Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Sa Bulong ng Takipsilim

Sa Bulong ng Takipsilim

Published by Ella Lopez, 2021-09-13 15:17:45

Description: Sa Bulong ng Takipsilim

Search

Read the Text Version

buhos ng hamon sa dapithapon agam-agam na palihim sabay sa aga sang palad a t akgastial abyi sa h at inggabi p ng bu kangliw a y w a y agam-agam na palihim sabay sa agaw-dilim mon sa dapithapon kaisang palad at katabi pagsilay ng bukangliwayway hamon sa dapithapon buhos ng agam-agam na palihim sabay sa agaw sang palad a t katabi sa h a t inggabi p agsilay ng b u kangliw a y w a y agam-agam na palihim sabay sa agaw-dilim mon sa dapithapon kaisang palad at katabi sa bulong ngbuhos pagsilay ng bukangliwayway ng hamon sa dapithapon agam-agam na palihim sabay sa aga sang palad at katabi sa hatinggabi agam-agam na pagsilay ng bukangliwayway palihim sabay sa agaw-dilim mon sa dapithapon kaisang palad at katabi

GN KALIPUNAN MGA T U L A U K O L SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN BATSILYER NG AGHAM SA PAGTUTUOS 1-9

para sa mga laban na ikaw lang ang nakakaalam ;

TALAAN NG NILALAMAN I. BUHOS NG HAMON SA DAPITHAPON UBOS.......................................................7 MALAYANG PAGBIGKAS.........................................8 SINO?......................................................9 BULONG NG PANGHUHUSGA......................................10 ILALIM.....................................................11 WALANG MAY PAKIALAM........................................12 SA ILALIM NG ISIPAN........................................13 HAMON SA KALINAW...........................................14 ANG SALARIN................................................15 BILANGGO...................................................16 SIKLO NG PAG-IISIP.........................................17 HALIMAW NG ISIP............................................18 SA PAGHINGA AT PAHINGA.....................................19 PAKIRAMDAM.................................................20 DILIM......................................................21 II. AGAM-AGAM NA PALIHIM SABAY SA AGAW-DILIM SA GITNA NG UNOS...........................................23 PASANING MULTO.............................................24 SA HUNI NG MGA GUNI-GUNI...................................25 SARILI: ANG ESTRANGHERO....................................26 NAKABIBINGING KATAHIMIKAN..................................27 TAHIMIK NGUNIT HINDI PAYAPA................................28 SA AKING PAG-IDLIP.........................................29 MALAYANG HINDI PINALAYA....................................30 DUGO'T PAWIS PARA MAKAKAIN LANG............................31 TAKBO SA MAHABANG PARANG...................................32 HANGGANAN..................................................33 ANINO SA LILIM ............................................34

TALAAN NG NILALAMAN III. KAISANG PALAD AT KATABI SA HATINGGABI KAISIPAN KAPANATAGAN.........................................36 HULING GABI HULING HIKBI.....................................37 SAGIP SA ISIP................................................38 ISIP.........................................................39 PAALALA......................................................40 HUMINGA'T MAGPAHINGA.........................................41 ALPAS........................................................42 IHIP.........................................................43 IKAW AT IYONG KADILIMAN......................................44 BLANGKONG PAPEL..............................................45 TULAD NG PANAHON, GANO'N DIN TAYO............................46 IV. PAGSILAY NG BUKANGLIWAYWAY PAGHILOM AT PAGNINGNING......................................48 LIHAM PARA SA'YO.............................................49 SARILA, IKAW ANG UNA AT HULI.................................50 LABAN MO, LABAN KO...........................................51 PANGLAW SA DILIM.............................................52 HAKBANG NG PAGLABAN..........................................53 ULIT-ULIT....................................................54 DAPIT GABI...................................................55 TANGGAPIN, ALAMIN, GAWIN.....................................56 LUMABAN KA...................................................57 AAGOS PA RIN ANG BUHAY.......................................58 IKA'Y LUMABAN................................................59 HINGA........................................................60 LIMA HANGGANG ISA............................................61 KAMAO SA KAISIPAN............................................62 BATA PA ANG ISIP.............................................63

I buhos ngshaamdoanpithapon Kulay kahel na kalangitan Malamig na simoy ng hanging amihan Hudyat ng salik na gugulo sa isipan Lito't kalungkutan ay kasasadlakan

Ubos ni Justine Rose B Gabatino. Walang permanente sa mundo lahat ay siyang nagbabago Hindi alam ang dapat na maramdaman Bawat isa'y kabigat ng pasan Pandemya na lalong nagtatagal Kilos ng gobyerno masyadong mabagal Mga kabataan ay siya nang pinanghihinaan Wakasan ang buhay siyang nasa isipan Problema sa bahay di mahiwalay Sigaw ng nanay at tatay, Iyak at hiyaw ng bunso sa bawat sulok, Pa'no siyang sa pag-aaral ay tututok? Isa pa ang konsepto ng online class Aba'y balak pa atang isabatas Tambak na gawain hindi alam uunahin Pag-aaral na ito'y hirap unawain Karamihan ganito ang nararanasan Pag-iisip ay siya nang naiiwan Hindi alam kung ano ang kahahantungan Ng utak na pagod na sa nararanasan 7

MALAYANG PAGBIGKAS ni Mac Kirby S. Gonzaga Bawat bugtong-hininga na nilalabas, Sikip sa dibdib, ayaw magpapiglas. Kabang bumabalot na parang ahas; Bibig ay tinikom, wala na bang lunas? Mga salita, tila’y binabalewala Sinasabing sila lamang ang mga dakila. Ayaw ipabanggit ang gustong ipuna Dahil ito raw dapat ang iyong tadhana. Laman ng utak at puso’y kailangan ilabas ‘Na huwag magapos sa kadenang mahirap makalas. Matutong labanan, daigdig ng kaisipan Upang maiwasan ang dulot ng kasawian. Salita na lumalakbay ng malaya, paniguradong ligtas Sa karimlan ng nilalang na hirap malutas. Huwag sayangin, bibig na nakakabigkas; Mababatid ang mga bagay na dapat lamang patas. Maituturing ito na saganang gulayan, Magpapalusog sa ating mga kalusugan. Gawing gabay sana ng karamihan Nang makamit nila ang tunay na kapayapaan. 8

Bakas sa mga mata, mga larawang hindi maipinta sa pagpatak ng aking mga luha mga damdaming hindi naisasalita isang malaking hamon ang makipagsabayan sa lipunang walang kasiguraduhan tangan ang takot na walang maibigay na kasagutan sa lahat ng pag-aalinlangang binabato ng lipunan Maraming mukha na ang aking nakita iba't ibang pag-uugali na rin ang nakaslamuha ngunit hindi maiaalis ang aking pangamba kung sino sa kanila ang tunay na kakilala Tila ba ako'y napaglalaruan ng mga boses na syang namamagitan totoo nga bang ako'y ginagabayan o patuloy lang nila akong dinidiktahan? Marahil nga't batid ang sariling pangalan Ngunit hindi sa malalim na paraan Nananatiling isang malaking katanungan Kung paano ko siya mabibigyang larawan “Sino?” ni Nila Marice G. Francia 9

B U L O N G ng P A ni Jeslie Igne N G Lumaking mulat sa hirap H Kailangang magsumikap Lubos ang mga pangarap Upang ginhawa’y malasap Ngunit ako’y nangangamba Sa dilim ay nangangapa Ang takot ay nadarama Sa bulong ng panghuhusga U H “Kailangan ganito ka,” U Ayon sa aking pamilya. “’Wag mo kaming ipahiya,” Isip ko’y dapat itanda. S Ang lahat ay alintana Hindi binabalewala Wala mang kapayapaan G Na isip ko’y kailangan Patuloy na kumakapit Buong lakas, pinipilit A Dalangin ko na kayanin 10 S a d a m i n g i i s i p i n

“ILALIM” ni Lindssy P. Manalang Sa likod ng maskara, mata’y binabalot ng kalungkutan. Bawat kilos ay may katumbas na pag-aalinlangan. Hindi makawala sa mga kadena ng panghuhusga, Pag-asa ay tuluyan ng nawawala. Tila ba’y itinapon sa malawak na karagatan; Sumisigaw, nanghihingi ng tulong sa kawalan. Desperadong inaabot ng mga kamay ang kataasan, Ngunit wala itong magawa para mapigilan ang pagbaba sa kailaliman. Natatakot at nangangamba, Hindi alam kung ito ang tama. Ngnuit hindi na hahayaang magwagi ang kadiliman; Ngayon, sarili ay purisigido nang lumaban. Panibagong pagsubok ay handa ng harapin, Maliwanag na bukas ay matatanaw din. Bawat parte ng sarili ay unti-unting mamahalin. Puso ay muling magniningning na parang bituin. 11

Walang May Pakialam ni Elieca Marie Insigne Nandiyan nanaman ang mga taong mapanghusga, Sa isip mong laging may dinidikta Ang dila ay tila umuurong hindi makapagsalita Natataranta, pilit na hihinga Lahat sila nakatingin sayo Lahat sila kalaban mo Lumayo ka na’t magtago Magkulong ka na sa kwarto Hanggang kailan ako gigising na may kaba? Na may pag-aalinlangan tuwing nandiyan sila Tulong, saklolo walang makarinig ni isa Walang ibang nagdudusa kundi ako lang mag-isa Kailan niyo ko lulubayan? Hanggang kailan niyo ko didiktahan? Hanggang kailan ako magtatago ng nararamdaman? Dahil sa mga taong hindi naman ako naiintindihan Alam mo yung kailangan mong maging malakas Para sa problemang kay hirap tumakas Na kailangan masaya ka para bukas Kahit na ang mga paa ay tila ba unti-unting naninigas 12

Napadpad siya sa isang lugar Na minsan siyang naging pamilyar Kung paano nito kontrolin ang kanyang katawan Ngunit minsan din siya ritong nagulumihanan Isipan niyang kay likot, Mga emosyon niya’y pinapaikot Inaamin niyang siya’y naimpluwensyahan Ng mga taong minsan niya ditong pinatahan Emosyon at kilos niyang pabago-bago, Dala ng inaasahan sa kanya ng mga tao Kung gaano siya kadaling magalit, Ganoon din ang naranasan niyang higpit Siya’y nagmumuni-muni tuwing sumasapit ang gabi, Dito’y napansin niya ang kanyang biglang paghikbi Natuklasang kanya ring sarili ay maituturing na kalaban, ‘Pagkat hinayaang magnaknak ang sugat ng nakaraan Sinubukan niyang buksan ang pintuan, Ngunit sarado ang pag-unawa sa kanya ng karamihan Kaya’t kung papasukin mo ang mundong ginagalawan niya, Sana ay lawakan mo ang pag-intindi sa kanya SA LILIM NG ISIPAN ni Lyka Mendoza 13

Hamon sa Kalinaw ni Kyla Mae Oliveros Ang kalinaw na kaisipan Tulad ng payapang karagatan Dumadaloy nang dahan-dahan Tungo sa lugar ng katahimikan Sa gitna ng mahabang paglalakbay Mayroong hamon na naghihintay Ang isip na noo’y matiwasay Unti-unting nawawalan ng kulay Ang unang hamon ay pandemya Nagdudulot ng matinding pangamba Lungkot at takot ay baon din niya Pandemya, lilisan ka pa ba? Online class ay dumating din Na nagdadala ng maraming gawain Pagsusulit, proyekto at takdang aralin Internet connection sana’y makasabay din Marami pang dagok ang nag-aabang Na sa payapang pag-iisip ay hahadlang At magtutulak sayo sa pampang Kaya pag-iisip ay tibayan na lamang 14

Lumalalim ang gabing sinasakop ng kadiliman, Maiitim na ulap ay naghahabulan. Kasabay ng nagbabadyang bugso ng ulan, Narito at naghihingalo sa kuwartong kinasasadlakan. Tila isang nakamamatay na krimen, Nang ako’y palasak niyang itulak sa malalim na bangin. Sa mga mata’y ‘di diretsong makatingin, Dahil siguradong ako pa rin ang sisisihin. Siya na nasa gitna ng hiyawan at sigawan; Madalas sa nakabibinging katahimikan. Umaalingawngaw niyang boses at magugulong mga turan, Kakarampot na tiwala sa sarili ko’y dinurog at inapakan. Subukan ko man humakbang pasulong, Hatak niya ay tatlo paurong. Sa buhay ay hindi naman daw kasi ako marunong, Kaya sa gapos niya ako’y mahigpit na nakakulong. Gumegewang-gewang at ‘di makalakad nang tuwid, Sapagkat takot at pangamba ang sa akin ay pumapatid. Patong-patong at mabibigat na mga pasanin, Halimaw sa isip ang siyang salarin. SANGA L A R I N ni Ella G. Lopez 15

' 'B i l a n g g o ni Lyann P. Ofracio Ako’y isang bilanggo ng sarili kong isip Hindi makaalpas, Walang daan palabas Hindi alam kung ito ba’y may wakas Saan nga ba ito nagmula? Dahil ba sa pandemya Kaya’t ako’y nangangamba Punong-puno ng kaba O baka sa palaging pag-iisa Maraming problema na iniinda Paglingon ko’y walang nandyan Napapaligiran ng kawalan Maaaring dala ko na ‘to una pa Ngunit ‘di ko lang pansin Ang akala ko’y simpleng lumbay Unti-unti kinukuha ang aking buhay Gusto ko nang kumawala Sa mahigpit na pagkakakadena Naghihintay ng sasagip Mula sa masamang panaginip 16

siklo ng pag-iisip ni Maria Rhea Ana Dufale Sampu, sampu, labing-isa, labing-dalawa o higit pa Mga bulong at boses tuwing ako’y hihiga sa kama Siyam, siyam na gabi ko nang hinihiling Na sana ang bukas ay di na muna dumating. Walo, walong patak ng luha kasabay ng pag-ulan ng langit sa lupa Di alam ang dahilan, saan ba nagmumula? Pito, sa pitong araw sa loob ng isang linggo Paulit-ulit, walang nagbabago. “Saan ako tatangayin ng paglalakbay ko?” Anim, itong anim na salita na sa isip ko’y bilanggo. Lima, limang daliri sa bawat kamay ko Di magkandaugaga, may nginig sa bawat segundo Apat, apat na sulok ng madilim at saradong parisukat Laman ang nararamdamang di maisiwalat, ang lalim ng mga sugat Tatlo, tatlong segundo lang, pakiusap pigilan mo Ang paghapdi ng sugat, bugso ng luha’y labanan mo. Dalawa, dalawa lang at di kailangan ng marami Muling magtiwala sa sarili At pagdating muli ng lalim ng gabi na puno ng tanong at pagsisisi Isa, isang subok pa, manatili. 17

halimaw ng isip ni Emma Gie B. Leocadio Oo, wala nga namang perpekto sa mundo Buhay'y di madali at patuloy na nagbabago Ngunit sadya nga bang ganito ang takbo Mga alon ng pagsubok, tila wala nang paghinto? Kakayahan ng bawat isa ay may hangga Katawang pagod sa maghapon ay maaring ipahinga Ngunit ang isip na puno ng takot at pangamba Ang siyang kikitil sa pangarap at pag-asa Hindi pa tapos ang isa, ito na ulit ang panibagong problema Sanhi ng paglaganap ng sakit at pandemya Ang maagang pagpanaw ng mahal kong ama Wala nang sasakit pa sa tuwing ito'y maaalala Kasabay nito ang pag-abot sa pangarap Na hindi alam kung matitiis pa ang hirap Nakakulong na lamang sa sistemang nakasadlak Hadlang sa pagkatuto at sa kinabukasa'y wawasak Masisisi mo nga ba ang tao Na pagod na sa pagdadala ng buhay dito sa mundo Kung pipiliing magpahinga na at lumayo Mula sa mga halimaw ng isip na pilit ginugupo 18

sa P A G HINGA aT P A H I N G A ni Ma. Chrisdel Mendez Napupuno ang isipan ng mga pangamba, Takot, pagkalito, kung saan nga ba papunta. Hindi na mapigilan ang pagbuntong hininga… Sapagkat sa’yong buhay ay lunod na lunod na. Kaliwa’t kanan ang balitang nakakabingi, Unti-unting binubura ating mga ngiti. Mga hinaing na pilit isinasantabi, Tinatalikuran ang mga humihikbi. Mga estudyanteng napapagod na Sa nabubulok na ihip ng sistema. Mga hinaing ay binabalewala, “Madali lang naman yan ba’t ‘di mo magawa?” Ang ilan ay nahihirapan itawid ang pangangailangan, Habang ang iba’y nawawala sa landas na dinadaanan. May mga nakakaahon mula sa pagkakalunod, Ngunit ang karamihan ay nagpatangay na sa anod. Ipinagkibit-balikat ang mga iniinda, Dahil sa paghinto ay baka mahuli ka; Napapagod na ngunit nagpapatuloy pa, Nakakalimutan ang salitang pahinga. Sa pagpikit ay pilit na iniipit ang mga sakit Kahit na ang kapalit ay humihina ang kapit Sa buhay na problema ay kumakalabit Sa araw-araw bigat ng loob ay bitbit 19

PAKIRAMDAm ni Monica T. Manayag Mga matang tila nangungusap Isip na naglalakbay sa alapaap May isa lamang na pakiusap “Sana ako’y mahanap” Napakahirap na sitwasyon Napakabigat na desisyon Sana’y bigyan ng atensyon Ako’y di na makaahon “Buti pa si ganyan, buti pa si ganto” Kadalasang maririnig sa mga tao sa paligid mo Sa lugar na dapat ay nagsilbing hingahan mo sa mapanghusgang mundo Isa rin sa dahilan ng pagsuko mo Mahirap man intindihin ang mga bagay-bagay Kung isang araw, ikaw ay bumigay Mayroon tayong Diyos na gumagabay Upang ipagpatuloy ang ating paglakbay 20

dilim ni Tyrone Ilarde Ano nga ba ang sanhi ng simula kung saan ang dilim ay bumalot sa mapaglarong isipan? 'Di makita ng mata, subalit nadarama bawat pasakit, hirap at mga pangamba. Alin pa nga ba ang higit o mas malakas sa mga salita't pantig na binibigkas, na may lulang epekto sa bawat isipan? Malawak, malalim at makapangyarihan. Katanungan sa isip ang siyang ugat, pagdududa sa sarili ang pinaka-angat. Kalungkutang naranasan at pagmamalabis. Damdaming hapis, ngayo'y nagtatangis. Batid ang peligrong kasuklam suklam sa pamumuhay, pagkatao at kalusugan. Tuunan ng pansin, huwag hayaan! Bulong na gumugulo sa madilim na isipan. 21

II Agam-agasmabnaayPasalihaimgaw-dilim Sigaw na umaalingawngaw Mga katha ng isip na naliligaw Akdang inukit ng patalim Ng damdaming binabalot ng dilim

sa gitna ng unos ni Bianca B. Abad Nakatayo’t ‘di makagalaw ‘Di alam kung saan patutungo Sa dahon nitong di lumilitaw Parang pagganyak na nawala ‘to Sa di pag-alis ng bagyong ito Sa kadilima’y ‘di makahinga Hanap-hanap ang haring araw nito Panalangi’y bagong dating niya Sa pagbugso ng ulan na ito Sanga’y isa-isang nawawala Nag-iisa sa unos na ito Walang kasama, pati pag-asa Tila hindi na mamumulaklak Ngunit alam na matatapos rin Magbunga muli’t ‘di magpawasak Dahil ang araw ay babalik rin 23

Sa una ay tila walang suliraning hinaharap, Hindi alintana ang paparating na paghihirap. Nakasandal lamang ang emosyon sa balikat na ulap, Mababali ang leeg kung kaytagal na nakayakap. Ngayon ikaw ay nananatili pa ring nakadantay, Nakaasa sa iba ang emosyonal na kamalayan, Tila hinihintay na sarili mismo ang pumatay, Sa isip na ang kaya lamang ay sa iba bumatay. “Eh bakit mo pinapatay ang sarili mo?”, Tanong din niya sa sarili niyang magulo. Dahil sa isip ng iba, isip sa sarili ay hindi mabuo. “Sa sitwasyon ba na ito ay may magagawa pa ako?” Tila ang ating sariling multo ang kakampi at kalaban, Tingin ng ibang tao, suliraning kayliit lamang. Kung kaya’t marami ay hirap humingi ng tulong, Problema’y sa sarili na lamang ikinukulong. “Inarte lang yan! Ang iba mas mahirap ang karanasan”, Mga bukambibig lang ng taong walang kamalayan. Samantalang hindi nila alam ang paghihirap mo, Mausok na pag-iisip na dala ng pasanin mong multo. pasaning multo 24 n i C h r i s t i a n P a u l C . A b i l a

Sa Huni ng mga Guni-guni ni Arian Grace A. Alonzo Mga sigaw na pabulong Likha ng tinig na nakakulong Bawat bigkas ay mistulang patibong Mga titik na may talim ng balisong Sugat na dulot ng kahapon Lamat na baon ng panahon Tila ako’y nasa malalim na balon Malayo sa paghilom at pagbangon Mundong salat sa liwanag Walang tanglaw na maaninag Emosyon at damdaming bumabagabag Wari bagang lungkot ay hindi maipaliwanag Kasabay ng pagbuhos ng kalangitan Ang paglapat ng mga luhang binitawan Hindi sapat ang kalasag bilang panlaban Upang magapi ang bigat kong pasan-pasan Saan dadalhin ng mga hakbang? Mistulang daan ay walang hanggan Mga katha ng isip na hindi matakasan Umasang hindi ka susukuan kailanman 25

SARILI: ANG ESTRANGHERO ni Ma. Samantha B. Amoguis Isang nakakalasong tinig ng estranghero ang nagmula sa sariling dilim Tila nais baguhin ang tinig ng anyo at bahiran ng sakim Nagsisimula ng bumulong ng mga salitang sa piso ay dolyar at hindi pamilyar Ang boses na pilit lumalaban, saan na ilulugar? Isip na masalimuot at malayo sa landas na gustong tahakin Parang isang ibong naliligaw sa sariling hangarin Ngunit sa tuklaw ng ahas ay tuluyan nang naging alipin Tumatapos sa pangarap na nais sanang angkinin Damdamin na noon ay baon ang determinasyong nag-aalab Ngayon ay inilibing sa malalim na hukay ang ambisyon na kay kintab Dahil sa isang estrangherong emosyon na may dalang itim na liyab Ang nahahapong puso ay nahihirapang ibalik ang dating siklab Layunin sa umpisa ay kasing klaro ng tubig Paanong sa isang iglap ay hindi na ito makilala ng ibig? Ang pagtapon ng itim na bato sa tubig marahil ang sanhi ng pagyanig Hinahamak ang buong pagkatao hanggang sa mabali ang tindig Nakakalungkot na ang sarili mismo ay naging estranghero Sa sutil sa tinig ay nagpatukso, maging ang isip ay nagulo Damdaming nangangarap ay gumuho, kasabay ang layunin na sumuko Ito ang resulta ng sakit na hindi maituring seryoso bagkus ay isang biro 26

Nakabibinging Katahimikan ni Kathlyne Dinese Anzaldo Sumapit na ang gabi at isipan ay ginugulong muli Tahimik ang paligid ngunit tila nabibingi Walang magawa kundi ang sumiksik sa isang tabi At sumigaw na walang boses habang nagkukubli Nabibingi sa boses na parating bumubulong Isipan at damdamin ay kanyang kinukulong Sa takot, sa nakaraan, sa mga problema sa kasakuluyan Pati na rin sa pangamba sa naghihintay na kinabukasan Sarili ay halos hindi na maintindihan Naguguluhan, pagkat hindi ito madaling kalaban Kay dami na ng tumulong luha dahil sa sariling isipan Mas nais na ngang pisikal na lang na masaktan Nawalan na ng pag-asa pagkat ito’y tumagal na ng taon Kaya kung ako ay lumapit sa iyo ngayon Wag mong isiping naghahanap lang ng atensyon Pagka’t nais nang lumaya sa kaisipang sa akin ay lumalamon Sinusubukan namang tulungan ang sarili Ngunit siya’y malakas at ako’y kanyang tinatalo lagi Sana ngayon ay may makarinig na ng mga hikbi At samahang ako’y makaalis sa katahimikang nakabibingi 27

Tahimik ngunit hindi payapa ni Valerie B. Bandong Anino sa dilim, sumasaklaw sa buhay Bagsak ng bukas 'di matanaw ang kulay Hindi maaninag ang liwanag sa dilim 'Pagkat nakakulong ang isip tila isang lihim May pahinga kasabay ng paglubog ng araw Ngunit nababalisa sa gitna ng gabing dumadalaw Malakas ang sigaw ngunit hindi naririnig Tahimik ang paligid, patuloy ang nginig ng bibig Yakap ang sarili sa lugmok ng gabi Kasabay ng patak ng ulan ang luhang 'di masabi Nais mo bang makita ang mga litrato sa isip? Magulong litrato na walang makasasagip Nilamon ng mabigat na pasanin Kakayahan, kuwestyunado na rin Tamang kapa lang sa dilim Mag-isang hinahanap ang liwanag sa ilalim Isang kalawang na binuo ng ginto Naging kakaibang bagay ang dating simpleng bato Kakampi lamang ang sarili sa mundong magulo Kumakapit sa itaas, hiling na makawala ang isip sa gulo 28

Sa aking pag-idlip ni Julie Mae B. Bañega Sumilip ang buwan isip ay taimtim Aking ninanais tulog na malalim Ngunit sadyang ang dilim sobrang kay sakim Ako’y hatak muli sa sulok ng dilim Dumating ang oras na siyang paglabas wari’y paghinga ay parang ginagapas kaguluhan sa isip sadyang kay lakas ‘Ako’y litong-lito’ siyang muling bigkas Pakiramdam ko’y di na maintindihan Ako’y sadyang hindi na nasisiyahan Interes ko’y wala na ngang kabuluhan Kalungkutan ko akin pang tangan-tangan Kasiyahan lamang ang aking inasam Ngunit agam-agam siyang dinaramdam Takbo ng isipan ay hindi na alam yari’y aking sagot ay tanging paalam Sa muling pagdilat ng aking mga mata Pag-ngiti muli ang siyang ipininta Ang dilim na nangyari ay di ininda Pagka’t sa gabi siya’y muling bibida 29

MALAYANG HINDI PINALAYA ni Ma. Regina D. Baterisna Mahimbing na gabi ngunit ang sarili hindi mapakali Aking mga braso at paa’y mistula bang mahigpit na nakatali Nakatitig sa kawalan habang binabagabag ang aking isipan Ito nanaman ba ang oras upang ako ay iyong pahirapan? Ngumingiti kahit inaalipusta ng ibang mga kasama Sumusunod sa mga utos ng magulang kahit na sa sarili labag na Pinipilit tumbasan bawat inaasahan kahit alam na pagod na pagod ka Tanong lang, minsan ba inisip nila kung kamusta ka na ba talaga? Mag isa ka lang sumasagupa sa bawat problemang iyong dinadala Bawat galos, kirot, hirap at sakit ramdam kong iyong iniinda Minsan nga kapag ikaw ay mag isa sa dilim ikaw ay sadya nalang nagpapadala At bigla nalang tumutulo ng walang humpay ang luha sa iyong mga mata Sadyang kay hirap kalabanin ng isip at damdamin Bigat sa iyong kalooban na ikaw lang ang mistulang may dalahin Pero minsan ang mundo ay talagang hindi ka maintindihan Kaya hanggang sa huli ikaw ay mananahimik na lamang 30

Dugo't Pawis PARA MAKAKAIN LANG ni Reynald Animos Dugo't pawis para makakain lang Pero bakit sila'y pinapaslang? Tinatratong parang wala lang Eh kung kaya tayo kumakain ay dahil sila ang gumagapang Bilang apo at anak ng magsasaka, alam ko Alam ko kung gaano kahuwaran ang kanilang trabaho Hindi ito ang nararapat na trato Para sa mga taong dahilan kung bakit may kanin sa hapag niyo 31

Kinulong ang kamalayan at kabuuan ng pagkatao Sa lugar na puno ng pagkatakot na mahirap makalimot Isang seldang mahabang parang, doon ako’y tumatakbo Patuloy na naghihingalo’t nagnanais sa dulo’y magamot Unang kilometro, takbo’y parang madali lamang Mga pangkaraniwang takot, nilalaman ng isipan Kaunting katapangan, iyon ang pagkukulang Minaliit nang kaunahan, siyang nag-aapoy sa’king kasalukuyan Takot sa hinaharap, kamatayan, at sa’king malay Patuloy na lumalalim habang nasa mahabang parang na lakbayin Pinalubhang mga pangamba, bumalot sa aking buhay Muling hindi pinansin, pagkat parang kayang palampasin Hindi namalayang kinakapos na pala ng hininga Pagod nang magpatuloy pa at nais mawala na Sa mahabang parang na aking tinatakbo’t hinahayon Parang hindi na kakayanin at sa lupa’y nais nang mabaon Sa takbo sa mahabang parang na aking tinatahak Parang madali lamang pagkat nagsimula sa pangkaraniwang takot Parang kayang palampasin kahit naging malubhang pangamba Parang hindi na kakayanin pagdating sa kakapusan ng hininga Hindi biro ang ating pag-iisip pagkat ito’y isang mahabang parang Habang tinatakbo’y napupunan ng pagod, sakit at kalungkutan Idagdag pa rito ang paghihirap, pangamba’t matinding poot Kung saan habang nilalakbay, ang tanging gugustuhi’y magamot takbo sa mahabang parang ni Jeshmond Timothy E. Caja 32

Hamon ng buhay ay siyang papatay Sa aking sarili na walang karamay Sigaw ng mga mata, wari’y walang makarinig Lakbay ng isip, kasabay ng malungkot na himig Hindi makakilos aking mga paa Hinahayaan na lamang lamunin ng kama Bumabagabag sa araw-araw at di maipinta A k i n g k a t a w a n n a t i l a a y a w g u m a n a Tulong ay hindi masikmura Kinekwestyon bakit ako ang biktima Hakbang papalayo ang siyang daan Upang problema ko’y di mo malaman Mahirap, nakakapagod hanggang dulo Nakakasawa, wala na bang bago Pagpipilian ay dadalawa Ako’y magpapatuloy ba o susuko na? hANGGANAN ni Anna Michaela L. Calabio 33

anino sa lilim ni Niña Bea Balad-on Nakikilala mo ba siya? Nakatayo man nang tuwid ngunit luha’y nangingilid nanginginig man ay walang sinasambit. Akala’y pansamantala at lilipas din ang pait Sa lilim mamamahinga, hanggat galit ang aninong nakapiit. Pumikit siya, kaibigan Pilit maaliw ang takot kahit pa siya’y bumaluktot Sa dulo’y sasabihing “okey lang ito.” Wari niya’y maglalaho rin ang mapambulag na ilaw. Sa lilim muli’y nakita, aninong nagmula sa dati niyang tanglaw. 34

III KaisanagtPkaaltaabdi sa hatinggabi Mga himutok ng damdamin Halina't pag-usapan natin Takbo ng isip, pakisabi Abutin man ng hatinggabi

K Kaisipan apanatagan ni Jacob Anthony Campit Kaisipan. Damdamin. Kalusugan. Ang mga sulok ng kaisipan ay matindi’t malalim. Sa kasiyahan, kalungkutan; Isang masikot na sistema, ang panloob na mundo ng mga katauhan. Kainisan. Kagalitan. Katakutan. Mga salungat na emosyon, paligid-ligid sa sankatauhan. Ang munting katahimikan, mababasag; Ang realidad ng mundo, masasaksihan. Pagod. Desperasyon. Napapaligiran ng kadiliman ng saloobin. Nahihilo’t nakakaduwal, ang daloy ng buhay, Ngunit dapat magpatuloy, ang iyong puso bilang gabay. Katahimikan. Kapanatagan. Ang bagyo ng saloobin ay nagpakalma, mawawala. Magpatuloy. Magpursige. Ang isip ay may kahirapan, ngunit ito’y mananatiling matatag. 36

HULING GABI, HULING HIKBI n i J o h n R e v M . C a t a n Wala na bang katapusan? Ang mga gabing ako'y pinaparusahan Mga mata ko'y ayaw tumahan Ang mga ito ba ay may hangganan? Gabi-gabi ako'y humihiling Sa malalayong tala't bituin Na ako naman ay pagpahingain Sa mga krus na mabigat dalhin Minsan ay nakakapagod na rin humikbi Sa isang tabi at hindi mapakali Mag-isang dinaramdam ang mga pighati Pwedeng bawasan ito ng kahit kaunti? Ang mga pekeng ngiti na binibigay Mga tawang bigay na bigay Pinapakita sa mga taong walang ideya Na wala na akong ligayang nadarama Mahirap mang magpatuloy pero tayo'y lalaban Hindi masarap ang tagumpay kung problema'y di dadaan Malubak man ang tinatahak na daan Pero pasasaan ba't matatamo din ang tunay na kasiyahan 37

SAGIP sa ISIP n i M a . D o r o t h y C a t a p a n g Iba't iba ang sumasagi sa isipan 'Di mawari, nakatulala sa kawalan Paano ba ito maipapaliwanag? Kung hirap ako na makita ang liwanag. Kalungkutan lagi'y kasama sa pagtulog Walang katapusang sakit ang laging handog. Tila ako'y isang barko na lumulubog, Buong pagkatao ay tuluyang nadurog. Walang ibang kasama kundi ang sarili. Kahit saan man tignan parating may mali Hindi na alam kung ano ba ang gagawin. Kalusugan ng pag-iisip ay unahin. Kalusugang pangkaisipan ay pansinin Sama-samang tugunan, ito'y laban natin! Mga nadarama ay huwag sarilihin, Nararapat lamang na ito ay sabihin. Ito ay dapat hindi gawing isang biro Dahil ganitong usapin ay hindi laro. Huwag magpadala sa mga negatibo. Bagkus, tignan at magpokus sa postibo. 38

ISIP ni Audie Joseph Clores Jr. Kaisipan natin ay pahalagahan Upang ang ating pag-iyak ay tumahan Para tayo ay makagawa ng tama At ang pag-asenso ay ating madama Pagsasalita sa tao’y dahan dahan Baka sabihan tayo na nagdramahan Ang tao ay di binibigyan ng sakit Sa tao dapat tayo’y may malasakit Kaya tayo ay magkaroon ng tapang 39 Upang makapag-isip at di gumapang Sa mundong ito ay laging may pagsubok Dahil matataas ang mga bundok Tayo na magtulungan ang bawat isa Dahil sa problemang to walang mag-isa Kaya ngayon ibahin ang pag-iisip Parang hangin na nag-iba ng ihip

PAALALA ni Jazmyn Reigne Crampatana Uy, kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Dinig ko'y nililigalig ka ng problema Maging sa pagpikit ay nilalaro ka At sa hapag ay nanlalamig na Kawalan ng gana'y di mo kapintasan Gaya ng pagpithaya sa kapahingahan Nakakapagod, ngunit hindi ka nag-iisa Eto lamang ang hatid kong paalala Kung paano mo pinapangalagaan Ang iyong pisikal na pangangatawan Ganoon mo rin marapat na ingatan Ang iyong mental na kalusugan Sa panahon ng pag-aalinlangan Sa mga oras na nakakalunod ang kadiliman Ang pagkakaroon ng malusog na kaisipan Ay bangka ng liwanag sa gitna ng kawalan Teka, kamusta na nga ba ako? Unti-unti, bumabangon at tumatayo Okey lang hindi maging okey minsan Pero huwag kailanman, susuko sa laban 40

HUMINGA'T MAGPAHINGA ni Paula Patrice Crisostomo Kumusta? Ayos ka lang ba? Oo nga’t may kanya-kanya tayong dinadala, Ngunit mahirap ba, ang mangamusta? Madali lamang na ngumiti, bumangon, at magkunwari. Pero tandaan na ‘di rin masama humingi ng tulong at magpahinga. Sa bilis ng ikot ng ating mundo, tila nawawalan ka na ng oras sa sarili mo. Mainam na magpursigi sa mga nais mo ngunit huwag kalimutan ang halaga mo. Madalas na binabalewala ‘di binibigyan ng importansya. Ngunit iyong tandaan na hindi ka mahina sa pagnanais na tumigil muna at magpahinga. 41

ALPAS ni Leila Joy Cruz Lahat ng tao ay may pinagdaraanan Sa kasalukuyan hanggang sa kinabukasan. Ngayon, sino nga bang walang problema? Talagang tayo ay sinusubok lamang ng iba. May oras na tayo ay madarapa’t masasaktan Na para bang hindi na sisikat ang araw sa silangan. Ngunit hindi mo ba naisip kung gaano ka kalakas? Para kayaning harapin ang panibagong bukas. Tayo ay nakakulong sa problemang walang katapusan Laging dulot nito’y hindi magagandang karanasan Pero kung ang ating pag-iisip ay matibay Makasasabay tayo sa agos ng buhay. Mahalaga ang pangkaisipang kalusugan, Kung kaya’t ito ay dapat nating alagaan. Ito ang dahilan kung bakit natin kinakaya Para maging isang indibidwal na malaya. Makapag-iisip nang maayos at tuwiran Upang ang mga ngiti sa mukha ay masilayan. Oras na para tayo ay makawala At tumingin sa mundo na puno ng sigla. 42

IHIP ni Missie P. Escovidal Kumusta? Sa panahon ng pandemya Tila di na alam ang madadama Malungkot ba o masaya? Sa tuwing gabi’y binabalot ng duda at takot Walang makitang dahilan at gusto na lamang lumisan Ang tunay na kalaban ay ang iyong isipan Huwag mawalan ng pag-asa at piliin maging masaya Tandaan na hindi ka bibitawan ng pamilya’t kaibigan At kahit ano man ang sitwasyon iihip rin ang hangin sa tamang direksyon 43

Ikaw at Iyong Kadiliman ni Francesca Nicole J. Carrillo Kaya pa ba? O susuko na May umiitindi pa ba, O sarili mo na lang Para sa iba ito lamang ay simpleng sakit sa pagiisip Walang kasangga kundi ang sariling anino Ngunit alam ba nila? Ang totoo mong pinagdaanan Sa sakit na hindi na kaya, minsan buhay na ang kapalit Gustong mamulat sa realidad, ngunit takot sa katotohanan Pagtatalo sa pagitan ng puso at isipin, nakakabinging katahimikan Umiyak, sumigaw, ngunit piliin parin ang maging masaya Maubos man ang luha, huwag lang ang pagmamahal sa sarili Piliin parin masilayan ang sariling mga ngiti Kahit na minsan ay walang kakayanan Sana manalo ka sa mga problemang pinili mong ilihim At parang sa gyera, pag nanalo ay mayroong kapayapaan Habang lumalaban, mapagod man ay wag hihinto Dahil wala pang nanalo kung pinili mong sumuko 44

Blangkong papel ni Irish Shayne O. Ceballos Hawakan ang krayola at simulang gumuhit Diretso, baliko, paikot, idiin pang pilit Ako ay isang papel na blangko ng isang mahalagang libro; Pahina na kapisanan ng bawat tao Itim, puti, at lahat ng kulay ng bituin ang repleksyon Diwa ng bawat kulay ay natatagong emosyon Ang bawat nadarama, sa ating obra’y may kontribusyon Ako ang papel ng panghabang-buhay na edukasyon Dilaw para sa ‘sing tirik ng sikat ng araw na kasiyahan mong nadarama At wari’y dugo ang tingkad ng iyong pag-ibig na kay pula Subalit sa panahong ang lungkot at galit ay dinadala Ang kahit anong sobra sa dami, dilim, o diin ay mali, maalala mo sana Ikaw ay ako sa laman, at ako ay ikaw sa isip Kalalagayan ko nawa naman ay masilip Karagatan ng kulay ang siya ring mag-uukit Ng damdamin, isip, at ugali ng kahit paslit 45

tulad ng panahon, gano'n din tayo ni Alyana M. Cruz Ang bulaklak na dating namulaklak Natuyo pagkatapos nitong tangkilikin ang tagsibol at tag-init ng buhay Dumating ang taglagas at dahan-dahan itong namatay Tila walang laman ang lupa, tila baog at wala na Sumapit taglamig at kalsada ay napuno ng mga tambak na niyebe Tila presensya ng kawalan ay sumasagi sa pagkakaroon ng buhay Ang bulaklak na dating nanatiling pinagmumultuhan at hindi na muling babalik sa pisikal na anyo nito Ito ay naroroon, ngunit sa memorya lamang Isang memorya na maaaring mawala Nagpatuloy ang mga araw. Nakita ng tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig kung paano lumaki ang mga bulaklak, namulaklak sa rurok nito, at nalanta upang mamatay muli Ang kanta ng mga panahon ay patuloy na nabubuhay upang saksihan ang buhay at kamatayan Kung paano ang lakas ng isang tao sa kasalukuyan ay nag-iipon at nagpapakasawa sa mga pagpapala ng ani na ipinagkaloob lamang na makita Ang kanyang sarili na naghihingalo at nawala sa wakas Sa pagtutok ng kawalan, sa kabila ng paglunod Ni walang sigaw o hingi ng saklolo na kasunod Katahimikan na nakakamamatay at nakabibingi Babalot sa mundo, pangako hindi man ako maririndi Sa dalampasigan ng pangarap, ang isipan ay tulad sa bata Wala silang inaalala, hindi man nagagambala Ang isipang mura pa makukay ang adhika Ang isipang tumatanda, namatay ang bulaklak at unti-unting nahulog 46

IV PAGSILAY Hindi natatapos sa kadiliman Ang buhay na regalo ng Maykapangyarihan Patuloy lamang lumaban Liwanag ay masisilayan

Paghilom at ni Rozelle B. Onrubio Damdaming makabuluhan at puno ng pag-asa, Isang mamahaling perlas kung ikukumpara Ingatan, alagaan at bigyang halaga Sapagkat marami pang darating na bagong umaga Patibayin at palakasin ang sarili Huwag magpapa-apekto sa guni-guni Harapin ang pagsubok ng dali-dali Lumaban at magpatuloy ng may malaking ngiti sa labi Aking nilalampasan ang bawat problemang dadaan Para sa aking sarili, patuloy pa rin ang laban Alaalang nakaraan, sa akin nag-bigay daan Patungo sa kasalukuyang pupuntahan Sa aking sarili sa hinaharap, sana nagustuhan mo Ang paglaban sa buhay na ito Alay ko ito para sa 'yo Buhay ng isang matapang na tao 48

Nais kong ipaalala sa'yo, Ginawa ang gabi para huminto Hindi para tuluyang sumuko Ngunit para ipahinga ang sarili mo Maaari mo nang aminin May mga bagay talagang mahirap gawin Sapat nang sarili mo'y paniwalain Ano mang hirap ay kakayanin Para sa mga pagkakataong naghintay ka ng meron sa kawalan Maalala mo sanang hindi pa ito ang katapusan Malaya kang lubos na maramdaman Mga bagay na gumugulo sa iyong isipan At kapag kaya mo na'y bangon na Naghihintay ang panibagong umaga Ginawa bilang paalala Kahapon ay tapos na, ngayon ay panibagong pag-asa iham ara a 'yo ni Maricar H. Perando 49

ikaw ang AT ni Rica Mae C. Romero Pilipinas ay isang maganda at matibay na pook Kung saan ang bawat mamamayan ay sinusubok Marami ang nararanasan ang hirap at lugmok Dahil sa pandemyang dala ay maitim na usok Sa pandemyang nararanasan, mentalidad ay naapektuhan Negatibo at ‘di magandang gawain, unti unti ay pumapasok sa isipan Ngunit pakatatandaan na ang lahat ay may solusyon at kayang wakasan Basta determinasyon at tapang ang magiging puhunan Sa mundong magulo at naghihingalo, ang susuko ay talo Pilit na lumaban at subukin sungkutin ang panalo Huwag magpapaapekto sa kung sino-sino Unahin palagi ang tama, ang sarili at ang gusto. Sa lahat ng problema ika’y huwag papatibag Iwasan na ang iyong sarili ang mabasag Tandaan na mayroong umaagapay, iyo lamang ilapag at ihayag Makikita mo sa susunod na araw mayroon pa ring liwanag Sa tanong na, “Sino ang dapat piliin?” Laging dapat na sarili ang una at huling isipin Sarili’y huwag tiisin, sisihin at gawing alipin Bagkus ito ay lambingin, angkinin at higit sa lahat ay mahalin. 50


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook