Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan?
Kailan Kaya Muling Maabot ang mga Mangyan? S a panahon ng buhay ni Jesukristo bilang isang tao, Siya ay madalas na labis na naantig ng habag sa mga taong may sakit, bulag, baldado, gutom, o nagdurusa sa iba pang mga problema, tulad ng sinasapian ng demonyo o kalungkutan sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Taos-puso siyang nag-aalala tungkol sa pagdurusa at kasawian na pinag‐ dadaanan ng mga tao. Makakakita tayo ng ilang halimbawa ng pagkahabag ni Jesus sa Bibliya, kabilang ang mga pagkakataon na napaiyak pa Siya. Ang pagkahabag ni Jesus sa mga tao at ang kanilang pagdurusa ay isa sa Kanyang maraming perpektong katangian, na lahat ay tunay nating pinahahalagahan at nagiging inspirasyon. (Basahin ang Matthew 9:36, Matthew 14:14, Matthew 15:32, Matthew 18:27, Matthew 20:34, Mark 1:41, Mark 6:34, Mark 8:2, Mark 9:22, Luke 7:13, Luke 10:33, at Luke 15:20.) Ang pag-aaral at paglago sa mala-Kristong habag ay lalong mahalaga na ituon din sa mga tribong Mangyan sapagkat sila ay “mga dayuhan sa mga tipan ng pangako, at sa mundo ay
2 walang pag-asa at hiwalay sa Diyos” (Efeso 2:12). Kahabag- habag ang kanilang kalagayan sa pisikal at sa espiritwal dahil sa sakit at karamdaman (hindi maabot ng tulong medikal) at sa pagsapi ng mga masasamang espiritu. Sila ay \"nangalat, gaya ng mga tupang walang pastol\" (1 Kings 22:17). Wala silang oneness pentecostal church na maituturing. Kung mayroon man ay mula sa mga sektang Trinitarian. “Napabayaan ang mga ito na magkawatak-watak at mamatay” (Jeremias 23:1). Namu‐ muhay sila sa kanilang kultura at tradisyon, sa pangangailangan ng katawan, at hindi sa Salita ng Diyos na may pangako ng kaligtasan kay Jesukristo at buhay na walang hanggan kapiling ng Diyos. Unang naabot sila ng Apostolic Jesus Name Church noong taong 2000. Sa unang Bible Study sa mga Mangyang Alangan Naujan, Oriental Mindoro, 8 ang nagpabautismo sa tubig sa pangalan ni Jesus. Sa Mangyang Iraya sa San Teodoro, Oriental Mindoro, 25 ang nagpabautismo sa tubig. Nang sunod na pagbalik sa kanila, ilang panahon ang nakalipas, 41 ang nakatanggap ng Espiritu Santo sa isang araw na may unang palatandaan ng pagsasalita sa ibang mga wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang salitain. KAILAN KAYA MAAABOT SILANG MULI? Ang “compassion” o habag ay emosyon ng tao kung may nakikita siyang nakakabalisa. Ito ay may epekto sa katawan ng taong nahahabag. Isang pag-aaral mula 2014 na pinangunahan ng isang pangkat ng mga biomedical engineer sa Finland ay naghangad na ipaliwanag kung saan nararamdaman ang mga emosyon sa katawan. Natagpuan nila na ang iba't ibang mga emosyon ay nauugnay sa iba't ibang mga pakiramdam sa katawan. Halimbawa, kapag ang isang tao ay nababalisa, nadadagdagan ang pakiramdam sa itaas ng pelvis, o sa bahagi ng tiyan.
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 3 Ang “compassion” sa salitang Griyego ay “splagchnizomai” (splangkh-nid'-zom-ahee), mula sa salitang “splagchnon” (splangkh'-non), na literal na nangangahulugan ng bituka o mga bahagi ng tiyan tulad ng pali (spleen). Kaya naman, ang idyomatikong salita sa English na “can’t stomach” ay nangan‐ gahuluhan na hindi makayanan ang isang tao, bagay o pangya‐ yari. Gayon din sa salitang Tagalog: Ang katagang “hindi ko kayang sikmurain” ay nangangahulugan din na hindi kayang tanggapin dahil sa pagkabalisa. Nahabag si Jesus sa kalagayan ng mga tao; hindi Niya kayang sikmurain ang kanilang kalagayan. Gayon din naman, kung tayo ay may habag tulad ni Jesus sa mga tribong Mangyan, hindi natin kayang sikmurain na sila ay maging “mga dayuhan sa mga tipan ng pangako, at sa mundo ay walang pag-asa at hiwalay sa Diyos”. Hindi natin kayang sikmurain na \"nangalat, gaya ng mga tupang walang pastol”. Hindi natin kayang sikmurain na “napabayaan ang mga ito na magkawatak-watak at mamatay”. Hindi rin natin kayang sikmurain na sila ay namumuhay na walang pag-asa, tulad ng “katuparan ng ating mapagpalang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu- Cristo” (Titus 2:13). Ang puso ko ay nababagabag sa kanilang kalagayan kung paano sila muling maabot ng Salita ng Diyos. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko ang mga bukirin; handa na ang mga iyon para anihin (John 4:35), hindi lamang sa kapatagan, kundi gayon din sa kabundukan. Hindi lamang sa mga Tagalog, kundi gayon din sa mga Mangyan. Sabi ng isang kanta, “How can we reach a world we never touch. How can we show them Christ, if we never show them love? Just to say we care will never be enough. How can we reach a world we never touch?” Ngayon ay isang magandang panahon upang madama ang pagkahabag sa mga Mangyan tulad ng naramdaman ni Jesus. Ang hindi nating masikmurang kalalagyan ng mga
4 Mangyan ay nag-uudyok sa atin upang manalangin sa Pangi‐ noon ng Anihin na magsugo Siya ng mga manggagawa sa Kanyang anihin (Mateo 9:38). Narinig ko ang tinig ng Pangi‐ noon na nagsasabi, “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” (Isaiah 6:8). Sino ang sasagot, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”
Alangan Mangyan Tribe Sinai, Barrio Arangin, Naujan, Oriental Mindoro, Philippines Unang pagkakataon na makapunta sa lugar ng mga Alangan Mangyan kasama ang isang pastor at isang manggagawa
6 Makikita sa likod ang malaking ilog ng Naujan na dumadaloy mula sa bundok Kuha ito sa harap ng bahay-sambahan na itinayo ng naunang Trinitarian Church
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 7 Ikalawang pagkakataon na makpunta sa lugar ng mga Alangan Mangyan, kasama ang ilang mga pastors Ikalawang pagkakataon na makpunta sa lugar ng mga Alangan Mangyan, kasama ang ilang mga pastors
8 Ikalawang pagkakataon na makpunta sa lugar ng mga Alangan Mangyan, kasama ang ilang mga pastors Unang Bible Study sa lugar ng mga Alangan Mangyan
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 9 Unang Bible Study sa lugar ng mga Alangan Mangyan Desisyon na magpabautismo sa tubig sa pangalan ng Panginoong Jesukristo matapos ang unang Bible Study
10 Kinabukasan, walong mangyan ang nagpabautismo sa tubig sa ibaba ng bundok Ikapat na pagpunta sa lugar ng mga Mangyan, kasama ang isang pastor, upang pag-usapan ang pananatili sa kanilang lugar
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 11 Unang araw ng pagsamba nang ang manggagawa na nananatili na sa kanilang lugar Unang araw ng pagsamba
12 Mga batang Mangyan na naglalaro malapit sa supply ng tubig
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 13 Paggawa ng maliit na pool ng tubig sa pamamagitan ng pagharang sa tubig ng taon ng Manor
14 Paggawa ng maliit na pool ng tubig sa pamamagitan ng pagharang sa tubig ng taon ng Manor
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 15 Paggawa ng maliit na pool ng tubig sa pamamagitan ng pagharang sa tubig ng taon ng Manor
16 Paggawa ng maliit na pool ng tubig sa pamamagitan ng pagharang sa tubig ng taon ng Manor
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 17 Paggawa ng maliit na pool ng tubig sa pamamagitan ng pagharang sa tubig ng taon ng Manor
18 Ang pool ng tubig ay nagsibling baptistry at isang Mangyan ay nagpabautismo
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 19 Ang pool ng tubig ay nagsibling baptistry at isang Mangyan ay nagpabautismo
20 Pinatag ang lupa na pagtatayuan ng bahay-sambahan ng AJNC Mga batang Mangyan na naging Sunday Schoolers kinalaunan
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 21 Si Brother Joey Espinosa, kasama ang isang Mangya na babautismuhan sa tubig sa pangalan ni Jesukristo Si Brother Joey Espinosa na nagbabautismo sa isang Mangyan sa tubig sa ibaba ng bundok ng Sinai
22 Si Brother Joey Espinosa at si Brother Ruel Baluyot, kasama ang Mangyan na nabautismuhan sa tubig at mga batang Manyan na nanuod
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 23 Bahay-sambahan ng AJNC na nagsilbing ding Sunday School at tirahan ng mga workers Non-formal education sa umaga pata sa mga batang Mangyan
24 Non-formal education sa umaga pata sa mga batang Mangyan Si Brother Joey Espinosa na magbabautismo sa isan Mangyan na babae sa ibaba ng bundok Sinai
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 25 Matapos ang bautismo sa tubig Kasunod ay bautismo sa tubig ng isang binatilyong Mangyan
26 Pagkatapos ng pagsamba ng mga Mangyan ng araw ng Linggo, kasama si Brother Ruel Baluyot
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 27 Pagkatapos ng pagsamba ng mga Mangyan ng araw ng Linggo, kasama si Brother Joey Espinosa
28 Mga Mangyan na nakasuot na ng maaayos na damit sa araw ng pagtitipon ng church Ang masasayang larawan ng mga Mangyan
Iraya Mangyan Tribe Barrio Inabasan, San Teodoro, Oriental Mindoro Matapos ang 10 oras na paglalakad mula sa kabayanan ng San Teodoro, ito ang dinatnan na mga Mangyan
30 Unang gabi ng Bible Study para sa mga Iraya Mangyan Kinabukasan ng umaga ay nagtipon-tipon sa tabi ng malinaw na ilog
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 31 Isa-isang dumating ang iba pang mga Mangyan Kasama ang isang manggagawa, handa na ang gawain para sa Panginoong Jesus
32 Nagsimula na ang bautismo sa tubig sa pangalan ni Jesukristo para sa ikapagpapatawad ng kanilang mga kasalanan
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 33 Bautismo ng pinakamatandang Mangya sa kanilang community Ayon sa Bibliya, napatawad na siya sa kasalanan at napalaya sa epekto ng kasalanan
34 Sunod-sunod na bautismo sa tubig, at tatanggapin niya ang kaloob ng Espiritu Santo Si no ang makapipigit na sila ay bautismuhan sa tubig sa pangalan ng Panginoong Jesus?
Kailan Kaya Muling Maaabot ang Mga Mangyan? 35 Ang kumukuha ng larawang ito ng 25 pagpapabautismo at si Brother Noel de Asis. Masayang nasunod nila ang tagubilin ng Salita ng Diyos, ang pagsisisi at bautismo sa tubig
36 Sapagkat para din sa kanila ang pangako ng Diyos Kailan kaya muli silang maabot?
Pahayag ng Pananampalataya ng Apostolic Jesus Name Church Layunin ng AJNC na ipalaganap ang mga aral ng Panginoong Hesukristo. Ang aming mga pangunahing doktrina ay ang mga sumusunod: Naniniwala kami na mayroong isang hindi mahahati na Diyos, ang isang tunay na buhay na Diyos na nahayag sa laman sa katauhan ni Jesu- Kristo. Naniniwala kami na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, ang hindi nagkakamali na Salita ng Diyos. Naniniwala kami na ang Bibliya ang tanging bigay ng Diyos na kapangyarihan na taglay ng tao; samakatuwid, ang lahat ng doktrina, pananampalataya, pag-asa, at lahat ng pagtuturo para sa iglesiya ay dapat na nakabatay at naayon sa Bibliya. Naniniwala kami sa bigay ng Diyos na plano ng kaligtasan para sa sangkatauhan sa dispensasyon ng biyaya sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapabautismo sa pangalan ni Jesus, at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo na pinatutunayan sa pagsasalita ng iba pang mga wika
ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu Santo na bigkasin. Naniniwala kami na ang planong ito ng kaligtasan ay magagamit, sa ating panahon, kapwa sa mga Hudyo at sa mga Hentil na tinatawag na “sa mga nasa malayo” Mga Gawa 2:39, “na inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Kristo” (Efeso 2:13). At ang pangakong ito ay para sa lahat ng tinatawag ng Diyos sa Kanyang sarili. Naniniwala kami na ang buhay ng kabanalan dapat ipagpatuloy dahil kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon. Ang aming mga pangunahing pagpapahalaga ay binubuo ng pagsamba, pangangalaga ng pastor at pagiging alagad, pangangalaga sa mga bagong mananampalataya, pakikisama, pag-eebanghelyo, at edukasyong Kristiyano. Para sa mga katanungan o iba pang alalahanin, mangyaring magpadala sa amin ng inyong mensahe. 2336 Agua Marina St. San Andres Bukid Manila, Philippines Website: https://ajncphilippines.com/ 0917 840 6460 [email protected] [email protected]
Search
Read the Text Version
- 1 - 40
Pages: