Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Magpagawa ng mga poster nanagpapakita ng mga paraan sa wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ngbansa. Pangkat 1 — Yamang lupa Pangkat 2 — Yamang mineral Pangkat 3 — Yamang tubig Ipaskil sa bulletin board ng paaralan ang ginawang poster upang makita ngmga kapuwa mag-aaral. Hikayatin ang mga magulang nila na tingnan ang mgaginawang poster ng kanilang mga anak.ARALIN 10 Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng BansaLayunin 1. Naiisa-isa ang magagandang tanawin at pook-pasyalan sa bansa 2. Nailalarawan ang katangian ng magagandang tanawin at pook-pasyalan sa bansa 3. Natutukoy ang kahalagahan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansang Pilipinas 4. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansang PilipinasPaksang AralinPaksa : Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng BansaKagamitan : mapa ng Pilipinas at mga larawan ng magagandang tanawin sa bansaSanggunian : Learner’s Material, pp. 73–79 K to 12PamamaraanA. Panimula 1. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-anong magagandang tanawin at pook-pasyalan ang makikita sa kanilang pamayanan. Ipalarawan ito at itanong kung bakit pinupuntahan nila ito at maging ng mga taga- ibang pamayanan. 2. Ipakita isa-isa ang magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino sa kanila ang nakapunta na sa mga lugar na ito. Ipalarawan at ipasabi kung ano ang mga naramdaman nila nang makita nila ang magagandang tanawin at pook- pasyalang ito.
3. Ipaliwanag sa kanila na ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ay bahagi ng likas na yaman ng bansa. 4. Sabihin din sa kanila na karamihan sa magagandang tanawin at pook- pasyalang ito ay nakikilala na sa buong mundo kaya maraming Pilipino at dayuhang turista na ang nagpupunta sa mga lugar na ito. 5. Iugnay ang mga ito sa aralin.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang maiksing artikulo sa Alamin Mo sa LM, pahina 74. 2. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. 3. Talakayin ang mga ibinigay na magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa. 4. Bigyang-diin ang sagot ng mga mag-aaral na angkop sa aralin. 5. Itanong: a. Ano ang islogan ng Kagawaran ng Turismo tungkol sa magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa? b. Paano inilarawan ang mga tanawin at pook-pasyalan? 6. Ipakita ang mga larawan. Tumawag ng mag-aaral sa bawat tanawin at magpasabi ng nalalaman nila tungkol sa magagandang tanawin at pook-pasyalan. a. Puerto Prinsesa Subterranean River b. Talon ng Maria Cristina c. Vinta sa Zamboanga d. Bundok Apo e. Philippine Eagle National Center f. Rizal Shrine g. Boracay Beach h. Chocolate Hills i. Tulay ng San Juanico j. Hagdan-hagdang Palayan k. Bangui Windmills l. Hundred Islands m. Bulkang Mayon n. Bulkang Taal 7. Tanungin ang mga mag-aaral ng mga dahilan kung bakit kahanga- hanga ang mga tanawing ito. Ipasulat ang mga dahilan sa pisara. 8. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Bumuo ng tatlong pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa p. 77 ng LM. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Pasagutan ang mga inihandang tanong. Ipaulat sa klase ang nabuong sagot.
Hayaang magbigay ng puna ang mga mag-aaral. Ipasulat sa pisara ang mga puna ng mga bata. Talakayin ang mga ito. Gamitin ang kaparehong pangkat sa naunang gawain. Hatiin ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ayon sa pangkat. Ipagawa ang isinasaad sa talahanayan. Magpagupit sa bond paper ng mga pangalan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan. Ipadikit ang mga ito sa mapa kung saan matatagpuan ang magagandang tanawin at pook-pasyalan. Ipaulat sa klase ang kanilang output. Hayaang magbigay ng puna ang mga mag-aaral. Ipasulat sa pisara ang kanilang mga puna. 9. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 78.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 79 ng LM.Takdang Gawain Magdala ng mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng mga rehiyon sa Luzon,Visayas, at Mindanao.Susi sa Pagwawasto Maaaring iba-iba ang sagot. Magagangdang Lugar kung Saan ito Natatanging Katangian nito Tanawin at Lugar Matatagpuan Pasyalan sa Bansa Isang tradisyunal na bangka naVinta Sa karagatan ng Zamboanga, may makukulay na banderitas. Mindanao Magandang bulkan na nasa gitnaBulkang Taal ng isang lawa Sa Lawa ng Taal sa lalawigan May hugis perpektong kono angBulkang Mayon ng Batangas sa Luzon bunganga ng bulkang ito. Tirahan ng bayani na si JoseRizal Shrine Sa lalawigan ng Albay sa Rizal rehiyong Bicol sa Luzon Sa lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte sa Mindanao
Chocolate Hills Sa lalawigan ng Bohol sa Tumpok-tumpok na mga burol, Kabisayaan kapag tag-araw, kulay tsokolateTarsier ang mga halaman sa mga burol.Hundred Islands Sa lalawigan ng Bohol saBoracay Beach Kabisayaan Pinakamaliit na unggoyBundok ng Apo Sa Golpo ng Lingayen, Pangasinan sa Luzon Tumpok-tumpok na mga pulo naBangui Windmills Sa lalawigan ng Aklan sa nagkalat sa Golpo ng Lingayen KabisayaanTulay ng San Juanico Sa pagitan ng mga lalawigan ng Pinong-pino ang maputing Davao at Hilagang Cotabato sa buhangin nito.Talon ng Maria Cristina Mindanao Pinakamataas na bundok saHagdan-hagdang Sa Bangui, Ilocos Norte bansa at tahanan ng mgaPalayan sa Luzon haribon, ang pambansang ibon ng PilipinasPhilippine Eagle Mga lalawigan ng Samar at LeyteNational Center sa Kabisayaan Malalaking elise na pinagkukunan ng lakas-enerhiya mula saKrus ni Magellan Sa Lanao del Norte, Mindanao hanginSto. Niño ShrinePuerto Prinsesa Sa Banaue, Ifugao sa Luzon Pinakamahabang tulay sa bansaSubterranean River na pinabibilis ang paglalakbay Sa Malagos, lalawigan ng Davao ng mga tao at pagdadala ng mga produkto sa maraming lugar sa Lungsod ng Cebu Isa sa pinakamataas na talon, sa Lungsod ng Cebu ang lakas nito ay nagtutustos sa malaking bahagi ng Mindanao Sa Puerto Prinsesa sa Palawan Hinubog ang palayang ito ng ating mga ninuno na isang patunay ng sipag at tiyaga ng mga Pilipino. Napasama ito sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites. Sentro kung saan kinukupkop at pinararami ang nanganganib na maubos na mga agila sa ating bansa Isang pananda ng kasaysaysan ng Pilipinas Dinarayo ng mga relihiyoso tuwing kapistahan nito ng Enero Mahabang ilog sa ilalim ng yungib na may mga batong stalactites at stalagmites. Napasama ito sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites.
Natutuhan Ko I. 1. J (Puerto Prinsesa Subterranean River) 2. I (Talon ng Maria Cristina) 3. H (Tulay ng San Juanico) 4. D (Bundok Apo) 5. E (Chocolate Hills) 6. F (Hagdan-hagdang Palayan) 7. B (Bulkang Mayon) 8. C (Bulkang Taal) 9. A (Boracay Beach) 10. G (Vinta)II. Maaaring iba-iba ang sagot. Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Magpagawa ng isang pangako sa wastong pangangalaga sa magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa. Ipaskil ito sa bulletin board ng paaralan na nakikita ng kapuwa mag-aaral, mga magulang, at bisita.ARALIN 11 Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng BansaLayunin 1. Nasasabi ang kahulugan ng topograpiya 2. Nailalarawan ang topograpiya ng sariling pamayanan at mga karatig- pamayanan sa sariling rehiyon 3. Naihahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon gamit ang mapa ng topograpiyaPaksang AralinPaksa : Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng BansaKagamitan : mapa ng PilipinasSanggunian : Learner’s Material, pp. 80–88 K to 12PamamaraanA. Panimula 1. Tumawag ng mga mag-aaral at itanong ang uri ng kapaligiran sa kanilang pamayanan. 2. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. Isulat ang mga ito sa pisara.
3. Ipangkat ang mga sagot ayon sa sumusunod: a. malapit sa mga ilog, tabing-dagat o iba pang anyo ng tubig b. malapit sa mga bundok o iba pang anyong lupa c. pamayanang urban o mga lungsod 4. Sabihin sa mga mag-aaral na ang mga ibinigay nilang sagot ay bahagi ng topograpiya at matutuhan nila sa araling ito ang kahulugan at kahalagahan ng topograpiya ng isang lugar.B. Paglinang 1. Sa pamamagitan ng mapa ng topograpiya ng Pilipinas, ipagawa ang isinasaad sa Alamin Mo sa LM, p. 81. 2. Maaaring ipaguhit ang hugis ng mapa ng Pilipinas sa kanilang kuwaderno. 3. Ipalista ang mga anyong tubig at anyong lupa na makikita sa bawat rehiyon ng bansa. 4. Ipagawa ang sumusunod: Bumuo ng limang pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa p. 86 ng LM. Pasagutan ang mga tanong 1–3. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Ipaulat ang ginawang output. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng puna. Ipasulat ang mga puna nila sa pisara. Talakayin ang mga puna. Iwasto kung kinakailangan. Gamitin ang kaparehang pangkat sa naunang gawain. Bigyan ng kani-kaniyang rehiyon ang bawat pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa p. 86 ng LM. Ipasagot at ipasulat sa manila paper ang sagot sa talahanayan sa gamit ang mapa ng topograpiya ng bawat rehiyon. Ipasulat din ang mga tanyag na anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa bawat rehiyon. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Ipaulat ang ginawang output. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng puna. Ipasulat ang mga puna nila sa pisara. Talakayin ang mga puna. Iwasto kung kinakailangan.
Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Paghambingin ang mga ginawang mapa ng topograpiya ng bawat lugar sa inyong rehiyon. Ipasulat sa pisara ang mga puna sa ginawang paghahambing ng topograpiya ng kani-kaniyang rehiyon. Ipaskil sa nakalaang lugar sa silid-aralan. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 87.Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, pp. 87–88.Takdang Gawain Itanong sa mga miyembro ng iyong pamilya: “Kung kayo ay papipiliin, saang rehiyon ninyo nais manirahan? Bakit?”Susi sa PagwawastoMaaaring iba-iba ang mga sagot.Maaaring iba-iba ang mga sagot.Maaaring iba-iba ang mga sagot.Natutuhan Ko Rehiyon IV–A I. 1. Bulkang Taal Rehiyon IV–A 2. Talon ng Pagsanjan Rehiyon IV–A 3. Bundok Banahaw Rehiyon I 4. Golpo ng Lingayen Rehiyon IV–A 5. Lawa ng Laguna Rehiyon I 6. Hundred Islands Rehiyon II 7. Ilog Cagayan Rehiyon IV–A 8. Lawa ng Taal Rehiyon V 9. Bulkang Mayon Rehiyon (NCR) 10. Look ng MaynilaII. 1. Pangasinan 2. Lambak ng Cagayan 3. Rehiyon III 4. Bundok Banahaw 5. Tangway
6. Lambak 7. Bundok Apo 8. Rehiyon II 9. Rehiyon XII10. National Capital RegionARALIN 12 Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa BansaLayunin 1. Natutukoy ang mga rehiyon at bilang ng populasyon nito gamit ang demographic map 2. Naihahambing ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa dami ng populasyon nito 3. Nasasaliksik kung bakit may mga rehiyon na napakarami at napakaliit na bilang ng populasyonPaksang AralinPaksa : Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa BansaKagamitan : demographic map, mga istrip ng kartolinaSanggunian : Learner’s Material, pp. 89–94 K to 12 AP4AAB-Ig-h-10PamamaraanA. Panimula 1. Magpalaro ng Blockbuster. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magpaunahan sa paghula sa mga salitang nagsisimula sa mga letrang LAPOSYOPUN na itatanong ng guro. Gumupit ng tig-1/4 na bond paper (Maaari ding kartolina) at isulat ang bawat letra, kapag nasagot ang tanong, ididikit sa pisara ang letra. Pagkatapos, ipabuo ang jumbled letters. (POPULASYON) Mga tanong: Anong L ang tawag sa anumang biyaya ng kalikasan? (Likas yaman) Anong A ang kontinenteng kinabibilangan ng Pilipinas? (Asya) Anong P ang lalawigang katatagpuan ng Underground River? (Palawan) Anong O ang bagyong nanalanta sa Kamaynilaan at nagpalubog sa malaking bahagi nito? (Ondoy) Anong S ang rehiyong katatagpuan ng Samar, Leyte at Biliran? (Silangang Visayas)
Anong Y ang pinakahilagang isla ng Pilipinas? (Y’ami)Anong O ang lungsod na matatagpuan sa Zambales? (Olonggapo City)Anong P ang prutas na may isang korona at maraming mata? (Pinya)Anong U ang isang bayan sa Pangasinan? (Urdaneta)Anong N ang tinatawag na tree of life? (Niyog)Itanong kung ano ang nabuong salita? (Populasyon)B. Paglinang 1. Itanong: Ano ang populasyon? 2. Talakayin ang nilalaman ng Alamin Mo sa LM, p. 89 gamit ang tsart at demographic map. Mas makabubuti na makapaghanda ng malaking mapa ng populasyon. 3. Cooperative Learning Technique (CLT). Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa ang Gawain A sa LM, p. 91 at ipaulat sa buong klase. Bigyang-pansin ang mga ginawang paghahambing ng bawat pangkat, Pagkatapos ng pag-uulat, muli itong balikan. 4. Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 92 (individual). Ipasulat ang sagot sa notbuk. Pagkatapos, talakayin ito sa klase. Bigyang-pansin ang sagot ng mga mag-aaral at ipasuri kung bakit ang mga ito ang may pinakamarami at pinakakaunting bilang ng populasyon. Isulat sa pisara ang mga sagot. 5. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 92. Magsaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit ang mga rehiyon sa Gawain B ang may mga pinakamalalaki at pinakamaliliit na bilang ng mga naninirahan. Isulat o i-print ang sagot sa maikling bond paper. Magtakda ng mag-aaral na mag-uulat sa buong klase. Ipaisa-isang muli ang mga pangunahing rehiyon na may pinakamalaki at pinakamaliit na populasyon. Habang nag-uulat, papunuan ang tsart.Mga rehiyong may Mga dahilan o Mga rehiyong may Mga dahilan pinakamalaking sanhi ng pagiging pinakamaliit na o sanhi ng populasyon malaking populasyon populasyon pagiging maliit na populasyon 6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa p. 92 ng LM.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. 93–94 ng LM.
Susi sa PagwawastoCALABARZON LUZON NCR CAR CARAGA 1.52 M LUZON12.61 M 11.86 M 2.42 M Unang Limang Pangkat ng Pulo na Unang Limang Pangkat ng Pulo na Rehiyon na May Kabilang Ito Rehiyon na May Kabilang Ito Pinakamalaking Pinakamaliit na 1. Luzon 1. Luzon Populasyon 2. Luzon Populasyon 2. Mindanao 3. Luzon 3. Luzon1. CALABARZON 4. Visayas 1. CAR 4. Luzon2. NCR 5. Visayas 2. CARAGA 5. Mindanao3. Gitnang Luzon 3. MIMAROPA4. Kanlurang 4. Lambak ng Visayas Cagayan5. Gitnang Visayas 5. Tangway ng ZamboangaNatutuhan Ko I. 1. CALABARZON 2. CAR 3. Luzon 4. 11.80 milyon 5. Dahil dito matatagpuan ang maraming pagkakakitaanII. 2 – Silangang Visayas 3 – Rehiyon ng Ilocos 1 – Tangway ng Zamboanga 4 – Rehiyon ng Bicol 5 – Gitnang Visayas 40
III. Maaaring magkaroon ng iba-ibang sagot. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka. Pamantayan 3 2 1 IskorNilalaman/ Punung-punoMakatotohanan ng mga ideya at Maganda Nagbanggit(2 puntos) makatotohanan ang ideya ng isang ideya (6) ngunit hindi ngunit hindiOrganisasyon makatotohanan makatotohanan(1 punto) Napakaayos ng (4) (2) pagkakalahadKabuuang (3) Maayos ang Magulo angPuntos = 9 pagkakalahad pagkakalahad (2) (1)ARALIN 13 Ang Pilipinas bilang BahagiLayunin 1. Nailalarawan ang lokasyon o kalagayan ng Pilipinas sa mapa ng mundo 2. Natutukoy ang implikasyon ng pagiging bahagi ng bansa sa Pacific Ring of Fire 3. Natutukoy ang mga lugar sa bansa na sensitibo sa panganib 4. Nagagawa ang maagap at wastong pagtugon sa mga panganibPaksang AralinPaksa : Ang Pilipinas bilang Bahagi ng Pacific Ring of FireKagamitan : mapa ng mundo, iba’t ibang uri ng hazard mapSanggunian : Learner’s Material, pp. 95–107 K to 12 AP4AAB-Ii-11 http://funny.picsource.biz/63155-world-map-political-map-of-the- world http://www.worldatlas.com/aatlas/infopage/ringfire.htm www.pagasa.dost.gov.ph www.ncsb.gov.ph http://www.maps.nfo.ph/philippines-tsunami-prone-areas www.phivolcs.dost.gov.ph 2014. Disaster Risk Reduction Management. Mandaluyong City. HYDN Publishing Agno, L.N. 1998. Edukasyong Araling Panlipunan. Quezon City. JMC Press, Inc. 41
PamamaraanA. Panimula 1. Magpakita ng mapa ng mundo. 2. Ipahanap sa mapa ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas. Ipaturo ito sa pamamagitan ng arrow strip. 3. Talakayin ang lokasyon ng Pilipinas gamit ang drill board. Ang klase ay hahatiin sa 4–5 pangkat, bawat miyembro ay bibigyan A – bilang 1, B – bilang 2... hanggang mabigyan ang lahat ng takdang bilang. Ang bawat tanong ng guro ay sasagutin sa drill board ng tatawaging numero. Ang makakuha ng tamang sagot ang siyang magkakapuntos. Bigyang-pansin ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.B. Paglinang 1. Itanong: Ano ang Pacific Ring of Fire? Ano ang iba pang tawag dito? Pabigyang-pansin ang mapa ng Pacific Ring of Fire. Maghanda at ipakita ang malaking mapa ng Pacific Ring of Fire. 2. Talakayin ang mga impormasyon tungkol sa Pacific Ring of Fire. Bigyang-pansin ang implikasyon nito sa mga tao, likas na yaman, at teritoryo. 3. Ibigay bilang Takdang Aralin. Pag-usapan ang sagot sa ginawang pananaliksik at ilahad sa klase.Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat.Magsaliksik sa maaaring maging implikasyon sa tao/mamamayan,likas na yaman, at teritoryo ng pagiging bahagi ng Pilipinas sa PacificRing of Fire. Pagkatapos magbigay ng sariling opinyon hinggil dito. Implikasyon Pananaliksik OpinyonSa Tao/MamamayanSa Likas na YamanSa Teritoryo4. Ipagawa ang Gawain A sa p. 104 ng LM.5. Ipagawa ang Gawain B sa p. 104 ng LM mula sa ibinigay na Takdang Aralin. Ilahad sa klase at magkaroon ng malayang talakayan.6. Talakayin ang epekto ng kalagayan ng Pilipinas sa Pasipiko at iba pang mga panganib na lugar dahil sa kalamidad.7. Ipakita ang hazard map ng lindol, landslide, tsunami, bagyo, storm surge, at baha. Ipasuri at ipatukoy ang mga lugar na panganib sa mga kalamidad na ito. Talakayin ang nilalaman ng bawat hazard map at 42
ang mga paghahanda na dapat gawin gayundin ang mga ahensiya ng pamahalaan na namamahala o responsable sa mga ganitong pagkakataon. 8. Ipagawa ang Gawain C sa p. 105 ng LM. Tandaan ang mga hakbang sa pagsasagawa ng sociodrama: a. Paglalahad ng suliranin b. Paghahanda ng pangkat c. Pagpili sa mga magsisiganap d. Paglalahad ng mga gawain ng aktor e. Pagtulong sa mga mag-aaral sa magaling na pakikinig at pagsusuri f. Pagsasadula ng sitwasyon g. Pagsusuri at talakayan tungkol sa sitwasyon10. Ipagawa ang Gawain 4. Pagkatapos, kumuha ng kapareha. Ibahagi ang sagot (dyad). Tumawag ng 3–4 na mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa klase.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 106 ng LM.Susi sa Pagwawasto I. 1. Pacific Ring of Fire 2. Phivolcs 3. Signal no. 4 4. coastal 5. Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services AdministrationII.Sitwasyon Nararapat GawinBabala ng Bagyo Bilang 3 Ang mga nasa mabababang lugar ay kailangang lumikas sa matataas na lugar. Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog.Tsunami Alert Level 1 Ang mga komunidad malapit sa tabing dagat ay kailangang maging alerto sa posibilidad ng paglikas.Lumilindol sa Paaralan Duck, cover, at hold Manatili rito hanggang matapos ang pagyanig.Masyadong Malakas ang Ulan Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na lugar.na Maaaring magdulot ng Maging kalmado, huwag mag-panic.Pagbaha Lumikas patungo sa mataas na lugar. Maghanda ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, damit, at gamot.
III. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot. Tunghayan ang rubrik sa pagmamarka. Siguraduhing naibigay ang rubrik sa pagmamarka. Kraytirya Natatangi (4) Natutupad (3) Nalilinang (2) Nagsisimula (1)Paksa Magkakaugnay May kaugnayan WalangNilalaman Malinaw ang ang mga ang ilang kaugnayan ang pahayag at pahayag. pahayag sa mga pahayagPagkamaka- magkakaugnay. paksa. sa paksa.totohanan Maayos Hindi Maganda at ngunit may Hindi makahulugan maayos, may ilang pahayag maliwanag ang mga kahulugan at ang walang ang simula detalye sa kaugnayan kaugnayan at katapusan proyekto. ang simula sa hakbang ng nabuong at katapusan o proyektong proyekto. Walang ng hakbang/ ginawa. katotohanan proyektong Hindi gaanong ang mga ginawa. Makatotohanan makatotohanan hakbang na ang mga ang mga binuo. Lubhang hakbang na hakbang na makatotohanan binuo. binuo. ang mga hakbang na binuo.ARALIN 14 Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng BansaLayunin 1. Naiisa-isa ang katangiang pisikal ng bansa 2. Naiuugnay ang kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansaPaksang AralinPaksa : Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng BansaKagamitan : larawan ng mga tanawin/katangiang pisikal, mapa ng Pilipinas, mga istrip (kartolina kung saan nakasulat ang mga katangiang pisikal)Sanggunian : Learner’s Material, pp. 108–114 K to 12, AAAP4AAB-Ii-j-12; AP4AAB-Ij-13 http://www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx http://www.8thingstodo.com/banaue-rice-terraces-philippines 44
https://www.google.com.ph/search?q=pagsanjan+falls http://commons.wikimedia.org/wiki/Atlas_of_the_Philippines https://www.google.com.ph/search?q=underground+river+in+ palawan&client http://www.trekearth.com/gallery/Asia/Philippines/Central_ Visayas/Bohol/Loboc/photo336245.htm http://achividaryan.wordpress.com/mayon-volcano-2/ http://traveldelights.wordpress.com/2012/01/18/the-philippines- 7-107-islands-7-107-adventures/ http://www.fabulousphilippines.com/banaue.html http://www.boracayrates.net/fridays_boracay.htm http://reviews.visitpinas.com/203/pagsanjan-falls/ http://www.philippinebeaches.net/2010/05/mount-pinatubo-and- its-beauty-after-the-eruption/ http://lucbanhistoricalsociety.blogspot.com/2013/08/history-of- banahaw-volcano-eruption.html http://www.philippinen-reisen.com/amainen/index.php/places/ luzon-northern/benguet/baguio-city/ http://worldcometomyhome.blogspot.com/2013/08/0786- philippines-visayas-chocolate.html http://rbs.gtatravel.com/hk/promo/A4A/images/man/Tagaytay.jpg http://billyjawboiles.wordpress.com/2014/01/20/ https://c2.staticflickr.com/8/7009/6785000709_f5b2122f34_z.jpg http://www.hotelcaritabanten.com/foto_berita/27banana1.jpg http://1.bp.blogspot.com/-fbqNtEFEEng/UkwNDW9ROxI/ AAAAAAAAAB4/zxxCg9BaM24/s1600/brp.jpgPamamaraanA. Panimula 1. Paint Me A Picture. Hatiin ang klase sa 4–5 pangkat. Bilang balik- aral, magpa-Paint Me A Picture tungkol sa kalagayan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire at ibang panganib na lugar sa bansa. Magbigay ng mga katanungan, halimbawa: Bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire, paano mo ilalarawan ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar? Magbigay ng isang minutong paghahanda. Pagkatapos ng isang minuto, kinakailangang lahat ng pangkat ay naka-freeze saka iisa- isahin ng guro ang pagkakalarawan ng bawat pangkat. Ang may pinaka-angkop na paglalarawan ang siyang makakukuha ng puntos. Bigyang-pansin din ang mga paghahandang dapat gawin ng mga tao kapag may paparating na kalamidad. 45
Paglinang 1. Itanong: Paano mo ilalarawan ang Pilipinas? Pabigyang-kahulugan ang salitang arkipelago. 2. Talakayin ang mga katangiang pisikal na binanggit sa panimula bilang 2. Bigyang-pansin ang mga kilalang anyong lupa at tubig na nagpapasigla sa turismo ng bansa. Isa-isahin at ipatukoy ang mga larawan habang ipinakikita o idinidikit sa pisara ang mga ito. Itanong din ang lugar kung saan ito matatagpuan. Itanong kung gaano kahalaga ang turismo sa bansa. Pabigyang-pansin ang datos mula sa Kagawaran ng Turismo. Talakaying mabuti ang mga ito at iugnay sa pag-unlad ng bansa. Gayundin ang iba pang kapakinabangan na maaaring makuha sa lupa at tubig. Bigyang-pansin ang mga larawan. 3. Itanong: Maliban sa pagkakakitaan o kabuhayan na napapakinabangan ng ating bansa dahil sa katangiang pisikal nito, ano naman kayang katangian ng mga Pilipino ang napaunlad nito? Magpa-role play tungkol sa mga katangian ng mga Pilipino na napaunlad dahil sa iba’t ibang katangiang pisikal nito. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang ugali/ katangiang napaunlad. Halimbawa: Pagiging matatag – dahil sa iba’t ibang uri ng kalamidad na dumarating sa bansa. 4. Ipagawa ang Gawain A. Gumamit ng rubric para dito. 5. Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipagawa ang isinasaad sa Gawain B. Patnubayan ang mga bata sa pag-a-upload ng patalastas sa social media. Gumamit ng rubrik para sa gawain. 6. Ipaisa-isa ang nilalaman ng Tandaan Mo sa LM, p. 111.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 112 ng LM.Susi sa Pagwawasto I. 1. Underground River 2. Banawe Rice Terraces 3. Pagsanjan Falls 4. Mayon Volcano 5. Windmill Rubric para sa IsloganNilalaman 8–10 5–7 3–4 1–210 puntos Medyo magulo Ang mensahe Di gaanong ang mensahe. WalangPagkamalikhain ay mabisang naipakita ang mensaheng8 puntos naipakita. mensahe. Maganda ngunit naipakita. di gaanong Napakaganda at Maganda at malinaw ang Di maganda napakalinaw ng malinaw ang pagkakasulat ng at malabo ang pagkakasulat ng pagkakasulat ng mga titik. pagkakasulat ng mga titik. mga titik. mga titik. 46
Kaugnayan sa 6–7 4–5 2–3 1Paksa7 puntos May malaking Di gaanong Kaunti lamang Walang kaugnayan naipakita ang ang kaugnayan kaugnayan sa paksa ang kaugnayan ng islogan sa sa paksa ang islogan. sa paksa ang paksa. islogan. islogan.Kalinisan 4–5 2 15 puntos 3 Malinis na Di gaanong Marumi angKabuang Puntos malinis ang Malinis ang malinis ang pagkakabuo.= 30 pagkakabuo. pagkakabuo. pagkakabuo. Rubric para sa Patalastas Pamantayan 3 2 1 IskorNilalaman/ Punung-puno Maganda angMakatotohanan ng mga ideya at ideya ngunit hindi Nagbanggit(2 puntos) makatotohanan makatotohanan ng isang ideya (6) (4) ngunit hindiOrganisasyon makatotohanan(1 punto) Napakaayos ng Maayos ang (2) pagkakalahad pagkakalahadKabuuang (3) (2) Magulo angPuntos = 9 pagkakalahad (1)II. Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na mga katangiang pisikal sa pag- unlad ng bansa. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo. Katangiang Pisikal Kahalagahan (mga posibleng sagot)Bulubundukin Nagsisilbing pananggalang sa mga parating na bagyo,Dalampasigan pagsasaka at pagmimina, maaari ding sa turismoBulkanTalon Turismo, pangingisdaKapatagan Turismo, pagsasaka Turismo, hydropower Pagsasaka, Pagawaan, at Komersiyo 47
Lagumang Pagsusulit UNANG YUNITSagutin ang mga tanong ayon sa hinihingi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.I. KAALAMAN (15%)Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng sagot.1. Ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyongTimog-silangang Asya ay ang ____________.a. Indonesia c. Pilipinasb. Malaysia d. Thailand2. Ang samahang politikal na itinataguyod ng tao at may layuningtugunan ang kanilang mga pangangailangan ay tinatawag na____________.a. bansa c. soberanyab. teritoryo d. pamahalaan3. Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na maykinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang nakaaapekto sapamumuhay ng mga nilalang dito ay ____________.a. amihan c. klimab. bagyo d. monsoon4. Ang pagsasalarawan ng hugis pang-ibabaw ng isang lugar o rehiyon samapa ay tinatawag na ____________.a. tropikal c. populasyonb. arkipelago d. topograpiya5. Ang mapa ng populasyon ay tinatawag ding ____________.a. climate map c. economic mapb. physical map d. demographic map6. Batay sa sensus ng 2010, ang rehiyon na may pinakamalaking sukat atang may pinakamalaki ring bilang ng naninirahan ay ang ____________.a. CAR c. ARMMb. NCR d. CALABARZONII. PROSESO/KASANAYAN (25%) A. Gawin ang sumusunod: 7. Tingnan ang mapa ng mundo sa pahina 10 ng inyong LM. Ano ang masasabi mo sa lawak nito kung ihahambing sa China? 8. Ano ang kaibahan ng tsunami sa storm surge? 9. Suriing muli ang hazard map ng Pilipinas sa inyong LM. Aling mga lalawigan sa bansa ang may higit na panganib sa lindol? 10. Ano ang mga kailangang gawin kung may darating na bagyo sa inyong lugar? 48
11. Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan. 12. Nasa timog ng Indonesia ang Pilipinas. 13. Napakalapit ng bansang India sa Pilipinas kung ihahambing sa Taiwan. 14. Napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas. 15. Ang Pilipinas ay nasa kanluran ng Karagatang Pasipiko.A. Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (3) ang bilang ng dapat na gawin ng isang batang Pilipino batay sa iyong mga natutuhan. 16. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mamamayan ang mga likas na yaman ng bansa? 17. Ano ang ipinahihiwatig ng kinaroroonan ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire? 18. Ipaliwanag ang kahalagahan ng tao, teritoryo, pamahalaan, at kalayaan sa pagbubuo ng isang bansa. 19. Ilarawan ang katangiang pisikal ng inyong lalawigan. 20. Ipaliwanag kung paano maging handa sa pagdating ng bagyo.B. Tingnan ang sumusunod na mapa. Lagyan ng tsek (3) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng totoo tungkol sa bansang Pilipinas batay sa heograpiya nito. 49
29–40. Paggawa ng Leaflet o Brochure Magkakaroon ng kumbensiyon tungkol sa turismo at kagandahanng Asya upang palakasin pa ang turismo sa mga bansa rito. Dadalo sakumbensiyong ito ang mga may-ari ng travel agency sa iba’t ibang bansa saAsya at mga kinatawan ng Kagawaran ng Turismo. Bilang isang advertiserng sikat na travel agency sa bansa, layunin mong ipagmalaki ang bansangPilipinas kaya hihikayatin mo ang iba pang may-ari ng travel agency naisama ang Pilipinas sa Asia Tour Package na pinapatalastas nila. Gagawa kang leaflet o brochure na magpapakita ng lokasyon, topograpiya, at iba pangmaipagmamalaki ng Pilipinas kasama ang klima at mga nararapat gawin opaghandaan sa pagtungo sa bansa. Sa pagsasagawa mo ng leaflet o brochure, isaalang-alang ang nilalamanat konsepto, presentasyon at kalinisan, at pagkamalikhain at organisasyonng iyong gawa. 50
Yunit II Lipunan, Kultura, at Ekonomiya ng Aking Bansa Tatalakayin ang paglalarawan ng mga gawaing pangkabuhayan sa iba’tibang lokasyon ng bansa bilang pambungad na aralin ng yunit. Ipababatid samga bata ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay, ipahahambingang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t ibang lokasyon ng bansa, atpabibigyang-katuwiran ang pag-aangkop na ginagawa ng mga tao sa kapaligiranupang matugunan ang kanilang pangangailangan. Tatalakayin din ang iba’t ibangkapakinabangang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa. Ipasusuridin ang kahalagahan ng matalinong pagpapasiya sa pangangasiwa ng mga likasna yaman. Kaakibat nito ang pagtatalakay ng ilang mga isyung pangkapaligiran;pagpapaliwanag sa matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ngmga likas na yaman; at pagtatalakay sa matalinong pangangasiwa ng likas nayaman sa pag-unlad ng bansa. Idagdag pa rito ang pagtalakay sa mga pananagutanng bawat kasapi sa pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa. Sadakong huli ay pagbibigayin ang mga bata ng mungkahing paraan sa wastongpangangasiwa ng likas na yaman. Ipauunawa rin sa mga bata ang kaugnayan ngpagtangkilik sa sariling produkto sa pag-unlad at pagsulong ng bansa. Ang mgahamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan sa bansa ay tatalakayindin. Sa dakong huli ay hihimukin ang mga bata na makilahok sa mga gawainglumilinang sa pangangalaga, at magsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mgalikas na yaman ng bansa. Ang ikalawang bahagi ng Yunit II ay tatalakay sa pagkakakilanlang kulturalng bansa. Sisimulan ito sa paglalarawan ng pagkakakilanlang kultural ngPilipinas. Mailalarawan itong mabuti sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga ilanghalimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon ng bansa; pagtalakay sakontribusyon ng iba’t ibang pangkat sa kulturang Pilipino; at pagtukoy sa iba’tibang pamanang pook bilang bahagi ng pagkakakilanlang kulturang Pilipino.Magkakaroon din ng pagsusuri sa papel na ginagampanan ng kultura sa pagbuo ngpagkakakilanlang Pilipino. Ipakikita rin ang kaugnayan ng heograpiya, kultura,at pangkabuhayang gawain sa pagbuo ng pagkakakilanlang Pilipino. Tatalakayindin ang kahulugan ng pambansang awit at watawat bilang mga sagisag ng bansa.Sa pagtatapos ng yunit ay hihimukin ang mga bata na makabuo ng plano namagpapakilala at magpapakita ng pagmamalaki sa kultura ng mga rehiyon samalikhaing paraan. Pagsusulatin din ang mga bata ng sanaysay na tatalakay sapagpapahalaga at pagmamalaki ng kulturang Pilipino. Sa pangkabuuan, mithiin ng yunit na ito na masuri ng mga mag-aaral angiba’t ibang gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad athamong kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad. 51
Inaasahan din na maipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sapagkakakilanlang Pilipino batay sa pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mgapamayanang kultural. Kaakibat ng mga mithiing ito ang mga kasanayanginaasahan sa bawat mag-aaral. Inaasahang maipakikita ng mga bata angpagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan nanakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.Gayundin ang pagmamalaki sa pagkakakilanlang kultural ng Pilipino bataysa pag-unawa, pagpapahalaga. at pagsusulong ng pangkat kultural, pangkatetnolingguwistiko, at iba pang pangkat panlipunan na bunga ng migrasyon atinter-marriage.ARALIN 1 Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng HanapbuhayTakdang Panahon: 1 arawLayuninNailalarawan ang mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang lokasyon ng bansa 1. Natutukoy ang mga uri ng hanapbuhay sa kapaligiran 2. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ritoPaksang AralinPaksa : Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng HanapbuhayKagamitan : graphic organizer, mga babasahin, mga larawan ng iba’t ibang uri ng hanapbuhaySanggunian: Learner’s Material, pp. 116–119 CG AP4LKE – IIa-1 Palu-ay, Alvenia P. (2006). Makabayan: Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang, LG & LM, p. 43 Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedyaIntegrasyon: Pagpapahalaga sa kapaligiran at kaugnayan nito sa uri ng hanapbuhayPamamaraanA. Panimula 1. Ganyakin ang mga mag-aaral sa isang paglalakbay gamit ang kanilang imahinasyon o imaginary field trip. Sabihin ito habang nagpapatugtog ng musikang instrumental. (Gumawa ang guro ng sariling script kung paano gagawin ang imaginary field trip.) 2. Maghanda ng larawan ng mga uri ng hanapbuhay upang maipakita pagkatapos ng gawain. 3. Itanong: a. Ano ang napansin ninyo sa larawan? b. Ano-anong uri ng hanapbuhay ang nakikita ninyo sa larawan? c. May kaugnayan kaya ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng isang rehiyon? Paano mo ito nasabi? 52
4. Isulat ang mga sagot ng mga bata sa pisara. 5. Iugnay ang mga ito sa araling tatalakayin.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 116. 2. Magkaroon ng brainstorming ayon sa mga tanong na ukol sa paksa. Saan kayo nakatira? Anong hanapbuhay mayroon sa inyong lugar? May kinalaman ba ang hanapbuhay sa inyong lugar sa kinaroroonan o lokasyon nito? 3. Tanggapin ang lahat ng mga kasagutan ng mga bata. 4. Ipabasa ang nilalaman ng babasahin sa LM, p. 117. 5. Talakayin ang aralin at bigyang-diin ang angkop na sagot ng mga bata. a. Ano ang kapaligiran? b. Bakit mahalaga ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng mga tao? c. May pagkakaugnay ba ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng isang tao? Ipaliwanag. 6. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. 7. Ipagawa ang sumusunod: Gawain A Bumuo ng apat na pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa Gawain A sa LM, p. 118. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang maisagawa nang maayos ang mga gawain. Ipakita sa klase ang natapos na gawain. Gawain B Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 118. Ipaliwanag sa mga bata na ang sagot nila rito ay batay sa ginawa nila sa Gawain A. Ipasulat ang kasagutan sa sagutang papel. Gawain C Ipaliwanag ang panuto sa Gawain C sa LM, p. 118. Ipagawa ito sa mga bata. Bigyan sila ng sapat na oras sa pagsasagawa ng gawain. Ipasulat ang kanilang sagot sa notbuk. 8. Talakayin isa-isa ang bawat gawain. 9. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 119.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 119. 53
Takdang Gawain Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay na naaangkop sa iba’t ibang lokasyon ng bansa. Isulat ito sa notbuk sa Araling Panlipunan.Susi sa PagwawastoGawain APagsusuri sa poster: Iba-iba ang sagot. Pamantayan Batayang Puntos 5A. Nilalaman 3 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng pangkat sa kanilang 1 gawain/output. 2. May mga ilang detalye na hindi maayos na naipaliwanag o 5 nailahad ng pangkat. 3 3. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang pangkat. 1B. Kagamitang Biswal 5 1. Angkop ang mga kagamitang biswal na ginamit ayon sa hini- hingi ng gawain. Kumpleto itong naglalarawan o naglalaman ng 3 mga kaalaman na dapat mailahad sa klase. 1 2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang biswal at hindi 15 kumpletong naglalarawan o naglalahad ng tumpak na katu- gunan o kaalaman na dapat makita ng klase. 3. Walang handang biswalC. Pakikiisa ng bawat Miyembro sa Gawain 1. Lahat ay nakiisa sa pangkatang gawain at naglahad ng kanilang kaalaman at kasanayan na kakailanganin sa gawaing iniatang. 2. May dalawa o higit pang miyembro ang hindi nakiisa sa gawain. 3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ng pangkat.Kabuuang PuntosGawain BIba-iba ang sagot.Gawain C 1. pagsasaka 2. pangingisda 3. pagtatanim 4. pagtatanim 5. pangingisda 54
Natutuhan Ko 1. pagtatanim 2. pagdadaing 3. pagsasaka 4. pag-aalaga ng hayop 5. pangingisdaARALIN 2 Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Ibang Lokasyon ng BansaLayunin 1. Natutukoy ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t ibang lokasyon ng bansa 2. Naihahambing ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t ibang lokasyon ng bansa tulad ng pangingisda, paghahabi, pagdadaing, at pagsasaka 3. Nabibigyang-katuwiran ang pag-aangkop na ginagawa ng mga tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang pangangailanganPaksang AralinPaksa : Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Ibang Lokasyon ng BansaKagamitan : mga larawan ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay, mga larawan ng iba’t ibang produkto at kalakalSanggunian : Learner’s Material, pp. 120–126 CG AP4LKE – IIa-1 Agbon, Zenaida C. (2002). Pilipino, sa Isip, sa Salita, sa Gawa 3. Diwa Scholastic Press Inc. pp. 56-66.Integrasyon : Pagmamalaki sa mga produkto at kalakal ng bansa at mga gawaing siningPamamaraanA. Panimula 1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga produkto at kalakal. 2. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagtanong ng mga sumusunod: a. Ano-anong produkto at kalakal ang nakikita ninyo sa larawan? b. Saang lugar matatagpuan o makikita ang mga produkto at kalakal na inyong binanggit? c. May pagkakaiba ba ang mga produkto at kalakal na makikita sa bawat lugar? Paano ninyo nasabi? Ipaliwanag. 55
B. Paglinang 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima at bigyan ng flashcard na may nakasulat na uri ng hanapbuhay. Pangkat I – Pangingisda Pangkat 2 – Pagmimina Pangkat 3 – Pagsasaka Pangkat 4 – Pag-aalaga ng hayop Pangkat 5 – Paghahabi 2. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at panulat. Ipasulat sa bawat pangkat ang alam nilang mga produkto at kalakal na naaayon sa hanapbuhay na nakatakda para sa kanila. 3. Ipaulat ang mga gawa ng bawat pangkat. Sabihin sa mga mag-aaral na unawaing mabuti kung ang kanilang mga sagot ay tumutugma sa aralin na kanilang gagawin. 4. Ilahad ang aralin gamit ang susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 120. 5. Ipabasa at talakayin sa mga mag-aaral ang babasahin sa Alamin Mo sa LM, pp 121–124 at ipasagot ang sumusunod na mga tanong. a. Ano-anong produkto at kalakal ang makukuha sa pangingisda? pagsasaka? pagmimina? paghahabi? pag-aalaga ng hayop? b. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t ibang lokasyon sa bansa? c. Paano iniaangkop ng mga tao ang kanilang gawain sa lugar na kanilang kinalalagyan? d. Bakit mahalaga ang lokasyon ng bansa sa mga pangunahing produkto at kalakal nito? 6. Ipagawa ang Gawain A sa LM p. 125 sa notbuk. Ipaliwanag nang mabuti ang panuto upang maunawaan ng mga bata. Bigyan ng sapat naa oras sa pagsasagawa ng gawain. 7. Hatiin ang mag-aaral sa limang pangkat para sa Gawain B sa LM, p. 125. Bigyan ng manila paper at pentel pen ang bawat pangkat. Ibigay ang sumusunod na panuto sa bawat gawaing isasagawa ng mga mag- aaral. a. Gamit ang Venn diagram, pumili ng dalawang lokasyon ng bansa. b. Itala ang mga produkto at kalakal na makukuha rito. c. Ihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga produkto at kalakal. 8. Iuulat ng bawat pangkat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga produkto at kalakal na matatagpuan sa dalawang lokasyon. 9. Ipagawa ang Gawain C sa p. 125 ng LM gamit ang dating mga pangkat at ang Venn Diagram sa Gawain B. Ipaliwanag nang mabuti ang panuto. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng gawain. 10. Talakayin isa-isa ang mga gawaing isinagawa ng mga mag-aaral. Bigyang-pansin ang mahahalagang impormasyong dapat matutunan ng mga bata. 11. Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan Mo, p. 125 ng LM. 56
Pagtataya Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM, p. 126.Susi sa PagwawastoNatutuhan Ko I. 1. C 2. F 3. A 4. B 5. EII. Iba-iba ang maaaring sagot. Lokasyon Produkto at Kalakal Misamis Oriental Pinya, langis ng niyog, niyog, palay, abaka Bukidnon Palay, mais, tubo, kape, rubber, pinya, mga gulay Cebu Mina ng copper; produkto mula sa kahoy; mga pagkain gaya ng litson, danggit, otap, at sitsaron; Camarines Norte mga gawang kamay; gitara Mina ng ginto, niyog, prosesong pagkain, mga gulayARALIN 3 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na YamanTakdang Panahon: 3 arawLayuninNaipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas nayaman ng bansaPaksang AralinPaksa : Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na YamanKagamitan : crossword puzzle, graphic organizer, at tsartSanggunian : Learner’s Material, pp. 127–131 CG AP4LKE – IIb – 2PamamaraanA. Panimula 1. Pasagutan ang crossword puzzle na nasa LM, p. 128. 2. Maaaring palakihin ang puzzle at ipaskil sa pisara. 3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata at iugnay sa aralin. 57
B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. 127. 2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ng mga tanong. 3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa paglinang ng aralin. 4. Ipabasa ang babasahin sa LM, pp. 128–129. 5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa LM pp. 129–130. 6. Bigyang-diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga pakinabang na pang-ekonomiko ng mga pinagkukunang-yaman. 7. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Mo sa LM p. 130. Gawain A (Indibiduwal na Gawain) Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A. Sabihin sa mga mag-aaal na maaari silang sumangguni sa LM, pp. 128–129. Gawain B (Pangkatang Gawain) Hatiin ang klase sa dalawang pangkat para sa pagdedebate. Ilahad ang paksang pagtatalunan at ang paraan ng pagbibigay ng opinyon at panig tungkol sa paksa. Bigyan ng sapat na panahon upang makapaghanda at makapagbuo ng pangangatuwiran ang bawat panig. Wakasan ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagwawasto sa ilang ideya na salungat sa paksa. Gawain C (Indibiduwal na Gawain) Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang poster. Bigyang-diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa poster na gagawin. Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain. Ipakita sa klase ang nagawang poster para sa kanilang pagpa- paliwanag tungkol sa nilalaman ng kanilang ginawa. 8. Bigyang-diin at pansin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 131.Pagtataya Basahin at pasagutan sa papel ang Natutuhan Ko sa LM, p. 131. 58
Takdang Aralin 1. Magsagawa ng pananaliksik sa inyong lugar tungkol sa likas na yaman na nagdudulot ng kapakinabangan at di-kapakinabangan sa ekonomiya ng bansa. 2. Magtanong sa mga taong nakakatatanda at may kaalaman tungkol dito. 3. Isulat sa 1/2 manila paper. 4. Iulat sa buong klase ang nasaliksik.Susi sa PagwawastoAlamin MoPababa 1. palay 3. marmol 4. durian 5. langisPahalang 2. marmol 6. niyog 7. isda 8. trosoARALIN 4 Mga Isyung Pangkapaligiran ng BansaTakdang Panahon: 2 arawLayunin 1. Natatalakay ang ilang isyung pangkapaligiran sa bansa 2. Napahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran sa bansaPaksang AralinPaksa : Mga Isyung Pangkapaligiran sa BansaKagamitan : larawan o video ng mga isyung pangkapaligiran ng bansaSanggunian : Learner’s Material, pp. 132–135 CG AP4LKE – IIb-d-3 http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mabuti_at_masamang_ epekto_ng_industriyalisasyon_sa_kalikasan http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_dahilan_ng_pagkaubos_ng_ puno_sa_kagubatanIntegrasyon : Sining, pagpapahalaga sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran 59
PamamaraanA. Panimula 1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mga likas na yaman ng bansa. 2. Ipagawa ang panimulang gawain ukol sa mga isyung pangkapaligiran ng bansa. Panuto: Pagtapatin ang mga larawan sa hanay A at isyung tinutukoy nito sa hanay B. AB 1. a. Pagkakaingin 2. b. Industriyalisasyon 3. c. Reforestation 4. d. Illegal logging 3. Iwasto ang sinagutang gawain ng mga bata. 60
B. Paglinang 1. Ipakita ang mga larawan o video na nagpapakita ng mga isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan at itanong ang mga tanong sa Alamin Mo sa LM, pp. 132–133. 2. Isulat/Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata. 3. Iwasto at ulitin sa mga bata ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. 4. Ipagawa ang Gawain A. Tingnan sa LM, p. 134. 5. Iwasto ang mga kasagutang ibinigay ng mga bata. 6. Pangkatin sa apat ang mga bata. 7. Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 135. Patnubayan ang mga bata habang ginagawa ang takdang gawain. 8. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 135. Bigyan sila ng sapat na oras sa pagsasagawa ng gawain. 9. Gumamit ng rubric sa pagsasadula na nauukol sa mga isyung pangka- paligiran na gagawin ng bawat pangkat. 10. Bigyang pansin at diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, pahina 135.Pagtataya Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM, p. 135.Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan o newsclips mula sa pahayagan tungkol sa mgaisyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na maaaring nangyayari din sa inyonglugar. Ipaskil ito sa bulletin board.Susi sa PagwawastoPanimula 1. C 2. E 3. A 4. BGawain A 1. Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan 2. Kaingin 3. Walang habas na pagpuputol ng mga puno 4. Labis na pagbuga ng usok ng mga sasakyan at industriya 5. Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulanGawain BTingnan ang sagot ng mga pangkat. Itama kung kinakailangan. 61
Gawain C Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Pangkatang Gawain C Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Mahusay 4-5 2-3 0-1Pagbibigay ngDiyalogo Malinaw, angkop Hindi gaanong Malabo at hindi ang lakas o hina ng malinaw at angkop maintindihan ang boses. ang boses. pagbibigay ng dayalogo.Malikhain at Malinaw at may Hindi gaanong Walang pagkilos. malinaw at lapat angEpektibong Galaw o paglalapat ang kilos- pagkilos-galaw. Malabo ang mensahe.Pagkilos galaw, ekspresyon ng mukha, diyalogo, Hindi gaanong Walang bisa ang atbp. malinaw ang materyales. mensahe.Kawastuhan ng Malinaw ang Hindi gaanong Walang bagong epektibo. kaalamang ibinahagi.Diwang nais Ipahayag mensaheng nais Hindi gaanongo Pinapagawa iparating. malawak ang kaalamang ibinahagi.Malikhaing Pagbubuo Epektibo angat Paggamit ng mga mga materyales,Materyales nakadagdag sa ikahuhusay ng pagtatanghal.Nilalaman Malawak ang kaalamang ibinahagi.ARALIN 5 Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na YamanTakdang Panahon: 3 arawLayunin 1. Naipapaliwanag ang matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa 2. Napakikita ang wastong saloobin sa wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansaPaksang-AralinPaksa : Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na YamanKagamitan : speech balloons, diyorama, tape recorder, awiting Ilog Pasig 62
Sanggunian : Learner’s Material, pp. 136–139 CG AP4LKE – IIb-d-3Integrasyon : Sining, Pagpapahalaga sa pangangalaga sa mga likas na yamanPamamaraanA. Panimula 1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran ng bansa. 2. Iparinig at ipaawit ang isang awitin na nauukol sa matalino at di- matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa. (Iparinig at ipaawit ang awiting Ilog Pasig.) 3. Itanong ang nilalaman at mensahe ng awitin. Iugnay ito sa aralin.B. Panimula 1. Sagutin ang mga tanong sa Alamin Mo sa LM, p. 136. 2. Isulat sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata. 3. Iwasto at ulitin sa mga bata ang kahalagahan ng matalino at di- matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa. 4. Ipagawa ang Gawain A. Tingnan sa LM, p. 138. 5. Iwasto ang mga kasagutan dito. 6. Pangkatin sa apat (4) na grupo ang mga bata. 7. Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 138. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat sa paggawa. 8. Gumamit ng rubric para sa pangkatang gawain. 9. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 139. Gabayan ang bawat grupo sa pagsasagawa ng gawain. Bigyan sila ng sapat na panahon para sa gawain. 10. Gumamit ng rubric sa pagbuo at pagtasa ng dayoramang ginawa ng mga bata. 11. Bigyang-pansin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 139.Pagtataya Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM, p. 139.Takdang Aralin Gumawa ng isang bagay na maaaring i-recycle mula sa mga lumangkagamitan sa tahanan. Gawing malikhain ang gagawing proyekto.Susi sa PagwawastoGawain A 1. 3 2. 7 3. 3 4. 3 5. 3 63
Pamantayan sa Paggawa ng Diyorama Batayan 5 4 3 2 1Pagka- Mahusay na Mahusay Medyo Di-gaanong Hindimalikhain Mahusay Mahusay Mahusay Mahusay50% Sariling Sariling gawa SarilingKaayusan Sariling gawa na may na may kaun- Sariling gawa gawa ngunit gawa na may kakaibang ting kakaibang ngunit walang walang30% kakaibang estilo ngunit estilo ngunit masyadong kakaibangKaugnayan estilo at di-gaanong di-gaanong kakaibang estilo atsa Leksyon angkop sa angkop sa angkop sa estilo at di di-angkop paksang paksang paksang angkop sa sa paksang10% tinalakay tinalakay tinalakay paksang tinalakayKabuuang (2.0) (1.5) tinalakay (0.5)ganda ng (2.5) (1.0)diyorama Malinis ang Maayos ang Walang Maayos ang pagkakaguhit pagkakaguhit Nakagawa kaayusan10% pagkakaguhit ngunit di- ngunit di- ng proyekto ang ginawa at maayos ang malinis ang ngunit di makasulit pagkakalagay pagkakalagay pagkakalagay kakikitaan lamang/ ng mga min- ng minyatura ng minyatura ng pinag- walang yaturang likas ng likas na ng likas na planuhang ginawa na yaman yaman yaman gawain (miniature) (1.2) (0.9) (0.3) (1.5) (0.6) Nakikita sa Nakikita sa Nakikita sa Nakikita sa Nakikita sa ginawang ginawang ginawang ginawang ginawang diyorama diyorama, diyorama ang ang 1-2 ang 9-10 diyorama ang diyorama ang 3-4 minyatura minyatura minyatura o larawan o larawan o larawan 7-8 miniyatura 5-6 minyatura na may na may na may kaugnayan kaugnayan kaugnayan o larawan o larawan sa araling sa araling sa araling natutunan natutunan natutunan na may na may (0.1) (0.5) (0.2) kaugnayan kaugnayan Hindi pinag- Nakikita ang Nakikita ang planuhan kahusayan sa araling sa araling kasimplehan ang pagka- sa paggawa ng paggawa kagawang ng diyorama, natutunan natutunan ng diyorama, diyorama, makulay di-gaanong di-gaanong at may (0.4) (0.3) makulay at makulay disenyong kulang ang at walang angkop sa Nakikita ang Nakikita ang disenyo disenyo album (0.1) (0.5) kahusayan kahusayan (0.2) sa paggawa sa paggawa ng diyorama, ng diyorama, makulay di-gaanong ngunit di-gaa- makulay at nong angkop angkop ang ang disenyong disenyong ginamit ginamit (0.4) (0.3) TOTAL/Kabuuang Puntos: _______ 64
ARALIN 6 Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng BansaTakdang Panahon: 2 arawLayunin 1. Naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa 2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yamanPaksang AralinPaksa : Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng BansaKagamitan : larawan na nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman, tsart, at graphic organizerSanggunian : Learner’s Material, pp. 140–144 CG AP4LKE – IIb-d-3PamamaraanA. Panimula 1. Magpakita ng larawan na nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa. 2. Itanong: a. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? b. Ano ang kaugnayan ng pangangasiwa sa likas na yaman sa pag- unlad ng bansa? 3. Itala o isulat sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang maging batayan sa paglulunsad ng bagong aralin.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM, p. 140. Itanong: Paano nakatutulong ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa? 2. Magpalitan ng opinyon o ideya tungkol sa paksa. 3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa paglinang ng aralin. 4. Ituon ang pansin sa mga larawan na nasa LM, p. 141. 5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungang nakahanda sa LM, p. 141. 6. Ipabasa nang tahimik ang talata o babasahin at pasagutan at talakayin ang mga katanungan sa huli. 7. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Mo sa LM, p. 142. 65
Gawain A (Pangkatang Gawain) Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Ipaliwanag sa mga bata ang gagawin ng bawat pangkat. Ipakita sa klase ang nagawa nilang output. Gawain B Sa parehong mga pangkat, ipaliwanag sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng islogan. Ipagawa ang islogan sa isang sangkapat (1/4) na illustration board. Paalalahanan na maaari nilang lagyan ng disenyo ang islogan subalit mas bibigyang diin ay ang islogang ginawa. Gawain C (Indibiduwal na Gawain) Pasagutan ang gawain sa isang sagutang papel. Sumangguni sa LM, p. 143 para sa gagawin. 8. Pag-usapan at bigyang-diin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM p. 144.Pagtataya Pasagutan sa sagutang papel ang nasa Natutuhan Ko sa LM, p. 144.Susi sa PagwawastoNatutunan Ko 1. 3 2. 7 3. 3 4. 3 5. 3 6. 7 7. 3 8. 3 9. 310. 3ARALIN 7 Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman ng BansaTakdang Panahon: 3 arawLayunin 1. Natutukoy ang kahulugan ng pananagutan 2. Naisa-isa ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa 3. Nahihinuha na ang bawat kasapi ay may mahalagang bahaging ginagam- panan para sa higit na ikauunlad ng bansa 66
Paksang AralinPaksa : Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagku- kunang-Yaman ng BansaKagamitan : kartolina, panulat, at pangkulaySanggunian : Yunit 2, Aralin 7, LM pp. 145–152 K to 12 – AP4LKE-IIb-d-3 Aklat Cruz, Maritz B., Julia T. Gorobat, Norma C. Avelino (2007). Yaman ng Pilipinas. Makati City: EdCrisch International, Inc. pahina 54, 62-74. Divina, Richelda O. et. al. (2009). Pamana ng Lahing Malaya. Pilipinas: Hope Publishing House. pahina 172, 177 -181. Macapagal, Ray Ann G, et. al. (2013). Araling Panlipunan HEKASI, Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng Panahon 4. Tarlac City: Wizard Publishing House, Inc. pahina 312-313 Internet Mga Batas Ukol sa Pangangalaga ng Kalikasan (2010, July 10) Retrieved July 16, 2014 from http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mga_Batas_Ukol_sa_ Pangangalaga_ng_Kalikasan Mga proyekto ng pamahalaan na nangangalaga ng mga likas na yaman (n.d.). Retrieved July 16, 2014 from http:// www.maybenow.com/mga-proyekto-ng-pamahalaan-na- nangangalaga-ng-mga-likas-na-yaman-q23978128 Modyul 4: Mga Layunin at Tungkulin ng Isang Nagdadalaga at Nagbibinata (2012, July 24). Retrieved July 16, 2014 from http://www.zeke7766.blogspot.com/2012/07/modyul-4-mga- layunin-at-tungkulin-ng.html Porta, Julie Anne (2013, October 8). Aralin Panlipunan I: Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas. Retrieved July 16, 2014 from http://www.slideshare.net/jarl143/araling-panlipunana- i-mga-pinagkukunang-yaman-ng-pilipinas Santiago, Mary Ann (2013, September 2). Likha ng Panginoon, Dapat Pahalagahan. Online Balita. http://www.balita.net. ph/2013/09/02/likha-ng-panginoon-dapat-pahalagahan/PamamaraanA. Panimula 1. Maglaro ng isang sikat na laro sa telebisyon, ang “Pinoy Henyo.” 2. Ang guro ay tatawag ng dalawang mag-aaral na uupo sa harapan. 3. Lalagyan ng guro ng papel na may nakasulat na salita, ang noo ng isa sa dalawang bata. 4. Ang batang may papel sa noo ang nakatalagang manghuhula ng salita na nakalagay sa kaniyang noo. 67
5. Ang isa pang bata ang tutulong sa isa pa na mahulaan ang salita gamit ang pagsagot sa mga tanong nito. 6. Tanging ang mga salitang oo, hindi, at puwede lamang ang maaaring isagot sa mga tanong ng batang manghuhula. 7. Bibigyan ng guro ng dalawang minuto ang mga batang naglalaro para mahulaan ang salita. Subalit kapag nahulaan na ang tumpak na salita kahit wala pang dalawang minuto, idedeklara na ng guro na sila ay panalo at isusulat sa pisara ang eksaktong minuto at segundo ng kanilang pangkakahula. 8. Mga salitang gagamitin ng guro para sa palaro: pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong samahan, pamilya, at mamamayan. 9. Itanong sa klase: Ano ang pamahalaan? paaralan? simbahan? pribadong samahan? pamilya? mamamayan? 10. Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata sa mga katanungan ng guro. 11. Sabihin sa mga bata: Sa araw na ito ay ating pag-aaralan ang paksang ito: Ang Pananagutan ng Bawat Kasapi sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa. 12. Himukin ang buong klase na bumuo ng suliranin mula sa paksa. Suliraning mabubuo: Ano-ano ang pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng bansa?B. Paglinang 1. Ipabasa ang bahaging Alamin Mo sa LM, p. 145. 2. Tumawag ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong. Tanungin ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang binasa. 3. Pagtuunang-pansin ang mga sagot ng mga bata upang magamit sa pagtalakay ng aralin. 4. Gawin ang bahaging Gawin Mo. Gawain A Ang Gawain A LM, p. 149 ay isang gawaing paupo. Gamit ang bubble map, ibigay ang mga kasingkahulugan ng salitang pananagutan. Gamit ang caterpillar map, sasagutin ng mga bata ang mga tanong sa LM, p. 150. Gawain B Pangklaseng Gawain, LM, p. 150. Ang lahat ng bata ay patatayuin sa gitna o harap ng silid-aralan. Laruin ang Lost at Sea scenario. Magtalaga ng batang gaganap na pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong samahan, pamilya, at mamamayan. Ikuwento ang Lost in the Sea sa mga bata. Hayaan ang mga batang pumili ng bangkang sasamahan. 68
Kapag nakapili na sila ng bangka, tanungin ang mga bata na sumama sa iba’t ibang bangka. Gawain C Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ipagawa ang Gawain C LM p. 151. Ipabuo ang imahe ng isang pyramid sa mga bata gamit ang iba’t ibang kasapi na may pananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Tiyakin na ang bawat pangkat ay may kulang na isang tatsulok. Itanong: Bakit hindi mabuo ang pyramid? 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 151.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 152.Susi sa PagwawastoGawain A 1. kasingkahulugan: tungkulin, obligasyon, responsibilidad kahulugan: dapat gawin ng isang tao para sa sarili, kapuwa, lipunan, o bansa 2. Maraming posibleng sagotGawain B Sariling opinyon ng mga bata. Hayaang magkaroon ng debate sa loob ng klase. Alamin ang opinyon ng mga bata kung anong kasapi ang may pinakamalaking pananagutan.Gawain C Hindi nabuo ang pyramid, kulang ito. May nawawalang pyramid sa aming grupo. 1. Lahat ay dapat gumawa ng kaniyang tungkulin. 2. Para sa ikauunlad ng bansa Bigyang-diin ang kaisipan na ang lahat ay may pananagutan na dapat gampanan para sa ating mga pinagkukunang-yaman. Mahalaga na magampanan ng lahat ang kanilang pananagutan. Ang pangangasiwa at pangangalaga sa ating yaman ay higit na maisasakatuparan kung ang lahat ay makikiisa at gagampanan ang kaniyang pananagutan.Natutuhan Ko I. 1. puso 2. araw 3. mukhang nakangiti 4. kidlat 5. bituin 69
II. Maraming posibleng sagot. (Isulat ito sa manila paper.) Likha ng Panginoon, dapat Pahalagahan Posted by Online Balita on Setyembre 2, 2013 ni Mary Ann Santiago Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Pinoy na gampanan ang kanilang tungkulin bilang tagapangasiwa ng kalikasan. Ayon kay Tagle, maiiwasan lamang natin ang matinding hagupit ng kalamidad kung ang lahat ay magiging mabuting tagapamahala ng kalikasan. Kasabay nito, hinimok ni Tagle ang mamamayan na maging bahagi ng katekesis at pagkilos sa iba’t ibang parokya, mga paaralan, mga non-governmental organization at iba’t ibang grupo para sa pangangasiwa sa kalikasan na nilikha ng Panginoon. Umapela rin ang Cardinal sa lahat na magbigay-puri sa Diyos na lumikha ng lahat. “Nananawagan po tayo sa ating mga Kapanalig, lalo na dito sa Archdiocese of Manila, inilunsad po natin sa araw na ito ang panahon ng paglikha o season of creation. Sana po sa mga programa ng Katekesis at pagkilos para po sa pangangasiwa ng kalikasan at likha ng Panginoon sa ating mga parokya, paaralan at iba’t ibang grupo ay makiisa po tayo at ito po rin ay panawagan para sa lahat ng Kapanalig saan mang bahagi ng Pilipinas ng ating bansa tayo po ay magbigay puri sa Diyos na lumikha ng lahat at gampanan ang ating papel bilang tagapangasiwa na mapagkatiwalaan niya,” sinabi ni Tagle sa panayam ng Radio Veritas. Nauna rito, pinangunahan ni Tagle ang isang misa sa San Fernando de Dilao Parish Church sa Paco, Manila kasabay ng paglulunsad ng Archdiocese of Manila ng “season of creation.” Sa kanyang homiliya, hinikayat ng Cardinal ang bawat parokya at komunidad sa Archdiocese of Manila na makiisa at makibahagi sa layuning mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan. Umaapela rin ang Cardinal sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pagiging malinis ng paligid at pagpapahalaga sa kalikasan. Sanggunian: http://www.balita.net.ph/2013/09/02/ likha-ng-panginoon-dapat-pahalagahan/Pangwakas na Gawain Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng¼ na kartolina, panulat, at pangkulay. Pagawain ang bawat pangkat ng postergamit ang temang: “Ang Kalikasan ay ating kayamanan Pangangalaga nito ay ating pananagutan.” Ipaskil ang gawa ng mga pangkat sa isang bahagi ng silid-aralan. 70
Rubric sa Paggawa ng Poster Pamantayan Mahusay Katamtamang Husay Nangangailangan (3) (2) pa ng Dagdag naKawastuhan ng Pagsasanay samensahe Paggawa ng Poster(x2)Kabuuan ng mensahe (1)(x2) Wasto ang detalye May mga mali sa mga Mali ang mensahe ngKasiningan ng ng mensahe ng detalye ng mensahe nagawang posterPagkakagawa nagawang poster. ng nagawang poster(x2)Kalinisan ng Kompleto ang detalye May ilang kulang sa Maraming kulang sapagkakagawa (1) ng mensahe ng detalye ng nagawang detalye ng nagawangKabuuang Puntos nagawang poster. poster poster Masining na masining Ordinaryo ang Magulo at hindi ang pagkakagawa ng pagkakagawa masining ang poster. pagkakagawa Malinis na malinis Medyo malinis ang Marumi ang pagkakagawa ng ang pagkakagawa ng pagkakagawa ng poster. poster. poster.ARALIN 8 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng BansaTakdang Panahon: 2 arawLayunin 1. Nakapagbibigay ng mga mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas yaman ng bansa 2. Natutukoy ang mga posibleng bunga ng wasto at hindi wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa 3. Naipakikita ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa mga wastong panga- ngasiwa ng mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagsulat ng pangako sa sariliPaksang AralinPaksa : Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng BansaKagamitan : awit at manila paperSanggunian : Yunit 2, Aralin 8, LM, pp. 153–158 K to 12 – AP4LKE-IIb-d-3 Aklat : Hiyas ng Lahi 2 (2013). Sampaloc, Manila: St. Augustine Publication, Inc. 71
Internet : Mga Likas na Yaman sa Pilipinas (n.d.) Retrieved July 16, 2014 from http: // homeworks-edsci.blogspot.com/2011/10/ likas-na-yaman-sa pilipinas-mga-uri.htmlPamamaraanA. Panimula 1. Ipaawit ang awitin: “Ang mga Likas Yaman ay Gawa ng Diyos.” Awit: Ang mga bundok na matataas Ay yamang lupa‘ Wag nating patagin Ulitin ‘Wag ka nang malungkot O, Wow Philippines. Palitan ang mga salitang bundok na matataas, yamang lupa at patagin ng mga sumusunod: ilog na umaagos/yamang tubig/dumihan puno na mayayabong/yamang gubat/putulin haribon na lumilipad/yamang hayop-gubat/panain magsasaka na masisipag/yamang tao/maliitin likas na yaman/gawa ng Diyos/sirain2. Itanong: a. Anong mga likas na yaman ang nabanggit sa awit? b. Ano-anong uri ito ng mga likas na yaman? c. Ano-ano ang hindi natin dapat gawin sa mga likas na yaman na nabanggit sa awit? d. Ano-ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang mga sinasabi sa awit?3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata gamit ang talahanayan.Mga Likas Yaman Uri ng Likas na YamanHalimbawa:bundok yamang lupa Maaaring MangyariHindi Dapat Gawinhuwag patagin magkakaroon ng matinding pagbaha dahil wala nang bundok na sasangga sa mga bagyo4. Sabihin sa mga bata na pag-aaralan nila ngayon ang tungkol sa mga paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.5. Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng suliranin mula sa paksa. Suliraning mabubuo: Ano-ano ang mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa? 72
B. Paglinang 1. Ipabasa ang bahaging Alamin Mo LM sa p. 153. 2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa ibaba ng pahina. Tanggapin lahat ng sagot ng mga bata. 3. Bigyang-pansin ang mga sagot ng mga bata sa mga tanong upang magamit sa pagtalakay sa aralin. 4. Ipagawa ang mga gawain.Gawain A Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magtalaga ng bata na magiging lider ng pangkat. Magbigay ng pamantayan sa paggawa ng pangkatang gawain upang higit na maging maganda ang produktong malilikha ng grupo. Ipakita ang video ng “Awit para sa Kalikasan.” Talakayin ang mensahe ng awit gamit ang Tsart na A-N-NA.Alam Na Nais Malaman Nalaman Ipasagot sa klase ang kahon ng Alam Na at Nais Malaman. Isusulat ng mga bata sa manila paper ang sagot sa Gawain A LM sa p. 156. Ipasagot sa bawat pangkat ang bahaging Nalaman. Ipasulat ang kanilang sagot sa manila paper. Itanong: Mula sa video ng “Awit para sa Kalikasan,” ano ang inyong nalaman na mga kasalukuyang pangyayari sa ating kalikasan o mga likas na yaman? Bigyan ang mga bata ng sapat na oras upang magawa ang kanilang output. Sabihan ang kanilang lider na maghanda para sa gagawing pag-uulat ng kanilang output. Tawagin ang lider ng bawat pangkat at ipaulat ang likha ng pangkat. Itanong sa klase: Ano-ano ang inyong mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa? (Maraming posibleng sagot.) Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.Gawain B Gamit ang parehong pangkat, gawin ang Gawain B sa LM, pahina 156. Ipaliwanag sa mga bata ang kanilang pangkatang gawain gamit ang Fish Bone map. Ipapaskil ang gawa ng bawat pangkat sa isang bahagi ng silid- aralan. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng sapat na oras para tingnan at basahin ang mga output ng ibang pangkat. 73
Sa ibaba ng likhang output ng ibang pangkat, susulat ang pangkat na tumitingin dito kung sila ay sumasang-ayon o hindi sumasang- ayon sa gawang Fish Bone map ng pangkat. Gawain C Gamit ang parehong pangkat, ipagawa sa mga bata ang Gawain C sa LM, p. 157. Ipakopya ang graphic organizer at ipasulat sa mga bata ang kanilang gawang pangako sa sarili. Tumawag ng tig-tatlong bata sa bawat pangkat at ipabasa sa harap ng klase ang kanilang gawang pangako. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 157 ng LM.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, pp. 157–158.Susi sa PagwawastoGawain A, B, at C Maaaring iba-iba ang sagot. (Tingnan kung akma ang mga sagot sa aralin.)Natutuhan Ko I. 1. Wasto 2. Wasto 3. Hindi wasto 4. Wasto 5. Hindi wastoII. Maraming posibleng sagotPangwakas na Gawain Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Gamit ang role playing, ipakitaang sumusunod: Pangkat 1: Mga mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa Pangkat 2: Mga posibleng bunga ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa Pangkat 3: Mga di wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa Pangkat 4: Mga posibleng bunga ng hindi wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa 74
Rubric sa Role Playing Pamantayan Magaling Katamtamang Galing Nangangailangan ng (3) (2) Ibayong pagsasanayPagbigkas ngdiyalogo Malinaw at angkop Hindi gaanong (1)(x2) ang mga diyalogong malinaw at angkop ipinakita ang mga diyalogong Hindi malinaw at hindiKilos ng katawan ipinakita rin angkop ang mgaat ekspresyon Angkop at mahusay diyalogong ipinakita(x2) ang mga kilos ng Hindi gaanong angkop katawan at ekspresyon at mahusay ang mga Hindi angkop at hindiPagpapahayag ng mukha sa eksenang kilos ng katawan at mahusay ang mgang mensahe at ipinakikita ekspresyon ng mukha kilos ng katawan atimpormasyon sa eksenang ipinakikita ekspresyon ng mukha(x3) Maayos na sa eksenang ipinakikita naipahayag ang Hindi gaanong maayosNagpapakita mensahe at tumpak na naipahayag ang Hindi maayos nang angkop na ang impormasyong mensahe at tumpak naipahayag angkatauhan ng papel pinakita sa mga ang impormasyong mensahe at tumpakna ginagampanan tagapanood pinakita sa mga ang impormasyong(x3) tagapanood pinakita sa mgaKabuuang Puntos Lubos na naipakita tagapanood ang angkop na Hindi gaanong katauhan ng papel na naipakita ang angkop Hindi naipakita ginagampanan na katauhan ng papel ang angkop na na ginagampanan katauhan ng papel na ginagampananARALIN 9 Pagtangkilik sa Sariling Produkto para sa Pag-unlad at Pagsulong ng BansaTakdang Panahon: 3 arawLayunin 1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto 2. Naiuugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag- unlad at pagsulong ng bansa 3. Naipakikita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagpili ng produktong gawang PinoyPaksang AralinPaksa : Pagtangkilik sa Sariling Produkto para sa Pag-unlad at Pagsulong ng BansaKagamitan : awit, basket o bayong, bilao, alampay, mga larawan ng iba’t ibang produkto, manila paper, at panulat 75
Sanggunian : Yunit 2, Aralin 9, LM, pp. 159–163 K to 12 – AP4LKE-IIb-d-4 Internet Ako ay Pinoy. Retrieved July 16, 2014 from http://akoaymakabayan. weebly.com/ (2014) Pagtangkilik sa Sariling Produkto. Answers Corporation Retrieved July 16, 2014 from http://tl.answers.com/Q/Pagtang- kilik_sa_sariling_produkto Irawa, Ruth (2012, February 9). Nasyonalismo Pagtangkilik ng Produktong Pilipino. Retrieved July 16, 2014 from http:// group1nasyonalismo.blogspot.com/2012/02/pagtangkilik-ng- produktong-pilipino.htmlPamamaraanA. Panimula Iparinig ang awit ni Regine Velasquez-Alcasid na “Tara na, Biyahe Tayo.” 1. Itanong sa mga bata ang sumusunod: Ano-anong lalawigan sa Pilipinas ang nabanggit sa awitin? Ano-ano ang matatagpuan sa mga lugar na binanggit? Sumasang-ayon ka ba sa mensahe ng awitin na kayganda ng Pilipinas? Bakit? Nahikayat ka ba ng awitin na bumiyahe at libutin ang Pilipinas? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makabiyahe, saang lalawigan sa Pilipinas ang iyong unang pupuntahan? Bakit iyon ang naisip mong unang puntahan? 2. Tanggapin lahat ng mga sagot ng mga bata. Isulat sa pisara ang kanilang tugon sa panlimang katanungan. 3. Sabihin na ang paksang tatalakayin ngayon ay tungkol sa kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-unlad at pagsulong ng bansa. 4. Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng suliranin mula sa paksa. Mga suliraning maaaring mabuo: Ano ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag- unlad at pagsulong ng bansa? Paano nakatutulong sa pag-unlad at pagsulong ng bansa ang pagtangkilik sa sariling produkto?B. Paglinang 1. Pabuksan ang aklat sa bahaging Alamin Mo sa LM, p. 159. 2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Alamin Mo. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata. 3. Talakayin ang aralin gamit ang mga sagot ng mga bata sa mga tanong. 4. Ipagawa ang mga gawain sa bahaging Gawin Mo sa LM, pp. 160–162.Gawain A Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng mga pamantayan na dapat sundin sa paggawa ng pangkatang gawain. 76
Laruin ang Mother Goes to Market, isang uri ng relay game. Ang bawat pangkat ay pipila nang maayos at bibigyan ng guro ng tig-isang basket o bayong, bilao at alampay. Ang miyembro ng bawat pangkat na nasa unahan ay magsusuot ng alampay at bibitbitin ang basket o bayong papunta sa harapan kung saan nakadikit sa pisara ang iba’t ibang produkto, maaaring imported o gawang Pinoy. Kukuha ang mga mag-aaral na may hawak ng basket ng isang produktong ibig nilang bilhin at babalik na sa kanilang mga kagrupo upang ilagay sa kanilang bilao ang produktong binili at ipapasa ang basket at alampay sa kasunod sa pila. Gagawin din ng kasunod na kasapi ang ginawa ng naunang kamiyembro hanggang ang lahat ng kasapi ng pangkat ay makapamili na ng kanilang produkto. Ihihiwalay ng bawat pangkat ang kanilang napamili sa dalawa: Produktong Imported at Produktong Pinoy. Ang grupong may pinakamaraming napamili na produktong Pinoy ang panalo. Gawain B Gamit ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain B sa LM, pahina 161. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper na may guhit na Butterfly Map at panulat. Ipasulat sa Butterfly Map ang mga sagot ng mga bata sa gawain. Talakayin ang kanilang gagawin gamit ang halimbawa. Pangkat 1: mga lalawigan sa Luzon at mga produkto nito Pangkat 2: mga lalawigan sa Visayas at mga produkto nito Pangkat 3: mga lalawigan sa Mindanao at mga produkto nito Bigyan ang mga bata ng sapat na panahon para sagutin ang katanungan. Ipaulat at ipapaskil ang kanilang mga gawa. Gawain C Gamiting muli ang parehong pangkat. Ipaliwanag ang Gawain C sa LM, p. 161. Ipakita sa klase ang kanilang gagawin at ipagawa ang Gawain C. Tiyakin ang mga sumusunod: Batid ng mga bata ang mga pamantayan sa paggawa nang maayos at may sapat silang oras upang gawin ang kanilang gawain. Ipadikit sa pisara ang kanilang output. Hanapin ang magkakatulad na mga sagot at gamitin ito sa talakayan.5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. 162 ng LM. 77
Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 163.Susi sa PagwawastoGawain A, B, at C Iba-iba ang maaaring sagot.Natutuhan Ko I. Laguna – mga palamuti, tsinelas, barong Bicol – pili, kagamitang yari sa abaka gaya ng bag, tsinelas, basket Marikina – bag, sapatos Bukidnon – pinya, saging Pangasinan – bangus, bagoong Sulu – perlas, palamuting yari sa shellsII. 1. N 2. N 3. N 4. NK 5. NKPangwakas na Gawain Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng manilapaper at panulat. Bawat pangkat ay lilikha ng kanilang jingle song tungkol sapagtangkilik ng sariling produkto at kahalagahan nito sa ating pag-unlad. Rubric sa Jingle Pamantayan Napakahusay Mahusay-husay Hindi GaanongPagkakaawit MahusayDating sa Tagapakinig Magandang-maganda Maganda angKaangkupan ang pagkakaawit pagkakaawit Hindi gaanongKawastuhan maganda angKabuuang puntos Malakas ang dating at Medyo malakas ang pagkakaawit panghikayat sa mga dating at panghikayat tagapakinig sa mga tagapakinig Mahina ang dating at Angkop ang ginamit Hindi gaanong angkop hindi nakahihikayat sa na mga salita sa jingle ang ginamit na mga mga tagapakinig salita sa jingle Wasto ang Hindi gaanong wasto Hindi angkop ang mensaheng nais ang mensaheng nais ginamit na mga salita ipahatid ng jingle ipahatid sa jingle Hindi wasto ang mensaheng nais ipahatid 78
ARALIN 10 Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng BansaTakdang Panahon: 3 arawLayunin 1. Natutukoy ang mga hamon ng mga gawaing pangkabuhayan 2. Natutukoy ang mga oportunidad kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan 3. Nakagagawa ng isang mungkahing planong pangkabuhayanPaksang AralinPaksa : Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng BansaKagamitan : malaking larawan ng bundok, manila paper, at panulatSanggunian : Yunit 2, Aralin 10, LM, pp. 164–170 K to 12 – AP4LKE-IIa-1 Aklat Cruz, Maritez B. et. al (2007) Yaman ng Pilipinas 6. Makati City: EdCrisch International, Inc. p. 7. Internet Calvan, Dennis and Ephraim Batungbacal (n.d.). Roadmap to Recovery of Philippine Oceans. Retrieved July 16, 2014, from www. greenpeace.org/seasin/ph/PageFiles/616503/Roadmap_ to_Recovery_July_2013.pdf Apelacio, Catherine T. (2014, February 19). Tagalog news: Fishing Industry sa lungsod, palalaguin ng LGU GenSan. Retrieved July 16, 2014, from http://news.pia.gov.ph/index. php?article=1671392783662 Pascual, Anton (2014, February 6). Magsasaka, Tuloy-tuloy ang Pakikibaka. Retrieved July 16, 2014, from veritas846.ph/ magsasaka-tuloy-tuloy-ang-pakikibaka. Plantilla, Lyndon (2013, July 23) . Tagalog news: Pamahalaan, mamumuhunan sa pangingisda. Retrieved July 16, 2014, from http://news.pia.gov.ph/index. php?=article=52137550690#sthash.59NGOLdN.dpuf Roncesvalles, Carina I. (2012, March 15). Mamuhuan sa agrikultura ng bansa. Retrieved July 16, 2014 from http:// hongkongnews.com.hk/mamuhunan-sa-agrikultura-ng- bansa/PamamaraanA. Panimula 1. Awitin ang “Magtanim ay Di Biro.” 2. Itanong sa buong klase: a. Bakit hindi biro ang magtanim? b. Sino sa ating mga manggagawang Pinoy ang masipag magtanim? 79
c. Ibig mo rin bang maging magsasaka? d. Kung ang tatay mo ay isang magsasaka, ikararangal mo ba ang kaniyang hanapbuhay? 3. Tanggapin ng guro ang lahat ng mga sagot ng mga bata. 4. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang manggagawang Pinoy. 5. Itanong: Saang gawaing pangkabuhayan sila nabibilang? 6. Pabuuin ang klase ng suliranin mula sa paksa. Mga suliraning maaaring mabuo: Ano-ano ang hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa? Ano-ano ang oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa?B. Paglinang 1. Ipabasa ang bahaging Alamin Mo sa LM, p. 164. 2. Ipasagot ang mga tanong. Tanggapin ang lahat ng kasagutan. 3. Bigyang-diin ang araling tinatalakay gamit ang mga sagot ng mga bata sa mga tanong. 4. Ipagawa ang bahaging Gawin Mo sa LM, p. 167–169. Gawain A Ipagawa ang Gawain A sa LM, p. 167. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ibigay ang mga pamantayan na dapat sundin sa paggawa ng pangkatang gawain. Bigyan ng manila paper at panulat ang bawat pangkat. Ipaliwanag sa bawat pangkat ang kanilang gagawin. Ipaisa-isa ang mga hamon at oportunidad sa iba’t ibang gawaing pangkabuhayan sa bansa. Pangkat 1 at 3 – Pagsasaka Pangkat 2 at 4 – Pangingisda Ipagamit ang Venn Diagram sa pagsagot nila sa gawain. Bigyan ang mga bata ng sapat na panahon na matapos ang kanilang pangkatang gawain. Ipaulat ang kanilang output sa klase. Gawain B Gamit ang parehong pangkat, ipalaro ang Search the Area. Ipagawa sa klase ang Gawain B sa LM, p. 168. Itatago ng guro ang inihandang mga istrip ng papel na sinulatan ng iba’t ibang mga hamon at oportunidad ng mga gawaing pang- kabuhayan sa iba’t ibang lugar sa silid- aralan. Mag-uunahan ang bawat pangkat na mahanap ang mga istrip ng papel na ito. Ilalagay nila sa basket ang lahat ng oportunidad at sa basurahan ang lahat ng mahahanap nilang hamon. 80
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213