Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 2 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 2 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:22:55

Description: 2ARPA1-2

Search

Read the Text Version

Ang Kontinente ng India kabilang ang mga bansang Pakistan, Nepal, Bhutan, Bangladesh, at Sri Lanka Ang bansang India sa kanyang kasaysayan ay dumaan sa mahabang panahonng pakikihamok na nagpasimula sa mga pag-aalsa, rebolusyon at reporma nanglumaon. Naging kilala sa kanilang kasaysayan ang Pag-aalsa ng mga Sepoy noong1857-1859. Ang mga \"sipahi\" o mga Sepoy ay mga sundalong Hindu at Muslim nanaging kabilang sa mga sundalong Ingles sa panahon ng pananakop ng mga huli saIndia. Ang mga pangunahing dahilan ng kanilang pag-aalsa ay dahil sa kawalan ngpampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng mga lupain ngmga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at ang di pag-respeto sa kanilang mgakinagisnang kaugalian at tradisyon. Ang pagsasanib ng lakas at tapang ng mga Hindu at Muslim na Sepoy napinangunahan nina Nana Saheb, Tantia Tapi at Rani Lakshmi ng Jhansi na nagingkilala bilang “Mandirigmang Prinsesa\". Ang nasabing rebelyon ay di nagtagumpay sadahilang ang mga sundalong Ingles ay tinulungan ng mga Hindu collaborator, Sikh,Gurkha at katutubong prinsipe. Maliban sa mga pag-aalsa ay gumamit din ang mga nasyonalistikong Hindu ngmga reporma upang makamit ang kalayaan. Gumamit sila ng mga peryodiko atpahayagan upang pagsulatan ng kanilang mga opinyon, hinaing at perspektiba ukol sa 25

pananakop ng mga Ingles. llan sa mga babasahing ito ay ang Hindoo Patriot, AmritzaBazar Patrika at Bengalee na nalathala noong 1870. Isinulong ng mga repormistangmamamahayag ang kanilang adhikain na magkaroon ng sariling pamahalaan laban sapamamahala ng mga Ingles. Batay sa isang repormistang Hindu na si Gopal KrishnaGokhale, nakikita nila ang India bilang isang bansang industriyalisado, malaya sapanlipunang aspeto at may sariling pamahalaan. Samakatwid ang kalayaan ng India aylubusang nakasalalay sa pagkakaroon ng sariling pamahalaan at tuluyang paghiwalaysa pamamalakad ng mga Ingles. Ang marubdob na paghahangad ng kalayaan ay naisakatuparan noong 1907 sapamamagitan ng pagkakaroon ng mga repormang pampulitika. Noong 1909 sapamamagitan ng Indian Council Act ay nagkaroon ng mga indirektong paghawak ngposisyon ang mga Hindu sa Kongreso. Ang pangyayaring ito ang naging daan sahidwaan sa pagitan ng mga Hindu at Muslim sa dahilang natakot ang mga Muslim namaapektuhan ang kanilang mga katutubo at panrelihiyong kalinangan.Ang Ahimsa at Satyagraha sa India Nakilala bilang Mahatma o dakilang kaluluwa si Mohandas Karamchand Gandhing India. Siya ang isa sa naging pangunahing tagapagsulong ng pagtutol sapamamahala ng mga Ingles sa India. Tinuligsa niya ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ayon sa turo ng Hinduismo gaya ng pag-aalis sa iba't ibang porma ng 26

diskriminasyon sa mga untouchables at sa sistema ng pagpapatiwakal ng mga babaingbiyuda. Naniniwala si Mahatma sa puwersa o lakas ng kaluluwa (ahimsa) upang labananang puwersa ng armas. Ang pamamaraang ito ay naging kilala bilang passive ses-istance na kailangang sabayan ng paghawak sa katotohanan (satyagraha). Angsatyagraha ay paniniwala ng mga Hindu na kung sila'y saktan ng mga mananakop, angmga ito ay di patutulugin ng kanilang mga konsensiya hanggang mapagtanto nila namali at di mabuti ang kanilang mga ginawa. Gumamit din si Gandhi ng pagpepenetensiya at pag-aayuno upang matawagang pansin ng mga dayuhan. Hinikayat din niya ang mga taga-lndia na huwagtangkilikin ang mga produktong Ingles lalo na ang tela. Pinangunahan niya angpanawagan ukol sa civil disobedience upang maparalisa ang mga negosyo ng mgaIngles. Ang mga pamamaraang ito ay naging daan sa pagpayag ng Britanya sakanilang mga kahilingan gaya ng karapatan at kalayaan sa pamamahayag at higit napartisipasyon sa pamahalaan. Ngunit nagtagumpay man si!a sa kanilang pagnanais na paglaya sa mgamananakop na Ingles ay di pa rin napag-isa ang mga Hindu at Muslim. Ninais ng mgaMuslim na magkaroon ng isang estadong hiwalay sa India. Si Muhammad Ali Jinnah,ang itinuturing na tagapagtatag ng bansang Pakistan ang naging unang Gobernador-Heneral ng bansa matapos ang pagkakamit ng kalayaan sa mga Ingles at si JawaharlalNehru naman ang naging unang Punong Ministro ng India. 27

Mohammed Ali Jinnah Jawaharlal Nehru Ang pagnanais ni Gandhi na pagkasunduin ang nahating India ay naging daanng kanyang kamatayan sa dahilang isang panatikong tagasunod na Hindu Mahasablaang bumaril sa kanya dahil tutol ito sa kanyang adhikain. Ang kanyang pilosopiya atmga aral ay nagsilbi pa ring inspirasyon sa mga Indian kahit siya'y matagal nangnamayapa. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Paano sa iyong palagay naging gabay sa pamumuhay at pamahalaanng India sa kasalukuyan ang mga pilosopiya at aral ni Mahatma Gandhi? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 28

Tandaan Mo! Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sa kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng mga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pag-respeto sa kanilang paniniwala at mga tradisyon. Ang mga babasahing Hindoo Patriot, Amritza Bazar Patrika, at Bengalee na nailathala noong 1870 ay nagsulong ng mga repormang gaya ng pagsasarili ng pamahalaan para sa India. Ang passive resistance at civil disobedience ay ang mga pamamaraang ginamit ni Mahatma Gandhi upang isulong ang kalayaan ng India laban sa mga Ingles. Si Muhammad Ali Jinnah ang naging unang Gobernador-Heneral ng Pakistan at si Jawaharlal Nehru ang naging unang Punong Ministro ng India. Gawain 3: Paglalapat Ano ang naging tulong ng pamamaraang passive resistance at civil disobedience ni Mahatma Gandhi sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas sa isang diktaduryang pamamahala noong 1986? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 29

ARALIN 4NASYONALISMO SA TIMOG-KANLURANG ASYA Ang pagiging imperyo ng Ottoman mura taong 1350-1683 ay naging daan sapaglawak ng kanilang kapangyarihan sa bahagi ng tinatawag na Timog-Kanlurang Asyasa kasalukuyan. Sa pamumuno ni Osman ay kinatakutan ang kanilang mga mandirigmana ang bahagi ng nasakop ay mula sa dating Asya Minor hanggang sa bahagi ngBalkan Peninsula sa Europa. Ang Imperyong Byzantine o ang silangang bahagi ngImperyong Roma na sa kasalukuyan ay bansang Turkey ay naging bahagi rin ngkanilang sakop. Ngunit binigyan ng mga Seljuk na Turko ang ilan sa mga pinunong tribosa Turkey ng karapatang mag-angkin ng mga lupain dito hanggang nang sa huli aynakonberto ang malaking bahagi ng kanilang populasyon sa relihiyong Islam. Noong 1914-1918 ay nagkaroon ng malaking interes ang mga Aleman saaspetong pangkabuhayan ng Turkey. Naging magka-alyansa sila noong UnangDigmaang Pandaigdig ngunit sa dahilang natalo ang Alemanya sa pakikidigma nito saEuropa ay nawala rin ang dating mga bahaging sakop ng Imperyong Ottoman. Angpaghina ng kapangyarihan nito ang nagbigay-daan sa paghingi ng kalayaan ng Turkeyna naipagkaloob noong 1923. Si Mustafa Kemal ang kinilalang Ama ng mga Turko atnaging kasangkapan siya para makamit ang kanilang kalayaan bilang isang bansa. Ang iba namang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ay pinamunuan ng mgapundamentalistang pinunong Muslim gaya ni Ayatollah Ruhollah Khoemeini sa bansangIran. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay ibinalik niya ang mga paniniwala attradisyong Islam na naisantabi kapalit ng modernisasyon sa panahon ng pamumuno niMohammed Reza Pahlavi. Samantalang ang peninsulang Arabe naman ay naghangadng isang kaharian na magbubuklod sa mga maliliit na kaharian tungo sa isang pang-lslamikong pakikipagkaibigan at kapatiran ng bawat isa. 30

Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga bansa sa rehiyon ng Timog-Kanlurang Asya;2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya;3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya na naghangad ng paglaya sa mga dayuhang mananakop; at4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga mamamayan sa Timog-Kanlurang Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang mapa sa ibaba. Lagyan ng kulay ang mga bansang bumubuo sarehiyon ng Timog-Kanlurang Asya. Gumamit ng iba’t ibang kulay bilang panandadito. Isulat ang mga pangalan ng mga bansa sa blangkong nasa ilalim ng mapa.1. _______________ 6. _______________ 11. _______________2. _______________ 7. _______________ 12. _______________3. _______________ 8. _______________ 13. _______________4. _______________ 9. _______________ 14. _______________5. _______________ 10. _______________ 15. _______________ 31

Ang Imperyong Ottoman Isa sa itinuturing na tagapagtatag ng isang malawak na imperyo noong 1350-1683 ay ang mga Turkong Ottoman. Halos tatlong kontinente ang kanilang nasakop,ang dating Asya Minor, Aprika at Silangang Europa. Nang dumating ang ikalabing-tatlong siglo ay binigyan ng mga Seljuks ng pagkakataon na mag-angkin ng mga lupainang mga pinuno ng mga tribo sa Asya Minor. Ang mga Seljuks ay pangkat ng mgataong nagmula sa Sentral Asya na nakapasok sa mga lupaing pag-aari ng mga Muslimat nakonberto sa pananampalatayang Islam. Nasakop ng Imperyong Ottoman ang karamihan sa mga bansa malapit sa Dagat Mediterranean Nasakop nila noon ang Iran (Persia), Syria, Palestina at inagaw angpamamahala sa Asya Minor mula sa Imperyong Byzantine sa Turkey. Angkapangyarihan ng mga Seljuks ay inabot noong ikalabing-isang siglo lamang at angmga dating nasakop ay naging mga maliliit na estado na lamang.Osman 32

Sinundan sila ng mga Ottoman na ang naging pinunong mandirigma ay siOsman. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno ay halos ang kabuuan ng Asya Minorat Balkan Peninsula ay naging kabahagi ng kanilang imperyo. Noong 1453 ay sinakopnila ang Konstantinople at ito ang naging dahilan ng pagwawakas ng ImperyongByzantine. Narating nila ang rurok ng kanilang tagumpay sa panahon ng pamumuno niSultan Suleiman noong 1520-1566. Nakabilang sa kanilang teritoryo ang bahagi ngpangkasalukuyang mga bansa ng Austria, Hungary, Poland, at Russia. Nabuo nila angisang epektibong sistema ng pamamahala kaya nanatili ito hanggang noong ika-dalawampung siglo. Si Sultan Abdul Hamid Il, na naging pinuno noong 1876-1909 ay naging daan sapagbubuo at pagsusulong ng bagong Saligang-Batas sa Turkey. Sa kanyangpamumuno ay nagkaroon ng isang parliamento na binubuo ng Senado at MababangKapulungan. Ang Senado ay mga taong pinili ng Sultan samantalang ang MababangKapulungan ay inihalal ng mga taong-bayan. Ang Saligang-Batas na ito aysinuportahan nang higit ng mga Kabataang Turko. Sa dahilang sila'y nagkaroon ngtakot na ang di tunay na pagpapatupad nito ay maaaring maging daan upang mulingmagkaroon ng mga panlabas na puwersang makikialam sa kanilang pagkakaisa namagresulta sa pananakop. Napagtagumpayan ng mga kabataan ang kanilang naisngunit naragdagan ang kanilang samahan ng elementong militar at panrelihiyon kayanang lumaon ay kinatakutan ang kanilang lakas. Si Sultan Abdul Hamid II naman aynapatalsik sa puwesto at siya'y napalitan ng kanyang kapatid na si Mehmed V. 33

Ang Mga Europeong Mananakop at si Kemal Ataturk Ang bansang Alemanya noon pa mang una ay may malaki ng interes saaspetong pangkabuhayan ng Turkey. Ito ang tumulong sa pagtatayo ng mahusay nasistema ng daang riles para magamit sa mabllis na pagpapalitan ng mga kalakal atugnayang-panloob. Maging ang mga sundalong Turko ay sinanay ng isang heneral naAleman na si Otto Liman von Sanders. Ang pagsasanay na ginawang ito ng mgaAleman sa mga Turko ay naging daan sa kanilang pag-aalyansa noong panahon ngUnang Digmaang Pandaigdig. Ngunit natalo ng mga alyansang Europeo ang ImperyongOttoman noong 1918 at ito ang pagsisimula ng kanilang paghina sa mga datingkolonya. Ang kanilang mga dating kolonya sa Balkan Peninsula ay naging mgamalayang bansa samantalang ang iba ay naging mga protektadong lupain ng Britanya,Pransiya at Gresya. Ang mga nasyonalistikong Turko sa pamumuno ni Mustafa Kemalay nagsulong ng pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng paglagda atpagpapatibay sa Kasunduang Lausanne noong 1923 ay isinilang ang Republika ngTurkey. Naging unang pangulo si Mustafa Kemal. Ginamit niya ang pangalang Ataturkna nangangahulugang Ama ng mga Turko. Mustafa Kemal Atatürk Isinulong niya ang mga pagbabago at reporma sa Turkey gaya ng paghihiwalayng pamahalaan at ng relihiyong Islam; pagbuwag sa opisyal na posisyong hinahawakanng isang caliph bilang pangunahing lider na Muslim sa mundo; pagbabago sa sistemang edukasyon at pagpapababa ng antas ng mga di nakapag-aral; pagpapalit ng 34

inskriptong Arabe sa alpabetong Romano; pagbibigay ng karapatang bumoto athumawak ng posisyon sa pulitika ang mga kababaihan; pagtanggal ng praktis ukol samaraming pag-aasawa ng mga Muslim na lalaki, paggamit at pagsusuot ng mgaKanluraning kasuotan at unti-unting pag-aalis sa pagkontrol ng mga dayuhan sakanilang industriya at kalakalan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bangko,kooperatiba at mga sanayang pag-aari ng Estado.Ang Pagpapatatag ng Pamumuno at Pamahalaan sa Iran Ang bansang Iran ay dating kontrolado at pinamahalaan ng Gran Britanya atRussia. Ang mga balon ng langis ay pinanatiling kontrolin ng Gran Britanya. Taong1921 nang isang nasyonalistikong taga-Iran ang naghangad na palayain ang Iran sakamay ng mga Europeong mananakop sa pamamagitan ng kanyang adhikain namapalakas at patatagin ang estado at patalsikin ang mga dayuhan. Siya ay si RezaShah Pahlavi, ang naging unang Premier at nang lumaon ay naging monarko ng Iran.llan sa kanyang mga pagbabagong isinulong ay gaya ng: pagpapatayo ng mga daananat tulay; pag-aayos ng sistemang postal; pagbubuo ng mga programang magpapabutisa industriya at kalakalan ng bansa; pagpapabuti sa sektor ng medisina at kalusugan;pagbubukas ng pampublikong paaralan at paggamit ng kasuotang Kanluranin. Noongtaong 1935 ay ibinalik ang pangalang Iran na nangangahulugang Lupain ng mga Aryanat hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang pangalang ginagamit.Reza Shah Pahlavi 35

Nang di nakipag-alyansa ang Iran sa mga puwersa ng Gran Britanya at Russianoong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinuwersa siya ng tropa na umalis sakanyang posisyon at ibigay ang pamamahala sa kanyang anak na si Muhammad ShahReza Pahlavi. Ang mga pagbabagong pangkabuhayan at panlipunang kanyang ginawaay di lubusang tinangkilik ng mga tao sa dahilang siya’y naging awtokratiko sa kanyangpamamahala.Mohammad Reza Shah Pahlavi Ayatollah Ruhollah Khomeini Sa pamamagitan ng isang Rebolusyong Islamiko at paglalagay kay AyatollahRuhollah Khoemeini, isang pinuno ng sektang Shiite Muslim ay napaalis siya bilangmonarko sa Iran. Hinangad pa ng mga Muslim na ibalik ang kanilang mga tradisyon atpaniniwala at patakbuhin ang pamahalaan. Ang pangyayaring ito'y patuloy na nagbigayng mga kaguluhan at mga pagtutol sa iba't ibang sektor ng tao na magpahanggangngayon ay ipinakikita na di lubusang maganda ang ibinunga ng pananakop ng mgaKanluranin sa mga Muslim. Nais ng mga Muslim na patuloy na pahalagahan angkanilang mga paniniwala, kalinangan at mga pagpapahalaga. Masasalamin na ang mgapundamentalistang Muslim na ito ay nasa ganito pa ring mga perspektiba kaya angkanilang pagtutol sa mga ideyang Kanluranin ay sa pamamagitan ng paglulunsad ngterorismo. 36

Nasyonalismo sa Peninsulang Arabe Sa matagal na panahon ay kinontrol ng mga Europeong mananakop angpeninsulang Arabe dahil sa mga mineral na yaman nito gaya ng langis. Ninais ng mgaArabe na magtatag ng isang buong kaharian na pamumunuan ni Haring Husein Ibn Ali,Hari ng Hejaz. Ang adhikaing ito ay tinutulan ng mga Ingles sa pamamagitan ngDeklarasyon ng Balfour. Ginamit niya ang titulong caliph upang mapatunayan na siyaang pinakamakapangyarihang Sultan sa buong kaharian ng mga Muslim. Siya aypinatalsik ni Abdul Aziz Ibn Saud, Sultan ng Nadj, ng Sentral Arabia. Si Abdul Aziz IbnSaud ay pinuno ng mga Wahhabis, isang pundamentalistang sekta ng mga Muslim.Taong 1900 nang pasimulan niyang kontrolin ang Nadj hanggang siya ang naging haring Saudi Arabia noong 1932-1953 ayon sa proklamasyon ng pang-lslamikongpakikipagkaibigan at kapatiran ng mga Arabe. Siya ay napatalsik sa puwesto ngkanyang kapatid na si Faisal. Nagtatag siya ng isang absolutong pamumuno sapanahon ng kanyang pamamahala ngunit di rin niya napagtagumpayan na buuin angmga kahariang Arabe dahil sa pagtutol ng mga Kurds, mga grupong di-Arabe at angpaghahati ng mga Muslim sa dalawang sekta: Sunni at Shiite. Siya ay nabaril atnapatay ng kanyang pamangkin noong 1975 at pinalitan siya ng kanyang kapatid saama na si Prinsipe Khalid Ibn Abdul. Ngunit si Prinsipe Khalid ay palagiang maysakitkaya ang lubusang namahala ng kaharian ay si Prinsipe Fahd na nang lumaon aynaging hari. Ang Kaharian ng Saudi Arabia ay patuloy na tumutol sa pagkakaroon ngbansang Israel ngunit dahil na rin sa pagdidiin ng Gran Britanya, Estados Unidos at ngU.N. ay napilitan itong sumang-ayon na rin. Kahit sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang 37

iringan sa pagitan ng mga Arabe at ng mga Israelite dahil sa mga pampulitikangugnayan.King Abdul Aziz ibn Saud King Fahd Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa iyong palagay, ang pagnanais ba ng mga pinuno sa Timog-KanlurangAsya na pagsamahin ang pananampalatayang Islam at kanilang paraan ngpamamahala ay isang mabuting taktika upang tuluyan nilang mabuo ang kanilangadhikain sa paglaya at di pakikialam ng mga dating mananakop na mga Europeongbansa? Ipaliwanag. Tandaan Mo! Ang Imperyong Ottoman ay naging isang malawak na imperyo sa mga kontinente ng Asya, Aprika at Europa noong 1350-1683. Ang mga Seljuks ay pangkat ng mga taong nanggaling sa Sentral Asya na nakapasok sa lupaing pag-aari ng mga Muslim at nang huli ay nakonberto sa pananampalatayang Islam. 38

Si Mustafa Kemal ay nakilala bilang Ataturk o Ama ng mga Turko na naging kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng Turkey sa mga Europeong mananakop. Si Muhammad Shah Reza Pahlavi ay nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan sa Iran na naging dahilan ng malaking pagtutol ng mga taong nagsusulong ng pagbabalik sa tradisyunal na lipunang Islam sa pangunguna ni Ayatollah Khoemeini. Ang adhikain na pagbubuklod-buklod ng mga kaharian sa Peninsulang Arabe upang ito’y maging matatag at malaya sa pagkontrol ng mga bansang Europeo ay pinasimulan ni Haring Husein Ibn Ali. Gawain 3: Paglalapat Paano kaya maaaring bigyan ng ibang perspektiba ang TERORISMO bilang pamamaraang ginamit ng mga bansang Muslim upang balansehin ang kapangyarihang pulitikal, pangkabuhayan at panlipunan ng mgabansang maunlad sa kasalukuyan? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO  Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?  Ang Dinastiyang Manchu ng Tsina ay itinuturing na superyor na kahariang Tsino lalo na sa aspetong kalakalan sa mga dayuhang bansa. 39

 Ang popularidad ng tsaa at seda ay naging daan sa paghahangad ng matatag na kalakalan ng Britanya sa Tsina. Ang spheres of influence ay bahagi ng teritoryong Tsina ngunit pinangangasiwaan sa aspetong pang-ekonomiya ng isang bansang dayuhan. Ang Panahon ng Isolasyon ay naging daan upang masugpo ng Hapon ang mabilis na paglaganap ng Kanluraning kaisipan at pananampalataya. Ang Panahong Meiji ay naging daan sa modernisasyon ng lipunang Hapon sa aspetong pangkabuhayan, pulitikal at sosyo-kultural. Ang Budi Utomo ay isang makabayang organisasyon na itinatag upang magkaroon ng mga paaralan na magtataguyod ng reporma sa Indonesia. Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga samahang itinaguyod ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan sa mga mananakop na Kastila. Si Ho Chih Minh ay naging kasangkapan sa paglaya ng bansang Vietnam sa mga mananakop na Pranses. Ang pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sa kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan; sapilitang pang- aagaw ng mga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pagrespeto sa kanilang paniniwala at tradisyon. Ang passive resistance at civil disobedience ay ang mga paraang ginamit ni Mahatma Gandhi upang isulong ang kalayaan ng India laban sa mga Ingles. Ang Imperyong Ottoman ay naging malawak na imperyo sa mga kontinente ng Asya, Aprika at Europa noong 1350-1683. Si Mustafa Kemal ay nakilala bilang Ataturk o Ama ng mga Turko na naging kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng Turkey sa mga Europeong mananakop. Si Muhammad Shah Reza Pahlavi ay nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan sa Iran na naging dahilan ng malaking pagtutol ng mga taong nagsusulong ng pagbabalik sa tradisyunal na lipunang Islam sa pangunguna ni Ayatollah Khoemeini. Ang adhikain na pagbubuklod-buklod ng mga kaharian sa Peninsulang Arabe upang ito’y maging matatag at malaya sa pagkontrol ng mga bansang Europeo ay pinasimulan ni Haring Husein Ibn Ali. 40

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ama ng Komunismo sa Tsina. C. Deng Xiao Ping A. Mao Zedong D. Sun Yat Sen B. Chou En Lai2. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sapamamalakad ng mga Kastila at pantay na pagtrato sa mga Pilipino.A. Katipunan C. PropagandaB. La Liga Filipina D. Masonista3. lto ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila’y magbuklod atlabanan ang mga dayuhang mananakop.A. Kolonyalismo C. NasyonalismoB. Imperyalismo D. Komunismo4. Puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang puwersa ng armas.A. Sudra C. KarmaB. Samsara D. Ahimsa5. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay: A. Reporma at Propaganda B. Aktibo at Pasibo C. Civilizing Mission at Ethical Policy D. Imperyalismo at Kolonyalismo6. Pampulitikang sistema ng pamumuno ng mga magkakamag-anak sa Tsina.A. Dinastiya C. ShogunatoB. Monarkiya D. Teokrasya7. Naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbubuo ng isang nagsasariling Pakistan. 41

A. Mustafa Kemal C. Mohammed Ali JinnahB. Jawaharlal Nehru D. Mahatma Gandhi8. Pinuno ng sektang Shiite sa Iran at naging kasangkapan sa pagbabalik ngtradisyunal na pamumuhay sa bansa.A. Sultan Abdul Hamid C. Ayatollah Ruhollah KhoemeiniB. Haring Fahd D. Mustafa Kemal9. Naghangad na pagbuklurin ang mga maliliit na kaharian sa peninsulang Arabengunit tinutulan ng puwersang Europeo.A. Haring Husein Ibn Ali C. Haring FaisalB. Abdul Aziz Ibn Saud D. Prinsipe Khalid10. Nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na nasalamin ang pagkakamit ng kalayaansa pamamagitan ng pamamaraang Komunismo.A. Sun Yat Sen C. Ho Chih MinhB. Mao Ze Dong D. Deng Xiao Ping11. Panahon ng di pakikipag-ugnayan ng bansang Hapon sa mga dayuhangmangangalakal at misyonero.A. Negosasyon C. HaponisasyonB. Pagsasarili D. Isolasyon12. Ang mga sumusunod ay matatagpuan sa dating French Indo-Tsina maliban sa:A. Malaysia C. CambodiaB. Burma D. Laos13. Ang mga sumusunod ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya maliban sa:A. India C. JordanB. Saudi Arabia D. Iran14. Pamamaraan ng pang-aagaw ng militar ng pamamahala sa kasalukuyang pamahalaan. 42

A. Reporma C. RebolusyonB. Coup 'd etat D. Kolonisasyon15. Ang mga sumusunod ay mga digmaang kinasangkutan ng bansang Haponmaliban sa:A. Sino - Japanese C. Dutch – JapaneseB. Russo-Japanese D. Filipino –Japanese16. Kinilalang Ama ng Turko dahil sa kanyang pagsusulong ng kalayaan ng Turkey. A. Mustafa Kemal B. Mehmed V C. Sultan Abdul Hamid D. Mohammed Shah Reza Pahlavi17. Kinilalang Enlightened na pamahalaan ng mga Hapones.A. Tokugawa C. MeijiB. Han D. Shikoku18. Ang pagluhod ng dalawang tuhod ng isang dayuhan sa Emperador naTsino.A. Beso Beso C. SawadeekaB. Kow Tow D. Ohayo19. Supremo ng Katipunan.A. Emilio Aguinaldo C. Paciano RizalB. Antonio Luna D. Andres Bonifacio20. Mga sundalong Hindu at Muslim na nag-alsa laban sa pamamalakad ng mgaIngles.A. Shogun C. SepoyB. Samurai D. Knight 43

GABAY SA PAGWAWASTO: PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. APANIMULANG PAGSUSULIT 2. C 1. B 3. C 2. C 4. D 3. D 5. B 4. A 6. A 5. B 7. C 6. D 8. C 7. B 9. A 8. A 10. C 9. D 11. D 10. A 12. A 11. A 13. A 12. B 14. B 13. C 15. C 14. C 16. A 15. A 17. C 18. B 19. D 20. C 44

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 9LARAWAN NG NASYONALISMONG ASYANOBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 9 LARAWAN NG NASYONALISMONG ASYANO Sa nakaraang modyul ay nailarawan ang pagtugon ng mga Asyano sa kolonyalismo. Napag-aralan din natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagsibol at pag-unlad ng nasyonalismo sa iba’t ibang rehiyon sa Asya. May dalawang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Anyo at Katangian ng Nasyonalismo Aralin 2: Komunismo: Anyo ng Nasyonalismo Pagkatapos ng mga araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang iba’t ibang anyo at manipestasyon ng nasyonalismo; 2. Masusuri ang bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Asya; at 3. Maipaliliwanag ang kaugnayan ng komunismo sa nasyonalismo. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT: Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul? Magsimula ka na. Itambal ang tinutukoy sa bawat bilangsa mga salita sa kanang hanay. Isulat ang titik nito sa patlang sa kaliwa._____1. Bansang nahati dahil sa a. Karl Marx ideolohiyang komunista b. Mao Tse Tung c. Politburo_____2. Bansang mga partidong d. Komyun komunista na kalahok sa e. Shogunista pulitika f. Versailles g. Europeo_____ 3. Dahilan ng paglitaw ng h. Emperialismo kaisipang nasyonalismo i. India j. Korea_____4. Ang nagdala ng binhi k. Indonesia ng nasyonalismo_____5. Kasunduang nagbigay-wakas sa Unang Digmaang Pandaigdig_____6. Ama ng Pilosopiyang Komunismo_____7. Nagsulong ng Komunismo sa China_____8. Pinakamataas na organ ng Partidong Komunista_____9. Cooperatibang itinatag sa China alinsunod sa simulang Komunismo_____10. Makalumang uri ng pamamahalang Hapon 3

ARALIN 1MGA ANYO NG NASYONALISMO Dalawang ideolohiya mula sa Europa ang kinapitan ng mga Asyano bilang tugon sa hamon ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin: angnasyonalismo at sosyalismo o komunismo. Sa araling ito, susuriin natin ang mga iba’tibang anyo o larawan ng nasyonalismo na naganap sa iba’t ibang bansa sa Asya.Gayundin ang mga kilalang tao na nagpasimuno sa paglaganap ng kaisipangnasyonalismo. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang mga iba’t ibang anyo at katangian ng Nasyonalismo; at 2. Matatalakay ang mga kilalang tao na gumising sa makabayang damdamin ng mga Asyano.Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pagtapat-tapatin. Isulat ang tamang sagot.________________1. Philippines Chulalongkorn________________2. India Kemal Ataturk________________3. China Reza Pahlavi________________4. Iran Sun Yat Sen________________5. Turkey Ho Chi Minh________________6. Thailand Gandhi________________7. Vietnam Rizal 4

Nasyonalismo Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ang isang kahulugan ngnasyonalismo. Isa itong mahalagang impluwensyang hatid ng pamamayani nito samundo. Ang nasyonalismo ay isang damdamin na naghahangad pambansangkaunlaran at kasarinlan. Isinaalang-alang nito ang kapakanan ng bansa. Sapampulitikang pananaw, nangangahulugan ito nang kusang pagkilos laban sa anumangbanta ng pananakop maging pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura. Mahalagaang damdaming ito sa pagpapanatili ng katatagan ng isang bansa o estado. Maipamamalas sa iba’t ibang paraan ang kamalayang pambansa o damdamingnasyonalismo: ang pagkakaroon ng isang mapagkakakilanlang ipinagmamalaki. Ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng kanluraning daigdig noong ika-19na dantaon. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan, atpagsulong. Ang damdamin ding ito ang naging pangunahing dahilan ng mga pandaigdiganghimagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan. Sa hanay ng mga katutubong kinatulong sa pamamahala sa kolonya ng mgakolonyalista, gayundin sa hanay ng mga nakapag-aral, lumitaw ang pangkat na maykakayahang manguna sa gawaing pampulitika, pang-ekonomiya, at pangkultura. Ilan sakanila ang nakapag-aral sa Europa at nalantad sa mga ideolohiya ng nasyonalismo atsosyalismo. Kung tutuusin, nailalahad ito sa mga karanasan nina Gandhi, Sun Yat-Sen, at Dr.Jose Rizal. Gayundin, ang matinding banta sa pag-iral ng kanilang bayan ang nagbunsod saiba pa upang itaguyod ang nasyonalismo. Kabilang dito sina Kemal Ataturk ng Turkey,Reza Pahlavi ng Iran, at Chulalongkorn ng Thailand. Ang nasyonalismong Asyano sa panahong ito ay lumitaw at nabuo bilang isanganti-kolonyal at anti-imperyalistang pagtugon sa kolonyalismo at imperyalismo. Maraming anyo ang nasyonalismo. Bawat bansa ay may pamamaraan upangmaipakita ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga taong naaapi. 5

Mga Larawan ng NasyonalismoPILIPINAS INDIA* Pag-aalsa * Kaisipang Liberal ang* Pagtatag ng Kilusangpropaganda sa pangunguna batayan ng nasyonalismong magigiting na Pilipinong * Pag-iral ng “passive resistance”Propagandista tulad ni Dr. Jose * Pag-iral ng Pilosopiyang HinduRizal, Marcelo H. Del Pilar atMariano Ponce at iba pa. ang pinagbabatayan ni Gandhi*Kaisipang liberal ang batayanng nasyonalismo.TSINA JAPAN* Kaisipang Komunismo * Walang pagkiling na pakikipag-ang batayan ng nasyonalismo* Ginagabayan ng kaisipan ng ugnayan sa mga puwersangng digmaang bayan (people’s war) Kanluranin * Pagsasara ng Hapon sa daigdig sa panganibang maimpluwensyahan ng dayuhan ang kulturang Hapones Isa pa ring maituturing na larawan ng nasyonalismo ang pagsiklab ng mgadigmaang pandaigdig. Sinasabing ang pagsibol ng nasyonalismo ang isa sa mga salikng pagsiklab ng una at ikalawang digmaang pandaigdig. Bagaman laganap angimperyalismo kung saan ang malalakas na bansa ay naglalaban-laban sa pagsakop ngmga kolonya, tumindi naman ang kompetensyon bunga ng nasyonalismo sapagkat angisang bansa ay ayaw padaig at patalo sa iba. 6

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng damdaming nasyonalismo?Lagyan ng tsek. Ipaliwanag. 1. Pagtatrabaho sa ibang bansa 2. Paggamit ng produktong lokal 3. Pagbili ng mga produkto sa Subic 4. Pakikisama sa mga NPA 5. Pakikipaglaban para sa karapatan 6. Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran 7. Pagsunod sa batas Tandaan Mo! Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ang isang kahulugan ng nasyonalismo. Maipamamalas sa iba’t ibang paraan ang kamalayang pambansa. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan at pagsulong. Ang mga kilalang tao tulad ni Dr. Jose Rizal ng Pilipinas, Gandhi ng India, Sun Yat-Sen ng China, Ho Chi Minh ng Vietnam, Kemal Ataturk ng Turkey at iba pa, ang gumising ng damdaming makabayan sa Asya. Ang kaisipang liberal at komunismo ang batayan ng nasyonalismo sa Asya. 7

Gawain 3: Paglalapat A. Direksyon: Punan ang nawawalang titik 1. N_S_ _ N _ L_ S_O Damdamin ng pagiging makabayan 2. K_M_N_ _M_ Batayan ng nasyonalismo sa Tsina 3. L_B_R_L Kaisipang batayan ng nasyonalismo sa India 4. P_OP_G_ND_ Kilusang itinatag ng Pilipinas na nagpapamalas ng pagiging makabayan 5. H_N_U Pilosopiyang pinairal ni Gandhi sa India B. Gumawa ng maikling sanaysay kung paano mo maipapamalas ang iyongpagiging makabayan.ARALIN 2KOMUNISMO: ANYO NG NASYONALISMO Nalaman mo sa nakaraang aralin na maraming larawan ng nasyonalismo angnaipamalas sa iba’t ibang bansa sa rehiyong Asya. Ngayon naman sa araling ito aytatalakayin natin ang isang kaisipan o iseolohiya na maituturing naanyo ngnasyonalismo. Ito ay ang komunismo. Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga nilalaman ng araling ito, inaasahan naiyong: 1. Maipaliliwanag ang kaugnayan ng komunismo sa nasyonalismo; at 8

2. Matutukoy ang mga bansa sa Asya na kumapit sa ideolohiyang Komunismo at Sosyalismo bilang landas sa pagpapalaya ng kanilang bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bilugan ang mga pangalan ng bansa na napapaloobsa kahon. Maaring pababa, pataas, at pahalang. RC B U R M A A H U V PH I L L I P I N E S VI E T N A M R S RM MN K O R E A A V S U CA M B O D I A D T A CI N D O N E S I A A VC D L C B S T U X Y Anu-anong bansa ang napapaloob sa kahon? Anong ideolohiya at sistemangpulitika ang kanilang ipinaglalaban at bakit? Ipaliwanag.Ang Komunismo Ilan din ang kumapit sa kaisipan ng sosyalismo at komunismo bilang landas hindilamang sa pagpapalaya ng bansa kundi sa pagbubuo rin ng bagong sistemangpanlipunan na magwawakas sa pagsasaman- tala ng tao sa tao. Kabilang sa mgatumahak sa ganitong landas ang Tsina, Vietnam at Hilagang Korea. Sa iba pang bayan,may mga kilusang pagpapalaya na pinangungunahan din partido-komunista kabilangiyong sa Malaya, Pilipinas, Indonesia, at Burma. Hanggang ngayon, may mga partidokomunista sa Hapon at India na kalahok sa pulitika ng mga bansang ito. 9

Ang komunismo ay nagsimula sasalitang “komun” na ang ibig sabihin ay pantay-pantay o pangkaraniwan at walang uri na nakahi- higit sa kapwa tao. Tumutujoy din itosa Marxist-Leninist na doktrinang pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan nagumagabay sa U.S.S.R. Nangangahulugan din ito ng sentralisadong sistemangpulitikal ng China, ng dating U.S.S.R. at ang kanyang satellite sa Silang Europa. Sa kabila ng mga suliranin, nananatili ang ilang bansa sa pagtahak sa landas ngsosyolismo. Nabuo ang tinaguriang komunistang bansa sa Asya tulad ng Tsina,Vietnam, at Hilagang Korea makaraan ang mahabang panahon ng pakikipaglaban sakolonyalista at imperyalista. Maging ang ilang bansang lumaban sa kolonyalismo atimperyalismo ay nagkaroon ng mga partido-komunistang nagtaguyod ng kalayaan atkaunlaran, ayon sa pananaw ng sosyalista at komunista. Kabilang dito ang Pilipinas,Malaysia, Thailand, Burma, Hapon, India at Nepal. Mga simulain ng ideolohiyang komunismo: Walang uri ang tao sa lipunan. Pantay-pantay ang lahat. Pag-aari ng mga mamamayan at estado ang produksyon. Tatanggap ang tao ng yaman batay sa pangangailangan. Di prayoridad ang pakikipagkalakalan. Umusbong mula sosyalismo ang komunismo noong ika-19 na siglo na nagingkilusan pagkatapos ng himagsikang Ruso noong1917 pagkatapos ng ikalawangdigmaang pandaigdig itinatag ang ibang pang komunistang estado sa SilangangEurope – Poland, East Germany, Czechoslovakia, Hungary, Romania, Bulgaria,Yugoslavia, Albania. Si Mao Tse Tung ang nagsulong ng Komunismo sa China. NoongOktubre 1, 1949, itinatag niya ang pamahalaang komunista sa China sa ilalim ngPeople’s Republic of China. Itinatag din ang rehimeng komunismo sa Cuba, Vietnam,Laos, Cambodia at Afghanistan. Si Mao Tse Tung ang chairman ng Partido Komunista.Ang organisasyon ng pamahalaan ay binubuo ng 22 lalawigan at limang autonomongrehiyon. Politburo ang pinakamataas na organ ng Partido Komunista. 10

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Isulat sa ikalawang hanay ang bansang pinagmulan ng mga taong nabanggit sa unang hanay at hanapin ang nasabing bansa sa mapa.1. Dr. Jose Rizal2. Mahatma Gandhi3. Suharto4. Ho Chi Minh5. Mao Tse Tung6. Kemal Atarturk7. Reza Pahlavi8. Lee Kuan Yew9. MohatherB. Isulat sa loob ng Web ang mga kaisipan o simulain ng ideolohiyang komunismo. Mga Simulain ng Ideolohiyang Komunismo 11

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Dalawang idolohiya mula sa Europa ang kinapitan ng mga Asyano bilang tugon sa hamon ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin: Ang Nasyonalismo at Sosyalismo o Komunismo. Maraming Anyo ang nasyonalismo. Kaisipang liberal ang naging batayan ng nasyonalismo sa Pilipinas at India at Komunismo naman sa Tsina, Vietnam, Korea at iba pang bahagi ng Hilagang Asya. Si Dr. Jose Rizal ng Pilipinas, Sun Yat Sen ng China, Gandhi ng India at iba pa ang gumising sa makabayang damdamin ng mga Asyano. 12

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik nito sa bawat patlang.____1. Damdamin ng masidhing pagmamahal sa bayan.A. Sosyalismo C. ImperyalismoB. Nasyonalismo D. Kolonyalismo____2. Ang Komunismo ay nagsimula sa salitang: C. kooperatiba A. komunista D. ismo B. komun____3. Ang ibig sabihin ng komun ay. C. Pangkabuhayan A. Pantay-pantay D. Sama-sama B. Pagkamakabayan____4. Batayan ng nasyonalismo sa Tsina. C. nasyonalismo A. liberalismo D. pantay-pantay B. komunismo____5. Nagtatag ng Komunismo sa China. C. Stalin A. Ho Chi Minh D. Lenin B. Mao Tse Tung____6. Pinakamataas napulitikong organ ng komunistaA. Politburo C. ShogunatoB. Emperador D. Zaibatsu 13

____7. Ama ng Piliosopiyang komunismo. C. Chou En lai A. Mao Tse Tung D. Tanaka B. Karl Marx____8. Gumisingng damdaming makabayan ng Pilipinas.A. Dr. Jose Rizal C. MabiniB. Sun Yat Sen D. Kemal Ataturk____9. Sa pangambang maimpluwensyahan ng dayuhan ang kulturang Hapones, nagpatupad sila ng patakarang. A. Pagpapalakas ng kanilang bansa B. Pagsasara C. Humiwalay sa ibang bansa D. Pag-aalsa____10. Isang Pilosopiya ang pinagbatayan ni Gandhi ng nasyonalismo sa India.A. Budhismo C. TaoismoB. Hindu D. People’s War 14

GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. J 1. B 2. I 2. B 3. H 3. A 4. G 4. B 5. F 5. B 6. A 6. A 7. B 7. B 8. C 8. A 9. D 9. B 10. E 10. B 15

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 10NEO-KOLONYALISMO: ANG BAGONG URI O PAMAMARAANG KOLONYALISMO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 10 NEO-KOLONYALISMO: ANG BAGONG URI O PAMAMARAANG KOLONYALISMO Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang masidling pagmamahal ng mgaAsyano sa kanilang bansa. Nagkaroon ng mga pagkilos at pag-alsa sa mga bansanglaban sa kolonyalismo. Tuluyang nawala ang imperyalismo at maraming bansa angnaging malaya at nagsasarili. Mula noon, maituturing ban a ang mga bansa sa Asyalalo ang Pilipinas ay ganap ng Malaya at wala ng bahid ng mga impluwensyangkolonyal? Sa modyul na ito, tatalakayin ang bagong uri o pamamaraang kolonyalismo naginagamit sa mga bansang Asya ng mga Kanlurang malalakas at mayayamang bansa. May dalawang aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Neo-Kolonyalismo sa Asya at ang mga Anyo Nito Aralin 2: Bunga ng Neo-Kolonyalismo Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga anyo at ang pamamaraan sa neo-kolonyalismo; 2. Maipaliliwanag ang mga bunga o epekto ng neo-kolonyalismo; at 3. Masusuri ang mga reaksyon o tugon ng mga Asyano sa neo- kolonyalismo. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2


























Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook