Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Music Grade 4

Music Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 21:33:03

Description: Music Grade 4

Search

Read the Text Version

Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad naroyalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) naginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mgaakdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. MarianoInilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected] ii

Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihandaupang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahansa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito nalubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ngsining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak atnatural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhanang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitinat tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, namagdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay samaraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaralupang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulongupang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaralng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic EducationProgram tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii

Talaan ng NilalamanMUSIKAYunit 2 – Melody Aralin 1: Ang Daloy ng Melody............................................ 37 Aralin 2: Ang mga Pitch Name........................................... 42 Aralin 3: Ang G Clef............................................................ 45 Aralin 4: Ang mga Pitch Name sa Ledger Line................... 49 Aralin 5: Ang Tunog na Pinakamataas at Pinakamababa...................................................... 53 Aralin 6: Ang Pagitan ng mga Tono.................................... 57 Aralin 7: Ang Likhang Melody.............................................. 61 iv

Yunit 2 Melody 35

Ang melody ay elemento ng musika na nagsasaad ng kaaya-ayangpagkakasunod-sunod ng mga note na bumubuo ng mahalagang bahagi ngisang awit o tugtugin. Ang mga rhythmic pattern na natutunan sa Unang Yunit ay nilapatanng iba’t ibang direksiyon ng himig na maaaring pataas, pababa, pataas napalaktaw, pababa na palaktaw, o inuulit ang daloy. Matututunan din sa araling ito na ang melody ay nagpapahiwatig ngmga damdaming napapaloob sa isang awit o tugtugin. Maaari ring makilalaang katauhan o ano mang nais ipahatid ng isang kompositor ayon sa uri ngmelody na naririnig batay sa kinalabasan ng mga notang nabuo sa isanglikhang himig. Tatalakayin din ang iba pang mga katawagang pangmusika gayundinang iba’t ibang simbolong musikal, tulad ng G clef, pitch name, ledger line,interval, range, at marami pang iba na lalong makatutulong upang magingkasiya-siya ang pag-aaral ng musika. 36

Ang Daloy ng Melody Ang isang melody ay bunga ng pagdaloy ng tono namaaaring tumataas o bumababa. Ito ay nalilikha gamit angiba’t ibang daloy ng mga note na nagbibigay ng magandangtunog. Sa araling ito ay matutunghayan ang iba’t ibang daloyng melody na bumubuo sa isang magandang musika.Gawain 1 Pakinggang mabuti ang awit. 37

Awitin ito nang sabay-sabay. Awitin naman nang pangkatan. Sundin ang bilang ngmeasure para sa pag-awit ng bawat pangkat. Pangkat – I – measure 1 at 9 Pangkat – II – measure 2 at 10 Pangkat – III – measure 3, 4 at 11, 12 Pangkat – IV – measure 6, 7, 8 at 13, 14, 15, 16 Awitin ang mga so-fa syllable ng awit habang sinusundanang daloy ng mga note.Gawain 2 Tukuyin ang daloy ng melody sa bawat measure ng awitna “Song and Dance”. Sabihin kung ito ay pataas o pababangpahakbang, pataas o pababang palaktaw, o kaya nama’yinuulit. Pagkatapos ay awitin ang mga ito upang higit namarinig at madama ang daloy ng melody. 38

Gawain 3 Pakinggan ang mga melodic phrase na may iba’t ibangdaloy sa awiting iparirinig ng guro. Tukuyin kung ang narinigna himig ay pataas o pababang pahakbang, pataas o pababangpalaktaw, o kaya nama’y inuulit. Ang iba’t ibang daloy ng melody ay pataas at pababangpahakbang, pataas at pababang palaktaw, o kaya nama’ypantay o inuulit. 39

Sa anong daloy ng melodiya mo maihahambing ang iyongnatutuhan sa ating aralin? Pataas ba o pababa o di kaya aynananatili ka ba sa dati mong gawi? Magpangkat sa lima ang buong klase. Bawat pangkat aylilikha ng galaw na magpapakita ng iba’t ibang daloy ngmelody. Awitin ang “Batang Masipag” at sundan ang daloy ngmelody sa pagsasakilos nito. 40

Panuto: Sukatin ang sariling kakayahan ayon sa ginawangpangkatang gawain. Lagyan ng tsek ( √ ) ang bilang na angkopsa ginawang pagganap. Di- gaanong Pamantayan Mahusay Mahusay Napakahusay1. Nakapagpapakita ng 12 3 sigla at galak sa pagtatanghal2. Nakaaawit nang may tamang tono ayon sa mga note ng awit3. Nakapag-uukol ng panahon at sarili sa pagsasanay ng gawain4. Naipakikita ang pakikiisa sa gawain5. Nakakikilos nang naaayon sa daloy ng musika 41

Ang mga Pitch Name Ang melody ay isang mahalagang elemento ng musika.Ang mga tono ng isang melody ay nakasulat sa staff na binubuong limang guhit at apat na puwang. Ang note angkumakatawan sa bawat tono ng isang melody. Ito ayginagamitan ng mga titik ng Alpabeto na A, B, C, D, E, F, G.Ang tawag sa mga ito ay pitch name.Gawain 1 Awitin ang “Do Re Mi Song” at tukuyin ang mga titik ngalpabetong ginamit sa awit.Gawain 2 Awitin nang sabay-sabay ang “ Tayo’y Umawit ng ABC”. 42

Pagmasdan muli ang music notation ng “Tayo’y Umawitng ABC”. Bigyang pansin ang mga guhit kung saan nakasulat angmusic notation. Bilangin ang mga guhit at puwang ng staff. Alam ba ninyo na ang bawat guhit at puwang sa staff aymay katumbas na pitch name? Ilan ang mga titik ng alpabeto na ginamit sa lunsarangawit? Ano-ano ang mga ito? Isulat ang mga pitch name na natutuhan sa guhit atpuwang.Gawain 3 Tayo nang maglaro ng Musical Word Game. Isulat ang pitch name upang mabuo ang mga salita.Tugtugin sa flute/recorder o xylophone pagkatapos sagutin. 43

Ang mga pitch name sa guhit ay ang sumusunod: Ang pitch name sa puwang ay ang sumusunod: Nakatulong ba ang ating pag-aaral ng pitch name nabumubuo sa guhit at puwang sa G clef staff, upang lalo natingmatandaan ang mga salitang kadalasang ginagamit samusika? Sa inyong palagay, may mabuting dulot ba ito upanglalong pagbutihin ang pag-aaral ng musika? Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita saguhit at puwang ng G clef staff. 44

Ang G clef Ang clef ay isang simbolong nakalagay sa unahan ngmusical staff. Ito ang nagtatakda ng tono ng mga notes sa staff.Isa sa karaniwang simbolo ng clef ay ang G clef o Treble clef. Ang G clef o Treble clef ang nagtatakda ng tone ng mganote sa itaas ng middle C. 1. Awitin ang “Bandang Musika” habang sinasabayan ng Kodaly Hand Signs. 45

2. Basahin ang musical scale gamit ang mga pitch name. Awitin ang musical scale gamit ang mga so-fa syllable. - Ano ang musical symbol na nakikita sa unahan ng scale?3. Pakinggan ang lunsarang awit na “Tayo’y Magpasalamat” habang nakatingin sa music notation. - Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method. - Awitin ang mga sofa-syllable na bumubuo sa awit. - Awitin nang sabay-sabay ang lyrics ng awit. 46

4. Tingnan ang musical symbol na nakalagay sa unahan ng staff. - Ano ang tawag sa simbolong ito? 5. Suriin ang musical scale. Tukuyin kung ano ang pitch name ng note na nasa ikalawang guhit ng staff. Ang G clef ay matatagpuan sa unahang bahagi ng staff.Nangangahulugan ito na ang pitch name na G ay nakalagay sapangalawang guhit ng staff. Ang G clef o treble clef angnagtatakda ng tono ng mga note sa staff. Ang G clef ay simbolo ng notasyon. Ang aralin sa G clef aynagpapahiwatig na ang bawat simbolo dito sa mundo tulad ngmusika ay may kani-kaniyang mahahalagang bahagingginagampanan upang matugunan at maipahayag angkahalagahan ng bawat isa. 47

1. Isulat ang sumusunod na mga pitch name sa G clef gamit ang whole note.2. Tingnan ang nakaguhit sa loob ng kahon. Iguhit ito sa unahan ng staff. Buuin ang sumusunod na mga pitch name na hango sa mga natutuhang awit.3. Gamitin ang (quarter note) sa pagbuo ng mga pitch name.4. Awitin ang mga nabuong pitch name gamit ang pantig na loo.5. Tugtugin ang nabuong mga pitch name gamit ang keyboard, flute recorder, lyre, o melody bells. 48

Ang mga Pitch Name sa Ledger Line Ang maiikling guhit na makikita sa ibaba o itaas ng staffay tinatawag na ledger line. Bawat ledger line ay maykatumbas na pitch name o kaya naman ay so-fa syllable.Gawain 1 Awitin ang mga pitch name ng Kodaly Hand Sign naipakikita ng guro gamit ang mga flashcards. Ano-anong pitch name ang inyong nakita? 49

Gawain 2 - Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method. - Basahin ang notation (so-fa syllable) ng “Bandang Musika”. - Basahin ang mga pitch name ng “BandangMusika”. - Awitin ang lyrics ng awit.Gawain 3 Batay sa awiting “Bandang Musika”, tingnan ang ikalimahanggang ikawalong measure ng awit? - Ano ang inyong napansin sa notation? - Ituro ang measure kung saan nakaguhit ang mga ledger line. 50

- Ngayong mahusay ninyong nasagot ang tanong, awitin ang mga note sa bahaging unang staff kung saan may ledger line. - Isabay ang Kodaly Hand Sign habang umaawit tulad nito: Ang ledger line ay matatagpuan sa ibabaw o ilalim ngstaff. Ang pitch name na makikita sa unang puwang sa ibabang staff ay D. C naman ang nasa unang ledger line at B angmatatagpuan sa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng staff.Matatagpuan naman ang pitch name na A sa unang ledger linesa ibabaw ng staff at G naman ang sa unang puwang sa ibabawng staff. Ang aralin sa ledger line ay gabay upang lalongmaintindihan ang pagbabasa ng mga note na isangmahalagang bahagi sa pag-aaral ng musika. 51

1. Isulat sa patlang ang pitch name na makikita sa mga ledger line ng G clef staff.2. Bilugan ang mga note kung saan matatagpuan ang ledger line. a. b.Gumuhit ng star ( ) sa nakalaang kahon.Gawain Napakahusay Mahusay Di-gaanong Mahusay1. Nakaaawit nang may kasiyahan2. Natutukoy ang mga ledger line3. Nasasabi ang kahulugan at gamit ng ledger line4. Naiguguhit ang mga ledger line sa tamang lugar sa staff5. Naipakikita ang pakikiisa sa mga gawain 52

Ang Tunog na Pinakamataas at Pinakamababa Tampok sa araling ito ang pagkilala sa pinakamataas atpinakamababang tono ng awit. Ang higit na ikinagaganda ngisang awit ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng tono namaaaring awitin sa pinakamataas o pinakamababang himig.Maaaring mabigyang damdamin ang taas at baba ng tonokung ang paraan ng pag-awit ay may tamang range o antas ngboses.Gawain 1 Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Saan kaya matatagpuan sa mapa ang lugar napinanggalingan ng awit? Pakinggang mabuti ang awit na iparirinig ng guro. Pag-aralan natin ang awit. Sa pamamagitan ng musical score ng mga awit, suriinang note na may pinakamataas at pinakamababang antas sabawat measure. Alamin ang pinakamababa at pinakamataas na note namakikita sa mga awit. 53

- Ano-anong mga note ang ginamit sa awit? - Ilang note ang ginamit sa awit? - Awitin ang “Salidommay”. - Tukuyin ang pinakamababa at pinakamataas na tono.Gawain 2 Tukuyin ang range ng mga note sa mga melodic phrase. 1. Bilugan ang pinakamababa at pinakamataas na note. 2. Isulat ang mga note na ginamit sa staff sa ibaba. 54

3. Alamin kung malawak o maikli ang range ng phrase. Isulat sa patlang. Makikilala ang pinakamataas at pinakamababang tonosa awit sa pamamagitan ng range sa pagitan ng tono nito. 55

Ano ang kahalagahan ng range ng tono sa pagpapahayagng damdamin ng isang awitin?A. Suriin ang mga note at tukuyin ang range ngpinakamataas at pinakamababang note. Isulat din kungmalawak o maikli ang pagitan ng bawat note.B. Pakikinig Pakinggang mabuti ang iparirinig ng guro. Tukuyin angrange ng tunog kung malawak o maikli. Isulat ang sagot sasagutang papel. 56

Ang Pagitan ng mga Tono Kung susuriin ang mga awit, mapapansin ninyo na hindimagkakatulad ang pagitan ng mga note na bumubuo nito. May mga note na magkakalayo at mayroon din namangmagkakalapit ang pagitan. Ang pagsukat ng pagitan ng mgatono ay mula sa note na tinutukoy hanggang sa kasunod nito.Sa araling ito sikapin ninyong awitin ang mga bahagi ng himigna mayroong iba’t ibang pagitan.Gawain 1 Gawain sa Pakikinig Pakinggang mabuti ang sumusunod: “Happy Birthday”, “Tayo’y Umawit”, “Bahay Kubo”, “StarWars-Opening Theme”, “It Came Upon the Midnight Clear”,“Somewhere Over The Rainbow”, “We’re on the Upward Trail”at iba pang mga instrumental music. 57

Aawitin ng guro ang “Umawit at Sumayaw”. Habang nakikinig ay pag-aralan ang tono ng awit.Pagkatapos ay gawin ang sumusunod. - Awitin ng buong klase kasabay ang guro o CD. - Magpangkat ayon sa itatalaga ng guro. - Iparinig ng bawat pangkat ang awit. - Tukuyin ang interval sa pagitan ng bawat note.Gawain 2 Magpangkat sa apat ang buong klase. Gamit ang mgamelodic phrase, ibigay ang pagitan ng mga note. Isulat sa papelang sagot ng bawat pangkat. 58

Iparinig sa klase ang mga melodic phrase sapamamagitan ng sumusunod:pagtugtog ng lyre pagpapatunog ng melody bellspag-awit ng “loo” pagtugtog ng keyboard Ang interval ay ang pagitan ng dalawang note. Ito aymakikilala batay sa kinalalagyan o posisyon nito sa staff. Angmga interval ay ang sumusunod:1. Prime (1st) - inuulit 5. Fifth (5th)2. Second (2nd) 6. Sixth (6th)3. Third (3rd) 7. Seventh (7th)4. Fourth (4th) 8. Octave (8ve) Ano ang magandang naidudulot ng mga simple intervalng melody sa tamang pag-awit? 59

Tukuyin ang uri ng interval o pagitan ang makikita saibaba. Isulat ang sagot sa mga bilang sa ilalim ng staff. Awitino tugtugin ito gamit ang flute/recorder o lyre. 60

Ang Likhang Melody Isa sa mga masining na pagpapahayag ng damdamin angpag-awit. Ang awit ay binubuo ng mga tono na may kani-kaniyang daloy at agwat ng note na tinatawag na melody. Angmelody ay madaling matututunan lalo’t higit kung ito’y lagingnaririnig. Sa araling ito, bukod sa pag-awit ay sikapingmalaman ang paglikha ng simpleng melody na magbubuhat saiyong isip at damdamin. 61

Gawain 1 Pagmasdang mabuti ang gagawin ng guro. Gawin ang pagtapik ng rhythmic pattern ng awit. I-chant ang lyrics ng awit ayon sa rhythmic pattern nito. Gawin muna ng pangkatan at pagkatapos ay sabay-sabayna ang lahat ng mga mag-aaral.Gawain 2Pangkatang gawain Lapatan ng tono ang rhythmic pattern. Gamitin angsumusunod na note : do, re, mi, fa, so, la, ti, do Awitin ang nabuong komposisyon. Ang paglikha ng isang melody ay nakatutulong sapagiging malikhain upang maipakita ang kahusayan at pag-unawa sa musika. Ano ang naramdaman mo nang ikaw ay nakalikha ngisang musika? Bakit? 62

Sukatin ang sarili ayon sa ginawang pangkatang gawain. Pamantayan Di- Magaling Napakagaling gaanong 231. Nakasusunod sa Magaling alituntunin kung paano ang paglikha 1 ng melody2. Nakapagbabahagi ng kaalaman sa musika sa pamamagitan ng pag-awit3. Nakaaawit nang may wastong tono ng likhang melody4. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa musika5. Nakikiisa sa pangkatang gawain at pagtatanghal3 – napakagaling2 – magaling1 – di-gaanong magaling 63

2-Part Vocal GLOSSARY MUSIKAAcappela bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaringAccent (<) soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenorAntecedentPhrase pag-awit na boses lamang ang naririnig, walangBajo de Arco kasamang instrumentong pansaliwBarline ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measureBassoon nagsisilbing panimulang parirala ng isang musicalBeat phraseCelloChant itinuturing na pinakamalaking instrumentong mayClarinet kwerdas at nagbibigay ng mababang tonoCoda guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staffConsequentPhrase instrumentong hinihipan na may double reed atDescant may makapal na tunogDi-magkatulad ang pulso ng awit o tugtuginna musicalphrase instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola paawit na pagsasalita na walang sukat instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig 267

Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis naDynamics kawayan elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas oFlute paghina ng pag-awit o pagtugtogForte (f) instrumentong woodwind na walang reed atFrench Horn pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nitoG Clef malakas na pag-awit o pagtugtogHarmonic instrumentong hinihipan na yari sa inikot naInterval tubong labindalawang talampakan ang haba atHarmonic nababago ang tono sa pamamagitan ng mgaThird Interval piston at valveHarmony simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staffInstrumental na nagtatakda ng tono ng mga note sa staffMusicInterval tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pangKalaleng o magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtogTongali nang sabay binubuo ng dalawang magkaugnay na note naKodaly Hand may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2Sign stepLargo ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos naLedger Line pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde musikang galing sa mga musical instrument ang pagitan ng dalawang tono instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay tempo na mas mabagal sa andante dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff 268

Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ngMelodic kumpas na naaayon sa nakasaad na meterOstinatoMelodic isang maikling melodic pattern na paulit-ulit naPhrase tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiyaMeterMusical pariralang panghimig na nagtataglay ng himig naPhrase hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay angMusical Staff pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melodyOboe pantay-pantay na sukat ng rhythm naOctave ipinamamalas sa kumpas o beatOstinatoPalendag ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipanPiano (p)Pitch Name binubuo ng limang linya at apat na puwang naPresto pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)PrimeRange instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon mahinang pag-awit o pagtugtog pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G) musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis una o isa lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument 269

Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit saRhythmic ihipan ng instrumentong woodwindOstinatoRhythmic rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog atPattern ginagamit na pansaliw sa awitinRote MethodSaggeypo ay ang pinagsama-samang mga note at rest naScore binuo ayon sa nakasaad na time signatureStaffTempo isang paraan ng pagtuturo ng awit naTexture pagagad/paggayaTimbreTonal instrumentong etniko na yari sa kawayan atTrombone kahalintulad ng panpipesTrumpet ang piyesa ng awit o tugtuginTuba binubuo ng limang guhit at apat na puwang kungViola saan isinusulat ang music notationViolin ang bilis o bagal ng musika o awitin elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog ang uri o kalidad ng tunog Tono instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong- sulong ng slide nito instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family 270

Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang bosesWaltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat 271

APPENDIX MusikaMga Awit Ako Mananggete An Sakong Abaniko Ang Alibangbang Ang Huni ng Ibong Pipit Ano-Ano Atin Cu Pung Singsing Baby Seeds Bahay Kubo Bandang Musika Batang Magalang Batang Masipag Chua-ay Clean Up Week Song Do a Little Thing Early to Bed Gising Na Hear the Rain Huli Ka! Ili-ili Tulog Anay Inday Kalachuchi Kalesa Little Band Liza Jane Lupang Hinirang Magandang Araw Magtanim ay ‘Di Biro Manang Biday Masaya Kung Sama-sama Ode to Joy Oh, Come Play a Merry Tune Oh, Who Can Play 274

Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She’ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo’y Magpasalamat Tayo’y Magsaya Tayo’y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We’re on the Upward Trail Will You Dance With Me?Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit 275

Bibliography MusikaAntukin: Philippine folk songs and lullabies;Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for YoungReaders, 1998Dazzle 4, Innovative Educational Materials IncHalina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos,Copyright St. Mary’s Publishing Corp.Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42J. C Palabay InterprisesHalina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, IncIlonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. PanganImmortal Philippine Native Songs, Carmelita V. JoseIntroduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy MarasiganLeaflet, 2000, Gloria C. QuintoLower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House,Cultural Arts SeriesMusic, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications,Inc.Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p.52, 1963by MJ Enriquez, Philippine Book CompanyMusical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural ArtsSeriesMusical Wonders Worktext and Teachers Guide 276

Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk SongsCompiled and edited by Damiana L. EugenioSanayang Aklat sa Musika 4Chita C. Erice at Victorina A. MarianoSanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza andVictorina MarianoSparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.Internet:Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristohttps://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8Balitaw-Visayan songhttps://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fYBenjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor RogerParker and the Badke Quartethttps://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtMCelso Espejo RondallaCzardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1EChu-ay Sta. Teresita Parish Choralehttps://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMwCordillera hymn-nose flutehttps://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qICordillera Musical Bamboo Instruments 2https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuIDabakan Solohttps://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0Davao Christian High School Orchestra's \"Frozen\" Medleyhttps://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8Gangsahttps://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2kGaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Triohttps://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k 277

Hudhud (Ifugao)https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9IKalesa (by Ernani Cuenco)https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5sKalinga's Musical Instrumenthttps://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduquehttps://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXwKids singing Happy Birthdayhttps://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0Kolitonghttps://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2YKudyapi Master Samaon Sulaimanhttps://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcILeroy Anderson - The Syncopated Clockhttps://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2gLes Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestrahttps://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCULoboc Children's Choir The Prayerhttps://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXMMabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-NagkalituhanDuet by Raye Lucero and Peping de Leonhttps://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0Mindanao Kulintang Ensemblehttps://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAsMindanao Sketches by Antonino Buenaventurahttp://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbAPop! Goes the Weaselwww.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuEOde to Joy by Beethovenhttp://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA 278

Ode to Joy - Piano sheet musichttps://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxUOdiyat Kambayok by Erlyndahttps://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-kPaldong - Julia Yabeshttps://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkIPaldong Lip-Valley Flutehttps://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIUPercussion Familyhttps://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnEPercussion Instrumentshttps://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lcPhilippine Bamboo Orchestra in Beijinghttps://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQPhilippine Marching Bandshttps://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen)https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0FgPhilippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medleyhttps://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4sPhilippine Symphonic Medley PNU Rondalla -https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiEPMA Marching Bandhttps://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI\"Prayer of St. Francis\" sung by the Philippine MadrigalSingershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPEP.Tchaikovsky. Serenade for Strings.https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQSamaon Sulaiman 2https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4Sarah Geronimo solohttps://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE 279

Street Parade at Tagaytay City,Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOYSurprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydnhttp://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8The Brass Familyhttps://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzYThe Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanaohttps://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjggThe Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harphttps://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oGThe String Family - A Digital Storyhttps://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0Woodwind instrumentshttps://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1cVivaldi Spring The Four Seasonshttps://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXEYo-Yo Ma The Swan Saint-Saenshttps://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw 280



Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad naroyalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) naginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mgaakdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. MarianoInilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay- laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Talaan ng Nilalaman Yunit 3 – Form, Timbre, at Dynamics Aralin 1: Ang Introduction at Coda ng Isang Awitin.......... 68 Aralin 2: Ang Antecedent Phrase at Consequent Phrase ng Isang Awitin....................................... 72 Aralin 3: Ang Magkahawig at Di Magkatulad na mga Musical Phrase................................................... 75 Aralin 4: Ang Iba’t Ibang Tunog........................................ 78 Aralin 5: Ang Pangkat ng Instrumentong String/ Chordophone...................................................... 82 Aralin 6: Ang Pangkat ng Instrumentong Hinihipan/ Aerophone.......................................................... 86 Aralin 7: Ang Pangkat ng Instrumentong Percussion/Idiophone at Membranophone ........... 90 Aralin 8: Ang Forte at Piano.............................................. 99 v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYYunit 3 Form, Timbre, at Dynamics 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYTampok sa araling ito ang pagkilala natin sa tatlongelemento ng musika: form, timbre, at dynamics. Ang form ay ang istruktura ng musika. Ito ay tumutukoy sakayarian ng isang komposisyon batay sa kaayusan at pagkabuong mga musical phrase. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ngmga musical phrase na may kani-kaniyang natatanging daloy nghimig. Mayroon din itong pagdalang o pagbilis ng tunog ayon satakbo na kailangan sa kabuuan ng awit o tugtugin. Ang mgamelodic phrase o rhythmic phrase ay maaaring magkatulad, di-magkatulad, o magkahawig. Sa pag-awit, mas mainam na may himig na tinutugtog oinaawit bilang paghahanda upang maibigay ang tamang tono.Tinatawag itong introduction. Ang huling bahagi naman ng awit aytinatawag na coda. Ang antecedent phrase at consequent phrase ay dalawangparirala na bumubuo sa isang musical idea. Kadalasan angantecedent phrase ay may papataas na himig at ang consequentphrase naman ay may papababang himig. Bibigyang-kahulugan sa yunit na ito ang isa pang elementong musika na tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ito ay tinatawagna timbre. Ito’y maaaring mabigat o magaan, mataas, matinis,malambing, maindayog, mataginting, makalansing, bahaw, osintunado na maririnig sa pag-awit at sa pagtugtog. Karaniwang nahahati sa apat na uri ang tinig ng mga mang-aawit. Soprano at alto ang tinig ng mga babae, tenor at bassnaman ang tinig ng mga lalaki. Kung may pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong nagsasalitaay mayroon ding pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong umaawit. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook