Makipanayam sa isa sa mga katulong sa paaralan. Sumulatng dalawang pangungusap tungkol sa mga gawain niya araw-araw sa paaralan. Balikan muli ang kuwento tungkol sa mga katulongsa pamayanan. Umisip ng isang salitang maglalarawansa bawat isa.Balikan mo ang karanasan mo nang nagdaang bakasyon.Isipin mo ang mga nakilala mong katulong sapamayanan. Sumulat ng dalawang salitang magkasalungat namaaaring gamitin para sa kanila.Magkasalungat ang mga salita kung ____________. Pakinggan ang kuwento nina Nerry at Triningna babasahin ng iyong guro. Iguhit ang magkaiba nilang mundo.9
Ang lalawigan ng Laguna sa Rehiyon IV-A ay isasa magagandang lugar na maaari nating pasyalan.Ano nga kaya ang kagandahan ng lugar na ito? Biglaang Lakad Araw ng Sabado. Nakakainip sa bahay. “Magbihis kayo,” ang sabi ni Tatay. Kaya lahat kami ay simbilis ng kidlat na gumayak. “Brrrmm…. Brrmm” “Saan kaya tayo pupunta?” ang tanong ko kay Kuya. Peroumiling lang siya sa akin. “Maligayang Pagdating sa Bayan ng Laguna.” Hindi nagtagal, nakarating kami sa isang lugar na maykakaibang mga bahay at gusali. Akala ko tuloy wala na kami saPilipinas. Ang mga nakikita raw namin na mga bahay at gusalidito ay itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Matagal naiyon, hindi ba? Ang galing talaga ng mga Pilipino sa paggawa ngmga kahanga-hangang bagay na ito. May nakita rin kami namga banga at palayok na nahukay sa Pinagbayanan noong1967. Makasaysayan pala ang bayan na ito ng Pila. Binisita rin namin ang mudspring sa Los Baños.Ayon sa kuwento ni Ate, ito raw ang pinakagitna ng bulkanna mas kilala natin ngayon na Bundok Makiling. Ibig sabihin, ito aydating bulkan. Lumangoy rin kami sa isang hot spring sa Los Baños. Angsarap! Ang init ng tubig! Maganda ito sa kalusugan. Gabi na kami nakauwi at dahil sa pagod walanang maingay sa biyahe. Tanging sina Tatay at Nanayna lamang ang gising. 10
Mamasyal sa Pilipinas sa pamamagitanng mga larawan ng magagandang lugar na nakadikitsa loob ng silid-aralan. Hanapin sa bawat lugar ang isang paresng magkatugmang salita na nakasulat dito.Magkatugma ang mga salita kung ___________________.Bumunot ng isang papel na may nakasulat na isang tugma.Basahin ito nang malakas sa klase at tukuyin angmga salitang magkakatugma. Basahing muli ang kuwentong, “Biglaang Lakad.” Gusto morin bang makarating sa mga lugar na pinasyalan ng pamilya?Bakit?Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng isang patalastaskung bakit kailangang piliin ng ibang Pilipino napumasyal sa isang magandang lugar sa Pilipinas natutukuyin ninyo.Sa pagbibigay ng paliwanag, kailangang ________. Sumulat ng dalawang pangungusap upang maipahayagang pagmamalaki sa pamayanang kinabibilangan. 11
Muling basahin ang “Biglaang Lakad.” Sumipi ng dalawangpangungusap mula dito. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook matapos basahinang “Limang Tulog” sa p. 28. Sipiin ang mga ngalan ng tao. Sipiin ang ngalan ng araw. Sipiin ang tanong ni Ate. Sipiin ang sinabi ni Nanay. Sa pagsipi ng parirala at pangungusap, dapat kongtandaan na ___________. Alin-alin sa lugar na ito ang nais mong pasyalan?Sipiin mula sa talaan ang limang ngalan ng lugar sa iyongnotebook.Bulkang Mayon Bulkan ng TaalUnderground River Talon ng PagsanjanMines View Park Isangdaang Pulo Ayon sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan.At upang maging malusog tayo, kailangan naman natin ng isangmalinis na pamayanan. Paano natin magiging kayamanan angating pamayanan? 12
Ang Pamayanan ay Kayamanan Natasha B. Natividad Ako ay mahilig mamasyal Sa pamayanan na aking mahal Tuwing Sabado ako’y naglalaro Sa palaruan, kasama ang kalaro. Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita Aking kaibigan nag-iwan ng basura Mabilis ko siyang tinawag Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan Dapat alagaan at ingatan Ang ating pamayanan Kung ito ay pababayaan Tayo rin ang mahihirapan. Huwag nating hintayin Kapaligiran ay dumumi Kumilos at isaisip Na ito ay pagyamanin. Sumama sa iyong pangkat sa paglalakbay sa isangpamayanan sa pamamagitan ng isang mapa. Gawin ang mgapanutong mababasa sa kapaligiran. Upang makasunod ako nang maayos at wastosa mga nakalimbag na panuto, kailangan kong __________. Ano ang gagawin mo? Nasa parke ka. Nagandahan ka sa isa sa mga bulaklak nanakatanim dito. Nais mo sanang makita rin ito ng iyong nanay 13
pero may nakasulat na “Bawal Pumitas ng Bulaklak.” Ano anggagawin mo? Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap tungkoldito. IMCS Image Bank Pumili ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan.Pahulaan ito sa mga kaklase mo sa pamamagitan ng pagbibigayng isang pangungusap tungkol dito. Ang pangngalan ay __________. Sumulat ng isang talata tungkol sa isang larawanna iyong napili. Bilugan ang ngalan ng tao. Guhitan ang ngalanng bagay. Ikahon ang ngalan ng lugar. 14
IMCS Image Bank Ano-ano ang ginagawa sa inyong barangay upang magingmalinis ito? Katulad din ba ng ginagawa sa Purok 7? Purok 7 Nagkaroon ng pagpupulong ang mga mamamayan.Nagplano sila ng mga gagawin nila upang maging malinis angkanilang kapaligiran. Ang mga babae ay mag-iipon ng mga plastikat mga diyaryo upang mai-recycle sa kanilang barangay center. Ang kalalakihan naman ay gagawa ng mga basurahan namay iba’t ibang kulay upang ilagay sa bawat tapat ng bahay sakanilang lugar. Ang mga batang iskawt ay maglalagay ng mga paalala satabing kalsada tungkol sa pagpapanatiling malinis ng kanilangkapaligiran. Ang lahat ay nangako na maglalabas ng basurasa takdang oras para hakutin ng trak ng basura. At ibigay angkanilang suporta sa mga proyekto at programa ng barangay. Kumpletuhin ang crossword puzzle sa pamamagitan ngpagsulat ng mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. 15
1 2 34 5 12 3 4 5 Ang mga salitang may klaster ay _________________. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang may klaster namakikita sa loob ng kahon. pl o r e r a k t o r la k t a w b o l a i al a k d a n l u i s ta p r i t o i u b e oa l a m b r e w s s is k w a t e r i t a pl a n e t a t i s e 16
Paano dadami ang iyong kaibigan? Sigurado Basahin ang tula ng tungkol sa mga tagubilin. moakong dadami ang iyong kaibigan kung susundinang mga ito.Ang Bilin sa AkinMalou M. De RamosAng bilin sa akin nina Tatay at NanayMaging magalang, sumunod sa magulangAng batang ganito ay kinatutuwaanNg lahat ng tao sa pamayanan.Ang bilin naman nina Lolo at LolaIbigay ang kay Bunso, ang kina Ate at KuyaHuwag mag-aangkin ng pag-aari ng ibaSinoman at saanman ay katutuwaan ka.Ang guro kong mahal may bilin din sa akinAlituntunin sa paaralan dapat laging sundinSimbahan at anumang lugar ay igalang natinAng pamayanan ay alagaan at mahalin.Ang bilin sa akin ay laging susundinGagawin ang makakaya upang ito ay tuparinIpamamalas kabutihan, kanino man at saan manUpang maging modelo ng mga mamamayan.17
Basahin ang mga salita sa loob ng kahon.kulay tulungan kuhanan ampalayalabanos hitsura gulay kanilakaharian kilos Pedro parehosala kultura kaloob suklobHintayin ang panuto ng guro sa susunod na gawain. Magkakatugma ang mga salita kung ___________. Pakinggan ang tulang babasahin ng guro.Itaas ang pulang watawat na hawak kung makaririnigka ng pares ng mga salitang magkatugma. Ano- anong katangian ng isang kaibigan ang nais mo?Sumulat ng dalawang parirala bilang sagot dito. Gumupit ng isang puso. Sa loob nito, sumulat ng isangpangungusap kung paano ka magiging tunay na kaibigan. Sa pagsulat ng parirala at pangungusap, __________. 18
Isulat ang pangalan ng tatlong kaibigan mo.Sa tapat nito, sumulat ng isang parirala o pangungusap tungkolsa kaniya. Ang aklat ay isa raw sa mga kaibigan natin. Sa bawatpagbuklat natin ng pahina nito, dinadala tayo sa iba’t ibanglugar at ipinakikilala tayo sa iba’t ibang tao. Kilalanin natin angating kaibigang ito. Basahing muli ang “ Mga Bahagi ng Aklat” sap. 8. Kasama ang iyong pangkat, buklatin ang mga aklat na oibibigay ng guro. Pumili ng aklat na may paksakuwento tungkol sa magkaibigan. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat na napili.Ang mga bahagi ng aklat ay _____________. Pumunta sa silid-aklatan. Humanap ng isang aklat sana puwede mong basahin tungkol sa mga kaibigan natinbansang Asya.19
Ang larong taguan ay isang popular na larong pambata saPilipinas. Tingnan natin kung ano ang nangyari sa paglalaro nitong mga bago nating kaibigan. Tagu-taguanBilog ang buwan. Maliwanag ang paligid. Tapos nangmaghapunan ang mag-anak. Tapos na rin ang mga takdang-aralin.“Von! Von! Magtaguan muna tayo sa labas,” yayani Aiah sa kaniyang nakababatang kapatid. Isinama na rin nilaang kanilang kambal na kapatid na sina Chacha atCheche.Kasunod na rin nila ang kanilang kambal na pinsanna sina Theo at Sid.“Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan. Isa, dalawa, tatlo,” siAiah ang taya.“Pung, Cheche.”“Pung, Theo.”“Pung, Sid.”Isa na lang ang hindi niya talaga makita.“Ang galing talagang magtago ni Von!”Hanap dito. Hanap doon. Hindi siya talaga makita.“Von, anong ginagawa mo diyan sa itaas ng puno. Bakamahulog ka,” ang natatakot na sigaw ni Ate Nika.Tawanan ang lahat.Si Von naman ang taya. 20
Balikan at basahin muli ang isang kuwento mulasa mga nagdaang aralin. Ibigay ang hinihingi ng story piesa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook.Banghay P amagat T auhan T agpuan Ang isang kuwento ay may ________, _________, __________,at __________. Humanap ng kapareha. Ibahagi ang kuwentong binasa.Matapos ito, pakinggan mo naman ang kuwentong ibabahaging iyong kapareha. Paghambingin ang mga ito sa tulong ngbalangkas na nasa ibaba.Kuwento 1 Tagpuan Tauhan KuwentoBanghay 21
Kuwento 2 Tagpuan Tauhan KuwentoBanghay Nais ninyong magkakaibigan na makipaglaro sa bagoninyong kaklase na kararating lamang sa inyong paaralan. Anoang sasabihin mo upang ipakilala ang sarili at ang iyong mgakaibigan. Maghanda ng isang pangungusap gamitang alinman sa sila, kayo, tayo, at sila. Hintayin ang hudyat ngguro kung ano ang susunod na gagawin. Ang ______ ay ginagamit kapag ______. Ang ______ ay ginagamit naman kung ________ Ang ________ sa ____________. Ipakilala ang sarili at ang mga kapatid moat ang paborito nilang laro. Gamitin ang sila, kayo, tayo,at sila. 22
Sumulat ng isang pangungusap na sasagot kasa sumusunod na tanong. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindipaglaruin sa inyong bahay? Sa paaralan? Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng talata na maydalawa hanggang tatlong pangungusap na sasagot sa tanongna : Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo?Sa pagsulat ng isang talata, _________________. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat napangungusap na sumasagot sa tanong na ito: Ano ang laro na nais mong matutuhan? May bakanteng lote ba na malapit sa inyong bahay?Ano ang puwede nating gawin dito? Paano natin itomapapakinabangan? 23
Ang Mahika Tingnan mo nga naman ang dating bakante, mabato atdamuhang lugar sa aming barangay ay isa nang magandanghardin. Hindi rin biro ang pinagdaanan naming magkakaibiganupang maging maganda ang lugar na ito. Una, inalam muna kung talaga bang mainam pagtanimanang lugar na ito. Nang makasiguro kami, sinimulan na namingbungkalin ang lupa. Sumunod ay inalis na namin ang mga batoat lahat ng mga bagay na makasasagabal sa amingpagtatanim. Matapos ito, itinanim na namin ang mga buto ngpetsay. At ngayon , ito ay isa nang magandang hardin. Sagutin ang mga tanong matapos basahin angkuwento.Kakaibang Kaarawan Kaarawan ni Tatay. Pero sa halip na maghandasa bahay, iba ang naisip niya. Pinagbihis niya kami nina Ate, Kuya at Nanay ng puting t-shirt. Binigyan din niya kami ng pare-parehong kulayng sombrero. At kami ay lumakad na. Pagdating sa may labasan ng aming barangay.Ang daming tao at lahat kami ay pare-pareho ng t-shirtat sombrero. Binigyan kami ng pala, tree guard at punla ng puno. Tapos,sumunod kami sa lider ng aming pangkat sa lugar napagtataniman namin. “Ito ang regalo ko sa inyo at sa mga magiging anak ninyo,”ang sabi ni Tatay.1. Saan nagpunta ang mag-anak?2. Bakit kakaiba ang pagdiriwang ni Tatay ng kaniyang kaarawan?24
Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasa kung______________. Basahin ang isa pang teksto upang masagot ang mgatanong tungkol dito. Ang Pamamasyal Isang araw ng Biyernes, kami ng aking mga kaklaseay namasyal sa isang Botanical Garden. Ito ay isang lugar nakung saan ang iba’t ibang klase ng halaman ay inaalagaanupang pag-aralan. Para itong silid-aklatan na ang nakalagay aymga halaman. Dito namin natutuhan ang kahalagahan ng mga halamansa ating kapaligiran at kung paano dapat pangalagaan atparamihin ang mga ito. Pagod man ang lahat sa maghapong pamamasyal , mayngiti pa rin sa aming mga labi dahil sa napakagandangkaranasan. 1. Saan nagpunta ang mga bata? 2. Ano-ano ang ginawa nila dito? 3. Bakit sinabing napakagandang karanasan ito ng mga bata? Halina at sama-sama tayong mamasyal sa bukid sapamamagitan ng tula sa ibaba. Tuklasin natin ang kagandahanng lugar na ito. Sa Bukid Ninanais ko’y simple lamang na buhay Hindi man napakayaman basta’t matiwasay 25
Ibig kong tumira sa gitna ng bukidNa pook na tahimik at may luntiang paligid.Dito’y kay gandang pagmasdan ng palayNa tinutukoy na simbolo ng buhaySariwang prutas iyong matitikmanSariwang gulay, hatid ay kalusugan.Malinis na tubig ang iyong makikitaAsul ang kulay na lubhang kay ganda.Samyo ng hanging sariwaWalang amoy ng basura. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang maysalungguhit sa bawat pangungusap.1. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang kaguluhang nagaganap dito dahil ang lahat ng tao ay magkakakilala at magkakasundo.2. Anumang gawain, ang lahat nagtutulungan kaya madali itong natatapos.3. Ang nakatiwangwang na lupa ay tinataniman ng gulay. Natutuhan ko ang kahulugan ng isang salita sapamamagitan ng _________________. Basahin ang talata at pansinin ang mga salitangmay salungguhit. Alamin ang kahulugan ng bawat isa batay sapagkakagamit nito sa pangungusap. Sa iyong notebook, gawinang talaan na nasa ibaba. Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanawni Jannet ang mga nagsasayang kanayon na malapit sa 26
dalampasigan. Walang ano-ano, nakita niya ang papalapit namga dambuhalang alon sa dagat. Mabilis na kinuha ni Jannetang sulo at sinilaban ang nakaimbak na mga pinatuyong palay. Nakita ng mga kanayon ni Jannet ang usok at apoy namula sa lugar na imbakan ng kanilang palay. Dali-dali ang lahatna umakyat sa burol upang patayin ang sunog. Pagkaakyat ngkahuli-hulihang kanayon, nakita nila ang malalaking alon natumangay sa lahat ng bahay, puno at hayop sa kanilang nayon.Salita Kahulugan Sa halos lahat ng mesa ng pamilyang Pilipino, hindimawawala ang pandesal. May nagtitinda ba nito sa inyonglugar? Alamin kung paano tinutulungan si Arnoldng kaniyang mga kabarangay sa pagtupad niya ng kaniyangpangarap sa buhay. Si Arnold na Magpapandesal Maaga pa lamang ay gising na si Arnold.Kinuha niya ang kaniyang bisikleta at ang maliitna bayong. Handa na siya! 27
