Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:48:34

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

12. Sumasali ako sa mga gawaing kakaiba at 3 2 10 malikhain. 0 1 2313. Nahihirapan akong ipagpaliban ang personal na lakad o kasiyahan (gimik) para sa isang 3 2 10 mahalagang bagay. 3 2 1014. Pinapangarap ko ang gusto kong kalagayan sa 0 1 23 hinaharap. 0 1 23 3 2 1015. Magaling akong gumawa o magpasimuno ng Twila G. Punsalan, Buhay solusyon ng isang problema. D. Pagdama sa Damdamin ng Kapwa16. Mahirap kong maramdaman ang sakit ng loob ng ibang tao kung hindi siya magsasalita.17. Nahihiya akong lumapit sa ibang tao upang tumulong sa kanyang problema.18. Iniisip ko muna ang damdamin ng iba bago ako magbitiw ng salita. Iskor Antas ng Emosyon25 - 33 = Napakahusay ng pagdadala ng emosyon17 - 24 = Katamtaman ang husay9 - 16 = May problema sa emosyon0 -8 = May pagkamanhid o walang pakialamSagutin Mo1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?2. Anu-ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili sa gawain?3. Anu-ano ang mga nalagyan mo ng mataas na iskor? Ang mga may mababang iskor? Bakit?4. Batay sa resulta ng gawain, masasabi mo bang marunong ka ng mamahala ng iyong emosyon? Patunayan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 10/17

IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Ipahayag ang iyong mga natuklasan sa pamamagitan ng pagtatapos ng mga inumpisahang pangungusap. 1. Ang emosyon ay _____________________________ _____________________________ _____________________________ 2. Ang positibong emosyon ay _____________________________ _____________________________ _____________________________ 3. Nararapat pamahalaan ang emosyon sapagkat _____________________________ _____________________________ _____________________________ 4. Ang negatibong emosyon ay _____________________________ _____________________________ _____________________________ 5. Kailangan ang _________________ sa pagharap sa mga hamon at suliranin sa buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 11/17

V. Pagpapatibay Kahulugan ng Emosyon Mula sa mga sinasagap mula sa kapaligiran, nakakakalap ang tao ngkanyang mga pandamdam na bibigyan naman ng katuturan ng kanyang isipan.Mahalaga ang uri ng reaksyon na kanyang ibibigay sa kanyang mga sinagap. Ang emosyon ang siyang tugon ng tao sa mga bagay na kanyang nakikita,nararamdaman, naririnig, nalalasahan at naaamoy. Positibo ang emosyon ng taokung ito ay itinuturing niyang mabuti, kaaya-aya at nakapagpapasaya sa kanya.Negatibo naman ang emosyon kung ito ay itinuturing niyang masama,nakalulungkot, nakababagabag o nakasasakit ng damdamin. Kung ganoon, ang kanyang emosyon ang nagpapamalas ngpagpapahalaga ng tao sa mga bagay na kanyang nakikita, nadarama, naririnig,nalalasahan at naaamoy. Halimbawa, narinig mong may yabag ng mga paa salabas ng inyong bahay. Pagkatapos, narinig mong may kumatok sa inyong pinto.Binuksan ng kapatid mo ang pinto at narinig mo ang boses ng iyong ama. Alasdiyes na ng gabi. Kung ikaw ay naghihintay sa iyong ama, bigla kang lalapit sakanya at babatiin siya. Samantala kung dapat ay tulog ka na ng oras na iyon atalam mong magagalit ang iyong ama, maaaring hindi ka sumagot atmagkunwaring natutulog na. Ito ay isa lamang sitwasyon na maaaring magkaroonng iba’t ibang uri ng emosyon.Narito ang talaan ng mga pangunahing emosyon ng taoPagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)Pagnanasa (desire) Pag-iwas (aversion)Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)Pag-asa (hope) Pagkabigo (despair)Pagiging matatag (courage) Pagkagalit (anger) Pagkatakot (fear) Ang unang kolum ay mga emosyong nakasisiya sa damdamin subalitnangangailan nang maayos na pamamahala. Ang virtue ng pagtitimpi(temperance) ay kailangan. Bagamat nakita at naamoy mong masarap angpagkain sa mesa subalit alam mong hindi sa iyo iyon, kailangang hindi mo itokainin. Ang ikalawang kolum ay tumutukoy sa mga emosyong mahirap sadamdamin na tanggapin dahil ito ay masakit, nakalulungkot o nakatatakot.Marami ang mag-aaral na ayaw kumuha ng mahirap na kurso (halimbawa:engineering) dahil nahihirapan at natatakot sila sa maraming pagtutuos atpagbibilang. Kaya’t ang vitue ng katatagan (fortitude) ay kailangan upangmalampasan ang hirap at takot na nararamdaman.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 12/17

Emotional Literacy Ang emotional Quotient (EQ) ay ang kakayahang kumilala, umalam atumunawa ng mga damdaming pansarili at ng ibang tao at kakayahang gamitin angkapangyarihan at kagalingan ng mga damdaming ito upang magdulot ngmakataong enerhiya, impormasyon at impluwensiya. Ang EQ ay may iba’t ibang aspeto: 1. Pagkilala sa sariling emosyon – ang kamalayan sa mga nangyayari sa sarili o kakayahang kumilala sa sariling damdamin habang nararamdaman. 2. Pangangasiwa sa sariling emosyon – ang kakayahang makontrol ang iba’t ibang emosyon dahil ang mga ito ay may epekto sa kalagayan ng loob at pakikiugnay sa kapwa. 3. Panghihikayat sa sarili na gumawa ng mabuti – ang kakayahang disiplinahin ang emosyon tulad ng pagtitimpi na gawin ang isang bagay na hindi dapat. 4. Pagdama sa damdamin ng kapwa – ang kakayahang makadama sa pangangailangan o damdamin ng iba. Nagagawa mo ito kapag nagagawa mong pakiramdaman ang iyong sarili. 5. Pangangasiwa ng ugnayan – ang kakayahan sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa kapwa. Ang pagdadala ng ugnayan ay nangangahulugan ng pangangasiwa ng emosyon. Gamitin sa Kabutihan ang Iyong Emosyon 1. Ang mga positibong emosyon ay makadadadag-sigla sa buhay. Sa harap ng panganib, ang mga emosyon mo ay mag-uudyok sa adrenalin upang dumaloy nang marami at malakas kasama ng iyong dugo. Sa gayon, magagawa mo ang isang bagay na hindi kayang gawin ng karaniwang tao. Ang mga madaling mawalan ng pag-asa ay nanghihina, samantalang ang may matibay na loob at pananampalataya ay nakatatagal. 2. Ang mga negatibong emosyon ay nakapipinsala sa iyong katawan. Ang mga negatibong emosyon ay nakaaapekto sa katawan. Ang sama ng loob, poot, inggit, galit at iba pa ay nakaaapekto sa bilis ng pintig ng puso, paghinga at pati sa temperatura ng katawan. 3. Ang mga emosyon ay maaaring ikundisyon. Ang emosyon ay napipigil, nasisikil, napalalabas mo sa pamamagitan ng iyong isip. Nararapat na ang pag-iisip ang susupil sa emosyon at di ang emosyon ang susupil sa iyong pag-iisip. 4. Ang mga emosyon ay mapasusunod tungo sa kapakinabangan. Ang paghanga ay makapagbibigay ng inspirasyon sa pag-aaral. Ang takot ay makapagpipigil sa iyo na iwasan gawin ang makasasama sa iyo o sa pamilya mo. Ang iyong emosyon ay hindi mo basta aalisin na lamang. Mahalagang pamahalaang mabuti ang mga ito tungo sa iyong kabutihan at mabuting kapakanan din ng iyong kapwa. Halaw sa Pagtatagumpay sa Pakikibaka sa Sarili Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 13/17

VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Basahin at unawain ang mensaheng ipinahihiwatig ng mga sumusunod: Ang may nais ng payapa at saganang pamumuhay Dila niya ay pigilin sa paghahabi ng kasamaan. I Pedro 3:10 Tandaan ninyo ito, mga kapatid kong minamahal: Matuto kayong makinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay di nakatutulong upang maging matuwid sa paningin ng Diyos. Santiago 1:19-20 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang magkasala. Agad ninyong pawiin ang galit. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Efeso 4:26-27 Pagbawalan mo silang magsalita ng masama kaninuman. Tito 3:2Sagutin Mo 1. Paano mo iuugnay sa natapos na aralin ang mga talatang ito? 2. Anu-anong mga paraan ang maaari mong isagawa upang mapamahalaan ng wasto ang emosyon? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 14/17

VII. Gaano Ka Natuto?A. Panuto: Piliin at isulat sa notebook ang titik sa hanay B na inilalarawan sa mga bilang sa hanay A. Hanay A Hanay B1. Damdaming may matinding sama ng loob A. pagkamuhi2. Pagkabahala sa sarili na masaktan B. emosyon3. Pagkahapis o pagdadalamhati C. pagkagulat4. Damdaming dulot ng isang biglaang pangyayari D. pagkagalit5. Masidhing damdamin ng pagkainis E. Emotional Quotient6. Nagbibigay kulay at nagpapagalaw sa buhay ng tao F. pagkagalak7. Paghihintay sa isang mangyayari sa hinaharap G. pagtanggap8. Kakayahang kumilala, umalam at umunawa sa H. pag-asam I. pagkalungkot damdaming pansarili at ibang tao J. pagkatakot9. Damdaming matiwasay dahil sa pagtanggap ng iba K. pagkabigo10. Masidhing damdamin ng kasiyahan o katuwaanE. Tukuyin at isulat kung positibo o negatibo ang pamamahala ng emosyon sa bawat sitwasyon sa ibaba. Kung negatibo ay gawin itong positibo at ipaliwanag.1. May bagong lipat na kapitbahay sina Lisa. Umalis ang pamilyang Muslim na ito sa Mindanao dahil sa digmaan. Nakikipagkaibigan si Lisa sa mga anak na tin-edyer.2. Napagalitan ng guro sa Matematika ang kaklase mo dahil sa hindi pagsagot sa takda. Mula noon, ayaw na niyang pumasok dito. Nagtatago siya at nanginginig kapag nakikita niya ang guro.3. Nalaman ni Elena na pinintasan siya ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang pananamit. Labis niyang ikinagalit ito. Mula noon, ayaw na niyang kausapin ang mga ito.4. Tuwang-tuwa si Ana nang malamang siya ang nanalo sa eleksyon sa kanilang paaralan. Siya na ang pinuno ng pinakamataas na samahan sa paaralang iyon. Pinasalamatan niya ang kanyang mga kamag-aral at kaibigan. Sinabi niyang kanyang tutuparin ang kanyang ipinangako noong siya ay nangampanya.5. Nakangiti si Elena habang nagsasayaw. Lalo niyang hinusayan nang magpalakpakan ang mga taong nanonood.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 15/17

III. Ang positibo o negatibong emosyon ay nararapat na pamahalaan nang wasto. Mula sa mga sitwasyon sa ibaba, tukuyin kung dapat gamitin ay virtue ng temperance o fortitude. Titik lamang ang isulat. A. Temperance (pagtitimpi) B. Fortitude (katatagan) 1. Namatay ang ama ni Lawrence nang siya ay nasa unang taon sa paaralang sekundarya. Nais niyang makatapos ng kanyang pag-aaral. Ang ina lamang niya ang tangi ngayong naghahanapbuhay. Marami silang magkakapatid. 2. Crush ni Joy ang tinedyer na bagong lipat sa tabi ng kanilang bahay. Nagkakilala sila at nalaman niyang pareho silang labintatlong taong gulang. Niligawan siya nito ngunit minabuti niyang iwasan ito. Alam ni Joy na siya ay masyado pang bata. 3. Nakaipon si Luisa ng pera mula sa kanyang baon. Gusto niyang bumili ng bagong damit. Kaya lang, kinakailangan niyang bumili ng mga gamit para sa kanyang proyekto sa isa niyang asignatura. 4. Gusto ni Sienna na sumama sa birthday party ng kanyang kaklase. Lahat ng kanyang kaibigan ay dadalo. Subalit pinakiusapan siya ng kanyang nanay na huwag na lang dumalo dahil masama ang kanyang pakiramdam. Kaya pinili niyang bantayan na lang ang kanyang nanay kaysa pumunta sa party. 5. Lumipat ng bahay ang pamilya ni Katrina. Napakalayo nito sa kanilang paaralan. Kinakailangan niyang maglakad nang malayo dahil wala pa ritong gaanong sasakyan. Nahihirapan siyang maglakad dahil marami siyang dalang mga gamit.VIII. Mga Sanggunian Bacungan, Cleofe M., 1996. A Text on Values Education. Manila: Katha Publishing Co., Inc. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values: What, Why and For Whom. Manila: Sinag-tala Publisher, Inc. Sala, Harold J. 1997. Pagtatagumpay sa Pakikibaka sa Sarili, Manila: OMF Literature Inc. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 16/17

Susi sa PagwawastoI. 1. D 2. J 3. I 4. A 5. B 6. H 7. E 8. G 9. F 10.CII. 1. B 2. A 3. A 4. A 5. BGaano Ka Natuto?I. 1. A 2. J 3. I 4. C 5. D 6. B 7. H 8. E 9. G 10.FII. 1. Positibo 2. Negatibo 3. Negatibo 4. Positibo 5. PositiboIII. 1. B 2. A 3. A 4. A 5. B Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 17/17

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit I Modyul Blg. 5 Lalaki Ako…Babae KaI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nang isilang ka, ikaw ba ang pumili kung ano ang iyong magiging kasarian? Itinakda na iyan, wala ka nang magagawa. May dahilan ang Diyos kung bakit ka niya ginawang lalaki o bakit siya ginawang babae. Sa pasimula pa lamang ay nilikha na ng Diyos ang lalaki at babe. Ayon sa Bibliya, si Adan ang unang lalaki at si Eba naman ang unang babae. May layunin ang Diyos sa pagkakalikha sa kanila na siyang pinagmulan ng sangkatauhan. Malaki ang epekto sa pagpapaunlad ng pagkatao kung tanggap mo ang iyong itinakdang kasarian. Pagkatapos mong tunghayan ang mga aralin sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal, panlipunan at emosyonal na nagaganap sa isang kabataan B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtanggap sa itinakdang kasarian C. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapaunlad sa itinakdang kasarian Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 1/11

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba? A. Isulat kung Tama o Mali ang bawat pahayag. 1. Ang sekswalidad ay ang kabuuang katauhan ng isang indibidwal. Ito rin ang pagkakaranas sa sarili kung ano ka bilang tao, lalaki man o babae. 2. Walang mahahalagang pagkakaiba ang lalaki at babae sa pisikal na istruktura. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 2/11

3. Mahalagang tanggapin ang taglay na kasarian sa pansariling pag-unlad. 4. Ang babae at lalaki ay itinadhana ng Diyos na magkatuwang sa buhay. 5. Ang kasarian ay mahalagang aspeto ng sekswalidad.B. Isulat kung para sa Lalaki o Babae ang inilalarawan sa bawat bilang. 1. Masalita at mahilig sa detalye 2. Magdala ng bata sa sinapupunan 3. May higit na lakas pisikal sa mga mabibigat na gawain 4. Higit na pabagu-bago ang isip 5. Hindi pabagu-bago ang isipC. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamangsagot. 1. Mahalagang tanggapin ko ang itinakdang kasarian upang: a. may direksyon ang buhay mo b. matupad ko ang misyon ko ayon sa kalooban ng Diyos c. mapaunlad ko ang aking mga kakayahan d. malayo sa mga problema 2. Isang paraan ng pagpapaunlad ng sariling sekswalidad ang: a. magbasa ng mga makabuluhang magasin b. sumali sa mga laro o isports na magpapalakas ng katawan at isipan c. magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga kaibigan lalo na sa katapat na kasarian d. dumalo sa mga pagtitipon at kasayahan upang magkaroon ng maraming kaibigan 3. Ano ang isa sa katangian ng taong tinatanggap ang kanyang sekswalidad? a. Pagpapaunlad ng kanyang pagiging lalaki at babae b. Pagpapasalamat sa Diyos sa pagkakalikha sa kanya bilang lalaki o babae c. Pagganap ng kanyang tungkulin bilang lalaki o babae d. Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian 4. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae upang: a. maging kasama sa paglikha ng buhay sa daigdig. b. mas mapahalagahan nila ang isa’t isa. c. may gagawa ng iba’t ibang gawain. d. Punuin ng tao ang mundo. 5. Nagpaopera si Max upang mapalitan ang kanyang kasarian. Pinag-ipunan niya at pinaghandaan ang pagkakataong ito. Masaya siya nang unang mga taon subalit habang lumalaon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 3/11

ay nababawasan ang kanyang kasiyahan. Pinatutunayan ng sitwasyong ito na: a. Ang bagong teknolohiya ay nakatutulong sa pisikal na pagbabago ng isang tao. b. hindi matatamo ang kaligayahan kung hindi kikilos ayon sa iyong kalikasan at kasarian. c. wala sa panlabas na pagbabago ang pagkakamit ng kaganapan ng pagkatao. d. darating din ang panahon na pagsisisihan mo ang maling pasya Nasiyahan ka ba sa mga sagot mo? Dumako ka naman ngayon sa mgagawain. Makatutulong ang mga ito upang higit mong maunawaan angitinakdang kasarian sa iyo.III. Tuklasin MoGawain Blg. 1Panuto: Sa loob ng larawan ng dalawang babae at dalawang lalaki sa mga parihaba, gawin ang mga sumusunod: 1. Sa una o ikatlong parihaba, ilarawan ang iyong mga kaisipan o pagkaunawa , damdamin at katangian bilang babae o lalaki. 2. Kapanayamin ang isang kaklase o kaibigan tungkol sa kanyang kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian niya bilang babae o lalaki. Isulat ang sagot nila sa ikalawa at ikaapat na parihaba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 4/11

Ang aking kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian bilang babae ay ang mga sumusunod: • Ang mga babae ay masipag sa gawaing bahay. • • • • • • • Ang kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian ni ________________________ bilang babae ay ang mga sumusunod: • • • • • • • •. Ang aking kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian bilang lalaki ay ang mga sumusunod: • Ang lalaki ay matatag • • • • • • • Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 5/11

Ang kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian ni ________________________ bilang lalaki ay ang mga sumusunod: • • • • • •Sagutin Mo1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?2. Anu-ano ang mga natutuhan mo sa gawain?3. Bilang babae o lalaki, anu-ano ang mga katangian mo na maipagmamalaki mo sa iyong katapat na kasarian?4. Tinatanggap mo ba na ikaw ay nilikha ng Diyos na babae o lalaki? Ipaliwanag. Matapos mong sagutin ang unang gawain, marahil ay nauunawaan mo nakung bakit magkaiba ang kaisipan, damdamin at katangian ng lalaki at babae.Ngayon naman ay palawigin mo ang kaalaman ukol sa mga gawaing nakalaansa lalaki at babae.Gawain Blg. 2 SABI NG SURVEY Tanungin ang limang kaeskwela ukol sa mga sitwasyong binabanggit samga kahon sa ibaba. Ipabahagi ang kanilang saloobin o opinyon kung anoang maaaring mangyari kung ang lahat ng nilikha ay pawang kababaihan okalalakihan lamang. Isulat ang kanilang sagot sa iyong kuwaderno. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 6/11

Kung lahat ng nilikha ng Diyos ay...Puro Lalaki Puro Babae1. Hindi dadami ang tao 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. Kung lahat ng miyembro ng pamilya mo ay...Puro Lalaki Puro Babae1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. Kung lahat ng mag-aaral sa paaralan mo ay...Puro Lalaki Puro Babae1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. Kung lahat ng pinuno sa pamahalaan ay...Puro Lalaki Puro Babae1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.Puro Lalaki Kung lahat ng magiging kaibigan mo ay...1.2. Puro Babae3. 1.4. 2.5. 3. 4. 5. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 7/11

Sagutin Mo1. Anu-ano ang mga natutuhan mo sa gawain?2. Paano ipinakita sa survey ang kahinaan ng bawat pangkat, kung puro babae o lalaki lamang? Magbigay ng halimbawa.3. Ipinakita ba sa survey ang kahalagahan ng pagtutulungan ng babae at lalaki? Ipaliwanag.4. Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng lalaki? Ng babae?5. Bakit ginawa ng Diyos ang babae at lalaki?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Ayon sa tsart sa ibaba, bumuo ng konsepto ng mga natutuhan mo.Isulat sa kahon sa ibaba.Tanggapin Diyos Tanggapin Lalaki BabaePaunlarin Paunlarin Sekswalidad Kasarian Ang konseptong aking natutuhan mula sa mga naging gawain at mula sa tsart sa itaas_________________________. _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________V. Pagpapatibay Ang sekswalidad ay ang kabuuang katauhan ng isang indibidwal onilalang. Ito rin ang pagkakaranas sa sarili kung ano ka bilang tao, lalaki man obabae. Ang kasarian ay tumutukoy sa pagiging lalaki o babae. Malaki ang impluwensiya ng sekswalidad ng tao, babae o lalaki man, sapagkilala at lubusang pag-unawa ng sarili. May kinalaman ito sa paghahanapng kahulugan niya bilang tao o ng kanyang true self. Anuman ang itinakdang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 8/11

kasarian, babae o lalaki ka man ay may mga natatanging gawain nanakaatang. Masasabi na may malaking kaugnayan ito sa pagkakamit ngkaganapan ng bawat indibidwal. Samakatuwid, parehong may kakayahan angbawat babae at lalaki na maging kasama sa paglikha o co-creator ng buhay. Tinawag ng Diyos ang tao upang magmahal at buong pusongmaghandog sa pamamagitan ng pinagsanib na katawan at ispiritu (unity ofbody and soul) na taglay ng bawat isa. Ang katawan ng tao, kasama angkanyang itinakdang kasarian—ang pagiging lalaki at pagiging babae, ay hindilamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak ng pagpapatuloy ng bawatsalinlahi, kundi ito rin ay daan sa pagpapahayag natin ng pagmamahal. Dahildito, ang tao ay nagiging handog sa kanyang kapwa. Dito nabibigyangkaganapan ang kahulugan ng ating buhay at pagiging tao. Katangian ng mga Taong Tinatanggap ang Kanilang Sekswalidad1. Tinatanggap nila at pinauunlad ang kanilang pagkababae o pagkalalaki. Ipinagmamalaki nila ito at hindi ikinahihiya.2. Ginagampanan nila ang mga natatanging tungkulin na inaasahan sa kanila bilang babae o lalaki.3. Iginagalang nila ang kasarian ng iba. Kinikilala nila ang prinsipyong magkatuwang ang babae at lalaki; hindi nila tinitingnan na mas mataas o mababa ang isang kasarian.4. Nagpapasalamat sila sa Diyos sa pagkakalikha sa kanilang bilang lalaki o babae. Pagpapaunlad ng Sariling Sekswalidad/Kasarian1. Tanggapin ang pagiging babae at lalaki. Alamin ang kahalagahan mo bilang babae o lalaki.2. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga kaibigan, pareho man o katapat ang kasarian.3. Magbasa ng mga makabuluhang magasin at manood ng mga palabas sa telebisyon o sine na may kinalaman sa iyong pagiging babae at lalaki.4. Sumali sa mga laro o isports na magpapalakas ng iyong pangangatawan at kaisipan.5. Higit sa lahat, isipin na ang Diyos ay may layunin kung bakit nalikha kang babae at lalaki. Igalang ang layunin ng pagkalikha ng Diyos sa iyo. Ngayong natapos mo na ang lahat ng gawain at natuklasan angkahalagahan ng sekswallidad, maaari mo nang sukatin ang iyong natutuhan sapamamagitan ng pagsagot sa pangwakas na pagsusulit.VII. Gaano Ka Natuto? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 9/11

A. Isulat kung Tama o Mali ang bawat pahayag.1. Ang kasarian ay hindi mahalagang aspeto ng sekswalidad.2. Ang babae at lalaki ay nararapat na magkatuwang sa buhay.3. Ang lalaki ay may kakayahang magbigay buhay.4. Ang babae ay may kakayahang makalikah ng buhay.5. Walang mahahalagang pagkakaiba ang lalaki sa babae sa pisikal na istruktura.6. Hindi mahalagang tanggapin ang kasarian.7. Ang Diyos ay may layunin sa paglikha sa dalawang kasarian.8. Ang pagkilala sa true self ay pagkilala at pagtanggap sa sariling kasarian.9. Higit mong mauunawaan ang kapwa mo kung nauunawaan mo ang iyong kasarian.10. Mapauunlad ang sekswalidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong saloobin at pagtingin sa sariling pagkababae o pagkalalaki.B. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Mahalagang tanggapin ko ang itinakdang kasarian upang: a. may direksyon ang buhay mo b. matupad ko ang misyon ko ayon sa kalooban ng Diyos c. mapaunlad ko ang aking mga kakayahan d. malayo sa mga problema 2. Isang paraan ng pagpapaunlad ng sariling sekswalidad ang: a. magbasa ng mga makabuluhang magasin b. sumali sa mga laro o isports na magpapalakas ng katawan at isipan c. magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga kaibigan lalo na sa katapat na kasarian d. dumalo sa mga pagtitipon at kasayahan upang magkaroon ng maraming kaibigan 3. Ano ang isa sa katangian ng taong tinatanggap ang kanyang sekswalidad? a. Pagpapaunlad ng kanyang pagiging lalaki at babae b. Pagpapasalamat sa Diyos sa pagkakalikha sa kanya bilang lalaki o babae c. Pagganap ng kanyang tungkulin bilang lalaki o babae d. Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian 4. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae upang: a. maging kasama sa paglikha ng buhay sa daigdig. b. mas mapahalagahan nila ang isa’t isa. c. may gagawa ng iba’t ibang gawain. d. Punuin ng tao ang mundo. 5. Nagpaopera si Max upang mapalitan ang kanyang kasarian. Pinag- ipunan niya at pinaghandaan ang pagkakataong ito. Masaya siya nang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 10/11

unang mga taon subalit habang lumalaon ay nababawasan angkanyang kasiyahan. Pinatutunayan ng sitwasyong ito na:a. Ang bagong teknolohiya ay nakatutulong sa pisikal na pagbabago ng isang tao.b. hindi matatamo ang kaligayahan kung hindi kikilos ayon sa iyong kalikasan at kasarian. c. wala sa panlabas na pagbabago ang pagkakamit ng kaganapan ng pagkatao. d. darating din ang panahon na pagsisisihan mo ang maling pasyaVIII. Mga SanggunianPunsalan, Twila G., et. al., 1999. Buhay. Manila: PNUPontifical Council for the Family. 1995. The Truth and Meaning ofHuman Sexuality: Guidelines for Education Within the Family.Makati City: Word and Life Publications.Rice, Charles E. 1993. 50 Questions on the Natural Law: What It Isand Why We Need It. San Francisco: Ignatius PressSusi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? B.A. 6. Babae1. Tama 7. Babae2. Mali 8. Lalaki3. Tama 9. Babae4. Tama 10.Lalaki5. TamaC.1. b2. c3. c4. a5. bGaano Ka Natuto? 6. Mali B.A 7. Tama 1. b1. Mali 8. Tama 2. c2. Tama 9. Tama 3. c3. Mali 10.Tama 4. a4. Mali 5. b5. Mali Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, ph. 11/11

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul Blg. 6 Natatangi Ako!I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nabalangkas mo na ang mga paraan sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Nakabuo ka na ng mga hakbang upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Subalit mayroon pa bang higit na mahalaga bukod sa maabot mo ang iyong mga pangarap? Materyal na bagay nga lang ba ang maaaring makamit ng tao? Paano mo nga ba masasabing mapalad ang tao dahil maaaring mangarap at matupad ang mga ito? Ano ang komposisyon ng tao na maaaring daan sa pagtupad ng kanyang mga pangarap? Sa mga gawain sa modyul, matutuklasan mo na ang tao ay mayroong materyal at ispirtiwal na kalikasan. Ito ang bumubuo sa iyo bilang tao at nagiging daan ng iyong pag-unlad at pag-abot ng iyong mga pangarap. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala na ang tao ay mayroong katawan at kaluluwa B. Naitatala ang mga pamamaraan ng pangangalaga ng katawan at kaluluwa C. Napahahalagahan ang katawan at kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan ng katawan at kabanalan ng kaluluwa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 1/12

tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba? A. Isulat ang W kung wasto ang pahayag at DW kung hindi. 1. Ang tao ay mayroong katawan. 2. Ang tao ay mayroong kaluluwa. 3. Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. 4. Naiiba ang tao sa hayop at halaman. 5. Ang katawan ay maaaring mamatay. 6. Ang kaluluwa ay walang kamatayan. 7. Ang katawan at kaluluwa ay hindi maaaring magkaisa. 8. Kasamang mamamatay ng katawan ang kaluluwa. 9. Ang katawan ay may laman at gawaing nakalaan. 10. Ang kaluluwa ang konsensya ng tao. B. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang tao ay mula sa Diyos at mayroong a. katawan at kaluluwa. b. isip at katawan. c. katawan at konsensya. d. isip at konsensya. 2. Ang katawan ng tao ay ang representasyon ng kanyang kalikasang a. ispiritwal b. materyal c. panlipunan d. pisikal 3. para sa mga Kristiyano, maaaring mamatay ang katawan subalit ang kaluluwa ay pinaniniwalaang a. maiiwan sa lupa. b. lilipat sa ibang katawan. c. mabubuhay muli. d. makakapiling ng Dakilang Lumikha. 4. Ang kaluluwa ay hindi nakikita; ito ang kumakatawan sa dimensyong a. materyal b. intelektwal c. ispiritwal d. konsensya 5. Maaaring maging malinis ang ating kaluluwa sa pamamagitan ng: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 2/12

a. regular na pagsisimba b. pagsisisi ng kasalanan c. pagkukumpisal d. paggawa ng kabutihan Marahil ay handa ka na sa mga gawain. Maging kawili-wili nawa angiyong pagsagot at matapos mo ang modyul na ito.III. Tuklasin MoGawain Blg. IMula sa mga pamimilian sa ibaba, itala sa angkop na kolum kungang aytem ay katangian ng katawan o ng kaluluwa.Katangian ng Mga Pagpipilian Katangian ngKatawan Kaluluwa 1. Materyal na representasyon ng tao 2. Di materyal na representasyon ng tao 3. May laman at gampanin ang bawat bahagi 4. Narito ang konsensya na nagtatakda ng kabutihan 5. Instrumento upang maisagawa ang pisikal na gawain ng tao 6. Elemento na kung saan ang tao ay natututong magmahal at magpasya 7. May hangganan, may katapusan at kamatayan 8. Eternal at walang hanggananSagutin Mo1. Madali mo bang nasagot ang mga aytem sa Gawain? Bakit? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 3/12

2. Ano ang iyong natutuhan sa iyong gawain?3. Ano ang kaibahan ng katawan sa kaluluwa?4. Ano ang kahalagahan ng katawan sa tao?5. Ano ang kahalagahan ng kaluluwa sa tao?Gawain Blg. 2 Isulat sa patlang ang salita na iyong mabubuo mula sa mga titik na nasaibaba ng patlang. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba.Ako ay __________ na may __________ at _____________, kung OAT ATKANAW LUKAULAWkaya’t ako ay natatangi kaysa sa __________ at _____________. AHOPY NAMAHLAAng__________ ng _________ ay maaaring __________ , _________ATKANAW OAT GOLAMUT MAUKINat ___________ ang ganda ng ___________.KAMIAT DUMNOAng _________ ng _____ ay maaaring _________ at ___________.WLUKAULA OAT PIAMGSI HAAMGMALAng ____________ ng _______ ay maaaring ____________ subalit angATKANAW OAT YTAMAAM____________ ng _______ ay ________________ o walang hanggan.LUAKULAW OAT LATERENBagamat __________ ang ___________ at ___________ ng _______ ay ABIMAGAK ANAKATW UWAKULLA OATmaaari ang mga itong magkaisa sa paggawa ng kabutihan.Maaaring gamitin ang ______________ sa pagsisilbi sa ___________ at AANAKTW OIDYS___________. ______________ nang mabuti at ______________ ang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 4/12

WAKPA IIAMGSP NAAMHLI____________ at ____________.OIDYS WAKPASagutin Mo 1. Naibigan mo ba ang pagsagot sa bawat patlang? Bakit? 2. Naunawaan mo ba ang mga pahayag sa iyong binasa? 3. Batay sa iyong mga natutuhan, tapusin ang mga naumpisahang pangungusap sa ibaba upang makabuo ng konsepto. a. Ang katawan ay ________________________________________ b. Ang kaluluwa ay________________________________________ c. Ang tao ay natatangi sa ibang nilalang tulad ng hayop at halaman; kaya’t ________________________________________________Gawain Blg. 3 Naunawaan mo sa Gawain Blg.1 at 2 ang mga katangian at kahalagahan ng iyong katawan at kaluluwa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 5/12

Iguhit sa kaliwang bahagi ang mga paraan upang maging malinis atmaayos ang katawan. Sa kanang bahagi naman, iguhit ang mga paraanupang maging mabuti at banal ang kaluluwa.Mga Paraan Upang Maging Malinis Mga Paraan Upang Maging Mabutiat Maayos ang Aking Katawan at Banal ang Aking KaluluwaHalimbawa: HalimbawaSagutin Mo1. Madali bang gawing malinis at maayos ang iyong katawan? Bakit?2. Madali bang gawaing mabuti at banal ang iyong kaluluwa? Bakit?3. Paano mo naman gagamitin ang iyong katawan sa paglilingkold sa kapwa? Sa Diyos?4. Paano mo gagamitin ang iyong kaluluwa sa paglilingkold sa kapwa? Sa Diyos?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? 1. Paano mo pauunlarin ang iyong pisikal at ispiritwal na kalikasan? 2. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad sa mga ito? 3. Paano mo malilinang ang iyong pagiging natatangi sa lahat ng nilikha? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 6/12

IV. Pagpapatibay Ikaw ay Natatanging Nilikha Natatangi ang tao sa lahat ng nilalang dahil pinagkalooban siya ng katawan at kaluluwa. Ang katawan ang materyal na representasyon at ang kaluluwa naman ang ispiritwal na kalikasan. Ang katawan ay maaaring mamatay habang ang kaluluwa ay mananatili at eternal. Ang katawan ang paraan ng tao upang siya ay umunlad at guminhawa sa buhay. Ang kaluluwa ang nagbibigay ng direksyon sa tao upang gumawa nang mabuti at kilalanin ang Maykapal. Ang katawan at kaluluwa ay kailangang magkaisa sa paggawa ng kabutihan. Ang pagiging malusog at malinis ng katawan ang nagdudulot upang mag-isip nang mabuti at kumilos nang maayos. Ang pagmamahal sa kapwa at sa Diyos ay nagpapabanal sa tao. Nakadarama ng kapayapaan sa puso at isipan ang taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa; kaya’t gumagaan ang kanyang kalooban at katawan. Kaya’t mawala man ang iyong katawan sa mundong ito, makasisiguro kang maligaya ang iyong ispirtiwal na kalikasan Ito ay dahil ang ginawa mong kabutihan sa iyong kapwa ay kikilanin at tutularan ng mga taong iyong natulungan. At sa huli ay makakapiling mo ang Dakilang Lumikha. Ikaw ay nilikha ng Diyos bilang isang indibidwal. Ang tao ay orihinal at katangi-tanging indibidwal, hindi lamang sa pisikal na anyo. Ang tao ay walang duplikasyon o katulad. Maging ang personalidad ng tao ay magkakaiba. Una, walang makapag-iisip na katulad ng iyong pag-iisip o makapangangatwiran ng tulad ng iyong pangangatwiran. Iba rin ang pagtingin ng iyong mga mata sa nakikita ng iba. Iba ang pandinig ng iyong tainga sa naririnig ng iba. Maging ang galaw ng iyong kamay at paa ay kaiba sa ibang tao. Kahit ang magkapatid o ang mga identical twins ay hindi magkamukhang-magkamukha. Ikalawa, ikaw ay nilikhang may ispiritwal na kalikasan. Noong ikaapat na siglo, sinulat ni St. Augustine na ang puso ng tao ay balisa o naguguluhan hanggang hindi niya natatagpuan ang Diyos. Ito rin ang paniniwala ni Blaise Pascal, isang siyentipiko at pilosopong Pranses. Ang ispiritwal na kalikasan ng tao ay naghihiwalay sa kanya sa iba pang uri ng nilikha. Kung kaya’t kapag ipinagwalang-bahala mo ang iyong ispiritwal na kalikasan, maihahalintulad ka sa hayop o halaman. Gusto mo bang matawag kang aso, ahas, o damong ligaw? Kung ganoon paunlarin mo ang iyong pisikal at ispiritwal na kalikasan! Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 7/12

Halaw sa Pagtatagumpay sa Pakikibaka sa Sarili ni Harold J. Sala, 2001, ph. 9-12.V. Pagnilayan At Isabuhay Mo Nais mo bang linisin ang iyong katawan at kaluluwa? Kung gayon,ano ang maaari mong gawin upang maisakatuparan ito? Itala ang mgaito sa talaan. Sa ibaba ay may larawan ng isang batang nanalangin.Kung ikaw ay mananalangin ngayong gabi, ano ang nais mongipagdasal upang maging malinis ang iyong katawan at kaluluwa.Gumawa ng maikling panalangin.A. Talaan ng mga gawaing lilinis sa aking katawan at kaluluwaAraw Mga Hakbang sa Paglilinis ng Katawan KaluluwaLinggoLunesMartesMiyerkulesHuwebesBiyernesSabadoB. Ang aking panalangin Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 8/12

VII. Gaano Ka Natuto?A. Mamingwit ka ng katangian ng angkop sa katawan at kaluluwa. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.Katangian ng Katawan Katangian ng Kaluluwa1. 5.2. 6.3. 7.4. 8. A. Di materyal na kalikasan B. May laman at may gampanin ang bawat bahagi C. May hangganan at katapusan D. Narito ang konsensiya E. Nagtatakda ng kabutihan F. Materyal na representasyon G. Eternal at walang hanggan H. Nagtuturo sa tao na magmahal I. Nagsasagawa ng pisikal na gawainB. Lagyan ng tamang sagot ang patlang para sa bilang 9 at 10. Ang tao ay mayroong _________________ at ________________. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 9/12

C. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik na may pinakatamang sagot. 1. Ang tao ay mula sa Diyos at mayroong a. katawan at kaluluwa b. isip at katawan c. katawan at konsensya d. isip at konsensya 2. Ang katawan ng tao ay ang representasyon ng kanyang kalikasang a. ispiritwal b. materyal c. kaisipan d. konsensya 3. Maaaring mamatay ang katawan subalit ang kaluluwa ay pinaniniwalaang a. maiiwan sa lupa b. lilipat sa ibang katawan c. mabubuhay muli d. makakapiling ang Dakilang Lumikha 4. Ang kaluluwa ay hindi nakikita kaya’t ito ang kumakatawan sa a. materyal b. kaisipan c. ispiritwal d. konsensya 5. Maaaring maging malinis ang ating kaluluwa sa pamamagitan ng: a. regular na pagsisimba b. pagsisisi ng kasalanan c. pagkukumpisal d. paggawa ng kabutihanVIII. Mga Sanggunian Punsalan, Twila G. 1999. Maylalang. Maynila: Rex Bookstore Sala, Harold J. 2001.Pagtatagumpay sa Pakikibaka sa Sarili. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 10/12

Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?A. 1. W 6. W 2. W 7. DW 3. W 8. DW 4. W 9. W 5. W 10.WB. C. 1. a 1. a 2. b 3. d 2. b 4. c 5. d 3. d 4. c 5. dGawain 1 Katangian ng Kaluluwa Katangian ng Katawan 1. 2 6. 1 2. 4 7. 3 3. 6 8. 5 4. 8 9. 7Gawain 2 11. mundo 21. eternal 1. tao 12. kaluluwa 22. magkaiba 2. katawan 13. tao 23. katawan 3. kaluluwa 14. mag-isip 24. kaluluwa 4. hayop 15. magmahal 25. tao 5. halaman 16. katawan 26. katawan 6. katawan 17. tao 27. Diyos 7. tao 18. mamatay 28. kapwa 8. matulog 19. kaluluwa 29. mag-isip 9. kumain 20. tao 30. magmahal 10. Makita 31. Diyos 6. D 32. kapwaGaano Ka Natuto? 7. FA 8. G 1. B 2. C 3. E 4. H 5. AB. 9. Katawan 10.kaluluwaC. 1. a 2. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 11/12

3. d4. c5. d Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 6, ph. 12/12

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul Blg. 7 Hanapin…Katotohanan! Gawin…Kabutihan!I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Mapalad ka talaga sa lahat ng nilalang. Mula sa nakaraang modyul ay natutuhan mong ikaw ay bukod-tanging nilalang na nagmula sa Diyos. Ikaw ay espesyal at natatangi kaysa sa ibang nilikha tulad ng hayop at halaman. Ipinagkaloob sa iyo ang katawan at kaluluwa na magagamit mo upang mabuhay nang naaayon sa iyong kalikasan. Kaya lang… alam mo na ba kung saan ka pupunta? Alam mo na ba ang gusto mong gawin sa iyong buhay? Naisip mo na ba ang pinakamabuti para sa iyong kinabukasan? Narito ang modyul na may gawaing kawiwilihan mong gawin at tapusin. Masusuri mo ang iyong kapasidad sa pagpapasya batay sa iyong iniisip at ginagawa. Matutukoy mo rin ang iyong kakayahang pang- ispiritwal. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nagagamit ang kaisipan at kalooban sa pagpapasya B. Natutukoy ang pagkakaiba ng intellect at will C. Napahahalagahan ang paggamit ng intellect at will sa makabuluhang pagpapasya at pagkilos Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 1/13

3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba? Basahing mabuti ang bawat pahayag. Pagkatapos, piliin mula sa pamimilian ang tamang sagot. 1. Kapag nagpapasya ang tao, dapat niyang gamitin ang kanyang a. bibig b. isip c. kalooban d. kalayaan 2. Ang determinasyon sa pagkilos ng tama at mabuti ay mula sa a. bibig b. isip c. kalooban d. kalayaan 3. Nagagawa ng tao na bumuo ng mga konsepto dahil siya ay may kakayahang a. magtanong b. mag-nilay nilay c. magbasa d. makaunawa 4. Mahalaga ang pag-iisip at pagbuo ng pasya. Subalit mas higit na magiging epektibo ang pasya kung ang tao ay mayroong________ na isagawa ito. a. kayamanan b. determinasyon c. talino d. kalayaan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 2/13

5. Huwag maging padalus-dalos sa pagpapasya, ang ibig sabihin ay a. mag-isip muna bago magpasya b. kumilos muna bago magpasya c. huwag muna gumawa ng pasya d. humingi ng tulong sa iba6. Isang kasabihan na ang ___________ ang magpapalaya sa tao. a. kabutihan b. katotohanan c. kasipagan katalinuhan7. Ang pangunahing elemento sa pagpapasya ay a. kasipagan b. kayamanan c. kalayaan d. karunungan8. Dahil sa isip, magagawa ng tao na tuklasin ang katotoahanan at magkaroon ng a. kayamanan b. karunungan c. kasipagan d. kaligayahan9. Malaya ang tao na gumawa ng desisyon subalit kailangan din niyang a. umasa sa Diyos b. maging handa sa bunga ng pasyang ginawa c. magkamali muna d. magtanong sa iba10. Tinawag na “blind faculty” ito dahil naaakit sa mabuti at umaasa sa impormasyon ng kaisipan a. intellect b. will c. conscience d. senses Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 3/13

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Mula sa inyong bahay, saan mo gustong pumunta? Sundan ang linya. Kung hindi mo nais ang lugar na tinahak ng linya ay maaari kang bumalik. Pumili muli ng linya na maaaring sundan. Kung iyon na ang lugar na nais mong puntahan, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 4/13

Sagutin Mo1. Mula sa inyong bahay, aling lugar ang pinili mong puntahan?2. Bakit dito mo nais pumunta?3. Nasiyahan ka ba sa iyong pasya? Bakit?Gawain Blg. 2Isulat sa angkop na lobo ang hinihingi ng bawat sitwasyon. -- ang iyong iniisip na reaksiyon -- ang iyong sasabihin o gagawing reaksiyonIsulat sa ibaba ang dahilan kung bakit ito ang iyong iniisip at bakit ito angiyong sinasabi.1. Nakita mo ang karatulang “No 2. Dumaan ang “crush” o hinahangaanJaywalking”. Malayo pa ang overpass o mo sa harap ninyong magkakabarkada.tulay. Walang pulis sa daan kaya sinabi Tinukso ka nila at…ng iyong kasama na iyo ring kaibiganna… Naku! Ayan ang “crush”Mas madali dito mo! Sige naang tumawid at at lapitan mowala namang siya atpulis. Tawid na kausapin.tayo!Bakit ganito ang nasa isip mo? Bakit ganito ang nasa isip mo?Bakit ganito ang sinabi mo? Bakit ganito ang sinabi mo?3. Nabasag mo na naman ang plato na 4. May usapan kayo ng iyong kaibiganhinuhugasan mo kaya nagalit ang iyong na magkita ng 8:00 ng umaga. Subalitina at sinabing… dumating siya ng 11:00 na…Ano ka bang Kanina ka pa ba?bata ka! Pasensiya ka naNakabasag ka kasi maramina naman ng akong ginawa.plato! Hindi ka Napakabagal pamarunong mag- ng bus na sinakyan ko.Bakit ganito ang nasa isip mo? Bakit ganito ang nasa isip mo?Bakit ganito ang sinabi mo? Bakit ganito ang sinabi mo? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 5/13

5. Nasa klase ka at tinawag ka ng guro 6. Nagpasa ka ng “project” sa guro mo.mo upang sagutin ang kanyang tanong. Nakita ito ng kaklase mo at sinabiKaya lang narinig mo ang sinabi ng niyang….iyong kaklase… Ikaw ba angHa, ha, ha! gumawa nito?Mali ang Ang pangitkanyang naman ngsagot! Ano ba project mo!yan!Bakit ganito ang nasa isip mo? Bakit ganito ang nasa isip mo?Bakit ganito ang sinabi mo? Bakit ganito ang sinabi mo?Sagutin Mo1. Nasiyahan ka ba habang sinusulat mo ang iyong maaaring isipin at sabihin o gawin sa bawat sitwasyon? Bakit?2. Nangyari na ba sa iyo ang mga ganitong sitwasyon? Ano ang napansin mo sa iyong reaksiyon?3. May pagkakaiba ba ang iyong karaniwang iniisip sa iyong ginagawa? Ipaliwanag.4. Bakit kaya nagkakaiba kung minsan ang iyong iniisip at ginagawa?Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 6/13

Gawain Blg. 3 Natutuhan mo sa Gawain 2 na ang tao ay may kakayahang mag-isip upangmalaman ang katotohanan. Mayroon din siyang kakayahang magpasya atkumilos. Ngayon naman, kikilalanin mo ang mga paraan upang mapaunlad moang iyong pag-iisip at kalooban. Itala sa Hanay B ang mga gawain opamamaraan na maaari mong gawin upang magamit mo nang makabuluhan angiyong isip at kalooban. Gabay mo ang sagot sa unang bilang.Hanay A Hanay BPagsasanay ng Kaisipan o Intellect Mga Paraan/Gawain sa Pagsasanay ng Kaisipan1. Magkaroon ng layunin sa buhay Ako ay mag-aaral nang mabubuti.2. Ibatay sa katotohanan ang mga gawain __________________________ __________________________ at batas ng kagandahang asal __________________________3. Humusga batay sa batas at alituntuning __________________________ __________________________ moral __________________________4. Suriin ang dahilan at epekto ng pasya o __________________________ __________________________ gawain5. Maging makatwiran sa paglutas ng suliraninPagsasanay ng Kalooban o will Mga Paraan/Gawain sa Pagsasanay ng Kalooban1. Mahalin ang Diyos at kapwa Hindi ako manunumpa sa ngalan ng Diyos.2. Piliin ang pinakamabuting kilos o gawain __________________________3. Maging malaya sa pagpapasya __________________________4. Pagdisiplina sa sarili at pagkontrol sa __________________________ __________________________ emosyon __________________________5. Pagsisikap, pagtitiis at pagtitiwala sa __________________________ __________________________ sarili, sa kapwa at sa Diyos __________________________6. Determinasyon at pagsasabuhay ng mga pagpapahalagaSagutin Mo1. Bakit nararapat na hubugin o sanayin ang kaisipan at kalooban ng tao sa paggawa ng tama at mabuti?2. Anu-ano ang maaaring maging hadlang upang mahirapan sa paghubog ng kaisipan at kalooban? Paano mo ito maiiwasan?3. Anong prinsipyo o kaisipan ang maaari mong gamiting batayan upang lubos na mahubog at masanay ang iyong kaisipan at kalooban? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 7/13

IV. Ano Ang Iyong Natuklasan?Tapusin ang mga pangungusap upang makabuo ng konsepto.1. Mula sa mga gawain, natuklasan kong ang tao ay may isip o intellect na___________________________________________________________2. Ang tao ay pinagkalooban ng kalooban o will upang___________________________________________________________3. Ang kaisipan at kalooban ng tao ay masasanay kung___________________________________________________________V. Pagpapatibay Ang tao ay mayroong dalawang kapasidad o kakayahang pang-ispiritwal.Ito ay ang isip o intellect at kalooban o will. Ang tao ay may kakayahang mag-isip, magmuni-muni, bumuo, magbuodat humusga sa nakikita, nararamdaman, naaamoy at naririnig mula sa kanyangkapaligiran. Narito pa ang mga kakayahang maaaring gawin ng isip:1. May kapasidad na mag-isip at umunawa2. Makabuo ng konsepto at kaisipan upang bigyan ng paliwanag ang mga nangyayari sa kapaligiran3. Makapagsusuri ng mga bagay-bagay upang malaman ang katotohanan4. Makabuo ng hatol o pasya5. Kumalap ng impormasyon upang makalutas ng suliranin Ang kalooban o will ng tao ay mayroong kapasidad na kumilos o gumawa.Narito pa ang ibang kakayahan ng kalooban:1. Tinaguriang “blind faculty” dahil ang will o kalooban ay umaasa sa kaisipan2. Kapangyarihan ng tao upang pumili3. Biyaya ng Diyos sa paggawa ng pasyaAng mga kapasidad na ito ay makikita sa talahanayan sa ibaba: Mga Kapasidad na Pang-ispiritwal ng Tao Isip (Intellect) Kalooban (Will)Katungkulan o Gampanin Mag-isip/Magsuri Gumawa/KumilosLayunin Makaalam/Matuto Pumili/MagmahalTunguhin Katotohanan KabutihanKaganapan ng Tao Kaalaman/Karunungan Virtue Batay sa Education in Values What, Why and for Whom ni Esther J. Esteban, 1990 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 8/13

Mahalagang mahubog at masanay ang isip sa pagmumuni-muni atpagsusuri ng mga bagay-bagay batay sa katotohanan bago gumawa ng pasya.Ang kalayaan naman sa pagpapasya ng kalooban o will ay maisasagawa sapagsasaalang-alang ng kabutihan ng sarili, kapwa, kalikasan at Diyos. Saganitong paraan ang tao ay magkakaroon ng kaganapan tungo sa karunungan atkabutihan.VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Dalawang magkapatid na lalaki ang nagsasaka sa bukid na kanilangminana kaya hinahati nila ng parehas ang kanilang inaani. Ang isa ay mayroongasawa at anak habang ang isa ay binata at nag-iisa. Isang araw, nag-isip ang binatang kapatid ng ganito: “Kawawa naman angaking kapatid. Siya ay may asawa at anak samantalang ako ay nag-iisa kayahindi dapat parehas ang aming hatian sa ani dahil hindi ko naman kailangan angmga ito.” Kaya sa kalagitnaan ng gabi ay binuhat niya ang isang sakong palay atdahan-dahang inilipat sa bodega ng kanyang kapatid. Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay iniisip din ng kanyang kapatidna may asawa ang ganito: “Kawawa naman ang aking kapatid. Siya ay nag-iisalamang samantalang ako ay mayroong asawa at anak na maaaring kumalinga saakin. Hindi dapat parehas ang aming hatian sa ani dahil kawawa naman siya sakanyang pagtanda”. Kaya sa kalagitnaan ng gabi ay binuhat niya ang sakongmay ani at inilipat sa bodega ng binatang kapatid. Nagdaan ang ilang taon na ganito ang kanilang ginagawa kaya’t sila aynagtataka na tila hindi naman nababawasan ang kanilang imbak sa kani-kanilangbodega. Isang gabi habang inililipat nila ang sakong may ani sa magkabilangbodega, dahil sa kadiliman, sila ay nagkabungguan. Nahulog ang sakongkanilang dala at sila ay nagkakilanlan. Sila ay nagyakapan dahil sa kabutihan nginiisip at ginagawa nilang magkapatid para sa isa’t isa. Cabato, Carmen, et.al. 1998. Valuing My Spirituality. Quezon City: Vibal Publishing HouseSagutin Mo1. Ano ang mensahe ng kuwento?2. Kung nag-iisip ka at kumikilos nang mabuti para sa iyong kapwa, siya rin ay nag-iisip at kumikilos nang mabuti para sa iyo. Naniniwala ka ba dito? Bakit?3. Anong mga pagpapahalaga ang maaari mo pang makita sa kuwento na magagamit mo sa iyong buhay? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 9/13

VII. Gaano Ka Natuto? A. Mula sa mga lobo, piliin ang titik na may katangian ng isip atkatangian ng kalooban. Isulat ito sa angkop na bilang. Katangian o kakayahan ng isip o Katangian o kakayahan ng kalooban intellect o will1. 6.2. 7.3. 8.4.5.E. Tinaguriang“blind faculty” Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 10/13

B. Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang konsepto: Ang ____________ ay kapasidad ng tao upang mag-isip at ang __________ ang kakayahang kumilos at magpasya.C. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Pagkatapos, piliin mula sa pamimilian ang tamang sagot. 1. Kapag nagpapasya ang tao, dapat niyang gamitin ang kanyang a. bibig b. isip c. kalooban d. kalayaan 2. Ang determinasyon sa pagkilos ng tama at mabuti ay mula sa a. bibig b. isip c. kalooban d. kalayaan 3. Nagagawa ng tao na bumuo ng mga konsepto dahil siya ay may kakayahang a. magtanong b. mag-nilay nilay c. magbasa d. makaunawa 4. Mahalaga ang pag-iisip at pagbuo ng pasya. Subalit mas higit na magiging epektibo ang pasya kung ang tao ay mayroong________ na isagawa ito. a. kayamanan b. determinasyon c. talino d. kalayaan 5. Huwag maging padalus-dalos sa pagpapasya, ang ibig sabihin ay e. mag-isip muna bago magpasya f. kumilos muna bago magpasya g. huwag muna gumawa ng pasya h. humingi ng tulong sa iba 6. Isang kasabihan na ang ___________ ang magpapalaya sa tao. a. kabutihan b. katotohanan c. kasipagan katalinuhan 7. Ang pangunahing elemento sa pagpapasya ay a. kasipagan b. kayamanan c. kalayaan d. karunungan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 11/13

8. Dahil sa isip, magagawa ng tao na tuklasin ang katotoahanan at magkaroon ng a. kayamanan b. karunungan c. kasipagan d. kaligayahan 9. Malaya ang tao na gumawa ng desisyon subalit kailangan din niyang e. umasa sa Diyos f. maging handa sa bunga ng pasyang ginawa g. magkamali muna h. magtanong sa iba 10. Tinawag na “blind faculty” ito dahil naaakit sa mabuti at umaasa sa impormasyon ng kaisipan a. intellect b. will c. conscience d. sensesVIII. Mga Sanggunian Esteban, Esther J. 1998. Education in Values: What, Why and for Whom, Manila: Sinagtala Publishers, Inc.ph. 57-65. Punsalan, Twila G. 1999. Buhay. Manila: Philippine Normal University. ph. 26-27. Rojas Felicita, et. al. 1998. Valuing My Spirituality. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. p. 306.Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. b 2. c 3. b 4. b 5. a 6. b 7. c 8. b 9. b 10. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 12/13

VII. Gaano Ka Natuto?A.1. A2. C3. D4. F5. G6. B7. E8. HB.9. kaisipan o intellect10. kalooban o willC.1. b2. c3. b4. b5. a6. b7. c8. b9. b10. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 7, ph. 13/13

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul Blg. 8 Sundin ang KalikasanI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Kapag nanonood ka ng nagma-magic, iniisip mo ba itong totoo? Tama ka, hindi ito totoo kaya nga tinawag itong magic na ang ibig sabihin ay paggamit ng mga ritwal o bagay upang makagawa o pigilan ang isang bagay o pangyayari. Nakakalibang panoorin ngunit hindi likas ang pinanggagalingan kaya ito ay hanggang libangan na lamang. Subalit sa buhay ng tao ay mayroong mga sadyang likas sa tao. Magbago man ang panahon, kultura, paniniwala at kinagawian ng tao o grupo ng tao, mananatili ang mga ito sapagkat likas ito sa tao. Isipin mo ang mga gawaing likas sa iyo bilang tao. Ikaw ay kumakain dahil nagugutom ka. Natutulog ka dahil inaantok at napapagod ang iyong katawan. Umiiyak ka dahil nalulungkot ka. Tumatawa naman kapag ikaw ay nasisiyahan. Ang mga ito ay likas sa tao. Ngunit alam mo ba na ang pagiging mabuti ng tao ay likas din sa kanya? Gusto mong malaman kung paano? Gawin mo ang mga gawain sa modyul na ito upang matuklasan mo. Pagkatapos ng modyul na ito, inaaasahang natutuhan mo na ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala ang pagkakaiba ng Natural Law, Moral Law at Divine Law B. Napahahalagahan ang mga batas ng Diyos at kalikasan na gumagabay sa tao upang manatiling mabuti. C. Natutukoy ang mga gawaing likas sa tao na nagpapatuloy ng kanyang kabutihan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.1/13

2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang Natural Law ay nakaukit sa puso ng bawat tao kayat magagawa niyang a. gumawa nang mabuti at umiwas sa masama b. gumawa nang tama at hindi magkasala c. gumawa nang paraan upang mabuhay d. gumawa nang paraan upang umunlad ang pamumuhay 2. Ang Divine Law ay gabay ng tao upang a. makagawa ng kabutihan b. mabuhay ng maka-Diyos c. marating ang daan tungo sa kanyang Lumikha d. magkaroon ng katatagan ng kalooban 3. Ang mga katangian ng Natural Law ay ang sumusunod liban sa isa. a. hindi nagbabago b. mahiwaga c. obhektibo d. eternal 4. Ang Moral Laws ay batay sa Natural Law kaya ang mga ito ay sumusunod sa a. kultura ng bawat lipunan b. gusto ng tao c. kalikasan ng tao d. batas ng tao Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.2/13

5. Kapag pinagsunud-sunod mo ang ayos ng a. Natural Law, b. Divine Law at c. Moral Laws, ganito ang magiging ayos. a. c, a, b b. a, b, c c. b, a, c d. b, c, aB. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa ibaba kung Tama o Mali ang pahayag pagkatapos, ipaliwanag ang napiling sagot. 1. Ang paggalang sa magulang ay ikaapat na utos ng Diyos Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ang sobrang kahirapan ang nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng masama. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Kahit alam mong masama ang mangopya subalit kung wala nang paraan upang makapasa ay maaari mo itong gawin basta walang makakaalam ng iyong ginawa. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 4. Kung mamimili ka na rin ng kaibigan, piliin mo na iyong makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 5. Bukod sa pagpapatawad, kailangan ding kalimutan ang nagawang kasalanan ng kapwa. Sagot_______Paliwanag___________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.3/13

III. Tuklasin Mo Isulat mo sa bawat patlang ang una mong mararamdaman at agad gagawin kung malagay ka sa ganitong sitwasyon. Piliin ang iyong gagawin mula sa pamilian at isulat sa ibaba nito ang dahilan. Kung wala sa titik a, b at c ay maaari mong isulat ang iyong gagawin sa titik d. 6. Alas dose ng gabi at nakita mong naglalakad nang tulog ang iyong kapatid. a. gugulatin b. gigisingin c. tatawanan d. _________ Bakit? ______________________________ 2. Gabi na at wala ka nang makitang tao habang naglalakad ka. Napansin mong naliligaw ka na ng daan. a. iiyak b. sisigaw c. kakabahan d. _________ Bakit? _________________________________ 3. Araw ng pagsusulit. Pagdating mo sa silid-aralan, wala ka ng maupuan. a. iiyak b. sisigaw c. magagalit d. _________ Bakit? _________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.4/13

Sagutin Mo 1. Mula sa mga sitwasyon, positibo ba o negatibo ang iyong naging reaksyon? Bakit? 2. Bakit likas sa tao ang magalit at magdamdam? Bakit likas din sa kanya ang matuwa at magsaya? 3. Kung ang una mong reaksyon ay negatibo ngunit naisip mong mali ito, ano ang dapat mong gawin? (Hal. Natawa ka nang madapa ang kaklase mo, ngunit nang makita mong umiyak siya naisip mong napahiya siya dahil sa iyong pagtawa.) Nakilala mo sa unang Gawain na ang tao ay mayroong damdamin. Kayaang unang reaksyon o damdamin ng tao sa isang sitwasyon, natural ito.. Ito aydahil likas sa tao ang magdamdam o magalit. Subalit dahil siya ay mayroongisip, maglilinaw din ang tamang katwiran at magbabago ng reaksyon. Ngayon naman ay gawin mo ang ikalawang Gawain upang matutunanang mga paraan upang mapanatili ang kabutihan mo bilang tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.5/13

Gawain Blg. 2 Basahin ang kwento ni Mang Doroteo. Pagkatapos ay sagutin ang mgatanong sa ibaba.Ang Buhay sa Kalye ay MasayaPagtitinda ng bulalak ang nakagisnanni Mang Doroteo. Ito na rin ang kanyangkanyang naging hanapbuhay niya ng siyaay magkaroon ng pamilya.Ngayon ay matanda na siya. Madalasniyang naiisip na maaari sanang nagbagoang kanyang buhay kung sinunod niya ang payo ng dating kaibigan.Niyaya siya nito na magtinda na lamang ng bawal na gamot. Subalittumanggi siya. Naisip niya ang pangaral ng kanyang ama. MayroongDiyos na gumagabay sa buhay ng tao. Likas na mabuti ang tao subalitdahil sa mga pangyayari sa kapaligiran ay nakagagawa siya ng masama.Ngunit dahil mayroon siyang isip ay maaari siyang tumanggi sa masamanggawain at sundin ang tama, ito ang Batas Kalikasan (Natural Law). Maykapasidad ang tao na gawin ang tama at umiwas sa masama. Dagdag pa ngkanyang ama mayroong itinakdang Batas ng Diyos (Divine Law). Ang mgaito ay ang Sampung Utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Upang higit paniyang maunawaan, ang Batas ng Diyos ang siyang batayan ng BatasMoral (Moral Laws) ayon sa kanyang ama. Ang Batas Moral ang siyangpamantayan ng tamang kilos ng tao.Mahigpit na tinatandaan ni Mang Doroteo ang mga pangaral na itokung kaya ngayong matanda na siya, masaya pa rin siya sa kanyang pinilinggawain. Umulan at umaraw ay nasa kalye siya. Minsan ay malakas angbenta ng bulaklak ngunit madalas ay hindi. Subalit kahit maliit angkanyang kita ay masaya siya. Nakakaraos ang kanyang pamilya.Nakapag-aaral din ang kanyang mga anak. Kaya para sa kanya, masaya angbuhay sa kalye. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.6/13


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook