Modyul 2 Mga Ponema ng Filipino Tungkol saan ang modyul na ito? Mahal kong estudyante, maligayang bati ngayong nasa hayskul ka na. Tiyak, marami kangdati nang alam na ibig mong mapayaman pa ngayong nasa mas mataas na antas ng pag-aaral ka na. Napag-aralan mo na sa elementarya ang alfabeto at ang mga tunog na kinakatawan ng bawatletra nito. Alam mo na rin siguro na ang isang salita ay maaaring magbago ng kahulugan kapagnagkamali ka ng bigkas, halimbawa’y kung naging mabilis ang bigkas mo sa halip na mabagal. Okapag ang isang letra sa isang salita ay nawala o napalitan ng iba. Alam mo na rin ba na bawat salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog? Makahulugandahil maaaring magbago ang kahulugan ng isang salita kapag ang isang tunog ay nawala o kayanama’y napalitan ng iba. Ito ang tatalakayin sa modyul na ito: Ang mga makahulugang tunog o ponema. Maydalawang uri ito: Segmental at suprasegmental. O, huwag kang matakot sa mga salitang ito na parangmahirap intindihin. Maiintindihan mo ang ibig sabihin ng mga salitang iyan sa modyul na ito.Tatalakayin din dito ang mga diptonggo at klaster. Ano ang matututunan mo?? May maiikling tekstong narativ at expositori na babasahin mo sa modyul na ito upang magingdaluyan ng mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa iyong malinaw at mabisangpakikipagkomunikasyon. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul: 1. Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga • ponemang segmental • ponemang suprasegmental 1
2. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may • diptonggo • klaster 3. Natutukoy ang tiyak na uri ng teksto • narativ • ekspositori Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. 2
Ano na ba ang alam mo? Alam mo na ba kung ano ang ponema? Ang diptonggo? Ang klaster? Alam mo na banggamitin ang mga ito sa malinaw na pakikipag-usap? Alam mo ba kung ano ang tekstong narativ? Angexpositori? Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ngnilalaman ng modyul na ito. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap. 1. Ang ponema ay makahulugang tunog. 2. Ang dating Abakada ay may 20 letra. 3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino. 4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin 5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/. 6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa pagbaybay o ispeling ng salita. 7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo. 8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw. 9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin. 10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. 11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang may klaster. 12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr. 13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba: 3
• Hindi, akin ang kendi sa mesa. • Hindi akin ang kendi sa mesa.14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok2. bugh_ _ isa sa mga kulay3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga4. bal_ _ sira ulo5. bah_ _ tirahan6. tul_ _ pasok7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog8. suh_ _ suporta9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta10. ag_ _ dumi sa bahay11. sakl_ _ ginagamit ng pilay12. pil_ _ may baling buto13. il_ _ nagbibigay ng liwanag14. sis_ _ anak ng inahen15. dil_ _ isa sa mga kulayC. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue. 4
1. p _ asa liwasan2. k _ edito utang3. d _ ama dula4. p _ eso bilanggo5. t _ apo basahan6. p _ enda sangla7. p _ antsa pang-unat ng damit8. p _ ito luto sa mantika9. p _ ato pinggan10. g _ asya biyayaD. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado. Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP. 1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya. May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam. 2. Ang paso ay taniman ng halaman. Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon. 3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom. Siya, siya nga ang may sala. 4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako. Masustansya ang ensaladsang pako. 5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan. Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa. 5
E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi. 1. Bukas, luluhod ang mga tala. Bukas luluhod ang mga tala. 2. Aalis kami, bukas. Aalis kami bukas. 3. Bukas kami aalis. Bukas, aalis kami. 4. Hindi, umuulan. Hindi umuulan. 5. Kahapon? Kahapon.F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot. 1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito: a. tagpuan, tauhan, banghay b. dayalog, buod, tagapagsalaysay c. sukat, tugma, persona 2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento: a. balagtasan b. talumpati c. maikling kwento 3. Ang tekstong expositori ay __________. a. nangangatwiran b. naglalarawan c. nagpapaliwanag 4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________. a. magbigay-impormasyon b. manghikayat c. magbigay-kasiyahan 5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________. a. magbigay-kasiyahan b. magbigay-impormasyon c. manghikayat 6
Mahal kong estudyante, kung tapos mo na itong sagutan, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kungnasagot mo nang tama ang 49 aytem pataas, hindi mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito.Maaari ka nang magtuloy sa Modyul 3. Pero kung wala pang 49 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1: Mga Ponemang Segmental at SuprasegmentalLayunin:Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan: 1. nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng: • ponemang segmental • ponemang suprasegmental 2. natutukoy ang tiyak na uri ng teksto • narativAlamin Natatandaan mo pa ba ang dati mong mga aralin tungkol sa heograpiya ng ating bansa? AngPilipinas ay isang arkipelago, di ba? Ibig sabihin, binubuo ito ng maraming isla. Ilan nga bang islaang bumubuo sa Pilipinas? Tama, pitong libo sandaang (7,100) malalaki at maliliit na isla. Maramingilog at dagat sa Pilipinas; marami ring bundok at bulkan. Sa kabundukan ng Cordillera sa katimugan ng islang Luzon, naninirahan ang mga Kalinga.Kung may mapa ka, tingnan kung nasaan ito. Ang mga Kalinga, tulad din ng mga Ibaloy at Ifugao ay tinatawag ding mga Igorot. Ito angkaraniwang tawag sa kanila sa pangkalahatan. Ang i- sa kanilang mga wika ay nangangahulugang“taga-” o “naninirahan sa.” Ang ibig sabihin naman ng gorot ay “langit.” Kaya, ang salitang “Igorot”ay nangangahulugang “tagalangit.” Ngunit ayaw nilang tinatawag na Igorot. Mas gusto nilang tawaging Kalinga, Apayao, Ibaloyo Ifugao. 7
Naiiba ang kanilang kultura – pananamit, mga paniniwala, paninindigan. Natatangi rin angkanilang taniman – ang tinatawag na “hagdan-hagdang palayan,” o payaw sa kanilang wika. Ito’y isasa mga kababalaghan ng daigdig. Kaya sa ano mang paraan ay ibig nilang ipagtanggol ang pamanangito ng kanilang mga ninuno. Basahin ang kwento kung paanong nagawang ipagtanggol ng mga kababaihan ang kanilanglupaing ninuno. Kabayanihan ng Kababaihan 1 Hindi maaaring magkamali si Daniway. Boses ng kanyang ina ang narinig niya. Tinatawag siya at ang iba pang mga kababaihan. Ibig sabihin, may dumating na namang mga sundalo at mga kagamitan. Igigiit pa rin nila ang tangkang pagkamkam sa lupaing ninuno, naisip ni Daniway. 2 Dekada ’70 noon. Plano ng rehimeng Marcos na magtayo ng apat na dam sa kahabaan ng Ilog Chico sa bayan ng mga Kalinga. Haharangin ng dam ang daloy ng ilog at palulubugin nito ang mga payaw, gubat at tahanan pati na ang libingan ng mga ninuno sa maraming baryo. Ganito ang ginawa noon sa itinayong dam sa katimugang Cordillera. Ang mga naninirahan doong Ibaloy ay pinaalis sa kanilang mga tahanan at lupaing ninuno. 3 Ayaw ng mga Kalinga na maparis sa mga kapatid na Ibaloy. Nagkawatak-watak ang mga ito nang ilipat sa mga lugar na walang mapagsasakahan at malayo sa tubig. Ang iba’y dinala sa isang isla kung saan laganap ang malarya. 4 Lumiham ang mga Kalinga sa noo’y Pangulong Ferdinand Marcos. Ngunit hindi ito sumagot. Nang dumating ang mga magtatayo ng dam, kasama ang maraming sundalo, nagbarikada ang mga Kalinga. Nang magtayo ng kampo ang mga sundalo, binaklas ng mga tao ang mga tolda at nagmartsa papuntang bayan para ibalik sa kampo ng militar ang mga tolda. 5 Hindi napigilan ni Daniway ang mapaluha nang maalala kung paanong inaresto at ikinulong ang kanilang mga kalalakihan. Dinukot at pinatay ang kanilang mga lider. Isa na rito si Macli-ing Dulag. 6 Ngayo’y nasa kamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno. Hindi sila pagagapi. Napagkasunduan nilang isa sa kanila ang patuloy na magbabantay sa ilog kahit sa kalaliman ng gabi. Kung may magtatangkang simulan ang proyekto, ang nakabantay ay agad sisigaw at lahat ay hihinto sa ano mang gawain nila upang pigilan ang pagtatayo ng dam. 7 Kaya’t nang marinig ni Daniway ang tinig ng ina, sumigaw din siya bilang babala sa ibang kababaihan na magpunta na sa ilog. Hugos ang lahat ng babae sa ilog. Naabutan nila ang mga manggagawa at sundalo na nagpapasok ng mga kagamitan. 8
8 Nahiga ang mga babae sa daan upang harangan ang mga dumating. Ngunit ayaw papigil ang mga lalaki. Ano ang magagawa ng mahinang kababaihan? 9 Isang matandang babae ang biglang naghubad ng kanyang saplot at umindak. Isa-isa, sumunod ang lahat ng babaeng naroon. Naghubad din sila ng saplot at sama-sama, sabay- sabay na umindak sa harap ng natulalang mga lalaki. 10 Malamig ang hangin ng madaling-araw, nanunuot sa kanilang mga hubad na katawan. Ngunit kailangang ipagtanggol ang lupaing ninuno. Patuloy silang umindak sa saliw ng huni ng mga bundok. Sa indak ng kanilang mga paa at kumpas ng mga kamay, ipinahayag nila ang pasasalamat kapag anihan, ang paghingi ng biyaya kapag taniman. Sama-sama, sabay- sabay sila sa sayaw na ipinamana ng mga ninuno. 11 Napahiya ang mga sundalo at mga manggagawa. Nakayukong lumisan ang mga ito. 12 Nagbunyi ang mga kababaihan. Alam ni Daniway, unang yugto pa lamang ang naipagwagi nila. Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang munting tagumpay. - Aurora E. BatnagLinangin Naibigan mo ba ang kwentong binasa mo? May ilan bang salitang ibig mong linawin angkahulugan, gaya ng mga sumusunod: • payaw – taniman ng palay na parang hagdan • pagkamkam – pag-angkin o pagkuha sa ari-ariang di iyo • saplot – kasuotan, damit • nagbunyi – nagdiwang, nagsaya • binaklas – sinira • saliw – tugtog na kasama ng awit • sayaw – pag-indak sa saliw ng musika Pansinin mo ang tatlong huling salita: • binaklas • saliw • sayaw 9
Subuking alisin ang huling tunog sa binaklas. Ano ang huling tunog na ito, di ba /s/? Ano angnabuo? Binakla, di ba? Nagbago ba ng kahulugan ang salita nang alisin mo ang huling tunog na s?Nagbago nga, tama ka. Ano ba ang ibig sabihin ng binakla? Ito’y nangangahulugang natakot, o nag-alinlangan.Ibang-iba na ang kahulugan, isang tunog lamang ang inalis. Subukin mo ring gawin ang pag-aalis ng isang tunog sa saliw at sayaw. 1. saliw - alisin ang /w/ = sali 2. sayaw – alisin ang /w/ = saya 3. saliw – alisin ang /s/ = aliw 4. sayaw – alisin ang /s/ = ayaw O, nakabuo ka ng ibang mga salita nang magbawas ka ng mga tunog, di ba? Nang mabawasanng tunog, nagbago rin ng kahulugan ang salita. Bakit kaya? Sapagkat ang mga salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog na tinatawagna ponema. Bakit makahulugan? Dahil kapag inalis o pinalitan ang isang ponema, nagkakaroon ngpagbabago sa kahulugan ng salita. Di ba napatunayan mo iyan sa mga halimbawang nabanggit? May dalawang uri ng ponema: • segmental • suprasegmental Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang(21) ponema. Sa dating Abakada na may 20 letra, bawat titik ay kumkatawan sa isang makahulugangtunog o ponema. Ang pang-21 tunog, na di makikita sa pagbaybay o ispeling ng mga salita, ay angimpit na tunog. Ito ang tunog sa dulo ng mga salitang tulad ng bata, baba, bansa, banta. Ang impit na tunog ang nagpapaiba sa kahulugan ng salitang /batah/ na katumbas ng robe saIngles. Kapag ipinalit ang /’/ sa /h/ - /bata’/ ang katumbas na nito sa Ingles ay child. Ngayong 28 letra na ang bumubuo sa Alfabetong Filipino, 21 pa rin ang mga ponema, hindi28. Alam mo ba kung bakit? Sapagkat magkaiba ang letra at tunog. Ang letrang f, halimbawa, nasimula ng salitang Filipino, ay nasa alfabeto. Pero may kinakatawan ba itong makahulugang tunog?May kaibhan ba ang kafe sa kape? Iisang bagay pa rin ang tinutukoy maging ang bigkas ay /kafe/ o/kape/. Samakatwid, sa ngayon, hindi pa makahulugang tunog ang /f/ bagamat ang letrang f ay nasaalfabeto. 10
Malinaw ba?Pansinin na ang mga ponema ay kinukulong sa dalawang pahilis na guhit: / /. Ilan, muli, ang mga ponemang segmental sa wikang Filipino? Tama, dalawampu’t isa. Lima(5) ang ponemang patinig: /a, e, i, o, u/. Labing-anim (16) naman ang ponemang katinig: p, t, k, b, d, g, m, n, ŋ, h, l, r, s, w, y at (?)oimpit na tunog sa dulo ng salita. Bakit ponemang segmental ang tawag sa mga makahulugang tunog na bumubuo sa mgasalita? Ito’y dahil bawat tunog ay isang segment o bahagi ng salita. Para makabuo ng isang salita,pinagdudugtung-dugtong ang mga tunog.Basahin ang sumusunod na salita: laban.Ilan ang mga letra ng salita? Tama, lima. Ilang tunog ang kumakatawan sa limang letrang iyan? Kung lima ang sagot mo, tama ka.Mga tunog na /l, a, b, a, n/.Sige, kumpeltohin mo nga ang tsart sa ibaba: Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog1. kwintas2. baba (chin sa Ingles)3. pintas4. salapi5. gamutGanito ba ang sagot mo? Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog1. kwintas 7 72. baba (chin sa Ingles) 4 53. pintas 6 64. salapi 6 75. gamut 5 5 Lima ang tunog ng salitang baba dahil may impit na tunog ito sa huli. Gayundin, may impitna tunog sa huli ang salitang salapi. 11
Ngayong maliwanag na sa iyo ang ponemang segmental, dumako naman tayo sa ponemangsuprasegmental. Apat ang ponemang suprasegmental sa Filipino: • tono – taas-baba ng bigkas sa pantig ng isang salita • haba – haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig • diin – lakas ng bigkas ng pantig • antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita Mga halimbawa: Tono. Bigkasin mo sa sarili ang mga pangungusap sa ibaba: 1. Kahapon? 2. Kahapon. Paano mo binigkas ang Pangungusap Blg. 1? Tama kung may pataas na tono sa hulihan.May tandang pananong kasi ito. Paano naman ang Pangungusap Blg. 2. Di ba, pababa naman ang tono sa dulo? Ano ang ipinapahayag sa Blg. 1? Nagtatanong, di ba? Maaari ring pagdududa sa narinig. Ano naman ang mensahe ng Blg. 2? Hindi ito nagtatanong. Hindi rin nagdududa. Ito’ykompirmasyon. O kaya’y pagsang-ayon. Maaaring sagot sa tanong sa Blg. 1. Magkaiba ng kahulugan ang 1 at 2, kung gayon. Bakit naging magkaiba ng kahulugan? Di badahil sa magkaibang tono ng pagbigkas? Samakatwid, makahulugan ang tono sapagkat nagpapabagosa kahulugan ng pahayag. Haba at diin. Ano ang nasabi na tungkol sa haba? Ito ay haba ng pagbigkas sa patinig ngpantig. Ang diin naman? Tama, ito ang lakas ng bigkas sa pantig ng isang salita. Ang tono, haba at diin ay karaniwang nagkakasama-sama sa pagbigkas ng isang pantig ngsalita. Balikan ang salitang kahapon. Tatlong pantig mayroon ito: 1. ka 2. ha 3. pon Alin, sa tatlong pantig na ito, ang binibigkas nang mas mataas ang tono at mas malakas? 12
Tama, ang pantig na ha. Alin namang patinig ang mas pinahahaba? Di ba ang ha din? Subukin mong bigkasin sa sarili ang salitang kahapon na ang tono, haba at diin ay nasapantig na ka. Mali na ang bigkas mo, di ba? Kapag nagkagayon, baka hindi ka na maintindihan ngkausap mo. Heto pa ang ibang halimbawa ng haba at diin. Pag-aralan ang mga pares ng salita. Bigkasinayon sa diin o haba. (Ang tuldok (.) pagkatapos ng patinig ay nangangahulugan ng pagpapahaba ng patinig nasinusundan nito.) 1. /bu.hay/ (life) at /buháy/ (alive) 2. /sa.ya/ (skirt) at /sayá/ (joy) 3. /sa.kit/ (suffering) at /sakít/ (illness) 4. /ba.ka/ (cow) at /baká/ (maybe) 5. /magsa.sa.ka/ (will farm) at /magsasaká/ (farmer) 6. /kasa.ma/ (companion) at /kasamá/ (tenant) Malinaw na ba? Kung hindi pa, balik-balikan mo ang aralin. Huwag kang mag-alala. Maymga pagsasanay na kasunod para mailapat mo ang iyong matututuhan. Antala. May nasabi na tungkol dito. Tama, ito ang sandaling pagtigil sa pagsasalita.Nakapagpapabago ng kahulugan ang antala. Ang totoo, magkakalituhan kayo ng kausap mo kapaghindi mo nagamit nang wasto ang antala sa iyong pagsasalita. Heto ang isang anekdota. Tinanong ng hukom ang nasasakdal: Hukom: Ikaw ba ang pumatay? Nasasakdal: Hindi, ako! Kung ikaw ang hukom sa anekdotang ito, hindi ka rin kaya malito? Baka hatulan mo tuloy ngbitay ang nasasakdal. Kasi, tumanggi ang nasasakdal nang sabihin niyang “Hindi.” Pero umaminnaman nang sabihing “ako!” Ano ang tamang bigkas? Para malinaw ang pagtanggi, dapat ay tuluy-tuloy ang pagsasalita ngnasasakdal: “Hindi ako!” Tama ang obserbasyon mo: dapat ay walang antala. 13
Samakatwid, ang pagkakaroon ng antala sa pangungusap ay maaaring magdagdag ngkahulugang hindi intensyon ng nagsasalita. Heto pa ang isang pares ng pahayag. Suriin mo: a. Namasyal sina Juan, Carlo, Pat at Percy. b. Namasyal sina Juan Carlo, Pat at Percy. Ilang tao ang namasyal sa a? Tama, apat. E, sa b? Tatlo lang dahil isang tao lang si JuanCarlo ‘di ba? O, malinaw na ba ang kahalagahan ng antala sa mabisang pakikipagkomunikasyon?Magagamit mo na ba nang mabisa ang mga ponemang segmental at suprasegmental? Ngayon, balikan mo ang kawili-wiling kwento kung paanong ipinagtanggol ng mgakababaihan ang kanilang lupaing ninuno. Ito ay halimbawa ng tekstong narativ. Ano ba ang narativ? Ang narativ ay ang uri ng teksto na nagsasalaysay o nag-uulat ng mga pangyayari. Angpangunahing layunin nito ay magbigay-kasiyahan sa mga mambabasa. Paano? Di ba, bilangmambabasa, kawili-wili para sa iyo na malaman ang mga pangyayaring kinasangkutan ng ibang tao?Ang kanilang mga pakikipagsapalaran, ang pagharap nila sa buhay, ang pang-araw-araw na mgadramang nagaganap sa buhay. Pero di ba, ang kawili-wiling kwento ay iyong parang buhay na buhay ang pagkukwento?Hindi iyong parang balita lamang ang binabasa mo. Mas maganda iyong parang nagaganap sa harapmo ang mga pangyayari. Sang-ayon ka ba? Kaya may teknik para sa mabisang narativ. Tatlong elemento ang kailangan para magingbuhay at kawili-wili ang tekstong narativ. Ano ang tatlong ito? • Tagpuan. Ang tinutukoy rito’y ang lugar at panahon nang maganap ang pangyayari. • Tauhan. Ito ang mga gumaganap sa kwento. • Banghay. Ito ang balangkas ng mga pangyayari. Ang mga maikling kwento, pabula, kwentong bayan – ay ang mga halimbawa ng tekstongnarativ. Ang tagpuan, tauhan at banghay ng “Kabayanihan ng Kababaihan.” Tingnan mo nga kungkaya mong talakayin ang tatlong elemento ng kwentong kababasa mo pa lamang. Ano ang tagpuan sa kwento? Ang ibig sabihin nito ay kung saan at kailan naganap ang mgapangyayari. Di ba sa bayan ng mga Kalinga, sa Cordillera? Kailan? Kung noong Dekada ’70 angsagot mo, tama ka. 14
Matutukoy mo ba ang talataang nagsasaad ng tagpuan ng kwento? Tama, ang talatataan 2.May tiyak na oras bang binanggit? Madaling-araw, di ba? Hanapin mo nga ang talataang nagsasaadnito. Tama, sa talataan 10 ay isinasaad ang ganito: “Malamig ang hangin ng madaling-araw…” Inulitpa ito sa huling pangungusap: “Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang muntingtagumpay.” Ang tauhan naman? Sino ang pangunahing tauhan? May pangalan siya, di ba? Si Daniway.Isang babae. Anong bahagi ang nagsasabing babae siya? Tiniyak ito sa talataan 6: “Ngayo’y nasakamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno.” Tingnan mo naman ang banghay o ang takbo ng mga pangyayari. Simple lamang , di ba? Angbuong kwento ay nagsimula at natapos isang madaling-araw. Isa-isahin natin ang mga pangyayari. 1. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila 2. Nahiga sila sa lupa. 3. Nagbunyi ang mga kababaihan 4. Humugos ang mga kababaihan sa ilog. 5. Napilitang umalis ang mga lalaki 6. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan. 7. Ayaw papigil ng mga lalaki. 8. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina. Ganito ba ang sagot mo? 1. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina. 2. Humugos ang mga kababaihan sa ilog. 3. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan. 4. Nahiga sila sa lupa. 5. Ayaw papigil ng mga lalaki. 6. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila 7. Napilitang umalis ang mga lalaki 8. Nagbunyi ang mga kababaihan Gusto mo bang malaman kung natuloy ang proyektong pagtatayo ng dam? Ibang kwento naiyan. Kung ibig mo’y saliksikin mo sa mga pahina ng kasaysayan. Ano ba ang kahalagahan ng dam? Sa wikang Kastila, ito ay prinsa. Prinsa rin ang tawag ditosa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinipigil ng dam ang daloy ng tubig para manatili na lamang ito saisang lugar. Sa kwentong binasa mo, ang dam ay magpapalubog sa mga payaw at lupaing ninuno. Para sa mga Kalinga at mga kapatid nilang etnikong grupo sa Cordillera, mahalaga anglupaing ninuno at ang pagpapanatili ng mga paniniwala at kaugalian. Kung minsan, ang pag-unlad aydapat ding magsaalang-alang sa mga kinagisnang kaugalian at paniniwala. Sang-ayon ka ba? 15
GamitinNgayon, ilapat mo nga ang mga natutuhan mo.Ano ang ibig sabihin ng ponema? Kung ang sagot mo ay “makahulugang tunog,” tama ka. Bakit makahulugan? Kasi, magbabago ng kahulugan ang isang salita kung ang isang tunogdito ay mawawala o mapapalitan. Nasa ibaba ang ilang piling salita at ang katumbas sa Ingles. Subukin mong palitan ang isangtunog sa mga ito:1. bata ‘child’2. aso ‘dog’3. lipad ‘fly’4. ubas ‘grape’Ano ang mga posibleng sagot?1. bata – bato, baso, bota, baba, bara, atb.2. aso – asa, laso, baso, paso, kaso, atb,3. lipad – lipat, lipas4. ubas – ubos, lubos (Ang pinalitan ng tunog na /l/ ay ang impit na tunog na /’/ sa unahan ng salitang ubas. Mayroon ding mga salitang nagkakaiba ng kahulugan dahil sa impit na tunog. May maitatalaka bang mga halimbawa? Nasa ibaba ang ilan:1. tu.bo ‘tube’ tu.bò ‘profit’2. ba.ga ‘ember’ ba.gà ‘lung’3. ba.ta ‘bathrobe’ ba.tà ‘child’4. pa.to ‘goose’ pa.tò ‘stone used in a game’ May mga salitang kapwa may impit na tunog sa dulo pero ang isa ay mabagal ang bigkassamantalang ang isa naman ay mabilis. Samakatwid, may pagpapahaba sa patinig na a sa unangpantig ang mga salita sa kaliwang kolum. Walang pagpapahaba ang patinig sa unang pantig sa kolumsa kanan.1. pa.sò ‘burn’ pasô ‘flower pot’2. ba.gà ‘lung’ bagâ ‘tumor’ Subukin mo pa nga ang nalalaman mo. Alin ang tama sa dalawang salitang nakakulong sapanaklong. Isulat mo ang angkop na salita sa sagutang papel. 16
1. Matinding (sa.kit, sakít) ang nadama niya nang lumisan ang boypren niya. 2. (Sa.kit, sakít) sa puso ang ikinamatay ng pasyente. 3. Ang tuberkulosis ay sakit sa (ba.gà, ba.ga). 4. Mahirap na talaga ang (bu.hay, buháy) ngayon; pati basura ay kinakain na mabuhay lamang.Ano ang mga sagot mo? Kung ganito, tama ka: 1. sa.kit 2. sakít 3. ba.gà 4. bu.hayMaipapaliwanag mo ba ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga pangungusap sa ibaba? 1. Bukas, lilipad ang mga astronaut. 2. Bukas lilipad ang mga astronaut.Ano ang sagot mo? Tama ka kung ang sagot mo ay ganito: Pangungusap Blg. 1: Sinasabi rito ang araw kung kailan lilipad ang mga astronaut. Pangungusap Blg. 2: Sa pangungusap na ito, sinasabi rin ang araw kung kailan lilipad ang mga astronaut pero may dagdag na impormasyon na “bukas ang lipad, hindi sa ibang araw.”Ibigay mo naman ngayon ang pagkakaiba sa kahulugan ng tatlong pangungusap sa ibaba. 1. Hindi ako siya. 2. Hindi, ako siya. 3. Hindi ako, siya.Ganito ba ang nabuo mong sagot? 1. Ako ay iba. Iba rin siya. Ako ay hindi siya. 2. Hindi (pagtanggi). Ako ay siya rin. 3. Siya, at hindi ako… (ang tinutukoy, o ang binabanggit).Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang mga natalakay sa sub-araling ito? Upang maging mas malinaw,narito ang mga pangunahing puntos na inilahad sa anyong Tanong at Sagot. 1. Ano ang ponema? Ito ay makahulugang tunog. 2. Bakit makahulugan? Sapagkat nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag ito ay nawala sa salita o napalitan ng iba. 17
3. Ilan ang ponemang segmental sa wikang Filipino? Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang Filipino ay may 21 ponema: 5 ponemang patinig at 16 ponemang katinig. 4. Anu-ano ang mga ponemang suprasegmental sa Filipino: Tono, haba, diin at antala. 5. Bakit itinuturing na mga ponema ang mga ito? Dahil nagkakaroon ng pagbabago ng kahulugan kapag nawala ang mga ito sa pahayag. 6. Ano ang tekstong narativ? Ito ay tekstong nagsasalaysay o nag-uulat ng pangyayari. 7. Ano ang mga elemento ng narativ? Tagpuan, tauhan at banghay. 8. Ano ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan”? Sa Kalinga, Dekada ’70. 9. Sino ang mga tauhan? Si Daniway at ang iba pang mga kababaihang Kalinga. 10. Isalaysay ang banghay ng nasabing kwento. Pumunta ang mga kababaihan sa ilog upang hadlangan ang pagpapasok ng mga kagamitan sa itatayong dam. Napilitang umalis ang mga sundalo at manggagawa nang maghubad ang mga kababaihan at magsayaw sa harap nila. Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito? Kung gayon, handa ka na ba saisang pagsubok?Subukin 1. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga ponemang segmental na nakapagpapabago sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng salita: a. bansa at banta b. basa at pasa c. bala at pala d. bara at para e. lasa at tasa f. laso at lasa g. mesa at misa h. oso at uso 2. Isulat sa iyong sagutang papel ang Pataas kung may pataas na tono ang pangungusap sa ibaba. Isulat naman ang Pababa kung pababa ang tono. a. Bukas? b. Bukas. c. Kaya? d. Kaya. 3. Isulat sa iyong sagutang papel ang pagkakaiba sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng pangungusap. a. Hindi, siya. Hindi siya. b. Ako ba? Ako, ba. c. Kung hindi, ako siya. Kung hindi ako, siya. 18
d. Sugod? Sugod!e. Aalis siya? Aalis siya.4. Sagutin ang mga tanong: a. Kailan at saan naganap ang pangyayaring isinalaysay sa “Kabayanihan ng Kababaihan”? b. Sino ang mga tauhan? c. Nagtagumpay ba ang mga kababaihan na mapigil ang pagtatayo ng dam sa kanilang ilog? d. Bakit nila tinutulan ang pagkakaroon ng dam sa Ilog Chico? Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Dalawampu’t isang (21) aytem ang tanong.Ihambing mo ang iyong sagot sa sumusunod:1. a. s at t e. l at t b. b at p f. o at a c. b at p g. e at i d. b at p h. o at u2. a. Pataas b. Pababa c. Pataas d. Pababa3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya). Pagtanggi na siya ang sangkot. b. Nagtatanong Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong. c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin. Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy) d. Nagtatanong. Nag-uutos. e. Nagtatanong. Tumitiyak.4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70 b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga c. Oo. d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw. Magkakawatak-watak ang mga Kalinga. 19
Kung nasagot mo ang 18 tanong pataas, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod nabahagi, ang Paunlarin.Paunlarin Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.1. Anong mga ponemang segmental ang nakapagpapabago sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng salita? a. para at pata b. paso at pasa c. baso at basa d. uso at oso e. pila at pita2. Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salita sa ibaba. a. Ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan” ay isang ___________ noong Dekada ’70. b. Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si ______________. c. Ang etnikong grupong tumutol sa pagtatayo ng dam sa Ilog Chico ay _________. d. Napaalis ng mga kababaihan ang mga sundalo at manggagawa nang sabay-sabay silang magsayaw nang _________ sa harap ng natulalang mga lalaki. e. Ang ponema ay _________ tunog.Daniway Marcos hubad makahulugang madaling-araw KalingaTama kaya ang mga sagot mo? Ihambing mo sa mga sumusunod.Tanong Blg. 1: a. r at t b. o at a c. o at a d. u at o e. l at tTanong Blg. 2 a. madaling-araw 20
b. Marcosc. Kalingad. Hubade. makahulugangSub-Aralin 2: Ang mga DiptonggoLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nagagamit nang wasto ang mgasalitang may diptonggoAlamin May mga nagsasabing hindi maisasabatas ang wika. Batay ito sa paniniwalang dila ng tao angnagdidikta ng gamit ng wika kaya hindi kailangan ang batas kaugnay ng wika. Ngunit sa Pilipinas,may patunay na oo, maaaring magpasa ng batas na magtataguyod sa wika, partikular sa pambansangwika. Basahin ang probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987: Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV Wika Sek 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito aydapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mgawika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ngKongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ngPilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. 21
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin samga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa nabinubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap atpagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.Linangin Napansin mo ba ang mga salitang italisado sa itaas? Halimbawa ito ng mga salitang maydiptonggo. Basahin mong muli, may, batay, kaugnay, patunay, mag-uugnay. Ano ba ang diptonggo? Ang diptonggo ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alinmang patinig na sinusundan ng alin sa dalawa: w o y. Ano nga ba ang patinig? Lima ang patinig saFilipino, di ba? Anu-ano ang mga ito? /a, e, i, o, u/. Alin man sa limang ito, kapag sinundan ng alin sa w o y ay nakabubuo ng diptonggo.Samakatwid, ilan ang diptonggo sa Filipino? Tama ka kung pito (7) ang sagot mo. Anu-ano ang mga ito? Diptonggo Halimbawa • aw sitaw • iw aliw • iy kami’y (pinaikling kami at ay) • ey reyna • ay kaugnay • oy kahoy • uy aruy 22
Matutukoy mo na ba ang mga salitang may diptonggo? Basahin ang maikling talataan saibaba: “Mga Kulay at Simoy ng Hunyo” Aurora E. Batnag Sa akin, iba ang kulay ng Hunyo. Natatangi sa lahat ng buwan ang simoy ng Hunyo. Kapag Hunyo, parang nakakiling ang araw. Parang laging uulan pero hindi naman tumutuloy. At dahil Hunyo ang pasukan sa mga eskwela, pinananabikan kong muling makita ang iba’t ibang kulay sa paaralan – ang mga pulang gumamela sa tulay sa gulayan, ang mga dilaw na santan sa malapit sa tagdan, ang puti at rosas na bouganvillea pagdungaw sa bintana ng aming mga silid-aralan. Itala sa iyong sagutang papel ang lahat ng salitang may diptonggo. Salungguhitan angdiptonggo. Ilan ang naitala mo? Tingnan mo nga kung naitala mong lahat ang mga salitang ito: • kulay (2x) • simoy • araw • tumutuloy • tulay • dilaw • pagdungaw Malinaw na ba sa iyo ang diptonggo?Gamitin Napansin mo ba na laging nasa hulihan ng salita ang diptonggo? Ano kaya ang mangyayarikapag dinugtungan ang salitang may diptonggo? Kapag dinugtungan ito ng hulapi? Subukin mo ngang lagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo. Isulat sa iyongsagutang papel ang salitang mabubuo kapag nilagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo nanasa itaas. Anong mga salita ang nabuo mo? Ganito rin ba: • kulayan 23
• arawan • tuluyan • tulayin • dilawan • dungawin May diptonggo pa rin ba sa mga salitang iyan? Kung wala ang sagot mo, tama ka.Kung oo ang isinagot mo, kailangan sigurong balikan mo pa ang naunang talakay tungkol sadiptonggo. Ano nga ba ang diptonggo? Di ba ito ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin mangpatinig (a, e, i, o, u) at alin man sa w o y. Para maging mas malinaw, subukin mo ngang pantigin (o hatiin sa mga pantig) ang mga salitasa itaas. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang pagpapantig ng mga salita sa itaas. Gamitin mo angtuldok (.) para paghiwalayin ang mga pantig. Ganito ba ang naging sagot mo? 1. kulayan – ku.la.yan 2. arawan – a.ra.wan 3. tuluyan – tu.lu.yan 4. tulayin – tu.la.yin 5. dilawan – di.la.wan 6. dungawin – du.nga.win May nakita ka bang diptonggo? Wala, di ba? Ano ang nangyari sa diptonggo na nasa mga salitang pinaghanguan ng Blg. 1-6sa itaas? Dahil sa pagpapantig ng salita, ang w o y ay naisama na sa kasunod na pantig. Anu-ano ang mga pantig ng salitang kulayan, halimbawa? Di ba ganito: • ku • la • yan Hindi na w o y ang huling tunog salita. Samakatwid, walang diptonggo kapag nilagyan nghulapi ang salitang may diptonggo. Bakit naging ganito? Dahil ang hulihang w o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig, ang hulapi. Kitang-kita iyan nang pantigin ang mga salita, di ba? Hindi na magkasama sa pangalawang pantig angnauunang patinig at ang w o y . Mas malinaw na siguro ngayon, ano? Narito pa ang dagdag na mga tanong para mas magingsanay ka sa diptonggo. O, sanay ka na ha? Di ba may diptonggo ang salitang iyan? Tama, ay angdiptonggo. 24
Punan ang mga patlang sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutangpapel Sa ibaba ng iyong sagot, isulat ang mga salitang may diptonggo mula sa mga tanong pati saiyong mga sagot. Salungguhitan ang diptonggo. 1. May patunay na pwedeng magpasa ng batas kaugnay ng pambansang wika. Mababanggit ang Konstitusyong 1987 na may probisyon para sa pagpapaunlad ng pambansang wika. 2. Ayon sa Konstitusyong 1987, ang wikang Filipino ay magiging midyum ng opisyal na ________ at wika ng ________ sa sistemang pang-edukasyon. 3. Ayon sa Sek. _ ng Konstitusyong 1987, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. 4. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng ______ at sa iba pang mga ____. 5. Ayon naman sa Sek. 7, “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at _________. 6. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at ______. 7. Isinasaad sa Sek. 9 na dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga ____.Tama ba ang iyong mga sagot? Tingnan mo nga kung ganito rin ang naging mga sagot mo:Sagot sa tanong Salitang may diptonggo1. walang tanong may (2x), kaugnay2. komunikasyon, pagtuturo wala3. 6 ay4. Pilipinas, wika ay5. Ingles ay6. Ingles ay7. wika mag-uugnayLagumin 25
Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang diptonggo. Upang maging mas malinaw pa, naritoang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito: 1. Ang diptonggo ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i, o, u/ at alin man sa w o y. 2. Pito (7) ang diptonggo sa wikang Filipino. Ito ay iw, iy, ey, aw, ay, uy, oy. 3. Kapag hinulapian ang salitang may diptonggo, nawawala ang diptonggo dahil ang w o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig. Ngayon, handa ka na ba sa pagsubok?Subukin Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Isulat ng mga sagot sa iyong sagutang 4. papel. 5. a. Ang ________ ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i, o, u/ at alin man sa w o y. 6. b. May diptonggo ang mga salitang may alin man sa mga sumusunod na tunog sa hulihan: (i) __ (ii) __ (iii) __ (iv) __ (v) __ (vi) __ at (vii) __. Piliin sa mga salita sa ibaba ang mga salitang may diptonggo. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. tunay saysay kulay simoy tuloy suklay duklay saway halimaw baliw reyna mayroon magiliw bistay bilog suhayan pantigin maysakit aliw-iw biya kawayan pantayan aliwan buhayin May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang gamitin ang mga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit sa mga patlang. a. May _______ kung ito ay may kabuluhan b. Ang _______ ay ginagamit na pang-ayos ng buhok. c. Ang _________ ay dapat bigyan ng gamot. 26
d. Kapag ______ ka sa isang tao, ibig sabihin ay may pagmamahal sa iyong kilos.e. Ang _______ ay bilog at may maliliit na butas.f. Ang ______ ay ginang ng hari.suklay suklay bistay magiliwreyna saysay maysakitNarito ang Susi sa Pagwawasto. Tsekan mo nang matapat ang iyong mga sagot.1. a. diptonggo b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw, reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw3. a. saysay b. suklay c. maysakit d. magiliw e. bistay f. reyna Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Naitala mo bang lahat ang mga salitang maydiptonggo? Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan pa angmga tanong sa Paunlarin. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na sub-aralin.Paunlarin May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang gamitin angmga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit sa mga patlang. 5. Alam mo na ba ang bagong patnubay sa _________ o ispeling sa wikang Filipino? 6. Kung hindi pa, dapat mo itong matutuhan upang ikaw ay maging ________ sa pagsulat sa wikang pambansa. 7. Ayon sa Konstitusyon, ang Filipino ay dapat payabungin _____ sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. 27
8. Ang ______ ay nangangahulugang suporta.9. Ang mga batas ay naglalayong mabigyan ang bawat isa ng _______ na mga karapatan. pantay mahusay batay suhay pagbaybayNakasagot ka kaya ng tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito: 1. pagbaybay 2. mahusay 3. batay 4. suhay 5. pantaySub-Aralin 3 Ang mga KlasterLayunin:Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan: 1. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may klaster2. Nakikilala ang tiyak na uri ng tekstong ekspositoriAlamin Alam mo ba ang iyong mga karapatan? Alam mo bang kapag ikaw ay dinakip, sa ano mangakusasyon, may sala ka man o wala, may karapatan kang manahimik. Hindi mo kailangang magsalitahangga’t hindi ka napapayuhan ng isang abogado. Bakit kaya ipinagkakaloob ng ating Konstitusyonang ganitong karapatan? Mahulaan mo kaya? 28
Ito ay dahil sa harap ng batas, ano mang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. Kayapara maprotektahan ang isang tao, akusado man o saksi, binibigyan siya ng karapatang hindimagsalita. Ito ang kanyang karapatan laban sa sariling inkriminasyon. Basahin ang tekstongexpositori sa ibaba upang malaman mo kung ano ang karapatang ito. Karapatang hindi magsalita, ikinatwiran ng heneral Di kukulangin sa 20 beses, ikinatwiran ni Major General Carlos Garcia ang karapatang hindi magsalita. Sa kanyang unang pagharap sa pagdinig sa Kongreso kahapon, ang taong di umano’y nagkamal ng milyung-milyong di maipaliwanag na yaman, ay umiwas sa mga tanong tungkol sa kanyang mga ari-arian. Sa mga tanong sa kanya, iisa ang tugon ng heneral: “Ang ikinakatwiran ko po’y ang aking karapatan laban sa sariling inkriminasyon.” Malayang salin ng isang balita sa Philippine Daily Inquirer Oktubre 19, 2004 Kilala mo ba si Gen. Garcia? Kung hindi, siya iyong naakusahan ng korupsyon sa military atng di-maipaliwanag na yaman. Nang siya’y litisin, ano ang itinutugon niya sa mga tanong ng taga-usig. Tama, laging karapatan laban sa sariling inkriminasyon ang kanyang tugon. Right against self-incrimination. Ito ang termino sa Ingles. Ano ba itong karapatang ito na laging binabanggit ni Gen.Garcia. Ang karapatang ito ay itinatadhana sa Seksyon 17, Artikulo III (Bill of Rights) ngKonstitusyong 1987. Isinasaad dito na walang sino mang tao na mapipilit sumaksi laban sa kanyangsarili. May dalawang pangunahing layunin ang karapatang ito, ayon sa isang dating Chief Justice ngKorte Suprema: a. makataong kadahilanan – upang ang sino mang saksi o akusado ay hindi mapwersa ng sino man – sa ano mang paraan, maging ito ay sa paraang pisikal, moral at/o sikolohikal – na makapagbitiw ng mga salitang maaaring mauwi sa sariling kapahamakan b. proteksyon para sa saksi o akusado upang di siya mapilitang magsinungaling o makagawa ng perjury – o ang pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman. 29
Kung minsan, ang isang tao ay napipilitang magsinungaling upang protektahan ang sarili. Ito’y dahil ang unang batas ng kalikasan ay pangangalaga sa sarili Ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon ay magagamit hindi lamang sa mga pag-uusigna kriminal kundi maging sa lahat ng ibang paglilitis ng gobyerno, kabilang na ang mga aksyong sibilat mga imbestigasyong administratibo at lehislatibo. Maaari itong gamitin hindi lamang ng taong akusado sa isang paglabag, kundi maging ng sinomang saksi na pinupukol ng tanong na maaaring magpahamak sa kanya. Ang karapatang ito ay maaari ring maipananggalang sa mga imbestigasyong makatutulong salehislasyon na isinasagawa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sapagkat ang kapangyarihang itong Kongreso ay hindi absoluto o walang hangganan, at nasasagkaan pa rin ng Konstitusyon. Samakatwid, ang mga karapatan ng isang tao sa ilalim ng Bill of Rights ay kailangangigalang, kabilang na ang karapatang hindi mapwersang sumaksi laban sa kanyang sarili. Halaw mula sa PDI Research Philippine Daily Inquirer Oktubre 19, 2004Linangin Ang tekstong kababasa mo pa lamang ay halimbawa ng tekstong expositori. Ano ba ang tekstong expositori? Ang teminong expositori ay maaari ring tawagingpaglalahad o pagpapaliwanag. Kung gayon, ano ang pangunahing layunin ng tekstong ito? Tama ka. Paglalahad o pagpapaliwanag. Paglilinaw sa isang isyu. Sinasagot nito ang mgatanong kaugnay ng mga dapat malaman tungkol sa isang bagay o pangyayari. Ano ang nalinawan mo sa tekstong kababasa mo pa lamang? Di ba ang mga sumususunod: • Bawat mamamayan ay pinoprotektahan ng mga batas sa pamamagitan ng mga karapatan • Isa rito ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon o pagpapahamak sa sarili • Ito ang karapatang hindi magsalita kung ang pagsasalita ay maaaring mauwi sa sariling kapahamakan • Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili Malinaw na ba sa iyo ang karapatang ito? 30
Ang klaster. Napansin mo ba ang mga salitang ito na hinango sa teksto sa itaas?maprotektahan/protektahan inkriminasyonmapwersa proteksyonkriminal Konstitusyonadministratibo aksyon Bigyang pansin ang mga letrang italisado sa mga salita sa itaas. Mayroon silangpagkakapareho, di ba? Anong katangian itong magkakapareho sa dalawang letrang italisado? Tama,parehong katinig. Dalawang magkasunod na katinig.Kung papantigin ang mga salitang ito, ganito ang lalabas:• maprotektahan – ma.pro.tek.ta.han• mapwersa – ma.pwer.sa• kriminal – kri.mi.nal• administratibo – ad.mi.nis.tra.ti.bo• inkriminasyon – in.kri.mi.na.syon• proteksyon – pro.tek.syon• Konstitusyon – kons.ti.tu.syon• aksyon – ak.syon Ngayong nahati sa mga pantig ang mga salita, mas malinaw mo nang makikita. Ang alin? Ang mga klaster, di ba? Batay sa iyong obserbasyon, ano ang masasabi mo tungkol saklaster? Tama. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kitang-kita iyan sa mga halimbawa sa itaas. Anu-ano ang mga klaster sa mga salitang ito? Isa-isahin mo. maprotektahan – pr mapwersa – pw kriminal – kr administratibo – tr inkriminasyon – kr at sy proteksyon – pr at sy aksyon – sy Napansin mo ba na ang klaster ay maaaring makita sa unahan ng salita, tulad sa salitangkriminal. Maaari rin sa gitna ng salita, tulad sa administratibo. 31
Maaari ring magkaroon ng klaster sa hulihan ng salita, gaya ng makikita sa mga salita saibaba: • apartment • nars • kard • park Malinaw na ba ang kahulugan ng klaster? Tandaan mo lamang lagi na ang klaster aydalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kapag may magkasunod na dalawangkatinig sa isang salita, pero hindi naman magkasama sa iisang pantig, hindi klaster ang mga iyon. Tingnan mo ang mga halimbawa sa ibaba. May dalawang magkasunod na katinig sa mgasalitang ito, pero hindi magkakasama sa iisang pantig, kaya walang klaster. • asamblea – a.sam.ble.a • sumbat – sum.bat • sumpa – sum.pa Paano naman ang ng? Dalawang katinig nga ito. Pero hindi ito pinagsamang n + g. Ang ngay kumakatawan sa isang tunog lamang, na makikita sa mga salitang tulad ng ngayon, ngiti, ngiyaw,nguya at iba pa. Kaya ang ng ay hindi klaster. Hindi rin ba pinaghihiwalay ang ng sa pagpapantig? Hindi ngapinaghihiwalay sa pagpapantig. Alam mo ba kung bakit? Tama. Dahil nga iisang tunog angkinakatawan nito.Gamitin Handa ka na bang ilapat ang mga natutuhan mo? Ano na nga ba ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori? Tama ka kung ang sagot mo ay upang magbigay ng impormasyon. Kompara sa tekstong narativ, ano naman ang ikinaiba ng ekspositori sa narativ? Di ba angpangunahing layunin ng narativ ay magbigay-kasiyahan? Paano ito naisasagawa? Di ba sapamamagitan ng tagpuan, tauhan at banghay? Ang tekstong expositori naman ay naglilinaw sa mga bagay, nagpapaliwanag, naglalahad. Ano ang inilahad sa maikling tekstong binasa mo? Di ba ito ay nagpaliwanag tungkol sakarapatan laban sa sariling inkriminasyon? Sakaling mapaharap ka sa sitwasyong dapat kang 32
humarap sa husgado, magagamit mo ang impormasyong ito para hindi ka sumaksi laban sa iyongsarili, o magbitiw kaya ng mga pananalitang maaaring magamit laban sa iyo.Di ba makatutulong sa iyo sa hinaharap ang impormasyong ito?Tingnan mo naman kung malinaw na sa iyo ang klaster. Nasa ibaba ang ilang salita. Piliin ang mga salitang may klaster at itala ang mga ito sa iyongsagutang papel. Salungguhitan ang mga klaster.diskriminasyon sumbrero suntoksoltera praning prenosampal samba prestihiyoedukasyon arte letraklaster simple kreditodrama grasya trapoNasagot mo ba nang tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito:diskriminasyon sumbrero trapopraning prenoprestihiyo edukasyonletra klastersimple kreditodrama grasya Tingnan mo nga kung magagamit mo nang wasto ang mga salitang may klaster. Basahin angmga pangungusap sa ibaba. Punan ng angkop na salitang may klaster ang mga patlang sa bawatpangungusap. Pumili ka ng sagot mula sa talaan sa itaas. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga batas ay ginawa upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat atmaiwasan ang _____________ bunga ng kalagayang sosyo-ekonomiko. 2. Huwag sanang isipin ng sino man na ang mga taong iginagalang at itinuturing na may_________ ay may higit na karapatan kaysa sa mga taong namumulot lamang ng basura upang maymakain. 3. Kaya mahalagang makapagtamo ng __________ ang lahat upang malaman ang kanilangmga karapatan. O, tama ba ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka: 1. diskriminasyon 2. prestihiyo 3. edukasyon 33
Huwag kang mag-alala. May karagdagan pang mga pagsasanay upang lalo kang masanay sapaggamit ng klaster.Lagumin Malinaw na ba sa iyo kung ano ang tekstong expositori? Kung ano ang klaster? Upang magingmas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito: • Ang tekstong expositori ay naglalahad, nagpapaliwanag o naglilinaw. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay-impormasyon. • Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. • Kapag may dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, pero hindi naman magkasama sa iisang pantig, ang mga ito ay hindi klaster. • Ang klaster ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salita.SubukinIsulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.1. Sagutin ang mga tanong:a. Ano itong right against self-incrimination o karapatan laban sa sariling inkriminasyon?b. Saang bahagi ng Konstitusyong 1987 matatagpuan ang tadhana ukol dito?c. Ano ang dalawang pangunahing layunin ng karapatang ito?2. Piliin ang mga salitang may klaster. Salungguhitan ang klaster. kwento asosasyon sandata sobre sundalo sesyon tradisyon parte test renta prente tostado3. Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Piliin ang sagot sa mgasalita sa ibaba. a. Ang karapatan laban sa sariling __________ ay naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa perjury. b. Malinaw na dapat sundin ang _____ ng batas. c. Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mata ng batas; walang _________ salig sa kalagayan sa lipunan. 34
d. Mahalagang makapagtamo ng ___________ ang lahat upang matutuhan ang kanilang mga karapatan.Edukasyon letra inkriminasyon diskriminasyon Matapos mong sagutin ang mga tanong, iwasto mo ang iyong mga sagot. Narito ang susi sapagwawasto.1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights) c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o saksi2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test3. a. inkriminasyon b. letra c. diskriminasyon d. edukasyon Kumusta? Nasagot mo bang lahat? Kung nasagot mong lahat ang mga tanong, hindi mo nakailangang sagutin ang mga tanong sa Paunlarin.Paunlarin1. Sagutin ang mga tanong. a. Ano ang perjury? b. Kailan pwedeng gamitin ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon?2. Ibigay ang singkahulugan ng mga salitang italisado. Ang isasagot mo ay mga salitang may klaster. a. Gumamit ka ng basahan sa paglilinis sa kusina. b. 28 na ang titik sa bagong Alfabetong Filipino. c. Maraming nagaganap na dula na kinasasangkutan ng mga politiko. d. Napakalaki na ng utang na panlabas ng ating bansa. e. Ang isa sa mga parusa sa mga napatunayang nagkasala ay ang pagiging bilanggo. 35
Nasagot mo kaya ang mga tanong?Tama ang mga sagot mo kung katulad nito:1. a. Ang perjury ay pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman, kapag ikaw ay nakapanumpa nang magsasabi ng katotohanan lamang. b. Magagamit ito ng akusado at ng saksi sa lahat ng uri ng imbestigasyong isinasagawa ng gobyerno, maging ito ay kasong administratibo o lehislatibo, gayon din sa mga aksyong sibil. Magagamit din sa mga pagdinig sa Kongreso.2. a. trapo b. letra c. drama d. preso O, mahal kong estudyante. Narito ka na sa dulo ng modyul. Handa ka na ba sa pangwaka napagsusulit? Sige, simulan mo na. Gaano ka na kahusay? A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap. 1. Ang ponema ay makahulugang tunog. 2. Ang dating Abakada ay may 20 letra. 3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino. 4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin 5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/. 6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa pagbaybay o ispeling ng salita. 7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo. 8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw. 9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin. 10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. 11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang may klaster. 12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr. 36
13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba: • Hindi, akin ang kendi sa mesa. • Hindi akin ang kendi sa mesa.14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok2. bugh_ _ isa sa mga kulay3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga4. bal_ _ sira ulo5. bah_ _ tirahan6. tul_ _ pasok7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog8. suh_ _ suporta9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta10. ag_ _ dumi sa bahay11. sakl_ _ ginagamit ng pilay12. pil_ _ may baling buto13. il_ _ nagbibigay ng liwanag14. sis_ _ anak ng inahen15. dil_ _ isa sa mga kulayC. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita saibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.1. p _ asa liwasan2. k _ edito utang3. d _ ama dula4. p _ eso bilanggo5. t _ apo basahan6. p _ enda sangla7. p _ antsa pang-unat ng damit8. p _ ito luto sa mantika9. p _ ato pinggan10. g _ asya biyayaD. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado.Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyongsagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP. 37
1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya. May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam. 2. Ang paso ay taniman ng halaman. Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon. 3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom. Siya, siya nga ang may sala. 4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako. Masustansya ang ensaladsang pako. 5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan. Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyongsagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi. 1. Bukas, luluhod ang mga tala. Bukas luluhod ang mga tala. 2. Aalis kami, bukas. Aalis kami bukas. 3. Bukas kami aalis. Bukas, aalis kami. 4. Hindi, umuulan. Hindi umuulan. 5. Kahapon? Kahapon.F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyongsagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot. 1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito: a. tagpuan, tauhan, banghay b. dayalog, buod, tagapagsalaysay c. sukat, tugma, persona 2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento: a. Balagtasan b. Talumpati c. maikling kwento 38
3. Ang tekstong expositori ay __________. a. Nangangatwiran b. Naglalarawan c. Nagpapaliwanag 4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________. a. magbigay-impormasyon b. manghikayat c. magbigay-kasiyahan 5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________. a. magbigay-kasiyahan b. magbigay-impormasyon c. manghikayat Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Maaari ka nang magpatuloy sa susunodna modyul. 39
40
Susi sa Pagwawasto Susi sa Pagwawasto Modyul 2 Mga Ponema ng FilipinoAno na ang alam mo (Panimulang Pagsusulit)A. 1. T. 6. T 11. T 2. T 7. T 12. T 3. M 8. T 13. M 4. M 9. M 14. T 5. T 10. T 15. TB. 1. ay 6. oy 11. ay 2. aw 7. ay 12. ay 3. aw 8. ay 13. aw 4. iw 9. iw 14. iw 5. ay 10. iw 15. awC. 1. l 6. r 2. r 7. l 3. r 8. r 4. r 9. l 5. r 10. rD. 1. HP 2. HP 3. P 4. HP 5. HPE. 1. HP 2. P 3. HP 4. HP 5. HPF. 1. a 2. c 3. c 4. a 5. a
Sub-Aralin 1Subukin e. l at t1. f. o at aa. s at t g. e at ib. b at p h. o at uc. b at pd. b at p2. a. Pataas b. Pababa c. Pataas d. Pababa3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya). Pagtanggi na siya ang sangkot. b. Nagtatanong Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong. c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin. Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy) d. Nagtatanong. Nag-uutos. e. Nagtatanong. Tumitiyak.4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70 b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga c. Oo. d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw. Magkakawatak-watak ang mga Kalinga. Sub-Aralin 2Subukin1. a. diptonggo b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw, reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw3. a. saysay b. suklay c. maysakit d. magiliw e. bistay f. reyna
Sub-Aralin 3Subukin1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarilib. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights)c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o saksi2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test3. a. inkriminasyon b. letra c. diskriminasyon d. edukasyon
Modyul 3 Pagsusuri sa Kayarian/ Kahulugan ng Salita Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta ang pag-aaral mo sa iyong mga unang modyul? Siguro, may mga bahagi na medyonahirapan ka at may mga bahagi naman na nadalian ka lang at kayang-kaya mo, ano? Ganoon talagaang pag-aaral, kaibigan. Minsan madali lamang at kung minsan, may hirap din naman. Pero angmahalaga, may natututunan ka sa bawat modyul na iyong pinag-aaralan. Gaya na lamang ng modyulna ito na magtuturo sa iyo ng mga bagong kaalaman sa wika. Kung sa unang modyul, kaibigan, natutunan mo ang tungkol sa panghihiram ng mga salita, atsa pangalawang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa mga ponemang Filipino pati na mga salitangmay diptonggo at klaster, sa modyul na ito mo naman matututunan ang tungkol sa mga pares minimalsa Filipino at ang pagbubuo ng salita mula sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit,at pagtatambal. Hindi lang iyan, matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan ng mga salitabatay sa pagkakagamit nito sa pangungusap at magkakaroon ka ng kaalaman sa pagtukoy ng sanhi atbunga ng mga pangyayari. Matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan sa pamagat ng isangteksto na bibigyan mo ng isang bago o alternatibong na pamagat. O, eksayting di ba? Alam kong gusto mo nang pag-aralan ang modyul na ito. Sige, simulan mo na. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito kaibigan, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares minimal sa Filipino 2. nabubuo ang iba’t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal 1
3. nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi ang bunga ng mga pangyayari 4. nasasabi ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap 5. natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng alternativ Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. 2
Ano na ba ang alam mo?O, kaibigan, sa bahaging ito, aalamin natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin. Huwag kang mag-aalala, panimulang pagsubok pa lang naman ito. Basta sagutin mo lang angmga tanong sa abot ng makakaya mo. Kapag tapos ka na sa pagsagot, gaya ng una kong ibinilin saiyo, kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at iwasto mo nang matapat ang iyong mgasagot. Handa ka na ba? O sige, simulan mo na ang pagsagot!I. Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pares ng salita sa Filipino na maituturing na pares minimal._____1. pala : bala (shovel : bullet) ______6. benta : binta (sales : vinta)_____2. tila : dila (stopped : tounge) ______7. luha : lupa (tears : soil)_____3. uso : oso (fashion : bear) ______8. kama : dama (bed : felt)_____4. balat : balot (skin : wrapped) ______9. bulok : bulak (rotten : cotton)_____5. patilya : kapilya (sideburns : chapel) _____10. mesa : misa (table : mass)II. Isulat mo kung ang kayarian ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap ay: a. maylapi b. inuulit at c. tambalan. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. May sarili nang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas. 2. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, bukas-palad natin silang tinanggap. 3. Sila ang nagpakilala sa atin ng kristyanismo. 4. Natutunan ng mga ninuno mula sa mga paring Kastila ang magdasal sa iba’t ibang imahen ng mga santo. 5. Ngunit kahit pinilit ng mga Kastila na maging kristyano ang buong kapuluan ay hinding-hindi sila nagtagumpay. 6. Nanatili kasing kapit-tuko sa pagyakap sa kanilang relihiyon ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao. 7. Kaya naman urong-sulong ang mga Kastila sa pagyapak sa lupain ng mga Muslim sa pangambang manlaban ang mga ito laban sa kanila. 8. Hindi nga sila nagkamali sapagkat totoong handang-handa ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon kahit magbuwis pa sila ng buhay. 9. Dahil dito, ang mga katutubong naninirahan lamang sa mga kapatagan ang narating ng mga Kastila at nabinyagan para maging mga Kristyano. 10. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling buo at matatag sa kanilang pananampalataya ang mga Muslim sa Mindanao. 3
III. Basahin mo at unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa bawatgawain. Nakakahiya… Pero Bahala Na! Marami tayong mga ugali at paniniwala na inaakala nating nagdudulot ng mga negatibong bagay sa atin ngunit maaari rin naman palang magdulot sa atin ng mga positibong resulta lalo pa nga kung maiaaplay natin nang maayos at matalino ang mga ito sa ating buhay. Nagpapakita raw kasi ito ng pagiging irasyunal natin bilang tao. Galing ang salitang bahala na sa “bathala na” na ang kahulugan ay pagpapaubaya sa Diyos ng mga bagay- bagay. Kapag sinabi nating bahala na, hindi na natin iniisip kung ano ang magiging resulta ng ating gagawin sapagkat iniisip natin na Diyos na ang bahala para rito. O kaya nama’y hindi na tayo magsisikap para sa ating sarili at sa halip ay ipauubaya na lamang natin sa Diyos ang ating kapalaran. Taliwas naman ang ganito sa paniniwala ng iba pang Pilipino. Para naman sa kanila, may positibong aspekto ang hiya at bahala na. Ang hiya ay kasasalaminan ng mataas na pagtingin at respeto natin sa ating sarili at sa ibang tao. Nahihiya tayong gawin ang isang bagay sapagkat ayaw nating magdulot ito ng di-mabuti sa ating kapwa at sa ating sarili. Umiiwas tayong makasakit ng damdamin ng ating kapwa sapagkat nirerespeto natin ang kanilang pagkatao. Iniiwasan nating mapintasan tayo ng iba at may masabi silang di-maganda tungkol sa atin sapagkat mataas ang pagtingin natin sa ating dignidad bilang tao. 4
Samantala, masasalamin naman sa bahala na angkatatagan ng loob nating mga Pilipino sa paggawa ngkahit na anong bagay at sa pagharap sa mga pagsuboksa buhay. Sa likod ng ating kamalayan ay alam natinganuman ang ating gawin ay laging nariyan ang Diyosupang tayo ay tulungan at gabayan. Nagdarasal munatayo bago magpasya sa ating gagawin at nagdarasalpa rin pagkatapos natin itong gawin upang magkaroonito ng mabuting resulta. At dahil kinukunsulta munanatin sa Diyos ang anumang nais nating gawin, tinitiyaknatin na ito ay naaayon sa Kanyang kagustuhan.Ang bahala na kung gayon ay hindi pagpapaubaya ng lahat sa Diyos kundipagpapakita ng ating mataos na pananalig sa Kanya. Pananalig na tutulungan ngDiyos ang sinumang nagsisikap para sa kanyang sarili. Samakatwid, ang hiya at bahala na ay hindi laging negatibo. May positibongaspeto rin ang mga konseptong itoA. Basahin mo at unawain ang bawat pangungusap na nakatala sa ibaba. Pagkatapos, piliin mo saloob ng panaklong ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sapagkakagamit nito sa pangungusap. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.1. Magiging kapaki-pakinabang ang ating mabubuting ugali kung maiaaplay natin ang mga itosa pang-araw-araw nating pamumuhay.(a. magagamit b. mapagtatagumpayan c. mangyayari d. masusukat)2. Taliwas ang paniniwala ng marami tungkol sa konsepto ng hiya at bahala na.(a. katulad b. kabaliktaran d. kalapit e. kamukha)3. Nagbubunga ng mga negatibong bagay ang kawalan natin ng hiya.(a. kakulangan b. kalabisan c. di-pagkakaroon e. di-pagdating)4. Dapat nating pangalagaan ang ating dignidad bilang mga Pilipino.(a. lahi b. identidad c. moralidad d. dangal)5. May respeto tayo sa ating kapwa kapag nahihiya tayong gumawa ng anumang bagay namakasasakit sa kanilang damdamin.(a. pag-unawa b. paggalang c. pagkilala d. pag-ibig)6. Iba-iba ang ang konsepto ng mga Pilipino sa salitang hiya.(a. kaisipan b. kahulugan c. katumbas d. kabaligtaran)7. Kailangan natin ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.(a. pagsusulit b. suliranin c. katanungan d. tanong)8. Kadalasan ay ikinukunsulta natin sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin, angmagiging bunga ng ating mga gagawin.(a. prutas b. resulta c. epekto d. ugat) 5
9. Nakatutulong ang pagdarasal bago magpasya sa anumang gagawin. (a. magdesisyon b. magtrabaho c. mag-isip d. magpatulong) 10. Ang bahala na ay nagpapakita din pala ng mataos na pananalig sa Diyos. (a. matibay b. matatag c. matapat d. matapang)B. Sagutin nang maikli ngunit malinaw ang mga sumusunod na tanong batay sa nakasaad sa teksto. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.1. Ano ang naidudulot ng pagtataglay ng tao ng labis na hiya? Ano naman ang naidudulot ng kawalan niya ng hiya?2. Bakit dapat nating iwasan ang ugaling bahala na?3. Anong positibong aspeto ang masasalamin sa ugaling bahala na ng mga Pilipino?4. Ano namang positibong aspeto ang masasalamin sa hiya?5. Saan nanggaling ang konseptong bahala na?C. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salita/pariralang nakahilig batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. 1. Nakita ko na naman ang mga musmos sa kalsada habang papauwi ako kahapon. 2. Nasalamin kong muli sa kanilang mga mata ang kahirapang kanilang dinaranas. 3. Naitanong ko tuloy sa sarili, sino kayang mapagpalang kamay ang kakalinga sa mga batang ito? 4. Mayroon kayang sasagip sa kanila mula sa kaawa-awa nilang kalagayan sa buhay? 5. Nilapitan ako ng isa sa kanila at inalok ng tinda niyang sampaguita. 6. Napilitan tuloy akong bumili kahit kakarampot na lamang ang pera sa aking bulsa. 7. Parang pinipiga ang puso ko habang iniaabot ang bayad sa bata dahil alam kong pansamantala lamang ang tulong kong iyon sa kanya. 8. Kung marami lamang akong pera nang mga oras na iyon ay papakyawin kong lahat ang tinda niyang sampagita. 9. Kaya lang, ako man ay kapos na kapos ding kagaya nila. 10. Ipagdarasal ko na lamang na masilayan din nila ang pag-asa sa bawat umaga.matulungin alagaan nabanaag magliligtaskulang na kulang sa pera kakaunti bibilhing lahat makitabata nakadarama ng matinding awa niyayang bumili 6
D. Maaaring bigyan ng mambabasa ng iba’t ibang alternativ na pamagat ang isang teksto ayon sa sariling interpretasyon o pakahulugan niya sa teksto. Sa iyong palagay, alin kaya sa mga nakatala sa ibaba ang pinakaangkop na alternativ na pamagat para sa tekstong iyong binasa? Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. a. Mga Pagpapahalagang Pilipino b. Kultura at Tradisyon c. Nahihiya Ka Ba? Sige Lang, Bahala Na! d. Hiya at Bahala Na Bilang mga Ugaling Pilipinong Maipagmamalaki Kahit Kanino at Kahit SaanE. Umisip ka ng iyong sariling alternativ na pamagat para sa tekstong Nakakahiya… Pero Bahala Na! Isulat sa patlang sa ibaba ang naisip mong pamagat. _______________________________________________ (Alternativ na Pamagat)F. Basahin ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Edukasyon, Mahalaga Napakahalaga para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon. Naniniwala ang maramina kapag nakatapos ng pag-aaral ang isang tao, magkakaroon siya ng magandang buhay, at kapaghindi naman siya nagkamit ng mataas na edukasyon, mahihirapan siyang umangat sa buhay. Kayanaman, ganoon na lamang ang pagsisikap ng mga magulang na Pilipino na mapag-aral ang kanilanganak. Para sa kanila, ang edukasyon lamang ang pinakamahalagang kayamanang maipamamana nilasa kanilang mga anak. Isa itong kayamanang hindi mananakaw ninuman. Samantala, marami rin ang naniniwala na ang kawalan ng edukasyon ng mga mamamayan aymay malaking epekto sa bansa. Kapag mangmang at walang pinag-aralan ang karamihan sa mga tao,mahihirapan silang makahanap ng trabaho. Kapag wala silang trabaho, tiyak na ang kahirapangkanilang daranasin sa buhay. Kapag laganap ang kahirapan, laganap din ang kaguluhan at iba’t ibanguri ng krimen. Apektado naman nito ang ekonomiya sapagkat walang mga dayuhang mangangalakalang papasok sa bansa. Kung tutuusin ay hindi naman nagpapabaya ang pamahalaan sa bagay na ito. Sinisikap ngpamahalaan na mapagkalooban ng libreng edukasyon ang mga kabataang Pilipino mula elementaryahanggang sekundarya. Malaking tulong na sa bawat bata ang matutong magsulat, magbasa, atmagkwenta. Maililigtas na sila ng mga kaalamang ito sa tiyak na kahirapan pagdating ng araw.1. Ayon sa paniwala ng marami, ano ang nagiging bunga kapag:a. nakatapos ng pag-aaral ang isang tao?b. hindi nagkamit ng mataas na edukassyon ang isang tao? 7
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 452
Pages: