Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Kons-Pag 4-6

Kons-Pag 4-6

Published by joe angelo basco, 2022-11-13 09:29:08

Description: Kons-Pag 4-6

Search

Read the Text Version

Pagsasanay sa Pagbasa Baitang 4-6 Karapatang Ari 2021 ni Marife L. Mendoza Ang mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan atbp na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Ang mga akdang hiniram na walang kaukulang pahintulot mula sa nagmamay-ari sa paggamit ng mga materyales ay hindi inaangkin ng tagapaglathala at may akda ang karapatang aring iyon. Konsultant: MGA BUMUO NG KAGAMITAN Tagasuri at Editor: Leah M. Roperez Manunulat Kontibutor _________________________ _________________________ Taga anyo _________________________ _________________________ Marife L. Mendoza Leah M. Roperez Rhodora P. Urgelles Melanie A. Villanueva Janell O. Laureta Juan O. Gabis Marife L. Mendoza Office Address: Pagbilao West Elementary School Pagbilao Quezon Contact Number: 0968 526 0789 E-mail Address: [email protected] i

Pamagat …………………………………………………………………. i Paunang Salita …………………………………………………………. ii Talaan ng Nilalaman …………………………………………………. ii Yunit I Magagandang Tanawin 2 Natatagong Paraiso …………………………………………… 4 Ang Hiwaga ng Bahay Pagi …………………………………. 6 Halina sa Pinagbanderahan ………………………………… 8 Bitukang Manok ……………………………………………….. 10 Silangang Nayon ………………………………………………. 11 Pueblo Porla Playa …………………………………………….. 13 Bilaran Sandbar ………………………………………………... 15 Pagbilao Mangrove Experimental Forest ………………... 16 Kasaysayan ng Pagbilao Power Station …………………. 18 Therma Luzon Inc …………………………………………….. 20 Yunit II Mga Alamat ng Barangay Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pagbilao sa 21 Pasimula ………………………………………………………. 22 Iba pang Dapat Malaman Tungkol sa Bayan ng 26 Pagbilao ……………………………………………………….. 28 Kasaysayan ng Pagbilao …………………………………….. 29 Brgy. Alupaye……………………………………………………. 31 Brgy. Añato………………………………………………………. 32 Brgy. Ibabang Bagumbungan ……………………………… 34 Brgy. Ilayang Bagumbungan ……………………………….. 36 Brgy. Bantigue …………………………………………………. 38 Brgy. Bigo ……………………………………………………….. 39 Brgy. Binahaan …………………………………………………. 40 Brgy. Bukal………………………………………………………. 42 Brgy. Ikirin………………………………………………………. 44 Brgy. Kanlurang Malicboy……………………………………. 46 Brgy. Silangang Malicboy ……………………………………. 47 Brgy. Mapagong………………………………………………… 48 Brgy. Mayhay……………………………………………………. 49 Brgy. Ibabang/Ilayang Palsabangon……………………… 50 Brgy. Ibabang/Ilayang Polo ………………………………... Brgy. Talipan ……………………………………………………. Brgy. Castillo ………………………………………………….… ii

Brgy. Daungan………………………………………….………. 51 Brgy. Del Carmen ……………………………………………… 51 Brgy. Parang…….………………………………………………. 53 Brgy. Pinagbayanan ………………………………………….. 54 Brgy. Sta. Catalina……………………………………………... 55 Brgy. Tambak …………………………………………………… 56 Yunit III Maikling Kuwento Ang Guro Kong, Kontrabida………………………………… 59 Ang Buhok ni Porsha …………………………………………. 63 Bakit Malungkot si Erika …………………………………….. 65 Ang Aking Idolo ……………………………………………….. 67 Yunit IV Pagkaing Pagbilawin Bikang na Kamote Kakaning Pangmasa ………………… 71 Ang Sinukmani ni Ina ………………………………………… 72 Ang Patis ni Tatay Mulo ……………………………………… 73 Meryendang Swak na Swak ………………………………… 75 Pampaswerteng Pagkain ……………………………………. 77 Sikreto ni Kuya Poling ……………………………………….. 80 Okey na Okoy ………………………………………………….. 82 Dahil sa Pinais …………………………………………………. 84 Yunit IV Talambuhay ……………………………………………… Efipanio S. Merto Sr …………………………………………… 90 Trinidada Reyes Alvarez ……………………………………… 92 Juanito Tiñana Martinez …………………………………….. 94 Rosauro S. Radovan ………………………………………….. 96 Juan H. Zaporteza …………………………………………….. 97 Evelyn Sio Abeja ………………………………………………. 99 Engr. Conrado L. De Rama ………………………………….. 101 Romeo “Romar” Roces Portes …………………………….. 104 Venus Pornobi De Guzman Portes ……………………….. 111 Shierre Ann Portes-Palicpic ……………………………….. 118 Teodora P. Lusterio …………………………………………… 126 Gil M. Portes ……………………………………………………. 129 Pepito Merto …………………………………………………… 131 Leandro D. Alvarez …………………………………………… 132 Talahulugan …………………………………………………………. 134 Sanggunian …………………………………………………………. 138 iii

Para sa mga Guro at Magulang: Inihanda nina Marife L. Mendoza, Leah M. Roperez, Rhodora P. Urgelles, Melanie A. Villanueva, Janell O. Laureta, at Juan O. Gabis ang Kontekstwalisadong Kagamitan sa Pagbasa Batay sa Salitang Pagbilawin para sa pagbasa ng mga mag-aaral/anak na nangangailangan ng karagdagang pagsasanay upang matamo ang kinakailangang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa. Napapaloob sa pagsasanay na ito ang iba’t ibang babasahin tungkol sa mga magagandang tanawin na makikita sa ating bayan, alamat, maikling kwento, talambuhay, mga kakanin, at tula. Kaakibat din ng mga babasahin ang ilang mga gawain at katanungan upang mahasa at mapaunlad ang kakakayahan tungo sa pag-unawa sa binasa. Ito ay magsisilbing tulong para sa inyo mga guro at magulangin upang patuloy na sanayin ang inyong mga mag-aaral/anak. Hayaang gamitin nila ito upang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan sa larangan pagbasa. Para sa mga Mag-aaral: Ang kasanayan sa pagbasa ay pangunahing hakbang na dapat ninyong matutunan. Kasabay ng pagkatututo ay kailangan pa ninyong mapaunlad ang inyong kakayahan upang matamo at malinang sa inyo ang masusing pang- unawa sa mga binasang teksto. Mahalagang maunawaan ninyo ang mga binasabasa upang magkaroon ng ugnayan at interaskyon sa pagitan ng mambabasa at babasahin. Ang pagsasanay na ito ay makakatulong sa inyo upang malinang ang inyong katatasan at pang-unawa sa pagbasa. iv

Lubos na pasasalamat ang ipinababatid sa lahat ng mga sumulat, nagreview, nagedit at nagbahagi ng panahon at talento sa nag-akda at naglathala ng mga babasahing isinama upang mabuo ang aklat na ito. Kung hindi po nakarating sa inyo ang paghingi ng pahintulot, mangyaring ipagbigay-alam sa may akda at naglathala upang maiwasto ang anumang pagkukulang namin. Maraming Salamat Po! v

Nagtapos ng kolehiyo sa Manuel S. Enverga University Foundation Inc. ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education with Area of Concentration in English. Sa Polytechnic University of the Philippines nagtapos ng Master in Educational Management. Nagtamo ng National Certificate Computer Systems Servicing NCII sa Technological College of Quezon. Naging manunulat at ilustrador ng kuwentong Buhay Mag-aaral, mga aklat sa Pagsasanay sa Pagbasa (Book 1 at 2), at Grade 4 Filipino SLMs para sa DepEd Quezon. Nakapagturo ng Kindergarten sa St. Gerard School Inc. Lucena City (1999 – 2009). Sa kasalukuyan siya ay nagtuturo sa Ika-4 na baitang sa Pagbilao West Elementary School. vi

1

Pagpapayaman ng Talasalitaan Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Basahin ang nilalaman ng talasalitaan. a. paraiso - isang lugar na napakaganda, kasiya-siya, at kaaya-aya b. yungib – kuweba, ito ay isang natural na hukay o silid sa ilalim ng lupa at may butas na maaaring pagdaanan papasok o palabas ng isang taong pupunta dito c. baybayin – dalampasigan d. Team Energy - Pagbilao Power Station (PPS) na may 735-MW coal- fired thermal power plant na matatagpuan sa Isla Grande Pagbilao, Quezon. e. pagtatampisaw - paglalaro sa tubig sa mababaw na bahagi ng ilog Basahin at unawain ang nilalaman ng maikling kuwentong “Natatagong Paraiso”. Natatagong Paraiso ni: Marife L. Mendoza Adapted https://www.google.com “Ang paraisong ito ay kilala sa tawag na “Puting Buhangin”. Isang liblib na dalampasigan na matatagpuan sa Ibabang Polo Pagbilao, Quezon na ipinagmamalaki ng sorpresa nitong puting buhangin at isang kalapit na maliit na yungib kung saan 2

nagmula ang pangalang Kuwebang Lampas na maaaring maabot mula sa baybayin”, ito ang kuwentong madalas kong marinig sa mga matatanda. Isang araw, napagkasunduan ng aming pamilyang pumunta sa lugar na ito. Kaarawan ng aking ama at nais niyang maligo kasama ang kaniyang mga kaibigan at ilang kakilala. Maaga akong gumising sapagkat mararating ko rin ang lugar na sa imahinasyon ko lamang pinagmamasdan. Magiging makatotohanan din ang lahat. Nalampasan naming ang malaking planta ng kuryente – Team Energy kung tawagin. Kinakailangan mong maglakad upang marating ang sakayan ng bangka na maghahatid sa iyo sa lugar kung saan matatagpuan ang kuwebang lampas. Super excited kami, first time sumakay sa bangkang de motor. Ilang saglit lamang ay narating namin ang maliit na isla. Muli kaming naglakad hanggang sa marating namin ang tila paraisong lugar. Ito na pala ang Kuwebang Lampas. Kahali-halinang pagmasdan ang puting-puting pinong buhangin na aming tinatapakan. Para kaming nasa isla ng Boracay. Napakaraming tao ang naliligo. Nagmula pa sila sa iba’t-ibang bayan at malalayong lalawigan. Mayroon ding ilang mga turistang nagmula sa ibang bansa. Maliit lamang ang isla kaya halos ay mapuno ito ng mga tao, summer ba naman kaya hindi nakapagtataka. Maya’t-maya may dumarating na bangkang de- motor lulan ang maraming mga pasahero. Hindi ko sukat-akalain na dinarayo ito ng mga turista. Napukaw ang aking pansin sa isang yungib sa may bahaging kanan. Ang daming taong kumukuha ng mga larawan at pilit na lumalangoy patungo sa lugar na iyon. Malapit lamang ito sa may dalampasigan kaya madali lamang marating. Tuwang –tuwa ang aking mga kapatid na sina Nicko at Leo sa pagtatampisaw sa malinaw at malinis na tubig. Halos ayaw na nilang umahon sa tubig kahit tinatawag na sila ng aking ina para kumain. Napakasaya at napakaganda ng aking karanasan sa pagpunta sa lugar na ito. Sumagi na naman sa aking isipan ang mga kuwentong naririnig ko sa mga matatanda. Totoo pala ang lahat ng ito. Isang patunay ang napakadaming taong aking nasaksihan na nagmula sa iba’t-ibang lugar. Tunay ngang kahali-halina ang Kuwebang Lampas. Halina at maglakbay sa bayan ng Pagbilao upang masilayan mo rin ang tila paraisong lugar na biyaya ng Maykapal sa atin. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang tawag sa kuwebang lampas? 2. Bakit ito tinawag na puting buhangin? 3. Saan matatagpuan ang malaparaisong lugar na ito? 4. Paano mo mararating ang kuwebang lampas? 5. Ilarawan ang natatagong paraiso sa bayan ng Pagbilao, ang Kuwebang Lampas. 3

Pagpapayaman ng Talasalitaan Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Basahin ang nilalaman ng talasalitaan. a. pagi – malapad na isla, sapád, at may palikpik na tíla pakpak at buntot na mahabà at makitid b. talahib - isang uri ng pangkaraniwang damo c. sirena - isang nilalang pantubig na may ulo at pantaas na bahagi ng katawan ng isang babaeng tao at buntot ng isang isda d. mauulinigan – maririnig, madidinig e. gerilya – grupo ng mga sibilyan na nanglulusob ng isang regular na hukbong panlupa noong panahon ng digmaang Pilipino at Hapones f. modernisasyon - salitang naglalarawan sa pagbabago na nagaganap sa isang bagay, lugar, wika, kultura, o bayan. Ito ay makikita sa iba't ibang anyo at hindi lamang limitado sa mga bagay na nakikita at nahahawakan. Ang Hiwaga ng Bahay Pagi ni: Marife L. Mendoza Photo Adapted from https://www.google.com 4

Noong unang panahon ayon sa matatanda kinatatakutan ng marami ang ilog na ito. Ito ay tinawag na Bahay Pagi dahil sa hugis nito na kagaya ng itsura ng isang pagi at napapaligiran ng malalaking bato na tila isang mataas na pader. Matatagpuan ito sa ilog ng Lokohin sa Brgy. Binahaan sa may ibaba ng kabundukan. Kaunti pa lamang ang nakakapunta doon dahil matataas na punongkahoy at makakapal na talahib ang nakapalibot dito. Diumano’y may mga sirenang naninirahan sa loob ng kuweba sa ilalim ng tubig kung saan bumagbagsak ang tubig mula sa kabundukan. Tuwing sasapit ang gabi mauulinigan na mayroong nag- aawitan sa lugar na iyon ayon sa kuwento ng sinaunang matatanda. Nauulinigan nila ito kapag pupunta ang mga gerilya sa ilog upang maligo. Sa gabi sila naliligo upang hindi makita ng mga Hapones. Mayroon ding nakita na isang magandang babaeng mayroong mahabang buhok na nakaupo sa isang malaking bato. Lubhang napakalalim nito lalo na sa lugar na binabagsakan ng tubig na halos hindi kayang sisirin ng magagaling na maninisid ang kailaliman nito. Marami ang nagtangkang sumubok na maabot ang pinakailalim nito subalit walang nagtagumpay. Ayon sa usap-usapan habang lumalalim ay palamig nang palamig ang tubig, padilim nang padilim kahit maliwanag ang sikat ng araw at tila sasabog ang kanilang tainga kaya walang sinuman ang nakatatagal sa pagsisid upang maabot ang pinakailalim nito. Napakadilim sa loob ng kuweba sa ilalim ng tubig. Marami na rin ang nagbuwis ng buhay dito. Kaakit-akit ang ilog na ito kaya naman habang tumatagal, sa kabila ng mga nakakatakot na kuwento na marami ang nalulunod ay pinupuntahan pa rin ng maraming tao at naeenganyong maligo sa napakalinis, napakalamig at napakalinaw na tubig nito. Ayon pa rin sa mga matatanda sa lugar na ito ang mga nalulunod at namamatay ay may mga pangalan na nagsisimula sa letrang M. Marahil ay hinihila pailalim ng sirena sa loob ng kuweba ang mga biktima nito. Sa tuwing hahanapin ang katawan ng nalunod ay hindi na ito matagpuan. Kusa na lang itong lumulutang makalipas ang ilang araw. Sa paglipas ng panahon, kasabay ng modernisasyon parami nang parami ang pumupunta dito. Marami ang nakakalimot tungkol sa kuwento ng mga nakatatanda. Marami pa rin ang pumupunta dito upang maligo lalo na kapag may okasyon. Sa katunayan noong nakaraang taon isang kabataang lalaki ang muling namatay dito. Totoo man o hindi ang kuwento tungkol sa hiwaga ng Bahay-Pagi lalo na sa mga taong mayroong pangalan na nagsisimula sa titk M ibayong pag-iingat ang nararapat gawin upang huwag na muling maulit ang masasamang pangyayari sa tuwing may mga dumarayo at naliligo sa ilog na ito. 5

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang kinatatakutan ng mga tao noong unang panahon? 2. Saan matatagpuan ang Bahay-Pagi? 3. Ano-ano ang mga naririnig na kuwento tungkol sa Bahay-pagi? 4. Paano inilarawan ng may-akda ang Bahay-Pagi? 5. Bakit marami ang namamatay sa ilog na ito? 6. Sa iyong palagay, may katotothanan ba ang mga kuwentong naririnig tungkol sa Bahay-Pagi? Ipaliwanag ang iyong sagot. 7. Nais mo rin bang maligo dito? Bakit? Gawin Mo Alamin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa ibaba na makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mga salitang nakasaad sa lathalain. Pinagbanderahan virgin forest rebolusyon lakbayin wildlife kamping alintana pagkakasakop kalayaan tagaktak karst endemic bandila Halina sa Pinagbanderahan ni: Marife L. Mendoza Photo from Adapted https://www.google.com 6

Isa sa pinakamagandang lakbayin ang pag-akyat patungo sa pinagbanderahan. Matatagpuan ang pinangangalagaan at protektadong lugar sa hangganan ng Bayan ng Pagbilao. Masarap maglakad paahon ng bundok. Hindi mo mararamdaman ang mahabang lakarin lalo na kapag marami kang kasabay. Hindi alintana ang pagod at tagaktak ng pawis dahil sa ganda at malilim na paligid. Ang parke ay isang mababang lupa na kagubatan na may karst na tanawin at halaman. Ito ay kilala sa pagiging virgin forest na puno ng maraming wildlife na may maraming species na endemic sa Pilipinas. Ang ilan sa mga species sa parke ay ang monitor lizard, unggoy, usa, baboy-damo, kalapati, pugo, jungle fowl, yellow bittern, cinnamon bittern, buff-banded rail, barred rail, white-browed crake, marsh sandpiper, long-toed stint, Swinhoe's snipe, striated grassbird, rufous hornbill, Luzon hornbill, pink-bellied imperial pigeon, guaiabero, colasisi, blackish cuckooshrike, flaming sunbird at flowerpecker. Mayroon ding kuweba sa parke tulad ng Kuweba Santa at Nilubugan. Sa loob ng parke ay maraming mga lugar na maaaring pagkampingan. Ang Niyugan Campsite ang pinakapaboritong pagkampingan ng mga taong dumarayo dito. Ang pinakamataas na bahagi ng parke ay ang Bundok Mirador. Noong panahon ng rebolusyon sa Pilipinas ang ating bandila ay itinaas sa tuktok ng bundok na nagpapahiwatig ng pagkakasakop sa rehiyon. Ang bandila ng Amerika at Japan ay itinaas muli doon matapos makamit ang kalayaan. Tinawag ding Bundok ng Pinagbanderahan na nangangahulugang “kung saan nakataas ang watawat”. Ang bundok ay madaling mapuntahan sa pamamagitan ng hagdanan na tumatagal ng halos isang oras o higit pa upang makaakyat. Ang tuktok nito ay napakagandang pwesto upang matanaw ang mga kalapit na bundok tulad ng Bundok Banahaw, mga isla ng Marinduque at Mindoro at mga pangunahing bayan sa lalawigan ng Quezon. A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Saan matatagpuan ang parke ng Pinagbanderahan? 2. Paano inilarawan ng may-akda ang parke? 3. Ano-ano ang mga species na matatagpuan dito? 4. Maliban sa mga species ano-ano pa ang matatagpuan sa loob ng parke? 5. Bakit pinoprotektahan at pinangangalagaan ang lugar na ito? 6. Ano ang kahalagahan nito sa pangkasalukuyang pamumuhay ng mga tao? 7. Bakit kahali-halina ang tuktok ng Bundok Mirador? 8. Ano ang dapat gawin ng mga tao kung sakaling sila ay bibisita sa sa Parke ng Pinagbanderahan? B. Gumuhit ng larawan ng isang magandang tanawin na iyong napasyalan o napunthan. Gumawa ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong naging karanasan sa pamamasyal sa nasabing lugar. 7

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Gamitin ito sa iyong sariling pangungusap. 1. pinagbanderahan - _____________________________________ 2. zigzag - ____________________________________________ 3. matarik - ____________________________________________ 4. kamangha-mangha - __________________________________ 5. boluntaryo - _________________________________________ Bitukang Manok ni: Marife L. Mendoza Photo Adapted from https://www.google.com Kung ang Baguio ay mayroong paikot-ikot na Kennon Road ang Pagbilao naman ay may natatanging Zigzag road na kilala bilang “Bitukang Manok”. Tulad ng Kennon Road, nag-aalok din ang bitukang manok ng adrenaline-pumping experience sa sinumang dumadaan sa matarik na kalsadang ito. Gayundin ang kamangha- manghang tanawin mula sa itaas. Nakaaaliw pagmasdan ang mga nagsasalubungang sasakyang dumadaan dito. Masasalamin rin dito ang magandang katangian ng mga Pagbilawin na boluntaryong nakatayo at may hawak na berde at pulang bandera na nagpapadaloy ng trapiko upang maiwasan ang aksidente ng umaahon at lumulusong na mga sasakyan. Ginagawa nila ito ng walang bayad, ngunit may ilang mga motorista ang nagmamagandang loob at nagbibigay ng konting barya bilang pasasalamat. 8

Kapag ikaw ay nasa tuktok hindi mo maiiwasan ang sandaling huminto upang pagmasdan at kuhaan ng litrato ang napakagandang kalsada sa gitna ng kagubatan. Sang-ayon sa mga matatanda mayroong bahagi ng ZigZag Road na kusang aandar ang iyong sasakyan kahit na hindi buhay ang makina nito. Marami na rin sa mga byahero ang nakaranas ng nakakikilabot na pangyayari kapag sila ay inaabot ng gabi. Diumano’y mayroong puting babae ang bigla na lang papara sa daan at biglang sasakay sa iyong sasakyan kahit hindi huminto ang iyong sasakyan ay mamamalayan mo na lamang na mayroong nakasakay na pasahero sa iyong likuran. Maraming beses na ring nagkaroon ng mga pangyayaring nalunok ng sawa ang byaherong tumitigil at nagpapahinga sa mga malalaking bato. Bigla na lang itong nawawala at hindi na matagpuan. Ang paniniwala ng mga matatanda marahil ay nilunok na ng malaking sawa na naninirahan sa guwang ng malalaking bato. Maalamat at marami kang maririnig na mga kuwento tungkol sa lugar ito. Totoo man o hindi ay ibayong pag-iingat ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga di kanais-nais na mga pangyayari. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang tawag sa paikot-ikot na kalsada na matatagpuan sa bayan ng Pagbilao? 2. Paano inihalintulad ang Bitukang Manok sa Kennon Road? 3. Anong magandang katangian ng Pagbilawin ang nabanggit sa lathalain? 4. Paano ipinakita ang magandang katangiang ito? 5. Kung ikaw ang tatanungin, gagawin mo rin ba ang boluntaryong pagpapadaloy ng trapiko? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagpapayaman ng Talasalitaan A. Alamin ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Isulat ang sagot sa patlang. 1. nayon _________________________ 2. turista _________________________ 3. pagkaing-dagat _________________________ 4. naenganyo _________________________ 5. kuwarto _________________________ B. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat sa Gawain A. 9

Silangang Nayon ni: Marife L. Mendoza Adapted https://www.google.com Ang Silangang Nayon Park and Restaurant ay paboritong pasyalan ng mga turista at lokal sa Pagbilao, Quezon. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Bantigue. Binibisita nila upang tikman ang kanilang paboritong pagkaing-dagat na inihahatid ng isang helicopter, makatakas sa lungsod, saksihan ang lumulubog na araw, at masilayan ang kagandahan ng tabing-dagat kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Dahil sa patuloy na pagsikat nito, binuksan ng Silangang Nayon ang kanilang lugar kahit sa gabi. Maaari ring ganapin dito ang iba’t-ibang mga okasyon tulad ng company outing, team building, kasal, at iba pang mga kaganapan, upang ipagdiwang ang masayang araw sa buhay ng isang tao. Nagtatampok ang Silangang Nayon Park and Restaurant ng kahali-halinang outdoor swimming pool at hardin na tiyak na magugustuhan ng sinumang bibisita sa lugar na ito kaya naman naeenganyo ang mga bisita mula sa malalayong lugar na kumuha ng pribadong silid upang makapag relax. Kabilang din sa pasilidad na ito ang restaurant, 24-hour front desk, room service, at libreng WiFi. Mayroon ding flat-screen TV na may cable channels ang mga guest room sa hotel. Bawat kuwarto na may eleganteng disenyo sa Silangang Nayon Park and Restaurant ay may air conditioning at sariling banyo. Puwedeng kumain ng à la carte para sa almusal, pananghalian at hapunan ang mga bakasyunistang umuukupa ng pribadong silid. Mayroon din silang children's playground kung saan maaaring maglibang ang mga bata. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang nilalaman ng babasahin? 2. Saan ito matatagpuan? 3. Bakit malimit itong puntahan ng mga turista? 4. Paano dinadala sa mga kostumer ang pagkaing inorder nila? 5. Ano-ano ang mga aktibidad na maaring gawin sa Silangang nayon? 10

Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang kasalungat ng may salungguhit na mga salita. 1. Ang Pueblo Porla Playa ay mayroong 12.5 ektarya na Mexican- inspired na eksklusibong leisure club na itinayo sa kalmado at malinaw na tubig ng barangay. 2. Sabado ang aming napiling araw upang magbakasyon at magpahinga, hinanap namin ang perpektong lugar sa ekslusibong resort upang magpalamig sa buong maghapon. 3. Ang sikat ng araw at malamyos na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat ay nagdagdag ng kasiyahan gayundin ang puting buhangin na nasa dalampasigan. 4. Walang maraming tao hindi kagaya ng ibang resort na marami kang makikitang nagtatampisaw sa tubig at namamasyal sa dalampasigan. 5. Ang pinakatampok sa lahat ay ang nakakaakit na malaking swimming pool para sa matatanda. Pueblo Porla Playa ni: Marife L. Mendoza Photo Adapted from https://www.google.com Ang Pueblo Porla Playa ay mayroong 12.5 ektarya na Mexican-inspired na eksklusibong leisure club na itinayo sa kalmado at malinaw na tubig ng Brgy. Bantigue Pagbilao, Quezon. Ang Pueblo ay nagbibigay ng kakaibang karanasan sa paglilibang lalo na kapag kasama mo ang iyong buong pamilya. Kabilang sa mga 11

tampok ng marangyang seaside complex ay Huatulco Duplex Villas, Ixtapa Suites, 2 Gigantic Infinity Swimming Pools, Sunken Bar, Jacuzzis Spa, Cafe Oaxaca Restaurant, Pasteleria Souvenir Shop, Billiard Room, Function Hall, Fishing Lagoon, Landscaped Shower Areas, at Camping Grounds. Ito ang impormasyong aking nabasa mula sa website na binuksan ko. Gusto kong maglibang kaya naisipan kong magplano ng isang araw na bakasyon kasama ang aking pamilya. Sabado ang aming napiling araw upang magbakasyon at magpahinga, hinanap namin ang perpektong lugar sa ekslusibong resort upang magpalamig sa buong maghapon. Ang sikat ng araw at malamyos na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat ay nagdaragdag ng kasiyahan gayundin ang puting buhangin na nasa dalampasigan. Matatanaw mo rin sa tapat nito ang planta ng Team Energy. Hindi muna naligo sa dagat ang aking mga anak. Naubos ang halos kalahating araw nila sa pamamasyal sa loob ng resort hanggang sa naumay at naisipang maligo. Walang maraming tao hindi kagaya ng ibang resort na marami kang makikitang nagtatampisaw sa tubig at namamasyal sa dalampasigan. Ilan sa maaaring libangan ang pagsakay sa makukulay na bangka at jet ski. Kakaiba ang mga kasangkapan at dekorasyon na pasadyang ipinagawa upang maging pambihira. Ang bawat upuan sa coffee shop ay myroong makakaibang disenyo na nagtatampok ng mosaic na may iba’t-ibang kulay na gawa sa tiles. Ang pinakatampok sa lahat ay ang nakakaakit na malaking swimming pool para sa matatanda. Ang pinto ng banyo ay minarkahan ng mga salitang “senoras at senores”. Nakasentro ang maskarang kahoy na may sinaunang sibilisasyon ng Chichen Itza sa Mexico na lampasan sa pintuan nito. Ang sikat ng araw ay siyang nagsisilbing ilaw sa banyo habang ang mga katawan at dahon ng ubas na tila ulan ay nakalawit mula sa kisame nito, natural na mga puno at mga halaman ang ginamit na dekorasyon. Ang banyo ng mga lalaki ay kakaiba, mayroon itong parihabang bintana na nakaposisyon sa itaas ng mga inidoro na mayroong nakapintang beach at resort. Samantalang sa mga babae naman, ang inidoro ay nakalagay sa katawan ng puno. Mayroon ding taniman ng mga organikong prutas at gulay na siyang ginagawang pagkain sa resort na ito. Sa Isla Maharlika naman matatagpuan ang palaisdaan kung saan inaalagaan nila ang mga bangus, lapu-lapu, tilapia, hipon. alimango at iba pang lamang dagat. Kulang ang isang araw na bakasyon subalit katumbas ng isang buwang pahinga kapag naranasan mo ang magbakasyon sa lugar na ito. 12

A. Sagutin ang mga tanong. 1. Paano ginawa ang Pueblo Porla Playa? 2. Ano-ano ang mga tampok na lugar sa Pueblo? 3. Paano inilarawan ng may-akda ang kanilang ginawang pamamasyal sa tabing dagat? 4. Isa-isahin at ilarawan ang mga lugar na nabanggit sa kuwento. 5. Kung ikaw ay magbabakasyon anong lugar ang nais mong puntahan? Ipaliwanag ang iyong sagot. B. Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong naging karanasan noong nakaraang bakasyon? Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga salita sa ibaba. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita. Gamitin ito sa iyong sariling pangungusap 1. sandbar ___________________ 2. kababalaghan ___________________ 3. bangkero ___________________ 4. taib ___________________ 5. hibas ___________________ Bilaran Sandbar ni: Marife L. Mendoza Photo Adapted from https://www.google.com Ang sandbar na ito ay nilikha ng isang likas na kababalaghan bunga ng pagkilos ng alon kapag ang mga alon ng Pagbilao bay at ang mas malalaking alon 13

alon galing sa Tayabas Bay nagsasanib ang pwersa upang likhain ang higanteng bundok ng buhangin na ito. Tulad ng naobserbahan, ang mga alon ng Tayabas Baybay mas maraming dalang masa ng mga buhangin papasok sa gitna na nagbunga ng sandbar na hugis crescent. Ang sandbar ay nawawala sa sobrang pagtaas ng tubig subalit ito ay ipapalam sa iyo ng mga bangkero. Ang maikling oras na maari kang manatili sa paraiso na ito ay isang kasiyahan lalo kung iisipin mong ang lugar na iyong tinatapakan ay nawawala sa paningin kapag taib o mataas ang tubig. Ang Bundok Banahaw ay siyang nagdaragdag ng kagandahan upang mas lalong maging kaakit- akit ang tanawin sa may bahaging hilagang-kanluran ng sandbar. Ang pinakamagandang oras upang bisitahin ang sandbar ay sa panahon ng hibas o mababang pagtaas ng tubig kapag ito ay nakalantad sa pinakamababaw na antas ng tubig. Ang tanging sagabal ay kapag ang tubig ay masyadong mababaw na ang bangka ay kailangang maglakbay nang napakabagal upang maiwasan na tamaan ang mga bato at korales sa ilalim. Ito ay matatagpuan sa lugar kung saan naghugpong ang Pagbilao Bay sa mas malaking Tayabas Bay sa pagitan ng Timog sa dulo ng Isla Grande at Bocboc sa Brgy. Bantigue. Maari ring marating ito sa pamamagitan ng itinayong tulay ng Isla Pagbilao Grande. Kung hindi mo naman nais gamitin ang iyong sasakyan maari ring gumamit ng ibang daan patungo sa Bilaran sa pamamgitan ng pagsakay sa bangka mula sa pantalan ng Brgy. Daungan sa bayan ng Pagbilao subalit ang pinakamalapit na daan ay kung magmumula ka sa Bocboc sa Brgy. Bantigue. Sagutin ang mga tanong. 1. Paano nagkaroon ng sandbar sa Pagbilao? 2. Ano ang nangyayari sa sandbar kapag mataas ang antas ng lebel ng tubig? Bakit? 3. Ano-ano ang mga paraan upang marating mo ang lugar na ito? 4. Bakit kailangan mo munang magplano bago pumunta sa lugar na ito? 5. Kung ikaw ang tatanugin, paano mo pupunthan ang lugar na ito. Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. 1. mangrove _______________________ 2. pasilidad _______________________ 3. bakawan _______________________ 4. ecosystem _______________________ 5. binocular _______________________ 14

Pagbilao Mangrove Experimental Forest ni: Marife L. Mendoza Photo Adapted from https://www.google.com Ang Mangroove Forest na ito ay isang protektadong lugar na mayroong 48 mangrove species ng bakawan at pagkakaroon ng magkakaibang bilang ng mga species ng puno. Ito rin ay pinamamahayan ng maraming isda na malaki ang naitutulong sa kabuhayan ng mga mangingisda gayundin sa paglilinis ng baybaying dagat upang maging ligtas kainin ang mga nahuling isda. Matatagpuan ito sa Brgy. Palsabangon Pagbilao, Quezon. Noong 1975 ang 145 ektarya ng lugar ay idineklara bilang Pagbilao Mangrove Experimental Forest sa bisa ng Bureau of Forest Development (BFD) Administrative Order No. 7 (s. 1975). Ang deklarasyong ito ang nagbibigay proteksyon at naglaan ng pondo upang mapigilan ang pangunguha ng bakawan para gawing uling. Ngayon ang magkaibang ecosystem ay gumagawa ng lugar na paboritong puntahan na karamihan ay mga mag-aaral ng botany at zoology mula sa mga kilalang pamantasan. Alam natin na ang kapaligiran any nagbibigay sa atin ng isang malawak na hanay ng mga serbisyong ecosystem: lahat ng mga bagay na kailangan at nais ng mga tao na nagmula sa likas na yaman ng daigdig kung saan malaki ang pananagutan o responsibilidad ng mga tao. Ang Pagbilao Mangrove Experimantal Forest ay isa sa pinakamalaki at pinakakakaibang kagubatang bakawan sa Pilipinas na matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga manlalakbay ay maaaring maglakad ng may layong 800 metro, umakyat sa isang bantayang tower, kayak sa panahon ng mataas ang tubig o taib at mamasyal sa pamamagitan ng mga binocular upang masilayan ng iyong paningin ang mga katutubo at migranteng mga ibon. Ano Mangrove Tree? Rhizophora Mangle ang scientific name o Mangrove na tinukoy bilang mga punong tumutubo at nabubuhay sa tropikal na baybayin ng tubig alat. Lumalago sila sa mga lugar kung saan ang pinaghalong tubig-tabang at tubig- 15

alat na binubuo ng mga naipong putik. Tulad ng nabanggit, eksperimento ang kagubatang bakawang ito. May mga mag-aaral na pumupunta dito upang pag-aralan kung ano ang kahalagahan nito. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang Mangrove Forest? 2. Anong batas ang itinakda upang protektahan ang lugar na ito? 3. Ano-ano ang maaring gawin ng mga manlalakbay na bumibisita dito? 4. Ano ang katangian ng Mangrove Tree? 5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mangrove forest? 6. Paano ano nakatutulong sa buhay ng mga tao na nakatira sa lugar na ito? 7. Bilang isang mamamayan, paano mo mapapangalagaan ang lugar na ito? Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga sumusunod na salita at ang ibig sabihin nito. 1. NPC – National Power Corporation 2. BOT - Build-Operate-Transfer scheme 3. ECA – Export Credit Agency 4. MW – megawatt 5. Mhw – megawatt-hour Kasaysayan ng Pagbilao Power Station ni: Marife L. Mendoza Adapted from www.Team Energyph Noong Nobyembre 1991, isang ECA kasama ang NPC ang humantong sa pagtatayo at pagpapatakbo ng 2x367.5 Mega Watts na coal-fired thermal plant sa 16

Isla Grande Pagbilao, Quezon sa pamamagitan ng Build-Operate-Transfer scheme. Ang konsepto ng BOT sa isang coal-fired power station ay unang ipinakilala sa Pilipinas sa pamamagitan ng Pagbilao Power Station. Ang kontrata ay may bisa sa loob ng 29 na taon kung saan babayaran ng NPC ang kakayahang magagamit at ang enerhiya na nabuo sa panahong ito. Sa pagtatapos ng panahon ng kooperasyon, ang buong pagmamay-ari at kontrol ay ililipat sa NPC nang walang gastos. Nagsimula ang operasyon ng planta sa illalim ng BOT noong 1996 at magtatapos sa 2025. Ang konstruksyon na malapit sa 200 ektarya ng lupa ay nagsimula noong Pebrero 6, 1993. Makalipas ang 3 taon, ang mga sangkap ng unang yunit ay na- synchronize noong Mayo 30, 1996 at naging komersyal na magagamit noong Hunyo 14, 1996 at Agosto 14, 1996 ayon sa pagkakabanggit. Ang planta ng kuryente ay may kakayahang makabuo ng 16,800 Mwh ng kuryente araw-araw na higit sa anim na milyong Mwh taon-taon. Ang power station ay dating pagmamay-ari ng Mirant Philippines at nakuha ng Team Energy sa pakikipagtulungan ng Japanese firms. Sagutin ang mga tanong. 1. Kailan itinayo ang Pagbilao Power Station? 2. Ano ang ipinakilala sa Pilipinas sa pamamagitan ng Pagbilao Power Station? 3. Gaano kadaming kuryente ang maaari nitong magawa sa loob ng isang araw? 4. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng pagkakaroon ng power station sa bayan ng Pagbilao? 5. Kung ikaw ang tatanungin, nais mo bang magkaroon ng planta ng kuryente sa ating bayan? Bakit? Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga sumusunod na salita at ang ibig sabihin nito. 1. TLI - Therma Luzon Inc 2. Aboitiz Power – isang humahawak na kumpanya na nakikibabahagi sa pamamahagi ng kuryente, pagbuo at pagbebenta ng mga serbisyo sa elektrisidad 3. IPP - Independent Producer Administrator 4. PEC - Pagbilao Energy Corporation 5. Team Energy – isa sa pinakamalaking independyenteng mga tagagawa ng kuryente sa bansa na may higit sa 2,000 MW ng naka- install na bumubuo ng kapasidad sa buong bansa 17

Therma Luzon, Inc. (TLI) ni: Leah M. Roperez Ang Therma Luzon, ay isang buong pagmamay-ari na subsidiary ng Aboitiz Power, ay ang kumpanya ng proyekto na may 700 megawatt (2x350 MW) Pagbilao Plant coal-fired sa Pagbilao, Quezon. Ang planta ng Pagbilao ay itinayo noong 1993. Ang TLI ay Independent Producer Administrator (IPPA), responsable ang TLI sa pagkuha ng mga kinakailangang gatong at pagbebenta ng kuryente na nabuo sa planta ng Pagbilao. Ang planta ng Pagbilao ay pinamamahalaan ng pangkat sa ilalim ng iskema ng Build-Operate-Transfer. Ang Pagbilao Energy Corporation (PEC), ay isang 50-50 joint venture sa pagitan ng Team Energy, ay nagpapatakbo sa Pagbilao Unit 3, na may baseload na kapasidad na 420 MW. Ang Pagbilao Unit 3 ay pinasinayaan noong Mayo 31, 2018. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng planta ng kuryente sa isang lugar? 2. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Pagbilawin simula ng itinayo ang Pagbilao Power Station? 3. Ano ang iyong masasabi sa pagkakaroon ng banta sa kalusugan ng mga mamamayan sa nasabing lugar at sa mga karatig bayan na malapit sa planta? 4. Sa iyong palagay ito ba ay maaring magdulot ng polusyon? 5. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang mabawasan ang usapin tungkol sa global warming? 18

19

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA PAGBILAO SA PASIMULA 1692 – Eksplorasyon ni Don Martin de Goiti sa dagat ng Tayabas malapit sa wawa ng ilot Tambak 1765 – Unang kapitan o Punong bayan si Don Luis Febre. Tatlong ulit na nanungkulan bilang Kapitan. 1786 – Sa pamumuno ni Don Ventura CASTILLO, piniling Patrona ng bayan si Sta. CATALINA DE ALEXANDRIA. 1791 – Unang pari ng bayan si Padre RUFINO FEBRE. 1792 – Si Kapitan JUAN DE LOS SANTOS ang nagpagawa ng unang Ermita o Kapilya ng Pagbilao 1877 – Pinatapos ni Don ALEJO MARTINEZ ans Simbahang Katoliko, lalo’t higit ang torre sa pamamagitan ng sapilitang paggawa ng walang bayad 1883 – Presidencia/bahay pamahalaan – ipinagawa ni Kapitan JOSE MENDOZA, katulong si Padre BRIGIDO ROMAN. 1901 – Unang Presidente/Punong Bayan na itinalaga ng mga Amerikano ay si G. LINO DE CASTRO. 1904 – Nagkaroon ng Epidemya (Cholera) sa bayan at napakaraming mga tao ang namatay. 1910 – Ipinagawa ang kauna-unahang poso artesyano ni Presidente CIPRIANO MENDOZA, hanggang ngayon ito’y pinakikinabangan sa may MINI PARK. 1913 – Sa panahon ni Presidente JOSE ABASTILLAS, pinagawa ang Pamilihang Bayan o Palengke, ang konkretong paaralang bayan sa labas o Distrito ng Castillo. Nagkaroon din ng sasakyang tren na nagdaraan sa baying ito ng Pagbilao. 1927 – Ipinagawa ang konkretong Bahay Pamahalaan ni Presidente SEVERINO MARTINEZ. Sa kanya ring panahon nagkaroon ng Watewr System na ang tubig ay galling sa bayan ng Tayabas. 1933 – Hunyo siete, malaking bahagi ng Bayan ang nasunog sa Distrito ng Castillo, nadala ang pook komersyal. 1937 – Dr. ELIAS PORNOBI, huling president ng bayan at Unang Municipal Mayor. Ipinagawa niya ang tulay na kahoy patungong sityo Angas at ipinaayos din ang Pantalan. Nagpa-reperasyon ng mga paaralan. 1945 – Nawasak ang Simbahang Katoliko bunga ng digmaang pandaigdig at nasunog din ang malaking bahagi ng Bayan. 1947 – Ang pansamantalang Simbahang Katoliko ay ipinagawa ni Rdo. Padre DEOGRACIAS MEDRANO sa piling ng nasirang simbahan. 1952 – Rekonstruksyon ng Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng lingcod Pari na si Padre VICENTE URLANDA at mga taon g bayan. 1963 – Mayor TRINIDAD R. ALVAREZ, kauna-unahang babaeng nagging punong bayan. Pinaganda niya at dinugtungan ang bahay-pamahalaan. 20

1967 – Namatay si Mayor ALVAREZ at humaliling punong bayan si G. JUANITO MARTINEZ na ngayon ay kagawad ng Sangguniang Panlalawigan. 1968 – Ipinatrayo ang TRINIDAD ALVAREZ MEMO GYM sa tulong ng Friends of Alvarez. 1983 - Ipinaayos at pinaganda ang simbahan, baptistery at kumbento sa pamamahala ng masipag na Kura Paroko, Rdo. Padre DOMINGO EDORA. Nayari ang maganda at konkretong tulay na nag-uugnay ng Daungan at sityo Angas na pinagkagastahan ng tatlong milyong piso. IBA PANG MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA BAYAN NG PAGBILAO Sa pasimula, ang bayan ng PAGBILAO ay natatayo sa isang maliit na pamayanan sa ngayon ang Brgy. Pinagbayanan, sa kanluran ng Ilog Tambak malapit sa bunganga ng nasabing ilog; bago napalipat sa kasalukuyan ang bayan o poblasyon. Mayroong dalawampu at limang pamilya ang sa simula ay naglakas – loob, kaakibat ang katutubong kasipagan at kapangahasan ang nagsumakit na linangin ang makapal na gubat na siyang pinagtayuan ng isang maliit na kapamayanan hanggang sa dumami ang mga naninirahang tao kasabay ng pag-inog ng panahon. Ito ang sentro ng komersiyo’t kalakalan at pinagyayaman na lugar sa tabing-dagat na ngayon ay Maruhi na siyang daungan ng mga sasakyang pandagat noong unang panahon. Dito rin matatagpuan ang simbahang bayan ang St. Catherine Parish at mga malilit na pamilihan. Ang unang naging Punong bayan (kapitan ang taguri) ay si G. LUIS FELIPE noong taong 1765. Ang pangalang Pagbilao ay hinango o galing sa mga unang gawain ng mga tao noong panahong yaon, paris ng paggawa ng PAPAG at BILAO. Ito ay pinagsama ng mga unang kastilang misyonero na siyang dumalaw sa pook na ito noong taong 1785. Sa kasalukuyan, ang bayang ito ay mayroong dalawampu at pitong barangay, anim sa poblasyon at dalawampu at isa sa kabukiran kasama na rito ang isla ng Polo o Pagbilao Grande. Ang kabayanan ay mayroong 83.11 ektaryas at ang kabukiran naman ay 17, 840 ektaryas. Sa lawak na ito, ang palayan ay 2, 170.26 ektaryas na may kabuuang sukat na 18,840 ektaryas. Dito ang pamilya na may pag-aari na may apat (4) ektaryas na lupain pataas ay limang daan at isa (501) at ang kulang sa apat na ektaryas ay isang daan at apatnapu (140) lamang. Ang bilang ng pamilya sa kabayanan ay 1, 975 na may bilang na 9,766 na tao. Sa iba’t-ibang barangay, ang bilang ng pamilya ay 4, 205 at ang bilang ng tao ay 21, 918 na may kabuuang bilang na 31, 864 na mamamayan. Sa bilang na ito ang marunong bumasa at sumulat (literate) ay 18, 209 at ang hindi (illiterate) ay 3, 916 na mga mamamayan. (1980) census. Sa bayang ito, ang mamamayan ay mayroon ding katutubong kasipagan. Masayahin ang mga tao, matulungin sa kapuwa at masunurin sa batas. Ang mga 21

kabataan ay mahilig din sa palakasan. Sa ngayon, karamihan sa mga kalye ay sementado dahil sa kasipagan ni Mayor ROSAURO S. RADOVAN. Maliwanag ang bayan dahil sa pailaw ng Meralco. Sagana sa tubig na pantahanan. Mangingisda ang naninirahan sa baybaying dagat, manggagawa ng kopra ang nasa pook niuygan, at ang iba naman ay magpapalay sa kabukirang sagana sa daloy ng tubig ng Irrigation System. Ang ilang masisipag at may lakas ng loob ay naglilingkod bilang kawani sa lungsod ng Lucena at Metro Manila. Ang ibang “skilled workers” ay sa Saudi Arabia nagtatrabaho at iba pang kanugnog bansa, at ang karamihan ay nasa Estados Unidos, Canada at sa mga bansa sa Europa at maging sa Australya. Sa ngayon, ang Pagbilao ay mayroong magandang Mini Park na kinatatayuan ng bantayog ni Gat JOSE RIZAL na handog ng Pagbilao Professional Club. Mayroon ding mga palaruan, ang isa ay sa may palengke ng poblasyon na ipinaayos ni Mayor ROSAURO S. RADOVAN, at ang isa naman ay KAPIT-Bahay Club. Dito sa lugar na ito ginaganap ang mga sayawan, mga palatuntunang pambayan, mga palaro, at marami pang iba’t-ibang okasyon. Maganda ano po? Adapted 197 Papista ng Pagbilao, 1983 Photo Adapted from https://www.google.com Halina at sama-sama nating tuklasin ang mga kuwento tungkol sa alamat ng bayan ng Pagbilao at sa 27 barangay na matatagpuan dito. Kasaysayan ng Pagbilao Adapted from Aklat Ng Pagbilao Noong panahon ng Kastila, taong 1585, ang bahaging ito ng lalawigan ng Quezon ay nasasakupan ng Bombon (kung minsan ay tinatawag ng Balay) at noong taong 1591, ang lalawigang ito ay tinawag na Kalilaya at ang Kabisera ay ang bayan ng (Unisan) Kalilaya. Ang pook na ito kasama ang mga bayan sa baybaying 22

dagat Pasipiko buhat sa Palanan hanggang sa buong Kabikulan ay sakop ng Diyosesis ng Nueva Caceres at nanatili sa loob ng tatlong siglo. Nasa kalagitnaan ng ikalabing - walong siglo (1745) nang ang lalawigan ay tawaging Taibas sa dahilang ang pangunahing bayan ay ang Tayabas. Noong ika -7 ng Setyembre 1946, sa pamamagitan ng Batas ng Republika Bilang 14, ang lalawigan ay tinawag ng Quezon bilang pagkilala at pagpaparangal sa pangunahing anak ng lalawigan, si G. Manuel Luis Quezon ng Baler, bilang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng “Commonwealth Government”. Noong ika -17 siglo, ang ngayon ng Pagbilao ay tinatawag na Binajaan, at ang unang bayan nito ay ang Daungan Pari na nakatayo sa malapit sa bunganga ng ilog Palsabangon sa baybayin ng Look ng Tayabas sa harap sa Pulo Grande. Ang pook na yaon ay tinatawag na Daungan Pari, sapagkat malimit makakita ang mga tao roon ng mga pari na dumadaong. Ang lupain sakop nito sa ngayon ay ang Brgy. Palsabangon, Silangan at Kanlurang Malicboy at Binajaan. Noong salakayin ng isang malakas na grupo ng mga piratang Moro ang Kalilayan (Unisan) noong 1609, ang mga taong nalabi ng karahasan at pagmamalabis ay nagsilikas sa Palsabangon. Buhat noon, ay unti-unti nang dumami ang mga tao na naninirahan sa pook na yaon. Hindi katakataka na sa pook na ito magsimula ang bayanan, sapagkat ang mga tao rito ay nakakakita ng pagkain, at mabilis na nakapaglalakbay sa paggamit ng bangka o balsa. Nandirito rin ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao na galing sa ibang pook na kadalasan ay may dalang pangkalakal. Ang look Tayabas noong panahong yaon ay daan ng mga manlalakbay na barko ng Kastila patungo sa Ambos Camarines dahil sa mina ng ginto roon at dahil sa ang diyosesis ng pook na ito ay nasa Naga, Camarines. Ang mga tao sa pook na ito, bago pa dumating sa Pilipinas ang mga Kastila ay nakikipagkalakan na sa mga Tsino at ang isa rito ay ang Kalilaya. Noong taong 1685, nang dumating ang mga Paring Franciscano sa pook ng Binajaan, ito ay isang maliit lamang na pamayanan. Ito ay naging ganap na bayan sa pamamagitan ni Don Carlos de Mesa, Domingo Carlos at Andres Pasqual. Sila ang humikayat sa mga tao sa kanognog bundok at baybayin dagat at ilog, (Palsabangon at Origano) upang mabinyagan sa Iglesia Catoliko Romano. Naging pueblo ito noong Mayo 21, 1686 na may kapahintulutan ni Gobernador at kapitan Heneral Don Gabriel de Cruzelacque y Arriola, Maynila. Ang petisyon ay ginawa ni Padre Abdres de Versocana Predicador, Ministro Pueblo Benajaan, Abril 17, 1686. Ang naging Gobernadorcillo ay si Don Andres Carlos de Mesa at noong 1688, si Padre Cristobal Mortanchez ay naging ministro ng bayan. Dahil sa ang Pari ay hindi nagtagal sa bayang ito, ang nasabing pook ay ginawang bisita lamang ng Tayabas noong 1702. Noong taon 1724 nagkaroon muli ng pari sa bayanan na si Padre Francisco Febre, at dahil sa kahirapan ng ugnayan at pagbibiyahe buhat sa 23

kabesera ng bayan ng Tayabas, minabuti na ilipat ang bayanan sa kasalukuyang pook ng poblacion noong 1727. Ang bayanang ito ay naging ganap na bayan dahil sa mga katangian ng pook. Sa loob nang wala pang tatlong taon, ang mga tao mula sa kanognog na polo, mga nasa tabing dagat, at mga nasa tabi ng ilog Pagbilao ay nagkatipun-tipon sa bayanan. Niyakap agad ng maraming tao ang Iglesia Katoliko Apostolika na siyang ipinarangal ng mga paring Franciscano. Bukod rito ang bayanan ay malapit sa nasabing ilog na may magandang daungan na kinawiwilihan ng mga kapitan ng bapor at mga Pari na naglalakbay upang humimpil at kumuha ng mga kagamitan. Sa pueblo, mga pasilidades, at kaginhawahan sa mga biyahero na hindi matatagpuan sa daungan ng Cotta, bayan ng Tayabas. Samakatuwid, may magandang kinabukasan ang pueblo, dahil sa magandang lokasyon. Ito ang buod ng petisyon ni Rdo. Padre Vicente Igles, Punong Pari ng lalawigang Relihiyoso ng Orden de Franciscano sa Pilipinas, upang ang pook o barangay na ito ay maging isang ganap na bayan. Santa Ana – July 27, 1730. Ang katibayan sa pagiging isang ganap na bayan ng Pagbilao, ay may lagda ng kanyang kamahal-mahalang Don Miguel de Allanique, Gobernador Heneral de Islas Filipinas, Presidente Royal Audiencia, 29 Agosto 1730. Ito ay ayon sa rekomendasyon ni Señor Don Francisco Sedoño, Alcalde Mayor y Ministro de Guerra, Provencia de Taibas, Abril 17, 1730 at sa pagpapatnubay ni Pari Francisco, Ministro ng mamamayan ng Pagbilao, 14 de Abril 1730. Ang bayanan noong panahong yaon, ang bilang lamang ng bayan ay tatlumpu at siyam (39) di kasama yaong mga tahanan na ginagawa pa o tapusin, samantalang ang bilang ng mga (tributes) o yaong mga naging binyagan sa Iglesia Katolika Romana ay pitumpu (70) di kasama yaong mga taong malapit nang maging kristiyano o “convert”. Ang gawain ng mga tao noon ay mag – alaga ng hayop at humabi ng damit. Ang paligid ng bayanan ay mga taniman ng palay at ibat-ibang uri ng halaman. Mayroon ding daan patungo sa Kanluran at Silangan ng bayan. Sa pangyayaring ito, ang lupaing saklaw ng Pagbilao ay naging ibayo ang laki. Ang naging hangganan sa Silangan ay ang ilog Mayao patungo sa dagat ng Tayabas at sa Hilaga naman malapit sa bundok ng Sierra Madre na kabalatay sa lupang Tayabas. Ang malawak na pastolan at taniman ng palay ay napadagdag din sa lupang ito. Ang hangganan ng dating bayanan ng Binajaan sa Hilaga ay ang bulubundukin ng Sierra Madre na kabalatay sa lupang Atimonan. Ito ay mayaman sa magandang pamarilan ng hayop gubat. Sa ngayon, ang bayan ng Pagbilao ay may 18, 820 ektarya ng lupain na binubuo ng dalawampu’t pitong barangay, ang anim ay nasa poblacion at ang dalawampu’t isa ay nasa kabukiran. Ang kabayanan ay binubuo ng 86.11 ektarya. Ang taniman ng niyog ay nasa hilaga at kanluran ng bayan na may lawak na 10,391.11 ektarya. Nasa baybaying dagat ang lalauhan na nagkakaroon ng 3,722 ektarya at ang iba naman ay kagubatan. Ang klima sa Pagbilao ay dalawang uri 24

lamang, tag-araw na nagsimula sa mga buwan ng Marso hanggang Agosto at tag- ulan sa mga natitirang buwan ng taon. Ang taguring Pagbilao ay galing sa pangalan ng ilog Pagbilao (ngayon ay Tambak) na noong panahong yaon ay Pagbilao ang itinawag ng mga pari sa dumadaong o dumaraan sa kanilang pagbibiyahe. Sang-ayon sa mga salin-sabi, ang pangalan ng bayan ng Pagbilao ay nagmula sa dalawang salita ng “Papag at Bilao”. Taong 1685 dumating ang mga paring Pransiskanong sa Binahaan, na ngayon ay isang barangay ng Pagbilao. Ito ay isang maliit na pamayanan noon kung saan nagsimula ang Kristiyano sa bayan ng Pagbilao. Unang ginanap ang pagmimisa ng mga Paring Pransiskano sa bayan ng Pagbilao sa maliit na kubol sa sitio ng Daungan-Pari noong nang nasabi ring taon (Liberio K. Cortez at Pablito M. Glodoviza, 2003). Isang araw makalipas ang ilang buwan nang dumating ang mga Pransiskano, isang pari ang naglakas-loob na mamangka sa kalooban ng pampang at nagtanong sa mag-asawang Tibig at Katigbi kung ano ang pangalan ng ilog na kanyang pinamangkaan (Liberio K. Cortez at Pablito M. Glodoviza, 2003). Pari: Que es el nombre de este rio? (Ano ang pangalang ng ilog na ito?) Sa pag-aakalang ang tinatanong ng pari ay kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan, sumagot ang mag-asawang Tibig at Katigbi nang papag at bilao. Matapos iyon paulit-ulit na inusal ng pari ang ang salitang “papag” at “bilao” upang hindi niya makalimutan ang akala niyang pangalan ng Ilog Tambak. Pari: Papag, Bilao, Papag, Bilao, Pppag, Bilao, Pppbilao, Pagbilao, Pagbilao! Nang bumalik ang pari sa kanilang tirahan sa Daungang-Pari ibinalita niya sa kasamahan ang tungkol sa isang magandang ilog na ang tawag ay “Pagbilao” ayon sa kanyang pag-aakala at pagkakatanda sa pangalan ng ilog (Liberio K. Cortez at Pablito M. Glodoviza 2003). Ang bayan ng Pagbilao ay binubuo ng dalawampu’t pitong barangay. Dalawampu’t isa rito ay rural at anim dito ay itinuturing na poblacion. A. Sagutin ang mga tanong. 1. Saan nagmula ang pangalan ng bayan ng Pagbilao? 2. Ano ang ibig sabihin ng salitang papag? Bilao? 3. Bakit tinawag na Daungang Pari ang unang bayan ng Pagbilao? 4. Paano naging ganap na bayan ang Pagbilao? 5. Ano-ano ang naging hangganan sa lupaing saklaw ng bayan ng Pagbilao? 6. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapananatiling buhay sa isipan at alaala ng mga kabataan ang maalamat na kasaysayan ng Pagbilao? 25

B. Basahin at gawin ang mga pahayag sa nilalaman ng tsart. Ihambing ang Ihambing ang mga Ihambing ang mga Bayan ng Pagbilao tao sa Pagbilao at sa katulong sa Lungsod ng Lucena sa Lungsod ng pamayanan Lucena -guro -pulis -doktor -guwardiya -dyanitor -tindero/tindera Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang sumusunod na mga salita. Alamin ang kahulugan ng bawat isa. kakao kinapamihasahan kalakal pakikidigma pamilihang-bayan pirata pananambitan naulila Basahin nang malakas ang kuwento. Unawain ang nilalaman nito. Brgy. Alupaye Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang pangalang Alupaye ay nanggaling sa pangalan ng kahoy na noon ay napakarami dito lalo’t higit sa tabi ng ilog ng Ihakin. Ang kahoy na ito ay katulad ng dahon ng kakao. Mula sa kahoy na ito ay tinaguriang Alupaye ang lugar na ito hanggang sa nasasakupan ng nayong ito. Nang ang nasabing lugar ay narating ng mga pari, ang iniukol na pangalan nito ay San Miguel subalit sa paglipas ang maraming taon ay nanumbalik ang kinapamihasahan ng mga taga lugar na iyon ay Alupaye. Ang nayon ng Alupaye ay napalibutan ng sumusunod: sa Ilaya – Pambansang lansangan sa Ibaba – ilog ng Ihakin, sa Silangan – Ilog ng Baaw at sa Kanluran – Ilog ng Mayao. Ang karaniwang hanapbuhay o pinagkakakitaan ng kanilang ikabubuhay ay ang pangingisda, pagsasaka, paghahahalaman at pag – aalaga ng hayop. Ang mga kalakal nila ay isinasakay sa kabayo at bangka upang ipagbili sa pamilihang bayan. Bakit Ihakin ang tawag sa isang ilog dito sa Nayon ng Alupaye? 26

Noong unang panahon na ang mga piratang morong tulisan ay malimit dumalaw sa nayong ito, ang mga lalaki ay palagian nang nakatalaga sa pakikidigma sa mga masasamang loob upang hindi magtagal sa kanilang nayon. Sa mga labanang nangyayari kapag napatay ang isang lalaki ay sa tabing ilog na ito ginaganap ang iyakan o pagluha at pananambitan. Dahil dito sa tabi ng ilog na ito itinatapon ang mga patay ng mga asawa, anak, at kapatid ng mga naulila. Dahil dito ginaganap ang iyakan, ito at tinaguriang Ilog Ihakin hanggang ngayon. Ngunit sa ngayon ang ilog na ito ay wala nang nangyayari tulad noon. Kung minsan ay nagsisipunta roon ang mga tao naglalaba at nagsisipaligo. Kahit noong unang panahon ay maraming nagaganap sa tabi ng ilog na iyon, ay mayroon pa ring nagsisipagbahay sa tabi ng ilog ng Ihakin. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pinagmulan ng pangalang Alupaye? 2. Ano ang ikinabubuhay ng mta taong naninirahan dito? 3. Sa iyong palagay, bakit malimit dumalaw ang mga piratang morong tulisan? 4. Saan dinadala ang katawan ng mga taong namatay? 5. bakit marami pa rin ang nagtayo ng bahay at nanirahan sa tabi ng ilog sa kabila ng maraming kuwento tungkol sa lugar na ito? Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga salita at ang kahulugan ng bawat isa. tumatahak – nagdaraan, bumabagtas, lumalandas alamat - isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar katipunero – kasapi ng KKK (Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan) o katipunan makasaysayan - isang makabuluhang kaganapan na nangyari sa nakaraan B. Basahin ang mga pangungusap gamit ang mga sasalitang binigyan ng kahulugan. 1. Tumatahak kami sa isang madilim at makipot na daan, sa aking palagay kami ay naliligaw. 2. Si Lola Ising ay mahilig magkuwento ng mga alamat. 3. Ang katipunero ay mga kasapi ng katipunan na lumaban sa mga dayuhang mananakop. 4. Namasyal kami sa Fort Santiago bago dumating ang pandemya isa sa makasaysayang pook sa Pilipinas. 27

Brgy. Añato Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang pangalan ng barangay na ito ay nanggaling pansamantala sa pangalan ng ilog na Añato na tumatahak sa kalagitnaan ng nayon. Napag-alaman na ang mababang ilog na yaon ay nagsimula sa isang maalamat na kuweba na kilala rin sa tawag na Añato. Ang pagiging nayon ng Añato ay nagsimula pa noong ikalabing walong siglo at ang unang naninirahan dito ay ang mga takas na tauhan ng Compradia o Katipunerong nasa ilalim ng pangangasiwa ni G. Apolinario de la Cruz. Kaugnay sa nagdaang ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga tao dito ay lumiit ang bilang sa mga taong pinaghahanap ng mga may kapangyarihang simula pa noong 1947. Sinasabing sa lahat ng lugar sa Añato, ang pinakamakasaysayang pook ay ang Sitio Burol sapagkat noong panahon ng digmaan dito namugad ng buong lakas ang mga tauhan na kilala sa tawag na Squadron 409 Underson na laban sa mga dayuhang Hapones. Sagutin ang mga tanong. 1. Saan nagmula ang pangalang Añato? 2. Kailan nagsimula ang pagiging nayon ng Añato? 3. bakit tinawag na pinakamakasaysayang pook ang Sitio Burol? 4. Kung ikaw ay nabuhay sa panahong ito, paano mo pahahalagahan ang lugar na kinabibilangan mo? Subukin Mo Iayos ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa nabasang alamat. ______1. Kaugnay sa nagdaang ikalawang digmaang pandaigdig ang mga tao dito ay lumiit ang bilang sa mga taong pinaghahanap ng mga may kapangyarihang simula pa noong 1947. ______2. Ang pangalan ng barangay na ito ay nanggaling pansamantala sa pangalan ng ilog na Añato na tumatahak sa kalagitnaan ng nayon. ______3. Sinasabing sa lahat ng lugar sa Añato, ang pinakamakasaysayang pook ay ang Sitio Burol sapagkat noong panahon ng digmaan dito namugad ng buong lakas ang mga tauhan na kilala sa tawag na Squadron 409 Underson na laban sa mga dayuhang Hapones. _______4. Napag-alaman na ang mababang ilog na yaon ay 28

nagsimula sa isang maalamat na kuweba na kilala rin sa tawag na Añato. _______5. Ang pagiging nayon ng Añato ay nagsimula pa noong ikalabing walong siglo at ang unang naninirahan dito ay ang mga takas na tauhan ng Compradia o Katipunerong nasa ilalim ng pangangasiwa ni G. Apolinario de la Cruz. Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin sa alamat ang mga salitang kasingkahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Gamitin ang mga ito sa pangungusap. 1. tanim ________________________________________________ ________________________________________________________ 2. napadpad _____________________________________________ ________________________________________________________ 3. tumigil ng sandal _______________________________________ ________________________________________________________ 4. natuyo ang lalamunan ___________________________________ ________________________________________________________ 5. malaki _______________________________________________ ________________________________________________________ Brgy. Ibabang Bagumbungan Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang pinagmulan ng Brgy. Ibabang Bagumbungan ay isang pangalan ng babae at sa halamang “Bagombon” kaya’t ito’y tinawag na Barangay Ibaba Bagumbungan. Noong unang panahon, ang barangay na ito ay wala pang mga tanim. Mga halamang gulay, mga punong saging at punong niyog. Ang karamihan pa dito ay halamang Bagombon. Ito ay kagubatan pa. Isang araw ay may naligaw na tao sa lugar na ito. Hindi pa niya alam kong anong barangay na ang kanyang pinuntahan kaya’t siya’y sandaling namahinga upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay at sa kanyang paglalakad ay nakaramdam siya ng pagkauhaw. Hindi naman nagtagal at siya’y may natagpuan at nadaanang ilog na wari’y napakalinis at napakalinaw kaya’t dali-dali siyang uminom upang alisin ang kanyang pagkauhaw at sa kanyang pagtingala ay nakita niya ang isang babaeng naglalaba sa malawak na bato at ito’y kanyang nilapitan upang magtanong. Umalis na ang mamang nagtanong subalit naligaw na naman siya sa kanyang patutunguhan. Mabuti na lamang at may mamang naglilinis ng kagubatan upang kanyang taniman ng mga gulay at punong niyog. Muli na naman siyang nagtanong 29

sa pag-aakalang mali ang kanyang patutunguhan. “Mama, ano pong lugar ito?” Tumigil sa pagtatabas ang mama upang siya’y harapin at sumagot ng “Bagombon”. Ang akala ng mama ay itinatanong kung ano ang kanyang pinuputol kaya’t ang kanyang sagot ay “Bagombon”. Hanggang sa dumating ang panahong ito ay tinawag na Ibabang Bagumbungan na ang pinagmulan at sa pangalan ng isang babae at halamang Bagombon”. A. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pinagmulan ng pangalang Bagumbungan? 2. Paano inilarawan sa kuwento ang lugar na ito? 3. Ano ang ginawa ng taong naligaw dito? 4. Ano ang inakala ng taong pinagtanungan ng estranghero? 5. Kung ikaw ay napadpad sa isang lugar na noon mo lamang narating ano ang gagawin mo? Ipaliwanag ang iyong sagot. B. Tukuyin ang kabutihang dulot ng salitang nasa loob ng bilog sa iyong pupuntahan. pagtatanong 30

Basahin nang malakas ang sumusunod na mga pangungusap. 1. Maraming kuwento ang lola ko tungkol sa mga pinagmulan ng pangyayari sa iba’t-ibang lugar. 2. Noong unang panahon halos lahat ng kababaihan ay hindi lumalabas ng bahay. 3. Araw-araw nagtatabas si tatay ng matataas na damo sa aming palayan. 4. Ilog ang pangunahing pinagkukunan ng ikakabubuhay sa aming nayon. 5. Maraming nasirang mga tanim dahil sa malakas ang bagyong dumaan sa aming lugar. Brgy. Ilayang Bagumbungan Adapted from Aklat Ng Pagbilao Noong unang panahon ang salitang Bagumbungan ay hinango sa salitang Bagumbon. Ang salitang Bagumbon na ito ay isang ilog. Noon ay may naglalaba at may napadakong isang kastila. Itinanong ng kastila kung anong pangalan ng naglalaba. Akala noong naglalaba ay kung anong pangalan ng pook na iyon. Ang sagot ng babae ay Bagumbon po. Simula noon ang pook na iyon ay tinawag na Bagumbon o Bagumbungan. Ang Bagumbungan ay nahahati sa iba’t – ibang sitio. Ito ay ang itio ng Poas, Nanagit, Sapa ng Cristina, Paiting Maliit, Paiting Malaki, Sinagingan, Tembo, Mangilalon, Taglalawin, Anibong Malaki, Malusak, Kalisago at Anabong. Ang mga unang pamilya ay sina: Pablo Casamero, Bitsanio Orian, Mariano Orian, Juan Orian, Ponciano Marte, Calixto Leynes, Rufino de Rama, Esteban Edora, Pedro Tiosen, Eulalia Caballo, Prudencio Merto, Rafael Pakinggan. Ang kauna-unahang kapitan del baryo ay si Pornasdoro noong taong 1880 – 1887. Ang unang paaralan ay ginawa noong 1916 ng si Severino Martinez ay kapitan del Baryo. Ito ay nasira ng dumaan ang malakas na bagyo. Ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay ay sa pamamagitan ng pagkokopra at pagkakaingin. Sagutin ang mga tanong. 1. Ayon sa alamat, paano nagsimula ang kuwento tungkol sa Bagumbungan? 2. Sino-sino ang mga unang tao? 3. Ano-ano ang mahahlagang pangyayari ang nabanggit dito? 4. Bakit nasira ang pinagkukunan ng ikinabubuhay dito? 5. Bakit paboritong manirahan ng mga tao sa tabing-ilog? 31

Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin sa kuwento ang kasingkahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Gamitin ang mga ito sa pangungusap. 1. baryo - _______________________________________________ ________________________________________________________ 2. dawagan - _____________________________________________ ________________________________________________________ 3. matatapang - __________________________________________ ________________________________________________________ 4. pinuputol - ____________________________________________ ________________________________________________________ 5. saling-lahi - ____________________________________________ ________________________________________________________ Brgy. Bantigue Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang nayon ng Bantigue ay isa sa masukal na kagubatan. Puno ng malalaking punong-kahoy at talahiban na kung saan ay naglipana ang maraming mga hayop na dito tumitira katulad ng mga usa, baboy ramo at iba pang mababangis na hayop. Iilan lamang ang tao na nakatira dito at ito’y dinadayo nang taga ibang nayon upang manghuli ng mga usa, baboy ramo sa pamamagitan ng kanilang mga alagang aso at nakaumang na lambat, na kung tawagin ay batong. Noong unang panahon ang Batigue ay tinatawag na San Jose sapagkat ito ang Patron Ahawagi at manggagawa na siyang nakararami noon. Ayon sa mga nakakatanda noon ang pangalan ng Bantigue ay nanggaling sa pangalan ng maraming tumutubong punong kahoy sa baybay dagat. Ito’y mga kahoy na matigas at tinaguriang Bantigue. Kung kaya’t noong ika-18 siglo ang nayon ay tinatawag na Bantigue. Noong panahon yaon, sinasabing anim na mag-anak lamang ang pinagmulan ng mga tao sa nayong ito. Lumipas ang maraming taon, dumami na ang tao. Naging pangulo noon si G. Leincio Siña, ang nagpalit ng pangalan ng nayon. Noong una ay nakilala itong “Naton San Jose”. At noong taon 1917, ito’y pinangalanan “nayon ng Bantigue” sa mungkahi rin ng mga tagaroon. Ang Nayon ng Bantigue ay natatayo sa dakong ibabang nayon ng mabangong silangan nang “Nayon ng Huebaye” at dakung kanluran ng “Nayon ng Polo”. Ang nayon ng Bantigue ay nahahati sa 6 na Purok: Pinagsungguan, Punta, Mahabang Buhangin Bukbok, Ibabang Bantigue, at Nalanuit na Parang. Dahil dito, palibhasa ay nasa tabi nang dagat kung kaya’t ang karamihan sa mga naninirahan 32

dito ay pangingisda ang ikinabubuhay. Meron ding magsasaka, dahil sa 5 ektarya na kabuuang sukat ng lupa ng nayon ng Bantigue ay natataniman ng palay. Lumipas pa ang ilang panahon ay dumami ang mga tao. Palibhasa’y walang sapat na pagkukunan ng ikabubuhay naghawan at nagbugta ng malalaking punong kahoy upang mataniman ng mga halaman noon upang mabuhay. Nagpatuloy ang pagpunta ng mga tao roon. Nang inakalang malawak na ang kanilang hinawan ito’y binakuran nila bilang tanda nang kanilang lupang binugta. Lumipas pa ang ilang panahon, nagkaroon ng pagsusukat ng lupa sa pamamagitan ng Cadastral upang mabigyan ng kanya-kanyang titulo na magpahanggang ngayon ay pinakikinabangan ng kaapu-apuhan. Sa larangan naman ng Edukasyon ng panahong yaon walang paaralan ang nayon ng Bantigue, kung kaya’t ang mga taong nakatira sa nayon ay hindi marunong bumasa at sumulat. Sila ay napirma sa pamamagitan nang digpi ng kanilang daliri. Noong taong 1918, nagkaroon na ng paaralan na yari sa kawayan at ang bubong ay yari sa buli at ito’y ginawa sa pamamagitan ng bayanihan. At nitong huli nagkaroon na ang nayon ng Bantigue na isang matatag na paaralan na may kumpletong kursong elemantarya na pinakikinabangan ng kasalukuyang henerasyon. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pala-palagay ng matatnda hinggil sa pinagmulan ng kasaysayan ng Bantigue? 2. Paano nagkaroon ng maraming tao sa nayong ito? 3. Paano pumipirma sa mga dokumento ang mga tao noon? 4. bakit nagtayo ng paaralan dito? 5. Paano itinayo ang paaralan dito? Basahin nang malakas ang mga salita. Ibigay ang kasalungat na salita ng bawat isa. Gamitin ito sa sariling pangungusap. 1. lagusan - ______________________________________________ 2. nalimutan - ____________________________________________ 3. dugtong-dugtong - ______________________________________ 4. malawak - _____________________________________________ 5. malapit - _____________________________________________ 33

Brgy. Bigo Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang pangalang Bigo ay nanggaling sa pangalan ng ilog na naglalagusan sa loob ng nayon. Noong una ang pangalan nito ay San Isidro. Pagkalipas ng ilang panahon ay nalimot na ng mga tao ang pangalang San Isidro at nangibabaw ang tawag na Bigo na kinikilala ng pamahalaan sa kasalukuyan. Ang Sitio Pansol ay isa sa mahalagang pook sa nayon ng ito. Noong panahon ng Kastila, si Kabesang Roman Catapat ay nanggawa ng isang bukal na malapit sa kanilang bahay. Ngunit dahil sa lakas ng balong ng tubig, ito ay lumalabas sa bukal kaya naisipan ni Kabesang Roman na lagyan ng pansol na dugtung-dugtong na kawayan patungo sa kanilang bahay kahit di kalayuan sa kanila. Naging tila iba sa paningin ang bagay na ito sa mga tagarito kaya napag-ukulan nila ng pansin ang nasabing pansol hanggang sa marami ang gumaya sa mga malalapit sa pook dito. Dahil sa maraming pansol sa pook na ito kaya ito tinawag na Sitio Pansol. Ang Sitio Tanawan ay isang malawak na kapantayan na malapit sa hangganan ng Bigo at Añato. Ito ay tinawag na Tanawan sapagkat sa magkaibayong tabi ng kapantayang ito ay kapwa may burol na magkatanawan. Ang Sitio Ulatan ay isa ring pook sa nayon na ito na ang pangalan ay nagmula sa pangalan ng isang uri ng halamang matinik na kung tawagin doon ay “ulat”. Sapagkat sa pook na ito ay maraming ulat kaya ang pook na ito ay tinawag na Ulatan. Mayroon pa ring mga bukal sa nayong ito na kung tawagin ay bukal ng Tuba, bukal ng Vicente, at bukal ng Taburoy na ang mga pangalan ay hinango sa kung sino ang gumawa ng bukal. Noong 1950, ang nayong ito ay binuo ng mga taong sumusunod: Vicente Lagos, Banaba Jamilano, Cayetano Orig, Mariano Merluza, Eustaquio Martinez, Mariano Gloria, Rufo Pabellon, Andres Luce, Pedro Batocabe, Mariano Acesor, Catalino Catapat, Felipe Catapangan, Liborio Bermudez, Toribio Dequito, Guillermo Deraya, Buenaventura Lusanta at Ambrosio Dequito. Ang mga sumusunod naman ang ilang nag punong – bayan dito: Hugo Merluza, Hilarion Tinamisan, Pacifico Catapat, Isidro Merle, Rufino Pabellon, Victoriano Etcubañas, Alejandro Orinday, Timoteo Javal, Elias Pornela, Sofio Sabio, Fernando Merle, Perpetuo Darin, Pedro Edora, Salvador Gutierrez, Cayetano Abdon, Apolonio Javal, Marcelo Merene, Gregorio De Rama, Maximo Umali, Julio Pabellon, At Saturnini Piñon. Noong panahon ng Kastila, ang nayong ito ay bantog at balita sa nakawan. Nang dumating naman ang mga Hapones ay naganap ang maramihang pagpatay sa angkan ng mga Luce noong Enero 16, 1945. 34

Sagutin ng TAMA kung nagpapahayag ng wastong pangyayari ang mga pangungusap sa bawat bilang. Mali kung ang mga ito ay hindi tumutukoy sa mga pangyayari. ______1. Ang pangalan ng Bigo ay nagmula sa pangalan ng isang puno. ______2. Noong panahon ng Kastila, si Kabesang Roman Catapat ay nanggawa ng isang bukal na malapit sa ilog. ______3. Ang Sitio Tanawan ay isang malawak na kapantayan na malapit sa hangganan ng Bigo at Añato. ______4. Ang Sitio Ulatan ay isa ring pook sa nayon na ito na ang pangalan ay nagmula sa pangalan ng isang uri ng halamang matinik na kung tawagin doon ay “ulat”. ______5. Noong panahon ng Kastila, ang nayong ito ay bantog at balita sa nakawan. Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Ang pangangaso ay ang kasanayan ng pagpatay o pagbitag ng kahit anong hayop, o pagsunod o pagsubaybay nito na may layunin ng paggawa nito. Ang pangangaso ng mga hayop at mababangis na hayop ay pinaka-karaniwang ginagawa ng mga tao para sa pagkain, libangan, pagtanggal ng mga maninila na mapanganib sa tao o alagang hayop, o para sa kalakalan. 2. Ang mabangis ay tinatawag nating matapang. Nilapa ng mabangis na leon ang mangangaso sa gubat. 3. Tumutukoy sa wika, mamamayan, at kultura ng bansang Espanya ang Espanyol. Sa Pilipinas, ito rin ang ibig tukuyin ng “Kastilà,” isang katawagang nakamihasnan noon at bunga ng pangyayari na Castilla ang pangunahing rehiyon sa pagbubuklod ng Espanya at ang wikang Castellano ang batayan ng wikang Espanyol. 4. Ang Pransiskano ay tumutukoy sa mga kasapi ng orderong relihiyoso na sumusunod sa alituntunin na tinatawag na \"Alituntunin ni San Francisco.\" Ang ibang tawag sa kanila ay prayle. 5. Ang himagsikan o panghihimagsik ay ang tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan. Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na makapagbabago sa sitwasyong pampulitika ng isang bansa. O kaya, sa 35

pag-agaw ng mga nag-alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan. Tinatawag din itong rebolusyon o rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan. Brgy. Binahaan Adapted from Aklat Ng Pagbilao Bago dumating ang Español may mga taong nakatira na sa Binahaan na matatagpuan ngayon sa Daungang Pari. Ayon sa kwento ng matatanda sila’y nabubuhay sa pangingisda at pagtatanim ng kamote, saging at pangangaso. Hindi sila makapunta sa bundok dahil sa mababangis na hayop sa gubat. Nung araw ay wala pang pangalan ang mga lugar dito sa ating bansa. Isang araw taong 1685, may mga misyonerong pari ang dumating dito upang magturo ng kanilang relihiyon sa mga katutubo roon. Nagtanong sa wikang Espanyol ang pari kung ano ang pangalan ng lugar na ito. Noon ay katatapos lang bumaha dito kaya akala nila ay ito ang itinatanong. Simula noon ay tinawag na itong Binahaan. Sa pook ding iyon na ngayon ay Daungang Pari unang nagmisa ang mga Paring Pransiskano sa maliit na kubo at tuklong sa kalagitnaan ng 1685. Pagkatapos ng 3 taon gumawa sila ng kapilya na yari sa kugon. Unang naging Ministro ng pamayanang Kristiyano si Padre Cristobal Mantanchez. Sa mahabang panahon ay naging sentro ito ng relihiyon noong ika-17 siglo hanggang sa bumuo ng bagong Pueblo na napili nila. Ito’y sa kinatatayuan ng Sta. Catalina de Alexandria ngayon. Ang kapilya ay hindi nila pinalitan ng pangalan. May mga kwento na nagbaon ng gintong kampana ang mga pari doon at walang palatandaang naiwan na minsang sentro ng relihiyong kristyano noong ika-16 na siglo. Noong panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa Espanyol, dumami ang nakatira doon. Nagsipagtago sa mga sundalo ang mga katutubo. Ang dating magubat ay naging taniman ng niyog at palay. Nalaman ng mga tao sa ibang lugar na maganda itong sakahan kaya sila’y nagkaingin. Sa pagdating ng Amerikano napabilis ang pagpapaunlad sa lugar na ito. Nang maging Presidente si Manuel L. Quezon ay lalong pinaunlad ang sistema ng transportasyon. Dahil dito maraming tao ang interesadong magtanim dahil sa mabilis ang transportasyon ng kanilang ani. Ang mga unang tinyente de Baryo ay si Maximiano Glodoviza. Sa ngayon, ang pinanggagalingan ng ikinabuhay ng mga tao doon ay kopra, palay, isda, gulay, at prutas. Ang plantasyon ay mahigit 100 ektarya. Mayroon ding Brgy. Hall, paaralan, irigasyon at bukal. Narito rin ang akses road ng National Power Corporation papuntang Ibabang Polo. 36

Sagutin ang mga tanong. 1. Paano nabubuhay ang mga taong nakatira sa Binahaan bago pa man dumating ang mga Espanyol? 2. Bakit hindi sila makapunta sa bundok 3. Paano nabuo ang pangalan ng baranagay na ito? 4. Paano naging makasaysayang pook ang lugar na ito? 5. Paano naging maunlad ang lugar na ito? 6. Bakit hinangad ng maraming tao ang manirahan dito? Palawakin Mo Hanapin sa talulot ng bulaklak ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang. kabihasnan hiwaga kuhaan ng ipunan ng tubig tubig kakanin mula sa niyog 1. sibilisasyon _______________________ 2. kababalaghan _______________________ 3. kadluan _______________________ 4. tangke _______________________ 5. bukayo _______________________ 37

Brgy. Bukal Adapted from Aklat Ng Pagbilao Noong unang panahon ay may isang pook na huli sa kabihasnan, sa dahilang ito ay pinamumugaran ng kababalaghan, kayat kinatatakutan ang mga taong naninirahan dito. Ngunit walang makapagsabi kung ano ang pangalan ng pook na ito. Marami ang nakasaksi sa mga kakaibang naganap sa kapaligiran na sadyang kakaiba sa lahat ng pook. At hindi lamang makapaganyak na layuan ito, ay ang patron ni San Rafael at mga bukal na may malinis na tubig. Nang di kalaunan ay maraming tao ang nagsipagtayo ng kani-kanilang bahay sapagkat hindi na sila lalayo sa pagkuha ng malinis na tubig. Kayat mula noon ay naging isang pook o nayon na ito. Ang nayon ng Bukal ay nagmula sa limang bukal na matatagpuan sa pook na ito. Ito ay ang mga sumusunod: Maaliw – isang malinis na bukal na ang pangalan ay galing sa maraming alamat ng kanayunan. Maysinang – isang malinis na bukal na galing sa pangalan ng isang babae na kilala dito noong araw. Ponsa, Luisa at Bungo – malilinis na bukal na pinagkukunan ng tubig ng mga tao. Ang mga bukal na ito ang siyang nagsisilbing kadluan ng mga tao o maging ng mga taga ibang pook, ngunit walang makapagsabi kung saan ito nanggaling, kaya tinawag ang pook na ito na “pook ng kababalaghan”. Mula noon ay tinawag na ang luagar na ito na “bukal” dahil sa di maipaliwanag na pagsulpot ng mga bukal sa lugar. Marami ang nakapagsasabi na ang Bukal ayon sa kasaysayan ay mayroon ding pook na magandang tanawing kahali-halina, pook na kung saan kinuha ang pangalan gaya ng Sitio Tangke. Ito ay nagmula sa pinag-iipunan ng tubig, na tinawag itong tangke dahil dito lumalabas ang tubig na siyang pinagkukunan ng inumin ng mga tao. Ito ay ginawa ng mga Kastila noong taong 1825. Ang ikinabubuhay ng tao dito sa kasalukuyan ay ang pagniniyog, pagsasaka, pagtatanim ng gulay at ang “pagsisintas”. May pagawaang matatagpuan sa Nayon ng Bukal na maaring pagkakitaan ng mga tao, ang mga ito ay ang pagawaan ng sitsaron at bukayo. Upang sila ay kumita pa ng pera ay nag – aalaga rin sila ng mga hayop sa kanilang bakuran. Sagutin ang mga tanong: 1. Ilarawan and bukal ayon sa kuwento. 2. Bakit marami ang nagsipagtayo ng bahay sa lugar na ito? 3. Ano-ano ang mga bukal na matatagpuan dito? Ipaliwanag ang bawat isa. 4. Paano nabubuhay ang mga taong nakatira dito? 38

Pagpapayaman n g Talasalitaan Bilugan sa pangungusap ang mga salitang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Hanay A Hanay B 1. nakaugalian Ipinagpatuloy ng mga tao ang 2. pinaglalagian nakalakihan nilang kultura. 3. nagdadawdaw Ang lugar na kanilang tinitirahan ay malapit sa ilog. 4. winika Ang mga batang makukulit ay isinasawsaw ang kanilang mga 5. kabisado daliri sa pulot ng pukyutan. Kapagdaka ay kanyang sinabi ang mga salitang nagpakabog sa kanyang dibdib Noon lamang siya nakarating sa lugar na ito kaya hindi niya alam ang pasikot-sikot dito. Brgy. Ikirin Adapted from Aklat Ng Pagbilao Noong una, nakaugalian na ng mga tao na maglaba sa ilog na kung tawagin ay Ikirin. Ang pook na kanilang pinaglalagian ay walang pangalan at ang tangi lamang nitong palatandaan ay ang ilog na tinatawag nilang Ikirin. Maraming dumarayo sa ilog na ito, lalong – lalo na kung araw ng Sabado at Linggo. Ang mga tao ay masayang naglalaba ng sama-sama. Nagdadawdaw ng kanilang kamay sa tubig at sa lalabhang kanilang nililinis. Isang araw, may mga banyagang napadako sa ilog ng Ikirin kung saan nagsisipaglaba ang mga tao. Hindi nila gaanong kabisado ang lugar kaya’t itinanong nila kung anong pangalan ng lugar na iyon sa mga nagsisipaglaba sa ilog. Dahilan sa kaibahan ng kanilang pananalita hindi sila naunawaan ng mga tao roon. Isa sa mga nagsisipaglaba ang nag – akala na ang itinatanong sa kanila ng mga banyaga ay kung ano ang pangalan ng ilog kaya’t sumagot ito ng IKIRIN. Nagpatuloy ng paglalakbay ang mga banyaga, winika, at isinabukambibig ang salitang “Ikirin” na ang buong akala ay siyang pangalan ng pook na iyon. Sa paglipas ng panahon, ang lugar na ito ay nakilala sa pangalang Ikirin hanggang sa mapabilang na isa sa mga baryo ng Pagbilao. Ang kalakhan ng baryong Ikirin ay nagsimula sa pinagsama-samang lugar na kung tawagin ay: Malawak na Parang, 39

ang Burol, at ang Scondrel. Ito ang kasaysayan ng Ikirin, isa sa mga baryo sa bayan ng Pagbilao. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang kinaugaliang gawin ng mga tao noong unang panahon? 2. Ano ang naging palatandaan ng mga tao noong wala pang pangalan ang Ikirin? 3. bakit dinarayo ng mga tao ang ilog sa lugar na ito? 4. Ano-ano ang gingawa ng mga tao kapag nagpupunta sila sa ilog na ito? 5. Bakit hindi nagakaunawaan ang banyaga at mga taong nakatira sa lugar na ito? Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga salita at ibigay ang kahulugan ng bawat isa. 1. nasasakop 5. nagpulong 2. pangkabuhayan 6. nagpresinta 3. tuso 7. ikinabubuhay 4. ninuno 8. sumuway Brgy. Kanlurang Malicboy Adapted from Aklat Ng Pagbilao Noong unang panahon na ang nakasasakop sa ating bansa ay ang mga kastila, wala pang mga pangalan ang mga barrio na sa ngayon ang tawag ay Barangay, noong mga panahong iyon ay napakaraming naninirahan na Kastila sa dakong Silangan. Ngunit ang napakaraming mapapakinabang sa pangkabuhayan tulad ng mga pagkaing prutas, lamang dagat, at marami pang iba’t-ibang uri ng pangkabuhayan ay nasa parting kanluran matatagpuan. Ngunit ang mga kastila ay sobrang tuso at napakatamad, ang gusto nila ang kanilang maiibigan ay nasa kanilang harapan agad na hindi sila magsasawa o kikilos, manapay iniuutos nila sa ating mga matatandang ninuno. Subalit, dumating ang araw na ang ating mga ninuno ay sumuway sa utos ng mga kastila, ang matatapang ay lumalaban kahit kanilang ikamatay, huwag lamang sumunod sa utos ng mga kastila at yoong hindi makalaban ay nagsilayo at nagtatago na lamang sa mga kabundukan doon sa hindi makikita at mauutusan. 40

Kaya’t dumating ang panahon na kakaunti na ang kanilang imbak na pagkain kayat nagpulong ang mga kastila na bata ay kanilang gagawing utusan para makapanguha ng kanilang pagkain hindi naman sila nahirapan ng makakita ng bata, pagkat may isang bata na nagpresinta na siya ang gagawa ng mga inuutos ng Kastila. Ang bata ay isang lalaki masipag at sobrang matulungin ang sabi ng kastila “Boy” bukas ay agapan mo at ako ay may iuutos, opo ang sagot ng bata. Kinabukasan ay madilim pa ang umaga ay naroroon na ang bata sa bahay ng Kastila, tanong ng bata “Sir” ano po ang inyong iniuutos? Sagot ng kastila Boy, pumunta ka sa Kanluran at kung ano man ang makita mong pagkain na mapapakinabangan ay dalhin mo sa amin, “opo” ang sagot ng bata. Lumipas ang mga araw ng linggo, buwan at taon na walang ginagawa ang bata kundi magpabalik-balik sa Silangan at Kanluran upang kumuha ng ikabubuhay ng mga kastila ngunit dumating ang araw ng nagkaisip ang bata at nagsabi sa Kastila na hindi na siya pupunta sa Kanluran upang kumuha ng pagkain, nangamba ang mga Kastila sapagkat sila ay magugutom kapag ang bata ay hindi sumunod sa kanila, kaya’t tinakot nila ang bata “Papatayin ka namin Boy” pag hindi ka sumunod sa amin ang sagot ng bata “maski ako’y inyong patayin ay hindi na ako susunod sa inyong ipag-uutos, at sabay alis ng bata. Sa kalituhan ng Kastila at tinawag ang bata, na ang pagkakatawag ay “Malic- Boy. Malic-Boy na ang ibig sabihin ay bumalik ka Boy, ngunit ang bata ay tuloy tuloy na umalis at hindi na bumalik sa kastila. Kaya mula noon ay pinangalan ang aming nayon na pinatutuhanan ng bata na “Kanluran Malicboy”. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ano ang pinagkaukunan ng pangkabuhayan ng mga tao sa Malicboy noong unang panahon? 2. Paano inilarawan sa kuwento ang mga kastila sa lugar na ito? 3. Paano ipinagtanggol ng mga tao ang kanilang mga ari-arian upang huwag mapasakamay ng mga kastila? 4. Bakit tumanggi ang bata na pumunta sa Silangan at Kanluran? 5. Sa iyong palagay, bakit napakaraming kastila ang naninirahan noon sa ating bansa? 41

Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang sumusunod na mga salita at ibigay ang kahulugan ng bawat isa. 1. pinaparte-parte 5. nakipamuhay 2. kasaysayan 6. karetela 3. nasasakupan 7. nagdadamba 4. mangangalakal 8. nahintakutan Brgy. Silangang Malicboy Adapted from Aklat Ng Pagbilao Ang ating bansang Pilipinas ay nahahati sa tatlong bahagi ng kapuluan at ito ay ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ang bawat pulo ay binabahagi ng mga lalawigan na sa bawat lalawigan ay pinaparte-parte naman sa ibat-ibang bayan at ang kabuuan naman sa mga bara-barangay na may iba’t-ibang kasaysayan katulad nang Baragay Silangang Malicboy na nasasakupan ng bayan ng Pagbilao sa lalawigan ng Quezon sa katimugang Tagalog. Iilan sa ating mga kababayan ang nakakaalam ng mas unang dumating sa ating bansa ang mamamayan ng bansang Tsina, kaysa sa ibang bansang kanluranin at ito ay ang mga Intsik bilang mga mangangalakal na dito na rin sa atin nakipamuhay. Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan sa tayo ay sinakop ng mga dayuhang kastila. May iilan ding panahon, na napailalim sa kanilang pamahalaan ang ating bansa pati na ang ating pag-uugali at ang kultura ay kanilang binago sa ilalim ng kanilang pananampalataya at paniniwala. Nang panahong yaon, ang daang zigzag na tumatagos sa bayan ng Atimonan, Quezon ay isang makipot na lugar para sa mga sasakyang di makina, kung kayat ginagamit ng mga taong nagyayaot dito ay karetela o kalesa na hinihila ng kabayo. Isang araw, isang mangangalakal na intsik ang sakay ng kanyang karetela at ang katulong na lalaki ang kanyang paboritong tawag dito ay “MOY” na ang ibig sabihin ay “BOY”. Sila ay nagmamadali sa pag-akyat sa liko liko at makipot na daang zigzag. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagdadamba ang kabayo na humihila sa kanilang karetela, na naging sanhi ng pagkahulog sa sinasakyang karetela habang ang kanilang kabayo ay hindi mapigil sa pag-alma. Natakot ang kanyang katulong at ito ay tumakbong palayo sa takot na siya ay masipa ng nagngangalit na kabayo. Ang nahintakutang intsik na hindi makakilos ay nagsisigaw na lamang ng “Malik Moy!” Malik Moy!” na ang ibig sabihin ay Balik Boy! Ang hindi nila nalalaman nang oras na iyon, kaya pala nagdadabog ang kanilang kabayo, ay natanawan sa di kalayuan ang mga kawal ng kastila na pawang sakay sa kabayo. Sila ay nilapitan ng mga nabanggit na kawal kastila para tanungin kung anong lugar iyon, sapagkat intsik na 42

hindi nakakaunawa ng salitang kastila, kung kaya muli niyang tinawag ang kanyang katulong sa pamamagitan ng “Malik Moy” na sa kanyang pagkakaalam ay baka ang kanyang katulong ang makakasagot sa itinatanong ng mga kawal kastila. Tumango –tango ang mga ito ng marinig ang sigaw ng mga intsik ay tuluyang nagsilisan. Siya ay nagtaka sa kanyang sarili sa akalang natakot ang mga kawal kastila sa kanyang katulong. Simula noon, ang lugar na iyon ay tinawag na Malikboy. Lumipas ang maraming taon at ito ay naging ganap na isang nayon na may maayos na pamumuno ng mga unang tao. Sapagkat ang nayong ito ay napakalawak ng nasasaklawan kung kaya ang mga malalawak na angkan o lipi ay nag usap-usap at ito ay kanilang binabahagi. Ang bandang Silangan na siyang pinagmulan ay binigyan ng malawak na nasasakupan at ito ay tinawag nilang Silangang Malikboy at ang bandang Hilagang kanluran ay tinawag nilang Kanlurang Malikboy. Ang Barangay Silangang Malikboy ay matatagpuan sa Hilagang Silangan ng Bayan ng Pagbilao, Quezon. Ito ay napaliligiran ng mga bubunduking lugar at dito matatagpuan ang kaakit-akit at makasaysayang pambansang Parke o Quezon National Forest Park. Mayroon itong iniingatang mina ng marmol, at batong ginagawang apog, (lime) at mga kailugang mayaman sa isdang tabang. Mga bukirin taniman ng palay, gulay, at iba pang uri ng halaman na nakakatulong sa pangkabuhayan ng mga mamamayan. Ito ay nahahati sa anim na pangunahing sitio, Ang Sitio Amao, Sitio Magsaysay, Sitio Sta Ana, Sitio Crossing, Sitio Madita, Sitio Pulong Guiting at Sub-sitio, ang Kalantog, Guintong, Sapinit at Diversion Road. Ang mga kanugnog barangay Sipa na nasa Hilagang- Silangan bahagi sakop ng bayan ng Padre Burgos, Quezon at Barangay Sta. Catalina na nasa Timog Silangang Bahagi, sakop ng bayan ng Atimonan, Quezon. Sa Timog Kanluran ay ang Barangay Binhaan, Pagbilao, Quezon at sa Hilagang Kanluran ay ang Brgy. Kanlurang Malikboy, Pagbilao, Quezon. Ang lawak ng kapuluang nasasakupan ng Brgy.Silangang Malikboy ay isang libo, limang daan at apat at anim na ponto (1,504.06) ektarya. Ang Brgy. Silangang Malikboy ay pinamamayanan ng mga mamamayang naggagaling sa ibat-ibang lalawigan katulad ng Bikol, Visaya, Ilokos, Muslim, at iba pa. Subalit higit na naka-uungos parin ang mga Tagalog. Ang kanilang pananampalataya ay nahahati sa relihiyon. Gayun pa man, higit na nakararami ang katoliko kung ikukumpara sa relihiyon ng Iglesia Ni Cristo. Ang simbahan ng katoliko at kapilya ng Iglesia Ni Cristo ay hindi magkalayo sa kanilang kinalalagyan. Ang kanilang pamumuhay ay tahimik sa pamamagitan ng pagtutulungan sa isat-isa. Sila ay matulungain lalo’t higit sa mga proyektong pambarangay at ang paggalang sa mga namumuno at pagkilala sa mga namumuno at paglkilala sa mga patakaran alituntunin ng batas ng ating Republika ang kanilang sinusunod. Sa kasalukuyan, ang barangay Silangang Malikboy ay maroon maayos na paaralang elementarya, gayundin ang sekundarya at post-segundaryung paaralan ng pagsasaka (Quezon National Agricultural School). Ang pambansang lansangan (Maharlika Highway) at daang bakal ay dito tumatagos patungong Bikol at Bisaya. 43


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook