ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” EXODO 3:14 NELSON P. MARANAN Reviewed by RONALDO TOGLE Published by APOSTOLIC JESUS NAME CHURCH
Copyright © 2023 by Nelson P. Maranan All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except for the use of brief quotations in a book review.
Para sa aking kaibigan at kapatid kay Kristo sa loob ng humigit kumulang sa tatlong dekada, subalit nabihag ng kaniyang pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, batay sa tradisyon ng mga tao, batay sa mga mapamahiing aral ng sanlibutan, at hindi batay kay Cristo
PANIMULA May mga kritiko nagkakalat ng aral ngayon na ang katagang \"AKO NGA\" na mula sa wikang Hebreo ng Exodo 3:14 ay binigyan ng kahu‐ lugan na \"Jesus,\" gamit ang etymology at maling paggamit ng Banal na Kasulatan. Inaakusahan nila ang mga hindi naniniwala sa kanilang aral na mga \"sinungaling\" at ang gumagamit ng ibang kahulugan na salungat sa kanilang aral ay \"mula sa diablo.\" Ipinagpapalagay ng mga kritiko na si Jesus (ang Kanyang pangalan at pagkakakilanlan) ay ipinahayag na simula pa sa Lumang Tipan gamit ang italang talata sa Bibliya. Ang \"etymology\" ay isang pag-aaral ng pinagmulan ng mga salita at kung paano nagbago ang kahulugan ng mga salita sa paglipas ng kasaysayan. Ang \"etymology\" ay nagmula sa salitang Griyego na etumos, na nangangahulugang \"totoo.\" Ang \"etymology\" ay ang pag- aaral ng mga \"tunay na kahulugan\" ng mga salita. Ang mga kritiko at mangangaral ng bagong doktrina ay walang pagdududa na hindi mga dalubhasang etymologist at hindi rin linguist upang maipaliwanag ang kanilang aral ng may karapatan. Ipinagpalagay lang nila na totoo at mapagkakatiwalaan ang kanilang kaalaman na natanggap mula sa internet. Gayon din naman, ang may-akda ng salaysay na ito ay hindi
PANIMULA rin dalubhasa sa pag-aaral ng wikang Hebreo at Griyego. Kaya, ang Salita ng Diyos ang magiging sandigan sa mga talakay dito, na siyang pagkukunan ng matibay na sagot ukol sa pagkakakilanlan sa Diyos. Ang layunin ng aklat na ito ay upang maki-usap sa mga mananam‐ palataya na mag-ingat sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap (Roma 16:17). Mula na rin sa iglesia ay may lumitaw na mga taong nagsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad (Mga Gawa 20:29-31). Hinihikayat ang mga mananampalataya na alalahanin ang doktrina ng mga apostol na ipinangaral sa kanila na kanila ring tinanggap at kanilang pinaninindigan, at alalahanin ang mga luha na pinuhunan ng iglesia. Sa pamamagitan ng mga talakay dito ay malaman ng mga mananam‐ palataya kung ano ang tamang aral na siyang magsisiwalat sa maling aral na itinuturo ng mga kritiko upang maiwasan sila. Ang mga sumusunod ay nga PUNA ng mga kritiko. Patutunayan sa aklat na ito na sila ay nagtuturo ng mga MALING DOKTRINA, at dapat silang utusang tumigil (1 Timoteo 1:3). Sila ay may tuso at palihim na pagpapakilala ng mga masasamang doktrina na nakakasira sa pananampalataya (2 Pedro 2:1) sapagkat lilinlangin nila maging ang mga pinili ng Diyos, kung maaari (Mateo 24:24). Ang ganitong pahayag ng mga kritiko ay hindi kathang-isip lamang ng may-akda. Sa katunayan, ang mga ito ay bahagi ng personal na talakayan ng mag- akda sa mga kritiko at gayon din na mula sa kinalabasan ng mga usapan sa “social media.” Gayunpaman, hindi tumatanggap ng mga kritiko ang sagot mula sa may-akda at paulit-ulit lang na ipinapahayag nila ang kanilang maling doktrina. MALING DOKTRINA 1: Ang ibig sabihin ng katagang \"AKO NGA\" na mula sa wikang Hebreo ng Exodo 3:14 ay “Jesus,\" gamit ang etymology at maling paggamit ng Banal na Kasulatan. Inaakusahan nila ang mga hindi naniniwala sa kanilang aral na mga \"sinungaling\" at ang gumagamit ng ibang kahulugan na salungat sa kanilang aral ay \"mula sa diablo.\"
PANIMULA MALING DOKTRINA 2: Ang pangalang Jesus ay naihayag na sa Lumang Tipan nang pinili ni Moises na maglingkod kay Kristo, ayon sa Hebreo 11:24-26. Itinuring niya na ang mga kahihiyan ng Mesiyas ay higit na malaking kayamanan kaysa sa maangkin niya ang mga mahahalagang bagay at kayamanan sa Egipto. MALING DOKTRINA 3: Nakilala ni Habakkuk ang pangalang Jesus (Habakkuk 3:18) ayon sa salin ng Bibliya na Biblia Sacra Vulgata na pareho din sa Douay-Rheims 1899 American Edition. MALING DOKTRINA 4: Ang pangalang Jesus ay naihayag na sa Lumang Tipan nang itinawag ng anghel ang pangalang JESUS bago siya ipinagdalang-tao sa bahay-bata ni Maria (Lucas 2:21). MALING DOKTRINA 5: Ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan nang ipahayag ni Kristo ang pangalan ng Ama na Siyang Diyos ng Lumang Tipan (Juan 5:43-45). Kung gayon ay Jesus ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan. MALING DOKTRINA 6: Ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan sapagkat si Jesukristo ay siya rin kahapon (sa Lumang Tipan), ngayon, at magpakailanman (Hebreo 13:8). MALING DOKTRINA 7: Gamit ang 1 Juan 4:1-6, ang naniniwala na si Yahweh ay nagpahayag sa laman ay kabulaanan sapagkat si Jesukristo ay yaong naparitong nasa laman. MALING DOKTRINA 8: Ang \"mga propeta\" na tinuran sa Efeso 2:20 ay mga propeta sa Lumang Tipan na ipangaral si Kristo Jesus. SAAN MAHAHANAP ANG TAMANG SAGOT? Sa gitna ng kalituhan at pakikipag-bigkasan tungkol sa pagkakaki‐ lanlan sa Diyos, saan makakahanap ng mga tamang sagot? Gaya ng nakita na natin, ang mundo ng mga Kristiyano ay puno ng iba't ibang
x PANIMULA aral tungkol sa Diyos at sa pagkakakilanlan kay Jesukristo. Paano natin malalaman ang katotohanan at kasinungalingan? Paano natin matutukoy kung anong aral ang totoo at tama at ano ang mali? Mayroon lamang isang pamantayan para sa Katotohanan at isang mapagkukunan ng aral ng Iglesiya. Iyon ay ang Salita ng Diyos. Dapat tayong bumaling sa Bibliya para sa ating mga sagot. Binalaan na tayo ni Pablo sa Colosas 2:8 na hindi tayo dapat mabihag ninuman sa pamamagitan ng “kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan.” Ang mga aral na gawa ng tao ay hindi kailanman magpapasaya sa Diyos, sapagkat sa Mateo 15:9 ay ipinahayag ng Panginoon, “Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.\" Ang aral ng Iglesiya ay hindi maaaring batay sa palagay, pilosopiya, o tradisyon ng tao. Sa halip, ito ay dapat na nakabatay sa hindi nagkaka‐ mali, kinasihan, at walang hanggang Salita ng Diyos. Sinasabi sa atin ng 2 Timoteo 3:16 na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.” Sinabi ni Jesus sa mga Saduceo sa Mateo 22:29 na nagkakamali sila sa hindi pagkaalam ng mga kasula‐ tan, ni ang kapangyarihan ng Diyos. Itinuro din ng Panginoon na kung nais nating makilala Siya at maunawaan kung sino talaga Siya, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin” (Juan 5:39). Kaya, \"sasaliksikin natin ang mga Kasulatan\" at titingnan kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pag-iral ng Diyos at ng Kanyang katan‐ gian at pagkakakilanlan. Ang ugat ng mga puna ng mga kritiko ay nagmula sa kahulugan ng \"AKO NGA\" sa Exodo 3:14 na pinagtibay ng mga maling paggamit ng Salita ng Diyos upang iayon sa kanilang bagong paniniwala na ang pangalang Jesus at ang kaniyang pagkakakilanlan ay naroon na sa Lumang Tipan.
PANIMULA xi MALING PAGGAMIT NG SALITA NG DIYOS Ang mga sumusunod na talakay ay talaan ng mga sipi mula sa Salita ng Diyos na ginagamit ng mga kritiko upang itaguyod ang kanilang maling doktrina. Sinisikap ng may-akda ng aklat na ito na maingat na talakayin ang maling paggamit ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ganitong paraan: 1. Ilarawan ang mainit na puna ng mga kritiko; 2. Isulat ang sipi mula sa Salita ng Diyos na ginamit ng mga kritiko; 3. Pabulaanan ang pahayag ng mga kritiko sa pamamagitan ng paggamit ng tamang pagka-unawa sa Salita ng Diyos at sa tulong din ng ilang pagsasaliksik. Ang mga talakay dito ay aktwal na resulta ng pakikipag-usap sa mga kritiko. Ang mga ito ay hindi na nabalikan at napabulaan ng mga kritiko. 4. Bigyan ng pagpapasya ang bawat puna upang isarado na ang pangangatwiran.
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" PUNA NG MGA KRITIKO S abi ng Panginoon sa Exodo 3:14-15, “…Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA… ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” Sinabi sa kanila ni Jesus sa Juan 8:58, “Bago ipinanganak si Abraham, ay AKO NGA.” Sa Gawa 9:5, sinabi ni Saul, “Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.” Si Jesus ay si Jesus. Sabi ng Panginoon sa Exodo, “ito ang aking pangalan magpakailan man.” Kung YHWH yan o Jeho‐
2 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” vah/Yahweh, dapat ang ipinakilala ni Kristo at ng mga Apostoles ay ang pangalan na iyan kasi forever! ANG MGA TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT “At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” — EXODO 3:14-15 \"Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.” — JUAN 8:58 \"At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.” — GAWA 9:5 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Literal na Kahulugan ng \"Ako Nga.\" Ang konteksto nito ay ang pagtatagpo ng nagniningas na palumpong (Exodo 3:14). Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 3 mga ninuno ang nagpadala sa akin para iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?” (Exodo 3:13). At sinabi ng Diyos kay Moises, \"AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA\" (Exodo 3:14). Ano ang Kanyang pangalan? Hindi talaga malinaw kung bakit dapat ipagpalagay ni Moises na itatanong sa kanya ng mga Israelita ang tanong na ito, at hindi man lang lumil‐ itaw na tinanong siya ng mga ito. Literal na nangangahulugan ito ng \"Ako yaong Ako nga,\" \"Ako ay magiging kung ano ang pipiliin Kong maging,\" \"Ako ay kung ano Ako,\" \"Ako ay magiging kung ano ang magiging Ako,\" \"Lumilikha ako ng kung ano ang nilikha ko,\" \"Ako ang Umiiral na Diyos.\" Ang tunog ng pagbabaybay ng salitang Hebreo na Ako/Ako Nga ay \"ehyeh\" na nasa unang katauhan (first person) ng \"hayah\" (na maging). Dahil sa kaibahan ng gramatika ng wikang Hebreo ay nangangahulugan ito ng \"Ako ay,\" \"Ako noon ay,\" at \"Ako ay magiging.\" Ang kahulugan ng mahabang pariralang ’ehyeh ’ăšer ’ehyeh ay pinagtatalunan pa, at maaring makita bilang isang pangako (\"Ako ay kasama mo\") o bilang isang pahayag ng walang kapantay (\"Ako ay walang kapantay\"). Ang Pangkaraniwang Gamit ng \"Ako Nga\" Ang karaniwang salin sa Tagalog mula sa orihinal na wikang Hebreo ay \"Ako Nga\" (Exodo 3:14) at karaniwang ginagamit ng Diyos sa Lumang Tipan, subalit bihirang gamitin bilang Kaniyang titulo. Ang salitang ito ay ginagamit ng maraming tao para lamang TUKUYIN ANG KANILANG SARILI. Sina Jephthah (Judges 11:9), Ruth (Ruth 2:13), David (1 Samuel 18:18), Jonathan, (1 Samuel 23:17), Hushai (2 Samuel 16:18), Job (Job 12:4) at marami pang iba ang gumagamit nito upang tukuyin ang kanilang sarili. Ito ay isa lamang pangkaraniwan na paraan upang sabihin na ang \"Ako Nga\" ay para sa kaninuman. Hindi natin agad mapagpapasyahan na ang pangalang Jesus ay kahu‐ lugan ng \"Ako Nga.\" Kung gayon nga, lahat ba ng taong nabanggit na gumamit ng \"Ako Nga\" ay nangangahulugan na Jesus din?
4 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Sa kabilang dako, sa Bagong Tipan, ang salitang \"Ako nga\" (ἐγώ εἰμι na may pagbabaybay na tunog na egō eimi) ay ginamit ni Jesus (John 6:19- 20; John 8:58; John 18:6-8), ni Judas (Matthew 26:25), ni angel Gabriel (Luke 1:19), ng bulag na lalaki (John 9:9), ni Pedro (Gawa 10:21), at ni Pablo (Gawa 22:3, 26:29, Roma 11:13, 1 Timoteo 1:15), at lahat ay tumutukoy sa kanilang sarili. Ang egō eimi ay karaniwang panghalip- panao na tumutukoy sa kanilang sarili at hindi ito isang kodigo ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging ang mga talatang ito ay tila higit na tungkol sa pagka-Diyos ni Jesus kaysa sa lahat ng iba pang mga talata na may \"Ako nga\" sa Juan. \"Nang sila ay nakagaod na ng may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. Siya ay lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot.” — JUAN 6:19-20 \"Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.” — JUAN 8:58 \"Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa. Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret. Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad.” — JUAN 18:6-8
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 5 Sa bawat isa sa tatlong ito, ang konteksto ay nagpapahiwatig na ang pagka-Diyos ni Jesus. Sa Juan 6:19, ang pariralang “lumalakad sa ibabaw ng lawa” ay malamang na isang pagtukoy sa Diyos na naglalakad sa tubig. Ang paggamit ni Jesus ng egō eimi at \"huwag kayong matakot\" ay nagpapatunay ng Kaniyang pagka-Diyos. Sa Juan 8:58, ang paglalarawan ni Jesus sa Kanyang pag-iral bilang espiritu ng Diyos noon pa man, kasama ang egō eimi, ay malinaw din tungkol sa Kanyang pagka-Diyos. Ang pag-uulit ng egō eimi sa Juan 18:6-8, at ang nakamamanghang epekto nito sa mga sundalo, ay nagpapahiwatig din ng pagka-Diyos ni Jesus. Ang mga pag-aangkin na ito (Ako ang tinapay ng buhay; Ako ang mabuting pastol; Ako ang pinto; Ako ang buhay, atbp.), bagama't naaayon sa pagka-Diyos ni Jesus, ay karani‐ wang tungkol sa ibang pagkakakilanlan kay Jesus. Sa buong kasaysayan ng kaligtasan, gumamit ang Diyos ng mga pangalan at titulo upang ihayag ang Kanyang sarili sa Kanyang mga tao. Sabi ng isang mapagkukunan, “ang malamang ang pangalan ng Diyos ay ang pagsaksi sa pagpapakita ng mga katangiang iyon at pag- unawa sa katangiang iyon na tinutukoy ng pangalan… ang pangalan ng Diyos [ay] Kanyang paghahayag sa sarili.” Sa buong Lumang Tipan, magiliw na ginamit ng Panginoon ang mga titulo at pangalan upang ihayag ang Kanyang kalikasan at ilang piniling katangian sa Kanyang bayan. Sa bawat pangalan, sa bawat titulo, at sa bawat bagong paghahayag ay binigyan ng Diyos ang mga tao ng higit na pagkaunawa sa Kanyang kalikasan at Kanyang katan‐ gian, ngunit ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan ay misteryo pa rin, hanggang nagkatawang-tao ang Diyos. Kung totoo na nahayag na ang pangalan ni Jesus mula pa sa Exodo 3:14, hindi na sana nagtanong ng pangalan si Jacob (Genesis 32:29) at si Manoah na ama si Samson (Judges 13:17-18). Hindi na sana nagsabi ng hula si Isaiah sa pangalan (Isaiah 7:4; Isaiah 9:6; Isaiah 52:6) at si Zechariah tungkol sa pangalang \"isa\" (Zechariah 14:9) kung alam na nila ang ipinahayag na pangalan sa Israel. Pagkatapos ng proseso ng
6 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” pagliligtas, ano ang Kaniyang pangalan? Sinoman ay di nakaaalam kundi Siya rin lang. Pagbigkas sa Pangalan ng Diyos Lahat halos ng pangalan at titulo ng Diyos sa Bibliya ay isinalin sa wikang sinasambit natin sa panahong ito mula sa sinaunang at orihinal na wika. Dapat mapatunayan sa Bibliya kung ang tamang pagbigkas ng pangalan ng Diyos ay kinakailangan para sa kaligtasan. \"Sapagka't, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Pangi‐ noon ay mangaliligtas.” — ROMA 10:13 Ano ang napakahalaga ng isang pangalan? Para kanino ang pangalan? Ito ba ay para sa Diyos o para sa tao? Tinukoy ng diksyunaryo na ang isang pangalan ay “kung saan tinatawag ang isang bagay; ang tunog o kumbinasyon ng mga tunog na ginagamit upang ipahayag ang isang ideya, o anumang materyal na sangkap, kalidad, o kilos.” Gayunman, sinabi ni Webster na ang salitang “pangalan” ay maaari ring magpahiwatig ng “dangal; katangian; ang karaniwang sinasabi tungkol sa isang tao; bilang isang magandang pangalan; [o] masamang pangalan.” Kung mahalaga ang tunog o kumbinasyon ng mga tunog sa pagbigkas ng pangalan ng Diyos, lahat ng salin mula sa sinaunang wika ay nasa bingit ng pagkakamali sapagkat magkaiba ang tunog nila. Ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos ay upang ipahayag ang Kaniyang sariling \"dangal\" at \"katangian\" sa Kaniyang bayan. Sabi ng isang mapagkukunan, “ang malaman ang pangalan ng Diyos ay ang pagsaksi sa pagpapakita ng mga katangiang iyon at pag-unawa sa katangiang iyon na tinutukoy ng pangalan… ang pangalan ng Diyos ay Kanyang paghahayag sa sarili.” Ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan ay may iba't ibang tunog o kumbinasyon ng tunog subalit tumutukoy sa nag-iisang Diyos. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 7 Aeie (ah-eh-jeh) Aeje Ehyeh Yahueh (ya-hu-eh) Iahueh (i-a-hu-eh) Yahuah (ya-hu-ah) Iahuah (ia-hu-ah) Yahevahe (yah-e-va-he) Iahevahe (ia-he-va-he) Yohwah (yoh-wah) Iohwah (i-oh-wah) Yohweh (yoh-weh) Iohweh (i-oh-weh) Yahwah (yah-wah) Iahwah (i-ah-wah) Yehwah (yeh-wah) Iehwah (i-eh-wah) Yehweh (yeh-weh) Iehweh (i-eh-weh) Yahweh (yah-weh) Iahweh (i-ah-weh) Yahwe (yah-we) Iahwe (i-ah-we) Yahohewah (yah-o-he-wah) Iahohewah (i-a-ho-he-wah) Yahuwah (ya-hu-wah) Iahuwah (i-a-hu-wah) Yahveh (yah-veh) Yehveh (yeh-veh) Yahohevah (yah-o-he-vah) Jove (ho-ve) Jehovah (je-ho-vah) Iehovah (i-eh-ho-vah).
8 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Bukod pa dito ay kinilala ang Diyos sa mga sumusunod na titulo. Ang paggamit ng anuman dito ay hindi matatawag na pamumusong sapagkat tumutukoy ang bawat isang titulo sa nag-iisang Diyos. Sila ay naglalarawan ng katangian ng Diyos. EL = Diyos (“makapangyarihan, malakas, prominente”) ginamit ng 250 ulit sa Lumang Tipan (Genesis 7:1, 28:3, 35:11; Bilang 23:22; Josue. 3:10; 2 Samuel 22:31, 32; Nehemias 1:5, 9:32; Isaias 9:6; Ezekiel 10:5) ELOHIM = Diyos (pang-maramihang pangngalan, ginami na may kasamang pandiwa na pang-isahan) ADONAI = Panginoon sa karamihang salin ng Biblia Ang Umiiral na Diyos (Exodo 3:14) Ang Panginoon Ay Nagkakaloob (Genesis 22:14) Ang Panginoon na Nagpapagaling (Exodo 15:22-26) Ang Panginoon ang aking Bandila ng Tagumpay (Exodo 17:15) Ang Panginoon na Nagpapabanal (Levitico 20:7-8) Nagbibigay ng Kapayapaan ang Panginoon (Hukom 6:24) Pastol (Awit 23, 79:13, 95:7, 80:1, 100:3; Genesis 49:24; Isaias 40:11) Hukom (Awit 7:8, 96:13) Panginoong Diyos (Genesis 2:4; Hukom 5:3; Isaias 17:6; Zefanias 2:9; Awit 59:5, etc.) Ang Panginoon ang Ating Katuwiran (Jeremias 23:5, 6, 33:16) Ang Panginoon ang ating Pastol (Awit 23) Ang Panginoon Ay Naroroon (Ezekiel 48:35) Ang Panginoon ng mga Hukbo (Isaias 1:24; Awit 46:7, 11; 2 Mga Hari 3:9-12; Jeremias 11:20, Roma 9:29; Santiago 5:4, Pahayag 19: 11-16) Kataas-taasan (Deuteronomio 26:19, 32:8; Awit 18:13; Genesis 14:18; Bilang 24:16; Awit 78:35, 7:17, 18:13, 97:9, 56:2, 78:56, 18:13; Daniel 7:25, 27; Isaias 14:14.) Makapangyarihan (Genesis 49:24; Deuteronomio 10:17; Awit 132:2, 5; Isaias 1:24, 49:26, 60:1)
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 9 Sanga (Zecarias 3:8, 6:12; Isaias 4:2; Jeremias 23:5, 33:15) Banal ng Israel (Awit 71:22; Isaias 40:25, 43:3, 48:17) Diyos na Nakakakita (Genesis 16:13) Mapanibughuin (Exodo 20:5, 34:14; Deuteronomio 5:9; Isaias 9:7; Zecarias 1:14, 8:2) Tagapagligtas (Awit 18:2) Ang Diyos ay Tagapagligtas (Isaias 43:3) Manunubos (Job 19:25) Kalasag (Awit 3:3, 18:30) Bato (Genesis 49:24) Kalakasan (Awit 22:19) Diyos na Matuwid (Awit 7:9) Walang Hanggang Diyos (Genesis 21:33; Awit 90:1-3, 93:2; Isaias 26:4) Hari (Awit 5:2, 29:10, 44:4, 47:6-8, 48:2, 68:24, 74:12, 95:3, 97:1, 99:4, 146:10; Isaias 5:1, 5, 41:21, 43:15, 44:6; 52:7, 52:10) Ama (2 Samuel 7:14-15; Awit 68:5; Isaias 63:16, 64:8; Malakias 1:6) Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan (Isaias 9:6) Gayundin naman, ang pangalan Jesus ay may iba't ibang tunog ayon sa mga wika: Wika Pangalan/variant Afrikaans = Jesus Albanian = Jezui Arabic = ʿIsà ( عيسىIslamic or classical arabic) / Yasūʿيسوع (Christian or latter Arabic) Amharic = ኢየሱስ (iyesus) Aragonese = Chesús Aramaic/Syriac = (ܝܫܘܥIsho) Arberesh = Isuthi Armenian = Հիս$ս (Eastern Armenian) / Յիս$ս (Western Armenian) (Hisus)
10 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Azerbaijani = İsa Belarusian = Ісус (Isus) (Orthodox) / Езус (Yezus) (Catholic) Bengali = (Jeeshu/Zeeshu) (Christian) ' ('Eesa) (General) Breton = Jezuz Bulgarian = Исус (Isus) Catalan = Jesús Chinese = simplified Chinese: 耶稣; / traditional Chinese: 耶 穌; pinyin: Yēsū Coptic = Ⲓⲏⲥⲟⲩⲥ Cornish = Yesu Croatian = Isus Czech = Ježíš Dutch = Jezus Estonian = Jeesus Filipino = Jesús (Christian and secular) / Hesús or Hesukristo (religious) Fijian = Jisu Finnish = Jeesus French = Jésus Galician = Xesús Garo = Jisu Georgian = იესო (Ieso) Ewe = Yesu Greek = Ιησούς (Iisús modern Greek pronunciation) Haitian Creole = Jezi Hausa = Yesu Hawaiian = Iesū Hebrew = Yeshua/Y'shua ַע#$ֵי Hindustani = ईसा/ (عيسىīsā) Hmong Daw = Yexus Hungarian = Jézus Icelandic = Jesús Igbo = Jisos Indonesia = Yesus (Christian) / Isa (Islamic) Irish = Íosa
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 11 Italian = Gesù Japanese = イエス(Iesu)/イエズス(Iezusu)(Catholic)/ゼス(zesu) ゼズス(zezusu)(Kirishitan)イイスス(Iisusu)(Eastern Orthodox) Jinghpaw = Yesu Kannada = !ೕಸು(Yesu) Kazakh = Иса (Isa) Khasi = Jisu Khmer = eយសូ$ (Yesu), eយស$ូវ(Yesuw) Kikuyu = Jeso Kisii = Yeso Korean = 예수(Yesu) Kurdish = Îsa Latvian = Jēzus Ligurian = Gesû Limburgish = Zjezus Lithuanian = Jėzus Lombard = Gesü Luganda = Yesu Māori = Ihu मराठी-Marathi येशू- Yeshu Malagasy = Jeso, Jesoa, Jesosy Malayalam = ഈേശാ(Īsho), േയശു(Yēshu), കർtാവ്(Kartāvŭ) (Karthavu is the literal translation of 'Lord') Mirandese = Jasus Maltese = Ġesù Mongolian = Есүс Neapolitan = Giesù Norman = Jésus Occitan = Jèsus Piedmontese = Gesù Polish = Jezus Portuguese = Jesus Romanian = Iisus (Eastern Orthodox) / Isus (other denominations) Russian = Иисус (Iisus) Sardinian = Gesùs
12 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Serbian = Isus / Исус Sicilian = Gesù Sinhala = ෙ\"සu%වහ(ෙ%- Jesus Wahanse (Catholic Church), ෙ)සu%වහ(ෙ%- Yesus Wahanse (Protestantism) Shona = Jesu Slovak = Ježiš Slovenian = Jezus Somali = Ciise Spanish = Jesús Swahili = Yesu Tajik = Исо (Iso) Tamil = Yesu ( ) Telugu = - - Yesu Thai = เย#- \"Yesu\" Turkish = İsa Turkmen = Isa Ukrainian = Ісус (Isus) Urdu = عیس Uzbek = Iso Venetian = Jesu Vietnamese = Giêsu, Dêsu Welsh = Iesu Xhosa = Yesu Yoruba = Jesu Zulu = uJesu Ayon sa talaan ng mga pangalan at titulo na patungkol sa Diyos, maaapektuhan ba nito ang aking kaligtasan kung ang aking bigkas o tunog ay iba sa nakasanayan? Tulad halimbawa, hindi sinabi ni Pablo sa Roma 10:13 na \"Sapagka't, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon na may wastong pagbigkas ay mangaliligtas\" o \"ang may maling pagbigkas ay hindi maliligtas\" ngunit simpleng “Sapagka't, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” Walang kinalaman sa maling pagbigkas sa pangalan ng Panginoon sa kalig‐ tasan ng isang tao.
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 13 Balikan natin ang ilang talata sa Roma 10 upang maunawaan natin ang mahalagang sangkap ng pagtawag sa pangalan ng Panginoon. \"Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral: Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas. Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya. Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapag‐ ka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag.” — ROMA 10:8-12 Samakatuwid, ang mahalagang sangkap sa pagtawag sa pangalan ng Panginoon ay ang pagsampalataya sa ebanghelio ng Panginoong Jesus, \"na si Kristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasula‐ tan, at siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw\" (1 Corinto 15:1-4). Ipinaliwanag ang ebanhelio sa Roma 6:1-4, \"…tayong lahat na mga nabautismuhan kay Kristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan. Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamag‐ itan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Kristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.\" Kaya't upang masunod ang ebangheliong pinanampalatayanan, ang mga nanam‐ palataya ay \"nagsisi at tinalikuran ang mga kasalanan, nagpabautismo sa pangalan ni Jesukristo upang patawarin, at tinanggap ang kaloob ng Espiritu Santo\" (Mga Gawa 2:38). Ang nananampalataya sa pangalan ni Jesuskristo \"ay hindi mapapahiya\" (Roma 10:10; Isaias 49:23) sapagkat
14 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” “wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin” (Gawa 4:12). Kung ang mga Muslim ay naniniwala kay ”Isà \"عيسى (Jesus sa wikang Arabic) bilang isang propeta ni Allah na katulad ni Mohammad, ang pananampalataya ko sa pangalan ni Jesus, Isa, Hesus, Jesu o ano pa mang salin ng Kaniyang pangalan at hindi nagpapabago ng ebanghelyo na sa akin ay ipinangaral, na aking namang tinanggap, na akin namang pinananatilihan. Gayunpaman, maaari pa ring igiit ng mga kritiko ang tanong na: “Paano mo ipagtatapat at tatawagin ang pangalan ng Panginoon kung hindi mo alam ang tamang pagbigkas ng Kanyang pangalan?” Ang may-akda ay maaaring tumugon ng ganito kalinaw: Hindi iyon ang alalahanin ng teksto. Maging si Pablo ay hindi gumamit ng AEIE o Yahweh o Jehovah upang italaga ang pangalan ng PANGINOON, sa halip ay ginamit niya ang KYRIOU (Κυρίου). Kapansin-pansin, maaari niyang pinanatili ang salin ng AEIE o Yahweh o Jehovah ng Joel 2:32 sa Roma 10:13, ngunit hindi niya ginawa. At sa paggawa niya nito ay hindi siya inakusahan na \"sinungaling\" o \"nagkakalat ng maling patotoo\" sapagkat, kahit naisalin sa ibang wika at nagbago ang tunog, ang pananam‐ palataya at ang katotohanan ay nanatili na ang nagliligtas na Diyos ng Lumang Tipan at ang Diyos ng Bagong Tipan ay nag-iisa at di nahahati. Paglapastangan sa Pangalan ng Panginoon Nilalapastangan nga ba talaga natin ang pangalan ng Panginoon sa pamamagitan ng maling pagbigkas nito? Gustung-gustong igiit ng mga kritiko na nilalapastangan natin ang pangalan ng Panginoon kung iba ang ating pagbigkas nito o iba ang salin nito. Pinatunayan nila ang kanilang pananaw sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng tao, na kung ang orihinal na pangalan mo ay \"Lovello\" at mali ang pagbigkas ko sa pangalan mo bilang “Lowelo,\" “Lovelyo,\" “Love,” “Genius,” “Good,” o “Good Judger,” magiging masaya ka ba kung maririnig mo ito? Ang matunog nilang sagot ay hindi! Maaari rin itong ilapat sa maling pagbigkas sa pangalan ng Diyos bilang
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 15 Jehovah o Yahweh, ang sabi nila. Hindi masaya ang Diyos kung mali ang pagbigkas ng Kanyang mga tao sa Kanyang banal na pangalan. Ang mga taong gumagamit ng Yahweh o Jehovah ay tinawag nila na \"mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong\" (Mateo 15:19) at \"sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan\" (Kawikaan 6:19). Sa kasamaang palad, ang argumentong ito ay maaaring maging matagumpay kung ang batayan lamang ay ang pananaw ng tao. Gayunpaman, kung titingnan ang mga batayan ng Bibliya ng argu‐ mentong ito, ito ay may kulang. Ang isyu ng maling paggamit ng pangalan ng PANGINOON sa Exodo 20:7 ay \"Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan,\" ay pangunahing nauugnay sa salitang \"walang kabuluhan\" maaari itong isalin bilang \"kakulangan ng katarun‐ gan,\" \"kasinungalingan,\" \"kawalan ng kabuluhan,\" \"kawalan ng laman.\" Sa Lumang Tipan, ang nagdudulot ng kasiraang-puri sa pangalan ng Diyos ay ginawa sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa isang panunumpa o panata sa Kanyang pangalan. \"At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan, na anopa't lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios; ako ang Panginoon\" (Levitico 19:12). Dapat din silang mag-ingat na huwag gamitin ang Kanyang pangalan nang walang paggalang, tulad ng gaya ng pagmumura sa galit. \"At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon\" (Levitico 24:16). Kaya, ang pagpipitagan sa pangalan ng Diyos ang pangunahing layunin ng ikalawang utos (Exodo 20:7; Awit 111:9; Ecclesiastes 5:1, 2). Ang paglalarawan sa labas ng saklaw ng Kasulatan ay hindi ligtas sapagkat maaari nating gamitin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan sa pamamagitan ng paggamit ng walang kabuluhang mga paglalarawan ng tao. Ilang Salita Mula sa Pagano
16 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Bago tayo matuligsa muli ng mga kritiko na ito na nagsasabi na ang \"YHWH, Yahweh, Yahwah at Jehovah\" ay pawang mga hinulaan, kasinun‐ galingan at inimbentong pangalan ng Diyos at \"ang mangaral gamit ang mga ito ay walang katotohanang pagsaksi at mga pamumusong\" (Mateo 15:19), at \"nagpapatotoo ng kasinungalingan\" (Kawikaan 6:19), kailangan muna nilang maunawaan na ang Lumang Tipan pati na ang Bagong Tipan ay gumagamit ng mga salita na nauugnay sa mga pagano tulad ng Elohim (1 Samuel 5:7; 1 Mga Hari 11:33; 18:24; 1 Mga Hari 11:5), Baal (Isaiah 54:5; Joel 1:8), atbp. Sa palagay ko ay totoo ang ilan sa mga bagay na itinuturo nila ngunit napakalayo nila sa ilan sa kanilang mga pahayag na nagsasabi ng mga pangalang \"YHWH, Yahweh, Yahwah at Jehovah\" at ng mga salitang tulad ng \"Hallelujah,\" \"Langit,\" \"Banal,\" \"Amen,\" \"Templo,\" atbp. ay pawang sa mga pagano nag-ugat gayong ang mga ginagamit nilang salita na kanilang tinatanggap ay nag-ugat din sa pagano. Para bang namana sila na nakatutok sa kanila ang palaso. Para bang sumigaw sila at ito ay bumalik sa kanila. Narito ang ilang mga salita na ginagamit sa Biblia at nag-ugat sa pagano. Adonai: (1) Kinuha mula sa diyos ng Phoenician ng mga bansang Babylonia; (2) Ito ay mula sa salitang ADONIS (isang Paganong diyos ng Phoenician - mga bansang Babylonin) kung saan ang salitang ADONAI ay ipinaglihi; (3) Ang unlapi ng Adonai ay: ADON (isang Paganong diyos). Kapag pinagsama ang Adonai ay nangangahulugang na Aking Adon. Baal (pang-isahan), Baali (pangmaramihan), Baalim (palansak na pangngalan): (1) Ang ibig sabihin ng Baal ay Panginoon; (2) Kataas-taasang lalaking diyos ng mga Phoenicians, Canaanites, at Babylonians; (3) Nagkaroon ng asawang taga- Babylonia na nagngangalang Semiramis; (4) Isang Babylonian na diyos na ipinakilala ng Israel habang bihag ng mga Babylonians (Jeremias 23:26-27; Jeremias 12:16, at Oseas 2:16-17). Christ: Ang maruming terminolohiya at titulo ni Kristo ay ipinalit sa purong salita sa Hebreo na Mashiach. (1) Isang
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 17 pamagat na Griyego na ginamit upang ilarawan ang diyos ng Araw na si Apollo; (2) Isang titulong ibinigay sa paganong diyos na Griego na tumutukoy sa kanilang mataas na saserdote, at mga saserdote ng kanilang paganong relihiyon at hindi ang Anointed ng pananampalatayang Hebreo; (3) Ang salin sa Ingles na \"Christ\" ay nagmula sa pangalang Griyego na \"Krishna.\" Si Krishna ang tagapagligtas ng mga Hindu; (4) Ang Griyegong ebolusyon ng salitang Christ: Christos - Chrisma - Krishma - Christian-os (tagasunod). Ang mga titik na \"OS\" ay mga titik na nagtatago ng pangalan ng diyos ng Griego na si Zeus. Simbahan / Iglesia : Ang salitang \"simbahan\" ay mula sa wikang Griyego na \"circe\" ay nangangahulugang panayam sa mga patay, kulam, o sirco. Tandaan: Hindi kailanman ginamit ni Jesus ang salitang ito nang Siya ay nasa lupa. Hindi kailanman sinabi ni Jesus: \"sa batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan.\" Siya ay nagsabi: \"sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking ekklesia\" (iglesia sa wikang Tagalog na mga taong tinawag mula sa mundo at patungo sa Diyos). El: (1) Isang pangkaraniwang paganong pamagat para sa \"Diyos;\" (2) Unang ginamit ng mga Babylonians; (3) Isang titulo din na ibinigay sa mga demonyo, at mga huwad na diyos. Tandaan: Sa palagay mo ba ay nais ng Ama sa langit na makasama ang mga paganong diyos at demonyo? Hindi! Sabi Niya, \"Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios\" (Isaias 45:5). God (Diyos): (1) Ang titulo na \"god\" ay nagmula sa Dutch na salitang \"god\" na kinuha mula sa German na salitang \"gott,\" na kinuha mula sa Gothic na salitang \"guth,\" na kinuha mula sa Teutonic/Aryan root na \"gudo,\" na kinuha mula sa salitang Griyego na “Theos,” na kinuha mula sa salitang Babylonian / Phoenician na \"El.\" Iesous: Nagmula sa Griyegong diyos na si \"Ieso\" (isang diyos na nagpapagaling). Pagkatapos ay ibinigay at ikinabit ng mga
18 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Griyego kay \"Ieso\" ang panlalaking pangalan ni \"Iesous\" at ginamit ito upang makilala ang Tagapagligtas na si Jesus. Jesus: Ang pangalang Jesus ay isang pangkultura na pagpapakahulugan ng pangalang Latin na Iesus. Ang Iesus ay isang pangkultura na pagpapakahulugan ng Griyegong pangalan na Iesous. Ang Iesous ay isang pangkultura na pagpapakahulgan ng Yesua na isang pagtatago para sa pangalang Yahshua. Tama Subalit Malaking Kamalian Ang salitang Hebreo ba na \"Panginoon\" ay talagang isang paganong titulo? Ang sagot ay parehong tama at mali. Higit na mali sila kaysa tama, ngunit may malaking butil ng katotohanan sa kanilang sinasabi. Narito ang ibig kong sabihin. Isa sa mga salitang isinalin bilang \"Panginoon\" sa Lumang Tipan ay ang salitang Baal. Ang Baal ay pare‐ hong pangalan ng isa sa mga pagano, mga diyos ng Canaan ng ikalawa at unang milenyo BC, at ito ay isang uri ng panlahat (generic) na salita na ginamit ng mga sinaunang tao para sa \"panginoon\" o \"diyos.\" Sa madaling salita, nang magbuo ng isang salita para sa tunay na Diyos ng Israel, ang isa sa mga pangalang ginamit ay “Diyos.” Ang salita para sa \"Diyos\" o \"Panginoon\" noong panahong iyon ay ang salitang Baal. Ang mga Hebreo ay gumamit lamang ng karaniwang salita sa kanilang wika bilang isang pagpapangalan sa Diyos. Ibig sabihin, kapag gumagamit ang mga tao ng mga salita para sa Diyos ay ginagamit nila ang panlahat (generic) na salita para sa Diyos sa kanilang partikular na wika at panahon. Gayunman, sa kabila ng malayang paggamit ng pangkaraniwang salita na mula sa pagano para sa \"Panginoon,\" nagbigay ang Diyos ng natatanging babala at paglilinaw sa Oseas 2:16-17, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal. Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal.\"
ANG PAGTATALO TUNGKOL SA KAHULUGAN NG \"AKO NGA\" 19 Bilang paghahalintulad, maging ang salitang Ingles na \"God\" ay may dalawang kahulugan. Ang \"Diyos\" ay salita para sa tunay na Diyos, ngunit ito rin ay panlahat (generic) na salita para sa sinumang diyos. Sa kabutihang palad, mayroon tayong pagpipilian na isulat sa malaking titik ang salitang \"Diyos\" o gamitin ang maliit na titik na diyos upang hindi makalito. Kaya, ang mga kritikong ito ay bahagyang tama. Pero higit mali sila kaysa tama. Hindi kailanman ginamit ng mga Judio ang salitang Baal para sa isang paganong diyos—isa sa maraming diyos. Sina Abraham at Moses at Isaac at Noah ay naniwala sa iisang Diyos ng sansinukob. Tinatawag nila itong Diyos kung minsan ay El, Elohim, Adonai, Baal, Yahweh o Jehovah. Ang lahat ng mga pangalang ito ay ginamit sa Diyos at higit sa isa sa mga ito ay nagmula sa paganong paggamit, ngunit wala ni isa man sa mga ito ang ginamit ng mga patriyarka na para bang ang Diyos ng Israel ay bahagi ng isang uri ng paniniwala ng maramihang diyos at paganong pagsamba. Isa itong ganap na maling paratang. Si Abraham ay nagmula sa isang paganong nakaraan, ngunit ang Diyos na kanyang sinasamba ay siya ring Diyos na ating sinasamba. Hindi umusbong ang Judaismo mula sa paganismo, at ang paggamit ng salitang El, Baal, Yahweh o Jehovah sa Bibliya ay tiyak na hindi katibayan upang itaguyod ang maling paratang. PAGPAPASYA Kanino Ibinigay ang Kaalaman tungkol sa Diyos? Kung ang Bibliya ay mauunawaan lamang ng mga taong matatalino, iskolar, doktor, etymologist at linguist, kawawa naman ang mga pangkaraniwang tao sapagkat hindi sila magkakaroon ng pagkakataong makilala ang Diyos. Gayunpaman, ang kabaligtaran ay ang katotohanan. Ang Diyos ay walang pagtatangi o mga tao (Mga Gawa 10:34). Ang pagkakilala sa Diyos ay makukuha ng bawat tao sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya (Efeso 2:8-9) sa Salita ng Diyos (Roma 10:17). Ang taong naghahanap ng katotohanan sa Bibliya ay dapat mag-aral ng Banal na Kasulatan nang may panalangin, humi‐
20 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” hiling sa Diyos na gabayan ang kanyang isip at paliwanagin ng Kanyang Salita. Hindi siya dapat umasa sa karunungan ng mundong ito dahil ito ay kamangmangan sa Diyos (1 Corinto 3:9). “Ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay” (2 Corinto 3:6). Ang Espiritu ng Diyos ang magtuturo at aakay sa atin sa lahat ng katotohanan” (Juan 14:26; 16:13). Ang mga aklat, artikulo sa internet at archeology ay magiging mabuting tulong kung hindi sila sumasalungat sa Salita ng Diyos. Ang sinumang may pag-aalinlangan at handang gumugol ng pagsisikap sa pagsisiyasat, ay maaaring magsaliksik ng masaganang patunay mula sa archeology na nagpapakita ng katotohanan ng mga pangyayaring nakikita natin sa Bibliya. Subalit, bago gumamit ng iba pang mga sanggunian maliban sa Banal na Kasulatan, dapat suriin muli ang mga mapagkukunan kung ang kanilang mga sanggunian ay sumasang- ayon sa Bibliya, hindi ang Bibliya ang dapat sumang-ayon sa kanila.
PINILI NGA BA NI MOISES NA MAGLINGKOD KAY KRISTO? PUNA NG MGA KRITIKO S inabi ng mga kritiko na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Hebreo 11:24-26 upang patunayan na pinili ni Moises na maglingkod kay Kristo. Idinagdag pa nila, \"Pinili ni Moises na maglingkod sa Mesiyas kahit na siya ay inampon ng prinsesa ng Ehipto. Sino ba ang Diyos na nagligtas kay Moises at mga Isreilita mula sa mga Ehipsiyo? Alam ng may- akda ng Aklat ng Hebreo na ang Diyos na nagligtas kay Moises at sa mga Israelita mula sa Ehipto ay si 'Kristo' at tinatawag natin Siyang si Jesukristo sa panahon ngayon sa Bagong Tipan.\"
22 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” ANG MGA TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT \"Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumang‐ ging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Kristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran.” — HEBREO 11:24-26 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Ang mga talata ay halos eksaktong sipi mula sa isa sa mga pinuno ng mga Awit ukol sa Mesiyas (Psalm 89:50-51). \"Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan; Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kani‐ lang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.\" Sinasabi ng manunulat dito na ang kaniyang sarili ay nagdadala ang “kadustaan ng pinahiran ng langis” ng Panginoon. Ang kahihiyan na tinanggap ni Moises sa pamamagitan ng pagsama sa mga tao ng pangako ay, samakatuwid, ang \"kadustaan na katulad ng tiniis ni Kristo,\" ang uri ng \"kadustaan\" na sa mga huling araw ay ibaba‐ hagi ng Kanyang mga tao sa Kanya (Hebreo 13:13; 2 Corinto 1:5; Roma 15:3; Filipos 3:7-11; Colosas 1:24). Sabi sa Hebreo 11:25, \"Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan
PINILI NGA BA NI MOISES NA MAGLINGKOD KAY KRISTO? 23 ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala.\" Tiniis ni Moises ang mga kahihiyan na gaya ng dinanas ni Kristo. Ginamit ng apostol ang pananalita bilang isang uri ng teknikal na parirala, na lubos na nauunawaan sa kanyang panahon, upang tukuyin ang mga kahihiyan na tiniis sa layunin ng relihiyon. Ang mga Kris‐ tiyano noong panahong iyon ay natural na naglalarawan sa lahat ng kahihiyan dahil sa pananampalataya na tiniis dahil kay Kristo. Si Pablo ay maaaring gumamit ng pariralang ito upang tukuyin ang mga kadustaan sa layunin ng pananampalataya - ibig sabihin ay nagdusa si Moises na, nang isulat ng apostol ay tatawaging \"mga kadustaan ni Kristo.\" PAGPAPASYA Sa Hebreo 11:24-26, tiniis ni Moises sa kanyang sarili ang kadustaan sa pakikisama sa kanyang inaaping mga tao sa kamay ng mga Ehip‐ siyo, na kapareho ng pagdanas ng kahihiyan ni Kristo sa kamay ng mga hindi mananampalataya. Una, ginagamit ito ng manunulat bilang isang kasalukuyang anyo ng pagpapahayag, na nagbibigay kulay sa kuwento ni Moises na may bahid ng pagiging Kristiyano. Ikalawa, walang anumang sipi sa Lumang Tipan kung saan nagpapatunay na nagpahayag si Moises kay Jesukristo at pinili ni Moises na maglingkod sa Kaniya.
ALAM NA NGA BA NI PROPETA HABACUC ANG PANGALAN NI JESUS? PUNA NG MGA KRITIKO A ng mga kritiko ay nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Habakkuk 3:18 upang patunayan na alam na ni Habacuc ang pangalan ni Jesus. Idinagdag pa nila, \"Ipinakilala ng Diyos ang Kaniyang sarili sa mga propeta sa pangalang 'Panginoon' (Isaias 42:8; Jeremias 33:2). Nakilala ni Propeta Habacuc ang pangalang Jesus sa Lumang Tipan (Habacuc 3:18) mula sa Biblia Sacra Vulgata (sepi ng Bibliya sa wikang
AL AM NA NGA BA NI PROPETA HABACUC ANG PANGAL AN … 25 Latin) na nagsasabi, \"Ego autem in Domino gaudebo; et exsultabo in Deo Jesu meo.\" Kapareho din sa Douay-Rheims 1899 American Edition, “Nguni't ako'y magagalak sa Panginoon: at ako'y magagalak sa Dios na aking Jesus.” Napakalinaw na ang \"Panginoon\" na binanggit sa Lumang Tipan na ang pangalan Niya ay Jesus. Si Jesus ay Jesus mula pa sa simula!” ANG TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT \"Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.” — HABACUC 3:18 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Si Propeta Habacuc, mula sa Lumang Tipan, ay naunang nabuhay kaysa sa pagpapahayag ng Diyos sa laman at pagbibigay ng pangalang Jesus ay matapos pa ang 609 hanggang 598 na taon. Ang pagkakatawang tao ay naganap sa tamang kapanahunan na ipinan‐ ganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan (Galacia 4:4). Nagbigay ng hula sina Isaias at Zecharias sa Lumang Tipan tungkol sa Kaniyang pangalan (Isaias 9:6; Zecharias 14:7-9). Tinawag ni Isaias Siya na \"Immanuel\" (Isaias 7:14). Sinulat ni Mateo ang pangalang itatawag sa Kaniya ay \"Emmanuel\" na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios (Mateo 1:23). Ang pangalang Jesus ay ipinahayag nang ang anghel ng Panginoon na nakipag-usap kay Jose sa isang panaginip (Mateo 1:20). Gayundin naman, sinabi ng anghel na si Gabriel kay Maria na maglilihi siya sa kaniyang tiyan, at mangan‐ ganak siya ng isang lalake, at tatawagin niya ang Kaniyang pangalang Jesus (Lucas 1:31). Balikan natin ang pahayag ng mga kritiko. Sinimulan nila ang pagpa‐ pakilala ng Diyos sa Kaniyang sarili sa mga propeta sa pangalang \"Panginoon.\" Ginamit ang Habakkuk 3:18 upang palitan ang talatang
26 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” \"ng aking kaligtasan\" (ng pangalang Jesus mula sa Biblia Sacra Vulgata na kapareho din sa Douay-Rheims 1899 American Edition). Mula sa Strong's Concordance, ang talatang \"ng aking kaligtasan\" ay mayroong ganitong pagsasalarawan: Orihinal na Salita: ע#ַ ֶי Bahagi ng Pananalita: Panlalaking Pangngalan Pagsasatitik: yesha Pagbaybay Ayon sa Tunog: (yeh'-shah) Kahulugan: pagpapalaya, pagliligtas, kaligtasan, kapakanan Ginamit din ang orihinal na salitang \"Yesha\" sa mga sumusunod na tala mula sa Biblia subalit pinanatili ang tamang kahulugan at hindi binago ito upang maging pangalang Jesus: 2 Samuel 22:3; 2 Samuel 22:36; 2 Samuel 22:47; 2 Samuel 23:5; 1 Chronicles 16:35; Job 5:4; Job 5:11; Awit 12:5; Awit 18:2; Awit 18:35; Awit 18:46; Awit 20:6; Awit 24:5; Awit 25:5; Awit 27:1; Awit 27:9; Awit 50:23; Awit 51:12; Awit 62:7; Awit 65:5, Awit 69:13; Awit 79:9; Awit 85:4; Awit 85:7; Awit 85:9. PAGPAPASYA Ang literal na dagdag-bawas sa salita ng Diyos na magdudulot ng pagbabago sa konteksto o mensaheng ibinabahagi (Kawikaan 30:6, Pahayag 22:18-19). Halimbawa: Idinagdag ng ahas ang salitang \"hindi\" (Genesis 3:4) sa utos ng Diyos (Genesis 2:17). Sa gayon ay nabago ang mensahe ng Diyos. Gayunpaman, ang transliterasyon o pagsasalin mula sa orihinal na wika patungo sa iba ay hindi lumalabag sa utos sa kondisyon na ang konteksto o mensahe ay hindi binago. Ang usaping ating kinakaharap na gamitin ang pangalang \"Jesus\" mula sa orihinal na salitang \"yesha\" o \"ng aking kaligtasan\" upang patunayan na isini‐ walat nga ni Habacuc ang pangalan ni Jesus sa Lumang Tipan. Ito ay isang malinaw na paglabag sa utos ng Diyos na naglalayon na magkalat ng maling aral.
AL AM NA NGA BA NI PROPETA HABACUC ANG PANGAL AN … 27 \"Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.” — DEUTERONOMIO 4:2; 12:32
KAILAN IPINAHAYAG ANG PANGALANG JESUS AYON SA ANGHEL? PUNA NG MGA KRITIKO A ng mga kritiko ay nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Lucas 2:21 upang patunayan na ang pangalang Jesus na naihayag ng anghel bago pa Siya ipinaglihi sa sinapupunan ni Maria. Ito ang siyang pangalan ng Amang Espiritu. ANG TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT
KAIL AN IPINAHAYAG ANG PANGAL ANG JESUS AYON SA AN… 29 \"At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.” — LUCAS 2:21 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Ang pagpapahayag ng anghel ay nangyari bago ang paglilihi sa sina‐ pupunan ni Maria at hindi sa Lumang Tipan. Walang anumang sipi mula sa Banal na Kasulatan ang makapagtataguyod ng pahayag ng mga kritiko. Ang Lucas 2:21 ay tumutukoy sa pagpapahayag ng anghel kay Maria (Lucas 1:31) at kay Jose (Matthew 1:21). Ang talatang \"bago siya ipinaglihi sa tiyan\" ay hindi nagpapatunay na na ang pangalang Jesus ay inihayag na sa panahon ng Lumang Tipan. PAGPAPASYA Ang sipi mula sa Luke 2:21 ay hindi nagtataguyod ng pahayag na ang pangalang JESUS ay ipinakilala na mula pa sa Lumang Tipan. Walang anumang talata na nabanggit sa Lumang Tipan na ipinahayag na ng anghel ang pangalang Jesus.
NAPARITO AKO SA PANGALAN NG AKING AMA PUNA NG MGA KRITIKO A ng mga kritiko ay nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Juan 5:43-45. Idinagdag pa nila, \"Ipinahayag na ni Kristo ang pangalan ng Ama, na siyang Diyos ng Lumang Tipan, at ngayon at magpakailan man. Kung gayon ay Jesus ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan, ngayon, at magpakailan man.\" ANG TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT
NAPARITO AKO SA PANGALAN NG AKING AMA 31 \"Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin. Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatang‐ gapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios? Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.” — JUAN 5:43-45 \"Si Jesukristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” — HEBREO 13:8 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Wala akong pagsalungat sa katotohanan na naparito ang Kristo sa pangalan ng Ama (Juan 5:43-45; Juan 17:6). Siya ay nagmana ng lalong marilag na pangalan (Hebreo 1:4, Filipos 2:9-11). Kaya nga, nasasabi ni Jesukristo na \"Ako at ang Ama ay iisa\" (Juan 10:30), hindi lamang sa tinataglay ni Kristo ang pangalan ng Ama, kundi nasasabi din Niya na \"Ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin\" (Juan 14:9-11). Anupa't ang buong kapuspusan ng kalikasan ng Diyos ay nanahan sa laman (Colosas 2:9). Gayundin naman, ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo na ipinakilala at ipinangako Niya sa Juan 14:16-18, ay sinugo ng Ama sa pangalang Jesus (Juan 14:16). Kaya isiniwalat ni Jesukristo na ang pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo (Mateo 28:19) ay Jesus. Ito ang dahilan kung bakit nagbabautismo ang mga
32 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” apostol sa pangalan ni Jesus (Gawa 2:38; Gawa 8:16; Gawa 10:48; Gawa 19:5; Gawa 22:16; Roma 6:3-4; 1 Corinto 1:13; 1 Corinto 6:11; Galacia 3:27; Colosas 2:12; Santiago 2:7) bilang pagsunod sa utos ng Panginoong Jesus sa Mateo 28:19. Ngayon, tungkol sa Juan 5:43-45, ang taong si Kristo Jesus ay tahasang tumutukoy sa paraan ng pagliligtas ng Diyos gaya ng sa mga talata 24 at 39 (upang matupad ang layunin ng Kanyang pangalan na nangangahulugang “Ang Diyos ay Kaligtasan”) ngunit hindi naniniwala ang mga tao na ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos ay nananahan sa Kanya sa katawan upang maging Mesiyas. Kung may darating sa sarili niyang pangalan - bilang huwad na guro para magturo ng ibang ebanghelyo (Galacia 1:6-7), ang anticristo na hindi nagpapahayag na si Jesukristo ay naparito sa laman (1 Juan 4:1-6), o ang Hayop na sasabihin ng mga tao “Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?” (Pahayag 13:4) - tatanggapin siya ng mga tao. Tungkol sa Hebreo 13:8, ipinahihiwatig nito na ang isa sa mga katan‐ gian ng Diyos na espiritu ay \"immutability\" o \"hindi nagbabago\" (Hebreo 1:12; Awit 90:2; Awit 102:27). Hindi sakop ng mga talatang ito ang hindi pagbabago ng pangalang Jesus. Kahit alam natin na ang Diyos ay nagliligtas sa Lumang Tipan (2 Samuel 22:3; 2 Samuel 22:36; 2 Samuel 22:47; 2 Samuel 23:5; 1 Chronicles 16:35; Job 5:4; Job 5:11; Awit 12:5; Awit 18:2; Awit 18:35; Awit 18:46; Awit 20:6; Awit 24:5; Awit 25:5; Awit 27:1; Awit 27:9; Awit 50:23; Awit 51:12; Awit 62:7; Awit 65:5, Awit 69:13; Awit 79:9; Awit 85:4; Awit 85:7; Awit 85:9), ang pangalang Jesus ay ipinahayag lamang sa Bagong Tipan sa tamang kapanahunan. PAGPAPASYA Ang John 5:43-45 ay hindi nagtataguyod sa pahayag ng mga kritiko na ang pangalang Jesus ng Ama ay ipinahayag na sa sanlibutan simula sa Lumang Tipan. Ang Diyos ay may mga pangalan at titulo (tulad ng El Elyon - Kataas-taasang Diyos, El Shaddai - Makapangyarihang Diyos, atbp.) na inihayag sa Lumang Tipan sa ilang mga tao sa ilang mga panahon ng dahan-dahan upang magpakilala ng katangian ng Diyos.
NAPARITO AKO SA PANGALAN NG AKING AMA 33 Hanggang sa ang pangalan niyang Jesus ay inihayag sa Bagong Tipan sa itinakdang panahon upang ipahayag na ang Diyos ay sumasa atin (Matthew 1:23) upang iligtas Niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan (Matthew 1:21; Luke 24:47; Acts 2:38; Acts 4:12; Acts 10:43; Colossians 3:17).
KAHAPON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN PUNA NG MGA KRITIKO A ng mga kritiko ay nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Hebreo 13:8. Sa pagsasabing si Jesuscristo ay siya ring kahapon, ngayon at magpakailanman. Kaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus kahapon (sa Lumang Tipan), ngayon, at magpakailanman.
KAHAPON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN 35 ANG TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT \"Si Jesukristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” — HEBREO 13:8 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Sa Hebreo 13:8, ito ay patungkol hindi bilang tao ni Jesukristo na may limitasyon kundi bilang Diyos na Espiritu \"sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman\" (Colossians 2:9). Sa Hebreo 13:6-7 ay ibinabalik ng Diyos sa kanilang alaala ang kabutihan ng Diyos sa Lumang Tipan na hindi nagbabago, gayon din sa Bagong Tipan, at sa darating pang panahon. Isa sa mga katangian ng Diyos, maliban sa nalalaman ang lahat, naro‐ roon kahit saan mang dako, makapangyarihan, hindi nakikita, walang hanggan, banal, mabuti, atbp. ay HINDI NAGBABAGO. Hindi nagbabago ang Diyos sa kaniyang mga katangian mula noon, hang‐ gang ngayon at magpakailanman. Ang Bibliya ay nagpapatotoo sa isang Diyos na nakaka-alam ng lahat, isang walang hanggang Diyos, isang Diyos na naroon sa lahat ng dako, isang makapangyarihang Diyos, at isang Diyos na walang hanggan! Ipinapahayag ng Kasulatan na ang ating Diyos ay: Lumikha ang mundo at lahat ng naririto sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Hinati ng ating Diyos ang Dagat na Pula, at pagkatapos ay nilunod ang kaaway. Ang ating Diyos ay naglaan ng manna sa ilang, at naglabas ng tubig mula sa bato. Ang Diyos ding iyon ang nagpatag sa mga pader ng Jerico at pinatigil ang araw sa kalangitan.
36 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Sinasabi ng Bibliya na pinagaling ng ating Diyos ang mga may sakit. Binuhay niya ang mga patay. Binuksan ng ating Diyos ang mga bulag na mata, at pinalakad muli ang pilay. Iniligtas ng ating Diyos ang mga sinasapian mula sa bawat masamang espiritu, at ipinadala ng ating Diyos ang Kanyang sariling Espiritu Santo upang punuin ang mga mananampalataya ng kapangyarihan mula sa itaas. Ang Diyos ng Bibliya ay isang makapangyarihang Diyos; Siya ay isang makapangyarihang Diyos! Gayunman, ang ilan ay tila nag-iisip na nawalan na Siya ng Kanyang kapangyarihan. Itinuturo ng ilan na hindi na Siya nagpapagaling, na hindi na Siya mahimalang nagliligtas, at hindi na Niya pinupuno ang mga kaluluwa ng Espiritu Santo. Pero mali sila! Sila ay maling-mali! Sapagkat hindi lamang Siya inilalarawan ng Bibliya bilang walang hanggan, saan mang dako saan mang oras, nakaka-alam ng lahat, makapangyarihan sa lahat, at walang hanggan, ngunit inilalarawan din nito na Siya ay hindi nababago. Hindi nagbabago ang Diyos. Hindi Siya nagbabago sa paglipas ng panahon o hindi na mababago pa. Sa Malakias 3:6, sinabi ng ating Diyos, “Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.” Sinipi ng may-akda ng Hebreo ang Mang-aawit (Awit 45:6-7) sa Hebreo 1:10-12: “At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: Sila'y mangapapahamak; datapuwa't
KAHAPON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN 37 ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.” Hindi natin kailangang mag-alala kung ang ating Diyos ay nagbago o magbabago (bagama’t hindi naman talaga Siya nagbabago) sapagkat Siya ay isang tapat na Diyos. Siya ay tapat at totoo magpakailanman; hindi ito nagbabago. Ang Santiago 1:17 ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang tapat na kabutihan at kabaitan sa atin na nagsasabing, “Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.” PAGPAPASYA Ang Hebreo 13:8 ay hindi maaaring gamitin na sandigan na ang pangalang Jesus ay gayon pa rin kahapon, ngayon, at magpakailan‐ man. Ipinahihiwatig lamang nito na ang isa sa mga katangian ng Diyos na espiritu ay \"hindi nagbabago\" (Hebreo 1:12; Awit 90:2; Awit 102:27). Hindi sakop ng mga talatang ito ang hindi pagbabago ng pangalang Jesus. Kahit alam natin na ang Diyos ay nagliligtas sa Lumang Tipan (2 Samuel 22:3; 2 Samuel 22:36; 2 Samuel 22:47; 2 Samuel 23:5; 1 Chronicles 16:35; Job 5:4; Job 5:11; Awit 12:5; Awit 18:2; Awit 18:35; Awit 18:46; Awit 20:6; Awit 24:5; Awit 25:5; Awit 27:1; Awit 27:9; Awit 50:23; Awit 51:12; Awit 62:7; Awit 65:5, Awit 69:13; Awit 79:9; Awit 85:4; Awit 85:7; Awit 85:9), ang pangalang Jesus ay ipinahayag lamang sa Bagong Tipan sa tamang kapanahunan (Mateo 1:21; Lucas 1:31).
SINO NGA BA ANG ANTIKRISTO? PUNA NG MGA KRITIKO A ng mga kritiko ay nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang 1 Juan 4:1-6. Idinagdag pa nila, \"Ang kabulaanan ay ang panini‐ wala na si Yahweh ay nagpahayag sa laman. Sinasabi ng Bibliya na si Jesukristo ay naparitong nasa laman. Katunayan: 1 John 4:1-6. Kapag hindi napatunayan, iyan ay kabulaanan!\" ANG MGA TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT
Search