Paghahangad sa Pagkakaroon ng Bagong Pamilihan Ang Rebolusyong Industriyal noong ika-18 dantaon ay naging salik sapaghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika na maghanap ng mgapamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa. Sa maramingprodukto na kanilang ginawa ay kinakailangan nila ng pagtatayuan ng mga bagongpabrika na kailangan ang mga hilaw na materyales na sa mga bansang kanilang sakoplamang libreng makukuha. Ang mga produktong gaya ng rubber, copper at ginto ay nanggaling sa Aprika,bulak at jute sa India, at tin sa Timog Silangang Asya. Ang mga hilaw na materyales naito ay nakatulong sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya sa Amerika at saEuropa. Ang ilan pa sa mga karagdagang produkto na nakilala sa pamilihang pang-internasyonal ay ang saging, dalandan, melon at mga prutas na karaniwang sa Asyalamang matatagpuan. Ang mga mamamayan sa Paris, London at Berlin ay natutonguminom ng tsaa, tsokolate, at kape kasabay ng kanilang mga pagkain at gumamit ngmga sabon na nanggaling sa palm oil ng Aprika at langis ng niyog sa Asya. Nagsilbi ring bagong pamilihan at laglagan ng mga produkto ng Kanluranin angkanilang mga bansang nasakop. Naging tagapagluwas ng mga hilaw na materyal angmga bansang sakop samantalang ang pagbubuo ng mga ito ay ginagawa sa mgapabrika ng mga Kanluranin na bansa. Ganito ang naging kalakaran sa napakahabangpanahon kaya nanatili ang pagdepende sa mga produkto ng magkabila lalo na sapagpaparami at pagpapalaki ng produksiyon. Ang kolonisasyon ay nagsilbing paraan upang pakinabangan ng mga taga- Kanluran ang mga hilaw na materyalna matatagpuan sa Asya. 9
Paghahangad ng Panibagong Oportunidad Dahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang oportunidad sakanilang mga kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na maglakbaytungo sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Binigyan nila ng pagkakataon na mag-ari ngmga lupain ang mga ito sa kanilang mga kolonya, patakbuhin ang pamahalaang itinatagat pamunuan ito at kontrolin ang mga paaralan at ekonomiya ng mga kolonya. Dahil ditoay nagpatuloy ang mga patakarang kolonyal at naitatatag ang mga institusyongkolonyal na mag-iiwan ng tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ngGran Britanya at Amerika. Tignan ang karikatura sa ibaba ito ay isang pagpapatunay ngoportunidad na paghahangad ng Gran Britanya na ang simbolo ay ang leon at angAmerika na sinisimbolo naman ng agila.Civilizing Mission Ang patuloy na paglalakbay ng mga Europeo tungo sa lupalop ng Asya ay hindidahil sa pang-ekonomiyang kadahilanan lamang kundi para magturo ng bagongpaniniwala sa mga katutubo at ikonberto sila sa bagong paniniwala. Pinaniniwalaan ngmga Europeong misyonero na sila’y mayroon misyong dapat gawin sa mga katutubongAsyano sa aspekto ng sosyo-kultural. Naniniwala sila na mataas ang kanilangkalinangan sa kanilang mga kolonya kaya dapat lamang na ituro sa mga mamamayannito ang mga pagbabago para sila ay ituring na mga sibilisado. 10
Sa pamamagitan ng relihiyon, edukasyon at lenguahe ay unti-unting itinuro ngmga mananakop ang bagong kultura na nang lumaon ay naging dominante sa mgalipunan sa dahilang maraming mga nakapag-aral na katutubo ang naging kasangkapansa pagpapalaganap nito. Ito’y itinuro sa kanilang mga anak at salin-lahi kaya angnakaraang pamumuhay ay nalimutan na nila at sila’y nagbihis ng bagong anyo saaspektong sosyo-kultural. Mas nagkaroon ng pagpapahalaga ang mga asimiladongkatutubo sa mga naiambag ng mga dayuhan at mga itinuturo ng mga ito kaysa angpagpapanatili at pahalagahan ang dati nilang kaalaman.Ito’y kanilang pinaniwalaan nabahagi ng madilim nilang nakaraan.Iba’t ibang Anyo ng Imperyalismo Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upangmakakuha ng bagong lupain. Minsan sila ay gumagamit ng mga kasunduan, binibili angmga lupain mula sa dating mga mananakop o kaya simpleng sinasakop ang isanglupain sa pamamagitan ng puwersang militar. Ang mga imperyalistang bansa ay may iba’t ibang anyo sa pamamaraan ngpagkontrol sa kanilang mga teritoryo. Ang una ay tinatawag na colony, kung saan aydirektang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakopna bansa gaya ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Britanya sa India at Pransiya sadating Indo-Tsina. Ang protectorate ay mayroong sariling pamahalaan nguni’t ang mgapatakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarangpanlabas gaya ng ginawa ng Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong at Portugal sa 11
Macau. Ang sphere of influence naman ay may kaugnayan sa mga investment attrading rights ng isang imperyalistang bansa sa isang rehiyon ng bansa gaya ng ginawasa Tsina ng Britanya, Hapon, at Pransiya. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa iyong palagay, ang imperyalismo ba ay totoong nagbigay ngmagandang kinabukasan at pag-asa sa mga bansang sinakop? Pangatwiranan. Tandaan Mo! Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitika, pangkabuhayan, at pangkultura na pamumuhay na isang mahina at maliit na nasyon-estado. Ang imperyalismo ay dulot ng tatlong pangunahing salik: nasyonalismo, Rebolusyong Industriyal at paniniwalang ang kultura ng mananakop ay mas superyor kaysa mga bansang sinakop. Ang tatlong pangunahing anyo ng imperyalismo ay ang: colony, direktang pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kolonya; protectorate, ang imperyalistang bansa ay nagbibigay direksiyon sa patakarang panlabas at pamahalaan ng kolonya at ang sphere of influence, ang isang rehiyon ng bansa ay eksklusibong may pamumuhunan o trading rights ang imperyalistang bansa. 12
Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang maikling saknong ng tula ukol sa iyong sariling pananaw o pakahulugan ng salitang Imperyalismo.ARALIN 2ANG PAGHAHATI NG ASYA Ang pakikipagkalakalan, pagpapalaganap ng panibagong paniniwala atpilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mgabansang Kanluranin sa Asya. Upang lalong mapatatag ang kanilang kapangyarihan sapangkabuhayan at pulitikal na pamumuhay ng mga bansang Asyano ay tuluyan ngsinakop at hinati ng mga Imperyalistang mananakop ang Asya. Ang mga British ay pangunahing kinontrol ang kalakalan sa India nguni’t angkanilang pananakop ay naging daan sa pag-usbong ng nasyonalismongmagpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng Rebelyong Sepoy atpagtatatag ng sariling republika. Hindi lamang ang India ang sinakop ng Gran Britanyasa Asya kundi maging ang Tsina. Pumasok sa mga di makatotohanang kasunduan angTsina hanggang sa ito’y naging spheres of influence ukol sa kalakalan ng mga bansangGran Britanya,Pransiya, Alemanya, Rusya at Hapon. Inilunsad ang Boxer Rebelyonupang patalsikin ang mga dayuhan at Kristiyanong nais na magpalaganap ng bagongkaisipan at pamamaraan ng pangkabuhayan sa Tsina. Noong taong 1911 ay nagwakasang pamumuno ng rehimen dinastiyang Tsino at ang bagong republika ay isinilang satulong ng pamumuno ni Sun Yat Sen. Ang Hapon ay nagkaroon ng panahon ng seklusyon o di pakikipagkalakalan samga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas lamang ng apat na daungan namagsisilbing laglagan ng mga produkto ng mga dayuhan. Pumasok sila sa panahon ngpagsasarili tungo sa industrialisasyon sa panahon ng pamumuno ng mga Meiji leaders. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay patuloy na sinakop ng mgabansang Kanluranin gaya ng Britanya, Espanya at ng Olandiya sa aspektongpangkabuhayan, pulitika at pamumuhay ng mga tao. 13
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa paghahati ng Asya sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop; 2. Makikilala ang mga naging pangunahing Asyanong pinuno na naglunsad ng mga pagtutol sa pananakop; 3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na sinakop ng mga bansang Kanluranin; 4. Masusuri ang mga pangunahing epekto ng pananakop sa lipunang Asyano; at 5. Makapagbibigay ng sariling kuru-kuro ukol sa naging epekto ng pananakop sa karanasan ng mga Asyano. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Lagyan ng tanda ang mga bansang Asyanong naging bahagi ng pananakopsa mapa ng Asya sa ibaba.Tsina Hapon Pilipinas Indonesia India Burma (Myanmar) 14
Ang mga British sa India Ang pagsisimula ng panggagalugad ng mga bansang Europeo ang nagtulakupang magkaroon ng pagkakataon ang Britanya na kontrolin ang kalakalan sa India. Sapamamagitan ng pagtatatag ng East India Company ay nakontrol ng mga British angkalakalan ng ruta tungo sa India. Ito ang naging dahilan sa pagiging mayaman ngnabanggit na kumpanya at nagdala ng malaking kita sa imperyo at sa mgamangangalakal na naging bahagi ng kalakalan. Dahil sa malaking kita na tinatanggapng kompanyang British sa kalakalan ay nagkaroon ito ng ka-kumpetensiyang bansa angPransiya. Itinatag ng Pransiya ang French East India Company nguni’t ito’y hinadlanganng mga British sa pamamagitan ng Battle of Plassey noong 1757 na kung saan aynatalo ang mga Pranses. Hindi lamang ang kalakalan ang kinontrol ng mga Britishkundi nagpasimula na rin silang magpasok at magturo ng mga kultural na pagbabagosa India. Isang grupo ng mga kawal sa India o kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsaupang tutulan ang pagsisimula ng pag-impluwensiya ng mga British sa kanilangpamumuhay. Nguni’t may mga ilang datos din ang nagpapatunay na ang pinakadahilanng pag-aalsa ay ang paniniwala ng mga Sepoy na binubuo ng mga Hindu at Muslim nasundalo na ang grasa sa kanilang mga baril ay hinaluan ng langis na mula sa baka atbaboy. Nang panahon na iyon ang pagkakasa ng baril ay di sa kamay lamang kundikinakagat pa ito bago maikasa. Samakatwid sa kanilang pagkagat ay mapupunta ito sakanilang mga bibig at ang baka para sa mga Hindu ay sagrado samantalang ang baboyay pinagbabawal na kainin sa mga Muslim kaya ito’y taliwas sa kanilang mgapananampalatayang Hinduismo at Islam. Kaya ang nasabing usapin sa pag-aalsa ayukol sa pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga taga-India. Ang nasabing pag-aalsa ay umabot ng dalawang taon bago tuluyang nasugpo at naging daan sa lalong paghihigpit ng pamahalaang Britanya sa India. Taong 1858 ay tinanggal ang East India Company at naglagay ng viceroy o isang gobernador na itinalaga ng hari ng Britanyaupang maging kinatawan sa pamumuno ng teritoryo. Kaya noong 1877 ay ibinigay na 15
titulo ng Punong Ministro ng Britanya na si Disraeli kay Reyna Victoria ng Britanya angEmpress of India. Kaya nagpatuloy pa rin ang pagkontrol ng Britanya sa India hanggang samagpatayo ito ng mga daanan, riles ng tren, sistema ng komunikasyon, irigasyon,paaralan at unibersidad dito. Ito’y nagbigay ng mabuti at di mabuting epekto sa Indiadahil una ito’y nakatulong sa pagbabago ng kanilang pangkabuhayan nguni’t ang mgaimprastrakturang nabanggit ay mas nakatulong ng lubusan sa pagpapabilis ngkalakalan at pagbibigay ng malaking kita sa bansang mananakop. Maraming mga nasyonalistikong pinuno sa India ang naghangad ng mga reporma at tunay na paglaya sa Britanya sa pamamagitan ng kanilang pagtatatag ng Indian National Congress noong 1885. Nguni’t anuman ang kanilang mga pagsisikap dahil nga sa malaking kapakinabangan sa ekonomiya ay patuloy pa rin itong kinontrol ng Britanya hanggangika-19 na siglo.Pagharap ng Tsina sa mga Kanluranin Habang ang Britanya ay patuloy na pinatatatag ang Imperyo sa India ang ilangmga bansang Kanluranin ay nagpapatuloy naman ng paghahangad na mapasok angkalakalan sa Tsina. Sa mahabang panahon ang Tsina ay pinamumunuan ng mgaEmperador na nakatulong ng malaki upang mapatatag ang kabuhayan, lipunan atpulitika ng Tsina. Mayroon lamang limitadong kalakalan sa pagitan ng mga bansangEuropeo at ng Tsina sa loob ng tatlong daan taon. Noong ika-18 siglo ay nakakita ng pagkakataon ang mga British na mapasok ang kalakalan sa Tsina at malaking kita ang ibinigay nito sa kanila. Sa pakikipagpalitan ng tsaa, silk at porselana mula sa Tsina ay sinadya ng mga mangangalakal na British na huwag gumamit ngsalapi sa palitan kundi nagpasimula silang magluwas ng opyo na nanggagaling sa Indiaat Turkey. Nang ito’y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok 16
ng opyo sa Tsina nguni’t naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng isang digmaannoong 1839. Kinilala ang digmaang ito bilang Opium War. Nanalo ang mga British sanasabing digmaan ng kanilang binomba ang Canton (Guangzho) at sa pamamagitan ngisang kasunduan na nilagdaan ng mga representante ng Britanya at pinunong Qing ngTsina ay nagresulta ito ng pagbibigay sa kanila ng Hong Kong na maging bahagi ngkanilang imperyo. Ang pangyayaring ito’y naging daan para maghangad din ang ibapang mga bansa na magkaroon ng bahagi sa kalakalan sa Tsina. Sa pamamagitan ngmga di makatwirang kasunduan na ginawa ng iba’t ibang bansa at pilitang pinalagdaansa mga pinunong Tsino ay napagtibay na ang malaking bahagi ng Tsina ay mapailalimsa spheres of influence. Ang spheres of influence ay nangangahulugan ng mga lugar nakung saan ang isang dayuhang bansa ay mayroong eksklusibong karapatan namangalakal o gamitin sa pangangalakal. Ang mga bansang nakinabang dito ay angBritanya, Pransiya, Alemanya, Rusya at Hapon.Ang mga daungan ng kalakalan sa Tsina na naging bahagi ng mga di makatwirang kasunduan sa pagitan ng mga dayuhan at ng Tsina. Sa usaping ito ay naapektuhan ng malaki ang ina ng batang Emperador ng Tsinana si Tsu Hsi (Ci Xi) kaya minabuti niya na bumuo ng isang sekretong kilusan namaaring magpatalsik at magpabagsak sa mga dayuhang nanatiling nakikinabang sayamang likas at nagsusulong ng ibang kabihasnan sa Tsina. Maraming mganasyonalistikong Tsino ang sumama sa kilusan at naghangad ng paglaya sa mgadayuhang mananakop. Ginamit nila ang pamamaraan ng martial arts sa nabuoongkilusan sa pamamagitan ng boksing kaya nakilala sila bilang mga boxers. Tinugis at 17
pinatay nila ang mga dayuhan at maging ang mga Tsinong nakonberto sa pagiging Kristiyano. Mahabang panahon din ang nangyaring labanan at natalo lamang ang nasyonalistikong Tsino ng magsanib ng puwersa ang mga dayuhan upang sugpuin at lipulin sila noong ika-14 ng Agosto, 1900. Napilitang lumisan ang mga natira pang mgaTsinong boxers nguni’t pinagbunyi naman sila ni Tsu Hsi (Ci Xi) sa kanilang ginawangkatapangan. Nagpatuloy pa rin ang pamumuno ng Dinastiyang Qing nguni’t ito’y sasuporta na ng mga dayuhan. Nakita at naramdaman ito ng malaking bahagi ngpopulasyon ng mga Tsino kaya inisip nila na di na makatwiran ang pamumuno ngEmperador Tsino. Naging sunud-sunuran na lamang ito sa mga dayuhan o nagsilbingpapet ng mga dayuhan. Pinaniniwalaan ng mga Tsino na kailangan na ang pagtatatag ng isang bagongrepublika. Ito ang isinulong ng Tsinong doktor na si Sun Yat Sen na pinaniniwalaangmakakamit lang ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng isangRepublika at tapusin na ang rehimen ng mga dinastiya. Ang mga rebolusyonaryong Tsino na nagsusulong ng pagbabagoay bumuo ng isang kilusan na tinawag na Guomindang (Kuomintang) oisang nasyonalistikong partido. Sila’y nagpasimulang makipaglaban sa mga pangkat nananiniwala pa rin sa pagpapatuloy ng dinastiya at sila’y natalo ng mga ito. Taong 1908ng mamatay ang Empress Tsu Hsi (Ci Xi) kaya naiwan ang trono sa dalawang taon naPrinsipe Pu Yi, (Xuantong) pamangkin ng Empress Tsu Hsi. Humingi ng tulongpinansiyal si Sun Yat Sen sa Amerika upangmaipagpatuloy ng Partido Guomindang ang layunin natapusin ang rehimen ng Dinastiyang Qing ng kanyangnabalitaan na ang mga sundalo ng imperyo ay sumanib nasa mga rebolusyonaryo kaya dali-dali siyang umuwi. Si Dr.Sun Yat Sen ang kauna-unahang naging pangulo ngRepublika ng Tsina noong 1911. 18
Modernisasyon ng Hapon Ang pakikipag-ugnayan ng Hapon sa mga dayuhang Europeo ay halosnagpasimula kaalinsabay ng sa Tsina. Pareho sa kaisipan ang Hapon at Tsina na dinila kailangan ang mga produktong galing sa mga bansang Europeo kaya mula sa ika-15 hanggang sa unang bahagi ng ika-18 siglo ay walang kalakalang naitatag sa pagitanng mga bansa. Nguni’t noong 1853, ang Amerikanong Commodore Matthew Perry aydumaong sa Look ng Edo ( Tokyo) at hiniling na magkaroon ng kalakalan sa pagitan ngAmerika at Hapon. Ang Hapon ay pinamumunuan noon ngShogun. Sa dahilang napag-alaman ng Shogun angnangyaring digmaan sa pagitan ng Tsina at Britanya ayminabuti nito na pumayag na lamang sa mga kasunduan samga bansang Kanluranin. Kaya ang unang kasunduan nanilagdaan ng Shogun ay noong 1854 sa pagitan ng Haponat Amerika. Nagsunuran na rin ang ibang mga bansa gayang Britanya, Pransiya, Olandiya, at Rusya sa pagtatalaga ngmga kasunduan sa kalakalan nguni’t ang nilalaman ng mgaito ay karaniwang pabor sa mga nabanggit na bansa. Isang pangkat ng mga samurai(warrior class) sa Hapon ang nagtalaga sa bagong Emperador na si, Mutsuhito. Kinilalasiya bilang Emperador Meiji ( Enlightened) kaya ang mga naging pinuno ng panahon naiyon ay tinawag ding Meiji leaders. Sa pamumuno ni Emperador Meiji ay nagpasimula ang pagsisikap ng mga Hapones na bigyang sigla ang kanilang ekonomiya, magtatatag ng mga imprastraktura at industrialisasyon. Nagpasimula rin silang magpatayo ng mga paaralan na ang kurikulum ay ukol sa pang-mundong pakikipag-ugnayan nguni’t nagbibigay diin sa mga mag-aaral na mananatiling tapat sa kanilang pinagmulan atbayan. Lumaki ang populasyon ng Hapon noong 1880 at naging positibo ito sapagka’tang populasyon ay ginamit na lakas paggawa upang magpatakbo ng mga industriyangitinatag. Taong 1914 ay itinuturing na itong isa industrialisadong bansa sa buongmundo. 19
Kinilala ang lakas at kapangyarihan ng Hapon ng sinakop nito ang Korea atnaging kolonya ito. Natalo niya ang bansang Tsina sa Sino-Japanese War noong 1895at sa pamamagitan ng Kasunduan sa Shimonoseki ay ipinagkaloob sa Hapon bilangbahagi ng kanyang imperyo ang Korea, Taiwan at mga isla ng Pescadores. Angpagkatalo ng Tsina sa Hapon ay pagpapakilala ng paghina ng lakas ng DinastiyangQing. Nangangamba rin ang Hapon na magpatuloy ang pagpapalawak ng teritoryo ngRusya kaya noong 1904 ay sopresang nilusob ng hukbong mandaragat ng Hapon angPort Arthur, base naval ng Rusya sa Manchuria. Laking gulat ng marami ng manalo angmga Hapon sa labanan kaya naipakita ng Hapon na kayang talunin ng isang Asyanongimperyo ang isang Kanluraning imperyo. Naging inspirasyon ito sa mga Asyanongnasyonalisitko na naghahangad ng kalayaan sa kamay ng mga dayuhang Europeo. Satuluyang pagiging bahagi ng teritoryo ng Hapon sa Korea noong 1910 ay lalo pa itongnaghangad ng pagpapalawak ng kanyang teritoryo sa mga dumating pang 35 taon.Ang Timog-Silangang Asya Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang bahagi ang tinatawag na Mainland na binubuo ng mga bansang Thailand, Laos, Vietnam, Cambodia at Burma(Myanmar) at ang mga isla gaya ngIndonesia, Malaysia at Pilipinas. Angmga Olandes ang unang nagtatatagng kalakalan sa East Indies o angIndonesia sa kasalukuyan. Sapanahong iyon ay napakinabanganang mga hilaw na materyales namatatagpuan sa arkipelago gaya ng kape, paminta, cinnamon, asukal, idigo, tsaa, mgayamang mineral gaya ng copper at tin at ang mga matitigas na kahoy sa mgakagubatan. Upang lalong pakinabangan ang mga produktong ito ay itinatag ng Olandiyaang Dutch East Indies Company sa bahagi ng Timog Silangang Asya. Pinamunuan ng 20
mga Olandes ang East Indies sa mahabang panahon sapamamagitan ng pagpapatupad ng puwersahang pagtratrabaho samga mamamayan sa mga plantasyon nila at karaniwangbinabayaran sa mababang pasahod lamang. Isang katutubong prinsipe ng isla ng Java na nagngangalang Diponegoro, ang nagpasimula ng isang pag- aalsa laban sa mga Olandes. Tumagal ng sampung taon ang labanan ngunit di ito nagtagumpay na pigilan ang pananakop ng Olandiya sa East Indies, ang isla ng Java sa kasalukuyan. Ang Pilipinas ay sinakop naman ng mga Kastila nanaglalayon ng pagpapalaganap ng Katolisismo at pangangalap ng mga yamang likas samga isla. Ang sistemang sapilitang paggawa ay pinatupad din at ang mga malalakinglupain ay inari ng mga Kastilang mayayaman na nanunungkulan sa Simbahan atpamahalaang Kolonyal. Hindi lamang ang pangkabuhayan ang pinakinabangan ng mgaKastila kundi ipinakilala rin nito ang kabihasnang Europeo na nagpabago sapamumuhay ng mga Pilipino. Ang kanilang pananakop ay hinadlangan ng mgaPropagandista na naglalayon ng mga reporma at kapantayan sa mga karapatan ngmga Pilipino sa mga Kastila. Nguni’t ang mga Katipunero o rebolusyonaryong Pilipinoang nagpatuloy ng paghahangad na lumaya sa mga Kastila kaya isang malawakangrebolusyon ang inilunsad noong 1896. Sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino nanagpasimula ng pag-iisip sa kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastilangmananakop. 21
Ang namagitang labanan sa Espanya at Amerika ay naging dahilan sapagwawakas ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa loob ng 333 taon. AngAmerika na nangakong tutulong sa Pilipinas upang maging malayang bansa ang nagingpanibagong mananakop naman nito. Nagtatatag ng mga pabrika, industriya atpamilihan ang Amerika sa Pilipinas upang makasiguro sa matatag na kalakalan sadalawang bansa. Maging ang mga batas at ang pamahalaan ay inimpluwensiyahan dinupang sa kapakinabangan ng mananakop. Ang Mainland Asia ay sinakop naman ng Pransiya at Britanya na gaya rin ngkapwa mga bansang Europeo ay pinakinabangan ang yaman likas ng mga bansa ditoat nagsilbing tagapagluwas ng mga hilaw na materyal na kailangan sa kanilang mgabansa. Ang pangkabuhayan, pulitika at lipunang pamumuhay ng mga tao ayinimpluwensiyahan nila na kapwa may positibo at negatibong idinulot. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga sumusunod na pangunahing Asyano nanagkaroon ng kaugnayan sa panahon ng pananakop ng mga dayuhang Europeo. Ilagaysa blangko sa kanan ang iyong sagot.1. _______________________2. _______________________3. _______________________ 22
Tandaan Mo! Ang Rebelyong Sepoy sa India ay naging upang magbago ng sistema ng pamamahala ang mga British sa India. Ang Boxer Rebellion sa Tsina ay inilunsad upang patalsikin ang mga dayuhang mananakop. Ang Panahong Meiji ang nagrestraktura ng pagbabago sa aspektong pangkabuhayan tungo sa industrialisasyon sa Hapon Ang mga yamang likas at mineral sa Timog Silangang Asya ang pangunahing salik sa pananakop ng mga bansang Europeo. Gawain 3: Paglalapat Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay naging pakinabang ba o hindi ang nangyaring pananakop sa Asya? Bakit? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 23
ARALIN 3RESULTA AT EPEKTO NG IMPERYALISMO SA ASYA Nag-iwan ng mabuti at di mabuting resulta at epekto ang imperyalismo sapamumuhay at pangkabuhayan ng Asya. Ilan sa mga ito ay ang pagiging pamilihan ngmga hilaw na materyal ng mga dayuhan at laglagan ng kanilang mga produkto;pagbubuo ng panggitnang pangkat ng tao sa lipunan; paglaganap ng sibilisasyongkolonyal; at modernisasyon ng mga lipunang Asyano. Matapos ang Araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Makapagbibigay ng mga pangunahing resulta at epekto ng imperyalismo sa Asya; 2. Masusuri ang mga pangunahing resulta at epekto ng imperyalismo sa Asya; 3. Makapagbibigay ng sariling opinyon ukol sa resulta at epekto ng imperyalismo sa Asya; at 4. Makaguguhit ng larawan ukol sa resulta at epekto ng imperyalismo sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Halo Letra: Iayos ang mga salita na nasa loob ng sobre. Isulat ang iyong sagot sa ilalim. OMSILAYNOLOK GN OTKEPE TA ATLUSER________________________________________ 24
Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga Imperyong Europeo sa Asyaay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihan paglalaglagan ng mga produktonggaling sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal nakailangan ng mga bansa sa pagbuo ng kanilang mga produkto. Nasanay ang mgaAsyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan kaya minabuti ng mga bansangmananakop na maglagay na rin ng mga pabrikang bubuo sa mga hilaw na materyal nagaling sa mga kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking kita at pakinabang angnaibigay ng mga pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga Europeong bansa nguni’tnanatiling nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya dito. Nagpatayo ng mgaimprastraktura ang mga mananakop upang maging mabilis ang pagdadala atpagluluwas ng mga produkto. Dahil dito ay isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middlemanng mga produkto kaya sila ay umunlad din sa kanilang mga pamumuhay at nanatilingmga tagapagtaguyod ng mga batas na magpapatibay sa kolonisasyon. Sila ay mganabigyan ng puwesto sa pamahalaan at ekonomiya kaya naging mahirap ang mgaginawang pag-aalsa ng ilang mga patriotikong Asyano sa dahilang sila’y hindisumusuporta sa mga nasabing kilusan. Nais nilang manatili ang sistemangpinatatakbong direkto o di direkto sa pamamagitan nila ng mga dayuhan. Angedukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga Asyanong naghahangadng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral na ito ang nagdala ng bagong mgaideolohiya tungo sa pagbabago sa kanilang mga bansa. Reporma ang kanilang sigawsamantalang ang mas nakakarami ay separasyon naman ang nais. Ang paghahati naito ng antas ng uri ng mga mamamayan ay nagresulta sa dalawang sanga: angpagtatatag ng nasyon-estado sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga batas at SaligangBatas o ang paglago ng dating bayan na pinanatili ang dating kalinangan bagodumating ang mga dayuhang mananakop. Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano aypinalitan ng mga dayuhan kaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang matagal napanahon ng pananakop. 25
Kapansin-pansin din ang agwat ng antas ng ekonomiya ng mga bansang datingkolonya at ang mga bansang mananakop. Mauunlad ang Britanya, Pransiya, Italya,Olandiya, Amerika at iba pang mga bansa sa Europa dahil sa malaking pakinabang nakanilang nakuha sa panahon ng kanilang mga pananakop. Ang salungatan sa mgaprinsipyo at pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng tao sa lipunan ay di lubusang nagingdaan para paunlarin ang kabuhayan ng mga bansang Asyano. Nguni’t ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdamingmakabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ngpagbubuo pa ng mga kilusang nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mgabansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay naging pang- matagalang epekto at resulta ng pananakop ng mga dayuhang Europeo samga bansang Asyano. Ilagay ito sa malaking bilog sa ibaba. 26
Tandaan Mo! Nag-iwan ng epekto at resultang positibo at negatibo ang pananakop ng mga dayuhang Europeo sa mga bansang Asyano. Ang pagkakaroon ng pamilihang laglagan ng mga produktong dayuhan, pagpapatatag ng ekonomiya ng mga bansang mananakop,pagkakaroon ng panggitnang uri ng mga mamamayan sa lipunan at pagbabago ngmga lipunang Asyano ang ilan sa mga epekto ng imperyalismo.Nag-iwan ng liberal na ideya sa mga Asyano ang panahon ng Imperyalismo nanaging instrumento sa pagbubuo ng mga Kilusang Nasyonalismo. Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang maikling sanaysay ukol sa epekto at resulta ng kolonyalismo sa lipunang Asyano. Maaari itong isulat sa inyong mga kuwaderno. 27
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado. Ang tatlong pangunahing anyo ng imperyalismo ay ang: colony, direktang pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kolonya; protectorate, ang imperyalistang bansa ay nagbibigay direksiyon sa patakarang panlabas at pamahalaan ng kolonya at ang sphere of influence, ang isang rehiyon ng bansa ay eksklusibong may pamumuhunan o trading rights ang imperyalistang bansa. Ang Rebelyong Sepoy sa India ay naging upang magbago ng sistema ng pamamahala ang mga British sa India. Ang Boxer Rebellion sa Tsina ay inilunsad upang patalsikin ang mga dayuhang mananakop. Ang Panahong Meiji ang nagrestraktura ng pagbabago sa aspektong pangkabuhayan tungo sa industrialisasyon sa Hapon. Ang mga yamang likas at mineral sa Timog Silangang Asya ang pangunahing salik sa pananakop ng mga bansang Europeo. Ang pagkakaroon ng pamilihang laglagan ng mga produktong dayuhan, pagpapatatag ng ekonomiya ng mga bansang mananakop, pagkakaroon ng panggitnang uri ng mga mamamayan sa lipunan at pagbabago ng mga lipunang Asyano ang ilan sa mga epekto ng imperyalismo Nag-iwan ng liberal na ideya sa mga Asyano ang panahon ng Imperyalismo na naging instrumento sa pagbubuo ng mga Kilusang Nasyonalismo. 28
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Isang katutubong prinsipe mula sa isla ng Java na nanguna sa pag-aalsa laban sa mga Olandes A. Diponegoro B. Kukulkan C. Ibarro D. Nakamura2. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East India Company A. Ministro B. Hari C. Viceroy D. Pangulo3. Amerikanong commodore na nakipagkasundo sa Shogun na Hapon upang buksan ang kalakalan sa pagitan ng Hapon at Amerika A. Henry Wainright B. Matthew Perry C. George Dewey D. Douglas MacArthur4. Ang mga sumusunod na bansa ay naging pangunahing mananakop sa mga bansang Asyano maliban sa A. Portugal B. Espanya C. Britanya D. Sweden 29
5. Siya ay kinilalang Enlightened Emperor sa Hapon A. Naruhito B. Hirohito C. Matsukuhito D. Mustsuhito6. Ang huling hari ng Dinastiyang Qing A. Meng Fei B. Pu Yi C. Ba Ma D. Chu Qing7. Empress Dowager ng Tsina na sumuporta sa kilusan laban sa mga dayuhang mananakop A. Li Yi B. Chi chi C. Ci Xi D. Li Po8. Mga sundalo sa India sa panahon ng pananakop ng mga British na nag-alsa dahil sa pagsisimulang pagbabago ng kultural na aspeto ng lipunan A. Sepoy B. Sikh C. Hindus D. Hathor9. Kasunduan na naging daan sa pagiging kolonya ng Pilipinas sa mga Amerikano A. Kasunduan sa Shimoneseki B. Kasunduan sa Paris C. Kasunduan sa Vienna D. Kasunduan sa Ghent 30
10. Unang naging kolonya ng pananakop ng Hapon A. Macau B. Mongolia C. Hong Kong D. Korea11. Digmaan naging daan ng pagbubukas ng mga daungan sa kalakalan ng Tsina para sa Britanya A. Morphine War B. Shabu War C. Opium War D. Flower War12. Kilalang tawag sa bumubuo sa sikretong organisasyon ng mga Tsino na ang layunin ay patalsikin ang mga dayuhan sa Tsina A. Taekwendo masters B. Boxers C. Kung Fu D. Tai Chi13. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at maliliit na nasyon-estado A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Komunismo 31
14. Unang president eng Republika ng Tsina A. Mao Xe Dong B. Sun Yat Sen C. Chiang Kai Shek D. Deng Xiao Ping15. Teoryang pinalaganap ng mga Ingles sa paniniwalang patataasin nila ang antas ng sibilisasyon ng mga kolonya A. Ethical Policy B. Civilizing Mission C. Culture System D. Propaganda16. Teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikong bansa A. Protectorate B. Colony C. Sphere of Influence D. Civilizing mission17. Empress ng India A. Victoria B. Elizabeth C. Margaret D. Diana18. Ang mga sumusunod na bansa ay naging bahagi ng sphere of influence sa Tsina maliban sa A. Rusya B. Britanya C. Norway D. Hapon 32
19. Sa pagwawagi ng Hapon sa labanang Russo-Japanese War ang mga sumsunod na teritoryo ay naging bahagi ng kanyang imperyo maliban sa A. Burma B. Korea C. Pescadores D. Manchuria20. Kolonya na may sariling pamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong pinangangasiwaan ng bansang mananakop A. Sphere of Influence B. Protectorate C. Colony D. Civilizing Mission 33
GABAY SA PAGWAWASTO PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. APANIMULANG PAGSUSULIT 2. C 1. B 3. B 2. B 4. D 3. D 5. C 4. A 6. B 5. B 7. C 6. C 8. A 7. A 9. B 8. C 10. D 9. D 11. C 10. A 12. B 11. C 13. A 12. A 14. B 13. C 15. B 14. B 16. B 15. C 17. A 18. C 19. A 20. B 34
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 8ANG PAGSIBOL AT PAGSILANG NG NASYONALISMO SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 8 ANG PAGSIBOL AT PAGSILANG NG NASYONALISMO SA ASYA Ang mga patakarang di makatwiran na pinasunod, ang mga karapatangipinagkait ng mga mananakop sa mga bansang Asyano at mga patakarang di nagdulotng kaunlaran ay ilan sa mga pangunahing naging dahilan sa pagsibol at pagsiiang ngnasyonalismo sa Asya. Naging tugon ang mga kilusan sa mga pang-aabuso atpagsasamantala ng mga Kanluranin lalo na sa pag-aangkin at malabis na paggamit ngmga likas na yaman ng mga bansang Asyano. Itinuring ang mga bansang Asyanobilang ekstensiyon ng produktong Kanluranin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mgapamilihan at mga industriyang dayuhan na bubuo ng kanilang mga iniluluwas na mgaprodukto. Ang mga patakarang pangkabuhayan ay pinanatlll ang pagiging depende ngmga bansang Asyano sa mga Kanluranln. Ngunit sa pagpasok ng mga kaislpang liberal at ideya ng demokrasya aynaghangad ang mga Asyano ng kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin.Ang pangunahing layunin ng mga inilunsad na kilusan ay wakasan ang panghihimasokng mga Kanluranin sa kanilang kabuhayan at pamumuhay. Ang unang bahagi aykaraniwang reporma lamang sa pamamalakad at mga patakaran ang hinihingi ng mgaAsyano ngunit nauwl rin ito sa mga himagsikan lalo na ng kanilang hilingin angseparasyon sa mga mananakop. May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Nasyonalismo sa Silangang Asya Aralin 2: Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya Aralin 3: Nasyonalismo sa Timog Asya Aralin 4: Nasyonalismo sa Timog-Kanlurang Asya 2
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Nasyonalismo bilang pamamaraan sa paghahangad ng kalayaan at pagsasarili; 2. Maipaghahambing ang mga pamamaraang ginamit ng Asyano sa pagkakamit ng kalayaan mula sa mga Kanluraning mananakop; 3. Makikiiala ang mga Asyanong lider na naging kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng mga bansang Asyano; 4. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa Asya; 5. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na naghangad ng kalayaan mula sa mga Kanturaning mananakop; at 6. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga kilusang pangkalakalan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Asyano. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila'y magbuklod atlabanan ang mga dayuhang mananakop.A. Imperyalismo C. KomunismoB. Nasyonalismo D. Kolonyalismo2. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay: A. Imperyalismo at Kolonyalismo B. Civilizing Mission at Ethical Policy C. Aktibo at Pasibo D. Reporma at Propaganda3. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sapamamalakad ng mga Kastlla at pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Kastila.A. Budi Utomo C. KuomintangB. Katlpunan D. Propaganda4. Puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang pwersa ng armas.A. Ahimsa C. KarmaB. Samsara D. Sudra5. Naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbubuo ng isang nagsasarilingPakistan.A. Mahatma Gandhi C. Jawaharlal NehruB. Mohammed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal6. Pampulitikang sistema ng pamumuno ng mga mag-kakamag-anak sa Tsina.A. Shogunato C. TeokrasyaB. Monarklya D. Dinastiya 4
7. Ama ng Komunismo saTsina. C. Sun Yat Sen A. Chou En Lai D. Henry Pu Yi B. Mao Zedong8. Panahon na ang bansang Hapon ay dl nakipag-ugnayan sa mga dayuhangmangangalakal at misyonero maliban sa pagbubukas ng ilang daungan para sapaklkipagkalakalan sa mga Olandes.A. Isolasyon C. PagsasariliB. Negosasyon D. Programang Haponisasyon9. Ang mga sumusunod ay mga digmaang kinasangkutan ng bansang Haponmaliban sa:A. Russo-Japanese C. Filipino-JapaneseB. Sino-Japanese D. Dutch-Japanese10. Ang mga sumusunod ay kinilalang bahagi ng teritoryong French Indo-Tsina omga teritoryong sinakop ng bansang Pransiya sa Timog Sllangang Asya malibansa:A. Thailand C. CambodiaB. Annam D. Laos11. Nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na nasalamin ang pagkakamit ng kalayaansa pamamagitan ng pamamaraang Komunlsmo.A. Ho Chi Minh C. Mao ZedongB. Sun Yat Sen D. Deng Xiao Ping12. Pamamaraan ng pang -aagaw ng militar ng pangkasalukuyang kapangyarihanng pamahalaan upang magtatag ng panibago.A. Rebolusyon C. RepormaB. Coup d' etat D. Kolonisasyon 5
13. Ama ng mga Turko at naging kasangkapan sa paghihiwalay ng pamahalaan atng relihiyong Islam sa kanilang llpunan.A. Sultan Abdul Hamid C. Mustafa KemalB. Mehmed V D. Mohammed Reza Pahlavi14. PInuno ng sektang Shiite sa Iran at naging kasangkapan sa pagbabalik ngtradisyunal na pamumuhay sa bansa.A. Muatafa Kemal C. Ayatollah Ruhollah KhoemeiniB. Mohammed Reza Pahlavi D. Sultan Abdul Hamid15. Naghangad ng pagbubuklod ng mga maliliit na kaharian sa peninsulang Arabengunit tinutulan ng pwersang Europeo.A. Haring Husein Ibn Ali C. Haring FaisalB. Sultan Abdul Hamid D. Haring Husein Ibn Saud 6
ARALIN 1NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA Ang lawak ng kalupaan at likas na yaman ng bansang Tsina ang naging pang-hikayat sa mga bansang Kanluranin na naisin na ito'y sakupin at maging bahagi ngkanilang ekspansiyon sa Silangan. Ang Britanya, Pransiya, Alemanya, Rusya, at Haponay ilan sa mga bansa na nagkaroon ng kapaklnabangan sa ilang bahagi ng Tslna bilangspheres of influence. Ilang mga kasunduan na maituturing na panig sa mga dayuhanang ipinalabas at naging daan sa pag-aangkin sa ilang bahagi ng Tsina gaya ng HongKong sa Britanya, Taiwan sa Hapon at ang Manchuria bIlang daungang pangkatubiganng Rusya. Ang Kilusang itinatag ni Empress Dowager Ci Xi (Tsu Shi) na binubuo ngmga mandirigmang may kaalaman sa martial arts ay nakatulong upangpansamantalang pigilan ang pananakop ng mga dayunan ngunit ang mga Emperadorng Tsino na humina ang kapangyarihang pulitikal ay napilitang makipag-kompromlsosa pamamagltan ng pagpayag sa mga di makatwirang mga kasunduan. Ang pagtatatagng Republika ng Tsina ay nagwakas lamang sa dinastiyang pamumuno ngunit di angpananatili ng mga dayuhang mananakop. Ang pagyakap sa sistemang Komunismo napinamunuan ni Mao Zedong ay naging mabisang instrumento upang tuluyang patalsikinang mga dayuhan at maitatag ang People's Republic of China. Ang bahagi ng isolasyon o pansamantalang pagsasara ng mga daungan para sakalakalan at misyonerong Kristiyano sa bansang Hapon ay nagdulot ng mahabangpanahon ng pagsasarili ng bansa. Ngunit ang mga Amerikanong namumuhunan aynagkaroon ng malaking inleres na buksan ang kalakalan sa pagitan ng Hapon atAmerika. Sa tulong ni Commodore Matthew Perry ay sapilitang nabuksan ang kalakalannoong 1853 sa pagitan ng Hapon at Amerika. Upang maiwasan ang mahabangpanahon ng pakikipaglaban sa mga dayuhang Kanluranin ay nilagdaan ng Shogun ngHapon ang Kasunduan sa Kanagawa noong Marso 1854. Ang kasunduan na ito'ynagbigay ng limitadong karapatan sa kalakalan sa mga dayuhan. Nagpatuloy pa rin sabukas na kalakalan sa mga dayuhan ang bansang Hapon ngunit nagkaroon ngdalawang uri ng paghahangad ang mga Hapones na mabawasan ang ugnayan na ito. 7
Gaya ng ginawa ng mga Choshu at Satsuma samurai ay nilabanan nila ang mgadayuhang mangangalakal na nagnanais na magpasok ng mga kalakal sa kanliang mgadaungan. Ang isa namang pangkat na pinamunuan ni Emperador Mutsuhito ay nag-isipng paraan kung paanong ang mga kaalaman at produktong dala-dala ng mga dayuhanay makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang sariling mga produkto. TInawag angpanahong ito bilang Meiji Era o Enlightened na pamahalaan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Makikilala ang mga lider na Tsino at Hapones na naging kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng Tslna at Hapon; 2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa Tsina at Hapon; 3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansang Tsina at Hapon; at 4. Mabibigyang pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Tsino at Hapones. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipaliwanag ang iyong pakahulugan sa larawan sa ibaba. Ano sa iyong palagayang kaugnayan nito sa pagtatatag ng nasyonallsmo sa bansang Hapon? Kilala mo baang mga lider na Hapones na nagkaroon ng kaugnayan sa modernisasyon ng Hapon?Kiialanin mo sila sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang mga pangalan sa ilalim. 8
Ito Hirobumi – kinilalang arkitekto ng Modernisasyon sa bansang Hapon Saigo Takamori – nagbalik sa Emperador Meiji noong 1868 Hara Takashi - unang Punong Ministro ng Hapon na nagsulong ng konserbatibong pamahalaan laban sa mga Kanluraning ideyang pulitikal Dahil ang pagtuturing ng Tslna sa kanyang kaharian noong panahon ngDinastiyang Manchu ay mas superyor kaysa sa mga dayuhang nasyon, ginawa niyangpatakaran na ang mga bansa na nagnanais na magkaroon ng pakikipagkalakalan sahaharian ay dapat maging kabahagi ng sistemang tributo. Ang mga representante ngkaharian ng mga dayuhan ay kailangang sumunod sa mga naisin ng emperador upangmaging maayos ang sistema ng kalakalan at may kinakailangang ritwal na dapat sundinlalo na sa pagbibigay-halaga sa emperador na Tsino. Ang popularidad ng produktongseda at tsaa ng Tsina sa Europa ay naging daan upang naisin ng Britanya namagkaroon ng matatag na pakikipagkalakalan sa Tsina. Nang dumating si LordMcCartney bilang representante ng Hari ng Britanya sa Tsina ay nagkaroon ng dipagkakaunawaan sa pamamaraan ng pagpupugay na kailangang ibigay sa EmperadorTslno. Ang kowtow ay ang pagluhod sa dalawang tuhod ng isang dayuhan sa harapanng Emperador Tsino ngunit isang tuhod lang ang kanyang ginawang pagluhod sapagkatpara sa mga Ingles ganito ang kanilang pamamaraan ng pagpupugay sa kanilang Hari.Ikalawa ang kanyang mga dalang regalo na karaniwang mga imbensiyon nila aypinakahulugan ng Emperador na tributo at di regalo. Ipinakikita sa pangyayaring ito angmagkaibang perspektibo ng dalawang kaharian. Nagpadala ng sulat ang Emperador Tsino sa Hari ng Inglatera at binigyang- diinna di niya kailangan ang tributo sa dahilang ang Tslna ay biniyayaan na ng maramingyaman kaya ang ginagawa niya ay hatiin ito sa mga nagnanais na makipagkalakalan sakanila. Ang kasikatan ng produktong Tsino sa Europa ay patuloy na naglunsad ngpangangailangan sa mga Europeong makabili ng mga ito. 9
Kinakailangan nilang magkaroon ng maraming bilang ng silver upangmaipambayad sa produktong Tslno. Kaya ang ginawa ng Britanya upang magkaroonsiya ng maraming bllang ng silver ay nag-angkat ng opyo sa India at pinagbili sa Tsina.Ang kalakalang ito'y nalaman ng mga opisyales na Tsino kaya ito'y dagliang pinagbawalat tinutulan. Pinagsimulan ito ng labanan sa pagitan ng dalawang kaharian at angpagkatalo ng mga pinunong Manchu sa nasabing DIgmaan sa Opyo ay nagingpasimula ng kanilang paghina sa kapangyarihan. Ito rin ang naging daan sa pagpasok sa mga di makatwirang kasunduan ngTsina na naging daan ng pagkakaroon ng spheres of influence ng mga bansangEuropeo sa kanyang teritoryo. Kaalinsabay nito ay may mga pangkat din ng mga Tsino na naghahangad na ngpagpapalit ng pamamalakad ng mga dinastiya tungo sa isang Republika. Ang paghahatiat pagbubukas ng mga daungan sa Tsina ay naging daan din sa pagpasok ng mgaideyang liberal. Mga sikretong kilusan ang itinatag upang bigyan ng solusyon angproblemang pulitikal ng Dinastiyang Manchu. Nabuo muna ang Kilusan ng mga Boxers 10
na patuloy na naniniwala na ang Tslna ay di kailangang yumakap sa mga ideyangmakabago at liberal. Nagtagumpay sila na palayasin ang mga dayuhan sa Tsina at angmga Kristiyanong Tsino. Matapos ang pagtatagumpay ng kilusang ito laban sa mga dayuhan ay minabuting mga bansang Europeo na sama-samang labanan ang pwersa ng pinunong Tsino atkanilang pinagtagumpayan ito. Ang paghina ng kapangyarihan ng Emperador Tsino aynaging daan sa pagsilang naman ng Republika ng Tsina sa pangunguna ni Dr. Sun YatSen sa ilalim ng Partido Kuomintang. Tatlong prinslpyo ang kanyang isinulong:Nasyonalismo, demokrasya at pagbabago sa pangkabuhayan ng mga tao. Angnasyonalismo ay nangangahulugan ng pag-usbong ng pambansang pagkakalsa attuluyang pagpapaalis sa mga dayuhang kapangyarihan sa Tsina. Ang demokrasya aynagbibigay-diin sa pagbubuo ng isang pamahalaang konstltusyonal na pinagsama angKanluranin at tradisyunal na Tsino upang palitan ang absolutong monarkiya. Angpagbabago naman sa pangkabuhayan ng mga tao ay kumakatawan sa tamangpamamahagi ng lupa at ang pagtulong ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga industriyana magbabawas sa pagiging depende ng mga Tsino sa dayuhang kalakal. Ang Panahon ng Tokugawa sa pamumuno ni Shogun leyashu ng bansangHapon ay nagbigay-daan sa pagpapatupad ng patakarang isolasyon nito sa mgabansang Kanluranin. Ang mga Shogun ng Tokugawa ay naghigpit sa pagpasok ng iba'tibang kaisipan at pananampalataya sa Hapon. Ang mga Europeo ay nagkaroon lamangng pagkakataon na makipagkalakalan sa bahagi ng isla ng Dejma sa may daungan ngNagasaki. Taong 1720 nang nagkaroon ng pagsususog ang nasabing patakaran ngpinayagan ni Shogun Yosnimune ang pagpasok ng mga Europeong aklat sa bansa. Itoang nagbukas ng kaisipan sa mga dayuhang bansa lalo na sa Estados Unidos namaghangad ng pagtatatag ng permanente at matatag na kalakalan sa pagitan ngEstados Unidos at Hapon. Sa pamamagitan ng Amerikanong Commodore na siMatthew Perry ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa noong Marso 31,1854upang pasimulan ang kanilang kalakalan. Ngunit ang mga sumunod pang kasunduanna pinasukan ng mga Shogun na Hapon ay nagbukas lamang ng mas malakingpribelehiyong pang-kalakalan sa mga Kanluranin at pagpapakilala ng paghina ngpamumuno ng mga Shogun. 11
Ang bansang Hapon sa panahong Tokugawa Isang pangkat ng mga kabataang Samurai mula sa Satsuma, Choshu angnagbigay diin sa paghahangad ng pagbabalik ng Emperador na Hapon at motibasyonsa pag-atake sa mga militar at mga dayuhang barko. Upang wakasan ang paglaganap ng kaguluhan sa Hapon ay naitalaga siEmperador Meiji o si dating Prinsipe Mutsuhito bilang puno ng pamahalaan.Pinasimulan niya ang modernisasyon ng bansang Hapon sa pamamagitan ngmodipikasyon ng mga sistemang Kanluranin sa aspetong pangkabuhayan, pulitikal atsosyo-kultural ng bansa. Ito ang naging pasimula ng ekspansiyon ng Hapon sa kanyangteritoryo at pagpasok sa iba't ibang digmaan gaya ng Sino-Japanese War at Russo-Japanese War. Ang pagpapalakas ng kanyang hukbong - militar ay naging daan sapagbubuo ng agresibong nasyonalismo sa kanyang bansa. Sa Panahong Showa, sa pamumuno ni Emperador Hirohito ay ipinagpatuloy angmabilis na modernisasyon ng Hapon at nakasangkot din sa mga pangdaigdigangdigmaan. Ngunit daan ito sa pagbubuo ng marubdob na pagmamahal ng mga Hapon sakanilang bansa gaya ng ipinakitang kabayanihan ng mga piloto sa mga eroplanongKamikaze noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 12
Ang batang Emperador Hirohito sa Panahong Showa ng Hapon Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kung ikaw ang papipiliin, alin sa ginamit na pamamaraan ng mga Tsino atHapones ang naging mabisang pamamaraan sa pagbangon ng damdamingNasyonalismo sa kanilang mga bansa? Bakit? Tandaan Mo! Ang Dinastiyang Manchu ng Tsina ay itinuturing na superior ang kahariang Tsino lalo na sa aspetong kalakalan sa mga dayuhang bansa. Ang popularidad ng tsaa at seda ay naging daan sa paghahangad ng matatag na kalakalan ng Britanya sa Tsina. Ang kowtow ay isang pamamaraan ng pagluhod na ibinibigay ng isang dayuhang mangangalakal sa Haring Tsino bilang bahagi ng kanyang pag-respeto sa pinuno. Ang spheres of influence ay bahagi ng teritoryong Tsina ngunit pinangangasiwaan sa aspetong pang-ekonomiya ng isang bansang dayuhan. Ang Panahon ng Isolasyon ay naging daan upang masugpo ng Hapon ang mabilis na paglaganap ng Kanluraning kaisipan at pananampalataya. Ang Panahong Meiji ay naging daan sa modernisasyon ng lipunang Hapon saaspetong pangkabuhayan, pulitika, at sosyo-kultural. 13
Gawain 3: Paglalapat PAGBIBIGAY NG SARILING OPINYON Sa iyong palagay, ang isolasyon o pagpigil ng pagpasok ng ibang kaisipan, pilosopiya at pananampalataya sa ibang bansa aymakatutulong ba upang lalong maging matatag ang isang lipunan sa kanyangpangkabuhayan at kalinangan? Bakit? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ARALIN 2NASYONALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA Iba't iba ang pamamaraang ginamit ng mga naging pinunong Iider sa mgakilusang naghangad ng paglaya sa mga Europeong mananakop sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Naghain ang mga Asyano ng mga reporma, nagbuo ng mgamakabayang organisasyon, at nang lumaon ay gumamit din ng mga madugongpakikihamok laban sa kanilang mananakop upang mapagtagumpayan nila ang kanilangpaghahangad sa pagsasarili. Nakilala sa Indonesia bilang tagapagtaguyod ng kalayaansina Prinsipe DIponegoro at Tungka Umar na buong giting na nakipaglaban sa mgaOlandes. Ang Budi Utomo, isang makabayang organisasyon na itinatag ni WaidinSudara Usada ay naging daan sa pagbubukas ng mga paaralan na nagtaguycd ng mgareporma sa kanilang bansa. Sa Pillplnas, ang Kilusang Propaganda na itinaguyod ng mga ilustradong Pllipinoang naglatag ng kaisipang paglaya sa pamamagitan ng mga pahayagan, nobela atmakabayang aklat. Ang Katipunan na noong una ay isang sikretong organisasyon laban 14
sa mga Kastila ang naging kasangkapan sa pagsasakatuparan ng paglaya sa mgadayuhang mananakop. Ang pagwawakas ng pananakop ng mga Pranses sa Vietnam ay nagingkatotohanan sa pamamagitan ng Partidong Viet Minh o kilusan ukol sa pagsasarili ngbansang Vietnam. Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh, ang nasyonalistikong pinuno ngpartido, ang naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanilang bansa. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya; 2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya; 3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa saTimog-Sllangang Asya na naghangad ng paglaya sa mga dayuhang mananakop; at 4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga kilusang pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kilalanin mo ang nasa larawan. Ano ang naging kaugnayan niya sapaghahangad ng kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastila? Bakit siya itinuring napambansang bayani ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 15
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Ang mga Olandes ay matagal na naging mananakop sa Dutch East Indies oIndonesia sa kasalukuyan. Matagal nilang kinontrol ang ekonomiya ng bansa atnagtatag ng kompanyang Dutch East India Company upang patuloy na pakinabanganang mga Iikas na yaman, hilaw na materyales at mga panlasa (spices) na marami sanasabing lugar. Ang pulitikal na pamamamalakad ay patuloy pa ring ibinigay sa mgalokal na pinuno ngunit ang mga Olandes ay nagsilbing mga tagapayo lalong lalo na sapaggawa at pagpapatupad ng mga batas. Ang sistema ukol sa sapilitang pagbibigay ngikalimang bahagi o mas malaki pa dito ng taniman ng mga magsasaka sa mgaproduktong nais ipatanim ng mga Olandes sa dahilang ito ang kanilang iniluluwasupang pagkakitaan ay naging daan sa kakulangan ng makakaing bigas ng mga Indonesat nagresulta sa malawakang taggutom sa lugar. Dahil dito, si Prinsipe Diponegoro ngJava, isa sa malaking isla ng Indonesia, ay nanguna sa isang pag-aalsa nanagpasimula noong 1825-1830. Tinagurian siyang \"Prince Liberator\". Siya aysinuportahan ng mga magsasaka at ng mga mayayaman na nawalan ng pagkakataonna mag-ari ng mga lupa dahil sa batas kolonyal na pinatupad ng mga Olandes. Angbatas kolonyal na ito ukol sa pag-aari ng lupa ay pinaboran lamang ang mga Tsino atmga Europeo na mag-ari ng lupa. Ang kanyang pakikihamok ay naging daan sa paghina ng sandatahang panlakasng mga dayuhan ngunit ito'y nasugpo ng mga Olandes noong 1830 hanggang sa siya'ymapilitang sumuko sa mga ito. Siya ay ipinatapon sa isla ng Makassar sa Celebes atdoon na namatay nang taong 1855. Hanggang sa kasalukuyan ay pinararangalan pa rinng mga Indones ang kagitingan ni Prinsipe Diponegoro sa pamamagitan ng isangpamantasan na ipinangalan sa kanya sa Semarang. 16
Ang isa sa kinikilalang Templo ng Hinduismo sa Java, Indonesia na naitayo noong panahon ng Dinastiyang Sailendra Ang mga Acehnese ng Hilagang Sumatra ay naglunsad din ng pakikidigma labansa mga Olandes sa pangunguna ni Tungka Umar noong 1873-1908. Malaki ang naginggastos ng mga Olandes upang pigilan ang nasabing digmaan ngunit natalo man angmga Indones hindi naman nito napigilan ang pagkalat pa ng iba't ibang kilusan sapaghahangad ng kalayaan dito. Ang mga paaralang itinayo rin ng mga Olandes aynaging kasangkapan upang ang malaking bahagi ng populasyon ng Indonesia aymakapag-aral at marami sa kanila ang nakakamit ng mataas na posisyon sapamahalaan. Sa mga nakapag-aral na ito ay mayroong naging kasangkapan sapagnanais na panatilihin ang kanilang mga tradisyon at paniniwala laban sa kulturangdinala ng mga dayuhang mananakop. Ang pagtatatag ng Sarekat lslam ni Umar SaidTjokroaminoto sa Java ay naging daan upang pahinain ang monopolyo ng mga Tsinosa kalakalan sa Indonesia. Noong 1919 ay maraming bilang pa ng mga mangangalakalna Indones ang sumapi sa samahan na labis na ikinabahala ng mga Olandes kaya itoay kanilang nilansag. Ang layunin ng samahan ay ang pagpapatanyag ng mgapangkomersyong ginawa ng mga Indones; pangkabuhayang suporta at pagtulong samga kasapi; pagpapataas ng pangkaisipan at materyal na pangangailangan ng mgaIndones; at proteksiyon sa relihiyong Islam. 17
Ang Kilusang Propaganda at Himagsikang Pilipino Kaalinsabay ng pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas ay angpagsisimula ng pag-usbong ng dalawang nasyonalismo. Unti - unting nagising angkaisipan ng mga Pilipino ukol sa diskriminasyong pinairal sa bansa ng mga mananakopna nagresulta sa mga di makatarungan at makataong mga patakarang pinatupad.Pinasimulan at nabuo ang Kilusang Propaganda ng mga ilustrado at edukadong mgaPilipino na ang naging layunin ay ang paghiling sa pagkakapantay-pantay ng mgaPilipino sa mga Kastila; maging lalawigan ang Pilipinas ng bansang Espanya; at angpagbabago sa pamamaraan ng pamamahala ng mga Kaslita. Pangunahin nilangginamit ang papel at pluma, mga talumpati, at pamamahayag upang maiparating saEspanya ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas at humiling ng mga reporma. Naging kilalaat tanyag sa kanilang mga sulatin at pamamahayag sina Jose Rizal, Marcelo H. DelPilar, at Graciano Lopez Jaena. Ipinahayag nila sa kanilang mga sulatin ang kabulukanat kanser ng pamahalaang kolonyal at ang malabis na pang-aabuso ng mga prayle samga Pilipino. Isinulong din ng mga Pilipinong pari sa pangunguna ng tatlong paringmartir ang Pilipinisasyon o Sekularisasyon ng mga parokya. Ang sinasapantaha nilangpaghawak ng mga parokya ay di tuluyang naisakatuparan sa dahilang tumutol angSimbahang Katoliko na ang maaaring paghawak ng mga Pilipino sa mga parokya aymaaaring magpasimula ng kanilang pagbubuklod at pagkukuwestiyon sakapangyarihan ng Simbahan. Ang mapangahas na mga nobelang Noli Me Tangere atEl Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal ay naging mabisang instrumento upangpukawin ang damdaming makabansa ng mga Pilipino. 18
Ang kanilang kahilingan na reporma para sa Pilipinas ay naisantabi lamang. Kaya angtunay na kahulugan ng kalayaan ay isinakatuparan ng Katipunan. Ang Katipunan noonguna ay nagsilbing sikretong organisasyon laban sa pamumuno ng mga Kastila. Sapamumuno ng Supremo na si Andres Bonifacio ay minithi ng mga Katipunero angtuluyang separasyon at paglaya sa pamahalaang kolonyal. Gumamit sila ngpakikihamok at himagsikan upang makamtan ang minimithing kalayaan. AngRebolusyong 1896 ay lumaganap sa buong kapuluan at nagsilbing repleksiyon sa mgaKastila sa nais na paglaya ng mga Pilipino. Taong 1898 ay lumaya ang mga Pilipino samga Kastila at naging daan sa pagbubuo ng nasyon-estado. Ang mga kilusang nasyonalismo ay nagpatuloy pa rin maging sa ilalim ngpananakop ng mga Amerikano. Ito'y karaniwang makikita sa aspeto ng panitikan atliteratura gaya ng mga dula at kuwentong makabayan. Bagamat nakipagtulungan angibang lider na Pilipino, ninais pa rin ng nakararaming lumaya at makitang tuwirangpinatatakbo ang pamahalaan ng mga Pilipino. Ang Pilipinas ang pinakaunang bansa saAsya na lumaya sa kamay ng mga mananakop pagkatapos ng Ikalawang DigmaangPandaigdig. 19
Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng paglaya ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop Ang ipinakitang pagtutol at paglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop aylubhang napakahalaga sa kasaysayan ng nasyonalismo sa Asya. Naging modelo samga bansang sakop na kumilos at labanan ang mga mananakop.Ang Nasyonalismo sa Vietnam at si Ho Chih Minh Naging kabilang sa teritoryong French Indo-Tslna ang mga kasalukuyang bansang Cambodia, Laos, at Vietnam. Sa Vietnam o sa kahariang Annam umusbong angmarubdob na paghahangad ng kalayaan laban sa mga dayuhang Pranses. Nagsilbinginspirasyon sa mga Vietnamese ang Rebelyong Boxer sa Tsina na ang nagingpangunahing layunin ay ang paalisin ang mga dayuhan at hadlangan ang pagpasok ngKristiyanismo. Nagnais silang lumaya sa pamamahala ng mga Pranses na samahabang panahon ay pinakinabangan ang kanilang natural na kapaligiran. Ang pagtatatag ng Partido Kuomintang sa Tsina at pagbabago ng sistema ngpamumuhay nila tungo sa Komunismo ay nagbigay muli ng lakas ng loob sa mgaVietnamese upang tahakin ang landas sa paglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagtatatag ng Partido ng mga Nasyonalistikong Annamite noong 1927 aynaging pasimula sa kanilang paghahangad ng kalayaan. Isa sa naging kilala atrebolusyonaryong lider ng kilusan ay si Nguyen-Ai-Quoc o Ho Chi Minh. 20
Si Ho Chih Minh ay isang nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na sinalamin angkalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamamaraang Komunismo. Nilayon nitoang pagbabawas ng pagbubuwisan, redistribusyon ng mga lupa, at pag-alis ngpwersahang pakikilahok sa lakas-militar ng mga Vietnamese sa pwersa ng Pransiya.Pinalakas ni Ho Chih Minh ang kilusan dahil nais nitong muling kunin ang Hanoi atSaigon sa mga dayuhang mananakop at isunod ang deklarasyon ukol sa Repubilka ngVietnam. Naging isang malaking pagkabigla sa panig ng pwersang Pranses angipinakitang pakikihamok ng mga Vietnamese sa ilalim ng pamumuno ni Ho Chih Minh.Dahil dito ay dagliang nagpatawag ng isang pagpupulong ang Pransiya sa Potsdam,Alemanya kasama ang kanyang mga kaalyansang bansa. Ang ginawang ito ngPransiya ay di nagdulot ng mabuti para sa paningin ng mga Vietnamese. Bumangonang digmaang sibil sa Timog at Hilagang Vietnam. Noong 1954 sa Geneva, Switzerlanday pinagtibay ang paghahati ng Vietnam sa ilalim ng sukat ng 38 parallel. Ang HilagangVietnam ay di tinanggap ang sistemang Komunista ngunit ang Timog Vietnam namanang tumanggap sa sistemang Komunismo. Iba-iba man ang pamamaraang ginamit ng mga bayani at punongtagapagpasunod ay masasalamin natin ang marubdob na paghahangad ng kalayaan. 21
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kung ikaw ang papipiliin, alin sa sistemang mapayapa o pakikihamok ang sa iyong palagay ang dapat na sundin at gawing modelo para sapagkakamit ng kalayaan? Bakit? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Naghain ng iba’t ibang pamamaraan ukol sa paglaya ang mga taga- Timog-Silangang Asya gaya ng reporma, pagbubuo ng mga makabayang organisasyon, at pakikihamok. Matagal na kinontrol ng Gran Britanya ang ekonomiya ng mga bansang sinakop at nagtatag ito ng kompanyang Dutch East India Company upang patuloy na pakinabangan ang mga likas na yaman, hilaw na materyales, at mga panlasa (spices) na marami sa mga bnsang nasakop. Ang Budi Utomo ay isang makabayang organisasyon na itinatag upang magkaroon ng mga paaralan na magtataguyod ng reporma sa Indonesia. Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga samahang itinaguyod ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan sa mga mananakop na Kastila. Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh ay isang nasyonalistikong Vietnamese na naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanyang bansa sa mga mananakop na Pranses. 22
Gawain 3: Paglalapat Sino sa mga naging pinuno o nasyonalistikong Asyano sa Timog- Silangang Asya ang nais mong tularan? Bakit? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ARALIN 3NASYONALISMO SA TIMOG ASYA Iba't ibang pamamaraan ng pakikihamok ang ginamit ng mga nasyonalistikongnamuno at naging kasangkapan ng pagkakamit ng kalayaan sa rehiyon ng Timog Asya. Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sakawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ngmga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pag-respeto sa kanilang mgapaniniwala at mga tradisyon. Naging kilala ang mga babasahing gaya ng HindooPatriot, Amritza Bazar Patrika at Bengalee noong 1870 na naglalahad ng mgarepormang nais ng mga Hindu na makamit sa ilalim ng pamamahala ng mga Ingles.Ngunit ang mapayapang pamamaraan na pasibo ang ginamit na paglaban atisinakatuparan ni Mahatma Gandhi. Ang pag-aayuno at pagboykot na tangkilikin angmga produktong Ingles ay binigyang-diin din sa kanilang paglaban at paghahangad ngkalayaan. Ito ang naging mabisang paraan upang ibigay ng Britanya sa mga taga-Timog Asya ang kanilang kalayaan. 23
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga bansa sa rehiyon ng Timog Asya; 2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Timog Asya; 3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa sa Timog Asya na naghangad ng paglaya sa mga dayuhang mananakop; at 4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga mamamayan sa Timog Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang mga watawat ng mga bansa na matatagpuan sa Timog Asya. Isulatang mga pangalan ng mga bansang ito sa patlang sa ilalim._______________ _______________ _______________ 24
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382