B. Panuto: Piliin ang wastong sagot.1. Isang ______________ ang pagtulong at pagsasaalang –alang sa kapwa. a. tungkulin b. adhikain c. panuntunan d. panata2. Ang pang-aabuso ng _____________ ay kakulangan ng pagkilala sa halaga ng kapwa – tao at kawalan ng respeto at malasakit ng kapwa. a. tungkulin b. karapatan c. tiwala d. kapwa3. Ang mga ito ay gabay upang makapagkawang-gawa at makapaglingkod sa kapwa. Alin ang hindi kabilang? a. Maglingkod nang may kasiyahan b. Tumulong sa abot ng makakaya c. Isiping makatutulong din sa iso ang tinutulungan mo. d. Maglaan ng oras at panahon sa paglilingkod sa kapwa4. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawain? a. i-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito b. simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo c. kausapin ang mga kabataan at pagtulung – tulungang alisin ang bara d. hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan5. Basahin ang mga panawagan sa ibaba . Ang mga ito ay nagsasaad ng: a. pagdamay sa nangangailangn b. pakikiisa sa mga gawain ng simbahan c. paggamit ng iyong oras sa kapakipakinabang na gawain d. pagtugon sa panawagan ng simbahan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 9 /10
May pulong ang DONASYON BIBLE STUDYmga miyembro ng Tumulong sa Magsisumula sa nasalanta ng bagyo. ika-4 ng Pebrero choir bukas 22 Ang mga donasyon ay 2007 tuwing ika- Enero 2007 sa ipadala sa parish 6 hanggang ika-7ganao na 1:00 nghapan sa opisina office ng gabi ng parokya PATALASTAS Sa sinumang magnanais na maging katekista Magpatala mula Enero 24 – 30 sa Parish OfficeVIII. Mga SanggunianCruz, Corazon L. (1995). Contemporary Ethics. National Book Store:ManilaPunsalan, Twila S. (2002). Sangkatauhan sa Maylalang Rex Printing Company, Inc.:Quezon CityBibleIX. Susi sa PagwawastoA. Score May mataas na pagsasaalang-alang sa kapakanan ng75-100 kapwa May katamtamang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng51-74 kapwa May pasasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa25-50 May kaunting pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa1-24A. Handa Ka Na Ba?1. a 1. a2. b 2. a3. c 3. b4. c 4. b5. b 5. c Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 10 /10
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit 3 Modyul Blg. 10 Kapwa Ko, Iginagalang KoI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ang isa pang bagay na dapat mong bigyang pansin ay ang paggalang. Ang pagpapahalagang ito ay lubhang kailangan sa pakikitungo at pakikipagugnayan sa kapwa. Paggalang ang nais ng bawat isa na matanggap sapagkat mayroon tayong dangal na pinangangalagaan. Tulad mo, bilang nagbibinata o nagdadalaga, tungkulin mong malaman ang tunay na kahulugan ng paggalang upang maging pangmatagalan at maayos mo ang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Hindi lamang sa “pagmamano o sa paghalik sa kamay,” sa paggamit ng “po” at “opo” maipapakita ang paggalang. Ito ay maaari ring ipakita sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga utos. Kailangan mong maisakatuparan ang lahat ng kanilang inuutos upang masabi na ikaw ay may paggalang sa nakakatanda. Subalit may mga pagkakataon na kung minsan ay naiisip mong sumuway sa kanilang kautusan, o kung minsan sinusunod mo sila pero hindi bukal sa iyong kalooban. Ito ay nagyayari lamang sa dahilang ikaw ay may nakikita na pagkakamali sa kanilang paggamit ng awtoridad. Sa pagkakataong ito, hayaan mong ang modyul na ito ang maging gabay mo upang higit mong matutuhan at maunawaan ang tamang paggalang sa mga matatanda at sa nasa awtoridad sa iba’t – ibang pagkakataon. Naipamamalas ang paggalang sa pagkatao ng kanyang kapwa [respect for the dignity of man] (L.C. 3.2) A. Natatalastas na ang pagsunod ay tanda ng paggalang sa nakakatanda, mgulang at nasa awtoridad B. Natatanggap na ang paggalang sa mga matatanda at nasa awtoridad sa pamamagitan ng pagsunod ay may angkop na pagkakataon. C. Nakabubuo ng mga hakbangin sa pagwawasto ng maling pakikitungo sa mga magulang, nakatatanda at sa nasa awtoridad Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 1 / 10
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Isulat ang salitang tama kung ang pangungusap ay tama at mali kung ito ay di wasto. 1. Dapat igalang ang mga matatanda sa lahat ng pagkakataon. 2. Ang paggalang ay maipapakita sa iba’t -ibang paraan. 3. Ang pagsunod ay tanda ng paggalang. 4. Pinipili lamang ang taong dapat igalang. 5. Kailangan ang gumalang upang makagiliwan ng kapwa. 6. Ang paggalang ay nararapat na bukal sa kalooban. 7. Ang paggamit ng po at opo ay ang mga tanging tanda ng paggalang. 8. Tamang pagsunod ang pagsang -ayon ng di bukal sa kalooban. 9. Isang banal na gawain ang paggalang sa mga matatanda. 10. Ang paggalang ay nag-papakilala kung anong uri ng pagkatao mayroon ang isang indibidwal.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. I A. Sagutin ang mga sumusunod ng oo o hindi. 1. Dapat bang tratuhin kami ng aming magulang na parang bata? 2. Dapat ba nilang buksan ang aming sulat? 3. Lahat ba ng aking mga karanasan ay sasabihin ko sa kanila ? Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 2 / 10
4. Dapat ba na magulang ang pumili ng aming damit, pati aming kurso? 5. Lagi bang tama ang magulang? 6. Dapat ba kaming piliting pumanig sa pananaw nilang pulitikal? 7. Kung iba ang aming paniniwala at kami’y nangatwiran binabastos ba namin sila na nasa awtoridad? 8. Dapat ba kaming parusahan ng hindi namin alam ang dahilan? 9. Dapat bang tumahimik na lamang kaming mga anak kapag nagtatalo ang aming mga magulang? 10. Dapat bang ang magulang ang magdedesisyon para sa akin habang ako’y tinedyer? 11. May karapatan bang paluin ako ng aking ikalawang tatay? 12. Marapat bang mag-iwasan na lang kami upang huwag kaming mag- away na magkakapatid? 13. Tama bang gamitin ng aming kapatid ang aming gamit na walang pahintulot? 14. Dapat bang kami ang nag-aalaga sa aming nakababatang kapatid? 15. Dapat bang utusan pa rin kami ng aming mga kamag-anak sa bahay namin nakatira? Ang karamihan sa mga katanungang ito ay mukhang walang kabagaybagay sa tingin ng mga magulang. Subalit dapat nilang malaman na napakahalaga nito sa mga kabataan. Ang mga pagtutol ay mas mabuting naipapahayag kaysa supilin.B. Ang mga sumusunod na pangungusap ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng awtoridad ng magulang at pagsunod ng anak. Lagyan ng tsek () kung alin dito ang nagpapakilala sa iyong magulang. ____ 1. Binibigyan ang mga anak ng karapatan at obligasyon ayon sa edad ____ 2. Tinatakot ang mga anak na sumunod sa kanila. ____ 3. Hindi sinasabing lahat ang mga detalye kung bakit maaaring masama ang mangyayari kapag hindi sumunod sa kanila. ____ 4. Iniiwasan ang masyadong maraming pagbabawal. ____ 5. Binibigyan ng sapat na panahon ang anak upang mapabuti ang gawa. ____ 6. Sinusunod ang ipinangako. ____ 7. Marunong tumanggap ng tulong mula sa iba. ____ 8. Angkop ang ibinibigay na parusa sa mga pagkakamali. ____ 9. Maliwanag ang parusa nila sa aming mga anak ____ 10. Laging pantay ang kapasyahan. ____ 11. Marunong tumanggap ng opinyon mula sa anak ____ 12. Hindi sinasabing lumayas na lang ng bahay kapag sila’y sinusuway. ____ 13. Ipinapaliwanag kung ano ang tama at mali. ____ 14. Pantay na pagtingin sa mga anak ____ 15. Marunong umamin sa pagkakamali. Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 3 / 10
Bigyang kahulugan ang iyong ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na interpretasyon. 6 – 9 may kakulangan sa paggamit 10 – 12 mabuting pagpapakita ng awtoridad 13 – 15 Napakabuting pagpapakita ng awtoridad Sagutin Mo 1. Ano ang iyong masasabi sa katangian ng iyong mga magulang batay sa tinamong iskor? Ipaliwanag. 2. Batay sa iyong ginawang pagsusuri karapat-dapat bang sila ay igalang? Bakit? 3. Batay sa mga pangungusap sa gawain, nagkaroon ka ba ng pagkakataong mawalan ng paggalang sa mga magulang? Sa mga nakatatanda sa pamilya, maari ka bang magbigay ng isang pangyayari? Isulat sa kahon sa ibaba. Halimbawa: Naglayas ako ng bahay dahil pinalo at nagkalatay sa katawan. Ayaw maniwala ang magulang ko na wala akong kasalanan at hindi ako ang kumuha ng pera sa wallet. Sa palagay ko ay talagang hindi nila ako mahal dahil lagi na lang ako ang nakikita. .nila.Gawain Blg. 2Basahin ang dalawang sitwasyon. A. “Bryan, alam mong mahal ka namin. Tuwang-tuwa kami sa iyo at ipinagmamalaki ka namin. Subalit ang kasunduan ay kasunduan. Kapag sumira sa kasunduan, dapat tanggapin ang kaparusahan. Ang vase na nabasag mo ay nagkakahalaga ng Php800 at iyan ay mahal na mahal ng iyong mommy. Dahil sa paglalaro mo ng bola sa loob ng bahay, nabasag ito. Simula sa Lunes bawas ng Php50 ang baon mo hanggang mabayaran mo at mapalitan ng bago.” “Pero Dad, magpapasko na at kailangan ko ng pera.” “Nauunawaan kita anak pero nais ko na matuto kang sumunod.” Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 4 / 10
B. “Bryan, sinabi ko na sa iyo, huwag kang maglalaro ng bola sa sala. Tingnan mo ang ginawa mo. Ang vase kong bigay ng lola mo ay nabasag. Kailan ka ba matututo bata ka. Alam mong 30 taon ko na iyang iniingatan. Para kang batang musmos. Mahiya ka nga. Ang tigas ng ulo mo…Bayaran mo iyan. Sige bawas ang allowance mo ngayon. Bwisit kang bata ka!”Sagutin Mo 1. Ano sa dalawang paraan ng pagtuturo ng pagsunod ang sa iyong palagay ay nararapat, A o B? Ipaliwanag.IV. Ano ang Natuklasan Mo? A. Isulat mo sa loob ng bulaklak at paru-paro ang natuklasan mong kaisipan at pagpapahalaga. Upang ito’y maibahagi at madala nila sa iba pang lugar at tao. Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 5 / 10
A. Sa tulong ng mga diyaryo o magasing makulay, lumikha ka ng isang bagay o simbolo na maaari mong ibigay sa mga taong tumulong sa iyo upang matuto ka ng paggalang. B. Sa tulong ng mga diyaryo o pahayagan, lumikha ka ng isang bagay o simbolo na maaari mong ibigay sa mga taong tumulong sa iyo na maging magalang. Halimbawa, bulaklak na papel, vase na yari sa paper mache, decorative bottle at iba pa Sagutin Mo 1. Masaya ka ba sa gawain? Bakit? 2. Bakit mo pinili ang simbolong iyong nilikha? 3. Para kanino ang simboloat paano mo ito ibibigay sa kanya? 4. Malaki ba ang naitulong sa iyo ng mga taong sa paghubog ng mabuti mong pag-uugali? Paano ka nila ginabayan?V. Pagpapatibay Ang taong may paggalang sa iba ay hindi mapang-agaw bagkus tinutulungan ang iba at ang sarili ayon sa karapatan, katayuan at pangyayari. Mahalagang malaman kung anong klaseng paggalang ang dapat ibigay natin sa bawat nilalang ng Diyos. Ang una’y patungkol sa pang-unawa at pagtanggap at ang ikalawa’y tungkol sa partikular na intensyon na hinihingi ng isang relasyon. Halimbawa ang relasyon ng magulang at anak. Dito ay pangalawa lamang ang katangian ng mga magulang upang sila ay galangin sapagkat dapat lang silang igalang bilang mga magulang na pinagkakautangan ng buhay. Ang ikaapat na utos ang nagdidiin sa katotohanang tungkuling moral ng mga anak na sundin at igalang ang mga magulang. Ang paggalang na ito’y sumasaklaw sa mag-asawa sapagkat nasasaad sa banal na kasulatan na magpasakop sa isa’t isa ang asawang lalaki at babae. Ang asawang lalaki ay nararapat ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa na ina ng kanyang mga anak at gayon din ang pagpapasakop ng asawang babae sa lalaki. Dapat nasasalamin ang damdamin ng mga anak. Dapat na pakitunguhang kapantay at katuwang ng babae ang lalaking asawa at hindi alipin o pag-aari. Ang mga matatanda sa pamilya sa ngayon ay itinuturing ng nakararami na kalabisan o pabigat ay dapat pa ring bigyan ng paggalang at pagmamahal. Nakikita ng mga anak kung paano itinuturing ng kanilang mga magulang ang kanilang lolo at lola. Kaya’t kung sila ay tatanda ganito rin ang magiging trato sa kanila ng kanilang anak tulad ng kasabihang “kung ano ang Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 6 / 10
itinanim, siyang aanihin.” Ang matatanda ang nagsilbing tagapag-uganay ng henerasyon sa pamilya. Ang nakatatandang kapatid ay marapat ding magsilbing huwaran ng mga nakababatang kapatid upang sila’y maging karapat-dapat na igalang. Ang mga nakababatang kapatid ay nararapat ding gumalang sa nakatatandang kapatid nila, ang mga alipin sa amo, at at ang mga mamamayan sa mga awtoridad. Ang mga nakatatanda sa gulang ay dapat ding bigyan ng karapatan sa paggalang. Sa kabuuan, anuman ang katayuan at gulang ng tao’y nararapat gumalang at magmahalan sa isa’t isa. Ito ay ng sabihin ni Hesus na “mahalin mo at igalang ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal at pag-galang sa iyong sarili.” Sa tahanan, ang mga magulang ay tagpagpakita ng mabuting halimbawa. Ang pag-galang na iniuukol nila sa kanilang mga magulang ay nakikita at ginagaya ng kanyang mga anak. MInsan sa pagkakaroon ng malaking agwat ng gulang nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at dito natututong mangatwiran ang mga kabataan. Dapat magkaroon ng mabuting pamantayan at gayundin ang maingat na pagsasaalang-alang sa bawat damdamin. Sabi nga sa banal na kasulatan, “Mga magulang huwag ibuyo ang mga anak sa pagkagalit”. (Eph. 5) Ang mga nasa awtoridad ay tinitingala kaya’t marapat lamang na maging maingat sa pamumuhay sampu ng kaniyang pamilya. Dapat ay nalagpasan nila ang mapanuring mata ng mga tao. Sila ay dapat maging salamin ng katapatan uang maging kagalang-galang at matuto silang gumalang sa karapatan ng nasasakupan upang hindi sila masikil at mag-alsa. Ang mga taong ginagamit ang impluwensiya at posisyon upang gumawa ng anomaliya ay hindi karapat-dapat sa paggalang ng mamamayan. Ang bata ay natututo sa matatanda. Halaw sa Familiaris Consortio, Gaudium Et Spies, Ephesians at Character Building ni David IsaacVI. Pagnilayan Mo Magbalik tanaw sa nakaraan. May napakitaan ka ba ng kawalang-galang sa miyembro ng pamilya, kamag-anak o iba pang nakatatanda. Magplano ka kung paano mo maiwawasto ang kawalan ng paggalang. Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 7 / 10
Halimbawa: Sinagut-sagot mo ang nanay mo dahil ayaw niyang maniwala na hindi ako kasama sa mga uninom ng alak ayon sa mga nagsumbongsa aming guro ng kami’y lumiban sa klase dahil birthday ng kaklase ko. Unang Hakbang Halimbawa: Gumawa ng liham na nagpapaliwanag sa nanay. ____ __________________________ __________________________ __________________________b. Dalhin sa nanay ang isan_____ Ikalawang Hakbangkaklaseng magpapatotoo.__________________________________________________________________________________________________________________ Ikatlong Hakbang c. Kausapin ng mahinahon ang nanay kung hindi na ito galit at ipaliwanang muli ang panig. __________________________ __________________________VII. Gaano ka Natuto? A. Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? 1. Lagi kang inuutusan ng kuya mong mangutang sa tindahan gayong binilinan na kayo ng nanay mong huwang mangutang pa dahil nag- iwan siya ng pang-gastos. 2. Inutusan ka ng tatay mong nagbenta ng bawal na gamot. 3. Naiinis ka na sa mga kamag-anak mong nakatira sa inyo dahil sa halip na lima lang kayong magpapamilya na naghahati sa pagkain at lahat ng bagay ay sampu tuloy kayong naghahati-hati sa kita ng Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 8 / 10
magulang mo. Gusto mo na kayu-kayo lang magkakapatid, nanay attatay mo sa bahay ninyo.A. Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagpapakita ng iyong paggalang.Nagpapakita ba ako ng paggalang sa mga Oo Minsan Hindimatatanda kung:1. Pinakikinggan ang payo ng mga magulang.2. Nagbibigay ng regalo sa loloat lola sa kanilang kaarawan.3. Ipinagluluto ng paboritong ulam si tatay.4. Nagagawang tapusin ang mga gawaing ipinag-uutos ni Nanay.5. Hindi pinakikitunguhan ng masama ang kamag-anak na kasama sa bahay.6. Sinusunod ang utos ni Kuya/Ate.7. Tinutulungan at pinagpapaliwanagan ang nakababatang kapatid.8. Nagpapasalamat sa allowance na ibinibigay ni Nanay.9. Tinutulungan ang nakatatandang kamag- anak sa pagbubuhat ng mabibigat na dala.10. Hindi sumasagot sa mga magulang kapag pinagagalitan. B. Isulat ang P kung pananagutan o K kung karapatan._____________ 1. Paggalang sa magulang_____________ 2. Paglilinis ng bahay_____________ 3. Makapag-aral_____________ 4. Maging ligtas sa sariling tahanan_____________ 5. Magpasensiya sa kapatid na nakababata_____________ 6. Isatinig ang saloobin_____________ 7. Arugain ang magulang_____________ 8. Sumunod sa ipinag-uutos_____________ 9. Ipagtanggol ang magulang at kapatid sa masasamang loob_____________ 10. Pagsisinop ng mga gamitProjec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 9 / 10
VIII. Mga Sanggunian University of Asia and the Pacific. (2001). Familiaris Consortio. Pasig City: Author. pp. 48, 54-55, 57 Apostolic Exhortation of Pope John Paul II on the Role of Christian Family Education of Children Today, A Collection of Essay on Child Rearing p. 1-8 Isaac, David, Building, A for Parents and Teachers Mihalic, Frank SUD, 1000 Stories you Can Use, Volume 2, Story No. 862, pp. 152-153Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? Gawain Blg. 1 A. 1. Tama 2. Tama 1. Hindi 3. Tama 2. Hindi 4. Mali 3. Tama 5. Mali 4. Mali 6. Tama 5. Mali 7. Mali 6. Mali 8. Mali 7. Mali 9. Tama 8. Mali 10. Tama 9. Mali 10. Tama 11. Mali 12. Mali 13. Mali 14. Tama 15. Tama Projec EASE, Educaksyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 10, ph. 10 / 10
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit 3 Modyul Blg. 11 Pagpapahalaga: Gaano Kahalaga?I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Sa mga nagdaang modyul, natutuhan mo ang makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Napag-alaman mo na tunay na mahalaga ang kapwa. Natuklasan mo rin an ang kapwa ay isa sa pinakadakilang handog ng Diyos sa bawat tao. Subalit, naitanong mo ba sa iyong sarili kung naging maayos ang iyong pakikipagkapwa? Naging makabuluhan ba ang iyong pakikipag- ugnayan sa kanila? May mga dapat ka bang tuklasin upang matamo mo ang tagumpay sa iyong pakikipagkapwa? Kung mayroon man, hayaan mong tulungan ka ng modyul na ito sa pagtuklas ng mga pagpapahalagang gagabay sa iyo tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaaasahang matutuhan mo na ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nakikilala ang pagpapahalagang paiiralin sa pakikipagkapwa (L.C. 3) A. Natutukoy ang mga virtue at pagpapahalagang kaugnay sa pakikipagkapwa B. Napahahalagahan ang mga virute at pagpapahalaga na kaugnay sa pakikipagkapwa C. Nakagagawa ng mga hakbangin upang mapaunlad ang mga pagpapahalagang kaugnay sa pakikipagkapwa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 1 / 10
5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Isulat ang salitang Tama kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay hindi wasto. 1. Sa pakikipagkapwa natutuhan ng tao ang makisalamuha. 2. Ang tunay na paglilingkod ay nakikita sa mabuting pakikipagkapwa. 3. Hindi mahalagang isinaalang-alang ang paniniwala o prinsipyo ng ibang tao. 4. Ang pagpapatawad sa nagkasala ay patunay ng pagmamahal sa kapwa. 5. Malaya tayong nakapamimili ng ating pakikitunguhang kapwa. 6. Dapat tanggapin ang kabuuan ng isang tao. 7. Ang diwa ng pagkakaisa ay ang “pagkakasundo-sundo” sa kabila ang pagkakaiba-iba. 8. Ang tunay na pakikipagkapwa ay laging handa sa pagdadamayan. 9. Ang tunay na pakikipagkapwa ay nakikita sa turingang parang tunay na magkakapatid. 10. Ang pagpaparaya ay nangangahulugan ng pagbibigay ng walang inaasahang kapalit.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Isulat ang mga pagpapahalagang tinutukoy sa mga pangungusap. Isulat ang kasagutan sa puzzle na matatagpuan sa ibaba 1. Pagtupad sa binitiwang pangako o salita 2. Pagbibigay halaga sa mga opinyon at mungkahi ng magkaibang panig 3. Pag-unawa sa mga pagkukulang ng iba 4. Pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga taong nagkasala 5. Pagpapahalaga sa kapwa tulad ng inuukol sa sarili 6. Bukas palad na paglilingko sa kapwa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 2 / 10
7. Paglalagak ng pansariling kapakanan o mahahalagang interes sa kalooban ng iba8. Pagtanggap at pagtulong sa kapwa ng walang alinlangan1 2 3 7 5 4 6 8Sagutin Mo1. Naging madali ba sa iyo ang gawain? Ipaliwanag.2. Anu-anong pagpapahalaga ang natuklasan mo batay sa gawain?3. Naisabuhay mo ba ang pagpapahalagang natuklasan mo batay sa gawain? Kung naisabuhay, paano? Kung hindi, bakit?Gawain Blg. 2 Sa tulong ng gawain 1, itala ang mga pagpapahalagang kaugnay sapakikipagkapwa. Isulat ang mga ito sa malalaking sanga ng puno.Pagkatapos isulat ang magagandang naidudulot sa mga bunga. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 3 / 10
Pagpapahalagang Kaugnay sa Pakikipagkapwa1. Nabuo ang tiwala sa akin ng aking kaklase kaya kapag may suliranin siya ay nagtatapat sa akin upang makatulong niya sa paglutas nito.Sagutin Mo1. Naging madali ba sa iyo ang gawain? Bakit?2. Sa palagay mo ba, talagang makakatulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong pakikipagkapwa? Bakit?3. Makakamit mo ba ang magagandang bunga dulot ng mga pagpapahalagang iyong natala?4. Sa paanong paraan mo ito makakamit?5. Ano ang naging damdamin mo pagkatapos mong naisabuhay ang pagpapahalagang pakikipagkapwa?Gawain Blg 3Batay sa sariling karanasan, isulat mo sa bawat kahon ang mgapagpapahalagang nakatulong sa mabuting pakikipagkapwa. Maaaringmagtala ng mga pagpapahalagang hindi kabilang sa mga iyong naitala.Ipaliwanag din kung paano ito nakatulong sa iyong pakikitungo sa kapwa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 4 / 10
