Mga Tanong at Sagot Tungkol sa NADGI-YIIOSASNG
Mga Tanong at Sagot Tungkol sa NADGI-YIIOSASNG
Paunang Salita Sa Lumang Tipan . Hindi ba't ang salitang Hebreo para sa \"Diyos\" ay maramihan? . Paano ang tungkol sa, \"Gawain natin ang tao ayon sa ating larawan\"? . Hindi ba si Jesus ang karunungan sa Kawikaan ? Sa Bagong Tipan . Paano naman ang bautismo ni Jesus? . Kung si Jesus ay Diyos, bakit kailangan Niyang manalangin? . Hindi ba pinabayaan ng Diyos si Jesus sa krus? . Paano ang ang nagyaring pagbato kay Esteban? . Paano naman ang Tagapamagitan sa Juan : ? . Paano naman ang Mateo : ? . Paano naman ang mga pagbati? 14 733 9182692 121542 412 391 261 161 31 8311 29 19 6
Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag binabanggit nito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu? Ang Tatlong Termino Ay Hindi Tatlong Persona 15 34
Ang mga sipi mula sa Bibliya ay hango sa salin mula sa Ang Dating Biblia (1905) maliban na lamang kung iba ang tinuran. - SND : Ang Salita ng Diyos - AB: Ang Bibliya - MBB: Magandang Balita Biblia - FSV: Filipino Standard Version
PAUNANG SALITA \"Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon: At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.\" I tinuturo ng Bibliya nang malinaw at walang kalabuan na ang Diyos ay iisa! Hindi kailanman sinasabi na ang Diyos ay dalawa o tatlo o anumang bilang. Sinasabi lang nito na ang Diyos ay iisa! Ngunit maraming mananampalataya ngayon ang itinuro na ang Diyos ay hindi iisa. Natutunan nila na ang Diyos ay dalawa, na tinatawag na Arianism o binitarianism. O ang Diyos ay tatlo, na tinatawag na trinitarianism. Ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasaad, “Kapag ang isang tao ay nagsasalita tungkol sa isang di-kuwalipikadong Trinitarianismo, kailangan niyang bumalik sa panahon ng mga Kristiyanong pinagmulan tungo sa huling bahagi ng ika-4 na siglo. Doon lamang ang aral ng
Trinitarian na 'isang Diyos na may tatlong persona' ay lubusang naipasok sa buhay at isipan ng mga Kristiyano. Ang pormula mismo ay hindi nagpapakita ng agarang kamalayan sa panahong pinagmulan; ito ay bunga ng tatlong siglong pag- unlad ng aral\" (Vol.XIV, p.295). Kung ang aral ng Trinity ay wala sa “kaagad na kamalayan” ni Jesus o ng Kanyang mga apostol, kung gayon ang itinuro nila? Ang sagot, itinuro nila ang parehong aral na itinuro ni Moises: na ang Diyos ay iisa! Sa Marcos 12:29, sinabi ni Jesus, \"Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa.\" Ngunit sa 1 Corinto 8:5-6 ay isinulat ni Pablo, “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at
tayo'y sa pamamagitan niya.” Kung iisa ang Diyos, bakit ginawa ni Pablo ang pagkakaibang ito sa pagitan ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesucristo? Ito ay parang hindi bababa sa dalawa. Ang pinag-uusapan natin dito ay kung paano natin ilalarawan ang Diyos at kung paano mauunawaan si Jesus. Ngunit dahil sa mga talatang tulad nito, maraming tao ang nahihirapang maunawaan ang mga aral ng Bibliya tungkol sa Diyos at kay Jesus. Kaya, sa pagtatangkang mas mahusay na mailarawan ang Diyos, tingnan natin ang ilan sa mga itinanong ng mga tao tungkol sa pagtuturo na ang Diyos ay iisa!
KABANATA 1 SA LUMANG TIPAN 1. HINDI BA'T ANG SALITANG HEBREO PARA SA \"DIYOS\" AY MARAMIHAN? A NG HEBREO na SALITA na isinaling “Diyos” sa buong Lumang Tipan ay ang salitang Elohim. Lumilitaw ang salitang ito ng 2,570 beses. Ang ilan ay nagsabi na dahil ang salitang ito ay isang pangmaramihang pangngalan, ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay isang pangmaramihang nilalang, na Siya ay isang Diyos, ngunit magkasabay na tatlong natatanging banal na persona – ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu...ang Trinity. Ngunit sa Hebreo, ang pangmaramihan ay hindi lamang nagpapahiwatig ng higit sa isa, ito rin ay nagpapahiwatig ng kalakhan o kadakilaan o kalawakan. Halimbawa, ang salitang mayim na nangangahulugang \"tubig\" ay isa ring
pangmaramihang anyo. Gayundin ang shamayim na nangangahulugang “langit.” Malaki ang langit! Sinasabi ng Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios.” Ang pandiwa na “nilikha” ay nasa isahan na anyo, na nagpapatunay na ang Elohim ay nilayon na ang bilang ay isahang pangngalan. Noong unang isinalin ang Elohim sa Griyego ng mga Judiong iskolar, pinili nila ang salitang Theos, na isang isahang pangngalan. Hindi nila kailanman ginamit ang Theoi, ang pangmaramihang anyo, na kung isasalin ay “mga diyos.” Upang sabihin na \"ang Elohim ay maramihan na nagpapatunay na ang Diyos ay maramihan din\" ay ang pagbabasa sa salitang ito na ang kahulugan na sadyang wala naman doon. Sinasabi ng Galacia 3:20, “Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa [Theos eis esti].\" Sinasabi ng Santiago 2:19, “Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa [Theos eis esti]; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at
nagsisipanginig.” Kahit na ang mga demonyo ay alam na ang Diyos ay IISA! 2. PAANO ANG TUNGKOL SA, \"GAWAIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING LARAWAN\"? SINASABI NG GENESIS 1:26, “At sinabi ng Dios [Elohim], Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.\" Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang “Natin”? Sinasabi ng ilan na ito ang Ama, Anak, at Espiritu Santo na nagsasalita nang magkasama bilang isang Diyos. Ngunit sinasabi sa atin ng Job 38:4-7, \"Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At
ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?\" Sa Lumang Tipan, ang pariralang \"mga anak ng Diyos\" ay palaging tumutukoy sa mga anghel. Sa buong buhay ni Jesus, nakikita natin ang mga anghel na kumikilos—sa Kanyang pagsilang, sa ilang, sa Getsemani, sa muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Sa buong aklat ng Mga Gawa, nakikita rin natin ang mga anghel na kasama ng mga tao ng Diyos. Sinasabi sa Hebreo 1:14 na ang mga anghel ay isinugo upang maglingkod sa “mangagmamana ng kaligtasan.” Maliwanag na ang mga anghel ay kasangkot sa patuloy na proseso ng \"paglalang ng tao\" sa larawan ng Diyos. Ang katulad na wika ay matatagpuan sa Genesis 11:7 at Isaiah 6 kung saan malinaw na nakikipag-usap ang Diyos sa mga anghel. Sinasabi ng Genesis 1:27, “At nilalang ng Dios [Elohim] ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan.” Sa pamamagitan ng bagong kapanganakan, ang bawat isa sa atin ay maaaring maging larawan ng Diyos; ngunit wala
sa atin ang may maramihang pagkakakilanlan o katangian. Bawat isa sa atin ay ISANG TAO lamang! Sinasabi ng Genesis 3:22, “At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama.” Sinasabi ng 2 Samuel 14:17, “Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw: sapagka't kung paano ang anghel ng Dios, ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama.” Talagang bang hindi makatuwirang paniwalaan na ang Maylalang ay nakipag-usap sa mga anghel? 3. HINDI BA SI JESUS ANG KARUNUNGAN SA KAWIKAAN 8? SINASABI NG KAWIKAAN 8:1, “Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?” Sinasabi sa Kawikaan 8:22-23, “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay
mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.” At sinasabi sa Kawikaan 8:29-31, \"Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.\" Ang haka-haka na ang karunungan na binabanggit sa talatang ito ay ang pangalawang persona sa pagka-Diyos ay unang iminungkahi ng isang Judiong pilosopo na nagngangalang Philo na nabuhay noong panahon ni Kristo. Sinubukan ni Philo na ipaliwanag ang Lumang Tipan gamit ang mga pilosopikal na palagay ni Plato. Ang kaniyang mga ideya tungkol sa karunungan ng Kawikaan ay kinuha nang maglaon ng tinatawag na Kristiyanong mga pilosopo, na kinilala ang karunungan na ito sa Anak ng Diyos. Ngunit pansinin ang sinasabi ng
Bibliya, “Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?” Sa buong aklat ng Mga Kawikaan, ang karunungan ay ipinakilala bilang isang babae. Ang karunungan ng Diyos ay ang matalinong babae. Ang karunungan ng mundo ay ang mapanlinlang, mahalay na babae. Upang sabihin na ang matalinong babae ng Kawikaan ay ang umiiral noon pa na pangalawang persona ng Trinity ay malinaw na wala sa Banal na Kasulatan.
KABANATA 2 SA BAGONG TIPAN 1. PAANO NAMAN ANG BAUTISMO NI JESUS? SINASABI NG MATEO 3:16-17, “At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’” Dito makikita natin ang taong si Jesus, na nakatayo sa tubig ng ilog Jordan upang bautismuhan, ang Espiritu ng Diyos na bumababa “tulad ng isang kalapati,” at isang tinig na nagsasalita mula sa langit. Ito ba ay
larawan ng Trinity, tatlong natatanging banal na persona sa isang Diyos? Kung hindi, paano natin mauunawaan ang pangyayaring ito? Upang maunawaan ito ng tama, dapat nating tandaan na si Jesus ay hindi tumigil sa pagiging \"nasa kahit saang dako\" na Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao. Sa buong panahon na nabubuhay Siya sa mundo bilang tao, sabay- sabay Niyang pinamunuan ang sansinukob bilang Diyos. Kahit na ang kabuuan ng katangian ng Diyos at moral na mga katangian ay nananahan sa katawan kay Kristo, ang kabuuan ng Kanyang Espiritu ay hindi limitado. Ang Diyos ay na kay Kristo; ngunit ang Diyos ay nasa lahat ng dako! Sa pag-unawa dito, madaling makita na ang \"nasa kahit saan dako\" na Espiritu ng Diyos ay nagsalita mula sa langit at nagpadala ng isang paghahayag ng Kanyang sarili sa anyo ng isang kalapati, kahit na ang Kanyang katawan ng tao ay nakatayo sa maputik na tubig ng ilog ng Jordan.
Ano kung gayon ang layunin ng mga paghahayag ito? Sa Juan 1:31, sinabi ni Juan Bautista na siya ay dumating na nagbabautismo upang “siya'y mahayag sa Israel.” Sa madaling salita, ang layunin ng pagbabautismo kay Jesus ay upang magsilbing simula ng Kanyang ministeryo at ang pampublikong pagpapahayag ng Kanyang pagiging Mesiyas sa mga tao ng Israel. Sinasabi sa Juan 1:32-34 na ang kalapati ay magiging tanda kay Juan. Yamang sinabi ng Isaias 40:3 na si Juan ang magiging tagahanda ni Jehova (ang PANGINOON), kailangang malaman ni Juan na si Jesus ay talagang si Jehova na nagkatawang-tao. Alam ni Juan na iyon ang pagbaba ng Espiritu, ngunit hindi mo makikita ang isang Espiritu. Samakatwid, ipinadala ng Diyos ang natatanging pagpapakitang ito sa wangis ng isang kalapati. Higit pa rito, ang pagbaba ng Espiritu ay isang uri ng pagpapahid. Naparito si Jesus upang gampanan ang mga tungkulin ng propeta, saserdote, at hari, kaya kinailangan Niyang pahiran ng langis sa mga tungkuling iyon. Ngunit dahil si Hesus ay isang taong walang
kasalanan at ang Diyos Mismo, ang pahiran ng isang makasalanang tao na may nagsasagisag na langis ay hindi sapat. Sa halip, si Jesus ay direktang pinahiran ng Espiritu ng Diyos. Ang tinig mula sa langit ay para sa kapakinabangan ng mga tao. Ang isang katulad na pangyayari ay naganap sa Juan 12:28-30. Ang paghahayag ito ng isang tinig ay nagsilbing pagpapakilala kay Jesus sa Israel bilang Anak ng Diyos at kanilang Mesiyas. Dahil maraming tao ang naroroon sa lugar ng bautismo, pinili ng Espiritu ang taong si Jesus at kinilala Siya sa pamamagitan ng tinig mula sa langit. Ito ay higit na mabisa kaysa kung ipinahayag lamang ni Jesus ang Kanyang sarili bilang isang tao. 2. KUNG SI JESUS AY DIYOS, BAKIT KAILANGAN NIYANG MANALANGIN? SINASABI ng HEBREO 5:7 na nanalangin si Jesus “sa mga araw ng Kaniyang laman.” Sinasabi sa Awit 65:2, \"Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.\"
Noong nanalangin si Jesus, hindi isang banal na tao ang nananalangin sa iba; ito ay laman na nananalangin sa Espiritu, ang pagiging tao ay nananalangin sa Diyos, Anak na nananalangin sa Ama, ang tao ay nananalangin sa Diyos. Bakit kailangang manalangin ang isang banal tao sa iba? Kung iyon ang nangyayari, dapat nating sabihin na ang pangalawang persona ay mas mababa sa unang persona ng Diyos. Ibig sabihin ay hindi sila magkapantay. Ngunit kapag naunawaan natin na ang Diyos ay nahayag sa laman, kung gayon ay mauunawaan natin na habang Siya ay \"nasa mga araw ng Kanyang laman,\" kailangang gawin ni Jesus kung ano ang dapat gawin ng lahat ng laman: manalangin sa Isa na dumirinig ng panalangin. Higit pa rito, Siya ay naging isang halimbawa sa atin kung paano tayo dapat mamuhay para sa Diyos.
3. HINDI BA PINABAYAAN NG DIYOS SI JESUS SA KRUS? SINASABI SA MATEO 27:46, “At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” Ano ang nangyayari dito? Tinalikuran ba ng unang persona ng Trinity ang pangalawang persona sa gitna ng Kanyang pinakamalaking pagsubok? Hindi! Ang talatang ito ay hindi maaaring maglarawan ng isang tunay na paghihiwalay sa pagitan ng Ama at ng Anak, dahil ang Anak AY ang Ama na nahayag sa laman. Si Jesus mismo ang nagsabi, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Higit pa rito, sinasabi ng 2 Corinto 5:19 na \"ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin.\" Hindi kailanman nakasaad na iniwan ng Diyos si Kristo sa krus. Ano ang ibig sabihin ng sigaw ni Jesus? Hindi ito nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay
umalis sa katawan ni Kristo, lamang ay hindi ito nagbigay ng tulong sa katawan. Sa madaling salita, ang katotohanan na si Jesus ay Diyos sa laman ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang laman ay hindi nakadama ng sakit mula sa mga pako tulad ng ating laman. Walang nabawas ng pisikal na sakit dahil sa Espiritu. Sinasabi sa Hebreo 9:14 na inihandog ni Kristo ang Kanyang sarili sa Diyos “sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan.” Kung iniwan Siya ng Espiritu sa krus, hindi na sana Siya ang Kristo – ang Pinahiran/Itinalaga. Ang Espiritu ay kasama ni Kristo sa buong pagsubok. Si Jesus ay hindi literal na pinabayaan ng Diyos, ngunit nararamdaman Niya na pinabayaan ng Diyos. Tandaan, dinadala Niya ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa puno. Naramdaman niya ang pakiramdam ng makasalanan. Naramdaman niya ang nagniningas na sakit dulot ng mga pako. Naramdaman niya ang nakakahiyang kirot ng mga paghamak. Nadama niya ang kakila-kilabot na sindak ng paghatol ng Diyos sa tao.
Dagdag pa rito, dinala ni Jesus ang mga tao sa Mga Awit 22, isang nakakabighaning unang katauhan na salaysay ng paghihirap ng pagpapako sa krus, na nagsisimula, “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?” Ito ay nagpapatuloy sa pagsasabing, “Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako” (Mga Awit 22:1, 14-17). Kailan talaga umalis ang Espiritu sa katawan? Sinasabi sa Mateo 27:50 (SND), “Muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig. Pagkatapos, ipinaubaya niya ang kaniyang
espiritu.” Umalis ang Espiritu nang mamatay si Hesus. 4. PAANO ANG ANG NAGYARING PAGBATO KAY ESTEBAN? N ang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin. Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios ( Gawa 7:54-56 ). Ano ba talaga ang nakita ni Esteban? Sinasabi ng Bibliya na nakita niya “ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios.” Paano niya inilarawan ang kanyang nakita? Sinabi niya, “nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng
Dios.” Ang “kaluwalhatian ng Diyos” ay waring katumbas ng “bukas ang mga langit.” Nakikita natin ang isang bagay na katulad nang nakita ni Pablo si Jesus. Ang sabi ng Bibliya, “At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig” (Gawa 9:3-5). Nang maglaon ay sinabi ni Pablo, “hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon” (Mga Gawa 22:11). Kaya ang liwanag mula sa langit ay ang kaluwalhatian ng Diyos. Nakita ni Stephen na nabuksan ang langit at isang maluwalhating liwanag ang sumikat. At nakita Niya si Jesus, ang Anak ng Tao (ben Adam) na “nakatindig sa kanan ng Dios.” Nakita ba ni Esteban ang dalawang natatanging persona ng Diyos?
Nakita ba niya ang taong si Jesus at ang isang malaking kamay na pag-aari ng Diyos? Talaga bang may literal na kanang kamay ang Diyos? Hindi ba't sinabi ni Jesus, \"Ang Diyos ay Espiritu\" (Juan 4:24)? Ang isang Espiritu ba ay may literal na kamay? Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag binabanggit nito ang “kanang kamay ng Diyos”? Sinasabi ng Exodo 15:6-7, “Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway. At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami.” Sinasabi sa Awit 20:6, “Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.” Sinasabi sa Awit 89:13, “Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong
kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.” Ang “kanang kamay ng Diyos” ay isang tayutay ng Hebreo na tumutukoy sa kapangyarihan at lakas ng Makapangyarihang Diyos. Sa Mateo 26:64, sinabi ni Hesus, “Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.” Sinasabi sa Marcos 16:19-20, “Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios. At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.\" Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit, ang taong si Jesus ay umupo sa Kanyang upuan sa trono ng langit. Hindi na Siya gumaganap sa Kanyang tungkulin bilang nagdurusa na Tagapagligtas, ngayon Siya ay kumikilos sa Kanyang tungkulin bilang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Sinasabi sa Hebrews 1:2, “nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan…” Sinasabi sa Hebrews 8:1, “Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit.” At ang sabi sa Hebreo 10:12, “Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios.” Sinasabi ng 1 Pedro 3:22 tungkol kay Jesus, “Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” Ang talagang nakita ni Esteban ay ang taong si Jesus na umakyat sa langit na nakatayo sa lugar ng banal na kapangyarihan at kaluwalhatian. Hindi niya nakita ang dalawang natatanging banal na persona. Ang Gawa 7:57-59 ay nagsasabi, “Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong; At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at
binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo. At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.\" Anong pangalan ang ginamit ni Esteban nang Siya ay tumawag sa Diyos? Sinabi niya, \"Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.\" Ano ang sagot na natanggap ni Pablo nang itanong Niya, “Sino Ka, Panginoon?” Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon, “Ako si Jesus.” 5. PAANO NAMAN ANG TAGAPAMAGITAN SA 1 JUAN 2:1? SINASABI ng 1 JUAN 2:1-2, “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at
hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.” Ano ang nakikita natin sa talatang ito? Nakikita ba natin ang isang banal na persona na patuloy na nagsusumamo sa isa pang banal na persona na bigyan tayo ng kapatawaran kapag tayo ay nagkasala? Hindi ba't sinabi ni Jesus, \"ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan\" (Mateo 9:6)? Bakit kailangan Niyang patuloy na magsumamo sa Ama na patawarin tayo? Sinasabi ng 1 Timoteo 2:5, “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” Ang tunay na nakikita natin sa 1 Juan 2:2 ay ang papel ng tao, si Kristo Jesus, na minsan para sa lahat ng panahon ay naging “pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.” Ang salitang \"pagpapalubag-loob\" ay nangangahulugang \"ang lugar kung saan
matatagpuan ang awa.\" Kapag tayo ay nagkasala, si Jesus ang lugar kung saan tayo makakatagpo ng awa. Sinasabi sa Hebreo 4:15-16, “Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.\" Ang ating Mataas na Saserdote, ang ating Tagapamagitan, ang Siyang nakaupo sa trono ng biyaya. Kapag tayo ay lumalapit kay Jesus para sa kapatawaran, tayo ay lumalapit sa Ama. Sinasabi sa Hebreo 7:25-27, “Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila. Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; Na hindi
nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.\" Sa mga panahon ng tabernakulo, ang mataas na saserdote ay kailangang patuloy na mamagitan para sa mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga hain para sa kanilang mga kasalanan. Ngunit si Jesus ay namagitan “ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.\" Sinasabi sa Hebreo 10:11-14, “At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga
kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa. Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.” Ang pagtatanggol ni Jesukristo ay naganap sa mga araw ng Kanyang laman nang Siya ay nakabitin sa krus ng Kalbaryo at nagbuhos ng Kanyang sariling dugo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Walang dalawang banal na persona sa talatang ito, kundi isang Diyos na naparito sa laman upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. 6. PAANO NAMAN ANG MATEO 28:19? M ababasa sa MATEO 28:18-20, “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” Anong pangalan ang nasa isip ni Jesus? Sinabi ba Niya sa Kanyang mga apostol na taglay Niya ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa, samakatuwid, magbautismo sa Aking pangalan at dalawa pa? Bilang isang kasamang talata, sinasabi sa Marcos 16:15-17, “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika.’” Bukod dito, sinasabi sa Lucas 24:46-47, “At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.” Paano naunawaan ng mga apostol ang tagubilin ni Jesus tungkol sa bautismo? Sa pagsasalita sa isang pulutong pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, sinabi ni Pedro sa mga tao, “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:38). Si Jesus ay hindi nagbibigay sa Kanyang mga apostol ng isang pormula sa pagbabautismo sa Mateo 28:19. Siya ay nagbibigay sa kanila ng isang paghahayag. Alam nila na ang pangalan ng Anak ay Jesus. Ngunit nais ni Jesus na maunawaan nila na Jesus din ang pangalan ng Ama, dahil sinabi ni Jesus sa Juan 5:43, “Naparito ako sa pangalan ng aking Ama.” Sa Juan 17:6 sinabi Niya sa Ama, “Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa
akin mula sa sanglibutan.” Ano ang tanging pangalan na ipinakita ni Jesus? Ang pangalang Jesus! Ang pangalan ng Ama ay Jesus. Bakit? Dahil ang Ama at ang Anak ay hindi dalawang natatanging banal na persona. Ang Anak AY ang Ama na nahayag sa laman. Sa Juan 14:9, sinabi ni Jesus, “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?\" Ngunit ano ang pangalan ng Banal na Espiritu? Sinasabi sa Juan 14:26, “Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.” Ang Espiritu Santo ay hindi isang ikatlong banal na persona na naiiba sa Ama at sa Anak. Ang Espiritu Santo ay Espiritu ng Ama. Siya ang Espiritu ng Diyos. Sinasabi sa Juan 4:24 na “Ang Diyos ay Espiritu.” Sinasabi ng 1 Pedro 1:16 na ang Diyos
ay banal. Samakatuwid, ang Diyos ay ang Banal na Espiritu o Espiritu Santo. Sa Filipos 1:19, Siya ay tinawag na “Espiritu ni Cristo.” Ang espiritu ng isang tao ay walang ibang pangalan na iba sa kaniya. Samakatuwid, ang pangalan ng Espiritu Santo ay Jesus. Kaya't nang sabihin ni Jesus sa Kanyang mga apostol na magbautismo sa (isang) pangalan ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu, ibig sinabi Niya sa kanila na magbautismo sa pangalan ni Jesus! Tungkol sa pangalang gagamitin sa bautismo sa tubig, isaalang-alang ang sumusunod na mga sanggunian: 1. Hastings Dictionary of the Bible \"Dapat kilalanin na ang tatlong pangalan ng Mateo 28:19 ay hindi lumilitaw na ginamit ng sinaunang iglesia, kundi sa pangalan ni Jesus\" (p. 83). 2. Encyclopedia of Religion and Ethics (1951) “Ang ginamit na pormula ay ‘sa pangalan ng Panginoong Jesucristo’ o ilang magkasingkahulugang parirala; walang
katibayan para sa paggamit ng tatluhan [tatlong beses] na pangalan… Ang pinakaunang anyo, na kinakatawan sa Mga Gawa, ay simpleng paglulubog sa tubig, ang paggamit ng pangalan ng Panginoon, at ang pagpapatong ng mga kamay” (Vol. 2, p. 384). 3. The Illustrated Bible Dictionary “Di-tulad ng bautismo ni Juan, ang bautismo ng Kristiyano ay mula sa unang pagbabautismo 'sa pangalan ni Jesus.' Maliwanag na, mula sa una, ang bautismo sa pangalan ni Jesus ay gumanap bilang seremonya ng pagpasok o pagsisimula sa bagong pangkat ng mga taong tinawag sa pangalan ni Jesus” (p. 173). 4. Canney’s Encyclopedia of Religions (1970) “Ang mga tao ay unang nabautismuhan 'sa pangalan ni Jesucristo'...o 'sa pangalan ng Panginoong Jesus.'... Pagkatapos, sa pag-unlad ng aral ng Trinity, sila ay
binautismuhan 'sa pangalan ng Ama. at ng Anak at ng Espiritu Santo” (p. 53). 5. Encyclopedia Biblica (1899) “Natural na ipasya na ang bautismo ay pinangangasiwaan noong unang panahon 'sa pangalan ni Jesu-Kristo,' o sa 'ng Panginoong Jesus.' Ang pananaw na ito ay pinatutunayan ng katotohanan na ang pinakaunang mga anyo ng bautismo ay lumilitaw na isahan—hindi tatluhan, gaya ng huling aral” (Vol. 1, p. 473). 6. The New Catholic Encyclopedia “May kahirapan na bagaman binabanggit sa Mateo 28:19 ang pormula ng Trinitarian, na ginagamit ngayon, ang Mga Gawa ng mga Apostol at si Pablo ay nagsasalita lamang ng Bautismo “sa pangalan ni Jesus.” Ang isang tahasang pagtukoy sa Trinitarian na pormula ng Bautismo ay hindi matatagpuan sa mga unang siglo” (Vol. 2, p. 59).
7. The New Schaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge (1957) \"Ang alam lamang ng Bagong Tipan ay bautismo sa pangalan ni Jesus...\" (Vol. 1, p. 435). 8. Encyclopedia Britannica, 11th ed. (1910) “Ang pormula ng trinitarian formula at paglubog sa tubig sa tatlong pangalan ay hindi ginamit mula pa sa simula… Ang bautismo sa pangalan ng Panginoon ang karaniwang pormula sa Bagong Tipan” (Vol. 2, p. 365). 9. Hastings Encyclopedia of Religion [Sa Kristiyanong pagbabautismo ay mayroong] “pagkakakilanlan sa pagitan ng nabautismuhan at sa Kanya na ang pangalan ay iginawad sa bautismo. Ang isa ay naging personal na pag-aari ng isa…” (Vol. 2, p. 377).
7. PAANO NAMAN ANG MGA PAGBATI? I PINAKILALA ni PABLO ang KANYANG SULAT sa mga taga-Roma ang mga salitang ito, “Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo” (Roma 1:7). Sa pagtukoy sa Ama at sa Panginoong Jesucristo, hindi itinuro ng mga manunulat ng Bagong Tipan na ang Diyos ay higit sa isa. Ang kanilang ginagawa ay pagbibigay-diin sa dalawang pangunahing tungkulin ng Diyos sa kaligtasan at ang kahalagahan ng pagtanggap sa Kanya sa parehong tungkulin. Hindi lamang tayo dapat maniwala sa Diyos bilang Manlilikha at Ama, ngunit dapat din tayong maniwala sa Kanya bilang isa na nahayag sa laman, bilang si Jesus na Mesiyas. Ang mga pagbati ay hindi lamang nagbibigay- diin sa paniniwala sa Diyos, na tinanggap ng mga Hudyo at maraming pagano, kundi pati na rin sa Diyos na ipinahayag sa Kanyang Anak, si Jesucristo. Sa Juan 14:1, sinabi ni Jesus, “Huwag
magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin [ang paghahayag ng Diyos sa laman].” Sa Juan 14:6 sinabi Niya, “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko [ang pagpapakita ng Ama].” Sinasabi ng 1 Juan 2:22-23, “Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. Ang sinomang tumatanggi sa Anak, ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.” Ang pagtanggi na si Jesus ang Cristo ay ang pagtanggi sa Ama at sa Anak. Dapat tayong maniwala sa isang Diyos, na siyang Manlilikha, Ama, at Espiritung Walang Hanggan... AT, dapat tayong maniwala na Siya ay naparito sa laman bilang Anak, ang taong si Jesucristo.
KABANATA 3 ANO ANG IBIG SABIHIN NG BIBLIYA KAPAG BINABANGGIT NITO ANG AMA, ANG ANAK, AT ANG BANAL NA ESPIRITU? A NG AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO ay hindi tatlong banal na persona sa iisang Diyos; ang mga ito ay tatlong naglalarawang titulo ng Diyos na nagpapakita sa atin kung paano tayo dinala ng Diyos ng kaligtasan. Una sa lahat, alam natin na “Ang Diyos ay Espiritu” (Juan 4:24). At, gaya ng sinabi ni Jesus, “Ang isang espiritu'y walang laman at mga buto” (Lucas 24:39). Bilang Espiritu, ang Diyos ay sinasabing hindi nakikita. Sinasabi sa Juan 1:18 na \"Walang taong nakakita kailan man sa Dios.\" Bilang Espiritu, ang Diyos ay sinasabing walang hanggan. Binabanggit sa Hebreo 9:14 ang
tungkol sa “Espiritu na walang hanggan.” Kaya bilang Espiritu, ang Diyos ay walang laman at buto, hindi nakikita, at hindi maaaring mamatay. Ngunit pagkatapos magkasala ang tao, kinailangan na ang isang angkop na hain ng dugo ay ihandog bilang pagbabayad-sala para sa kasalanan. Ito ay tinatawag na kaligtasan. Sinasabi ng Ezekiel 22:30, “At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan.” Sinasabi ng Isaias 63:5, “At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.” Walang taong maaaring maging karapat-dapat bilang isang sapat na hain, sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya't ang sariling bisig ng Diyos ay nagdala ng kaligtasan. Sa madaling salita, ginawa ito mismo ng Diyos. Siya ang naging sakripisyo. Ngunit upang gawin ito kailangan Niyang maging tao, dahil bilang Espiritu Siya ay walang dugo at
hindi Siya maaaring mamatay. Ito ang diwa ng plano ng Diyos para sa tao mula sa kawalang- hanggan. Sinasabi sa Juan 1:1, “Nang pasimula siya ang Verbo [logos], at ang Verbo [logos] ay sumasa Dios, at ang Verbo [logos] ay Dios.\" Ang salitang \"logo\" ay maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan na magkaiba ngunit malapit na magkaugnay. Ito ay maaaring mangahulugan ng isang kaisipan o ideya, ngunit maaari rin itong mangahulugan ng pagpapahayag ng isang kaisipan o ideya. Ginamit ng Griyego ang terminong \"Panloob na Logos,\" na nangangahulugang isang ideya, isang konsepto, isang mental na larawan, at ang terminong \"Panlabas na Logos,\" na tumutukoy sa pagpapahayag o pagsasagawa ng isang ideya o konsepto. Sa Bibliya, ang Logos ay plano ng Diyos. Sa simula ay ang Plano, at ang Plano ay kasama ng Diyos [sa Kanyang isipan], at ang Plano ay Diyos [na Kanyang ipakikilala ang Kanyang sarili].
Ano ang plano ng Diyos? Inilalarawan ng 1 Pedro 1:18-21 ang Kanyang plano sa ganitong paraan: “Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo, Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.” Itinadhana pa ng Diyos [nagplano nang maaga] ang pagbubuhos ng dugo ni Kristo bago ang simula. Sa madaling salita, nagplano Siya na dumating sa Kanyang nilikha bilang isang tao at ibuhos ang Kanyang sariling dugo. Ganito masasabi ni Pablo sa Mga Gawa 20:28 na binili
ng Diyos ang Iglesia gamit ang “kaniyang sariling dugo.” Sinasabi ng Galacia 4:4-5, “Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.” Sa eksaktong oras na Kanyang binalak, ang Anak ay lumabas. Sinasabi sa atin ng Efeso 1:3-4 na pinili tayo ng Diyos kay Cristo bago itinatag ang sanlibutan. Sinasabi sa atin ng Roma 8:29-30 na nakita ng Diyos ang buong mananampalataya sa Kanya, \"yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala.\" Inihayag ng 2 Timoteo 1:8-10 na binigyan tayo ng Diyos ng biyaya \"buhat pa ng panahong walang hanggan.\" Sinasabi sa Tito 1:1-3 na ipinangako ng Diyos sa atin ang buhay na walang hanggan \"buhat pa ng mga panahong walang hanggan.\" At sinasabi sa atin ng Juan 17:5, 24 na mahal ng Diyos ang Kanyang plano \"bago ang sanglibutan ay naging gayon\" o \"bago natatag ang sanglibutan.\"
Walang mas mahalaga sa Diyos kaysa sa katuparan ng Kanyang plano. Kaya sa simula ay may plano ang Diyos. At ang planong iyon ay “sa Diyos.” Nasa puso Niya iyon. Nasa isip Niya iyon. Siya ay nag-iisip tungkol dito, isinasaalang-alang ito, tinanaw Niya ito sa Kanyang isip. At ang planong iyon ay \"ang Diyos.\" Ang plano ay ipahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa tao—na ang di-nakikitang Diyos ay ipakikilala ang Kanyang sarili, na ang Panloob na Logo ay gagawing Panlabas na Logo. Ang loob ay ang misteryong itinatago. Ang panlabas ay ang misteryong nabunyag. Kaya nga sabi sa Juan 1:14, “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.” Ayon sa 1 Timoteo 3:16 , \"At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan [o Diyos, ang di- nakikitang Ama ni Cristo]; Yaong nahayag [na ipinakita] sa laman [hindi lamang sa isang katawan, kundi sa isang tao].\" Sinasabi ng 2 Corinto 5:19, \"Sa makatuwid baga'y, na ang Dios [ang di-nakikitang Ama ni Cristo] kay Cristo ay
pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin.\" Ang sariling larawan ng Diyos sa Kanyang sarili ay naging laman at buto at tumira sa piling natin. Tinatawag natin itong Pagkakatawang-tao. Ito ay si Jesus ng Nazareth, ang katangi-tanging Anak ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang Anak ay tinawag na “larawan ng Dios na di nakikita” (Colosas 1:15). Siya ang aspeto ng Diyos na makikita. Kaya't upang dalhin tayo sa kaligtasan, kailangang mayroong isang Anak. Ang katagang “Anak” ay laging nauugnay sa Pagkakatawang- tao. Ito ay palaging tumutukoy sa isa na ipinanganak. Sa pagsasalita bilang Anak, hindi kailanman sinabi ni Jesus, \"Ako ang Ama.\" Bakit? Siya ang Ama sa Anak. Siya ay Diyos na nahayag sa laman. Sino ang Ama ng Anak ng Diyos? Sinasabi ng Lucas 1:35, “At sumagot ang anghel at sinabi sa kanya, ‘Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan; samakatuwid, gayundin, ang Isang Banal [banal na bagay] na ipanganganak ay tatawaging Anak
ng Diyos.’” Sinasabi sa Mateo 1:20, “sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.” Nang ipanganak ng Espiritu ng Diyos ang Anak kay Maria, ang Diyos ay naging literal na Ama ni Cristo.
Search