Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 2 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 2 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:22:55

Description: 2ARPA1-2

Search

Read the Text Version

ARALIN 3 MGA KONTRIBUSYON NG MGA SINAUNANG KABIHASNANGAWAIN 1: Pag-isipan Mo! 1. pakikidigma 2. Cambodia 3. India 4. Babylonian 5. NebuchadnezzarGAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pamana o Kontribusyong Asyano sa Daigdig PM PDPagdami ng matandang sining ng Tsina ukol sa mga pinta ng kalikasan √ √o “land scape” sa mga telang seda. √Paglaganap ng wikang Tsino na ginagamit ng isang kapat na √populasyon sa daigdig at ang sanskrit bilang klasikong wika sa India. √ √Pagsunod sa mga turong panrelihiyon tulad ng Confucianismo, √Buddhismo at Islam.Pagkakaroon ng mga Buddhistang Templo, pagoda at masjid ng mgaMuslim.Pagkatuklas ng “magnetic compass” para sa paglalakbay sa dagat.Pagsunod sa pitong araw sa loob ng isang linggo at paghula sa mgaeklipse ng araw at buwan.Pagkilala sa mga Hittite na unang gumamit ng chariot na hinihila ngkabayo.GAWAIN 3: Paglalapat Sariling palagay ng mag-aaral 48

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 11. A 12. B1. D 13. D2. C 14. C3. C 15. A4. D 16. E5. B 17. C6. A 18. D7. B 19. B8. C 20. E9. D10. A 49

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 5 MGA DAAN NG PANANAKOPBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 5 MGA DAAN NG PANANAKOP Ano ang modyul na ito? Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europa sa mga bansa saAsya pero nakarating pa rin sila at nagsakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na itoay nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano - mga mabuti at di-mabuting pagbabago. Isa-isahin natin ang mga pangyayaring naganap at nagbigaydaan sa pagdating ng mga Europeo sa Asya. May limang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Pakikipagsapalaran ni Marco Polo Aralin 2: Mga Krusada Aralin 3: Ang Pagbagsak ng Constatinople Aralin 4: Ang Pagpapaligsahan ng mga Bansang Europeo sa Kapangyarihan Aralin 5: Renaissance at Rebolusyong Komersyal Mga inaasahang matututunan: 1. Matutukoy ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagdating ng Europeo sa Asya; 2. Matatalakay ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagdating ng Europeo sa Asya; at 3. Masusuri ang epekto ng mga pangyayaring ito sa kalagayang pulitikal, kultural, at ekonomiko ng Asya. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT I. Panuto: Subukan mong sagutin ang mga katanungan upang malaman kung may ilang kaalaman ka na tungkol sa paksang ito. Isulat ang sagotsa puwang sa kaliwang bahagi..__________1. Kontinenting kinaroroonan ng sinaunang kabihasnang India at Tsina.__________2. Manlalakbay na taga Venetia na nagtagal sa kaharin ni Kublai Khan sa Tsina.__________3. Ekspedisyong militar sa inilunsad ng simbahang Kristiyano laban sa mga Muslim para mabawi ang Jerusalem.__________4. Ang bansa sa Europa sa nanguna sa paglalakbay noong 15 siglo.__________5. Ang Europeong bansa na unang nanakop sa Pilipinas.__________6. Ang kontinente kung saan matatagpuan ang Jerusalem.__________7. Motibo ng mga Ingles sa pagpunta sa India.__________8. Tawag sa bansang sakop.__________9. Ang salitang Pranses na ang ibig sabihan ay “muling pagsilang” at ito ay nagdulot ng pagbabago lalo na sa kilusang kultura.__________10. Ang Emperador ng Tsina nang si Marco Polo ay bumisita rito. 3

ARALIN 1PAKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLO Ang nasa larawan ay si Marco Polo, isang mangangalakal na taga-Venitia sa bansang Italya. Sumama siyang naglakbay sa kanyang tatay at tiyuhin saSilangan. Tumagal ng halos dalawampu’t limang taon ang kanilang paglalakbay. Saloob ng panahong ito, si Marco Polo ay napunta sa palasyo ni Emperador Kublai Khanna isang Mongol na siyang namumuno noon sa Tsina. Kinalugdan siya ni Kublai Khanat siya ay itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador.Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia. Ang mga nakitaniyang magagandang kabihasnan sa mga bansang ito ng Asya lalo na sa Tsina ayipinatala niya sa isang manunulat noong taong 1299. Ang aklat ay pinamagatang “Bookof Marco Polo”. Ang mga isinulat niyang kagandahan ng kabihasnang Asyano angnagganyak sa mga adbenturerong Europeo na makipagsapalaran sa Asya.Marco Polo 4

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sino si Marco Polo? Magbigay ng ilang bagay na mapagkilanlan sa kanya. __________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Batay sa iyong nabasa, sinasabi na ang mga naitala ni Marco Polo ay nakapaghikayat sa ibang Europeo na maglakbay patungong Silangan. Ikaw ba aynakapaglakbay din sa ibang lugar ng ating bansa? Kung ganoon, magsalarawan ngmga nakita mo sa lugar na pinuntahan mo na maaaring makahikayat din sa mgakaklase mo o kaibigan na pumunta sa lugar na iyon.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Tandaan Mo! Si Marco Polo ay taga Venitia na manlalakbay. Siya ay nakaabot sa Tsina at kinalugdan ng Emperor Kublai Khan. Nagsulat siya ng ng libro na nagsalarawan ng kagandahan ng Silangan. Ang nakaalam sa kanyang naisulat ay nahikayat na maglakbay rin papauntang Silangan. 5

ARALIN 2MGA KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na pinangunahan ng SimbahangKristiyano laban sa mga Turkong Muslim para bawiin ang banal na lupang Herusalem. Noong 1076, ang Herusalem ay inagaw ng mga Turkong Muslim sa Kristiyano.Pinagmalupitan ng mga Muslim ang mga Kristiyanong nananampalataya doon. AngImperyong Byzantino ay nanganib na masakop din ng mga Muslim kaya ang kanilangEmperador na si Alexus Comnemus ay humingi ng tulong kay Papa Urban II.Nagdeklara ng Banal na Digmaan ang Papa laban sa mga Muslim. Sa tulong ng mgaharing Kristiyanong Europeo at mga maharlikang pinuno, nailunsad ang humigitkumulang na walong mahahalagang ekspedisyon sa loob ng labing-tatlong daang taon. Ang unang krusada ay inilunsad noong1096 na binuo na dalawang grupo sapamumuno ng unang kabalyerong Pransya na si Walter the Penniless at Peter theHermit. Kahit hindi masyadong organisado, nakarating din ang ilan sa Herusalem.Napasok nila ang Herusalem kung saan si Duke Godfrey de Bouillon ay naginggobernador at iba pang lupain ay hinati-hati nila. Marami pang mga Krusada ang sumunod pero ang karamihan ay naging bigolalo na yaong inilunsad nila Haring Louis VII ng Pransiya at Emperador Conrad III. Angpinakamalungkot na bahagi ng krusadang ito ay ang Krusada ng mga Bata napinamunuan ni Stephen noong 1212 na binuo ng mga 30,000 na bata na may gulangna labing-tatlong taon at yaong pinamumunuan ni Nicolas na binuo ng mga 20,000 nabata. Karamihan sa mga bata ay nagkasakit, ang iba ay namatay samantalang ang ibapa ay pinagbili bilang alipin. Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusadang ito, marami ring mabutingnaidulot ito. Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asyanoong ika-11 hanggang 13 siglo. Dahil sa ang Herusalem ay nasa kanlurang Asya, sapaglalakbay ng mga Europeong sumali sa Krusada nakilala nila ang mga produkto ngSilangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedang tela, porselana,prutas at iba pa na nakabighani sa mga Europeo. Naging masigla ang palitan ng 6

kalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating dito sa Asya.Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating lang sa Asya. At ito dinang naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin angilang lugar o bansa sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang nasa larawan sa ibaba ay isang mandirigma sa krusada. Magtala ng tatlong bagay na kapansin-pansin sa kanyang anyo at kasuotan. 1. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 7

3. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mayroong krusada na binuo ng mga kabanata. Sa gulang mong iyan, ikaw ba ay handing sumama rin sa krusada kung ikaw ay nabubuhay sapanahong iyon? Itala ang iyong kasagutan.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 8

ARALIN 3ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Kontinenteng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India,Tsinaat ibang bahagi ng Silangan. Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kungmatatandaan natin ng lumakas ang Turkong Muslim at sinakop nga ang Herusalem,nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa mga Turkong Muslim, kaya huminging tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim atmabawi ang Herusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang pagsalakay ngMuslim patungong Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim ang SilangangMediterranean ay lubusan na ring sinakop ang Constantinople noong1453 at angnaging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ngkalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Dahil dito, napilitang maghanap ngbagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ng Portugal atEspanya ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na Portuges ang naglakbayngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco de Gama sapagkatnalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng rutapatungong India at sa mga Islang Indies. Tingnan ang nakalarawang ruta na tinahak ni Vasco de Gama. 9

Kung susundan natin ang takbo ng pangyayari para maiugnay angpagbagsak ng Constantinople sa pagtuklas ng alternatibong ruta patungong Silangan,tingnan mo ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap na pangyayari:Pagbagsak Pagsara ng Paglakbay Pag-ikot ni Pagbukas ngng rutang ng Vasco de bagong rutangConstanti- pang- manlalayag Gama sa pangkalakalannople kalakalan na Cape of mula Portuges Good Hope Europa patungung SilanganGawain 1: Pag-isipan Mo!Magtala ng ng tatlong epekto na idinulot ng pagbagsak ng Constantinople. 1. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 3. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 10

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Batay sa mapa na tinahak ni Vasco de Gama, ipaliwanag kung bakit sinasabing nakatulong ito ng malaki sa paglalakbay ng mga Europeo patungongIndia?__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang Constantinople ay Asyanong Teritoryo na malapit sa Europa. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan sa pagitan ng Europa at Asya. Nang ito ay sakupin ng Muslim napilitan ang mga Europa na maghanap ng ruta na dumadaan sa Kanluran patungong Silangan.. 11

ARALIN 4ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA KAPANGYARIHAN Kung noon ay Italya, lalo na ang Venetia ang nag-iisang nagkontrol sa rutangpangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasanng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo namaggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Espanya, Pransiya, Ingletera, atAlemanya. Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan nabansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga itoang Portuges at Espanya na naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad samundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding pagtutunggalian ng dalawang bansaay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sadigmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” ohangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayonsa Tratadong Tordesillas, Portuges ay maggagalugad sa bandang silangansamantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyongito ay nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nangteritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha langang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges angBrazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop naman ng Espanya aynanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay saMoluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng pamienta. Sapamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas.Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India. Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sapamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera angNova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armanda noong 1588ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng EastIndia Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatagrin ito ng permamenteng panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ng 12

Ceylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo saHilagang Pasipiko. Ang Pransiya naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuharin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiyaang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buongkolonyang French Indo-China. Ang Olandya sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin saisang bahagi ng India. Napasailalim ng Olandes ang East Indies (Indonesia sakasalukuyan). Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magdikit ng mapa ng mundo o kaya ay gumuhit ka ng mapa ng mundo sa isang papel at ituro mo sa mapa sa pamamagitan ng pagguhit ang ruta o daan nadinaanan ni Magellan papuntang Pilipinas.. (Mapa ng mundo) 13

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGumagawa ng isang talahanayan at isulat ang sumusunod:Bansang Europeo Ang lugar na sinakop1. _____________________________ 1. _____________________________2. _____________________________ 2. _____________________________3. _____________________________ 3. _____________________________4. _____________________________ 4. _____________________________5. _____________________________ 5. _____________________________. Tandaan Mo! Italya ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan patungongSilangan. Nang magsimulang maghanap ang Portuges ng alternatibongdaan, sumunod ang iba pang bansa sa Europa tulad ng Espanya, Britanya, Pransiyaat Orlandia.Nag paligsahan ang mga bansang Europeo sa pagsakop ng teritoryo sa Asya.Ito ang nagpasimula ng kolonyalismo. 14

ARALIN 5RENAISSANCE AT ANG REBOLUSYONG KOMERSYAL Ang Renaissance ay naging salik din sa pagdating ng mga Europeo sa Asya.Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”. Itoay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagongpanahon. Matatandaan natin na noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano angmay malakas na impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon.Ngunit nang ang simbahan lalo na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo at kaparianay nasangkot sa imoral na gawain, pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong hindikarelihiyon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mgatao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at pulitika. Ang pagbabago ay nagsimula sa kilusang pangkultura na nagsimula sa Italyanoong 1350. Ang kilusan ay nakasentro sa pagpapanumbalik ng interes sa kultura ngSinaunang Gresya at Roma kaya tinawag na “muling pagsilang”. Masasabing angpangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon. Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, sapamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ngisang indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hindinakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayangpag-iisip ng tao ang nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa buhay kaya ditonagsimula ang pagbabago sa sining at agham. Nariyan din ang pagtuklas ng maramingbagay sa kapaligiran, pagkakaroon ng maraming imbensiyon na nagpalakas sa mgaindustriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng pagbabago sa pananaw sa relihiyon atpulitika. Ang Renaissance ang siyang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ngkalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mgapagbabago sa gawang pang-ekonomiya. 15

Ang sumusunod na diagram ang makapagpapaliwanag kung paano angRenaissance at Rebolusyong Komersyal ay naging salik sa pananakop. Pag-usbong ng kaisipang pang-aghamPagtuklas Renaissance Nagdagdag ng mga ng kaalaman bagay sa ang tao sa heograpiyakapaligiran Naghikayat ng paglalayag dahil sa mga imbensyonRebolusyong Nagdulot ng • Pagtayo ng malalaking kompanya tulad ng EastKomersyal pagbabago sa India at British Company mga gawaing pang- • Pag-unlad ng kalakalan ekonomiya • Paghanap ng mga hilaw na sangkap at iba pang produkto • Napatunayan na ang Silangan ay mapagkukunan ng maraming hilaw na materyal 16

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano ang mga pinagtuonan ng interes ng tao noong panahon ng Renaissance? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ________________________________________________________________ Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Noong gitnang panahon, ang simbahang kristiyano ay may malakas naimpluwensiya sa tao. Magbigay ng paliwanag kung bakit ang mga tao ay nagkaroon ngpagbabago sa pananaw at saloobin tungkol sa katarungan at pulitika. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 17

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITOMga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pagdating ng Europeo sa AsyaMga Pangyayari Resulta1. Pakikipagsapalaran ni Marco  Nagganyak sa mgaPolo adbenturerong Europeo na makipagsapalaran sa Asya2. Krusada  Nagbigay ng pagkakataon sa mga Europeo na makapaglakbay sa Asya3. Pagbagsak ng  Nagbigay-daan sa pagtuklas ng Constantinople bagong rutang pangkalakalan4. Pagpapaligsahan ng mga  Nagbigay-daan sa pagtatag ng bansang Europeo sa mga kolonya sa Asya kapangyarihan5. Renaissance at  Nagbigay-daan sa paggising ng Rebolusyong Komersyal mga kamalayan ng tao sa daigdig at pag-unlad ng kabuhayan 18

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasasgutan.___________ 1. Ang manlalakbay na Europeo na nagtagal sa Tsina at nagsulat ng libro tugkol sa lugar na ito at ang librong iyon ang nakahikayat ng maraming Europeo na maglakbay rin sa Asya.___________ 2. Ang krusada na pinamunuan ni Stephen kung saan marami ang nagkasakit, ang iba ay namatay at ang iba pa ay ipinagbili bilang alipin.___________ 3. Ang Papang kritisyano na nagdeklara ng banal na digmaan laban sa Muslim para mabawi ang Jerusalem.___________ 4. Ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India.___________ 5. Ang pinakamimithing produkto ng mga Europa sa banding India.___________ 6. Ang daanan sa dulo ng Aprika na nayuklasan ni Vasco de Gama na siyang nagpadali ng paglalakbay ng Europeo patungong India.___________ 7. Ang Europeong bansa na nanguna sa paglalakbay para humanap ng rutang pangkanluran pagkatapos na bumagsak ang Constantinople.___________ 8. Ang tawag sa malakas na hukbong pandagat ng Espanya na tinalo ng Inglatera at ang pangyayaring iyon ang nagbigay daan para sa magkainteres ang Inglatera sa kalakalan sa India.___________ 9. Ang tawag sa kabuohang kolonya ng Pransiya na binubuo ng Laos, Cochin China, Cambodia at Annam.___________ 10. Ang dalawang Europeong bansa na mahigpit na magkatunggali sa paghahanap ng ruta patungong silangan.___________ 11. Ekspedisiyong militar na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Muslim para mabawi ang Jerusalem.___________ 12. Ang emperador ng Tsina na naging malapit sa taga-Venetia na manlalakbay ang salitang Pranses na ang ibig kahulugan ay “muling pagsilang”.___________ 13. Ang salitang Pranses na ang kahulugan ay “muling pagsilang”. 19

___________ 14. Nabigo man ang krusada na mabawi ang Jerusalem may maganda ring naidulot ito sa larangan.___________ 15. Ang pangyayari sa kasaysayan kung saan ipinakita ng mga Kristiyano ng handa silang lumaban para sa pananampalataya. 20

GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT 6. Asya 1. Asya 7. pangangalakal 2. Marco Polo 8. kolonya 3. Krusada 9. Renaissance 4. Portugal 10. Kublai Khan 5. EspanyaARALIN 1 PAKIKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLOGawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroGawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroARALIN 2 MGA KRUSADAGawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroGawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroARALIN 3 ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLEGawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro 21

Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroARALIN : ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA KAPANGYARIHANGawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroGawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroARALIN 5: RENAISSANCE AT REBOLUSYONG KOMERSYALGawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroGawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guroPANGWAKAS NA PAGSUSULIT 10. Portugal at Espanya 1. Marco Polo 11. krusada 2. Krusada ng mga Bata 12. Kublai Khan 3. Papa Urban II 13. Renaissance 4. Constantinople 14. kalakalan 5. paminta o pampalasa 15. krusada 6. Cape of Goods Hope 7. Portugal 22 8. Spanish Armanda 9. French o Indo-China

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 6KOLONYALISMO TUNAY NA MOTIBO SA PAGPUNTA NG MGA EUROPEO SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 6 KOLONYALISMO TUNAY NA MOTIBO SA PAGPUNTA NG MGA EUROPEO SA ASYA Tinalakay natin ang mga salik na nagbunsod sa mga Europeo upangmagtungo sa Asya. Sa ating pagsusuri, nakita natin na ang pangunahing layunin sapagsikap nilang makapunta sa Asya ay pang-ekonomiya. Kung nagpalaganap man silang relihiyon, ito ay pumapangalawang layunin lamang. Sa modyul na ito aymaliliwanagan ka sa tunay na motibo sa pagpunta ng mga Europeo sa Asya. Anonaman kaya ang naging katugunan ng Asyano sa pagpunta ng Europeong ito? Kaya subaybayan natin ang mga pangyayari sa mga sumusunod sa aralin. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Anyo ng Kolonyalismo Aralin 2: Pagtugon sa Kolonyalismo Aralin 3: Epekto ng Kolonyalismo sa Asya Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Mailalarawan ang kolonyalismo ng mga kanluranin na itinatag sa rehiyon ng Asya; 2. Maipaliliwanag ang tugon ng mga nasakop sa mga kanluraning mananakop; at 3. Matataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Asya. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Isulat ang tinutukoy ng mga sumusunod. .____________1. Kilusang reporma na isinagawa ng mga Pilipino na pinangunahan nina Rizal, del Pilar, at Lopez Jaena.____________2. Ang Europeong bansa na sumakop sa India.____________3. Ang maunlad na napakaliit na Estado na dati ay bahagi ng Malaysia at naging Kolonya na Britanya.____________4. Ang tawag sa bansang nasakop ng makapangyarihang bansa.____________5. Ang unang motibo ng mga British sa pagpunta sa India.____________6. Bansang sumakop sa East Indies sa loob ng 300 taon.____________7. Ang taong nagsagawa ng isang mapayapang paraan ng pagtutol sa pananakop ng India.____________8. Ang kilalang tawag sa North Borneo lalo na ng mga Pilipino.____________9. Rebelyon ng katutubong sundalo ng India.____________10. Ang tawag sa kabuuang sakop ng Pransiya na binuo ng Annam, Laos, Cochin China, Tonken, at Cambodia. 3

ARALIN 1MGA ANYO NG KOLONYALISMO Ang pagtuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na dumadaan saKanluran ay nagbigay-daan para manakop ng mga teritoryo sa Asya na una nilangnatuklasan. Nagawa nila ito sapagkat mas superior ang kanilang mga armas, gaya ngkanyon at baril kaya’t kahit sila ay kakaunti, kayang-kaya nilang manlupig ng maramingkatutubo. Sa sandaling masakop ang isang lugar, ito ay ititunuring na kolonya ngEuropeong bansa na sumakop dito. Mahalaga para sa Europeo ang mga kolonya bilangmapagkukunan ng kayamanan. Nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ngmga bansa sa paramihan ng kolonya. Ang kolonisasyon ay ang pananakop sa isang teritoryo upang ipasailalim ito sakapangyarihan ng dayuhang bansa. Ang mga motibo ng kolonisasyon ay ang mgasumusunod:1. Pangkabuhayan- dito ay mapapalawak ang industriya at kalakalan ng nanakop na bansa at matatamasa ang hilaw na yaman ng nasakop na teritoryo.2. Pangrelihiyon- pagpapalaganap ng relihiyon3. Pagpapalawak ng Kapangyarihan- dito ay makapagtatatag ng mga base militar at makapagtatayo ng pamahalaang kolonyal.Kolonisasyon ng AsyaBansang Teritoryong Paraan ng Resulta ngNanakop Sinakop Pananakop Pananakop1.Portugal • Goa (India) • Itinaboy nito Malacca ang mga Silangang Arabo at Indies ginawang Ceylon kabisera 4

Timor Formosa2. Espanya • Pilipinas • Natuklasan ni Magellan noong 1521 • Sinakop ng Espanya noong 1565 sa pamamagitan ni Legaspi3. Pransiya • Indo-China • Pagtulong sa • Ang rehiyong Prinsipe ng Indo-China ay Annam upang naging mabawi ang French Indo- imperyo China • Pagsakop ni • Noong ika-20 Napoleon ng saiglo ang Saigon French Indo- China ay • Pagsakop ni binuo ng Henri Rivera sa Anmam, Hanoi noong Tonken, 1882 Cambodia, Laos, at Cochin China 5

4. Olandia • Java • Sa • Sinakop ng (Holand) Malacca pamamagitan Olandes ang Moluccas ng Dutch East East Indies5. Britanya India Co. (Indonesia) nakontrol ng sa loob ng Olanda ang 300 taon kalakalan sa Asya at nasakop niya ang Java, Malacca, at Moluccas • Malaya • Pinaupahan ng • Noong 1896 (Malaysia) Sultan ang pulo pinagsama- ng Penang sama ang noong 1786 apat na sultanato at • Binili ni Sir binuo ang Thomas Raffles Federated ang Penang Malay States noong 1819 • Ang estado • Pinamahalaan ng Kedah ng Ingles ang Kelantan, Singapore, Trenggana, Malacca, Perlis at Penangnoong Johore ay 1861 nabuo bilang Unfederated Malay States 6

na nanatiling Malaya ngunit may kasunduan sa Ingles• India • Sinakop ng Ceylon Britanya sa pamamagitan ng pangangalakal • Sinakop din ng Britanya dahil sa malakas na puwersang pandagat noong ika-18 at ika-19 siglo• Myanmar • Tinulungan ng • Binigyan ng (Burma) mga Ingles si pribelihiyong Alaung Paya pangkalakala upang mapag- n ni Alaung isa ang watak- Paya watak na estado • Nagkasagupa an si Alaung Paya at mga Ingles dahil sa hangganan 7

ng India at Myanmar• Brunei • Tinulungan ni • Noong 1885 James Brooke ginawang• Sabah o ang sultan ng lalawigan ng North Brunei upang India ang Borneo sugpuin ang Myanmar isang pag-aalsa • Noong 1888 naging protektadong estado ng Britanya ang Brunei at Sarawak • Nakuha ng • Pinamahalaa British North n ng British Borneo North Borneo Company mula Company sa sultan ng ang Sabah na Jolo may proteksyon ng Britanya 8

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Batay sa iyong napag-aralan noong ikaw ay nasa unang taon sa high school o secondary sa asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas, isalarawansa pamamagitan ng maigsing sanaysay ang mga ginawa ni Magellan nang siya aydumating sa Pilipinas. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukan mong punuan ang mga patlang para makabuo ng isang salita. 1. S___B___H Ang teritoryo na inaangkin ngayon ng Pilipinas at kilala bilang North Borneo. 2. K___L___N___A Ang tawag sa bansang sinakop. 3. R___Z___ ___ Isang kilalang propagandista sa Pilipinas. 4. M___A___M___R Kilala sa tawag sa Burma. 5. S___N___A___O___ Pinakamaliit na estado na dati ay bahagi ng Malaysia. 9

Tandaan Mo! Ang mga Europa ay nakatuklas ng daang pakanluran papuntang silangan. Ang mga teritoryong natuklasan ay ay ginawang kolonya. Ang motibo ng kolonyalisasyon ay pangkabuhayan, pangrelihiyon at pagpalawak ng kapangyarihan. Ang mga Europeong bansa ay nagpaligsahan sa pagsakop ng teritoryo sa Asya.ARALIN 2PAGTUGON SA KOLONYALISMO Sa araling ito ay susuriin natin ang mga paraan na ginamit ng mga nasakop nateritoryo sa Asya sa kani-kanilang mananakop na taga-Europeo.A. Pilipinas Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol sa loob ng 300 taon: 1. Nagkaroon ng pag-aalsa ang mga Pilipino mula pa noong 1571 ngunit ang mga ito ay hiwa-hiwalay na pag-aalsa kaya naging bigo na makahingi ng reporma o mapaalis ang Español. 2. Bumuo ng Kilusang Propaganda (Propaganda Movement) sila Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena mismo sa España para ipaabot sa Hari ng Espanya ang mga hinihinging reporma ngunit sila ay nabigo din. Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng pagsulat sa diyaryo, pagsulat ng tula, nobela at iba pa, ngunit naging bigo rin. 10

3. Itinatag ang Katipunan (KKK- Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan anak ng Bayan), isang sikretong kilusan na itinatag ni Andres Bonifacio para patalsikin ang mga Español. Natuklasan ang kilusan noong 1896 kaya sinimulan na ang rebolusyon ngunit ang rebolusyon ay inabot ng pagdating ng Amerikano noong1898 dahil sa digmaang “Spanish- Amerika War” sa pamamagitan ng Estados Unidos at Espanya. Ang Pilipinas ay napasailalim ng Estados Unidos nang matalo nito ang Espanya.B. India1. Mahatma Gandhi Ang India ay nasa ilalim ng pamamahala ng Britanya. Sa pamamagitan ni Mahatma Gandhi inilunsad nila ang isang mapayapang paraan ng pagtutol kung saan walang armas at dahas na ginamit ngunit sa pamamagitan ng “civil disobedience”. Ito ay nakapagmulat sa mga Hindu at naging daan sa kanilang pagkakaisa.2. Rebelyong Sepoy Ito ay ang pagtugon ng mga taga-India sa kolonisasyon sa pamamagitan ng dahas. Muntik ng mawasak ang Imperyong Britanya sa ginawang rebelyong ito noong 1857-1858. Ang Sepoy ay mga katutubong sundalo na naghangad sa pamamgitan ng paghihimagsik na patalsikin ang mga British. 11

Gawain 1: Pag- isipan Mo!Subukan mong punuan ang sumusunod ng mga tauhang bumubuo nito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magbigay ng maikling pagsasalarawan ng pamamaraang ginamit ni MahatmaGandhi ng India laban sa Britanya.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Iba’t ibang paraan ang ginagamit ng mga nasakop na teritoryo sa Asya laban sa mga nanakop na Europeo. Ang paraan ay maraming mapayapa o marahas. Ang halimbawa ng mapayapang paraan ay ang kilusang propaganda sa Pilipinas at “civil disobedience” sa India. Ang marahas na paraan naman ay ang himagsikang pinangunahan ni Bonifacio sa Pilipinas at ng mga Sepoy sa India. 12

ARALIN 3EPEKTO NG KOLONISASYON SA ASYA Ang kolonisasyong naganap sa Asya ay nagkaroon ng mabuti at di mabutingepekto. Sa araling ito susuriin natin ang mga ito. Epekto ng Kolonyalismo sa Asya A. Paggalugad ng mananakop sa likas na yaman ng kolonya 1. Ang mananakop ang higit na nakinabang sa likas na yaman. 2. Ang yaman ng nasakop na bansa ay nilinang nang husto. B. Pag-unlad ng teknolohiya at kalusugan 1. Natuto ang mga nasakop ng makabagong makinarya. 2. Napa-unlad ang pamumuhay ng mga katutubo. 3. Napuksa ang mga sakit dahil sa makabagong gamut at paraan ng paggamot. C. Pagbabago sa sistemang pamahalaan, batas, at katarungan 1. Naging maayos ang sistema ng pamahalaan. Ang dating watak- watak na mga teritoryo ay nabuo bilang isang estado. D. Pagbuo ng damdaming nasyonalismo 1. Pagkagising ng damdaming makabayan dahil sa paglawak ng kalayaan nang sakupin ng mga dayuhan. 2. Nagkaisa ang mga tao sa paghamon sa lakas ng mga dayuhan nang sila ay maglunsad ng kilusang reporma at kilusang panghimagsikan. 13

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magtalang dalawang mabuting naidulot ng kolonyalismo at dalawang ring hindi mabuting naidulot nito. A. Mabuting naidulot 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ B. Hindi mabuting naidulot 1. ___________________________________________________ 2. _________________________________________________ Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kung ang karanasan ng Pilipinas ang tutukuyin, paano momaisasalarawan ang epekto sa iyo ng pananakop ng Kastila? Magbigay ng isanghalimbawa.___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang kolonisasyon ng ilang teritoryo sa Asya ay nagdulot ng mabuti at di mabuting epekto. Halimbawa ng mabuting epekto ay ang paglinang mg likas na yaman at pag-usbong ng damdaming nasyonalismo.Ang di mabuting epekto ng naman ay ang higit na pakinabang ng gma sumakop salikas na yaman ng sinakop sa bansa. 14

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang pagtuklas ng kanlurang ruta patungo sa Silangan ay nagbigay daan sa kolonisasyon. Ang kolonisasyon ay ang pananakop sa isang teritoryo upang ipasailalim ito sa kapangyarihan ng dayuhang bansa. Ang motibo ng kolonisayon ay pangkabuhayan, pangrelihiyon at pagpapalawak ng kapanyarihan. Ang mga Europeong bansa na nagkaraan ng kolonya sa Asya ay : • Portugal • Espanya • Pransiya • Orlanda • Britanya Ang kolonisasyon ay nagkaroon ng mabuti at di mabuting epekto sa mga bansang nasakop. 15

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod na bansa ang mahigpit na nagpaligsahan sa paglakbaysa paghahanap ng ruta papuntang Silangan.A. Britanya at Espanya. C. Pransiya at Portugal.B. Espanya at Portugal. D. Orlandia at Espanya.2. Anong Europeong bansa ang sumakop sa Indo China?A. Britanya C. PransiyaB. Orlandia D. Portugal3. Ang Sepoy ay tumutukoy sa C. katutubong Indones. A. katutubong Pilipinas. D. katutubong Borneo. B. katutubong ng India.4. Anong bansa ang may kasalukuyang tawag sa Myanmar?A. Brunei C. BurmaB. Borneo D. Saba5. Si Jose Rizal ay itinuturing na isang C. propagandista. A. rebolusyunaryo. D. magiting na sundalo. B. mamamahayag.6. Ang hinahangaang bayani ng India ay si C. Mohammad. A. Mahatma Gandhi. D. Sepoy. B. Indira Gandhi.7. Ang pinakamaliit na estado na dating bahagi ng Malaysia at ngayon aynapaunlad ayA. Brunei. C. Borneo.B. Singapore. D. Sabah.8. Ang tawag sa samahang ng mga Pilipinas na naglahad na magkaroon ng repormasa ilalim ng Kastila ay 16

A. Katipunan. C. Kilusang Propaganda.B. La Liga Filipina. D. Samahang Filipina9. Ang tawag sa pananakop ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa ayA. eksplorasyon. C. integrasyon.B. kolonisasyon. D. pamamahala.10. Ang bansang unang sumakop sa Pilipinas ay C. Britanya. A. Estados Unidos. D. Orlandia. B. Espanya.11. Ang teritoryo na inaangkin ngayon ng Pilpinas at kilala bilang North Borneo ayA. Singapore. C. Spratly.B. Sabah. D. Kalayaan.12. Ang pangunahing motibo ng mga Europeo sa panankop ay A. pangangalakal. B. pagpalaganap ng relihiyon. C. maging tanyag D. pagpalaganap ng ideolohiya.13. Ang rebelyon ng gma katutubo ng India laban sa Britanya ay kilala bilangA. Sepoy rebelyon. C. Rebelyon ng Borneo.B. Rebelyon ni Gandhi. D. Rebelyon ng Bombay.14. Ang teritoryo sa Asya na nasakop ng Orlandia ng mahaba ring panahonA. Indo-China. C. India.B. Indonesia. D. Annam.15. Ang nanguna sa paglalakbay sa paghahanap ng ruta sa Silangan na nagingdaan para sakupin ang teritoryo sa Asya ayA. Espanya. C. Britanya.B. Portugal. D. Pransiya. 17

GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT 1. kilusang propaganda 2. Britanya 3. Singapore 4. kolonya 5. kalakal 6. Olandia 7. Mahatma Gandhi 8. Sabah 9. Sepoy 10. French – Indo ChinaPANGHULING PAGSUSULIT 1. B 2. C 3. B 4. C 5. C 6. A 7. B 8. C 9. B 10. B 11. B 12. A 13. A 14. B 15. B 18

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 7ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMOAT SIMULA NG IMPERYALISMO SA ASYA BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 7 ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMO AT SIMULA NG IMPERYALISMO SA ASYA Sa dahilang marami ang mga magagandang naging ulat ng mga Europeongnakapaglakbay sa rehiyon ng Asya at tuwiran nilang naobserbahan ang mahusay naproduksyon ng seda, pagtatanim ng palay, at paggawa ng mga aklat, armas, atsasakyang pandagat, maging ang mga modelong estado gaya ng mga Imperyo ngTsino at Hapon ay naging motibasyon para sa kanila na ipagpatuloy ang pagpapalaking kanilang mga sakop sa rehiyon ng Asya. Ang unang bahagi ng kanilang panggagalugad kung ating susuriin sa atingmakabagong pananaw ay panahon din ng pagtuklas ng mga Kanluranin sa kanilangsarili sa aspetong pangkulturang pamumuhay, pagbabalanse ng kanilang mgapaniniwala, at pagsusuri ukol sa kanilang mga katutubong kaalaman ukol sa mundo, satao, at sa hinaharap. Ipinagpatuloy nila ang pagtuklas sa mga yamang-mineral ng Asya at pagpapairalng sistemang merkantilismo upang patuloy nilang pagkunan ng mga hilaw namateryales ang mga bansa sa Asya at ikonberto ang mga ito bilang malaking pamilihanng kanilang mga sobrang produkto gawa. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Iba’t Ibang Mukha at Teorya ng Imperyalismo Aralin 2: Ang Paghahati ng Asya Aralin 3: Resulta at Epekto ng Imperyalismo sa Asya Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Mailalarawan ang iba’t ibang mukha at teorya ng imperyalismo sa Asya; 2. Maipaliliwanag ang dahilan ng paglaganap ng imperyalismo sa Asya; 2

3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na naapektuhan nang lubusan ng imperyalismo; 4. Mailalarawan ang mga pagbabagong dulot ng imperyalismo sa aspetong kultural, pulitikal, at ekonomikong pamumuhay ng mga Asyano; at 5. Masusuri ang resulta at epekto ng imperyalismo sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Asyano. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay isang teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikong bansa A. Protectorate B. Colony C. Sphere of influence D. Civilizing mission 2. Isang uri ng pananakop na kung saan ang kolonya ay mayroong sariling pamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong pinangangasiwaan ng pamunuan ng bansang mananakop A. Sphere of influence B. Protectorate C. Civilizing Mission D. Colony 3

3. Isang uri ng pananakop na kung saan ang isang rehiyon o bahagi ng bansang sinakop ay mayroong ekslusibong investment o karapatan sa kalakalan ang bansang mananakop A. Civilizing Mission B. Protectorate C. Colony D. Sphere of Influence4. Ang mga estado ng Tsina ay itinuturing ng mga Europeo na modelong estado dahil sa A. May mga epektibong lokal na pinuno B. Pagkakaroon ng serbisyong kagalingan C. Disiplinadong mamamayan D. Pagpapahalaga sa kalinisan at kapayapaan5. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at maliliit na nasyon-estado A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Komunismo6. Teoryang ipinalaganap ng mga Ingles na nangangahulugan ng pagpapataas ng antas ng sibilisasyon ng mga katutubong sinakop A. Culture system B. Ethical Policy C. Civilizing Mission D. Imperyalismo 4

7. Mga sundalong Hindu na nag-alsa noong 1857-59 laban sa mga awtoridad na Ingles A. Sepoy B. Shiite C. Hindu patriot D. Sikh8. Isang sikretong organisasyon ng mga Tsino na may malaking galit sa mga Kristiyanong Tsino at mga dayuhang mananakop ay kilala sa tawag na A. Kung Fu masters B. Samurais C. Boxers D. Sumo wrestlers9. Ang kasunduan na nagbigay daan sa tuwirang pananakop ng Amerika sa Pilipinas A. Kasunduan sa Vienna B. Kasunduan sa Venice C. Kasunduan sa Ghent D. Kasunduan sa Paris10. Mga nakapag-aral at makapangyarihang pangkat sa lipunang Asyano na naging daan sa lubusang pagpasok ng mga ideya at kulturang dayuhan A. Ilustrado B. Burgis C. Pensionado D. Iskolar 11. Napakalaki ng naging epekto ng kolonisasyon sa Asya maliban sa A. Pagpapatayo ng mga paaralan B. Naging pamilihan ng mga hilaw na materyal 5

C. Pagsasarili D. Pagtatatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga mananakop 12. Kinilala siya bilang Empress Dowager sa Tsina at naging pangunahin siya sapagsuporta sa pagpapaalis sa mga dayuhan at pagkakaroon ng modernisasyon saTsina A. Ci Xi B. Confucius C. Lao Tse D. Tu Fu 13. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East IndiaCompany A. Heneral B. Pangulo C. Viceroy D. Ministro 14. Amerikanong Commodore na nakipagkasundo sa Shogun ng Hapon upang magbukas ng kalakalan sa pagitan ng Hapon at Amerika A. George Dewey B. Matthew Perry C. Douglas MacArthur D. Henry Wainright 15. Kilala siya bilang “Enlightened Emperor” sa Hapon A. Mustsuhito B. Hirohito C. Matsukuhito D. Naruhito 6

ARALIN 1ANG IBA’T IBANG MUKHA AT TEORYA NG IMPERYALISMO Ang salitang imperyalismo ay isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sapanahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay nangangahuluganng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado.Sa loob ng dalawang libong taon, ang Imperyong Roma ay nakontrol ang haloskabuuan ng Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, ang ilan sa mga bansangEuropeo at ang Estados Unidos ay nagpasimulang mag-kontrol ng ibang mga bansa salupalop ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang panahon mula 1800 hanggang 1914 aynaging kilala bilang Panahon ng Imperyalismo. Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng tatlongpangunahing salik. Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo, nais ng mga nasyon saEuropa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mgakaribal na mga bansa. Ikalawa, dulot ng Rebolusyong Industriyal, nangangailangan ngmga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na laglagan ng mga produktongyari na gawa mula sa kanila kaya sila ay nagpalawak ng kanilang mga teritoryo. Ikatloang paghahangad na ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at paniniwalasa iba pang mga bansa sa mundo. Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang katuturan ng imperyalismo; 2. Masusuri ang mga salik na nag-udyok ng paglaganap ng imperyalismo; 3. Maipapakilala ang iba’t ibang teorya na ginamit at binuo ng mga mananakop upang bigyan ng patotoo ang kanilang ginawang pananakop; 4. Mapaghahambing ang iba’t ibang anyo ng imperyalismo; at 5. Makapaglilista ng halimbawa ng mga hilaw na materyal na pinakinabangan ng mga bansang mananakop sa kanilang industriyalisasyon. 7

Gawain 1: Pag-isipan Mo Suriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita ng cartoon na iyong nakikita. Maaring isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.Ang Pampulitikang Kompetisyon Noong gitnang bahagi ng ika – 18 dantaon, karamihan sa mga bansa sa lupalopng Europa ay naghangad na magkaroon ng sariling mga kolonya sa mga lupalop ngAsya at Aprika. Naging bahagi ito ng kanilang paghahangad sa kapangyarihan atpagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga dayuhang mananakop. Nagtagosila sa pagpapaniwala sa mga bansa sa Asya at Aprika na ang kanilang pamumuno aymagtuturo sa mga ito ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilangmga pamahalaan, ng pagsasarili at malaking tulong na magkaroon ng nagsasarilingpamahalaan. Ito ang naging dahilan ng patuloy na pagpapalawak ng kanilang mgateritoryo sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Aprika at tuluyang paghahangad na ito’ymaging bahagi ng kanilang lupain. 8


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook