Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI V V2

HEKASI V V2

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:22:18

Description: HEKASI V V2

Search

Read the Text Version

HEKASI V Volume 2

HEKASI V No. of Pages TALAAN NG NILALAMAN 11 7 TITLE 7 61. Pamahalaang Barangay ng Unang Pilipino 82. Pamahalaang Sultanato 123. Paghahambing sa Pamahalaang Barangay at Sultanato 94. Kahalagahan ng Batas sa Pag-uugnayan ng mga Unang Pilipino 95. Kababaihan sa Panahon ng Ninuno 76. Edukasyon ng mga Unang Pilipino, Naiiba ba? 77. Pananampalataya ng mga Unang Pilipino 58. Hanapbuhay ng mga Ninuno 119. Pamahalaang Lokal ng mga Espanyol 810. Pamamahala ng mga Espanyol (Pamahalaag Sentral) 1011. Pook Tirahan ng Ating mga Ninuno 612. Panahanan ng mga Ninuno 1013. Pagbabago sa Panahanan sa Panahon ng Espanyol 914. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo 815. Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo 616. Ang Edukasyon sa Panahon ng Espanyol 817. Kababaihan sa Panahon ng Espanyol 718. Pangkabuhayan sa Panahon ng Espanyol 1019. Pamamahala ng mga Amerikano 820. Kababaihan sa Panahon ng Amerikao 821. Relihiyong Ipinakilala ng mga Amerikano 722. Edukasyon sa Panahon ng Amerikano 723. Panahanan sa Panhaon ng Amerikano 624. Pangkabuhayan sa Panahon ng Amerikano25. Balangkas at Layunin ng Pamahalaang Komonwelt26. Pangkabuhayan sa Panahon ng Komonwelt27. Panahanan sa Panahon ng Komonwelt

28. Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt 829. Kababaihan sa Panahon ng Komonwelt 730. Panahanan sa Panahon ng Hapones 831. Pangkabuhayan sa Panahon ng Hapones 732. Edukasyon sa Panahon ng Hapones 733. Kababaihan sa Panahon ng Ikatlong Republika 734. Panahanan sa Panahon ng Ikatlong Republika 935. Pangkabuhayan sa Panahon ng Ikatlong Republika 836. Edukasyon sa Ikatlong Republika 837. Kababaihan sa Panahon ng Batas Militar at Ikaapat na Republika 938. Panahanan sa Panahon ng Ikaapat na Republika 1139. Edukasyon sa Panahon ng Bagong Republika 940. Pangkabuhayan sa Panahon ng Ikaapat at bagong Republika 1241. Edukasyon sa Panahon ng EDSA Revolution hanggang sa Kasalukuyan 942. Edukasyon: Saan Patutungo? 8 Total 344

GRADE V PROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG MGA AMERIKANO ALAMIN MO Tingnan mo ang larawan. May alam ka ba tungkol sa kanila? Sila ang tinatawag na mga Thomasites. Naging bahagi sila ng edukasyon naipinakilala ng mga Amerikano sa ating bansa. Sa modyul na ito, susuriin natin ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mgaAmerikano. HKS 5 M- 22

PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo ba ang aralin natin tungkol sa edukasyon sa nakaraang modyul? Subukin mong gawin ang pagsasanay na ito.Iayos mo ang mga titik upang makabuo ng salita. Isulat mo ito sa papel.1. K A P A O R Y L - _________________ (Unang paaralang naitatag sa panahon ng Espanyol)2. Y E R O M I S N O - _________________ (Unang guro sa panahon ng Espanyol)3. R O N E S K A D AY - _________________ (Ikalawang antas ng pag- aaral)4. L A R M O N - _________________ (Paaralan para sa nais maging guro)5. K A T I M E A T A M - _________________ (Asignatura sa pagbilang at pagkuwenta)PAG-ARALAN MOBasahin mo ang talakayan sa klase ni Gng. Eleanor Forbes at ng kanyang mag-aaral.Gng. Forbes: Magandang umaga sa inyo. Alam kong handa na kayo sa ating talakayan tungkol sa edukasyon sa panahon ng Amerikano. Simulan natin. Ano ang tatlong pangunahing layunin ng kanilang edukasyon?Rita: 1. Ituro sa mga Pilipino ang pagiging mabuting mamamayan sa isang demokratikong bansa. HKS 5 M- 22

Gng. Forbes: 2. Ipalaganap ang wikang Ingles.Mark: 3. Ipaabot ang impluwensiya ng kulturang Amerikano.Gng. Forbes: Magaling! Sino-sino ang naging guro sa panahong ito?Ma. Xena: Unang guro po ang mga sundalong Amerikano at dating gurongGng. Forbes: Pilipino Noong Agosto 23, 1901, dumating ang mga gurongRuel: Amerikano sakay ng bapor na S.S.Thomas. Sila ang pumalit sa mga gurong sundalo. Tinawag silang Thomasite.Gng. Forbes: Palakpakan natin si Mark. Anu-ano namang paaralan ang itinatag nila sa bansa? Itinatag po nila ang sumusunod: mga paaralang pambayan, edukasyong bokasyunal, edukasyon para sa may sapat na gulang, edukasyon para sa mga di-kristiyano at pribadong edukasyon. Ano ang iba’t ibang antas ng kanilang edukasyon? Ang mga paaralang pambayan ay binubuo ng elementarya, sekondarya, unibersidad at kolehiyo. Apat na taon ang panimulang baitang, tatlo ang intermedya at apat ang sekondarya. Nasisiyahan ako sa inyo dahil nakasasagot kayo nang mabuti sa mga tinanong ko. Narito pa ang karagdagang kaalaman. HKS 5 M- 22

Basahin mo: Maraming paaralan ang binuksan sa bansa. Ang mga paaralan para sa antas na pangkolehiyo ay ang Paaralang Normal ng Pilipinas, Paaralan ng Pilipinas sa Sining at Kalakal, at Paaralang Nautical ng Pilipinas. Naitatag din ang Pamantasan ng Pilipinas. Sinundan ito ng pagtatayo ng mga gusaling bokasyunal, pagsasanay sa mga gurong bokasyunal at pagtatatag ng edukasyong bokasyunal sa Kawanihan ng Edukasyon noong 1920. Noong 1929, si Dr. Frank Lauback, isang misyonerong Protestanteng Amerikano ang nagpakilala ng isang paraan ng pagtuturo sa mga may sapat na gulang. Isinagawa ito sa mga Maranao sa Lanao at sa iba’t ibang pook ng bansa. Ginamit sa mga paaralan ang mga aklat na isinulat at nilimbag sa Amerika. Binigyang diin ang pagtuturo ng demokratikong paraan ng pamumuhay. Marami ang nakapag-aral dahil libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayan. Kung ang simbahan ang sagisag ng Espanya, ang paaralan naman ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano.Mga mag-aaral: Maraming salamat po Gng. Forbes sa inyong pagtuturo sa amin.Gng. Forbes: Walang anuman at sana ipagpatuloy ninyo ang kasipagan sa pag- aaral. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang sistema sa edukasyon sa panahon ngAmerikano sa panahon ng Espanyol? Anu-ano ang nagbago sa sumusunod? 1. mga layunin 2. mga guro HKS 5 M- 22

3. mga naitatag na paaralan 4. wikang panturo 5. mga aklatSuriin mo ang balangkas na ito.Mga Antas ng EdukasyonSa Panahon ng Amerikano Kolehiyo PamantasangSekondarya Normal Pamantasang Nautical Pamantasang Sining at Kultura Pamantasan ng Pilipinas Taon I, II, III, IVIntermedya Baitang V, VI, VIIPrimarya Baitang I, II, III, IVAno ang napuna mo? Ganito rin ba ang antas ng edukasyon sa kasalukuyan? HKS 5 M- 22

PAGSANAYAN MO May pagkakaiba ba at pagkakatulad ang sistema ng edukasyon sa panahon ngEspanyol at panahon ng Amerikano? Subukin mong gawin ang tsart na ito sa iyong kwadernong sagutan. Edukasyon sa Panahon ng Amerikano EspanyolLayuninPaaralanMga GuroMga ItinuroWikang Panturo Saan nagkakaiba ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Espanyol at panahonng Amerikano? Saan naman sila nagkakatulad? Higit bang napaunlad ang edukasyon sa panahon ng Amerikano? Bakit? HKS 5 M- 22

TANDAAN MO  May mga pagbabagong naganap sa edukasyon sa panahon ng Amerikano tulad ng: - Pagkakaroon ng intermedya (baitang V at VI) - Pagbubukas ng mga paaralang pambayan - Paggamit ng Ingles bilang wikang panturo - Pagtuturo ng demokratikong paraan ng pamumuhay ISAPUSO MO Mula pa noong panahon ng Amerikano hanggang sa ngayon ay libre angpagpasok sa mga paaralang pambayan ng mga mag-aaral. Isa ka na rito. Itinataguyoddin ng mga magulang ang pag-aaral ng mga anak. Ikaw, bilang mag-aaral ay maybahaging dapat gampanan. Gumuhit ka sa iyong kwaderno ng puso at dito mo isulat angmga dapat mong gampanan bilang mag-aaral. HKS 5 M- 22

GAWIN MO Isa sa palaging pinaawit sa mga mag-aaral ang “Pilipinas Kong Mahal”. Alammong awitin ito, di ba? Noong panahon ng Amerikano, inaawit ito sa wikang Ingles, naang pamagat ay Philippines, My Philippines. Narito ang liriko ng awiting ito. Subukin mong awitin sa wikang Ingles. Philippines, My Philipines I love my own, my native land Philippines, my Philippines To thee I give my heart and hand Philippines, my Philippines The trees that crown thy mountains grand, The seas that beat upon thy strand. Awake my heart to thy command Philippines, my Philippines Naawit mo ba nang maayos at may damdamin ang awitin? HKS 5 M- 22

PAGTATAYAA. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kwadernong sagutan. Hanay A Hanay B1. mga gurong Amerikano A. ingles B. paaralan2. wikang panturo C. relihiyon D. pambayan3. Sagisag ng sibilisasyong E. Thomasites Amerikano F. demokrasya4. binigyang–diin sa pagtuturo5. paaralang itinatagB. Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kwadernong sagutan. 1. Alin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano? A. ituro ang wikang Espanyol B. pagiging mabuting Kristiyano C. ipalaganap ang Kristiyanismo D. pagiging mabuting mamamayan 2. Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano? A. sila ang mga sundalo B. nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. Tomas C. marami sa kanila na ang pangalan ay Thomas D. sakay sila ng barkong S.S Thomas nang sila’y dumating sa Pilipinas 3. Alin sa sumusunod ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano? A. krus B. espada C. paaralan D. simbahan HKS 5 M- 22

4. Alin sa sumusunod ang ikinaiba ng edukasyon sa panahon ng Amerikano sa edukasyon sa panahon ng Espanyol? A. ipinaturo ang Doctrina Cristiana B. mga paring misyonero ang unang guro C. may naitatag na mga paaralang parokyal D. ipinaturo ang demokratikong paraan ng pamumuhay 5. Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa. A. ipinaturo ang relihiyon at wikang Latin B. Libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayan C. ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika D. ipinagamit ang wikang ingles bilang wikang panturo PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ang demokratikong paraan ng pamumuhay ang minana natin mula sa mgaAmerikano. Sa ilalim ng demokrasya natatamo natin ang iba’t ibang karapatan.Isulat mo sa “balloon web” ang mga karapatang tinatamasa ng isang batang tulad mo. Mga Karapatang Tinatamasa Ko HKS 5 M- 22

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul. HKS 5 M- 22

GRADE VPROYEKTO: PANAHANAN SA PANAHON NG AMERIKANO ALAMIN MO Tingnan mo ang nasa larawan. Ang mga kalsada ay maayos at sementado. Maymga sasakyan. Naglalakihang mga gusali. Ganyan ba ang ayos ng inyong pamayanan? May pagbabago ba? Naging kapansin-pansin ang mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sapagdating ng mga Amerikano. Sa modyul na ito malalaman mo ang ginawang pagbabago ng mga Amerikano sapanahanan at pamayanan ng mga Pilipino. Handa ka na ba? HKS 5 M-23

PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. Hanay A Hanay B1. Pamayanan sa pamamahala ng isang A. pueblo B. Azotea pari C. parokya D. Batalan2. Ang sentro ng lalawigan o parokya E. Kabisera F. panahanan3. Ang pinagsama-samang barangay4. Ang nadagdag na bahagi ng tirahan ng mga Pilipino5. Ang pook tirahan ng mga tao HKS 5 M-23

PAG-ARALAN MOBasahin mo ang pakikipanayam ng isang mamamahayag at ng isang mangangalakal.Mamamahayag: Anu-anong pagbabago ang ginawa ng mga Amerikano sa panahanan ng mga Pilipino?Mangangalakal: Ang mga lugar sa bansa ay isinaayos ng mga Amerikano. Hinati nila ang mga ito sa sona o zones. Ang mga paaralan ay inilagay sa iba’t ibang lugar. Ang mga tirahan ng mga tao ay tinipon sa mga nakalaang lugar. Ang bawat panahanan ay malapit sa mga ospital, pamilihan, paaralan at daanan ng sasakyan.Mamamahayag: Paano na ang nangyari sa mga panahanang nasa bundok at liblib na pook?Mangangalakal: Napansin din ng mga Amerikano ang mga panahanang ito na nasa bundok, liblib na pook at layu-layong mga bahay. Ang ginawa ng mga Amerikano nagpagawa ng mga lagusan sa bundok ng maraming daan at tulay upang mapag-ugnay ang malalayong lugar.Mamamahayag: May nagbago ba sa kayarian ng mga bahay?Mangangalakal: Nag-iba ang mga disenyo at materyales na ginamit sa mga bahay na ipinatayo. Ang mga bubong ay yari sa galbanisadong yero. Ang mga sahig at dingding ay yari sa tabla. May isa o dalawang silid ang bawat bahay.Mamamahayag: Ang mga gusali ba ay may pagbaba rin?Mangangalakal: Ang mga gusali ay naging “neoclassic” ang arkitektura. Ang tanggapan ng koreo sa Maynila at Korte Suprema sa Maynila ay may mataas na haligi at malalaking hagdan. May larawan akong ipakikita sa iyo na halimbawa ng mga bahay at gusali sa panahon ng Amerikano.Tanong: HKS 5 M-23

1. Paano inayos ng mga Amerikano ang panahanan ng mga Pilipino?2. Paano nakatulong ang mga lagusan, daan at tulay sa mga Pilipinong nakatira sa bundok at liblib na pook?3. Ano-ano ang mga pagbabago sa kayarian ng mga bahay at gusali? HKS 5 M-23

PAGSANAYAN MOHanapin at isulat mo sa isang papel ang salitang inilalarawan ng palatandaan. P AMS T R AMAN LAKOREO S LA DAAN - TULAY P AMAH A L AAN P AM I L I H ANA AYMHA GD ANA NEOCLAS S I C AR PAARALAN AOS P I TALAA Palatandaan: 1. ang ginawang pagsasaayos ng mga Amerikano sa lugar sa Pilipinas 2. isang malawak na lugar na inilaan ng mga Amerikano 3. ang mga ito ay makikita sa bawat panahanan 4. ginawa ito upang makapag-ugnay ang mga nakatira sa bundok at liblib na pook 5. ang arkitektura ng mga gusali 6. ang kayarian ng mga bubong ng bahay 7. ito ay parte ng gusali na matataas at malalaki HKS 5 M-23

TANDAAN MOAng uri ng panahanan ng mga Pilipino ay nagbago sa panahon ng mga Amerikano. ISAPUSO MO Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba at sagutin mo ang kasunod na tanong. Ang panahanang binago ng mga Amerikano ay nakatulong nang malaki sapamumuhay ng mga Pilipino. Kung nabubuhay ka noong panahon ng Amerikano at isaka sa nakinabang sa pagbabago ng panahanan, ipagmamalaki mo ba ito at bakit? GAWIN MO Sumulat ka ng tatlong (3) pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pagbabago samga panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano. HKS 5 M-23

PAGTATAYAPanuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang isulat mo sa iyong kwadernong sagutan. Hanay A Hanay B_______1. Ang ayos na ginawa ng mga A. tisa B. yero Amerikano sa mga panahanan. C. sona D. silid_______2. Inilagay sa iba’t ibang lugar. E. tabla F. koreo_______3. Bawat panahanan ay mayroon nito. G. ospital H. tirahan_______4. Ang ginawa ng mga Amerikano I. paaralan upang magkaugnay ang J. neoclassic malalayong pook. K. daan at tulay_______5. Ang nakalaang lugar para sa mga taong pinagsama-sama._______6. Ang ginamit na bubong._______7. Ang uri ng arkitektura ng mga gusaling ipinagawa._______8. Isang halimbawa ng mga gusaling may matataas na haligi at malalaking hagdan._______9. Ang pumalit sa sahig na yari sa semento._______10.Ang nadagdag sa loob ng bahay. HKS 5 M-23

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ngayon, mangalap ka ng mga larawan ng mga panahanang sa palagay mo ayisinaayos sa panahon ng Amerikano. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-23

GRADE V PROYEKTO: PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG AMERIKANO ALAMIN MO Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nagkaroon ng pagbabago sakabuhayan ng mga Pilipino. Ipinakilala nila ang mga makabagong teknolohiya. Angmga sasakyan at komunikasyon ay naging makabago rin. Ang mga industriya ayumunlad at nagbago ang kabuhayan ng bansa. Sa modyul na ito matututuhan mo kung anu-ano ang pagbabagong ito at kung itoay naging mahalaga sa kanilang pamumuhay. Handa ka na ba? HKS 5 M-24

PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat mo saiyong kwadernong sagutan ang buong salita. Hanay A Hanay B_______1. kaban ng bigas ng Pilipinas A. Batangas B. Cagayan_______2. lugar na mainam mag-alaga C. Jose Basco ng baka D. Gitnang Luzon E. paggawa ng asin_______3. natutuhan ng mga Pilipinong F. paggawa ng apog nakatira sa lalawigan ng G. Hurtado Corcuera Pampanga_______4. nagkampanya sa pagpaparami ng pagkain_______5. nagtatag ng monopolyo sa tabako HKS 5 M-24

PAG-ARALAN MO Ang malayang kalakalan ay isa sa patakarang pangkabuhayang pinairal ng mgaAmerikano. Ayon sa Batas Payne-Aldrich Tarift Act ang mga produkto ng Pilipinas aymakapapasok sa Estados Unidos nang libre o walang bayad ngunit may kota. Samantalaang produkto naman ng Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas nang walang buwisat walang kota. Sa panahon ng pamamahala ni Gobernador Heneral William Taft, binili niya angmga lupain ng mga prayle. Ang mga lupain namang ito na ekta-ektarya ay ipinagbili samga Pilipino. Ang Batas Homestead ay naipatupad na magkakaloob sa mga Pilipino ngdalawampu’t apat (24) na ektaryang lupa sa murang halaga at babayaran nang hulugan. Sa paraan ng pagsasaka tinuruan ang mga magsasaka ng makabagong paraan ngpagsasaka, nagkaroon ng patubig at prinsa sa mga sakahan. Nagkaroon din ng pagbabago sa mga industriya. Gumamit ng mga makabagongmakinarya at kaalaman sa paggawa ang mga tao, naging magaan ang paggawa at lumakiang produksyon. Maraming nabuksang pabrika o gawaan ng langis ng niyog, abono, sigarilyo,asukal, lubid, tela at iba pa. Lumaki rin ang mga industriya sa pagmimina at pangingisda. Mayroon ding mga industriyang pantahanan tulad ng mga sombrero, banig,kumot, tuwalya at iba pang produktong Pilipino. HKS 5 M-24

Ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng mga ito ay nakatulong sa mabilis na pagsulong ng kabuhayan ng bansa, mabilis na nakararating ang mga kalakal sa iba’t ibang lugar ng bansa sa pamamagitan ng barko, eroplano, kotse at iba pa. Ang mga makabagong komunikasyon ay nagpabilis sa pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino. Ngayong natutuhan mo na ang mga pagbabago sa pangkabuhayang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano, punan mo ang caravan at isulat mo sa kwadero ang iyong sagot.Pangkabuhayan sa Panahon ng Amerikano PAGSANAYAN MO Punan mo ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat mo ang iyong sagot sa kwaderno ang iyong sagot. 1. Ang __________ ay ang pangkabuhayang pinaiiral ng mga Amerikano sa bansa. 2. Ang __________ ng Estados Unidos makapapasok nang libre o walang kota sa Pilipinas. 3. Ang __________ ay batas na nagsasaad na maaring makapasok ang produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. 4. Si __________ ang gobernador-heneral na bumili ng mga lupain sa mga prayle. 5. Ang __________ ang batas na nagkakaloob ng dalawampu’t apat na ektaryang lupa. 6. Ang__________ ay ginamit ng mga magsasaka. 7. Ang __________ ay isang halimbawa ng transportasyon na mabilis makararating sa iba’t bang dako ng bansa. 8. Ang __________ ay nakatulong sa mabilis na pagtanggap ng mga tao sa balita. 9. Ang __________ ay nakatulong sa pagpapalaki ng ani ng mga magsasaka. 10. Ang makabagong __________ ay nakatulong sa magaan na paggawa at paglaki ng produksyon. HKS 5 M-24

TANDAAN MO  Nagkaroon ng mga pagbabago sa pangkabuhayang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.  May iba’t-ibang pinairal na programang pangkabuhayan ang mga Amerikano sa bansa. ISAPUSO MO Napag-aralan mo ang mga pagbabagong pangkabuhayan sa panahon ngAmerikano. Paano mo ito pahahalagahan? Sipiin mo ang talaan sa iyong kwaderno. Lagyan ng () ang hanay ng napilingsagot. Ipaliwanag mo ang iyong sagot. Patakaran Sang-ayon Tutol1. malayang kalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos2. pagpapatupad ng Batas Homestead HKS 5 M-24

GAWIN MOPanuto: Isulat mo ang mukhang  kung nasisiyahan ka at  kung hindi ka nasisiyahan._______1. Pagbibigay ng lupang sakahan sa mga Pilipinong magsasaka._______2. Batas na nagtakda sa pagpasok ng produktong Pilipino sa Estados Unidos na may kota._______3. Pagpasok sa Pilipinas ng mga produktong Amerikano na walang kota._______4. Mabilis na pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa iba’t ibang lalawigan dulot ng makabagong transportasyon._______5. Napadali ang pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng telepono. HKS 5 M-24

PAGTATAYAPanuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitangtinutukoy. Isulat nang buo sa iyong kwaderno ang sagot.1. Ang pangkabuhayang ipinakilala ng mga Amerikano sa Pilipinas. N M Y NGK K2. Ang pagkakaloob sa mga magsasaka ng dalawamput apat na ektaryang lupang pangsakahan.B T SH M ST D3. Ang mga makabagong makinaryang ginamit ng mga magsasaka.TR TO A4. Ang panghimpapawid na transportasyon na nagpabilis sa pagpapadala ng mga produkto. ER L O5. Ang ipinakilala ng mga Amerikano na nagpagaan sa paggawa ng mga produkto.MKN Y6. Ang bumili ng mga ekta-ektaryang lupain ng mga prayle. W L M T FT7. Ang pagpasok sa Pilipinas ng produktong Amerikano nang walang kota.P YN - LDR CT HKS 5 M-24

8. Ang nakabuti sa pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag- uugnayan.KMN K YN9. Ang nakatulong sa mabilis na pagtanggap ng mga tao sa mga balita. R DY10. Ang nakatulong sa mga magsasaka upang maging sagana ang ani. P TBG PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ng isang maikling talata na tatalakay sa kalagayang pangkabuhayan ngmga Pilipino noong Panahon ng Amerikano. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-24

GRADE VPROYEKTO: BALANGKAS AT LAYUNIN NG PAMAHALAAG KOMONWELT ALAMIN MO Patuloy ang mga pagbabago sa pamamahala ng pamahalaan sa panahon ngKomonwelt. Mapag-aaralan mo sa modyul na ito ang balangkas at layunin ng pamahalaangKomonwelt. Inaasahang maiintindihan mo ang mga kaalamang napapaloob dito atmasisiyahan ka sa mga gawain. Sundan ang mga panuto para lubos ang iyong pag-aaral. PAGBALIK-ARALAN MO Ang sumusunod na kaalaman ay nauukol sa pamahalaan noong Panahon ng mgaAmerikano. Sagutin ang mga tanong sa tulong ng mga salitang nakapaloob sa mgakahon. HKS 5 M-25

XHC F S I B I LB YTAF TVZGOR BARREL SDT I AP FORBE S IM LME RR I T T S I I J OKER SA I L WR I GH T T OM I ARE L LANONT GREATNAT I A QMA C A R T HU R Mga tanong: 1. Ano ang dalawang uri ng pamahalaan noong Panahon ng mga Amerikano? 2. Sino ang tatlong nanungkulan bilang gobernador-militar sa Pilipinas? 3. Sino ang apat na nanungkulan bilang gobernador-sibil sa Pilipinas? 4. Sino ang kauna-unahang Pilipinong Punong Mahistrado ng Korte Suprema? 5. Alin ang unang bayan sa Bulacan at sa buong Pilipinas na nagsagawa ng paghalal sa mga pinunong Pilipino? PAG-ARALAN MO Pagkaraan ng mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan, angpagtatatag ng pamahalaang Komonwelt ang nagbigay ng bagong pag-asa. Ang Panahonng Komonwelt ang sumunod sa Panahon ng mga Amerikano. Anu-ano ang pagbabago nanangyari noong Panahon ng Komonwelt? Sinu-sino ang mga nanungkulan? Basahin angbawat talata at isaisip ang mga pangunahing ideya. Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay pinasinayaan noong Nobyembre15, 1935. Ang mga nanumpa sa tungkulin ay sina Manuel L. Quezon bilang Pangulo at HKS 5 M-25

Sergio Osmena bilang Pangalawang Pangulo. Sila ay nanumpa sa harap ni PunongMahistrado Ramon Avancena ng Korte Suprema. Sa panig ng Estados Unidos, dumalo sina John Garner na Pangalawang Pangulo;Joseph Byrnes na Ispiker ng Kongreso; George Dern na Kalihim ng Digmaan at HeneralDouglas MacArthur. Si Kalihim George Dern, bilang opisyal na kinatawan ng Pangulo ng EstadosUnidos na si Franklin Roosevelt ang nagpahayag ng pagwawakas ng pamahalaang- sibilng mga Amerikano at pagsilang ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang balangkas ng pamahalaan ay batay sa mga probisyon ng SaligangBatas ng 1935 at pagtupad sa pangako ni Quezon na bawasan ang pamumulitika atpasiglahin ang pamamahala.Ang mga hakbang na isinagawa ng Pangulong Quezon ay: 1. Binuo ang Lupon ng Tagapagsiyasat na gumawa ng pag-aaral sa lahat ng sangay ng pamahalaan at nagpanukala ng mga pagbabago. 2. Pagpapatibay ng Tanggulang Pambansa - Ang unang batas na pinagtibay ng Kongreso ay ang Batas Komonwelt Blg 1. Ito ang nagtatadhana na lahat ng mga mamamayang may matitipunong katawan ay kailangang maglingkod sa hukbong sandatahan pagsapit nila ng takdang gulang na 21. Ang Sandatahang Lakas ay binuo ng tatlong dibisyon: (1) Hukbong Panlupa o Pangkatihan; (2) Hukbong Pandagat; at (3) Hukbong Panghimpapawid. Si Heneral Douglas MacArthur ang hinirang ni Quezon na tagapayo at kasama niya si Lt. Col. Dwight Eisenhower na Pangalawang Tagapayo. 3. Pagtatag ng Court of Industrial Relations upang mamagitan sa di- pagkakasundo ng mga mamumuhunan at manggagawa. 4. Pagpatibay ng batas na lumikha sa National Economic Council na naging tagapayo ng pamahalaan sa bagay-bagay na naukol sa kabuhayan ng bansa. 5. Itinatag ang Pambansang Sanggunian sa Edukasyon para maisaayos ang sistema ng edukasyon. 6. Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa para mapag-aralan ang batayan ng wikang pambansa. 7. Inilathala ang Code of Ethics upang malinang ang kagandahang-asal ng mga Pilipino. HKS 5 M-25

8. Ipinagkaloob sa mga kababaihan ang karapatang bumoto at naihalal sa pamamagitan ng plebisito. 9. Itinatag ang Komisyon ng Mindanao at Sulu para mapabuti ang buhay ng mga taga-Mindanao at Sulu. Ang mga nabanggit ay nagawa batay sa layunin ng Komonwelt na maihanda angmga Pilipino sa pagsasarili. PAGSANAYAN MO Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Sino ang nanumpang Pangulo ng Komonwelt? 2. Sino ang nanumpang Pangalawang Pangulo? 3. Kanino nanumpa ang Pangulo at Pangalawang Pangulo? 4. Sa panig ng Estados Unidos, sino ang pinakamataas na pinunong naging saksi sa panunumpa? 5. Ano ang ipinahayag ni Kalihim George Dern? 6. Saan ibinatay ang balangkas ng Pamahalaang Komonwelt? 7. Ano ang dalawang tungkulin ng Lupon ng Tagapagsiyasat na binuo sa simula ng Pamahalaang Komonwelt? 8. Saan nakatuon ang Batas Komonwelt Blg. 1? 9. Anu-ano ang tatlong sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas? 10. Ano ang itinatag upang mamagitan sa di-pagkakasundo ng mga mamumuhunan at manggagawa? 11. Anong tanggapan ang sinasangguni ng pamahalaan tungkol sa kabuhayan ng bansa? 12. Ano ang inilathala ni Quezon upang maging gabay sa kagandahang-asal ng mga Pilipino? HKS 5 M-25

TANDAAN MO  Ang Komonwelt ay itinatag upang maihanda ang mga Pilipino sa pagsasarili. ISAPUSO MO Sa iyong palagay, mahalaga ba na maglingkod sa sandatahang Lakas ng Pilipinasang mga lalaking Pilipino na sumapit sa 21 taong gulang? Bakit? Isulat sa iyongkwaderno ang iyong paliwanag. GAWIN MO Basahin ang sitwasyon at isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Kung ikaw ay isa sa mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas noong Panahon ngKomonwelt, sang-ayon ka ba na payagang bumoto at mahalal ang mga babae? Bakit? HKS 5 M-25

PAGTATAYABasahin ang bawat tanong at isulat sa kwaderno ang tamang sagot. 1. Ano ang pangako ng Pangulong Manuel Quezon sa mga Pilipino? A. Bawasan ang pamumulitika B. Pasiglahin an g pamamahala C. Payagan magnegosyo ang mga instik D. Ipagbawal ang mga Amerikano sa Pilipinas 2. Bakit kinakailangang maglingkod sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga lalaking Pilipino pagsapit sa 21 taong gulang? A. magpapalago ang kabuhayan sa dagat B. mapaparami ang pagtatanggol ng bansa C. mapangangalagaan ang bawat barangay laban sa mga tulisan D. magkakaroon ng pagkakataong maglakbay sa Estados Unidos 3. Paano ipinagkaloob ang karapatang bumoto sa kababaihan? A. sa pamamagitan ng halalan B. gumaya sa Estados Unidos C. sa pamamagitan ng plbesito D. nagkaroon ng pagbabanta sa mga babae 4. Ano ang itinatag para mapabuti ang edukasyon sa bansa? A. Lupon nga mga Edukador B. Lupon ng mga Mag-aaral C. Kagawaran ng edukasyon D. Pambansang Sanggunian sa Edukasyon HKS 5 M-25

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Magsaliksik tungkol sa Code of Ethics na inilathala noong panahon ngKomonwelt. Ano ang mga kagandahang asal na nakasaad dito? Alin sa mga ito angnararapat na ipairal natin ngayon? Isulat sa iyong kwaderno ang sagot. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-25

GRADE VPROYEKTO: PANAHANAN SA PANAHON NG KOMONWELTALAMIN MOPanuto: Sipiin mo sa iyong kwaderno ang mga salitang matatagpuan sa puzzleKORONADALDOBALODEHALML QU E Z ONDMOD E F E I MAO IN P ANAHANANWH OME S T E A DEMNO P I U SMAL U Z O N S BWY NTDHAC I ENDAE N C OM I E NDO1. Ano-ano ang mga salitang nabuo mo?2. Ang mga salita bang nabuo mo ay ang sumusunod?- Konorada - Luzon - hacienda- Komonwelt - panahanan - Mindanao- M. L. Quezon - homestead3. Ang mga salitang iyan ay matutunghayan mo sa modyul na ito. Matutuhan mo ang panahanang naitayo sa panahon ng Komonwelt. HKS 5 M-27

PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin magbalik-aral ka muna. Panuto: Punan mo ng wastong salita ang bawat patlang. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang __________ ay nag-uugnay sa dalawang pamayanang pinaghihiwalay ng ilog at dagat. 2. Ang mga __________ at __________ ay angkop sa mga tahanang mahirap marating. 3. Ang __________ ay ginamit sa paggawa ng mga bubungan ng bahay. 4. Ang __________ na arketiktura ay ang disenyo ng mga gusali sa panahon ng Amerikano. 5. Ang __________ ay inilagay sa bawat panahanan. PAG-ARALAN MO Pinagsumikapan ng pamahalaang Komonwelt na maipatupad ang mga batas atpatakarang pinairal sa bansa upang maging matagumpay ang pagsasaayos ng mgapanahanan. Inilunsad ng pamahalaang Komonwelt ang programa ng pagpapaunlad ngMindanao sa ilalim ng pangangasiwa ng Pambansang Pangasiwaan ng Panahanan(National Settlement Administration). Ang mga mag-anak at manggagawa sa Luzon atVisayas ay hinihikayat na manirahan dito. Nagbukas din ng panibagong mga panahanan sa iba’t ibang dako ng bansa.Binili ng pamahalaan ang malalaking hacienda at encomienda at hinati ang mga ito sa HKS 5 M-27

maliliit na sukat. Ang mga dating nakatira roon ay ipinagbili sa kanila. Bukod sa mga panahanang pansakahan na nadagdag sa bansa ay dumami rin angbilang ng mga lungsod. Ang mga datihang Lungsod ng Maynila, Cebu, at Iloilo aynaragdagan pa ng Baguio, Zamboanga, Bacolod, Quezon na nasa Kamaynilaan,Tagaytay, Cavite, at San Pablo. Ang paglaganap ng panahanan ng mga Hapones at Tsino ay sinikap na pigilanng pamahalaan. Kayat pinairal niya ang Anti-Dummy at nagtakda ng kota sa mgadayuhang nakapapasok sa bansa. Ang ibang Pilipino ay pumayag na maging dummylamang sila ng mga Tsino at Hapon. Bumibili sila ng lugar ngunit sa katunayan anglupang binili ay sa Tsino at Hapones. Tanong: 1. Saang lugar sa Pilipinas hinihikayat na manirahan ang mga taga Luzon at Visayas? 2. Bakit binili ng pamahalaang Komonwelt ang malalaking hacienda at encomienda? 3. Paano nilutas ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga dayuhang nais magtayo ng panahanan sa bansa? PAGSANAYAN MO Panuto: Tama o Mali? Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan ang T kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay tama at M kung mali. _______1. Ang ibang mga taga-Luzon at taga-Visayas ay lumipat sa Mindanao upang magtatag ng panahanan. _______2. Ang malalaking hacienda at encomienda ay naging pag-aari nang pamahalaan ng ito ay kanilang binili. _______3. Nagkaroon ng mga panahanan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. _______4. Sa panahon ng Komonwelt nadagdagan ang bilang ng mga hacienda. HKS 5 M-27

_______5. Naibigan ng mga Hapones at Tsino ang pamamahala ni Pangulong M. L. Quezon. _______6. Sa panahon ng Komonwelt maraming batas ang ipinatupad para sa maayos na panahanan. _______7. Ang pagdami ng lungsod ay patunay na papaunlad ang bansa. _______8. Ang Pambansang Pangasiwaan ng Panahanan o (National Settlement Administration) ang nangasiwa sa pagpapaunlad ng Mindanao. _______9. Ang Anti-Dummy ay batas para sa pagpigil ng mga dayuhang Tsino at Hapones na manirahan sa bansa. _______10.Sinikap ni Pangulong M. L. Quezon na mabigyan ng pagmamay-ari ng lupa ang bawat Pilipino. TANDAAN MO Nagkaroon ng pagbabago sa mga panahanan sa panahon ng Komonwelt. ISAPUSO MO Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba at sagutin mo ang kasunod na tanong sa iyongkwadernong sagutan. Sinikap ng pamahalaang Komonwelt na maisaayos ang mga panahanan ng mgaPilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lupain. Kung isa ka sa mga nabigyan nglupain, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa lupang ipinagkaloob sa iyo ngpamahalaan? HKS 5 M-27

GAWIN MO Kung papipiliin ka ng iyong tirahan pipiliin mo bang manirahan sa lungsod?Bakit? Isulat mo ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. PAGTATAYA Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Si __________ ang pangulo ng pamahalaang Komonwelt. 2. Ang mga taga __________ at __________ ang nahikayat na manirahan sa Mindanao. 3. Ang mga __________ at __________ ay binili ng Pamahalaang Komonwelt at hinati sa maliliit na sukat. 4. Ang __________ ang nangasiwa sa programa ng pagpapaunlad ng Mindanao. 5. Ang __________ng mga Tsino at Hapones ay sinikap na pigilin ng pamahalaan upang hindi na dumami. 6. Ang batas __________ ay makapipigil sa mga dayuhang bumili ng lupa. 7. Ang __________ ay itinakda ng pamahalaan para sa mga dayuhang nais makapasok sa bansa. 8. Ang magkaroon ng __________ ang bawat Pilipino ay pinagsumikapan ni Pang. Quezon. HKS 5 M-27

9. Ang lungsod ng Maynila, Cebu at __________ ay mga datihang lungsod sa bansa. 10. Ang Lungsod ng __________ ay isa sa mga nadagdag na lungsod sa bansa. PAGPAPAYAMANG GAWAINMangalap ka ng iba’t ibang panahanang naitayo sa panahon ng Komonwelt. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-27

GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG KOMONWELT ALAMIN MO Kilala mo ba ang nasa larawan? Tama ka, siya si Manuel L. Quezon na naging pangulo ng PamahalaangKomonwelt. Marami siyang mga pagbabagong isinagawa sa panahon ng kanyangpanunungkulan. Isa na rito ang mga pagbabago sa edukasyon. Gusto mo bang malaman ito? Sige, simulan na natin! HKS 5 M-28

PAGBALIK-ARALAN MO Subukin mong sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa nakaraan natingaralin, ang sistema ng eudkasyon sa panahon ng Amerikano. Panuto: Isulat ang (K) kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay may katotohanan at (WK) kung walang katotohanan. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan. 1. Ang naging unang guro ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano ay ang mga Thomasites. 2. Bukod sa mga paaralang pambayan, nagbukas din ng mga paaralang pampribado sa panahong ito. 3. Binigyang-diin ang pagtuturo ng relihiyon sa panahong ito. 4. Layunin ng mga Amerikano na tulungan ang mga Pilipino na maging mabuting mamamayan. 5. Ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano ay ang simbahan. HKS 5 M-28

PAG-ARALAN MO Narito ang mga pagbabago sa edukasyon na ipinatupad ni Pangulong Manuel L.Quezon noong panahon ng Komonwelt. Basahin mo ang mga nakapaloob sa mga lobong kaalaman.Binigyang-diin ang Pinangalagaan Pinagtibay ang Bataspagtuturo ng ang edukasyong Pang-Edukasyonkabutihang-asal, bokasyunal. Itinuro ang noong 1940 nadisiplina, sibika at pagbubungkal, pananahi itinakda ang pag-aalismga gawaing-kamay. at pagluluto upang ng ikapitong baitangNilinang mabuti ang magkaroon ng at gumawa na lang ngdiwang makabayan. kasanayan sa anim na taon ang pagkakakitaan kung di elementarya. na makapagpatuloy ng pag-aaral.Itinatag ang Nilikha ang Sa seremonya saTanggapan ng Tanggapan ngEdukasyong Pang Pribadong pagtataas ng watawatmay Sapat na Gulang Edukasyon noong(Adult Education). 1936. Pinangasiwaan kung Lunes at pagbabaPinasigla nito ang nito ang lahat ng mgapagtuturo ng pagbasa pribadong ng watawat kungat pagsulat sa mga institusyong pang-may sapat na gulang. edukasyon sa Biyernes ipinaaawit ang Pilipino. “Star Spangled Banner”, pambansang awit ng mga Amerikano at “Lupang Hinirang”, ang ating pambansang awit Alam mo ba kung bakit binigyang diin ng Pamahalaang Komonwelt angpaglinang ng diwang makabayan? HKS 5 M-28

Sapagkat naging makabago man ang sistema ng edukasyon sa panahon ngEspanyol at panahon ng Amerikano, ang umunlad naman ay ang kanilang kultura. Kayanang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang pangulo ng Komonwelt pinagtibay niyaang isang edukasyong Pilipino sa diwa at kaluluwa. Paano niya isinagawa ito?  Ipinaturo niya ang buhay at mga nagawa ng bayaning Pilipino.  Ipinagamit niya ang pambansang wika bilang wikang panturo.  Ipinaturo nang mabuti ang kasaysayan, sibika, kagandahang asal at iba pang Pilipinong-pilipino. Balikan mo ang mga lobo ng kaalaman. Anu-ano pang pagbabago ang naisagawasa edukasyon? Gumawa ka ng isang talaan. Anong baitang sa intermedya ang inalis? PAGSANAYAN MO May natutuhan ka ba sa mga “Lobo ng Kaalaman”? Sagutin mo ang sumusunodna tanong. 1. Ano-ano ang binigyang-diin sa pagtuturo sa mga paaralan sa panahon ng Komonwelt? 2. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng edukasyong bokasyunal/ 3. Bakit itinakda ang Batas Pang-edukasyon 1940? 4. Paano nakatulong ang Tanggapan ng Edukasyong Pangmay-sapat na gulang? 5. Bakit nilikha ang Tanggapan ng Pribadong Edukasyon noong 1946? 6. Anu-ano ang ipinaaawit sa pagtaas at pagbaba ng watawat? Nasagot mo ba ang mga tanong? Basahin mong muli ang mga lobo ng kaalamanupang maiwasto mo ang iyong mga sagot. HKS 5 M-28

TANDAAN MO Nagtakda ng mga batas at tuntunin upang mapabuti ang kalagayan ng edukasyon sa bansa tulad ng: - Batas pang-edukasyon 1940 - Paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo - Pagtuturo ng kasaysayan, sibika at kagandahang-asal ISAPUSO MO Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng diwang makabansa omakabayan? Isulat mo ang  kung nagpapakita ng pagiging makabayan at  kunghindi. Gawin mo ito sa iyong kwadernong sagutan.Mga Gawain 1. Iginagalang ang watawat ng Pilipinas.2. Bumibili ng mga produktong yari sa bansa.3. Ikinahihiya ang pagiging kayumanggi.4. Nakikilahok sa mga proyektong “Operasyon Linis”.5. Ipinagtatanggol ang sariling bansa.6. Nakikipagtulungan sa mga lingkod-bayan.7. Minamahal ang sariling wika.8. Itinatakwil ang pagka-mamamayang Pilipino. HKS 5 M-28

GAWIN MO Binigyang-diin sa pagtuturo sa panahon ng Komonwelt ang pagkakaroon ng disiplina.Gumawa ka ng talaan kung paano mo maipakikita ang disiplina sa tahanan, sa paaralan at sapamayanan. Kopyahin mo sa iyong kwaderno ang House Chain Web at dito mo isulat ang iyongmga sagot.Disiplina Disiplina Disiplina sa sa saTahanan Paaralan Pamayanan HKS 5 M-28

PAGTATAYA Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat mo ang titik ng wastong sagot sa iyongkwadernong sagutan. Hanay A Hanay B1. Itinakda ang pag-aalis ng ikapitong A. Pambansang wika baitang B. Tanggapan ng Pangulo2. Ginamit bilang wikang panturo C. Edukasyong Bokasyunal3. Itinuro ang pagbuburda, pananahi at D. Batas pang-edukasyonal pagluluto 19404. Nangasiwa sa mga pribadong institusyon E. Tanggapan ng pribadong Edukasyon5. Pinasigla ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga may sapat na gulang F. Tanggapan ng Edukasyong Pangmay-sapat na gulang HKS 5 M-28


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook