mga paglabag sa iyong karapatanay maaari kang dumulog sa Komisyon ng Karapatang Pantao upang masiyasatnito ang iyong hinaing. Ang Komisyong ito ay itinatag ng Saligang-Batas ngPilipinas upang bantayan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino. 17
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308