8Edukasyon saPagpapakatao
8 Edukasyon sa PagpapakataoModyul para sa Mag-aaral Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ngmga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, atpamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa laranganng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi saKagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda atsinuri ng mga edukKaadgoar wmaurlaansangmEgdaupkuabsliykoonat pribadong paaralan,kolehiyo, at / o unibeRrseidpaudb. lHikinaihnikgaPyailtipnianmaisn ang mga guro at ibangnasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna atmungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. i Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong BaitangModyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-80-2 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ngPamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan otanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sanagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi angpahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkinni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph. D. Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaralMga Manunulat: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. ParasMga Konsultant: Fe A. Hidalgo, Ph. D. at Manuel B. Dy, Ph. D.Gumuhit ng mga Jason O. Villena Larawan:Naglayout: Lemuel C. VallesEditor at Subject Luisita B. Peralta Specialist:Management Team: Lolita M. Andrada, Ph. D, Joyce DR. Andaya, Bella O. Mariñas, at Jose D. Tuguinayo, Jr., Ph. D.Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS) 2nd Floor Dorm G, Philsports ComplexOffice Address: Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
TALAAN NG NILALAMANYunit I – Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa ………………………….... 1Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon 1 Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay 29 ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, 53 at Paghubog ng Pananampalataya ……..... 75 Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon 103 sa Pagpapatatag ng Pamilya ……………… Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya …………………………………...Yunit II – Ang Pakikipagkapwa …………………………..Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa ……………………….. 104Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan ……………………... 137Modyul 7: Emosyon ……………………………………. 166 Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno 195 at Pagiging Tagasunod ……………………. 227Yunit III – Mga Pagpapahalaga at Birtud 227 sa Pakikipagkapwa …………………………... 256 290 Modyul 9: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa ……………………………………. Modyul 10: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad Modyul 11: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa ……………Modyul 12: Katapatan sa Salita at Gawa ……………… 314Yunit IV – Mga Isyu sa Pakikipagkapwa ……………….. 335Modyul 13: Ang Sekswalidad ng Tao ………………….. 335Modyul 14: Karahasan sa Paaralan ……………………. 367Modyul 15: Agwat Teknolohikal ………………………… 401Modyul 16: Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino ………………………………………. 433iii
iv
Yunit I Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa Modyul 1: ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Usapang pamilya naman tayo!Noong nagdaang taon ay nagingmalalim ang pagtalakay tungkol sasarili at dumaan ka sa mahabangproseso ng pagkilala at pagpapaunladng iyong pagkatao. Inaasahan na sapagkakataong ito ay handa ka nanglumabas sa iyong sarili at ituon namanang iyong panahon sa mga tao saiyong paligid – ang iyong kapwa. Sapagkakataong ito, pag-usapan namannatin ang pinakamalapit mong kapwa…ang iyong PAMILYA. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang Pilipino, alamkong may malaking puwang sa iyong isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat nanga kaya ang pagkakakilala at pag-unawa mo sa tunay na saysay ng pamilya saiyong sarili at sa lipunan? Paano maiuugnay ang pamilya bilang likas na institusyonsa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa? Tutulungan ka ng modyul na ito upangmasagot mo ang mga tanong na ito. Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahangmasasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit itinuturing na natural nainstitusyon ang pamilya? Handa ka na ba? Halika na! Sabay tayong maglakbay patungo sa kaibuturanng ating pamilya. 1
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa:a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarilib. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama, namasid, o napanoodc. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralind. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilyaNarito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d:1. May nabuong mga hakbang, katuwang ang mga kasapi ng pamilya, sa pagsasagawa ng mga angkop na kilos na makatutulong sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya2. May mga kalakip na patunay sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya3. May nagawang family log na magsisilbing talaan ng mga karanasan sa pamilya sa pagsasabuhay ng mga hakbang sa pagpapaunlad at pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilyaPaunang PagtatayaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ngpinakaangkop na sagot.1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?a. paaralan c. pamahalaanb. pamilya d. barangay 2
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan? a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan. b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya. c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas? a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya. c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela. d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito? a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan. b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan. d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito? a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao. 3
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba. c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa. d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? a. Pinagsama ng kasal ang magulang b. Pagkakaroon ng mga anak c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan d. mga patakaran sa pamilya7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan? a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)? a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak. b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa. c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan. d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay. 4
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya? a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya. c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya. d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay? a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao. b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema. c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMANGawain 1 May nakapagtanong na ba sa iyo kung ano ang iyong pananaw tungkol sapamilya? Marahil sasang-ayon ka na magkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkoldito. Sa pagkakataong ito, magandang maisalarawan ang iyong pamilya.Panuto:1. Gamitin ang pagkamalikhain sa paglalarawan ng iyong pananaw tungkol sa pamilya. Maaaring gawin ang sumusunod: a. Gumuhit o di kaya ay gumupit ng mga larawan na maaaring magamit sa paglalarawan. b. Pumili ng isang awit na tutugma sa sariling paglalarawan. 5
c. Sumulat ng tula. d. Lumikha ng isang slideshow, atbp.2. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsasagawa ng gawain: a. Paano mo ilalarawan ang isang pamilya? b. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?3. Maaaring lakipan ng maikling paliwanag ang ginawang paglalarawan.4. Matapos ang gawain ay ibahagi ang ginawa sa isang kaibigan o kapamilya. Maaari din itong i-share sa facebook.5. Gumawa ng ulat mula sa ginawang pagbabahagi sa sariling kuwaderno.6. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno: a. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa pamilya? Bakit mo napili ang salitang ito? b. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang magkaroon ng ganitong pananaw tungkol sa pamilya? c. Anong mahalagang mensahe ang nais mong ipaabot sa iyong sariling pamilya?Gawain 2 Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Madalas ngalamang ay hindi na nabibigyang-pansin sa isang pamilya ang kontribusyon ng bawatisa, maliit man ito o malaki. Sa pagkakataong ito ay maglalaan ka ng panahon upangisa-isahin ang mga naiiambag ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa iyongsarili, para sa mga kapwa kasapi ng pamilya, para sa buong pamilya, at maging parasa pamayanan.Panuto:1. Gumuhit ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito. 6
2. Gamitin ang istruktura ng bahay ang ilang kagamitan na naririto upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng pamilya, o sa buong pamilya. Halimbawa:Ang aking AMA at INA ang haligi ng Ang aking KUYA at ATE ayaming tahanan dahil _____________ maihahalintulad ko sa PADER ng______________________________ aming tahanan dahil______________________________ ______________________________ ______________________________3. Tiyakin na mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong sarili.4. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.5. Matapos ito ay humanap ng isa pang kapwa mo mag-aaral o kaibigan na pagbabahaginan mo ng iyong ginawa. 7
Maaaring makatulong sa iyo ang mga ito sa isasagawang pagbabahagi: a. Tiyaking tunay na mapagkakatiwalaan ang taong pagbabahaginan. b. Ipaliwanag sa mga taong pagbabahaginan ang mahalagang layunin ng gawain. c. Ibahagi sa kaniya o sa kanila ang nilalaman ng gawain at maging bukas sa paghimok sa kanilang isagawa ang katulad na gawain upang makapagbahaginan. d. Ipaliwanag isa-isa ang mga simbolo at at ang mga dahilan sa pagpili nito. e. Maging bukas sa pagsagot ng mga tanong at sa pagpapalawak ng pagpapaliwanag kung kinakailangan. f. Maging mulat sa paglalagay ng hangganan sa mga impormasyong ibabahagi tungkol sa pamilya.6. Itala sa iyong kuwaderno ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang pagbabahagi.7. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang gampanin? Ipaliwanag. c. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong pamilya sa iyo at sa iyong pamilya? d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang impluwensya ng iyong pamilya? Ilarawan. C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWAGawain: Ako ay AKO dahil sa Aking PamilyaPanuto:1. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili. 8
2. Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng pakikipagkapwa. Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon mo tungkol dito.3. Mas magiging makabuluhan kung lilikha ng isang photo journal sa computer gamit ang moviemaker o powerpoint. Maaari ding gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin at gamitin ang mga ito upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.4. Matapos ang gawain na ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito? b. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing ito? c. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag. d. Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang indibidwal upang mapaunlad ang kaniyang sarili tungo sa pakikipagkapwa?Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba:(Maaaring makatulong ang mga hakbang sa paggawa nito gamit ang teknolohiya namatatagpuan sa website na ito: http://digitalwriting101.net/content/how-to-use-windows-moviemaker-to-compose-a-photo-essay/. Kung magpapasiyang gawin itogamit ang computer, i-upload ang photo journal sa youtube o sa facebook.)May inihandang ilang halimbawa para sa iyo sa ibaba: Mula pagkabata, alam ko kung gaano kasarap sa pakiramdam ang palagiang paggabay ng aking mga magulang; kaya alam kong matutuwa rin ang ibang taong gagawaan ko ng ganito. 9
Sa bawat pagkakataon na kami aynagkakasama sa hapag-kainan nanagdarasal bago kumain, sa silid bagomatulog o sa sambahan tuwing linggo,naturuan akong magingmapagpasalamat sa kahit na maliit nabiyaya mula sa Diyos at sa akingkapwa. Sa mga pagkakataon sa hapag- kainan na kami ay pinahihinto ng aming ina upang ipakita na kami’y pinagpala dahil may pagkain sa aming hapag.Natutuhan kong magpasalamat sapamamagitan ng pagbibigay atpagtulong sa aking kapwa. Sa bawat pagkakataon na ako ay napagagalitan, napagtanto ko na mas marami dito ay dahil sa kanila ring pag-aalala para sa akin, para sa aking kabutihan upang mahubog ako bilang isang mabuting tao. 10
D. PAGPAPALALIM Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Madalas mo siguro makita ang ganitong stickersa likod ng mga sasakyan. Siguro noong una mo itongnakita ay nasabi mo ring, “Wow, ang cute naman.”Naisip mo rin ba na kapag nagkaroon ka ng sarilingsasakyan ay lalagyan mo rin ng katulad na larawan osticker. Ngunit kung susuriin, matutuwa kang isipin naito ay isang simpleng patunay sa patuloy napagpapahalaga ng Pilipino sa pamilya.Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes napag-usapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man ito o minsan aymalungkot. Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon nanagsasama-sama ang pamilya, halimbawa sa pamamasyal sa ibang lugar o angsimpleng masayang usapan at biruan sahapag-kainan habang kumakain ng Madalas marahil, ganito ang naririnighapunan. Likas na yata na ang unangtinatanong kapag nagkita ang dalawang mong mga usapan ng mga nakatatanda o maging ng mga kapwa mo kabataan…magkaibigan pagkatapos ng mahabang Kumusta? Ang tagal Ilan na angpanahon ay kung may asawa na ba siya at nating di nagkita, o ano, anak mo?kung ilan na ang kaniyang anak. Magiliw na may asawa ka na ba?ibabahagi ang mga narating o nakamit ng Nakapagpatapos kakaniyang mga anak, at marami pang iba. na naman ng isangPatunay ito na ang Pilipino ay likas na anak….makapamilya. Kaya mahalagang magingmas malalim ang pagkilala at pag-unawa, Yan na ba Hay naku, late na akolalo na ng isang kabataang katulad mo yung anak umuwi kagabi,tungkol sa pamilya. Kasi katulad ng kahit na mo? Ang napagalitan tuloy ako ng laki na ah. nanay ko.sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmulasa isang pamilya. 11
Ano nga ba ang pamilya? Ayonkay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilyaang pangunahing institusyon sa lipunanna nabuo sa pamamagitan ngpagpapakasal ng isang lalaki at babaedahil sa kanilang walang pag-iimbot,puro, at romantikong pagmamahal -kapwa nangakong magsasamahanggang sa wakas ng kanilang buhay,magtutulungan sa pag-aaruga atpagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya,ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ngpagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, atpaggalang o pagsunod. Maaaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilyangunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon. Bakit nga ba?Basahin mo at unawain sa ibaba ang pitong mahahalagang dahilan: Ang pamilya ay mayroongAng pamilya ay pamayanan ng misyon na bantayan, ipakita, atmga tao (community of persons) ipadama ang pagmamahal. Ito ayna kung saan ang maayos na itinatag bilang isang malapit naparaan ng pag-iral at pamumuhay komunidad ng buhay at pagmamahal.ay nakabatay sa ugnayan.Ang bawat partikular na gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ngpangunahing misyon na ito. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindimatatawag na pamayanan ng mga tao. Hindi rin ito ganap na iiral, lalago, at hindimakakamit ng mga miyembro nito ang kaganapan. 12
Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isanglipunan ay nakasalalay sa ugnayang umiiral dito.Mapangangalagaan ito ng mga batayang karapatan ngtao. Lumikha ang pamilya ng mga karapatang pantaoupang suportahan ang bawat kasapi sa pagganap niyang kaniyang mga tungkulin sa pamilya. Mahalagangmabigyang-tuon ang mabuti at malalim na ugnayan Ang pamilya ay itinatagsa pamilya upang magampanan nito ang kaniyang bilang isang malapit natunay na layon, ang mapagyaman ito (pamilya) para komunidad ng buhay atsa kapakinabangan hindi lamang ng mga kasapi nito pagmamahal.kundi maging ng lipunan. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan nglipunan (necessary good for society); kaya’t kapag hindi ito iginalang, mapanira angepekto nito sa lipunan sa kabuuan. Ngunit kailangan ding mabigyang-diin na anglipunan ay umiiral para sa kapakanan ng mga pamilya at hindi ng kabaligtaran nito.Kung ang kabutihan ng pamilya ay napagyayaman, naitataguyod, atnapangangalagaan ng lipunan, ang bawat kasapi nito ay nabibigyan ng pagkakataonna makamit ang kaniyang kaganapan sa isang maayos na kapaligiran na angkoppara sa paghubog ng mga panlipunang birtud at pagpapahalaga. (De Torre, J.,1977) Nabuo ang pamilya sa Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng Kaniyang pagmamahalan ng isang pagmamahal at kasabay nito siya rin ay lalaki at babaeng tinawag upang magmahal; kaya’t likas ang nagpasiyang magpakasal at pagmamahal sa tao. Ang isang lalaki at magsama nang babae na nagpasiyang magpakasal at habambuhay. magsama habang buhay ay tumutugon satawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taongnagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya – dito ipinakikita angpagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mga pangako nanagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinasaalang-alang anganumang mayroon ng isa. 13
Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa(conjugal love) ay nakapagbibigay-buhay (dahil nakatakda itosa pagkakaroon ng anak), kaya patungo ito sa pagmamahal ngmagulang (paternal love). Nabuo ito dahil sa pagmamahal. Itoang tanging “samahan” na di dapat piliin, ihalal, o iboto ang Mahal kita dahilmga namumuno; kinikilala rito ang pamumuno ng ama at ina. ikaw ay ikaw…Hindi rin kailangang manghikayat ng mga miyembro upangdumami ang mga kasapi nito. Likas na dumarami ang mga kasapi nito na bunga ngpagmamahalan. Ang ugnayan ng mga kasapi nito ay pinagtitibay ng pagmamahalanmagkalayo man sila sa isa’t isa. Napananatili itong buo dahil sa bigkis ngpagmamahal. Ang isang kasapi ng pamilya na nalayo bunga ng pangingibang-bansaay baon ang pagmamahal ng pamilya sa kaniyang pag-alis. Pinapawi ng mgalarawan sa pitaka o sa ibabaw ng kaniyang mesa ang pangungulila. May mgapagsasakripisyong kailangang gawin na magbubunga ngpisikal na pagkakalayo ngunit hindi nito mapaglalayo angkanilang diwa na nakatatak ang pangakong magsasama atmagmamahalan habang buhay. Ang bawat isang sanggol naAng pamilya ang una at ipinanganganak sa mundo sa bawat segundopinakamahalagang yunit ng ay nagmumula sa isang pamilya. Dito unanglipunan. Ito ang pundasyon sumisibol ang bawat mamamayan nang lipunan at patuloy na magiging mahalagang bahagi ng lipunan, angsumusuporta rito dahil sa mga magiging kasapi ng iba’t ibang sektor nggampanin nitong magbigay- lipunan. Ito ay dahil layunin ng pamilya angbuhay.pag-aanak at edukasyon ng mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang pamilya angitinuturing na una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Kaya mahalagang ito aymaayos na kilalanin at bigyan ng sapat na suporta ng lipunan. Sabi nga, walanglipunan kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rinmagiging maayos ang lipunan. Kung maayos ang lahat ng pamilya,tiyak na magiging matiwasay ang lipunan. Kaya nararapat lamangna magkaisa ang mga pamilya sa kanilang layunin na itaguyodang kapakanan ng lipunan sa pamamagitan ng kolektibong 14
pagkilos tungo sa pagkamit ng mga nagkakaisang layunin. Mahalagang magingbukas ang pamilya sa kapwa pamilya at maayos na gampanan ng bawat kasapi nitoang kanilang tungkulin sa lipunan. Sa pamilya, binibigyang-halaga angAng pamilya ang orihinal na kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahilpaaralan ng pagmamahal. sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas nadahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), maydignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kunganong mayroon siya (halimbawa, kapangyarihan, kagandahan, o talento.) Hindi itokumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang (principle of utility).Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta pinapalitan kunghindi man niya magampanan nang maayos ang kaniyang pananagutan.Samantalang sa isang kompaniya o samahan, kung hindi tutupad sa kaniyangtungkulin ang isang kasapi maaari siyang palitan ng taong may higit na katangian atmakagaganap ng nasabing pananagutan. Ito ay hindi maaaring gawin sa miyembrong pamilya. Ang ama kung mawalan ng trabaho ay hindi puwedeng pagpasiyahanng mag-iina na alisin na siya bilang ama. Siya pa rin ang ama at ang paggalang sakaniya ay hindi mababawasan kung wala siyang trabaho. Ganoon din, hindi rinnababawasan ang kaniyang dignidad kung wala siyang trabaho. Kaya nga, kahit sapanahon ng materyalismo na kung saan pinahahalagahan ng ilan ang pakinabangna makukuha sa tao kaysa sa halaga niya bilang tao, dapat makintal sa isip ngbawat miyembro ng pamilya na bigyang-halaga ang kapamilya kahit hindi itomakatugon sa bawat inaasahan sa kaniya. Ito ay dahil umiiral sa pamilya angpagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditionallove). Ang isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal nang kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang kaniyang anyo – angmensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos; ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batangnasa sinapupunan; at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahilalam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayanna ang biyayang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi 15
nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. Ang bawat kasapi ng pamilya ayhindi matutumbasan ng kahit na anong halaga, sila ay minamahal at tinatanggapdahil siya ay siya. Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyangmatutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saannatututuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – ang isang tao nabinibigyang halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit angkaganapan sa pamamagitan lamang ng matapat na pag-aalay ng sarili para sakapwa. Ang pamilya ang pinakaepektibongAng pamilya ang una at paraan upang gawing makatao at mapagmahalhindi mapapalitang ang lipunan. May orihinal na kontribusyon itopaaralan para sa sa pagtatayo ng mundo, sa pamamagitan ngpanlipunang buhay (the pangangalaga at pagtuturo ng mgafirst and irreplaceable pagpapahalaga. Dito umuusbong ang mgaschool of social life). panlipunang pagpapahalaga na nakatutulong sapag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan (communion) at pakikibahagi na dapatumiiral sa araw-araw na buhay-pamilya. Nagagabayan ng batas ng malayangpagbibigay (law of free giving) ang ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito.Tatalikuran ng mundo ang isang tao dahil sa kaniyang pagkakasala ngunitmananatiling nakaalalay at naniniwala sa kaniya ang kaniyang pamilya – mananatilisa kaniyang tabi upang gabayan siyang baguhin ang kaniyangbuhay. Halimbawa, nakahandang magsakripisyo ang mgamagulang para sa pag-aaruga ng anak na may kapansanan,papasanin kung kinakailangan para maihatid siya sa paaralan.Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na matanggap nganak ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya.Lahat ng ito ay malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal. 16
Ang paggalang at pagpapatatag ng dignidad ng bawatkasapi ng pamilya ang nagiging batayan upang ang malayangpagbibigay sa iba ay buong pusong tanggapin at magkaroonng pagkakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang dignidad ngkapwa miyembro, kaya’t ang malayang pagbibigay ayipinakikita sa taos-pusong pagtanggap, paglilingkod, diyalogo,malalim na pagkakaisa, at pagtutulungan. Ang ganitong ugnayan na umiiral sa pamilya ang una at hindi mapapalitangpaaralan para sa panlipunang buhay, ang halimbawa at ugat ng mga ugnayan salipunan. Ang pakikitungo ng lalaki sa kaniyang maybahay, ang pag-aasikaso ngbabae sa kaniyang asawa, at ang pagtrato ng ama o ng ina sa kaniyang mga anakay pinag-uugatan ng iba’t ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang pag-uunawaanna nakikita ng mga anak sa kanilang mga magulang ay magtuturo sa mga anak namaging malawak ang pag-unawa sa kaniyang kapwa. Kapag maayos ang samahanng pamilya sa loob ng tahanan, mas magiging madali para sa isang anak namakitungo sa kaniyang kapwa, hindi siya mababalot ng takot o kawalang tiwala,bagkus laging mananaig ang pagmamahal na naitanim sa loob ng tahanan. Magandang halimbawa rito ay ”Sa aking mga magulang ayang dating kalihim ng Kagawaran ng natutuhan ko ang pagmamalasakit saInteryor at Pamahalaang Lokal na si kapwa, ang pagiging matipid, at angKalihim Jesse Robredo. Ang pamumuhay nang simple. Sa akingpagkamatay niya ang nagbukas sa ama, natutuhan ko na ang panga-maraming tao ng kaniyang pagiging ngalaga sa integridad ng akinghalimbawa ng matapat na paglilingkod. pagkatao at ang karangalan ngWinika niya sa isang panayam na mula pamilya ang pinakamahalaga sasa kaniyang mga magulang ay lahat.” -Dating Kalihim Jesse Robredonatutuhan niya ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at angpamumuhay nang simple. Sa kaniyang ama, natutuhan niya na ang pangangalagasa integridad ng kaniyang pagkatao at ang karangalan ng pamilya angpinakamahalaga sa lahat. Ang mga ito ay tungkulin ng lahat ng kasapi ng pamilya naisabuhay at ito ang naging gabay niya sa kaniyang panunungkulan. 17
Ang mga pagpapahalagang panlipunan na natutuhan sa tahanan aygagamitin ng bata sa pakikitungo sa kaniyang kapwa. Kung gayon, magiging madalipara sa kaniyang hanapin ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba. Makakamit ang kaganapan ng pagkatao kung kapwa maituturing ngmga tao ang isa’t isa bilang tao. Hindi nilikha ang pamilyaMay panlipunan at pampolitikal na para sa kapakanan ng mgagampanin ang pamilya. miyembro lamang. Mayroon itongtungkulin sa lipunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi. Una rito ang iba’tibang paraan ng pagbubukas ng tahanan sa kapwa (hospitality) tulad ngpagpapakain sa nagugutom o pagbibigay ng baso ng tubig sa nauuhaw. Maaari dinnamang magbigay ng panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa okaya’y pagtulong sa pagtatayo ng bahay sa mga nasunugan o sa paglilipat sa mgabinaha. Isang totoong kuwento na pinakamagandang halimbawa nito ang naibahaging isang pamilyang nakatira sa Malabon. Ayon sa kanilang ibinahaging karanasan: “Noong bagyong Ondoy, bumaha sa “Maaaring magkaroon kami ngaming lugar at umabot sa aming bahay. dahilan para malungkot sa dalawangHanggang baywang na ang tubig sa loob nakalulunos na pangyayari, ngunitng bahay at patuloy ang pagtaas ng tubig. mas nangingibabaw ang pagkalugodAng malakas at mabilis na agos ng tubig dahil sa dalawang pagkakataonang nagtulak sa aming magpasiyang naramdaman namin anglumipat ng bahay. Kasabay nito ay may pagtanggap, pagmamalasakit, atlumapit na isang kakilala at inalok ang pagmamahal ng mga pamilyangbahay nila upang aming tuluyan. Sa loob ginamit na instrumento ng Diyosng tatlong araw, kinupkop nila ang aming upang tugunan ang amingpamilya. panalangin sa panahon ng pangangailangan.” Nang maganap ang malakas na ulan bunga ng Habagat, naulit angpangyayaring ito sa aming bahay. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi pa man kaminagpapasiyang umalis ng aming bahay, may dumating na isang kapitbahay atsinusundo kami upang patirahin sa kanilang tahanan. Sa loob ng apat na araw kamiay kinupkop ng isa na namang pamilya.18
Maaaring magkaroon kami ng dahilan para malungkot sa dalawangnakalulunos na pangyayari, ngunit mas nangingibabaw ang pagkalugod dahil sadalawang magkahiwalay na pagkakataon, naramdaman namin ang pagtanggap,pagmamalasakit, at pagmamahal ng mga pamilyang ginamit na instrumento ngDiyos upang tugunan ang aming panalangin sa panahon ng pangangailangan.” Kasama sa panlipunang tungkulin ng pamilya ang gampaning politikal tuladng pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan – kung ang mga ito aysumusuporta at ipinagtatanggol ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Kayamay pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ngpakikisangkot sa mga isyu at usapin – at hindi nakatuon sa kapakanan ng sarilingpamilya lamang.Mahalagang misyon ng pamilya ang Bukod sa pagkakaroon ngpagbibigay ng edukasyon, paggabay anak, may pananagutan ang mgasa mabuting pagpapasiya, at magulang na gabayan ang anakpaghubog ng pananampalataya. upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at maisabuhayang misyon ng Diyos para sa kaniya. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigayng edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.Ito ay hindi mapapalitan (irreplaceable) at hindi mababago (inalienable) kaya’t hindipuwedeng ipaubaya o iasa ang tungkuling ito sa iba (tulad ng panganay onakatatandang anak na nakasanayan na sa ilang pamilyang Pilipino). Kasama saedukasyong ito ang pagsasanay ng mga anak sa pagsasabuhay ng mgapagpapahalaga tulad ng simpleng pamumuhay, katarungan (sa pamamagitan ngpaggalang sa dignidad ng kapwa), paggabay sa mabuting pagpapasiya, edukasyonsa pananampalataya, at pagpapaunlad nito. Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa puso ng anak ang siyangmagtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos sa kaniyang mga pagpapasiya.Ngayong nahaharap sa mga negatibong impluwensya ang mga kabataan,mahalagang taglay nila ang mga pagpapahalagang kailangan para sa maingat napagpapasiya.19
Bukod sa pagiging modelo ng mga pagpapahalaga, ang mga magulang aydapat na mamuno at manguna sa pananalangin kasama ang anak, magbasa atpabasahin ng mga aklat ang mga anak tungkol sa pananampalataya at mamuno saregular na pagtuturo tungkol sa pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim atBibliya sa mga Kristiyano). Upang makamit ang edukasyon sa pananampalataya,kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa ibang institusyon tulad ng paaralan atsimbahan o sambahan. Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya. Ang mgamabuting halimbawa ng mga magulang ang magsisilbing gabay ng anak sa kaniyangpamumuhay sa hinaharap. Ang ihanda siya sa buhay panlipunan ay isang regalonghindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito mauubos at hindimananakaw ninuman.Pagtutulungan ng Pamilya Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkatkaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palagingnakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawatisa. Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakatatanda. Hindi hinahayaan ang inao amang tumatanda na maiwan sa nursing home katulad ng mga dayuhan bagkussila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay. Hindi manmaalagaan ng lahat ng mga anak ay patuloy ang pagtulong pinansiyal ng ilan.Katulad ng ibang mga pagpapahalaga, ito rin ay itinanim ng mga magulang sakanilang mga anak. Mula pa nang sila ay maliliit sinasanay na sa paghahati-hati ngmga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatidsa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mgatakdang-aralin. Maituturing na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ngpamilya sa oras ng pangangailangan. Ngunit mahalagang tandaan na ang pagtulongay may hangganan. Kailangang matiyak na hindi ito nagdudulot ng labis na pagigingpalaasa. Kailangan ding matulungan ang isang anak na tumayo sa kaniyang sarilingpaa sa takdang panahon. Hindi makatutulong kung laging nariyan ang magulang 20
upang tugunan ang pangangailangan ng anak. Sa takdang panahon, kailangan naniyang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. Sa ganitong paraanmas matutulungan ang isang anak na hanapin at matagpuan ang kaniyangpagkatao. Ang pamilya, dumaan man sa maraming mga Kung ang pamilya aypagbabago bunga ng modernisasyon, ay mananatiling magpapaanod sanatural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi pagbabago, saan pa likasmabago kasabay ng panahon ang pag-iral ng isang na dadaloy angpamilya. Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, pagmamahal atsaan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at pagtutulungan? Saan papagtutulungan? Saan pa matututo ang taong matututo ang taongmagmahal at maglingkod? Saan pa kukuha ng pag- magmahal at maglingkod?asa ang lipunan na umunlad? Saan pa kukuha ng pag- asa ang lipunan na umunlad? Kabataan, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahalng sarili mong pamilya. May gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba?Tayahin ang Iyong Pag-unawa1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag.6. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag.7. Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?8. Paano magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal ang lipunan?9. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong gampanan ang panlipunan at pampolitikal na tungkulin nito?10. Ano-ano ang mahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro sa tahanan? Ipaliwanag.21
Paghinuha ng Batayang KonseptoPanuto: Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin. Isulat ito sa kuwaderno.Batayang Konsepto: _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito? 22
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPagganap1. Paano mapalalakas ang pamilyang Pilipino bilang likas na institusyon? Magsagawa ng isang Pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis) tungkol dito gamit ang pitong dahilan na inilahad sa babasahin.2. Gawin ang pagsusuri sa dalawang aspekto: una, para sa pamilyang Pilipino at ikalawa, para sa iyong sariling pamilya.3. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa bawat kolum: a. Kalakasan – Anong kalakasan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong pamilya batay sa pitong dahilan? Anong natatanging kakayahan o kakanyahan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong sariling pamilya? b. Kahinaan – Anong kahinaan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang nagiging balakid sa pagkamit ng tunay nitong layunin? Anong mga suliranin ang nagiging dahilan upang hindi magtagumpay ang bawat kasapi ng pamilya na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagkamit ng kaganapan? c. Oportunidad – Anong oportunidad ang naghihintay na makatutulong upang mapagtagumpayan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang layunin nito? d. Banta – Anong banta sa pamilyang Pilipino at sa iyong sariling pamilya ang kailangang bigyan ng tuon upang hindi ganap na makaapekto sa pagganap nito ng kaniyang tunay na layunin? Anong pwersa sa loob o sa labas ng pamilya ang maaaring magsilbing balakid sa pagkamit ng pamilya ng tunay nitong layunin? 23
4. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba at gamiting gabay ang halimbawa: Mga Kalakasan Kahinaan Oportunidad Banta Dahilan (Strength) (Weakness) (Opportunity) (Threat) Likas na Ang mga Ang kahirapanAng pamilya mapagmahal May mga gawain sa atay sa pamilya pagkakataon samahan ay modernisasyonpamayanan ang mga na labis ang nakatutulong bunga ngng mga tao Pilipino. pagnanais ng sa pagbuklod teknolohiya ay(community mga kasapi ng ng aming bumabawas saof persons) pamilya na pamilya. pagkakataon nana kung maging malapit magkaroon ngsaan ang sa isa’t isa malapit namaayos na kung kaya ugnayan angparaan ng hindi mga kasapi ngpag-iral at natuturuan ang pamilya.pamumuhay mga kasapiay nito na tumayonakabatay sa sarili nilangsa ugnayan. mga paa. Kahit Dahil Nakikita ko na Nawawalan na lumipas na parehong kapag wala ng panahon ang nagtatrabaho ang aking ang aking mga maraming ang aking mga mga magulang na taon at kahit magulang, magulang at pakinggan ang dumaan ang mas maliit ang sila ay nasa aming mga maraming panahon na trabaho, suliranin sa pagbabago, nailalaan laging tahanan. nananatiling namin sa isa’t gumaganap buo ang isa na ang aking ate aming magkakasama. at kuya sa pamilya. mga gampanin sa tahanan.5. Ibahagi ito sa isang kakilala, kaibigan o kapamilya na maaari mong maging katuwang sa pagsasakilos ng mga ito.6. Itala sa kuwaderno ang magiging karanasan sa ginawang pagbabahagi. 24
Maaaring makatulong sa iyo ang mga ito sa isasagawang pagbabahagi: a. Ipaliwanag sa mga taong pagbabahaginan ang mahalagang layunin ng gawain. b. Ipaunawa sa kanila kung ano ang maidudulot na pagbabago ng mga ito sa iyo kung ito ay iyong matagumpay na maisasakatuparan. c. Isa-isahin sa kanila ang nilalaman ng tsart at sikaping bigyan ng malalim na paliwanag ang bawat hakbang, kung paano mo ito nagawa at bakit mo ito kailangan. d. Ibahagi rin sa kanila ang iyong pangangailangan ng paggabay upang matiyak na maisasakatuparan mo nang matagumpay ang gawain na ito. Pag-usapan kung sa paanong paraan makatutulong ang iyong kakilala, kaibigan, o kapamilya.Pagninilay1. Gamit ang mahabang bond paper, isulat ang mga mahalagang repleksyon na nakuha mula sa aralin. Simulan ito sa bilang 2 sa ibaba.2. Ilagay sa unang pahina ang mga hindi malilimutang karanasan mula sa mga gawain.3. Idagdag sa unang pahina ang mga tanong at pag-aalinlangan na nananatili sa iyong isipan.4. Ilagay sa ikalawang pahina ang mahahalagang aral na napulot mula sa mga gawain at babasahin.5. Idagdag sa ikalawang pahina ang mga payo na maaaring ibigay sa mga kakilala o kaibigan kaugnay ng pagpapaunlad ng pagmamahal at pagtutulungan sa pamilya.6. Mas mainam kung maglalakip ng mga larawan mula sa pagsasagawa ng mga gawain. 25
Mga karanasang aking Ang gintong aral para sababaunin… pagpapaunlad ng pagmamahal at pagtutulungan sa aking pamilya__________________________ __________________________ ________________________ ____________________________________________________ __________________________ ________________________ ____________________________________________________ __________________________ ________________________ ____________________________________________________ __________________________ ________________________ ____________________________________________________ __________________________ ________________________ ____________________________________________________ __________________________ ________________________ __________________________________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ____________Naghahanap pa rin ng Payo ko sa iyo kaibigan…kasagutan…_________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ __________________________ ________________________ ___________________________________________________ ________________________ ________________________ _____________________________ ____________7. Maaari itong gawin gamit ang sariling sulat kamay o kaya naman ay gamit ang computer (MS Word). 26
Pagsasabuhay1. Gawing kabahagi ang mga kasapi ng pamilya sa pagpaplano kung paano maisasagawa ang gawain na ito para sa buong pamilya.2. Magkaroon ng kasunduan kung paano maisasakatuparan at mababantayan ang pagsasakatuparan ng plano at gawain.3. Gumawa ng pare-parehong bond bracelet (gamit ang yarn o anumang sinulid gabay ang isang video sa youtube. Sundin lamang ang mga hakbang na ipinakikita rito: http://www.youtube.com/watch?v=UIQIQ_nknKg&feature=related) para sa lahat ng kasapi ng pamilya.4. Matapos ito ay magplano ng pagkakataon para magtipon ang lahat ng kasapi ng pamilya. Mas mabuti kung hihingi ng tulong sa iba pang kasapi ng pamilya upang ito ay tiyak na maisasakatuparan.5. Sa pagkakataon na magtitipon ang pamilya ay ibigay sa bawat kasapi nito ang bond bracelet at ipaliwanag sa kanila ang kahulugan at kahalagahan nito para sa iyo at para sa iyong pamilya.6. Gamitin ang pagkakataon na ito upang maibahagi sa pamilya ang mga pagkatuto sa aralin.7. Ibahagi sa kanila ang iyong naisin na mas mapaunlad ang pagmamahalan at pagtutulungan sa inyong pamilya. At hingin ang kanilang reaksyon dito.8. Lumikha ng isang family log upang maitala ang lahat ng mga kaganapan sa kolektibong pagkilos para sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling tahanan. Kung hindi maisakatuparan ang planong tipunin ang lahat ng kasapi ng pamilya, maaaring lumikha ng isang liham para sa kanilang lahat. Isulat ang lahat ng mensaheng nais na iparating sa kanila kaugnay ng mga plano. Ilakip na rin dito ang ginawang bond bracelet. Maaaring hindi maging mabilis ang tugon mula sa kanila. Huwag kang malungkot, mahalagang hakbang na ang iyong naisagawa. Patuloy na isagawa ang mga plano sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. 27
Kumusta na? Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul na ito? Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro.Mga Kakailanganing Kagamitan (computer, mga aklat, worksheet)Mga larawanSinulid para sa bond braceletPapelPanulatMga SanggunianAbad, J. and Fenoy, E. (1988). Marriage: A path to sanctity. Manila: Sinag-tala Publishers, Inc.Alejo, P. (2004). Values guisado: Learning to love, loving to learn values. Mandaluyong City: Sibs Publishing House, Inc.De Torre, J. (1977). The roots of society. Greenhills: Sinag-tala Publishers, Inc.Santos, C. et al. (1997). Conjugal communion: A Theology course on marriage and the family for university students. Pasig City: University of Asia and the Pacific.____. (2005). Familiaris consortio: Apostolic exhortation of Pope John Paul II on the role of the Christian family in the modern world. Pasay City: Paulines Publishing House.____. (2007) The family in the new millennium: The place of family in human society. Volume 1. Connecticut: Praeger Publishers.Profile. Jesse Robredo, like Magsaysay, man in a hurry to serve, do good. Retrieved from http://www.interaksyon.com/article/41012/profile-- jesse-robredo- like-magsaysay-man-in-a-hurry-to-serve-do-good on September 30, 2012http://books.google.com.ph/books?id=Xq1E4SF3jCAC&pg=PR14&lpg=PR14&dq=fa mily+as+natural+institution&source=bl&ots=z5hx9uFjVz&sig=uVdV9bM9VZTzkG vfy3CaYwcd1tU&hl=en&sa=X&ei=CYosUJT_EYWXiQe9o4GoBA&redir_esc=y#v =onepage&q=family%20as%20natural%20institution&f=false 28
Modyul 2: ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA, AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang mga katagang ito? Marahilnapanood mo na rin minsan ang pelikulang ito. Nais kong gamiting gabay ito sapagpapakilala sa iyo ng susunod na aralin. Ang mga magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na arugain,igalang, at mahalin ang kanilang mga anak. Ito ay isang misyon na hindi madali;bagkus ay puno ng maraming hamon. Sa kasalukuyan na nahaharap sa maramingbanta ang pamilyang Pilipino, mas magiging mahirap para sa isang pamilya, lalong-lalo na para sa isang magulang, ang isakatuparan ang napakahalagang misyonupang maihanda ang kanilang mga anak sa pakikipagkapwa; mga misyon naitinuturing ng iba na imposible kasabay ng maraming pagbabago sa lipunan. Anonga ba ang pananagutan ng mga magulang sa mga anak at ano ang bukod-tangi atpinakamahalaga sa mga ito? Paano nga kaya matitiyak na posible ang misyon naito? Sa araling ito, titingnan natin kung paano magiging Mission: Possible … angpagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon na ito at sasagutin natin angmahalagang tanong na: Ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sakanilang mga anak? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa: a. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya b. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 29
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilyaNarito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d:1. Nakasulat ng mga 5 o mahigit pang tiyak na hakbang sa sumusunod: a. Edukasyon b. Pagpapasiya c. Pananampalataya2. Angkop ang mga tiyak na hakbang na naitala3. Makatotohanan ang mga tiyak na hakbang na naitala4. May patunay ng pagsasakatuparan ng mga tiyak na hakbang sa itinakdang panahonPaunang PagtatayaPanuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin angpinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.1. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.a. kalusugan c. buhayb. edukasyon d. pagkain at tahanan2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________. a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal. b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa. c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang. d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo. 30
3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa: a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito4. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak? a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak. b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap. d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.5. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang? a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan. b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan. c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman. d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata. 31
6. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple? a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:a. pagtanggap c. katarunganb. pagmamahal d. pagtitimpi8. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa: a. pagtitiwala b. pagtataglay ng karunungan c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga9. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa: a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya10. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya? a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya 32
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMANGawain 1 Bukod sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya, anopa ang mahahalagang gampanin ng pamilya? Sasagutin natin ito sa gawaing ito.Panuto:1. Gumawa ng sampung metastrips (mga pirasong papel o cartolina na may kulay at may sukat na 6 x 2 na pulgada).2. Gamit ang permanent marker, isulat sa bawat piraso ng metastrip ang mahahalagang gampanin ng pamilya para sa lahat ng kasapi nito.3. Matapos maisulat ang sampu ay bigyan ng maikling paliwanag ang bawat isa.4. Pagkatapos, pumili lamang ng lima na sa iyong palagay ay pinakamahalaga. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili.5. Ngayon naman ay pumili lamang ng tatlo mula sa lima na sa iyong palagay ay pinakamahalaga.6. Sumulat ng detalyadong paliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong pinili mula sa sampung mga naitalang gampanin.7. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Bakit mahalaga ang mga gampanin na ito para sa iyo? Ipaliwanag. b. Ano ang maaaring maidulot kung ang mga gampaning ito ay hindi matugunan ng pamilya? c. Ano naman ang maidudulot kung ang mga gampanin na ito ay matugunan ng pamilya? 33
Gawain 2 Madalas, ang tawag ng ilang kabataan sa kanilang mga magulang ay sirangplaka. Lalo na sa mga pagkakataong may mga bagay silang nagawa o hindinagawa. Sa gawaing ito, babalikan mo ang mga salitang tulad nito.Panuto:1. Maglista ng mga katagang paulit-ulit mong naririnig sa iyong mga magulang o kapamilya kapag may mga bagay kang nagawa o hindi nagawa o kaya naman ay mga salitang palagi nilang paalala sa iyo mula noon hanggang ngayon.2. Matapos ito ay isulat mo kung ano ang malalim na aral na nais na maitanim nila sa iyong puso at isipan kung bakit nila nasasabi ang mga katagang ito.3. May inihandang halimbawa para sa iyo:“Mag-aral kang mabuti. Huwag Nais nila na ako ay makatapos ngpuro laro at lakwatsa.” pag-aaral at makakuha ng sapat na kaalaman at kasanayan na kailangan upang pakapagtayo ako ng negosyo o makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap. Ito ang paraan na kanilang naiisip upang maiahon ko ang aking sarili sa kahirapan.4. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang madalas na damdamin mo kapag paulit-ulit mong naririnig ang mga katagang ito mula sa iyong mga kapamilya? Bakit? b. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong magawa ang iniatas sa iyong gawain? May nabago ba sa iyong damdamin at paniniwala? 34
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAGawain 1Panuto:1. Panoorin ang sumusunod na patalastas sa youtube: a. Patalastas ng Hating Kapatid sa http://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY b. Patalastas ng Lucky Me sa http://www.youtube.com/watch?v=zAn4GDQg0eA c. Patalastas ng NBA sa http://www.youtube.com/watch?v=uJjo8WwWO7k2. Matapos manood ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno. a. Ano ang mga mahahalagang mensahe na ipinararating ng bawat isang patalastas? Ipaliwanag. b. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyon sa patalastas sa sitwasyon na mayroon ang pamilyang Pilipino sa kasalukuyan? c. Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng pamilya? d. Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang mga pagpapasiya? e. Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata?Gawain 2 Hindi madali ang pagganap sa mga tungkulin ng pamilya para sa mga kasapinito. Lalo na yong tatlong bagay na napag-usapan sa itaas. Ano ang mga banta sapamilyang Pilipino sa sumusunod na gampanin? a. Pagbibigay ng edukasyon b. Paggabay sa paggawa ng mabuting pasiya c. Paghubog ng pananampalataya 35
1. Sagutin ang tanong gamit ang katulad na tsart sa ibaba. Mga banta sa Paano ito malalampasan Ano ang magigingpamilyang Pilipino bunga nito sa pamilyang Pilipinoa. Pagbibigay ng EdukasyonHal. Dahil sa kahirapan Magtulong-tulong ang Magiging mulat angay napipilitan maghanap- lahat ng kasapi ng lahat ng kasapi nabuhay ang ama at ina pamilya upang mahalagang gampanankaya nababawasan ang matulungan ang mga nila ang kanilang mgakanilang panahon sa magulang sa kanilang tungkulin sa pamilyapagbabantay ng kanilang mga gampanin sa upang mapunan angmga anak at sa pagtuturo sa mga anak, pagkukulang ng mgapagtuturo sa kanila ng lalo na ang mga magulang bunga ngmga mabuting asal. nakatatandang miyembro kanilang ng pamilya. pagsasakripisyo para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.b. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiyac. Paghubog ng Pananampalataya2. Punan ang bawat kahon at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Anong mga pagbabago sa pamilyang Pilipino ang iyong nasasaksihan? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang malampasan ang mga banta sa pamilyang Pilipino? c. Ano ang maibubunga ng pagsisikap na malampasan ang mga banta sa pamilyang Pilipino para sa kabataang Pilipino at para sa lipunan? Ipaliwanag. 36
D. PAGPAPALALIM Mission Impossible?Mag-aral kang mabuti. Iligpit mo ang mga‘Yan lang ang gamit mo, Anak.maipamamana namin Dapat nagkukusa kasa iyo. nang gawin yan kasi malaki ka na. O, kapag nagpunta Bata ka pa paratayo sa bahay ng makipagligawan ha.lolo at lola ninyo, Dapat maging maingat sahuwag ninyong pakikitungo lalo na sakalilimutan mga lalaking hindi mo pamagmano ha. gaanong kilala. Unahin ninyo ang pagsimba sa araw ng Linggo. Bukod sa pagsimba, araw yan dapat para sa pamilya. Hay! Narinig mo na naman ba ang sirang plaka? Paulit-ulit na salitang,minsan ay masakit na sa tenga, ‘yan ang maaaring paglalarawan mo sa maraming 37
paalala sa iyo mula sa iyong pamilya. Pakiramdam mo nagkakampi-kampi sila parapaulit-ulit kang sermunan. Pero minsan man lang ba inisip mo nang malalim kungbakit ganito sila sa iyo? Sa pagkakataong ito, hayaan mong buksan natin ang iyongisip at puso sa malalim na dahilan ng walang sawang paalala mula sa iyong pamilya.Handa ka na ba? Isa kang regalo para sa iyong pamilya,hindi mo maipaliliwanag ang kanilang saya nangikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyongina. Hindi ka pa nga nila nasisilayan, labis na angkanilang tuwa, lalo na nang marinig nila ang unamong iyak - ang hudyat na ikaw ay dumating na atnabuksan na ang napakagandang regalo mula saDiyos. Ngunit sa paglipas ng panahon,nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sainyong pagitan, lumilitaw ang mga pagkakaiba sapananaw at paniniwala sa pagitan mo at ng mga kasapi ng iyong pamilya. Minsan satindi ng sama ng loob dahil sa paulit-ulit nilang mga paalala ay naiisip mong “Ang dami namang iba, bakit sila pa!” Pero oo nga naman, ang dami namang iba pero sila ang pinili para sa iyo. Hindi ba sapat na ito upang maunawaan mo na sila ang nakatakda na gumanap ng mahalagang misyon para sa iyo? Sila ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong kaganapan bilang tao. Nakatakda silang tumupad sa isang mahalagang misyon upang makamit ito. Sa unang aralin, pinag-aralan mo ang pitong dahilan kung bakit likas nainstitusyon ang pamilya. Naaalala mo pa ba? Ano ang ikapito rito? Tama, ito ay angpagkakaroon ng misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay samabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. Isa ito sapinakamahalagang dahilan kung bakit tinatawag na likas na institusyon ang pamilyakaya sa pagkakataong ito ay ilalaan mo ang iyong panahon sa pag-unawa sa 38
paksang ito. Sa araling ito, mas palalalimin ang pagtalakay sa mahalagang misyonna ito. Mas magiging malalim ang iyong pag-unawa sa dahilan kung bakit labis-labisang pagnanais ng mga magulang na maitanim sa isipan ng mga kabataan angmahahalagang aral na madalas ay nagiging dahilan ng inyong hindipagkakaunawaan. Game ka na ba? Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal angmagkaroon ng mga anak – ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos namagmahal. At mula sa pagiging mag-asawa, sila ay makabubuo ng isang pamilya –isang pamilya na tungkulin nilang alagaan at arugain. Ito ay isang tungkulin na hindimaaaring talikuran o ipasa sa iba. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ngmalayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap saanumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ngpagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral. Mahalaga ring maisapuso nilaang pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ngmga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan. Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mgamagulang ay ang kagustuhan Niya na ang katulad na paggalang at pagkilala ayibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nararapat lamang ito para sa mgaanak dahil sila ay biniyayaan ng Diyos ng buhay at dahil sila ay sila bilang tao.Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili para sapaglilingkod, pagtanggap, at pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang tungkulin ngmga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanilang makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila paramagkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Kasama rito ang paghahandapara sa kanila sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay natunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao. 39
Pagbibigay ng Edukasyon Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ngbuhay ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ngedukasyon ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal atpangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilangtungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatanpara rito. Katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. Kasamang pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mgamagulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang angitinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan. Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga anakna harapin ang anumang hamon na inihahain nito. Magagawa lamang nila ang mgaito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga pagpapahalagangnaituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag. Ang pornograpiya, droga,maruming pulitika, peer pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ngmga sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan. Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastongpaggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay. Kailangang maturuan ang mgabata na mamuhay nang simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mgaanak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroonsiya. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ngiba pang mga pagpapahalaga tulad ng: a. pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay, b. pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at; c. katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao. 40
Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagigingmakasarili ng iilan, mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ngkatarungan. Ito ang magbubunsod upang matutuhan nilang igalang ang dignidad ngkanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na hindi naghihintay ng kapalit atnagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan. Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sapamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa angpundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawang kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at angparaan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensya sa kanilang mgaiisipin, sasabihin, at isasagawa.Sabi nga, Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo siyang maging mapanghusga. Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala sa kaniyang sarili. Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal. Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag- aalala. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin sa buhay. Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan ang kaniyang sarili. 41
Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng pagkakasala. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natututuhan niya na masarap mabuhay sa napakagandang mundo. Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindiito maiiwasan dahil lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nakaiimpluwensiya sakanilang mga anak, positibo man ito o negatibo. Magsisilbing pamantayan ng kilos atasal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.Paggabay sa Paggawa ng Mabuting PagpapasiyaIsa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay magingmatagumpay, masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sakaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya atpagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kaniyang sarili. Ang mgapagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyangmagdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landasang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga sa murang Ang mga pagpapasiyangedad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang bata na isasagawa ng batamagpasiya para sa kaniyang sarili, mga simpleng hanggang sa kaniyangpagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang pagtanda ang siyangkaniyang gustong kainin at inumin, ang musikang magdidikta kung anongkaniyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga uri ng tao siya magigingpagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya sa hinaharap at sa kungang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya upang anong landas ang kaniyang pipiliing tatahakin.maibahagi sa kaniya ang tulong o paggabay na Mahalagangkaniyang kailangan. magabayan ang isang kabataan sa paggawa Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang ng tamang pagpa-isang kabataan sa mas mabibigat na suliranin. May pasiya upang hindimga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at siya masanay namakasariling pagpapasiya - hindi isinasaalang-alang gumawa ng mgaang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto nito. maling pasiya at hindi matuto sa mga ito.42
Ito ay dahil hindi pa sapat ang kaniyang mga karanasan at kakayahang bumuo ngsariling pananaw. May mga kabataang nagiging kasapi ng gang, may mga dalagang maagangnagbubuntis, may mga lalaking nalululong sa droga, may mga kabataangnakagagawa na ng krimen, ang lahat ng ito ay bunga ng kawalang kakayahan ngilang mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasiya. Kaya mahalagang angisang kabataan ay magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindisiya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito. Hindi rintama na lagi na lamang nariyan ang magulang upang tulungan siyang maisaayosang kaniyang mga pagkakamali. Hindi siya matututo sa paraang ito. Ang pagsisisi ay bunga ng Piliin mo ang magmahal … kaysa angmaling pagpili. Ang pagkakaroon ngkakayahan sa mabuting pagpa- masuklam.pasiya ay bunga ng karunungan at Piliin mo ang tumawa … kaysa ang lumuha.pagpapahalagang naitanim ng mga Piliin mo ang lumikha … kaysa ang sumira.magulang sa kanilang mga anak Piliin mo ang magtiyaga … kaysa angmula noong sila ay bata pa lamang.Ito ay bunga ng pagtitiwala at manghinawa.pagbibigay sa mga bata ng Piliin mo ang pumuri … kaysa ang manira.kalayaan na gumawa ng pagpa- Piliin mo ang magpagaling … kaysa angpasiya na ginagabayan ng maingatna paghusga. manakit. Piliin mo ang magbigay … kaysa ang magnakaw. Piliin mo ang umunlad … kaysa ang mabulok. Piliin mo ang manalangin … kaysa ang manisi. Piliin mo ang mabuhay … kaysa ang mamatay at Piliin mo ang tamang pagpapasiya … upang ikaw ay lumaya at tunay na lumigaya.Paghubog ng Pananampalataya Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong pamilya? Kailanang huling pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng pasasalamatdahil sa mga biyayang inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro, madalas walangpagkakataon, busy lahat. Maging ikaw busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindisama-sama, parang may kulang? Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly EffectiveFamilies, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao samga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at 43
pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nangmay pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ngpamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwingumaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos (tuladng Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim), makatitiyak na angmga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip,mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mgabinubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bagogumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayansa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magigingmatibay ang ugnayan ng buong pamilya. Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sapagsasagawa ng mga ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan namaaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya. Sa paglipas ng panahon, ang mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang hirap ng buhay ang nagdidikta sa mga magulang na magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa gitna ng buhay-pampamilya, ang pangangailangang kumita ng pera para sa katiwasayan ng pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anumang pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa kaniyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Marahil kaya walang 44
interes ang mas maraming kabataan sa pagbabasa ng mga ganitong aklat ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito magagamit. Ito ang madalas na maririnig sa mga mag-aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa abot ng kanilang pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral na gustong kumuha ng kursong Mass Communications o Social Work sa kolehiyo. Marahil tulad ng pagkukulang ng isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din ang pagkukulang ng ilang magulang na hindi nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na paglalapat ng pagbabasa ng nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa pasasalamat na turo ng Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng anumang kapalit tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa bawat araw at ilagay ito sa lugar na madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal. refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook page).4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto. Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito, lalong lalayo ang loob ng kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na dumarating upang mailapat ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya. Halimbawa, sa isang maliit na bata ay maituturo ang pagdarasal at presensya ng Diyos sa panahon na sila ay natatakot (hal. kapag kumukulog o kumikidlat). Ang pagtuturo ng pasasalamat ay maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng biyayang hindi inaasahan lalo na sa panahon ng kagipitan. 45
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 462
Pages: