Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Nang iwan ni Salamin si Ventura sa harap ng Big Boss, ito’y mapitagang nakatayo sa harap ng hapag na kinauupan ng Big Boss. Pinagmamasdan ng mga naniningkit na mata ng Big Boss ang nakatayo sa harap ng kanyang hapag. Walang pagkagulat ang Big Boss sa kanyang nakita: itong talaga ang uri ng lalaking maiibigan ni Neneng, ang naisip ng Big Boss; hindi makisig hindi nakakatawag-pansin, tahimik, hindi kagugulatan: kabaligtaran niya. Matagal nang nakalabas sa kanyang tanggapan si Ventura, matagal na niya itong nakausap tungkol sa maaari pa nitong gawin bukod sa pagpapasan sa daungan, ang Big Boss ay nakaupo pa rin sa harap ng malaki niyang hapag. Saglit siyang nagbalik sa lalawigan – doon sa kinatagpuan niya kay Neneng, noong ito’y maniwala sa kanya ng lubusan, umibig, umasa, naghintay – gaya ng di na niya mabilang ngayon kung ilan. Saan nagwawakas ang pag-asa at nagsisimula ang kamatayan ng pananalig? Kailan nag-uugat ang bagong paniniwala? Ang bagong pagmamahal? “Kuryusidad lamang,” ang patawang sinabi ng Big Boss kay Salamin, nang magpadaan ito sa kanyang tsuper sa direksiyong nakatala sa record card ni Ventura. Ngunit ang kuryusidad na iyo’y pinagmulan ng mga disukat akalain: ang mga nasasabik na tanong ni Salami’y nakatagpo ng di-inaasahang katahimikan; ang Big Boss ay kinapansinan ng pagwawalang-kibo, pagsusungit, pag-iinit ng ulo; si Ventura ay bigla na lamang nagpapaalam kay Salamin – nagyayaya raw pilit ang kanyang maybahay na umuwi sa lalawigan, sa di niya malamang kadahilanan. Napagtulungan nina Salamin at Big Boss ang paghimok kay Venturang magpatuloy sa gawain sa daungan, gawaing tuntungan lamang sa pagtaas, paghawak ng mataas ng tungkulin sa unyon, pag-unlad, pagtatagumpay. Si Salamin ay nasisiyahan bagaman nagtataka sa mga pangyayari. “Ano ang sabi ko sa iyo, Boss, matalino si Ventura at pakikinabangan natin sa hinaharap.” “Sayang at matigas ang kanyang asawa!” Sa tinig ng Big Boss ay may gumagapang na pagbabanta. 101
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Matagal bago napag-alaman ni Salamin ang mga pangyayari. Unti-unti. Nabigla nang gayon na lamang ang maybahay ni Ventura nang unang dumalaw sa tahanan nila ang Big Boss. Nagkahalo rito ang pangamba, ang poot, ang lamig at tigas ng bakal. Wala na ni munting bakas ang lumipas. Ang laki ng mga tagumpay ng Big Boss sa maraming bagay ay nakatagpo ng walang-hanggang kabiguan kay Neneng: lubusan ang pagkapinid ng pinto sa kamalian, sa kabulagan ng kahapon: walang-kapantay ang pagmamahal, ang paggalang ni Neneng kay Ventura – walang makapagpapabago rito, ni ang pangamba sa mga pagbabanta, ni ang panganib ng sumpa’t pagtalikod ng kabiyak, kung sakali. Lalong di- nagkabisa ang maririkit na pangako ng tagumpay, kariwasaan, kasaganaan – para kay Neneng at Ventura, lalung-lalo na sa kaisa-isa nilang anak. Ang minsang kabiguan sa isang nahirati sa mga tagumpay ay nagpapaulol dito. Nakikita ni Salamin sa mga mata ng Big Boss ang unti-unti ngunit tiyak na pagbabaga ng ulol na pagnanasa sa di-mangyayari. Natiyak ni Salaming sadyang masama ang nangyayari sa Big Boss nang ito’y maglalagi sa kanila – upang kalaruin, upang sundan-sundan ng tingin ang kanilang anak. Alam nilang lahat sa daungan ang matinding pagnanasa nito sa isang anak, ang kawalan nito ng pamilya, ang walang-hanggang paghahanap nito sa mga ugat ng tunay na kaligayahan. Napag-alaman din ni Salaming nabubuhos ang loob ni Big Boss sa kaisa-isang anak nina Ventura at Neneng – habang lalong ipinipinid nitong huli ang ano mang daan ng kanilang pagkikita. Ang totoo, kung kasama lamang ni Ventura ang Big Boss sa kanilang tahanan napipilitang pakihirapan ito ni Neneng. At nasasaksihan ng Big Boss ang buhay-mag-anak na kailanma’y hindi naging bahagi ng malalaki niyang tagumpay. Lalong natiyak ni Salaming sadyang palubha nang palubha ang nangyayari sa Big Boss. “Isama mo si Ventura sa ating… uhum… ‘paluwagan’.” Kaya’t nang hapong iyo’y ipinarinig niya kay Ventura ang tungkol sa “paluwagan”. Dali-daling lumapit si Ventura kay Salamin at sa kausap nito. Bago umuwi si Ventura ay 102
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento nakahiram ito ng limampung pisa buhat sa “paluwagang” may patubong beinte porsiyento. May sakit ang kaisa-isang anak ni Ventura. Patuloy ang paglagda ni Ventura sa anim na piso isang araw sa payroll, sa pag- uuwi ng lima, sa paghihintay na mataas ng tungkulin sa daungan, sa unyon, sa pahina nang pahinang pangungunyapit sa mga gilid ng humihigop na “paluwagan”. Nanatiling tuwid at maigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss. “Boss,” ang minsa’y napangahasang simulang sabihin ni Salamin, “kung talagang matigas ang asawa ni Ventura, mabuti pa kaya’y… total, marami ka namang iba riyan at…” “Ngayon pa,” ang putol ng Big Boss , “ngayon pang naglulubha ang kanilang anak at baon na baon na sa utang si Ventura? Tingnan ko ang kasupladahan ng babaing iyon! Tingnan ko kung hindi maglulumuhod sa akin para siya ay tulungan!” Kakaiba ang tinig ng Big Boss. Hindi nakilala ni Salamin ang tinig ng Big Boss. Ngunit nagpatuloy na nag-uulol ang baga ng kabiguan sa mga mata ng Big Boss. Tanghali na’y wala pa si Ventura sa daungan, isang araw. Nang dumating ito’y tuloy-tuloy sa tanggapan ng Big Boss. Nakiusap, naglumuhog, upang makuha nang maaga ang suweldo niya kung maaari. Ngunit iyon ay labag sa palakad. Sana, makakuha pang muli sa “paluwagan”. Ngunit ang pagkukulang niya roo’y umabot na sa hanggahang ipinahihintulot ng palakad. Dali-daling umalis si Ventura. Litung-lito. Agaw-buhay sa pagamutan ang kaisa-isang anak nina Ventura. Matagal na napatingin si Salamin sa Big Boss sa kabila ng hapag. Tangan ng huli ang sobre ng suweldo ni Ventura na madaling nakuha ni Salamin sa kahero sa utos ng Big Boss. “Akala ko, Boss, ibibigay mo iyan?” “Sana nga, kaya, ipinakuha ko sa iyo, ngunit nagbago ang loob ko” Lalong tumuwid at umigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss. 103
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento “Darating siya! Darating siya!” ang anas na nanggaling sa tuwid at maigting na guhit. Nagsimulang humihip ang hangin sa mga durungawan ng tanggapan. Ang mga ingay sa daungan ay unti-unti nang ginagapi ng palakas na salpok ng mga alon. Pahaba na nang pahaba ang mga daliri ng sari-saring aninong yumuyungyong sa mga pintungan. Isang katok ang biglang nagpatayo sa Big Boss buhat sa kanyang hapag. “Siya na!” “Tuloy! Bukas iyan!” ang malakas niyang sabi. Pumasok si Salamin. “Boss, dumating ang kumpare ni Ventura. Patay na raw ang anak niyon. Hindi naman pala anak ni Ventura iyon e; anak ng maybahay niya – sa una.” Anak ng maybahay niya – sa una. Sa una. Sa una! Sa una! Umikot ang mahahabang daliri ng mga anino sa silid. Umikot din si Salamin. Mula sa pagkakatayo, bumagsak ang Big Boss sa silya niyang umikot – ang buong silid, ang buong daigdig ay umikot. Sa daungan, ang iba’t ibang ingay ay tuluyan nang nagasa ng mga naghuhumindig na alon ng nagngangalit na dagat. WAKAS 104
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento BENJAMIN P. PASCUAL Si P. Pascual' ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila. Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog. Ang Kalupi Ni Benjamin P. Pascual Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high 105
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur- dahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli. Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimiling uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos. Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng 106
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento mga magbabangus na pagkanta pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!” Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang- lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. “Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako e.” “Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.” Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng hindi mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika. “Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin. 107
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento “Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.” Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. “Bakit ho?” anito. “E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta. “Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae. Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.” Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangailan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente. Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” 108
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot: “Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.” “Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!” Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan. “Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!” “Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.” “Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.” “Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?” “Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.” Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal ng kanyang liig. May luha nang nakapaminta sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.” 109
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangos. “Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta. “Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta. “Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.” “Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.” “Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.” Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?” “E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang Gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa. “Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata. “Andres Reyes po. “Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala 110
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.” “Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis. “Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.” Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanyang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis. “Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.” “Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.” Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis. “Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok. Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. naalala niya ang 111
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kanina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito. “Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?” Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat. Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiit sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangatog. Hindi 112
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binuntunan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan. Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta. “Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputol-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.” May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang nata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili. “Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.” “Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta. “Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung me mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta. 113
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento “Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.” Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali- salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa, sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat. Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya! Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng labis na salaping ipamimili, upang maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling 114
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan. Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabuhayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa. “Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate, “E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.” Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?” biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya? WAKAS 115
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Cecilio Apostol Isinilang sya taong 1877. Siya'y abogado at naging piskal sa Maynila. Ginawa syang kaanib sa Academia Espanyol dahil sa kanyang di-karaniwang kagalingan sa wikang Kastila. May mga tulang handog sya kina Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. Obra-Maestra: A Rizal \"A Rizal\" Invocacíon a Rizal (En el 40 aniversario de su nacimiento) Fernando Ma. Guerrero (1870-1932) Teinvoco Por qué no? — Yo necesitoen el fiero dolor que me atenaza, hablar contigo que dejaste escrito el evangelio libre de tu raza. Nuestra tierra, la tuya, aún ¡ay! padece. La úlcera social que combatiste ha retoñado, y se exacerba, y crece como en aquel ayer obscuro y triste. Kay Rizal Tula ni Cecilio Apostol Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan na kinahahambingan mo sa maluwalhating pangarap! 116
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala, mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita. Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay tagapagligtas ng isang bayang inalipin! Fernando Maria Guerrero Kumita siya ng Unang Liwanag sa Ermita, Maynila noong Mayo 30, 1873. Mula sa pagkabata ay mahilig sya sa pagguhit. Natanyag sya sa pagkamakata bilang mahigpit na kaagaw sa karangalan ni Cecilio Apostol. Obra-Maestra : Crisalidas (MgaHigad) Para sa Espanya O, kalugud-lugod na Espanya! Ang awiting ito ay para sa iyo Isang awiting nagmula sa kalayuan Katulad ng isang matandang pag-ibig Nanginginig, tumitibok May bango ng tradisyon 117
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Upang mabuksan ang iyong mga makatotohanang pakpak Sa ilam ng ginintuang kulay ng iyong araw Na aming inilagak sa aming mga kaluluwa Na may kasamang apoy ng iyong tinig Kung saan ang liwanag ay nakasakay Ang mga susi ng pagasa, Hinahangaan ng aking lipi ang magiting Na kagandan ng iyong wikang Kastila Na sinasalita din ng mga Quijote Na nagmula rito sa Malayang rehiyon, Kung saan hinihintay at inaasahan ang mga Bagong Sancho Imbis na mga tagapag-salita ng wikang Sahon. Jesus Balmori Isinilang sya sa Maynila noong Enero 10, 1886.. Sa kanyang panahon ay ipinalagay siyang \"poeto lauredo\" ng mga Pilipinong nagsasalita sa kastila. Noong 1939 pinarangalan siya sa Madrid, Espanya at itinanghal na isang makatang pandaigdig sa Kastila. Nakalaban niya sa Balagtasan si Manuel Bernabe sa paksang \"El Recuerdo y El Olvido\" Mi tema el Recuerdo, mi moto la hidalguia Mi divisa un laurel, mi corazon un penasco! En mi frente una blanca, pluma de poesia Ondula sobre el aquila de oro de mi casco 118
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Ang aking paksa'y Gunita, kamaharlikaan ang bansag Sagisag ko'y laurel, bulati ko'y malaking bato Sa harapan ko'y isang puting bagwis ng tinlain na wumawagaygay sa ibabaw ng gintong agila ng aking bangka. Jose Corazon de Jesus José Corazón de Jesús (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring \"Pepito\" noong kanyang kapanahunan. Mga akda: •Ang Manok Kong Bulik(1919) •Ang Pagbabalik(1924) •Ang Pamana(1925) •Pag-ibig(1926) •Sa Dakong Silangan(1928) •Manggagawa(1929) Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; 119
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.” “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw 120
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” Florentino Collantes Si Florentino Colantes ay kinilalang duplero ng kanyang panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng Balagtasan. Gumamit siya ng sagisag na Kuntil Butil sa kanyang pagsusulat ng mga mapanudyong tula na may pamagat na Buhay Lansangan. Taong 1896 nang isilang si Collantes. Sa pagbigkas ng tula ay may sarili siyang paraan na sinasabing tatak Collantes. Ang kanyang mga tulang nasulat ay inuri sa tatlo -tulang liriko, tulang pasalaysay at tulang pambalagtasan. Higit na kinilala ang kanyang kahusayan sa pagsulat ng mga tulang pasalaysay. Halimbawa ng kanyang mga tulang liriko ay Ang Magsasaka, Pangaral sa Bagong Kasal, Patumpik-tumpik; sa tulang pasalaysay naman ay Lumang Simbahan at Ang Tulisan; sa pambalagtasan naman ay ang Balugbugan, Aguinaldo vs. Quezon, isang tulang pantuligsa sa larangan ng politika. Ang mga tula ni Collantes ay halos tungkol sa tao kaya karaniwan at madaling unawain. Mga akda: •Ang Magsasaka •Nabuksan ang Langit,1947 •Parangal sa Bagong Kasal •Ang Tulisan •Ang Patumpik-tumpik •Si Andong Tubig 121
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento 122
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Amado V. Hernandez Tinagurian siyang \"Makata ng Mangagawa\". Siya'y isang mahusay na makata, kuwentista, nobelista, mandudula, mamamahayag, pulitiko at lider ng mga mangagawa. Mga akda: - Isang Dipang Langit - Ayang Malaya - Mga Ibong Mandaragit - Luha ng Buwaya - MuntingLupa - Inang Wika - Kalayaan Isang Dipang Langit Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. 123
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo; kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita’y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. 124
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya! Severino Reyes Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. WALANG SUGAT ni Severino Reyes (Script) Senaryo 1: Teñong at Julia (Si Julia ay nagbuburda ng panyo para kay Teñong. Papasok si Teñong sa eksena) Teñong: (sinisipat ang binuburdang panyo) Julia, tingnan ko nga ang binuburdahan mo... Julia: Huwag na, Teñong, huwag mo tingnan; masama ang pagkakayari, nakakahiya... 125
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Teñong: Isang silip lamang; hindi ko hihipuin, ganoon lang... ay... Julia: Sa ibang araw; pagkatapos na, oo, ipapakita ko sa iyo. Teñong: (tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik ng maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang... Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Teñong: Ay! Julia: Bakit Teñong, napagod ka ba? Masama ka palang mapagod. Teñong: Masakit sa iyo. Julia: Aba’t nagtampo naman kaagad ito...(Ibabato ang bastidor) Lalo ko pang pagagalitin! Teñong: (Pupulutin ang bastidor) Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo na ako. Hindi na ako magagalit. Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka! Teñong: Sinungaling! At kanino naman ito? Flores. Julia: Nagkakamali ka! Hindi mo pangalan iyan. Iya’y para sa among, iaalay ko para sa kanya ngayong kaarawan ng pasko. Teñong: Sa among o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F? Julia: Oo nga, pagkat ang Among, Natin, at Frayle. Teñong: Isang malaking kaalipustahan! Sadyang nakakapantig ng tainga... Julia: Nakaganti na ako! Teñong: (Dudukot ng posporo) Magsabi ka ng totoo, Julia. Sa kura ba ito? Kapag hindi ko ito sinilaban, aba’y sinungaling ako. Julia: Huwag ng silaban ang tunay mong pangaln. Hindi maghahabndig sa lahi ni Satan. Ang panyong iyan ay para talaga sa iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Teñong: Salamat, o aking Julia. Julia: O Teñong ng puso, o Teñong ng buhay ko. 126
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento (papasok si Juana, at maglalayo sina Julia at Teñong) Teñong: Ay, mauuna nap o ako Tiya, at ako po’y may pupuntahan pa. (aalis si Teñong sa eksena. Titingin ng masama si Juana ng masama kay Julia) Juana: Ika’y maghanda na, Julia, at may mga paparating tayong importanteng bisita. Senaryo 2: (papasok si P. Teban , Tadeo, at Miguel) Juana: Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana. Noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle, Bagama’t kami na ngayon ang namamahala, ay wala pa rin kaming kinikita. Juana: Siyang tunay, among. P. Teban: Kaya Juana, ‘di malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka. Juana: Bakit po ba ang dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga? P. Teban: Siya nga, mga ulilang inampon ko...(lalapit si Miguel kay Julia) Miguel: Ay, Aling Julia... ay... ma... ma... malapit na po... Julia: Alin ang malapit na? Miguel: Ang... ang... Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kanyang ina. Miguel: Ay salamat... (tuwang-tuwa) Tadeo: Ano ba ang sinabi mo? Miguel: Sinabi ko pong... ay Julia! Ay, ALing Julia! Ay, Julia ko! Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka na nakapagpahayag ng pagsinta mo? Ay aling Juana, Julia, kami’y tutuloy na. Juana: Siya po... Mag-ingat po kayo, at pagpalain nawa kayo ng Panginoon. 127
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Senaryo 3: Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (papasok sa eksena si Lucas) Lucas: Mamang Teñong, Mamang Teñong!!! Teñong: Napaano ka, Lucas? Lucas: Dinakip na ang tatang mo ng boluntaryo ng Sta. Maria. Teñong: Ha?Saan siya dinala?!? Lucas: Sa Bulakan daw po siya dadalhin. Teñong: Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang. Juana: Hintay ka sandal at kami’y sasama. Julia, magtapis ka... Senaryo 4: Kura 1: Ay, si Kapitan Luis! Ito’y tagaroon sa amin; masamang tao ito. Marcelo: Mason po yata, among. Kura 1: Kung hindi man mason, marahil filibuster, sapagkat kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among. Kura 1: Tonto!!! Hindi ikaw! Stupido! Ang sulat niya ang tinutukoy ko. Kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, at marapat na mamatay. Kura 2: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at Juaz de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi na sila makakain eh! Kura 2: Eh ano naman kung hindi na sila makakain? Eh di mabuti... ng mamatay na silang lahat. Marcelo: Opo among, hirap nap o ang mga katawan nilaat nakakaawa naman pong 128
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento pagmasdan... Kura 2: Loko ito! Anong awang-awa? Walang awa awa, duro que duro!!! Kura 1: Si Kapitan Inggo, pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si si Kapitan Inggo. Kung ganoon po ay hindi na mamamatay di Kapitan Inggo? Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala, walang lama ang pigi sa kapapalo, dalawang braso’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa pagkakagapos. Kura 1: Buhay pa pala ang kutong lupang iyon? Kung gayon, huwag mong kalimutan, na si Kapitan Inggo ay araw araw papaluin at ibibilad at bubusan ng tubig ang ilong at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo:Opo, among. Kura 2: O, Kapitana Putin, ano po’t napadalaw kayo dito? Kapitana Putin: Akin po sanang kakamustahin si Kapitan Inggo. Kura 1: Ay huwag po kayong mag alala... sinabi ko na sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibilad, at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan... Kapitana Putin: Salamat po, among. Kura 2: Walang anuman. O paano? Kami po’y aalis muna. Kapitana Putin: Opo, among... maraming slamat po among. (Magmamano) Kura 1: (sa kasamang pari) Despues de ver el Gobernador... a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guguinto, es necesario deciral General queempiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincial, porque esto va mal. Kura 2: Ya lo creo que va mal. (biglang ipapasok si Kapitan Inggo) Kapitana Putin: O, Inggo ko!!! Teñong: Tatang!!! Julia: Kaawa awa naman! Teñong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay... Inggo: Huwag na, anak ko... hindi na maaari... luray 129
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento luray na ang aking katawan. Bunso ko, huwag mong pabayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin... Juana, Julia, kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanya... Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.Adyos, mga kababayan. Ako’y inyong patawarin. (mamamatay na si Inggo) Teñong: Langit na mataas! (Monique, I suggest na magpakita na lang dito ng eksena kung saan nagkaroon ng pag uusap sina Julia at Teñong, tapos inihanda over yung medalio kay Teñong Tapos pati yung kunwari ipinabigay yung letter ni Julia kay Teñong, through Lucas. Senaryo 5: Lucas: Aling Julia, narito po ang pinuno nina Deoracias A. Rosario Deogracias A. Rosario ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 17 October 1894. Inumpisahan niyang isulat noong 1915 ang Ang Demokrasya. Noong 1917 naman niyang umpisahang isulat ang Taliba. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento. Mga Akda: 130
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Ako’y Mayroong Isang ibon Ang Dalagang Matanda Manika ni Tadeo Aloha Bulaklak ng Bagong panahon WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw. \"Tapos na ba?\" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas. \"Ngunit, Marcos…\" ang baling uli ng matandang babae sa anak. \"Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una- una'y ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.\" Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae. 131
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan- dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy. Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita. \"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,\" ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin. Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak. \"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,\" ang sabi ng ina. \"Walang pagsalang masasayahan ka roon.\" \"Si Inang naman,\" ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito. Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan 132
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, \"disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan.\" Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka. \"Inang, matalim ba ang itak ko?\" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman. \"Anak ko!\" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. \"Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?\" Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka. Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran. Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa'y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon. Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana- panahon, gaya ng takipan at talinduwa. 133
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan. Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan? Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog. Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y salinwikang nito. Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, \"Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay,\" tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang \"Ang katapat ng langit ay pusalian.\" Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita. At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. 134
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang. \"Marcos, matagal na naman kitang iniibig,\" ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas. Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan. Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko. Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay. Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala. Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, 135
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento pag-agaw ng lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak. Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao. \"Huminahon ka anak ko,\" ang sabi ng kanyang ina. \"Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo.\" Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay. Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama. 136
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili: \"Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya.\" Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda. \"Marcos,\" sabi ng matanda. \"Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?\" \"Huwag ka pong mabahala, Inang,\" sabi ng mabait na anak. \"Nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.\" Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak. \"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?\" Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni Marcos. Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit… Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. \"Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.\" Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung- patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa. 137
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento \"Kailangang maputol ang kalupitang ito!\" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa ni Marcos. \"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?\" ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan. \"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,\" ang nakatawang sagot ng anak. \"Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya,\" ang tila wala sa loob na tugon ng anak. Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila. \"Salamat, anak ko, at dumating ka,\" ang sasabihin na lamang ng matanda. \"Akala ko'y napahamak ka na.\" Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos. Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis 138
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay. Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala. Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw. \"Mapalad na hayop na walang panginoon,\" ang kanyang naibulong. INTERAKTIBONG GAWAIN SANAYSAY. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay batay sa sumusunod na katanungan. • Kung susulat sa unang pagkakataon ng isang maikling kwento, ano ang mga hakbang na nararapat na gawin bilang isang manunulat nito. Bakit mahalaga ang mga ito upang makabuo at makalikha ng kaakit-akit na maikling kwento? 139
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento PASUSULIT PAGPUNA. Panuto: Pumili ng isang maikling kwento na iyong nabasa at suriin ito sa paraang nasa ibaba. I. Pamagat ng Katha May-akda Sanggunian (kung may ginamit) II. Buod III. Mga Tauhan ( ilahad ang kanilang mga katangian) V. Simula VI. Saglit na Kasiglahan VII. Suliranin VIII. Tunggalian IX. Kasukdulan X. Kakalasan XI. Wakas XIII. Aral o Kaisipang napulot sa akda 140
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento PANAPOS NA PAGSUSULIT PAGPUNA. Panuto: Ibigay nang buong husay ang kahulugan ng mga salitang nasa ibaba. 1) Maikling kwento 2) Tauhang bilog 3) Banghay 4) Motif 5) Tema 6) Tuggalian 7) Kasukdulan 8) Linyar 9) Unang panauhan 10) Antagonista 141
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula 142
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula PANIMULA Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng kaisipan ng may-akda. Isang uri ito ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian. Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito ang realidad ng buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad. PANGKALAHATANG LAYUNIN Pagtapos ng modyul 4, dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng dula. 2. Mapag isa- isa ang mga elemento o sangkap ng dula na mahalaga sa epektibong pagbuo nito. 3. Mapagyaman ang iba’t ibang teknik at kagamitang pampanitikan na ginagamit sa pagsulat ng dula. 143
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula PAUNANG PAGSUSULIT Panuto: Isulat sa patlang ang “sang-ayon” kung tama ang pahayag at “di sang-ayon” naman kung mali. ________1. Ang tauhan ay ang mga kumikios at nagbibigay-buhay sa dula. Sa tauhan umiikot ang mga pangyayari, ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula. ________2. Ang tagpuan ay ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula. ________3. Ang intertekstwal na diskarte sa pagtingin ay isang teksto sa pamamagitan ng isang proseso mula sa mga panlabas na aspeto pati na rin ang mga aspeto ng teksto. ________4. Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng kaisipan ng may-akda. Isang uri ito ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. ________5. Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. ________6. Ang diyalogo ay ang usapan sa pagitang ng mga tauhan. Tumutulong ito sa paglalahad ng mga pangyayari sa dula. Upang maging epektibo dapat nagsasaad ng aksyon ang diyalogo at dapat ding bahagi ito ng kwento ng dula. ________7. Ang dula ay isang uri ng panulaan. ________8. Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitang ng panonoood. ________9. Ang sanaysay ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. ________10. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. 144
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitang ng panonoood. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan. Dula - ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo. Ang dula ay isang uri ng makahulugang komunikasyon o ang tinatawag natin sa Ingles na \"Communicative Language\". Ang bawat salita na napaploob sa dula ay makahulugan at ang makhulugang pag-uusap ng tauhan ng dula ay naglalayong ipadama at ipaintindi sa mga manonood. Halos lahat ng mga guro sa Kolehiyo sa Sining ay sumubok na ng iba’t ibang paraan sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura. May mga paraang matagumpay at mayroon din namang hindi. Ngunit sa maraming taon nating pagtuturo ay nakasisiguro tayo na ang ating mga mag-aaral, mapalalaki’t mapababae, maging ano pa man ang kurso o hilig nila sa buhay ay lulukso ang dugo kapag ang paraan ng pagtuturo ay pagtatanghal ng dula. Ang ating mga mag-aaral, saan mang probinsya o lalawigan naggaling, anuman ang kanilang likas na salita o \"dialect\", ay marami ang alam na salita sa wikang Filipino, Ingles, Kastila, Nihonggo o Pranses mula sa pagbabasa at pagsusulat na ating itinuturo sa silid-aralan. Ngunit alam ba nila ang kahulugan ng mga salitang ito kapag ginamit na sa tunay na buhay? Ang pagtatanghal ng dula ang magbibigay sa mag-aaral ng tunay na kahulugan ng 145
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula bawat salitang galing sa kahit ano pa mang wika na nakaukit sa kanilang isip. Kahit sino ay maaring gumanap o maging bahagi ng isang dula. Ito ay totoo. Kahit sino ay nangarap kahit minsan na mapag-ukulan ng pansin ng mga manonood o nakikinig. Itaga ninyo sa bato - walang sinisino ang dula. Paano tayo makapagsisimula sa pagtatanghal ng isang dula? Ano ang paraan nating gagamitin upang mahikayat natin ang mag-aaral na magtanghal ng dula sa silid-aralan? Una: Alisin natin ang tensyon, inhibisyon, at pangamba sa ating mag-aaral sa klase. Dapat rin nating alamin ang kanilang natatanging talento. Ipadama natin sa ating mga mag-aaral na ang guro ay tao ring katulad nila–humahalakhak, lumuluha, natutulog, kumakain, at kung minsan ay nagagalit. Kailangang matanto ng ating mag-aaral na ang kanilang guro ay totoong tao, hindi tuod at hindi diktador. Isaisip nating mga guro na ang silid-aralan ay isang laboratoryo ng mga karanasan sa buhay. Sa laboratoryong ito ang ating mga mag-aaral ay maaring matuto sa kanilang mga pagkakamali ng walang kaparusahan. Gawin nating isang malaking grupo ang ating mga mag-aaral at patunayan natin na tayo ay kaisa ng grupo. Sa mga paaralang ang mga mag-aaral ay hindi likas na nagsasalita ng wikang ginamit sa dula, malaking tulong para sa kanila na magsanay sa pagasasalita ng malinaw, malakas, at walang pangamba o alinlangan. Kung ang mag-aaral ay matutong magsalita nang malinaw at walang pangamba at alinalangan sa loob ng klase, magkakaroon siya ng magandang personalidad. Ito ay magiging simula ng pagiging panatag ang loob ng mag-aaral sa pagharap niya sa mga bagay-bagay sa pang araw- araw na buhay. Pangalawa: Sa pagpili ng dulang itatanghal sa silid-aralan, tiyakin natin na ito ay malapit sa puso ng ating grupo at may kaugnayan sa paksa o tema na dapat talakayin 146
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula sa silid-aralan. Ang diyalogo ay simple at makahulugan sa bawat buhay ng gaganap at manonood na mag-aaral. Maaring pumili tayo ng isang simple, malungkot o masayang dula na angkop sa pang araw-araw na buhay ng mag-aaral. Makabubuting magtanghal tayo ng isang dula na may isang tagpo. Sa simula ay hayaan nating basahin ng mag- aaral ang dula. Alamin nila ang kahulugan ng mga salita, ayon sa sitwasyong ibinibigay ng dula. Bilang tulong sa paghahanda ng dula, magbigay ng sapat na panahon sa pagtalakay nito. Magbigay ng ilang katanungan: 1. Bakit isinulat ang dula? 2. Ano ang ibig iparating ng may-akda? 3. Nais ba lamang ng may-akda na maglarawan ng buhay-buhay sa isang lugar? 4. Sinu-sino ang mga tauhan? 5. May kilala ba tayong tulad nila sa tunay na buhay? 6. Kailan at saan nangyari ang dula? Ang lahat ng ito ay dapat munang talakayin ng mga mag-aaral bago magsanay ng kanilang bahagi o gagampanan sa dula. Sa pagsasanay ay napakahalaga ng paraang pagsasalita at pakikinig. Ito ay isang paraang magbigay kahulugan sa mag-aaral ng bawat salita sa dula. Narito ang proseso ng Pagsasalita at Pakikinig. Ang aktor na magsasalita ay siya lamang titingin sa iskrip. Babasahin niya ang iskrip nang tahimik at pagkatapos ay titingin siya sa kanyang kausap. Lahat ng kanyang matatandaan ay sasabihin niya sa kanyang kausap. Ang nag-uusap ay kinakailangang magtinginan at hindi nagbabasa ng iskrip. Dahil kung ang isang aktor ay nagbabasa, mas naririnig niya ang kanyang sarili kaysa sa kanyang kausap. Ang aktor ay kinakailangang makinig upang maintindihan niya ang nilalaman ng diyalogo ng kanyang kausap. Sa ganitong paraan ay magkakaroon siya ng ideya kung paano siya sasagot. Ang lahat ng gumaganap sa iba 147
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula pang tauhan ng dula ay dapat makinig sa nagsasalita at hindi nagbabasa ng iskrip. Maaari lamang tumingin sa iskrip kung tapos na ang nagsasalita. Kung hindi tayo makikinig, hindi natin matatanto kung ano ang ating isasagot. Magsanay tayo: Narito ang mga diyalogo ng dula sa Inulilang Tahanan. 1. “Ang mundo ay isang teatro…” - Shakespeare Dula - Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” nanangangahulugang gawino ikilos.pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas satanghalan. Ang dula ayon kay: Aristotle Ito ay isang imitasyono panggagagad ngbuhay. Ang dula ayon kay: Rubel Ito ay isa sa maramingparaan ng pagkukwento Ang dula ayon kay: Sauco Ito ay isang uri ng sining na maylayuning magbigay ng makabuluhangmensahe sa manonoodsa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito. Ang dula ayon kay: Schiller at Madame De Staele Ito ay isang uri ng akdangmay malaking bisa sa diwaat ugali ng isang bayan. Kahalagahan ng Dula: ◼ Gaya ng ibang panitikan,karamihan sa mga dulangitinatanghal ay hango satotoong buhay. ◼ Inaangkin nito ang lahat ngkatangiang umiiral sa buhaygaya ng mga tao at mgasuliranin. ◼ Inilalarawan nito ang mgadamdamin at pananaw ng mgatao sa partikular na bahagi ngkasaysayan ng bayan. 148
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Mga Sangkap ng Dula ◼ Tauhan - Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula. ◼ Tagpuan - Ang panahon at pookkung saan naganap angmga pangyayaringisinasaad. ◼ Sulyap sa Suliranin- Sulyap sa SuliraninPagpapakilala sa problemang kwento. Pagsasalungatanng mga tauhan, o kaya’ysuliranin ng tauhan na sariliniyang likha o gawa. ◼ Saglit na Kasiglahan - Saglit na KasiglaanIto ay ang saglit napaglayo o pagtakas ngmga tauhan sa suliraningnararanasan. ◼ Tunggalian - Maaaring sa pagitan ng mgatauhan, tauhan laban sa kanyangpaligid, at tauhan laban sa kanyangsarili; maaaring magkaroon ng higitsa isa o patung- patong natunggalian. ◼ Kasukdulan - Sa puntong ito nasusubok angkatatagan ng tauhan. Ditopinakamatindi at pinakamabugsoang damdamin o angpinakakasukdulan ng tunggalian. ◼ Kakalasan - KakalasanAng unti-unting pagtukoysa kalutasan sa mgasuliranin at pag-ayos samga tunggalian. ◼ Kalutasan - KakalasanAng unti-unting pagtukoysa kalutasan sa mgasuliranin at pag-ayos samga tunggalian. ◼ Kalutasan - Dito nawawaksi atnatatapos ang mgasuliranin at tunggaliansa dula. Mga Elemento ng Dula ◼ Iskrip o Banghay - Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskripnakikita ang banghay ngisang dula. 149
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula ◼ Aktor o Karakter - Ang nagsisilbing tauhanng dula at nagsasabuhaysa mga tauhan sa iskrip. ◼ Dayalogo - Ang mga bitaw na linya ng mgaaktor na siyang sandata upangmaipakita at maipadama angmga emosyon. ◼ Tanghalan - Ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalanng isang dula. ◼ Tagadirehe o direktor - Siya ang nag-i-interpret sa iskripmula sa pagpasya sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhanhanggang sa paraan ng pagganapat pagbigkas ng mga tauhan. ◼ Manonood - Saksi sa isang pagtatanghal.Hindi maituturing na dula angisang binansagang pagtanghalkung hindi ito napanood ng ibangtao. ◼ Tema - Ito ang pinakapaksa ng isangdula. Bahagi ng Dula ◼ Yugto (Act) - Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatangpaghahati sa dula. ◼ Tanghal-eksena (Scene) - Ang bumubuo sa isang yugto. Ito aymaaaring magbadya ng pagbabagong tagpuan ayon sa kung saangaganapin ang sususnod napangyayari. ◼ Tagpo (Frame) - Ito ay ang paglabas at pagpasok ngkung sinong tauhang gumanap ogaganap sa eksena. Mga Uri ng Dula ◆ Komedya - Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay. 150
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176