Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 4

Araling Panlipunan Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 01:18:33

Description: Araling Panlipunan Grade 4

Search

Read the Text Version

tungkol dito.3. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.Ipabasa ang panuto sa , p. 296 ng LM.Iwasto ang kasagutan ng mga bata.Pangkatin ang mga bata.Ipaliwanag ang panuto sa , p. 296 ng LM.Ipalahad ang kanilang mga sagot sa klase. Sa parehong pangkat, ipagawa ang . Talakayin ang mga sagot ng mga bata.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM p. 297.Susi sa Pagwawasto1. Comprehensive Agrarian Reform Program2. reforestation3. monopolyo4. Lingkurang Bayan5. korporasyon o kooperatiba Programa o Proyekto Bahaging ginagampanan ng Mga PakinabangIndustriyalisasyon Pamahalaan Nahihikayat ang taong bayanPangangalaga sa mga Pinangangalagaan ang na tangkilikin ang mgaIndustriyang lokal mga manggagawa laban sa produktong Pilipino panggagaya ng kanilang mgaPagpapaunlad ng Agrikultura produkto Nakokontrol ang paglabas at pag-aangkat ng produktoPagpapaunlad ng Kagubatan Pinangangalagaan ang mga mula sa ibang bansa. mangangalakal laban sa pagpupuslit ng kanilang mga Pagtaas ng ani at kita mula sa produkto lupa. Naglalayong mabigyan ng Napipigilan ang illegal logging makabagong kagamitan ang at pagtotrosong panluwas mga magsasaka. Naiiwasan ang pagkalbo ng kagubatan Reforestation Pagpapatupad ng selective logging o Total Log Ban

Pagpapaunlad ng Yamang Naglalayong mabigyan ng Natutulungan ang maliliit naTubig makabagong kagamitan ang mangingisda sa paggamit ng mga mangingisda. yamang tubig at lumaki angPagpapaunlad ng Yamang kanilang kitaMineral Binibigyang-permiso ang ilang dayuhan na magmina at Nabibigyan ang mga PilipinoPagpapaunlad ng Lingkurang linangin ang yamang mineral ng tulong teknikal upangBayan ng bansa. mapaunlad ang ating yamang mineral Naggagawad ng prangkisa sa mga Pilipinong may Naiiwasan ang pagdami ng kakayahang magpatakbo ng mga negosyanteng walang negosyo ayon sa kanilang permiso (colorum) kakayahanMga kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng ating bansa (Maaaring iba-iba angsagot. 1. Ang mga salaping kanilang ipinadadala o remittances dito sa Pilipinas ay tumutulong sa pagpapatatag ng ating pambansang ekonomiya. 2. Karamihan sa kanilang mga anak ay nakakatapos ng kolehiyo at nakakahanap ng maayos na trabaho. 3. Naiaangat ang kanilang social development at karamihan sa kanila ay nagiging magandang ehemplo sa lipunan. 4. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 297 ng LM.Aralin 12 Mga Programang Pang-impraestruktura ng Pamahalaanlayunin 1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng impraestruktura 2. Nakapagbibigay halimbawa ng mga programang pang-impraestraktura atbp ng pamahalaan 3. Nasusuri ang mga proyektong pang-impraestruktura ng pamahalaan 4. Nasasabi ang kahalagahan ng mga programang pang-impraestruktura ng pamahalaanPaksang AralinPaksa : Mga Programang Pang-impraestruktura ng PamahalaanKagamitan : larawan ng paaralan, munisipyo, palengke, ospital, at iba pangpasilidad na itinatayo ng pamahalaanSanggunian : Learner’s Material, Aralin 12, LM pp. 298–303 AP4PAB-IIIf-g-6Integrasyon : Pag-iingat sa mga pampublikong pasilidad

PamamaraanA. Panimula 1. Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa paraan ng pagtataguyod sa ekonomiya ng bansa. Alamin sa mga mag-aaral ang mga konseptong natutunan tungkol dito. 2. Magpakita ng iba-ibang larawan ng mga lalawigan noon at ngayon na nagpapakita ng pag-unlad ng kanilang mga pasilidad o impraestruktura. 3. Itanong: Ganito rin ba ang nakikita sa inyong lugar? Mayroon bang mga pagbabago? Magbigay ng halimbawa.B. Paglinang 1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa mga larawan na nasa bahaging Panimula ng LM, p. 298. 2. Pag-usapan kung saan karaniwang matatagpuan ang mga pasilidad na nakalarawan. Ano ang pagkakaiba noon at ngayon? 3. Magkaroon ng talakayan tungkol sa iba pang mga pasilidad na wala sa larawan. 4. Sabihin sa mga mag-aaral na ang bawat lugar sa bansa ay may itinatayong mga bagong pasilidad bilang bahagi ng pagliligkod ng pamahalaan sa mga mamamayang Pilipino. 5. Ipabasa at talakayin ang Alamin Mo. Isa-isahin ang mga proyekto at programang inilahad para sa mas malalim na pagkaunawa. 6. Gamitin ang mga susing tanong 1–4 sa pagtalakay. 7. Ipaliwanag ang pamamaraan sa mga gawain.Susi sa PagwawastoTingnan ang nasa LM, p. 301Maglaro tayo!Programang Pang-impraestruktura Tungkuling GinagampananDepartment of Public Works andHighways Responsable sa pagpapanatili at pagsasaayos ngDepartment of Transportation and mga daan at mga patubig sa buong PilipinasCommunications Responsable sa pagpaplano, pakikipag-ugnayan,Department of the Interior and Local paggawa ng mga polisiya para sa pagpapalaganapGovernment ng malawak na network sa sistema ng komunikasyon at transportasyon.Department of Education Nagpapatupad ng mga proyekto para sa malinis na supply ng tubig at iba pang pangangailangan sa lokalidad. Responsable sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa paaralan.

National Telecommunications Nangangasiwa sa paggamit ng makabagongCommission teknolohiya na nagpapabilis ng komunikasyon sa buong bansa tulad ng cellular at mobile phone,Department of Agriculture internet , at iba pa. Responsable sa pasilidad sa patubig, pagtatayo ng farm to market roads , at iba pa Programang Proyekto Paglilingkod Pang-imprastraktura ng paliparan, daungan mabilis na paglalakbay at Pamahalaan paghahatid ng mga kalakal1. Department of Pagawaing Bayan at Lansangan (Nautical Roads/ mabilis na paglalakbay at Transportation and Highways, tulay, at iba pa) paghahatid ng mga kalakal Communications Makabagong Komunikasyon2. Department of Public mabilis na ugnayang Works and Highways Silid aralan, pasilidad sa pangkomunikasyon ng mga paaralan tao3. National mas maraming bata ang Telecommunications nakapag-aaral dahil halos Commission lahat ng barangay ay nagka- karoon na ng paaralan4. Department of Education Natutugunan ang pangangailangan ng bansa sa5. Public-Private Light Rail Transit (LRT) transportasyon Partnership Program Metro Rail Transit (MRT)8. Magkaroon ng pag-uulat at talakayan tungkol sa kanilang mga ginawa.9. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang nakasulat sa Tandaan Mo.Pagtataya Pasagutan ang gawain sa Natutuhan Ko, LM p. 305.Takdang Gawain Alamin at itala ang mga karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

ArAlin 13 Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Karapatan ng Bawat Mamamayanlayunin 1. Nasusuri ang tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayan 2. Napahahalagahan ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mga karapatang pantao.Paksang AralinPaksa : Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod ng mga Karapatan ng Bawat MamamayanKagamitan : sipi ng Artikulo III ng Saligang Batas 1987, larawan ng iba-ibang ahensiya ng pamahalaan, sipi o halimbawa ng search warrant o warrant of arrest, at tsartSanggunian : Learner’s Material, Aralin 13, pp. 304–311 K to 12 – AP4PAB-IIIh-7Integrasyon : Paggalang sa Karapatan ng Bawat IsaPamamaraanA. Panimula 1. Simulan ang aralin gamit ang paglalahad at mga susing tanong sa Panimula. 2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. 3. Tanungin ang mga mag-aaral kung alam nila ang kanilang mga karapatan bilang bata. Pagbigayin sila ng mga halimbawa. Ilista sa pisara ngunit hindi tatalakayin. Iugnay ito sa aralin.B. Paglinang 1. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. 304. 2. Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng mga susing tanong na nakapaloob sa Sagutin. 3. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Ipabasa ang panuto. Ipasulat ang sagot sa notbuk. Iwasto ang mga sagot ng mga bata. Pangkatin ang klase sa lima. Ibigay ang takdang gawain ng bawat pangkat. Bigyan ng sapat na panahon ang mga pangkat. Ipatupad ang mga ito sa klase. Gumamit ng rubric.

Ipaliwanag ang panuto. Ipasagot ang mga tanong. Ipapaliwanag ang kanilang mga sagot. 4. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, LM p. 310 sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko, LM p. 311. (Essay)Susi sa Pagwawasto1. T 6. T2. T 7. T3. K 8. K4. K 9. T5. K 10. K(Rubric)(Essay)ArAlin 14 iba pang Gawain ng Pamahalaan para sa Kabutihan ng lahatlayunin 1. Natutukoy ang mga proyekto at iba pang gawain ng pamahalaan para sa kabutihan ng bawat mamamayan 2. Nasusuri ang mga proyekto at iba pang gawain ng pamahalaan sa kabutihan ng lahat o nakararami 3. Nasasabi ang mga epektong dulot ng proyekto o gawaing ito para sa lahat 4. Nakapagbibigay ng opinyon kung dapat o hindi dapat ipagpatuloy ang mga proyekto o gawaing itoPaksang AralinPaksa : Iba pang Gawain ng Pamahalaan para sa Kabutihan ng LahatKagamitan : sipi ng Batas Republika 7610 at 7432, larawan na nagpapakita ng paglilingkod ng pamahalaan sa iba-ibang paraan, larawan ng mga sitwasyon sa panahon ng kalamidad (baha, sunog, lindol, at bagyo), pagtulong sa mga taong may kapansanan, at iba pang may kaugnayan sa aralin

Sanggunian : Learner’s Material, Aralin 14, pp. 312–320Integrasyon : K to 12 – AP4PAB-IIIi-8 Kahalagahan ng Simbolo at mga Pananda Pagpapahalaga sa mga Paglilingkod ng PamahalaanPamamaraanA. Panimula 1. Balitaan. Itanong: 2. May karanasan ba kayo tungkol sa pagdating ng kalamidad, tulad ng bagyo, baha, sunog o lindol? Hayaang magkuwento ng karanasan at magpalitan ng kuro-kuro ang mga bata sa klase. 3. Sino ang tumulong sa inyo sa mga panahong iyon? Paano? 4. Iugnay ang ginawang activity sa aralin.B. Paglinang 1. Ilahad ang mga susing tanong sa Panimula. Pag-usapan. 2. Isa-isahin ang mga programang paglilingkod ng pamahalaan na inilahad sa Alamin Mo, LM, p. 312 at pasagutan ang mga nakapaloob na tanong sa Sagutin. 3. Ipaunawa sa mga bata na maraming programa at proyektong ginagawa ang pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Ang mga binanggit sa araling ito ay ilan lamang. Dagdagan ang mga impormasyong nakatala sa LM. 4. Magbigay ng mga dagdag na impormasyon sa mga ahensiyang katuwang sa mga proyekto at programang pinag-usapan. 5. Ipagawa ang bawat gawain. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Ibigay ang mga takdang aralin. Tingnan sa LM, p. 318. Sa parehong pangkat, ipagawa ang Gawain B, p. 318 ng LM. Ipalahad sa klase. Gamit pa rin ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain C, p. 319 ng LM. Ipapaskil ang mga clippings sa isang bahagi ng silid-aralan. Gumamit ng rubric para dito. Ipagawa ang Gawain D, p. 319 ng LM. (indibiduwal na gawain)6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo, p. 319 ng LM.

Pagtataya Ipasagot ang Natutuhan Ko, p. 320 ng LM.Susi sa PagwawastoMaaaring iba-iba ang sagot. Proyekto o Iba pang Tungkuling Ginagampanan Ahensiyang Gawain ng Pamahalaan NangangasiwaPagtulong sa mga may Kinukupkop ang mga batang palaboy o DSWD, CHRkapansanan at matatanda inabandona at mga matatandang iniwan ng mga mahal sa buhay GSIS, PAG-IBIGPabahay Fund, SSS Ibinibigay sa mga mamamayangPagtulong sa mga biktima nasunugan, manggagawang maliit ang NDRCMC, DSWD,ng Kalamidad kita o sahod MMDA, DILGMalinis at maayos na Nakikipag-ugnayan sa iba-ibang NHA, NFApagkain ahensiya upang makalikom ng pondo para sa mga nasalanta Pagtatayo ng pamilihang bayan o palengkeArAlin 15 Pagtutulungan ng Pamahalaang lokal at iba pang Tagapaglingkod ng Pamayananlayunin 1. Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng pamahalaang pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng bayan 2. Nasusuri ang paraan ng pagtutulungan ng dalawang magkaibang antas ng pamahalaan 3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa o sitwasyong nagpapakita ng pagtu- tulungan ng pamahalaang panglalawigan at pamahalaang pambayan 4. Napahahalagahan ang mga pagtutulungang ito sa pamamagitan ng pagpa- pakita ng mabuting saloobinPaksang AralinPaksa : Pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal at Iba pang Tagapag- lingkod ng PamayananKagamitan : mga larawang may kaugnayan sa pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal

Sanggunian : Learner’s Material, Aralin 15, pp. 321–326 K to 12 – AP4PAB-IIIj-9Integrasyon : Pakikiisa sa mga gawaing bayanPamamaraanA. Panimula 1. Magbalitaan. Iugnay sa aralin. 2. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Panimula, p. 323. 3. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod: pamahalaang lokal, pamaha- laang panlalawigan, pamahalaang pambayan, pamahalaang barangay, counterpart, at insuranceB. Paglinang 1. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng aralin. 2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. 321. 3. Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng mga susing tanong na nakapaloob sa Sagutin, p. 324 hanggang sa maunawaan nang husto ng mga bata. 4. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang Gawain A, p. 324ng LM.Ipalahad sa klase. Ipagawa ang mga gawain. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 325 ng LM.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko, LM p 326.Susi sa PagwawastoPunan ang hinihinging detalye sa chart.Sangguniang Paraan ng SanggguniangPanlalawigan pagtutulungan Pambayan sa bayanPagkakaloob ng mga pondo Pagsasaayos ng kalsadapara sa mga gawaing sa mga kalye (barangay road),pangbarangay tulad ng pagbibigay ng ayuda sa mgaelektripikasyon, patubig, atbp. gawaing pangkabuhayan ng barangay

Note: Ang mga nakatala ay ilan lamang sa mga inaasahang sagot ng mga bata. Magdagdag ng iba pang impormasyon. Ipaalala sa mga mag-aaral na ang mga nakatala sa gawaing pambayan ay maaari ring gawin ng pamahalaang pambayan. Ito ang magbubukas ng talakayan na ang dalawang pamahalaang lokal ay may pagtutulungan.Iba-iba ang sagot. 140

Lagumang Pagsusulit iKATlOnG YUniTSagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.1. Ito ang ahensiyang naatasan na mangasiwa sa mga gawaing pambayanat lansangan upang maging mas mabilis ang paglalakbay.A. CARP C. DOTCB. DPWH D. NTC2. Ito ay sistema ng pangangalakal kung saan iisang korporasyon angnagtitinda ng isang produkto.A. monopolyo C. monopolisaB. monologo D. monarkiya3. Dito makabibili ng murang gamot sa barangay.A. Botika ng barangayB. DrugstoreC. Sari-sari StoreD. Tindahang Kooperatiba4. Makikita sila sa mga lansangan at namamahala ng batas-trapiko parasa mga motorista at mga tumatawid na mga tao, sino sila?A. bumbero C. sundaloB. pulis D. guro5. Ito ay programa sa paaralan upang mapanatiling malusog ang mgamag-aaral.A. Feeding Program C. PagbabakunaB. Deworming D. Fogging6. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang isangpanukalang-batas?A. Commander-in-chief C. HumirangB. Veto D. Vote7. Kumuha ng kapareha at magtanungan: Anong mga ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa paglilingkod sa panahon ng kalamidad. Itala ang sagot ng bawat isa.8. Gamit ang tsart, punan ang bawat kolum ayon sa hinihinging detalye. Iulat sa klase. Sundin ang binigay na halimbawa: 141

Ahensiya Tungkuling Ginagampanan Programa/Proyekto Kumakalinga sa mga bata Child care centers, feedingDepartment of Social at matatandang inabandona programWelfare and Development9–10. Magpalabunutan. Pag-aralan ang mga sitwasyong nakasulat sa papel. Pag-usapan kung paano ito pahahalagahan. Sitwasyon I Nagpagawa ang pamahalaan ng pampublikong palikuran, paano ninyo pahahalagahan ang paglilingkod na ito?Sitwasyon 2Nag-aaral ka sa pampublikong paaralan. May itinatayong bagong gusaliat may bagong deliver na mga upuan. Paano mo ito pahahalagahan.11–16. Punan ng sagot ang tsart ayon sa inaakala mong maidudulot ng mabuting kalusugan at may kalidad na edukasyon. Mabuting Kalusugan May Kalidad na Edukasyon11. 14.12. 15.13. 16. 142

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa sumusunod. 17. Ilan sa ating mga kababayan ay nakikilahok sa mga rally sa lansangan upang magpahayag ng kanilang saloobin sa pamahalaan. Sang-ayon ka ba rito? Bakit? 18. Hindi magkapartido sa politika ang gobernador at alkalde ng dalawang pamahalaan kaya hindi maipatupad ang proyektong patubig na hinihiling ng mga mamamayan. Ano ang mangyayari kung ganito ang sitwasyon at bakit? 19. Sino ang higit na maaapektuhan kung hindi magkakasundo ang mga pinuno sa pamahalaang lokal? Paano? 20. Ipaliwanag sa sariling pananalita ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng kaarapatan sa pamamahayag. 21. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng check and balance ng tatlong sangay ng pamahalaan? 22. Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan na magtanggal ng kuwalipikasyon ng pagka-Pangulo, alin ang aalisin mo? Bakit? 23. Ano ang mangyayari kung hindi igagalang ng tatlong sangay ng pamahalaan ang prinsipyo ng separation of powers? 24. Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng pamahalaang lokal? 25. Kung may pagkakataon kang maging pangulo ng bansa, anong programang pang-edukasyon ang ipatutupad mo? Bakit? 26. Bakit mahalaga ang kahulugan ng simbolo at sagisag? 27. Paano pinahahalagahan ng pamahalaan ang katahimikan at kaayusan ng ating bansa? 28. Bakit mahalaga ang mga paglilingkod na pangkalusugan?29-40. Gamit ang petal web magtala ng mga natatanging karanasan sa panahon ng kalamidad. Kung wala pang karanasan tungkol dito, maaaring itala ang mga pangyayaring napanood o napag-aralan. Mga karanasan sa panahon ng kalamidad

Pamantayan Batayang Natamong Puntos PuntosA. Nilalaman 5 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng 3 pangkat sa kanilang gawain/output. 1 2. May ilang detalye na hindi maayos na 5 naipaliwanag o nailahad ng pangkat. 3 3. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang pangkat. 1 5B. Kagamitang Biswal 3 1. Angkop ang mga kagamitang biswal na 1 ginamit ayon sa hinihingi ng gawain. 25 Kumpleto itong naglalarawan o naglalaman ng mga kaalaman na dapat mailahad sa klase. 2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang biswal at hindi kumpletong naglalarawan o naglalahad ang mga ito ng tumpak na katugunan o kaalaman na dapat makita ng klase. 3. Walang inihandang biswal.C. Pakikiisa ng bawat Miyembro sa Gawain 1. Lahat ay nakikiisa sa pangkatang gawain at naglalahad ng kanilang kaalaman at kasanayan na kakailanganin sa gawaing iniatang. 2. May dalawa o higit pang miyembro ang hindi nakikiisa sa gawain. 3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ng pangkat.Kabuuang Puntos144

Yunit IV Ako sa Pag-unlad ng Aking Bansa Ang pangunahing yaman ng bansa ay ang tao o mamamayan dahil ditonakasalalay ang kaniyang kinabukasan at pag-unlad. Kaya, nararapat lamangna malaman ng bawat isa ang kanilang kahalagahan bilang mamamayan, angkanilang mga karapatan, mga tungkulin, at kung paano sila makatutulong sapag-unlad ng bansa. Sa yunit na ito, tatalakayin ang mga batayan ng pagkamamamayangPilipino, ang mga karapatan na kailangan nilang matamasa at pangalagaan, atang mga tungkuling kaakibat nito. Kasunod nito ay tatalakayin din ang kahulugan at mga halimbawa nggawaing pansibiko at ang kabutihang dulot nito sa mga mamamayan at sa bayan. Bilang panghuli, pag-uusapan ang mga katangian ng isang produktibongmamamayan sa loob at labas ng bansa. Inaasahan na sa yunit na ito ay maipakikita ng mag-aaral ang kahalagahanng kaniyang pagiging bahagi ng isang bansa bilang isang mamamayang maykarapatan at tungkuling sumusuporta sa pamahalaan. Dagdag dito, naipamamalasdin niya ang pagiging produktibong mamamayan na makatutulong sa pag-unladng bansa.ARALIN 1 Ang Pagkamamamayang PilipinoLayunin 1. Natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino 2. Nasasabi kung sino ang mga mamamayan ng bansaPaksang AralinPaksa : Ang Pagkamamamayang PilipinoKagamitan : mga larawan ng mamamayang Pilipino at mga dayuhan, flash cards, CD ng awiting “Sabihin Mo” ng Smokey Mountain, at cd playerSanggunian : Learner’s Material, pp. 328–336 K to 12 – AP4KPB-Iva-b-1 Antonio, Eleanor D., Banlaygas & Emilia L. ( ). Kayamanan 6. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan (p.179– 182). Rex Book Store. Chavez, Ronnie O. & Espiridion-Somera, Emelyn E. (Pilipinas Kong Mahal Grade 6 (p. 62). Anvil Publishing, Inc. 145

PamamaraanA. Panimula 1. Iparinig sa mga mag-aaral ang awiting “Sabihin Mo” ng Smokey Mountain.Sabihin Mo I. Sabi ng tatay ko, kapag merong nagtanong Kung nasaan ang bayan mo isagot mo ay yung totooII. Sabi ko sa tatay ko Di bale nang mahirap Basta lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Koro: Sabihin mong ikaw ay Pilipino Kahit saang bansa ikaw ay magpunta Sabihin mo ikaw ay Pilipino Pilipino ka, yan ang totoo....III. Sabihin man ng lolo mo Ika’y Kastila o Kano Pagmasdan mo ang kutis mo Kulay lupa walang kasing ganda. (ulitin ang Koro)2. Itanong ang sumusunod: a. Ano ang hinihiling ng awitin? b. Ayon sa awit, sino raw ba ang Pilipino? c. Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang pangkat etniko at mga dayuhan. Ipatukoy kung sila ay mamamayang Pilipino at bakit. d. Ito ba ang mga batayan ng pagiging Pilipino? e. May katibayan ka ba na ikaw ay Pilipino? (Maaaring sagot: Ito ay makikita sa katibayan ng kapanganakan (birth certificate) f. Kung ito ay nakasaad sa inyong birth certificate, anong katanungan ang sinasagot nito? (Pagkamamamayan o citizenship) g. Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng pagkamamamayan?3. Sabihin na sa susunod na araw ay pag-aaralan nila ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino at kung sino ang mga tinaguriang mamamayang Pilipino.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang susing tanong sa Alamin Mo LM, pahina 329. 2. Isulat sa pisara ang salitang pagkamamamayan at itanong kung ano ang ibig sabihin nito batay sa kanilang kaalaman. Magkaroon ng brainstorming at tanggapin ang lahat ng sagot. 3. Ipabasa sa LM ang kahulugan ng pagkamamamayan at suriin kung tama ang kanilang mga naging kasagutan. Talakayin. 146

4. Sabihin na ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Ipaliwanag sa mga mag- aaral ang kahulugan ng Saligang Batas – na ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.5. Sabihin na aalamin nila kung sino nga ba ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas.6. Ipabasa sa mga mag-aaral ang nasa aralin. Gumamit ng isang cluster map sa pagpapaliwanag. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas Ang ama o ina ay Sino ang Mga dayuhangmamamayang Pilipino mamamayang Pilipino nagpasyang maging mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas? ayon sa batas na naturalisasyon Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang.7. Itanong kung ang isang Pilipinong nakapangasawa ng isang dayuhan ay maituturing ding mamamayang Pilipino. Ipaliwanag.8. Talakayin ang tungkol sa dalawang pagkamamamayan o dual citizenship at kung paano ito makakamit. Itanong sa mga mag-aaral kung may mga kakilala silang nasa ganitong sitwasyon. Magbigay ng halimbawa ng mga kilalang personalidad. Halimbawa: Anne Curtis, at Sam Milby9. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasagot ang sumusunod na mga tanong: Sabihin na pagkatapos nilang mabasa ang mga sagot sa mga katanungan na ibinigay sa kanila ay iuulat nila ito. Pangkat A – Ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino? Ano ang kahulugan ng naturalisasyon? Pangkat B – Ano ang dalawang prinsipyo ng likas na mamamayan? Pangkat C – Ano ang dapat na maging katangian ng dayuhan na nagna- nais maging naturalisadong mamamayang Pilipino? 147

Pangkat D – Paano nawawala ang pagkamamamayan?Pangkat E – Paano maaaring makamit muli ang pagkamamamayan?10. Pag-uulat sa paggabay ng guro11. Pagsusuri at pagtalakay sa mga inulat ng mga mag-aaral12. Ipagawa ang mga gawain sa , pp. 334–335.Pasagutan sa mag-aaral ang mga katanungan sa Gawain A kapagnatapos ang aralin tungkol sa “Sino Ang Mamamayang Pilipino.”Ipagawa sa mga mag-aaral ang Think-Pair-Share.Pagparisin ang mga mag-aaral. Sa bawat katanungan, bigyan ngpagkakataong mag-isip ang isang mag-aaral at pagkatapos ay pag-uusapan ng magkapareha ang kanilang sagot. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan.13. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 335 ng LM.Pagtataya sa p. 336 ng LM. Pasagutan angTakdang Aralin Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iyong nararamdaman sa iyongpagkamamamayan at paano mo ito pahahalagahan.Susi sa Pagwawasto1. 4.2. 5.3.1. Mamamayang Pilipino dahil Pilipino ang kaniyang mga magulang.2. Hindi siya mamamayang Pilipino dahil nagbabakasyon lamang siya sa Pilipinas.3. Hindi siya mamamayang Pilipino dahil hindi pa siya naturalisado.4. Siya ay Pilipino dahil ang kaniyang ama ay Pilipino. Ito ang prinsipyo ng jus sanguinis at ayon sa Saligang Batas ng 1987.5. Nawala na ang kaniyang pagkamamamayan dahil sa pagtakas niya sa kaniyang tungkulin bilang sundalo ng pamahalaan.1. B – jus sanguinis 4. A – dual citizenship2. D – naturalisasyon 5. E – Saligang Batas3. C – jus soli 148

1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas na naturalisasyon. 2. A. Likas o katutubong mamamayan B. Naturalisadong mamamayan 3. A. Jus soli B. Jus sanguinis 1. Si Noel ay mamamayang Pilipino dahil sa prinsipyo ng jus sanguinis at ayon sa Saligang Batas kung ang iyong ama o ina ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino. 2. Si Joy ay mamamayang Pilipino dahil ayon sa Saligang Batas, ikaw ay mamamayang Pilipino kung ikaw ay mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987. 3. Si Sarah ay mamamayang Pilipino dahil sa batas na dual citizenship. 4. Siya ay naturalisadong mamamayang Pilipino dahil isa sa mga katangian ng pagkamamamayan ay kailangang 10 taon nang naninirahan sa bansa nang tuloy-tuloy. 5. Si Sam ay Pilipino dahil ang kaniyang mga magulang ay Pilipino. Gumawa ng isang islogan sa bond paper tungkol sa pagpapahalaga mo saiyong pagkamamamayan. Ipaskil ito sa bulletin board.ARALIN 2 Mga Karapatan ng Mamamayang PilipinoLayunin Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang PilipinoPaksang AralinPaksa : Mga Karapatan ng Mamamayang PilipinoKagamitan : mga larawan, video, cd player, flash cards, at meta cardsSanggunian : Learner’s Material, pp. 337–345 K to 12 – AP4KPB-IVc-2 Antonio, Eleanor D. & Banlaygas, Emilia D. (n.d.). Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. (p. 188). Rex Book Store. 149

Abella, Lilia Cas L. (n.d.). Ang Pilipinas sa Makabagong Henerasyon Grade 6. (pp. 160-163). Vicarish Publication and Trading, Inc. pp.PamamaraanA. Panimula 1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang naibibigay sa kanila ng kanilang mga magulang, ng paaralan, at ng pamayanan. 2. Itanong kung bakit ito ibinibigay sa kanila. 3. Ipakita ang larawan sa p. 339 ng LM. Itanong kung ano ang nakikita nila rito. Ano kaya ang tawag sa mga natatanggap nating mga serbisyo at pangangailangan na ibinibigay sa atin? Magtanong hanggang makuha ang salitang KARAPATAN. 4. Sabihin na pagkatapos malaman kung sino ang mamamayang Pilipino, kailangan ding malaman kung ano ang mga karapatan bilang mamamayan ng bansa.B. Paglinang 1. Maglagay ng malaking larawan ng isang tao sa pisara o manila paper. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pangangailangan ng taong ito upang mabuhay at lumaki nang maayos. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasulat sa metacard ang kanilang mga naisip at kailangang idikit ito sa paligid ng larawan ng tao. 3. Maaaring gabayan ng guro ang bata sa pagpapangkat ng mga salitang kanilang inilagay. Halimbawa: maaaring pagsama-samahin ang mga salitang gatas, gulay, at karne bilang pagkain. 4. Itanong ang sumusunod: a. Bakit kailangan ng tao ang mga nakatala sa pisara? b. Kailangan din ba ito ng lahat ng tao? c. Ano ang mangyayari kung hindi maibibigay ang mga panga- ngailangan niya? 5. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pumapasok sa kanilang isipan kapag naririnig nila ang salitang karapatan. Itala sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Bigyang-halaga ang kanilang mga kasagutan at mula rito ay hayaang maibigay nila ang kahulugan ng salitang KARAPATAN. 6. Ipabasa sa aklat ang kahulugan ng karapatan at magpabigay ng mga halimbawa. Itanong kung lahat ba ng mga tao ay may mga karapatan na katulad nating mga Pilipino. Ipaliwanag na hindi lahat ng bansa ay binibigyang-halaga ang karapatan ng mga tao gaya ng mga mamamayan sa mga bansang komunista. Hindi sila maaaring pumili ng nais nilang kurso, hanapbuhay, o bilang ng mga anak. Kaya mapalad tayong mga Pilipino na nakapaloob ito sa ating Saligang Batas upang makatiyak ang ating pamahalaan na masunod ito. 7. Sabihin sa mga mag-aaral na may tatlong uri ng karapatan. Ito ay ang karapatang likas, ayon sa batas, at konstitusyonal. Ano-ano kaya ang mga ito? 150

8. Ipabasa sa mga mag-aaral ang bahaging Mga Uri ng Karapatan sa LM. Magkaroon ng brainstorming at talakayan ng bawat uri. 9. Isa-isahin ang mga karapatan na nakapaloob sa ating Saligang Batas – ang karapatang Konstitusyonal na napapangkat sa tatlo: pampulitika, sibil, panlipunan at pangkabuhayan, at nasasakdal.10. Ituro ang karapatang pampulitika sa pamamagitan ng cluster map. bumotopagkamamamayan magsalita, maglimbag, magtipon KARAPATANG POLITIKALgumanap ng bumuo tungkuling ng samahanpampubliko iimmmmaappaalloohhaarmramammllaaaagaagnsansaygnygnogongn11. Ipabasa sa mga mag-aaral ang karapatang sibil. Pangkatin ang mga mag-aaral sa labintatlo at bigyan ang bawat pangkat ng isang karapatan upang ipaliwanag at magbigay ng halimbawa sa harap ng klase. Gabayan ang mga mag-aaral at magbigay ng mga halimbawa.12. Sa pagtuturo ng karapatang panlipunan, maaaring magpakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ng bawat karapatan at ipatukoy ang mga ito. Pangkatin ang mga mag-aaral at hayaan silang magkaroon ng brainwriting (ito ay isang paraan ng brainstorming kung saan sa halip na sabihin nang pasalita ang kanilang naiisip ay isusulat nila ng sunod-sunod sa papel o manila paper o pisara). Tanggapin ang lahat ng naisulat ng mga mag-aaral at pagkatapos, ipoproseso isa-isa. Ipabasa ang nasa aklat pagkatapos nito.13. Ilahad ang karapatan ng mga nasasakdal sa pamamagitan ng pagta- tanong kung ano ang ibig sabihin ng salitang nasasakdal. (Kailangang bigyang-diin na hindi maaaring tawaging kriminal ang isang akusado dahil hindi lahat ng naakusahan sa korte ay may kasalanan. Kailangan muna itong mapatunayan ng korte). Ipabasa ang nasa LM, p. 340 at itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila rito. Iproseso ang mga kasagutan ng mga mag-aaral at magbigay ng mga kongkretong halimbawa.14. Simulan ang aralin sa karapatan ng mga bata sa pamamagitan ng pagpaparinig ng awiting “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Talakayin ang nilalaman ng awitin.15. Hingan muna ng opinyon ang mga mag-aaral sa nalalaman nila sa kanilang mga karapatan. 151

16. Talakaying isa-isa ang karapatan ng mga bata na nasa LM, p. 341 sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Bigyan ng isang karapatan ang bawat pangkat upang ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa. Ipasagot ang Gawain A sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtawag sa mga mag-aaral na nais sumagot upang maiproseso ang kasagutan. Pasagutan ang Gawain B at C at talakayin ang kanilang mga kasagutan upang makasiguro na lubos nilang naunawaan ang aralin. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga tanong sa pamamagitan ng Think-Pair-Share. Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon kailangang iproseso ito ng guro.Pagtataya sa pp. 344–345. Pasagutan angTakdang Gawain Gumupit ng isang artikulo o larawan sa pahayagan tungkol sa paglabag saanumang karapatang napag-aralan at sagutin ang sumusunod na mga tanong.Isulat sa ibaba ng ginupit na artikulo o larawan. 1. Ano ang ipinapakita sa larawan o artikulo? 2. Anong karapatan ang nilabag? 3. Ano ang reaksiyon mo rito?Susi sa Pagwawasto1. E – Karapatan ng nasasakdal2. C – Karapatang politikal3. B – Karapatang sibil4. D – Karapatang panlipunan at pangkabuhayan5. A – Likas na karapatan1. 7 4. 32. 3 5. 73. 71. Karapatan sa edukasyon2. Karapatang alagaan at mahalin ng magulang 152

3. Karapatang magpahinga at maglaro 4. Karapatang mabuhay 5. Karapatang maging malusog/karapatan sa sapat na pagkain 1. Karapatan sa lihim na korespondensiya at komunikasyon 2. Karapatan sa di-makatuwirang pagdakip at paghalughog 3. Karapatang hindi mabilanggo dahil sa pagkakautang 4. Karapatang ipahayag ang sarili nang malaya 5. Karapatang mapangalagaan sa pagsasamantalang paghahanapbuhay 1. D – Karapatan sa pagbubuo ng samahan 2. B – Karapatan na maalagaan at mahalin ng magulang 3. C – Hindi, dahil hindi niya binoto ang karapat-dapat sa tungkulin 4. D – Hindi, dahil mapanganib ito at nakasasagabal sa publiko 5. D – 1 at 4 Magpagawa ng album sa mga mag-aaral ukol sa karapatan ng mga bata.Maaari itong sa pamamagitan ng pagguhit o pagdikit ng mga larawan. Kailangangmay paliwanag ang bawat isa.ARALIN 3 Mga Tungkulin ng Mamamayang PilipinoLayunin 1. Natatalakay ang tungkulin ng mamamayang Pilipino 2. Nasusunod ang mga tungkuling iniatang ng pamahalaanPaksang AralinPaksa : Mga Tungkulin ng Mamamayang PilipinoKagamitan : mga larawan, cd player, video, at flash cardsSanggunian : Learner’s Material, pp. 346–353 K to 12 – AP4KPB-IVc-2 Pelingo, Lazelle Rose & Sablaon, Ela Rose. ( ). Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 6. (pp. 49–50). Rex Book Store, Inc.PamamaraanA. Panimula 1. Iparinig ang awitin o ipakita ang video ng “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Makikita ito sa www.youtube.com/ watch?v=cTqCtln848g 2. Talakayin ang nilalaman nito. 3. Itanong kung ginagawa ba nila ang ipinakikita sa video. Itanong din kung ano ang tawag dito. 153

4. Itanong kung ano ang katatapos nilang napag-aralan (Inaasahang sagot ay “karapatan ng mamamayan”). Sabihin na ang karapatan ay laging may kaakibat na tungkulin. Kaya tama lamang na ang susunod nilang matutuhan ay ang mga tungkulin ng mamamayan.B. Paglinang 1. Pabuksan ang kanilang LM sa Aralin 3 ng Ikaapat na Markahan LM, pahina 346. 2. Ipasuri ang mga larawan at itanong kung ano ang nakikita rito. 3. Itanong kung ano ba ang kahulugan ng salitang tungkulin. 4. Hingan ng opinyon ang mga mag-aaral hanggang sila mismo ang makapagbigay ng kahulugan nito. 5. Sabihin na may mahahalagang tungkulin ang mamamayang Pilipino na dapat gampanan nang buong puso. 6. Isa-isahin ang mga tungkulin na nakasaad sa LM. a. Pagmamahal sa Bayan. Maaaring simulan ito ng pagbigkas ng Panatang Makabayan. Talakayin ang isinasaad dito. Bigyang-diin ang: Dahil mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan, Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan. Ipabasa ang LM at talakayin. Magpabigay ng mga halimbawa sa mga mag-aaral kung paano pa nila maipakikita ang pagmamahal sa bansa. b. Pagtatanggol sa Bansa Ipaawit ang “Lupang Hinirang.” Bigyang-pansin ang linyang: “Aming ligaya, na pag may mang- aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo.” Itanong kung ano ang isinasaad sa ating pambansang awit at kung ano ang ibig sabihin ng mga linyang ito. Ipabasa ang nasa LM p. 347. Bigyan ng kaunting kaalaman ang mga mag-aaral sa pagtatanggol ng mga bayani sa kalayaan ng Pilipinas. Itanong din kung paano natin maipagtatanggol ang ating bansa sa panahon ngayon. Hayaang mag-brainstorming ang mga mag-aaral. Isulat sa pisara ang kanilang mga kasagutan. Dagdagan ito ng iba pang halimbawa na hindi nila nabanggit. c. Paggalang sa Watawat Balik-aralan ang mga simbolong matatagpuan sa ating watawat at ang kahulugan ng mga ito. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng watawat. Magbigay ng kaunting kasaysayan ng pagkakagawa ng watawat ng Pilipinas na matatagpuan sa http://watawat. 154

blogspot.com/. Nakasulat dito ang mga alituntunin na dapat sundin sa pagbibigay-galang sa watawat. Talakayin ang nasa LM, p. 348. d. Pagsunod sa batas at paggalang sa maykapangyarihan Itanong kung ano ang batas. Itanong din kung ano ang mangyayari kung walang batas. Ipabasa ang nasa LM at talakayin. Sabihin na may mga batas din tayong dapat sundin sa tahanan, paaralan, pamayanan, at sa buong bansa. Pangkatin ang mga mag-aaral at magpatala ng mga halimbawa ng batas o alituntunin na dapat nilang sundin sa: Pangkat A – tahanan Pangkat B – paaralan Pangkat C – pamayanan Pangkat D – bilang mamamayan ng bansa Pag-uulat ng bawat pangkat Pagsusuri ng kanilang inulat Bigyang-diin din na kaakibat sa pagsunod sa batas ay ang paggalang sa mga maykapangyarihan. e. Pakikipagtulungan sa pamahalaan Simulan ang araling ito sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang kahulugan ng salitang pagtutulungan at pamahalaan. Ipabasa ang nasa LM. Itanong kung paano tayo makatutulong sa mga programa at proyekto ng pamahalaan. Mag-brainstorming ukol dito. Magbigay pa ng mga halimbawa ng mga programa ng pamahalaan na maaaring makipagtulungan. Magpabigay din sa mga mag-aaral na bilang bata, ano ang maitutulong nila. f. Paggalang sa karapatan ng iba Balik-aralan ang mga karapatan na napag-aralan. Basahin ang nasa LM, p. 349. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng “Kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.” Magpabigay ng mga halimbawa sa mga mag-aaral. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain A sa pamamagitan ng pagtawag sa mga mag-aaral. Itanong din ang dahilan sa kanilang sagot. Maaaring ipasagot ang mga katanungan sa Gawain B at C nang papangkat.7. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 352 ng LM. 155

Pagtataya , pp. 352–353. Pasagutan angTakdang Gawain Punan ang talaan:Tungkulin sa Tahanan Tungkulin sa Paaralan Tungkulin sa PamayananPangkatin ang mga mag-aaral at magpagawa ng collage ng sumusunod:Pangkat A – Tungkulin sa TahananPangkat B – Tungkulin sa PaaralanPangkat C – Tungkulin bilang Mamamayang Pilipino Ako’y Isang Mabuting Pilipino ni Noel Cabangon Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘Di nakahambalang parang walang pakiaalam Pinagbibigyan ko’ng mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula [chorus] ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin 156

Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran [repeat chorus] Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan ‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Iginagalang ko ang aking kapwa tao Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko. Pagkat ako’y isang mabuting PilipinoSusi sa Pagwawasto 1. 2. 3. 4. 5. 1. F – Pakikipagtulungan sa pamahalaan 2. D – Pagsunod sa batas 3. C – Paggalang sa watawat 4. A – Pagmamahal sa bayan 5. B – Pagtatanggol sa bansa 157

1. C – Sasabihan ko siya na hindi tamang magkaroon ng kodigo.2. B – Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod3. D – Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.4. C – Dalhin ang mga basura sa barangay upang i-recycle.5. C – Hihintayin kong magkulay-berde ang ilaw-trapiko1. 3 6. 72. 7 7. 33. 7 8. 34. 3 9. 75. 3 10. 3ARALIN 4 Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng Mamamayang PilipinoLayuninNatatalakay ang tungkuling kaakibat ng bawat karapatang tinatamasa.Paksang AralinPaksa : Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng Mamamayang PilipinoKagamitan : mga larawan, cd player, at meta cardsSanggunian : Learner’s Material, pp. 354–361 K to 12 – AP4KPB-IVc-3PamamaraanA. Panimula 1. Magkaroon ng pantomime ng sumusunod: a. Dalawang mag-aaral na nagkukuwentuhan at hindi nakikinig sa guro (karapatan sa edukasyon) b. Batang pinapakain ng gulay ngunit ayaw kumain. (karapatan sa pagkain o maging malusog) c. Batang yakap ng magulang ngunit nanghahampas (karapatan sa pagmamahal ng magulang) d. Batang naglalaro habang nagsisimba (karapatan sa relihiyon) e. Tinderang nandaraya sa timbangan (karapatang mamili ng hanapbuhay) 2. Ipatukoy ang mga karapatang nakita nila sa pantomime. Isulat ito sa pisara. Itanong kung ano ang napansin nila sa mga ipinakitang karapatan. 3. Isa-isahin kung ano ang mali sa pantomime. Maaaring sagot ay: a. hindi nakikinig ang mga bata habang nagtuturo ang guro, b. ayaw kumain ng bata ng masustansiyang pagkain, c. matigas ang ulo ng anak, d. hindi nakikinig sa misa, at e. nandaraya ang tindera. 158

4. Itanong: a. Tama bang karapatan lamang ang mayroon sa isang tao? b. Ano kaya ang kailangang kaakibat nito? c. Ano kaya ang mangyayari kung ang karapatan ay walang kasamang tungkulin? 5. Sabihin na kagaya ng nakita nila sa pantomime, hindi tama kung walang kaakibat na tungkulin ang mga karapatan. 6. Sabihin na sa araw na ito ay sisimulan nilang matutuhan ang mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan.B. Paglinang 1. Pabuksan ang kanilang LM sa Aralin 4 ng Ikaapat na Markahan, pahina 354. 2. Ipabasa at ipasuri ang usapan nina Tengteng at Dodi. 3. Ipasagot ang katanungan pagkatapos ng diyalogo. Talakayin ito. 4. Bigyang-diin ang konseptong “Lahat ng karapatan ay may kaakibat na tungkulin o KARAPATAN=TUNGKULIN. Ipaliwanag ang dahilan nito. 5. Sabihing mababasa nila ang ilan sa mga karapatan at ang katumbas ng mga tungkulin nito. 6. Sa pagtalakay nito, kailangang magbigay ng iba pang mga halimbawa at mga maaaring nakaakibat na tungkulin sa bawat karapatan. Mas mainam kung sa mga mag-aaral muna kumuha ng mga ideya bago magdagdag ang guro. 7. Maaaring gumamit ng mga graphic organizer gaya ng halimbawa: Kumain ng Alagaan masustansi- ang sarili yang pagkain Bawasan Huwag ang kumitilng buhay masasamang ng iba bisyoMaghanap- Karapatang Huwag buhay mabuhay manakit ng kapuwa8. Mula sa nakasulat sa aklat ay marami pang tungkulin ang maaaring itala sa bawat karapatan. Sumangguni sa Aralin 2 ng yunit na ito para sa iba pang karapatan.9. Maaari din itong gawing pangkatang gawain at iuulat ng mga mag-aaral. Kailangang gabayan ng guro ang mga kasagutan ng mga mag-aaral sa pag-uulat. Mahalagang maiugnay ang mga ito sa sariling karanasan ng mga mag-aaral. 159

Maaaring ipasagot ang Gawain A na pasulat dahil inaasahang natalakay na ito. Mas mainam kung ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mga mag- aaral sa Gawain B at C. Maaari itong pasulat o pasalita.10. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo, p. 358 ng LM.Pagtataya sa p. 358 ng LM. Pasagutan angTakdang Gawain Ipasulat sa notbuk ng mga mag-aaral ang mga karapatang personal nanatatamasa nila at ang katumbas nitong tungkulin. Karapatang Natatamasa Tungkuling Dapat Gawin Nagagawa/Minsan/ Hindi NagagawaHal. Karapatang mag-aaral Mag-aaral nang mabutiKarapatang magkaroon ng Gagawa ng mga takdang aralintahanan Makikinig nang mabuti sa guro Tumulong sa paglilinis ng bahaySusi sa Pagwawasto (Mga posibleng sagot ngunit hindi limitado rito) 1. Alagaan ang sarili, huwag kumitil ng buhay ng ibang tao 2. Kumain ng masustansiyang pagkain. 3. Huwag gumawa ng mga bagay na makasisira ng pangalan ng inyong pamilya 4. Suklian ng pagmamahal ang mga magulang. Sumunod sa mga tagubilin ng mga magulang.1. M2. T3. T4. M5. M1. KT2. KT3. K4. T5. K 160

1. B –Magsabi ng katotohanan 2. D – Gawin ng tapat ang tungkulin 3. E – Sinupin nang maayos 4. A – Sundin ang mga batas sa lugar 5. C – Maging mabuting kasapi 1. D – Hinaan ang kanilang mga boses upang hindi makaabala sa maysakit. 2. C – Maghanap ng pagkakakitaan. 3. D – Hindi, dahil kailangan niya ring mag-aral at tumulong sa bahay. 4. C – Magtrabaho bilang assistant sa silid-aklatan. 5. B – Bumili ng sopas at tinapay dahil tungkulin niyang sumunod sa kaniyang mga magulang. 6. A – Magpakabait at sumunod sa mga tagubilin ng nag-ampon sa kaniya. 7. D – 1 at 2 8. B – Sabihin sa abogado ang totoong nangyari. 9. D – Hindi, dahil ipinagbabawal ito at nakasisira sa kalikasan.10. C – Hanapan ng warrant of arrest ang mga pulis bago sumama. Ipagdiwang ang ating mga karapatan! Pangkatin ang mga mag-aaral atbigyan ng tig-isang karapatan ang bawat pangkat. Mga mungkahing gagawin: – Karapatang alagaan at mahalin ng isang pamilya Sumulat ng liham ng pasasalamat sa mga taong nag-aalaga at nagbibigay ng pagmamahal sa iyo. – Karapatan sa paglilibang at pagpapahinga Iguhit ang larawan ng inyong mga laruan o libangan. Magpasalamat sa mga taong nagbigay nito. – Karapatan sa pangalan at nasyonalidad Itanong sa inyong mga magulang ang kahulugan ng inyong pangalan at sino ang nagpangalan sa inyo. Isulat ito nang malaki sa isang magandang papel at lagyan ng palamuti. Sulatan ng pasasalamat sa ibaba. – Karapatang mag-aral Gumawa ng liham para sa paborito mong guro. – Karapatang mabigyan ng proteksiyon sa lahat ng uri ng pang-aabuso Gumawa ng maikling pasasalamat sa mga taong nagbibigay ng proteksiyon sa iyo gaya ng iyong magulang, kamag-anak, kaibigan, pulis, doktor, at bumbero. 161

– Karapatang mabuhay Gumawa ng isang liham para sa iyong sarili at gumawa ng pangako:paano mo mapagaganda ang iyong buhay. Hal: Mahal kong Che, ……..Nagmamahal, CheARALIN 5 Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing PansibikoLayunin 1. Naibibigay ang kahulugan ng kagalingang pansibiko 2. Natatalakay ang mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko ng isang kabahagi ng bansaPaksang AralinPaksa : Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing PansibikoKagamitan : panulat at news clipsSanggunian : Yunit 4, Aralin 5 Learner’s Material, pp. 362–367 K to 12 – AP4KPB-IVd-e-4PamamaraanA. Panimula 1. Tumawag ng mga boluntir. Gamit ang kanilang katawan, ipasulat ang mga letrang bumubuo sa mga salitang, gawain at sibika. Ipahula sa pangkat o klase ang nabuong salita. Bigyan ng kredit ang naunang nakahula. 2. Itanong: Madali bang hulaan ang mga letra kapag isinusulat gamit ang katawan? Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng salitang nabuo ninyo? Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng mga salitang, Gawaing Pansibika? 3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata. 4. Iugnay ang mga ito sa aralin.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 363. 2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng tanong. Tanggapin lahat ng sagot ng mag-aaral. 3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. 363. Talakayin ang mga halimbawang sagot sa bahaging ito. 4. Ipagawa ang mga gawain sa pp. 365–366. 162

Maaaring pangkatang gawain ang Gawain A. Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A, p. 365. Ipasulat ang mga sagot sa notbuk. Sundin ang panuto sa Gawain B, p. 365. Ipagawa ang Gawain C, p. 365 ng LM. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 367.Pagtataya , p. 367 ng LM. Ipagawa ang Rubric sa Balita Pamantayan Mahusay na Mahusay Kailangan pang Mahusay 2–3 PaunlarinPaksa at 4–5 0–1Pinanggalingan May mga Malinaw ang paksa nakaligtaang detalye Hindi malinaw angOrganisasyon ng at ang mga batayang sa paksa. paksa at halos lahatDiwa detalye hinggil dito. ng detalyeng kaugnay May ilang diwang nito.Pananalita at May kaugnayan at hindi kaugnay saPagharap sa Klase sunod-sunod ang paksa. Hindi magkakaugnay paksa. May kakulangan at di sunod-sunodImpormasyong sa maayos na ang mga detalye.Ibinahagi Maayos at kawili-wili pagbabahagi sa klase. ang pagbabahagi sa May kakulangan sa Magulo ang klase. mga detalyeng dapat pagbabahagi. na ibinahagi. Sapat ang mga Magulo, halos walang detalye pati na ang detalyeng ibinahagi. mga salitang ginamit.Susi sa PagwawastoMaaaring iba-iba ang sagot. Pakinggan ang sagot ng mga bata. Ipaliwanag,dagdagan, o iwasto kung kinakailangan.1. D2. A3. B4. C5. A 163

ARALIN 6 Mga Gawain at Epekto ng Gawaing PansibikoLayunin 1. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng gawaing pansibiko. 2. Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng gawaing pansibiko sa isang bansa. 3. Nahihinuha ang epekto ng kagalingang pansibiko sa pag-unlad ng bansa.Paksang AralinPaksa : Mga Gawain at Epekto ng Gawaing PansibikoKagamitan : panulat at bond paper na may nakadrawing na pizzaSanggunian : Yunit 4 Aralin 6, Learner’s Material, pp. 368–372 K to 12 – AP4KPB-IVd-e-4PamamaraanA. Panimula 1. Maghanda ng kopya ng mga civic pie sa bond paper. Hatiin ito sa walo at sa bawat hati, lagyan ng iba’t ibang gampanin o gawaing pansibiko: Tumatangkilik sa mga produktong Pilipino Nagtitinda ng mga tiket para sa mga benefit show Sumusunod sa mga batas pampubliko Tinatapon sa tamang lalagyan ang mga basura Tumutulong sa paglilinis ng kapaligiran Humihinto at nakikiawit kapag narinig ang pagtugtog ng Pambansang Awit sa paaralan o pampamahalaang tanggapan. Tumutugon sa kailangang tulong ng mga senior citizen. Lumalahok sa mga gawain ng komunidad 5. Bigyan ng kopya ang bawat mag-aaral. Sabihin ang panuto: Pag-aralang mabuti ang civic pie Sa ilalim ng mga gawaing pansibiko, humanap ng mga kapuwa mag-aaral na nakagawa na nito at ipalagay ang pangalan. Ang unang makalikom ng mga pirma sa bawat hati ng pie ang magwawagi. 6. Iproseso ang gawain. Itanong: Bakit madali ang paglikom ng mga pirma? Bakit ito mahirap para sa iba? Sino-sino ang mga nakapirma sa iba’t ibang gawain?B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 368. 2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. 3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. 368. 4. Talakayin ang paksa. 5. Ipagawa ang mga Gawain A-C. 164

Maaaring pangkatang gawain ang Gawain A. Ipasagot ang mga tanong. Talakayin ang sagot ng mga bata. Ipagawa ang Gawain B, p. 370. Ipasulat ang sagot sa notbuk. Ipagawa ang Gawain C. Iwasto ang mga sagot. 6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 371.Pagtataya , p. 372 ng LM. Ipagawa angSusi sa PagwawastoMaaaring iba-iba ang sagot ng mga bata. Ipaliwanag, dagdagan, o iwasto kungkinakailangan.1. D2. B3. C4. D5. A1. Panandalian2. Pangmatagalan3. Panandalian4. Pangmatagalan5. PangmatagalanTakdang Gawain bilang 2. Ipaalaala na dapat maging orihinal ang iskit na itatanghal. Pangkatin ang klase sa apat. rubric sa pagmamarka ng iskit sa ibaba. Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay MahusayPagbibigay ng 4-5 2-3 0-1Diyalogo Malinaw, angkop Hindi gaanong Malabo at hindiMalikhain at ang lakas o hina ng malinaw at angkop maintindihan angEpektibong Galaw o boses. ang boses. pagbibigay ngPagkilos dayalogo. Malinaw at may Hindi gaanong paglalapat ang kilos- malinaw at lapat ang Walang pagkilos. galaw, ekspresyon pagkilos-galaw. ng mukha, diyalogo, atbp. 165

Kawastuhan ng Malinaw ang Hindi gaanong Malabo ang mensahe. malinaw angDiwang nais Ipahayag mensaheng nais mensahe. Walang bisa ang Hindi gaanong materyales.o Pinapagawa iparating. epektibo. Walang bagongMalikhaing Pagbubuo Epektibo ang Hindi gaanong kaalamang ibinahagi. malawak angat Paggamit ng mga mga materyales, kaalamang ibinahagi.Materyales nakadagdag sa ikahuhusay ng pagtatanghal.Nilalaman Malawak ang kaalamang ibinahagi.ARALIN 7 Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang KaunlaranLayuninNaipapaliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaranng bansa.Paksang AralinPaksa : Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang KaunlaranKagamitan : panulat at mga larawanSanggunian : Yunit 4, Aralin 7 Learner’s Material, pp. 373–377 K to 12 – AP4KPB-IVd-f-5PamamaraanA. Panimula 1. Magpakita ng 10 larawan sa klase. Nakalbong kalikasan Nagkalat na kabataan sa ilalim ng tulay Naglalakihang gusali Naggagandahang tulay at parke Masasaya at malulusog na kabataan Nag-aaral na mga kabataan, magandang pasilidad ng paaralan Mayabong na kalikasan Mga pangkat etniko na nag-aaral sa kani-kanilang komunidad Nakangiting mga pahinante o manggagawa Nagkakamayan na mga pinuno ng bansa 166

2. Tanungin ang mga mag-aaral kung ang larawan ay nagpapakita ng kaunlaran o hindi. Tanungin din kung bakit nila ito nasabi. 3. Magbigay ng pahapyaw na paglalarawan ng ibig sabihin ng salitang kaunlaran.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 373. 2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ng sagot ng mag-aaral. 3. Ipabasa ang aralin sa LM, pp. 373–375. 4. Talakayin isa-isa ang mga paraan ng pagtataguyod ng isang maunlad na lipunan. 5. Ipagawa ang mga gawain sa pp. 375–376 Ipabasa ang panuto sa Gawain A, p. 375 ng LM. Maaaring sagutin ang mga tanong nang pasalita o ipasulat sa notbuk. Mga tanong: > Ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa? > Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang bansa? > Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mama- mayan sa pag-unlad ng bansa? > Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa? > Magbigay pa ng mga paraan ng pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Talakayin ang mga sagot ng mga bata. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, p. 376 ng LM. Ipasulat ang sagot sa notbuk. Mga pangungusap: > May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang bansa. > Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat. > Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinag- tatrabaho. > Masaya ang nakararaming mamamayan sa panunungkulan sa pamahalaan. > Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao. > Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan. > Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa. 167

> Naaabuso ang mga likas na yaman. > Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas. > Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan. Pangkatin ang mga bata sa apat. Ipaliwanag ang panuto sa Gawain C, p. 376. Ibigay bilang halimbawa: > Ilalagay ito sa mukha ng isda. Piniling pahayag kung paano makakatulong sa pag-unlad ng bansa: Linangin ang sariling katalinuhan. > Ilagay sa mga tinik na bahagi sa itaas ng isda: Mag-aaral nang mabuti Hindi lumiliban o nahuhuli sa klase. Nag-aaral ng ibang kasanayan. > Ilagay sa mga tinik na bahagi sa ilalim ng isda ang mga halimbawa ng mga kabaliktarang detalye o dapat iwasan: Pagsasawalang bahala sa pag-aaral Hindi lubos na paggamit ng mga kasanayan Pagpapalampas sa mga oportunidad na mapaunlad ang sarili > Ilagay sa buntot ng isda ang titulo: Kabaliktaran ng paglinang sa sariling katalinuhan o mga dapat iwasan. Gabayan ang mga pangkat sa pagsagot. Ipaulat ang kanilang mga sagot sa klase. Iproseso ang mga sagot.6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 377.PagtatayaIpagawa ang , p. 377 ng LM.Gamitin ang rubric sa ibaba para sa gawain. Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay MahusayPaglalahad Malinaw ang Hindi gaanong Kailangan pangKatumpakan pagbibigay ng malinaw ang linawan ang diwang mensahe pagbibigay ng nais iparating mensahe Wasto ang diwang Kailangan pang nais iparating tungkol Hindi gaanong wasto wastuhin ang diwang sa ibinigay na paksa ang diwang nais nais iparating iparating 168

Paglalapat Kumpleto, angkop Hindi gaanong Kailangan pa ng at tama angCraft kumpleto, angkop at ibayong paglalapat saHikayat pagkakagamit ng salita tama ang pagkakalapat islogan at guhit at larawan/guhit ng salita sa larawan/ guhit Masinop ang Hindi gaanong pulido Kailangan pang pagkakagawa ang pagkakagawa pakinisin ang likha Malinaw at Hindi gaanong Kailangan pang nakapanghihikayat ang nakakahikayat ang paunlarin ang pahayag upang pahayag pahayag makapanghikayatTakdang Gawain Sumulat ng pagninilay-nilay kung ano ang maaari mong gawin upang magingbahagi ng pag-unlad ng bansa.Susi sa PagwawastoIba-iba ang maaaring sagot.May bilog na mga bilang ng pangungusap: 4, 5, 7, 10Maaaring iba-iba ang sagot.ARALIN 8 Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng BayanLayunin Naipapaliwanag kung paano nakakatulong sa pag-unlad ng bansa angpagpapaunlad ng sariling kakayahan at kasanayanPaksang AralinPaksa : Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng BayanKagamitan : panulat at tula, Sa Kabataang Pilipino ni Jose RizalSanggunian : Yunit 4 Aralin 8 Learner’s Material, pp. 378–381 K to 12 – AP4KPB-IVd-f-5 169

PamamaraanA. Panimula 1. Ipabasa nang malakas ang tula. Bigyang-konteksto ito. Sabihin: Nanalo ang tula ng unang gantimpala sa isang prestihiyosong paligsahan kung saan mas maraming Kastila ang lumahok. Nasa 16 na taong gulang pa lamang si Rizal noon. Ni Jose Rizal Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magiting na diwang puno sa isipan mga puso nami’y sa iyo’y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na’t lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo’y pawang nagsisikap. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomel na sa luha’y gamot at mabisang lunas sa dusa’t himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot Ikaw, na ang diwa’y makapangyarihan matigas na bato’y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo’y nagiging walang kamatayan. 170




















Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook