Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:48:34

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

Narinig mo na ba ang linyang ito ng mga sikat na awitin? Kung hindi pa, basahin mo at unawaing mabuti ang mensahe ng mga awiting ito. IKAW AT AKO HINDI MAN MAGKALAHI AY DAPAT MATUTONG MAGMAHAL ITURING MONG TAYONG LAHAT AY MAGKAKAPATID WE ARE THE WORLD WE ARE THE CHILDREN WE ARE THE ONES WHO MAKE A BRIGHTER DAY SO LET'S START GIVING HEAL THE WORLD MAKE IT A BETTER PLACE FOR YOU AND FOR ME AND THE ENTIRE HUMAN RACESagutin Mo: 1. Anu-anong mga pagpapahalaga ang napapaloob sa mga linyang ng awiting ito? 2. Sa palagay mo, ano kayang damdamin ang naghari sa manunulat ng awitin nang isulat niya ang liriko ng mga awiting ito?Gawain 3 Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? 1. May mga pirated pornographic VCD tapes na ibinebenta sa sidewalk. Napagkasunduan ng inyong barkada na bumili nito at panoorin sa bahay ng isa ninyong kamag-aral. Ikaw ang nautusang bumili ng tape. 2. Natapat sa araw ng Linggo ang huling ensayo ng inyong school play, isa ka sa mga pangunahing aktor kaya nararapat na nandoon ka. Araw din ito ng kasal ng iyong kapatid at isa ka sa abay.

IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? 1. Anu-anong mga pagpapahalaga ang totoo sa lahat ng tao? 2. Bakit sila nagkapare-pareho sa mga pagpapahalagang ito? 3. Batay sa gawaing ito, paano mo bibigyang- kahulugan ang pagpapahalagang moral? 4. Anong mahalagang konsepto ang maaari mong mabuo batay sa mga natapos mong gawain?V. Pagpapatibay Dahil sa ang tao'y nilikhang kawangis ng Diyos, may mga katangian at potensyal siyangtaglay na katulad din sa kanyang kapwa. Iisa ang lumikha kung kaya't sa kabila ng mgapagkakaiba sa pisikal na anyo at sa iba pang mga aspeto, may isang bagay na nagbubuklod saating lahat: iyan ay ang ating kalikasan bilang tao o human nature. Ang kalikasang ito'y hindinagbabago at totoo sa lahat ng tao. Ang kalikasang ito ang batayan ng mga pagpapahalagangmoral. Halimbawa, ang pagkakaroon natin ng buhay, pag-iisip (intellect) at malayang-loob(will). Anuman ang ating lahi, o estado sa buhay, kinikilala natin na mahalaga at sagrado angbuhay. Kung mahalaga sa Pilipino ang kanyang buhay, ganon din para sa isang Pranses,Aprikano, o Australyano.Ang pagpapahalagang moral ay: Unibersal o pangbuong sangkatauhan. Nangangahulugan na totoo ito sa lahat ng tao. Hal. Ang pagmamahal ay totoo sa lahat ng tao. Maaring ito’y pagmamahal sa Diyos, sa bayan, sa magulang, asawa, kapatid, kaibigan, nobyo at iba pa. Lahat tayo’y nakadarama nito. Eternal o pangwalang hanggan. Nananatili ito sa lahat ng panahon, kung ano ang totoo noon ay mananatiling totoo ngayon at sa hinaharap. Hindi itokayang baguhin ng panahon. Obhektibo. Hindi ito nababatay sa kondisyon ng paligid o panahon o sa interpretasyon ng mga pangkat ng tao. Nagmula sa Diyos. Hindi ito likhang isip lamang o ginawa na tao. Nababatay sa natural moral law. Ito’y hindi nasusulat na batas ngunit nasa puso at isip ng bawat tao. Kung susuriin, makikita sa Sampung Utos ng Diyos ang mga katangiang binanggitsa itaas. Hindi lamang ito para sa isang pangkat ng tao kung hindi para sa lahat.Hal. Kautusan Pagpapahalagang Moral Ibigin moang Diyos ng higit sa • Pag-ibig sa Diyos • lahat Igalang mo ang iyong mga • Paggalang sa awtoridad • magulang Huwag kang papatay • Paggalang sa buhay • Huwag kang magnanakaw • Paggalang sa ari-arian ng iba •

Ilan sa halimbawa ng mga moral na pagpapahalaga ay ang pag-ibig, kalayaan, katotohanan at paggawa. Ang pagpapahalagang kultural ay:  Societal- sumasaklaw ito sa paraan ng pagkilos ng isa o mga pangkat ng tao sa lipunan.  Personal- nagmumula sa kalooban ng tao.  Subjective-nagbabago at nakabatay sa interpretasyon ng isang tao o grupo ng mga tao.VI. . Pagnilayan Mo At Isabuhay 1. Sa kabila ng pagkakaiba ng mga pagpapahalagang kultural na taglay ng iba't-ibang pangkat ng tao sa daigdig, bakit mahalagang manaig ang pag-uunawaan at pagkakasundo? 2. Anu-anong mga pagpapahalaga ang nararapat mong isabuhay upang maiwasan ang pag-aaway-away ng dahil sa pagkakaiba? 3. Sa iyong kapasidad bilang kabataan, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng mga moral na pagpapahalaga?VII. Gaano Ka Natuto?Direksyon: Nakalista sa gitnang kolum ang 15 mga pagpapahalaga. Suriing mabuti ang bawat isa atilagay ang titik ng bawat kahon sa kaliwa kung ito'y pagpapahalagang moral at sa kanan kungito'y pagpapahalagang kultural.PAGPAPAHALAGANG PAGPAPAHALAGANG MORAL KULTURAL A PAG-IINGAT SA BUHAY B KASIPAGAN C PAGSASAKRIPISYO D

KALINISAN E KALAYAAN F KAGANDAHANPAGPAPAHALAGANG PAGPAPAHALAGANG MORAL KULTURAL G PAGBIBIGAY H PAGMAMAHAL NGMAGULANG SA ANAK I KATOTOHANAN JPAG-ALAALA SA YUMAO K PAGMAMAHAL L PAG-AARUGA NGANAK SA MAGULANG

M KAPAYAPAAN N PAMAMANHIKAN O PAGGALANG SA DIGNIDAD NG TAOVIII. Sanggunian 1. Esteban, Esther J. Education in Values. Manila.Sinag Tala Publishers 2. Platon, Joselito S..Ako at ang aking Sarili. IEMI. Manila 3. Punsalan, Twila G. et al. Ako: Biyayang Pinahahalagahan Ko .1993. Rex Book Store. Manila IX. Susi sa Pagwawasto: Handa ka na Ba? 1. pagpapahalagang moral 2. eternal 3. Diyos 4. kalikasan ng tao 5. situational 6. katarungan 7. katotohanan 8. pagpapahalagang kultural 9. kalayaan 10. intellect Gawain 1 A. Sa Pilipinas; 1. magulang ang awtoridad B. Malapit ng ugnayang pampamilya C. Sama-samang pagnonoche Buena, pagsisimba Gawain 2 1. pagkakaisa, pagmamahal 2. pagmamalasakit sa kapwa at sa daigdig na ginagalawan

3. pagmamahal/ pag-ibig4. respeto sa dignidad ng tao5. katotohanan6. kalayaan7. paggawa8. respeto sa buhayGaano ka natuto  Pagpapahalagang moral A,E,H,I,K,C  Pagpapahalagang kultural B. C, D, F,G,J, L,M,N

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 1 Yunit 3 Modyul 13 Sana Maulit MuliI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Mayroon na bang kapamilya o kamag-aral na pumansin sa isang kakaibang kilos o gawi mo? Ano ang naging reaksyon mo nang pansinin ka nila? Mahirap bang baguhin ang isang nakasanayan na? Malaki ang maaaring maging epekto sa iyo ng uri ng kilos na paulit-ulit mong ginagawa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naipaliliwanag ang kaibahan ng values sa virtues B. Nasusuri ang epekto ng pagkakaroon ng mabuting gawi tungo sa kaganapan ng pagkatao C. Nakabubuo ng mga hakbang upang mabago ang mga hindi mabubuting gawi Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ngmga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.

II. Handa Ka Na Ba? Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung ito ay wasto at M kung mali. 1. Walang kakayahan ang taong baguhin ang nakasanayan na. 2. Virtues ang tawag sa paulit-ulit na kilos. 3. Gawi ang tawag sa mga bagay na mahalaga at batayan ng kilos at pagpapasya ng isang tao. 4. Temperance ay tumutukoy sa kakayahang gumawa ng pasya o kumilos nang tama at nararapat sa sitwayon. 5. Mahalagang ingatan ang kilos dahil makaaapekto ito sa pagpapaunlad ng sarili. 6. Fortitude ang tawag sa katatagan ng loob. 7. Ang mabubuting gawi ay tinatawag ng bisyo. 8. Hustisya ang pagkakaloob sa isang tao ng nararapat sa kanya. 9. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng kapwa sa pagmumulat sa ating di kanais-nais na gawi. 10. Magagawa ang anumang pagbabagong nais gawin sa sarili kung may determinasyon.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Sa iyong edad ngayon, tiyak na may mga bagay at kilos na nakagawian mo ng gawin. Isipin mo at isulat ang mga ito sa nararapat na kolum sa ibaba. Paalaala: Huwag kang mahiyang isulat kahit ang hindi kanais-nais mong mga gawi. Maging tapat ka sa sarili sa pagsagot. Kanais-nais na Gawi  Hindi Kanais-nais na Gawi

Sagutin Mo 1. Paano ka naaapektuhan ng iyong mga hindi kanais -nais na gawi? 2. Nabago mo na ba ang mga ito? Kung oo, paano mo ito nabago? Kung hindi, bakit? 3. Paano ba nagiging gawi (habit) ang isang kilos? 4. Mababago pa ba ang mga hindi kanais-nais na gawi? Ipaliwanag? Gawain Blg. 2 Basahin ang maikling kuwentong ito na halaw sa panulat ni Max Beerhom. May isang lalaking nangangalang Lord George Hall. Masama ang ugali niya. Sinasabing makita lamang ng mga tao ang mukha niya ay natatakot na sa kanya. Dahil dito,wala siyang gaanong kapwa tao sa kanilang lugar. Minsan, may nakita siyang isang magandang dalaga at siya’y nabighani dito. Umibig siya sa dalaga at nag-alok ng kasal subalit tinanggihan siya nito. “Hindi ako maaaring maging maybahay ng isang lalaki na hindi na maganda ang hitsura ay hindi pa rin maganda ang ugali,” tugon ng dalaga. Dahil dito, napilitan si Lord George Hall na magpagawa ng maskara sa pinakamahusay na manggagawa nito. Makalipas ang ilang araw ay dinala na ito sa kanya. Hindi halos mapapansin na maskara pala ito dahil sa lapat na lapat ang bawat detalye sa mukha. Ang dating mabagsik at nakatatakot niyang mukha ay napalitan ng isang maamong hitsura. Muli siyang lumigaw sa dalaga. Hindi siya nagpakilala bilang si Lord George Hall. Sa halip isang bagong katauhan ang kanyang iniharap sa dalaga. Kalakip ng pisikal na pagbabago, kinailangang magpakitang gilas siya. Hindi dapat mabakas ang kanyang dating masamang ugali. Dahil dito, nagpanggap siyang mabait, makatao at taglay ang mabubuting katangian ng isang mabuting asawa sa hinaharap. Mahabang panahon niya rin itong ginawa bago napasagot at tuluyang mapapayag ang dalaga na siya ay pakasalan. Sa loob ng maraming taon ay walang nakaalam ng kanyang lihim dahil ipinagpatuloy niya ang pagpapakatao at paggawa ng mabuti. Nakasanayan na niya ang mga kilos na dati ay pawang puro pagpapanggap lamang. Isang araw, nakasalubong nilang mag-asawa ang dati niyang kaaway. Nakilala siya nito sa kabila ng kanyang maskara at pagpapanggap. Sa harapan ng kanyang asawa ay hinablot ng kaaway ang maskarang suot niya upang ipakita ang tunay ng hitsura nito. Laking gulat ng kaaway na wala na ang dating bakas ng mukha ni Lord George Hall. Sa halip, isang maaamong mukha ang nakita niya. Nagbago ang kanyang anyo, sa araw-araw niyang pagsisikap na maging mabuti sa paningin ng kanyang mahal sa buhay. “ Practice had made the transformation.”

Sagutin Mo 1. Paano mo iuugnay ang Gawain Blg.1 sa kuwentong iyong binasa? 2. Paano nakatulong ang araw-araw na pagsasanay sa pagbabagong-anyo ng lalaki? 3. Anong mahalagang aral ang napulot mo sa kuwento?Gawain Blg. 3 Mag-isip ka ng mga kilos o pag-uugaling nakahahadlang sa iyong pag-unlad. Isulat mo ang mga ito sa oblong sa ibaba. Sa paligid ng arrow isulat mo ang mga hakbang na maaari mong isagawa upang mabago ito.1.2. Paraan para mabago3. ko ito Sagutin Mo 1. Nagagamit mo ba nang mapanagutan ang iyong kalayaan sa pagsasabuhay ng iyong mga inilista? Bakit? 2. Bakit mahalaga ang mapanagutang pagpapasya tungo sa pagpapaunlad ng sarili?IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Masdan ang bilog sa ibaba. Kinapapalooban ang mga ito ng ilang mahahalagang salitang nabanggit sa araling ito. Bumuo ka ng pangungusap na magpapahayag ng konseptong iyong natutuhan.MAPANAGUTAN PAGPAPASYA PAGPAPAUNLAD NG SARILIKALAYAAN ISABUHAYAng__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

V. Pagpapatibay Ang kalayaan ay handog ng Diyos na tao lamang ang pinagkalooban. Kung gagamitin ito nang mapanagutan magsisilbi itong puhunan upang mapaunlad ang ating sarili. Subalit kung aabusuhin ang paggamit nito, baka ito pa ang magbigay daan sa iyong kabiguan at kalungkutan. Hindi iilang kabataang katulad mo ang nasadlak sa kaawa-awang kalagayan sanhi ng maling paggamit ng kalayaan. Ang akala nila ay walang kalakip na pananagutan ng kalayaan, na sila ay malaya basta nagagawa nila ang lahat ng kanilang naisin. Subalit hindi ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan. Ang paglinang mga mga pagpapahalaga at mabubuting gawi ay indikasyon ng mapanagutang paggamit ng kalayaan. Kung ang isang kilos ay paulit-ulit mong ginagawa, tinatawag itong gawi o habit. Kung mabuti ang gawi, ito ay virtue. Kung masama ang gawi, tinatawag itong bisyo. Ang anumang pagpapahalaga ay nagiging virtue sa tagal at dalas ng pagsasabuhay nito. Nagiging bahagi na ito ng iyong pagkatao na mahirap ng alisin. Ayon kay Esteban ang kalayaan ay hindi nangangahulugan na nagagawa mo ang lahat ng iyong naisin. Sa halip, ito ang karapatan mong gawin ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng ating kalikasan bilang tao. Sa tulong ng Edukasyon sa Pagpapahalaga, tinutulungan kang matutong tanggapin ang pananagutan sa anumang kilos at pagpapasyang ginawa mo. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan. Narito ang ilang palatandaan. 1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat. (common good). 2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. 3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa natural na batas at batas moral.V. Pagnilayan at Isabuhay Mo 1. Anu-anong mga pagkakataon sa iyong buhay ang hindi ka naging mapanagutan sa pagamit ng iyong kalayaan? 2. Ano ang kinahinatnan nito?

3. Paano mo malilinang ang mapanagutang paggamit ng kalayaan? Bumanggit ng mga tiyak na hakbang na iyong isasagawa? 4. Anu-anong mga pagpapahalaga ang kailangan mong isabuhay sa pagpapaunlad ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?VI. Gaano Ka Natuto? Panuto: A. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin ang salitang binibigyang- kahulugan sa pamamagitan ng pagpili ng wastong titik ng terminolohiyang nasa loob ng kahon.a. counter values g. pagdadalaga/ pagbibinatab. determinasyon h. pagpaplanoc. kalayaan i. sarilid. intellect j. tunguhine. pananagutan k. virtuesf. paniniwala1. Ito lamang ang may kakayahang magpasya at alisin ang mga personal at mga di-kanais-nais na kilos2. Kakayahang italaga ang sarili tungo sa isang tunguhin.3. Talinong kaloob ng Diyos sa tao.4. Mga pagpapahalagang taliwas sa batas moral.5. Kakayahang akuin ang kahihinatnan ng isang kilos o pagpapasya.6. Tanging panahon sa buhay ng tao na masidhi ang paghahangad na maging malaya.7. Mabubuting gawi.8. Mga balak isagawa.9. Mithiin10. Paghahangad na makamit ang mga hangarin sa buhay.B. Basahing mabuti ang mga sitwasyon at tukuyin kung anong moral virtue ang ipinakikita dito. Isulat ang titik ng wastong sagot. A. Prudence B. Fortitude C. Temperance D. Justice 1. Dumalo sa party si Anna. Maraming masasarap na handa ang nakahain sa hapag. Mayroon ding iba’t-ibang uri ng prutas at mga inuming pampalamig. Buffet ang istilo at maaaring kumuha kahit gaano karaming pagkain subalit pinilit ni Anna na kumuha lamang ng sapat at kaya niyang ubusin. Naisip niya na nakahihiya naman sa naghanda kung masasayang lamang ang pagkaing kukunin niya ngunit hindi naman mauubos.

2. Mahirap pakisamahan ang amo sa trabaho ni Julian. Madalas mataas ang tono ng boses nito at mahilig manigaw. Sa kabila ng sitwasyong ito, pinipilit pa rin ni Julian na magtrabaho nang maayos sapagkat ayaw niyang mawalan ng trabaho.3. Masama ang loob ni Lina sa kanyang bestfriend dahil hindi siya sinipot nito sa kanilang usapan isang Sabado. Nais niyang kausapin ang kanyang kaibigan subalit humahanap siya ng magandang pagkakataon upang maiwasan ang mainitang pagtatalo sa pagitan nila.4. Maganda at nakaaaliw ang mga programa sa channel ng telebisyong pinanonooran ni Claire. Gaano man kalakas ang dikta ng kalooban na tapusin ang palabas ay ino-off niya ang T.V dahil alam niyang hindi siya dapat magpuyat at may klase pa siya sa kinabukasan.5. Working student si Rod. Nag-aaral sa umaga at kargador ng mga dumarating na gulay sa Divisioria kung gabi. Sa araw-araw ay halos apat na oras na lamang ang itinutulog niya. Tinitiis niya ang hirap at tinatatagan ang loob sapagkat alam niyang hindi naman ito pang habambuhay.

VI. Sanggunian Esteban, Esther J. 1990 Education in Values. Manila, Sinag-Tala Publishers Inc. p 66. Mihalik, Frank .1993. The Next 500 Stories. Manila. Logos Publications, Inc. Punsalan, Twila G., et al. 199 Buhay. Manila. Philippine Normal University. p.76Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba?1. B2. I3. G4. A5. C6. F7. E8. J9. H10. KGaano Ka Natuto1. I2. C3. D4. A5. E6. G7. K8. H9. J10. B 1. C 2. B 3. A 4. C 5. B

EDUKASYON PAGPAPAHALAGA 1 Yunit 3 Modyul 14 Paniniwala, Adhikain, SaloobinI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ngayong malinaw na sa iyo ang kahulugan ng pagpapahalaga, pag- aaralan mo naman sa modyul na ito ang mga konseptong may kaugnayan dito: paniniwala, saloobin at adhikain. Alam mo ba ang kahulugan ng mga ito? Kaya mo bang tukuyin ang pagkakaiba nila? Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo at malilinang ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Natutukoy ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa paniniwala, adhikain at saloobin B. Naipahahayag ang sariling paniniwala, adhikain at saloobin sa mga sitwasyong inilahad. C. Naigagalang ang paniniwala at saloobin ng kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong sa iba na maipahayag ito.II. Handa Ka Na Ba? Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin kung alin sa tatlong terminolohiya ang sumasaklaw ditoang titik ng wastong sagot. a. Pagpapahalaga b. Paniniwala c. Saloobin 1. Pagtutol sa pagkakaroon ng base-militar sa bansa 2. Paggalang sa kababaihan 3. Pagsimangot kung pinagagalitan 4. Kalinisan sa pananamit 5. Pagkainggit sa kagandahan ng isang tao 6. Kusang loob na paglahok sa isang organisasyon

7. Pangangampanya para sa isang kandidato kahit walang kapalit na personal na pabor 8. Pagkakaroon ng hinanakit sa isang kamag-aral 9. Pananalangin araw-araw bago matulog 10. Masayang disposisyon sa buhay.III. Tuklasin Mo Gawain 1 Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na pinaniniwalaan mo. ____1. Ang edukasyon ay daan sa pagyaman ng isang tao. ____2. Mas madaling umasenso ang taong matipid. ____3. Natututo nang mabilis ang isang mag-aaral kung mahigpit ang guro. ____4. Bumabalik ang kaluluwa ng isang namatay na. ____5. Mabisang paraan ng pakikipagkasundo ang pagbibigay ng regalo. ____6. Ang nanay ay hindi na dapat nagtatrabaho pa sa opisina. ____7. Hindi magiging mabuting asawa ang isang taong galing sa broken family. ____8. Mahusay mamahala ng gobyerno ang lalaking pangulo kaysa babae ____9. May impiyernong naghihintay sa kabilang daigdig para sa mga masasamang tao. ___10. Mas madaling lumago at mamulaklak ang halaman kung ito ay kinakausap. ___11. Nakapagpapatalino sa isang mag-aaral ang pagkain ng mani habang nag-aaral para sa eksamen ___12. May anghel na nakabantay sa bawat tao ___13. May buhay sa kabilang daigdig ___14. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo ___15. Mas matalino ang henerasyon ng kabataan noon kaysa ngayon. ___16. Dalawampu at limang (25) taong gulang ang tamang edad sa pag-aasawa. ___17. Unang namamatay ang mga mababait na tao sapagkat iniiwas na ng Diyos na sila ay magkasala pa. ___18. Hindi na maaalis ang katiwalian sa gobyerno sinuman ang maging pangulo ng bansa. ___19. Mas matalino sa matematika ang mga lalaki kaysa babae. ___20. Ang malaking populasyon ang sanhi ng kahirapan ng bansa. Sagutin Mo.

1. Nasagutan mo ba lahat ng aytem? Alin sa mga ito ang pinaniniwalaan mo? 2. Kung pasasagutan ang mga aytem na ito sa iba, magiging magkatulad kaya kayo sa lahat ng sagot? Ano sa palagay mo ang dahilan dito? 3. Basahin ang pahayag na nasa ibaba. Naniniwala ka ba dito? Bakit? ANG TAO ANG GUMAGAWA NG KANYANG SARILING KAPALARAN 4. Batay sa natapos na gawain, paano mo bibigyang kahulugan ang paniniwala? 5. Nagbabago ba ang mga bagay na pinaniniwalaan ng isang tao? Paano?Gawain 2 Basahing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutan ng buong katapatan ang mga katanungan. Sitwasyon 1 Nagmamadali kang lumabas ng inyong silid aralan upang makahabol sa iyong paboritong palabas sa T.V. Nang pababa ka na sa hagdan ay nakita ka ng isang guro at inutusang pumunta sa library upang isauli ang aklat na kanyang hiniram. Ano ang gagawin mo? Anong damdamin kaya ang maghahari sa iyo sa pagkakataong iyon?Sitwasyon 2 Sitwasyon 3Bagong suweldo ang tatay Absent ka sa klase ng 3 arawmo. Napangakuan ka niya dahil sa pagkakasakit.na ibibili ng bagong jacket Periodic test na ninyo sakapag magkapera siya.

1. May epekto ba sa iyong pagkilos ang anumang emosyong nararamdaman mo?2. Sa tatlong sitwasyong iyong sinagutan, paano mo bibigyang kahulugan ang salitang saloobin?3. Permanente ba ang saloobing nararamdaman ng isang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.Gawain 3

Huminto ka muna sandali. Ipikit ang iyong mga mata . Sumandaling pagtuunanang iyong sarili at ang mga nais mong marating sa buhay. Isulat sa iyong journalang bunga ng iyong pagmumuni-muni. Kopyahin ang pamagat sa kahon. ANG AKING MGA ADHIKAIN SA BUHAY _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________Sagutin Mo1. Naging madali ba sa iyo na isulat ang mga adhikain mo sa buhay? Bakit?2. Mahalaga bang mayroon nito ang isang tao? Bakit?3. Nagbabago ba ang mga adhikaing taglay ng isang tao? Bakit?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Batay sa natapos na 3 gawain, paano mo mapag-iiba ang paniniwala, saloobin at adhikain. Isulat ang iyong sagot sa kaukulang frame.PANINIWALA SALOOBIN ADHIKAIN

Ngayong nabigyang -kahulugan mo na ang tatlo, paano mo tutukuyin angkaibahan ng mga ito sa pagpapahalaga? Gamitin mong gabay ang diagram saibaba. PANINIWALA PAGPAPAHALAGAADHIKAIN SALOOBINV. Pagpapatibay Ang pagpapahalaga, tulad ng nabanggit na sa mga natapos mong modyul ay tumutukoy sa anumang bagay na pinahahalagahan, kapuri-puri at hinahangad ng tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa nakararami. May proseso ang pagkakamit ng pagpapahalaga, dahil dito masasabing ito ay pangmatagalan at hindi basta-basta nababago. Ang paniniwala (belief) ay mga konklusyon ukol sa isang pangyayari, bagay o kaisipan na inaakalang tama ng isang tao. Maaaring ito ay pagtalunan dahil hindi ito pare-pareho sa lahat ng tao. Maaari itong magbago kung makatatanggap ng higit na maganda at tamang paliwanag ang isang tao tungkol sa isang pangyayari, kaisipan at iba pa. Ang saloobin (attitude) ay tumutukoy sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos bunga ng damdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon. Ang saloobin at direksyunal, nangangahulugang maaari itong positibo o negatibo, samantalang ang pagpapahalaga ay hindi direksyunal sapagkat ito ay positibo. Ilan sa halimbawa ay ang iba’t-ibang saloobin ng tao hinggil sa pagbabayad ng buwis, sa mga pangkat etniko, at iba pa.

Bagaman may kaibahan, magkakaugnay ang mga ito sapagkat maaaringmapaunlad bilang pagpapahalaga ang mga tamang paniniwala, mabubutingadhikain at saloobin. Inilalarawan ito sa ibaba.Hal. Naniniwala Magaan Makagawa Pagamamahalka na pinagpapala ang loob mo ng mabuting Diyos ang may sa pagtulong araw-arawmabubuting loob. sa kapwa. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..Paniniwala saloobin adhikainPagpapahalagaVI. Pagnilayan at Isabuhay Mo 1. Sa mga bagay na pinaniniwalaan mo, ano ang taliwas sa mga pagpapahalagang moral? Paano mo ito mababago? 2. Anu-anong mga negatibong saloobin ang taglay mo ngayon na nais mong alisin? Paano mo ito gagawin? 3. Paano mo maipakikita ang paggalang mo sa paniniwala at saloobin ng iyong kapwa. Bumanggit ka ng mga tiyak na hakbang na maaari mong isagawa.VII.Gaano Ka Natuto? Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay halimbawa ng pagpapahalaga, paniniwala, saloobin at adhikain. Isulat ang titik ng tamang sagot sa angkop na kolum.Pagpapahalaga Paniniwala Saloobin Adhikaina. Malas ang may alagang pagong sa bahayb. Paggalang sa buhayc. Hinanakit sa isang katrabahod. Pagnanais na makaahon sa kahirapane. Hangaring maging manggagamot sampung taon mula ngayon.f. Pagiging kuntento sa kinahinatnan ng isang gawain.g. Kasiyahan sa natamong karangalan sa paligsahan.h. Pagiging malayai. Pangamba sa magiging kinabukasan ng mga anak.j. Kalinisan sa isip, sa salita at sa gawa.k. Pagseselos sa di pantay na pagtrato ng magulang sa mga anak.l. Pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.m. Makakaahon ang Pilipinas sa kahirapang kinasadlakan nito.n. Sumpungin ang mga ipinanganak sa buwan ng Agosto

o. Hindi solusyon ang pag-aasawa sa mga problema sa tahanan.VIII. Mga Sanggunian Bacungan, Cleofe M. et al. 1996, Values Education. Q.C Katha Publishing Co. Inc. Punsalan, Twila G. et al. 1999, Buhay. Manila. Phil Normal University.Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? 1. B 2. C 3. B 4. C 5. B 6. A 7. A 8. B 9. C 10. BGaano Ka Natuto Paniniwala Saloobin Adhikain Pagpapahalaga A C D M F E B N G H O I J K L

MODYUL 15 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 1 Malaya ako ngunit mapanagutan!I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo Maraming teen-ager na katulad mo ang nagnanais na maging malaya at magawa ang lahat ng bagay na ibig. Marahil, isa ka rin sa nagnanais nito, tama ba ako? Ano nga ba ang maging malaya? Basta ba nagagawa mo ang iyong naisin ay malaya ka na? Ano ang tunay na kahulugan ng pagiging malaya? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga. A. Nasusuri kung paano nakaiimpluensya ang iba’t ibang pagpapahalaga (values) sa mapanagutang paggamit ng kalayaan B. Nahihinuha ang kahalagahan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan C. Nakapagsisikap na maisabuhay ang mapanagutang paggamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na hakbangin sa pagsasagawa nito Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga -1 Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin. 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunod-sunod ng aralin. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang direksyon at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga-I. 5. Maging matapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng gawain. 6. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain ng modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na pagsubok.

II. Handa Ka Na Ba?Direksyon: Pagtapat-tapatin. Piliin ang titik ng wastong sagot.1. counter values a. kakayahang italaga ang sarili2. determinasyon tungo sa isang tiyak na tunguhin3. intellect4. kalayaan b. mga paniniwalang taliwas sa5. pagdadalaga/pagbibinata batas moral6. pagpaplano7. pananagutan c. yugto ng buhay kung saan8. sarili mataas ang antas ng9. tunguhin paghahangad na lumaya.10. virtues d. unang sangkap sa pagbabagong pansarili ayon kina James at Savary e. kakayahang akuin ang kahihinatnan ng isang kilos o pagpapasya. f. mga hakbanging balak isagawa g. talinong kaloob ng Diyos sa tao. h. mithiin i. paghahangad na maabot ang mithiin. j. ito lamang ang may kakayahang alisin ang mga hindi kanais-nais na kilos. k. mga mabubuting gawiIII. Tuklasin Mo Gawain A. Wish Ko Lang!KUNG BIBIGYAN KA NG 24 ORAS UPANGMAGAWA ANG LAHATNG NAIS MO, ANU-ANOANG IYONG GAGAWIN?

KUNG MAY MAGBIGAY SA IYO NG 1MILYONG PISO SA KONDISYONG KAILANGANG UBUSIN MO ITO SA LOOB LAMANG NG ISANG ARAW, PAANO MO ITO GUGUGULIN?Sagutin Mo1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit?2. Paano mo ginamit ang kalayaang ipinagkaloob sa iyo?3. Masasabi mo bang nagging mapanagutan ka sa paggamit ng iyong kalayaan? Ano ang naging batayan mo sa pagsasabi nito?Gawain B Basahin mong mabuti ang kuwento at suriin ang mensaheng napapaloobdito. Mahusay na Trabaho May isang lalaking nangangailangan ng karpintero upang gumawa ng kanyang nasirang bakuran. Isang matipunong binata ang pumunta sa kanya. “Nais kong gawin mo ang bakod na ito, ngunit ayokong gumastos nang malaki. Ikaw na ang bahala, may mga kahoy na luma dito, baka maaari mo pang magamit upang makabawas sa gagastusin ko. Huwag mo ng pagandahin, ang mahalaga lamang sa akin ay maitayo mo ang bakod. Babayaran kita ang P 200.00 kapag natapos mo ito. Babalik ako bukas para bayaran ka,” wika ng lalaki. Kinabukasan, dumating siya upang inspeksyunin ang kanyang ipinagawa. Laking gulat niya ng makita na napakaganda ng pagkakagawa sa kanyang bakuran. Nag-alala siya baka maningil nang mahal ang binatang karpintero. Dahil dito, tinawag niya ito. “ Bakit pinaganda mo pa? Puwede naman kahit hindi gaanong maganda tutal bakod lamang naman ito. Magkano ba ang kailangan kong idagdag?, tanong ng lalaki. “ Wala po kayong dapat alalahanin. Kung ano lang po ang ating napag-usapan, iyon lamang po ang iyong ibayad. Ang mahalaga po ay nagawa ko nang maayos ang ipinagagawa ninyo. Kahit bakod lang ito at matatakpan ng mga halaman kailangan pag- ayusin ko pa rin po ang aking gawain,” tugon ng binata. Makalipas ang ilang taon, may nakuhang kontrata ang lalaking nagpagawa ng bakod. Siya ang namahala sa konstruksyon ng ilang gagawing pampublikong gusali. Maraming aplikante ang nakapila subalit isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Ang binatang gumawang kanyang bakod. Siya ang pinagkalooban niya ng kontrata dahil alam niyang responsible at mahusay itong magtrabaho. Ito ang naging daan sa kanyang pag-unlad. Halaw mula sa The Next 500 Stories Ni Fr.Frank Mihalik

Sagutin mo 1. Ano ang pagpapahalagang taglay ng karpintero? 2. Paano niya ginamit ang kanyang kalayaang magpasya? 3. Maituturing mo bang mapanagutan ang paggamit niya ng kalayaan? Bakit?Gawain C. Mag-isip ka ng mga kilos o pag-uugaling nakahahadlang sa iyong pag-unlad. Isulat mo ang mga ito sa oblong sa ibaba. Sa mga nakapaligid na arrowisulat mo ang mga hakbang na maaari mong isagawa upang mabago ito. Bakit ko ito ginagawa?Paraan para 1.mabago ko ito 2. 3.Sagutin mo: 1..Nagagamit mo ba nang mapanagutan ang iyong kalayaan sa pagsasabuhay ng iyong mga inilista? Bakit? 2. Bakit mahalaga ang mapanagutang pagpapasya tungo sa pagpapaunlad ng sarili? IV. Ano ang iyong natuklasan? Sa tulong ng mga bilog sa ibaba na kinapapalooban ng ilang mahalagang salitang nabanggit sa araling ito, bumuo ka ng pangungusap na magpapahayag ng konseptong iyong natutuhan.MAPANAGUTAN PAGPAPASYA PAGPAPAUNLAD NG SARILI KALAYAAN ISABUHAY








































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook