Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore PANAGHOY NI NENE

PANAGHOY NI NENE

Published by Bonymar Lumabao, 2023-08-10 02:25:49

Description: PANAGHOY NI NENE

Search

Read the Text Version

PANAGHOY NI NENE Bony Mar M. Lumabao Dinig mo ba? Hindi! Sapagkat nabahiran na ng kalansing ang iyong diwa. Tanaw mo ba? Hindi! Sapagkat napiringan na ng papel de asul ang iyong ala-ala. Kapatid… Nakakabalahaw na ang kanilang mga hikbi. Nakakalunod na ang mga luha sa kanilang mga pisngi. Ang hamog ng gabi ay saksi sa kanilang pagtatangis, at ang bawat umaga’y nagluluksa ng labis. Maari bang makinig ka kahit sandali lang? Maari bang humimpil ka kahit saglit lang? Ang nais lang naman nila’y matanaw ang iyong ngiti. sa pag-asang ang lumbay nila’y mapawi. Batid mong iginuhit na ng kapalaran, at hinayaan mong mahulma ka sa kaalaman. Hindi kailang pinanday ka na ng karanasan, Upang maging tagapag-ahon sa kumunoy ng kamangmangan. Ngunit bakit ngayo’y tila may ligalig, ang prinsipiyo mong noong una’y hindi nalulupig. Ang alab ng gunita mo’y tila na nasiil, ng sistemang mapanlinlang at mapang-usig! Kapatid… Huminga ka. Hayaan mong maglakbay muli ang diwa, sa katotohanang pilit binubura, ng mga alagad ng buwetreng mapang-alipusta. Ngayon… dinig mo na ba? Ang mga panaghoy sa karimlan. Kapatid… tanaw mo na ba? Ang mga anino sa kawalan?


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook