1 j
2 ������������������������������������������������������ i. ������ ������ ������ ������ ������ ������
3 Gising ang diwa. Mulat ang talukap. Natatanaw ang liwanag habang namamangka sa reyalidad na ikinulong sa likod ng mga alapaap. Miminsang saksi ang balintataw sa mga kulay na patay. Mula sa dilim na lumalamon sa araw, sa mga hindi naaaninag na halimaw. Ngunit malinaw ang ipinipinta nitong pahiwatig sa lipunan mula sa butil ng pawis ng mamamayan, mga multong hindi na pinangalanan, magsasakang kumakalam ang tiyan, mga kabataang pugad ng lansangan, inang bayang ipinagkakanulo ng mga naghahari-harian. Ito ang mga matang iminulat ng katotohanan. Palilinlang ka ba? Ito ang kuwento sa likod ng lente ng kamera.
4 Pag-ibig na walang imik Iniwan mo ako ng tandang pananong sa mga panahong ang kailangan ko ay sagot sa patlang, sapat lang ang isinubi kong lakas ng loob upang tanungin ka kung ano ba ang nagkulang, tamis. pait. alat. tabang.
5 ngunit tikom ang iyong bibig, mas nakasusugat pala sa dibdib ang pag-ibig na walang imik. Hindi Na Ito Larong Bahay-Bahayan Tanaw ni Nena ang mga bituin mula sa hinihigaan niyang banig dadantay sa balat ang lamig maririnig ang tumatangis na kuliglig animo'y presong sa reyalidad ipiniit. Tanaw ni Nena ang mga bituin, mula sa pinagtagpi-tagping bahay-bahayan na sa oras na tumingala, matatanaw ang kalangitan. Buhay-bahayan Tara, laro tayo. Lutu-lutuan,
6 Kaning lamig, buhusan ng tubig, Timplahan ng asin, lam'nan ang kumukulong tiyan, Initin ulit kinabukasan. Wala ng libro, ang papel ay isinasako, Tulak tulak ang kariton, mahal ang halaga ng piso. Tagu-taguan, gising sa ilalim ng buwan, hinahanap ng mata ang liwanag, wala na ring kandilang maapuhap. Nakikipagpatintero kay kamatayan, kakatok sa salamin ng magagarang sasakyan, Kukura, para sa sikmura, Kahit mura na ang napapala, \"Palimos po\" ang paborito pa ring salita. Ipoporma ang bangkang-papel, tatalon sa dagat ng reyalidad, ilang oras na sikil ang sariling hininga,
7 masisid lamang ang pagkaing bubuhay sa kanila. Isusunod ang tumbang preso, pawang sila ang bilanggo, Ilang beses mang tangkaing tumakas, titirahin pa rin sila ng iba't ibang tsinelas. Subukan mo ring maging taya, nang hindi sila ang parating saling pusa, Sabihin mo kung sino ba ang madaya, silang may tubig at asin sa plato, o ang mapagbalat-kayong mundo, Ikaw na nagbabasa, tara laro tayo. Si Magda sa likod ng lente ng kamera Pikit matang kumapit sa anyaya ng patalim,
8 Nakipagkamay kay Satanas lipos man ng paninimdim, Tahan na aking supling, gutom mo'y papawiin, Ang pantapal sa tiyan ay karneng gumigiling. ii. P I K I T
9 Nanamnamin ang sandali, isasara ang bintana ng talukap At saka ka itatanan ng mga ito sa reyalidad ng mga binulag. Sa mga huwad na pilik na nagpupumilit linisin ang sariling mga putik. Sa mga minantsahang damit na tinutubos upang manahimik. Ang mga mata ma'y ipikit ngunit hindi nito mabubulag ang puso at isip. Mahirap nang itikom ang mga matang minsan nang namulat sa lipunang bahagya nang naapuhap ang reyalidad. Multong Nagkatawang Tao
10 Sabi nila, Nananahan daw ang multo sa madidilim na bahagi ng pasilyo At kailangan mo raw magtapang-tapangan kapag batid mong umaaligid na sila, Huwag mo raw ipahalata na natatakot ka Pero paano pakakalmahin ang nanginginig na tuhod kung ikaw na pala ang sunod na biktima ng mga pangil na mapagsamantala. Ilan pa ang mga taong kikitilan nila ng hininga sa masusukal na damo at masikip na eskinita, ilan pa silang biktimang hindi na pinangalanan, ilan pa ang mapaniniwalang sa dilim lamang sila nananahan — hindi ba't multo ring nagkatawang-tao silang nangaglalagi sa kutá na kung tawagin ay palasyo.
11 Kung Bakit Sumisiyap ang Sisiw Sisiyap-siyap ang sisiw sa salamin, Iiyak-iyak tumatangis sa dilim, Mamatyag-matyag namamaos na ang tinig, Kasisigaw nang hustisya sa biktimang sumalangit. Kabilugan ng buwan, Lalabas ang aswang Kahindik-hindik ang pagtangis ng musmos, Hindi dahil sa dayukdok kundi sa impit na kaluskos, Mga sebekoy na hayok ginimbala ang pagtulog, hinehele ng mga tinig na sa tenga ay bangungot.
12 Silang mga walang muwang ang sunod na biktima, ng tampalasang kriminal na mapagsamantala, Mamaluktot man sa kumot, hayag pa rin ang takot, sa balintataw ng batang tinanggalan ng saplot. Binigti ng kahalayan ang blangkong isipan, Sinakal ng palsipikadong santong banal- banalan, Walang nakarinig ng uha sa duyang saksi, sa halimaw sa itaas, busalan man ay 'di pipi. Hindi laruang de baterya ang gumanap na tauhan, hindi ligaya ang dala, kundi aliw sa ibang kahulugan, Naririnig mo na ba ang alingawngaw ng halakhak, silang mga higanteng bakulaw na kontrolado ang lahat. Walang pinipiling edad, gatas sa labi ay tinikman,
13 Ikampay man ang kamay, hindi ka maiintindihan, Ikaw ang manika na hinahaplos ng kanilang mga palad, habang ang leeg ay ibinigti sa sariling mga lungad. Silang inilibing sa sariling lupain Mananatili ang agos sa alulod ng kapos, tutulo ang hikahos, dagliang manlilimos, kapag bumuhos ang unos, sasanghapin ang alimuom ng tubig, at saka sila iigib ng dugóng pandilig sisimutin ang butil ng palay daratal ang
14 manlilíkay at saka nila pupulbusin ang mga hitik na bunga, Sisipsipin ang dagta Sasairin ang tamis na ipinunla. Kailan maririnig ang tuká ng mga maralitá, kung inililibing sila sa lupa upang gawin lamang patabá. Gamugamo Ito ang banyuhay ng buhay ng gamugamo habang umaaligid sa dilaab ng apoy. At nilalanghap ang samyó ng nakararahuyong usok
15 na siyang tutusok sa mga mata ng mga maiiwan. Mahahagip ng gasera ang pakpak at tutupukin ang kabuuan, Babalik ito sa pagkaabo, At saka lamang mapagtatanto ng gamugamo na maiksi ang pisi ng buhay Hindi lahat ng lumilipad ay umuusad. Mayroong mga nasasadlak sa ere at hindi na magagawang makabalik. Hindi man sila handa sa karit na bitbit ni Kamatayan, Walang magagawa kundi ang pagbuksan,
16 At ito ang pinakamapait na uri ng paglisan, Ang pinakamasakit ay ang walang paalam. iii. ������ ������ ������ ������ ������ ������������ May mga multo tayong nais nating takasan. Ayaw nating makadaupang-palad muli ang mga bisitang nambubulabog sa ating tahanan. Sino nga ba namang ayaw sa kapayapaan? Maraming takot maalimpungatan sa katotohanan. Habang lumalawak ang hawla ng mundo, mas dumarami rin ang mga preso. Totoo nga ang kasabihan, lokohin mo na ang lasing 'wag lamang ang bagong gising. Dahil baka roon lang sila nakatatakas — sa paghimbing.
17 Nakaw na himbing Bakit kailangan pa tayong ihele nang sarili nating mga luha patulugin ng sarili nating pag-iyak. at sa muli nating paggising hanggang kailan nga kaya nanakawin ng mga alaala ang ating paghimbing? Sa Pagtila Ng Luhang Nakakulong
18 Pasilipin mo nang kaunti ang makulay na bahaghari, pagkatapos ng ulan at sigwang mapighati, hayaan mong diligan nito ang pait ng 'yong mga sugat, hanggang sa kusang maghilom at gumaan ang bigat. at kapag kumindat na muli ang haring araw, at hindi ka pa nakahandang bumitaw, Sumilong ka muna sa mumunti kong payong, hanggang sa tumila ang luhang nakakulong. Bangkero Masiyado nang mabigat ang bangka sa 'yong dibdib, Okupado na ng sakit. Gumegewang. Lulan ka nito ngunit bakit tila katiting itong puwang? Wala kang magawa kundi ang hintaying tumaob ang bangka,
19 —sambit mo, ilang ulit ka nang nalunod kaya sanay ka na, sa kalungkutang tinawag mong salbabida. Talang walang ningning Kung sakaling mawalan ng ningning ang 'yong pangarap, sumagwan ka't ikampay ang pakpak, lumihis man ang rutang iyong tinatahak, huwag mong isuko sa nanunuyang mga ulap ang miminsan mo nang hiniling sa kalawakan, ibulong man sa'yo ng hangin na isa kang talunan, ibato mo sa langit na ang bagwis ma'y lumagpak, sumirok man ang guryon sa dawag, lagi't laging may puwang at espasyong sayo'y nakaabang
20 ikaw ang talang ipininta sa pinakamalinaw na kuha ang talang hindi hangad ang tingalain, kundi paniwalaan ang angkin nitong kinang, higit sa panahong kalangitan ay malamlam. iv. ������������������ ������ ������ ������ ������ I ������ Sa gabing tahimik, muling maglalakbay ang diwa at katulad ng paghimbing itatakas ka nito. Iduduyan ka nito sa mga \"siguro.\" Mahirap mamuhay sa \"parang totoo\" Kung bukas paggising mo,
21 Malabo na muli ang lahat sa 'yo Ang naaalala mo na lamang ay ang ilang bahagi o piraso. Ikikisap ang mata. Magpapakawala nang ilang buntong hininga. At kahaharapin muli ang giyera sa buong umaga nang mag-isa. Hindi Imbitadong Bisita Lulubog na naman ang araw, lilitaw na naman ang mga halimaw, Kakatok sa pintuan, bubulabugin ang 'yong paghimbing. papapasukin mo ba sila — ang mga hindi imbitadong bisita,
22 makikipaglaro ka ba sa mga multo ng gunita at alaala. Eduk[h]asyon Tagu-taguan maliwanag ang buwan, tangan tangan ang gasera, ang lapis, papel at pag-asa'y nauupos na. Tagu-taguan, malabo na ang kinabukasan ng estudyanteng si Nena. 'Di na siya muling magbabalik eskwela. Nang managinip ang ibong mababa ang lipad
23 Umiindayog si Magda, panagimpa'y pinantasya, sa pagsara ng talukap, ang haraya'y naglalayag. Sa gabi'y malinaw ang kuha, dahil doon lamang lalaya, ang ibong mababa ang lipad, Panaginip ang s'yang pugad. Espasyo Hindi ka naman kailanman nawala. Parati kang may puwang. Palaging may espasyong sa 'yo'y nakaabang. Ang totoo, kabisado ko pa rin ang lahat tungkol sa 'yo, mula sa kung paano natin
24 pinagsaluhan ang gabing kapwa tayo nakatitig sa kalawakan. At papara ang saglit na katahimikan mula sa ating pagitan upang pakinggan ang musikang pumipintig kasabay ng harana ng mga kuliglig. Hindi ka naman kailanman nawala, 'yung bakas mo narito pa. Nakapinta ka pa rin sa pinakamalinaw na kuha. Hindi ka naman kailanman nawala, Bakante na ang espasyo pero binabalik-balikan ko pa rin ito. Bakante na ang espasyo pero nananatili pa rin ang 'yong multo.
25 Idlip Iidlip tatakas saglit sa bangungot ng selyadong isip. Iidlip tatakas saglit Paulit-ulit na pipikit isasara ang pandinig Iidlip tatakas saglit ililibing ang bigat hanggang pakawalan ito ng hilik.
26 Iidlip tatakas saglit hanggang sa tuluyang makalaya ang sakit hanggang sa tuluyang makaya ang sakit. kahit dito lang sa panaginip Paidlip. Linyang Tuwid Mawawala sa ayos ang bagay na tuwid ang inakala mong pantay
ang 27 pagkakaguhit at lahat ang dating kabisado ay hindi mo na batid Mawawala sa ayos ang ngunit maaari kang magsimula ulit upang magpantay muli ang guhit
hindi pa huli 28 upang pumihit pabalik at isaayos ang mga linya sa dati nitong tindig.
29
30
Search
Read the Text Version
- 1 - 30
Pages: