Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa”sa p.90. Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima atang Aking Bansa.” Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng__________________________________. Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutinng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaanpara sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong saiyong notebook. Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upangpangalagaan ang kalikasan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Pag-aralan at pumili ng isang larawan. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat napangungusap tungkol dito. 12
C Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________. Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro. Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian nadapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayangpagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapatsalubungin? Paano natin ito mapagyayaman? Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) January 3, 2013 Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon napara seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal 13
na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taondahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibangparaan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok aykabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sapagbili nito.Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department ofHealth o ang pamahalaan sa kampanya kontra sapaputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at angnakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ngdaliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sastakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police atBureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan angpagbebenta ng mga paputok. Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar?Ibahagi ito sa klase. Natutuhan ko na ___________________________________. Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapatgawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa BagongTaon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawansa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito. 14
Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay,hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan angmga ginamit na pang-uri. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm Ang pang-uri ay ___________________. Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala saiyong notebook ang mga pang-uring napakinggan. 15
Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa?Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin? Tatak-PinoyGawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng atingkapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukodsa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibayng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhayng bawat Pilipinong manggagawa.Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwedenating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay atair-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak natalagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatosna gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang worldclass ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga natalagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibangdisenyo ng mga barong na gawa sa Batangas.Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli.Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangasna sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro.Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula saGuimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan.O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa.Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay,ang mga pagkain ay tunay na masarap.Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamangang tatak Pinoy. Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagayna dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isangpangungusap tungkol sa napiling bagay. 16
Ang paksa ng isang talata ay ________________. Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mulasa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito.Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksang binasang sanaysay o kuwento. Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98.Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit. Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain.Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito. Ang pang-uri ay ______________________. Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar.Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat saibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito. Ang Child Friendly Barangay ay isang programang pamahalaan upang mabigyan ng pagkilalaang mga barangay na may natatanging programa para sakarapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan. Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon namakilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mgaprodukto nito. 17
Basahin natin ang isang liham na nagkukuwentokung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangayay tanghaling Child-Friendly Barangay. 106 Purok 190 Brgy. Malinis, Ginhawa Okt. 2, 2013Mahal kong Vans, Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraangSabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad saaming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A. Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sapagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay nasi Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rinang aming mga pagsisikap at pagtutulungan. Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsodat si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat. Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigayng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey. Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nangunasa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat. Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka. Ang iyong kaibigan, Danika Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang lihamna ipinadala ni Danika kay Vans. Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat,dapat kong tandaan na ____________. Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagotmo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyongguro. 18
Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin nglahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ngbawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatangmabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mgapangunahing karapatan nila. Ang Batang may K Maagang naulila ang batang si Kristine. Namataysa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya aykinupkop ng Department of Social Welfare and Development. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-asawang dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagadang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi nasa bahay nina G. at Gng. Robles. Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos.Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyansiya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang KristineRobles. Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sapamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya. Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isangtalata ay __________________________. 19
Sumulat ng dalawang pangungusap na sumusuporta sakaisipang “pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.” Muling basahin ang kuwentong “Ang Batang may K” nasasa Alamin Natin, p.99. Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamitdito. Pumili ng isang pandiwa sa binasang kuwento.Gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysayng sariling karanasan. Ang pandiwa ay ____________________. Makinig nang mabuti sa kuwentong ibabahagi ng iyongkamag-aral. Pumalakpak sa tuwing makakarinig ng pandiwa. Nagkasakit ka na ba? Ano ang ginawa ng iyong magulango ng nag-aalaga sa iyo? Pag-aralan ang graph na nasa susunod na pahina atsagutin ang mga tanong tungkol dito. 20
Karapatan sa Atensiyong Medikal Bilang ng Batang Babae at LalakiDinala saospitalHindi dinala saospitalDinala saalbularyo omanghihilot Ilan na kaya sa mga kaklase mo ang nadala na sa klinika?Sa ospital? O sa albularyo? Gamit ang naunang graph, alaminang nangyari sa mga kasama mo sa pangkat. Ang graph ay _______________________. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa natutuhanmo sa graph na unang ipinakita ng bawat pangkat.“Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.” 21
Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit. Ibig sabihinmayaman ang Pilipinas. Bakit kaya? Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng kalupaan atkatubigang nakapaligid sa bansa, napakaraming natural nayaman ang makikita rito. Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mga maituturingna yaman ay mga halaman, puno, metal at hindi metalna makukuha sa kalupaan. Sa katubigan naman, makikita at makukuha ang iba’t ibangklaseng isda, halamang-dagat, perlas, at korales na ginagawangalahas. Sa tubig din natin kinukuha ang enerhiya at kuryente napinakikinabangan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ngbansa. Kayamanan ding maituturing ang mga mamamayan ngbansa. Sila ang mamamahala at magpapaunlad ng mgabiyayang bigay ng Poong Maykapal. Tunay nga na mayaman ang Pilipinas. Mayaman ang mgaPilipino. Kailangan lamang na pahalagahan natin ang atingkapaligiran at ang ating kapwa Pilipino. Basahing muli ang sanaysay. Sa isang malinis na papel, isulat ang nais mong magingpamagat nito. Lagyan ng kulay at disenyo ang papel na pinagsulatan ngnaisip na pamagat. Sa pagbibigay ng pamagat, kailangang _______________. Gumuhit ng isang poster tungkol sa pagpapahalaga mo sayaman ng ating bansa. Lagyan ito ng pamagat. 22
Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano mopahahalagahan ang ating mga likas na yaman. Basahing muli ang mga pangungusap na nakasulat sapisara. Pumili ng dalawang pandiwa mula dito. Gamitinsa sariling pangungusap at sabihin kung paano mopahahalagahan ang likas na yaman ng bansa. Ang pandiwa ay may iba’t ibang kapanahunan tuladng ____________, ___________, at _________________.Paano mo inaalagaan ang iyong mga tanim sa sarilingbakuran?Isulat ang sagot sa anyong pangungusap sa loobng talaan. Bilugan ang pandiwang ginamit. Gawin itosa notebook.Ano ang ginawa Ano ang Ano angmo nang ginagawa mo gagawin monagdaang araw? ngayon? bukas? Ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran ay isangpalatandaan na ang mga mamamayan dito ay nagpapahalagasa likas na yamang taglay ng lugar na ginagalawan. Alamin kung paano ito ipinakita ng mga taga-Bataan? 23
Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno Posted by Online Balita , April 23, 2013 Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ngBataan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha FireBrigade and Brotherhood Association-Manila ang maghapongpaglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ngEarth Day kahapon. Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina UygongcoCorporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni MarivelesMayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa pagtatanim ng may400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles. Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero namahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid upangmalinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pang susunod na henerasyon ang likas na yaman. Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ngRecycling129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis. Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyopinahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar? Sumulat ng isang pag-uulat na may dalawa hanggang apatna pangungusap. Sa pagsulat ng talatang nag-uulat, kinakailangang___________________. Isulat muli ang pag-uulat na natapos. Isaalang-alang angmga puna at mungkahi na ibinigay ng guro. 24
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang katangianat kakayahan. Ang mga ito ay kailangan nating paunlarin upangmakatulong tayo sa pagpapaunlad ng ating pamilya, ng atingpamayanan, ng ating bansa at higit sa lahat ng ating mga sarili. Basahin natin ang isang kuwento, upang maunawaan natinkung gaano tayo kahalaga sa ating pamayanan. Doon na Lamang Gratcielo Chiara D. Badillo Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukanang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doonmagbabago ang buhay. Kinuha niya ang kaniyang maliit nalagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad. Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang nalugar. Madilim na noon kaya namangha si Dodi sanaggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa namansiyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isangmaliit na upuan sa tabi ng kalsada. Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog ay bigla siyangnagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mgakatulad niya na nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaingnakalagay sa isang malaking plastic bag. Maghahanap muna siya ng trabaho. Nakakita siya ng isangmalaking gusali. Dito siya susubok. Pero kinailangan niyangmakipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito.Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis samga tsuper. Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nangpapasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Mataposmakipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya saikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sagumagalaw na hagdan. 25
Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na perowala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain. Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyangnasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan. “Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. Maypagkain.” Basahing muli ang kuwento ni Doding Daga upangmakagawa ng isang timeline. Ang timeline ay isang paraan upang _______________. Basahin ang kuwento upang makagawa ng isang timeline. Kailangan Lima Angelika D. Jabines May limang magkakaibigan. Sina Rose, Tess, Luz, Dennis atDanilo. Bagamat magkakaibigan, magkakaiba naman sila ngugali at kagustuhan. 26
Isang araw sa kanilang pagbibisikleta, isang malaking kahoyang nakaharang sa kanilang daraanan. Dahil sa pinakamalaki si Danilo, nanguna siya sa pagtanggalng malaking kahoy. Pero hindi niya nakaya. Sumunod si Luz, masmaliit siya nang kaunti kay Danilo. Bahagyang gumalaw angmalaking kahoy. Buong tapang na sumubok si Dennis, angpinakamataba sa lima. Pero hindi gumalaw ang malaking kahoy.Si Tess naman ang sumunod. Pero wala rin. Huling sumubok siRose. Buong yabang na binuhat ang malaking kahoy. Umangatito. “Aray!” ang sigaw niya. Ang malaking kahoyay biglang bumagsak sa kaniyang maliit na paa. Sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan upangtulungan si Rose. “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Buhat!” At marahangnaiangat ang malaking kahoy. Kailangan pala lima. Hindi isa. Hindi dalawa. Hindi tatlo.Hindi apat. Kailangan lima talaga! Muling basahin ang “Kailangan Lima” sa p. 108.Tukuyin ang mga pandiwa sa kuwento. Pumili ng isang pariralang may pang-abay sa kuwentong“Kailangan Lima.” Gamitin ito sa sariling pangungusap. Ang pang-abay ay ____________________________. Basahin ang “Doon na Lamang.” Pumili ng tatlong pandiwana ginamit dito. Sumulat ng pangungusap na maglalarawan kungpaano isinakilos ito sa kuwento. 27
Tingnan at kilalanin ang mga tauhan sa kuwentong“Kailangan Lima.”Ako si Bb. Ako si Atty. Luz. Tess.Ako si Lt. Ako naman Dennis si Dr. Danilo. Piliin at daglatin ang mga salita mula sa pangungusap.1. Pinasaya ni Pangulong Aquino ang mga batang may sakit sa Ospital ng Maynila noong Biyernes.2. Sa darating na Oktubre magbibigay ng libreng pag-aaral para sa kababaihan si Ginang Javier.3. Ibinalik ni Heneral Tomas ang perang napulot niya sa may-ari nito kaya siya ay pinarangalan.4. Tayo ay humahanga sa mga taong mapagkakatiwalaan katulad ni Senador Domingo. 28
5. Si Kongresman Manuel ay dumalo sa pagpupulong sa Cebu noong Pebrero. Sa pagsulat ng mga salitang dinaglat, _________________. Sino- sino ang kilala mong katulong sa pagpapaunladng inyong pamayanan? Isulat ang kanilang ngalanat katungkulan sa paraang padaglat. Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyongpamayanan? Sa bansang iyong nakagisnan? Sino ka sa kuwentong ating babasahin? Si Maria kaya o si Rosa? Mariang Tilapya Maria Castillo-David Isang umaga, masayang naglalakad si Rosa sa tabing-ilognang marinig niya ang isang munting tinig. “Rosa, tulungan mo ako.” Isang maliit na tinig mulasa tabing-ilog ang narinig niya. Hinanap niya ito at laking gulatniya nang makita ang isang tilapya na nagsasalita. “Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Rosa sa isda. 29
“Ako si Mariang Tilapya, at nais kong tulungan mo kamingmga nakatira dito sa ilog. Sobra na ang pang-aabuso ng mgatao,” wika ng isda.“Ano ba ang ginawa namin sa inyo?” tanong mulini Rosa.“Lahat ng basura ay sa ilog ninyo itinatapon, pati mgapatay na hayop ay dito rin inihahagis. Pati tuloy ang mga maliliitat maging mga itlog pa lang ay namamatay dahil salabis na dumi,” mahabang himutok ni Mariang Tilapya.“Kung patuloy kayong mga tao sa masamang gawainninyo, mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig,”dagdag pa ng isda.“O sige, tutulungan kita,”pangako ni Rosa.Biglang nagising si Rosa dahil sa nakabibinging patakng ulan sa kanilang bubong . Panaginip lang pala ang lahat.Pagdungaw niya sa kanilang bintana upang silipin ang ilogna malapit sa kanilang tahanan, nanlaki ang kaniyangmga mata. Mistulang dagat ang kanilang paligid.Matapos ang ilang araw, humupa na rin ang baha. Bawatisa sa kanilang baryo ay lumabas ng bahay na may dalangkagamitan sa paglilinis.Lihim na napangiti si Rosa sa nakita. Tiyak siya na matutuwarin si Mariang Tilapya kahit siya ay isang panaginip lamang. Ibigay ang hinihingi ng diagram na ito buhat sa mababasasa “Mariang Tilapya.” Mga Kilos na Naging Bunga Naganap sa Kuwento 30
Ang sanhi ay _________________________________. Ang bunga ay ________________________________. Ibigay ang sanhi at bunga ng kilos sa bawat larawan. Isulatsa kaliwa ang sanhi at sa kanan naman ang bunga. Balikang muli ang kuwento ni Mariang Tilapya. Tukuyinang mga pandiwa at pang-abay na ginamit. 31
Gamit ang pariralang pang-abay, ilarawan kung paanoipinakita ng mga tauhan sa kuwentong “Mariang Tilapya”ang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang pang-abay ay _________________________________.Ilarawan ang mga kilos na makikita sa bawat sitwasyon. Basahin ang “Doon na Lamang.” Itala ang mahahalagang impormasyon tungkolsa kuwentong ito. 32
Punan ang bawat kahon ng hinihingi tungkol sa kuwentong “Doon na Lamang.” Wakas Suliranin at Solusyon Simula TauhanKahoTnanggpuKauwn entoPamagat May-akdaNatutuhan ko ____________________________________.Basahing muli ang “Kailangan Lima.”Ibigay ang hinihinging impormasyon. 33
Paksa Problema PamagatSolusyon Natutuhan Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyongnapasyalan? Halika at sumama sa paglalakbay. Sakay Na! Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinasmatatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na! Isa... dalawa... tatlo... Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghalna isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buongmundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal atdayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabingmay habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito,kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihanang pambihirang iba’t ibang hugis ng bato na nililok sapamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibongtaon. Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Itoay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar 34
na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kayatinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba’t ibang uring prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ngBenguet.Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon.Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas satuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3)ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita angiba't ibang isda.Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kungsaan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman.Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito.Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristinasa dulo ng Ilog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan namay taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahingpinagkukunan ng kuryente sa Iligan.Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa.Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip. Sa binasa mong “Sakay Na,” pumili ng dalawangdiptonggo at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin dinito sa dalawang salitang may klaster. Sundan ang format na nasa susunod na pahina. diptonggo klasterSalita Salita Salita SalitaPangu- Pangu- Pangu- Pangu-ngusap ngusap ngusap ngusapDiptonggo ang mga salitang ____________.Ang mga salitang may klaster ay mga salitang __________. 35
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limangpangungusap tungkol sa paraan na gagawin mo upangmaipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bilugan ang mga salitangmay diptonggo at guhitan ang salitang may klaster. Puting Sobre Susan Formales. Sabik na sabik na binuksan ni Susan ang isang puting sobrena natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Hindi maalis ang ngitisa kaniyang mga labi sa mga bagong kuwento na kaniyangnabasa. Kaya’t hindi pa man nakapagbibihis ng kaniyang damit,agad niyang kinuha ang kaniyang ballpen at stationery.At nagsimulang magsulat. 160 Maitim II East Silang, Cavite Pebrero 3, 2013Mahal kong Susan,Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak ako sasusunod nating pagkikita marami tayongpagkukuwentuhan. Sasusunod na buwan naman ang aming lakbay-aral. Sana payaganako ni Tatay.Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakitasa amin ang iba’t ibang larawan at video tungkol samagagandang lugar na malapit dito sa amin. Kululangin palaang isang araw para sa pamamasyal. Ayon pa sa kaniya, kapagtagarito ang mamamasyal, libre daw. Kaya sa susunodna bakasyon, marami tayong papasyalan.Hanggang sa muli, best friend. Ang iyong kaibigan, Maricel 36
Dagdagan ang nilalaman ng sulat ni Maricelsa pamamagitan ng pagsulat ng isang pangungusap gamit angpang-ukol na natutuhan sa aralin. Ang pang-ukol ay _____________. Ang tungkol sa ay ginagamit sa _____________. Ang tungkol kay ay ginagamit sa ____________. Ang ayon sa ay ginagamit sa ___________. Ang ayon kay ay ginagamit sa __________. Gamit ang mga pang-ukol na natutuhan, isalaysaysa dalawang pangungusap ang mga natutuhan mosa “Sakay Na!” Basahin muli ang “ Puting Sobre.” Tukuyin at suriin kungpaano isinulat ang mga hiram na salita. Sipiin ang mga salitang hiram sa “Sakay Na” at gamitin angmga ito sa sariling pangungusap. Sa pagsulat ng mga salitang hiram, ________________. Sumipi ng dalawang salitang hiram na mababasadalawang kuwento na binasa sa araling ito. Iguhit sa tapat nitoang pagkakaunawa mo sa mga salitang ito. 37
Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yamankundi maging sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito. Kayamanan sa Pagsulat May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino.Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unangpanahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay. Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upangmakapaghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang maipasaang mga sinaunang kaalaman. Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas aybinibigkas o hindi kaya ay inaawit ito sa mga pagtitipon.Maaaring tuwing kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sanamatay binibigkas ang mga tula. Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rinnaipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura samga nakababata. Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggangsa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmulan,kaugalian at mga paniniwala. Ito ay isang buhay na paalala ng ating sariling kulturana dapat nating pagyamanin at ikarangal. Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mosa binasang sanaysay. 38
Sa pagsulat ng buod, ________________. Pumili at basahin ang isang story book sa Filipino.Sumulat ng isang buod na may tatlo hanggang apatna pangungusap. Muling basahin ang “Kayamanan sa Pagsulat.” Tukuyin angmga pangungusap na may pang-ukol. Ano-ano ang nalaman mo mula sa sanaysay na binasa?Isulat ito gamit ang pang-ukol na natutuhan. Ginagamit ang laban sa kung _________. Ginagamit ang ayon sa kung _________. Ginagamit ang para sa kung __________. Tapusin ang sumusunod na parirala. Ayon sa ______________________________. Para sa _______________________________. Laban sa _____________________________. Basahin muli ang “Kayamanan sa Pagsulat.” 39
Gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon, bumuong mga salitang may klaster. Gamitin ang mga mabubuong salitasa isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap. plu pri to som ma pla lan bre bra bro so ro no tsa tra Sa pagsulat ng talata, __________________. Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guroat mga kaklase. 40
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1
3 Baitang Batang Pinoy Ako Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 4 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SADistrito/Paaralan: ____________________________Dibisyon: ____________________________________Unang Taon ng Paggamit: ___________________Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 2
BATANG PINOY AKO – Ikatlong BaitangFilipino – Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2014ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ngPamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuningkomersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento,seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks,atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mgakarapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ngmga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilalathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br. Armin A. Luistro, FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado.Inilimbag sa Pilipinas ng __________Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072E-mail Address : [email protected] 3
PAUNANG SALITAKumusta mga bata?Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ngMag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ngFilipino at magiging kasama mo at ng iyong mgakaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sapamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, atpagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito aygagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawainang mga panuto na mababasa dito upang magingmatagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo.Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit.- Pamilya Ko, Mamahalin Ko- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko- Bansa Ko, Ikararangal Ko- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki KoAng bawat aralin naman ay may mga gawaintulad ng :Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, attalata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayanglilinangin sa bawat aralin.Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahano kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nangikaw lamang o kasama ang iyong pangkat.Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mgapangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga 4
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isangaralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil samga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay magingmatagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin anghudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay naBatang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan atmakakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA 5
TALAAN NG NILALAMANYunit IV – Kakayahan Ko, Ipagmamalaki KoAralin 31 – Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko 8 Paggamit ng Angkop na PagtatanongTungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari Pagsagot sa mga Tanong Tungkol saBalitang BinasaAralin 32 – Batang Pinoy ako, Matatag Ako 11 Paggamit ng Angkop na PagtatanongTungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at PaanoAralin 33 – Pilipino Ako, May Mayamang Kultura 13 Paglalarawan ng mga Bagay, tao atLugar sa Pamayanan Pagbibigay ng Kahulugan ang GraphAralin 34 – Bata Man Ako, Kaya Kong Maging Hero 16 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, atLugar sa Pamayanan Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra atmga Bantas sa Pagsulat ng mga Salitang NatutuhanAralin 35 – Karapatan Mo, Karapatan Ko,Pantay Tayo 18 Paggamit ng mga Salitang Kilos saPag-uusap Tungkol sa Iba’t ibang Gawainsa Tahanan, Paaralan at Pamayanan Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari saKuwentong NapakingganAralin 36 – Pamilyang Pinoy, May Pananagutan 21 Paggamit ng mga Salitang Kilos saPag-uusap Tungkol sa Iba’t-ibang Gawainsa Tahanan, Paaralan, at Pamayanan Pagsunod sa Panutong May 3-4 Hakbang Pagbibigay ng Wakas ng Binasang KuwentoAralin 37 – Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito 23 Paggamit nang Wasto ng Pang-abay naNaglalarawan ng Kilos o Gawi Pagbibigay ng Sariling Wakas saNapakinggang KuwentoAralin 38 – Ang Teknolohiya at Ako 25 6
Paggamit nang Wasto ng Pang-abay naNaglalarawan ng Kilos o Gawi Pagsasalaysay Muli ng NapakinggangTeksto sa Tulong ng Balangkas Pagbibigay ng Mungkahing Solusyon sa SuliraningNabasa sa Isang Teksto oNapanoodAralin 39 – Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako 30 Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol Naibibigay ang Buod o Lagom ngTekstong Binasa Pagbibigay-Kahulugan sa GraphAralin 40 – Panatag na Buhay, Kayamanan Ko 35 Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol Pagsulat ng Liham Pangangalakal 7
Ang mga Pilipino ay yaman ng bansa. Ang kanilangkagalingan at katalinuhan ay hindi matatawaran. Paano nga ba magagamit ang mga regalong ito upangmakatulong sa kapwa? Natatanging Regalo Bawat isa sa atin, mayaman man o hindi, ay biniyayaan ngnatatanging kakayahan. Ibinigay ito sa atin bilang regalo upangmagamit sa pagtulong sa ating kapwa at sa pangangalaga ngating kapaligiran. At dahil nga regalo ito sa atin, nararapatlamang na ito ay ibahagi rin natin nang libre sa ating kapwa lalona sa mga nangangailangan. Ang paggamit ng ating kakayahan sa kabutihan ay hindilamang magdadala sa atin ng tiyak na tagumpay kundi ngkagalakan sa ating kapwa. Tulad na lamang ng isang Pilipino nanakilala sa kaniyang “kariton klasrum.” Balewala sa kaniya ang hirap ng pagtutulak ng kaniyangkariton na punong-puno ng aklat, mapuntahan lamang atmaturuan ang mga batang hindi makapag-aral dahilsa kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman atkatalinuhan na sa kaniya ay iniregalo ng Maykapal. Sana dumami ang Efren Reyes sa atin. Isang bayaningPilipino na tunay na maipagmamalaki. Isang Pilipino na worldclass ang pangalan. Punan ang organizer sa pamamagitan ng pagsagot sa mgatanong na nakasulat. 8
Sino ang Ano angbida sa nangyari sakuwento? kaniya? PamagatBakit siya Paano siyanakilala? naging bayani? Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasang balitakung ___________. Sagutin ang mga inihandang katanungan matapos basahinang balitang makikita sa napiling news room. Muling basahin ang teksto tungkol kay Efren Reyes.Subukang gumawa ng isang tanong tungkol dito. Sumulat ng isang tanong tungkol sa binasang teksto. 9
Sa pagtatanong, gumagamit ng mga salitang tuladng ________________. Suriin ang mga larawan. Sa iyong notebook, sumulat ngisang tanong para sa bawat isa. Basahing muli ang “Natatanging Regalo.” Pansinin kungpaano ito isinulat. Sa isang malinis na papel, sipiin ang isang talata sa“Natatanging Regalo” na nagustuhan mo. Sa pagsipi ng isang talata, ___________________.Gamit ang alin mang pangkalahatang sanggunian, sumiping isang talata tungkol sa isang natatanging Pilipino. Gawin ito sanotebook. Sundan ang format na ito.Sanggunian : ______________________Pahina : ______________________Talata : 10
Bakit kaya naging inspirasyon si Kano? Ano ang katatagang ipinakita niya? Alamin sa ating kuwento. Kano Sa isang bayan sa Mindoro, may isang mag-aaral na angpangalan ay Albastru Biglang-awa Razboinic. Tawagin na langnatin siyang Kano. Lumaki siyang hindi man lamang naramdamanang pagmamahal ng isang tunay na magulang. Ang kaniyangama na isang taga-Romania ay nasa piitan dahil sapagkakasangkot sa isang krimen. Ang kaniya namang ina ayhindi na nagbalik mula nang ihatid siya galing sa Italya. Tangingang kaniyang lola ang nagsilbing ina niya, si Lola Insyang. Tuwing gabi, pagkatapos ng mga gawain sa bahay at sapaaralan, agad siyang dudungaw sa kanilang bintana. Titingalasa kalangitan at hahanapin ang kaniyang bituin. Ito angnagbibigay sa kaniya ng pag-asa na balang araw magkikita parin sila ng kaniyang mga magulang. Lagi niyang bukambibig, “Marami po akong natanggap nabiyaya….teka po…nakalista po ….matulog nang busog…..tekapo…sandali lang po….isa…hmm….mga tatlumpung beses napo…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mgaisa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo….kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ahheto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po Titser Blu…” Isang araw, nagpaalam si Kano kay Titser Blu. Lilipat na sila sakabilang bayan. Kinuha na ng tunay na may-ari ang lupangkinatitirikan ng kanilang munting dampa. 11
“Paalam, Kano. Alam ko isang araw, magkikita pa rin tayo.Sa araw na iyon, alam kong ibang Kano na ang aking makikita.Salamat sa pagiging kaibigan ko. Salamat sa pagiging inspirasyonko,” ang sabi ni Titser Blu. Kumpletuhin ang mga tanong batay sa kuwento ni Kano. 1. Bakit _________________? 2. Paano ________________? Ang bakit ay sinasagot ng __________________. Ang paano naman ay ____________________. Sino ang iyong inspirasyon? Iguhit kung bakit at paano siyanaging inspirasyon mo. Gamit ang organizer, sumulat ng isang tanong bago,habang, at pagkatapos basahin ang kuwento ni Kano. 12
Pumili ng tatlong kaklase na sasagot sa mga isinulat nakatanungan.Kumpletuhin ang talaan sa iyong notebook.Ano ang isinasagot sa bawat tanong? Tanong SagotAnoSinoSaanIlanKailanAno-anoSino-sino Magmasid sa iyong paligid. Sumulat ng dalawang tanongtungkol sa mga naobserbahan mo. Pasagutan ito sa isa mongkaklase.Kilala mo ba si Prinsipe Konstantino? Alam mo ba ang hitsuraniya? Basahin at alamin kung bakit kakaiba ang PrinsipeKonstantino sa kuwentong ito. 13
Kakaibang Prinsipe Konstantino Angelika D. Jabines Mayo 31. Ang araw na pinakahihintay ng lahat.Aiah : Wow! Ate, ang ganda mo talaga.Angela : Ikaw rin, ang ganda mo! Teka, nasaan ang pakpak mo?Aiah : Inaayos pa ni Ate Bobie.Angela : Si Kamille, bihis na ba?Aiah : Nagbibihis na rin. Sana paglaki ko maging Reyna Elena rin ako katulad mo.Angela : Hayaan mo, itatago ko ang aking korona para may magamit ka. Tara na, andiyan na si Nonong. Baka mahuli tayo. Tawagin mo na sila.Aiah : Nanay, Von, Ate Kamille, tayo na!Nanay : Von, akin na sabi iyang pakpak ng ate mo. Lalakad ka lang sa tabi ni Ate Angela mo. Hindi ka isang anghel. Nagsimula na ang prusisyon nang makarating ang lahat ngreyna. At si Prinsipe Konstantino na nakapakpak ay buong sayanglumakad kasama ang kaniyang Reyna Elena. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhansa usapang binasa. Natutuhan ko sa araling ito ang____________________. Iguhit ang isang okasyon o pagdiriwang na hindi momalilimutan. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Basahin muli ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.” Ilista ang mga salitang naglalarawan. 14
Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawangpangungusap na maglalarawan ng nakikita dito. Ang pang-uri ay ____________________. Sa pamamagitan ng mga linya, hugis at kulay, ilarawan angisang okasyon sa pamayanang kinabibilangan. Gawin ito sa isangmalinis na papel. Basahin ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.”Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhansa pictograph na ginawa ng klase. Ang pictograph ay isang ___________________________. 15
Sa pamamagitan ng isang pictograph, ipakita kung ilan sapangkat ang nakasali na sa Santacruzan, Flores de Mayoo sa isang reynahan. Ang pagiging bayani ay pagtulong sa kapwa, at angpaggawa ng kabutihan kahit walang nakatingin. Ito ay angpagiging handa na ibigay ang sarili para sa ibang tao. Handa ka ba sa ganitong kabayanihan? Kabayanihan Iba’t ibang uri ang kabayanihan, Tulad ng bulaklak, iba’t ibang kulay, May mga bayaning pinararangalan, Mayroong di-kilala’y bayani ring tunay. Mga kababayang nabuwal sa laban, Mga magigiting, mga matatapang, Nag-alay ng dugo at saka ng buhay, Upang mapalaya lupang minamahal. May mga bayani sa mga tauhan, Bayani sapagkat ulirang magulang, Ang turo sa anak, kabutihang-asal, Upang sa paglaki ay maging huwaran. May mga bayaning nasa paaralan, Batang masunurin, masikap, magalang, Batang malulusog, isip at katawan, Mga mamamayan ng kinabukasan. 16
May mga bayaning utusan ng bayan, Hindi pinipili ang sinisilbihan, Sa mga sakuna ay maaasahan, Kapag may panganib ay matatawagan. Ang maging bayani ay hindi mahirap, Kung puso’y malinis, marunong lumingap, Kagalinga’t buti siyang tinatahak, Saan mang tungkulin ay karapat-dapat. Pumili at sumulat ng dalawang salitang magkatugma nabuhat sa tula. Dagdagan ito ng dalawa pang salitang katugma.Magtanong sa dalawa pang kaklase upang makumpleto angTanikala ng mga Magkakatugmang Salita. Ang mga salita ay magkakatugma kung _________. Mula sa mga salita sa Tanikala ng Magkakatugmang Salita,pumili ng dalawa at gamitin ito sa pangungusap. 17
Itala ang mga salitang naglalarawan na mababasasa tulang “Kabayanihan.” Sino ang itinuturing mong bayani ng iyong buhay? Iguhit at ipakita kung paano siya naging bayani. Sumulat ng isang pangungusap na naglalarawan tungkol sa iyong iginuhit. Gawin ito sa isang malinis na papel. Ang pang-uri ay ____________________. Gamit ang mga pang-uri, isulat sa iyong notebookkung paano ka magiging bayani. Ano-ano ang karapatan mo? Alin kaya sa mga ito angnatamasa ni Chelly sa kaniyang kuwento. Si Chelly at ang mga Aklat Louiegrace G. Margallo Mataas ang patas ng aklat na binabasa ni Chellysa kanilang aklatan. Basa siya nang basa na tila kalaroang bawat pahina ng aklat, napapangiti, at kung minsan, mayimpit na tawa pa tuwing makakakita ng mga linyangnakakatuwa. 18
Sinisimulan ni Chelly ang pagbasa sa pamamagitanng pagtingin sa listahan ng mga aklat. Pagkatapos, lalapit siya salibrarianupang humiram ng aklat na gusto niyang basahin. Kapagwala sa shelf ang aklat, agad siyang hahanap ng bagong aklatna babasahin. Bitbit ang aklat, pupuntahan ni Chelly ang paborito atniyang lugar sa aklatan at doon kumportableng uupomagsisimulang magbasa. Agad niyang titingnanang mga larawan at paliliparin ang isipan na tila kasali siyasa kuwentong kaniyang binabasa. Huli niyang gagawin ay ang pumikit habang marahangisinasara ang aklat na kaniyang binasa at nakangiti niya itongisasauli. Maghanda ng isang maikling pagsasalaysay tungkolsa kuwento ni Chelly. Gamitin ang balangkas na ginawang klase.Ang balangkas ay _________________________. Pumili at basahin ang isang kuwentong iyong mapipili.Gumawa ng balangkas nito sa iyong notebook. Muling basahin ang kuwento ni “Chelly at ang mga Aklat.” Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang patalastastungkol sa pagbabasa. 19
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167