Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait

Published by MARVI COMIA, 2022-05-30 14:42:18

Description: BOOKLET

Search

Read the Text Version

Batangas State University College of Arts and Sciences Culture and Psychology Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Arias, Jem Videl Comia, Marvi Fabito, Camille Manalo, Mariz Marquez, Reniel May 2022 BSPSY 2205

BS PSYCHOLOGY 2205 ARIAS, JEM VIDEL COMIA, MARVI FABITO, CAMILLE MANALO, MARIZ MARQUEZ, RENIEL

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait May 2020



Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait TALAAN NG NILALAMAN PAHINA NG TITULO .............................. i TALAAN NG NILALAMAN ......................... v ABSTRAK ........................................ vii PANIMULA....................................... 1 PAGPAPAKILALA................................. 4 HIPOTESIS....................................... 10 MGA HALIMBAWA ............................... 11 ILUSTRASYON ................................... 15 DISKUSYON ..................................... 26 KONKLUSYON ................................... 31 SANGGUNIAN ................................... 33



Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait ABSTRAK Sa iba-ibang kaugalian ng mga Pilipino na natutuklasan o kaya naman ay nakakalimutan, umuusbong at kung minsan’y naglalahong parang bula ay sumasalamin sa pagkatao at kulturang Pilipino. Isa sa mga kaugaliang hindi gaanong napapansin ng mga Pilipino ay ang konsepto ng sige lang ng sige. Sa buklet na ito, layuning mapalawig ang isa sa hindi masyadong pinag-uusapan at pinag-aaralang ugali ng mga Pilipinong matagal nang namamalagi sa kanilang pamumuhay at interaksyon. Mas mailalapat pa ang marami ideya, pananaw, at kaalaman kasabay ng mga posisyong inilahad sa pagpapakilala ng mas malalim pang maintindihan ang konsepto ng sige lang ng sige - ang hindi masinsinang pag-iisip ng mga Pilipino, at ang kanilang mabilis na pagdedesisyon. Iba-ibang pagpapakahulugan naman ang maaaring iugnay sa konseptong sige lang ng sige at maaaring maiba ang ibig sabihin nito depende sa gamit at konteksto. Ito’y maaaring matunghayan sa iba-ibang anyo at paraan na isinasagawa ng mga Pilipino. Ilan sa mga anyong nabanggit na sumasalamin sa konseptong sige lang ng sige ay tungkol sa online shopping, ang katauhan ni Padre Damaso sa Noli Me Tangere, sa pagbibigay ng motibasyon, sa samu’t saring karakter ng mga Pilipino tulad ng pagiging positibo, masigasig at bukas, sa kanilang iba-ibang malalim na intensyon-estratehiya man o sa likas nilang kaugalian, at iba pa. Matatanto na kakikitaan ito sa resulta na may positibo’t negatibong dulot kung kaya’t ang buklet na ito ay binubuo ng limang (5) hipotesis na isa sa mga binigyang diin ng mga manunulat sa bahaging diskusyon. Mayroon ding mga halimbawang nabanggit at paglalahad ng ilustrasyon upang mapaigting ang pagbibigay kahulugan at paglilinaw sa konsepto ng sige lang ng sige. Sa mga datos na makakalap dito, makatutulong ito upang mas mapalawak pa ang iba pang pag-aaral para sa mga mananaliksik sa bansa at pati na rin sa mga mananaliksik na mga dayuhan.



Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait PANIMULA Sa bawat araw na dumaraan, iba-ibang kaugalian ng mga Pilipino ang ating natutuklasan o kaya naman ay nakakalimutan. Marahil ay dulot ito ng maraming pagbabagong nagaganap sa ating paligid at sa impluwensya ng globalisasyon. Ang mga kaugaliang ito na umuusbong at kung minsan ay naglalahong parang bula ay sumasalamin sa pagkatao at kulturang Pilipino. Batay sa pagsusuri ni Eumague (2012) sa kaugaliang Pilipino, ito ay maaari nating pangalagaan at pagyamanin upang maipamana sa mga susunod pang henerasyon. Subalit ayon naman kay Ruto (2017), napapansin niya sa mga kabataan ngayon ang kawalan ng respeto sa ibang tao kung kaya nawawala ang mga magagandang kaugalian na dapat sana ay atin pang hubugin. Kung kaya lagi nating tatandaan na mayroon man mga lumilitaw na kaugaliang maaaring magpasama sa ating kalagayan, huwag natin itong hayaan na maapektuhan at sakupin ang ating pagkatao. Hayaan nating dumaloy sa ating dugong Pilipino ang mga kaugaliang magdudulot ng magandang asal at impluwensya sa iba. Ang isa sa mga konseptong maaari nating hulmahin upang magkaroon ng magandang dulot sa ating pagkatao at kapwa Pilipino ay ang konsepto ng sige lang ng sige na maiuugnay sa pabigla- biglang desisyon ng mga Pilipino sa iba't ibang pangyayari. Ayon kay Tendencia (2021), isang pilosopo at manunulat, uso at sinasakop tayo ng konseptong sige lang ng sige na maaari nating matunghayan sa iba-ibang anyo at paraan tulad na lamang sa social media, o maaaring dulot ng globalisasyon, o dahil sa impluwensya ng lipunan. Kung ating susuriin sa mga kaganapan sa panahon ngayon, lalo na at naging uso ang online shopping, maraming mga Pilipino ang sige lang ng sige sa pagpili ng mga gusto nilang bilhin dahil ang nasa isip nila ay magdudulot ito ng kasiyahan sa kanilang buhay. Sige lang ng sige ang pag-add to cart kahit ang mga bagay na ito ay hindi naman talaga nila kailangan. Ang emosyon, damdamin, at pag-uugali ay nagsisilbing mga salik sa padalos- dalos na pamimili ng mga Pilipino (Kathiravan, Mahalakshmi, at Abubakar, 2019). Isa ito sa pagpapatunay na ang mga Pilipino ay hindi na madalas pinag-iisipan kung ang mga nabili ba nila ay makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay o hindi naman talaga. 1

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait \"walang imposible sige lang ng sige\" Kung titingin naman tayo sa maliwanag na dako ng konseptong sige lang ng sige, makikita natin ang magandang dulot din nito sa ating buhay. Sa kanta ni Quest na pinamagatang “Sige Lang”, mababanggit doon ang mga linyang “Walang imposible sige lang ng sige. Abot mo ang mundo, malapit o malayo sama sama tayo (sama sama tayo) hanggang sa dulo. Ano man ang pagsubok hindi susuko, alam kong kaya mo. Sige lang sige! Sige lang sige!” Ang bahaging ito ng kanta ang nagpapatunay na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa ating buhay ay maaari nating magamit ang konseptong sige lang ng sige. Sige lang ng sige hanggang maabot natin ang pangarap na matagal na nating inaabot. Nakakapagod man ang gumising sa umaga upang harapin ang panibagong araw, sige lang ng sige hanggang lahat ng paghihirap ay masuklian. Nakakapagod mang maglakbay sa baku-bakong daan, sige lang ng sige hanggang sa makarating sa paroroonan. Makikita na ang konseptong sige lang ng sige ay mayroong mabuti at masamang dulot at lapat sa buhay ng isang tao. Nakabatay pa rin sa kagustuhan ng tao kung saang dako sila papanig. Nararapat na kanila itong pagnilayan dahil ang kanilang mga desisyon ay maaaring makaapekto sa buhay ng ibang tao. Sa ganitong paraan, nararapat lamang na mabigyang linaw at diin kung ano nga ba ang konseptong sige lang ng sige at paano nito nahuhubog ang kaugalian ng isang Pilipino. Kung kaya minabuti ng mga mananaliksik na maghanap ng mga pag-aaral, artikulo, kuwento, at kanta na maaaring kaugnay ng nasabing konsepto upang maipaunawa at mapatunayan ang mga haka-haka at perspektibo sa mga Pilipino. 2



Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Maraming na ngang mga kaugalian, nakasanayang mga PAGPAPA- konseptong namumutawi sa bawat Pilipino, at mga KILALA kaugalian na taglay lang ng bawat isa sa atin na hindi kayang ipaliwanag ng kahit anong diksyunaryo at mga babasahin. Sa pag aaral na ito, isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na masasalamin sa pagkatao ang mabibigyang liwanag. Mga nakasanayang pag-uugali na magpapalawak ng ating pang-unawa at magbubukas ng kaisipan tungo sa mga konseptong hatid ng panahon. Matutuklasan natin sa buklet na ito ang pinagmulan ng kaugaliang “sige lang ng sige” kasama ang mga pagbabagong naganap na impluwensya ng malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino. “Sige lang!”, “Go lang!”, “Push mo yan!”, o “Laban lang!”, madalas na ang mga itong marinig sa maraming salita at ekspresyon ng mga Pilipino na naging bahagi na ng pang-araw-araw na pananalita at panayam. Ang pagbatid ng mga ekspresyong ito ang pambungad na naging bahagi na ng pag-uugali ng mga Pilipino, mula sa taglay na kahulugan nito bilang isang porma ng pagtugon, hanggang sa mailapat ang iba’t ibang makabuluhan pang karakter at interaksyon ng mga Pilipino upang maging isang kinagawian na palagayan, at ngayon naging isang pagkilala na konsepto sa pagkatao. Una muna natin maiintindihan ang kahulugan ng salitang “sige” bilang pagkilalang pundasyon ng pinagmulan ng konsepto. Iba’t ibang aspekto ang maaring iugnay sa konseptong sige lang ng sige ng mga Pilipino. Mula sa simpleng salita na “sige” na marami nang iba’t ibang pagpapakahulugan. Halimbawa na lang ay ang pagsasabi ng “sige” bilang pahintulot na pumapayag ka sa isang bagay o sa isang gawain. Maaari ring pamalit ang “sige” sa mga salitang Ingles na kagaya ng, okay, goodbye, go ahead, go for it at your welcome (Diksyunaryo, n.d). Maari ring maiba ang ibig sabihin ng konsepto depende sa gamit, isang halimbawa ay ang “sige ka” na nagbibigay babala, “sige na” na kung saan pinipilit ang isang tao na sumunod o pumayag sa gusto ng isa at ang “sige na nga” na ekspresyon ng mga Pilipino na pumayag na dahil siya ay napilitang gawin ang isang bagay. Ayon sa isang pook-sapot, isang dayuhan na namamalagi sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanyang kwento tungkol sa kanyang pagkalito sa tamang paggamit ng “sige” at ng “sige lang”. Inihayag niya ang kanyang naging karanasan sa Mang Inasal, isang sikat na fast food chain ng Pilipinas. Ayon sa kanya, lumapit ang isang waitress at inalok siya ng isang tasang kanin, “sige lang po” ang kanyang naging sagot kaya nagulat siya nang maglagay ng kanin ang waitress. Para sa kanya ang pagpapakahuluhan niya sa sagot niyang “sige lang po” ay 4

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait “No, It’s ok, I don’t want it”(Reddit, 2021). Sadya ngang napaka komplikado ng mga konsepto sa Pilipinas dahil sa iba’t iba nitong gamit kung pag-aaralan ng mga dayuhan pero para sa atin, mabilis nating matukoy ang pagkakaiba ng mga salita at ang tamang gamit nito. Bakit nga ba? \"sige lang\" Sa mga sari-saring pagpapakahulugan ng “sige” bilang salita o ekspresyon, makikita natin na may malaking angkla ito sa mga iba pang ugali o karakter na tatak na sa mga Pilipino. Isa na nga sa karakter ng mga Pilipino ay ang pagiging emosyonal o sensitibo sa damdamin kaya’t marahil labag sa kanila ang magpahayag ng negatibong ekspresyon sa kapwa lalong lalo na ang pagtanggi (Filipino Character and Personality, 2015). Dahil dito, hindi nagiging direkta sa mga Pilipino ang pagsasabi ng “hindi”. Katulad nga lamang ng ipinahayag ng Reddit (2021), ang paggamit ng \"sige lang\" na may kahulugang \"no, it's okay\" ay magandang gamitin bilang pagpapakita ng galang o hiya kapag inaaya ka o binibigyan ka ng kapwa ng isang bagay o tulong. Nagpapakita na nga lang ito ng sensitibong damdamin ng Pilipino. Isa pa ay dahil bastos nga para sa mga Pilipino ang pagsabi ng “hindi” nang deretsyahan, nagsasabi nalang sila ng “sige lang” bilang “oo” kahit labag sa loob. Bukod pa dito, ang mga Pilipino daw ay easy-going o happy-go-lucky ayon sa mga pahayag ng Happy Planet Index (2006). Hindi daw ugali ng mga Pilipino ang pagiging komplikado, seryoso, o negatibo, dahil garantiya silang masayahin, laid-back, at sa pagiging positibo ay walang lugar sa kanila ang salitang “hindi” ngunit ang “sige lang”. Marahil, dito natatanto ang hilig nila sa pagkakaroon ng handaan at piyesta sa ganitong perspektibo. Sa mga handaan nila ay mas napapakita rin ang bukas na ugali ng mga Pilipino para sa lahat ng tao. Kaugnay nito, kinabibilangan din ang iba pang karakter ng mga Pilipino na mas pinapalakas ang mabilis na pagdedesisyon ng mga Pilipino tulad ng pagiging masigasig. Isa na rin sa naging tatak sa mga Pilipino ay ang kamangmangan sa mga kahihinatnan, at pagiging haling sa materyal na pagtanggap lalo na ang mga libreng bagay (Saulan, 2021). Ang mga Pilipino daw kasi ay kadalasang may \"give me, give me\" tingin sa kanilang mga mukha. Iyon ay dahil ang susi sa kanilang kaligtasan ay ang paghahanap ng mga paraan upang makuha ang mga bagay mula sa iba, sinasamantala nila ang mga ito. Palagi silang naghahanap ng mga libreng bagay at mapagbigay na tao kung saan makukuha ang mga bagay. Marami rin ang hindi nahihiyang humingi ng regalo ng direkta, kaya naman ang sikat na linyang pangkultura na ibinibigay nila kapag malapit ng maglakbay ang kanilang pamilya o kaibigan: \"Pasalubong ko, ‘wag mong kalimutan.\" Kahit na ang mga biro na tulad nito ay nagpapakita ng kaisipan tungkol sa isang kultura. Pinakamasama itong kaisipan sa Maynila at Angeles City, ngunit hindi kasinglala sa iba pang bahagi ng bansa o mga probinsya (Winston, 2011). 5

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Gayoon pa man, ang katangiang ito ng mga Pilipino ay may kakayahang maghatid sa kanila tungo sa maparaang pagdedesisyon. Ayon kay Kalat (2010) ang unconscious decision making o ang pagdedesisyon na hindi masyadong pinag-iisipan o pinaghahandaan ay mas nakatutulong sa matalinong pagpapasya. Sa kanilang isinagawang pag-aaral, pinatunayan na mas makakapagdesisyon ang isang tao kapag hinarap sa komplikadong bagay sa loob lamang ng maikling panahon. Sa pagkakaroon lamang ng ilang minuto sa pagdedesisyon, mas makapipili ang isang tao ng mas angkop na sitwasyon para sa kanya. Ayon pa sa libro, kung hindi masyadong pinag-iisipan ang isang bagay, mas magkakaroon siya ng atensyon o pokus sa pinaka mas mahalagang bagay na magreresulta sa matalinong pagpili ng desisyon. Sa kabilang banda, kung pag-iisipan nang matagal ang isang bagay bago gawin, mas mahihirapang mag-proseso ang isip sapagkat kailangan pa nitong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na hindi pa nagaganap o ang mga bagay na maaari pa lang mangyari. Kung kaya’t ang kaugaliang sige lang ng sige na maaaring ihalintulad sa mabilisang desisyon ay may kabutihan sa mga Pilipino. Ang pagiging simple ngunit matalinong pag-iisip ang magdadala tungo sa tagumpay. Ngunit sa kabila ng kagandahang hatid ng ganitong pag-uugali, kaakibat nito ang ilang negatibong resulta. Dagdag pa sa karakter ng mga Pilipino ay ang pagiging mababaw o ang kawalang pagpapahalaga sa lalim o substansya pagdating sa pag-aaral o pagsusuri. Mula sa artikulo ni Mella (2021), pinagtuunan niyang pansin ang kaugaliang hindi muna nag-iisip nang maayos bago magsalita ng hindi patas o maganda sa kapwa o ukol sa isang sitwasyon, na tatak sa identidad ng nasyon. Sinabi pa niya, maraming tao—anuman ang lahi, paniniwala, o katayuan sa lipunan o ekonomiya—ay nagiging biktima ng kanilang sariling makitid na pag-iisip, masyadong mabilis magpahayag ng masaklaw nang hindi kinikilala na ang pagkakamali ng ilan ay hindi pagkakamali ng lahat; o na ang pagkakamali o kawalan ng kakayahan ng isang grupo ng mga indibidwal ay dapat na kahihiyan ng isang buong lahi, bansa, o lipunan. Ang isa pang napapanahong halimbawa nito ay makikita sa kamakailang insidente ng hostage-taking sa Pilipinas na kinasasangkutan ng pagkamatay ng mga turistang Tsino. Dahil umano sa kawalan ng kakayahan ng mga rumespondeng pulis, naging lubhang trahedya ang hostage drama. Ang punto ay, dahil sa kinilala itong insidente sa internasyonal na balita, maraming Tsino ang tahasang nagpahayag ng kanilang pagkasuklam sa Pilipinas, na sinisisi ang buong lahing Pilipino. 6

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait \"Wag nang magpatumpik tumpik pa! boom! karakaraka!\" Sa lahat nito na mga tatak ng mga karakter ng mga Pilipino na masasabi nating matagal nang mamalagi sa kanila, pinapalagay na dito bumubunga at mas pinapalakas ang konsepto ng sige lang ng sige. Ang mga matibay na karakter na ito ang nagdulot sa pagbuo at pag tatak ng nasabing konsepto. Subalit, kahit na sinasabi na matagal na itong ginagamit dahil angkla na ito sa iba’t ibang karakter ng mga Pilipino, ang makabagong panahon dala ng paglipas ng mga taon, at ng midya ang nagpapalakas pa nito upang mas mamalagi pa sa mga Pilipino. Dahil sa midya naipapakita sa mabilis na paraan ang mga bagay o usapin na pinaka sinang-aayunan ng lahat o may kaugnayan para sa mga nakararami. Gaya na lamang ng mga pag-usbong ng mga kantang may sige lang na konsepto- “Sige lang” ng Quest, “Sandalan” ng 6cyclemind, “Push mo Yan Te” at “Karakaraka” ni Vice Ganda, “Haypa” ng Magno Brothers at iba pang mga kanta, lapat na lapat sa mensaheng taglay ng mga kanta ang konsepto. May mga pelikula at nobela rin na ipinapakita sa telebisyon na sadyang lalong napapauso ang konsepto ng sige lang ng sige. Kabilang na din ang mga nausong gameshows sa bansa tulad ng “Pera o Bayong”, “Game ka na Ba”, at “Deal or no Deal.” Higit pa dito, dulot din ng makabagong panahon ay mas lalong nagiging komplikado ang mga gawain at takbo ng mga trabaho sa lipunan, kaya malaki ang pagkalat ng motibasyon sa pormang “sige lang” para sa nakararaming Pilipino pagdating sa pag-aaral o sa trabaho. Sa kaibahan naman, mas bumibilis ang buhay sa mga makabagong teknolohiya kaya madaling idampi ang “sige lang ng sige” lalo na sa mga sari-saring online na plataporma. Kasama naman ng makabagong panahon at pagpapalakas ng midya sa konsepto ng sige lang ng sige, mapapansin din ito sa kawalan ng mga Pilipino ng self-control. Ayon sa isang awtor sa “Pinoy Apologista”, isang website, “hinggil sa paksa ng pagpipigil-sa-sarili o self-control, masasabi ko na ito ay laging napapanahon sapagkat ito ang katangian sa bawat panahon na hindi pinahahalagahan ng marami. Ito ang siyang katangian na laging una na nalilibing sa hukay ng pagkalimot at pagbalewala.” Mula sa sinabi niyang ito, lumalim pa ang kaniyang pahayag upang pumatungkol siya sa mga nakikita sa mga balita sa telebisyon, kung papakinggan daw ang paraan ng pagsasalita ng mga tao (yung tabil at tono) at kung titingnan ang iba’t ibang kinawiwilihan ng marami, makikita daw na ang self-control ay walang lugar bagkus ang uso ay ang konsepto na tinatawag na“indulge” o sa salita pa ay “Sige Lang.” 7

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Totoo daw na marami ng nasakop ang tao ngayon sa larangan ng agham at teknolohiya na siyang naging dahilan upang maisilang ang modernisasyon o post-modernisasyong teknolohiya. Tunay nga na nakita niya bilang isang pilosopo at manunulat, na sa maraming anyo at paraan – sa pamamagitan ng social-media – na ang mundo (globalisasyon) o lipunan (lokal) na ginagalawan ay sinasakop ng konseptong “Sige Lang.” Dahil dito, pinapalagay rin ng awtor na ito na kung hindi makakasabay ang tao sa ganitong charge o sigaw-sugod ng lipunan, malayo siyang makatikim ng kinahuhumalingang food-trip-work sa panahong ito. Sa madaling salita, hindi pagkakaperahan at dinadamitan ng ma-porma’t madolyar ang konsepto ng self-control, kundi ang “Sige Lang” (consumerism). Ang pagkakaroon ng malaki (networking) at maperang Imperyo sa lipunan ay sa pamamagitan ng “Sige Lang.” Kaya kung wala ang isang Pilipino nito, pinakamataas na ang 10,000 pesos ang sahod mo sa Pilipinas. Isa yan sa socio-ekonomikal na problema sa bayan na ang ugat ay hungkag na pilosopiya. Isang mataimtim na saloobin ito na inihayag ngunit kinakikitaan din ito kung paano ang malaking perspektibo ng isyu ng lipunan ay kaakibat ng kaugaliang ito ng sige lang. Sa kabilang banda sa pagsusuri naman sa panahon noon, isa sa mga halimbawa ng konseptong ito ay mapapansin sa katauhan ni Padre Damaso Verdolagas sa nobela ni Jose Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere. Sa unang kabanata ng nobela, si Padre Damaso ay kilalang pari na may ugaling manakit ng ibang tao dahil sa kaniyang kakulangang mag-isip bago magbitaw ng salita. Ang naturang katauhan ni Padre Damaso ay sumasalamin sa negatibong konsepto ng sige lang ng sige. Wala siyang pakialam sa ibang taong maaaring masaktan ng kanyang matatalas na dila at pananalita. Walang preno ang kaniyang bibig sa pagbabahagi ng opinyon tungkol sa buhay ng ibang tao, lalo na kung ang mga taong ito ay isa sa kaniyang kinasusuklaman. Sa mas makabuluhan pang batayan ng konseptong sige lang ng sige, mula sa mga teorya ng Sikolohiya bilang cross-cultural approach, pinaka mailalapat ang fallacy theory na nangangahulugang uri ng pagkakamali sa isang argumento, pagbibigay ng dahilan o paniniwala na mukhang makatotohanan naman sapagkat maaaring dulot ng naging sikat na at tinanggap na ng nakararaming tao, o mula sa mapanlinlang na pag-iisip o ang tinatawag din na hasty generalization (Hansen, 2001). Isang malaking repleksyon ang hasty generalization sa mga negatibong konsepto ng sige lang ng sige dahil sa kahulugan nito ayon kay Mella (2021) na isang pagpapahayag na pangkalahatan pagbase sa ilan lamang na impormasyon. Dahil dito, mas nakikita ang makitid na pag-iisip, kawalan ng disiplina at kontrol, at ang hindi pagiging kritikal ng mga Pilipino sa mga bagay-bagay at sitwasyon. Gayun pa man, kahit na may kaakmaan ang kahulugan ng teorya ay iba pa rin ang malalim na ibig sabihin ng konseptong sige lang ng sige dahil pumapatungkol pa rin ito sa iba’t ibang karakter ng mga Pilipino na naging interrated na sa isa’t isa. Sabihin natin sa ibang aspeto na may matibay na intensyon ang mga Pilipino sa kung bakit sila gumawa ng desisyong hindi man alintana ang masinsinang pag-iisip. 8

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait \"eeny meeny miney moe\" Isa na rin sa mga naging dahilan kung bakit sikat na sikat ang konseptong sige ng sige ng mga Pilipino ay dahil sa pagiging simple. Kagaya ng naunang nabanggit ang mga Pilipino raw ay hindi komplikado (Happy Planet Index, 2006). Mapapansin ang ganitong pag-uugali maging sa pagpapasiya, hindi nila ugaling pahirapan ang sarili kaya kung ano ang unang maisip iyon na agad ang susundin at gagawin. Hindi sanay ang mga Pilipino na mag-isip ng matagal, madalas silang sumunod lang sa agos ng buhay o sa kung ano ang magiging takbo ng kanilang ginawang aksyon. Hindi rin nila sineseryoso ang mga bagay bagay na maging sa pagpili ng desisyon ay iaasa pa sa pag-eeny meeny miney moe. Ang eeny meeny miney moe ay isang nursery rhyme ng mga kanluraning bansa na kung saan kinakanta ng mga bata para pumili kung sino ang taya sa pamamagitan ng pagbibilang ng rhymes (All Nursery Rhymes, n.d). Mapapansin ang ganitong kaugalian sa mga kabataan lalo na kapag naglalaro. Madalas nilang gamitin ang rhymes na ito para magdesisyon kung sino ang magiging taya. Isa pa, hindi lang sa mga bata sikat ang gawaing ito, bagkus kahit sa mga mag-aaral sa mas mataas na paaralan ay laganap ang paggamit nito. Isang napaka angkop na halimbawa dito ay ang pagpili ng sagot sa pagsusulit. Kapag hindi nila alam ang sagot sa tanong o hindi sila sigurado. Gagamit sila ng estratehiyang ito para pumili ng sagot at madalas hindi na nila ito pinag-iisipan nang maayos. Sige lang sila ng sige sa kung anong palagay nilang tama at madalas dito na sila umaasa at dumedepende. Kaugnay pa ng konseptong ito ay ang perspektibo ng mga Pilipino na wala namang mawawala. Madalas nilang pinapaniwala ang kanilang sarili na sundin ang isang bagay dahil hindi naman ito nakakaapekto sa pang araw araw nilang pamumuhay. Malaki ang naging kontribusyon ng pananaw na ito dahil sa mga paniniwala ng mga matatanda sa mga pamahiin. Ang mga tradisyunal na gawain na nagpasalin salin sa mga bagong henerasyon at nakasanayan ng gawin kahit walang basehan o mga haka haka lamang (Soriano, 2015) Ito ay marahil sa itinatak na kaisipan na wala namang mawawala kung maniniwala. Lalo pang lumago ang kaisipang ito at naging pang-araw- araw na kasabihan ng ilan. Naging kaugalian na rin at ginagawa ng motibasyon katulad na lang ng pagsabi ng wala namang mawawala kung susubukan. Dahil sa mga katagang ito, nagagawa ng mga Pilipino na magkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy. Nahihikayat silang gawin ang mga bagay dahil iniisip nila na hindi naman masama kung gagawin. Nalalapat sa perspektibong ito ang sige lang ng sige at push mo yan ng mga Pilipino. Sa buklet na ito, mas mailalapat pa ang marami pang ideya, pananaw, at kaalaman kasabay ng mga posisyong inilahad dito sa pagpapakilala ng mas malalim pang maintindihan ang konsepto ng “sige lang ng sige”- ang hindi masinsinang pag-iisip ng mga Pilipino at ang kanilang mabilis na pagdedesisyon. Layunin nitong mapalawig ang isa sa hindi masyadong pinag-uusapan at pinag- aaralang ugali ng mga Pilipinong matagal nang namamalagi sa kanilang pamumuhay at interaksyon. Sa mga datos na makakalap dito, makatutulong itong mas mapalawak pa ang iba pang pag-aaral para sa mga mananaliksik sa bansa at pati na rin sa mga mananaliksik na dayuhan. 9

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait HIPOTESIS 1 Ang isyung panlipunan at ibang problema ng mga tao ay bunga ng kanilang ugaling “Sige lang ng sige”. 2 Ang makabagong pag-iisip at kinikilos ng Generation Z ang nakapag-susulong ng konseptong sige lang ng sige. 3 Ang kaugaliang pinoy na sige lang ng sige at push mo yan ay nagpapakita ng pagsuporta at paghikayat sa iba na gawin ang isang bagay. 4 Kapag nakasanayan ang ganitong konsepto, madadala na nila ito hanggang sa pagtanda. 5 Masasalamin sa mga Pilipino ang pagiging sensitibo nila sa damdamin ng iba dahil madalas silang magsabi ng sige lalo na kung nagkakayayaan. 10

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Ito ba ay nag eexist sa Filipino culture, sa paanong paraan? 1. Konsepto ng “bahala na” 2. Konsepto ng “‘yain na” (hayaan mo na) \"bahala na si batman\" \"bahala na si batman\" - Isa sa tatak na konsepto sa mga Pilipino - Isa sa tatak na konsepto sa mga Pilipino na kung saan ito ay ekspresyon nila bilang na kung saan ito ay ekspresyon nila bilang paraan ng pagbubuga ng tibay ng loob sa paraan ng pagbubuga ng tibay ng loob sa kanilang sistema upang hindi sila kanilang sistema upang hindi sila mapariwara. Isa rin itong pagbibitiw o pag- mapariwara. Isa rin itong pagbibitiw o pag- alis ng sarili sa hinaharap na sitwasyon alis ng sarili sa hinaharap na sitwasyon kung kaya ang “sige lang” na konsepto ay kung kaya ang “sige lang” na konsepto ay kinakikitaan nito sa paraang ang mga kinakikitaan nito sa paraang ang mga Pilipino’y ginagamit ito nang hindi na sila Pilipino’y ginagamit ito nang hindi na sila masyado magpakahirap sa pag-aalala at masyado magpakahirap sa pag-aalala at diretso na agad sa pagharap ng pagsubok o diretso na agad sa pagharap ng pagsubok o ng kailangang gawin. ng kailangang gawin. 3. Umuusbong na Ekspresyong Padayon -Ang salitang ito ay mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “sulong” o “magpatuloy” at ginagamit bilang pagbati o kilos ng pagpapatuloy. Sa napapanahong mga tuloy-tuloy na trahedya, ang “padayon” ay nagsisilbing motibasyon na salita na rin para sa nakararami. Sa pagsabi MGA ng salitang ito, nasa paraan rin ng pagsabi ng “sige lang” sa tao sa kanilang pagpapatuloy lang nang hindi bumebwelta o kahit magkaroon ng tunguhing tumalikod sa haharapin nila. HALIMBAWA 11

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 4. Huwag ng Pagpapatumpik-tumpik - Kung ang isang tao ay maharap sa sitwasyon ng mga Pilipino na hindi mapakali, natotorete o nawawala sa pag-iisip, o nag- aalinlangan, masasabihan nalang siya na ng mga salitang “huwag ka nang magpatumpik-tumpik”. Kung sa Ingles, and tawag dito ay don’t flake anymore. Nangangahulugan nalang ito na hindi na dapat mapariwara ang isang tao sa mga kilos ng pag- aalinlangan, kung kaya’t layunin nito na ituwid ang nawawalang landas ng tao sa kanyang kilos o pag-iisip. Dagdag pa ay nangangahulugan din itong isang paraan upang maging mapangahas o matapang ang tao at hindi sila matantong lambutin o mahina. Kaya naman ang konseptong “sige lang” ang makakapag puksa ng ganitong ugali. 5. Pag-iwas sa Paligoy-ligoy - Kung ang isang tao ay maharap sa sitwasyon ng mga Pilipino na hindi mapakali, natotorete o nawawala sa pag-iisip, o nag- aalinlangan, masasabihan nalang siya na ng mga salitang “huwag ka nang magpatumpik-tumpik”. Kung sa Ingles, and tawag dito ay don’t flake anymore. Nangangahulugan nalang ito na hindi na dapat mapariwara ang isang tao sa mga kilos ng pag-aalinlangan, kung kaya’t layunin nito na ituwid ang nawawalang landas ng tao sa kanyang kilos o pag-iisip. Dagdag pa ay nangangahulugan din itong isang paraan upang maging mapangahas o matapang ang tao at hindi sila matantong lambutin o mahina. Kaya naman ang konseptong “sige lang” ang makakapag puksa ng ganitong ugali. 6. Konsepto ng Lakas ng Loob - Isa pa sa pinagmumulan ng pagkatao ng mga Pilipino ang kanilang puso o kalooban. Ang tapang o ang pagkabusilak ay kanilang iniaangkla sa puso nila kung saan ang mga ito ay nagmumula. Samakatuwid, sa kahulugan ng lakas ng loob, ang katapangan ay isang \"may lakas o nagsisikap mula sa puso.\" Sa paghahalintulad nito sa konseptong “sige lang ng sige”, kailangan ng lakas ng loob na ito upang maging marahas sa pabigla-biglang desisyon o kilos. Ang taong nasasabihan ng malakas ang loob, nangangahulugan na lang ito na siya ay nakagagawa ng mga bagay nang walang kahiya-hiya o pakundangan. 12

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 7. Konsepto ng Kawalan ng Disiplina - Talamak sa negatibong kaugalian ng mga Pilipino ang kawalan ng disiplina. Ito ay isang kaswal na pagpapasya sa oras at espasyo na ipinakita sa kakulangan ng katumpakan na pagdedesisyon at pagiging mapilit, sa hindi magandang pamamahala sa oras at pagpapaliban. Sa pag-ayaw sa pagsunod sa mga pamamaraan ay mahigpit na nagreresulta sa kawalan ng standardisasyon o equality control. Ang pagkainip sa kawalan ng disiplina ay maaaring magresulta sa mga shortcut, palusot, at ningas kugon. Kadalasan ang ganitong ugali ay nagdudulot ng hindi mahusay na mga sistema ng trabaho, ang paglabag sa mga tuntunin at isang kaswal na etika sa trabaho na kinukulang sa pagsunod. Kaya naman sa kawalan ng disiplina, dito nagkakaroon ng mga ebidensya ng “sige lang” ng tao sapagkat wala nga silang standardisasyon na sinusunod kung hindi ang kanilang impulsidong gawi. 8. Kamangmangan - Sa lahat ng konsiderasyon, punto, direksyon o rason sa pagdedesisyon, hindi na sa maraming ito ang pinagpapakaisip minsan ng mga Pilipino, pinapasa walang bahala nalang nila kaya sila’y nagiging mangmang sa mga konsiderasyon na ito na hindi nila pinapansin. Kung susuriin ang etimolohiya ng salita, ito ay mula sa salitang Bikol na ibig sabihin ay illiterate o uneducated. Dahil hindi malawak o malalim ang pag-iisip ng mga Pilipino, “sige lang” sila sa kung ano ang alam nila sa mga kasalukuyan o sa kung ano man ang matanggap nila na unang impormasyon ng hindi man lang sinusuri ang mga ito. 13

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 9. Konsepto ng “Push mo ‘yan” - Karaniwang na ngangahulugan ng kahinaan sa moral o kawalan ng kakayahan na labanan ang mga tukso. Tulad ng kung paano ang isang mahinang puno o isang mahinang bahay ay manipis at malutong sa mga pwersa ng kalikasan, ang isang tao ay inilarawan bilang marupok kung hindi niya mapaglabanan ang tukso ng pagtataksil, panunuyo, o panunuhol. Karaniwan, kapag pumapayag na ang tao sa isang bagay, agad- agad na pagdedesisyon, maihahambing siya sa pagiging marupok dahil wala na siyang pagpupunyagi. Kung sakali ang isang tao ay tumaya kaakibat ang kaugalian niyang magsige lang ng sige, at siya ay hindi pinalad, matatawag siya bilang marupok. 10. Pagiging Marupok - Kadalasan kapag nais ng mga Pilipinong paunlakan ng motibasyon ang kapwa, itong mga salitang ito ang sinasabi. Kapag suportahan na makikita sa pagbibiruan, sa pag-dadalawang isip, sa paligsahan, sa saluhan, sa samahan, o sa mga pagbibigay ideya, kwento o suhestiyon, dito mabibigkas ang “push mo ‘yan.” Ibig sabihin lang nito ay \"Go for it!\" Sinasabi ito ng mga Pilipino upang magbigay ng suporta at paghihikayat sa kanilang mga kaibigan, pamilya, o mga kaedad kapag sinusubukan nilang ituloy ang kanilang mga layunin. 14

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 1.Ang isyung panlipunan at ibang problema ng mga tao ay bunga ng kanilang ugaling “Sige lang ng sige”. DISKUSYON Kalagayan na ng Pilipinas sa mahabang panahon ang pagiging isang developing country. Inihayag mula sa artikulo ni Bertulino (2022) na isa sa dahilan nito ay ang mababang economic growth. Pinapalagay na habang ang bansa ay nasa maigting na paglalaban sa pagtatag ng maayos na ekonomiya sa mga panahon noon, naging pinakamatinding hamon ito noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Dahilan ito upang umusbong ang negatibong imahe ng gobyerno sa mamamayan at ang mga oposisyon laban sa kanila, tumindi ang kaugalian ng mga Pilipinong gumawa ng mga desisyon na lumabag at kalabanin ang gobyerno. Samakatuwid, naging sanhi nito na maitatag ang Martial Law dahil sa tumataas na banta ng mga komunista at alitang sibil. Hindi naging maganda ang tingin nila sa Martial Law dahil bukod dito, naging malaki ang utang ng Pilipinas sa World Bank sa panahon ni Marcos at patuloy ang bansa sa pagbabayad nito sa kasalukuyan. Kaya naman nawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa naging patakaran sa panahong iyon na kumitil sa kanilang kalayaan sa pagpapahayag, at nadala na ito sa pagdaan ng panahon upang maging haling ang mga mamamayang Pilipino na marinig ang kani-kanilang saloobin at maging mapanghusga sa mga mamumuno (Loveres, 2014). Naitatag ang ugaling ito ng mga Pilipino sa isyu nilang ito na itakwil ang anomang sagabal sa kanilang kalayaan sa pagpapahayag mula sa maruhol na Martial Law at pagbagsak ng ekonomiya. Matitingnan din ang mabagal na paglago ng ekonomiya sa iba’t iba pang kaugalian ng mga Pilipino sa pera. Ayon sa site ng Palawan Pawnshop (2021), mahilig ang mga Pilipinong umutang hanggang sa hindi namamalayan gabundok na ang kailangan nilang bayaran. Kaakibat ng “sige lang ng sige” ang sumige sa ipagpabukas na lang ang mga bagay-bagay at hayaan na lang ang mga isyu sa pera na iresolba ang mga sarili nila, imbis na solusyunan ito ng harap-harapan. Dagdag pa ang matinding sige ng tao sa paggastos, na kung minsan gumagastos agad-agad ng sweldo pagkakuha nito na parang halos hindi mo na ito nahawakan. Mahilig din ang mga Pilipino sa mga imported o mamahalin na produkto at di-tumatangkilik ng mga produktong sariling atin. Isa pa ay mahilig ang mga Pinoy sa pag-hoard ng mga pasalubong, all-out kung baga sa pagbili ng pasalubong na nakakapagpasakit naman sa bulsa. Minsan ay sa pagsabay sa trend, gusto din ng mga Pilipino na mag-keep up sa ibang tao sa pamamagitan ng pagluho, palagian iyong nagbabago kaya tayo palagian ding napapagastos. Ang mga “sige lang ng sige” na kaugaliang ito ng mga Pilipino ang nagdudulot ng malaking problema upang talagang makaltas ang isyu ng ekonomiya sa pang luluho sa paggastos at ang pagtindi ng negatibong consumerism sa bansa. 15

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Isa pang kinakaharap na problema ng mga Pilipino ang hindi makontrol na pagtaas ng populasyon ng bansa. Mula sa isang sulatin sa Wattpad ni Lhordyx (2019), nailathala niya na problema na talaga ang overpopulation dahil dito, marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho. Dahilan din ang low gross domestic product, kung saan mas malaki ang inflow kaysa outflow ng mga kalakal sa loob ng bansa (Bertulino, 2021). Kaya naman nagdudulot din ang mga problemang ito na lalong lumawig ang kahirapan sa bansa. Ngunit kung matagal nang sinusolusyonan ng mga Pilipino ang mga problema ito, bakit hindi pa rin ito mawala-wala? Sinasabi sa pag-aaral ni Presse (2012), ang mga Pilipino daw ay may malaking pagbibigay tiwala sa tadhana ng mga bagay-bagay at pangyayari na may pakundangan lang sa kasalukuyang mga sitwasyon at binabahala na ang kung ano man ang mangyari sa hinaharap. Kaya naman lalo namumutawi sa mga Pilipino ang mag-sige lang ng sige sa mga sitwasyon at hindi makabuo ng masinsinang solusyon sa problema nila sa lipunan lalong lalo na sa kinabukasan nila. Gayunman, ipinahayag pa ni Lhordyx (2019) na karamihan din kasi ay walang ambisyon sa buhay, sumisigeng kuntento na lang sa kung ano ang mayroon sila na dapat ay gumagawa ng paraan para mabuhay, hindi yung isisisi na lang natin sa iba ang paghihirap natin. Gaya na lang ng hindi masinsinang pag desisyon ng Pilipino sa family planning upang solusyonan ang overpopulation, sa halip at sumisige lang din sa panganganak. Samakatuwid, mas lalo pang namamalagi at bumubunga ang mga panlipunang problemang ito dahil sa hindi nabibigyang diin ng mga Pilipino ang pormal na pag-aaral at kaalaman. Sa halip, mas gusto pa nilang kumiling sa mga superficial explanations, fake news, o palapalagay ng mga tao. Kaya naman mas lalong hindi nasusulong ang matibay na sistema ng edukasyon para sa lahat (Saulan, 2020). Lalo ring hindi na makakabuo ng intelektwal na plano, kaalaman at teknolohiya para iusbong ang bansa dahil sa hayag ng One ExPat (2018) sa isang artikulo, napakahirap makahanap ng matatalinong usapan sa Pilipinas sapagkat ang mga tao doon ay tila walang kakayahang mag-isip at mag-obserba, o bumuo ng matatalinong opinyon at obserbasyon. 16

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Kasama ng isyung ito ang pagkalat na rin ng problema ng fake news. Sa isang demokratikong bansa na kung saan pinapakinggan dapat ang mga opinyon ng mga tao sa lipunan, ang panganib naman ay nagiging liberal na sa pagbibigay ng opinyon ang mga Pilipino. Hindi rin man mapanuri ang mga impormasyon na nasasabi kung hindi nagmula lang sa kuro-kuro o sinasabi na hasty generalization (Mella, 2021). Wala rin namang pag- aanalisa, beripikasyon, o prosesong pinagdadaanan ang mga tao ngunit tumatanggap lang agad at naniniwala agad sa mga impormasyong ito. Delikado naman kung magkakaroon ng patakaran na ikulong ang mga nagpapakalat ng fake news katulad ng polisiya sa ibang bansa gaya ng France at Malaysia; maaring mauwi sa pagsikil ng gobyerno sa malayang pamamahayag dito sa Pilipinas (Bondoc, 2018). Isa pa sa mga kinakaharap na isyung panlipunan ay ang kalamidad at pagkasira ng kalikasan. Lapitin ang bansa ng mga bagyo, pagbaha, at pagputok ng bulkan. Ang malaking bunga na ito ay dulot din ng mismong aksyon at kaugalian ng mga Pilipino. Hinaing ni Idelfonso ng DENR (2021) na 40,000 tonelada ng basura ang naiipon sa isang araw lamang at dahil hindi laganap ang material recovery facility sa mga barangay, nagtatapon na lamang ang mga tao sa ilog, sa kalsada, o kung saan man. Isa pa walang pakungdangan ang ibang tao na magdulot ng polusyon sa bansa sa pagiging haling sa paggamit ng kotse, pagputol ng mga puno, pagmimina, at ano mang pagsira sa kalikasan. Kaugalian din sa mga Pilipino na magpagawa ng mga pabrika at imprastraktura upang masira ang kalikasan. Gaya ng kontrobersiya sa pagmimina, ang iresponsableng ugali daw dito ay nagpapakita ng kawalang katarungan sa lipunan, dahil ang open pit na pagmiminahan ay may masamang epekto sa buhay ng mga Pilipino (Belonio, 2022). Ngunit marami pa rin ang apura sa pagpapagawa ng imprastraktura gaya ng pagkalbo sa mga puno sa Palawan upang magtayo ng mga resort (GMA News, 2019). Sa ilang pahayag din sa Facebook ni Fenandez noong 2018, isang tao ang nagprotesta sa pagputol ng mga puno sa Baguio ng mga haling na gobyerno sa pagpapagawa ng isang pabrika, ngunit hindi siya pinakinggan. Isa pang post ni Gracio noong 2018 din, nakalbo ang kagubatan sa Samar dahil sa San Jose Timber Company (SJTC) na pag-aari ni Enrile na pinagdulutan naman ng kalamidad sa lugar upang maging laganap ang pagbaha. 17

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Sa kabilang dako, may malaking posisyon din ang mga nakaluklok na lider sa bansa sa pagresolba ng mga problemang kinahaharap. Sa malaking iysu rin ng pagkitil sa ilang pangunahing karapatan at serbisyo para sa mga Pilipino, bunga ito ng hindi masinsinang pagdedesisyon ng mga lider sa kanilang mga iba’t ibang patakaran na kinikilala natin bilang porma ng korupsyon. Ayon sa artikulo ng Human Rights Watch (2020), deteriorado na ang karapatang pantao ng mga Pilipino dahil sa umusbong na war on drugs killings, political threats and harassments, public humiliation at cruel treatment na nagmula sa pagsulong ng mga sige lang ng sigeng desisyon ng gobyerno na may paniniwalang masosolusyunan ang ilang problema ngunit hindi naiisip ang maaaring negatibong dulot nito. Sa pagresponde sa pandemya, mula noong Marso 16, ang gobyerno ay nagpataw ng pabago-bago at iba't ibang uri ng mga quarantine na kaduda-duda naman ang epektibo sa pagsugpo ng birus. Pinagdudulutan ito ng kaugalian ng pagkawalang-kibo, mayroong mataas na pagpapaubaya sa kawalan ng kakayahan, at mahinang serbisyo dahil sa kamangmangan (Saulan, 2020). Pagdating naman sa mga mamamayan, dulot din ang kawalan nila ng disiplina upang magkaroon lang ng kaswal na saloobin sa oras at espasyo nila, nagpapakita ng kakulangan ng katiyakan at pagiging mapilit, at hindi magandang pamamahala sa oras at pagpapaliban. Dagdag pa, may mga isyu rin na hindi nabibigyang pansin dahil sa kaugalian ng mga Pilipinong madaling manghusga at pumalagay katulad na lamang ng tingin ng mga Pilipino sa mental health. Mula sa isang pag-aaral nina Maravilla at Tan (2021), sa iba-ibang kultural na paniniwala ng mga Pilipino sa halos lahat ng aspeto, isa sa mga popular na paniniwala ay ang depresyon at pagkabalisa ay isang di-makatotohan o pawang hoax lamang ang pagtingin sa mga ito, at ang mga sakit sa pag-isip ay isang bagay na dapat ikahiya. Sa ganitong paniniwala, hindi man lang masuri kung ano ba ang kahalagahan ng mental health, kaya naman binibigyan lamang ito ng napakaliit na pansin ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga pampublikong sektor. Dagdag pa dito, ang hindi matibay na pagbibigay hustisya sa bansa dahil ang panghuhukom lagi ay mula sa pili o one-sided judgements. Mula sa pahayag ni Tulfo (2015), hindi patas ang hustisya sa Pilipinas dahil sa hindi rin patas ang katayuan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maiimpluwensya. Nakikita dito na mas kikiling ang mga Pilipino batay sa katayuan ng mga tao sa pagbigay ng hustisya at hindi base sa pagsuri ng ebidensiya. Sa inilahad naman ni Winston (2011) sa isang post niya sa website: “Kung ang isang Pilipino ay galit hindi niya iniisip ang kahihinatnan ng kanyang mga aksyon, nagsisimula lamang siya ng away. Minsan may mga saksakan. Pagkatapos ay mapupunta sila sa kulungan ng mahabang panahon. Maraming mga krimen ay mga krimen lamang ng pagsinta at ang mga tao ay walang kontrol. Napansin ko pa na sa mga Pilipino sa mga probinsya- wala silang iniisip na kahihinatnan sa mga bagay-bagay.” Napapatunayan rin dito kung bakit mataas din ang krimen sa bansa. 18

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Sa samu’t-saring mga isyung panlipunan kinakaharap ng mga Pilipino at sa dami ng problemang kinahaharap nila sa katayuan, likas na hindi mag isip nang masinsinan ang mga Pilipino kagaya nga ng naipahayag ng One ExPat (2018), napakahirap talagang makahanap ng matatalinong usapan sa bansa dahil walang kakayahang mag-isip at mag-obserba ang mga Pilipino kung kaya’t naging bahagi na nila ito sa kanilang paraan ng pamumuhay hanggang sa bumuo ng tagpi-tagping epekto sa lipunan. 2. Ang makabagong pag-iisip at kinikilos ng Generation Z ang nakapagsusulong ng konseptong sige lang ng sige. Iba ang pagkakakilala ng mga tao, lalo na ang mga matatanda, sa mga taong kabilang sa tinatawag na Generation Z o Gen Z. Batay kay Meola (2022), sila ang mga taong ipinanganak mula sa taong 1997 hanggang 2012. Madalas na naririnig mula sa matatanda na iba na raw kung kumilos, manamit, at magsalita ang mga kabilang sa Gen Z. Subalit hindi maipagkakaila na kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng makulay na imahinasyon, malawak na pananaw, at malalim na perspektibo, lalo ang mga nabibilang sa Gen Z. Ayon kay Shoto (n.d.), maraming mga konsepto, bagong imbentong salita, at salitang hiram ang nabuo dahil sa malawak na imahinasyon ng mga Millenials at Gen Z na hanggang ngayon ay madalas pa ring gamitin. Ang isa sa mga halimbawa na nabuong konsepto ng Gen Z ay alinsunod sa pag-aaral na ipinasa kay Cabalza (2019), ang Gen Z ay kabahagi sa pagbuo ng konsepto ng pa-woke na ang ibig sabihin ay pagiging mulat sa mga isyu at hamon na kinahaharap ng lipunan at bansa. 19

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Ang pagkakaroon ng ugaling sige lang ng sige ay maaaring magamit sa iba’t ibang bagay. Ating mapapansin na lahat ng tao ay naisabuhay, napagdaanan, o nagawa na ang konsepto ng sige lang ng sige dahil sa kanilang damdamin at hormon na kalaunan ay kanila ring pagsisisihan. Isa sa mga halimbawa ng paglalapat ng nasabing konsepto sa buhay ng isang Gen Z ay ang hindi pagkakaroon ng isang konkretong plano at pagdedesisyon ng hindi isinasaalang-alang ang kahihitnan o resulta nito na makakaapekto sa kanilang buhay (Harvie, 2017). Isa itong pagpapatunay na ang mga Gen Z ay kabahagi rin sa pag-usbong ng konsepto ng sige lang ng sige dahil minsan din silang hindi naging maingat sa pagbuo ng desisyon sa buhay. Ayon sa pag-aaral nina Djafarova at Bowes (2021), apatanapu’t isang bahagdan (41%) ng Gen Z na mamimili ay maituturing na sige lang ng sige sa pagbili ng kung ano-anong bagay mapa- online shopping man o hindi. Dagdag pa ni Berthiaume (2019), karamihan sa mga mamimiling Gen Z ay hindi gumagawa ng listahan ng mga dapat nilang bilhin kumpara sa mga millenials. Ang isa rin sa mga dahilan kung bakit sige lang sila ng sige sa pagbili ng mga gamit ay dahil sa takot na mapag-iwanan ng uso. Bibilhin nila ang kahit na anong uso, pangmatagalan man nilang magagamit o hindi. Ang mga sitwasyong ito ay ilan lamang sa mga pangyayaring madalas na ginagawa ng mga taong nabibilang sa Gen Z na sumasalamin sa konsepto ng sige lang ng sige. Ilan pa sa mga nakapagsusulong ng konseptong sige lang ng sige ay ang hindi pagtanggi ng mga Gen Z sa mga taong humihingi ng tulong. Sa abot ng kanilang makakaya ay gagawin nila ang anomang tulong na hinihingi ng mga tao, lalo na kung malapit ito sa kanilang mga puso. Kung ang humihingi ng tuloy ay ang taong matagal na nilang nagugustuhan ay mas bukal sa loob nila itong tutulungan upang magpamalas ng kabutihang loob. Minsan pa nga ay kaya nilang isantabi ang mahalagang bagay sa kanila, makapagbigay lamang ng tulong. Kahit pagod din sila at nahihirapan sa kanila mismong sitwasyon ay bukal sa puso pa rin silang tutulong, may kapalit man o wala. Minsan kaya nila ito nagagawa ay kaakibat nito ang takot na mahusgahan sila at masabihang masama ang ugali, lalo na ng mga taong binabantayan ang kanilang mga kilos. Sa kabilang banda, ang konseptong sige lang ng sige ay mailalapat din sa pagpapagaan ng loob ng mga taong may mga pinagdaraanan. Nabanggit ito sa isang Youtube channel na nagngangalang Let’s Speak Tagalog (2022), kasama ang iba pang mga salitang madalas na ginagamit ng mga tao upang sabihin at damayan ang mga taong humaharap sa isang pagsubok o hamon ng buhay. 20

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Samakatuwid, ang mga kinikilos at pag-iisip ng mga Gen Z ay may malaking bahagi sa pag-usbong at pagsulong ng konseptong sige lang ng sige, masama man o mabuti ang dulot nito sa kanila at sa ibang tao. Karaniwan man ito sa kanilang buhay at sa paningin ng iba ay nagagawa pa rin nila ang naturang konsepto. Sa kabilang banda, dapat nilang itigil ang pagsasabuhay ng konsepto kung makakasakit at magdudulot ito ng panganib sa kanila at sa ibang tao. Dapat nilang isaalang-alang ang kanilang kapakanan at ng mga taong nakapaligid sa kanila upang maiwasan ang gulo at paglala ng sakit na maidudulot ng kanilang aksyon. Kung magkakaroon man ng bagong pagsusuri at konseptong mabubuo ang Gen Z kaugnay ng konseptong sige lang ng sige, inaasahan ng mga tao na ito ay magdudulot ng magandang kapakinabangan at maaaring mailapat sa iba't ibang aspekto ng buhay. 3. Ang kaugaliang pinoy na sige lang ng sige at push mo yan ay nagpapakita ng pagsuporta at paghikayat sa iba na gawin ang isang bagay. S a kasalukuyang panahon, kani-kaniyang problema ang dinadala ng mga tao, parehong mabigat at magaan. Kanya-kanya rin ng paraan kung paano haharapin ang problema na dinadala. Nabanggit ng isang awtor sa Blogger na ang pagiging masiyahin ang isa sa ating kalasag o kaugaliang pandepensa sa problema, stress, at depresyon na ating nararanasan. Masasalamin ito sa mga pinoy sa oras ng sakuna, sa halip na ma-mroblema ay idinadaan na lamang nila ito sa kwela. Kanya-kanyang pakulo ang makikita sa mga memes na ginagawa at ina-upload ng mga pinoy sa Facebook. Sige lang ng sige kahit pa anong unos na dumaan. Tunay ngang makikilala ang mga Pilipino sa pagiging “optimist” na sadyang ikinatutuwa ng mga banyaga. Kahit na anong problema at unos na dumaan ay namumutawi parin ang ngiti sa mga bibig at patuloy parin ang pag-asa. Ayon kay Saludar (2014), likas na sa mga pinoy ang maging positibo at magkaroon ng malaking pag-asa. At napatunayan naman ito sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations, batay dito, mayroong humigit 30 na personal optimism score na maitu­turing na ubod na mataas ang mga Pilipino. Samakatuwid, ang kaugaliang pinoy na “sige lang ng sige” at “push mo yan” ay ginagamit rin natin sa pagpapakita ng pagiging isang optimismo o optimistic na tao. 21

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Bukod dito, ang kaugaliang sige lang ng sige ay ginagamit rin ng mga Pinoy sa panghihikayat o pagpapalakas ng loob. Kadalasan kapag nauuna ang takot ng tao ay nawawalan na ng pag-asa na gawin ang isang bagay, kaya naman upang muling laksan ng loob ay sinasabihan sila ng mga salita na makakapagpalakas ng kanilang loob. Tulad na lamang kapag ang tao ay sasali sa isang patimpalak, o pagod na sa ginagawa na tila ba wala ng katapusan, upang sila ay huwag panghinaan ng loob, ang linyang, “sige lang, push lang, kaya mo yan” ang madalas na mapapakinggan sa mga taong sumusuporta o nakapaligid sa kanila. Sa kabilang banda, hindi lamang pagiging positibo ang naidudulot ng kaugaliang ito sa mga Pilipino. Isa rin sa ugali ng mga pilipino ang pag gastos higit sa kanilang kinikita o ang pagiging impulsive buyer. Marahil madalas natin itong nakikita sa mga magulang tuwing ang kanilang anak ay hihiling ng isang bagay. Sabi nga nila, “walang magulang ang matitiis ang kanilang anak” kaya naman kahit walang wala na ay sige parin sila ng sige para lamang maibigay ang gusto ng kanilang mga anak. Ganun na rin ang ating pagbili o pag-order online ng mga bagay na gusto natin kahit hindi naman natin ito kailangan. Samakatuwid, ang kaugaliang pinoy na sige lang ng sige ay maaaring makaapekto sa kung paano gamitin o gastusin ng mga tao ang kanilang pera. Maari rin nating ihalintulad ito sa pagiging marupok ng mga pinoy. Ang orihinal na kahulugan ng salitang “marupok” ayon sa Tagalog Lang ay may kapansin-pansing dúpok o madalíng masirà. Ngunit, binigyan natin ito ng ibang kahulugan sa pag-ibig na ang ibig-sabihin ay “mahina”. Sa bagong henerasyon, matunog ang salitang “marupok” lalo na sa mga kabataan. Sinasabing ito ay ang kaugalian na kahit ayaw na ng tao o nakikitaan na natin ng mali, ay sige parin tayo ng sige o sa madaling salita ay pinipilit pa rin natin ang ating sarili kahit ayaw na sa atin. Hindi rin maitatanggi na mas marami ang babaeng marupok kaysa lalaki. Katulad ng sinasabi ng mga matatanda na nawawala na raw ang yumi ng mga kababaihan ngayon dahil sa pagiging agresibo sa pag-ibig. Hindi lamang sa pag-ibig marupok ang mga Pinoy. Masasalamin rin ito sa pang araw- araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Katulad na lamang ng pagkain ng bawal, marahil ay madalas ang ganitong sitwasyon sa mga tahanan sapagkat sabi nga nila “lahat ng bawal ay masarap”. Maraming mga pilipino ang marupok pagdating sa pagkain ng mga junk foods at pag- inom ng softdrinks. Ayon kina Bay at Anacleto (2010), isa ang Urinary Tract Infection o UTI sa sakit na laganap at hindi nawawala sa Top 10 Consults taon taon. 22

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 4. Kapag nakasanayan ang ganitong konsepto, madadala na nila ito hanggang sa pagtanda. “Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda” “Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda” ang salawikaing ito ang nagpapatunay na ang mga nakasanayang gawi, kilos, at mga pag-uugali ay maaaring madala hanggang sa pagtanda kung paulit-ulit na gagawin. Marahil, madalas marinig ang mga ganitong pahayag sa mga Pilipino lalo na sa mga usapan ng mga matatanda. Madalas nilang pansinin ang mga bagay na nakikita nila sa paligid kagaya na lamang sa pag-uugali ng isang tao. Kung may nakikita silang hindi kaaya-aya sa kanilang paningin o mga bagay na napukaw ng kanilang pansin, agad na magbibigay sila ng puna. Bukas nilang ipinapahayag ang kanilang saloobin at isa sa madalas nilang pagtuunan ng atensyon ang ugali ngayon na madadala kahit sa paglipas ng panahon. Ngunit hindi lamang nakatuon sa mga negatibong aspeto ang ganitong katangiang taglay ng mga Pilipino. Sa isang pahayag ni Jhasen (2015), may mga bagay na mula pagkabata ay ginagawa pa rin hanggang sa pagtanda, halimbawa ay ang pagkagat ng kuko kapag napapakali at pag inom ng gatas sa gabi. Inihayag nya din na hanggang ngayon ay madalas nya pa ring gawin ang mga ganitong bagay. Mahirap ngang baguhin ang nakasanayan, ika nga nila, may mga bagay na kahit dumaan na ang ilang taon o umabot man ng ilang dekada. Taglay pa rin nila ang mga kaugalian at tradisyon na nakagawian noong bata pa. Isa pa sa mga halimbawa ng tradisyonal na pag-uugali ng mga Pilipino ay ang paggalang sa mas nakakatanda sa pamamagitan ng pagmamano at pagsabi ng po at opo. Mapapansin sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng respeto, kagaya na lamang na kapag bumisita ang mga apo sa bahay ng kanilang lolo’t lola. Agad nilang aabutin ang kamay para magmano, hindi rin nila nakakalimutan na magsabi ng po at opo at ang pagtawag ng ate o kuya bilang pagbigay galang sa mas nakakatanda. Masasalamin sa mga Pilipino ang ugaling itanatak sa kanila ng kanilang magulang habang bata pa at hanggang pagtanda, dala dala nila ang mga katangian na itinuro sa kanila. Tunay ngang may mga nakagawian na hindi agad agad mapapalitan at kung makasanayan ay magiging baon tungo sa hinaharap. 23

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Maihahalintulad ang pananaw na ito sa konseptong sige lang ng sige ng mga Pilipino. Kung nakasanayan nila na laging “go lang ng go” sa isang bagay, tiyak na kahit pagtanda nila, hindi na mawawala ang ganitong kaugalian. Ayon nga sa libro ng Sikolohiya na Theories of Personality, sinasabi doon na hindi nababago ang personalidad ng isang tao, bagkus nagkakaroon lang ng pagbabago (Feist, 2018). Sa madaling salita, maaaring may madagdag o mabawas sa pag-uugali ngunit hindi ito tuluyang nawawala. Maari nating sabihin na sa paglipas ng panahon, ang konsepto ng sige lang ng sige ng mga Pilipino ay maaaring mas yumabong o umusbong sa bawat isa o maaaring humina at hindi na umunlad pa. Ang halimbawa ng pagbabagong ito ay ang paraan sa paggamit ng konseptong sige ng sige ng mga Pilipino. Ang katangiang ito ay may kaakibat na positibo at negatibong kaugalian. Ang konsepto ng “sige lang ng sige” o “push mo yan” ay nagbibigay ng motibasyon sa iba na magpatuloy kahit ang ilan ay nawawalan na ng pag-asa, ang pagiging mapanghikayat at ang pag pupush ng mga Pinoy ang nagbibigay ng sigla para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Maari rin na nagpapahiwatig ang konseptong ito ng pagiging enthusiastic sa pagtulong sa mga nangangailangan, ang pag sabi nila ng “sige” agad ay nagbibigay saya sa isa’t isa. Maari rin itong ipakahulugan ng pagiging happy go lucky ng mga Pinoy sa paraan na hindi sila tumatanggi, lalo na sa kasiyahan. Ngunit kung may positibo man na aspekto ang kaugaliang ito, hindi maitatanggi na may dulot rin itong negatibo, ang pag sige ng sige lang sa lahat ay nangangahulugang kawalan ng kontrol sa sarili at ang kawalan ng disiplina sa pagpaplano at pagdedesisyon. Halimbawa na lang ay ang pamimili ng mga bagay na hindi naman kailangan sa pang araw-araw o ang pagsunod sa gusto ng kaibigan kahit mali. Maaaring kahantungan ng ganitong pag-uugali ang kasiraan ng isang tao. At kung patuloy man na ganito ang gawain ng mga Pilipino, maaaring maging sa paglaki nila, dala-dala nila ang ganitong katangian. Bagaman may positibo at negatibong resulta ang kaugaliang sige ng sige ito ay nakadepende kung paano mas pauunlarin ng tao ang kanyang natatanging pag-uugali. Kung sa pagtanda niya, dala-dala niya ba ang positibong pag-uugali na may mabuting puso sa pagtulong sa kapwa o ang negatibong pag-uugali na makasisira ng kanyang pagkatao? Alin man sa dalawa ang desisyon ng Pilipino, magandang alamin ang magiging kahihinatnan ng mga plano para sa hinaharap. Kaya ang konseptong sige lang ng sige ay maaaring ituring na biyaya o sumpa para sa ilan. 24

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait 5. Masasalamin sa mga Pilipino ang pagiging sensitibo nila sa damdamin ng iba dahil madalas silang magsabi ng sige lalo na kung nagkakayayaan. M asasalamin sa mga Pilipino ang madalas na pagsasabi ng salitang sige lalo na kung nagkayayaan. Ito ay paraan ng pagpapakita nila ng kanilang pakikisama at pakikipagkapwa. Sa pamamagitan nito, nasusuri niya ang tamang konklusyon ng kausap niya mula sa pagsasalita at pag-uugali nito. Dahil dito, masasabing ang isang sensitibong tao mula sa mga unang minuto ng komunikasyon ay binibigyang pansin ang hitsura, pananalita, at pag-uugali ng ibang tao. Nagagawa ng ganoong mga tao na mahulaan ang damdamin at iniisip ng iba. Ang pagiging sensitibo ng mga Pilipino sa damdamin ng ibang tao ay nagpapakita ng sarili bilang isang katangian ng kanilang personalidad sa mga tao. Ang konsepto ng pagiging sensitibo sa kontekstong emosyonal ay nagdudulot rin ng pagkakaroon ng matinding pagkasensitibo o hypersensitivity ng bawat tao. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahayag sa pagkakapantay pantay sa impluwensya ng mga negatibong kaganapan ng nakaraan. Ayon kay Alvarez (2018), kilala ang mga Pilipino sa maraming katangian at magagandang ugali gaya ng abilidad sa pakikisama. Ito ay ang mabuting pakikibagay ng isang tao sa kapwa niya alang-alang sa pagkakaibigan o pakikisama, kung saan nag papangibabawan dito ang ugali at damdaming hindi makasarili. Ngunit sa kabilang banda, may mga taong “masamang makisama” o walang pakialam sa kapwa. Gaya na lamang dito ay ang kaugaliang sige ng sige, kung saan masasabing mabuti itong pakikibagay ngunit maaari ding masabing parte ito ng masamang pakikisama. Sa bawat pagsasabi ng sige ay may mga naapektuhan na damdamin gaya ng pamilya ng indibidwal na ito na naiiwan o nagiging pangalawang opsyon na lamang alang-alang sa pakikisama sa mga kaibigan. Dahil dito ay tila nawawalan ng nobilidad ang magandang katangian ng pakikisama. Sa kabilang banda, ayon kay Aron (2022), ang mga taong may sensitibong personalidad ay madaling magpasigla kung saan maari silang makaranas ng matinding sakit o matinding kagalakan. Tulad ng madalas na pagsasabi ng sige sa tuwing magkakayaan ang magkakaibigan, malaki ang kanilang posibilidad na magkaroon ng pagsasama ng isang pagiging mahiyain at mapag-sarili, at isang pagiging palakaibigan, dahil sa kanilang mga katangian ng personalidad kung saan kailangan nila ang kanilang sarili na magtuon ng pansin, ngunit gusto din nilang kumonekta sa ibang mga tao at sa kanilang kapaligiran. 25

ILUSTRASYON

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Sa larawang ito makikita ang hilig ng mga Pilipino sa boodle fight dahil sa “sige lang ng sige” nilang kaugalian sa saluhan. Naipapakita sa larawan ang happy go lucky nilang ugali, “sige lang” sila sa inuman sa kabila ng baha. 27

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Sumasalamin ang larawan sa pagkakaroon ng magandang teamwork ng mga Pilipino at paglalapat ng “push na natin ito, sige lang” na konsepto lalo na kung haharap sila sa matinding pagsubok o mahirap na gawain. Makikita dito ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa todo buhos ng gastos lalo na kapag mayroong okasyon. 28

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Ang larawang ito ay ang isang Facebook post at makikita sa caption ang pag-angkla ng mga Pilipino sa konseptong “sige lang” sa kanilang kapwa dahil sa patuloy nilang pagprotesta ng walang pakundangang aksyon. Sa larawang ito, ang “laban lang” ay mula sa anyong nagbibigay pagsuporta sa pagsagot ng ibibigay na katanungan. Naipapakita dito na kahit na ang mga ideyang kaduda-dudang isipin katulad ng nasa larawan ay nailalaban ng ekspresyong “push mo yan”, isang anyo ng “sige lang” upang magbigay katiyakan. 29

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Pinapakita sa larawang ito ang isa sa sitwasyon kung saan mailalapat ang konseptong “Sige lang”. Ang larawan ay nagpapahiwatig ng isang paraan upang mapagaan ang loob ng isang taong nakababasa nito. Ito rin ay maaaring magsilbing pahiwatig na ipagpatuloy ng isang tao ang kanyang mabuting ginagawa. Halimbawa nalang ang larawang ito sa isa sa karakter ng mga Pilipinong nagsasabi ng “sige” o sa larawan ay “try ko” na iba sa tunay na ibig sabihin, ibis na sila’y humindi. 30

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait KONKLUSYON Marami na ngang umusbong na bagong kaugaliang Pilipino na dala ng makabagong panahon, isa na rito ang konsepto ng sige lang ng sige. Sinasabi na ang konseptong ito ay umusbong at lumago dahil sa mga malilikhaing imahinasyon at pag-iisip ng mga Generation Z o Gen Z. Marami ring nabubuong mga bagong salita, ekspresyon at konsepto sa henerasyon na ito na may iba’t ibang kaugnayan at pananaw sa kaugaliang Pilipino. Mga kasanayan at katangiang taglay lamang ng mga Pilipino, kung kaya ang kaugaliang sige ng sige ay nagkaroon ng maraming termino at pagpapakahulugan na mahirap ipaliwanag kung gagamit lang ng mga diksyunaryo. Sa buklet na ito, ang kaugaliang ito ay pumapatungkol sa dalawang anyo ng katangian na may dulot na mabuti at masamang kaugalian. Halimbawa ng positibo nitong anyo ay ang pagiging laid back o happy go lucky ng mga Pinoy, ang pag pupush at pagsuporta na gawin ang isang bagay at ang pagiging sensitibo sa damdamin ng iba. Samantalang ang negatibong anyo nito, ay ang kawalan ng disiplina sa sarili, padalos dalos na pagdedesisyon at ang laging pakikisabay sa uso. Ang mga Pilipino ay ayaw na napag-iiwanan kaya sige lang sila ng sige kahit saan kung kaya ito ang nagiging bunga ng isa sa mga isyung panlipunan lalo na kung nakagisnan ang ganitong pag-uugali. Mahirap na itong iwaksi sa sistema ng mga Pilipino at tiyak na madadala nila ito hanggang sa pagtanda. Malayo na nga ang narating ng konseptong ito, mula sa simpleng ekspresyon kapag nakikipagsalamuha hanggang sa maging pag-uugali na ng mga Pilipino. Hindi sukat akalain na sa pagsabi lang ng “sige” ay maaaring humantong sa mabuti o masamang gawain. Kaakibat pa naman ng konsepto ito ang mabilisang pagdedesisyon na laganap sa bawat Pilipino. Hindi nila masyadong pinag-iisipan ang kahihinatnan ng kanilang ginawang aksyon. Kaya’t sa oras na inilaan ng mga mananaliksik sa paghanap ng mga pag-aaral tungkol sa kaugaling ito ng mga Pilipino, hatid nito ang bagong perspektibo at pananaw na magbibigay linaw at liwanag sa isip ng bawat isa. 31



Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait SANGGUNIAN All Nursery Rhymes. (n.d.). Eeny, meeny, miny, moe. https://allnurseryrhymes.com/eeny- meeny-miny-moe/ Bay, A.G., Anacleto, F. (2010). Clinical and laboratory profile of urinary tract infection among children at the outpatient clinic of a tertiary hospital. Pediatric Infectious Disease of the Phippines. Vol.10 No. 1. http://pidsphil.org/pdf/Journal_01242011/jo36_ja02.pdf Berthiaume, D. (2019, March 26). Study: Gen z, millenials have different shopping habits. Chain Store Age. https://www.chainstoreage.com/technology/study-gen-z-millennials- have-different-shopping-habits Bertulino, H. (2022, May 20). Learn how to write “The Philippines is a developing country” essay. Studybay. https://studybay.com/blog/philippines-is-a-developing-country- essay/#:~:text=is%20presented%20below.-,Essay%20Example%20%2D%20The%20Phili ppines%20as%20a%20Developing%20Country,on%20exports%20of%20primary%20com modities Blog. (2021, March 19). 20 Filipino traits to avoid para sa wais na money management. Palawan Pawnshop. https://www.palawanpawnshop.com/blog/filipino-traits-avoid-money- management Bondoc, J. (2018, May 25). Fake news bakit patuloy kumakalat. Pilipino Star Ngayon. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/05/25/1818495/fake-news- bakit-patuloy-kumakalat Cabalza, C. (2019). From pa-woke to woke: Profiling the Filipino gen z. Academia. https://www.academia.edu/39929287/From_Pa_woke_to_Woke_Profiling_the_Filipino_ Gen_Z Cortez, M. K. (2014, July 1). Isang blog ukol sa Noli Me Tangere. Word Press. https://markkylecortez.wordpress.com/2014/07/01/ang-simula/ David, L.M. (2020, July 24). Philippines events of 2020. Human Rights Watch. https://www.hrw.org/world-report/2021/country-chapters/philippines Diksyunaryo. (n.d.). Ibig sabihin ng sige. https://www.diksyunaryo.net/Sige Djafarova, E., & Bowes, T. (2021). ‘Instagram made Me buy it’: Generation Z impulse purchases in fashion industry. Journal of Retailing and Consumer Services, 59, 102345. https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0969698920313539 Eumague, A. (2012). Isang pagsusuri sa kaugaliang Pilipino. Dokumen Tips. https://dokumen.tips/documents/isang-pagsusuri-sa-kaugaliang-pilipino.html 33

Push Lang Mamsh!: The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Feist, J., Feist G., Roberts, T.A. (2018). Theories of Personality Ninth Edition. McGraw-Hill Education, 2 Penn Plaza, New York, NY 10121. Page 390-392 Fernandez, R. (2018, September 20). Taong nagpatali sa puno bilang protesta sa pagputol ng mga puno sa Baguio. Facebook. https://www.facebook.com/photo/? fbid=2268232659864779&set=a.706023022752425 Filipino Character and Personality (2015, June). Facts and details. https://factsanddetails.com/southeast-asia/Philippines/sub5_6c/entry-3867.html#chapter-12 F.R.J. (2019, August 29). Mga puno sa Palawan, ilegal pinuputol para magamit umano sa mga bagong resort. Balitambayan GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/706259/mga-puno-sa-palawan-ilegal-na- pinuputol-para-magamit-umano-sa-mga-bagong-resort/story/ Genius. (2012, June 11). Quest PH sige lang. https://genius.com/Quest-ph-sige-lang-lyrics Gracio, J. (2018, December 31). Si Juan Ponce Enrile at ang mga Marcos ang dahilan ng kalamidad sa Samar. Facebook. https://www.facebook.com/jerry.gracio/posts/10218840079371880 Hansen, H. (2001). \"Fallacies\". The Stanford Encyclopedia of Philosophy (Summer 2020 Edition), Edward N. Zalta (ed.), URL = <https://plato.stanford.edu/archives/sum2020/entries/fallacies/>. Harvie, J. (2017, September 24). Bukas na lang! Impulsive Filipinos. Filipina Wives. https://www.filipinawives.com.au/bukas-na-lang-impulsive-filipinos/ FeJhasen. (2015, January). “Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda”. https://jhasen.wordpress.com/2015/01/30/ang-gawa-sa-pagkabata-dala-hanggang-pagtanda/ Kalat, J. W.(2010). Psychology: An Introduction. Cengage Learning Asia Pte Ltd (Philippines Branch). Unit 2105-2106 Raffles Corporate Center Emerald Avenue, Ortigas Avenue Pasig City, Philippines 1605. Page 390-392 Kathiravan, C., Mahalakshmi, P., & Abubakar, S. (2019, July 1). Online impulse buying behavior of consumer triggered by digital marketing. Research Gate. http://dx.doi.org/10.35940/ijrte.B1124.0782S619 Let’s Speak Tagalog. (2022, April 1). Learn Filipino: Sige lang ng sige and other motivating expressions in Tagalog (Filipino-English). https://www.youtube.com/watch? v=wiUkIEm1jJM&t=74s Lhordyx. (2019). Mga dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas. Wattpad. https://www.wattpad.com/43424312-mga-dahilan-kung-bakit-%E2%9C%8E-naghihirap-ang- pilipinas Maravilla, N. M. A., Tan, M. J. (2021, July 21). Philippine mental health act: Just an act? A call to look at bi-directionality of mental health and economy. Frontiers. https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2021.706483/full Mella, A.V. (2021). Makitid rin ba ang utak mo tulad nila. Filipino Journal, 24(18). https://filipinojournal.com/makitid-rin-ba-ang-utak-mo-tulad-nila/ 34

Push Lang Mamsh! The Concept of Sige lang ng Sige as a Filipino Trait Reddit. (2021, March 28). 'Sige' vs 'Sige lang' : r/Tagalog. https://www.reddit.com/r/Tagalog/comments/meuytw/sige_vs_sige_lang/ Ruto, J. J. (2017). Mga kaugalian at pagpapahalagang moral ng mga Pilipino. Prezi. https://prezi.com/yoankgyxlace/mga-kaugalian-at-pagpapahalagang-moral-ng-mga-pilipino-na-m/ Saulan, C. A. (2021). The strenghts and weakness of the Filipino character. StuDocu. https://www.studocu.com/ph/document/bicol-university/bachelor-of-elementary-education/the- strengths-and-weaknesses-of-the-filipino-character/18344046?origin=null Shoto, Y. (n.d.). Sariling bersyon ng salita ng taon. StuDocu. https://www.studocu.com/ph/document/cavite-state-university/dalumat/sariling-bersyon-ng-salita- ng-taon/20582210 Soriano, E. R., (2015, March 6). Ang mga paniniwalang taglay ng mga Pilipino. Word Press. https://uclaliwanagatdilim2015.wordpress.com/2015/03/06/1302/ Tendencia, F.A. (2012, January 21). Panahong sige-sige. Pinoy Apologista. https://www.pinoyapologista.ph/sanaysay/panahon-ng-sige-sige/ Tulfo, R. (2015, November 25). Bulok na sistema ng hustisya. Pinoy Parazzi. https://www.pinoyparazzi.com/bulok-na-sistema-ng-hustisya/ Unknown. (2015, Disyembre 5). Ang kaugaliang Pilipino. Blogger. http://kaugalian.blogspot.com/ Winston, W. (2011, December 22). The Pros and Cons of Living and Dating in the Philippines. Happier Abroad. https://www.happierabroad.com/forum/viewtopic.php?t=7009 Meola, M. (2022, January 5). Generation z news: Latest characteristics, research, and facts. Insider Intelligence. https://www.insiderintelligence.com/insights/ 35



MARAMING SALAMAT!


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook