Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore PANIMULANG-PAGSUSURI-SA-LES-KUHLIEMBO-FESTIVAL-PAGLALARAWAN-SA-TRADISYONG-IBAEÑOS_-DR.-RHIA-P.-PEREZ-1

PANIMULANG-PAGSUSURI-SA-LES-KUHLIEMBO-FESTIVAL-PAGLALARAWAN-SA-TRADISYONG-IBAEÑOS_-DR.-RHIA-P.-PEREZ-1

Published by Guset User, 2022-03-17 00:35:33

Description: PANIMULANG-PAGSUSURI-SA-LES-KUHLIEMBO-FESTIVAL-PAGLALARAWAN-SA-TRADISYONG-IBAEÑOS_-DR.-RHIA-P.-PEREZ-1

Search

Read the Text Version

PANIMULANG PAGSUSURI SA LES KUHLIEMBO FESTIVAL: PAGLALARAWAN SA TRADISYONG IBAEÑOS Tesis na Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANAGAS Lungsod ng Batangas Bilang Bahagi ng Kahingian sa Pagtatamo ng Degring BATSILYER NG EDUKASYON PANSEKONDARYA Medyor sa Filipino Danica S. Alido Emerson E. Ondoy Abigail H. Patulot Hunyo 2022

KABANATA I ANG SULIRANIN Panimula Kilala ang Pilipinas bilang isang napakayamang bansa hindi lamang sa mga likas na yaman at magagandang tanawin kundi sa napakayamang mga kaugalian at tradisyon na namana natin sa ating mga ninuno. Ang mga tradisyong ito ay kumalat sa iba’t ibang pulo sa bansa at naisalin sa bawat lalawigan kaya nagkaroon ng kanya-kanyang pagdiriwang sa ating bansa. Bawat lugar ay may ipinagmamalaking tradisyon na nagpapakilala ng kanilang paniniwala, kaugalian, pag-uugali at mga nakasanayang pamumuhay. Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga susunod na henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga tradisyon sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan. Ang tradisyon ay ang mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na nagpasalin-salin mula sa mga magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o pagkilos. Ito ay ang koleksyon ng mga paniniwala, opinyon, customs, mga kwento, alamat, kultura at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon papunta sa isa pa. (Manliguez, 2020). Ang tradisyon ay isang salita mula sa salitang Latin na traditio at ito naman ay mula sa pandiwang trader, na nangangahulugang maghatid o magpadala. Ang tradisyon ay ang paghahatid ng mga kaugalian, pag-uugali, alaala, simbolo, paniniwala,

2 alamat, para sa mga tao ng isang pamayanan, at kung ano ang ipinapadala ay nagiging bahagi ng kultura. Para sa isang bagay na maitatag bilang isang tradisyon, tumatagal ng mahabang panahon, kaya ang ugali ay nilikha. Iba't ibang kultura at maging ang magkakaibang pamilya ay may iba't ibang tradisyon. Napakayaman ng ating bansa sa tradisyon at batid natin na ito ay dahil sa ating kasaysayan. Bagamat sinakop tayo ng iba’t ibang bansa noong unang panahon ay mababakas pa rin ang mga tradisyong Pilipino na masasabing tunay na atin. Ang tradisyon ay patuloy na uunlad at magagamit kung ito ay pahahalagan at pagyayamaning tunay. Sinasabing ang Tradisyon ang simbolismo ng ating pagkakakilanlan at dito tayo nakikilala bilang isang mamamayang Pilipino. Isa rin ito sa magpapatunay at magpapakita kung paano ang sistema at pamumuhay ng mga Pilipino nooon at kung ano ang pinaniniwalaan ng ating mga ninuno. Ang pagiging Makabayan natin mga Pilipino ay hindi lamang pagpapakita ng pagmamamhal sa ating bayan, bagkus ay ang pagsasabuhay ng ating mga tradisyon. Ayon sa etnograpiya, inihayag ng tradisyon ang isang hanay ng mga kaugalian, paniniwala, kasanayan, doktrina at batas na ipinapadala mula sa salinlahi hanggang sa henerasyon, at pinapayagan nito ang pagpapatuloy ng isang kultura o isang sistemang panlipunan. Samakatuwid, ang tradisyon ay isang bagay na minana at bahagi ng pagkakakilanlan. Ito ay nagpasalin-salin mula sa ating mga magulang hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Ito ay sa

3 dahilang likas sa ating mga Pilipino ang mahilig manggaya sa nakagawian na. Ang katangian ng sining ng isang pangkat na panlipunan, kasama ang musika, mga sayaw at mga kwento nito, ay bahagi ng tradisyonal, pati na rin ang gastronomy at iba pang mga isyu. Mahalagang bahagi ng ating kultura ang mga tradisyon na nagpapakilala ng ating pagka-Pilipino. Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Bilang isang bansa sa Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mayamang kabihasnan. Ang mga sinaunang Pilipino ay may natatangi ng kultura bago pa man sila nakipag-ugnayan sa mga dayuhang kanlurani. Mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno. Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay. Ayon kay Cielo Fernando (2021), mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito makikita sa mga sikat na museo sa bansa dahil kung iyong pagmamasadan at susuriing mabuti, Kulturang Pilipino ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas. Ang kultura ng Pilipinas ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo. Kabilang sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagdaraos ng piyesta, pamamanhikan, simbang gabi bago mag Pasko, pagdaraos ng noche buena, pag-

4 alaala sa kamatayan ng Panginoong Hesus tuwing Mahal na Araw at higit sa lahat ay ang pagsasama-sama ng bawat pamilya sa anumang okasyon. At sa bawat okasyon makikita natin ang iba’t ibang putaheng lubos na kinahihiligan ng mga Pilipino. Makikita rin sa maraming tradisyon ito ang iba’t ibang produkto na nagpapakilala ng husay at galing ng mga Pilipino. Kaya naman lubos tayong hinangaan ng mga dayuhan sa mga natatanging likha ng mga Pinoy na hindi pahuhuli sa mga mauunlad na bansa. Ang Batangas na matatagpuan sa Timog-Hilagang bahagi ng Luzon at kabilang sa rehiyon ng CALABARZON ay mayaman din sa tradisyong talaga namang maipagmamalaki. Ang probinsiya ng Batangas ay binubuo ng 31 munisipalidad at 3 siyudad. Kilala ang Batangas sa mga pamosong dalampasigan na talaga namang dinarayo ng mga turista at mga Manilenyo. Maliban sa mga pamosong karagatan, kilala rin ang Batangas sa mga pagdiriwang tulad ng piyesta at mga okasyong nilalahukan ng ibat ibang bayan dahil sa pagiging makulay, maingay at higit sa lahat nakapagbibigay ng aliw at saya. Sa Timog Kanlurang bahagi ng lalawigan ng Batangas ay matatagpuan ang isang maliit na bayan at ayon sa tala ng pamahalaan ng Lungsod ng Batangas, sa 32 bayan na bumubuo sa lalawigan ng Batangas, ang bayan ng Ibaan ay isa sa pinakamaliit ngunit napakayaman pagdating sa mga produkto na tiyak na maipagmamalaki sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang bayan ng Ibaan ay mayroong 26 na Barangay kabilang ang Bago, Balanga, Bungahan, Calamias,

5 Catandala, Coliat, Dayapan, Lapu-lapu, Lucsuhin, Mabalor, Matala, Munting Tubig, Palindan, Pangao, Panghayaan, Poblacion, Quilo, Sabang, Salaban I, Salaban II, San Agustin, Sto. Niño, Talaibon, at Tulay. Dahil sa napakayaman ng bayan na ito sa iba’t ibang produkto ay bumuo ng isang espesyal na pagdiriwang para sa Ibaan ang “Les KuHLiemBo” Festival na bahagi ng anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan na ngayon ay nasa ika-isandaan at siyampu na. Ang nasabing Festival ay kadalasang isinasagawa sa buwan ng Pebrero. Ayon kay Tejada (2018), tinawag na “Les KuHLiemBo” ang pagdiriwang upang maipakita ang mga produktong ipinagmamalaki ng Ibaan gaya ng tamales, kulambo, habi, liempo, at tubo. Kultura na ng Ibaan ang pagsasagawa ng Street Dance Parade at Liempo Grilling upang maghatid ng saya sa mga manonood. Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lámang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang tradisyong kinagisnan o nakasanayan, tradisyong nalinang o tradisyong tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran.

6 Napili ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito upang maipakilala ang tradisyon namayroon ang bayan ng Ibaan. Gayundin ay upang maipakita at maipamalas ang mga tradisyong Ibaeños sa nasabing Festival. Ninanais din ng mga mananaliksik na maobserbahan ang pagdiriwang upang mailarawan mga gawain sa pagdiriwang ng Les KuLHiemBo Festival ng Ibaan at maging kabagi sa darating na taon. At higit sa lahat makabuo ng isang promosyonal na bidyo upang ipakilala ang natatanging pagdiriwang na ito ng mga Ibaeños. Paglalahad ng Layunin Nilalayon ng pananalisik na ito na obserbahan at suriin ang Les KuHLiemBo Festival ng Ibaan, Batangas. Bibigyang pansin ng mga mananaliksik sa pagsusuri ang mga sumusunod: 1. Mailarawan ang mga gawain sa pagdiriwang ng Les KuLHiemBo Festival ng Ibaan. 2. Matukoy ang tradisyong Ibaeños sa nasabing Festival. 3. Makabuo ng promosyonal na bidyo. Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral Saklaw ng isinasagawang pananaliksik na ito ang kasaysayan ng bayan ng Ibaan, gayundin ang kasaysayan ng Les KuHLiemBo Festival. Saklaw din ng pananaliksik na ito ang paglarawan sa mga gawaing isinagawa sa Les KuHLiemBo Festival. Pinagtuunan din ng pansin ng pananaliksik na ito ang Tradisyong Ibaeños na masasalamin sa Festival, isang festival na nagpapakita ng iba’t ibang angking

7 produkto na mayroon ang bayan ng Ibaan. Ang pananaliksik ay tatagal lamang ng dalawang semester alinsunod sa kahingian ng kurikulum na ginagamit sa Pamantasan. Dinilimitahan ang pananaliksik na hindi kasama ang iba pang okasyon o pagdiriwang sa Bayan ng Ibaan. Hindi na rin ibinilang ng mga mananaliksik, Hindi na rin ibinilang ng mga mananaliksik, ang mga Ibaeños na hindi nakilahok at nakiisa para sa pagdiriwang ng Les Kuhliembo Festival. Minabuti din ng mga mananaliksik na huwag ng maglagay ng espisipikong edad, sa kadahilanang kakaunti lamang ang siyang nakilahok sa pagdiriwang alinsunod sa ipinatutupad na safety protocols. Nilimitahan ang pananaliksik sa mga Ibaeños na naghanda, nakiisa at nakilahok para sa pagdiriwang ng Les Kuhliembo Festival. Sapagkat sila ang naging saksi at nakakita sa mga kaganapan, aktibidades at gawain sa nasabing pagdiriwang kung kaya't mas marami silang maibibigay na impormasyon at kasagutan para sa katanungan ng mga mananaliksik. Pinili din sila ng mga mananaliksik sapagkat higit silang makakatulong upang mas mapadali at mapabilis ang isinasagawang pananaliksik. Kahalagahan ng Pag-aaral Sa pananaliksik na ito maiilarawan natin ang mga gawain sa pagdiriwang ng Les KuHLiembo Festival. Gayundin, matutkoy ang mga Tradisyong Ibaeños. At

8 bilang kabuoan ay magsasagawa ng isang Promosyonal na Bidyo na naglalaman ng ganap sa darating na pagdiriwang ng nasabing Festival. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod: Sa namumuno sa bayan ng Ibaan. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa kanila upang maipahayag at maipakilala sa mga mamamayang Ibaeños ang Tradisyong mayroon ang bayang kanilang pinagmulan. Gayundin, upang maipakilala ang festival, kalakip ay ang mga gawain sa pagdiriwang na vkanilang isinasagawa kada-taon. Sa mamamayang Ibaeños. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay sa kanila ng impormasyon at kaalaman tungkol sa Tradisyon na mayroon ang kanilang bayan, maging ng kasaysayan ng bayang kanilang pinagmulan. Sa mga Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga mananaliksk upang higit na mapalalim ang kaalaman tungkol sa Les KuHLiembo Festival. Gayundin, upang maipakita kung ano na ang tradisyong Ibaeños na na sumasalamin dito at kung gaano kasaya ang pagdiriwang na ito. Magsisilbing hamon ito sa mga mananaliksik upang higit pa nilang tangkilikin, pahalagahan at pagyamanin ang mga produkto at tradisyon sa kanilang bayan. Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang maging batayan sa kanilang gagawing pananaliksik na kung saan ay magkakaroon sila ng iba't ibang ideya at mga bagong impormasyon tungkol sa mga tradisyon ng mga Pilipino.

99 Depinisyon ng Terminolohiya Sa bahaging ito binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pag- aaral upang lalong maunawaang mabuti ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, minabuti ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga mahahalagang salita na may kaugnayan sa pag-aaral. Festival. Ito ay tumutukoy sa isang sikat ngayon sa maraming lugar dito sa Pilipinas. Isang uri ng pagdiriwang na binibigyang kulay sa pamamagitan ng kulturang ating kinagisnan at minana mula sa ating mga ninuno. Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa pangunahing paksa na pagtutuunan ng pag-aaral. Habi. Ito ay tumutukoy sa isang tela na binuo sa pamamagitan ng pinagsalit- salit na mga himaymay, hibla, o sinulid. Tumutukoy din ito sa paraang ginamit o natatanging disenyo sa paghahabi (Bigwas, 2019). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa kumakatawan sa pangunahing produkto ng bayan ng Ibaan, Batangas at kabilang din sa kahulugan ng Les KuHLiembo. Ibaeños. Ito ay ginamit na katawagan sa mga taong naninirahan sa bayan ng Ibaan, Batangas. Kulambo. Ito ay tumutukoy sa isang bagay na parihabang nilambat na tabing at inilaladlad sa ibabaw ng higaan kung gabi (Bigwas, 2019). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa kumakatawan sa pangunahing produkto ng bayan ng Ibaan, Batangas at kabilang din sa kahulugan ng Les KuhHLiemBo. Les KuHLiemBo. Ito ay tumutukoy sa isang festival na ipinagdiriwang ng mga mamamayang nakatira sa bayan ng Ibaan. Ito ay kumakatawan sa mga

10 produktong ipinagmamalaki at pinagkakakitaan sa bayan ng Ibaan. Ang Les ay galing sa salitang TamaLES, Ku sa salitang KUlambo, h sa salitang Habi, liem sa salitang LIEMpo, at bo sa salitang TuBO (Juan Toreja, 2014). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang paksa ng panimulang pagsusuri sa Festival. Liempo. Ito ay tumutukoy sa isang ay inatsara na basic inihaw marinade na binubuo ng toyo, sarsa ng saging, giniling na black pepper, at lemon o calamansi (Vanjo Merano,2009). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa kumakatawan sa pangunahing produkto ng bayan ng Ibaan, Batangas at kabilang din sa kahulugan ng Les KuHLiemBo. Promosyonal na Bidyo. Ito ay tumutukoy sa isang pagsisikap na hikayatin ang mga tao na tanggapin ang mga produkto, konsepto at ideya (Boyd). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isang awtput na naglalayon na maipakilala ang mga produkto at mga tradisyon ng bayan ng Ibaan. Tamales. Ito ay tumutukoy sa isang pagkaing Pilipino na halaw sa impluwensiya ng mga Mehikano. Ito ay gawa sa steamed ground rice at mani na may karne ng manok na nakabalot sa dahon ng saging (Diksyunaryong Tagalog- Ingles ni Leo James English). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa kumakatawan sa pangunahing produkto ng bayan ng Ibaan, Batangas at kabilang din sa kahulugan ng Les Kuhliembo. Tubo. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng damo Saccharum offcinarum na tumataas nang hanggang limang metro, mahaba ngunit makitid ang dahon, luntian ang murang katawan at lila o kayumangging may bahid na pula kung magulang

na, ginagamit sa paggawa ng asukal, alkohol, alak, suka at iba pa (Tagalog, Dictionary). Ito ay ginamit sa pananaliksik bilang isa sa kumakatawan sa pangunahing produkto ng bayan ng Ibaan, Batangas at kabilang din ito sa kahulugan ng Les KuHLiemBo.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook