Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore BURN - PANANAW Volume 2

BURN - PANANAW Volume 2

Published by Crescit, 2020-02-05 20:44:25

Description: The second installment to the Lit trilogy published by CRESCIT, De La Salle Lipa's Senior High School student publication.

Keywords: De La Salle,De La Salle Lipa,Lipa,CRESCIT,Literary Folio,Teenagers,Technology,Poetry,Prose

Search

Read the Text Version

YOU ARE You are the break of dawn. There will be moments where it’ll feel like the darkness won’t end. The darkness brings with it fear, and fear brings out the worst in people. When everyone surrounding you is blind and feeling their way around, be the light that snaps them out of the madness. You are the sunshine after the rain. You are necessary to humanity. You give life to everything around you, if you allow yourself to. We were told tales about how the world was once washed of all its impurities through a great storm that flooded the lands. Storms create chaos, but they never last. Let yourself remind others of why the rain was so necessary in the first place. You are the fire during the cold. In your life, you will encounter people who seem unfeeling towards everything around them. Our body has its way of coping with traumas, that’s why there are those who believe that being numb is equivalent to being safe. Being numb keeps out the pain, but the pain is necessary for our development not only physically, but also emotionally. Burn brightly, burn without hesitation, burn until you melt away the ice they’ve carved around themselves. You are the light that you keep searching for. Your light a powerful thing. It’s infectious. It drives people to do things thought to be impossible. It gives people a sense of purpose. It lets people know that yes, your only limit is yourself and yes, all these trials and hardships lead to something amazing. You have the capability to do all these things and more. You have the capability to drive people, to give them a sense of purpose, to keep them going. The next time you ask, “Where is the light we all desperately need?” You should consider asking this instead: “How can I give the light we all desperately need?” 143



THE ASTRONOMY OF PERSPECTIVE The sun had many stories. It was seen as too big, always shining, annoying, and quite an attention seeker. It gave people rashes, made people go blind, was the leading cause of numerous illnesses; in short, the sun was a jerk. But the moon, oh the moon was amazing. It shone through the dusk, it was the light in the dark, it was a sign of calmness, it resembled and gave silence an image, the moon was dreamy. Many days after creation, the humans hated the sun with a burning passion. They blamed it for their irritability, they cursed it for drying out their crops, they loathed it for causing multiple sunstrokes and headaches. The sun was seen as a villain. But then night came and everyone rejoiced! They saw it’s chill as a blanket of comfort after the long day. They consoled themselves in the idea of night time being rest time, a long awaited one after all their tiresome works. The moon, though only showing during night time, reminded the people of peace and serendipity. They fully trusted the moon. The moon was seen as a hero. Yet a day came and one of the humans stood up for the sun, the villager was named Sol and he had enough of it. While the tribesmen and villagers stopped and stared at Sol in annoyance, Sol started to speak. “Why can’t you all see the good the sun has provided us?” Sol exclaimed. “The sun does not just “shine” or “glow” as if it is “like” a light, it is the light” Sol con- tinues. “The sun represents a new day, a new beginning, it is our daily reminder to start again!” he continues to breathe out. The villagers were in shock though some were seen nodding in approval but hiding. Sol was tired, he wasn’t gonna let another day pass of everyone attacking the sun. He believed that the sun did not deserve it. He kept on talking, he kept on shouting, and he kept on speaking his truth, the sun was good. The fact that he fought for it shows so. And that’s what he’s trying to make people realize. Voicing out, telling your truth, and standing by it. The trinity to the forma- tion of a belief. People were seen literally turning a blind eye to what was giving them light. Nightfall came and as always, the people rejoiced. Sol felt defeated. He slowly went home to his hut until a young boy came to him. “May I ask, if the sun is the light, what does that make the moon?” the child said with sparkles in his eyes showing such pure innocence. “Well my child, the moon you see get all of its light from the sun. The moon may not be as bright as the sun but it was what the people needed after the sun shines upon them.” Sol said. The child was in awe, “So if the sun gives the moon, light, and the sun gives us light, does that mean that the sun is our light giver?” Sol then nods and sees the child run away with joy in each step. And then there it was. The sun was seen as the moon’s giver of light. The sun was now the hero’s hero. 145



ANG PAGLIMOT AY BAHAGI NG PAGKILALA Alang-alang sa mga paru-parong ginahasa ng kalungkutan, at sa isang dakilang kwento ng pag-ibig, Hayaan mo akong magkwento. Unang buwan: Ang Pagpapakilala. Minsan akong umibig sa isang salawahang nilalang. Ang kaniyang hakbang ay sapalaran; wala siyang tiyak na layunin. Siya ang uri ng taong hindi mo kayang basahin. Madalas niyang dinadala ang bigat ng madidilim niyang ulap nang hindi napupudpod ang sapatos. Alam kong matibay siya, pero may kutob akong minsan rin siyang gumigiba. Wala akong patunay, hindi ko nasaksihan ang pagguho ng kaniyang mundo. Pero sa puntong ito, sigurado akong lahat ng tao ay nakakaramdam ng lungkot. Ang lungkot ay hindi lamang damdamin na minsan kang dadalawin. Siya ay kumot na may mainit at mabigat na yapos at ang kaniyang yapos ay nakakapilay. Ang kaniyang yapos ay panghabambuhay ang kaniyang haplos ay hindi mo kayang alpasan. Sapagkat ang kaniyang kumot ay kumakapit sa laman. Habangbuhay ka nitong dadapuan. Doon siya natatangi. Nagagawa niyang pasayahin ang sinomang niyayapos ng lungkot. Napapanatag niya ang binabalaan ng pangamba, napapayapa niya ang ginagahasa ng lumbay. Ganoon siya makapangyarihan. Kaya niyang ilahad ang perpektong pagkakabalangkas ng salita upang mapakalma ka. Kaya niyang manatili sa iyong tabi kahit nililibing ka na ng buhay nang buhay. Mananatili siya para sayo. Handa siyang makinig sa ano man ang nais mong sabihin. Inaamin kong minsan ko siyang pinagdudahan. Alam kong mahirap akong alagaan kaya hindi ko inaasahang mananatili siya. Naiintindihan niya ako pero hindi niya ako kayang intindihin. Pinaghihilom niya ako nang may kaunting hapdi. Mayroon pa ring butas sa pagitan ng aking dibdib na hindi niya kayang punan. Hindi niya naiintindihan na ang haraya ko ay kapahamakan at mas lalong hindi niya alam na kaya niyang patahimikin ang hulagpos sa utak kong nakagapos sa 147

salansang. Na napapayapa niya ako sa payak niyang pagdating. Na sapat na ang kaniyang pagdalo upang mapigil ang digmaan sa aking kalooban kaya bago pa niya ako makamusta ay panatag na ako. Ikalawang Buwan: Ang pagyapos ng panaling hindi maalam bumitaw. (Attachment) Unti-unting kumakapit sa akin ang takot sa pagpapaalam. Ito na naman. Nilalamon na naman ako ng posibilidad. Hindi naman malabong kalimutan niya na lang lahat ng nangyari. Madali lang naman akong burahin. Sanay na akong mawalan ng saysay at makalimutan ng kasaysayan. Hindi na bago sakin ang lagim, kaibigan ko na ang lungkot. Ngunit kahit ganito, isa pa rin ako sa mga taong hindi maalam magpalaya. Ewan hindi pa rin ako sanay kahit hindi ako yung unang nangiiwan. Naninibago pa rin ang katawan ko sa kawalan. Pero sa parating huli, wala naman akong pakialam kahit mag-isa akong uuwi, kahit wala akong uuwian. Patuloy akong papalag sa gyera ng buhay. Tanggap kong mahirap akong mahalin. Ang ibig kong sabihin, sino ang kayang magmahal ng mga kamay na nanginginig sa tuwing ito ay hahawakan? Sino ang kayang magmahal ng mga pugtong mata? Ng mga basag na labi? Ng mukhang mapagpanggap? Ng kaloobang karibok? Sino ang pipiliing mahalin ang kaluluwang nagkakapilas-pilas? Ikatlong Buwan: Ang hubaran ng persona. “Kalimutan mo lahat ng alam mo tungkol sakin. Hindi ako ‘yun. Hindi iyon ang mga tunay kong bakod. Magaling akong manlinlang. Nagagawa kong katotohanan ang kasinungalingan, kaya kitang mapaniwala. Kaya kitang iwala. Pagdating ng panahon ay maliligaw ka sa iyong landas kapag araw-araw mo akong kapiling. Kaya ito na ang huli mong pagkakataong lumisan.” “Mananatili ako dahil nanatili ka noong mga panahong ako’y nahahapis. Wala ako ngayon kung wala ka. Hindi ito utang na loob. Ang gusto ko lang ay maranasang maalagaan ka.” tugon ko. Minsan niyang sinasalungat ang kaniyang pinaglalaban. Hindi naaayon ang kaniyang hakbang sa kaniyang pinapaniwalaan. Lumipas ang bawat araw nang unti-unti 148

niyang nalilimutan ang mga pinangako niya. Minsan niyang nalilimutan kung sino siya. Minsan niyang nakakalimutan na naririto ako, na may naghihintay sa kaniyang kaibigan na laging handang makinig at hinihintay ko siyang umuwi. Pabalik. Patungo. Sakin. Dumating ang panahong nalilimutan niya na ring umuwi. Nalimutan na rin niyang may uuwian siya. Tinatamaan kami ng sakit na lumamon ng maraming relasyon. Ang sintomas nito ay ang mas malakas na anyaya ng tukso, ang sulsol na kukumbinsi sa’yo na mas mabuti pang lamunin nalang ng diyablo ang lahat, na hindi na dapat ito ipagpatuloy. Hindi mo na siya maalala tuwing mapapadaan ka sa hardin ng bulaklak. Hahayaan mo na siyang kumain magisa. Hindi ka na gagawa ng paraan na mas mapadali ang pagtahak ng kaniyang landas sa lumpon ng tao. Malilimutan mo nang ikwento ang pinagdaanan mo araw-araw. Kukumbinsihin ka ng sarili mo na sapat na ang pagbati at pagpaalam bilang kamustahan Lalamunin ka nang pagtalikda. Bago mo pa nalamang nilalamon ka na nito ay huli na ang lahat. Mapapagtanto mo nalang isang araw na hindi mo na kayang maglahad ng perpektong pagkakabalangkas ng salita upang mapakilala siya sa pamamagitan ng paglalarawan. Bigla kang magigising na hindi mo na siya kilala, na masyado na kayong malayo sa isa’t isa upang magpatuloy pa. At kung hindi na kayang gawan ng paraan ay magiging paligsahan sa kung sino man ang mas madaling magiging payapa, ang sino mang mas magiging masaya. Kaya ang ginagawa ng tao ay paglimot. Inaaalala niya ang minsa’y kumatay sa mga paru-paro ng kaniyang lungkot at kinakalimutan niya ang hindi niya kayang sikmurain na kalungkutan.Nais ko ring kalimutan ang mga hindi ko binanggit. Gagawin ko ang lahat para maniwala akong hindi ako malungkot, para maniwala akong hindi ako nagiisa. Magsisinungaling ako kung kinakailangan. Ang tanging katotohanang aking babanggitin ay hindi totoo lahat ng sinabi ko. Hindi ko sasabihin kung alin. Ang aking binahagi ang perpektong timpla ng kathang-isip at katotohanan upang makapagsulat ng kwento ng pag-ibig. Wala akong pakialam kung pinili ko rin lamang ang gusto kong alalahanin dahil ito na ang katotohanan pinapaniwalaan ko. Ito na ang alaalang humehele sa akin sa gabi. Ito na ang mga alaalang gumigising sakin sa umaga. 149

Ipagdadamot ko sayo ang katotohanan dahil bahagi ng paglimot ang pagkilala, hindi ito maiiwasan. Imposibleng matandaan ang lahat ng sangkap ng pangyayari dahil hindi iyon kaya ng utak. Hindi rin kaya ng alaala na magpanatili ng katotohanan dahil likas tayong sakim sa gusto nating alalahanin. Mapili ang tao sa gunita, masyadong maselan ang puso upang piliin na alalahanin ang paulit-ulit na dumudurog sa kaniya. Pinipili nating kalimutan ang katotohanan na malungkot tayo. Inililibing natin ang mga masasakit na ala- ala kasama ang mga nanakit. Bumabalik tayo sa umpisa. Pinipili nating kalimutang nakilala natin sila. Pinipili nating maalala Napapaltan ng memorya ang kulay ng sasakyan, napapagpalit-palit nito ang pagkakasunod ng letra at numero sa plaka. Napapaltan nito ang salita ng isang pangungusap, ang pangungusap ng nagsasalita, ang nagsasalita, ang pagpapalit. Hindi ito maaasahan. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Walang paalam na naganap ngunit ganito ko siya gustong alalahanin. Ito na ang katotohanang pinapaniwalaan ko. Kaya kong pahabain ang panahon ng aming pagkakakilala nang hindi nagpapaalam. Kwento ko na to ngayon. Magsisinungaling ako kung kinakailangan. Sino ka para sabihing mali ako? Wala ka rin namang pinagkaiba sa akin. Marami ka ring alaalang inilibing, marami ka ring katotohanang kinalimutan. Huwag kang magalala, hindi lang tayo ang gumagawa nito. May sasabihin ako sayong sikreto. Halika. Lumapit ka. Ibubulong ko sa’yo. 150

Kaunti lang ang nakakaalam nito: Lahat tayo, mahirap mahalin, masama, lason, taksil. Lahat tayo, sakim, mapanakit, praning, malungkot, mapili, pihikan, gutom, tigang, bobo, walang alam, hangal, makasalanan, tarantado, asbag, mayabang, uhaw sa pagmamahal Hindi lang nila maamin. Hindi (pa) lang nila matanggap. Kaya kaibigan, Huwag kang mahiya. Aminin mong malungkot ka. Doon ka magsimula. Dali na. Subukan mo lang. Huwag kang magalala, ako lang ang kasama mo. Pwede kang magkamali. Tulala at nangungulila sa anino sa dilim, Hindi ko rin alam kung bakit hinahanap ko pa siya.. 151



ANG SINING SA PAGKAMATAY AT PAGSIBOL Mahangin, mainit, at magulo ang araw na ito. Dumating na ang kanilang pinakaki- natatakutan. Naririnig na namin ang ugong ng makinang paparating. “Ano na ang gagawin natin? Handa na ba kayo?” Nauulinigan ko ang iba kong kasamahan. Di ko man sila dinig lahat ay ramdam ko naman ang takot at kaba nila. Naririn- ig na namin ang mga tunog ng pagtabas. Sa oras na ito’y inaalala ko ang dahilan kung bakit ako sumibol. Para sa init ng araw. Para sa simoy ng hangin. Para sa lamig ng ulan. Para sa karumihan ng lupa. Para sa maitutulong ko. Ang drama ko naman para sa isang halaman pero totoo ang lahat ng ito. Ayan na nga sila. Mahangin, mainit, at magulo ang araw na ito. Dumating na ang kanilang pinakak- inatatakutan at ang araw na aking pinaka-inaasam. Naririnig na namin ang ugong ng mak- inang dumating na. Ang tunog ng pagsigaw ng aking mga kasamahan, ang tunog ng mga makina at ang tunog ng pagtatabas ay pawang naghalo sa aking mga tainga bilang awiting handog sa aking pagtatapos. Maaaring hindi alam ng karamihan ang kahalagahan ng pagtatapos kaya sila sumisigaw. Oo, hindi siya nakaaaliw na pagdaanan pero sulit naman para sa susunod na hakbang. Hindi mo malalaman ang esensya at saya ng pagsibol kung hindi ka muna mam- amatay. ‘Pag namatay ka hindi ka mananatiling patay. Muli nilang ikakalat ang iyong mga buto upang sumibol ulit. Huwag kang mag-alala, sisibol kang muli kahit pakiramdam mo ay hindi. Nariyan pa rin at naghihintay ang araw, hangin, ulan, lupa at ang iyong halaga; ang iyong mga rason. Sisibol tayong muli. Hindi tayo dito matatapos. 153



EPILOGUE Child? Understand this. You see? Sometimes, there is no other way to stop the forest fire from destroying everything unless a part of it is cut and isolated. There might be no other way to save the forest but to cut a part of it out. Detachment is key and annihilation is the answer you cannot yet accept. Sometimes, there is no other way out of sadness but sadness itself. Face the truth. Come back to reality, young one, there are just some things you cannot outrun. Do not be afraid, you don’t have to be alone anymore. Its time for you to learn how to forgive yourself for the things you have no control of, for the things you cannot change. Forgive and forget. So let it hurt until it hurts no more. I’m begging you. Please stop running. Every memento lost is another space on the fabric of memory giving another opportunity to renew the self. Annihilation helps us to become better people. Live in the moment. The past is nothing but a memory and the mind unconsciously med- dles with the facts. It distorts detail even on the fondest kept memory, remembrance soon becomes non-verbatim, then incomplete, the blurry. Eventually, memories are reduced from a version of the truth to just a pigment of the imagination. Soon enough, every scene the mind plays is nothing but the truth distorted by emotion. So pull yourself together and grieve. Grieve the loss of your past self of the things you used to love of the people you lost of the belongings you misplaced of the love you’ve given away of the money you spent of the time you wasted and learn from all the things you lost. Maybe not all fires burn, and the forest will not be left into cinders tonight. Every tragedy holds the strongest willed one as its witness, it is them who live to tell the tale. After all these forest fires, had it never hit your thoughts enough to wonder why you’re still alive? Your story is the tale you live to tell. 155

156

157

158

159






Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook