Pagkatapos mo itong maisulat, ipabasa mo ito sa iyong kaklase. Itala mo ang kanyang mgapuna at mungkahi tungkol sa iyong talambuhay. Gamitin mo ito sa parerevays ng iyong sulatin.Pagkatapos, ibigay mo sa iyong guro para mapahalagahan ang inyong isinulat.PaunlarinPanuto: Gamit ang iyong ginawang balangkas, isulat mo na ang iyong talambuhay sa isa pang hiwalay na papel. Ang balangkas na iyong ginawa sa LINANGIN ang iyo ngayong magsisilbing patnubay sa pagsulat mo ng iyong talambuhay. Gawin pa ang mga sumusunod na hakbang: 1. Huwag ka ring masyadong magpakulong sa balangkas. Maaaring sa proseso ng iyong pagsulat ay mayroon kang maisip na magandang maidagdag sa iyong talambuhay na sa palagay mo ay ikakaganda ng iyong akda. 2. Sikaping maging simple o payak ang mga salitang gagamitin dahil nakatutulong ito upang maging kawili-wiling basahin ang iyong akda. 3. Huwag mong gamitin ang mga salitang hindi mo alam gamitin dahil makagugulo lamang ito sa kabuuan ng iyong talambuhay. 4. Mag-isip ng magandang pamagat sa iyong sariling talambuhay. 5. Pagkatapos mong maisulat ang iyong talambuhay, ipabasa ito sa iba at hilingin ang kanilang komento sa iyong akda. Pagkatapos, maaari mong gamitin ang mga ito sa pagsulat mo ng final draft ng iyong akda.SUB-ARALIN 2: Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Masining na TalambuhayLayuninPagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:1. nakababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay.2. nabibigyang-halaga ang sining bilang lunsaran ng kulturang Pilipino.3. nakasusulat ng talambuhay ng ibang tao. 17
Alamin Tunay na malikhain ang mga Pilipino. Mababakas ito sa mga likhang sining na kanilangnilikha. Di na mabibilang ang mga Pilipinong nabigyan ng pagkilala at parangal dahil sa natatanginilang ambag sa sining tulad ng panitikan, iskultura, pagguhit, pag-awit, pagsayaw at iba pa. Sa mgasining na ito masasalamin ang kultura nating mga Pilipino. Dahil sa mga likhang-sining nagigingmalinaw ang kaibahan natin sa ibang lahi sa mundo. Nakikilala natin ang ating mga sarili bilangPilipino. Ano nga ba ang pagkakaiba ng ating sining sa sining na likha ng ibang lahi? Paano naiiba angmga Pilipino sa paglikha? Tiyak na marami kang nakikitang pagkakaiba natin. Patunay lamang nanagkakaiba ang sining dahil nagkakaiba ng kultura ang mga tao. Sino pang alagad ng sining ang iyo nang kilala? Paano mo siya nakilala? Anu-ano ang mganalalaman mo tungkol sa kanya? Paano nakatulong ang pagbasa mo ng kanyang talambuhay sapagpapahalaga mo sa sining? Sa sub-araling ito, makilala mo si Napoleon Abueva, isang kinikilalang iskultor ng atingbansa. Tukuyin mo ang kanyang pagkakaiba sa ibang iskultor kung kaya’t itinuturing na natatangiang kanyang mga likhang-sining. Kung bakit ibang-iba ang kanyang istilo? At kung saan niyahinuhugot ang kagalingang ito? Tulad ng binabanggit kong sining, ang isang talambuhay ay kailangan din magtaglay din ngkasiningan. Isang masayang pag-aaral sa iyo kaibigan! “Hard work isn’t enough. The death of my parents maybe. Eventually, I translate emotions and transform these into pieces of wood, marble, clay, and so on.” - Napoleon Abueva NAPOLEON ABUEVA, BATO AT SENTIMIENTO ni Ces Rodriguez Ding! Ang Bato! Hindi ‘yung nilululon ni Ate Narda para maging superhero, ha, kundi isang blokeng marmol o adobe, o puwede rin namang semento. Basta’t maihuhubog ng National Artist for Sculpture na si Napoleon Abueva, kahit na anong klaseng bato, handa niyang bakbakin para gawing obra. 18
Sa katunayan, sa marmol niya hinubog ang 1953 iskulturaniyang Kaganapan at ang Mother and Child noong 1987. Adobenaman ang ginamit niya para sa iskultura niyang Torso noong 1972, atsa mahigit na sampung works of art niya, simpleng semento lang anggamit niya. Payak o simple lang ang mga trabaho ni Abueva. Malayung-malayo ang istilo niya sa titser niyang si Guillermo Tolentino, angkauna-unahang National Artist for Sculpture na kilalang gumawa ngOblation ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ng tintawag namonumento na matatagpuan SA Monumento sa Caloocan. Kung tradisyonal si Tolentino, moderno naman si Abueva.Kilala siya bilang Father of Modern Philippine Sculpture. Kung hindiman true-to-life ang rendition ng kanyang mga iskultura,matalinghaga at kawili-wili namang pagmasdan ang linis ng mgahubog nito. Maliban sa bato, umuukit din si Abueva sa kahoy na katuladng molave at nara, tanso, bakal, salamin at kung-anu-ano pa. Minsan,pinaghahalo-halo rin niya ang mga materyales, isang istilo na unarinG hinangaan sa kanya. Ipinanganak si Napoleon Abueva noong Enero 26, 1930 saTagbilaran, Bohol. Noong bata pa siya, gumagawa na siya ng mgahugis ng hayop sa putik. Ang paborito niyang hayop na hubugin ayang kalabaw. Bigatin ang pamilya ni Abueva. Isang Kongresista angkanyang tatay at presidente naman ng Women’s Auxiliary Service angkanyang nanay. Ngunit isang kagimbal-gimbal na karanasan angsinapit ng kanyang pamilya noong panahon ng Hapon. Siya at angkanyang kuya, ay napilitang pakinggan ang mga daing at paghihirapng kanilang mga magulang sa kamay ng mga Kempati o ng JapaneseMilitary Police. Pagkatapos nito, siya at ang kuya niya mismo angnaghanap ng bangkay ng kanilang mga magulang sa isang lugar napinagtambakan ng mga taong pinatay ng malulupit na Hapon. “Masakit,” ani Abueva sa isang interbyu. “As an artist,naiba ang pananaw ko sa buhay dahil sa mga karanasan ko.Naghanap ako ng bagong paraan para i-express ang mga ideya ko asa way of dealing with the pain.” 19
Umikot lang kayo sa Maynila, makikita na ang kanyang mga obra. Ilan lamang ang Transfiguration sa Eternal Gardens Memorial Park, ang Sunburst sa kisame ng lobby ng Manila Peninsula Hotel, at ang Nine Muses sa harap ng UP Faculty Center. Matatagpuan din ang kanyang obra sa UN Headquarters sa New York, at sa National Museum sa Singapore. Pagkatapos nito, lalo pang kinilala si Abueva sa larangan ng iskultura. Tuluy-tuloy ang pagtanggap niya ng mga karangalan at paglikha niya ng mga obra. Naging Dekano siya ng College of Fine Arts sa UP at noong 1976, sa edad na 46, siya ang pinakabatang pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist. Sa kasalukuyan, sa edad na 74, patuloy pa rin si Abueva sa paglikha ng mga natatanging iskultura. Isa sa mga bago niyang dinisenyo ay ang Burol, ang trophy na ibinigay sa nakaraang Cinemanila Film Festival na ginanap sa Makati noong Hulyo 2004. Kaya, Ding, bato man ’yan o kahoy, bakal man o semento, isang bagay ang malinaw: importante ang mga ito para kay Napoleon Abueva. Narito ang isang halimbawa ng likhang sining ni Napoleon Abueva. Torso 1972, Volcanic Stone 60 x 425 cm National Museum Collections (Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.3, p.3)Pagmasdan mong mabuti ang mga larawan sa ibaba.Ano ang nakikita mong pagkakahawig ng mga larawan?Ano ang tawag sa mga ipinakikita ng mga larawan? 20
Tama ka! Sayaw, pagpinta, iskultura at musika. Lahat ito ay itinuturing na sining. Ano nga ba ang sining? Paano malalaman na ang isang bagay ay likhang-sining? Maraming maaaring ipakahulugan sa salitang sining. Bawat tao ay may kanya-kanyangpagpapakahulugan dito. Maaaring ang sining sa akin ay hindi sining para sa iba. Ikaw? Tiyak kongmayroon ka ring sariling kahulugan ng salitang sining. Ang sining ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng tao. Ipinahahayag niya ang kanyangdamdamin o kaisipan sa naiibang paraan. Nasasabi niya ang kanyang nais ipahayag sa paraangnaiiba at masining. Tulad ng mga larawan sa itaas, bawat larangang ito ay itinuturing na sining. Sa pamamagitannito, nakalilikha ang tao ng mabubuting bagay na nakapagbibigay-lugod at saya sa ibang tao.Nagagamit niya ang sining sa pagpapahayag ng kanyang damdamin sa paarang hindi ginagawa ngmaraming tao. 21
Ang pagsulat ay isa ring uri ng sining. Sa pagsulat ng mga malikhaing akda tulad ngtalambuhay, mahalagang magtaglay din ito ng kasiningan. Ngunit tandaan mong kailangangmangibabaw pa rin ang katotohanan ng akda sa pagtalakay sa buhay ng isang taong isusulat. Halimbawa: Alin sa dalawang pahayag ang masining? 1. Nagtipid siya sa Maynila. 2. Naghigpit siya ng sinturon sa Maynila. Kung ang iyong pinili ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas nagtataglay ng kasiningan angikawalang pahayag kung kaya’t magandang gamitin ito. Isa pang halimbawa: Bilugan ang pahayag na nagtataglay ng kasiningan. 1. Nagsunog siya ng kilay upang matuwa ang kanyang tatay. 2. Nag-aral siyang mabuti upang matuwa ang kanyang tatay. Kung ang iyong binilugan ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas masining angikalawang pahayag dahil hindi nito direktang sinasabi ang gustong sabihin. Pinag-iisip nito ang mgamambabasa. Ang kasiningan ng isang talambuhay ay hindi lamang maipapakita sa pamamagitan ngmatatalinghagang pahayag, kundi sa kung paano ito nabuo. Sa nagdaang sub-aralin ay napag-aralan mo na ang tungkol sa paggawa ng balangkas, hindiba? Maipapakita rin ang kasiningan ng talambuhay sa kung paano ito binuo ng awtor. Halimbawa: Maaari mong simulan ang iyong isusulat na talambuhay sa pamamagitan ng isang kawikaantulad ng ng mga sumusunod: Ang taong tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. 22
Siguruhin mo lamang na ang kawikaan na iyong gagamitin ay may malaking kaugnayan sataong isusulat mo ang talambuhay. Maaari mo ring simulan ang talambuhay sa pamamagitan ng direktang pahayag ng mismonggagawan mo ng talambuhay o kaya’y ng isang kinikilala, tulad halimbawa: “Maano kung tayo ay mamatay sa gitna o sa katapusan ng ating matinik na paglalakbay? Hindi tayo masisising kabataang hahalili sa tin. At sa halip nito ay mga luha ng pagmamahal at pasasalmat ang ididilig nila sa ating mga Maaari rilnibgimnggaanl.i”nya mula sa isang sikat na awitin: - Apolinario Mabini Ako’y isang pinoy sa puso’t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ako’y pinoy na mayroong sariling wika. - Ako’y Pinoy, Florante O kaya’y isang bahagi ng balitang nabasa mo sa dyaryo: Ilang araw na ang nakalilipas nang makahanap ang mga residente ng mga piraso ng ginto sa ilalim ng Felix Brigde sa Brgy. Del Monte sa balita ay dagling sumugod ang daan-daang mga residente sa ilog na tinatambakan ng basura. - Libre, Oktubre 5, 2004 Ang paggamit ng mga ito sa simula ng talambuhay ay makatutulong upang maging masiningang isinusulat na talambuhay. Ngunit tandaan na kailangan itong may kinalaman o kaugnayan sapaksa at maging sa taong ginagawan ng talambuhay. Huwag din kalilimutang isama kung saankinuha o kung sino ang nagsabi ng kinuhang pahayag. 23
Linangin Basahing mabuti ang susunod na talambuhay na aking isinulat. Pag-aralan kung paano ko itosinimulan at winakasan. Masasabi mo bang epektibo ang ganitong istilo sa pagsulat ng talambuhay?Bakit? Pangarap na Natupad ni Genaro R. Gojo Cruz \"Nagbagong-hugis ang PNU nang magsimulang manungkulan si Dr. Nilo Rosas bilang pangulo. Nakipagpalagayang-loob muna siya sa mga guro, estudyante, kawani at staff. Mula sa pagbabagong-bihis ng pasilidad hanggang sa mga bagong proyektong pang-akademiko ay natatangi ang kanyang nagawa. Ang hindi ko malilimutan kay Sir ay ang pagdalaw niya sa mga retiradong propesor ng PNU na naging propesor niya. Nakatataba ng puso dahil sabi niya, kundi dahil sa mga propesor niya ay wala siya sa kinalalagyan niya ngayon.\" Pat V. Villafuerte NAGSIMULA ang lahat sa isang pangarap. At ang mga pangarap na ito'y unti- unting natupad dahil sa ipinamalas niyang sipag at tiyaga sa pag-aaral, maging sa anumang tungkuling kanyang gampanan. Ito ang kuwento ni dating Education Undersecretary Nilo L. Rosas na ngayon ay presidente ng Philippine Normal University (PNU), isa sa mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas na humuhubog ng mga magagaling na guro ng ating bansa. Tubong Torrijos, Marinduque, si Dr. Rosas ay panganay sa pitong magkakapatid. Naniniwala si Dr. Rosas na ang pagkakaroon ng wastong edukasyon ang makapag-aahon sa kahirapan ng isang tao. Sabi niya, hindi niya gaanong na-enjoy ang kanyang buhay bata dahil wala siyang oras sa paglalaro. Ang kanyang oras ay ibinuhos niya sa pag-aaral at pagtulong sa kanyang mga magulang. Kuwento ni Dr. Rosas, \"Laki ako sa hirap. Grade 6 lang ang natapos ng nanay ko at ang tatay ko naman ay second year hayskul lang. Nagtitinda ng kakanin ang aking Nanay sa eskwelahan na pinapasukan ko at ang tatay ko ay janitor. Ang struggle ko sa buhay noon ang naging inspirasyon ko upang magsikap sa buhay.\" Pangarap niya noon ang makatapos ng pag-aaral at bumalik sa Marinduque upang maging isang simpleng guro. Ngunit kailangan niyang maglagi sa Maynila at maghanap ng mabuting trabaho upang matulungan ang kanyang pamilya. 24
Nang makatapos siya, tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Ipinagmamalaki si Dr. Rosas ng kanyang mga kapatid dahil nakatapos din ang mga ito tulad niya. Hindi naman siya nabigo dahil ngayon ay may kapatid na siyang doktor, engineer, Board Member ng Marinduque at Director ng isang nursing service sa US. Nagtapos si Dr. Nilo L. Rosas ng kursong BSE Education, magna cum laude sa Philippine Normal College (PNC). Bilang isang mag-aaral noon ng PNC, isa siyang aktibong lider at iskolar kung kaya't natanggap din niya ang Jose Rizal Leadership Award. Pagkatapos niyang magretiro sa gobyeno noong June 2000, naging Visiting Scholar at Lecturer siya sa Department of International and Transcultural Studies at sa Department of Curriculum and Teaching sa Teachers College sa Columbia University sa New York. Dito niya natamo ang kanyang Ph. D. in Teacher Education. Bilang ikawalong presidente ng PNU, nais ni Dr. Rosas na lalong iangat ang kalidad ng pagtuturo rito. Ayon kay Mrs. Ibarra, appointment Secretary ni Dr. Rosas, \"In general, mabait siya sa lahat ng bagay. Magalang ang pakikitungo niya sa bawat isa at napakasipag ni Sir.\" Marahil, sasabihin mong epektibo ang simula at wakas ng talambuhay dahil sinimulan ito ngpahayag mula sa ibang tao ukol sa taong ginawan ng talambuhay. Ang mga pahayag ay nakatulongupang ganap na makilala ng mambabasa ang taong ginawan ng talambuhay. Gawin ang mga susunod na gawain sa GAMITIN.Gamitin Isulat sa hiwalay na papel ang ginamit na panimula at pangwakas sa talambuhay na iyongbinabasa. Magbigay ng maikling reaksyon ukol sa simula at wakas ng talambuhay. Nakatulong baang ganitong istilo upang maging masining ang talambuhay? Bakit? Kung ikaw ang susulat na talambuhay na ito, anong salawikain/kasabihan sa ibaba ang iyongpipiliin gamitin: 25
1. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.2. Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.3. Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.4. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.5. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.6. Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.7. Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin. Kung ang iyong itinugon ay ang mga bilang 2, 5, at 7, ay tama ka. Ang mgasalawikain/kasabihan na ito ay may malaking kaugnayan sa talambuhay na iyong binasa. Kunggagamitin mo ang mga ito, makadaragdag ito ng kasiningan sa akda. Alin naman ang gagamitin mong pangwakas ng talambuhay kung ikaw ang susulat nito.Pumili sa mga sumusunod: 1. Kasalanan bang Humingi ako sa langit ng Isang himala? Pangarap ko'y Liwanag ng umaga Naglalambing Sa iyong mga mata - Himala, Rivermaya 2. Marami ang tao at kakaunti ang pagkain. Ito ang malinaw na nakikita. Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao. - Editoryal, Pilipino Star Ngayon 10/07/2004 26
3. “Kailangan ko ang bawat Pilipino upang magkaisa, makiisa at isa-isang lunasan ang mga sugat ng kahapon. Kailangan ko ang bawat Pilipino upang lumakas ang sambayanan para sa mga hamon ng bukas.” - Pang. Gloria Macapagal-Arroyo Kung ang iyong napili ay ang bilang 3, ay tama ka. Ang ikatlong bilang ay may malakingkinalaman sa talambuhay na iyong binasa. Kung isasama mo ito bilang pangwakas ng talambuhay,masasabing ang kagalingan ng taong ginawan ng talambuhay ay pagsunod sa panagawan ng atingpangulo na kailangang tumupad ang mga Pilipino sa kani-kanilang tungkulin upang makayananglagpasan ang mga hamon ng bukas. Ang taong ginawan ng talambuhay ay katuwang ng atingpamahalaan sa mga mabubuting misyon nito para sa sambayanan.Lagumin Sa sub-araling ito, iyong natutunan ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining natalambuhay. Tulad ng ibang uri ng sining, ay pagsulat ay isa ring sining dahil ginagamit ng awtorang kanyang malikhaing isip upang maipahayag ang kanyang damdamin o kaisipan sa paraan hindiginagawa o naiisip ng ibang karaniwang tao. Iyo rin nalaman ang iba’t ibang paraan kung paano maaaring simulan at wakasan angisinusulat na talambuhay upang lalo itong magtaglay ng kasiningan. Maaaring mong simulan atwakasan ang isinusulat na talambuhay sa pamamagitan ng salawikain/kasabihan, ilang linya mula samga awitin, balitang nabasa, o magagandang sinabi ng ibang tao. Ngunit dapat lamang na siguruhinna may malaking maitutulong ang mga ito kung isasama sa talambuhay na isinusulat. Ngayong may sapat ka ng kaalaman ukol sa pagsulat ng talambuhay, tiyak na makasusulat kana ng talambuhay ng ibang tao. Ngunit bago mo gawin ito, may inihanda akong gawain para sa iyo.Ito ay unang hakbang na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng talambuhay. Gawin mo muna ang gawain sa SUBUKIN bago puntahan ang gawain sa PAUNLARIN. Anggawain sa SUBUKIN ay makatutulong sa iyo upang magawa mo ang gawain sa PAUNLARIN.SubukinPanuto: Gayahin ang pormularyo sa ibaba at saka pasagutan sa iyong kaklase na gusto mong gawanng talambuhay. Maaari mo ring dagdagan ang nasa pormularyo kung may mga detalye oimpormasyong nais mo maisama sa iyong isusulat na talambuhay. 27
Pangalan : ___________________________________________________Petsa at Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________________________Mga Magulang : ___________________________________________________Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________________Pagpapakilala sa Sarilia. Pamilya _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________b. Eskwelahan _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________c. Talento/ ______________________________________________________________________Parangal ______________________________________________________________________d. Mga ______________________________________________________________________Karanasang ______________________________________________________________________Di Malili- ______________________________________________________________________mutan ______________________________________________________________________e. Paniniwala _______________________________________________________________________sa Buhay _______________________________________________________________________ 28
Pagkatapos mong mapasagutan ang pormularyo sa iyong kaklase, simulan mo naang pagsulat ng kanyang talambuhay sa isa pang hiwalay na papel. Siguraduhin mong tama ang mgadetalye o impormasyon na kinopya mo mula sa pormularyo. Kung minsan kasi, dahil sa kawalan ngingat ng awtor, nagkakaroon ng kamalian sa mga detalye o impormasyon tungkol sa taong ginagawanng talambuhay. Kung kaya upang maiwasan ito, maging maingat. Kung may kalabuan ang sagot,tanungin mo muli ang iyong kaklase upang matiyak ang kawastuan nito. Bukod dito, maaari kang pumili ng mga salawikain/kasabihan sa ibaba upang lalo mongmapaganda ang iyong isusulat na talambuhay. Siguruhin lamang na may kinalaman o kaugnayan itosa iyong kaklase o sa kanyang buhay. 1. Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao. 2. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. 3. Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw. 4. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot. 5. Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa. 6. Ang kalusugan ay kayamanan. 7. Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. 8. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo. Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, ipabasa ito sa iyong kaklase. Hingan siya ngmga komento ukol sa iyong akda. Kung mayroon siyang mga komento, ikonsidera mo ang mga itosa susunod na pagsulat mo ng talambuhay. Makatutulong ito upang lalo mo pang mapakinis angiyong kakayahan sa pagsulat. Kung may oras pa, hilingin mo sa iyong guro na payagan kang basahin ang talambuhay naisinulat mo sa harap ng inyong klase. Binabati kita sa iyong matagumpay na pagtupad sa mga kahilingan ng sub-aralin na ito. Hanggang sa susunod na aralin. 29
Sub-Aralin 3: Pagiging Malikhain sa Pagsulat ng Talambuhay Bilang Isang Pasulat na KomunikasyonLayuninPagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:1. Nakapagpapakita ng pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang isang pasulat na komunikasyon.2. Napahahalagahan ang mga ambag ng manunulat na Pilipino.3. Nakapagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawan ng talambuhay.Alamin Usong-usong ngayon ang mga programa sa telebisyon na tumatalakay sa tunay na buhay ngmga kilalang tao o personalidad. Halimbawa nito ay ang programang Magpakailanman ng GMA 7 atang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Linggu-linggo, iba’t ibang tao ang kanilang ipinakikilala saatin. Patok na patok sa mga Pinoy ang mga ganitong palabas dahil sa pagtatangka nitong maipakitaang katotohanan at karanasan ng isang tao sa mga manonood. Kuhang-kuha ng mga palabas na itoang interes ng mga manonood. Maituturing ding isang talambuhay ang palabas na ito ngunit sa ibang paraan nga lamangsinabi o inilahad sa tao. Ito ay sa pamamagitan ng telebisyon. Ngunit anuman ang gamitingmidyum sa pagpapakilala ng tao at ng kanyang buhay, iisa ang layunin nito, ang makapaglahad ngkatotohanan at makapagbigay ng aral sa iba. Bagamat aminin ko sa iyong may mga taong handangmagbayad, gawan lamang ng talambuhay upang mapaganda o mapabango sila sa madla kahit iba satotoong buhay ang kanilang ginagawa. Sa sub-aralin na ito, makikilala mo nang lubusan si Nick Joaquin, isang kinikilalangmanunulat na Pilipino. Susulat ka rin ng talambuhay ng ibang tao mula sa labas ng iyong klasrum oeskwelahan. Ngunit bago mo isagawa ito, tatalakayin muna natin ang mga hakbang sa pagsasagawa nginterbyu at paghahanda ng mga tanong. 30
Isa muling matagumpay na pag-aaral sa iyo! NICK JOAQUIN, PAMBANSANG ALAGAD NG SINING ni Tony M. Maghirang Bihira ang hindi nakakakilala kay Nick Joaquin, ang premyadong manunulat sa likod ng maiikling kuwentong May Day Eve at Summer Solstice, ng tanyag na dulang “A Portrait of the Artist as Filipino” at ang nobelang “The Woman Who Had Two Navels”. Si Nick Joaquin ay ipinanganak sa Paco, Manila, noong May 4, 1947. Ang kanyang mga magulang ay sina Leocadio Joaquin, isang abogado at koronel ng Philippine Revolution at ang kanyang ina na si Salome Marquez, isang guro. Panahon ng batas militar nang tanghaling National Artist for Literature si Nick Joaquin noong 1976 at tinaguriang siyang pinakamaimpluwensyang manunulat ng ika-20 siglo. Maigting noon ang sensorsyip kaya tinanggap na lamang niya ang parangal nang pagbigyan ang kanyang kahilingang palayain ang isang kaibigang manunulat. Kahit nasa awdyens ang makapangyarihang mga Marcoses, walang takot niyang tinuligsa sa kanyang pagtanggap na pananalita ang paniniil sa freedom of expression. Nagsimulang magsulat si Joaquin ng mga tula, sanaysay at maikling kuwento taong 1934. Pagkatapos ng isang taon, ang una niyang obra ay lumabas sa Tribune habang nagtatrabaho bilang isang proofreader sa Taliba- Vanguardia-Tribune nang panahong iyon. Nagsulat din siya ng mga maiikling kwento para sa Philippine Free Press at Herald: Midweek Magazine. Pagkatapos ng digmaan, patuloy siyang nagsulat ng mga investigative reports sa Philippines Free Press sa pangalang mas kilala bilang Quijano de Manila. Taong 1957, nanalo siya ng isang fellowship grant mula sa Harper Publishing Company at habang nasa Amerika siya, sinulat niya ang award- winning na “The Woman Who had Two Navels” na nanalo ng unang Harry Stonehill Novel Award. Noong 1996, iginawad naman sa kanya ang Ramon Magsaysay Award for Literature bilang pagkilala sa 60 taon ng kanyang pagsulat ng mga sulating tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino. 31
Dito makikita na hindi elitista ang pagtingin ni Nick Joaquin sa pang-araw-araw na panulat o pamamahayag. Siya nga mismo ay sumulat ngmaiikling akda tungkol sa peronalidad na tinatangkilik ng mga tinatawag nabakya crowd, gaya nina Nora Aunor, Erap Estrada at iba pang artista na maymalaking gampanin sa buhay ng pangkaraniwang-Pinoy. Naging mamamahayag at editor siya ng Philippine Graphic nunit piniliniyang labanan ang pamunuan ng publikasyong ito at sumama sa piketlaynupang iprotesta ang mababang pasahod sa mga manggagawa. Ilan lamang ito sa masasabing pagkakaiba ni Nick sa ibang manunulat.Hindi siya mahilig sa rangya at sa mga pangaral. Mas masaya siya kung angkanyang mga kausap ay ang mga karaniwang tao, tulad ng mga piyon, taxidrivers at mga obrero. Masang-masa siya. Kilala rin si Nick Joaquin sa kanyang pagkahilig sa pag-inom ng SanMiguel Beer, isang katangian na hindi niya ikinahihiya. Hindi maikakailang isa si Nick Joaquin sa pinakamagaling na manunulatng bansa. Nasasalamin sa kanyang panulat ang pagmamahal niya sa Maynilang kanyang kabataan. Lagi’y nasasaling niya ang mga temang maykaugnayan sa kontradiksyon: babae at lalake, katotohanan at imahinasyon,panitikan at lipunan, noon at ngayon. May puwang pa kaya si Nick Joaquin sa kasalukuyang panahon?Ngayong usung-uso ang internet, e-mail, chat, at text, at kakaunti na lamangang gustong magbasa. Mas gusto ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mag-kompyuter, mag-Ragnarok o kaya ay mag-text. Masyadong mabilis angpanahon kung kaya itinuturing na ngayong makaluma ang kanyang mga akda.Ngunit sa mga nahihilig basahin ni Nick Joaquin, tiyak na nakikita nilangmalaki ang ginagampanan ng mga akda sa pagkilala nila sa kanilang pagka-Pilipino. Sumakabilang buhay si Nick Joaquin noong Abril 29, 2004 sa edad na 86.Sa luksang-parangal na ibinigay sa kanya, imimungkahi ni Pangulong GloriaMacapagal-Arroyo na bilang pag-alala kay Nick, magsama-sama ang lahat ngmga Pilipino upang bumuo ng isang lipunang nagpapahalaga sa ating mgakinikilalang bayani, sa mga manunulat at sa mga natatanging alagad ngsining. Dahil sila ang mga natatanging Pilipino na nagpapanatili atnagpapayabong ng ating kultura at pagka-Pilipino. (Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.5, p.4) 32
Sa iyong palagay, ano kaya ang mga hakbang na isinagawa ng awtor ng talambuhay ni NickJoaquin upang makakuha ng mga inpormasyon tungkol sa magaling na manunulat? Tama ka! Nagsaliksik ang awtor. Saan-saan kaya siya nagsaliksik? Kung ang naiisip mo ay sa aklatan, internet, at iba pang mga babasahin ay tama ka. Magingmaingat sa pagkuha ng mga datos o impormasyon upang maiwasan ang pagkakamali. Ngunit kung buhay pa ang taong gustong gawan ng talambuhay, maaari kang magsagawa nginterbyu o panayam. Ano ba ang interbyu o panayam? Ito ay isang paraan ng pagkuha ng mga detalye o impormasyon sa isang tao na ginagawanmismo ng talambuhay. Sa pamamagitan nito, ikaw at ang taong gagawan ng talambuhay aymagkaharap na nag-uusap. Personal mong nakukuha ang mga mahahalagang impormasyon tungkolsa kanya. Sa pagsasagawa ng interbyu, may mga hakbang na kailangan isakatuparan muna. Ito ay angmga sumusunod: 1. Dumating sa tamang oras na napagkasunduan. 2. Magdala ng bolpen at papel. Kung may tape recorder ay mas mabuti. 3. Isulat na sa isang papel ang mga tanong na nais itanong sa taong kakapanayanim. 4. Maging magaling sa pag-iinterbyu. 5. Magpasalamat pagkatapos ng interbyu. Paano ba inihahanda ang mga tanong para sa isang interbyu? Madali lamang. Kailangan nagmula muna sa mga tanong tungkol sa sarili, nakamit at mgakaranasan sa buhay, pangarap o mga palano, patungo sa mahihirap na tanong tulad sa paniniwala opilosopiya sa buhay, mga pagtingin sa mga isyu. Unahin mo muna ang mga tanong na kailangan satalambuhay tulad buong pangalan, petsa at lugar kapanganakan, mga magulang, natapos at iba pa.Ihuli mo ang mga tanong na mahihirap, ito ay upang maihandang mabuti ang kinakapanayam. Nabanggit ko na sa sub-aralin na ito, ikaw ay mag-iinterbyu ng isang tao sa labas ng inyongklasrum o paaralan. Siya ay maaaring may katungkulan sa inyong lugar o simpleng mamamayan namay mabubuting at kapaki-pakinabang na gawain sa inyong pook. Ngunit bago mo siya puntahan atkapanayamin, aalalayan muna kitang gumawa ng mga tanong. Gawain ang pagsasanay sa LINANGIN. 33
LinanginPanuto: Mag-isip ng isang tao na maaari mong kapanayamin upang gawan ng talambuhay. Tiyak na sa inyong lugar ay may mga kinikilalang personalidad o mamamayan o kaya’y mga pangkaraniwang tao na may naitutulong na malaki sa iba tao at sa lipunan. Kung nahihirapan kang mag-isip kung sino ang iyong kakapanayamin, tignan mo ang susunodna talaan ng mga taong maaari mong gawan ng talambuhay: 1. Isang amang nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo 2. Isang maliit negosyante sa inyong lugar na umunlad dahil sa pagsisikap 3. Isang dating service crew na nakatapos na ng pag-aaral sa kolehiyo 4. Isang dating valedictorian sa inyong paaralan na ngayo’y matagumpay na sa kanyang larangan 5. Isang kilalang modista sa inyong pook 6. Isang kinikilalang barangay tanod Kung natukoy mo na ang taong gusto mong kapanayamin upang gawan ngtalambuhay, maghanda ka ng sampung (10) tanong para sa kanya. Ipakita mo muna sa iyong guroang mga tanong na iyong ginawa. Tandaan na posibleng sa panahon ng panayam ay may mga tanongkang wala sa iyong inihanda na magandang maitanong. Ayos lang! Isulat ang mga tanong sa isanghiwalay na papel. Huwag kalilimutang dalhin ang mga tanong na ito sa araw na itinakda ang panayam. Atsiyempre, huwag na huwag mong kalilimutan ang magdala ng bolpen at papel, o kaya’y ng taperecorder kung mayroon. Maging maingat sa pagsusulat o pagtatala ng mga datos at impormasyongbinabanggit ng kinakapanayam.Gamitin Pero bago mo puntahan ang taong nais mong kapanayamin. Iyo munang pag-aralan angwastong pagtatanong. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.Mga Ginagamit Kaukulan o Gamitsa Pagtatanong1. Ano Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng bagay o pangyayari.2. Sino Ginagamit sa pagatatanong ng ngalan ng tao.3. Ilan Ginagamit sa pagtatanong ng bilang. 34
4. Saan Ginagamit sa pagtatanong ng pook.5. Kanino Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng tao6. Kailan Ginagamit sa pagtatanong ng panahon7. Gaano Ginagamit sa pagtatanong ng timbang o sukat8. Paano Ginagamit sa pagtatanong ng paraan9. Alin Ginagamit sa pagtatanong kung alin ang pipiliin10. Bakit Ginagamit sa pagtatanong ng dahilanPanuto: Punan ng wastong panandang pananong ang mga sumusunod:1. ______________ ang mga isinulat ni Nick Joaquin?2. ______________ ipinanganak si Nick Joaquin?3. ______________ ang mga magulang ni Nick Joaquin?4. ______________ ang unang obra ni Nick Joaquin?5 ______________ sinasabing naiiba si Nick Joaquin sa ibang manunulat?6 ______________ tinanggap ni Nick Joaquin ang parangal bilang National Artist noong 1976?7 ______________ ang mga tema/paksa na madalas talakayin ni Nick Joaquin sa kanyang mga akda?8 ______________ sumakabilangbuhay si Nick Joaquin?9 ______________ ipinakita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pakikiramay sa namayapang manunulat?10 ______________ taon si Nick Joaquin nang pumanaw?Narito ang mga wastong sagot.1. Ano 6. Bakit2. Kailan/Saan 7. Ano3. Sino 8. Kailan4. Ano 9. Paano5. Bakit 10. IlanKung ang iyong nakuha ay higit sa lima (5), maaari mo nang gawin puntahan ang LAGUMIN. Perokung ang nakuha mo ay apat (4) pababa, pag-aralan mong muli ang tsart ukol sa wastongpagtatanong.Lagumin Sa sub-aralin na ito, iyong natutunan ang mga hakbang upang maging malikhain ang iyongisinusulat na talambuhay. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik upang maging makatotohan angiyong akda. Nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga datos at impormasyon. Tinalakay din natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawanng talambuhay. Kailangan ang pagiging handa at laging nasa oras sa panayam upang maiwasangmakaabala sa taong hinihingan ng pabor. 35
Natutunan mo rin ang wastong pagtatanong. Kailangan itong magmula sa madadali patungosa mahihirap na tanong. Ito ay upang maihanda at hindi mabigla ang taong tinatanong. Marahil, nasasabik ka nang sumulat.Subukin Ngayong hawak mo na ang mga datos o impormasyon, simulan mo na ang paggawa ngbalangkas o outline. Isulat ang balangkas sa isang hiwalay na papel. Pag-isipan mo na rin kung paano mo sisimulan at wawakasan ang talambuhay na iyongisusulat. Maghanap ng babagay na salawikain sa taong iyong kinapanayam o maaari rin namangisang linya ng sikat na awitin. Alam kong taglay mo rin ang malikhaing-isip upang maging masiningang iyong akda. Marahil, nasasabik ka nang lagyan ng laman ang balangkas na iyong ginawa. Sige ito na angpanahon ng iyong pagsusulat.Paunlarin Ngayong kumpletong-kumpletong na ang lahat, maaari mo nang simulan ang pagsulat ngiyong talambuhay. Gamitin mo ang mga kasanayang iyong natutunan sa mga nagdaang sub-aralinupang maging masining ang iyong akda. Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, hilingin mo sa iyong guro na babasahin mo ito saharap ng klase. Tulad uli ng dati, kung mayroong mga mungkahi ang mga iyong mga kaklase at gurosa iyong isinulat na talambuhay, gamitin mo ang mga ito. Makatutulong ito upang mapakinis mo paang iyong akda. Mas maganda rin kung bibigyan mo ng kopya ng iyong akda ang taong iyong kinapanayam.Tiyak kong matutuwa siyang mabasa ang iyong akda na iyong pinaghirapan. Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral sa modyul na ito. Sagutin mo ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak natinang iyong natutuhan sa aralin. 36
Gaano ka na kahusay?I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ngsalitang tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Tumatalakay ito sa kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao. 2. Dalawang salitang pinanggalingan ng salitang talambuhay. 3. Talambuhay ng ibang tao 4. Talambuhay ng pansarili 5. Nagsisilbi itong pagtnubay sa pagsulat ng talambuhay. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga detalye o kaisipan. 6. Ito ay ang mga nagpapayaman at tumutulong upang maging makatotohanan ang isang talambuhay. 7. Ito ay isang hakbang upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang taong nais gawan ng talambuhay kung siya ay nabubuhay pa. 8. Katumbas ng salitang talambuhay sa ingles. 9. Isang paraan ito upang mapakinis o mapaganda ang isinusulat na talambuhay. Kasama dito ang pagwawasto ng mga gamit ng salita at iba pa. 10. Ito ay produkto ng malikhaing-isip ng tao na kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan o damdamin.tala at buhay talambuhaybiography interbyuautobiography siningimpormasyon balangkasdetalye pormularyotape recorder rebisyon 37
II. Punan ng wastong tandang pananong ang mga sumusunod:1. ______________ ang mga talento ni Marcelo H. del Pilar?2. ______________ nais ni del Pilar na magtatag ng mga paaralan?3. ______________ ginamit ni del Pilar ang La Solidaridad bilang tagapangasiwa?4. ______________ nabigo ang balak na pagbabalik ni del Pilar sa Pilipinas?5. ______________ pumanaw si del Pilar?6. ______________ hinubog ni Napoleon Abueva ang iskultura niyang Kaganapan at Mother & Child?7. _____________ naiiba ang iskultura ni Abueva sa kanyang titser na si Guillermo Tolentino?8. ______________ kalupit ang dinanas ng pamilya ni Abueva sa panahon ng pananakop ng mga Hapon?9. ______________ ang mga magulang ni Abueva?10. _____________ makikita ang mga obra ni Abueva? Pagkatapos mong masagutan ang pagsusulit, hingin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Ihambing ang iyong mga kasagutan. Kung ang iyong nakuha sa pagsusulit ay 10 pataas, maaari mo ng gawin ang susunod namodyul. Kung ang iyong nakuha naman ay 9 pababa, iminumungkahi kong balikan mo ang ilan samga sub-aralin sa modyul na ito. Maraming salamat kaibigan! 38
Susi sa Pagwawasto Modyul 5Pagsulat ng TalambuhayAno na ba ang alam mo?1. talambuhay II.2. tala at buhay 1. Ano3. biography 2. Bakit4. autobiography 3. Paano5. balangkas 4. Bakit6. detalye/impormarsyon 5. Kailan7. interbyu 6. Saan/Paano8. biography 7. Paano9. rebisyon 8. Gaano10. sining 9. Sino 10. SaanGaano ka na kahusay?I.1. talambuhay2. tala at buhay3. biography4. autobiography5. balangkas6. detalye/impormasyon7. interbyu8. biography9. rebisyon10. sining
Modyul 6 Ang Tatlong Prinsipe at ang Mahiwagang Ibon Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Mahal kong estudyante, tiyak, marami ka nang nabasa at napag-aralang tula, kwento,sanaysay at nobela. Tiyak din, may alam ka tungkol sa mga superheroes, tulad nina Batman,Superman, Catwoman, Darna at iba pa – mga bayaning may kapangyarihang supernatural, onakagagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng mga ordinaryong tao tulad mo. Lumawak ba ang karanasan mo sa pagbabasa tungkol sa mga pakikipagsapalaran nila?Gumalaw ba ang imahinasyon at nakalipad ka sa ere kasama nila? Kung gayon, halika, hayaang dalhin ka sa makulay na daigdig ng awit ng Adarna at ng pag-ibig ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Sa tulong ng modyul na ito, gisingin mo ang haraya o imahinasyon at makinig sa awit ngmahiwagang Ibong Adarna. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang unang bahagi ng koridong Ibong Adarna. Ang koridoay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay nabuhay pero nabibigyang buhay ng mayamang imahinasyon. Ano ang Matututunan Mo? Ang kwento tungkol sa mahiwagang ibon at sa tatlong mararangal na prinsipe ay magigingdaluyan ng mga kasanayang inaasahang matatamo sa modyul na ito. Inaasahang matututuhan mo sa modyul na ito na makilala ang korido at masuri ang IbongAdarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan tulad ng sukat at tugma. Narito ang mga tiyakna kasanayang inaasahang matatamo sa modyul: 1
1. Nakikila at nasusuri ang korido at ang mga katangian nito 2. Nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging: a. naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti) b. nagsasalaysay ng kanilang mga pakikipagsapalaran 3. Nakapagsusuri nang kritikal sa tulong ng mga tiyak na bahaging nagpapakita ng: a. sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari at kinahinatnan b. pakay at motibo ng bawat tauhan c. mga paniniwalang inilahad O, hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong susundan ang bawatbahagi ng modyul. Huwag kang mag-alala. Nasa sarili mong mga kamay ang bilis o bagal ng pag-unlad mongmatamo ang mga kasanayang inaasahan sa iyo. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 2
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Ano na ba ang alam mo? Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka nang kwento tungkol saisang mahiwagang ibon na ang awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ngnilalaman ng modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay. 2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma. 3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay. 4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 5. Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa dulo. 7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at iba pang mga mahal na tao. 8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s ang dulong tunog. 9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil. 10. Ang Ibong Adarna ay isang korido. 3
B. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang sagot sa mga salitang nakakulong sa parentesis. 1. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang _______ (panganay, pangalawa, bunso). 2. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa, bunso). 3. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________ (panganay, pangalawa, bunso). 4. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang __________(panganay at pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso). 5. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at humihingi ng gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen, Panginoong Hesukristo, San Jose). 6. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki, matandang babae, munting bata). 7. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng _______ (dumi, laway, balahibo) ng Ibong Adarna. 8. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit, itlog) ng Ibong Adarna. 9. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________ (binugbog siya ng 2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog siya ng taong bayan). 10. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay biglang _______ (gumaling, naglubha, namatay).C. Basahin ang ilang piling saknong at piliin sa mga salita sa ibaba ang katangiang ipinapahayag sa bawat saknong.47 Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng Haring ama, iginayak kapagdaka kabayong sasakyan niya.(a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin 4
146 Sa lalagya’y dinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa(a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin231 Nang sila ay magpaalam ay lumuhod si Don Juan hiniling na bendisyunan ng Ermitanyong marangal.Ang bendisyon ay: (a ) patnubay ng matanda (b) pagluhod sa matanda (c) paghiling sa matanda290 “Sa akin po ay ano na sinadlak man nga sa dusa, kung may daan pang magkita pag-ibig ko’y kanila pa.”(a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin394 “Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming magkasama.” (a) mapagtanim ng galit (b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid (c) mapag-isip ng masama sa kapatidD. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin ang sanhi at alin ang bunga sa dalawang pangyayaring inilalahad sa bawat pangungusap? 1. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad. Sanhi _________________ Bunga ______________ 2. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may tumutulong sa kanya. 5
Sanhi ________________ Bunga ________________ 3. Ayaw umawit ng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya. Sanhi _______________ Bunga _________________ 4. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid. Sanhi _______________ Bunga _________________ 5. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna. Sanhi _______________ Bunga _________________ 6. S18 T1-2: “Sa pag-ibig ng magulang/ mga anak ay dumangal.” Sanhi_______________ Bunga _____________________E. Anong paniniwala ang inilalahad sa sumusunod na mga saknong: 19 May paniwala ang ama na di ngayo’t Hari siya, maging mangmang man ang bunga sa kutya ay ligtas sila. a. kapag anak ng hari, igagalang kahit hindi nakapag-aral b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral c. kapag anak ng hari ay ligtas sa pagkutya 20 Alam niyang itong tao kahit puno’t maginoo kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo. a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng kaharian b. mahalagang walang laman ang ulo ng mga namumuno c. mahalaga ang maging puno’t maginoo 30 Ngunit itong ating buhay talinghagang di malaman matulog ka nang mahusay magigising nang may lumbay. 6
a. isang palaisipan ang buhay b. kapag masaya kang natulog, may problema paggising mo c. paggising mo ay laging may problema Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kungnakakuha ka ng 28 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nangmagpatuloy sa Modyul 7. Pero kung wala pang 28 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Ang Korido at ang mga Katangian NitoLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nasusuri mo ang korido at angmga katangian nito.Alamin Nabanggit na sa unahan ng modyul ang korido. Natatandaan mo pa ba kung ano na angnabanggit tungkol sa korido? Tama. Ito ay mahabang tulang pasalaysay. May iba pa kayang katangian ang korido? Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang malaman angsagot. Narito ang iba pang mga katangian ng korido: 1. May sukat at tugma. Sinasabing may sukat ang tula kung pare-pareho ang bilang ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula. Bilangin mo nga ang mga pantig sa unang saknong ng Ibong Adarna: 7
O Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? Pare-parehong walo ang pantig sabawat taludtod. Kapag korido ang pinag-uusapan, laging walong pantig mayroon sa bawat taludtod. May tugma naman kung ang mga dulong salita sa bawat taludtod ay magkakapareho ngtunog. Balikan mo ang saknong sa itaas. Ano ang mga salita sa dulo ng bawat taludtod? Di ba kaibig-ibig, langit, isip at malihis? Ano ang dulong tunog? Di ba g, t, p at s? Magkakatugma ang mga katinig na iyan. Pero pansinin mo rin na angpatinig bago ang mga dulong tunog na nabanggit ay pawang i. Kung hindi magkapareho ang hulingpatinig, hindi masasabing magkatugma ang dalawang salita. May iba pa bang katangian ang korido? Mayroon pa. Magpatuloy ka. 1. Ito’y sadyang para basahin, hindi awitin 2. Kapag inawit, mabilis ang himig o allegro. Ito ay dahil maiikli ang mga taludtod; wawaluhing pantig lamang. 3. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural, o may kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok sa isang magdamag lamang 4. Malayong maganap sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. Ayon kay Pura Santillan-Castrence (Publikasyon Blg. 26, Surian ng Wikang Pambansa, 1940), ang kwento ng mahiwagangibong ito ay maaaring hinango sa mga kwentong bayan ng ibang bansa, gaya ng Germany, Denmark,Romania, Finland, Indonesia at iba pa. Kung mayroon kang mapa ng daigdig, pwede mong tingnan ang lokasyon ng mga bansangito. Sa palagay mo, ginaya nga lamang kaya sa ibang bansa ang kwento tungkol sa mahiwagangibon? Maaaring oo, maaari rin namang hindi. Isa lamang iyan sa mga pananaw kaugnay ng IbongAdarna. May iba pang pananaw. Sinasabi naman ng mga foklorista na ang mga kwentong bayan, saanmang dako ng daigdig, ay sadyang may pagkakahawig, may iisang motif o sinusunod na balangkas.Gayon man, nagkakaiba ang mga ito sa mga detalye. Bakit? Nahulaan mo. Siguro, dahil sa kultura atmga halagahan ng partikular na bansang bumuo nito, di ba? 8
Samakatwid, kahit mga prinsipe at prinsesa mula sa malalayong bayan ang mga bida sakorido, kitang-kita pa rin sa mga kilos, pananalita at paniniwala ang kanilang pagka-Pilipino.Mapapatunayan mo ito sa pag-aaral ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay may 1717 saknong. Hinati ito sa apat na bahagi. Pag-aaralan mo samodyul na ito ang unang bahagi. Narito ang buod ng unang bahagi ng Ibong Adarna: Tatlong prinsipe ang mga anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng Berbanya: sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Isang masamang panaginip ang nagbunga ng malubhang pagkakasakit ng hari, na ang tanging lunas ay ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna. Unang naghanap sa ibon ang panganay na si Don Pedro at pagkaraan ay ang pangalawang si Don Diego. Kapwa sila naging bato. Nang ang bunsong si Don Juan naman ang naghanap, dalawang matanda ang nakatulong upang mahuli nito ang ibon at maging taong muli ang dalawang kapatid. Nang pauwi na sila, binugbog ng dalawang kapatid si Don Juan at iniwan itong hindi makabangon. Pagdating sa kaharian, tumangging umawit ang Adarna, na naging isang napakapangit na ibon. Samantala, isang matanda ang tumulong kay Don Juan kaya ito gumaling at nakauwi. Pagdating niya sa palasyo, inawit ng ibon ang naging pagtataksil ng nakatatandang mga kapatid. Nakiusap si Don Juan na patawarin ng hari ang dalawa. Mula noon, gabi-gabing pinabantayan ng hari ang ibon sa tatlong anak na halinhinan sa pagbabantay. Ang ganda ng kwento, di ba? Unang bahagi pa lamang iyan. Napaglalaro mo ba sa isip anglarawan ng tatlong prinsipe? Aling talata ang nagpapakilala sa mga pangunahing tauhan? Tama, angunang talata. Ano na nga ang mga pangalan nila? Don Pedro, Don Diego at Don Juan, di ba? May problemang dumating sa kaharian. Ano ito? Kung ang sagot mo ay ang pagkakasakit nghari, tama ka. Ano naman daw ang solusyon? Kailangan daw hulihin ang mahiwagang Ibong Adarna! Nailalarawan mo ba sa isip ang hirap na dinanas ng tatlong prinsipe para lamangmagtagumpay sa kanilang misyon? Alam mo ba kung ano lamang ang sasakyan nang mga panahongiyon? Tama ka. Kabayo. 9
Para mas mapahalagahan mo ang koridong pinag-aaralan, basahin ang ilang tiyak na saknongsa ibaba. Sa pagtukoy sa mga saknong, gagamitin ang S upang katawanin ang salitang Saknong atang T naman para sa Taludtod. Kaya kapag nabasa mo ang S1 T2, ang tinutukoy nito ay angSaknong 1 Taludtod 2. Ang simula ng korido. May paraan ng pagsisimula ang isang korido. Mahulaan mo kayakung paano sinisimulan ang korido? Tama. Sa isang panawagan o sa isang paghahandog, na karaniwan ay sa isang patrongpintakasi. Mayroon bang patrong pintakasi sa inyong lugar? Sa koridong ito, sino kaya ang patrongpinipintakasi? Magpatuloy ka ng pagbasa. Basahing muli ang unang saknong. 1 O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa iyo’y di malihis. Kanino nananawagan ang makata? Di ba sa Birhen? Si Birheng Maria na ina ng lahat angtinatawagan ng makata. Ano naman ang ipinapahayag ng mga kasunod na saknong? 2 Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. 3 Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. Ano ang mga ideang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Kung ang sagot mo ay (a)pagpapakumbaba at (b) pagmaliit sa sariling kakayahan, tama ka. Sinasabi sa mga saknong 2-4 nakailangan ng makata ng pamamatnubay upang hindi siya magkamali sa pagsasalaysay. Magpatuloyka. 10
5 Kaya, Inang matangkakal, ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. Bigyang pansin ang Birheng kaibig-ibig sa S1, at ang Inang matangkakal sa S5. Dalawangmagkaibang patron kaya sila? Tama ka, iisa lamang sila, na walang iba kundi ang Mahal na BirhengMaria. Batay sa binasa mong saknong, ano ang kahulugan ng salitang matangkakal? Kung di mo paalam, ito’y nangangahulugang mapagtangkilik, o siyang nag-aalaga at laging pumapatnubay sa mganilalang ng Diyos. Ganito ang karaniwang simula ng korido, ang paghingi ng makata ng patnubay sa Birhenupang di magkamali sa gagawing pagsasalaysay. Ideang relihiyoso ito, di ba? Karaniwan din na angbidang nagtatagumpay sa pakikipagsapalaran ay iyong madasalin, di nakalilimot sa Diyos, atmaawain sa kapwa. Bakit kaya ganito? Di ba panahon ng Kastila nang isinulat ang korido? Ano ang isa sa mgadahilan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas? Kung ang sagot mo ay upang magpalaganap ngkaisipang Kristiyano, tama ka. Kaya nga ang korido at iba pang mga anyong pampanitikan nang panahon ng pananakop ngmga Kastila ay may temang relihiyoso. Sa palagay mo, pumapasok na ba rito ang kultura at halagahang una nang nabanggit na bahaging pagkakaiba-iba sa detalye ng mga kwentong bayan ng iba’t ibang bansa? Kung oo ang sagot mo,tama ka na naman. Kung hindi, suriin mong mabuti ang iyong sarili. Di ba bahagi ng kulturangPilipino ang pagdarasal sa tuwi-tuwina, maging ang tinatawagan ay ang Panginoong Diyos, siYahweh, o si Allah?Linangin Nabanggit na sa bahaging Alamin ang tungkol sa sukat at tugma. May karagdagan ka pa kayangkaalamang dapat ding matutuhan kaugnay pa rin ng sukat at tugma? May mga tanong sigurongnabubuo sa isip mo na ibig mong liwanagin. Para masagot ang mga tanong mo, basahin ang S12, nanaglalarawan sa reyna ng Kahariang Berbanya: 11
Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana, ganda’y walang pangalawa’t sa bait ay uliran pa. Bigyang pansin ang T1. Ilang pantig ang nabilang mo? Pito lamang? Hindi, walo pa rin angpantig sa taludtod na iyon. Kasi, ang salitang niya ay binibigkas noon na may dalawang pantig: ni-ya.Mabilis ang bigkas na ang diin ay nasa pangalawang pantig na YA. May ibang tula (hindi korido) na hindi pare-pareho ng bilang ng pantig ang mga taludtod.Sinasabing ito’y walang tiyak na sukat. Balikan mo naman ang tugma sa saknong ding nabanggit. Ano ang magkakatugmang tunog sadulo ng bawat taludtod? A, di ba? Pero teka, di ba ang huling salita sa T3 ay pangalawa’t?Samakatwid ay t ang huling tunog? Ang pangalawa’t ay pinaikling pangalawa at. Ang itinuturing paring huling tunog ay a at di ang huling tunog ng idinagdag at pinaikling at. Maaaring magkakatugma ang lahat ng taludtod sa isang saknong – ito ang tinatawag natugmaang a a a a. Ang halimbawa nito ay ang saknong sa itaas. Sa isang korido, ang tugmaan ay a aa a. Basahin naman ang halimbawa sa ibaba: “Sirena ng Pasig” 1. Umaawit ang sirena 2. sa pampang ng ilog Pasig. 3. Ang puso niya’y lumuluha 4. sa paglisan ng pag-ibig -- Aurora E. Batnag (Nilagyan ng mga bilang ang mga taludtod para lamang para kung alin ang tinutukoy.) 12
Napansin mo ba ang magkakatugmang dulong salita: sirena (T1) at lumuluha (T 3)? Gayondin ang Pasig at pag-ibig (T2 at T4)? Samakatwid, anong mga taludtod ang magkakatugma sa saknong sa itaas? Di ba ang T1 at T3,T2 at T4? Kung ang magkatugma ay taludtod 1 at taludtod 3, taludtod 2 at taludtod 4, ang tugmaan ay ab a b.Balikan naman ang S3: Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. Ano namang mga tunog ang magkakatulad sa apat na taludtod sa itaas? Kung ang sagot mo aya, tama ka. Ngunit pansinin mo rin na pawang may impit na tunog sa dulo ng makagawa, pasaliwa,ninanasa at pahidwa. Kung walang impit na tunog sa dulo, hindi katugma ng mga salitangnabanggit.Upang maging mas malinaw pa, balikan ang S4. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. Anu-ano ang dulong tunog? Di ba a rin ang huling tunog sa mga salitang pangangamba,mag-isa, na at makaya sa S4? Ngunit ang mga salitang ito ay hindi katugma ng mga dulong salita saS3. Masasabi mo ba kung bakit? Tama. Dahil ang mga dulong salita sa S3 ay pawang may impit natunog. Samakatwid, ang mga salitang may impit na tunog ay di katugma ng mga salitang walangimpit na tunog. Maliwanag na ba? Kung oo, handa ka na sa susunod na gawain. Sige, magpatuloy ka. Pero kung di pamaliwanag sa iyo, balikan mo ang aralin.Gamitin Ngayon, ilalapat mo na ang mga natutuhan mo. 1. Sukat: Pagbilang ng mga pantig. Basahin ang ilang piling bahagi ng tula/awit sa ibaba.Bilangin ang pantig ng bawat taludtod. Isulat ang bilang ng bawat taludtod sa iyong sagutang papel. 13
“Lupang Hinirang” 1. Bayang magiliw 2. Perlas ng silanganan 3. Alab ng puso 4. Sa dibdib mo’y buhay 5. Lupang hinirang 6. Duyan ka ng magiting 7. Sa manlulupig 8. Di ka pasisiil Bahagi ng “Pambansang Awit” “Bayan Ko” 1. Ang bayan kong Pilipinas 2. Lupain ng ginto’t bulaklak 3. Pag-ibig ang sa kanyang palad 4. Nag-alay ng ganda’t dilag 5. At sa kanyang yumi at ganda 6. Dayuhan ay nahalina 7. Bayan ko, binihag ka 8. Nasadlak sa dusa Bahagi ng “Bayan Ko” ni Jose Corazon de Jesus 2. Tugma: Isulat din sa iyong sagutang papel ang huling tunog sa bawat taludtod. Pagkataposmong maitala ang mga ito, isulat ang iyong pagsusuri kung may sukat at tugma ang tula/awit. Ano ang mga sagot mo? Katulad ba ng nasa ibaba?“Lupang Hinirang” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 5; T2 – 7; T3 – 5; T4 – 6; T5 -5; T6 – 7; T7– 5; at T8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – w; T2 – n; T3 – o; T4 – y; T5 - g; T6 – g; T7 - g; atT8 - l.“Bayan Ko” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 8; T2 – 9; T3 – 9; T4 – 8; T5 – 9; T6 -8; T7 – 7; atT8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – s; T2 – k; T3 – d; T4 – g; T5 – a; T6 – a; T6 – a; at T8 – a. 14
Ano ang napansin mo tungkol sa bilang ng pantig at sa mga dulong tunog? Dimagkakapareho, di ba? Hindi magkakapareho ang bilang ng pantig at ang mga dulong tunog. O kungmay ilan mang pagkakatulad ng dulong tunog ay di naman masasabing may sinusunod na pattern. Ano ngayon ang mabubuo mong kongklusyon batay sa naitala mo? Ito ba ang sagot mo: Ang“Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay kapwa walang tiyak na sukat sapagkat hindi pare-pareho angmga bilang ng pantig sa bawat taludtod. Napansin mo rin sigurong walang tugma dahil hindimagkakapareho ng tunog sa dulo ng taludtod. Sige, tingnan mo nga kung talagang malinaw na ang tugmaan sa iyo. Heto pa ang isangpagsasanay. Balikan ang S1-5 at itala ang magkakatugmang tunog. Isulat ang sagot sa sagutangpapel. 1 O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa iyo’y di malihis. 2 Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. 3 Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. 5 Kaya, Inang matangkakal, ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay.Lagumin Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang korido at ang mga katangian nito. Upang maging masmalinaw, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin na inilahad sa anyong Tanong at Sagot. 15
1. Ano ang korido? • mahabang tulang pasalaysay. • may sukat at tugma • sadyang para basahin, hindi para awitin • kapag inawit, ang himig ay mabilis o allegro • ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural • malayong maganap sa tunay na buhay.2. Kapag sinabing may sukat at tugma ang isang tula, ibig sabihin ba’y • pare-pareho ng bilang ng pantig ang lahat ng taludtod • magkakapareho ang mga dulong tunog ng mga taludtod3. Ano ang sukat o bilang ng pantig sa bawat taludtod ng Ibong Adarna? • Walong pantig bawat taludtod.4. Ang Ibong Adarna ba ay isang halimbawa ng korido? • Oo. Taglay nito ang mga katangian ng isang korido. Ang totoo, ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido.5. Paano nagsisimula ang isang korido? • Sa isang panawagan sa isang patrong pintakasi o sa Mahal na Birhen.6. Sa isang korido, ano ang mga katangian ng bida, o ng tauhang nagtatagumpay sa kanyang mithi? • Karaniwang siya ay madasalin, di nakalilimot manawagan at humingi ng patnubay sa Birhen, magalang sa matatanda, mapagkawanggawa, mapagmahal at iba pang positibong katangian7. Ano ang dahilan kung bakit nangingibabaw ang mga ideang relihiyoso sa mga korido? • Upang magpalaganap ng mga kaisipang Kristiyano Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng Sub-Aralin 1? Kung gayon, handa ka na ba saisang pagsubok?Subukin Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 1. 1 O Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis. 16
i. Kanino nananawagan ang makata?ii. Iisa ba ang Birheng kaibig-ibig at ang Inang nasa langit?iii. Ang layo’y sa T4 ay alin sa dalawa: (1) layon ay, (2) layo ayiv. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa pinili mong sagot sa (c ) v. Ilan ang bilang ng mga pantig sa S1? 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa, baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. a. Ang salitang pangangamba ay nagsasaad ng (1) takot, (2) yabang, (3) lungkot b. Ang gagawing pagsasalaysay ng makata ay inihambing niya sa (1) paglalakbay sa dagat o ilog, (2) paglalakbay sa bundok, (3) paglalakbay sa ere c. Ang mga salitang sumusuporta sa sagot sa (b) ay (1) _______, (2) __________ at (3) ____________. d. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga huling salita sa bawat taludtod ng S4. 8 Sa kanyang pamamahala kaharia’y nanagana, maginoo man at dukha tumanggap ng wastong pala. a. Anong klaseng Hari ang namumuno sa kaharian: (1) masamang mamahala, (2) mahusay mamahala b. Sa kaharian ay (1) may pagkakapantay-pantay ang mga mahirap at mayaman, (2) walang pagkakapantay-pantay c. Hindi dumaranas ng taggutom ang mga tao sa kahariang ito. Ang salitang nagpapatunay nito ay ___________. 17
d. May impit na tunog ang mga huling patinig sa bawat taludtod ng S8. Tama o mali?2. Bilangin ang mga pantig sa bawat taludtod ng tula sa ibaba: Nakikita ko ang sarili ko sa iyo: Isang bulaklak na minsang may pitlag, Lumulukso sa kaway ng hangin O yakap ng ulan, Iniinggit ang mga bituin, Pinangingimbulo maging ang araw. Mula sa “Kuwadrong Walang Pangalan” ni Elynia S. Mabanglo3. Alin sa mga salita sa ibaba ang magkakatugma? Pangkatin ang mga ito ayon sa pagiging magkatugma.pag-ibig PasigPilipinas luhapalad gandadusa sirenadilag halinaligaya basbaspaspas lawiswispagaspas bagwislipad lipashangin banginurong sulonggiliw baliw(Kailangang makabuo ka ng anim (6) na pangkat ng magkakatugmang salita.)4. Buuin ang pangungusap:1. Ang mga salitang pagaspas at lawiswis, kahit parehong nagtatapos sa s ay di magkatugma dahil _____________________________. 18
2. Ang dusa ay katugma ng ligaya; magkatugma rin ang dalita at dukha ngunit ang dusa at dukha ay di magkatugma dahil ____________. Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kungnakakuha ka ng 15 pataas, maaaring patuluyin ka ng iyong guro sa Sub-Aralin 2. Di mo nakailangang sagutan ang Paunlarin. Pero kung wala pang 15 ang nakuha mong marka, kailangangsagutan mo ang Paunlarin.Paunlarin 1. Basahin ang mga saknong sa ibaba at sagutin ang mga tanong. 5 Kaya, Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. a. Sino ang tinutukoy na “Inang matangkakal” b. Ano ang ibig sabihin ng “matangkakal”? c. May nauna na bang bahagi ng sub-aralin na nagpapaliwanag ng salitang ito? Saang pahina? d. Ang salitang “buhay” sa T4 ay maaaring tumutukoy sa (1) buhay ng Inang matangkakal, (2) buhay ng makata, (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng isasalaysay ng makata. 6 At sa tanang nariritong nalilimping maginoo kahilinga’y dinggin ninyo buhay na aawitin ko. a. Ang ‘tanang naririto’ sa T1 ay nangangahulugang _________ (lahat ng naririto, mga tumakas na naririto, mga nagtatagong naririto) 19
b. Ang ‘nalilimpi’ ay nangangahulugang ___________ (nagkakatipon, nagagapi, napipipi) c. Ano ang kahilingang nakasaad sa saknong? (1) pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay, (2) pakinggan ang buhay niya. 9 Bawat utos na balakin kaya lamang pairalin kung kanya nang napaglining na sa bayan ay magaling. a. Ano ang ibig sabihin ng ‘napaglining’ sa T3? Ito ba ay (1) napag-isipan, (2) nabalitaan, (3) naipatupad. b. Laging iniisip ng hari ang (1) kagalingan ng bayan, (2) pag-uutos sa bayan, (3) pagpapairal ng batas. c. Sa palagay mo, ang haring tinutukoy rito ay __________ (mabuti o masama) kasi __________________.2. Nasa ibaba ang S22 mula “Kay Celia,” ang bahaging Paghahandog ng makata ng kanyangmahabang tulang Florante at Laura. Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ikaw na bulaklak niring dili-dili Celiang sagisag mo’y ang M.A.R. sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi ng tapat mong lingkod na si F.B. a. Sa koridong Ibong Adarna, ang korido ay nagsisimula sa isang panawagan sa ____________. b. Sa Florante at Laura, nananawagan din ang makata ngunit hindi sa Birhen kundi kay _________. c. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng Florante ay ____ samantalang sa Ibong Adarna, ang bilang ng mga pantig ay ____. d. Ang tugmaan sa Ibon ay a a a a, na may iisang tugma ang apat na taludtod; samantala, sa Florante, ang tugmaan ay _______ (pareho sa Ibon, di pareho sa Ibon). 20
Mga Sagot Mahal na Birheng Maria Mapagtangkilik1. Mayroon. Pahina 10.Saknong 5: (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng isasalaysay ng makata a. lahat ng naririto b. nagkakatipon c. pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay d. napag-isipanSaknong 6: kagalingan ng bayan mabuti, kasi laging nag-iisip ng kagalingan ng bayan. a. b. Mahal na Birhen c. Celia 12, 8Saknong 9: aaaa a. b. c.2. a. b. c. d.Sub-Aralin 2: Pagsusuri sa mga Tauhan: Kung Ugali ay MagandaLayunin Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging: • naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti) • nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan 21
Alamin Tatlong magkakapatid na prinsipe ang mga tauhan sa unang bahaging ito ng Ibong Adarna.Sinu-sino ang mga ito? Di ba sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan? Ang isa sa kanila ang bida. Mahulaan mo kaya kung sino, ngayon pa lamang? Ang panganaykaya, ang pangalawa, o ang bunso? Silang tatlo’y nagtamo ng tamang edukasyong angkop sa isang magiging hari. Naturuan dinsila ng wastong asal. Ngunit may pagkakaiba sila sa pagkatao, gaya ng makikita sa paglalarawan sakanila sa sumusunod na mga saknong. 14 Si Don Pedro ang panganay may tindig na pagkainam, gulang nito ay sinundan ni Don Diegong malumanay. 15 Ang pangatlo’y siyang bunso si Don Juan na ang puso’y sutlang kahit na mapugto ay puso ring may pagsuyo. 16 Anak na kung palayawa’y Sumikat na isang Araw, kaya higit kaninuman, sa ama ay siyang mahal. O ngayon, tiyak mo na kung sino ang bida sa tatlong magkakapatid? Sino ang pinakamahal ngama? Kung ang sagot mo’y si Don Juan, tama ka. Balikan mo ang saknong na nagsasaad nito.Tama, ito ay S16. Pero teka, tama ba naman iyong may paboritismo ang ama? Ano sa palagay mo? Kung ikawang paborito, okey lang, di ba? Paano kung hindi ikaw? Maging mainggitin ka kaya? Siyempre,hindi, dahil alam mong hindi tama ang maging mainggitin. Napansin mo rin ba na samantalang iisang saknong ang iniukol sa dalawang nakatatandangkapatid, dalawang saknong ang nakaukol kay Don Juan? Kasi, siya ang bida. Magpatuloy ka ng pagbabasa. Isang gabi, nanaginip ang Hari. Ang pinakamamahal daw niyang bunsong anak ay nililo atpinatay ng dalawang tampalasan. Mula noon, hindi na nakakain ang Hari hanggang sa manghina atmaratay. Ang tanging lunas: ang awit ng Ibong Adarna, isang mahiwagang ibon na ang napakatamisna awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Inutusan ang panganay na hanapin ang ibon. 22
Agad namang sumunod ang panganay. Ang laki ng responsibilidad ng isang panganay, di ba?Siya ang unang isinusuong sa panganib. Ngunit wala naman siyang tutol dahil mahal niya ang ama. Sa pag-akyat sa isang bundok, masamang kapalaran ang inabot niya: namatay ang kabayo niDon Pedro. Ano ang ginawa niya? Itinigil na ba niya ang paghahanap at umuwi na lamang? Hindi. Ipinagpatuloy niya ang paglalakbay hanggang makarating sa Bundok Tabor, at nakitaniya ang isang punong kumikinang. Sa tindi ng pagod, naupo siya sa ilalim nito at di namalayan angpagdating ng Ibong Adarna, na pagdapo sa sanga ng puno ay pitong beses na umawit at pitong besesding nagpalit ng balahibo. Hindi ito nasaksihan ni Don Pedro dahil tulog na tulog siya habangnagaganap ang magandang palabas. Kinulang kasi siya ng tiyaga sa paghihintay sa ibon. Kaya, anoang nangyari sa kanya? Matapos umawit, dumumi ang ibon at napatakan ang tulog pa ring prinsipe, na agad nagingbato. Si Don Diego naman ang naatasang maghanap sa ibon. Dumanas din ng hirap angpangalawang anak at namatay rin ang kabayo niya. Sa matinding pagod na di nakayanan kayanamatay ang kabayo. Ano ang ginawa ng pangalawang anak? Tama, ipinagpatuloy niya ang paghahanap hanggang sa wakas ay nakita niya ang makinangna punong Piedras Platas na tirahan ng Adarna. Nakita niya ang pagdating ng ibon. Agad siyangnagsabing: “Ikaw ngayo’y pasasaan/at di sa akin nang kamay.” (S102). Hindi magandang ugali ito, diba? Sabi nga, hindi mo pa dapat angkinin ang tagumpay hangga’t di mo pa hawak sa kamay. Sang-ayon ka ba? Kaya, ano ang nangyari kay Don Diego? Sa tamis ng awit ng ibon, nakatulog siya, napatakanng dumi nito, at naging bato tulad ni Don Diego. Kung si Don Pedro’y nagkulang sa tiyaga, kayaagad natulog di pa man humahapon ang Adarna, si Don Diego naman, sobra ang tiwala sa sarili perohindi napaglabanan ang antok nang marinig ang awit ng ibon. Si Don Juan naman ang naglakbay upang hanapin, hindi lamang ang ibong lunas sa sakit ngama, kundi pati ang dalawang nakatatandang kapatid. Ngunit iba si Don Juan sa dalawang nauna. Alam mo ba kung ano ang ikinaiba niya? Tingnan mo nga kung ganito rin ang naiisip mo. 1. Una, bago umalis si Don Juan, humingi ng bendisyon sa ama: 123 Si Don Jua’y lumuhod na sa haring may bagong dusa, “Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.” 23
Bakit mahalaga kay Don Juan ang bendisyon ng ama? Tama, dahil ito raw ang babauninniyang sandata. Di ba iyan ay tradisyong Pilipino, tanda ng pagkamagalangin sa matanda ng ating bidangprinsipe?. Ikaw rin ba’y sumusunod sa ugaling ito? 2. Hindi rin siya gumamit ng kabayo, sapagkat nakahanda siya sa malaking hirap, gaya ngnakasaad sa S126. 126 Di gumamit ng kabayo sa paglalakbay na ito, tumalaga nang totoo sa hirap na matatamo. 127 Matibay ang paniwalang di hamak magpakaaba, pag matapat ka sa nasa umaamo ang biyaya. Naniniwala siyang matatamo ang mithi kung talagang paghihirapan. Hanapin mo nga kungsaang mga taludtod nakasaad ang ideang ito. Tama ka kung T3-4 ang sagot mo. Ganito rin ba angpaniniwala mo? 3. Laging nagdarasal si Don Juan at di nakalilimot na humingi ng patnubay ng Birhen. 129 Habang kanyang binabagtas ang parang na malalawak sa puso ay nakalimbag ang Birheng Inang marilag. 130 Hinihinging patnubayan ang ulila niyang lagay, hirap ay mapagtiisan sa pag-ibig sa magulang. Ano ang hiningi niya? Di ba patnubay? Nag-iisa kasi siya sa gubat kaya sinabing “ang ulilaniyang lagay.” Kaugnay pa rin ng di nawawalang tiwala sa patnubay ng Diyos kaya sa tuwi-tuwina’ylumuluhod siya at nagdarasal. 24
135 Sinapit ding maginhawa ang landas na pasalunga; si Don Jua’y lumuhod na’t sa Birhe’y napakalara. 136 “Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan itong matarik na daan!” 137 Nang sa Birhe’y makatawag ay sandaling namanatag, kumai’t nagpasalamat sa Diyos, Haring mataas. Napansin mo ba, dahil sa pananalig sa Birhen, hindi nakaisip ng gutom ang prinsipe. 138 Sa baong limang tinapay ang natira’y isa na lang, di rin niya gunamgunam na sa gutom ay mamatay. Limang tinapay lamang ang baon ni Don Juan ngunit may natira pang isa makaraan ang apatna buwang paglalakbay. Samakatwid, isang tinapay lamang isang buwan ang ikinabuhay niya. Kapani-paniwala ba ito? Kababalaghan yata. Ang pagiging mapagkawanggawa ay pinatunayan ni Don Juan nang makakita siya ng isangmatandang leproso na humingi ng pagkain sa kanya. Ang mga leproso o ketongin ay pinakaiiwasannang mga panahong iyon sapagkat walang gamot sa ketong at pinaniniwalaan pang ito’ynakahahawa. Nandiri ba si Don Juan? Nahulaan mo. Hindi. Nilapitan ni Don Juan ang leproso at masayangibinigay rito ang natitira niyang tinapay. Naniniwala ka ba na ang mabuting gawa ay nagbubunga ng isa pa uling mabuting gawa?Napatunayan ito ni Don Juan. Paano? Dahil ang matandang nilimusan niya ang nagturo sa kanya saisang ermitanyo na nagpayo kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. Ngayon, basahin mo ang mga saknong na nagsasalaysay kung paano nahuli ni Don Juan angIbong Adarna. Upang hindi makatulog sa matamis na awit ng ibon, sinunod ni Don Juan ang payo ng 25
ermitanyo na tuwing matatapos ng isang awit ang ibon ay hiwain niya (ni Don Juan) ang daliri atpatakan ng dayap. Sa palagay mo ba’y makatutulong ito? Makirot na nga ang sugat, papatakan pa ng dayapAba, sa matinding sakit, makakatulog ba siya? Tiyak, hindi. Narito ang mga saknong tungkol sa paghuli sa Ibong Adarna. Tiyak na makatutulong sa iyongmabasa ang ilang piling saknong sa korido para mas mapahalagahan at maunawaan mo ang aralin.Ano ang ginawa ni Don Juan para mapawi 207 Napawi ang pag-aantokang antok? dahil sa tindi ng kirot;Ilang beses kumanta ang ibon? si Don Juan ay lumuhod, nagpasalamat sa Diyos. Ano ang ugali ng ibon bago matulog? 208 Pitong kanta nang malutas Ano ang hinintay ni Don Juan? nitong ibong sakdal-dilag, pito rin ang naging sugat Paano kung matulog ang Adarna? ni Don Juang nagpupuyat. 209 Ang ibon ay nagbawas na ugali pagtulog niya, sa Prinsipe nang makita’y inilagan kapagdaka. 210 Kaya hindi tinamaa’t naligtas sa kasawian, inantay nang mapahimlay ang Adarnang susunggaban. 211 Kung matulog ang Adarna ang pakpak ay nakabuka, dilat ang dalawang mata kaya’t gising ang kapara. 26
Nang tulog na ang ibon, ano ang ginawa ni 212 Nang si Prinsipeng matatap Don Juan? tulog ng ibo’y panatag, dahan-dahan nang umakyat Saan dinala ni Don Juan ang ibon? sa puno ng Piedras Platas.May ipinakuha ang ermitanyo kay Don Juan, 213 Agad niyang sinunggabanano ito? sa paa’y biglang tinangnanPara saan? at ginapos nang matibay ng sintas na gintong lantay. 214 Sa katuwaang tinamo halos di magkantututo, ang Adarna ay pinangko’t dinala sa Ermitanyo. 215 Magalak namang kinuha ang nahuli nang Adarna, at hinimas pang masaya nang ipasok na sa hawla. 216 Saka anang Ermitanyo: “Iyang banga ay kunin mo, madali ka at sa iyo’y merong iuutos ako. 217 “Punin mo ng tubig iya’t ang dalawang bato’y busan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalawang iyong mahal.” 218 Si Don Juan ay sumalok ng tubig na iniutos at sa batong nakapuntod dahan-dahang ibinuhos.Ano ang nangyari nang mabuhusan ng tubig 219 Si Don Pedro ay nagtindigang bato? at niyakap ang kapatid sa pagkadaop ng dibdib kapwa sila nananangis. 220 Isinunod si Don Diego na nang siya’y maging tao di mawari itong mundo kung ang dati o nabago. 27
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 452
Pages: