Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula ◆ Trahedya - Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida. ◆ Melodrama o “Soap Opera” - Kapag magkahalo naman ang lungkot atsaya, at kung minsan ay eksaheradoang eksena, sumusobra ang pananalitaat ang damdamin ay pinipiga para lalongmadala ang damdamin ng mga nang silaay maawa o mapaluha sa nararanasanng bida. ◆ Parsa - Kapag puro tawanan at walngsaysay ang kwento, at ang mgaaksyoon ay puro “Slapstick” nawalang ibang ginawa kundimagpaluan at maghampasan atmagbitiw ng mga kabalbalan. ◆ Parodya - Kapag mapanudyo, ginagaya angkakatwang ayos, kilos, pagsasalita atpag-uugali ng tao bilang isang anyo ngkomentaryo, pamumuna o kaya aypambabatikos na katawa-tawa ngunitnakakasakit ng damdamin ngpinauukulan. ◆ Proberbyo - Kapag ang isang dula ay maypamagat na hango sabukambibig na salawikain, angkwento ay pinaiikot dito upangmagsilbing huwaran ng tao sakanyang buhay. Dula bilang sining at agham Sining - May sining sapagkat ang kaisipan atdamdamin ng tao, ang mgapangyayari sa kanyang buhay, angkanyang pagkilos, kaanyuan,pagsasalita at pag-unlad – tagumpayman o kabiguan – ay isinusulat atitinatanghal sa malikhain, maanyo atmakulay na paraan. Agham “Ang agham ng dula ay siya namang nagtuturosa atin ng pagyari ng isang akdang pandulaano paghahanda baga ng akdang tatanghalin,pagpili ng paksa, pagahahanda ng balangkas,paglikha ng tauhan at pagbibigay ng buhay sapaksang napili na umaalinsunod sa …paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan okakalasan.” - Julian C. Balmaceda 151
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Dula sa Panahon ng mga: 1. Senakulo - Ito ay tradisyonal napagsasadula ng mgapangyayari hinggil sa mgadinanas ni Hesukristo bago atpagkaraang ipako siya sakrus. 2. Panuluyan - Dulang itinatanghal salansangan at nagpapamalasng paghahanap ngpansamantalang tirahan ninaMaria at Jose doon sa Bethlehem. 3. Salubong - Ito ay isang prusisyon naginaganap sa madaling-araw ng Linggo ngPagkabuhay. 4. Tibag - Pagsasadula ito tungkolsa paghahanap ni ReynaElena sa nawawalangkrus na pinapakuan kayJesus. 5. Ang Komedya o Moro-Moro - Ang banghay nito aynatutungkol sapaglalabanan ng mgaKristiyano at mga “Moro” oMuslim. 6. Ang Sarswela - Ito ay isang dulang may kantahanat sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman samga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Dula sa Panahon ng mga Hapon Dalawang uri ng dula ◼ Legitimate plays - Ito ay binubuo ng mgadulang susmusunodsa kumbensyon ngpagsulat atpagtatanghal nito. ◼ Illegitimate plays - Kabilang dito ang mgastageshows.Ang stageshow ay kombinasyonng mga pagpapatawa, musika,mga sayaw at dulashows. Kontribusyon sa Panitikang Pilipino Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ngating tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ngmga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino. 152
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula TATLONG BAHAGI NG DULA 1. YUGTO – Ang bahging ito ang ipinanghahati sa dula. inilaladlad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood. 2. TANGHAL – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan. 3. TAGPO – Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula. Mga Uri ng Dula: 1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan 2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo 3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi 4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa 5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito ANG PAGBABASA NG DULA Ang pagbabasa ng dula ay iba sa pagbabasa ng maikling kwento o nobela. Sa dula ay walang gaanong paglalarawan ng tagpuan o mga tauhan, sa halip, ang kabuuan ng dula ay isinasalaysay sa pamamagitan ng diyalogo at direksyong pantanghalan. 153
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Bago basahin ang dula ay kinakailangang isagawa muna ang mga sumusunod na hakbang: 1. Pagtiyak ng Layunin. Subuking sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1) Anu- ano ang mga katangian ng mga pangunahing tauha at anu-ano ang kaugnayan nila sa isa’t isa?; 2) Ano ang pangunahing tunggalian at paano ito nalutas?; 3) Ano ang tema ng dula? 2. Pahapyaw na pagbasa. Humanap ng mga palatandaan tungkol sa dula tulad ng: a. Ang pamagat at ang sumulat nito b. Ang mga tauhang bumubuo sa dula c. Ang pangkalahatang tagpuan d. Ang bilang ng mga pahina, mga yugto at mga tagpo e. Iba pang karagdagang kaalaman, mga larawan o ilustrasyon 3. Magplano. Gamitin mo sa mga kaalamang nabatid tungkol sa dula para sa masusing pagbasa nito. Ang pinakamabuting estratehiya ay ang paglilikom ng tala o pagpapagana ng imahinasyon sa direksyong pantanghalan at kilos. HABANG NAGBABASA 1. Bumasa nang may itinakdang layunin. Sikaping sagutan ang mga katanungang inilahad bago bumasa. 154
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula 2. Iugnay ang binabasa sa sarili. Bigyan ng panahon ang sariling makapagbulaybulay tungkol sa iyong binasa. Isulat ang iyong mga iniisip o itala ang ilang mahahalagang puntos tungkol sa iyong damdamin ukol sa ilang tauhan at sa dula sa kabuuan. PAGKATAPOS BUMASA 1. Huminto at magnilay. Alamin kung sapat na ang kaalaman tungkol sa dula. Itanong sa sarili ang mga sumusunod; a. Mailalarawan ko ba ang mga pangunahing tauhan? b. Mailalahad ko ba ang pangunahing tunggalian sa dulat at maibubuod ang banghay nito? c. Ano ang pangunahing mensahe, o tema, ng dula? d. May mga bahagi ba ang dula na nakalilito sa akin? 2. Basahing muli ang dula. Pagtuunan ang mga piling bahagi ng dula. Maaaring isa itong eksena o usapan na nahirapan kang unawain. 3. Tandaan. Kung minsan nagbabasa ka ng dula upang maaliw lamang. Subalit, may pagkakataong aatasan ka ng iyong guro na gumawa ng ulat o papel tungkol dito. Mahalagang matandaan mo ang iyong binasa o anumang bahaging nakapukaw ng iyong interes. Tuon sa Tema 1. Alamin ang mahahalagang kaalaman o paksa ng dula 155
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula 2. Alamin ang sinasabi ng tauhan na kauganay sa pangunahing paksa. 3. Bumuo ng isang pangungusap tungkol sa pananaw ng may-akda o mensahe tungkol sa paksa. Tuon sa Wikang Ginamit 1. Alamin ang mga pangunahing linya o talumpati sa dula. 2. Alamin ang direksyong pantanghalan. 3. Alamin ang nilalaman ng dula batay sa diyalogo at ang kaugnayan nito sa mga tauhan, banghay o tema. Mga Elemento / Sangkap ng Dula 1. Tauhan – ang mga kumikios at nagbibigay-buhay sa dula. Sa tauhan umiikot ang mga pangyayari, ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula. 2. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula. 3. Banghay – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. 4. Diyalogo – ang usapan sa pagitang ng mga tauhan. Tumutulong ito sa paglalahad ng mga pangyayari sa dula. Upang maging epektibo dapat nagsasaad ng aksyon ang diyalogo at dapat ding bahagi ito ng kwento ng dula. 156
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Aralin 1 Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikan Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Napag iisa-isa ang mga teknik at kagamitang pampanitikan na makatutulong sa pagbasa at pagsulat ng dula 2. Natutukoy ang kahulugan ng intertekstwalidad at konseptwalisasyon ng metodo o paraan. TAYO NA’T TALAKAYIN! Sa pagsulat at pagbuo ng dula ay mayroong mga teknik at kagamitang pampanitikan na maaaring gamitin ng isang mandudula o manunulat upang higit na malikhain ang pagsulat nito sa gagawing akda. Isa sa mga teknik na karaniwang ginagamit at patuloy na nagiging pamamaraan ng manunulat ay ang 1.intertekstwalidad at; 2.konseptwalisasyon. INTERTEKSTWALIDAD Mula sa salitang intertekstwal, ito ay isang diskarte sa pag-unawa sa isang teksto bilang isang insersyon mula sa iba pang mga teksto. Ipinapalagay ng intertekstwal na diskarte na ang isang teksto ay hindi tumatayo ng nag-iisa. Sa pamamaraang ito, maraming mga prinsipyo ang itinatag: 1. Ang intertekstwal na diskarte sa pagtingin ay isang teksto sa pamamagitan ng isang proseso mula sa mga panlabas na aspeto pati na rin ang mga aspeto ng teksto. 157
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula 2. Ang isang teksto ay hindi rin maihihiwalay sa mga motibo ng may-akda 3. Ang iba pang mga teksto na siyang pinagmulan ay bumubuo ng isang nasuring teksto batay sa mga motibo ng may-akda. 4. Ang intertekstwalidad ay nakikita din na ang mga teksto ay nabuo batay sa nakasulat at hindi nakasulat na mga mapagkukunan. Ang pamamaraang ito ng manunulat sa pagbuo ng dula ay ang paggawa lamang ng mahalagang kontribusyon sa iba’t ibang mga pag-aaral, tulad ng sa pag-aaral ng musika, pag-aaral sa panitikan, sa pag-aaral ng teolohiko at iba pang mga pag-aaral. Ang paghubog ng kahulugan ng isang teksto sa pamamagitan ng iba pang teksto. 1. Alusyon - Pamamaraang panretorika uri ng ng alusyon: heograpiya, bibliya, mitolohiya, literatura at kulturang popular. 2. Quotation - Pagbanggit ng pahayag ng ibang tao. 3. Parody - Komikal na imitasyon ng ibang akda. Akdang ginagaya ay ginagawang katawa-tawa. 4. Pastiche - Imistasyon ngunit hindi minamaliit o ginagawang katawa tawa. 5. Obligatori - Pag hahambing o asosasyon ng dalawa o higit pang teksto. 6. Opsyonal - Ang kaalaman sa isa pang teksto ay maaaring makatulong sa pagunawa sa tekstong binabasa. 7. Aksidental - Pag uugnay sa iba pang teksto batay sa kultura o karanasan. Ang pag uugnay na ito ay batay sa dating kaalaman ng mambabasa. KONSEPTWALISASYON Ang kakayahang mag-imbento o bumalangkas ng isang ideya o konsepto. Ang pang-konseptuwal na yugto ng isang proyekto ay nangyayari sa unang aktibidad na disenyo kapag ang saklaw ng proyekto ay drafted at isang listahan ng mga nais na mga tampok na disenyo. 158
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Ang pag-iisip ng maaga tungkol sa konseptwalisasyon ng isang proyekto ay makakatulong sa isang mandudula upang mahulaan kung ito ay nagkakahalaga ng pagsubok. Ang konseptuwalisasyon ng pelikula at hindi magsisimula hanggang alam namin nang eksakto kung ano ang magiging hitsura ng lahat ng bagay. Ang pag-isip ng maaga tungkol sa Konseptisisyonisyon ng isang proyekto ay makakatulong sa iyo upang mahulaan kung ito ay nagkakahalaga ng pagsubok. Kapag naisip ko ang lugar na ito, hindi ako makakakuha ng isang larawan ng ito sa aking ulo kahit na alam ko ang mga sukat at lokasyon ng mga item, wala akong konseptwalisasyon nito. Interaktibong Gawain Panuto: Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi, sagutin ang sumusunod na tanong at ilahad ito sa klase. • Bakit mahalagang gamitin ang intertekstwalidad at konseptwalisasyon bilang mga teknik at kagamitang pampanitikan na ginagamit sa pagsulat at pagbuo ng dula? Pagsusulit SANAYSAY. Panuto: Ipaliwanag ang pagkakaiba ng intertekstwalidad at konseptwalisayon, at isulat ito ng hindi hihigit sa limang talata. 10pts. 159
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Aralin 2 Mga Halimbawang Teksto ng mga Batikan / Kilalang Lokal o Banyagang Mandudula Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Napag iisa-isa ang mga batikan o kilalang lokal at banyagang mandudula. 2. Nabibigyang halaga ang mga halimbawang teksto ng mga mandudula. Tayo Na’t Talakayin! EPIFANIO G. MATUTE Siya ay isang manunulat ng dulang itinatanghal sa wikang Filipino.Siya ay isang reporter para sa Mabuhay sa ilalim ng DMHM (debate, Lunes Mall, Herald, Mabuhay). Siya ay isang editor para sa Sampaguita, Mabuhay, at Pagsilang. Siya rin ang contributed sa Liwayway at Malaya. Ang kanyang play Kuwentong Kutsero ay ang kanyang pinaka-tanyag na trabaho, at siya ang naging pangunahing manunulat ng dulang itinatanghal madula Pilipinas 's sa ilalim ng direksiyon ni Narciso Pimentel, Jr. 160
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Ang Pulubi Ni Epifanio G. Matute Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang araw. Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “ Gandang araw po naman… May kailangan ho ba kayo? Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako… Maawa na kayo sa pobreng pulubi… Cruz: Pur bida… Mal-akas man sang pul-ubing ito… bat-a-pa… Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama… Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy… Ke-lakas-lakas ko ngang kumain! Cruz: Pur bida!… Kung malas-as kay-ong ga-kaon… Baki-t hind-I may kay-u-ga- trabahar? Wal-a man kay-ung sak-it? Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit… Kaya ako malakas kumain e! Tony: O, e gano’n pala… bakit hindi kayo magtrabaho?… Pulubi: E… alam ninyo… Masam pos a akin ang mag-trabaho e… Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?… Aba, bakit ho naman? Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Napapagod po ako e. Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod? Pulubi: Alam ko, Totoy… Pero, pag napapagod ako… lalo akong lumalakas kumain! Cruz: ay pu bida!… Mi kat-wiran man sya! Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!.. Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad… ang gusto ko lang trabaho …e yong walang ginagawa! 161
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Terya: Walang ginagawa?… Aba naku… e meron ho ba naming trabahong.. walang ginagawa? Pulubi: Aba meron po, Aling ano… meron po Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon? Pulubi: Saan po ho!… sa Kongreso! Tony: Sa Kongreso?… Aba… marami hong ginagawa ang mga Kongresista! Pulubi: Wala po… pasyalan lamang sila nang pasyalan… Cruz: Purbida!… ano man ang ibig mong sabihon… gapasyal lam-ang sila? Pulubi: E, hindi po ba… panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?… Yon po ang ibig kong trabaho… Junior: Ayoooon… E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso? Pulubi: Hindi maaari, Totoy… Hindi ako pwede Terya: At bakit naman hindi? Pulubi: Maski naman po ako ganito… honest po ako!… Ayokong manloko! Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko! Terya: Aba naku… ano bay an?… Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa Kayo? Tony: O bweno… Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang pagbabasa) Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e… wala yata akong barya e… (Babaling sa pulubi) Este… tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama? Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e… komporme ho sa bigas… Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida… dilikado man sang pulubing itu! Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko… Maski na ako ganito e… Hindi po ako basta-basta pulubi! Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto 162
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula ninyo? Pulubi: (Babaling kayn Tony) Hindi naman ho ako delikado…Maski na…elon-elon na lang! Terya: (Pataka)Elon-elon?… Aba, naku… E, Naric! Lang ho ang bigas naming e…! Pulubi: Naric?… Ay naku… Huwag na ho! Maraming salamat ho. Junior: Bakit ho?… Anong diperensya ng Naric? Pulubi: Ay naku, Totoy… Sa tanang buhay ko… hindi pa ako tumitikim ng Naric! Tony: Bakit ho naman?… Masarap naman ang bigas-Naric… medyo nga lang malagkit… Pulubi: Hindi ho malagkit… Ma-racket! Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e… Bigyan na lang ng pera… nang matapos na ang salitaan! Terya: O sya hala… Pero… wala akong barya e… (Babalingan si Junior) Meron ka ba riyan, Junior? Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?… ay walang laman ang bulsa ko kundi… butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?… Abonohan mo muna… Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e… Teka (Titindig sa pagkaupo at lalapitan si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz? Cruz: Ha?… Ay pur bida… maski saan ga-umpisar… sa akon man ga tapos! PASKO - Dula-dulaan Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales Unang Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay) 163
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.” Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko. Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak. Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon Pangalawang Tagpo (Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.” Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.) Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon 164
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Pangatlong Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin) Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.) Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.” Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.” Anak 3: “Gutom na nga ako eh.” Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan) Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.” Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon 165
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Mga Tauhan: Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero Wilfredo Ma. Guerrero ◼ Pinanganak noong Enero 22, 1911- Abril 28, 1995 ◼ Walang pormal na pag-aaral tungkol sa teatro ◼ Siya ang nagtayo ng dulaan sa Unibersidad ng Pilipinas. Ilan sa popular niyang mga dula ay ang mga sumusunod: ⚫ Half an hour in the Convent ⚫ Hate Begins ⚫ Forsaken House ⚫ Women are extraordinary 166
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Mga Parangal : ◼ Rizal Pro-Patria Award for Drama, 1961 ◼ Patnubay ng Sining at Kalinangan Award for Drama, 1969 ◼ Republic Cultural Heritage Award for Literature, 1972 ◼ Ateneo de Manila University's Tanglaw ng Lahi, 1981 ◼ Aliw Hall of Distinction Award for Playwriting, 1982 ◼ Diwa ng Lahi Award, 1985. ◼ Unang Gawad CCP Para Sa Sining for theater, 1989 Noong 1976, ipinangalan sa kanya ang isang teatro sa Kolehiyo ng Agham at Sining sa UP. Severino Montano ◼ Nagtataag ng Arena Theater sa P.N.C ◼ Nagtapos sa Yale Drama Workshop Ilan sa popular niyang mga dula ay ang mga sumusunod: • My Brother Cain • The Land My Fathers Loved • Thru Hopeless Years • The Merry Wives of Manila • Lonely is My Garden • Portrait of An American • The Ladies and the Senator • Sabina • The Love of Leonor Rivera 167
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Nick Joaquin ◼ Nicomedes Márquez Joaquín- Quijano de Manila ◼ manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ◼ Ang kanyang mga mahabang dulang binunuo ng 115 dahon ay napalabas na sa iba't ibang malalaking teatro sa maynila. Ito ay ang \"A Portrait of the Artist as Filipino\" Alberto Florentino ⚫ Pinakabata at pinakapopular na manunulat ng dula. ◼ The World is an apple ◼ Cadaver ◼ The Dancer ◼ Cavort with Angels ◼ Oli Impan 168
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Wilfredo P. Nolledo ◼ Goodbye my Gentle ◼ Paloma ◼ Turn Red the Sea ◼ Th Legend of the Filipino Guitar ◼ The Incommonicados ◼ Amour Impossible Interaktibong Gawain Panuto: Bumuo kayo ng limang grupo at umisip kayo ng isang dulang pinalabas sa Pilipinas na sa tingin niyo ay nag papakita ng pag mamahal sa Pilipinas Pagsusulit PAGPUNA. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa iyong sariling pang unawa. 1. Naging malaki bang ambag ang mga nagawa nilang dula? Ipaliwanag? 2. Kung ikaw ay gagawa ng isang dula para sa ating bansa ano ng titulo ang nais mong ibigay at bakit? 3. Ilang sa mga huling mandudula ay naging popular sa ibang bansa sa iyong palagay ayun sa kanyang mga titulo bakit sila naging popular? 169
Modyul 4 Pagbasa at Pagsulat ng Dula Panapos na Pagsusulit SANAYSAY. Panuto: Mula sa tinalakay sa ikaapat na modyul, sumulat ng sanysay na naglalaman ng iyong mga natutuhan sa dalawang araling tinalakay. Isulat ito na hindi bababa sa anim na talata. (15pts.) 170
MODYUL 1 Pagsusulit 7. C Paunang Pagsusulit 1. Pagsulat 8. B (Sariling Sagot) 2. Malikhain 9. B 3. Malikhain 10. C Aralin 1. 4. Pagsulat Aralin 4 1. Malikhaing 5. Malikhain 1. A. Pagsusulit 6. Pagsulat 2. B. 2. Malikhaing 7. Pagsulat 3. B. Pagsusulit 8. Malikhain 4. A. 3. Pagsulat 9. Malikhain 5. B. 4. Reperensyal 10. Malikhain 6. A. 5. Pansariling Tala 7. B. 6. Propesyunal Aralin 3 8. A. 7. Teknikal 1. B 9. C. 8. Akademik 2. C 10. C. 9. Journalistik 3. A 11-20. (Sariling sagot) 10.Creative Writing 4. B 5. A Panapos na pagsusulit Aralin 2 6. A (Sanaysay) Interaktibong Gawain: (Sariling sagot) 171
MODYUL 2 1. A. 2. Malayang Paunang Pagsusulit 2. B. taludturan 3. B. 1. B. 4. D. 3. Prosing tula 2. C. 5. B. 4. Paggamit ng 3. B. 6. D. 4. C. 7. A. tipograpiya 5. D. 8. B. 5. Performance poetry 6. A. 9. D. 6. Tanaga 7. A. 10. C. 7. Dalit 8. B. 8. Haiku 9. C. Aralin 2 9. Tono 10. B. Pagtukoy sa may akda at 10. Tula Aralin 1 sa kanyang isinulat. 11.Jose Rizal Panapos na pagsusulit 12.Marcelo H. Del 1. Kumbersyunal na Pilar tula 13.Amado V. Hernadez 14.Francisco Baltazar 15.Lope K. Santos 172
MODYUL 3 6. 10. B. Paunang pagsusulit 7. Aralin 2 1. 1. A 2. 8. 2. C 3. 3. B 4. 9. 4. B 5. 5. A Aralin 1 6-10 Sanaysay 1. A. 2. B Aralin 3 3. D Pagpuna/pagsusuri 4. A. 5. A. Panapos na pagsusulit 6. C. Pagpuna/kahulugan 7. A. 8. B 9. A. 173
MODYUL 4 Paunang pagsusulit (Sariling sagot) Aralin 1 Sanaysay Aralin 2 Pagsusuri Panapos Pagsusulit Sanaysay (Mga natutunan) 174
Talasanggunian ◼ Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino. 33 Acebo St., Marulas Valenzuela, Metro Manila: 24K Printing Co, Inc.,1989Rubin, Casanova, Gonzales, Marin, Semorlan.Panitikan sa Pilipinas. 856 Nicanor Reyes, Sr. St., Manila, Philippines: ◼ Rex Book Store, Inc., 2001Arrogante, Jose A. Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino. 58 Kalayaan St., Diliman, Quezon City: National Book Store, Inc., ◼ 1991http://iamcarlitorobin.wordpress.com/2011/10/05/ang-makulay-na- mundo-ng- dula/http://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-dulang-pilipino-sa-panahon- ng. ◼ htmlhttp://www.scribd.com/doc/100492107/Filipino-505-Katuturan-Ng- Dulahttp://www.scribd.com/doc/34412025/Dula 56 Free powerpoint template: www.brainybetty.com ◼ https://www.google.com.ph/search?hl=en&sxsrf=ALeKk03zQVTeLPGAdN40eTQY3 n8oeqVdkw%3A1590055214394&source=hp&ei=LlHGXoDSFYSsoATE3KhQ&q=m alikhaing+pagsusulat&oq=malik&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgQIIxAnMgUIABC RAjIFCAAQkQIyAggAMgUIABCDATIFCAAQgwEyAggAMgIIADICCAAyAggAULIV WKocYJUsaABwAHgCgAHGBYgBqhWSAQkzLTEuMC4zLjGYAQCgAQGqAQdnd3 Mtd2l6&sclient=psy-ab ◼ https://brainly.ph/question/2033201 ◼ https://quizlet.com/218067639/fil-3-flash-cards/ ◼ https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Malikhaing_pagsusulat ◼ https://brainly.ph/question/1539005#readmore ◼ https://brainly.ph/question/1112393#readmore ◼ https://brainly.ph/question/672469#readmore ◼ https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Paglalarawan ◼ http://mamsha.tripod.com/id35.html ◼ https://quizlet.com/318914583/paglalarawan-5-flash-cards/ 175
◼ http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na- pagpapahayag.html?m=1 ◼ http://ranieili2028.blogspot.com/2011/10/ang-paggamit-ng-tayutay.html?m=1 ◼ Sanchez, Remedios A. et. al., (2014), Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Unlimited Books Library Services & Publishing Inc., Manila ◼ Cruzado, Cryzalyn et. al., (2019), Panunuring Pampanitikan, Olimpia Publishing House, Taytay, Rizal ◼ Mortera, Melvin Orio (2011), Komunikasyob sa Akademikong Filipino, Trinitas Publishing, Inc., Quezon City 176
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176