Sagutin Mo 1. Naunawaan mo ba ang kwento? Bakit daw masaya ang buhay ni Mang Doroteo sa kalye? 2. Ano ang Divine Law? Bakit dapat sundin ang mga batas ng Diyos? 3. Ano ang Natural Law? Paanong ang kalikasan ng tao ay kaugnay sa Natural Law? 4. Ano Moral Law? Paano nakakatulong sa tao ang pagsunod sa Moral Law? Nahirapan ka bang unawain ang mga konseptong binabanggit sa Gawainblg. 2? Gawin mo pa ang susunod na Gawain upang maging malinaw sa iyoang paksa ng modyul na ito.Gawain Blg. 3 Isulat mo sa patlang ang iyong gagawin upnag itama ang kilos ng nasasitwasyon. Banggitin ang mga pagpapahalagang dapat pairalin upangmapanatili ang kalikasan mo na mabuting tao.1. Nalaman ng iyong kaklase na dinala sa ospital ang kanyang ina kaya nais na niyang umuwi. Subalit hindi siya pinayagan ng kanyang guro dahil isang oras na lang daw ay uwian na. Biglang nawala ang iyong kaklase at nakita mo siyang umaakyat sa bakod ng paaralan. Ano ang sasabihin mo sa kanya? ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________2. Bago mag-umpisa ang paligsahan ay tinutukso ka ng iyong mga kaklase na hindi ka mananalo dahil hindi ka naman magaling sa Matematika. Subalit itinuloy mo pa rin ang pagsali sa paligsahan. Ngayon ay nakamit mo ang unang karangalan. Ano ang iyong sasabihin sa iyong mga kaklase? __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.7/13
3. Sinabi mo sa klase na napakadali ng inyong gawain sa Science kaya ikaw na ang nagkusa na mauna sa pagsubok. Subalit nang ilagay mo ang aklat sa iyong ulo at nag-umpisa ka nang maglakad, nadapa ka at nagtawanan ang mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila? ________________________________ ________________________________ ________________________________Sagutin Mo 1. Mahirap bang umayon sa kalikasan ng tao, bilang mabuti? Bakit? 2. Kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapakabuti, ano ang iyong dapat tandaan?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Gamit ang dayagram sa ibaba, isulat sa kahon ang konseptong nabuo mo mula sa aralin. Divine Law ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Natural Law ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Moral Law ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.8/13
V. Pagpapatibay Ang tao ay mayroong isip (intellect) at kalayaan ng loob (will) kaya’t nasusuri niya ang kanyang mga kilos at reaksyon sa bawat nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan, at naaamoy. Dahil din sa kanyang isip at kalayaang loob ay kaya niyang maunawaan ang likas niyang kalikasan. Upang mapamahalaan niya nang maayos ang kanyang emosyon, kailangan niyang sundin ang mga batas na itinakda ng Diyos. Ang mga ito ang gagabay sa kanya upang maunawaang nilikha siya ng isang makapangyarihang Diyos. Sa mga kristiyano, nakasulat ang mga ito sa Bibliya, ang Sampung Utos ng Diyos. Habang sa mga muslim, ang mga ito ay nakasulat sa Koran. Sa araw araw na pamumuhay, kinakailangan ng gabay ng kilos. Nandiyan ang mga Batas Moral upang kumilos ng tama at iwasan ang masama. Kahit pa sabihing likas sa tao na piliin ang tama at iwasan ang masama, kinakailangan pa rin niya ng gabay upang hindi maligaw ang kanyang landas. Isipin mo na lang kung walang pangalan ang bawat daan o mga roadsigns. Siguradong maliligaw ka at mahihirapang makarating sa nais mong puntahan. Marahil lahat ng taong iyong masalubong ay iyong tatanungin. Ganyan ang Batas Moral, mga roadsigns sa daan ng buhay ng tao. Kahit maraming pagsubok at tukso sa daan ng buhay, hindi ka maliligaw dahil mayroon kang gabay. Karagdagan pa, ang Batas Moral ay hindi nagbabago, magbago man ang panahon. Halimbawa, ang pagiging tapat sa kapwa ay ginagawa na ng tao noon, ngayon ang konsepto ng katapatan sa kapwa ay ganoon pa rin. Higit sa lahat, dahil ang Batas Moral ay batay sa batas ng Diyos, hinihimok nito ang tao na higit na sundin ang kalooban ng Diyos. Pinabubuti ng Batas Moral ang ugnayan ng Diyos at tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.9/13
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Mula sa Sampung Utos ng Diyos, pumili ng isa na sa iyong palagayay nahihirapan kang sundin. Pagkatapos ay isulat mo sa bawat kolumang kahalagahan ng pagsunod dito sa iyong buhay at ang mgapagpapahalagang kailangan mo upang maisabuhay ito nang maayos.(Kung ikaw ay Muslim, maaari mong isulat ang utos na ayon sa Koran) Utos ng Diyos na Kahalagahan ng Pagpapahalagang Nahihirapang Sundin Pagsunod Dito Dapat Pairalin Upang Maisabuhay ang UtosHalimbawa:Ikatlong Utos: Pagbibigay galang sa Katatagan,Alalahanin mo ang Araw Diyos na gumawa sa Kasipagan,ng Panginoon upang atin Kababaang-loobipangilin ito.VII. Gaano Ka Natuto? A. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang Natural Law ay nakaukit sa puso ng bawat tao kayat magagawa niyang a. gumawa nang mabuti at umiwas sa masama b. gumawa nang tama at hindi magkasala c. gumawa nang paraan upang mabuhay d. gumawa nang paraan upang umunlad ang pamumuhay 2. Ang Divine Law ay gabay ng tao upang a. makagawa ng kabutihan b. mabuhay ng maka-Diyos c. marating ang daan tungo sa kanyang Lumikha d. magkaroon ng katatagan ng kalooban Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.10/13
3. Ang mga katangian ng Natural Law ay ang sumusunod liban sa isa. a. hindi nagbabago b. mahiwaga c. obhektibo d. eternal 4. Ang Moral Laws ay batay sa Natural Law kaya ang mga ito ay sumusunod sa a. kultura ng bawat lipunan b. gusto ng tao c. kalikasan ng tao d. batas ng tao 5. Kapag pinagsunud-sunod mo ang ayos ng a. Natural Law, b. Divine Law at c. Moral Laws, ganito ang magiging ayos. a. c, a, b b. a, b, c c. b, a, c d. b, c, aB. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa ibaba kung Tama o Mali ang pahayag pagkatapos, ipaliwanag ang napiling sagot. 1. Ang paggalang sa magulang ay ikaapat na utos ng Diyos. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ang sobrang kahirapan ang nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng masama. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Kahit alam mong masama ang mangopya subalit kung wala nang paraan upang makapasa ay maaari mo itong gawin basta walang makakaalam ng iyong ginawa. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.11/13
4. Kung mamimili ka na rin ng kaibigan, piliin mo na iyong makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 5. Bukod sa pagpapatawad, kailangan ding kalimutan ang nagawang kasalanan ng kapwa. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________VIII. Mga Sanggunian Esteban, Esther J. 1990. Education in Values: What, Why, and for Whom. Manila: Sinag-tala Publishers, Inc. Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. 2000. Katesismo Para sa mg Pilipinong Katoliko. Manila: CBCP/ECCCE, Word and Life Publications.Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?A.1. a2. c3. b4. c5. cB.1. Tama. Ang mga magulang ang kasama ng Diyos sa paglikha sa tao kayat dapat silang igalang.2. Mali. Ang kahirapan ay hindi dahilan upang gumawa ng masama. Meron siyang talino at kakayahan upang makaahon sa kahirapan.3. Mali. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ang kailangan upang magkaroon ng mahuhusay na marka.4. Mali. Ang pakikipagkaibigan ay pakikipagkapwa kaya naroon ang pagtutulungan.5. Tama. Kailangang kalimutan na ang nagawang kasalanan upang maging ganap ang iyong pagpapatawad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.12/13
Gaano Ka Natuto?A.1. a2. c3. b4. c5. cB.1. Tama. Ang mga magulang ang kasama ng Diyos sa paglikha sa tao kayat dapat silang igalang.2. Mali. Ang kahirapan ay hindi dahilan upang gumawa ng masama. Meron siyang talino at kakayahan upang makaahon sa kahirapan.3. Mali. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ang kailangan upang magkaroon ng mahuhusay na marka.4. Mali. Ang pakikipagkaibigan ay pakikipagkapwa kaya naroon ang pagtutulungan.5. Tama. Kailangang kalimutan na ang nagawang kasalanan upang maging ganap ang iyong pagpapatawad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.13/13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul Blg. 9 Bulong ng KonsensiyaI. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? May mga bagay na madaling pagpasyahan. Ngunit dahil sa bilis ng daloy ng buhay at nagtutunggaling impluwensiya ng kapaligiran, lubhang nakalilito ang pagpili sa tamang aksiyon. Sa ganitong kalagayan, ano ang batayan ng iyong aksiyon? Paano mo malalaman na ang pinili mo ay tama at iniwasan mo ang mali? Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang kalikasan ng konsensya. Susuriin mo kung paano mo huhubugin ang iyong konsensya upang gumawa ka ng tama at umiwas sa mali. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala ang kalikasan ng konsensiya B. Nakapagpapasya ng angkop na aksiyon sa isang sitwasyon C. Nakikilala ang sinasabi ng konsensiya kung maharap sa ilang sitwasyon D. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng paghubog ng isang malinis na konsensiya Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph1 / 13
4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? I. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka sa pahayag at DS kung hindi ka sumasang-ayon. 1. Iisa lamang ang uri ng konsensiya. 2. Kung inaakalang mali ang dikta ng konsensiya, maaaring humingi ng tulong sa iba. 3. Maaaring ipagpaliban ang pagpapasya, kung inaakalang mali ang dikta ng konsensiya. 4. Ang paggawa ng mabuti ay nakaugat sa dignidad ng tao. 5. Kung malinis ang konsensiya, maayos ang pagkatao. 6. Ang paghubog ng konsensiya ay imposible. 7. Ang konsensiya ay batayan ng kaisipan sa paghusga ng tama o mali. 8. Lahat ng sinasabi at ginagawa ng iba ay maaaring gayahin upang maging tama ang dikta ng konsensiya. 9. Ang mabuting konsensiya ay lumilinang ng mahusay na pagkatao. 10. Kung ginagawa ng marami ang mali, (halimbawa: halos lahat ng iyong kamag-aral ay nangongopya ng takdang aralin) maaari na ring itong ituring na tama kaya nararapat gayahin. II. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Nakita ni Martha ang kanyang panyo na nasa bag ni Lorna. Inisip niyang kinuha ito ni Lorna kaya kinuha niya ito at hindi ipinaalam kahit kanino. Dahil sa maling hinala, ang pasya ni Martha ay bata sa konsenyang: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph2 / 13
2. Nakita ni Aling Julia ang kanyang anak apat na taong si Digna na kumakain ng kendi. Tinanong niya kung saan niya ito kinuha. Umiling at ayaw sumagot ng bata. Sinabi ng ina na masama ang nagsisinungaling dahil kahit walang nakakakita sa iyo sa pagkuha ng bagay na hindi iyo ay mayroong Diyos na nakatingin sa iyo. Matututuhan ni Digna ang konsesya ay dapat na: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali3. Limang taon lamang si Jose. Minsan galing sa kapitbahay, may dala siyang laruan. Tinanong ng kanyang kuya kung may nakakita nang kunin niya ito. Wala daw kaya itinago ito ng kanyang kuya. Ang konsensyang maaaring mahubog ni Jose ay: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali4. Kasalukuyang kumukuha ng pagsusulit ang klase nina Romy. Biglang tinawag ang kanilang guro sa opisina ng punong-guro. Sinabi ng katabi niyang si Eric na maaari na nilang buksan ang kanilang aklat. Ang kanyang mga kaklase ay gumaya kay Eric. Si Romy ay hindi nagbukas ng aklat. Ang pasya ni Romy ay batay sa kanyang konsensya na: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali5. Kung ikaw ay naguguluhan sa pagpapasya at nagkakaroon ng alinlangan sa bulong ng iyong konsensya, ang sumusunod ay maaari mong gawin liban sa isa. a. Hintaying bumulong muli ang konsensya. b. Lumapit sa taong iyong mapagkakatiwalaan. c. Ipagpaliban muna ang napiling pasya. d. Isipin ang magiging kalalabasan ng pasya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph3 / 13
Marahil ay nagkaroon ka na nang ideya kung ano ang paksa ng aralin. Kung ganoon ay gawin mo na ang sumusunod na gawain.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. I Basahin ang kuwento sa ibaba tungkol sa magkapatid na lalaki, sina Danny at Pepe. Lagyan mo ito ng wakas sa pamamagitan ng pagguhit sa kahon at pagsulat sa ibaba nito ng dapat na mangyari upang wakasan ang kuwento. Magkapatid sina Danny at Pepe. Gustung-gusto nilang maglaro sa loob ng bahay. Isang araw, isang aksidente ang nangyari. Naglalaro sila ng bola at ito ay tumama sa paboritong pigurin ng kanilang nanay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph4 / 13
“Naku po! Siguradong magagalit ang nanay kapag nalaman niya ito.” Sabi ni Pepe. Nag-isip si Danny at sumagot. “Siguro sabihin na lang natin si Neneng ang nakabasag nito.” _____________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _____________________ Mula sa VBS , Year 4 Children, Day 2 Leaflet BSagutin Mo 1. Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento na ginawa mo? Bakit? 2. Ano ang iyong naging batayan sa ginawa mong wakas ng kuwento? 3. Ito ba’y nangyari na sa iyo o nakita mong ginawa ng iba? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, tama ba ang wakas ng kuwento? Bakit? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph5 / 13
Gawain Blg. 2 Punan ang Kolum 3 ng nararapat na sagot sa bawat hindi mabutingaksiyon sa Kolum 1. Pagkatapos, punan din ang Kolum 4 ang pagkakaiba nghindi nararapat na sagot at nararapat na sagot. Hindi Mabuting Hindi Nararapat na Nararapat na Sagot Pagkakaiba ng Aksiyon Sagot o Maling o Tugon Dalawang Sagot o TugonPangangatwiran Pasensiya na po sa Tugonat pagsagot sa Pasensiya na po pagwawalang- Pagpapamalas namagulang kapag dahil hindi ko po bahala ko po sa ang magulang aynapapagalitan sinasadya. mga sinasabi ninyo. nararapat na igalang Alam ko pong ito ay at ang bastaHindi Pasensya na po para sa aking pangangatwiran nangpagpapaalam at dahil hindi ako kapakanan. walang paliwanag atpag-uwi ng gabi nakapagpaalam. malasakit ay Hindi na po mauulit. maaaring magdulot ngPagkukuwento ng Sorry, hindi ka pala di pagkakaunawaan.malaswa sanay sa ganitong kuwento.Pagsasabi ng Sorry, hindi kolihim ng iba napigil ang aking sarili.Pangongopya sa Sorry po dahil nahulipagsusulit ninyo po akong nangongopya.Nagrereklamo at Pasensiya po atpag-ayaw sa mga hindi ko “type” ang“family reunion” o family reunion.pampamilyanggawain Pasensya na,Pinagtatawanan katuwaan lang.ang kapwakamag-aral dahilsa kanyang itsura Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph6 / 13
Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba sa naging gawain? Bakit? 2. Madali ba na ikumpara ang nararapat o hindi nararapat na sagot o tugon sa bawat sitwasyon? Bakit? 3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang dignidad ng kapwa at sarili sa bawat sitwasyon? 4. Ano ang kahalagahan ng dignidad ng tao para sa iyo?Gawain Blg. 3 Kapag ikaw ay nakagagawa ng kasinungalingan o nagsasabi ng hindimaganda sa iyong kapwa, ano ang sinasabi ng iyong konsensya? Isulat sapatlang ang tatlong maaaring sabihin ng iyong konsensya kung ikaw aynagsisinungaling. Naiwan ng iyong nanay ang _________________________________kanyang wallet sa ibabaw ng mesa. _________________________________Kinuha mo ito dahil gusto mong _________________________________bilhin ang blouse na nakita mo sa _________________________________mall. Hinanap ng iyong nanay ang _________________________________kanyang wallet at sinasabing hindi _________________________________mo nakita. Humingi ka ng pambayad Napakahaba ng pila sapara sa educational trip sa paaralan sakayan ng jeep. Nakita mo angninyo. Upang makabili ka pa ng iyong kaklaseng malapit ngmas maraming baon, dinagdagan sumakay. Lumapit ka dito atmo ang halagang dapat mong nagkunwaring nakapila ka na ngbayaran. Binura mo ang halagang matagal sa pagsasabing, “Hoy,P350 at ginawa mo itong P450. wala palang tindang mais diyan, mabuti naman at malapit na tayong_______________________________ sumakay”, sabay kindat sa iyong_______________________________ kaklase._______________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _______________________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph7 / 13
Sagutin Mo 1. Madali ba ang magsinungaling? Bakit? 2. Sa isinulat mong maaaring sabihin ng iyong konsensiya, sa iyong palagay, tama ba ang mga ito? Patunayan. 3. Kung tama ang sinasabi ng iyong konsensiya, bakit hindi kailangang magsinungaling ng nasa tatlong sitwasyon?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? 1. Mula sa unang gawain, ano ang natuklasan mong karaniwang ginagawa ng tao upang makaiwas sa kasalanan o pagkakamaling nagawa? 2. Sa ikalawang gawain, bakit nakakasagot ang tao ng mali kung siya ay nakagagawa ng mali o masama? 3. Sa ikatlong gawain, paano mahuhubog ang konsensya ng tao na gumawa ng mabuti? Paano mapaninindigang gawin ang tamang dikta ng konsensya?V. Pagpapatibay Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali. Ang konsensya ang naghuhusga kung ang isang bagay ay masama o mabuti. Ito ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri niya ang aksyon o kilos kung tama o mali. Ang salitang konsensiya ay galing sa salitang Latin na “conscientia” na ang ibig sabihin ay paglilitis sa sariling paratang at pagtatanggol. Ito ay praktikal na paghuhusga ng isipan na magdedesisyon na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Pangunahing tungkulin nito na malaman ang tamang gagawin sa bawat sitwasyon. Kayat nararapat maging malinaw sa konsensya ng tao kung ano ang tama at mali. Ang konsensya ay nahuhubog sa pamilya, paaralan, simbahan at iba pang sektor ng lipunan upang maging matatag sa paggawa ng kabutihan. Hindi pareho ang dikta ng konsensya sa bawat tao dahil iba’t iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ang tao. Narito ang iba’t ibang uri ng konsensya: 1. Tamang konsensiya – ibinabatay ang paghuhusga sa tamang pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph8 / 13
2. Maling konsensiya – ibinabatay ang paghuhusga sa mga maling batayan tulad ng kung ano na lamang ang nakikita sa iba o nararamdaman. Hindi dahilan na ginagawa ng nakararami ay tama na kahit ito ay lihis o taliwas sa kagandahang asal.3. Tiyak na konsensiya – pagkilos o paghusga nang walang alinlangan dahil alam mong nasa tama ang iyong katwiran.4. Di-tiyak na konsensiya – pagkilos o paghusga na may pangamba na maaaring kabaligtaran ang pasya. Ang dignidad ng tao ay nasasalamin sa pagpapahalaga niya sakalinisan ng kanyang konsensya. Ang pagpapahalaga niyang ito ay daanpara sa isang mahusay na personalidad at pagkatao sapagkat walangalinlangan na kabutihan ang gagawin ng isang tao at para sa kanyangsarili, sa kapwa at sa Diyos. Sinasabi ngang sa bawat puso ng tao ayiniukit ang batas ng Diyos na nararapat sundin sapagkat ito angmagpapataas ng kanyang dignidad bilang kawangis ng Diyos. Sa panahon ng pagdududa , pangamba o pagkakamali ng pasya ohusga, lapitan ang magulang, guro, o kapatid upang mabigyan ng gabay.Kung naguguluhan sa pasya ay maaaring ipagpaliban muna at hintayinang tamang panahon upang isagawa ang pasya o husga. Twila G. Punsalan, Buhay Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph9 / 13
VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Ako ay taong may dignidad at malinis na konsensya kaya ako ay mahalagang nilalang. Narito ako upang magpasya ng mabuti batay sa dikta ang malinis na konsensya at patunayang karapat-dapat akong nilikha at kawangis ng Diyos.PAGHUBOG NG AKING KONSENSYA! Ang konsensya ay ________________ Ang aking dignidad at pagkatao ay nasasalamin sa aking pagpapahalaga sa aking konsesya kayat sisikapin kong___________________________ Higit sa lahat mahuhubog ko ang malinis na konsensya sa pamamagitan ng sumusunod: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph10 / 13
VII. Gaano Ka Natuto?A. Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa Hanay A. Titik lamang ang isulat.Hanay A Hanay B1. Praktikal na paghusga ng isipan A. Katapatan2. Pagpapahalagang nalinang sa pagsasabi B. Tamang Konsensiya C. Conscientia ng katotohanan D. Malinis na konsensiya3. Paghuhusga ayon sa pamantayang moral E. Ipagpaliban ang pasya4. paghuhusga na may pangamba F. Dignidad5. Paglilitis sa sariling paratang at pagtatanggol G. Tiyak na konsensiya6. Paghuhusga batay sa maling prinsipyo H. Maling konsensiya7. Lumilinang ng katauhan at dignidad I. Di-tiyak na konsensiya8. Paghuhusga ng walang alinlangan J. Konsensiya9. Angkop na aksiyon kung naguguluhan sa pagpapasya10. Nasasalamin sa pagpapahalaga sa kalinisan Ng konsensiyaB. Isulat ang S kung sumasang-ayon sa pahayag at DS kung hindi ka sumasang-ayon.1. Iisa lamang ang uri ng konsensiya.2. Kung inaakalang mali ang dikta ng konsensiya, maaaring humingi ng tulong sa iba.3. Maaaring ipagpaliban ang pagpapasya, kung inaakalang mali ang dikta ng konsensiya.4. Ang paggawa ng mabuti ay nakaugat sa dignidad ng tao.5. Kung malinis ang konsensiya, maayos ang pagkatao.6. Ang paghubog ng konsensiya ay imposible.7. Ang konsensiya ay batayan ng kaisipan sa paghusga ng tama o mali.8. Lahat ng sinasabi at ginagawa ng iba ay maaaring gayahin upang maging tama ang dikta ng konsensiya.9. Ang mabuting konsensiya ay lumilinang ng mahusay na pagkatao.10. Kung ginagawa ng marami ang mali, (halimbawa: halos lahat ng iyong kamag-aral ay nangongopya ng takdang aralin) maaari na ring itong ituring na tama kaya nararapat gayahin.C. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot.1. Nakita ni Martha ang kanyang panyo na nasa bag ni Lorna. Inisip niyang kinuha ito ni Lorna kaya kinuha niya ito at hindi ipinaalam kahit kanino. Dahil sa maling hinala, ang pasya ni Martha ay bata sa konsenyang: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph11 / 13
a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali2. Nakita ni Aling Julia ang kanyang anak apat na taong si Digna na kumakain ng kendi. Tinanong niya kung saan niya ito kinuha. Umiling at ayaw sumagot ng bata. Sinabi ng ina na masama ang nagsisinungaling dahil kahit walang nakakakita sa iyo sa pagkuha ng bagay na hindi iyo ay mayroong Diyos na nakatingin sa iyo. Matututuhan ni Digna ang konsesya ay dapat na: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali3. Limang taon lamang si Jose. Minsan galing sa kapitbahay, may dala siyang laruan. Tinanong ng kanyang kuya kung may nakakita nang kunin niya ito. Wala daw kaya itinago ito ng kanyang kuya. Ang konsensyang maaaring mahubog ni Jose ay: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali4. Kasalukuyang kumukuha ng pagsusulit ang klase nina Romy. Biglang tinawag ang kanilang guro sa opisina ng punong-guro. Sinabi ng katabi niyang si Eric na maaari na nilang buksan ang kanilang aklat. Ang kanyang mga kaklase ay gumaya kay Eric. Si Romy ay hindi nagbukas ng aklat. Ang pasya ni Romy ay batay sa kanyang konsensya na: a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. mali5. Kung ikaw ay naguguluhan sa pagpapasya at nagkakaroon ng alinlangan sa bulong ng iyong konsensya, ang sumusunod ay maaari mong gawin liban sa isa. a. Hintaying bumulong muli ang konsensya. b. Lumapit sa taong iyong mapagkakatiwalaan. c. Ipagpaliban muna ang napiling pasya. d. Isipin ang magiging kalalabasan ng pasya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph12 / 13
Susi sa Pagwawasto Gaano Ka Natuto?Handa Ka Na Ba? A. 1. J 6. H B. 1. DS 6. DS 1. DS 6. DS 2. S 7. S 2. S 7. S 2. A 7. D 3. S 8. DS 3. S 8. DS 4. S 9. S 4. S 9. S 3. B 8. G 5. S 10. DS 5. S 10. DS 4. I 9. E 5. C 10. FVIII. Mga Sanggunian Bacungan, Cleofe M., Agnes B. Vea, et. at., 1996. Values Education. Quezon City: Katha Publishing Co., Inc. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values: Manila: Sinagtala Publishers, Inc.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg 9, ph13 / 13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit 1 Modyul Blg. 10 Ang Misyon Ko Sa BuhayI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Mapalad ka talagang nilalang! Ikaw ay natatangi. May kapasidad kang malaman ang katotohanan at magpasya para sa kabutihan. Ang iyong malinis na konsensya ay daan para sa isang matatag na pagkatao at personalidad. Kaya bilang taong mayroong dignidad, mahalagang linawin mo ng katuturan ang iyong buhay. Higit na magiging makabuluhan ang iyong buhay kong magagamit mo ito nang wasto. May misyon ka ba sa iyong buhay? Mayroon ka bang inaasam at nakikinitang hinaharap na magtatalaga sa iyo upang maging ganap ang iyong pagkatao? Kanino mo ito inilalaan? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naipaliliwanag ang kahulugan ng misyon sa buhay ng tao B. Nakabubuo ng sariling misyon sa buhay C. Napahahalagahan ang misyon sa buhay sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga pamamaraan ng pagkamit nito Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 1/14 ph.
tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na higit na naglalarawan sa iyo. Palagi Minsan Hindi 1. Iniisip ko ang mga taong mahalaga sa akin. 2. Naglaan ako ng panahon para matapos ang aking gawain. 3. Alam ko ang aking mga gampanin at papel sa aking buhay. 4. Nais kong makasama ang mahal ko sa buhay sa pagtamo ng aking pangarap. 5. Matiyaga ako sa paghihintay ng aking mga pangarap sa buhay. 6. Iniisip ko ang aking misyon sa buhay. 7. Minamahalaga ko ang kapakanan ang aking kapwa. 8. Naniniwala ako na matutupad ang aking mga pangarap. 9. Sinisikap kong malutas ang aking mga suliranin. 10. May pagpapahalaga ako sa aking buhay at pagkatao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 2/14 ph.
B. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang bawat tao ay mayroong misyon sa buhay. Ang pagbuo ng misyon ng bawat tao ay tinataawag na a. indibidwal na misyon b. personal na misyon c. pangkatang misyon d. institusyunal na misyon 2. Ang mga kabilang na salik sa pagbuo ng misyon ay ang mga sumusunod liban sa isa: a. gusto o nais mo sa buhay. b. pinahahalagahan mo. c. pinaniniwalaan mo. d. kapalaran mo. 3. Kinakailangan ng matiyagang pagbubuo ng misyon sa buhay tulad ng sumusunod liban sa isa: a. maraming araw ng pagsusuri at pagmumuni-muni b. paulit ulit na pagsusulat c. paggastos ng pera d. pagbabago ng mga pahayag 4. Dahil sa matiyagang pagbuo ng misyon, maaari na itong maging a. maging saligan ng iyong mga parangarap b. makabuluhang pahayag ng iyong pananaw c. kabuuan ng iyong mga pagpapahalaga d. batayan ng iyong kapalaran sa buhay 5. Ang bawat salita at pahayag sa iyong ginawang misyon ay repleksyon ng iyong __________ liban sa isa. a. pag-uugali b. kayamanan c. pagpapahalaga d. paniniwala Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 3/14 ph.
III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Isulat sa bawat baitang ang mga bagay na iyong nagawa at ginagawa nang may kaligayahan at pagkukusa para sa mga sumusunod: Tahanan Naglilinis ako ng bahay PamayananBansa AKO Paaralan Simbahan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 4/14 ph.
Sagutin Mo 1. Ano ang iyong nadarama kung ang iyong ginagawa ay may pagkukusa? 2. Bakit mo ginawa o ginagawa mo ang mga bagay na ito? 3. Anu-ano ang mga layunin ng tao sa paggawa ng kabutihan?Gawain Blg. 2 Basahin ang naging pananaw ni Mother Teresa tungkol sakahalagahan ng buhay. Si Mother Teresa ay tinaguriang “The Living Saint” noong siya aynabubuhay pa. Mula sa Calcutta ay naging tagapagkalinga siya ng mgamaysakit at naghihirap sa iba’t ibang panig ng mundo. Ayon kay Gilda Cordero-Fernando ng Philippine Daily Inquirer, maykaibigan na nakasama ni Mother Teresa sa India. Tinanong daw siya nitokung bakit kailangan pang linisin, paliguan at gupitan ng mga kuko ang mgataong may malalang sakit at nanlilimahid sa dumi kung sila naman aymaaaring mamatay kinabukasan. Ang naging tugon ni Mother Teresa aykung ang mga taong ito raw ay makadama ng tunay na pagmamahal kahitna isang segundo lamang sa kanilang kapwa ay nagawa na ng tao angkanyang tungkulin sa mundo. Malinaw na ang misyon ni Mother Teresa ay ang ipadama angpagmamahal ng Diyos sa mga taong maliliit, inabandona at wala ng pag-asa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa nangwalang hinihintay na kapalit. Sa kabila ng kanyang nagawa, buongpakumbabang binanggit niya ito: “Ang lahat ay ginawa ng Diyos. Hindi ko ito ginawa. Ako ay isalamang maliit na lapis na nasa kamay ng Diyos.”(All has been God’s work.Nothing has been my work. I’m just a small pencil in God’s hand.)Sagutin Mo1. Paano ginugol ni Mother Teresa ang kanyang buhay?2. Bakit siya tinaguriang “The Living Saint”?3. Ano ang kanyang naging misyon sa mundo?4. Ikaw ba ay mayroong misyon sa buhay? Ano ito?5. Paano mo kaya maisasakatuparan ang iyong misyon sa buhay?Gawain Blg. 3 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 5/14 ph.
Isipin mong ikaw ang kabataang nasa ibaba ng bundok. Isulat saaraw ang iyong misyon at sa ulap ang iyong pangarap. Sa daan paakyat sabundok ay isulat naman ang iyong gagawin sa loob ng limang taon upangmatamo ang misyon at pangarap sa buhay. Gamiting gabay ang halimbawang ito: Pangarap – Makatapos ng pag-aaral Misyon – Makatulong sa kapatid at magulangPangarap sa Buhay: Misyon sa Buhay: Ikalimang Taon: Ikaapat na Taon: Ikatlong Taon: Ikalawang TaonUnang TaonSagutin Mo 1. Ano ang nadama mo sa gawain? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 6/14 ph.
2. Madali bang tahakin ang daan patungo sa iyong pangarap? Bakit? 3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay?IV. Ano ang Iyong Natuklasan? 1. Ano ang kahulugan ng misyon para sa iyo? 2. Nasiyahan ka ba sa nabuo mong misyon sa buhay mula sa mga gawain? Ipaliwanag. 3. Paano mo maisasakatuparan ang misyon mo sa buhay?V. Pagpapatibay Ang ating misyon sa buhay ang dahilan natin kung bakit tayo nabubuhay. Ito ang nagbibigay ng kulay at ningning sa pagtahak natin patungo sa ating mga pangarap sa buhay. Maging ang mga paaralan, samahan o mga institusyon ay mayroong binuong misyon na kadalasan ay mababasa sa harap ng kanilang gusali. Sa kanilang misyon ay nakapaloob ang pagpapahalaga ng kanilang gawain o serbisyo. Sa isang indibidwal, ang kanyang personal na misyon ang tanglaw at gabay sa pagkamit ng kanyang hangarin at pangarap sa buhay. Nakapaloob dito ang mga prinsipyo na nagpapatatag sa kanya sa anumang pagsubok at suliranin. Ang personal na misyon ay maaaring tumugon sa mga sumusunod na tanong: • Ano ang gusto ko sa buhay? • Ano ang pinahahalagahan ko? • Ano ang pinaniniwalaan ko? • Sa dulo ng aking buhay, ano ang nais kong marating? • Ano ang nais kong masabi at maiwanan sa mga taong mahalaga sa akin? • Sinu-sino ang gusto kong makasama sa pagtupad ng aking misyon? • Sinu-sino ang gusto kong makinabang sa aking misyon sa buhay? Hindi ba’t napakahusay na magkaroon ang tao ng misyon sa buhay? Ang misyong ito ang magbibigay daan upang maitaguyod niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 7/14 ph.
A Guidance Resource Manual on the Growing Filipino Adolescent Module 2, RHGP, BSE-DECS, 1998, ph. 27-29 Mahalaga ang pananaw ni Stephen R. Covey ukol sa pagpapahayag ngmisyon. Ito ay hindi raw ginagawa ng madalian. Kailangan ng malalim atmaayos na pagmumuni-muni, pagsusuri, pagpapahayag at maraming ulit napagsusulat hanggang ito ang siyang magiging isang ganap na pahayag ngiyong misyon sa buhay. Maaaring abutin ka ng maraming araw ng pagsusuri,pagsusulat at pagbabago. Sa kabuuan, ang iyong misyon ang iyong magiging saligan atmakabuluhang pahayag ng iyong pananaw at pagpapahalaga. Ito rin ang siyamong batayan upang masukat ang mga bagay-bagay na sangkot sa iyongbuhay. Pinatunayan ni Covey na kailangan niyang maglaan ng panahon saisang pampang na nag-iisa upang mapag-isipang mabuti ang nilalaman ngpahayag ng kanyang misyon. Matiyaga niya itong binuo sa loob ng maramingoras. Nasiyahan at may ganap na kalayaang naramdaman pagkataposmabuo ang pahayag ng kanyang misyon sa buhay. Iniugnay niya ang bawat salita sa kanyang misyon sa kanyang mga pag-uugali at paniniwala sa buhay. Isang halimbawa ng isang malinaw na pahayag ng isang misyon ayganito: “Ang aking misyon ay ang mabuhay ng may integridad at gumawa ngmakabuluhang pagbabago o kakaiba para sa buhay ng ibang tao.” Matutupad ang misyong ito sa pamamagitan ng: • Aking pagmamahal: Minamahal ko ang bawat isa maging sino o anuman siya. • Aking pagpaparaya: Ilalaan ko ang aking panahon, talino at kayamanan sa pagtupad ng aking misyon. • Aking panghikayat: Nagtuturo ako sa pamamagitan ng halimbawa na tayo ay anak ng Diyos at kaya nating magapi kahit na isang Goliath. • Aking impluwensiya: Aking mga paraan upang mabago ang pananaw ng iba sa kanilang buhay. Ang mga gampanin na dapat mapagtuunan ng pansin upang matupadang aking misyon ay ang sumusunod: • Kabiyak ng puso – Ang aking maybahay ang mahalagang tao sa aking buhay. • Ama – Ginagabayan ko ang aking mga anak na patuloy nilang madama ang kasiyahan ng kanilang buhay Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 8/14 ph.
• Kapatid – Madalas akong nasa kanila upang sila ay suportahan at mahalin. • Kapatid sa pananampalataya – Maaasahan ako ng Diyos na tuparin ang Kanyang kalooban at paglingkuran ang aking kapwa. • Kapitbahay – Ang pagmamahal ng Diyos ay nakikita sa aking mga kilos at pakikitungo sa aking kapwa. Ang mga ito ay ilan sa mga gampanin ni Covey. Dahil siya ay kilalang manunulat at tagapagsalita sa malalaking samahan at sektor sa lipunan, bahagi rin ng kanyang gampanin ang makaimpluwensiya sa pagbabago ng pananaw ng ibang tao. Pinatunayan niyang ang mga layunin at gampanin ng tao ang siyang bubuo at magbibigay direksyon sa iyong misyon sa buhay. Malinaw na ang iyong misyon ay kinasasangkutan ng mga taong mahalaga sa iyong buhay. Mahalagang malinaw sa iyo kung anu-ano ang iyong mga gampanin sa buhay at kung anu-ano ang iyong pangarap at layunin sa buhay. Mula sa The 7 Habits of Highly Effective People By: Stephen CoveyVI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Higit na sigurong malinaw at maayos ang misyon mo sa buhay. Ngayon ay isulat mo ang iyong misyon sa buhay at itala sa ibaba ang mga paraan upang makamit mo ang misyon na ito. ANG AKING MISYON ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ____ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 9/14 ph. Makakamit ko ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan: .
VII. Gaano Ka Natuto?A. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na higit na naglalarawan sa iyo Palagi Minsan Hindi1. Iniisip ko ang mga taong mahalaga sa akin.2. Naglaan ako ng panahon para matapos ang aking gawain.3. Alam ko ang aking mga gampanin at papel sa aking buhay.4. Nais kong makasama ang mahal ko sa buhay sa pagtamo ng aking pangarap.5. Matiyaga ako sa paghihintay ng aking mga pangarap sa buhay.6. Iniisip ko ang aking misyon sa buhay.7. Minamahalaga ko ang kapakanan ang aking kapwa.8. Ako ay may paniniwala na matutupad ang aking mga pangarap.9. Sinisikap kong malutas ang aking mga suliranin.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 10/14 ph.
10. May pagpapahalaga ako sa aking buhay at pagkatao.B. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang bawat tao ay mayroong misyon sa buhay. Ang pagbuo ng misyon ng bawat tao ay tinatawag na a. indibidwal na misyon b. personal na misyon c. pangkatang misyon d. institusyunal na misyon 2. Ang mga kabilang na salik sa pagbuo ng misyon ay ang mga sumusunod liban sa isa: a. gusto o nais mo sa buhay. b. pinahahalagahan mo. c. pinaniniwalaan mo. d. kapalaran mo. 3. Kinakailangan ng matiyagang pagbubuo ng misyon sa buhay tulad ng sumusunod liban sa isa: a. maraming araw ng pagsusuri at pagmumuni-muni b. paulit ulit na pagsusulat c. paggastos ng pera d. pagbabago ng mga pahayag 4. Dahil sa matiyagang pagbuo ng misyon, maaari na itong maging a. maging saligan ng iyong mga parangarap. b. makabuluhang pahayag ng iyong pananaw c. kabuuan ng iyong mga pagpapahalaga. d. batayan ng iyong kapalaran sa buhay. 5. Ang bawat salita at pahayag sa iyong ginawang misyon ay maaaring repleksyon ng iyong ___________ liban sa isa. a. pag-uugali b. kayamanan c. pagpapahalaga d. paniniwalaC. Sumulat ng sanaysay ukol sa paksang: “Misyon Ko sa Buhay, Aking Kaganapan”.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 11/14 ph.
VIII. Mga Sanggunian BSE-DECS and Philippine Center for Population and Development: A Guidance Resource Manual on the Growing Filipino Adolescent, Module 2, Third Year Level, RHGP, BSE-DECS and PCPDI, 1998, ph 27-29. Covey, Stephen R. 1993. The Seven Habits of Highly Effective People, Restoring the Character Ethic. Australia: The Business Library Fernando, Gilda C. July 27, 2003. Mission in Life. Sunday Life Style. Philippine Daily Inquirer. ph. G1-G2Susi sa Pagwawasto Handa ka na ba? A. Palagi - 3 points Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 12/14 ph.
Minsan - 2 points Hindi - 1 point Score Marka 21 - 30 - Mataas ang pagpapahalaga sa misyon sa buhay 11 - 20 - Katamtaman ang pagpapahalaga sa misyon sa buhay 0 - 10 - Mababa ang pagpapahalaga sa misyon sa buhayB. 1. b 2. d 3. c 4. d 5. bGaano ka Natuto?A. Palagi - 3 points Minsan - 2 points Hindi - 1 point Score Marka21 - 30 - Mataas ang pagpapahalaga sa misyon sa buhay11 - 20 - Katamtaman ang pagpapahalaga sa misyon sa buhay0 - 10 - Mababa ang pagpapahalaga sa misyon sa buhayB. 1. b 2. d 3. c 4. d 5. bGamiting gabay ang rubric sa ibaba sa pagbibigay ng puntos sa isinulat nasanaysay.Napakahusay Mahusay Katamtaman Maaari pang Kailangang 5 4 3 mapahusay Pagbutihin 21Bumanggit ng 5 Bumanggit ng Bumanggit ng 3 Bumanggit ng 1 Walangat higit pang 4 na kahalagahan ng o 2 binanggit nakahalagahan ng kahalagahan misyon sa kahalagahan ng kahalagahan ngmisyon sa ng misyon sa buhay misyon sa misyon sabuhay buhay buhay buhayMalinaw ang Medyo may May kalabuan May kalabuan Malabo angpaglalahad ng kalinawan ang ang ilang ideya ang karamihan mga ideya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 13/14 ph.
mga ideya paglalahad ng May kaguluhan sa mga ideya Hindi maayos mga ideya ang angMaayos ang Medyo maayos pagkakasunud- May kaguluhan pagkakasunud-pagkakasunud- ang sunod ng ilang ang sunod ng mgasunod ng mga pagkakasunud pangungusap pagkakasunud- pangungusappangungusap -sunod ng mga sunod ng pangungusap Makatotohanan maraming WalangMakatotohanan ang ilan sa mga pangungusap katotohanan saang lahat ng Makatotohana ideyang Makototohanan mga ideyangmga ideyang n ang marami binanggit ng kaunti ang binanggitbinanggit sa mga mga ideyang ideyang binanggit binanggit Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 10, ph. 14/14 ph.
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 1 Yunit 3 Modyul 11 Paano Nalilinang ang Pagpapahalaga?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Sa iyong pang-araw-araw na pakikisalamuha sa tao, marahil naoobserbahanmong bawat isa'y may taglay na ugali, saloobin at kilos na kakaiba sa kanyangkapwa. May mabait, may matulungin, may madaling pakisamahan at may ibanamang tila walang pakialam. Bakit nagkakaiba ang pagpapahalaga ng mga tao? Anu-ano ba ang mgasalik na nakaiimpluwensya sa paglinang ng ating mga pagpapahalaga? Sapagtunghay mo sa mga aralin ay matatagpuan mo ang kasagutan sa tanong na ito. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan moang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga A. Nasusuri ang mga panloob at panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paglinang ng pagpapahalaga B. Naipaliliwanag kung paano nalilinang ang pagpapahalaga C. Nakababalangkas ng mga paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang makapagpapaunlad sa sariling pagkatao Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti angmga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralannang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ngaralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.1/ph. 13
Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod napanimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Panuto: A. Ano ang tinutukoy sa bawat aytem sa ibaba? Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot. 1. Itinuturing na unang guro ng pagpapahalaga 2. Kakayahan ng isang taong gawin at italaga ang sarili sa isang tunguhin 3. Tumutukoy sa mga taong nakapaligid sa iyo 4. Tanging magpapasya sa nais mangyari sa kanyang buhay 5. Institusyong kaagapay ng pamilya sa pagpapaunlad ng pagpapahalaga at pag-unlad intelektwal 6. Tunay na nagmamalasakit sa iyong kapakanan 7. Institusyong may natatanging misyon sa paglinang ng moral at ispiritwal na dimensyon ng tao 8. Mga pamantayan o batayan ng kilos na itinatangi at isinasabuhay ng isang tao 9. Batayang ginagamit ng isang tao sa paghusga kung ang kanyang kilos ay tama o mali 10. Itinuturing na isa sa pinakaimpluwensyal na salik sa paglinang ng pagpapahalaga ng mga kabataan B. Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at M kung mali. 1. Iba't-iba ang pagpapahalagang taglay ng tao. 2. Ang tao'y isinilang na may kaalaman sa mabuti at masama. 3. Ang teknolohiya ay may impluwensya sa pagbagsak ng antas ng moralidad ng tao. 4. Ang pamilya ang humuhubog sa pagpapahalaga ng isang tao. 5. Sa iba't-ibang uri ng media, ang radyo ang may pinakamalakas na impluwensya sa pagkilos ng kabataan. 6. Pangunahing misyon ng paaralan ang akayin sa pagiging maka-Diyos ang tao. 7. Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya. 8. May mga panloob at panlabas na salik na nakaiimpluensya sa paghubog at paglinang ng pagpapahalaga. 9. Mahalaga ang disiplinang pansarili sa paglinang ng pagpapahalaga. 10. Ang konsensya ay panloob na salik sa pagpapaunlad ng pagpapahalaga. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.2/ph. 13
III Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 May kasabihan tayong madaling maging tao, mahirap magpakatao. Ang pagpapakatao'y tatak na nagpapaangat sa atin sa iba pang nilikha sa mundo. Saan ba nagsisimula ang pagpapakatao? Basahin mo at pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na kaso at sagutin ang mga tanong. Kaso Blg .1 Kilala si Lorenz sa galing sa pagguhit at pagpipinta. Masunurin din siya sa mga guro at sa mga alituntunin sa paaralan. Minsan, pinuntahan siya ng lider ng isang fraternity at pinakiusapang i-drawing ang simbolo ng kanilang fraternity sa pader ng paaralan. Gagawin ito sa gabi kung wala ng klase para hindi sila mahuli. Binantaan ng grupo si Lorenz na sasaktan kung hindi niya ito gagawin. Sa kabila ng 1. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Lorenz? Bakit? 2. Ano, sa palagay mo, ang nakaimpluwensya sa kanyang pagpapasya? Kaso Blg. 2 Hindi pala-absent si Lorie Ann. Subalit mula ng makasama niya ang grupo ni Cheska, mahilig na siyang mag-cutting classes. Buo ang akala ng kanyang mga magulang na araw-araw siyang pumapasok sa klase. Nang magbigayan na ng report card, bagsak siya sa apat na subject. 1. Ano ang nakaimpluwensya sa pagkasira ng pag-aaral ni Lorie Ann? 2. Anong pagpapahalaga ang dapat linangin ni Lorie Ann upang maiayos ang kanyang buhay? Ipaliwanag. Kaso Blg. 3 Sa kabila ng hirap sa buhay, naghahanda pa rin ang pamilya ni Rochelle ng 12 iba't-ibang bilog na prutas tuwing magbabagong taon. Naniniwala sila Rochelle na suwerte ito at magdudulot ng kaginhawahan sa buhay. Isa ito sa kanilang taunang tradisyong pampamilya. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.3/ph. 13
1. Sa palagay mo, madali bang baguhin ang nakagisnan na paniniwala ng pamilya ni Rochelle? Bakit? 2. Paano naapektuhan ng tradisyon ang kilos at pagpapasya ng pamilya ni Rochelle? Kaso Blg. 4 \"Good morning! It's nice to see you!\" Ito ang nakasanayang pambungad na bati ni Rommel sa kanyang mga ka-opisina sa araw- araw na pagpasok niya sa trabaho. Kahit na di-gaanong maganda ang gising niya, ito pa rin ang sinasabi niya. Ito ang ginagawa sa kanilang paaralan noong siya'y nag- aaral pa kung kaya't nakagawian na niya ang pagbati nang ganito. Naging bahagi na ito ng kanyang pananalita. 1. Ano ang malaking impluwensya sa kilos at salita ni Rommel? 2. Paano naaapektuhan ng kanyang pagpapahalagang natutuhan ang pakikipag-ugnayan niya sa kanyang mga ka-opisina? Kaso Blg. 5 Isa sa magandang katangiang taglay ni Abigail ay ang pagiging maalalahanin. Dinadalaw at kinakamusta niya ang kamag-aral niyang maysakit. Subalit simula nang magkaroon siya ng cell phone, tinetext na lamang niya ang mga nais niyang sabihin sa halip na dalawin ang mga ito. 1. Ano ang nakaiimpluwensya sa pagbabago ni Abigail? 2. Kanais-nais ba para sa iyo ang pagbabagong ito? Bakit?Sagutin Mo 1. Anong aspeto o katangian ang taglay ng mga tauhan sa bawat kaso? Ipaliwanag. 2. Ano ang nahinuha mo sa mga sinuri mong kaso? Magbigay ng halimbawa sa sarili mong karanasan. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.4/ph. 13
Gawain Blg. 2 Batay sa iyong mga sagot sa unang gawain, malinaw na iba't-iba ang salik na nakaiimpluwensya sa paglinang ng pagpapahalaga ng isang tao. Ang ilan sa mga ito'y nasa kahon sa ibaba. PAARALAN SIMBAHAN DISIPLINANGKONSENSYA PANSARILI RESPONSABLENG MEDIA PAGGAMIT NG KAIBIGAN/ KALAYAAN BARKADA PAMILYASagutin Mo: 1. Paano naiimpluwensyahan ng mga salik na ito ang paglinang ng pagpapahalaga ng isang tao? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Ngayon, tunghayan mo naman ang pabilog na dayagram. Nahahati ito sadalawang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa paglinang ng pagpapahalaga. Anu-anong mga salita sa kahon sa pahina 4 ang dapat ilagay sa panlabas nasalik at alin ang nararapat sa panloob na salik? I-drowing ang bilog sa ibaba saiyong kuwaderno isulat ang angkop na salita sa loob at labas ng bilog. MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGLINANG NG PAGPAPAHALAGA Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.5/ph. 13
1. Anong mahalagang konsepto ang maaari mong mabuo batay sa mga natapos mong gawain? 2. Paano nalilinang ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salik na ito?V. Pagpapatibay Paano Nalilinang ang Pagpapahalaga? Ang pagpapahalaga ay mga natatanging pamantayang isinasabuhay ng isang tao. Instrumento ito tungo sa pagkamit ng kanyang kaganapan. Maaari rin itong tumukoy sa anumang bagay na pinahahalagahan at sinasabing kapuri-puri at hinahangad ng tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa nakararami. Ang paglinang mo ng pagpapahalaga ay magpapatingkad ng iyong pagkatao. Magsisilbi itong natatangi mong tatak. Hindi ba't may mga taong kilala sa kanilang angking kabaitan o kasipagan? Sa palagay mo ba ay isinilang na silang ganito? Walang sinuman ang ipinanganak na may taglay na pagpapaphalaga, ngunit lahat tayo'y isinilang na may potensyal o kakayahang gumawa ng mabuti. Upang malinang ang potensyal na ito, mahalagang maturuan ang tao mula pagkabata Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.6/ph. 13
ng tamang batayan ng pagpapasya at pagkilos. Ito ang magiging gabay niyatungo sa pagpapaunlad niya ng sarili at ng makataong pakikipagkapwa.May dalawang pangunahing salik na nakaiimpluensya sa paglinang ngpagpapahalaga: ito ay ang panloob at panlabas na salik. Ang panloob na salikay tumutukoy sa mga bagay na ikaw mismo ang pinanggagalingan tulad ngkonsensya, disiplinang pansarili at mapanagutang paggamit ng kalayaan. Dahilnatalakay na sa unang yunit ng modyul ang tungkol sa konsensya, bibigyangpokus natin ngayon ang dalawang huling aytem. Nakasalalay sa iyong paggamit ng kalayaan at disiplinang pansarili angpag-unlad ng iyong mga pagpapahalaga. Kung gagawin mo lamang ang lahat ngiyong maibigan nang hindi pinag-iisipan kung ano ang maaaring idulot nito saiyo at sa iyong kapwa, magiging pabagu-bago ang iyong batayan at walangmabuting gawi (habit) na malilinang. Halimbawa, paano mo mapauunlad angpagiging laging nasa oras sa pagpasok sa paaralan kung hindi mo didisiplinahinang iyong sarili sa maagang pagtulog? Paano mo malilinang ang maayos napaggamit ng oras kung di mo man lamang mapagpasyahan kung alin ang unamong gagawin? Narito naman ang mga panlabas na salik sa paglinang ng pagpapahalaga: 1. Pamilya. Ito ang una, likas at may pinakamalalim na epekto sa tagapaghubog ng pagpapahalaga ng isang tao. Ang iyong pamilya ang kauna-unahang pangkat ng taong iyong nasilayan at kinalakihan. Dito mo unang natutuhan kung paano magmahal at paano mahalin. Ang self-image o pagtingin sa iyong sarili ay unang nabuo sa loob ng pamilya. 2. Mga kaibigan at kabarkada. Bilang isang panlipunang nilalang, may mga pangangailangan kang matutugunan lamang sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba. Dahil sa pakikipagkaibigan, lumalaki ang saklaw ng mga taong iyong nakikilala. Nagiging masaya ka dahil may mga ka- edad kang napagsasabihan ng iyong problema at mga karanasan sa buhay. Malaki ang impluwensya nila sa paghubog ng iyong pagpapahalaga: maaari silang makapagdulot ng kanais-nais o hindi kanais-nais na pagbabago sa iyo. 3. Media. Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, di maiiwasang marami kang nakikita at naririnig na maaaring makaimpluwensya sa iyong saloobin, pagkilos, at asal ngunit hindi lahat ng napapanood, nababasa o naririnig mo ay makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong sarili. 4. Paaralan. Ito ang institusyong nangangalaga sa iyong intelektwal na pag-unlad. Sa tagal ng oras na iyong inilalagi sa paaralan, naibabahagi sa iyo ng guro, tuwiran man o hindi, ang mga kaalaman at pagpapahalaga niya. Malaki rin ang impluwensya ng iyong mga kaklase sa paglinang ng iyong pagpapahalaga. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.7/ph. 13
5. Simbahan. Ang relihiyong iyong kinabibilangan ay may malaking impluwensya sa paniniwala, ikinikilos at sinasabi. 6. Teknolohiya. Maaari itong makatulong o makasira sa pag-unlad ng pagpapahalaga ng isang tao. Kung gagamitin ang teknolohiya kaagapay ang mga pagpapahalaga, maiiwasan ang maling paggamit at pag-abuso nito. Hindi masama ang mag-internet kung alam ng gumagamit na dapat niyang gawing gabay ang mga moral na batayan sa paggamit nito. Malinaw na ba sa iyo ang mga panloob at panlabas na salik sa paglinang ng pagpapahalaga. Ngayon, basahin mong mabuti ang kuwento at sikaping iugnay ang mensahe ng awitin sa paksang -aralin. Ang Pangaral Ay Patnubay \"Kaibigang Bunsong Pipit, bakit ka nalulungkot? May problema ka ba?\" tanong ng dumating na Bunsong Maya. \"Iniisip ko kasi ang sinabi sa akin ng Nanay ko,\" tugon ni Bunsong Pipit.\"Sabi ni Inay, mahina pa ang aking mga bagwis.” Pag lumipad daw ako nangmataas, at nasalubong ko ang malakas na hangin o bagyo, mamamatay rawako.\" \"Huwag kang maniwala sa nanay mo! Kalokohan 'yon! Siyempre anggusto ng mga nanay ay nasa bahay ang kanilang mga anak, para hindi layasng layas! Ako ma'y pinagsabihan din ng nanay ko ng ganoon, pero hindi akonaniwala sa kanya. Hindi ko siya sinunod, pag sinunod mo ang nanay mo,hindi ka magiging maligaya, dahil hindi ka makalilipad nang mataas. Nasaitaas ang sarap! Nasa itaas ang kaligayahan! Ang hirap naman sa mga nanaynatin, ang gusto nila'y sila lamang ang nagpapasarap! Ang gusto nila'y silalamang ang magiging maligaya! Halika! Sumama ka sa akin, lilipad tayo nangmataas, sapagkat nasa kaitaasan ang tunay na kaligayahan! Halika!” \"Ayoko!\" tanggi ni Bunsong Pipit. “Hindi ako makasasama sa iyo.Magagalit ang nanay ko. Hindi ko magagawang suwayin ang pangaral ngnanay ko.\" \"Ha, ha, ha! Ikaw ang bahala! Magmukmok ka riyang mag-isa! Panoorinmo na lamang ang gagawin kong paglipad nang mataas, para hanapin angaking kaligayahan doon sa kalawakan at kaitaasan!' At si Bunsong Maya aylumipad nang pagkataas-taas! Walang kurap sa pagkakatingin si Bunsong Pipit. Sinundan niya ng tinginang kanyang kaibigang si Bunsong Maya na lumipad sa kaitaasan. Nangwalang anu-ano'y bumunghalit ang napakalakas na hangin, na sinundan ng Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.8/ph. 13
malakas na ulan. Kitang-kita niya si Bunsong Maya na parang saranggolang nagsasalaikot na inihahampas ng hangin sa kalawakan. Tumulo ang luha ni Bunsong Pipit sa tindi ng pagkaawa sa biglang pagkamatay ng kaibigang si Bunsong Maya. Sa kuwentong ito ay kitang-kita ang nangyari sa anak na palalo at hindi sumusunod sa pangaral ng magulang. Sa katigasan ng ulo at sa kayabangan ay napapahamak, at kung minsan pa nga'y namamatay! Samantala, si Bunsong Pipit ay mabait, mababang loob, sumusunod sa mga sinasabi ng kanyang ina, kaya naman laging ligtas at hindi nalalagay sa panganib ang buhay. (Halaw mula sa: Inspirasyon sa Buhay Kristiyano ni Rev. Fr. Rodolfo C. Cruz) Sagutin Mo 1. Paano sinikap impluwensyahan ni Bunsong Maya si Bunsong Pipit? Nagtagumpay ba siya sa pagtatangka niyang ito? Bakit? 2. Ano, sa palagay, mo ang salik na nakaimpluwensya sa desisyon ni Bunsong Maya? 3. Bilang kabataan, may kahalintulad ka bang karanasan kung saan pinipilit kang maimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa iyo? Ano ang naging gabay mo sa pagpapasya? 4. Paano mo iuugnay ang aral ng kuwento sa paksang- aralin?VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo 1. Mahalaga bang maging maingat ka sa pagpili ng mga bagay na tatanggapin at paniniwalaan? Pangatwiranan. 2. Paano maaaring makaimpluwensya sa pag-unlad ng iyong pagkatao ang iba't ibang panlabas na salik sa paglinang ng pagpapahalaga? 3. Anu-ano ang mga tiyak na hakbang ang maaari mong gawin upang malinang ang mga pagpapahalagang makatutulong sa paghubog ng iyong pagkatao? Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.9/ph. 13
VII. Gaano Ka Natuto? A. Pagmasdan mong mabuti ang puzzle sa ibaba. Hanapin ang mga salitang natalakay sa aralin at bigyang kahulugan ang mga ito. P AG P AP AH A L AG A T A Z O S KM AG U L AN G M ME D I AK AB A R KA D A I AJ MI N OQ P K RS T G L BN BBP AA RA LA N U Y CK AI J CB HP YV U L A DL H GK DE I WZ WX Z E GMA AL F G S A RI L I P HI NNM KA L A YA A N B. Suriing mabuti ang mga sitwasyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Napagkasunduan ng mga kaklase mo na huwag na lamang pumasok sa huling subject ninyo. Hindi naman daw kayo mapagagalitan kung buong klase kayong mawawala. Basta ang usapan ay wala ni isa mang magpapakita sa inyo. Ano ang gagawin mo? Mga Tanong: 1. Anong salik ang nakaimpluwensya sa iyong pagpapasya? 2. Sa palagay mo, makatutulong ba ito sa pagpapaunlad ng iyong sarili? Bakit? Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.10/ph. 13
C. Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang titik ng wastong sagot1. Si Annie ay isang tinedyer na nasa ikatlong taon sa haiskul. Sa kabila ng mga makabagong damit na nauuso, nananatili pa rin siya sa pagsusuot ng mga damit na lagpas tuhod. Hindi siya nag- aalahas. Ito ang nakamulatan at pinaniniwalaan niyang nararapat na paraan ng pananamit. Ipinakikita sa sitwasyong ito ang taglay ni Annie na:a. adhikain c. pagpapahalagab gawi. d. saloobin2. Ang pamilya ang pinakamalakas na impluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang tao. Ito ay dahila. mas matagal siyang namamalagi sa loob ng tahanan.b. nagagaya niya ang kilos at gawi na kanyang nakikita.c. ito ang una niyang nakagisnan.d. mas malakas ang lukso ng dugo.3. Ang panloob na salik na nakaiimpluensya sa paglinang ng pagpapahalaga ang:a. konsensya, disiplinang pansarili, at pamilyab. konsensya, disiplinang pansarili, at responsableng paggamit ng kalayaanc. pamilya, kapaligiran, at mediad. pamilya, responsableng paggamit ng kalayaan, at media4. Alin ang nais marating ng isang tao sa kanyang buhay?a. adhikainb. ambisyonc. layunind. pagpapahalaga5. Ang mga kilos at paniniwala na paulit-ulit na isinasagawa at hindi ikinahihiyang isabuhay ay tinatawag na:a. adhikainb. asalc. saloobind. pagpapahalaga Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.11/ph. 13
Mga Sanggunian• Bacungan, Cleofe M. et al. 1996, Values Education. Quezon City: Katha Publishing Inc.• Cruz. Rodolfo C. 1996. Inspirasyon sa Buhay Kristiyano• Punsalan, Twila G. et al.1999, Buhay Manila: Philippine Normal College.Susi sa PagwawastoHanda Ka na Ba?A. 1. magulang o pamilya 2 kalayaan 3. kapwa 4. sarili 5. paaralan 6. paibigan 7. simbahan 8. pagpapahalaga 9. konsensya 10. mediaB. 1. T 2. M 3. T 4. T 5. M 6. M 7. T 8. T 9. T 10. TGawain IIPanlabas na salik Panloob na salik1. pamilya 1. konsensya Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.12/ph. 13
2. media 2. disiplinang pansarili3. simbahan 3. responsableng paggamit ng kalayaan4. paaralan5. barkada/ kaibigan Gaano Ka Natuto? Kapwa KaibiganA. Kahit anong ayos ng pagkakasunod-sunod Paaralan Pamilya Magulang Kalayaan Konsensya Simbahan Pagpapahalaga MediaMultiple Choice 1. C 2. B 3. B 4. A 5. D. Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph.13/ph. 13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA -I Yunit 3 Modyul 12 Pagpapahalaga Mo, Iba Ba sa Akin?I. Ano Ang Inaasahang Matutuhan Mo? Sa laki ng daigdig at sa dami ng taong naninirahan dito, hindi nakapagtatakang maramingbagay sa kanila ang magkakaiba. Sa kabila nito, may mga bagay at katangian din silang taglay namagkakatulad. Nais mo ba itong malaman? Kung ganoon, tunghayan mong mabuti ang mgagawain sa modyul na ito. Pagkatapos mo itong pag-aralan, inaasahang matututuhan at malilinang mo ang mgasumusunod na kasanayan at pagpapahalaga. A. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pagpapahalagang moral at pagpapahalagang kultural B. Nahihinuha ang mga pagpapahalagang moral na nakapaloob sa Sampung Utos ng Diyos C. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral tungo sa pagkakaroon ng makataong daigdigII. Handa Ka Na Ba?Panuto: Nakalista sa oval ang mga salitang binibigyang- kahulugan o inilalarawan ng mga aytem sa ibaba. Hanapin ang angkop na salita at isulat sa nakalaang bilang. KALIKASAN NG TAO ETERNALDIYOSKATARUNGAN INTELLECT PAGPAPAHALAGANG MORAL PAGPAPAHALAGANG KULTURALKATOTOHANAN SITUATIONAL WILL KALAYAAN
1. Mga pagpapahalagang totoo sa lahat ng tao anuman ang kanyang lahi,edad, kasarian at katayuan sa buhay 2. Katangian ng pagpapahalagang moral na hindi nagbabago at nananatili hanggang wakas. 3. Pinagmulan ng katotohanan 4. Pinagbatayan ng mga pagpapahalagang moral 5. Katangian ng pagpapahalagang kultural kung saan nagbabago ang kahulugan at pagsasabuhay nito ayon sa pangyayari 6. Pagbibigay sa isang tao ng nararapat para sa kanya 7. Sinasabing ito ang magpapalaya sa atin. Maaari itong tuklasin ng tao ngunit hindi maaaring likhain kailanman 8. Mga pagpapahalagang bunga lamang ng opinion o palagay ng isa o grupo ng tao sa lipunan 9. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na itakda ang kanyang sarili tungo sa isang mithiin sa buhay 10. Isa sa dalawang kapasidad ng tao na ang tunguhin ay katotohananIII. Tuklasin Mo Gawain A. Sa kasalukuyan tinatayang may humigit kumulang pitong bilyong tao sa daigdig: Iba't-ibang kulay, iba't-ibang anyo at paniniwala. Bawat isa’y may mga pagpapahalagang taglay. Ilansa mga ito ang ibinigay na halimbawa sa ibaba. Mahalagang bahagi sa pakikipagkapwa ng mga Hapones ang pagyukod (bowing) sa tuwing makikipag-usap. Itinuturing na kawalang galang ang di pagsasagawa nito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa kapwa. Ang po at opo ay mahalagang kataga na nagpapakita ng paggalang ng isang Pilipino. Ginagamit ito lalo na kung nakikipag-usap sa mga nakatatanda at sa mga taong nasa awtoridad. Sa America, walang pagyukod na isinasagawa at wala ring po at opo na tanda ng paggalang sa pakikipag-usap. Sa halip, ang pagsunod sa mga itinakdang batas ng gobyerno ang sukatan ng paggalang. Wala silang mga panlabas na manipestasyong ginagamit .
Upang higit na maging malinaw sa iyo , masdan mo ang dayagram sa ibaba. PAGGALANG HAPONES PILIPINO AMERKANO PAGYUKOD PO AT OPO PAGSUNOD SA BATAS Ang paggalang ay pagpapahalagang kinikilala ng iba't-ibang pangkat ng tao sa daigdig,Nagkakaiba lamang sila sa interpretasyon kung paano ito isasabuhay. Ito ay dahil sa ibinatay nilasa sitwasyon at pangangailangan ng kanilang pangkat.Sagutin Mo: Anu-anong mga pagpapahalagang mayroon tayong mga Pilipino na kakaiba sa iba pangmga kultura o lahi sa daigdig? Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. Magbigay ng limangsagot. PAGTANGGAP NG MGA BISITA SA PILIPINAS SA AMERIKA* Tinatanggap nang bukas palad ang * Magpaabiso muna (hal. tumawag sa bisita anumang oras ito dumating. telepono) bago pumunta sa bahay nabibisitahin.* Ipagagamit sa bisita ang mga itina- tagong magagandang gamit tulad * Kung ano ang abutang kasang- ng mga bagong pinggan, kumot,atbp. kapang ginagamit, iyon lamang ang ipagagamit sa dumating na bisita.Sagutin Mo1. Sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala ng iba't-ibang pangkat ng tao sa daigdig, bakit mahalagang isabuhay ang paggalang sa pagpapahalaga ng iba?2. Batay sa gawing ito, paano mo bibigyang -kahulugan ang pagpapahalagang kultural?Gawain 2 Natutuhan mo sa Gawain 1 na may mga pagpapahalagang iba't-iba sa bawat pangkat ngtao. Sa gawaing ito, bibigyang-pansin ang mga pagpapahalagang pare-pareho sa lahat ng taoanuman ang kanyang nasyonalidad at relihiyong kinabibilangan.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196