Maraming tao ang hindi nakaka-alam ng Salita ng Diyos at marami sa kanila ang hindi naniniwala. Mayroon ding ayaw na mag-aral ng Bibliya dahil sa takot mabago ang mga aral na minana, naka-ugalian o nakagisnan na, at takot sa pag-uusig ng kapwa. Ang iba naman ay sapat na sa kanila na paniwalaan ang tradisyon ng tao at paninindigan sa sariling pilosopiya. May ilan na may panaginip ng pagpapakita sa kanila ng Diyos subalit salungat ang paniniwala sa Salita ng Diyos. Ang Bibliya ang nag-iisang gabay upang makamit natin ang kaligtasan. Sinabi ni Jesus, "Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin!" (Juan 4:39). Sinundan ito ng pahayag ni Apostol Pablo, "Inaamin kong ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na sinasabi nilang maling pananampalataya. Subalit naniniwala rin ako sa lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta" (Mga Gawa 24:14
Like this book? You can publish your book online for free in a few
minutes!