Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao II

Edukasyon Sa Pagpapakatao II

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:49:48

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

Mabuting Dulot ng Masamang Dulot ng DiDimensyon na Madisiplinang Panonood ng Pagpili sa Panonood ngNililinang Telebisyon (Oras at Palatuntunan) Programa sa TelebisyonIkalima: 1. Natututuhan ang pangkalaha- 1. Nakikita ang paulit-ulit Espiritwal / tang katotohanan (Universal na paglabag sa Moral Moral Truth). Law; natututuhan ang pagsisinungaling at 2. Naisasapuso ang mga pagpa- di-totoong totoo. pahalagang moral. 2. Nalalantad sa paulit- 3. Naiiugnay kung sino sa mga ulit na gawaing krimi- modelo ay nagsasabuhay ng nal, labis na pagka- Batas Moral. (Moral Law) takot at gawaing sagad sa buto. 3. Nakakamasid sa mga gawang bayolente, sobrang sama at nakakatakot. 4. Nalalantad sa gawang walang patumangga sa seks, paghihiwalay, kabastusan, sobrang pananakit, nalalantad sa di-makatotohanang pagganap ng papel ng babae at lalaki. 5. Nakikita ang mga immoral na modelo na iniidolo. 6. Nakakatanggap ng mga di-makatotoha- nang mensahe tungkol sa mga alcohol na iniingganya sa pag- gamit nito. 7. Nakakatanggap ng mga mensahe tungkol sa pampasosyal at etnikong grupo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 11 /17

Wastong Kulturang Makikita sa Telebisyon:Ang Telebisyon Bilang Kagamitan Upang Pansinin ang Kulturang Pagkikilanlan Gumugugol ang bata ng 1,500 oras sa isang taon sa panonood ngtelebisyon samantalang 900 oras naman ay itinitigil niya sa loob ng silid-aralan. Maliwanag na mas maraming bagay ang natutuhan niya satelebisyon kaysa silid-aralan. Ito ay nakapagdudulot ng masama o mabutidepende sa uri ng programa at haba ng oras na inilalaan niya rito. Ayon sa pananaliksik, sa paulit-ulit na pag-aanunsyo ng mgaprodukto, nakukundisyon ang isip ng bata hanggang hangarin niya namakamit ito. Kung paulit-ulit ding nakikita ang karahasan at paggawanang hindi tama matututuhan din niya ang mga ito. Ito at patunay kunggaano kabisa ang telebisyon sa pagtuturo sa bata. Halos lahat ng batang nakakakita ng mga pakembot-kembot nasayaw ay naisasagawa ito nang mahusay. Natutuwa ang mga magulangsa husay ng pagkakagaya sa sayaw. Ngunit kung iisipin at titingnangmabuti, ano talaga ang mensahe? Okey lang ang kaway ni Sandara. Bagong istilo. Ngunit ano angmagiging reaksyon kung isang pitong taong gulang na bata ay pumatayng isang katulong nang palitan ng maid niya ang tsanel ng telebisyon okung ang isang rapist ay tumuga na kaya niya ginawa yun ay dahilnagising ang kanyang damdamin dahil sa eksenang nakita niya satelebisyon? May mga dahilan para kumilos. Ang katotohanan, may mgapagpapahalaga na naituturo sa mga bata nang hindi namamalayan. Ito aytinatawag na hidden kurikulum. Tulad ng anunsyo sa sabon, nagpapakinisng kutis pero sa paggamit noon ay naging pansinin ng mga lalaki? Anongmensahe ang ipinararating ng anunsyo? Sa ganitong pagkakataon, kailangan ang masusing “pagbasa” samensahe ng telebisyon. Halaw sa: Quality Teacher, Vol. 3, No. 4 s. 2000 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 12 /17

Ang Tungkulin ng Pamilya sa Mapanagutang Pagpili at Paggamit ng Medya Sinasabi na sa pamilya nagsisimula ang paghubog sa pagkatao ng bata. Wika nga, “Like father, like son.” Kung ano ang mabubuti at maipagmamalaking katangian ng ama, gayundin ang gustong makita sa anak. Ano ang dapat gawin sa pamilya upang maayos ang paggamit ng media? 1. Piliin ang mga programa na panonoorin at ipaliwanag kung bakit napili. 2. Pag-usapan ang oras/araw kung kailan panonoorin. 3. Kung maaari, samahan ang bata sa panonood. 4. Pag-usapan ang napanood. a. pagtimbang-timbangin ang mga ideya, pagpapahalaga, gawi at kilos ng mga tauhan. b. tanungin sa bata ang epekto ng pinanood niya. c. Hikayating ibahagi ang kanyang naramdaman at mga iniisip tungkol sa pinanood. 5. Gabayan ang bata upang bigyan ng prayoridad ang paggawa ng takdang-aralin kaysa panonood ng telebisyon o paglalaro ng computer games. 6. Kung may simbolong “Parental Guidance”, samahan ang bata sa panonood. Halaw sa: Education in Values, What, Why, and for Whom. Ni Esther Joos EstebanVII. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ang mga sumusunod ay mga paraan sa paggamit ng media. Ito ay gagabay sa iyo upang maging mapanuri ka. 1. Pipiliin ko ang mahuhusay na programa sa telebisyon. Panonoorin ko ay ____________________________________________________ ______________________________________________________ 2. Bibigyan ko ng takdang oras ang panonood nito. Manonood ako mula _______________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Babalansehen ko ang pag-aaral at panonood ng tlebisyon. Uunahin ko ang ____________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 13 /17

4. Pahahalagahan ko ang mensaheng ipinararating nito sa akin. Magtatanong ako sa mga di ko alam tulad ng __________________ _____________________________________________________5. Pipili ako ng babasahin. Ang babasahin ko ay _________________ _____________________________________________________6. Kapag nakakita ako ng simbolong “Parental Guidance”, yayayain kong manood _____________________________________________7. Mahilig ako sa awit. Ang pakikinggan kong awit ay _____________________________________________________8. Gagamit ako ng internet kung ______________________________9. Gagamit ako ng cellphone kung _____________________________10. Ang pagbabagong dulot sa akin ng media ay _______________________________________________________VII. Gaano Ka Natuto?I. Sinasabi na ang telebisyon ay nakalilinang ng limang dimension ng tao. Sa mga pangungusap sa ibaba, isulat kung anong dimension ang tinutukoy nito. Isulat ang mga simbolo lamang.P - Pisikal; In - IntelektualE – Emosyonal Is - IspiritualPn - Panlipunan1. Nagiging maayos ang pagkilos at gawi sa iba’t-ibang klase ng tao. ____________2. Natututong tanggapin ang mga hamon sa kabila ng kabiguan. _____________3. Lumalawak ang bukabolaryo, imahinasyon, pagguhit, memorya at kaalaman sa siensya at sining.____________4. Isinasapuso at naisasagawa ang mga pagpapahalagang moral at pandaigdigang batas. (Universal Truth) ______________5. Nagkakaroon ng kaalaman sa pangangalaga sa kalinisan at kalusugan ng katawan, pag-aayos ng sarili at wastong nutrisyon. _____________6. Natututuhan ang mga panlipunang konsepto ng katotohanan. _________7. Nagkakaroon ng disiplina at inspirasyon sa mga modelong nakakatanda. ____________8. Natututuhan ang mga inpormasyon at unibersal na katotohanan. __________9. Naisasapuso ang mga pagpapahalagang moral. _____________10. Maaaring mahilig sa isports at ehersisyo. ___________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 14 /17

II. Lagyan ng tsek ( / ) kung Tama at sero (0) kung Mali. ______ 1. Ang mga palatuntunang pambata ay lumalaganap na sa iba’t-ibang tsanel sa telebisyon. ______ 2. Kailangang gabayan ang bata sa panonood ng telebisyon lalo na ng mga palabas ng may simbolong “parental guidance”. ______ 3. Nagiging masaya at buo ang pamilya kung may telebisyon. ______ 4. Dahil sa internet, nagiging mabilis ang takbo ng negosyo sa pagdaigdigang palengke. ______ 5. Malakas na impluwensya ng media sa ikinikilos ng mga kabataan.III. Sumulat ng isang sanaysay na bumabanggit ng paraan na magagawa ng telebisyon sa katatagan ng pamilya. Maaari mong banggitin ditto ang limang dimension ng pagkatao na nahuhubog ng telebisyon. Telebisyon: Instrumento sa Katatagan ng Pamilya _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 15 /17

VIII. Mga SanggunianBelen, Saturnino G. Jr. Exec. Publisher. Quality Teacher, Volume 3, No. 4, 2000De Las Llagas, Clotilde, ESP, Morada, Maria Luz 1996. Pag-usapan Natin: Ang Media . . . . Ang Pilipino . . . .atbp. Daughters of St. Paul, Pasig City, Philippines. 1996Esteban, Esther Joos, Values Education: What, Why, and For Whom, Sinagtala Publishers Inc. Manila, 1989Susi sa PagwawastoA. (Ayon sa sariling ideya, kuro-kuro at karanasan.)B. 1. D 2. D 3. A 4. A 5. DPaano Ka Natuto?I. 1. Pn 6. Pn 2. E 7. E 3. In 8. Is 4. Is 9. Is 5. P 10. PII. 1. / 2. / 3. 0 4. / 5. /III. Gamiting gabay ang rubric sa ibaba sa pagbibigay ng puntos sa isinulat na sanaysay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 16 /17

Napakahusay Mahusay Katamtaman Maaari pang Kailangang mapahusay Pagbutihin 5 4 3Bumanggit ng Bumanggit ng Bumanggit ng 2 15 dimensyon 4 na 3 dimensyong Bumanggit ng Walangna nalilinang dimensiong nalilinang 1o2 nabanggit na nalilinang dimensyong dimensyongMalinaw ang Medyo may May kalabuan nalilinang nalinangpaglalahad ng kalinawan ang ang ilang ideya May kalabuan Malabo angmga ideya paglalahad ng ang karamihan ideya mga ideya May kaguluhan ng mga ideyaMaayos ang Medyo maayos ang Hindi maayospagkakasunod- ang pagkakasunod- May kaguluhan angsunod ng mga pagkakasunod- sunod ng mga ang pagkakasunod-pangungusap sunod ng mga pangungusap pagkakasunod- sunod ng mga pangungusap sunod ng pangungusapMakatotohanan Makatotohanan maramingang lahat ng Makatotohanan ang ilan sa pangungusap Walangideyang ang marami sa mga ideyang Makatotohanan katotohananbinanggit ideyang binanggit nang kaunti ang mga binanggit ang mga ideyang ideyang binanggit binanggit Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 4, ph. 17 /17

Edukasyon sa Pagpapahalaga Yunit II Modyul Blg. 5 Kaibigan…..Ano Ka? Sino Ka?I. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? Sabi ni Robert Louis Stevenson, “ Habang tayo ay nagmamahal tayo ay nagsisilbi. Walang taong walang kabuluhan habang siya ay kaibigan.” Samakatuwid ang isang kaibigan ay nagmamahal. At ang nagmamahal ay nagsisilbi. Paano naman nagsisilbi ang isang nagmamahal? Sa modyul na ito, susubukan mong alamin kung sino at para ano anh isang kaibigan. Mahalagang hakbang ito upang mapaunlad ang sarili sa pakikipagkapwa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang naipakita mo ang mga sumusunod na kasanayan at Pagpapahalaga: L.C. Natutukoy ang kahulugan at pamantayan sa pagpili ng kaibigan. 1. Naipapakita kung papaano amgiging isang kaibigan 2. Nasusuri ang mga katangian ng isang kaibigan 3. Natutukoy kung papaano ang kaibigan ay nakatututlong sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pgapapahalaga II kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunod – sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti nag nilalaman nh paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubulin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga.

5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa laaht ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Hueag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot. 1. Ang katagang kaibigan ay tumutukoy sa _______________ a. isang indibidwal b. dalawang indibidwal c. grupo ng mga indibidwal d. dalawa o higit pang tao 2. Ang pagiging magkaibigan ay napapalawig sa pamamagitan ng mga ito maliban sa isa a. pag-alala kapag may suliranin b. pagtatanggol kahit sa anong paraan c. pag-iisip ng maitutulong d. pagsasabi ng mali ng kaibigan 3. Ang pagpapahalagang lagging dapat umiral sa magkaibigan ay _____ a. katapatan b. pagmamahal c. paggalang d. pagdadamayan 4. Ang tunay na kaibigan ay makikita sa oras ng __________ a. kahirapan b. kagipitan c. kadiliman d. kalungkutan 5. “Kung saan may pagmamahal, iyon ang tahanan, kung saan mag paa’y aalis ngunit hindi ang puso, Kadalasan hahab ngunit hindi pagpapatid” -Oliver Wendell Holmes a. Kapag umalis, maiwan ang pusong nagmamahal b. Kapag nagmamahal mabigat ang pusong aalis c. Kung lalayo kailanga’y hindi pautol ang makapagkumikasyon d. Malungkot man sa pag-alis ay babalik din

B. Isulat sa kwaderno kung tama o mali ang bawat pahayag. 1. Ang tunay na kaibigan ay maasahan 2. Nakalilibang kung may kaibigan 3. Kung wala kang kaibigan may diperensya ka. 4. Iniisip ko ang mahihingi sa kaibigan ko. 5. Hindi sinasabi anh ikasasama ng loob ko. 6. Iniwan ako kapag may nakitang iba. 7. Nagkukunwaring masaya kahit may problema 8. Nagsasabi ng totoo tungkol sa mga bagay-bagay 9. Nagbibigay at tumatanngap din naman. 10. Sumasang-ayon sa lahat ng gusto ko.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahin ang kwentong ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Masaya ka ng araw na iyon dahil may tinanggap kang sulat mula sa iyong matalik na kaibigan. May isang taon na rin ang lumipas mula nang kayo’y magkahiwalay. Paulit-ulit mo itong binasa lalo na ang bahaging ito. “ …. Hindi ko malilimutan ang pagiging matapng mo. Naalala mo pa ba nang ang ating patrol, anim kayo ay napahiwalay sa karamihan dahil mali ang pakahulugan natin sa nakita nating “travel sign”? Ang tapang mo noon. Umiiyak na ako at takot na takot pero ikaw iyong nagpapalakas ng loob naming hanggang makakita tayo ng isang matanda na itinuro sa atin ang daan?” Saglit kang tumigil sa pagbabasa at naalala mo ang insidenteng iyon noong girl scout pa kayo sa unang taon. Natakot ka rin noon. Dahil magubat at madilim ang langit at may nagbabantang ulan. “ …. Hindi agad ako nakasulat dahil marami akong dapat sanayin sa nilipatan namin. Lagi ko ring naalala ang pagpunta-punta mo sa amin. Tinutulungan mo ako sa aking asayment. Tuwang-tuwa sa iyo ang nanay ko. Tapos maglulutoo siya ng sinulbo at gusting – gusto natin yong malapot sa asukal na natitira sa kawali. Kandapaso tayo sa pagkuha noon” “ Alam mo ma iba ka talaga. Nami-miss kita. Sana sulatan mon rin ako ha? At masaya mong tiniklop ang liham. Sagutin Mo 1. Anu-ano ang mga katangiang Makita sa iyo ng kaibigan mo? 2. Bakit mahalaga ang mga katangiang ito para sa isang matibay na pagkakaibigan? 3. May mga maidadagdag ka pa ba ss mga katangiang ito? Isulat mo.

Gawain Blg. 2 ang mga katangian ng kaibiagn mo Isulat sa bawat pahirabanagsisimula sa bawat titik ng salitang kaibigan.Ang Kaibigan KoSagutin Mo 1. Anu – anong mga salita ang naglalarawan sa kaibigan mo? 2. Bakit ang mga kataniang ito ang inilagay mo sa paglalarawan sa kanya? Ipaliwanag ang bawat katangian.Gawain Blg. 3 Ang nasa ibaba ay larawan ng isang bulaklak. Gwain natin itong simbolo ngpagkakaibigan. Ang pandilig naman ay simbolo ng nagagawa ng pagkakaibigan sapakikipagkapwa.

Sagutin: 1. Anu – ano ang nagagwa ng pakikipagkaibigan sa pagpapalawak ng pakikipagkapwa. Isulat ito.IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Kumpletuhin ang pangungusap 1. Ang tunay na kaibigan ay ____________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________. 2. Ang mag katangiang dapt taglayin ng isang kaibigan ay: a. ________________________________ b. ________________________________ c. ________________________________ d. ________________________________ e. ________________________________ 3. Sa pagkakaibigan, lumalawak ang pakikipagkapwa dahil sa a. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ c. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________

V. Pagpapatibay Ano ang kaibigan? Ang tunay na kaibigan ay ulam ang tunay na “ikaw”, nauuwaan ang nararanasan at pinagdaanan mo, tinatanggap ang magiging ikaw at ginagabayan upang umunlad. Kung susuriin ang salitang kaibigan ay nangangailangan ng dalawang tao sa halip na isa, Ito ay dahil sa unlaping ka--. Maaaring karamay, kapwa, kapamilya, kapitbahay, kaeskwela, kamag-anak, katulong,ka-opisina, katrabaho. Kaya hindi puedeng iisa. Ang kaisipang kaibigan ay karamay, pagiging kasama. Isang pagsasamang lumalampas sa panahon ayespasyo. Ito ay pagsasam ng puso at isip. May pagmamahalang nagbubuklod at isang panatang na aalalayan at tutulungan ang isa’t isa na walng pasubali. Ang salitang “kaibigan” ay nagsimula sa salitang latin na “amicus” Ang “amicus” ay nagmula naman sa salitang “amare” na ibig sabihin any magmahal. (to love). Mauunawaan dito n amnag kaibigay ay hindi basta napupulot. Ang pagiging magkaibigan ay nangangailangan ng panahon upang yumabang. Ang kaibigan ay maaaring kamag-anak o hindi. Ito’y nangangailangan ng mahabang pagsasamahan upang magkaroon ng pag-iisa ng isip, damdamin at mga adhikain, pagbibigay ay apgtulong sa kapakanan ng iba.Bakit Kailangan ang Kaibigan? Ang tao kahit gaano kayaman at sasabihing hindi na nangangailangan pa ay kailangan pa rin ang kaibigan. Isang pangangailangan ng tao ang magbigay at tumulong sa kapwa. Ang nag-alay ng sariling kakayahan para sa kapwa. Kailangan ang kaibigan upang mapunan ang bahaging kulang sa ating pagkatao. Kailangan ang kaibigan upang mawala upang mawala ang takot, pagtupad sa pangarap, paghawi ng mga balakid at upang harapin ang buhay. Sa mga tinedyer, lalaong kailangan ang kaibigan upang maramdaman na sila ay kabilang, tanggap at napapansin. Kailangan nila ang kasing –edad nila a kung saan ang pakiramdam. Sila’y tinatanggap ai kinikilala bilang sila. Paanong ang Pakikipagkaibigan ay Nagpapalawak ng Pakikipagkapwa? 1. Ang pakikipagkaibigan ay nakakatuklong upang maging malaya sa pangangailangang emosyonal mula sa mga magulang at mga kapatid at kung magkagayon ay matututong unawain ang damdamion ng iba. 2. Sa pakikipagkaibigan natutuhan kung paano makisama at makihalubilo sa iba. 3. Sa pakikipagkaibigan natututong tumingin hindi lamang sa sarili kundi pati sa iba. 4. Nakikita ang gampanin ng ibang tao sa kanilang buhay.

5. Natutuhan ang paggalang sa kalapitan, opinion at damdamin ng iba. 6. Natutuhang maging maramdamin sa pangangailangan ng iba. 7. Natutuhang tanggapin ang iba hindi mapanghusga at magiging mapagbugay sa kapwa. Halaw sa: Making, Staying, Making Friends Antonio N. Tornelba & Socorro L. Bautista (Eds)Sino ang Kaibagan? Ang kaibigan ay: 1. Laging ginagawa ang ipinagagawa mo 2. Maaasahan 3. Gusto mo ay laging kasama 4. Pinagkakatiwalaan mo ng sektero 5. Sumasang-ayon sa naiisip at sasabihin mo 6. Ibinabahagi ang mabuting bagay sa iyo 7. Pinapaalala kapag hindi tama mg iyong kilos. 8. Masayang kasama 9. Itinuturing kang kapamilya 10. Nasa tabi mo, anuman ang mangyari 11. Ang mga taong nagugustuhan at hindi ay kapareho ng sa iyo. 12. Sinasabi ang kanyang opinion sa mga bagay-bagay 13. Mananatiling kaibibigan kahit hindi ka sumasang-ayon sa kanya. 14. Kakampihan ka kung galit ka. 15. Gusto siya ng marami. Halaw: Moral & Ethical Guidebook for Teachers Carmen A. Llanera & Teresita D. Labrador 1993 Int’l Educational

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Higit na sigurong malinaw at maayos kung sino at ano ang kaibigan sa iyo. Idikit mo ang larawan ng iyong kaibigan dito sa kwadro. Sumumat ng isang sulat pasasalamat sa kabutihang nagwa niya para sa iyo. Ang Aking Kaibigan Mga Kabutihang Nagawa Para sa Akin

VII. Gaano Ka Natuto? I. Ang mga sumusunod ay kasabihan tungkol sa pagpapalawak ng pagkakaibigan.Piliin ang wastong kahulugan. 1. “Kung naroon ka iyon ang sukdulang eskpresyon ng pagmamahal” - Karen O. Cornor a. ang oras ay mahalagasa kaibigan b. kailangang lagging nasa kaibigan c. ang pakikipagkaibigan ay nasusukat sa tagal ng oras sa kaibigan d. magkaroon ng oras para sa kaibigan 2. Pakikipagkaibigan – ang kasiyasiyang laro ng pakikipagpalitan ng papuri - Oliver Wendell Holmes a. Kailangan ng kaibigan ang papuri b. Kung pupurihin ka ng kaibigan mo, purihin mo rin siya c. Ang papuri ng kaibigan ay nakapagpapatatag ng samahan d. Kailangang malaman ngkaibigan na pinupuri siya upang masiyahan siya. 3. Ang tao’y may damdamin, maging maingat. - J. Masai a. Kung nasaktan, huwag magalit b. Ang makasakit ng damdamin ay di maiiwasan c. Kung nakasakit dapat ay humingi ng paumanhin d. Ingatang makasakit ng damdamin 4. Siya na hindi tapat sa kaibigan, ay hindi rin tapat sa Panginoon - Lavater a. Maging tapat sa Diyos at tapat sa kaibigan. b. Ang katapatan at gawaing maka-Diyos c. Ang hindi pagtatapat sa kaibigan ay ganoon din sa Panginoon d. Ang Panginoon ay tapat sa tapat sin sa kanya 5. Sa inyong pagiging malapit sa isa’t – isa sana’y magkaroon ng pagitan. - Kahlil Gibran a. Ang sanhi ng pag-aaway ay ang pagiging malapit sa isa’t isa b. Marami ang di nagkakaunawaan dahil may iabng nakapagitan. c. Hayaang maging malaya sa pakikipagkaibigan sa iba ang iyong kaibigan d. Huwag dumaan sa pagitan ng dalawang nag-uusap

II. Sagutin ng Tama o Mali______ 1. Kailangan ngtao ang kaibigan.______ 2. Kapag may kaibigan, kailangang siya lamang______ 3. Sa pagkakaibigan kailangan ay may pagmamahal sa isa’t isa______ 4. Sa magkaibigan, maaaring iyon lang mayroon ang magbigay______ 5. Ang kaibigan ay maaring kamag-anak, kaeskwela, kapitbahay______ 6. Pinakamahalaga ang pagmamahal sa magkaibigan.______ 7. Ang salitang kaibigan ay mula sa salitang latin sa “amicus” na mag ibig sabihin ay “ani ko.______ 8. Ang kaibigan ay isang basal na pangangailangan ng tao.______ 9. Sa pakikipagkaibigan lalong limalago ang pakikipagkapwa______10. Laong mabuting kaibigan ang magulang kaysa kaeskwela.VIII. Sanggunian• A Pocketful of Virtues• Llanera, Carmen A. and Salvador, Teresita P. (1993) Moral & Ethical Guidebook for the Youth: Book 1 for Teachers. International Educational• Torralba, Antonio N. & Bautista, Socorro L. (Eds) (2003) Making, Staying, Being Friends Inkwell Publishing Co, Inc.IX. Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? Gaano Ka Natuto?I 1. d I 1. d 2. b 2. c 3. c 3. c 4. b 4. c 5. c 5. cII. 1. T II. 1. T 2. T 2. M 3. T 3. T 4. M 4. M 5. M 5. T 6. M 6. T 7. M 7. M 8. T 8. M 9. T 9. T10. M 10. T



EDUKASYON SA PAGPAPAHALAG II Yunit II Modyul Blg. 7 Nauunawaan Ko NaI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Sa mga nagdaang modyul, natutuhan mo ang kahulugan, lawak at kahalagahan ng kapwa. Nadama mo na napakahalaga ng ating kapwa ngunit bakig kung minsan nagkakaroon ng puwang ang di pagkakaunawaan lalo sa kawalang ng mahusay na komunikasyon. Nararapat lamang na magkaunawaan ang bawat isa sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Makatutulong nang malaki ang bawat gawain sa modyul na ito upang maunawaan mo ang nais ipahiwatig ng iyong kapwa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nasusuri ang iba’t ibang uri ng komunikasyon B. Nagagamit ang mga uri ng komunikasyon nang matalino at mabisa tungo sa pagkakaunawaan C. Napatutunayan na ang komunikasyon ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 1 / 12

tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Punan ng tamang sago tang bawat patlang. Piliin sa loob ng kahon na nasa ibaba ng mga pahayag: 1. Mahalaga ang K_ _ _N_ _A_ _ _ _ sa isang grupo o pangkat upang sila’y magkaunawaan. 2. Ang mabisang komunikasyon ay nagbubunga ng _ _G_ _ _ A _ _A_ _A_ _ 3. Ang anumang uri ng pakikipagtalastasan o komunikasyon ay binubuo ng dalawang proseso ng P_GH_ _ _TI_ at P_ _T_ _G_ _P 4. Bago maging mahusay na kausap, dapat ay maging magaling din siyang ding siyang T_G_P_ K _ _ _ G. 5. Ang pakikinig ay mas mahalaga kaysa sa P_ _S _ _ _ _I _ _ 6. Napakahalagang maipahayag ang mga _ _ _S _ P _ at S _ _ O _ _ I _ sa anyong pasalita at di-pasalita man. 7. Hindi nagiging maliwanag ang proseso ng komunikasyon dahil sa I _ _ _Y at ito ay maaaring nasa loob at labas ng komunikasyon. 8. Ang kadalasang nagpapahayag ngkanyang nararamdaman sa tagapakinig ay ang T _ _ _ P _ _ S _ _ _ TA 9. Hindi maiiwasan ang P _ G _ _A _ kapag tayo ay nakikipag-usap o nagsasalita. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 2 / 12

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Angkupan ng dayalogo ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay at ihanap sa comics strip. Ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang pag-uusap. 1. Dumating si Nora sa paaralan na nakasimangot. Inakala ni Vangie na siya ang sinisimangutan. 1. 2 3. 4. 2. Inabangan ni John si Norman sa kabilang kanto, dahil nalaman ng una ang panliligaw ni Norman sa kapatid…… 1. 2 3. 4. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 3 / 12

3. Hindi sinasadyang mabasag ni Tintin ang mamamahaling flower vase ni Emma. 1. 2 3. 4.4. Ipinatawag ng guro ang nanay ni Rene kasi di nagpapasok ang anak sa paaralan. Kasama si Rene sa pag-uusap ng dalawa. 1. 2 3. 4. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 4 / 12

5. kulang ang sukli ng tindera kay Ryan. Ang problema nga lang dalawang oras na ang nakalipas bago nadiskubre ni Ryan na kulang pala ang sukli sa kanya. 1. 2 3. 4.Sagutin Mo1. Tungkol saan ang mga sitwasyon?2. Paano nilutas ng mga tauhan ang problema? Ilahad.3. Bakit mahalaga ang pag-uusap sa mga ganitong sitwasyon?4. Anu-ano ang mga nararapat mong isaalang-alang sa paghahatid ng mabuti at mabisang komunikasyon tungo sa pagkakaunawaan?Gawain Blg. 2Ang komunikasyon ay hindi lamang pasalita. Ito’y naipahahatid sapamamagitan ng kilos. Bigyang kahulugan ang sumusunod na kilos,ekspresyon ng mukha.1. pagkibit ng balikat2. pagkunot ng noo3. pag-irap4. tingin ng tingin sa relo5. pagdadabog ng mga paa6. pagtapik sa balikat7. pagsitsit8. pagsipol9. pagtango ng ulo10. pagkaway Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 5 / 12

Sagutin Mo1. Isa lang ba o higit pa sa isa ang kahulugan ng bawat kilos?2. Sa lahat ng pagkakataon, nauunawaan ba ninyo ang mga ipinahihiwatig ng mga kilos at ekspresyon ng mukha? Bakit?3. Sa mga paghahatid ng mga di-pasalitang mensahe, anu-ano ang mga nararapat mong isaalang-alang?4. Kailan nagiging mabisa ang komunikasyon?Gawain Blg. 3Paano mo sasabihin nang maayos at tama ang mga sumusunod:1. May tampo ka sa nanay mo dahil ang ate mo lang lagi ang ibinibili ng damit.2. Ayaw mo nang makasama si Edna na iyong kaibigan dahil pinagbabawalan ka ng magulang dahil masama daw impluwensiya sa iyo.3. Hindi mo na kaya ang trabahong ipinagagawa ng guro dahil masyadong marami.4. Wala ka nang perang itutustossa pag-aaral mo.5. Hirap na hirap ka na sa pagiging solong tagapaghanap-buhay ng pamilya.6. Gusto mong abutin ang patis sa kabilang mesa pero may katabi ka sa magkabilang panig.7. Nais mong isaya ang kaklase mo sa isang party.8. Ipagpapaalam mo ang crush mo sa nanay niya dahil birthday mo at mayroon kayong swimming.9. May tumawag sa telepono at hinahanap ang principal ninyo pero umalis.10. Nahuling umakyat sa bakod ng paaralan ang kapatid mo at ipinatawag sa Guidance Office ang nanay mo pero ikaw ang pinadala.Sagutin Mo 1. Alin sa mga sitwasyon ang iyong naranasan na at nagkaroon ng positibong resulta? Bakit? 2. Alin sa mga sitwasyon ang iyong naranasan na at nagkaroon ng negatibong resulta? Bakit? 3. Ano ang kahalagahan ng mabuting komunikasyon sa mga nabanggit na sitwasyon? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 6 / 12

IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Nabatid mo na ang kani-kaniyang gamit at tungkulin ng mga mensaheng pasalita at di-pasalita. Nauunawaan mo na rin ang kabutihan at di- kabutihag nagagawa nito para sa mabilis na daloy ng pagkakaunawaan. Ngayon sa mga espasyo sa ibaba isulat ang tatlong pangunahing konseptong natanim sa iyong isip sa mga isinagawang pagsasanay.Ang komunikasyon Hindi lamang Mahalaga angay_____________ ang__________ epektibong_______________ ang dapat komunikasyon_______________ pahalagahan, sapagkat_____________________ dapat din sa mga ____________________________ _____________ ____________________________ mensahe ang _____________ nag-uusap _____________ _____________ _____________ _____________ _____________V. Pagpapatibay Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-usap at pakikinig sa isang tao; pagbabahagi sa mga naiiisip at nararamdaman; paghahatid ng malinaw na mensahe sa kausap; pakikinig sa sinasabi ng nagsasalita at pabibigay reaksyon sa mensaheng napakinggan. May dalawang uri ng komunikasyon: 1. Pasalita (Verbal) – Ito ang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng salita na ipinapahayag nating sa ating kausap. Ang paggamit ng salita ay simbolo ng komunikasyon tungo sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan ng mga taong nag-uusap. 2. Di-pasalita o pakilos (Non-verbal) – Ito ang uri ng komunikasyon na nagpapakita ng kilos o galaw ng isang tao. Binubuo ito ng pagkilos ng kamay at katawan, pagtungo ng ulo, ekspresyon ng mukha, maging ang paggamit ng distansiya sa pakikipag-usap ay maaaring bahagi ng komunikasyong pakilos. Mga hadlang sa mabisang komunikasyon: 1. Pisikal na sagabal – kadalasan ay nanggagaling sa labas o kapaligirang pisikal ng 3 taong nag-uusap. Halimbawa, ang ingay na nanggagaling Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 7 / 12

sa sasakyan o radio na malakas ang bolyum at nakakaistorbo sa inyong nag-uusap. 2. Pisyolohikal – nanggagaling naman sa loob ng katawan ng dalawang taong nag-uusap. Halimbawa nito kung nagugutom o kaya ay may sakit na nararamdaman na nagiging dahilan upang hindi maging pokus sa pagsasalita o kaya naman ay sa pakikinig sa kanyang kausap. Hindi madaling makuha ang mensahe ng komunikasyon kung mayroong ganitong kondisyon ang pangangatawan. 3. Sikolohikal – nanggagaling naman sa pagkabalisa ng kaisipan. Karamihan dito ay kung may ibang iniisip habang nakikipag-usap o di naman kaya ay mayroong problemang kinakaharap na naging dahilan upang hind imaging pokus sa sinasabi ng kanyang kausap. Ang resulta nito ay hindi pagkakaintindihan dahilan sa pag-iintindi sa iba pang bagay na kadalasang nasa kanyang imahinasyon.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Regalo ng Isang Ngiti Ngumiti siya sa isang malungkot na istranghero Bumuti ang kanyang pakiramdam Sumagi sa alaala ang kabutihan ng isang kaibigan Naalalang sulatan ng liham pasasalamant. Natuwa sa liham at sa galak ng puso’y Binigyan ng pabuya ang tagapagsilbi pagkatapos mananghalian Sa laki ng pabuya, itinaya sa lotto Ng sumunod na araw kinubra ang panalo Ibinigay ang malaking bahagi sa pulubing nasa daan Kaligayahan at pasasalamat Sa di pagkain ng maraming araw Gutom ay naibsan Sa tuwa’t pasasalamat, pinulot ang tutang Nanginginig sa ginaw sa gitna ng daan Hindi niya alam, may mangyayaring masama Nang gabing yaon, munting barung-barong Ay natupok subalit sa kahol ng tutang Pinulot, naligtas at nagising sa pagkakatulog Mga kapitbahay, nagulantang at kumilos. Isa sa kanyang nailigtas, isang batang sa paglaki Presidente ng Estados Unidos Ang lahat ng ito’y dahil sa isang simpleng ngiti. Ang ngiti’y pumapawi ng suliranin. Nakagagaan ng luganing damdamin. Ngiti’y ipukol sa kapwa natin upang kapaligira’y umaliwalas, huwag magdilim. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 8 / 12

Katulad ng ngiti, ang salita’y mahalaga kayat pagnilayan mo pa angmga sumusunod: “Ang salitang walang taros ay sumusugat ng damdamin Ngunit sa maganda, sakit ng loob ay gumagaling” Kawikaan 12:18 “Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay Ngunit ang may matabil na dila’y nasasadlak sa kapahamakan” Kawikaan 13:3 “Ang malumanay na sagot ay nakapapawi ng poot Ngunit nakagagalit ang salitang walang taros” Kawikaan 15:1 Ang tao raw na kayang kontrolin ang sarili ay tunay ngang matalino.Ngayong batid mo na ang dapat gawin upang lalong mabisa angpaghahatid ng komunikasyon, dapat mong isaalang-alang ang mganatutuhan mo upang maipahatid mo nang malinaw ang iyong mensahe. Ngayon ay bumuo ka ng liham gamit ang mga pamantayan samabisang komunikasyon.Liham sa Miyembro Liham sa Guro Liham sa Kaibigan ng PamilyaPagsusuri: 1. Nasabi mo ba lahat ang iyong tunay na saloobin? 2. Sa palagay mo ba matutuwa sila sa kanilang mababasa? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 9 / 12

VII. Gaano Ka Natuto?A. Suriin ang sumusunod na elemento ng komunikasyon. Gaano kabisang maghatid at tumanggap nito? Lagyan ng () sa naaangkop na kolum para sa iyo. Palagi Paminsan- Hindi minsan Kailanman 1. Paggamit ng senyas habang nagsasalita2. Pagtingin sa mata ng kinakausap3. Pagtaas at pagbaba ng tono kung kinakailangan4. Pagtatanong kung ang mensaheng natanggap ay mali5. Aktibong pakikinig habang nagsasalita ang kausap6. Paggamit ng simpleng lengguwahe habang nagsasalita7. Hindi pagbibigay ng sariling motibo at kahulugan sa sinasabi ng kausap8. Pagbibigay ng mga di- kinakailangang kilos o gawi habang nagsasalita9. Nakapagsusuri sa mensahe ng kausap10. Pagbibigay ng feedback sa sinabi ng kausapPagmamarkaIskor Antas ng Komunikasyon8 – 10 Napakaepektibo mong maghatid at tumanggap ng mensahe5–7 Paminsan-minsan ay epektibo sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe, may ilang puntos na dapat matutunan0–4 Mahina sa pagtanggap at paghatid ng mensahe. Marami pang dapat na matutunan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 10 / 12

B. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Pagtanggap sa mga kuru-kuro at opinyon ng kausap a. bukas ang isip b. magalang c. matiyaga d. matalino 2. Pagpipigil ng galit upang huwag makasakit ng damdamin a. Pagkontrol ng sarili b. Pakikiisa c. Pagkamahiyain d. Pakikisama 3. Higit na mahalaga ang di-pasalitang mensahe sapagkat a. ito ay tunay na saloobin ng nagsasalita o nakikinig b. pwede itong itago c. nasasalamin ang katapatan ng sinasabi o pakikinig d. hindi ka makasasakit ng damdamin ng kapwa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 11 / 12

VIII. Mga Sanggunian Communication and Grammar , Systems Technology Institute, pp. 20-21 King, David. You Can Succeed. Worldlinks Books. pp.74-76 Simple Joy. 2001. A Blue Mt. Arts Collection. Colorado: Blue Mt. Press. p. 22Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? 1. komunikasyon 2. pagkakaunawaan 3. paghahatid 4. pagtanggap 5. pagsasalita 6. saloobin 7. kaisipan 8. tagapagsalita 9. paggalaw Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 7, ph. 12 / 12

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 8 Upang Humaba Ang BuhayI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Iritable ka ba? Mainisin? May nasasabi ka bang hindi mo karaniwang sinasabi? Inaaway mo ang iyong kaibigan at gusto mo pang sipain ang pusa o aso ninyo? Punung-puno ka na ba at gusto mong sumigaw ng “ano ba parati na lang ba ako?”, “Sobra na!”, “Hindi ko na ito kaya!” Iniisip mo bang para ka ng mawawalan ng lakas at pasensiya? Huwag mong isipin iyon. Hindi ka nag-iisa. Ang lahat ng nararamdaman mo ay bunga ng tensyon, isang kalagayan ng pagsiklab ng pisikal at emosyonal sanhi ng kahirapan, kaguluhan at kabiguan sa takbo ng buhay. Kung ganun, subukan mo ang mga gawain sa modyul na ito upang magkaroon ka ng ideya kung paano mo mapamamahalaang mabuti ang iyong damdamin o emosyon. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaaasahang matutuhan mo na ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng emosyon B. Natitimbang ang sariling emosyon tungo sa pagpapataas ng antas ng pakikipag-ugnayan C. Nakapagmumungkahi ng paraan upang mapangasiwaan ng wasto ang emosyon Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 1 / 12

4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba?Pagtapat-tapatin ang mga pahayag na nasa kolum A sa mga damdamin saKolum B. Isulat ang titik ng sagot sa patlang. Maaaring maulit ang sagot. AB___ 1. Baka ako pagalitan ni Nanay! A. PagtatakaGabi na!___ 2. Ang yabang mo! Akala mo B. Pagkainiskung sino ka!___ 3. Nanalo ako? Talaga! Paano? C. Pag-aalala___ 4. Wala nang nagmamahal sa D. Pagkagalitakin___ 5. Oo na nga! Napakakulit mo E. Pagkaawatalaga!___ 6. Humihahon ka. Baka kung F. Pagkabagotmapaano ka.___ 7. Grabe ang trapik naman. Alas G. Pagkagalitsiyete na ba! Baka mahuli akosa iskul!___ 8. May dinaramdam ka ba? Ano H. Pagkatakotmaitutulong ko sa iyo?___ 9. Nakakainip! Parang gusto kong I. Pagkabiglamaglibang___ 10. Kailangan kong tumakbo.Parang may humahabol saakin! Mukhang addict. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 2 / 12

III. Tuklasin MoGawain Blg. 1Panuto: Lagyan ng () sa loob ng bilog ang lima sa mgaemosyon/damdamin na nakasulat sa ibaba na nadarama mong madalas saaraw-araw. Ipaliwanag mo kung bakit sa katapat nitong guhit. Makikita anghalimbawa sa unang bilang.1. Pagkagalit (anger)  Kasi isinuot ng nakababata kong kapatid ang bago kong sapatos2. Pagkamuhi (disgust) ________________________________3. Pagkalungkot (sadness) ________________________________4. Pagkagulat (surprise) ________________________________5. Pagkatakot (fear) ________________________________6. Pagtanggap(acceptance) ________________________________7. Pagkagalak (joy) ________________________________8. Pag-asam (anticipation) ________________________________Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba o nadalian sa gawain? Bakit? 2. Tungkol saan ang gawain? Ano ang emosyon? 3. Ano ang epekto ng di wastong pamamahala ng emosyon sa iyong pagkatao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 3 / 12

Gawain Blg. 2Ipakita ang damdamin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod napahayag sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.1. _________________________ _________________________ Bakit naman kung anu- _________________________ ano ang pinagsasabi mo _________________________ tungkol sa aking anak? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________2. _________________________ _________________________ Huling-huli kita sa akto. _________________________ Talagang ikaw ang _________________________ nangongopya ? _________________________ _________________________3. _________________________ _________________________ Hindi ikaw ang valedictorian kasi _________________________ matapos ang pagsusuri, _________________________ mas karapat-dapat pala _________________________ si Raul _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 4 / 12

4. _________________________ _________________________ Huwag ka sanang _________________________ mabibigla. Ang mga _________________________ magulang mo ay _________________________ naaksidente at sila ay _________________________ nasa opital ngayon _________________________ _________________________5. _________________________ _________________________ Nanalo ka nga sa _________________________ “Tansan Invasion ng San _________________________ Miguel Beer! Milyonaryo _________________________ ka na! _________________________ _________________________ _________________________Sagutin Mo1. Nahirapan ka bang sagutin ang mga pahayag? Bakit?2. Sa mga sagot mo, masasabi mo ba kung paano mo pinamamahalaan ang iyong emosyon?3. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong emosyon?4. Anu-ano ang dapat mong isalang-alang sa pamamahala ng iyong emosyon?5. Paano nakatutulong ang pamamahala ng emosyon sa iyong pagkatao? Sa iyong pakikipagkapwa?Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 5 / 12

Gawain Blg 31. Isipin ang hindi malilimutang karanasan at damdamin sa pangyayaring ito. Damdamin ang tunay na emosyon sa pangyayaring ito.2. Sa unang hanay, isulat ang di malilimutang karanasan. (Isang pangungusapa lamang.) Sa ikalawang hanay, ang damdamin at sa ikatlo ay ang mga pagkatuto sa mga pangyayari. Di-Malilimutang Damdamin Mga Pagkatuto sa Karanasan mga PangyayariHalimbawa: Pagkatakot at pag-aalala Mas maging maingatNabasag ko ang sa pagtatrabahomamahaling pigurin ngaking tita habang akoay naglilinis ngkanyang bahaySagutin Mo1. May pagkatuto ka bang natamo sa mga pangyayaring ito? Ibigay isa- isa.2. Anu-ano ang kailangan at kahalagahan ng gawain sa araling ito?3. Lahat ba ng ginawa ay nagbunga ng hindi mabuti? Ipaliwanag.IV. Ano Ang Natuklasan Mo?Iguhit ang larawan ng masayang mukha sa tapat ng kaisipan napalagay mo ay sinasang-ayunan mo at malungkot na mukha sa hindi._____ 1. Nagdudulot ng magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa ang wastong pamamahala ng emosyon._____ 2. Ang pagtitimpi ay mahalaga upang makaiwas sa gulo._____ 3. Nag-away-away ang mga taong hindi marunong magkontrol ng emosyon._____ 4. Ang emosyon ay pagiging manhid sa nangyayari sa paligid._____ 5. Ang magtanim ng galit sa kapwa ay masama. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 6 / 12

V. PagpapatibayAng emosyon/damdamin ay likas sa reaksyon ng tao dulot ng pinagsama-samang aspeto ng pagkakapukaw o pagkagising ng katawan, mgapangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtataya at mga kilos o galawng katawan.Apat na Matitinding Emosyon Wastong Pangangasiwa Nito1. Pagkabagabag Bunga ng Ilabas ang emosyon sa pamamagitanKasalanan (Guilt) – Ito ang ng pagsulat sa diary o sa taongpagkabalisa ng kaisipan at ginawan ng kasalanan o pagkukubli saparang pagbibigay parusa sa nangyari sa mga mapagkakatiwalaangsarili dahil sa nagawang tao.masama na wala namangginagawa para maituwid ito2. Pagkatakot (Fear) – may a. Paglinaw sa sitwasyon, paggawa ngtatlong elemento. Ito ay ang listahan ng mga tiyak na bagay napanganib, posibleng kinakatakutan.masaktan, at pagkawalang b. Pagiging asertibo sa pagganap ngkakayahang maiwasan ang solusyon sa problemang nagdulot ngpanganib takot. c. Pagharap sa isip at katawan sa gitna ng kinatatakutan. d. Pagpapakalma ng tiyak na panahon para sa paghahanap ng solusyon3. Pagkalungkot (Grief) – ito ay Pagtanggap at pagpapanibago –nararamdaman sa pag-iisa o natatanggap na niya ang pagkawala ngpagpanaw ng minamahal o sa minamahal sa isip at damdamin.pag-alab ng malungkot na Nauunawaan na niya ang realidad ngnakalipas. pagkawala. Kahit na masakit sa loob, nalalampasan niya ito at nakakaramdam ng pagbabago ng sarili. Ito ang umpisa ng kaniyang pagsulong at pagpapanibago ng buhay.4. Pagkagalit (Anger) – Ang Kinakailangang ilabas ang galit.emosyong ito ay kakambal ng Ipahayag ito sa mabuting paraan.pagkainis at pagkamasungit na Makatutulong ang sumusunod kapagnakaugat sa emosyonal o naramdaman ang emosyong ito:pisikal na pananakit o a. magkaroon ng ehersisyopagkadismaya. b. pagpapatawad sa nakakasakit sa iyo Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 7 / 12

Walong Pangunahing Damdamin 1. Pagkagalit (anger) – damdaming may matinding sama ng loob at pag- ayaw sa isang tao o bagay dahil nakapagdudulot ito ng sama o sakit sa iyo o sa ibang tao 2. Pagkamuhi (disgust) – masidhing damdamin ng pagkainis o pagkakaroon ng pagkasuklam sa ibang tao o bagay 3. Pagkalungkot (sadness) – pagkahapis o pagdadalamhati kaugnay ng pagkawala ng mahal sa buhay o isang mahalagang bagay 4. Pagkagulat (surprise) – damdaming dulot ng isang biglaang pangyayari o bagay na hindi inaasahan 5. Pagkatakot (fear) – pagkabahala sa sarili na masaktan, totoo man o nakaambang panganib at pag-aakalang wlang kakayahang malampasan ang panganib 6. Pagtanggap (acceptance) – damdaming matanggap ang inaalay o ibinibigay o damdaming matiwasay dahil sa pagtanggap ng iba 7. Pagkagalak (joy) – masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan o katuwaan 8. Pag-asam (anticipation) – damdaming nadarama sa paghihintay sa isang mangyayari sa hinaharap Halaw sa Kayang Kaya ang Tensyon ni Harold SalaVI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Sa panahon ng mga Griyego, ang mga pantas na pilosopo ay tinuruang ilagay ang isip sa puso (put the mind in the heart) at itago ito doon. Subalit noong Latino Kristiyano, ang tradisyon at ang kultura ng Kanluran ay umunlad, nabaligtad ang pormula. Ang katwiran (reason) ay mahigpit na inihiwalay sa emosyon at damdamin. Ang katwiran at isipan na lang ang natira. Sa huli, ang isip ang “dinakilang hari”, kung saan ang puso ay dapat pasailalim at huwag magtanong pa. Sa ngayon, nauwi ang kalungkutan at kabiguan sapagkat di-alam ng mga tao na pamahalaan ang kanilang mga puso at emosyon. Ang “emotional literacy” ay dalawang bagay: una, ang pagpapaunlad ng kakayahang makadama sa kabuuan ng damdaming makatao. Pangalawa, ang pagsisikap na madama ang silakbo ng damdamin na bagay o akma lamang sa sitwasyon na ating nararanasan sa bawat sandali. Ang pagiging literate ay pagkakaroon ng kaalamang ang basehan ay damdamin o emosyon. Dapat nating maunawaan kung ano ang galit, takot, pagkainis, pagkabigo at iba pa. At kapag nagawa natin sundin ang sumusunod na hakbang kung paano pamamahalaan ang damdamin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 8 / 12

1. Magsimulang gumawa ng pang-araw-araw na rekord ng emosyon; tala ng iyong pang-araw-araw na damdamin – a written record of your feelings. Isulat ang nararamdaman mo araw-araw. Halimbawa: Nagkaroon kami ng meeting at pinintasan ni John ang aking trabaho sinabing alangan daw sa isang senior officer. Pagkatapos isulat sa tabi ang nararamdaman mo sa sinabi niya, tulad ng napahiya. 2. Kapag napansin mong may mga emosyon kang nagpapahirap sa iyo, bilangin mo lang ang emosyon na iyon at di malaon ay tatanungin mo ang sarili mo sa katotohanan nito. Tunay bang naiirita o naiinis ka. Kapag nailarawan ang totoong emosyon, pwede mo nang kalabanin o kontrolin nang unti-unti upang ito ay mawala. Sa pamamagitan ng mga naunang leksyon sa buhay, babalik ang katwiran kung saan siya dapat—sa puso ng tao. Naunawaan mo na ang iba’t ibang uri ng emosyon at ang paraanng pangangasiwa nito. Ang wastong pangangasiwa mo nito aymasasalamin na kabubuan ng iyong pagkatao at sa mga paraan ng iyongpakikipag-ugnayan. Ngayon, mas nadagdagan pa ang kaalaman mo para madala nangmaayos ang emosyon para sa katiwasayan ng buhay, humaba pa ito atlalo pang umunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Magbalik tanaw ka ngayon . . . Paghambingin mo ang noon atngayon sa pamamagitan ng resolusyon kung paano mo pangangasiwaannang wasto ang iyong emosyon. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 9 / 12

RESOLUSYON Noon, kapag ako ay galit _______________________________________________________________________________________Mula ngayon ang galit ay aking ________________________________________________________________________________________ Noon, kapag ako ay nalulungkot __________________________________________________________________________________Mula ngayon ang aking kalungkutan ay aking _____________________________________________________________________________ Noon, kapag ako ay nababagabag ________________________________________________________________________________Mula ngayon ang aking pagkabagabag ay aking ___________________________________________________________________________ Noon, kapag ako ay natatakot ____________________________________________________________________________________Mula ngayon ang aking takot ay aking ___________________________________________________________________________________VII. Gaano Ka Natuto? A. Punan ng nawawalang titik ang kahon ng mga emosyong tinutukoy sa bawat pahayag.1. Paghihintay sa isang mangyayari sa hinaharap P GS M2. Matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao o bagay dahilnagdudulot ito ng sama o sakit sa iyo o sa ibang taoP GA U I3. Masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan o katuwaan P GK G L4. Masidhing damdamin ng pagkainis o pagksuklam sa ibang tao obagayP GA A T5. Paghahapis o pagdadalamhati kaugnay sa pagkawala ng mahal sa buhay o isang mahalagang bagay P GK L N K T6. Dala ng pagiging bukas ng isip sa mga pagsubok na dumatingP GT G P7. Damdaming dulot ng isang biglang pangyayari o bagay na di inaasahan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 10 / 12

P GA U A8. Pagkabahala sa sarili na masaktan, totoo o haka-hakang panganib at pag-aabang kakayahang malampasan ang panganib P GK T K TB. Isulat ang Tama kung wasto ang pangangasiwa ng emosyon at Mali kung hindi ito wasto. 1. Pagsama sa barkada kung saan-saan hanggang gumanti matapos malaman na may iba nang nililigawan ang “crush” 2. Sinagot-sagot ni Arnold nang pabalang-balang ang ama nang malamang may balak pala silang iwan 3. Hindi sinsi ni Mark ang ama sa pagkamatay ng kanyang ina mula noong sila’y iwan nito 4. Matapos mabatid na alanganin ang lagay ng kapatid sa ospital, nagtunog si Linda sa chapel at umiyak na nananalangin at nagmamakaawa sa Diyos. 5. Kinausap niya nang maayos at kinaibigan pa rin ni Belen si Dinah kahit na may narinig niyang sinasabi nito sa kanya 6. Halos hindi kausapin ni Glenda ang ina at ama nang malamang hindi niya pinapayagang sumama sa “educational trip.” 7. Tumahimik ang guro nang mga ilang sandali dahil sa sobrang ingay ng mga mag-aaral.VIII. Mga SanggunianPunsalan, Twila. 1999. Buhay. Manila: Philippine Normal University, ph. 125.Sala, Harold J. Kayang-kaya ang Tensyon. Manila: OMF Literature Inc. Ph. 1-8.Seeburger, Francis F. Emotional Literacy, ph. 13, 30-32, 143.Virtues: The Value of Education. IDE-CRC. ph. 71.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 11 / 12

Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?3. C4. D5. A6. E7. B8. C9. B10. C11. F12. HAno Ang Iyong Natuklasan?1.2.3.4.5.Gaano Ka Natuto? 1. PAG-ASAM 2. PAGKAMUHI 3. PAGKAGALAK 4. PAGKAGALIT 5. PAGKALUNGKOT 6. PAGTANGGAP 7. PAGKAGULAT 8. PAGKATAKOT Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 8, ph. 12 / 12

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit 2 Modyul Blg. 9 Sa Kapakanan ng IbaI. Ano ang Inaasahang Matututunan Mo? May isang ina na nagkuwento. Sabi niya “ Ganoon pala ang damdamin ng isang Ina kapag nasa bingit ng panganib ang anak. Kahit buhay mo, ibibigay mo mailigtas lang siya”. Ganito iyon. Isang araw, akay- akay ng ina ang tatlong taong anak niya na si Wheng. Pagdating sa kalsada biglang tumakbo ang bata paliban sa kabila. Kitang – kita ng ina na may dumarating na kotse. Pagkakita sa sasakyan at naisip na masasagasaan ang bata biglang hinabol ng ina si Wheng para iligtas. Sa kabutihang – palad biglang lumiko sa kabilang kalye ang kotse. Biglang binuhat ng ina si Wheng at lumuluhang hinalikan. Sabi ng ina, “ Salamat po, Diyos ko! Likas sa tao ang kabutihang loob. Sa kaibuturan ng kanyang puso naroroon ang binhi ng pagmamahal sa kapwa. Naroroon ang pagsasaalang – alang sa kapakanan ng kanyang kapwa. Pagkatapos ng pag – aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga. Naipadarama ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba (L.C. 2.8) A. Natutukoy ang gawaing nagpapakilala ng pagsasaalang – alang sa kapwa B. Napatutunayan na ang pagsasaalang – alang sa kapwa ay nangangailangan ng ibang mahahalagang kasanayan at pagpapahalaga. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 1 /10

pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud – sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang – alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong . Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamg-aral o kaibigan kung kailangan 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan sa pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Tingnang mabuti ang mga larawan sa bawat kwadrado. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 2 /10

Sagutin ang mga sumusunod: 1. Sa mga larawan sa itaas, anu – anong mga gawain ang nagpapakita ng pagsasaalang – alang sa kapakanan ng kapwa? 2. Kaya mo rin bang gawin ang mga nasa larawan? 3. Anong mga gawaing kahalintulad nito ang nagawa mo na? Magbigay ng ilan? 4. Ano ang nararamdaman mo sa pagsasagawa ng mga ito? 5. Ano ang kahulugan ng gawaing nagsasaalang – alang sa kapakanan ng iba? B. Piliin ang pinakaangkop na sagot. 1. Ang pagsasaalang – alang sa kapakanan ng iba ay nakaugat sa ________ a. pag-ibig at paggalang sa Diyos at kapwa b. paniniwala sa kinagisnang kaugalian c. tungkulin sa samahang kinabibilangan d. paglilingkod sa nakatatanda 2. Kung isinaalang –alang ang paglilingkod sa kapwa dapat ay damayan ang kapwa a. sa abot ng kaya b. kung may pera ka c. hanggang may hininga d. kung gusto mo 3. Kapag isinasaalang – alang ang kapakanan ng kapwa, ito’y katulad dinng paglilingkod sa Diyos sapagkat _____________ a. ang kapwa ay nilikhang kawangis ng Diyos b. ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal din sa Diyos c. ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa kapwa d. higit ang pananagutan sa Diyos kaysa kapwa 4. Kung ikaw ay nagsasaalang – alang sa kapakanan ng kapwa ay ________ a. giginhawa b. gagantimpalaan c. gagantihan d. kakawilihan 5. Sinasabi sa Mateo 25: 37 – 40 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 3 /10

“ Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? ….. O kailan po namain kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw? Sasabihin ng hari, “ Sinasabi ko sa inyo; ang gawin ninyo ito pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa” Ang kahulugan nito ay: a. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay gawaing maka-Diyos b. Ang gawaing mabuti ay kinalulugdan ng Diyos c. Anumang ginawang mabuti sa kapwa ay ginawa sa Diyos d. Ang Diyos ay mabuti sa taong mabuti sa KanyaIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Panuto: Ang nasa larawan ay hagdan ng pakikipagkapwa. Ilagay o isulat sa hagdan ang mga gawaing nagawa mo na, na isinaalang – alang ang mga nasa hagdan. Kapitbahay KaibiganPamilyaSagutin:1. Anong mga Pagpapahalaga at kasanayan ang kailangan mo upang magawa mo ang mga isinulat mo sa hagdan ng pagsasaalang – alang sa kapwa?2. Ano ang naramdaman mo sa ginawa mo?3. Bakit kailangang gawin mo ang pinagpasyahan mong ito.Gawain Blg. 2Basahin ang kwento ng “Isang Mabuting Babe at ng Isang Maginoong Lalaki”ni James B. Reuter, S.J. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 4 /10

Ang mabuting babae ay si Pelagia Villaflor Soliven. Ang maginoong lalaki ay si Benito Soliven. Si Benito Soliven ay umibig kay Pelagia ng 12 taon pa lamang ang babae, naging magkasintahan sa edad na 16 at ikinasal sa edad na 18. Si Pelagia ay mahiyain, mabait, malakas ang loob at buong pusong umibig kay Benito. Si Benito ay isang matapat na tao. Nanalo siya sa pagiging kinatawan sa Ilokos at natalo niya si Elipidio Quirino. Nang sumiklab ang giyera noong Disyembre 1941, pumunta si Benito sa Bataan, kahit hindi naman kailangang pumunta. Siya ay isang opisyal na “reserved”. Siya ay kasama sa Death March. Noong nasa piitan sa Capas, kung saan may 50 tao ang namamatay araw-araw, maari siyang lumabas kung nanaisin niya. Yayakapin lamang niya ang gobyernong “ puppet” ng Hapones. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 5 /11 Ngunit hindi niya ginawa alang-alang sa bayan. Ang sabi pa niya “ Lalabas ako dito kapag ang lahat ay lumaya na” Malubha ang kanyang sakit nang siya ay lumaya. Namatay din siya at iniwan niya kay Pelagia ang sampung anak. Bata pa si Pelagia Soliven nang siya ay mabalo ngunit alang-alang sa mga anak, ang mga ito’y binubuhay niya sa pamamagitan ng pananahi ng damit ng mga madre. Hindi na siya muling nag-asawa. Ipinagdiwang niya ang kanilang Gintong Anibersaryo sa kasal 36 na taon pagkamatay ng kanyang asawa. Lumakad sa gitna nang kanyang mga apo, ang mga mag-asawahang anak at suot niya ang puti-puting damit. Alam niya nandoon si Benito. Naniniwala siya na ang pag-ibig ay hindi lamang panghabambuhay kundi walang hanggan. Halaw sa: Reuter, James B. The Good Man and Gentle Man, Philippine Star 15 January 2005 Sagutin: 1. Anong sakripisyo ang ginawa ni Pelegia V. Soliven alang-alang sa kanya mga anak? 2. Ano naman ang sakripisyong ginawa ni Benito Soliven alang-alang sa mga kasama sa Capas, Tarlac at alang-alang sa bayan? 3. Anong mga pagpapahalaga ang tinataglay nila upang masabing ang “Mabuting Babae at Maginoong Lalaki”?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 5 /10

1. Ano ang ibig sabihin ng “ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa at paglilingkod sa Diyos ay naipakikita sa pagsasaalng-alang sa kapakanan ng iba”?2. Anong mga pagpapahalaga ang dapat mong taglayin upang makagawa ka ng gawaing may pagsasaalang – alang sa kapwa?V. Pagpapatibay Ang Walang Hanggang Pananagutan Para sa Kapwa Sinasabi ni Levinas na ang etikal na basehan ng lipunan ay “Ang AkingResponsibilidad Pasa Sa Iba” ( The Responsibility for the Other). Angresponsibilidad o panangutan ay nagmumula sa pamamagutan ng iba; nakung ang iba ay nangangailangan, ako ay dapat sumagot o tumugon. Angpananagutan ay lumalalim habang tinutugunan. Ako ay may walanghanggang pananagutan para sa iba. Sabi pa rin ni Levinas na ang walang hanggang pananagutan aydapat tugunan ng kongkretong bagay; sapagkat ang tinatawag na Iba oIbang Tao (Kapwa) ay ang mga mahihirap, mga balo, mga ulila, dayuhan, mgataong walang sariling tahanan. Higit na matutugunan ang kanilangpangangailangan kung mga materyal na bagay ang naibibigay sa kanila.Higit na mapupunuan ko naman ang aking responsibilidad kung anumanang materyal kong pag-aari ay mapagyayaman ko.Halaw sa: Cruz, Corazon L. (1995) Contemporary Ethics, Navotas Press Navotas, ManilaIlang Salik Tungkol sa Pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng Kapwa1. Ang tunay na diwa ng pakikipapagkapwa at paglilingkod sa Diyos ay maipapakita sa pagsaalang – alang sa kapakanan ng iba.2. Ang pag-iisip at paggawa na mabuti alang – alang sa kapwa ay nagbibigay ng kagalakan sa puso.3. Ang paglilingkod sa kapwa ay walang itinakdang oras at pagkakataon.4. Hindi kailangan ang maging sikat at papuri sa paglilingkod sa kapwa.5. Huwag bilangin o isumbat ang naitulong sa kapwa. Sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa kailangan ang ilangkasanayan at pagpapahalaga. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 6 /10

1. Pagkakaroon ng Maawaing Puso( Compassion and Empathy) Ang pag-unawa sa pangangailangan ng iba ay possible lamang kungmayroon tayong malalim na pagdama sa mga pagdarahop at paghihirap ngiba. kailangan nating damhin at ilagay ang ating sarili sa kalagayan ng mgamahihirap o winalang-halagang mga pangkat tulad ng mga nagugutom, mgasanggol at sector ng mga manggagawang binubusabos. Mahalagangunawain ang buhay ng mga batang lansangan na nasasadlak sa pang-aabuso, prostitusyon at namamalimos sa kalsada.2. Pagkakaroon ng Matuwid na Konsyensya ( Conscientization) Ito ay nangangahulugan ng isang determanadong pagtatalaga sa sariliupang makatulong na pagkakaron ng mga adhikain at simulain tungo sadisiplinado at makatotohanang paglilingkod sa kapwa.3. Pakikiisa sa Diwa at Puso (Communion) Ang pagdamay sa ating kapwa ay isang “absolute” na obligasyon ngAng pagdamay sa ating kapwa at walang kinikilingan at walang hangganan.Kapag tayo ay nakaririnig ng mga taong naging biktima ng kalamidad,karahasan at kawalan ng katarungan, hindi ba’t tayo ay kaagad na naaawa atibinibigay natin ang ating simpatiya? Tayo ay magkakapatid kung kaya’t angkasiyahang nadarama natin sa pagtulong sa ating kapwa ay nakagagaan ngpakiramdam at nagbibigay sa ating ng kakaibang kaligayahan at kaganapan. Halaw sa: Punsalan, Tuvila G. (2002). Sangkatauhan sa Maylalang Rex Printing Company, Inc.: Quezon CityVI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Higit na sigurong malinaw sa iyo ang tunay na diwa ng pakikipagkapwaat paglilingkod sa Diyos. Ngayon ay isulat mo ang mga maaari mo panggawin para sa kapakanan ng iyong pamliya, kaibigan, kapitbahay namatagal mo nang nais gawain.Halimbawa:Sa Pamilya 1. Tuwing umaga hahalinhan ko si Inay sa paghahanda ng pagkain.Sa kaibigan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 7 /10

Sa Kamag-aralSa PamayananVII. Gaano Ka Natuto? A. Panuto: Ang tseklist na ito ay isang paraan kung paano mo masusukat ang antas ng pagsasaalang – alang mo para sa kapakanana ng iba. Lagyan ng tsek () kung gaano mo kadalas ito naisasagawa. Aytem Madalas Paminsan Bihira Hindi – Minsan1. Naipapakita ko ba ng aking pagsasaalang – alang sa aking kapatid sa paggawa ng mabuti sa kanila?2. May inilalaan ba akong oras upang malatulong sa aking pamilya?3. Natutulungan ko ba ang mga kapus – palad?4. Inuuna ko ba ang aking maliliit na kapatid na magkaroon ng gusto nila bago ang sarili ko?5. Nagbibigay ba ko sa mga samahang pangkawanggawa?6. Ako ba ay madaling tumugon kung kailangan ang tulong ko?7. Hindi ba ako umaasa ng ganti sa taong natulungan ko?8. May sapat ba akong dahilan para tumangging tumulong sa iba?9. Sa paggawa ko ba ng desisyon ay isinasaalang – alang ko ang kapakanan ng aking kapwa?10. Hindi ba ako namimili ng taong tululungan? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg.9, ph 8 /10


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook