Ang Mga Kaloob ng PagpapagalingAng pinag-ugatan ng usapin tungkol sa mga kaloob ng Espiritu Santo at ministeryo sa iglesiya ay ang bautismo sa pamamagitan ng iisang Espiritu: "Tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu" (1 Corinto 12:13). Ang bautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasan ng taong nanampalataya kay Jesus at nagsisi ng mga kasalanan ayon sa tala ng Banal na Kasulatan na may unang tanda ng pagsasalita ng ibang mga wika, ayon sa pinili ng Espiritu na salitain ng tumanggap (Mga Gawa 2, 10, 19). Ang kapangyarihan sa paggamit ng mga ipinangakong kaloob na ito ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus (Marcos 16:16-18).
Like this book? You can publish your book online for free in a few
minutes!