Halimbawa” Halika sumama ka Pagtulong sa kapwa sa aking mag-aral na mabuhay sa Ang hirap maging ng paggawa ng mabuting paraan mahirap, paano kandilang pastilyas. kaya kami Magkakaroon ka ng makakaahon? mapagkakakitaan1. Naku! Sugatan ka, Tulong! Tulungan halika at dadalhin ninyo ako! kita sa ospital2. Ineng, napakabait Narito po ang wallet mo. Pagpalain ka ninyo, nahulog ng Diyos. kaninang nagdarasal kayo3. Pasensya na po Galit ako sa Nanay kayo ipapaliwanag mo, alam mo ba ko na lang po sa inaway niya ako kanya dahil sa inilipat ko raw ang bubong ninyo sa amin. Nilipad lang4. Naku wala na yun Alam ko po na kinalimutan ko na magkaaway kayo ng yun. Hayaan mo at tatay ko. Pero nasa ipagdarasal ko ang ospital po siya paggaling niya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 5 / 10
Sagutin Mo 1. Naisagawa mo ba ang gawain? Bakit? 2. Sa mga pagpapahalagang naitalakay, alin ang hindi mo naisasabuhay, ipaliwanag. 3. Paano mo pauunlarin ang iyong sarili?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Tapusin mo ito . . . 1. Natuklasan ko na ang pakikipagkapwa ay _______________________ . 2. Ang aking natuklasan sa modyul na ito upang mapabuti ang aking pakikipagkapwa dapat na ____________________________________.V. Pagpapatibay “No man is an island”. Palasak na kasabihan pero hindi mapasubalian ang katotohanan. Wala nga naman kasing pwedeng mabuhay ng nag-iisa ng masaya. Sabi nga ng awit, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang”. Tingnan mo hanggang kamatayan dapat hindi pa rin tayo namamatay para sa sarili lamang. Bakit kaya? Kasi tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa. Sabi nga ni Cain ng siya’y tanungin ng Diyos tungkol kay Abel, Panginoon ako ba ang tagapag- ingat ng aking kapatid . . .” Sa iyong mga kamay, sisingilin ang dugo ng iyong kapatid. Eksaktong ito itinugon ni Cain ng hanapin ng Diyos si Abel sa kanya. Ikaw at ako, tayo nga’y tagapangalaga ng ating mga kapatid. Paano mo aabutin ang iyong kapwa? Siyempre ito’y pansariling desisyon: ito’y sa inyo na magsisimula. Ang lahat ng tulay ay patungo sa kapwa mo kaya’t lumabas ka na sa iyong sarili at tahakin ang landas patungo sa kapwa. Napakagandang tingnan kapag nakalahad ang ating mga kamay sa pagtanggap sa ating kapwa. Magtayo ng tulay, hindi harang . . . Ito’y magsisimula sa iyo, ang malaking tulay na magdurugtong sa bawa’t isa. Iyon ang mahalaga. Lumabas ka sa iyong ‘sarili’, pumasok ka sa iba. Napakagandang makita ang iyong sarili at matulungan ang ibang makita ang kanilang sarili . . . kaya nga nagtayo ka ng tulay sa iyong sarili . . . pero huwag kang hihinto doon. Ang sumunod na dugtong ay ang tulay para sa kapwa. Halaw sa Values Education ni Leo Buscaglia Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 6 / 10
Sabi ni George Eliot, “O ang ginhawa, di maipaliwanag na ginhawa ngkalooban na naramdamang higit ka sa isang tao, na hindi mo kailangangtimbangin ng isip o sukatin ng bawat salitang sasabihin kundi pwede mongibuhos lahat, lahat-lahat. Ang dayami ay ang butil na magkasama, sapagkatalam mong may kamay na sasalo at sasala dito. Buong pag-iingat upangang karapat-dapat ang natira.” Halaw sa The Friendship Factor ni Allan Loy Ginnis ph. 35-36VI. Pagnilayan at Isabuhay MoHigit pang kilalanin ang sarili lagyan ng tsek ang mga pangungusap ayon sasarili mong pagpapahalaga.Balangkas ng pagmamarka5 – palaging ginagawa4 – madalas3 – paminsan-minsan2 – minsan1 – hindi ginagawa 543 2 11. Natatanggap ko ang opinyon mula sa ibang tao2. Kapag ako’y nakatulong sa ibang tao isinusumbat ko ito sa kanya kapag kami’y nagkaroon ng di pagkakaunawaan3. Nagiging matapat ako sa pakikitungo sa iba4. Nagagawa kong bigyan ng pagkakataon ang may pagkukulang sa akin5. Hinahayaan kong maipahayag nang malaya ng iba ang kanilang damdamin6. Nalulungkot ako kapag nakakakita ng taong may mabigat na problema7. Naiiwasan kong makipagtalo sa mag kaibigan8. Nagagawa kong alalahanin ang mga taong naging malapit sa akin9. Naglilingkod ako sa aming tahanan nang may pagkukusa10. Gumagawa ako ng paraan, gaano man ito kaliit upang makatulong sa kapwa11. Maasahan akong magtago ng sikreto12. Gusto ko na ako lang ang pakisamahan ng mga taong tinutulungan ko13. Pinpintasan ko ang aking kapwa kapag sila’y hindi nakaharap14. Kapag ako’y nagpatawad hindi ko na ito binabalikan pang muliProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 7 / 10
VII. Gaano Ka Natuto? A. Sumulat ng mga balangkas upang higit na mapaunlad ang mga pagpapahalagang kaugnay sa pakikipagkapwa. Isulat ang mga ito sa loob ng kahon. 1. 2. 3. 4. 5. B. Ano ang maipapayo mo . . . 1. Si Ellen ay may lihim na pagkainggit kay Analyn kaya’t pinagkalat niyang si Analyn ang huling pumasok sa kuwarto ni Ginoong Salvador bago nawala ang wallet nito. Alam mong hindi ito totoo dahil kasama mo noon si Analyn sa National Bookstore. Ano ang maipapayo mo kay Ellen? ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Sinagot-sagot ng pablang ni Enrico si Ginang Concepcion ng kunin nito ang malaking hikaw ni Enrico dahil bawal sa paaralan na nakahikaw ang mg lalaki. ________________________________________________________ ________________________________________________________ 3. Narinig mong binawalan ni Chona si Adel na patayin ang gripo ng tubig na nakabukas. Buti nga raw iyon at nang makaganti sila sa mga gurong nagagalit sa kanila. Ano ang sasabihih mo kay Chona? ________________________________________________________ ________________________________________________________ C. Basahin nang mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng pagpapatawad? a. susunod sa utos ng Guidance Counselor na makipagkamay subalit iirap at di kikibuin ang nakasamaang loob na kaklase. b. Paglimot sa nangyari pati na sa taong sangkot c. Pagsumbat sa nakaaway Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 8 / 10
d. Pag-iwas na lang sa taong nakasamaan ng loob sa habang panahon2. Ang tunay na paggalang ay a. pagsasabi ng po at opo b. pagsunod sa utos c. pagsasaalang-alang sa edad at katayuan ng kapwa d. pagsasaalang-alang sa dignidad ng tao sinuman siya at anuman ang katayuan niya sa buhay3. Ang pagsasakripisyo ay nangangahulugan ng a. pagtitiis dahil talagang wala b. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba bago ang sarili c. pagsupil sa kagustuhan upang mapaghandaan ang isang magarbong okasyon d. pagtitipid para mabili ang mga mas mahal na bagay4. Ang pagkamaunawain ay a. hindi magagalit kung ang kaibigang matalik ay nakipagkaibigan sa iba b. paringgan tuwina ang taong nakaaway c. pagpunta sa bahay ng kaklase upang malaman bakit hindi siya nakapasok madalas at di nakabayand ng kontribusyon sa paaralan d. ipagkalat ang lilhim ng mga kaklase5. Pagtulong ang tawag sa a. pagpapahalaga sa kaklase ng sagot sa eksamin b. pagbibigay ng pamasahae sa isang mahirap na kaibigan c. pagtatakip sa pagbubulakbol ng kapatid para huwag makagalitan d. pagbibigay araw-araw ng ulan at kanin sa kapitbahay na anak ng anak at di kayang buhayi ang mga supling Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 9 / 10
VIII. Mga Sanggunian Esteban, Esther J. Education in Values. Manila: Sinagtala Publishing Inc. Quintin, Tomas at Donato Adrev. Negotiationg by Filipino Values Values Education Special Issue, College of Education Mc Gennis, Allan Loy. The Friendship FactorSusi ng Pagwawasto 2 P1KAT APATA N G3 PAG K A MAUNWA I N5APL4PAGPAPA T AWADG6 NMP GAA 7MG P8PAGT I T I WA L ALU GAL PSO AAN PKG AISTY AProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 11, ph. 10 / 10
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit III Modyul Blg. 14 Pagpapatawad: Dulot ay Kapanatagan Ng KaloobanI. Ano ang Inaasahang Matututunan Mo? Lahat ng tao ay may kaibigan. Ang kaibigan ay isa sa ating kapwa. Ito ay nag-uugat sa kanyang pagiging isang sosyal na nilalang. Sa pamamagitan ng kapwa napapaunlad ang kanyang pagkatao. Ikaw ba ay may tunay na kaibigan? Siguro, marami ng pangyayari sa iyong buhay na kabahagi mo siya. Nagkasamaang – loob na ba kayo? Ilang beses? Sino ang unang humihingi ng paumanhin? Sino ang unang nagpapatawad? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga. A. Nahihinuha na ang pagpapatawad sa pagkakasala ng kapwa ay nagbibigay ng kapanatagan ng kalooban B. Natutukoy ang mga hakbang tungo sa maluwag sa damdaming pagpapatawad sa kapwa C. Naisasagawa ang mga hakbang na ito tungo sa maunlad na pakikipagkapwa. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 14, ph. 1 / 10
7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba?Gawain Blg. 1 Gumawa ng isang tala o ulat sa isang lingo. Isulat sa bawat araw angnaganap na pakikipagugnayan sa iyo ng iyong kaibigan o kaklase. Araw – arawbilangin ng mabuti lagyan ng plus (+) sa dulo; kung nakagawa ng masama saiyo lagyan ng minus (-). Sundin ang ganitong pormat.Araw Mga mabuting nagawa Mga masamang nagawa Plus Minus sa akin ng kapwa Ko sa akin ng kapwa ko (+) (-)LunesMartesMiyerkulesHuwebesBiyernesSabadoLinggoSagutin Mo1. Alin ang marami, ang plus o ang minus? Ano ang ganting ginawa mo sa mga kabutihang nagawa sa iyo ng kapwa mo? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 14, ph. 2 / 10
Ano ang ganting ginawa mo sa mga nakakasakit ng kaloobang ginawa sa iyo?Gawain B Ang mga nakatala ay mga bagay na nakasasakit ng kalooban. Lagyan ngtsek (√) ang mga naranasan mo na.____ 1. Wala siya nang kailangan ko.____ 2. Binabanggit ang pagkakamali ko, naiinis ako.____ 3. Ikinikwento ang sekreto ko____ 4. Balewala ang naitulong ko____ 5. Niloloko ako____ 6. Nagsasalita ng nakakasakit____ 7. Hindi humihingi ng paumanhin pag nakasakit____ 8. Hirap na ako, hindi pansin____ 9. Umaalis, hindi ko alam____ 10. Hindi naaalaala ang mga importanteng okasyon sa buhay ko____ 11. Hindi ako pinautang____ 12. Hindi ako pinahiramSagutin Mo. 1. Ano ang naramdaman mo kapag nakaranas ka ng ganito? 2. Paano mo naiitama ang nararamdaman mong ito? 3. Anong mga hakbang ang ginawa mo? III. Tuklasin Mo A. Tingnan nag komiks strip. Basahin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 14, ph. 3 / 10
1. Sa simula ano ang gagawain ng tinedyer sa nanghiya sa kanya? 2. Nang mapag-isip – isip niya, ano ang ginawa niya sa huli? 3. Ano ang nararamdaman niya sa huli? B. Ang kasunod ng pagkakasala ay pagpapatawad. Basahin naman ang istorya ng isang barbering babae. Halaw sa: Philippine Panorama, April 2000 Si Merly isang barberong babae. Malaki ang pangangatawan. Mukhanglesbian dahil sa kanyang hanapbuhay at sa slacks na suot niya. Mukhang “rugged”pero hindi ang kilos. May pamangking babae ba nakatira sa kanya. Anak ng kapatidniya. Tuwing dadating ang ama ng bata, hihingi ng pera pambili ng gamot, lasingpa. Palagi niya itong binigbigyan. Iniwan ng asawa dahil lasengo.Sagutin: 1. Ano ang pagkakaiba ni Merly sa asawa ng kapatid niya? 2. Sino ang paulit – ulit na nagkakasala? 3. Sino ang paulit – ulit na nagpapatawad? 4. Saan nandoon iyong tinatawag na pagpapatawad sa nagkakasala? 5. Kailan makakaramdam ng kapanatagan ng kalooban si Merly? C. Narinig mo na ba ang istorya na Prodigal Son? Basahin at tingnan kung paanong ang pagmamahal at pagpapatawad ay nakapaghalaga sa nagkasala; gayundin kung anong laking kagalakan at kapanatagan ng loob ang ibinibigay nito sa nagpapatawad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 14, ph. 4 / 10
ANG ALIBUGHANG ANAK Sabi ni Jesus, May lalaking may dalawang anak. Sinabi ng bunsong anak; “Ama, ibigay mo na sa akin ang kaparti ko sa mamanahin ko”. Ibinigay ng ama angkabahagi ng anak na bunso. Dala ang kanyang gamit, pati ang pinagbilhan sakanyang mana. Nilustay niya ito, Nagpasarap sa buhay, hanggang matagpuan angsarili na nakatira sa kulungan ng baboy at nakikisalo sa kanila. Dito niya naalaalaang ama. Bumalik siya sa ama. Malayo pa siya ay sinalubong na siya ng ama. Sabing ama sa mga katulong “ Madali, bihisan siya ng pinakamainam na damit, lagyanng singsing ang kanyang mga daliri at bigyan ng sapatos. Patayin angpinakamatabang baka. Kumain kayo at magsaya sapagkat ang anak kong ito aynamatay at muling nabuhay. Nawala at muling natagpuan”, At nagsimula angselebrasyon”. Lukas 15: 11 – 32Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang palatandaan ang pagpapatawad ng ama sa anak? 2. Paano naipakita ng ama ang kanyang lubusang pagpapatawad sa anak? 3. Kung ikaw ang ama magagawa mo rin ba ang pagpapatawa na ginawa niya?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan?A. Magbigay ng tatlong epekto ng pagpapatawad sa pagkakasala ng iba sa iyongsarili. 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 3. ______________________________________________B. Ano naman ang epekto ng pagpapatawad sa taong nagkasala? 1. ________________________________________________ 2. ________________________________________________ 3. ________________________________________________ V. Pagpapatibay Balikan natin ang istorya ng “Alibughang Anak”. Anu – ano ang mag ginawang ama para maipakita sa anak ang laki ng pagmamahal at pagpapatawad?Una - Agad tumakbo ang ama upang salubungin ang anak na nagkasala. Ginawa nita ito upang hindi mapahiya ang anak na lumapit sa kanya. Hinalikan niya ito upang maipakita sa lahat na naroroon ang pagpapatawad at pakikipagkasundo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 14, ph. 5 / 10
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156