Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula b. Dalit c. Soneto d. Ambahan 7. Ayon sa kanya “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.” a. Alejandro G. Abadilla b. Julian Cruz Balmaceda c. Severino Reyes 8. Ayon naman sa kanya “ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan – ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.” a. Alejandro G. Abadilla b. Julian Cruz Balmaceda c. Inigo Ed. Regalado 9. Ayon naman sa kanya “ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.” a. Alejandro G. Abadilla b. Julian Cruz Balmaceda c. Inigo Ed. Regalado 10. ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, naglalahad at natuturan. a. Tema b. Tono 51
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula c. Diwa d. paksang diwa 52
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Aralin 1 Mga Elemento / Sangkap ng Tula TIYAK NA LAYUNIN Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang iba’t ibang elemento o sangkap ng tula 2. Nababatid ang kahulugan at kahalagahan ng tulla 3. Napag-iisa isa ang mga teknik at kagamitang pampanitikan – mga halimbawang teksto ng mga batikan o kilalang local at banyagang makata Tayo Na’t Talakayin! Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig. Matalinhaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat at kung minsan ay maikli o kaya naman ay mahaba. Ang Tula Pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa damdamin Makata May mayamang imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na kaisipan 53
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Ang mahusay na tula… • May larawang diwa • Gumigising ng damdamin at kamalayan • Pinapagalaw ang guniguni ng mambabasa 1. Tugma - Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari, Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati A. Tugmaang Patinig - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig B. Tugmaang Katinig - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y 2. Sukat - Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang lahat ng ito / maawaing langit, Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis? Wala ka ng buong / katwiran at bait, Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit. 3. Paksa/Kaisipan - Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating 54
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Halimbawa: “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak. 4. Talinghaga - Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula 5.Imahen o Larawang-diwa - Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan 6.Aliw-iw - Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula 7.Persona - Tauhang nagsasalita sa tula Ang tula ay isang awit Nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o ritmo Mga Esensyal na Elemento o Sangkap 1. Tema – ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba. 2. Tono – ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, naglalahad at natuturan. Mga Elemento ng mga Tiyak na Anyo 1. Kumbensyunal na Tula – ang salitang kumbensyunal ay nangangahulugang kaugalian, tradisyunal o matagal nang ginagawa batay sa tanggap na tuntunin at pamantayan. Halimbawa ng ganitong uri ng tula ay Diyona, Tanaga, Dalit, Ambahan, Soneto, at Haiku. 55
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula • DIYONA – binubuo ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig at may kabuuang dalawampu’t isang pantig. Ang tulang ito ay manorima o may isahang tugmaan [ a-a-a ]. Halimbawa: Makalapnos ang araw Bigla’y buhos ng ulan “Kasal ba ng bakulaw?” • TANAGA – may apat na taludtod at bawat isa’y may tigpipitong pantig. Mayroong kabuuan ng 28 pantig. Manorima ang mga unang tanaga, ngunit sa kasalukuyan mayroon nang tugmaang a-b-a-b, a-b-a-a at a-b-b-a Halimbawa: Tukal Na Batis Kay ganda nitong tukal Na sagupo ng batis Na pangarap kong hagkan Kahit nilang sa putik • DALIT – mayroong apat na taludtod na may tigwawalong pantig at may kabuuang 32 pantig. Ginagamit ito sa awiting-bayan, ilang pasyon, awiting kaugnay sa pananampalataya at pagluluksa. Halimbawa: Nasaan na’ng iyong irog? Kulasising may himutok Galugad mo’y gubat sa bundok Tinangisa’y isang tuod • AMBAHAN – may pipituhing sukat sa hindi limitadong bilang ng taludtod. Maaaring gamitin sa salaysay na patula, ito’y binibigkas nang paawit na walang melodiya o akampaniya. Halimbawa: Katoto kong matalik Saan ka ba nanggaling Sa baybayin bang gilid Nasunson ba ang batis 56
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Kung sa bukal ng bukid Halina at magniig Sa kwentuhan mong ibig Di-kilala ma’t batid Makapiling ka’y lirip • SONETO – anyo ng tulang Italyano na nagging popular sa Inglatera at Amerika. Binubuo ng tatlong quatrain (apat na taludtod bawat saknong) at may isang kopla o couplet (dalawang taludtod) kaya’t sa kabuuan mayroong labing-apat na taludtod. Halimbawa: Soneto Para Sa Makatang Makabayan Ni Ron De Vera Kung wika ang sandata at tugmaan ang digma Gawan ng sarswela ang aping magsasaka Kuwento ang buhay ng nasa selda At ipagbalagtasan ang tunay na paglaya Kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma Sumulat ng tula para sa mga nawawala Gawan ng dalit ang pinatay na walang aba At bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka Kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan Pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan Ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan Makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan Ang obra mo ngayo’y di nalang pang libangan makata ng bayan, ngayon ay lumaban! • HAIKU – tulang Hapones na binubuo lamang ng tatlong taludtod. 5-7-5 ang bilang ng pantig, walang titulo, opsyunal at bihira lamang ang tugma. Ang 57
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula paksa ng sinaunang haiku ay kalikasan at pagpapahiwatig ng panahon, taglamig, tagsibol, tag-araw at taglagas. Sa ngayon, maaari nang paksain ang isyung napapanahon. Halimbawa: Inaantok Wala na ‘kong maisip Pipikit saglit 2. Malayang Taludturan – isang tula na isinusulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat. Ito ang makabagong kayarian ng tula ng mga tulang walang sukat at tugma. Ito ay tinatawag na Free Verse sa Ingles. Ang ganitong uri ng tula ay karaniwang walang aliw-iw, walang tugma, at walang tiyak na sukat at tugma sa halip tuwiran ang pagsasatitik ng mga kaisipang malayang dumadaloy sa diwa ng isang makata. • The line and the line break – ang saknong sa isang malayang taludturan ay isang paraan upang maihanay nang maayos ang mga kaisipan ng manunulat, isang paraan din upang maipakita sa mambabasa ang hinto sa pagbasa ng akda. Ang line break ay isang paraang ginagamit ng isang manunulat ng tula upang makalikha ng partikular na kariktan sa isang tula, ito ay ang mga salita, hinto, at mga salitang nagpapaanggat sa kaisipan ng akda. • Enjambments – pagpapatuloy ng ideya mula sa isang taludtod tungo sa kasunod na taludtod. Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus pagpapatuloy sa susunod at titigil lamang kung may tuldok o kuwit. Halimbawa: April is the cruelest month, breeding Lilacs out of the dead land, mixing Memory and desire, stirring Dull roots with spring rain. Winter kept us warm, covering 58
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Earth in forgetful snow, feeding A little life with dried tubers. - “The Waste Land” ni T.S. Elliot 3. Metapora – isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa. Halimbawa: Ang kanilang bahay ay malaking palasyo Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel. Si Ana ay isang magandang bulaklak. Iba pang Eksperimental na Teksto Mayroong mga uri ng tula sa ilalim ng eksperimental na tula, nariyan ang prosang tula (genre-crossing texts), paggamit ng tipograpiya, at performance poetry. 1. Prosang Tula (Genre-Crossing Text) – matipid sa daloy ng paggamit ng salita, natural at maluwag ang daloy ng mga “pangungusap”. Madrama ang ritmo ng parirala. Halimbawa: “Sa kwarto ng Malulungkot na Tula” Ni Maru Peter Henry Dati’y binabakuran lang mga salitang malulungkot Nakakulong sa mga pader ng mga linyang hindi nagtutugma Mga taludtod na isinulat gamit ang maliliit na mga letra Kasing-liit ng tingin ko sa aking sarili Sa loob ng kwarto ng malulungkot na mga tula ko ay matagal na nanatili Pero dahan-dahan, unti-unti Kahit nanginginig pa ang sugatan kong binti Sa maliit na hakbang nagsimula akong sumilip palabas mula sa kwartong iyon 59
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Hinatak ako palabas ng iyong nakakalulang pagngiti… 2. Paggamit ng Tipograpiya – di regular na espasyo ng mga salita o mga taludtod, di konsistent na laki o sukat ng mga tipo at may naiibang mga baybay ng mga salita, gamit ng bantas. Ang tipograpiya ay isang sining at pamamaraan ng pagsasaayos ng mga tipo upang makagawa ng wikang nakasulat na malinaw, nababasa at kalugud-lugod kapag naipapakita. Ang pagkakaayos ng tipo ay kinakasangkutan ng pagpili sa mga pamilya ng tipo ng titik, mga laki ng punto, nga haba ng linya, espasyo ng linya (leading) at espasyo ng titik (tracking), at ang pag-ayos ng mga espasyo sa pagitan ng mga pares ng titik (kerning). Nagagamit din ang katawagang tipograpiya sa estilo, pagkakaayos, at hitsura ng mga titik, bilang, at simbolo na nilikha ng proseso. Isang malapit may kaugnayan na kasanayan ang disenyo ng tipo na tinuturing minsan na bahagi ng tipograpiya; karamihan sa mga tipograpo ay hindi nagdidisenyo ng mga pamilya ng tipo ng titik, ay may ilang uri ng mga nagdidisenyo na hindi tinuturing ang sarili bilang mga tipograpo. Halimbawa: Me the ang iisang puno Batid na hindi fruiting Pinipilit to growing the sanga Hinahayaang dahon ang nagsilbing beautiful Di man straight ang aking kinalalagyan Alam ko ang land hindi me pababayaan Ang aking roats pilit na kakapit Kahit na mga stem ay magkandapilipit… 60
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 1. Performance Poetry – nakalaang bigkasin ng awtor o ng ibang tao nang may malayang pag-arte Halimbawa: Kamusta ka na? Madalas nating tanong sa iba Ang pilipinas kaya kumusta? Minsan ba natanong mo yan sa iba? O, nagawa mo man lang makibalita? Nakawan, holapan at patayan Maraming mga krimen sa lasangan Pero hindi lahat nasusubaybayan Mga maling balita at impormasyon… Tono – ito ang damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit at iba pa. ito ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula. Maaaring maging tono ay galit, pagkasuklam, kasiyahan, panunuligsa, sarkastiko, sentimental, nagpapatawa at iba pa. Malaking salik sa tono ang diksiyon o ang pagpili ng mga salita. Makakatulong din sa paglikha ng tono ang pagpili ng larawan, talinghaga at pananaw sa paksa. Uri ng Tula 1. Tulang Liriko - Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang damdamin. Dalit Parangal sa Maykapal Soneto Aral sa buhay Elehiya Parangal sa alaala ng namatay Oda Parangal o papuri sa isang dakilang gawain Awit Pagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, at iba pa 61
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 2. Tulang Pasalaysay - Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan, at banghay. Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na hindi kapani-paniwala sapagkat may halong kababalaghan Awit at Korido Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod. Ang korido ay may 8 pantig sa bawat taludtod. 3. Tulang Patnigan - May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay- linaw tungkol sa isang paksa. Balagtasan Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan Karagatan Paligsahan sa pagtula na mula sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat Duplo Paligsahan ng mga bilyako’t bilyaka sa pagbigkas at pangangatwiran na madalas ginaganap kung lamay. 4. Tulang Pantanghalan - Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula 1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula. 2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit ang tula. 3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng mambabasa. 4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig. 62
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula INTERAKTIBONG GAWAIN Intektibong gawain. Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng isang tula na may wawaluhing pantig at apat na saknong. Ang inyong tula ay patungkol sa nangyayari ngayon sa ating mundo. Pamantayan: Nilalaman 10% Pagkakaisa 5% Presentsyon 5% Kabuuan 20% PAGSUSULIT Panuto. Suriin at basahin mabuti ang mga katanungan at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan, at banghay. Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na hindi kapani-paniwala sapagkat may halong kababalaghan Awit at Korido Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod a. Tulang Pasalaysay b.Tulang Liriko c. Tulang Patnigan d. Tula 63
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 2. May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay- linaw tungkol sa isang paksa a. Tulang Liriko b. Tulang Patnigan c. Tulang Pasalatsay d. Tula 3. Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang damdamin. Dalit Parangal sa Maykapal Soneto Aral sa buhay Elehiya Parangal sa alaala ng namatay Oda Parangal o papuri sa isang dakilang gawain Awit Pagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, at iba pa a. Tulang Pasalaysay b.Tulang Liriko c. Tulang Patnigan d. Tula 4. isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. a. Tulang Pasalaysay b.Tulang Liriko c. Tulang Patnigan d. Tula 5. Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. a. tono b.Tugma c. taludtod d. sukat 6. Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig. a. tono b.Tugma c. taludtod d. sukat 64
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 7. Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula a. Talinhaga b. Imahen c. tono d. kariktan 8. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. a. Talinhaga b. Imahen c. tono d. kariktan 9. Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating. a. Talinhaga b. Imahen c. tono d. Paksang/Kaisipan 10. pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig B. a. Talinhaga b. Tugmaang katinig c. tugmaang patinig d. Paksang/Kaisipan 65
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula ARALIN 2 Teknik at Kagamitang Pampanitikan (Mga Halimbawang Teksto ng mga Batikan / Kilalang Lokal at Banyagang Makata) TIYAK NA LAYUNIN Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang mga batikan o kilalang lokal at mga banyagang manunulat 2. Nakapagbabasa bilang isang epektibong manunulat na may sapat na kamalayan sa sining ng pagbuo ng isang anyo ng sulatin pagdating sa larangan ng panulaan. Tayo Na’t Talakayin! MGA TANYAG NA MANUNULAT NG TULA LOPE K. SANTOS Kinilala si Lope K. Santos bilang “Ama ng Bararila”. Naging isa rin siyang gobernador at senador ng bansa at ang malaki niyang ambag ay ang bararila ng wikang pambansa. Kabilang sa mga aklat na kanyang isinulat ay ang Banaag at Sikat, Puso’t Diwa, Isang Katipunan ng mga 66
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Tula, Kundangan, Ang Selosa, Alila ng Kapalaran, Los Suenas de Rizal, Salawahang Pag-ibig at marami pang iba. Ipinarangal niya na ang mga Pilipino ay dapat tumayo sa sariling pagsisikap at pagpupunyagi. Huwag daw silang umasa sa tulong ng mga dayuhan bagkus magkasya sa paraan na nalalaman na lahi. Halimbawa sa kanyang tulang akda: Pasig 1 Aywan ko kung ikaw’y sa bundok na anak, o kung bumukal ka sa tiyan ng dagat; pagka’t sa lagay mong mababang-mataas atubali ako kung saan ka buhat; marahil bung aka nang mag-isang-palad ang Dagat na tabang at Bundok ng ulap kaya’t sa kanila’y namana mot’ sukat ang yaman ng laot at yaman ng gubat. 9 Tila Diwata kang galing Pamitina’y nanaog at nupo sa may Kapasigan; liwayway ang buhok, ang ulo’y Santula, bisig na kaliwa ang Pinagbuhatan. Malapad-na-Bato ang isang paanan, saka ang isa pa ay Wawang-Napindan: magtatampisaw ka sa Buting at Bambang. 67
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR Ang kumatha ng walang kamatayang “Florante at Laura” na si Francisco Baltasar o Balagtas. Sa Tondo, si Francisco ay nabantog sa pagiging makata. Ang karamihan sa mga sinulat ni Baltasar ay tungkol sa aping kalagayan ng Pilipinas noon. Ang pinakabanog sa mga ito’y ang kanyang “Florante at Laura”, isang nobelang patula tungkol sa isang kaharian sa Europa, at di-tuwirang tumatalakay sa kahabag-habag na kalagayan noong panahon ng mga Kastila. Kabilang pa sa mga akda ni Baltasar ay ang, Mga Moog ng Uri, Magbubukid, Kalayaan, Dalaw at iba pa. Halimbawa sa kanyang tulang akda: Paggawa Noong una, daigdig ay walang ayos di marangya Palibhasa ay wala pang sa kanya ay nagpapala Datapuwa’t ng sa kahoy ang matsing ay magsibaba At ang paunahang paa ay gamitin sa paggawa Nuon na nga nagsimulang nagkatao itong lupa Na ngayon ay gumaganap ng tungkuling darakila. Ilang daang libong taon ang nagdaan at lumipas Bago itong tao ngayong dalubhasang tinatawag Patuloy na pagbabago banay-banay na pag-unlad Ang tinahal nitong tong dinaanan at dinanas 68
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Bawat yugto na magdaan bawat baytang ng paglipat Mga bagong kasangkapan sa pagyaring nagtutulak Noong una, itong tao’y walang damit at tahanan At ang kanyang kinakahig walang tiyak na kukunan Nagdaan din ang panahon upang mayrong ikabuhay Bato’t pana lang angsangkap sa paghanap at pagdulang Hanggang tayo ay sumapit sa yugto ng kaunlaran Pag ginusto ng paggawa’y nagagawang sapilitan. Kaya ngayon palibhasa’y maunlad na ang daigdig Kaya naman ang pagyari’y maunlad din at mbilis Nariyan ang makinaryang pangpaandar ng elektrik Na katulong sa paggawa ng maraming anakpawis Dapat nating unawaing ito’y di hulog ng langit Ito’y bunga ng paggawa, paggawa ng nagsaliksik. Paggawa ang s’yag simula kaya ang tao’y lumitaw Paggawa rin ang s’yang balong ng lahat ng kayamanan Nang dahilan sa paggawa’y napaunlad ang isipan Nitong taong dati-rati’y atrasado’t mga mangmang Itakwil mo ang paggawa’t sa gutom ay mamamatay Yakapin mo ang paggawa’t masaganang mabubuhay. 69
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula AMADO V. HERNANDEZ Si Amado Vera Hernandez ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang “Manunulat ng mga Manggaagawa”, sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kanyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kanyang kapanahunan. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang “Isang Dipang Langit”, ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Halimbawa sa kanyang tulang akda: Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila, Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; 70
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod, Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot! Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon, Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong, Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol, Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon, Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo! 71
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula MARCELO H. DEL PILAR Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio. Halimbawa sa kanyang tulang akda: Isang Tula sa Bayan Sa iyong kandungan tinubuang lupa, paung nalilimbag ang lalong dakila, narito rin naman ang masamang gaua, na ikaaamiis ng puso’t gunita. Ang kamusmusan ko kung alalahanin, halaman at bundok, yaman at bukirin, na pauang naghandog ng galak sa akin, ay inaruga mo bayng ginigiliw. Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa, ang pagdaralitang iyong binabata, luha’y ikinubli’t nang di mabalisa, ang inandukha mong musmos kong ligaya. 72
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Ngayong lumaki nang loobin ng langit, maanyong bahagya yaring pag-iisip, magagandang nasa’y tinipon sa dibdib, pagtulong sa iyo baying iniibig. Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap ang pagkadutsa mo’t naamis na palad. sa kaalipunan mo’y wala nang nahabag, gayong kay-raming pinagpalang anak! Sa agos ng iyong dugong ipinawis, marami ang dukhang agad nagsikimis, samantalang ikaw, Bayang iniibig, ay hapung-hapo na’t putos nang gulanit. Santong matuid mo ay iginagalang, ng Diyos na lalong makapangyarihan na siya ngang dapat na magbigay dangal, bagkus ay siya pang kinukutyang tunay. Nguni’t mabuti rin at napupurihan, sa paghahari mo itong pamamayan, sapagka’t nakuhang naipaaninaw, na dito ang puno’y din a kailangan. Kung pahirap lamang ang ipadadala, ng nangagpupuno sa ami’y sukat na ang hulog ng langit na bagyo’t kolera lindol, beriberi madla pang balisa. 73
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula JOSE P. RIZAL Si Dr. Jose Rizal ay tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Malaki ang papel ng mga akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa pagmulat ng kamalayan ng mga Pilipino noon. Kilala si Rizal sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kabilang din sa mga akda ni Rizal ay ang, Ang Awit ni Maria Clara, Kundiman, Sa Aking mga Kabata, Mi Primera Inspiracion / Ang Una Kong Salamisim, La Tragedla de San Eustaquio / Ang Kasawian ni San Eustaquio. Halimbawa sa kanyang tulang akda: Kundiman Tunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno. Datapuwa't muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan, Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan. Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa 74
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Ang pagsusulat ng tula ay isang paraan ng paglalahad ng kaganapan sa iyong buhay o gunita na nais mong mabalikan. Nagiging mahusay at kaakit-akit ang tula kung kakikitaan ito ng larawang diwa, gumigising ng damdamin at kamalayan ng mga mambabasa at higit sa lahat kung ito ang nagpapagalaw sa guni-guni ng mga mambabasa at nagiging motibasyon sa lalo pang pagsulat ng tula. Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula 1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula. 2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. 3. Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit ang tula. 4. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng mambabasa. 5. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig. INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Pumili ng mga halimbawa ng tula at suriin ito batay sa mga sumusunod: Ilahad sa klase. a. Tema b. Sukat c. Saknong d. Tugma e. Kariktan f. Talinhaga Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 75
PAGSUSULIT PAGTUKOY. Panuto: Ilagay sa patlang ang wastong sagot na hinihingi ng mga katanungan. SINO SIYA? MANUNULAT ANO ANG KANYANG AKDA? 1. Lope K.Santos 2. Francisco “Balagtas” Baltasar 3. Amado V. Hernandez 4. Marcelo H. Del Pilar 5. Jose Rizal PANAPOS NA PAGSUSULIT Pagtukoy: Panuto: Isulat sa patlang ang wastong sagot. ________ 1. Ito ay nangangahulugang kaugalian, tradisyunal o matagal ng ginagawa batay sa tanggap na tuntunin at pamantayan. ________2. Ito at makabagong kayarian ng tula ng mga tulang walang sukat at tugma. ________3. Matipid sa daloy ng paggamit ng salita, natural at maluwag ang daloy ng mga pangungusap. ________4. Di regular na espasyo ng mga salita o mga taludtod, di konsistent na laki o sukat ng mga tipo at may naiibang mga baybay ng mga salita, gamit ng bantas. ________5. Nakalaang bigkasin ng awtor o ng iabng tao nang may malayang parte. ________6. May apat na taludtod at bawat isa’y may tigpipitong pantig. 76
Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula ________7. Mayroong apat na taludtod na may tigwawalong pantig at may kabuuang 32 pantig. ________8. Tulang hapones na binubuo lamang ng tatlong taludtod. ________9. Ito ang damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit at iba pa. ________10. Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong manunulat ng mga sumusunod na akda. ________1. Kundiman ________2. Isang tula sa bayan ________3. Kung tuyo na ang luha mo, aking bayan ________4. Paggawa ________5. Pasig 77
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento 78
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Panimula Matatalakay sa Modyul na ito ang Maikling Kwento, ang kahulugan at kahalagahan nito sa mundo ng panitikan. Nakapaloob din sa Modyul na ito ang mga elemento / sangkap sa pagbuo ng maikling kwento gayundin, ang mga teknik sa pagsulat nito. Ang Maikling Kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayari naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Binibigyang katuparan nito ang mga mitihiin natin na hindi maaari o wala tayong kakayahang isabuhay. Pinapagalaw at pinapalawak nito ang karanasan at imahinasyon ng bawat mambabasa. Pangkalahatang Layunin Pagtapos ng modyul 3, dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Matukoy ang maikling kwento sa kabuuan at sa lahat ng aspeto nito. 2. Mabigyang halaga ang mga impormasyon at karanasan bilang mambabasa. 3. Mapagyaman ang maikling kwento bilang mga mag-aaral ng Filipino. 79
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Paunang pagsusulit PAGPASYA. Panuto: Isulat ang masayahing mukha kung tama ang pahayag sa bawat bilang at malungkot na mukha naman kung mali. ________1. Marami ang mga tauhan sa maikling kwento. ________2. Ang pangunahing tauhan ay tinatawag na antagonista. ________3. Malaki ang silbi ng mahusay na diyalog sa maikling kwento. ________4. Ang saglit na kasiglahan ay naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas. ________5. Isang sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na karaniwang tinatawag na banghay. ________6. Tauhan ang pinakamata ng kwento. ________7. Tumutukoy ang himig o mood sa atmosperang nadarama o napapansin ng mambabasa sa tagpo. ________8. Tumutukoy ang simbolismo sa mga susing salita, kaisipan, imahen at iba pa. ________9. Tao laban sa tao ay ang tunggaliang pangunahing uri ng panlabas na tunggalian. ________10. Paggamit ng mga salitang gustong sabihin nang kabaliktaran o sarkastiko ang magandang pagpapakahulugan sa ironiya. 80
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Mga Elemento / Sangkap ng Maikling Kwento Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng Maikling kwento 2. Napag iisa-isa ang mga elemento / sangkap na mahalaga sa pagbuo ng maikling kwento 3. Napapalawak at napapagalaw ang sariling karanasan at imahinasyon bilang isang manunulat at mambabasa Halina na’t Talakayin! Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitkan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy-tuloy ang pagsasalaysay, matpid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan, payak o karaniwan ang paksa, maikli ang 81
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento panahong sinasakop at masasabing angkop sa lahat lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon. Mga Elemento / Sangkap ng Maikling Kwento A. Tauhan Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. • Protagonista – pangunahing tauhan, sa kanya nakasentro ang pangyayari • Antagonista – siya ang lumilikha ng hadlang para huwag magtagumpay ang pangunahing tauhan Uri ng Tauhan 1. Tauhang Bilog – isang tauhang may multi-dimensyunal o maraming saklaw ang personalidad. 2. Tauhang Lapad – ito ay tauhang nagtataglay ng iisang katangiang medaling matukoy o predictable. B. Punto de Bista Ang punto de bista o paningin, ay ang pinakamata ng kwento. Daraan sa mga matang ito ang kalagayan ng mga tauhan, ang mga bagay at pangyayari na nakapaloob ditto, at ang takbo o kalagayan ng pag-iisip ng mga tauhan. Sa maikling kwento, ang punto de bista ng naglalahad (narrator) ang katumbas ng kamera sa pelikula. POINT OF VIEW vs. VIEWPOINT - Nasa tinitignan; kung sino ang pinupuntirya - Nasa tumitingin o nakatingin; kung sino ang pumupuntirya 82
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Ang mga Pinakagamiting Uri ng Paningin na Magagamit sa Pagsulat ng Maikling Kwento: 1. Paningin ng Unang Panauhan (First Person Point of View) – karaniwang tungkol sa karanasan ng nagsasalaysay (narrator); -si, ako-, ang ganitong paglalahad ng kwento. Sa ganitong paningin, inaangkin mismo ng awtor ang katauhan ng isang persona sa kanyang akda. Halimbawa: “Pinagmasdan ko ang mukha ni Mica ngunit nananatiling blangko ang ekspresyon niyon. O, marahil itinatago lamang niya sa akin ang katotohanan tungkol sa kanyang nararamdaman.” 2. Paningin sa Ikalawan Panauhan (Second Person Point of View) – isang tauhan ang naglalahad ngunit hindi gaanong sangkot sa mga pangyayari. Si ako rito ay waring isang tagapagmasid lamang at kung ano ang mg mapapansin ay siyang isinasalaysay sa mambabasa. Halimbawa: “Matanda na si Aling Lucing at mahigit sisenta anyos na siya. Marami nang puti ang kanyang buhok, magatla at humpak ang kanyang mukha na sunog sa araw. Hukot siya at mabagal maglakad. 3. Paningin sa Pangatlong Panauhan (Third Person Point of View) – pinakagamiting punto de bista ng mga manunulat. Sa pangatlong panauhan ay maaaring sumanib at kumalas ang isip ng manunulat sa isip ng pangunahing tauhan. Halimbawa: “Nananatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ni Michael upang itago kay Aurora ang nadarama, ngunit sa loob-loob niya’y parang dinudurog ng pinong-pino ang kanyang puso nang dahil sa ipinagtapat nito.” 83
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Viewpoint - Tumutukoy sa pag-iisip ng mga karakter kung saan natutukoy sa mambabasa ang sinasabing kwento. • Objective viewpoint - ay ginagamit kapag ang tagapagsalaysay ay naghahayag ng katotohanan ngunit umiiwas na magbitaw ng anumang damdamin sa teksto. • Subjective viewpoint - ang uri pinakaginagamit sa fiction, ipinapahayag nito ang saloobin ng isang character at damdamin sa paraan ng kanyang pagkukuwento • Omniscient viewpoint - ang may-akda ay maaaring iugnay ang pananaw ng sinuman sa kaniyang mga karakter o baklasin ang kanyang sarili mula sa kanila upang maglingkod bilang tagapagsalaysay. • Multiple-character viewpoint - ay ginagamit upang sabihin sa ang isang kuwento mula sa pananaw ng iba’t ibang mga karakter ng paisa-isa. Monologo - Ang pakikipag usap ng tauhan sa mismong sarili. 1. PANLOOB NA MONOLOGO (Internal Monologue)- - Dito, nagsasalita ang isang tauhan nang pa-kuwento at inilalahad ang nasa isipan sa kanyang sarili lamang. - Ang iniisip ay malinaw na ipinababatid sa mambabasa. - Kawangis nito ang soliloquy na madalas ginagamit sa dulang pantanghalan. - Karaniwan itong isinusulat ng italisado. HALIMBAWA: Ngunit hindi ko siya maiwan. Namalagi akong nakikinig sa kanya. Anong uri ng pagmamahal ang maiuukol sa iyo ni Kristina? Gusto kong itanong kay Miguel, pagmamahal na pagkahabag lamang ang nararamdaman niya sa iyo, Miguel, nais kong sabihin. Ganoon lang. 84
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento 2. KARANIWANG MONOLOGO (External Monologue) - Uri ng monologo na kausap ng isang tauhan na binibigkas ng malakas kahit nag-iisa lamang siya. - Gumagamit ng panipi ang awtor sa pagsulat nito. HALIMBAWA: “Nanay, walang ipinagbago at mas lumala pa nga ang krisis ng lipunan. Habang tumatagal! At kayo, ano ang nangyari sa inyo? Nilamon na rin kayo ng Sistema.” 3. DRAMATIKONG MONOLOGO (Dramatic Monologue) • Sa pamamaraang ito, kausap ng isang tauhan nang malakas ang isa pang tauhan. Ibig sabihin, sa halip na sa sarili lamang nagsasalita ay may particular na taong kausap na pinaglalaharan ng mga pangyayari. HALIMBAWA: First day mo pala sa bar. Sige na, ‘wag ka nang mahiya, kumain ka nang kumain. Blowout ko naman, last day ko kasi sa bar, e. Ako si Hilda, ‘yan ang binyag sa ‘kin ni mother pero ‘Ne ang tawag sa’kin ni Nanay. Seventeen ako nung pumasok. Si mother din ang nagrecruit. A, alam ko na kung anu-anong pinagsasabi niya sa’yo. Nasa Uncle Tom’s ay parang pamilya ang relasyon kaya aUncle na lang ang tawag mo sa Amer’kanong may-ari—si Thomas Dewey. Na father na lang ang itawag mo sa floor manager na asawa niya. Alam mo kung ano talaga ang trabaho ni mother sa bar? Mamasan. Ang gandang pakinggan, ano? Pero angt ibig sabihin lang, tinder ng babae. Mga Katangiang kadalasang matatagpuan sa isang maikling kuwento: 1. Mensaheng nais iparating 2. Kawili-wiling banghay at mga tauhan. 3. Malinaw ang pagkakasulat at masarap basahin. 4. May kapana-panabik na pangyayari sa bawat bahagi ng kuwento. 85
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento 5. Ito ay buo—may simula, gitna, at wakas. MGA HAKBANG: 1. Magsimula sa pag-iisip ng simpleng ideya. Sa pamamagitan ng pagbubuo ng paksa (subject), mensahe (theme), at pangyayari (premise). Ito ay sumasagot sa tanong na— • Ano bang paksa ang nais kong talakayin sa aking kuwento? • Ano bang mensahe ang nais kong iparating sa aking mga mambabasa? • Ano bang pangyayari ang magandang gawing kuwento? C. Banghay Ang banghay isang sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang kabuuan nito ay mapapatibay sa tema/ mensahe ng maikling kwento. 1. Linyar – nagpapakita ito ng pag-usad ng kwento mula simula hanggang wakas batay sa natural na reaksyon sa mga aksyon. Tinuturing na tradisyunal, kumbensyonal at karaniwan sa lahat ng panitikang-bayan ang ganitong uri ng banghay. 2. Modyular / Episodik – banghay na hinahati-hati ang mga pangyayari sa daloy ng pagsasalaysay. Gumagamit ng panumbalik o flashback sa mga piling mga pagkakataon. 3. Mga Tradisyunal na bahagi • Eksposisyon o Panimula – unang bahagi ng maikling kwento/ katha na kung saan ay ipinapakilala ng kwentista ang mga tauhan, tagpuan at mahahalagang impormasyon na dapat mabatid ng mga mambabasa. 86
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento • Saglit na Kasiglahan – naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas. Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. • Kasukdulan o Rurok – kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan, ditto nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan kung siya’y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. • Kakalasan – ang bahaging ito ng banghay ay kadalasang tinatawag na pababang bahagi ng maikling kwento. Ditto rin nababatid ng mambabasa ang unti-unting pagbibigay lunas at linaw ng tauhang bida sa problemang kanyang kinakaharap hanggang sa kawakasan. • Resolusyon / Wakas – maaaring ang wakas ay masaya, malungkot o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended. D. Tagpuan at Kaligiran – ditto nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente, kasama rin ditto ang panahon kung kailan naganap ang kwento. • Panahon / Lugar – dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari Mayrong iba’t ibang pananaw na higit na nagpapatingkad sa paksa ng maikling kwento. Ito ay ang: 1. Sosyolohikal – sa pananaw sosyolohikal, hindi ang akda o teksto ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis ditto. Binibigyang-diin ang pagtatalakay sa kapaligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. 87
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento 2. Kultural – nakatuon ito sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa isang lugar. Nakapaloob ditto ang iba’t bang paniniwala, tradisyon, kasuotan at iba pa na nagpapakita ng kultura sa isang lugar. 3. Pulitikal – binigyang-diin naman nito ang mga nagaganap sa ekonomiya at pulitikal na kapaligiran. E. Tunggalian – ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari. Isa ito sa mga sangkap ng maikling kwento na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kwento. Ilan sa mga tunggalian na maaaring makita sa maikling katha ay ang: • Tao laban sa Sarili – ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala. Maaari rin namang tungkol ito sa pagsupil sa sariling damdamin. Ang tauhan lamang ang nakakaresolba sa hinaharap niyang suliranin. • Tao laban sa Tao – ang tunggaliang ito ay ang pangunahing uri ng panlabas na tunggalian. Dito, ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban sa masamang tao. • Tao laban sa Kalikasan – karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan o mga tauhan ay direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan. • Tao laban sa Lipunan – umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. Dalawa ang maaaring kahihinatnan nito: magtagumpay ang tao o magapi siya ng sinumang kinakalabang Sistema. 88
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento F. Ironiya – paggamit ng mga salitang ang kabaliktaran ng gustong sabihin ng nagsasalita, sarkastiko, pasining o di naman kaya’y nang-uuyam. Tatlong Uri ng Ironiya: 1. Berbal na Ironiya – intensyonal na ginagamit ng nagsasalita ang katagang may naiiba o kabaliktarang kahulugan. 2. 3. Sitwasyonal na Ironiya – makikita ang hindi pagkakatugma ng inaasahang pangyayari sa aktwal na pangyayari. 4. Dramatikong Ironiya – nakakapagpatindi ng kawilihan ng mga mambabasa. G. Tema – pangunahing ideya o kaluluwa ng isang kwento • Aral – leksyong maaaring mapulot sa isang salaysay • Dramatikong saligan (dramatic premise) – punong ideya, tatakbuhin o tutunguhin ng kwento • Kabatiran (insight) – may pagkakataong hindi malinaw ang dahilan sa isang aksyon ng mga tauhan partikular sa protagonist ang mabibigyang linaw kalaunan sa kwento nang hindi direktang binabanggit sa istorya. INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Mula sa iyong mga nabasang maikling kwento, pumili lamang ng isa. Suriin ang akdang napili batay sa mga elemento sangkap na tinalakay. Ilagay ito sa isang malinis na papel 89
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento PAGSUSULIT PAGTUKOY. Panuto: Tukuyin ang tamang sagot na hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa patlang. __________1. Ito’y isang akdang pampanitikan na likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. A. Maikling kwento B. Nobela C. Awit D. Korido __________2. Isang uri ng tauhang may multi-dimensyunal o maraming saklaw ang personalidad. A. Antagonista B. Tauhang Bilog C. Tagpuan D. Tauha __________3. Ito ay ang pinakamata ng kwento, daraan sa mga matang ito ang kalagayan ng mga tauhan, ang mga bagay at pangyayari na nakapaloob ditto, at ang takbo o kalagayan ng pag-iisip ng mga tauhan. A. Korido B. Bisita C. Banghay D. Punto de Bista __________4. Pinakagamiting punto de bista ng mga manunulat. Sa uri ng panauhang ito ay maaaring sumanib at kumalas ang isip ng manunulat sa isip ng pangunahing tauhan. A. Pangatlong Panauhan B. Panglimang tauhan C. Unahang tauhan D. Pang apat na tauhan __________5. Ito’y sang sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang kabuuan nito ay mapapatibay sa tema/ mensahe ng maikling kwento. A. Banghay B. Tunggalian C. Tauhan D. Taguan 90
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento __________6. Bahagi ng banghay na naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas. Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. A. Tunggalian B. Tagpuan C. Saglit na Kasiglahan D. Kaasalan __________7. Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente, kasama rin ditto ang panahon kung kailan naganap ang kwento. A. Tagpuan B. Tauhan C. Simula D. Wakas __________8. Sa pananaw na ito, hindi ang akda o teksto ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis ditto. Binibigyang-diin ang pagtatalakay sa kapaligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. A. Teknolohikal B. Sosyolohikal C. Lohikal D. Panandalian __________9. Sangkap ng maikling kwento na nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari. A. Tunggalian B. Saglit na kasiglahan C.Tauhan D. Tagpuan __________10. Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa lipunan C. Lipunan laban sa hayop D. Tao laban sa gobyerno 91
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikan Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang iba’t ibang teknik at kagamitang pampanitikan sa pagsulat ng maikling kwento. 2. Nabibigyang kahulugan ang tono, pahiwatig ng magaganap (foreshadowing), simbolismo at motif bilang mga teknik sa pagbuo ng maikling kwento. 3. Napag iisa-isa ang pagkakaiba- iba ng mga teknik. Tayo na’t talakayin! Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikan sa Pagsulat ng Maikling Kwento 1. Himig o Mood – tumutukoy ito sa atmosperang nadarama o napapansin ng mambabasa sa tagpo. 2. Pahiwatig o Foreshadowing – pangyayari, eksena o salitang nagsisilbing senyal, pahiwatig o babala sa kung ano ang maaaring maganap sa susunod na pangyayari. Inilalagay ng awtor sa dakong simula ng akda o simulang bahagi upang manabik ang mga mambabasa. Nililikha ito sa pamamagitan ng diyalog, eksena o aksyon. 3. Diyalogo – malaki ang silbi ng mahusay na diyalog sa maikling kwento dahil sa ilang bagay: 92
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento a. nagkakatinig at nagiging buhay ang mga tauhan; b. mabisang nababatid ng mga mambabasa ang mga kaisipan at damdamin ng tauhan; c. dumadaloy ang kwento sa dinamikong paraan sa halip na puro paglalarawan lamang; at d. napapansin at nadarama ang realismo sa mga tauhan at kwento. 4. Simbolismo o Pananagisag – paggamit ng mga salita o mga salitang tumutukoy sa isang espesipikong bagay, tunog at kulay, pangyayari o tao na sumasagisag sa malalim at mahalagang konsepto. 5. Motif – tumutukoy ito sa mga susing salita, kaisipan, imhen o paulit-ulit na mga salita. May pagkakahawig sa simbolismo ngunit ang kaibahan ang pagsasagisag ay makailang beses na inuulit sa kwento. Mga Ilang pang Teknik Sa Pagsulat ng Maikling Kwento Upang makabuo ng isang maikling kwento, mahalaga na ang manunulat ay mahilig magbasa nang magbasa. • Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng iyong kwento. Iyan ang nararapat na mabasa sa unang pagtingin pa lamang sa iyong kwento. Ipahiwatig na agad ang magiging tunggalian, o mga hindi inaasahan, o kakaiba sa unang mga pangungusap pa lamang. • Linangin at paunlarin ang karakterisasyon. Idebelop ang isang buhay, huminga at natatanging tauhan. Ipakita sila sa iyong kwento sa pamamagitan ng pagbibigay detalye tungkol sa kanila. • Sumulat ng makabuluhang usapan / dayalogo. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita. Maaari ring isulat ditto ang ginagawa ng tauhan habang nagsasalita. Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang detale upang sa gayon ay 93
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento mahamon mo ang mga mambabasa na magbigay ng sarling hinuha tungkol sa kwento. • Pumili ng angkop na paningin o pananaw. Gagamit ka ba ng unang panauhan? Sino ang magkukwento – ang pangunahing tauhan ba o ang katulong na tauhan? Mababasa ba ng nagsasalaysay ang isip at damdamin ng lahat ng tauhan o ng isang tauhan lamang? • Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto. Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang kumikilos sa napili mong tagpuan. Ang pagguguni-guni o imahinasyon ay makatutulong upang matamo ang ninanais na balance ng tagpuan at tauhan. Gamitin ang mga pandama o senses (pang-amoy, paningin, pandinig, panlasa, pandamdam) upang tumulong na ipinta ang tagpuan at konteksto ng iyong kwento. • Isaayos ang banghay o mga pangyayari sa kwento. Piliin ang mga eksenang tiyak na magiging kapana-panabik sa mga mambabasa. Kung nahihirapan pa rin subukan ang “brainstorming”. Piliin lamang ang mga detalyeng makatutulong upang mabuo mo ang iyong kwento at makapagbigay ka ng kakintalan sa iyong mambabasa. • Lumikha ng tunggalian at tensyon. Ipaliwanag lamang ang ilang bagay upang matukso ang mga mambabasang basahin ang iyong kwento. Ibigay ang mabuti at masamang maaaring mangyari sa tauhan. • Linangin ang krisis o kasukdulan. Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa tamang sandali. Kapag nakaaga, aasa pa ang mga mambabasa na may kasunod ito; kapag naman napakatagal ay kababagutan na ito ng mga mambabasa. • Humanap ng kalutasan sa suliranin. Ang paglutas ng suliranin ay maaaring ang mambabasa ang makatagpo ng kahulugan, maaaring nalutas ang suliranin sa katapusan. 94
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Bumuo ng pangkat na may apat na kasapi. Gumawa ng isang sanaysay na mayroong hindi bababa sa limang talata at sumasagot sa sumusunod na katanungan: • Bilang isang manunulat ng maikling kwento, bakit mahalagang gumamit ng mga teknik at mga kagamitang pampanitikan sa pagbuo at pagsulat nito? Ilahad sa klase matapos sulatin ang gawain. 95
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento PAGSUSULIT PAGPILI. Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat ang letra sa patlang. ________1. Tumutukoy ito sa mga susing salita, kaisipan, imhen o paulit-ulit na mga salita. May pagkakahawig sa simbolismo ngunit ang kaibahan ang pagsasagisag ay makailang beses na inuulit sa kwento. ________2. Tumutukoy ito sa atmosperang nadarama o napapansin ng mambabasa sa tagpo. ________3. Paggamit ng mga salita o mga salitang tumutukoy sa isang espesipikong bagay, tunog at kulay, pangyayari o tao na sumasagisag sa malalim at mahalagang konsepto. ________4. Pangyayari, eksena o salitang nagsisilbing senyal, pahiwatig o babala sa kung ano ang maaaring maganap sa susunod na pangyayari. Inilalagay ng awtor sa dakong simula ng akda o simulang bahagi. ________5. Nagkakatinig at nagiging buhay ang mga tauhant dahil sa paraang ito at mabisang nababatid ng mga mambabasa ang mga kaisipan at damdamin ng tauhan. 96
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Aralin 3 Mga Halimbawang Teksto ng mga Batikan / Kilalang Lokal at Banyagang Kwentista Tiya k na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Napag iisa-isa ang mga batikan o kilalang lokal at banyagang kwentista. 2. Nabibigyang halaga ang mga halimbawang teksto ng mga kwentista. Tayo Na’t Talakayin! Genoveva Edroza Matute Si Genoveva Edroza Matute ay nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press. Halimbawa ng kanyang Akda: 97
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento Parusa ni Genoveva Edroza Matute Naunahan ng paggising at pag-iinat ng daungan ang pagsikat ng araw. Makakapal pa ang mga aninong buong higpit na yumayakap sa mga pintungang nangaroon ay nagsimula na ang mga yabag na payao’t dito, ang anasang unti-unting nagkatinig hanggang sa maging ingay, hanggang sa makiisa sa matinis na sipol ng kadadaong na bapor. Nag-unahan sa andamyo ang mga bata ni Salamin. Nakatitiyak ang kanilang mga hakbang. Sapagkat ang mga bata ni Salamin ay mga bata ng Big Boss. Ang Big Boss ang nakaaalam sa mga bapor na lumabas-pumasok sa daungang yaon. “Oras na nakapit ka kay Salamin… buhay ka na!” “E ang Big Boss… hindi ko na ba kailangang makilala ang…” “Bahala na si Salamin doon! Bago ka pa nga rito, oo!” Malakas ang halakhak na isinagot ng Big Boss sa ikinuwentong iyon ni Salamin sa kanya isang araw. Samantalang buong inip silang naghihintay na maiahon ng kanilang mga tauhan ang mga kalakal ng kadadaong na bapor. “Mabuti naman at nalalaman nila!” “Mabuti na ang maliwanag antemano, boss. Mahirap nang masingitan pa ang katalo. Kung sa bagay e, ano naman ang magagawa ng maski sino, kung sakali?” Nagtinginan nang matagal ang dalawa. May mahiwagang liwanag na kumislap sa kanilang mga mata. Biglang inalis ng Big Boss ang tabako niya upang hindi maibuga ng madagundong sa halakhak na yumanig sa namimintog niyang tiyan. “Sigurado ka bang hindi ka masisingitan ng pakawala?” “Mahirap na, Boss! Sakali mang makasingit, ano naman ang delito niya, aber? Sa payroll, anim na piso… may pirma siya!” Tumikhim muna sandali si Salamin. “Kung may reklamo siya, aba, magsumbong siya sa unyon!” Hinintay ni Salamin ang muling pagyanig ng namimintog na katawan ng Big Boss sa isa pang madagundong na halakhak. Nagtaka siya nang ito’y ngumiti lamang nang 98
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento bahagya, alanganin, dinampot ang malamig na inumin sa baso, lumagok nang makalawa, ibinaba ang baso, marahang iginuhit-guhit ang hintuturo sa malamig na “pawis” ng baso. “Bago ako naging pangulo ng unyon ng mga trabahador, naging estibador ako, Salamin; bago iyon, nagtrabaho ako sa daan, at bago iyon…” Biglang ipinukpok ng Big Boss ang baso ng inumin sa hapag. Lumigwak ang laman nito. “Sa bawat isa niyon, sinamantala ako!” Natapos ang hapong iyon nang walang imikan. Nag-alala si Salamin na baka nagdamdam sa kanya ang Big Boss. Ngunit nang magkita silang muli kinabukasan ay naroon na naman ang ngiting humalili sa tabakong saglit na inalis niyon sa labi. “Ikaw na nga pala ang bahala muna sa ilang bata natin sa unyon, Salamin. magbabakasyon ako sandali.” “Siyanga pala, Boss, kilala mo na ba si Ventura, ang bago nating bata rito sa piyer? Kasapi na sa Unyon e.” Ngunit ang Big Boss ay di dapat abalahin sa maliliit na bagay, gaya ng isang bagong tagapasan o ng isang bagong kasapi sa unyon. Ang mahalaga’y kabilang na si Ventura sa “palakad”. Nakayungyong na sa kanya ang dambuhalang “palakad”: anim na piso isang araw sa payroll, limang piso sa bulsa – ang piso pang hindi niya maiuuwi kalianman ay maaaring tuntunin – marahil – kung lalapit siya sa unyon. Ang pangulo ng unyon ay ang Big Boss. Sasabihin sana niya sa Big Boss: “Boss, ang Venturang iyon, baka makatulong natin sa unyon, mukhang matalino e. Tiningnan ko ang record. Nag-aral. Hindi nga lamang nakatapos sapagkat nag-asawa agad. Empleyado sana ngunit nabawas. Matagal na walang mapasukan kaya’t nag-laborer na lamang. Matagal na hindi kumibo nang ipaliwanag ko ang “palakad”. Ngunit pagkatapos ay pumirma rin sa anim na piso. Ngayon, ang gusto kong sabihin sa iyo, Boss, baka natin magamit si Ventura. Mabi- 99
Modyul 3 Pagbasa at Pagsulat ng Maikling Kwento build-up natin sa unyon. E di pakikinabangan natin pagkakandidato mo sa pulitika. Hindi ba ‘ka mo iniisip mong magkandidato, total, sigurado ang botante mo dahil sa unyon?” Matagal nang nakabalik ang Big Boss buhat sa pagbabakasyon nang mabuksan ni Salamin ang tungkol kay Ventura. Pinagtiyagaan muna ni Salamin ang pakikinig at paghanga sa maraming bihag ng Big Boss sa huling lakad nito. Naulit na naman ang pagtatanong niya kung talagang hindi na ito lalagay sa tahimik: kung paano ito magkakaroon ng anak na sinasabing ibig na ibig nito? Sa unang tanda ng pagkapagod nito sa pagbabalita’y maingat ngunit mabilis na ipinasok ni Salamin sa salitaan ang tungkol kay Ventura. Ipinakita niya sa Big Boss ang record card ng bago nilang tauhan. Patuloy ang pagbabalita ng Big Boss habang tinitingnan ang record card ni Ventura. Biglang naputol ang pagsasalita nito at napatitig nang walang-kurap sa kanyang hawak. “Akalain mo, Salamin? Akalain mo? Ang misis ng Venturang ito ay isa sa mga naging bata ko!” Ayaw na sana ni Salaming ipagpatuloy ang mungkahi niya tungkol kay Ventura. Nag-alala rin siya sa maaaring mangyari. Ngunit ang Big Boss ngayon ang mapilit: nais niyang makita si Ventura. Nais niya itong makausap. Makilala. Nais din niyang makabalita tungkol sa maybahay nito. Hindi sa ano pa man. Kuryusidad lamang. Ipinatawag ng Big Boss si Ventura. Ibig niyang makita ang sinasabi ni Salaming bagong tauhan sa daungan, ang bagong kasapi sa unyon, sapagkat ito ay matalino; sapagkat ito ay di gaya ng karaniwang tagapasan nila roon, sapagkat maaari niyang mapakinabangan ito kung sakaling matuloy ang binabalak niyang pagkakandidato, ngunit lalo sa lahat, sapagkat ito ang napangasawa ni Neneng. Nagkunwari si Salaming nakalimot sa ipinagbilin ng Big Boss. Sumisidhi ang pag- aalala niya sa maaaring balakin nito sa maybahay ni Ventura. Ipinagpaliban niya ang pagsasama rito sa Big Boss, hanggang sa hindi na niya maipagpaliban pang muli. 100
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176