FILIPINO II
Modyul 24 Nang Makamit ang Tagumpay Tungkol saan ang modyul na ito? Muli, magandang araw mahal kong estudyante. Alam mo, nasa pang-apat at huling modyulka na ng pag-aaral ng akdang Florante at Laura. Dahil dito, binabati kita at inaasahan kongmatatapos mo rin ang modyul na ito. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ilang pangyayari sa buhay ni Florante at ang mgakaisipang nakapaloob sa mga ito. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo rin ang ilan pang mahahalagang pangyayari sa buhay niFlorante at ng iba pang tauhan tulad nina Laura, Aladin at Flerida. Ano ang matututunan mo? Ang ilan pang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Florante at ng iba pang tauhangsina Laura, Aladin at Flerida ay magiging lunsaran para matamo mo ang mga sumusunod nakasanayan. 1. nasusuri ang akda sa romantisismong pagtingin 2. natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng humanistikong karakter ng akda 3. naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa pananaw klasismo 4. natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda 5. nasusuri ang pagka-naturalistik ng akda 6. nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi O, ano sa tingin mo? Mahirap ba? Hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo iyan basta’tsusundan mo lamang nang maayos ang bawat bahagi ng modyul. 1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul:1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito.3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, magsimula ka na! 2
Ano na ba ang alam mo? Sa tatlong naunang modyul ay may mga tanong na pinasagutan sa iyo bago ka magsimula ngiyong pag-aaral, di ba? Ngayon, ganoon din agn gagawin mo sa pinakahuling modyul na ito tungkolsa akdang Florante at Laura. Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba para malaman natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isusulat mo ang mga sagot sa sagutang papel.A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Nang magpunta si Florante at ang kanyang hukbo sa Krotona para iligtas ang bayang ito, sino ang kanyang nakalaban? a. Heneral Osmalik b. Heneral Miramolin c. Heneral Aladin 2. Tinalo ni Florante na wala pang kakara-karanasan sa pakikipaglaban ang isang pinunong napakalawak na ang karanasan sa pakikidigma. Ang ganitong pangyayari ay ____________. a. laging nagaganap b. kapani-paniwala at di-kapani-paniwala c. hindi lubos na kapani-paniwala 3. Sobrang pagbubunyi ang ginawa ng mga mamamayan ng Krotona. Ito’y dahil sa ________________. a. patuloy ang pananakop ng mga kaaway b. nailigtas ang kaharian sa kamay ng mga Moro c. muntik nang nailigtas ang kaharian sa kamay ng mga Moro 4. Nang magkita si Florante at ang hari ng Krotona na kanyang lolo, nakaramdam sila ng kalungkutan. Mangyari’y naalala nila ang ____________________. a. pagkamatay ng asawa ng hari b. pagkamatay ng ina ng binata c. pagkamatay ng ama ng binata 5. Dahil sa pagtatanggol ni Florante sa Albanya, anong papuri ang itinawag sa kanya? a. tanggulan ng s’yudad b. tanggulan ng bayan c. tanggulan ng bansa 3
6. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging ulirang mamamayan ng Albanya si Florante? a. Ipinagtanggol niya ang Persiya sa mga kalabang Moro. b. Ipinagtanggol niya ang Krotona sa mga kalabang Moro. c. Ipinagtaggol niya ang Albanya sa mga kalabang Moro.7. Alin sa mga ito ang kabayanihang nagawa ni Florante para sa kanyang bayan? a. Nailigtas si Haring Linseo sa mga Moro. b. Nailigtas ang kanyang lolo sa mga Moro. c. Nailigtas ang Krotona sa mga Moro.8. Ayon kay Florante, ang bawat tagumpay niya sa pakikipaglaban ay ________________. a. kaloob ng mamamayan b. kaloob ng Maykapal c. kaloob ng kaharian9. Alin sa mga ito ang ginawang kataksilan ni Adolfo? a. Ipinapatay si Laura. b. Ipinapatay si Florante. c. Ipinapatay si Haring Linseo.10. Alin sa mga ito ang sanhi ng kataksilan ni Adolfo? a. paghahangad sa kapangyarihan b. pananakop sa ibang kaharian c. pagkakaroon ng maraming kaaway11. Alin sa mga ito ang may katotohanan? a. Ang pagtataksil ay totoong nagaganap sa tunay na buhay. b. Ang pagtataksil ay hindi totoong nagaganap sa tunay na buhay. c. Ang pagtataksil ay walang kaugnayan sa tunay na buhay.12. Anong matinding emosyon ang ipinahahayag ni Aladin nang sabihin niyang “Sa pagbatis niring mapait na luha?” a. matinding takot b. matinding lungkot c. matinding gulat13. Ano namang emosyon ang ipinahiwatig ng “Ay ama ko! Bakit?” a. pangungulila sa ama b. hinanakit sa ama c. pagmamahal sa ama14. Anong emosyon naman ang ipinahihiwatig ng hintayin ang wakas? a. kawalang kasiyahan b. kawalang-awa c. kawalang pag-asa 4
15. Alin sa mga ito ang tunay na dahilan ng pagdadalamhati ni Aladin? a. Namatay ang kanyang ina. b. Namatay ang kanyang ama. c. Inagaw ang kanyang kasintahan.16. Aling imahe ang naglalarawan ng kalungkutan ni Flerida? a. may ngiti sa labi b. may luhang pumapatak c. may mamula-mulang pisngi17. Anu-anong pandama ang inaantig ng imaheng luha at daing? a. panlasa at pang-amoy b. paningin at pandinig c. pansalat at panlasa18. Anong pandama ang inaantig ng imaheng may bulo ang mga bunga ng kahoy? a. pang-amoy b. panlasa c. pansalat19. Anong pandama naman ang inaantig ng imaheng nakalalasong bunga ng mga baging? a. panlasa b. pansalat c. pandinig20. Batay sa kasaysayan, nang panahon ng mga Kastila ay pinalaganap nila ang Kristiyanismo. Sinu-sino ang mga tauhang pumayag na mabinyagan sa Kristiyanismo? a. Aladin at Flerida b. Florante at Laura c. Adolfo at Menandro 5
Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1: Pagsusuri sa pamamagitan ng ilang pananaw pampanitikanLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. nakapagsusuri ng akda sa romantisismong pagtingin. 2. nakatutukoy ng mga tiyak na bahaging nagpapatunay ng humanistikong karakter ng akda. 3. nakapaghahanay ng mga tiyak na bahagi ng akda sa pananaw klasisismo. 4. nakatutukoy ng pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.Alamin Narito ang karugtong ng mga nabasa mong pangyayari sa buhay ni Florante sa nakaraangmodyul. Natatandaan mo pa ba ang huling pangyayari tungkol sa pagluha ni Laura nang magtapat ngpag-ibig ang binata? Di ba’t ito’y pahiwatig na mahal din niya si Florante? Siya nga pala. Saan ba pupunta si Florante noong panahong iyon? Pupunta siya sa Krotona,di ba? At bakit siya pupunta roon? Para iligtas ang kaharian sa kamay ni Heneral Osmalik ngPersiya. Buti at naaalala mo pa. Mailigtas kaya ni Florante ang Kahariang Krotona? Malalaman mo ito sa pagpapatuloy ngiyong pagbabasa. Ang Madugong Paglalaban Nang dumating ang hukbong ni Florante sa Krotona, halos mawawasak na ng mga kaawayang kaharian. Magiting na ipinagtanggol ni Florante at ng kanyang mga kawal ang kaharian. Nagingmadugo ang paglalaban ng dalawang pwersa. Ganito ang mga pangyayaring naganap: 6
300 “Kuta’y lulugso na sa bayong madalas ng mga makinang talagang pangwalat, siyang paglusob ko’t ng hukbong akibat ginipit ang digmang kumubkob sa s’yudad.” 302 “Makita ng piling Heneral Osmalik ang aking marahas na pamimiyapis, pitong susong hanay sa dulo ng kalis hinawi ng tabak nang ako’y masapit.” Natalo ba nina Florante ang mga kaaway? Tama, natalo sila nina Florante. Nagbunyi ang taong-bayan sa pagkakapanalo nina Florante. Lalo pang natuwa ang mgamamamayan nang malamang apo pala ng kanilang hari si Florante. Nang magkita ang maglolo,nakaramdam sila ng lungkot dahil naalala nila ang pagkamatay ng ina ng binata Makalipas ang limang buwang pagtigil ni Florante sa Krotona, bumalik na rin siya saAlbanya. Nasasabik na siyang makitang muli si Laura. Naging Tagapagtanggol ng Albanya Nang malapit na sina Florante sa Kahariang Albanya, natanaw nilang nakawagayway rito angbandilang Moro. Nagmasid muna sila sa may dakong ibaba ng bundok at natanaw nilang parang mayisang babaeng pupugutan ng ulo. Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Florante? Tama, nilusob nila ang mg Moro gaya ngisinaad ng saknong na ito. 319 “Kaya di napigil ang akay na loob At ang mga Moro’y bigla kong nilusob; Palad ng tumakbo at hindi natapos sa aking pamuksang kalis na may poot.” Nailigtas ba ni Florante ang babaeng pupugutan ng ulo? Oo ba ang sagot mo? Kung gayon,tama ka. Sino naman sa palagay mo ang babaeng iyon? Tama ang palagay mo. Si Laura nga iyon. Pero teka muna. Bakit kaya siya pupugutan ng ulo? Sige, alamin mo nga. 7
321 “Pupugutan dahil sa hindi pagtanggap sa sintang mahalay ng Emir sa s’yudad; nang mag-asal-hayop ang Morong pangahas, tinampal sa mukha ng himalang dilag.” Iniligtas din Florante sa kamay ng kaaway ng hari at ang kanyang ama at ang iba pangbilanggo kasama na rin si Adolfo. Pinapurihan ng hari si Florante at tinawag na tanggulan ngs’yudad. Nakamit din ng binata ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, lalong tumindi ang inggit niAdolfo kay Florante. Muli na namang nagbalak ng masama si Adolfo kay Florante. Sunud-sunod pang Tagumpay Lumipas pa ang ilang buwan. Lumusob sa Albanya ang hukbo ng Turkiya. Si Florante anginatasan ng hari na magtanggol sa Albanya. Sa palagay mo, nagtagumpay kaya si Florante? Alamin mo sa saknong na ito. 333 “Niloob ng langit na aking nasupil ang hukbo ng bantog na si Miramolin, siyang mulang araw na ikinalagim sa Reynong Albanya ng Turkong masakim.” Nagtagumpay ba siya? Tama, nagtagumpay nga siya. Sunud-sunod pang tagumpay ang natamo ni Florante. Umabot pa nga sa labimpito ang mgaharing nagsigalang sa kanya. Isang araw naman, habang si Florante at ang kanyang hukbo ay nasa Etolya, tumanggap siyang sulat buhat sa hari. Nakasaad dito na pinauuwi siya sa Albanya. Ipinagkatiwala niya ng kanyanghukbo kay Menandro. Si Adolfong Taksil Gabing kadiliman nang dumating si Florante sa Albanya. Agad siyang nilusob ng tatlumpunglibong sandatahan. Hindi na siya nakapanlaban pa pagkat mabilis na ginapos at noon din ayibinilanggo. At alam mo ba kung sino ang may kagagawan nito? Sino pa, kundi ang taksil na si Adolfo. Nalaman din ni Florante na ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang siDuke Briseo. Sa anong dahilan? Sa labis na paghahangad ng kapangyarihan, yaman at katanyagan. Basahin mo ang mga saknong na ito na nagsasaad ng kataksilan ni Adolfo. 8
339 “Sabihin ang aking pamamangha’t lumbay lalo nang matantong monarka’y pinatay ng Konde Adolfo’t kusang idinamay ang ama kong irog na mapagpalayaw. 340 “Ang nasang yumama’t haring mapatanyag at uhaw sa aking dugo ang yumakag sa puso ng konde sa gawang magsukab! O napakarawal ng Albanyang s’yudad!” Nalaman din ni Florante na nakatakdang ikasal si Laura kay Adolfo. Halos ikamatay niya angpangyayaring ito. Ikinulong si Florante ng labingwalong araw at pagkaraan nito’y dinala sa gubat atdoon iginapos. Sa gubat na iyon siya natagpuan ng gererong Moro.Linangin Ngayong alam mo na ang mga pangyayari sa ikaapat at huling bahagi ng adka, subukin mongang suriin ang mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw pampanitikan. Siguro’y naalala mo pa na sa bahaging Ang Madugong Paglalaban ay tinalo ni Florante siHeneral Osmalik. Si Florante ay baguhan pa lamang sa pakikidigma samantalang si Heneral Osmaliknaman ay malawak na ang karanasan. Ilang taong gulang lamang si Florante noon? Labing walong taong gulang pa lamang di ba?Sa tunay na buhay, kapani-paniwala ba ito? Parang hindi yata masyadong kapani-paniwala, ano? Ganunman, kahit hindi lubos na kapani-paniwala ang ganitong pangyayari, ganitong kwentoang gustung-gustong basahin noon. Ang bidang lalaki ay laging nananalo. Hindi siya dapat matalosa mga labanan. Alam mo ba kung bakit ganito? Kasi, para bang isang inspirasyon ang mga tauhang maykahanga-hangang kakayahan. Ganyan din ang katangiang taglay ni Florante. Bidang-bida atkahanga-hanga ang karakter. Napansin mo bang may iba’t ibang damdaming nakapaloob sa bahaging ito ng akda. Naritoang ilan at ang dahilan ng bawat isa. Damdamin Dahilan nitoa. pagbubunyi ng mga mamamayan - pagwawagi nina Floranteb. kagalakan ng Monarka - pagwawagi nina Florantec. kalungkutan nina Florante at lolo niyang hari ng - naalala ang pagkamatay ng ina ngKrotona binata 9
Sa bahagi namang Naging Tagapagtanggol ng Albanya, sinong tauhan ang sinasabing nagingtagapagtanggol? Tama, si Florante nga ang tauhang iyon. Kanino nga niya ipinagtanggol ang Kahariang Albanya? Tama, ipinagtanggol ni Florante angAlbanya sa mga kalabang Moro. Siguro, naalala mo pa rin ang mga ginawa ni Florante na talaga namang kapuri-puri. Isa-isahin nga ulit natin. a. Nailigtas si Laura sa pagkapugot ng ulo. b. Nailigtas si Haring Linseo sa kamay ng kaaway. c. Nailigtas ang amang si Duke Briseo. d. Nailigtas ang iba pang bilanggo kasama na rin si Adolfo. Sa mga ginawang ito ni Florante, maituturing siyang isang ulirang mamamayan ng Albanya,di ba? Handa niyang ibuwis ang sariling buhay para sa kapakanan ng kanyang bayan laban sa mgamananakop. Dahil naman sa mga ginawa niyang kapuri-puri para sa Albanya, pinapurihan din siya ng hariat tinawag na tanggulan ng s’yudad. Nakakatuwa naman ang ganitong pangyayari, di ba? Pinapupurihan ang taong may mabutingnagawa sa bayan. Sa ikatlong bahagi na may pamagat na Sunud-sunod Pang Tagumpay ay muling ipinakita niFlorante ang kanyang kahanga-hangang tapang at lakas. Anong hukbo ang lumusob sa Albanya at sino ang puno ng kanilang hukbo? Tama ka!Hukbo nga ng Turkiya at ang puno ay si Miramolin. Basahin mo nga ulit ang saknong na nagsasaadnito. 333 “ Niloob ng langit na aking nasupil ang hukbo ng bantog na si Miramolin, siyang mulang araw na ikinalagim sa reynong Albanya ng Turkong masakim.” Tinalo ni Florante si Miramolin, di ba? Pero kung susuriin natin ang saknong, maynapapansin ka bang isang magandang katangiang taglay ni Florante na dapat hangaan? Makikita ito sa unang linya. Anong katangian ito? Mayroon pala siyang malaking pananaligsa kapangyarihan ng Diyos, di ba? Ang kanyang pagwawagi ay sinasabi niyang kaloob ng Maykapal.Kung gayon, ang mga sumusunod pa niyang tagumpay ay hindi lamang dahil sa kanyang kahanga-hangang tapang at lakas. Para kay Florante, kanino niya utang ang kanyang tagumpay? Oo, sa Dakilang Maykapal. 10
Ipagpatuloy natin ang pagsusuri sa kasunod na bahagi. Ito’y may pamagat na Si AdolfongTaksil. Sa bahaging ito’y ipinakikita ang ilang pangyayaring posibleng maganap sa tunay na buhay.Karaniwang nangyayari sa totoong buhay ang pagtataksil ng isang tao dahil sa mga sumusunod: a. pagnanasa sa kapangyarihan b. paghahangad sa yaman c. pagkauhaw sa katanyagan Ang kataksilan ni Adolfo ay resulta ng mga nabanggit na dahilan kaya’t ipinapatay niya sinaHaring Linseo at Duke Briseo. Talaga nga yatang ang pagiging taksil, isang ugaling hindi dapat pamarisan, ay kasama na sabuhay ng mga taong mainggitin gaya ng ipinakita ni Adolfo.Gamitin Ngayon naman ay ilalapat mo na ang mga natutuhan mo. Narito ang ilang piling saknongbuhat sa iba’t ibang bahagi ng akda. Tingnan nga natin kung masusuri mo ang mga ito sapamamagitan ng ilang pananaw pampanitikan. 1. Hindi lubos na kapani-paniwalang pangyayari 108 Di pa natatapos itong pangungusap may dalawang leong hangos nang paglakad siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad, ngunit nangatigil pagdating sa harap. 109 Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis sa abang sisil-ing larawan ng sakit, nangakatingala’t parang nakikinig sa di lumilikot na tinangis-tangis. Noong panahon ni Balagtas, maraming akda ang nagtataglay ng mga pangyayaring parangkataka-taka at mahirap paniwalaang pangyayari: Di ba may dalawang leong mabilis na lumalapit kay Florante? Ano ang gagawin ng dalawangleon sa binata? Tama, sisilain si Florante. Pero, ano ang ginawa ng mga leon nang malapit na kay Florante? Biglang tumigil, di ba?Bakit? 11
Parang naawa ang mga ito at tumingala pa na parang nakikinig sa pagtangis ng binata. Lubosbang kapani-paniwala ang mga pangyayaring nabanggit? Parang hindi lubos na kapani-paniwala,ano? 2. Pagbibigay-puri sa tauhan 394 Yaong ehersitong mula sa Etolya ang unang nawika sa gayong ligaya: “biba si Floranteng hari ng Albanya! Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!” Ang pangyayari sa saknong 394 ay kasama sa bahaging Masayang Wakas. Kung natatandaanmo pa, nang matatapos na si Laura sa pagkukwento, biglang dumating si Menandro kasama anghukbo. Nang makita nila sina Florante at Laura, gayon na lamang ang kanilang pagbubunyi. Bilang pagpapahalaga sa prinsesa, anong kapuri-puring salita ang isinigaw nila kay Laura? Tama ulit, Mabuhay ang Prinsesa Laura! 3. Pagkamakapangyarihan ng Diyos Sa mga saknong 395 at 398 ay may mahihiwatigan kang pangyayari na maiuugnay sa pagkamakapangyarihan ng Diyos. Basahin mo. 395 Dinala sa reynong ipinagdiriwang sampu ni Aladi’t Fleridang hirang kapuwa tumanggap na mangabinyagan nagkaisang sinta’y naraos nakasal 398 Kaya nga’t nagtaas ng kamay sa langit sa pasasalamat ng bayang tangkilik ang hari’t ang reyna’y walang iiniisip kundi ang magsabog ng awa sa kabig. Sige nga, subukin mong ibigay. Ganito ba ang mga sagot mo? a. naging binyagan sina Aladin at Flerida b. pagtanggap ng sakramento ng kasal c. pagpapasalamat ng mga mamamayan sa Diyos dahil sa mahusay na pamumuno nina Florante at Laura 4. Pangyayaring totoong nagaganap sa tunay na buhay 197 “Pag-ibig anaki’y aking nakilala di dapat palakhin ang bata sa saya at sa katuwaa’y kapag namihasa kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.” 12
Totoong nangyayari sa tunay na buhay ang pangyayaring binabanggit sa saknong 197, di ba?Sinasabing kapag sinanay ang bata sa luho at layaw, ano ang magiging resulta nito? Walangmatatamong ginhawa pag siya’y lumaki na. Bakit kaya? Kasi, hindi siya natutong magsikap. At pagang tao’y hindi marunong magsikap, ano ang mangyayari? Tama, hindi nga giginhawa ang buhayniya.Lagumin Narito ang ilang pananaw pampanitikang natutunan mo sa sub-araling ito. Tingnan mo ngakung naaalala mo pa ang mga ito. 1. Ang Madugong Paglalaban a. Hindi lubos na kapani-paniwalang pangyayari * Tinalo ng wala pang karanasan sa digmaan na si Florante si Heneral Osmalik na mas malawak na ang karanasan sa pakikidigma. b. Iba’t ibang damdaming nakapaloob * nagsaya ang mga mamamayan dahil nanalo sina Florante * natuwa ang hari dahil nanalo sina Florante * nalungkot sina Florante at lolo niyang hari ng Krotona dahil naalala nila ang pagkamatay ng ina ng binata 2. Naging Tagapagtanggol ng Albanya a. Pagbibigay-puri sa tauhan * pinapurihan si Florante at tinawag na tanggulan ng s’yudad b. Pagiging ulirang mamamayan ni Florante dahil sa mga kabayanihang nagawa. * nailigtas si Laura sa pagkapugot ng ulo * nailigtas si Haring Linseo sa kamay ng kaaway * nailigtas ang amang si Duke Briseo * nailigtas ang iba pang bilanggo kasama na rin si Adolfo 13
3. Sunud-sunod Pang Tagumpay a. Pagkamakapangyarihan ng Diyos * naniniwala si Florante na ang pagwawagi niya sa labanan ay kaloob ng Diyos.4. Si Adolfong Taksil a. Pangyayaring totoong nagaganap sa tunay na buhay * pagtataksil ni Adolfo dahil sa: - pagnanasa sa kapangyarihan - paghahangad sa yaman - pagkauhaw sa katanyaganSubukin Tingnan nga natin kung natatandaan mo pa ang mga napag-aralan mo. Subuking sagutin angmga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.1. Sa bahaging Ang Madugong Paglalaban, sinong pinuno ang baguhan pa lamang sa pakikipaglaban? a. Florante b. Heneral Osmalik c. Adolfo2. Sino namang pinuno ang may malawak nanag karanasan sa pakikipaglaban? a. Adolfo b. Florante c. Heneral Osmalik3. Sa bahagi pa ring Ang Madugong Paglalaban, sinong pinuno ang nagwagi? a. Heneral Osmalik b. Adolfo c. Florante4. Nailigtas ang Krotona sa kamay ng mga Moro. Dahil dito, natuwa ang . a. Monarka b. mga kaaway c. mga Moro 14
5. Sa bahaging Naging Tagapagtanggol ng Albanya, sino sinasabing naging tagapagtanggol ng kaharian? a. Haring Linseo b. Florante c. Duke Briseo 6. Sa bahagi pa ring Naging Tagapagtanggol ng Albanya, ang naging tagapagtanggol ay . a. pinabayaan b. pinahirapan c. pinapurihan 7. Kapag ipinagtanggol mo ang iyong bayan laban sa mga kaaway, ikaw ay isang mamamayang _______________ a. uliran b. makasarili c. palaaway 8. Nailigtas ni Florante si Laura sa isang kapahamakan ito? a. pagkabilanggo b. pagkapugot ng ulo c. pagkalunod 9. Sa bahaging Sunud-sunod Pang Tagumpay, bukod sa lakas at tapang, ano pa ang mahalaga para magtagumpay sa pakikipaglaban? a. pananalig sa sarili b. pananalig sa Diyos c. pananalig sa magulang 10. Dahil sa paghahangad sa kapangyarihan, anong kataksilan ang ginawa ni Adolfo kay Haring Linseo? a. Ipinadukot ang hari. b. Ipinabilanggo ang hari. c. Ipinapatay ang hari.Ganito ba ang sagot mo? 1. a 2. c 3. c 4. a 5. b 6. c 7. a 8. b 9. c 10. c 15
Paunlarin Narito ang ilan pang saknong buhat sa iba’t ibang bahagi ng ng akda. Unawain at sagutin angmga tanong sa ibaba kaugnay ng ilan pang pananaw pampanitikan. 1. Hindi lubos ng kapani-paniwalang pangyayari 181 “Buong kamusmusa’y di na sasalitin, walang may halagang nangyari sa akin kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin ng isang buwitreng ibong sadyang sakim. 182 “Ang sabi ni ina ako’y natutulog, sa bahay sa kintang malapit sa bundok, pumasok ang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.” a. Ang sanggol na binabanggit sa mga saknong na ito ay si: (Florante, Laura, Adolfo) b. Ang ibong dadagit sa sanggol ay (agila, buwitre, lawin). c. Ang ibong binabanggit sa saknong ay mandadagit ng isang buhay na sanggol. Hindi ito lubos na kapani-paniwala pagkat ang kinakain ng ibong ito’y: (halaman at prutas, patay na hayop, kapwa ibon). 2. Pagbibigay-puri sa tauhan 307 “Sinalubong kami ng haring dakila, kasama ang buong baying natimawa ang pasasalamat ay di maapula sa di magkawastong nagpupuring dila. 308 “Yaong bayang hapo’t bagong nakatighaw, sa nagbalang bangis ng mga kaaway, sa pagkatimawa ay nag-aagawang malapit sa aki’t damit ko’y mahagkan.” a. Ang mga saknong ay buhat sa bahaging may pamagat na Ang Madugong Paglalaban. Dito’y nanalo sina Florante laban kay (Heneral Osmalik, Aladin, Adolfo). b. Dahil nanalo sina Florante, ang hari at ang buong bayan ay nagpasalamat bilang tanda ng (panghihinayang, pagbibigay-puri, kawalang utang na loob). c. Habang nagbubunyi ang taong-bayan, lumapit sila kay Florante upang damit ng binata’y mahagkan. Ang ganitong papuri ay tanda ng (pagkukunwari, paghanga, pagkutya). 16
3. Pagkamakapangyarihan ng Diyos 22 “Makapangyarihang kamay mo’y ikilos papamilantikin ang kalis ng poot, Sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok, ang iyong higanti sa masamang-loob.” 23 “Datapwa’t sino ang tatarok kaya? sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila? Walang mangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang Iyong ninanasa.” a. Ang Albanya ay nasa pamumuno ng taksil na si Adolfo. Nakikiusap ang nakagapos na si Florante na maparusahan ang (masasamang-loob, mabuting-loob, walang kusang-loob). b. Nakikiusap si Florante sa (mamamayan, pamahalaan, Diyos). c. Ayon kay Florante, sino ang nakakaalam ng gustong mangyari ng Diyos? (maraming nakaaalam, walang nakaaalam, kakaunti ang nakaaalam) d. Naniniwala si Florante na ang mga nangyayari ay (kaloob ng Diyos, hindi alam ng Diyos, walang pakialam ang Diyos). Anu-ano ang mga sagot mo? Ganito ba? 1. a. Florante b. buwitre c. patay na hayop 2. a. Heneral Osmalik b. pagbibigay-puri c. paghanga 3. a. Masasamang-loob b. Diyos c. walang nakakaalam d. kaloob ng Diyos 4. Pangyayaring totoong nagaganap sa tunay na buhay 238 “Nang mahimasmasa’y narito ang sakit dalawa kong mata’y naging parang batis at ang ay, ay ina’y kung kaya mapatid ay nakalimutan ang paghingang gipit. 239 “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam ay nanaw sa akin ang sandaigdigan; nag-iisa ako sa sa gitna ng lumbay ang kinakabaka’y sarili kong buhay.” 17
a. Nang mamatay ang ina ni Florante, siya’y (dumaranas ng kalungkutan, hindi nasaktan, walang naramdaman). b. Sa tunay na buhay, pag namatay ang ina, ang karaniwang nadarama ng anak ay (pagkabigo, pagkahilo, pangungulila). c. Masakit sa kalooban ang mamatayan ng isang anak ay (huwag itong tanggapin, tanggapin ang katotohanang ito, huwag itong paniwalaan). d. Naniniwala si Florante na ang mga nangyayari ay (kaloob ng Diyos, hindi alam ng Diyos, walang pakialam ang Diyos).Sub-Aralin 2Layunin Pagsusuri sa pamamagitan ng iba pang pananaw pampanitikan - Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay: - nakapagsusuri ng pagka-naturalistik ng akda - nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi nakatutukoy ng mga tiyak na pangyayari sa akda sa kasaysayan ng bansaAlamin Ano nga ba ang huling tagpong binabanggit sa Sub-Aralin 1? Naaalala mo pa kaya ito? Ito’yang tagpong nakagapos sa gubat ni Florante at doon nga ay natagpuan siya ng gererong Moro. Sige,magpatuloy ka sa pagbasa para malaman mo pa ang mga sumusunod na pangyayari. Ang Kapalaran ni Aladin Matapos malaman ni Aladin ang kwento ng buhay ni Florante, sinabi nitoong siya namanngayon ang magsasalaysay ng kanyang naging kapalaran. Sa simula ay ipinakikilala ni Aladin ang sarili. Anak siya ni Sultan Ali-Adab at maykasintahang nagngangalang Flerida. Sawi daw siya sa pag-ibig kagaya ni Florante. At dahil parehosilang sawi, sinabi ni Aladin kay Florante na doon na lamang sa gubat sila manirahan. Tumira sila sagubat nang limang buwan. Narito ang mga saknong na nagpapakita ng matinding emosyon ni Aladin habang nakikipag-usap kay Florante. 18
348 “Sa pagbatis niring mapait na luha ang pagkabuhay ko’y sukat mahalata... Ay ama ko! Bakit?... ay Fleridang tuwa! Katoto’y bayaang ako’y mapayapa. 349 “Magsama na kitang sa luha’y maagnas yamang pinag-isa ng masamang palad, sa gubat na ito’y hintayin ang wakas ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.” Ano ang nadarama ni Aladin? Siguro, naramdaman mo ang matinding kalungkutang nadarama ni Aladin nang oras na iyon,ano? Umiiyak pa nga siya, di ba? Isang araw, habang naglilibot sila sa gubat, sinimulang isalaysay ni Aladin ang kanyangkasawian sa pag-ibig. Inagaw pala ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kasintahan niyang siFlerida. Kung paano nangyari ito, alamin mo sa mga saknong na sumusunod: 354 “Anupa’t pinalad na aking dinaig, sa katiyagaan ang ang pusong matipid at pagkakaisa ng dalawang dibdib, pagsinta ni ama’y nabuyong gumiit. 355 “Dito na minulan ang pagpapahirap sa aki’t ninasang buhay ko’y mautas, at nang mabalitang reyno’y nabawi mo, ako’y hinatulang pugutan ng ulo.” Si Aladin pala’y ipinakulong ng kanyang amang hari. Pinagbintangan siyang iniwan anghukbo sa Albanya nang wala pang utos ang ama. Nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulangpugutan ng ulo si Aladin. Pinatawad naman si Aladin kapalit ng pag-alis ng binata sa Persiya. Ang Pagtakas ni Flerida Ayon pa rin sa kwento ni Aladin, anim na taon na siyang nagpalabuy-laboy sa gubat. Biglangnahinto ang kanyang pagkukwento pagkat may narinig silang dalawang babaeng nag-uusap. Ganitoang kanilang narinig: 19
361 Napakinggan nila’y ang ganitong saysay: “Nang aking matatap na papugutan ang abang sinta kong nasa bilangguan, nagdapa sa yapak ng haring sukaban. 362 “Inihinging tawad ng luha at daing ang kaniyang anak gna mutya ko’t giliw; ang sagot kung hindi kusa kong tanggapin ang pagsinta niya’y di patatawarin.” Sino sa palagay mo ang babaeng nagsasalaysay sa mga saknong 361 at 362? Si Flerida baang sagot mo? Kung oo, tama ang sagot mo. Sino naman ang sinasabi niyang lalaking pupugutan ng ulo? Kung si Aladin ang sagot mo,tama ka ulit. Kung gayon, pumayag pala ang Sultang Ali-Adab na patawarin si Aladin basta’t papayag siFlerida na pakasal sa kanya. Alam mo ba ang nanging reaksyon ng sultan sa ginawang pagpayag ni Flerida na pakasal?Alamin mo sa saknong na ito: 365 “Sa tuwa ng hari’y pinawalan agad ang dahil ng aking luhang pumapatak, datapwa’t tadhanang umalis sa s’yudad at sa ibang lupa’y kusang nawakawak.” Ano nga ang ginawa ng hari? Pinawalan niya si Aladin, di ba? Dahil sa pag-alis ni Aladin, hindi sila nagkausap man lamang ni Flerida. Handa na ang lahatpara sa kasal ngunit tumakas si Flerida na nakadamit gerero. May ilang taon na ring naglagalag angdalaga sa bundok at gubat hanggang sa isang araw ay mailigtas niya ang babaeng kausap sa kamay ngtaong sukab. Nahinto ang pagsasalaysay ni Flerida dahil sa pagdating nina Florante at Aladin. Ano sa palagay mo ang naging daramdamin ng apat nang sila’y magkatagpu-tagpo?Siyempre naman, labis na kaligayahan, di ba? Basahin mo ang isinasaad ng saknong 373. 373 Anupa nga’t yaong gubat na malungkot, sa apat ay naging paraisaong lugod, makailang hinting kanilang nalimot na may hininga pang sukat na malagot. 20
Masayang Wakas Ikinuwento naman ni Laura ang mga pangyayari sa Albanya. Ayon sa kanya, nagkagulo angtaong-bayan sa pag-aakalang binalak ni Haring Linseo na gamitin sila. Pakana lamang ito ng sukabna si Adolfo. Si Adolfo rin ang nagpakanang pupugutan ng ulo ang hari at ang matatapat nitongalalgad. Umakyat siya sa trono at pinilit pakasal sa kanya si Laura. Alam mo ba ang ginawa ni Laura? Nagkunwaring payag si Laura na pakasal para magkapanahong padalhan ng sulat si Florante.Limang buwan ang hinihinging palugit ng dalaga. Nahulog naman sa patibong ni Adolfo si Florante.Umuwi kasi siyang mag-isa matapos makatanggap ng sulat na buong akala’y galing sa tunay na hari. Nang malaman ni Laura ang nangyari sa kasintahan, ninais niyang magpakamatay ngunitdumating si Menandro at nailigtas ang Albanya. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura. Pagdatingsa gubat ay tinangkang pagsamantalahan ni Adolfo ang dalaga. Dumating naman si Flerida at pinanasi Adolfo na ikamatay ng lalaki noon din. Habang patuloy sa pagkukwento si Laura, bigla namang dumating si Menandro na maykasamang hukbo. Tuwang-tuwa siya nang makita si Florante. Ipinagbunyi nila si Florante. Isinamanina Florante ang magkasintahang Aladin at Flerida. Pumayag naman sina Aladin at Flerida namabinyagan sa Kristiyanismo. Ikinasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Nang mamatay si Sultan Ali-Adab ay umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida. Namayaninaman ang kapayapaan sa Albanya sa pamumuno nina Florante at Laura. Ikinatuwa naman ito ngmga mamamayan at lubos nilang ipinagpasalamat sa Diyos. Natapos ang kwento sa isang masayang wakas.Linangin Ngayon ay ipagpatuloy natin ang pagsusuri sa ilan pang pangyayari sa akda sa pamamagitanng iba pang pananaw pampanitikan. Simulan natin sa bahaging may pamagat na Ang Kapalaran niAladin. Kung natatandaan mo pa, matapos malaman ni Aladin ang buhay Florante, si Aladin namanang nagsimulang magsalaysay ng kanyang buhay. Ang isang kapansin-pansin sa pagsasalaysay niAladin ay ang pagiging emosyonal nito. Talagang mararamdaman mo ang matinding damdamin sakanyang mga salita. Pansinin mo sa mga saknong na ito ang matinding emosyong nararamdaman ni Aladin habangnakikipag-usap kay Florante. Ganito ang kanyang mga sinabi: 21
348 “Sa pagbatis niring mapait na luha ang pagkabuhay ko’y sukat mahalata... Ay ama ko! Bakit?... Ay Fleridang tuwa! katoto’y bayaang ako’y mapayapa. 349 “Magsama na kitang sa luha’y maagnas yamang pinag-isa ng masamang palad, sa gubat na ito’y hintayin ang wakas ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.” Naramdaman mo ba ang sobrang kalungkutan ni Aladin? Umiiyak siya nang mga sandalingiyon, di ba? Mararamdaman din ang kanyang sama ng loob sa ama. Dahil nagkahiwalay sila ng kanyang kasintahan, ano ang nais niyang mangyari? Tama, naisna niyang mamatay pagkat nawalan na siya ng pag-asa sa buhay. Isa-isahin natin ang ilang mga salitang sinabi ni Aladin na punung-puno ng damdamin. a. pagbatis ng mapait na luha b. Ay ama ko! bakit? c. Ay Fleridang tuwa! d. bayaang ako’y mapayapa e. sa luha’y maaagnas f. hintayin ang wakas Sa pagpapatuloy ni Aladin ng kanyang kwento, emosyunal na isinalaysay niya ang kanyangkabiguan sa pag-ibig. Bigyang pansin mo ang damdamin ni Aladin na makikita sa mga saknong naito. 354 “Anupa’t pinalad na aking dinaig, sa katiyagaan ang pusong matipid at pagkakaisa ng dalawang dibdib, pagsinta ni ama’y nabuyong gumiit. 355 “Dito na minulan ang pagpapahirap sa aki’t ninasang buhay ko’y mautas, at nang magbiktorya sa Albanyang s’yudad pagdating sa Persya’y binilanggo agad. 356 “At ang ibinuhat na kasalanan ko, di pa utos niya’y iniwan ang hukbo, at nang mabalitang reyno’y nabawi mo, ako’y hinatulang pugutan ng ulo.” 22
349 “Magsama na kitang sa luha’y maagnas yamang pinag-isa ng masamang palad, sa gubat na ito’y hintayin ang wakas ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.” Napansin mo ba ang matinding sama ng loob ni Aladin? Kanino nga ba siya may matindingsama ng loob? Tama, sa kanyang ama. Masisisi kaya si aladin kung naging emosyunal at magtanim ng sama ng loob sa kanyangama? Ano sa palagay mo? Sa bahagi namang may pamagat na Ang Pagtakas ni Flerida, bibigyang pansin natin ang mgaimaheng ginamit sa akda. Di ba, kung minsan, habang binabasa mo ang akda, parang may nabubuong larawan sa iyongisip? Iyan ay dahil sa tulong ng mga salitang ginamit ng awtor para antigin o kilitiin ang iyong iba’tibang pandama. Anu-ano naman ang mga pandamang ito? Ito’y maaaring paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, o pansalat. Para lalo mong maunawaan ang ibig sabihin ng imahe, kunin nating halimbawa ang mgasaknong na ito. 362 “Inihinging tawad ng luha at daing ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw; ang sagot kung hindi kusa kong tanggapin ang pagsinta niya’y di patatawarin.” 365 “Sa tuwa ng hari’y pinawalan agad ang dahil ng aing luhang pumapatak, datapwa’t tadhanang umalis sa s’yudad at sa ibang lupa’y kusang nawakawak.” 373 “Anupa nga’t yaong gubat na malungkot, sa apat ay naging paraiso’t lugod, makailang hinting kanilang nalimot na may hininga pang sukat na malagot.” Napansin mo ba ang imaheng luha at daing na nasa unang linya ng saknong 362? Anokayang ayos ni Flerida ang parang nakalarawan sa isip mo habang lumuluha at dumadaing? Di ba,parang larawan ng isang babaeng nagmamakaawa? 23
Bilang imahe, ang luha at daing ay umaantig sa paningin at pandinig. Bakit? Sapagkat pagmay nakakita tayong umiiyak at may naririnig na dumadaing, naaapektuhan ang ating damdamin.Bilang resulta, ano ang karaniwang nararamdaman natin? Pagkaawa di ba? Sa ikalawang halimbawa ay gumamit naman ng luhang pumapatak bilang imahe. Makikita itosa ikalawang linya ng saknong 365. Ano kayang pandama ang inaantig nito? Paningin ba anginaantig nito? Kung oo ang sagot mo, tama iyan. Anong damdamin kaya ang karaniwangnararanasan ng isang tao kapag nakakita ng babaeng may luhang pumapatak o umiiyak? Pagkaawadi ba? Sa ikatlong halimbawa ay ginamit na imahe ang gubat ng malungkot. Anu-ano bang pandamaang maaaring antigin nito? Tama, paningin, pandinig, pang-amoy at pansalat. Ano naman kayangbagay na nasa malungkot na gubat ang umaantig ng iba;t ibang pandama? Sa unang bahagi ng akda ay detalyadong inilarawan ang gubat. Binanggit din ang mga bagaysa gubat na umaantig ng iba’t ibang pandama. Narito ang ilang halimbawa: a. paningin madilim at mapanglaw na gubat b. pandinig nakalulunos na huni ng ibon c. pansalat may bulo ang mga bunga ng kahoy d. pang-amoy masangsang na amoy ng mga bulaklak Ang bahaging may pamagat na Masayang Wakas ang pinakakatapusang bahagi ng akda. Bakit nga ba may pamagat itong Masayang Wakas? Simpleng-simple lamang ang sagot diba? Marami kasing pangyayari ang naganap na naghatid ng kaligayahan sa mga tauhan. Sipiin sasagutang papel ang letra ng mga kasiya-siyang pangyayari. a. Nailigtas ni Menandro ang Albanya sa kamay ni Adolfo. b. Inagaw ng Sultan si Flerida kay Aladin. c. Nailigtas ni Flerida si Laura sa pagsasamantala ni Adolfo. d. Limang buwan tumira sa gubat sina Florante at Aladin. e. Pumayag sina Aladin at Flerida na mabinyagan sa pananampalatayang Kristiyanismo. f. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. g. Napatay ni Flerida si Adolfo. Sa mga pangyayaring nabanggit, dalawa lamang ang hindi kasiya-siya: b at d. Tama ba angsagot mo? 24
May isa ritong maiuugnay na pangyayari sa kasaysayan ng bansa. Alin ito? Ito’a angpangyayaring ang mga Morong sina Aladin at Flerida ay pumayag na mabinyagan sapananampalatayang Kristiyanismo. Di ba’t ayon sa kasaysayan, noong panahon ng Kastila aypinalaganap nila ang Kristiyanismo? Dahil dito, maraming mamamayang Pilipino ang nagingKristiyano.Gamitin Narito ang ilan pang saknong buhat sa iba’t ibang bahagi ng akda. Subukin nating suriin sapamamagitan ng ilan pang pananaw pampanitikan. 1. Pagiging emosyunal ng tauhan 39 “Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki’y pangako, at pinagliluhan ang tapat na puso, pinagguguluan mo ng luhang tumulo?” 55 “Halina, Laura’t aking kailangan ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ngayong hinihingi ang iyong pagdamay, ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.” Kung minsan, nagiging sobrang emosyunal ng tauhan dahil sa matitinding pangyayaringdumarating sa buhay. Sa mga saknong 39 at 55, sinong tauhan ang dumaranas ng matinding emosyon? Si Floranteba ang sagot mo? Kung gayon, tama ang iyong sagot. Sa saknong 39 ay matindi ang paghihinagpis ng binata. Bakit kaya? Kasi, akala niya’ynagtaksil si Laura. Sino naman ang lalaking sa akala ni Florante’y bagong minamahal ng dalaga?Tama, si Adolfo nga iyon. Sa saknong 55 ay patuloy ang pagdadalamhati ni Florante. Nananawagan siya kay Laura.Ano ba ang hinihingi niya sa dalaga? Ang pagdamay, di ba?2. Mga matulaing imahe Dito naghimutok nang kasindak-sindak 67 na umalingawngaw sa loob ng gubat, tinangay ang diwa’t karamdamang hawak ng buntong-hininga’t luhang lumagaslas. 25
68 Sa puno ng kahoy ay napayukayok ang liig ay supil ng lubid na gapos, bangkay na mistula’t ang kulay na burok ang kayang mukha’y naging puting lubos. Sa bahaging Linangin ay mga salitang ginagamit ng awtor para makabuo ng isang larawan saating isip. Nangyayari ito sapagkat ang imahe ay umaantig ng iba’t ibang pandama. Anu-ano ngaang mga pandamang inaantig ng imahe? Di ba’t ito’y maaaring paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy o pansalat? Sa mga saknong 67 at 68 ay inilalarawan ang kalagayan ni Florante habang nasa gubat atnakagapos sa isang puno. Isa-isahin nga natin ang mga imahe na naglalarawan sa kalagayan niFlorante. a. naghimutok nang kasindak-sindak b. nagbuntong-hiniga c. may luhang lumagaslas d. mistulang bangkay e. mukha’y naging putting lubos Ano ang pandamang inaantig ng naghimutok at nagbuntong-hininga? Pandinig ba ang sagotmo? Kung oo, tama ang sagot mo. Bakit? Sapagkat ang paghihimutok at pagbubuntong-hininga aymay likhang tunog na tumitimo o kumikintal sa isip sa tulong ng pandinig. Ano naman kayang pandama ang inaantig ng luhang lumagaslas, mistulang bangkay atmukha’y naging puti? Kung ang sagot mo’y paningin, tama ulit ang sagot mo. Bakit? Sapagkat angpagluha, ang pagiging mukhang bangkay ng isang tao at pamumuti ng kulay ng mukha ay tumitimo okumikintal sa isip sa tulong ng ating mga mata. 3. Pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan 14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang naghaharing hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati.” 18 “At ang balang bibig na binubukalan, ng sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis na lalong dustang kamatayan.” Sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura noong panahon ng pananakop ng Kastila, di ba? Sa mga saknong 14 at 18 ay inilalarawan ni Balagtas sa pamamagitan ng tauhang si Floranteang mga nagaganap sa Albanya. Anu-ano ang mga ito? Isa-isahin natin. 26
a. Naghahari ang kataksilan. b. Namamayani ang kasamaan kaysa kabutihan. c. Walang kalayaan sa pagsasalita. Naniniwala ka bang ang mga pangyayaring binabanggit na nagaganap sa Albanya aynagaganap din sa Pilipinas? Kung oo ang sagot mo, bakit? Kasi, ganyang-ganyan din angnangyayari sa bansa natin sa kamay ng mga Kastila.Lagumin Ngayon ay isa-isahin natin ang mga napag-aralan mong pananaw pampanitikan sa sub-aralingito: 1. Ang Kapalaran ni Aladin a. Pagiging emosyunal ng tauhan * Sobra ang kalungkutan ni Aladin dahil nagkahiwalay sila ng kasitahang si Flerida. * Matindi ang sama ng loob ni Aladin sa kanyang ama dahil inagaw nito si Flerida. 2. Ang Pagtakas ni Flerida a. Mga matulaing imahe * Luha at daing- umaantig ng paningin at pandinig * luhang pumapatak- umaantig ng paningin * madilim na gubat- umaantig ng paningin * nakalulunos na huni ng ibon- umaantig sa pandinig * may bulo ang mga bunga ng kahoy- umaantig sa pansalat * masangsang ang amoy ng mga bulaklak- umaantig sa pang-amoy 3. Masayang wakas a. Pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan ng bansa * Nabinyagan sa pananampalatayang Kristiyanismo ang mga Morong sina Aladin at FleridaSubukin Narito ang ilang tanong tungkol sa mga napag-aralan mo sa Sub-Aralin 2. Subukin mongsagutin ang mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.1. Anong damdamin ang naghahari kay Aladin para sa kanyang ama? a. matinding sama ng loob b. matinding pagmamahal c. matinding paghanga 27
2. Ayon sa salaysay ni Aladin, ano ang nangyari sa kanila ng kasintahang si Flerida? a. nag-away b. nagtanan c. naghiwalay3. Anong kalagayan ni Aladin ang ipinakikita sa mga taludtod na ito? Saknong 351, taludtod 3-4: dito sinalita ni Alading hayag ang kaniyang buhay na kahabag-habag. a. nasa kahanga-hangang kalagayan b. nasa kaawa-awang kalagayan c. nasa katawa-tawang kalagayan4. Naging masaya ang pagkikita-kita ng dalawang pares ng magkasintahan: sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Alin sa mga imaheng ito ang angkop na naglalarawan sa pangyayari? a. Nagkulay rosas ang paligid. b. Nagdilim ang kalangitan. c. Binalot ng kalungkutan ang paligid.5. Anong pandama ang inaantig ng imaheng gubat na masukal? a. paningin b. pang-amoy c. panlasa6. Ano namang pandama ang inaantig ng imaheng nakalulunos na atungal ng hayop? a. pansalat b. pang-amoy c. pandinig7. Anong pandama naman ang inaantig ng imaheng matutulis na tinik ng baging? a. pandinig b. pang-amoy c. pansalat8. Ang imaheng halimuyak ng kabubukang bulaklak ay umaantig ng pandamang _______________. a. pang-amoy b. panlasa c. pandinig9. Ang Kristiyanismo ay lumaganap sa ating bansa noong panahon ng _________________. a. Amerikano b. Kastila c. Hapon10. Sina Aladin at Flerida ay nakasal sa ilalim ng basbas ng _________________. a. Kristiyanismo b. Islam c. Buddhismo 28
Ganito ba ang sagot mo? 6. c 7. c 1. a 8. a 2. c 9. b 3. b 10.a 4. a 5. aPaunlarin Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong kaugnay ng ilang pang pananawpampanitikan. 1. Pagiging emosyunal ng tauhan 79 “Sa kuko ng lilo’y aking aagawin ang kabiyak niring kaluluwang angkin liban na kay ama, ang sinuma’t alin ay di-igagalang ang tangang patalim. 80 “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat, nasunod ka lamang.” a. Sinabi ni Aladin na papatayin niya amg sinumang aagaw sa kasintahan, maliban sa kanyang (lolo, ama, kapatid.) b. Ang tinukoy niyang kasintahan ay si (Flerida, Laura, Leonora.) c. Pati mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa (pera, mana, pag-ibig.) d. Sa saknong 79, ang damdamin ni Aladin ay (pagkagalit, pagkatuwa, pagkabigla.) e. Sa saknong 80, ang damdamin ni Aladin ay (paghanga, paghihimutok, pagtataka.) 2. Mga matulaing imahe 278 “Sa kaligayaha’y ang nakakaayos- bulaklak na bagong winahi ng hamog; anupa’t sinumang palaring manood, patay o himala kung hindi umirog.” 10 Makinis ang balat at anaki’y burok, pilik-mata’t kilay, mistulang balantok, bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng katawa’y pawang magkaayos. 29
a. Si Laura ay inihambing sa bulaklak na bagong winahi ng hamog. Magandang halimbawa ito ng imahe. Anong pandama ang inaantig ng bulaklak? (paningin, panlasa, pandinig)b. Ang bulaklak ay maari ring umantig ng (pandinig, pang-amoy, panlasa).c. Ang imaheng hamog ay umaantig ng (pansalat, pandinig, paningin).d. Alin ang umaantig ng pandamang pansalat? (nakabalantok na pilit-mata’t kilay, makinis na balat, kulay gintong buhok)e. Kung bubuo ka ng imahe na maglalarawan kay Florante, alin sa mga ito ang angkop? (kahanga-hangang kakisigan, patpating pangangatawan, mala-bariles na pangangatawan)3. Pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan16 Nguni, ay ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay iniluluklok, at sa balang sukab na may asal hayop, mabangong insenso ang isinusuob.a. Ang mga pangyayaring binabanggit sa saknong ay nagaganap sa (Albanya, Persiya, Turkiya).b. Ang taksil na namumuno ay si (Haring Linseo, Duke Briseo, Konde Adolfo)c. Ang mga pangyayaring binabanggit ay nagaganap din sa Pilipinas noong panahon ni Balagtas. Ito’y panahon din ng pananakop ng mga (Hapon, Amerikano, Kastila).d. Ayon sa saknong, sino ang iniluklok sa kapangyarihan? (ang mga taksil at masasamang-loob, ang may mabubuting-loob, ang mahuhusay mamuno)e. Sino rin ang pinapupurihan? (ang mga taksil, ang may mabubuting-loob, ang mahuhusay mamuno)Tingnan mo nga kung ganito ang mga sagot mo:1. a. ama 3. a. Albanya b. Flerida b. Konde Adolfo c. pag-ibig c. Kastila d. pagkagalit d. ang mga taksil at masasamang loob e. paghihimutok e. ang mga taksil2. a. paningin b. pang-amoy c. paningin d. makinis na balat e. kahanga-hangang kakisigan 30
Gaano ka na kahusay? Ngayon mahal kong mag-aaral ay tapos mo na ang modyul na ito. Upang malaman kung lubosmong natutuhan ang ating mga aralin, sagutin mo ang pagsusulit sa ibaba. Galingan mo ha? Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isusulat mo ang mga sagot sa sagutang papel. A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Nang magpunta si Florante at ang kanyang hukbo sa Krotona para iligtas ang bayang ito, sino ang kanyang nakalaban? a. Heneral Osmalik b. Heneral Miramolin c. Heneral Aladin 2. Tinalo ni Florante na wala pang kakara-karanasan sa pakikipaglaban ang isang pinunong napakalawak na ang karanasan sa pakikidigma. Ang ganitong pangyayari ay ____________. a. laging nagaganap b. kapani-paniwala at di-kapani-paniwala c. hindi lubos na kapani-paniwala 3. Sobrang pagbubunyi ang ginawa ng mga mamamayan ng Krotona. Ito’y dahil sa ________________. a. patuloy ang pananakop ng mga kaaway b. nailigtas ang kaharian sa kamay ng mga Moro c. muntik nang nailigtas ang kaharian sa kamay ng mga Moro 4. Nang magkita si Florante at ang hari ng Krotona na kanyang lolo, nakaramdam sila ng kalungkutan. Mangyari’y naalala nila ang ____________________. a. pagkamatay ng asawa ng hari b. pagkamatay ng ina ng binata c. pagkamatay ng ama ng binata 5. Dahil sa pagtatanggol ni Florante sa Albanya, anong papuri ang itinawag sa kanya? a. tanggulan ng s’yudad b. tanggulan ng bayan c. tanggulan ng bansa 6. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging ulirang mamamayan ng Albanya si Florante? a. Ipinagtanggol niya ang Persiya sa mga kalabang Moro. b. Ipinagtanggol niya ang Krotona sa mga kalabang Moro. c. Ipinagtaggol niya ang Albanya sa mga kalabang Moro. 31
7. Alin sa mga ito ang kabayanihang nagawa ni Florante para sa kanyang bayan? a. Nailigtas si Haring Linseo sa mga Moro. b. Nailigtas ang kanyang lolo sa mga Moro. c. Nailigtas ang Krotona sa mga Moro.8. Ayon kay Florante, ang bawat tagumpay niya sa pakikipaglaban ay ________________. a. kaloob ng mamamayan b. kaloob ng Maykapal c. kaloob ng kaharian9. Alin sa mga ito ang ginawang kataksilan ni Adolfo? a. Ipinapatay si Laura. b. Ipinapatay si Florante. c. Ipinapatay si Haring Linseo.10. Alin sa mga ito ang sanhi ng kataksilan ni Adolfo? a. paghahangad sa kapangyarihan b. pananakop sa ibang kaharian c. pagkakaroon ng maraming kaaway11. Alin sa mga ito ang may katotohanan? a. Ang pagtataksil ay totoong nagaganap sa tunay na buhay. b. Ang pagtataksil ay hindi totoong nagaganap sa tunay na buhay. c. Ang pagtataksil ay walang kaugnayan sa tunay na buhay.12. Anong matinding emosyon ang ipinahahayag ni Aladin nang sabihin niyang “Sa pagbatis niring mapait na luha?” a. matinding takot b. matinding lungkot c. matinding gulat13. Ano namang emosyon ang ipinahiwatig ng “Ay ama ko! Bakit?” a. pangungulila sa ama b. hinanakit sa ama c. pagmamahal sa ama14. Anong emosyon naman ang ipinahihiwatig ng hintayin ang wakas? a. kawalang kasiyahan b. kawalang-awa c. kawalang pag-asa15. Alin sa mga ito ang tunay na dahilan ng pagdadalamhati ni Aladin? a. Namatay ang kanyang ina. b. Namatay ang kanyang ama. c. Inagaw ang kanyang kasintahan. 32
16. Aling imahe ang naglalarawan ng kalungkutan ni Flerida? a. may ngiti sa labi b. may luhang pumapatak c. may mamula-mulang pisngi17. Anu-anong pandama ang inaantig ng imaheng luha at daing? a. panlasa at pang-amoy b. paningin at pandinig c. pansalat at panlasa18. Anong pandama ang inaantig ng imaheng may bulo ang mga bunga ng kahoy? a. pang-amoy b. panlasa c. pansalat19. Anong pandama naman ang inaantig ng imaheng nakalalasong bunga ng mga baging? a. panlasa b. pansalat c. pandinig20. Batay sa kasaysayan, nang panahon ng mga Kastila ay pinalaganap nila ang Kristiyanismo. Sinu-sino ang mga tauhang pumayag na mabinyagan sa Kristiyanismo? a. Aladin at Flerida b. Florante at Laura c. Adolfo at Menandro 33
a. “Ganito ang paraan ng pagtatanim ng palay. Kailangang may pagitan ang bawat isa upang maging maganda ang tubo at kumita nang malaki.” b. “Pare, salamat sa iyong pagtitiyaga sa pagtuturo sa akin. Tiyak na malaki ang kikitain ko ngayon.” c. “Malaki ang utang na loob mo sa akin. Tulungan mo rin ako pag naghirap ako ha?” d. “Tiyak na magiging maganda ang paglaki ng mga pananim mo kasi pinakamagagandang binhi ang iyong itinanim.” 2. Pangungusap na Interaksyunal ___________________________ ______________nagpapaliwanag ______________nangangatwiran ___________________________ a. “Ito ang pook na gustung-gusto ko. Tahimik, maaliwalas at malinis ang paligid.” b. “Kalabaw pa rin ang gamit ko sa pagsasaka dahil hindi ko kayang bumili ng traktora kahit alam kong mapagagaan nito ang aking mga gawaing-bukid.” c. “Inuuna ko muna ang pangangailangan ng aking pamilya. Mahalaga ang edukasyon ng aking mga anak at ang pang-araw-araw naming gastusin.” d. “Tuloy po kayo sa aming munting tahanan. Pagpasensyahan nyo na po ang aking makakayanan.”PaunlarinPanuto: Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay Interaksyunal, B kung nagpapaliwanag at C kung nangangatwiran. 1. Isa sa mabigat na suliranin ng mga magsasaka ang kakulangan ng puhunan na kailangan sa pagpapalaki ng produksyon. 2. Naibebenta lamang sa mababang halaga ang mga produktong inaani ng mga magsasaka dahil masyadong malayo ang mga pamilihang bayan. 3. Maraming magsasaka ang nawawalan ng gana na pagbutihin at pataasin ang kanilang produksyon dahil ang mga may-ari ng lupa lamang ang higit na nakikinabang sa kanilang pagpapagod. 4. Nagiging sagabal sa maayos na pagbebenta ng mga lokal na produkto ang pagdagsa ng mga produktong imported dahil sa pagpapairal ng maluwag na patakaran ng kalakalan. 5. Anu-ano po ba ang dapat gawin upang maipagbili nang maayos sa mga pamilihang bayan ang mga lokal na produkto? Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto .kung mayroon mang kamalian sa iyong sagot, balikan mo ang araling ito at pag-aralang mabutikung bakit iyon ang tamang sagot upang maging malinaw sa iyo ang lahat. 18
Sub Aralin 2Layunin • Nakalilikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama • Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang may magkakahawig na kahuluganAlamin Tingnan mo ang mga larawan. Kaya mo bang piliin ang mga salitang katambalnito? Hanapin ang katambal na salitang nakasulat sa ibaba. Subukin mong hanapin ang katambal na salitang nakasulat sa ibaba at ibigay angkahulugan na nabuo mong salita.Balat lakad palayLawin aso’t ningasLinangin May iba’t ibang paraan sa pagbuo ng salita. Isa sa pag-aaralan mo ngayon angpagtatambal ng dalawang salitang nag-iiba ang kahulugan o nawawala ang kahulugan ngdalawang salitang pinagtambal at nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa sa tambalang “dalagambukid” ang kahulugan ng dalaga at bukid ayhindi na makikita sa buong salita. Ang “dalaga” ay “habang walang asawa”, ang bukid ay “lupana taniman ng palay”, ngunit ang dalagambukid ay isang uri ng isda. Iba ito sa halimbawangdalagang-bukid na ang kahulugan ay “dalagang taga-bukid”. Naunawaan mo ba ang aking paliwanag? Madali namang maintindihan di ba? Maaari mo nang sagutan ang gawaing aking inihanda. 19
Gawain 1 Basahin at unawaing mabuti ang talata. Napakahalaga ng agrikultura sa bansa sapagkat dito nagmumula ang malaking bahagi ng ating kabuhayan. Maraming nabibigyan ng hanapbuhay sa pagsasaka. Pag- aalaga ng mga hayop, pangingisda at pagtotroso. Tila batobalani itong humihikayat sa ating mga kababayan sapagkat madaling pagkakitaan kahit isang kapuspalad ay mabubuhay maging masipag at matiyaga lamang. Hindi lamang pagkaing-tanim ang pinoprodyus na agrikultura. Malawak na lupain ang tinatamnan ng mga tanim na komersyal na binibili ng mga sambahayan at industriya. Kasama sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas ang isang bahaging pinagkukunan ng pagkaing nagmumula sa karagatan at palaisdaan. Malawak ang ating pinagkukunan ng isda bunga ng hugis ng ating kapuluan. Iba’t ibang klase ng isda at pagkaing-dagat ang makukuha sa ating palaisdaan. Biyayang mituturing na kaloob at gantimpala ng Panginoon sa sambayanan. Malawak na bahagi rin ng agrikultura ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa industriya. Sagana rin ang ating kagubatan sa iba’t ibang uri ng punungkahoy na ginagamit na pangunahing sangkap sa paggawa ng bahay, muwebles at iba pang bagay sa konstruksyon, sawimpalad na lamang ang hindi makatatanto ng kahalagahan ng mga ito sa buhay ng tao. Mahalagang sektor ang agrikultura na pinagkukunan ng produktong nagpapasok sa ating bansa ng mga kinakailangang dolyar na ginagamit natin sa pagbili ng produktong inaangkat. Ang patuloy na biyayang ipinagkaloob ng kalikasan ay may hangganan. Nasa ating mga kamay ang kinabukasan nito. Kung di-natin pagmamalasakitan, maaaring sa isang kisapmata, ito’y tuluyang maglahong parang bula.Panuto: Hanapin sa talataan ang kahulugan ng mga salitang nasusulat sa bawat bilang. 1. mahirap, aba, maralita 2. pang-akit, gayuma 3. trabaho, pinagkakakitaan 4. bigo, sawi 5. premyo, pabuya 6. isang saglit, bigla 20
Gawain 2 Mga salitang may magkakahawig na kahulugan Kapaki-pakinabang na makulay at makabuluhang paglalahad ang paggamit ngiba’t ibang salitang magkakasingkahulugan. Isa itong paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan.Makapagbibigay ka ba ng ilang halimbawa nito?Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang may magkakahawig na kahulugan.madilim pusikit marumi marusingtahimik payapa mabagal makupadmagiting matapang mapusok marahasbulagsak pabaya masukal makalatmarupok gapok masaya maligayalanta luoy maalindog marikitmatipid mapag-impok matalino marunong Basahin mo muna ang teksto bago sagutin ang gawaing inihanda ko. Ang mabilis n pag-unlad ay nangangahulugan ng mabilis na pagbabawas atpagkawala ng mga pinagkukunang-yaman. Mangagailangan ng maraming hilaw namateryal na kinukuha mula sa mga likas na yaman ng bansa. Maaaring mauwi ito sapolusyon at di-timbang na balanse sa ekolohiya. Dahil sa bigat ng problemang pangkapaligiran na haharapin natin sa mabilisna paglaki ng ating ekonomiya, dapat nating timbangin ang iba’t ibang alternatibonghinaharap natin. Dapat bang itaguyod natin ang mabilis na paglaki sa ekonomiya?Ano ang kahihinatnan ng ating kapaligiran o pangalagaan kaya muna natin ang atingkapaligiran at likas na yaman bago isulong ang pagpapabilis ng paglaki ng ekonomiya?Paano natin makukumbinse ang ating mamamayan na ang ating kapaligiran ay dapatpangalagaan dahil ito ang batayan ng ating kayamanan at pinagkukunang yaman.Malaking sakripisyo ang haharapin ng mga mamamayang Pilipino sa kinabukasan sawalang habas nating paggamit at pang-aabuso sa ating kapaligiran sa ngalan ngkaunlaran sa kasalukuyan. Ano ang saysay ng kasalukuyang kaunlaran kung angkinabukasan naman ng ating bayan ay isang matamlay halos walang buhay at busabosna ekonomiya? Katungkulan nating itaguyod ang isang malinis at maayos na kapaligiran.Panatilihin at pagyamanin ang ating mga likas na yaman. Ito ang ating pamana saating mga anak, apo at susunod pang mga Pilipinong mamamayani sa lupang ito.Panuto: Pillin na talataan ang kasingkahulugan ng mga salitang nasusulat sa bawat bilang. 1. alipin , alila 2. mangigibabaw , maghahari 3. tangkilikin , isulong 4. pagmalasakitan , pahalagahan 21
5. natural , kusa 6. kahahantungan , kasasapitan 7. mahihikayat , maaakit 8. halaga , importanysa 9. pagsasamantala , pagmamalabis 10. pinaghahanguan , pinagmumulanLaguminA. Ibigay ang kahulugan. ng tambalang salita na ginagamit sa pangungusap. Piliin sa ibaba ang wastong sagot 1. Para sa isang matapobre ang pagsasaka ay isang uri ng mababang gawain subalit lingid sa kanilang kaalaman. Magsasaka ang nagsusuplay ng kanilang mga pagkain. 2. Hamak man sila’y may pusong ginto naman. 3. Magbibig – anghel ka sana sa iyong sinasabi na uunlad din ang ating buhay sa pagsasaka. 4. Takipsilim na’y nagtrabaho pa rin siya sa bukid. 5. Bukanliwayway pa lamang ay nagsimula na silang lumusong sa bukid. Pagpipilian gabi na mabuting kalooban madaling – araw magkatotoo ang sinasabi mapanghamakB. Piliin ang salitang di – kapangkat sa bawat bilang. 1. mahusay , magaling , maalam , matino 2. matiyaga , masipag , masikap , matiisin 3. tapat , taksil , talipandas , talusira 4. nanlilimahid , nanganganino, nanggigitata , nangangalirang 5. dalubhasa , tunay , sanay , bihasa 6. masama , mali , taliwas , lihis 7. sikat , tanyag , bantog , bagoSubukinA. Piliin sa hanay B ang katambal na salita ng nasa hanay A. Letra lamang ang isulat. 1. kapit – A. kamay 2. tubong – B. buhay 3. buhay – C. linaw 4. bulang – D. pinggan 22
5. agaw – E. tingin6. kanang – F. tuko7. kalatog – G. alamang H. gugo I. lugawB. Pillin ang kasingkahulugan ng may salungguhit. Letra lamang ang isulat.1. Kung ang layunin ng pagpapabilis sa paglaki ng ekonomiya ay bigyan ngmataas na antas ng kabuhayan ang mga Pilipino, bakit marami pa rinang naghihikahos? a. naghihilian c. naghihingalo b. naghihirap d. naghihinala2. Marapat bang ituon natin ang layuning ekonomiko sa pagpapalawak ngkapasidad pamproduksyon samantalang ang mga pangunahingpangangailangan ay hindi pa natutugunan? a. nasasagot c. nakikilala b. natatalakay d. naipamamahagi3. Ano naman kaya ang implikasyon ng ganitong paraan na produktongkapasidad at kalagayang makipagkumpetensiya sa ibang bansa sa bilihanginternasyunal? a. makipagkasundo c. makipag-ugnayan b. makipagkalakalan d. makipagtunggali4. Ang kaunlaran ba ay nasusukat sa pagtaas ng kabuuang pambansangproduksyon o nalalasap lamang sa pagtaas ng kagalingang panlipunan? a. natatanto c. natatarok b. natatalunton d. natatamasa5. Sa pag-inog ng panahon, ang ekonomiya ay nagpakita ng paglaki sa mgagawaing pangkabuhayan, ito ba’y pantay na ipinamahagi sa mga mamamayan? a. pagpapalit c. pagkatapos b. pagbabago d. pag-ikotPaunlarin Piliin sa ibaba ang kasingkahulugan ng may salungguhit sa talata. Maraming isyung bumabalot sa kaunlaran ng ating bansa kung susuriin ang mga ito, para bang wala nang pag-asa pang umunlad ang kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino. Ngunit sa harap ng kadilimang ito ay may (1) sumisinag na liwanag na maaaring magamit sa pagpapasulong ng ating pag-unlad. Bilang mag-aaral o (2) baguntao ng ating lipunan, may mahalagang papel kayong magagampanan sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Huwag (3) magtaingang-kawali sa panawagan ng pamahalaan. (4) Isabuhay ang diwa ng sakripisyo. Ang pagsasakripisyo ay ipinakikita 23
ng kakayahang (5) makapag-impok at makapagtiis sa kasalukuyang paghihirap.Hindi naman yaong nagmumukhang (6) basang-sisiw makapag-impok lamang. Angsakripisyong ito ay upang mapalawak ang produktibong (7) kapasidad nang(8) makalasap ang lipunan ng higit na mataas na kagalingan sa hinaharap na malakirin ang maitutulong ng pagiging kreatibo, maayos, mahusay at magaling sa mgaginagawa. Iwasan ang pagiging (9) pusong-mamon. Lilikha lamang ito ngpagkakawatak-watak. Bilang mag-aaral, hinahamon kayo ng ating bayan upang maging mga bagongbayani. Hindi kayo mga (10) pamasak-butas lamang sa mga bayaning nagbuwis ngbuhay para sa bayan. Kayo ang inaaasahang magpapaunlad ng kabuhayan ng bansasapagkat nasa inyo ang lahat ng lakas at tatag na kalooban.maramdamin magbingi-bingihankakayahan panakipmakaranas umaaninagisagawa nagbibinatamakapag-ipon kaawa-awaSub Aralin 3Layunin Napapangkat ang mga ideya upang makabuo ng isang balangkas sa binasaAlamin Masasabing mabisa ang isang talata o talataan kung magkakaugnay ang mga ideyangnakapaloob dito. Sunud-sunod ang mga pangyayari o kaisipan at nag-iiwan ng isang kakintalansa mambabasa. Kapaki-pakinabang ang paggawa ng balangkas sa pagsasaayos ng isang ulat sa matipidna pamamaraan. Layunin ng balangkas na matulungan ang manunulat na makabuo ng isangorganisado o magkakaugnay na ideya. Hindi isinasama sa balangkas ang maliligoy na pahayag.Dapat na ito’y tiyak at maikli lamang. May iba’t ibang uri ng balangkas. Ito ang mga sumusunod: balangkas ng paksa,pangungusap at patalata. • Balangkas ng Paksa – nasusulat dito ang salita o parirala lamang. • Balangkas ng Pangungusap – mga pangungusap ang nilalaman ng balangkas sa kabuuan. • Balangkas na Patalata – ang mga pahayag na bumubuo ng talata sa bawat sa bahagi. 24
Halimbawa ng Balangkas na Paksa MGA PROBLEMA AT ISYU SA AGRIKULTURA I. Mga Balakid sa Mabagal na Pagsulong ng Agrikultura A. Patakaran sa kalakalan B. Tenyur sa lupa C. Klima at kapaligiran D. Pananaliksik E. Teknolohiya II. Kontribusyon sa Pag-unlad ng Agrikultura A. Patakarang komersyal at pangkalakalan B. Pagtatayo ng Infrastruktura 1. Daan 2. Tulay 3. Pamilihan 4. Pagawaan ng yelo 5. Kamalig C. Reporma sa lupa D. Pagkokontrol sa pagbabago ng panahon E. Pondo sa pananaliksik at serbisyo F. Teknolohiya 1. Pataba 2. Sangkap sa pagtatanimHalimbawa ng Balangkas ng Pangungusap MGA PROBLEMA AT ISYU SA AGRIKULTURA I. Maraming Dahilan kung Bakit Naging Mabagal ang Pagsulong at Pag- unlad ng Agrikultura sa Bansa. A. Patakaran sa kalakalan, infrastruktura, tenyur sa lupa, klima at kapaligiran, pananaliksik at teknolohiya ang mga itinuturing na balakid sa mabagal na pagsulong ng agrikultura. 1. Binigyan ng pamahalaan ng maraming proteksyon at pangangalaga ang mga industriya laban sa agrikultura. 2. Malaki ang kakulangan ng infrastruktura sa kabukiran sa pagtugon sa pangangailangan ng maunlad na agrikultura. 3. Hindi matatag ang tenyur ng mga magsasaka sa lupa kaya di-sila ginaganahang magsumikap upang mapaunlad ang kanilang produktibidad sa pagtatanim. 25
4. Malaking bahagi ng produksyon ng agrikultura ang nasisira bunga ng mabangis na pagbabago ng kalagayan ng panahon. 5. Bumababa ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa pananaliksik at mga serbisyong tumutulong sa agrikultura. 6. Mababa ang antas ng teknolohiya sa bansa. B. Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura sa Pagasasagawa ng mga Reporma 1. Pagbabago sa mga patakarang komersyal at pangkalakalan na kumikiling sa industriya at bigyan ng direktang suporta, proteksyon at kalinga ang agrikultura. 2. Pagtatayo ng infrastruktura gaya ng daan, tulay, pamilihan, patubig, pagawaan ng yelo at kamalig. 3. Pagsasakatuparan ng bagong reporma sa lupa upang maitaguyod ang makatarungang pamamahagi sa lupa at mataas na produktibidad sa agrikultura. 4. Pagbibigay-atensyon sa pagbabago ng panahon dahil sa taun-taong pagdating ng bagyo at baha. 5. Pagpapahalaga sa pondo sa pananaliksik at serbisyo sa ekstensyon upang mabigyan ang mga magsasaka ng mabubuti at matitibay na produkto, binhi at buto. 6. Pagsasagawa ng karapat-dapat na teknolohiyang gagamitin sa agrikultura pataba at mabisang sangkap sa pagtatanim. Upang madali ang gagawing pagbabalangkas ng mga impormasyon, pangkatin ang mgaimpormasyong dapat magkasama. Piliin ang mga pangunahing paksa. 26
Sundin ang ayos na ito sa pagbabalangkas I. Pangunahing Paksa A. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. Pamagat ng detalye 2. Pamagat ng detalye B. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. Pamagat ng detalye 2. Pamagat ng detalye Ito ang mga patnubay sa pagbabalangkas 1. Iisang pamagat lamang ang gagamitin sa balangkas at ulat 2. Ang gagamitin sa mga pangunahing paksa ay bilang Romano. Ang mga pangunahing paksa ay kumakatawan sa magkahiwalay na paksa sa ulat. 3. Gamitin sa mga paksa sa ilalim ng pangunahing paksa ang malaking letrang A, B, C, D. 4. Gamitin sa mga pangkat ng detalye ang bilang arabiko – 1, 2, 3, 4. 5. Palugitan at ilinya nang sama-sama ang magkakatulad na pangkat. 6. Gumamit ng tuldok pagkatapos ng letra o bilang ng bawat paksa. 7. Gamitan ng malaking letra ang unang salita na bawat paksa. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? May bahagi bang hindi mo agad naunawaan? Muli mo itong balikas\n upang higit na maging malinaw ito sa iyo. Bago mo sagutin ang gawaing aking inihanda, basahin at unawain mong mabuti angteksto. Ekonomiya ng Asya Napakayaman ng Asya kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Kaaya-aya ang klima nito na paborable sa mga halaman at hayop. Bagama’t may mga bahaging makapal ang yelo sa dakong hilaga at malawak na disyerto sa timog-kanluran, may mga yamang-likas pa ring taglay ang mga pook na yaon. Likas ang mga kasipagan ng Asyano. Dahil dito’y maraming bansa sa Asya ang mabilis na umuunlad sa larangan ng ekonomiya. Ang bansang Hapon halimbawa, natalo sila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ibinangon ng mga Hapon ang kanilang kabuhayan. Pinagsikapang linangin ang yamang-likas at inihanda ang mga mamamayan para sa tamang gamit at pagpapaunlad nito. Ano na ngayon ang bansang Hapon? Ito’y nakikipagpaligsahan na sa mga bansang mauunlad sa Europa at Amerika. 27
Hindi matatawaran ang kakayahan nila sa larangan ng teknolohiya, elektroniks at iba pa, tulad ng makabagong sasakyan at kompyuter. May mga bansang Asyano namang maliit lang tulad ng Singapore. Limitado ang yamang-likas subalit ang lider ay napakahusay. Hindi naging hadlang ang kakulangan nito para tiyakin ang kaunlaran. Itinuon nila ang atensyon sa kalakalan. Masiglang pakikipag-ugnayan sa mga bansang maunlad at mga patakarang kapaki-pakinabang sa mga tao ang pangunahing isinasaalang-alang ng pamahalaan.Matapos mong mabasa ang teksto. Sagutin mo ngayon ang pagsubok na aking inihanda.Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyong hinango mula sa teksto upang makabuo ng isang maayos na balangkas. A. Napakayaman sa likas na yaman B. Kaaya-ayang klima C. Likas na kasipagan ng mga Asyano A. Hapon 1. Kakayahan sa larangan ng teknolohiya, elektroniks at iba pa. a. Makabagong sasakyan b. Mga kompyuter I. Mga Katangiang Taglay ng Asyano II. Mga Bansang may Maunlad ng Ekonomiya B. Singapore 1. Mahusay na lider ng bansa 2. Pagtuon ng atensyon sa kalakalan 3. Pakikipag-ugnayan sa mga bansang maunlad 4. Pagpapatupad na mga patakarang kapaki-pakinabang sa tao EKONOMIYA NG ASYA 28
LaguminPanuto: Punan ng mga angkop na impormasyong makikita sa ibaba ang bawat puwang sa balangkas. I. Likas-yaman ng India A. Yamang-mineral 1. bakal 2. mika 3. bauxite 4. __________ B. Yamang-lupa 1. Produktong agrikultural a. bigas b. asukal c. goma d. __________ e. kape 2. Paghahayupan a. baka b. __________ c. buffalo C. Yamang-gubat 1. satin wood 2. date palm 3. iron wood 4. __________ III. ___________________________ 1. paggawa ng tela 2. pagmimina 3. __________ 4. paggawa ng palayok IV. ___________________________ 1. Pagbabawas sa kontrol ng pamahalaan sa larangan ng paggawa, kalakal at pangangapital 2. Pagpapatupad ng mga planong reporma sa ekonomiyaPangunahing IndustriyaTroso Paggawa ng ceramicsKabayoMagnesiumRepormang Liberalisasyon sa Pambansang EkonomiyaNiyog 29
SubukinPanuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga bahaging blangko sa balangkas. ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS I. Pinagkukunang yaman A. Agrikultura 1. Pangunahing aning pangkalakal a. b. c. 2. Prutas a. b. c. 3. Hayop na inaalagaan a. b. c. B. Paggugubat at Pangingisda 1. Pagbebenta ng produktong nakukuha sa kagubatan. a. b. c. 2. Mga produktong mula sa karagatan a. b. c. C. Pagmimina 1. Pangunahing produkto a. b. c. 2. Iba pang produkto a. bakal b. tingga 3. Enerhiya A. Uri ng enerhiya 1. Hydroelectric 2. Geothermal 30
II. Pangunahing Bansang Kapalitan ng Produkto ng Pilipinas A. Amerika B. Japan C. Singapore D. E. F.Pagpipilian Mangga Tabla Pinya Kawayan Hongkong Papaya Ratan Taiwan Saudi Arabia Kalabaw Tuna Baka Pusit Niyog Kambing Alimango Tubo Tabako Ginto Pilak TansoSubukinPanuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos, punan ng wastong impormasyon ang bawat patlang sa balangkas Ang Ekonomiya ng Korea Pagsasaka ang pangunahing gawain sa Korea. Tulad ng ibang bansang Asyano, ang pangunahing produktong pang-agrikultura ng palay, trigo, barley, bulak, tabako at iba pa. Mayaman din sa mga yamang-mineral ang bansang ito. May deposito ng karbon, ginto, pilak, tanso, bakal, lead at marami pang iba. Ang mayamang kagubatan ang pinagkukunan ng tabla, troso at iba pa. Sa pagkakatatag ng “Democratic People’s Republic” matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Hilagang Korea ay nagpalabas ng mga batas na nagsasabansa ng mga industriya at pagawaan, samantalang ang mga gawaing agrikultural ay panlahat. Isinulong ang paggamit ng mga makabagong makinarya sa mga bukid at pagawaan. Pinaunlad ang sistema ng patubig. 31
Samantala, ang lakas-paggawa ay tumaas at nabawasan ang kawalan ng hanapbuhay. Naitatag ang mga pagawaan at pabrika. Maging ang pagmimina ng mga yamang-likas ay nalinang. Ang paggawa ng mga makabagong makina ay nagbibigay ng malaking bahagi sa pambansang kita ng bansang ito. Ang ilan sa mga bantog na produkto ng Hilagang Korea ay trak, mga sasakyang diesel, mga gamit sa konstruksyon at iba pa. Pinagpala rin ang Hilagang Korea sa mga pinagkukunan ng enerhiyang eletrisidad. Ang paglinang sa yamang petrolyo ay pinaplanong isagawa sa malapit na hinaharap. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Naging kapaki-pakinabang ba ang mgaimpormasyong binanggit sa teksto? Magagamit mo ang mga ito sa pagsagot sa balangkas na aking inihanda para sa iyo. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na. Maging maingat ka lamang sa pagsagot upangmakuha mong lahat ang wastong kasagutan. ANG EKONOMIYA NG KOREA I. Pinagmumulan ng kita A. Produktong Agrikultural 1. 2. 3. 4. 5. B. Produktong yamang mineral 1. 2. 3. 4. C. Produkto ng kagubatan 1. 2. 32
II. Mga Planong Pang-ekonomiya A. Industriyalisasyon at Mekanisasyon 1. Paggamit ng mga makabagong makinarya a. b. 2. Sistema ng mga patubig B. Pagtaas ng lakas-paggawa C. Pagpapaunlad ng pagmimina ng yamang mineral 1. 2. 3. D. Paggawa ng mga makabagong makina 1. trak 2. sasakyang diesel 3. mga gamit sa konstruksyon E. Napagkukunang enerhiyang elektrisidad Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kungmayroon mang hindi mo nasagot nang tama, muli mong balikan ang bahaging ito at pag-aralanmong mabuti, kung bakit iyon ang naging sagot.Sub Aralin 4Layunin • Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita batay sa binagong alfabeto • Nabubuo ang isang talata batay sa sariling reaksyon at saloobin ukol sa isang paksa Alamin Binago na ang Alfabetong Filipino. Ang dating abakada na binubuo ng 20 letra ay bahagi na lamang ngayon ng kasaysayan. Ang binagong alfabeto ay binubuo ng 28 letra; na ganito ang pagkakasunud-sunod; a, b, c,d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z. 33
Search