DISKURSO SA FILIPINO USAPING PANSARILI Christine Pestaño | MEB15
INTERAKSYON NG DALAWANG INDIBIDWAL Ang interaksyon ng dalawang indibidwal ang nagiging batayan ng kanilang pagkilos. Kahit na sabihing may kaugnayan ang bawat isa, magaganap pa rin ang pagbabago sa kanilang pagkilos dahil sa epekto ng magkaiba nilang paniniwala, gawi, halaahin, o maaari din namang impluwensiya. Nagkaroon ako ng karanasan kung saan mayroon akong nakausap na taga ibang bansa. Ang mga suliranin na aking kinaharap ay ang pagkakaroon namin ng magkaibang paniniwala at pananaw sa buhay. Mayroon siyang mga paniniwala na hindi tugma sa akin at talaga namang naging pagsubok ito para sa akin dahil mahirap i-angkop sa kaniya ang mga nakasayan ko at ganoon din siya sa akin. Masasabi kong malaki ang naging epekto nito sa bawat interaksyon namin dahil sa bawat pagkakataon ay parang nagbabago ang pakikitungo namin sa isa't isa hanggang sa napupunta ito sa pagtatalo. Nasolusyunan ko ang suliranin na ito sa pamamagitan ng pag-intindi sa sitwasyon at sa pakikipag- usap nang maayos. Mahalagang maintindihan na ang mga bagay na ito ay talagang makaka-apekto sa interaksyon sa pagitan ng dalawang indibidwal kaya't importanteng marunong tayong makibagay sa ibang tao lalo na kung lumaki ito sa ibang kultura.
INTER-INDIBIDWAL Ito ay sa pagitan ng mag-anak at kamag-anakan na kahit na sila’y magkakadugo, may pagkakaiba pa rin sa kanilang pagkilos dahil sa kanilang naging mga karanasan at iba’t ibang paniniwala. Sa aming pamilya, mayroong malinaw na pagkakaiba sa mga paniniwala dahil na rin sa iba-ibang henerasyon na aming pinanggalingan. Isa sa mga suliranin na aking kinaharap ay ang pagkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng aking mga kapatid o kahit sa aking mga magulang dahil ako ay madalas na sumasalungat sa kanilang mga paniniwala at gawi. Nahihirapan ako minsan na maki- angkop sa mga paniniwala nila dahil para sa akin, ito ay makaluma na't dapat baguhin. Isang malaking salik dito ang aming malayong agwat sa edad kaya't kahit na kami ay magkakadugo at naninirahan sa iisang tahanan, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon kami ng ibang mga pagkilos at paniniwala. Nasolusyunan ko ito sa pamamagitan ng pag-intindi sa perspektibong kanilang nakikita at gumagawa rin ako ng paraan upang maunawaan din nila ang aking panig. Nagkakaroon kami ng maayos na diskurso tungkol sa isang paksa na hindi namin pinagkakasunduan, at mula roon, naaayos din agad ang mga hindi pagkakaintindihan.
SA PAGITAN NG MGA GRUPO Madaling mauunawaan ang pagkilos ng isang grupo sa pamamagitan ng pagtingin kahit sa isang kasapi lamang niyon. Malaki ang nagagawa nito sapagkat malaki ang impluwensya ng kultura at ugali ng isang grupo sa kanyang pagkilos. Nagkaroon ako noon ng isang grupo ng pagkakaibigan, noong una ay maayos naman ang lahat, lahat kami ay nagkakasundo at puro lamang tawanan, ngunit dumating sa punto kung saan ang iba sa amin ay napabarkada sa mga bad influence kaya't pati sila ay nagaya na rin sa mga ito. Mayroong naging bulakbol sa klase, naging mabisyo, at mayroon pang naging cheater sa kanilang kasintahan. Ang sa tingin ko na naging suliranin para sa akin ay ang pag-alis sa grupo na iyon kahit na alam kong kapag nagtagal pa ako roon ay baka pati ako ay mapasama. Ngunit naalala ko ang madalas na sinasabi sa akin ng aking nanay tungkol sa pagpili ng kaibigan, mahalaga raw na pumili ng mga kaibigan na sasamahan dahil nagiging repleksyon din ito kung sino ka bilang isang tao. Dahil dito, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang iwanan ang grupo na iyon sapagkat hindi na kami iisa ng mga pananaw sa buhay. Mahalaga talagang alam natin ang mga grupo na ating kinabibilangan dahil maaari itong maka-apekto sa pagkilos ng isang indibidwal sa isang lipunan.
KONKLUSYON Sa kabuuan, ang pinaka-epektibong solusyon lamang sa tuwing nakikipagkomunikasyon sa kahit na sinong tao ay ang pagsaalang-alang ng etika. Tulad ng nabanggit sa mga nakaraang aralin, higit na mahalaga ang etika sa kasanayang interkultural dahil ito ang nagsisilbing tulay patungo sa disiplinado at maunlad na pakikipagkomunikasyon sa iba.
Search
Read the Text Version
- 1 - 5
Pages: