Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Ang Kaligtasan Ayon sa Bagong Tipan

Ang Kaligtasan Ayon sa Bagong Tipan

Published by kitkeshawn.production.studio, 2021-11-15 23:57:58

Description: Maraming tao ang hindi nakaka-alam ng Salita ng Diyos at marami sa kanila ang hindi naniniwala. Mayroon ding ayaw na mag-aral ng Bibliya dahil sa takot mabago ang mga aral na minana, naka-ugalian o nakagisnan na, at takot sa pag-uusig ng kapwa. Ang iba naman ay sapat na sa kanila na paniwalaan ang tradisyon ng tao at paninindigan sa sariling pilosopiya. May ilan na may panaginip ng pagpapakita sa kanila ng Diyos subalit salungat ang paniniwala sa Salita ng Diyos.
Ang Bibliya ang nag-iisang gabay upang makamit natin ang kaligtasan. Sinabi ni Jesus, "Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin!" (Juan 4:39). Sinundan ito ng pahayag ni Apostol Pablo, "Inaamin kong ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na sinasabi nilang maling pananampalataya. Subalit naniniwala rin ako sa lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta" (Mga Gawa 24:14

Search

Read the Text Version

Ang Kaligtasan Ayon sa Bagong Tipan

Ang Kaligtasan Ayon sa Bagong Tipan

Prologue Ang Aral ng mga Apostol Pagsisisi, Bautismo at Espiritu Santo 01 5 4

Prologue Marami sa Salita ng Diyos ang hindi alam ng maraming tao at marami ang hindi nila pinaniniwalaan. Dumarating ang Espiritu ng Diyos upang akayin tayo sa lahat ng katotohanan, ngunit napakahirap para sa mga tao na tumanggap ng bagong katotohanan. Maraming tao ang takot na takot sa anumang bagay na hindi itinuro sa kanilang partikular na denominasyon at may posibilidad na uriin ito bilang maling pananampalataya, maling aral, o panatisismo nang hindi sumubok na tingnan kung ito ay talagang matatagpuan sa Salita ng Diyos o hindi. Tunay na naniniwala si Saul ng Tarsus na naglilingkod siya sa Diyos nang pinag- usig at ikinulong niya ang mga Kristiyano noong panahon niya, ngunit nang magpakita si Jesus at makipag-usap sa kaniya, siya ay nabago. Kalaunan ay ipinahayag niya, “Inaamin kong ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na sinasabi nilang maling pananampalataya. Subalit naniniwala rin ako sa lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta.” (Mga Gawa 24:14).

Ang Aral ng mga Apostol Sinubukan mo na bang ihambing ang relihiyon ngayon sa relihiyon ng mga apostol? Binautismuhan nila (lubog sa tubig) ang lahat ng kanilang mga nanampalataya sa pangalan ni Jesus (hindi sa mga titulong Ama, Anak, at Espiritu Santo). Sila ay binautismuhan sa Espiritu Santo at nagsalita ng iba pang mga wika. Sila ay naniwala at nagsagawa ng banal na pagpapagaling. Anuman sa mga bagay na ito ay tinatawag na panatisismo ng maraming modernong iglesia. Sino ang mali—ang Bibliya o ang mga modernong iglesia? Si Jesus ay siya pa rin kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman (Hebreo 13:8). Mayroong isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo (Efeso 4:5).   Maraming tao ang nagmana ng mga paniniwala sa relihiyon mula sa kanilang ina at ama at hindi sumubok na ihambing ang mga paniniwalang iyon sa ating nag-iisang gabay— ang Bibliya. Mayroon ding mga “bulag na umaakay sa mga bulag” (Mateo 15:14), na hindi

pa naipanganak na muli at samakatuwid ay hindi maipaliwanag nang maayos ang mga katotohanan ng Bibliya. Hindi tinatanggap ng likas na tao ang mga bagay na ukol sa Espiritu ng Diyos sapagkat kamangmangan sa kaniya ang mga ito at hindi niya ito maaaring malaman dahil ang mga ito ay nasisiyasat sa kap raanang espirituwal (1 Corinto 2:14).   Binili ng kamatayan ni Jesucristo ang isang mas malaking kaligtasan kaysa sa alam ng karamihang tao sa ngayon. Maraming tao ang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsisisi sa kanilang mga kasalanan at pagsusumikap na mamuhay sa abot ng kanilang makakaya ay nararanasan nila ang kaligtasan. Ngunit gaya ng sinabi ni Pablo,   “Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan?” (Roma 11:33). Nais ng Diyos na bigyan tayong lahat ng katuwiran, kapayapaan at kagalakan sa Espiritu Santo (Roma 14:17) at ang pagtanggap ng a ­

Espiritu Santo ay isang tiyak na karanasan na may tiyak na mahimalang katibayan. Naunawaan ni Pedro at ng mga Judiong kasama niya na ang sambahayan ni Cornelio ay tumanggap ng Espiritu Santo “sapagkat narinig nila ang mga ito na nagsasalita ng mga wika” (Mga Gawa 10:46), at dapat nating asahan ang gayunding katibayan ngayon. Dahil maraming tao ang hindi nakaranas nito, nagkakamali sila sa paniniwalang natanggap na nila ang Espiritu Santo subalit hindi pa nila talaga natanggap. Dahil dito, may kawalan ng buhay ang maraming iglesia at maraming hindi makatotohanan sa buhay ng mga umaangkin na sila ay Kristiyano.   Sa Araw ng Pentecostes, nang ang iglesia ng Bagong Tipan ay nagsimula, pinuspos ng Espiritu Santo ang lahat ng naghihintay sa Kanya, at silang lahat ay nagsalita ng iba't ibang wika ayon sa ibinigay sa kanila ng Espiritu na salitain (Mga Gawa 2:4). Ipinaliwanag ni Pedro,   “Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel, ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao” (Mga Gawa 2:16-17).  







sabihin ng utos na ito na gamitin ang mga titulong Ama, Anak, at Espiritu Santo, magkakaroon ng malaking pagsalungat sa Bibliya, dahil hindi kailanman nagbautismo ang mga alagad sa anumang paraan kundi sa pangalan ni Jesus. (Tingnan ang Mga Gawa 2:38, 8:16; 10:48; 19:5; 22:16.) Ngunit sinabi ni Jesus na magbautismo sa pangalan (isahan) ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi tanging pangalan ang mga titulong ito, sa halip ay naglalarawan ng mga relasyon ng Diyos sa sangkatauhan.   Ang tatlong tungkuling ito ng Diyos ay ipinahayag sa atin sa pangalang Jesus. Ang pangalan ng Anak ay Jesus (Mateo 1:21). Higit pa rito, sinabi ni Jesus na Siya ay dumating sa pangalan ng Ama, at ang Espiritu Santo ay ipapadala sa Kanyang pangalan (Juan 5:43; 14:26). Ang tanging nagliligtas na pangalan ng Diyos ay Jesus, na literal na nangangahulugang \"Ang Diyos ay Naging Tagapagligtas.\" Si Jesus ang nag-iisang Diyos ng Lumang Tipan na nagkatawang-tao upang maging ating Tagapagligtas.   “Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa






Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook