LIBRENG EBOOK! You may FORWARD this Practical Soulwinning eBook to your Christian friends. Pastor, Paano po ba Mag-Soulwinning? W.G. Faustino Go ye therefore, and teach all nations… Matthew 28:19
PASTOR, PAANO PO BA MAG-SOULWINNING? Copyright © 2023 Wilson G. Faustino 23A-E. Jacinto Street, West Rembo, Makati City, Philippines FB Page: Pinoy Christian Ebookstore Cel.# 09777820868 Printed in the Philippines 2023 Book Cover by: Monica D. Elamparo Book Layout by: Francisco M. Briones III Special thanks to the following: Ptr. Ronnie Flores, Odette Faustino, Angel Faustino, Ptr. Walter Faustino, Kuya Ricky Faustino, Tita Cynthia Mendoza, Ptr. Noel Leynes, Ptr. Johndy Bachoco, Ptr. Edel Asuncion, Ptr. Jordan Cruz, Ptr. Joseph Santos, Ptr. Richard Raon, Ptr. Danny Facon, Dr. Benny Abante, Bro. Anthony Santos, Sis. Monette Santos, Bro. Ryzhick Mendoza, Bro. Arthur Felomini, Sis. Amy Felomini and all the members of Bible Baptist Mission Makati. All scripture quotations, unless otherwise noted, are taken from Ang Dating Biblia 1905 and the King James Version of the Holy Bible. No part of this book may be reproduced, stored in retrieval system, or transmitted in any form or by any means – electronic or mechanical, photocopy, recording, or otherwise—without written permission of the author, except for brief quotations in printed review. THE GREAT COMMISSION Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost: Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you alway, even unto the end of the world. Amen. Matthew 28:19-20
Ang May-Akda ay lubos na NAGPAPASALAMAT sa Diyos, sa kanyang Pamilya, at sa lahat ng mga Kapasturan, Iglesia at Kapatiran na Nagmamahal at Sumusuporta sa Pioneering Work at sa Tentmaking Ministry na ito na ipinagkatiwala sa kanya ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Talaan ng mga Nilalaman PANIMULA Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning?.........6 Chapter 2 Sino ang mga dapat Mag-Soulwinning?........................................ 12 Chapter 3 Sino ang mga dapat Magturo sa Isang Bagong Mananampalataya kung Paano Mag-Soulwinning?..................................................... 22 Chapter 4 Kailan Inaasahang Mag-Soulwinning ang Isang Mananampalataya?.... 28 Chapter 5 Ano ang mga Kailangang Malaman ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Mag-Soulwinning?................................. 33 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng Isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan?.............................................. 50 Chapter 7 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin ng Isang Soulwinner Habang Nagtuturo......................................................................... 64 Chapter 8 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo ang Soulwinner............................................... 73 Chapter 9 Ano ang mga Kailangang Malaman ng Bagong Soulwinner Matapos Tumanggap sa Panginoon ang Tinuturuan?................... 76 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning?....... 84 Chapter 11 Mga Bible Verses na Makatutulong sa mga Nais Maging Soulwinner..................................................................... 95 Chapter 12 Mga Tanong o Issues na Kalimitang Kinakaharap ng mga Soulwinners Habang Nagtuturo ng Kaligtasan................... 129 Chapter 13 Mga Personal na Experiences ng May-Akda sa Pagso-Soulwinning..................................................................... 168 Chapter 14 Bonus: 10 Soulwinning & Discipleship Lessons..................................... 204 Tungkol sa May-akda References
PANIMULA Ang aklat na ito ay naisulat dahil sa masidhing pagnanais ng may-akda na makatulong sa mga bagong henerasyon ng mga Kristiyanong gustong maging soulwinner. Sinadya niyang maipamahagi ang eBook copy nito ng walang bayad o libre sa lahat upang maging kapaki- pakinabang sa mga bagong mananampalataya na siyang magiging sundalo rin ng Panginoong Jesu-Cristo balang araw. Ang pangalawang dahilan ay para makatulong sa mga kapasturan na naghahanap ng simpleng aralin na pang-soulwinning na madali nilang maipapaliwanag sa kanilang mga members. Ang Book (printed) copy naman ng aklat na ito ay may kaukulang bayad ayon sa halaga ng pagkakaimprenta nito, kasama na ang kainamang tubo na ginagamit upang pandagdag-tulong sa pioneering work na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos sa Makati at sa iba pa niyang ministeryo. Panalangin ng may-akda na magamit ang aklat na ito ng mas maraming mga ministeryo at Kristiyano para sa kapurihan ng Diyos, hindi lang sa henerasyon natin ngayon kundi sa darating pang mga panahon hanggang sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesu Cristo. W.G. Faustino
Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? The fruit of the righteous is a tree of life; and he that winneth souls is wise. Proverbs 11:30
Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? 7 ANO ANG SOULWINNING? BAKIT KAILANGANG MAG-SOULWINNING? ANO ANG SOULWINNING? Ang Soulwinning ay pagtuturo ng Biblical na paraan ng kaligtasan sa mga taong hindi pa ligtas o hindi pa nakakatiyak nang pagtungo sa Langit. Maaari ring mangahulugan ang Soulwinning ng pagbabahagi ng kaligtasan ni Cristo sa mga taong nawawala at mapapahamak sa impiyerno. BAKIT KAILANGANG MAG-SOULWINNING? Kinakailangang mag-soulwinning ang mga tunay na anak ng Diyos o mga ligtas dahil ito ay bahagi ng Great Commission (a. Matthew 28:19-20) na ibinigay ng Panginoong Jesus sa Kanyang iglesiya. a. Matthew 28:19 Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost: 20 Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you alway, even unto the end of the world. Amen. 19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’ y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. 20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’ y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Mahalaga ring maunawaan natin na kailangan nating mag-soulwinning dahil patungo sa impiyerno
8 Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? ang kaluluwa ng mga taong nawawala (b. Luke 16:23 & Revelation 20:14-15) at mas mahalaga pa sa buong sanlibutan ang kaluluwa ng isang tao (c. Matthew 16:26 & Mark 8:36). b. Luke 16:23 And in hell he lift up his eyes, being in torments, and seeth Abraham afar off, and Lazarus in his bosom. At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. Revelation 20:14 And death and hell were cast into the lake of fire. This is the second death. 15 And whosoever was not found written in the book of life was cast into the lake of fire. Revelation 20:14 And death and hell were cast into the lake of fire. This is the second death. 15 And whosoever was not found written in the book of life was cast into the lake of fire. 14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. 15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. c. Matthew 16:26 For what is a man profited, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? or what shall a man give in exchange for his soul? Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
9Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? Mark 8:36 For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? Sapagka’t ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Panghuli, ang mga mananampalataya ay naligtas upang maglingkod sa Panginoon (d. Romans 12:1, 1 Thessalonians 1:9 & Luke 4:8). Sabi nga ng isang pastor, “Kung niligtas tayo ng Diyos para lang magtungo sa Langit, sana ay kinuha na agad tayo ng Diyos matapos tayong maligtas. Pero, bakit pinahintulutan pa rin tayong mabuhay hanggang ngayon? Upang tayo rin naman ay makapagbahagi ng kaligtasan sa iba para sa kapurihan ng Diyos”. d. Romans 12:1 I beseech you therefore, brethren, by the mercies of God, that ye present your bodies a living sacrifice, holy, acceptable unto God, which is your reasonable service. Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. 1 Thessalonians 1:9 For they themselves shew of us what manner of entering in we had unto you, and how ye turned to God from idols to serve the living and true God; Sapagka’t sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay,
10 Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? Luke 4:8 And Jesus answered and said unto him, Get thee behind me, Satan: for it is written, Thou shalt worship the Lord thy God, and him only shalt thou serve. At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Ang pagtuturo ng kaligtasan at pagkakaroon ng nanatiling bunga (remaining fruits) ay isa sa mga basehan ng Diyos sa pagbibigay ng gantimpala sa bawat mananampalataya (ligtas) sa Judgment Seat of Christ (e. John 15:16 & 2 Corinthians 5:10). At dagdag pa rito, ang mga mananampalatayang tapat na naglilingkod, naghahanda at naghihintay sa muling pagbabalik ng Panginoong Hesus ay makakatanggap din ng gantimpala (f. 1 Thessalonians 2:19, 2 Timothy 4:8 & Revelation 22:12). e. John 15:16 Ye have not chosen me, but I have chosen you, and ordained you, that ye should go and bring forth fruit, and that your fruit should remain: that whatsoever ye shall ask of the Father in my name, he may give it you. Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo. 2 Corinthians 5:10 For we must all appear before the judgment seat of Christ; that every one may receive the things done in his body, according to that he hath done, whether it be good or bad.
11Chapter 1 Ano ang Soulwinning? Bakit Kailangang Mag-Soulwinning? Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. f. 1 Thessalonians 2:19 For what is our hope, or joy, or crown of rejoicing? Are not even ye in the presence of our Lord Jesus Christ at his coming? Sapagka’t ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito? 2 Timothy 4:8 Henceforth there is laid up for me a crown of righteousness, which the Lord, the righteous judge, shall give me at that day: and not to me only, but unto all them also that love his appearing. Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita. Revelation 22:12 And, behold, I come quickly; and my reward is with me, to give every man according as his work shall be. Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.
Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? Ye are the light of the world. A city that is set on an hill cannot be hid. Let your light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father which is in heaven. Matthew 5:14 &16
13Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? SINO ANG MGA DAPAT MAG-SOULWINNING? Sa Biblia, mababasa nating ang Panginoong Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay nagturo ng kaligtasan. At mula sa panahon nila hanggang sa panahon natin ngayon, ang pagbabahagi ng kaligtasan ay inaasahang ginagawa rin ng mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng iglesiang itinatag at inatasan ng Panginoon na gumanap ng Great Commission hanggang sa muli Niyang pagbabalik. Dahil dito, mahalagang maunawaan natin na ang pagso-soulwinning ay kapwa pribilehiyo at responsibilidad ng lahat at bawat mananampalataya (na kasapi ng isang iglesia), at hindi lang ng mga pastor, deacon o mga church workers. Muli, ang Soulwinning ay dapat ginagawa ng lahat at bawat anak ng Diyos sapagkat ang bawat isa sa atin ay magsusulit sa Judgment Seat of Christ (o Hukumang Luklukan ni Cristo). Ngayon, upang maging mas malinaw ang katuruang ito, pag-aralan natin kung sinu-sino ang mga Biblical characters na nagturo ng kaligtasan sa iba: 1. Ang mga Pastor katulad ng Panginoong Jesu-Cristo at ni Apostol Pedro. • Jesus Christ, being the Founder & the First Pastor of the New Testament Church Luke 19:5 And when Jesus came to the place, he looked up, and saw him, and said unto him, Zacchaeus, make haste, and come down; for to day I must abide at thy
14 Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? house. 9 And Jesus said unto him, This day is salvation come to this house, for so much as he also is a son of Abraham. 10 For the Son of man is come to seek and to save that which was lost. 5 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya’y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka’t ngayo’y kinakailangang ako’y tumuloy sa bahay mo. 9 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka’t siya’y anak din naman ni Abraham. 10 Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. Note: Sinadyang puntahan ng Panginoon si Zacchaeus upang personal Niya itong i-soulwin. • Apostle Peter, the First Pastor of the Jerusalem Church, AFTER the Ascension of Christ. Acts 2:38 Then Peter said unto them, Repent, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the remission of sins, and ye shall receive the gift of the Holy Ghost. 40 And with many other words did he testify and exhort, saying, Save yourselves from this untoward generation. 41 Then they that gladly received his word were baptized: and the same day there were added unto them about three thousand souls. 38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. 40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito. 41 Yaon ngang
15Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. Note: Nag-preach si Apostol Pedro ng kaligtasan ni Jesu-Cristo sa Jerusalem sa araw ng Pentecost, at yaong mga masayang tumanggap sa kanyang salita (naligtas) ay sumunod sa tubig ng bautismo. Kung ang una at ikalawang pastor ng New Testament Church ay nagbigay halaga sa pagtuturo ng kaligtasan, sino naman tayo, o sinong pastor ngayon ang may karapatang magsabi na graduate na siya sa pagtuturo ng kaligtasan sa iba? Tatandaan natin, ang graduation ng mga Kristiyano (mga ligtas) ay sa Langit! Subalit habang nandito pa tayo sa lupa, ang bawat isa sa atin ay inuutusan ng Diyos na maglingkod ng may katapatan. 2. Ang mga Misyonero katulad ni Apostol Pablo. Apostle (Evangelist) Paul won to Christ the Philippian Jailor Acts 16:27 And the keeper of the prison awaking out of his sleep,… and would have killed himself,…. 28 But Paul cried with a loud voice, saying, Do thyself no harm: for we are all here. 30 And brought them out, and said, Sirs, what must I do to be saved? 31 And they said, Believe on the Lord Jesus Christ, and thou shalt be saved, and thy house. 32 And they spake unto him the word of the Lord, and to all that were in his house. 33 And he took them the same hour of the night, and washed their stripes; and was baptized, he and all his, straightway.
16 Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? 27 At ang tagapamahala, palibhasa’y nagising sa pagkakatulog … at magpapakamatay sana, …. 28 Datapuwa’t sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka’t nangaririto kaming lahat. 30 At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? 31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. 32 At sa kaniya’y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay. 33 At sila’y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka’y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. Ang bawat Missionary, na mas kilala sa Bibliya sa tawag na evangelist ay may sagradong pananagutan sa Diyos na ipahayag, hindi lang ang kaligtasan, kundi ang “whole counsel of God” (Acts 20:26-28), at magsilbing liwanag sa mga lugar kung saan binigyan siya ng Panginoon ng “burden” na magsimula ng isang gawain o pioneering work (mission). Tulad ni Apostol Pablo, ang bawat misyonero ay dapat maging matiyaga, mapagpasensya, madasalin at higit sa lahat, isang “zealous” o marubdob na soulwinner na umaasa lamang sa masaganang biyaya ng Diyos at kapangyarihan ng banal na Espiritu ng Diyos upang magtagumpay sa kanyang gawain o ministeryo. Acts 20:26 Wherefore I take you to record this day, that I am pure from the blood of all men. 27 For I have not shunned to declare unto you all the counsel of God. 28 Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made you
17Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? overseers, to feed the church of God, which he hath purchased with his own blood. 26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako’y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao. 27 Sapagka’t hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios. 28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. 3. Ang mga Deacons katulad nila Stephen at Philip. Sa Aklat ng mga Gawa ay mababasa natin kung bakit pumili ang mga Apostol ng mga deacon. At ito ay HINDI “to run the church” (patakbuhin o pamunuan ang simbahan) o “to oversee the pastor” (panghimasukan kung ano ang dapat i-preach ng pastor o kung paano pamunuan ng pastor ang simbahan). So, ano ba talaga ang papel o role ng deacon sa church ayon sa biblia? Ang simpleng kasagutan ay matatagpuan sa Acts 6:1-3 na nagtuturo na ang responsibilidad nila ay “to serve table” o “to be a servant to the brethren, especially those widows indeed, and to be a help to the Apostles”. Hindi dapat sila kumilos na isang competitor ng Pastor sa leadership o umaaktong higher approving body ng church sapagkat malinaw ang meaning ng salitang deacon (from the Greek word “diakoneo”) – “to be a servant” o “to be an attendant”. Sa madaling sabi, maging lingkod hindi tagapag-utos sa simbahan. Acts 6:1 And in those days, when the number of the disciples was multiplied, there arose a murmuring of the Grecians against the Hebrews, because their widows were neglected in the daily ministration. 2 Then the
18 Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? twelve called the multitude of the disciples unto them, and said, It is not reason that we should leave the word of God, and serve tables. 3 Wherefore, brethren, look ye out among you seven men of honest report, full of the Holy Ghost and wisdom, whom we may appoint over this business. 1 Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka’t ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. 2 At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. 3 Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Ngayon, higit pa sa pagiging lingkod sa gawain ng Diyos, makikita rin naman natin sa Biblia na may mga Deacons na “zealous” o mainit sa pagpapahayag ng ebangelyo ni Cristo gaya ni Deacon Stephen at Deacon Philip. Stephen was one of the 7 Chosen Deacons who was stoned to death for preaching Christ. Acts 6:5 And the saying pleased the whole multitude: and they chose Stephen, a man full of faith and of the Holy Ghost, and Philip, and Prochorus, and Nicanor, and Timon, and Parmenas, and Nicolas a proselyte of Antioch: 8 And Stephen, full of faith and power, did great wonders and miracles among the people. 10 And they were not able to resist the wisdom and the spirit by which he spake.
19Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? 5 At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio; 8 At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. 10 At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap. Acts 7:59 And they stoned Stephen, calling upon God, and saying, Lord Jesus, receive my spirit. 60 And he kneeled down, and cried with a loud voice, Lord, lay not this sin to their charge. And when he had said this, he fell asleep. 59 Habang binabato nila si Esteban ay nananalangin siya, “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.” 60 Siya’y lumuhod at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito.” At pagkasabi niya nito ay namatay[a] siya. Deacon Philip preached Christ to the City of Samaria. Acts 8:5 Then Philip went down to the city of Samaria, and preached Christ unto them. 6 And the people with one accord gave heed unto those things which Philip spake, hearing and seeing the miracles which he did. 5 At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo. 6 At ang mga karamiha’y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila, at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya.
20 Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? Deacon Philip also preached Jesus to an Ethiopian Eunuch, who got saved and was subsequently baptized. Acts 8:35 Then Philip opened his mouth, and began at the same scripture, and preached unto him Jesus. 36 And as they went on their way, they came unto a certain water: and the eunuch said, See, here is water; what doth hinder me to be baptized? 37 And Philip said, If thou believest with all thine heart, thou mayest. And he answered and said, I believe that Jesus Christ is the Son of God. 38 And he commanded the chariot to stand still: and they went down both into the water, both Philip and the eunuch; and he baptized him. 35 Nagpasimulang magsalita si Felipe, at simula sa kasulatang ito ay ipinangaral niya sa kanya ang magandang balita ni Jesus. 36 Sa kanilang pagpapatuloy sa daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng eunuko, “Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang akoy mabautismuhan?”37 At sinabi ni Felipe: Kung nananampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. Sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos. 38 Iniutos niyang itigil ang karwahe at lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. 4. Ang lahat ng mga members sa church/mission work katulad ng mga mananampalataya sa Jerusalem na humayo sa bawat dako ng Judea at Samaria. Acts 8:1 And Saul was consenting unto his death. And at that time there was a great persecution against the church which was at Jerusalem; and they were all scattered abroad throughout the regions of Judaea and Samaria, except the apostles. 4 Therefore they that
21Chapter 2 Sino Ang Mga Dapat Mag-Soulwinning? were scattered abroad went every where preaching the word. 1 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol. 4 Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. Ang mga talatang ito ay isa sa magpapatunay na ang soulwinning ay hindi lamang katungkulan ng mga pastor, o ng kanyang pamilya, deacons at church workers, kundi lahat ng mga anak ng Diyos. Tandaan natin, ang bawat mananampalataya ay inutusan ng Panginoon na matapat na tuparin ang Great Commission.
Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? And the things that thou hast heard of me among many witnesses, the same commit thou to faithful men, who shall be able to teach others also. 2 Timothy 2:2 Soulwinning 101
Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? 23 SINO ANG MGA DAPAT MAGTURO SA ISANG BAGONG MANANAMPALATAYA KUNG PAANO MAG-SOULWINNING? Ang Pastor (a. Acts 1:1), Misyonero (b. 2 Timothy 2:1-2 & Titus 1:1, 4-5) at mga mas Mature na members ng iglesia (c. Acts 18:24-28) ang dapat magturo ng soulwinning sa mga bagong mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapakita nila ng mabuting halimbawa sa soulwinning activities, at sa pamamagitan ng pagtatakda ng regular na church soulwinner’s trainings o workshops. Ang soulwinner’s training or workshop ay nararapat lamang na isama sa mga programa ng church upang ma-educate at ma-encourage na mag-soulwinning ang mga bagong members, at para mapaalalahanan ang mga mas naunang members ngunit inactive na sa gawain ng soulwinning. a. Ang Pastor Katulad ng ating Panginoong Hesus na nagpastor sa mga Apostol Acts 1:1 The former treatise have I made, O Theophilus, of all that Jesus began both to do and teach, 1 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, Ang ating Panginoong Jesus ang mabuting ehemplo ng pagso-soulwinning at sa loob ng humigit kumulang tatlo’t kalahating taon ay naituro Niya ito sa Kanyang mga apostol at disipulo.
24 Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? b. Ang Misyonero Katulad ni Apostol Pablo sa kanyang disipulo na si Timothy 2 Timothy 2:1 Thou therefore, my son, be strong in the grace that is in Christ Jesus. 2 And the things that thou hast heard of me among many witnesses, the same commit thou to faithful men, who shall be able to teach others also. 1 Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus. 2 At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba. At kay Titus na anak din ni Apostol Pablo sa pananampalataya Titus 1:1 Paul, a servant of God, and an apostle of Jesus Christ, according to the faith of God’s elect, and the acknowledging of the truth which is after godliness; 4 To Titus, mine own son after the common faith: Grace, mercy, and peace, from God the Father and the Lord Jesus Christ our Saviour. 5 For this cause left I thee in Crete, that thou shouldest set in order the things that are wanting, and ordain elders in every city, as I had appointed thee: 1 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan, 4 Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios
25Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin. 5 Dahil dito’y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa’t bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo; Si Apostol Pablo ay nagsabi sa kanyang disipulong si Timothy na ituro din sa mga tapat na mananampalataya ang mga bagay na natutunan niya, upang sila din naman ay makapagturo sa iba. At si Titus, na anak din ni Apostol Pablo sa pananampalataya ay pinagbilinan nito na isaayos ang bagay na may pagkukulang o pangangailangan. Tunay na ang mga missionaries o evangelists, kagaya ni Apostol Pablo, ay may responsilidad na turuan ng soulwinning ang kanyang mga members, lalo na yung mga nagtatapat sa Panginoon. c. Ang Mas “Mature” Na Kristiyano Katulad Nila Aquila At Priscilla Acts 18:24 And a certain Jew named Apollos, born at Alexandria, an eloquent man, and mighty in the scriptures, came to Ephesus. 25 This man was instructed in the way of the Lord; and being fervent in the spirit, he spake and taught diligently the things of the Lord, knowing only the baptism of John. 26 And he began to speak boldly in the synagogue: whom when Aquila and Priscilla had heard, they took him unto them, and expounded unto him the way of God more perfectly. 27 And when he was disposed to pass into Achaia, the brethren wrote, exhorting the disciples to receive him: who, when he was come, helped them much which had believed through grace: 28 For he mightily convinced the Jews, and that publickly, shewing by the scriptures that Jesus was Christ.
26 Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? 24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya’y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan. 25 Ang taong ito’y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa’y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan: 26 At siya’y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa’t nang siya’y marinig ni Priscila at ni Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat. 27 At nang ibig niyang lumipat sa Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila’y nagsisulat sa mga alagad na siya’y tanggapin: at nang siya’y dumating doon, ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya; 28 Sapagka’t may kapangyarihang dinaig niya ang mga Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo. Sina Aquila at Priscilla ay mga kamanggagawa, at aral sa mga katuruan ni Apostol Pablo. At ng marinig nila si Apollos na nagtuturo sa sinagoga ay kinausap nila ito ng pribado at ipinaliwanag nila dito ng mas malinaw ang daan ng Panginoon. SOULWINNER’S SECRET: Pastor, gusto nyo po ba na mas mabilis matutong mag-soulwinning ang inyong mga bagong members? Kung ang sagot niyo po ay “Oo”, i-encourage niyo silang sumama sa inyong church soulwinning o sa inyong
27Chapter 3 Sino Ang Mga Dapat Magturo Sa Isang Bagong Mananampalataya Kung Paano Mag-Soulwinning? personal visitation. At isama mo siya bilang iyong soulwinning partner. Pag nakita nila kung paano ka magturo ng kaligtasan, mas mabilis silang matututong mag-soulwinning. Mas makakatulong din kung isasama mo ang lesson ng “Soulwinning: How It Is Done?” sa inyong Sunday School classes para ma-reinforce ang mga nakikita nila sa inyong “actual soulwinning” na mga bible verses at step-by-step na pagso-soulwinning. Tell me and I forget. Teach me and I remember. Involve me and I learn. - Benjamin Franklin
Chapter 4 Kailan Inaasahang Magso-Soulwinning ang Isang Mananampalataya? Now the man out of whom the devils were departed besought him that he might be with him: but Jesus sent him away, saying, Return to thine own house, and shew how great things God hath done unto thee. And he went his way, and published throughout the whole city how great things Jesus had done unto him. Luke 8:38 -39
29Chapter 4 Kailan Inaasahang Magso-Soulwinning Ang Isang Mananampalataya? KAILAN INAASAHANG MAG-SOULWINNING ANG ISANG MANANAMPALATAYA? Sa sandaling ang isang tao ay makakilala sa Panginoon (maligtas) ay inaasahang siya’y magbahagi rin ng natamong kaligtasan sa iba (a. Mark 5:18-20 & John 4:28, 29 & 39). Wala saan man sa Biblia na nagsasabing kailangang magtagal muna ang isang bagong member sa church ng ilang panahon at matutunan muna ang lahat ng doktrina sa Biblia bago siya maging isang soulwinner. Walang ganitong katuruan sa Biblia, wala, wala kahit isa! Sa kabaligtaran, may mga mababasa tayo sa Biblia na pagkatapos makakilala sa Panginoon ay kaagad silang nagpahayag na si Jesus ang Kristo – ang nagiisang Tagapagligtas. Narito ang dalawang halimbawa ng mga taong pagkatapos maligtas ay nagpahayag na agad ng kaligtasan sa iba: 1. The Man With Legion Of Evil Spirits Got Saved, And Thereafter Published Christ a. Mark 5:18 And when he was come into the ship, he that had been possessed with the devil prayed him that he might be with him. 19 Howbeit Jesus suffered him not, but saith unto him, Go home to thy friends, and tell them how great things the Lord hath done for thee, and hath had compassion on thee. 20 And he departed, and began to publish in Decapolis how great things Jesus had done for him: and all men did marvel. 18 At habang lumululan siya sa daong, ay ipinamamanhik sa kaniya ng inalihan ng mga demonio na siya’y ipagsama niya. 19 At hindi niya itinulot sa
30 Chapter 4 Kailan Inaasahang Magso-Soulwinning Ang Isang Mananampalataya? kaniya, kundi sa kaniya’y sinabi, Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka niya. 20 At siya’y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya’y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao. 2. The Woman Of Samaria Believed Christ, And She Immediately Told The Citizens Of The City What Jesus Had Done, And As A Result, Many Of Them Believed. John 4:28 The woman then left her waterpot, and went her way into the city, and saith to the men, 29 Come, see a man, which told me all things that ever I did: is not this the Christ? 39 And many of the Samaritans of that city believed on him for the saying of the woman, which testified, He told me all that ever I did. 28 Sa gayo’y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao, 29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo? 39 At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya’y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. Tandaan: Pagkatapos mabautismuhan ang isang mananampalataya (saved), siya ay inaasahan nang magliwanag at maglingkod sa Diyos. Ang mga bagong kapatiran sa iglesia ay inaasahang maglingkod din naman sa Diyos at
31Chapter 4 Kailan Inaasahang Magso-Soulwinning Ang Isang Mananampalataya? maging ilaw sa madilim na sanlibutan. Sa simula, maaari siyang sumama sa church soulwinning bilang isang silent partner o tagapanalangin at katuwang ng nagtuturo ng kaligtasan. Maaari rin siyang magbigay ng Gospel tracts habang nagmamasid sa mga nagso-soulwinning. Magiging malaking tulong din sa mga nagnanais matuto ng soulwinning na dumalo lagi sa mga Church Soulwinning Clinics at Sunday School Classes upang mas mabilis nilang maunawaan ang paraan ng pagtuturo ng kaligtasan. Makabubuting bigyan-diin na hindi dapat mahiyain o kimi ang tagapagturo ng salita ng Diyos kahit may mataas na pinag-aralan o mas mataas ang estado sa buhay ng kanyang tuturuan, sapagkat ang gawain naman ng Diyos ay hindi nababatay sa galing ng isang tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos (b. Acts 4:13). ba. Acts 4:13 Now when they saw the boldness of Peter and John, and perceived that they were unlearned and ignorant men, they marvelled; and they took knowledge of them, that they had been with Jesus. 13 Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus. Ministry Reminder: Huwag aakalain ng sinumang nasa ministry na pagpapalain siya ng Diyos dahil magaling siya o malakas ang kanyang charisma o dahil mataas ang kanyang
32 Chapter 4 Kailan Inaasahang Magso-Soulwinning Ang Isang Mananampalataya? pinag-aralan, dahil ang pagpapala sa gawain ng Diyos ay mula rin mismo sa Diyos (c. Zechariah 4:6 & John 15:5). Kaya kung nais nating makuha ang pagpapala ng Panginoon, dapat natin itong simulan sa pagpapakumbaba sa harapan ng Diyos, at sa paghingi ng dagdag na biyaya at kapangyarihan sa ministeryo na ipinagkatiwala lamang sa atin ng Diyos. At pagkatapos nito ay humayo tayo na walang pag-aalinlangan sa pagtupad ng Great Commision. bc. Zechariah 4:6 Then he answered and spake unto me, saying, This is the word of the LORD unto Zerubbabel, saying, Not by might, nor by power, but by my spirit, saith the LORD of hosts. Nang magkagayo’y siya’y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. John 15:5 I am the vine, ye are the branches: He that abideth in me, and I in him, the same bringeth forth much fruit: for without me ye can do nothing. Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.
Chapter 5 Ano ang mga Kailangang Malaman ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? Walk in wisdom toward them that are without, redeeming the time. Let your speech be alway with grace, seasoned with salt, that ye may know how ye ought to answer every man. Colossians 4:5-6
34 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? ANO ANG MGA KAILANGANG MALAMAN NG ISANG BAGONG MANANAMPALATAYA BAGO MAGSOULWINNING? Gusto mo ba talagang matutong mag-soulwinning? Kung ang sagot mo ay Oo, kailangan mong maghanda ngayon palang upang maging mas effective ka sa ministeryo. Maaari kang gamitin ng Diyos kahit bagong ligtas ka palang, subalit mas magiging kagamit-gamit ka sa gawain ng Panginoon kung ide-develop mo pa ang iyong sarili bilang isang lingkod ng Diyos. Ayon sa isang kasabihan, “Ang digmaan ay naipapanalo bago pa ito maganap (copied)”. Ibig sabihin, napakahalagang parte ng tagumpay ang paghahanda na ginagawa bago pa ang aktuwal na pakikipaglaban. Kung ia-apply natin ito sa ministry na nakasuong sa espiritwal na digmaan, kailangan ay handa tayong maging available sa gawain ng Panginoon, at pag- aralan ang mga bagay na kailangang malaman ng isang bagong Kristiyano bago pa siya humayo upang mag- soulwinning. Nawa, pagkatapos ninyong matutunan ang mga aralin sa aklat na ito ay mananatili parin kayong mapagpakumbaba sa harapan ng Diyos, at patuloy na umaasa lamang sa Kanyang biyaya at kapangyarihan, lalo na kung mas madalas na kayong nagtuturo ng kaligtasan sa iba. Narito ang mga mahahalagang bagay na kailangang malaman ng isang mananampalataya bago magturo ng kaligtasan:
35Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? 1. Siya Dapat Ay Tunay Na Ligtas (a. 1 John 5:13, 2 Timothy 1:12 & Psalm 107:2). Marahil ay narinig na natin ang isang kasabihan na, “Hindi mo maibibigay ang isang bagay na wala ka (copied)”. Paano magtuturo ng kaligtasan ang isang tao, kung siya mismo ay hindi pa ligtas o may pagdududa pa sa kanyang sariling kaligtasan? Kaya napakahalaga sa isang nagnanais na maging soulwinner na matiyak niya sa kanyang sarili na siya ay talagang ligtas na at maiku-kwento niya kung paano ito naganap. Halimbawa, ang may-akda ay naligtas noong 1994 sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna noong siya ay tinuruan ng kaligtasan ng kanyang pastor sa round table sa loob ng kanilang bahay. a. 1 John 5:13 These things have I written unto you that believe on the name of the Son of God; that ye may know that ye have eternal life, and that ye may believe on the name of the Son of God. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. Timothy 1:12 For the which cause I also suffer these things: nevertheless I am not ashamed: for I know whom I have believed, and am persuaded that he is able to keep that which I have committed unto him against that day. Dahil dito’y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma’y hindi ako nahihiya; sapagka’t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya’y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.
36 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? Psalm 107:2 Let the redeemed of the LORD say so, whom he hath redeemed from the hand of the enemy; Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway; 2. Hindi Siya Dapat Nag-Iingat Ng Kasalanan (a. Psalm 66:18, Psalm 19:12-13 & 1 Peter 1:15). Hindi pagpapalain ng Diyos sa ministeryo ang isang Kristiano na nag-iingat o nagtatago ng kasalanan. a. Psalm 66:18 If I regard iniquity in my heart, the Lord will not hear me: Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: Psalm 19:12 Who can understand his errors? cleanse thou me from secret faults. 13 Keep back thy servant also from presumptuous sins; let them not have dominion over me: then shall I be upright, and I shall be innocent from the great transgression. 12 Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian. 13 Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala: huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo’y magiging matuwid ako, at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang. 1 Peter 1:15 But as he which hath called you is holy, so be ye holy in all manner of conversation; Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Madalas na ginagamit ng mga matatandang pastor ang ilustrasyon ng dalawang baso pagdating sa usaping
37Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? ito. Halimbawa, ikaw ay uhaw na uhaw na: Alin sa 2 baso ang agad mong kukunin para inuman? Ang basong napakaganda subalit marumi dahil hindi nagagamit at nakaimbak lang sa cabinet na puno ng alikabok? O ang ordinaryong baso na malinis dahil laging nagagamit tuwing kainan? Walang dudang ang malinis na baso! Ganun din naman sa ministry. Ang ginagamit ng Panginoon ay ang Kristiyanong hindi nagtatago ng kasalanan sapagkat alam ng Diyos ang lahat ng ating mga ginagawa, pribado man o hayag sa publiko. Tandaan lagi natin na ang ating buhay ay isang OPEN BOOK sa harap ng Panginoon, kaya wala tayong maitatago sa Kanya (b. Proverbs 5:21). a. Proverbs 5:21 For the ways of man are before the eyes of the LORD, and he pondereth all his goings. Sapagka’t ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. 3. Siya Dapat ay Mag-Aaral ng Biblia (a. 2 Timothy 2:15 & Acts 17:10-11) at Mapanalanginin (b. Luke 18:1 & Matthew 26:41). Ang pag-aaral ng biblia at pananalangin ay ang dalawang bagay na nagbibigay karunungan at kapangyarihan sa isang Kristiyano na gustong maging kagamit-gamit sa gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng biblia, natututunan ng isang mananampalataya ang mga katotohanang kakailanganin niya sa pagtuturo ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan naman ng pananalangin, ipinakikita ng isang mananampalataya na siya ay umaasa lamang sa
38 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? biyaya at kapangyarihan ng Diyos sa paghayo, at hindi sa kanyang sariling lakas at karunungan. Madalas sabihin ng mga guro sa Bible School na, “Habang lumalago at lumalalim ka sa karunungan, mas lalo mong nauunawaan na mas lalo ka palang kulang pa sa kaalaman at dapat pang mag-aral”. Ito ay totoo at dapat pakaisipin ng isang Kristiyano, dahil kapag naisapuso nating wala na tayong dapat matutunan pa sa Biblia ay doon na papasok ang kasalanan ng kapalaluan (pride) at ang kaisipan na: “OK na ako dahil alam ko na ang lahat”. Kapag narating mo na ang estadong ito, kabahan ka na at magsisi dahil nakahakbang na ang diablo sa pintuan ng iyong puso at isipan. Palagi nating tatandaan na ang kalooban ng Diyos ay patuloy tayong lumago sa biyaya at sa kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo (c. 2 Peter 3:18) at Siya ay mas makilala pa natin (d. Philippians 3 :10) a. 2 Timothy 2:15 Study to shew thyself approved unto God, a workman that needeth not to be ashamed, rightly dividing the word of truth. Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan. Acts 17:10 And the brethren immediately sent away Paul and Silas by night unto Berea: who coming thither went into the synagogue of the Jews. 11 These were more noble than those in Thessalonica, in that they received the word with all readiness of mind, and searched the scriptures daily, whether those things were so.
39Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? 10 At pagdaka’y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio. 11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito. b. Luke 18:1 And he spake a parable unto them to this end, that men ought always to pray, and not to faint; At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila’y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; Matthew 26:41 Watch and pray, that ye enter not into temptation: the spirit indeed is willing, but the flesh is weak. Kayo’y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman. c. 2 Peter 3:18 But grow in grace, and in the knowledge of our Lord and Saviour Jesus Christ. To him be glory both now and for ever. Amen. Datapuwa’t magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa. d. Philippians 3:10 That I may know him, and the power of his resurrection, and the fellowship of his sufferings, being made conformable unto his death;
40 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, 4. Siya Dapat ay Nakadepende sa Kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo (a. Ephesians 5:18 & Galatians 5:16). Ang gawain ng Diyos ay nararapat gawin ayon sa kaparaanan ng Diyos. Halimbawa, hindi pwedeng basta-basta na lang magpresenta ng mga ebidensya at testigo sa korte ang isang abogado dahil may Rules of Court na sinusunod dito, at ang Judge o huwes ang nagpapatupad nito. Gayun din naman, hindi rin pwedeng gawin ang sagradong gawain ng Diyos sa pamamaraang makamundo o carnal. Halimbawa, si Architect Michael ay youth leader sa isang church. Subalit imbes na siya ang maging mabuting halimbawa ng katapatan sa mga kabataan ay siya pa ang pasimuno ng mga maling gawain gaya ng pagtatago ng maling relasyon. Isa pang halimbawa ay si Mario na isang Head Deacon at pinuno ng soulwinning ministry, pero laging absent sa soulwinning at kilala sa kanilang opisina na corrupt at abusado. Panghuli ay si Marie na mayaman at pinuno ng Ladies’ Group sa church, pero madalas siyang nagpo-post sa Facebook na nakikipag-party sa KTV bars kasama ang kanyang mga kaopisina at mga kaibigang hindi pa mga ligtas. Ang mga gawaing ito ay hindi nakakapagbigay-lugod sa Diyos. Dahil dito, kahit matalino, mayaman at magaling pa sila, hindi
41Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? pagpapalain ng Panginoon ang kanilang mga ministeryo, kahit ito’y magkaroon pa ng superficial growth sa simula. Muli, ang pinagpapala ng Diyos ay ang isang mananampalatayang hindi nagtatago ng kasalanan, at dumedepende sa Kanyang biyaya at kapangyarihan para magtagumpay sa Kanyang gawain. a. Ephesians 5:18 And be not drunk with wine, wherein is excess; but be filled with the Spirit; At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu; Galatians 5:16 This I say then, Walk in the Spirit, and ye shall not fulfil the lust of the flesh. Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman. 5. Dapat Maayos, Malinis at Kagalang-Galang ang Kanyang Itsura at Kilos (a. 1 Corinthians 14:40 & 1 Timothy 2:9). Madalas na ang isang bagong Kristiyano ay wala pang disenteng damit na maisusuot sa church, kaya naman dito papasok ang tulong ng mga kapatiran na mabigyan siya ng mga pre-loved clothes o kung makakaya ay bigyan ng bagong kasuotan. Ang ikalawang paraan ng pagtulong ay ang masamahan siya sa ukay-ukay na kung saan maganda ngunit mura ang mga damit. Tiyak na magiging encouragement sa isang bagong mananampalataya kung maibibili siya ng maisusuot na damit pangsamba. Maging maingat lang na humantong sa pagsasamantala ang ipinakikitang pagtulong o pag-alalay sa bagong member.
42 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? Ang isang bagong Kristiyano na nagnanais maging soulwinner ay dapat na may malinis at disenteng damit upang maging kagalang-galang sa harapan ng mga kakausapin. Siya dapat ay naligo, nag-deodorant, nagpabango (kahit cologne) at nagsipilyo o gumamit ng mouthwash upang hindi makasagabal sa pagtuturo ang di-kaaya-ayang amoy. Mahalaga sa isang soulwinner na maging kagalang-galang at refined o pino ang pagkilos. Hindi siya dapat magaslaw at kung saan-saan tumitingin o kung anu-ano ang ginagawa habang nagaganap ang pagtuturo. Halimbawa, isang karaniwan sa mga di maayos na kilos sa loob ng bahay na binisita ay ang patingin-tingin ng soulwinning partner sa buong paligid habang nagtuturo ang soulwinner. At ang isa pa ay ang malakas na kwentuhan at biruan ng mga kasama ng soulwinner habang nagtuturo na ito ng kaligtasan. Panghuli, dapat ding iwasan ang paggamit ng cellphone sa harapan ng tinuturan na nakakaagaw ng atensyon nito (b. Colossians 4:5). a. 1 Corinthians 14:40 Let all things be done decently and in order. Datapuwa’t gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay. 1 Timothy 2:9 In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array; 9 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
43Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? b. Colossians 4:5 Walk in wisdom toward them that are without, redeeming the time. Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. 6. Handa siya Dapat sa Pagpapahayag ng Simpleng Paraan ng Kaligtasan (a. 1 Peter 3:15, Colossians 4:6, Acts 16:29-32, James 1:5 & Ephesians 6:19). Sa parteng ito, nararapat na ituro ng pastor sa bagong mananampalataya kung paano magturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang Soulwinning Clinic/Workshop o kahit pagtuturo ng actual soulwinning approach sa Sunday School Class. Sa pamamagitan ng mga ganitong mga activities, mas madali nilang malalaman kung anu-anong mga verses ang kailangan nilang tandaan, at kung ano ang maayos na pagkakasunud-sunod ng pagbabahagi ng kaligtasan. Sa madaling sabi, nagkakaroon sila ng tamang kaisipan kung paano ito aktuwal na ginagawa, dahil siguradong kakabahan sila bilang mga bagong soulwinners. Bilang mga baguhan, mas magandang i-encourage sila at maging mapagpasensya sa mga maliliit na pagkakamali, maliban na lang kung ito ay ukol sa doktrina. Ang ibig sabihin, kung pwede namang palampasin ay palampasin na muna habang nag-aaral pa sila kung paano magsoulwinning at magsalita ng tama. a. 1 Peter 3:15 But sanctify the Lord God in your hearts: and be ready always to give an answer to every man that asketh you a reason of the hope that is in you with meekness and fear: Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa
44 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa’t tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni’t sa kaamuan at takot: Colossians 4:6 Let your speech be alway with grace, seasoned with salt, that ye may know how ye ought to answer every man. Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa. Acts 16:29 Then he called for a light, and sprang in, and came trembling, and fell down before Paul and Silas, 30 And brought them out, and said, Sirs, what must I do to be saved? 31 And they said, Believe on the Lord Jesus Christ, and thou shalt be saved, and thy house. 32 And they spake unto him the word of the Lord, and to all that were in his house. 29 At siya’y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas, 30 At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? 31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. 32 At sa kaniya’y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay. James 1:5 If any of you lack wisdom, let him ask of God, that giveth to all men liberally, and upbraideth not; and it shall be given him. Nguni’t kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya. Ephesians 6:19 And for me, that utterance may be given unto me, that I may open my mouth boldly, to make known the mystery of the gospel,
45Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? At sa akin, upang ako’y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio, 7. Dapat ay may dala siyang Biblia, Gospel tracts, ballpen at notebook na susulatan ng mga mahahalagang impormasyon mula sa mga nakausap sa Panginoon para sa maayos na pagpa-follow-up (a. Acts 15:36) Ang simpleng tagubilin na ito ay madalas na nakakaligtaan ng mga soulwinners kapag nasa aktuwal na soulwinning na, na nagiging dahilan kung bakit wala silang nadi-disciple at nananatiling bunga sa ministeryo. Madalas, magaling lang ang mga soulwinner sa pagsugod at pagtuturo ng kaligtasan, pero hindi sila nagre-record ng mga detalye ukol sa mga taong nakausap nila at nalilimutan ding madalas na magtanong kung maaaring balikan ang mga taong nakausap para sa follow-up o visitation. Kaya ang nangyayari, lipat lang ng lipat linggu-linggo ng soulwinning area, at testimony lang ng testimony kada Linggo ng mga tumatanggap daw sa Panginoon, pero hindi naman napa-follow-up at naiimbitahang pumunta sa church kaya wala ring naiiwang bunga sa gawain. So, ano ba talaga ang mga mahahalagang bagay na dapat dala ng isang soulwinner? Of course, dapat may dala siyang Bible, subalit pwede rin naman ang English Tagalog na New Testament para maipabasa ng soulwinner sa tinuturuan ang mga verses sa Tagalog upang mas maunawaan nila ito. Dapat na may dala rin siyang mga Gospel Tracts, ballpen at
46 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? notebook upang maisulat ang basic info ng tinuruan gaya ng pangalan, address ng tirahan, cellphone number at FB/Messenger account para pwede ring makipag-ugnayang muli sa pamamagitan ng Private Message (PM). a. Acts 15:36 And some days after Paul said unto Barnabas, Let us go again and visit our brethren in every city where we have preached the word of the Lord, and see how they do. At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa’t bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila. 8. Iwasang magdala ng mga gamit na hindi kailangan sa soulwinning na maaaring magiging sanhi pa ng kapahamakan (a. Mark 6:7-9 & Luke 22:35-36). Iwasang magsuot ng mga alahas na magiging mainit sa mata ng mga snatchers o holdaper. Magdala lang ng sapat na pera para sa pamasahe at iba pang pagkakagastusan tulad ng merienda. Iwasang magdala ng malaking pera upang maiwasang mawalan, madukutan, maholdap o mapagastos ng wala sa plano/budget. Iwasang i-display o ilabas ang mga mamahaling gadget lalo na kung nasa mga alanganing lugar dahil wala nang kinikilalang oras at pagkakataon ang mga masasamang loob, gaya ng mga snatcher na nakasakay sa motorsiklo (riding in tandem). Kung maaari rin, iwanan na lang sa church vehicle (kung meron) ang mga malalaking lalagyan ng tubig
47Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? inuman (tumbler) at mga pagkain, dahil ito din naman ang maghahatid sa mga soulwinners pauwi sa bahay o pabalik sa church. Hindi kasi magandang tingnan ang isang soulwinner na may bitbit na malaking tumbler at may nakaumbok na pagkain sa bag, lalo na kung malaki pa ang bag na parang magpipicnic o magbabiyahe sa malayong lugar. Gaya ng nauna ng naituro, ang mga basic soulwinner’s kit ay binubuo lamang ng Bible, Gospel tracts, ballpen, maliit na notebook at sapat na pera upang hindi maging sagabal sa kanyang paglalakad. a. Mark 6:7 And he called unto him the twelve, and began to send them forth by two and two; and gave them power over unclean spirits; 8 And commanded them that they should take nothing for their journey, save a staff only; no scrip, no bread, no money in their purse: 9 But be shod with sandals; and not put on two coats. 7 At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu; 8 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot; 9 Datapuwa’t gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika. Luke 22:35 And he said unto them, When I sent you without purse, and scrip, and shoes, lacked ye any thing? And they said, Nothing. 36 Then said he unto them, But now, he that hath a purse, let him take it, and likewise his scrip: and he that hath no sword, let him sell his garment, and buy one.
48 Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? 35 At sinabi niya sa kanila, Nang kayo’y suguin ko na walang supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi. 36 At sinabi niya sa kanila, Nguni’t ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak. Magandang Pag-isipan: Paano kaya nadalaw muli ni Apostol Pablo ang mga kapatiran sa bawat lugar na naturuan nila noong 1st Missionary Journey? Through Waze o Google Map kaya? O may dala silang talaarawan o diary o record book katulad ng ginawa ni Doctor Luke sa pagsusulat ng missionary jouneys at travel to Rome nila ni Apostol Pablo na isinulat niya sa Aklat ng mga Gawa? Napakahalaga ng pagsusulat ng impormasyon ng mga nakakausap. Ayon nga sa isang Chinese Proverb, “The weakest ink is better than the strongest memory”. Ibig sabihin, mas maigi ng isulat ang isang bagay, dahil ang memorya natin ay hindi lubos na maaasahan. Kung hindi natin isusulat ang impormasyon ng ating naturuan (gaya ng pangalan at cellphone number), maaari natin itong malimutan at hindi na maaalala sa sandaling magpa-follow-up dito (b. 3 John 1:13-14). b. 3 John 1:13 I had many things to write, but I will not with ink and pen write unto thee: 14 But I trust I shall shortly see thee, and we shall speak face to face. Peace be to thee. Our friends salute thee. Greet the friends by name. 13 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, datapuwa’t hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat: 14 Datapuwa’t inaasahan kong makita kang madali, at tayo’y magkakausap ng mukhaan. Ang kapayapaa’y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237