Agad niyang tinungo ang tindahan ni Ate Mely. Iniabot niyaang kaniyang bayong. Pagbalik sa kaniya punong-puno ito ngmainit na pandesal. May bonus pa ito na pitong maliliit na pandesal para kayArnold. Kailangang magmadali ni Arnold bago lumamigang kaniyang paninda. Kaya nagsimula na siyang pumadyak sakaniyang bisikleta. Sa hindi kalayuan, naghihintay na sa kaniya si Mang Jose nahanda nang pumunta sa kaniyang palayan. Gayundin si MangIking na dala-dala na ang kaniyang martilyo, lagare at kahon ngmga pako. Hindi rin nagpahuli si Kuya Lino na naghahanda na ngkaniyang mga kagamitan upang mabantayan at magabayanang mga batang patawid ng kalsada. Umabot din siya sa papaalis na si Mang Berting, sakay sakaniyang jeep, handa na niyang sunduin ang mga bata sa kani-kanilang tahanan upang ihatid sa paaralan. At siyempre, may itinira siya para kay Gng. Derlana kaniyang guro. “O, Arnold, handa ka na ba sa eskuwela?”wika ni Gng. Derla. Hindi siya agad nakasagot. “Hoy, Arnold ! Gising na tatanghaliin ka sa pagdadala mong pandesal. Gising” “Hay salamat, panaginip lang pala. Naku! Tanghalina pala. Naghihintay na ang aking mga suki sa pandesal.Papasok pa ako sa paaralan. ” Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Alin sa mga ito angangkop sa bawat pangungusap? Isulat ang letra ng sagot saiyong sagutang papel. a. b. c. 28
d. e. f. 1. Nagtulungan ang magkakapitbahay sa pag-apula ng malalaking ______ ng apoy na puwedeng pagsimulan ng sunog sa kanilang barangay. 2. Ang malinis na kapailigiran ay mabuti sa ating _____. 3. Ang pamilya nina Mica ay sumama sa pagtatanim ng _____ sa tabing-ilog. 4. Ang mga taga Water District ay naglalagay ng malalaking _____ upang maging maayos ang daloy ng tubig. 5. Si Ruel, ang ____ ng kabataan, ay nanguna laban sa ipinagbabawal na gamot. Natutuhan ko na may mga salita na ________ang baybay ngunit _________ ang bigkas at kahulugan. Kunin mo ang kagamitan mo sa Art. Gawin ang album na“Iisa ngunit Magkaiba.” Narito ang mga gagawin mo. 1. Maglista ng limang pares ng mga salitang iisa ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. 2. Iguhit ang bawat pares upang maipakita ang kahulugan nito.Masarap maglaro ng saranggola lalo na kung malakas angihip ng hangin. Ang pagpapalipad nito ay isa samga karaniwang eksena na makikita natin sa tuwing bakasyon.Ito ay isang libangan na hindi mo magagawa nangwalang kasama. Sa larong ito, kitang-kita 29
ang pagtutulungan ng bawat isa, bata man o matanda, babaeman o lalaki. Tingnan natin sa ating kuwento ang lihimng magandang saranggola ni Winson. Ang Lihim sa Likod ng SaranggolaCaloy : Ang ganda ng saranggola mo Winson.Winson : Sino ang gumawa niyan, ha?Caloy : Kami nina Enchong, Lino at kuya ko angWinson : gumawa nito. Tinuruan kami ni Kuya. Madali nga naming natapos ito, eh. Aba! Magaling pala kayong gumawa ng saranggola. Makagawa kaya tayo nang ganyang kagandang saranggola? Oo, naman. Hihingi tayo ng tulong sa kuya ko. Hayun sila ng kapatid kong bunso, nagpapalipad ng saranggola. Gamit ang kayo, sila, kami o tayo, gumawa ng isang raptungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan sa anumang gawain.Gawin ito kasama ng iyong pangkat. Ang _______ ay ginagamit sa _________________. Ang _______ naman ay ginagamit sa ____________. Ang _______ ay ginagamit sa __________ at ang ______naman ay para sa ________.Tingnan ang susunod na pahina. Ano ang sinasabi ngbawat tauhan sa larawan? Gamitin ang kayo, sila, kami o tayo. 30
AB C Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwentoni Arnold Magpapandesal sa kuwento ng saranggolani Winson? Balikan at basahin muli ang dalawang kuwento upangmasagot ang tanong. Pumili at bumasa ng dalawang kuwento. Gamit ang VennDiagram paghambingin ang mga kuwento na iyong binasa. Gumuhit ng dalawang bilog na katulad ng nasa ibaba.Isulat sa tapat ng bawat isa ang pamagat ng iyong binasa. Isulatsa bahagi ng dalawang bilog ang pagkakaiba ng mga ito. Saloob ng magkapatong na bahagi ng mga bilog, isulat angpagkakatulad ng mga kuwento. Gawin ito sa iyong notebook. 31
Gulong ng mga Kuwentong Aking Binasa Natutuhan ko na _____________________________. Humanap ng kapareha. Ibahagi sa kaniya ang isangkuwento na iyong nabasa. Matapos ang iyong pagkakataon,ikaw naman ang makikinig sa kaniyang ibabahagi sa iyo. Matapos ang mga unang gawain, paghambinginang mga kuwentong inyong napag-usapan. Gamitinang Paruparo ng mga Kuwento na sadyang inihandapara sa gawaing ito. Isulat sa dalawang pakpak ang pamagatat ang pagkakaiba ng mga kuwentong inyong napag-usapan.Sa gitna naman ng paruparo, isulat ang pagkakatulad ng mgaito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Paruparo ng mga Kuwento 32
Malulungkot ka ba kung may lakad kayo ng iyong pamilyangunit hindi kayo natuloy? Ganito rin kaya ang mga bida natin sa ating kuwento?Alamin. Muntik nang Hindi MatuloyMasayang ang magkakapatid na sinaBryan, Glecy at Pritz.Mayamaya, dumating ang kanilang Tatay na si MangTroy na isang . Sira pala ang kanilangkaya maagang umuwi ang kanilang ama para kumpunihinito. Malulungkot na sana ang magkakapatid. Hindi yata silamatutuloy sa kanilang lakad.Pero napawi ang lungkot nila nang iabot ng Tatayang isang supot na punong-puno ng .Dali-daling naghugas ng kamay ang magkakapatidat inilabas ang laman ng supot. 33
“Wow! Matatamis at malalakingTalagang katakamtakam. Hindi na namalayanng magkakapatid ang oras. Naputol ang kanilang kuwentuhannang marinig nila ang kanilang Tatay na tumatawag.Yari na ang kanilang .Dali-dalin nilang ipinasok ang pinagkainan sa supotat nagtakbuhan sa loob ng bahay.“Brrmm…. Brrmmm…” Sakay na silang lahat.Dadanan na lang nila si Nanay Glenda sakaniyang pinagtitindahan. Ano-ano ang nasa larawan? Alin kaya sa mga itoang angkop sa bawat pangungusap?Isulat ang iyong sagot sa sariling notebook.1. Magdadala si Glecy ng _______ dahil malamig sa Tagaytay.2. Iniayos ni Bryan ang mga biniyak na prutas sa isang ______.3. Paborito ni Pritz ang _______ pero walang dala nito si Tatay. 34
4. Dahil sa pamamadali, nasugatan ang _____ ni Mang Troy.5. Si Aling Glenda ay mahilig maglagay ng ____ sa buhok. Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungatng mga salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong notebook. Salita Kasing- Kasalungat kahuluganMaamo ang alagang pusani Mang Troy.Ipinaghanda ni Pritzng mainit na sopas angkanilang Tatay.Inakyat ni Bryanang mataas na puno ngmangga upang kunin angsaranggola ng kaniyangkapatid.Mabango ang sampagitana binili ni Aling Glendapara sa kanilang dyip. Ang mga salitang may klaster ________________. Magkasingkahulugan ang mga salita kung __________ atmagkasalungat naman kung _____________. Hanapin ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon.Isulat ang mga makikita mo sa iyong sagutang papel. 35
a f pe l i k u l d ab u l ak l a kaapk w ade r n o s h oc a n i j o i go o ld e t r ak n hb n apa sok l i ny a ra l apa i n a l o ki s a t i n a pa l yt u t ub i a g i wek a n i n k w ag o ss i sa l am i n x oBasahin ang mga pangungusap na maaaring naging usapanng mag-anak sa “Muntik nang Hindi Matuloy.” Sinoang nagsabi ng bawat isa?“ Kumain na kayo habang kinukumpuni ko ang dyip.”“ Umaandar na itong dyip. Aalis na tayo. ”“Magbibihis lamang po kami.”“Malungkot sila kanina nang umuwi akong sira ang dyip.” Kumpletuhin ang usapan sa bawat larawan sapamamagitan ng pagpuno ng kayo, kami,tayo, at silasa bawat pangungusap. 36
Lisa, saan ___ Pupunta na pupunta? ____ kina Lolo. Sasama ka naMauna na ba?___ . Maytatapusin A sige.pa ako. Hihintayin ka namin doon. Sabay na tayo sa pag- uwi. Ang _____ ay pamalit sa ako at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa ikaw at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa akin at mga kasama. Ang ____ ay pamalit sa siya at mga kasama. Kasama ng iyong pangkat, maghanda ng isang dula-dulaan tungkol sa isang paksang mapipili. Gamitin ang kayo, kami, tayo, at sila. - Ang Paaralan - Ang Magkakapatid - Ang Alagang Hayop - Paboritong Pasyalan 37
Basahin ang sumusunod na salita. Ano ang ibig sabihin ng bawatisa? Iguhit ang mga ito.bacon carrot computerhotdog juice video Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng iyongguro. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang hiramna binanggit sa kuwento. Ang mga salitang hiram ay binabaybay sa paraang____________. Umisip ng tatlong bagay sa inyong bahayna ang ngalan ay salitang hiram. Iguhit ang mga ito at isulat angngalan ng bawat isa. Laging sinasabi na may pera sa basura. Tingnan natin kungbakit para kay Sita ay kayamanan ang kaniyang kinokolekta athindi mga basura. 38
Hindi Basura “Bata! Bata! Bakit mo ba kinuha ang mga basurang iyan?”tanong ni Sita sa isang batang nagtutulak ng kariton. “Hindi ito basura. Mga pira-pirasong papel ito,mga bote at latang pipi,” sagot ng batang nagtutulakng kariton. “Ano nga ang gagawin mo riyan?” tanong muli ni Sita. “Hindi mo ba alam? Ipagbibili ko ito. Tutunawin ito ng bibili.Gagawin nila uli itong papel, bote at lata.” Humanga si Sita sa bata. Kumikita siya. Nakatutulong pa siyasa pagtitipid sa likas na yaman ng bansa.(Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 2, Saint Mary’s Publishing Corporation) Ano-ano ang mga nakita mong ginawa ng ibang bata sapaaralan bago pa man magsimula ang klase? Ikuwento mo ito sa klase. Sa pagbabahagi ng isang pangyayaringnaobserbahan ko, dapat kong tandaan na _______. Sa iyong notebook, sumulat ng isang maikling pag-uulat namay dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol saginagawa ng iyong pamilya upang makatulong sapagpapanatiling malinis ng inyong pamayanan. Ang buko pie ay isang popular na kakaninng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog na mura na inilagaysa ibabaw ng isang pie. Paano nga ba ito nagagawangmasarap? 39
Ren : Cindy, masarap kaya ang buko pie?Cindy : Oo, masarap iyon. Alam mo ba ang mga sangkap nito?Aling Tess : Naku, mga batang ire. Sa tagal ko nang gumagawa ng buko pie e masasabi kong pare-pareho lang ang lasa niyan. Pare-parehas lang kasi ang mga sangkap dito. Ang pinakasikreto upang maging masarap ito ay ang paraan ng pagluluto. Subukan nating bumuo ng mga bagong salita mulasa mga nasa listahan. Dagdagan lamang ng pantig ang mga ito,maaaring sa unahan, gitna o hulihan.awit dasal isip sayaw walis Ang ___, ____, at ____ ay panghalip na pamatlig. Ang ___ ay ginagamit kung ang pinag-uusapanay malapit sa nagsasalita. Ang ______ naman ay kung ang pinag-uusapanay malapit sa kinakausap. At ang _____ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan aymalayo sa nag-uusap. Gamitin ang nito, niyan at niyon sa pagtuturong mga bagay sa loob ng silid-aralan. Ang balete ay isang uri ng tuwid at makinis na puno.Tumataas ito mula 13 hanggang 40 talampakan, at pakalat angtubo ng mga ugat. Ngunit, maraming natatakot sa punong ito.Bakit kaya? 40
Sino ang Takot sa Puno ng Balete? Ayaw na ayaw kong magbakasyon sa bahay ni Lola.Nakatatakot kasi roon. Luma ang bahay na gawa sa kahoy.Parang may mga multo, pero pinakanakatatakot ay ang punong balete. Malaki ang balete at maraming mala-galamayna baging. Parang sa octopus ang mga galamay ng balete!Sa gabi, kapag malakas ang hangin, parang gumagalaw angmga galamay na ito. Katapat pa naman ng bintana ko angbalete. Isang araw, paggising ko, pinapunta agad ako ni Lola sahardin. May sorpresa raw siya sa akin. Nagkabit sila ng duyan samga baging ng balete. Sabik na sabik akong sumakay sa duyan. Masarap palang sumakay sa mga galamay ng balete. Sabihin sa klase ang iyong naisip na wakas sa bawatsitwasyon na mababasa. 1. Nakatira sa kabilang ibayo ng ilog si Isagani. Nang araw na iyon ay malakas ang ulan. Ngunit kailangan niyang pumasok. May pagsusulit kasi sila. Dalawa ang daan patungo sa paaralan. Ang pagtawid sa ilog ang malapit na daan at ang pagtawid sa tulay ay malayo. Lumakad na si Isagani. Kaya ___________. 2. Matapat na bata si Evelyn.May nakaiwan ng pitaka sa upuan na malapit sa kaniya. Kilala niya kung sino ang may-ari.Kaya________. Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento, kailangan kong_________. 41
Basahin kung ano ang plano ni Bitoy sa ating kuwento.Bigyan mo ito ng sarili mong wakas.Ang Plano ni Bitoy Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sabintana. Naririnig na rin ang mga awiting pamasko. May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha siImo ng lata ng gatas na walang laman. Binutasan niya ito samagkabilang dulo. Tinakpan niya ang butas gamit ang plastik nainunat at ipinirmi ng goma.Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan. Gamit angmalaking bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa gitnaang mga napiping tansan. Isinuot niya ang isang binilog naalambre sa mga tansan. Samantala, si Bitoy ay uminom ng mainit na salabat. Handana ang magkakaibigan. Sino si Seli? Ano ang sili? Nakakatuwa! Halos pareho ngtunog ang mga salitang ito. Basahin ang ating tula, marami paitong katulad. 42
Sili ni Seli Florenda B. Cardinoza Ang aking inang si Seli Nagtanim sa bukid ng sili Tubig pandilig mula sa poso Kagalaka’y nadama ng puso. Ayaw ng kaibigan kong iwan Kaya sinabi ko sa kaniya’y ewan Sili ni Nanay dapat mabenta Isakay dapat ito sa vinta. Binalot ni Nanay sa tela Habang ang ulan ay tila Kabayaran ni Nanay na pera Pambaon sa eskwela ni Pira. Kasama ng iyong kapangkat, gumawa ng “Banderitas ngmga Salita.” Sa unang dalawang magkakulay na banderitas, sumulat ngisang pares ng mga salitang iisa ang baybay pero magkaibanaman ng bigkas. Pumili ng isang salita mula sa mga naisulat. Sa pangatlong banderitas, isulat ang bagong salitana mabubuo kung papalitan ang unang pantig nito. Sa ikaapat na banderitas naman, isulat ang bagong salitakung papalitan ang huling pantig ng napili pa ring salita. Makakabuo ng bagong salita sa pamamagitanng _____________ mula sa isang salita. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook. 1. Umisip ng isang salita. 43
2. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang huling pantig nito.3. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang unang pantig nito.4. Gamitin ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.5. Gamitin ang format na makikita sa susunod na pahina. Salita Unang Huling Pantig PantigPangungusap Nakapaglaro ka na ba ng bangkang papel kasama angiyong mga kaibigan? Ano ang nangyari? Ganito rin ba? Bangkang Papel Matapos ang isang malakas na ulan, nagkayayaan angtatlong magkakaibigan na maglaro ng bangkang papel.Yehey! Ang bilis talaga Oo nga ano. Sananitong aking bangka. bumilis din ang aking bangka tulad niyan. 44
Tingnan ninyo o, mas magaganda ang kulay niyon kaya lang mabagal. Teka kanino iyon? Pumili ng isang magandang lugar sa Pilipinas mulasa mga larawang ipakikita ng iyong guro. Gumawa ng usapan gamit ang nito, niyan at niyon. Natutuhan ko na _________________________________. Gamit ang paksang iyong napili, gumawa ng sariling komikistrip upang maipakita ang wastong gamit ng nito, niyon, atniyan. Ano ba ang mainam gawin kung nasa bakasyon kaat naiinip ka na sa lugar na inyong pinuntahan? Nakababagot na Araw Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan.Noong una ay ayokong sumama dahil sila ay nakatira samalayong baryo. Pero wala akong nagawa. Unang araw ko pa lamang ay inip na inip na akodahil wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. 45
Wala ring computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko anglaruan kong robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga. Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana,nakita ko ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan namasayang naghahabulan. Pero, nagtataka ako dahil nakita kongmay latang pinatumba gamit ang tsinelas, bago silanagtakbuhan. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha nila. Mayamaya, kumaway ang isa kong pinsan at pinalabasako ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan atkulitan nila. Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag salarong iyon. Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, pati narin sa piko. Nawala sa isip ko ang computer games, pati na rinang aking mga laruan.Pag-aralan ang graph na ito upang mabuo angmga pangungusap.Mga Laro Bilang ng NaglalaroLuksong TinikPatinteroPiko1. Mas maraming babae ang naglalaro ng _____ kaysa sa mga lalaki.2. Kakaunting ______ ang naglalaro ng ______ kumpara sa mga ______. 46
Ang pictograph ay ______________________.Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph na ito. Mga Bote ni Patrick Mga araw Bilang ng boteLunesMartesMiyerkulesHuwebesBiyernesLegend: =51. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick noong Lunes?2. Ilang bote naman noong Biyernes?3. Anong araw ang may pinakamaraming bote na nakolekta?4. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick sa limang araw? 47
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1
3 Baitang Batang Pinoy Ako Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 3 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SADistrito/Paaralan: ____________________________Dibisyon: ____________________________________Unang Taon ng Paggamit: ___________________Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 2
BATANG PINOY AKO – Ikatlong BaitangFilipino – Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2014ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ngPamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuningkomersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento,seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks,atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mgakarapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ngmga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilalathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br. Armin A. Luistro, FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado.Inilimbag sa Pilipinas ng __________Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072E-mail Address : [email protected] 3
PAUNANG SALITAKumusta mga bata?Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ngMag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ngFilipino at magiging kasama mo at ng iyong mgakaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sapamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, atpagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito aygagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawainang mga panuto na mababasa dito upang magingmatagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo.Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit.- Pamilya Ko, Mamahalin Ko- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko- Bansa Ko, Ikararangal Ko- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki KoAng bawat aralin naman ay may mga gawaintulad ng :Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, attalata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayanglilinangin sa bawat aralin.Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahano kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nangikaw lamang o kasama ang iyong pangkat.Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mgapangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga 4
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isangaralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil samga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay magingmatagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin anghudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay naBatang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan atmakakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA 5
TALAAN NG NILALAMANYunit III – Bansa Ko, Ikararangal KoAralin 21 – Kilalanin Natin 8 Paggamit ng Angkop na Salita saPagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay,Lugar, at Pangyayari Paggamit ng mga Salitang Kasingkahuluganat Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa IsangSalitaAralin 22 – Pangalagaan Natin 11 Paggamit ng Angkop na PagtatanongGamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino Pagsunod sa Panutong may 3-4 HakbangAralin 23 – Pagyamanin Natin 13 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, atLugar sa Pamayanan Pagbibigay-Kahulugan sa GraphAralin 24 – Tangkilikin Natin 15 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao atLugar sa Pamayanan Pagsasabi ng Paksa o Tema ng BinasangTekstoAralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19 Paggamit ng Tamang Salitang Kilos saPagsasalaysay ng mga Personal naKaranasan Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento oSanaysay na NapakingganAralin 26 – Pahalagahan Natin 21 Paggamit ng Tamang Salitang Kilos(Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mgaPersonal na Karanasan Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa BinasangTekstoAralin 27 – Paunlarin Natin 25 Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay naNaglalarawan ng Kilos o Gawi Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayarisa Kuwentong Napakinggan 6
Aralin 28 – Mahalin Natin 29 Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay naNaglalarawan ng Kilos o Gawi Pagsasalaysay Muli ng NapakinggangTeksto sa Tulong ng TimelineAralin 29 – Ipagmalaki Natin 34 Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa,-Ayon sa, at –Para sa Pagbibigay ng Sariling Wakas sanapakinggang Kuwento Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at DiptonggoAralin 30 – Ikarangal Natin 38 Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay 7
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagigingmagalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin itosa mga laging paalala ng ating mga magulang. Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulangni Lino. Si Linong Pilipino Ako si Lino, Na isang Pilipino. Pagiging kayumanggi, Hindi ko itinatanggi. Laging bilin Ng aking magulang, Lahat ay igalang. Lahat ay mahalin. Saan man mapunta, Sino man ang makasama, Pagiging Pilipino, Laging isasapuso. Pumili ng isang salita sa binasang tula. Sumulat ng limang salitang katugma nito. Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot. 8
Ang mga salitang magkakatugma ay ___________. Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita. Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari. Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito. Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulayng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa. Sino-sino ang Pilipino? Pilipino Sila Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamangkilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusansa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura. Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mgapangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa.Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog.Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay maysariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala. Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko saPilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi langsila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot,Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta namakikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mgaManobo, T’boli, Higaonon at Tiruray. Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilangpaniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino.Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. 9
Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan,tungkol sa binasang sanaysay. Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamitsa pagtatanong. Ang ano ay para sa ngalan ng _____________. Ang sino ay para sa ngalan ng _____________. Ang saan ay para sa ngalan ng _____________. Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________. Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulatsa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya. Sino nga ba ang mga pangkat-etniko?Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88. Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88. Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____. Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro. 10
Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo nasa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panignito. Ano ang klima? Ang Klima at ang Aking Bansa May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apatna klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isangbansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikitasa itaas ng ekuwador. Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroonlamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-arawo tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalangmahalumigmig at malamig kung tag-ulan. Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapitsa ekwador. Natutuhan ko sa araling ito na ________________________. Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapitsa ekwador. 11
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167