Araling Panlipunan II PART 2
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II MODYUL 12SISTEMANG PULITIKAL SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 12 SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA Maraming bansang Asyano ang nagkamit ng kalayaan matapos ang IkalawangDigmaang Pandaigdig. Yun nga lamang, ilan lamang sa mga ito ang naging mapayapaang proseso ng pagbabagong pulitikal. Naging mahirap para sa karamihan ng mgabansa ang matupad. Maraming mamamayan sa maraming bansang ito sa Asya angkinailangang magbigay ng kanilang buhay para lamang maganap ang mgapagbabagong ito. Ang iba naman ay kinailangang maghiwa-hiwalay dahil sapagkakaiba ng paniniwala at pananampalataya. Higit sa lahat, ang mga Asyano ayhindi tunay na inihanda ng mga kolonyalista para sa pagsasarili sa maramingkadahilanan (Tignan na lamang ang kaso ng Pilipinas). Gayunpaman, ginawa ng mgaAsyano ang lahat ng maaari nilang gawin upang magawang pamahalaan ang kanilangmga sarili upang mapanatili ang kalayaang kanilang pinaghirapan at hinintay samatagal na panahon. Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga sistemang pulitikal na itinatag ngmga Asyano. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sumusunod na aralin: Aralin 1: Mga Uri ng Pamahalaan sa Asya Aralin 2: Ang Sistemang Pulitikal ng Ilang Bansa sa Asya Aralin 3: Mga Katangian ng Mabuting Pinuno Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal ng mga bansa sa Asya; 2. Maaanalisa ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa Asya; 3. Mapapanindigan ang karapatang magkaroon ng mabuting pamahalaan; at 4. Masusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansang Asyano. 2
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo.PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Batasang Pambansa sa Japan. C. Mababang Kapulungan A. Diet D. Sharia B. Mataas na Kapulungan2. Ang sagradong batas ng Islam. C. Sharia A. Maragtas D. Diet B. Kalantyaw3. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan.A. Prefecture C. DietB. Sangguniang Bayan D. Sharia4. Pamahalaang pinamumunuan ng isang tao at gumagamit ng dahas at pamimilit. A. monarkiya B. diktadurya C. oligarkiya D. demokrasya5. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng tao. A. monarkiya B. diktatoryal C. oligarkiya D. demokrasya 3
6. Sistemang pulitikal sa Sri Lanka. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato7. Sistemang pulitikal sa Jordan. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato8. Sistemang pulitikal sa Tsina. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato9. Sistemang pulitikal sa Malaysia. A. Republikang Parliyamentaryo B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato10. Sistemang pulitikal sa Brunei. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 4
11. Sistemang pulitikal sa Indonesia. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato12. Sistemang pulitikal sa Cyprus. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato13. Sistemang pulitikal sa Israel. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato14. Sistemang pulitikal sa Iran. A. Komunista B. Republikang Islamik C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato15. Sistemang pulitikal sa Turkey. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 5
16. Sistemang pulitikal sa Maldives. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato17. Sistemang pulitikal sa Taiwan. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato18. Sistemang pulitikal sa Timog Korea. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato19. Sistemang pulitikal sa Pilipinas. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato20. Sistemang pulitikal sa Lebanon. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 6
ARALIN 1MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA Sa araling ito ay bibigyan ka ng ideya hinggil sa mga uri ng pamahalaan namayroon sa mga bansa sa Asya. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang iba’t ibang sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya; 2. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya; at 3. Makakapagsurmisa ng mga posibilidad kung bakit gayon ang mga sistemang pulitikal sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pinag-aralan mo ang ilan sa mga uri ng pamahalaan noong ikaw ay nag-aaralpa lamang sa unang taon sa mataas na paaralan. Anu-ano ang mga ito? Ilarawan angbawat isa. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 7
Ang Mga Sistema ng Pamamahala sa Iba’t Ibang Bansa sa AsyaMay iba’t ibang sistema ng pamamahala sa mga bansang Asyano. Ito ang mgasumusunod: Bansa PamahalaanA. Timog Kanlurang Asya1. Afghanistan Dating Komunista – nasa transisyon2. Bahrain Monarkiyang Tradisyunal/ Emir3. Cyprus Republika4. Iran Republikang Islamik5. Iraq Republika6. Israel Republika7. Jordan Monarkiyang Konstitusyunal8. Kuwait Monarkiyang Konstitusyunal9. Lebanon Republika10. Oman Monarkiyang Absolute/Sultanato11. Qatar Monarkiyang Tradisyunal12. Saudi Arabia Monarkiyang may Konseho ng mga Ministro13. Syria Republika (sa ilalim ng militar)14. United Arab Emirates Pederasyon ng mga Emirate15. Yemen Republika16. Turkey RepublikaB. Timog Asya1. Bangladesh Republikang Parliyamentaryo2. Bhutan Monarkiya3. India Republikang Pederal4. Maldives Republika5. Nepal Monarkiyang Konstitusyunal6. Pakistan Republikang Parliyamentaryo-Pederal 8
7. Sri Lanka RepublikaC. Silangang Asya1. People’s Republic of China Komunista2. Japan Republikang Parliyamentaryo3. Hilagang Korea Komunista4. TImog Korea Republika5. Taiwan RepublikaD. Timog Silangang Asya1. Brunei Sultanato2. Myanmar Pamahalaang Militar3. Indonesia Republika4. Kampuchea (Cambodia) Monarkiyang Konstitusyunal5. Laos Komunista6. Malaysia Republikang Parliyamentaryo – Pederal7. Pilipinas Republika8. Singapore Republika9. Thailand Monarkiyang Konstitusyunal10. Vietnam Komunista11. Timor Leste (East Timor) RepublikaE. Hilagang Asya1. Kazakhstan Republika2. Kyrgyztan Republika3. Siberia Komunista4. Tajikistan Republikang Parliyamentaryo5. Turkmenistan Republika6. Uzbekistan Republika 9
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Gumawa ng talaan ng bilang ng mga bansa sa Asya na may magkakatulad na uri ngpamahalaan. Uri ng Pamahalaan Mga Rehiyon sa Asya Kabuuang Bilang TKA TA SA TSA HARepublikaRepublikang Pederal/ ParliyamentaryoMonarkiyang Absolut/ TradisyunalMonarkiyang KonstitusyunalKomunismoSultanatoLegend: • TKA – Timog-Kanlurang Asya • TA - Timog Asya • SA - Silangang Asya • TSA – Timog-Silangang Asya • HA - Hilagang AsyaB. Isulat ang uri ng pamahalaan na nangunguna at nahuhuli sa bawat rehiyon sa Asya. Rehiyon Nagungunang uri ng Uri ng Pamahalaan na Pamahalaan Pinakakaunti ang GumagamitTimog-Kanlurang AsyaTimog AsyaSilangang AsyaTimog-Silangang AsyaHilagang Asya 10
C. Matapos mong mapunan ang dalawang talahanayan, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:1. Anong uri ng pamahalaan ang nangunguna sa buong Asya? __________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________2. Anong uri ng pamahalaan ang nahuhuli sa buong Asya? ______________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________Mga Sistema ng Pamahalaan sa Asya Bakit ang uri ng pamahalaang ito ang nangunguna? Bakit ito naman ang nahuhuli?Ano ang mayroon sa kanya na wala sa iba? Sa susunod na paksa ay makikita mo angmga pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal na nabanggit sa naunang seksyon ngaraling ito.1. Republika Sa isang republika, ang tao ang makapangyarihan. Ang mga namumuno sapamahalaan ay itinuturing lamang na mga kinatawan ng mga taong naghalal sa kanilasa posisyon. Kung ang isang republika ay sistemang: • Presidensyal – ang pinuno ng buong estado ay ang pangulo. • Parliyamentaryo – ang pinuno ng buong estado ay ang pinunong ministro. • Unitaryo – saklaw ng pamahalaang pambansa/nasyonal ang pamahalaang lokal. • Pederal – may awtonomiya ang pamahalaang lokal mula sa pamahalaang pambansa/nasyonal.2. Monarkiya Ang isang monarkiya ay pinamumunuan ng isang lider na nagmula sa lahi ng mgadugong bughaw. May dalawang uri ng monarkiya: 11
• Monarkiyang Absolut – ang lahat ng kapangyarihan ay nasa pinuno.• Monarkiyang Konstitusyunal – ang pinuno ay may limitadong kapangyarihan.3. Diktatoryal Karaniwang Sa isang sistemang diktatoryal, iisang tao ang namumuno.gumagamit ito ng dahas at pamimilit.4. Komunismo Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ngbansa. Ito ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong “From each according to his abilities,and to each according to his needs.”5. Sosyalismo Sa sistemang ito, ang isa sa pundamental na layunin ng pamahalaan ay angpagkontrol sa ekonomiya.6. Emirate Ang sistemang ito ay pinamumunuan ng isang emir, prinsesa, o prinsipe mula salahi ni Muhammad.7. Sultanato Sa sistemang ito, hawak ng sultan ang buong kapangyarihan. 12
Tandaan Mo! Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod: • Republika • Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal • Monarkiyang Konstitusyunal • Komunismo • Sultanato Gawain 3: Paglalapat Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang talata. Republika, (1) _______________ ang tawag kapag ang Pangulo ang pinuno ngestado at (2) _______________ naman kapag ang namumuno sa gabinete ay angPunong Ministro. Saklaw ng pamahalaang pambansa ang pamahalaang lokal sasistemang (3) _______________. Malaya naman sa isa’t isa ang pamahalaang lokal atpang-estado sa sistemang (4) _______________. (5) ________________ ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng iisangtao na gumagamit ng dahas at pamimilit. Samantalang ang pamamaraan ng pagkontrolng produksyon at distribusyon ng isang bansa ay ang tinatawag na (6) _____________. Monarkiyang (7) ________________ ang tawag kapag limitado angkapangyarihan ng pinuno at monarkiyang (8) ________________ kung labis angkanyang kapangyarihan. Sa Sultanato, hawak ng (9) __________________ angkapangyarihan samantalang mga (10) _________________ naman ang namumuno sapamahalaang Emirate. 13
ARALIN 2MGA SISTEMANG PULITIKAL SA ILANG BANSA SA ASYA Sa araling ito, matutunghayan mo ang sistemang pulitikal sa ilang piling bansasa Asya. Makikita mo ang relasyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ayon samagkakaibang sistemang pulitikal. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga pangunahing elemento ng pagkakaiba ng mga ugnayan ng mga sangay ng pamahalaan sa magkakaibang sistemang pulitikal; 2. Maipaliliwanag kung bakit gayon ang pagkakaiba ng relasyon ng mga sangay ng pamahalaan base sa pagkakaiba ng sistemang pulitikal; at 3. Makapipili ng higit na mabuting uri ng pamahalaan para sa PIlipinas base sa ilang konsiderasyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Sa palagay mo, may posibilidad ba na magkapareho ang mga sistemang pulitikalsa Asya? Bakit? Bakit hindi? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 14
Organisasyong Pulitikal ng India Sa ilalim ng Konstitusyon ng India, ang Korte Suprema ang pinakamataas natribunal sa bansa. Ito ay may kapangyarihan na ideklara na ang isang gawain ay labagsa konstitusyon. Sa ilalim ng republikang pederal, ang sistemang parliyamentaryo ang sinusunod.Ito ay binubuo ng mataas na kapulungan o Rajva Sabha na binubuo ng mgakinatawang hinalal ng mga miyembro ng lehislatura ng estado at ang mababangkapulungan o Lok Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga tao sa bawatdistrito. Ang mga miyembro ng gabinete at minister ng konseho naman ay nagmumulasa Lok Sabha. Ayon sa Konstitusyon ng India, ang lahat ng mamamayan nito ay maykarapatang bumoto, marunong mang bumasa o hindi. Ang sentro ng pamahalaangIndian ay nasa New Delhi.Ang Organisasyong Pulitikal ng Pakistan Ang pagkakabuo ng Pakistan ang kauna-unahang pagkakataon sa makabagongpanahon na naitatag ang isang pamayanang pulitikal na naaayon sa iisang uri ngpananalig. Si Muhammad Ali Jinnah (Quaid-e-Azam), lider ng pamayanang IndiangMuslim ang namuno sa pagpupumilit ng pagkakaroon ng nahihiwalay na estado ng mgaIndiang Muslim. Itinatag niya ang Al-Indian Muslim League noong 1906 at siya angnaging unang gobernador-heneral ng bansa nang ito ay mapagkalooban ng kasarinlan. Ang pangalang Pakistan ay binuo ni Choudhary Rahmat Ali na kumakatawan saapat na lalawigan ng Sind, Baluchistan, Punjab, at ng hilaga at kanlurang bahagi nito. Ang Pakistan ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na estadong KanlurangPakistan at SIlangang Pakistan. Sa pagsisimula ng kanilan kasarinlan, at habangbinubuo ang konstitusyon ng bansa, namatay si Ali Jinnah. Dahil sa kawalan ng gabayng isang dakilang lider, ang bansa ay unti-unting nasalikupan ng mga kontrobersyangkonstitusyunal hanggang sa ito ay malubog sa isang malalang suliranin. 15
Ang mga suliranin sa pagbuo ng konstitusyon ng Pakistan ay iminumungkahi angmga sumusunod: • Na bilang isang estadong Muslim, ang bansa ay kailangang sumunod sa mga prinsipyong Islam. • Na bilang isang lipunang Islamik, ang lipunan nito ay kailangang maging malaya para sa mga Muslim at di-Muslim. • Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama ay kailangang maging malaya para sa mga Muslim at di-Muslim. • Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama bilang isang grupo. • Ang pagbabalik sa kasulatan ng Koran. Ang Pakistan ay naging isang republikang parliyamentaryo noong 1956, hanggangsa ito ay mapasailalim sa isang diktaturyang military sa pamumuno ni Heneral AyubKhan noong 1969. Sa ilalim ng pamumuno ni Yahya Khan, naitatag ang nagsasarilingSilangang Pakistan na ngayon ay Bangladesh. Ito ay naitatag matapos ang isangmadugo at mainit na pakikidigma sa Kanlurang Pakistan.Organisasyong Pulitikal sa Bangladesh Ang nag-iisang wikang Bengali ang naging malakas na armas ng mga Bengalupang matamo ang kanilang kasarinlan. Mula sa Pakistan noong 1971, sa ilalim ngpamumuno ni Shiek Mujibur Rahman, ang bansa ay binubuo ng 64 na distrito na maylimang dibisyon. Bilang isang demokrasya, ang bansa ay naging magulo dala ng hindimatatag na pamahalaang lagi nang may mga pagkakagulo, pag-aaklas, atdemonstrasyon. 16
Sistemang Pulitikal sa Bansang Hapon Ang emperador ay panseremonya lamang at nagsisilbing simbolo ng pamahalaanat tanging nag-uugnay ng nakaraan sa nakalipas sa Monarkiyang Konstitusyunal ngbansang Hapon.Emperador Parlyamento/ Kapulungan Diet ng mga Kinatawan Kapulungan ng mga Konsehal Mga Miyembro Punong Ministro ng Gabinete Mga Lokal na Opisyal Ang konstitusyon ng bansang Hapon ay isinulat matapos ang IkalawangDigmaang Pandaigdig at naisabatas noong taong 1947 ng Diet, ang parliyamento ngbansang Hapon. Dahil sa ito ay ibinalangkas ng mga Amerikano, ipinapahayag nito angkapangyarihan ng mga mamamayan at ginagarantiya ang karapatang pulitikal ng mgatao. 17
Ang Ehekutibo Ang pambansang patakaran ng pamahalaan ay isinasaayos at isinasagawa ngpunong ministro at ng kanyang cabinet na inihalal ng Diet.Ang Lehislatura Ang Diet ay binubuo ng House of Councilors at ng House of Representatives.Ang nauna ay binubuo ng 252 miyembro na inihalal para sa anim na taongpanunungkulan. Ang House of Representatives naman ay binubuo ng 511 miyembrona kumakatawan sa 124 na distrito na inihalal para sa apat na taong panunungkulan.Ang Hukuman Ang sangay na ito ng pamahalaan ay indipendyente. Ito ay pinamumunuan ngpunong mahistrado na inihalal ng gabinete at itinalaga naman ng emperador at ibapang 15 mahistrado na itinatakda naman ng mga miyembro ng gabinete.Ang Pamahalaang Komunista ng TsinaTatlong pangunahing Suporta ng RehimenAng Partido Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan, sa hukbo, at sa masang bumubuosa selda ng partido. Ipinapakita ng piramideng dayagram sa ibaba na binubuo ng masaang pundasyon nito. Ito ay sinusundan naman ng National Party Congress na binubuong may 1000 miyembro na ginaganap ng komiteng sentral na binubuo ng Chairman, 5Vice Chairman, Secretariat, at ng Politburo na siya namang nagpapaganap ng mgaalituntunin at kautusan ng pamahalaan. 18
Chairman Politburo Secretariat Central Committee National Party Congress Provincial Party Congress Paty Cells Ang partido ay natatanikalaan ng prinsipyong democratic centralism. Saprinsipyong ito, ang mga patakaran ng partido ay maaaring pagtalunan sa lahat ng lebelhanggang sa ito ay madesisyunan at ang anumang desisyong mabuo nito aykailangang sundin ng mga miyembro nito, pababa. Ipinahihiwatig nito ang higit napagbibigay-diin sa sentralismo kaysa demokrasya. Ang Pamahalaan Ang administrasyon ay nahahati sa 22 lalawigan, limang rehiyong awtonomus attatlong lungsod. Ang pamahalaan ay siyang naglalabas ng mga isyu at nagpapatupadng mga patakaran ng partido sa pamamagitan ng State Council. Ang State Council aykatumbas ng gabinete na binubuo ng premier, mga ministro, at mga puno ng mgadepartamento ng pamahalaan at ahensya. Ang Hukbo Ang hukbong sandatahan ng Tsina ay higit na kilala sa pangalang Red Army.Ang hukbong ito ay kinokontrol ng Chairman na siya ring umaakto bilang pinuno ngNational Defense Council. 19
Sistemang Pulitikal sa Malaysia Natamo ng Pederasyong Malaysia ang kasarinlan noong 1957 nang ito aybinubuo pa ng Singapore, Sarawak, at Sabah. Ang pinuno ng pederasyon ay tinatawag na Yang di Peruan Agong na angkahulugan ay Paramount Ruler o Pinakamataas na Pinuno. Siya ay inihalal paramanungkulan na sultan nang limang taon. Ang parliyamento ng Malaysia ay binubuong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang gabinete ay pinamumunuan ngpunong ministro na siyang tagapayo ng pangulo. Si Tunku Abdul Rahman ang nagingkauna-unahang punong ministro ng bansa.Sistemang Pulitikal sa Saudi Arabia Monarkiya ang porma ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Ang Sagradong Batasng Islam na Sharia ang kanilang sinusunod. Ang batas na ito ay naaayon sa mahigpitna interpretasyon na isinasagawa sa pamamagitan ng isang seremonya na tinatawagna Hambali. Ang gawain ay pinamumunuan ng isang ulama o mga marurunong nalider-ispiritwal. Sila ay walang nakasulat na konstitusyon. Walang hiwalay na batasanat wala ring partido pulitikal. Ang hari ng Saudi Arabia ang: • Pinuno ng Pamahalaan • Pinakamataas na lider ng simbahan • Gumaganap na punong ministro • Nagpapalabas ng mga dikretong Royal • Pumipili sa mga Ministro Bagaman mayroon silang konseho ng Shura, wala naman itong kapangyarihanggumawa ng mga batas. Ang sistemang panghukuman nila ay itinatadhana ng Shariana hango sa Koran at Sunna, mga tradisyong pinasimulan ni Muhammad. Ang pagpapalit sa trono ay hindi namamana. Ito ay pinipili buhat sa pamilyaroyal ng Saudi pagkatapos gawin ang konsultasyon sa mga pinuno ng simbahan atpamahalaan. 20
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Ilagay sa paligid ng Hari ng Saudi Arabia ang mga kapangyarihang taglay niya.1. 2. 3. Hari ng Saudi Arabia4. 5.B. Tukuyin ang inilalarawan na matatagpuan sa ginulong mga titik. 1. Ang kauna-unahang punong ministro ng India. EURHN2. Ang kauna-unahang punong ministro ng Pakistan. NNAHIJ ILA3. Ang namumuno sa Tsina. MANICHA4. Ang mababang kapulungan ng pamahalaang pederal ng India. AHBAS5. Ang mataas na kapulungan ng pamahalaang pederal ng India. AHBAS 21
6. Parliyamento ng bansang Hapon. TEID7. Hukbong sandatahan ng komunistang Tsina. DRE MYRA8. Ang pinuno ng pederasyong Malaya. NAGY DI NUTEPRA NOGGA9. Ang kauna-unahang punong ministro ng Malaysia. UKNUT DBAUL HRANAM10. Uri ng pamahalaan sa Saudi Arabia. MNOAKYIAR Tandaan Mo! Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal. Ang India ay isang Republikang Pederal. Ang Tsina ay isang Komunistang bansa. Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo.Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya. 22
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Sa iyong palagay, magiging epektibo ba sa Pilipinas ang mga sistema ngpamahalaan sa mga bansang nabanggit sa araling ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.ARALIN 3MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNO Malaki ang nagagawa ng uri ng sistemang pampulitika ng bansa sa pag-unladnito subalit higit na malaki ang papel na ginagampanan ng isang pinuno. Sa mgakamay niya nakasalalay ang kinabukasan ng buong sambayanan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang mga katangian ng isang mabuting pinuno; at 2. Makapag-eebalweyt ng mga lider alinsunod sa mga katangiang ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ano ang mga katangian ng isang mabuting pinuno? Isipin mo ang isang lider o pinuno na iyong iniidolo. Anu-ano ang kanyang mga katangian. Isa-isahin mo ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. 23
Mga Katangian ng Isang Mabuting Pinuno Anu-ano nga ba ang katangian ng isang mabuting pinuno. Ang ilan sa mgakatangiang ito ay ang mga sumusunod: • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang mabuting pinuno. Kung may nais ka pang idagdag, mas mabuti. Tandaan Mo! Hindi lahat ng pinuno ay nagiging mabuti. Nararapat lamang na may mga katangian silang makatutulong upang sila ay maging mga mabuting pinuno. 24
Gawain 3: PaglalapatA. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung taglay ng isang pinuno ang mgakatangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagot saiyong kwaderno.B. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung hindi taglay ng isang pinuno angmga katangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagotsa iyong kwaderno. 25
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mongtandaan tungkol sa modyul na ito: Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod: • Republika • Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal • Monarkiyang Konstitusyunal • Komunismo • Sultanato Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal. Ang India ay isang Republikang Pederal. Ang Tsina ay isang Komunistang bansa. Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo. Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya. Ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting pinuno ay ang mga sumusunod: • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan 26
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao at gumagamit ng dahas at pananakot. A. Diktadurya B. Monarkiya C. Republika D. Parliyamentaryo2. Batasang Pambansa ng bansang Hapon. A. Politburo B. National Secretariat C. Diet D. Emirate3. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng mga tao. A. Republika B. Demokrasya C. Monarkiya D. Komunista4. Ang sistema ng pamahalaan sa bansang Hapon. A. Monarkiyang Konstitusyunal B. Komunista C. Diktadurya D. Oligarkiya5. Ang sagradong batas ng Islam. C. Kodigo ni Kalantyaw A. Sharia D. Konstitusyon B. Kodigo ni Maragtas 27
6. Sistemang pulitikal ng Sri Lanka. A. Monarkiya B. Republika C. Diktadurya D. Komunista7. Sistemang pulitikal sa Jordan. A. Komunista B. Monarkiyang Konstitusyunal C. Sultanato D. Diktadurya8. Sistemang pulitikal sa Tsina. A. Sultanato B. Komunista C. Diktadurya D. Monarkiya9. Sistemang pulitikal sa Brunei. A. Komunista B. Sultanato C. Diktadurya D. Monarkiya10. Sistemang pulitikal sa Malaysia. A. Komunista B. Republikang Parliyamentaryo C. Diktadurya D. Monarkiya 28
11. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan. A. Diet B. Sangguniang Bayan C. Prefecture D. Sharia12. Sistemang pulitikal sa Pilipinas. A. Komunista B. Monarkiyang Konstitusyunal C. Republika D. Sultanato13. Ang sumusunod ay ang tatlong suporta ng rehimeng komunista sa Tsina maliban saisa: A. Pamahalaan B. Partido C. Diet D. Hukbo14. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting pinuno maliban sa isa: A. modelo ng kabutihan B. matatag at disiplinado C. nagnanakaw sa kaban ng bayan D. matalino15. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng hari ng Saudi Arabia maliban sa isa: A. pinakamataas na lider ng simbahan B. punong ministro C. kawal D. pinuno ng pamahalaan 29
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT 11. B1. A 12. B2. C 13. B3. A 14. B4. B 15. B5. D 16. B6. B 17. B7. C 18. B8. A 19. B9. A 20. B10. DARALIN 1: MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYAGAWAIN 1: Pag-isipan Mo!Ang mga sagot ay nasa ikalawang bahagi ng diskusyon sa araling ito.GAWAIN 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Uri ng Pamahalaan Mga Rehiyon sa Asya Kabuuang Bilang TKA TA SA TSA HA 20 6Republika 7 2 2 44 5 5Republikang Pederal/ Parliyamentaryo 3111 5 1Monarkiyang Absolut/ tradisyunal 41Monarkiyang Konstitusyunal 21 2Komunismo 1 211Sulatanato 1 30
B. Nangungunang Uri ng Uri ng Pamahalaan na Rehiyon Pamahalaan Pinakakaunti angTimog-Kanlurang Asya GumagamitTimog Asya Republika RepublikaSilangang AsyaTimog-Silangang Asya Parliyamentaryo/PederalHilagang Asya Republikang Komunismo Parliyamentaryo Republika/Komunismo Monarkiya Republika Monarkiyang Absolut Republika MonarkiyaGAWAIN 3: PaglalapatMaraming maaaring maging sagot sa katanungang ito. Ikonsulta ito sa iyong guro.ARALIN 2: ANG SISTEMANG PULITIKAL NG ILANG BANSA SA ASYAGAWAIN 1: Pag-isipan Mo!Ikonsulta ang sagot sa iyong guro.GAWAIN 2: Pagpapalalim ng KaalamanA.1. Pinuno ng Pamahalaan2. Pinakamataas na lider ng simbahan3. Gumaganap na Punong Ministro4. Nagpapalabas ng dikretong royal5. Pumipili sa mga Ministro 31
B. 6. Diet1. Nehru 7. Red Army2. Ali Jinnah 8. Yang di Pertuan Agong3. Chairman 9. Tonku Abdul Rahman4. Lok Sabha 10. Monarkiya5. Rajva SabhaGAWAIN 3: PaglalapatIkonsulta ang sagot sa iyong guro.ARALIN 3: MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNOGAWAIN 1: Pag-isipan Mo!Ikonsulta sa iyong guro.GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman(Maaari mo pa itong dagdagan.) • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuanGAWAIN 3: PaglalapatIkonsulta sa iyong guro. 32
PANGHULING PAGSUSULIT 1. A 2. C 3. B 4. A 5. A 6. B 7. B 8. B 9. B 10. B 11. C 12. C 13. C 14. C 15. C 33
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II INSERT PICTURE MODYUL 13 Edukasyon sa AsyaBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 13 EDUKASYON SA ASYA Ang edukasyon ay daan sa kaunlaran. Nagbibigay-daan ito sa pagkakataongmakapamili ang isang tao. Binubuksan din nito ang pinto tungo sa iba't ibangopurtunidad para sa mga nagsumikap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Sapamamagitan ng magandang edukasyon, ang suliranin ng kahirapan, sakit atkaramdaman ay unti-unting nababawasan. Kasabay nito, ang mga mamamayan aynagkakaroon ng mas malakas na tinig sa lipunan kung sila ay may sapat na edukasyon.Ang mga bansang may mataas na populasyon ng may pinag-aralang mamamayan aymay mas mahusay na lakas paggawa. Ang mga matatalino at mahuhusay namamamayan ay nagkakaroon ng kakayanan na makipagkompetensiya kundi man aymakipag-ugnayan sa iba pang mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa ating mundo.Ang edukasyon din ay nagbibigay ng opurtunidad upang tayo ay magkaroon ngpanlipunan at pangkabuhayang kaunlaran. Sa komperensya noong 1990 ng Education for All (EFA), napagkaisahan ng mgadumalo na pagsapit ng taon 2000, lahat ng mga kabataang nasa gulang ay tapos na ngmababang paaralan. Ngunit noong taong 2000, 104 milyon na kabataan na nasa edadang hindi pa rin nakapag-aral, 57% rito ay mga kabataang babae at 97% ay nagmumulasa papaunlad pa lamang na mga bansa--karamihan sa Timog Asya at sa Sub-SaharanAfrica. Ang ibinigay ng UN sa kanilang Millennium Development goals ay masmakatotohanan bagamat mahirap din naman—na pagsapit ng taong 2015 ang lahat ngmga bata sa lahat ng panig ng mundo ay dapat na nakatapos na ng buong kurso ngmababang paaralan o edukasyong primarya (primary education) o elementarya. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Anak ni Confucius – Edukasyon sa Asya Hango sa UNESCO – Courier April 1996 ni Zhao Nangzhao Aralin 2: Katayuan ng Edukasyon sa Asya Aralin 3: Antas ng Karunungan sa mga Bansang Asyano 2
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ngedukasyon sa Asya;2. Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya;3. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansangAsyano;4. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa;5. Mabibigyang kahulugan ang antas ng karunungan bilang isang pangunahing batayansa pagkilala sa isang bansa; at6. Mapapatunayan na may kaugnayan ang pondong inilalaan ng pamahalaan samagiging antas ng karunungan ng mga mamamayan nito. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ang edukasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na:A. umunladB. magkaroon ng trabahoC. makapaglakbayD. lahat ng nabanggit2. Sa taong ito ginanap ang komperensiya para sa Education for All.A. 1990B. 1991C. 1992D. 19933. Ayon sa Komperensiyang ito, pagsapit ng taong 2000 lahat ng mga kabataang nasatamang gulang ay:A. tapos na sa kolehiyoB. tapos na sa antas sekondaryaC. tapos na sa mababang paaralanD. nakapag-enrol na sa mga paaralan4. Pagsapit ng taong 2000, 104 milyon na kabataan pa rin ang hindi nakapag-aral mulasa mga bansa sa Asya at:A. Sub-Saharan AfricaB. EuropaC. AmerikaD. Australia 4
5. Ayon sa UN Millenium Development goals, inaasahang tapos na lahat ng kabataangnasa gulang ng elementarya pagsapit ng:A. 2010B. 2015C. 2020D. 20256. Si Confucius ay isang pilospo mula sa:A. KoreaB. IndiaC. HaponD. Tsina7. Sina Mahatma Gandhi at Rabindranath Tagore na nagsulat ng pagpapahalaga ngmga Asyano sa edukasyon ay kapwa galing sa:A. IndiaB. TsinaC. HaponD. Korea8. Isa dito ay hindi paglalarawan ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya:A. Ginagamit ng teknolohiyaB. Pagsasama-sama o collectivismC. Ispiritwal na pag-unladD. Kabutihang asal9. Mga bilang ng mag-aaral na di tinatapos ang panuruang taon:A. Cohort survival rateB. Drop-out rateC. Rate of repeatersD. Rate of out of school youth 5
10. Mga bilang ng mag-aaral na di nakakatapos ng kani-kanilang programa tulad ngelementarya, sekondarya, at kolehiyo:A. Drop-out rateB. Out of school youthC. Cohort survival rateD. Rate of repeaters11. Ang wikang panturo sa karaniwan ng paaralang elementarya sa Singapore ay:A. InglesB. CantoneseC. PortugeseD. Spanish12. May kakulangan ng paaralan sa Bhutan dahilan sa:A. Walang nagtatayo ng mga paaralan.B. Bulubundukin ang kabuuan ng bansa.C. Walang guro na gustong magturo.D. Kulang sa pondo.13. Noong 1970 sa tulong ng UNICEF nagkaroon ng mga materyales upang magamitsa pagtatayo ng paaralan sa:A. TaiwanB. PhilippinesC. BhutanD. Nepal14. Karaniwang suliranin kapag bago ang kurikulum ay:A. kakulangan ng impormasyon tungkol ditoB. ayaw ng mga magulangC. tutol ang mga guroD. walang materyales 6
15. Kakayahan ng mga taong magsulat at magbasa.A. antas ng kamuwanganB. lebel ng katalinuhanC. grado ng IQD. bahagdan ng EQ16. Ang lahat ng mga bansang ito ay nakapag-tala ng 99% ng karunungan maliban saisa:A. JapanB. South KoreaC. GeorgiaD. America17. Ang nakapagtala ng pinakamababang antas ng karunungan:A. XenonB. PakistanC. NepalD. Saudi Arabia 7
ARALIN 1MGA ANAK NI CONFUCIUS – EDUKASYON SA ASYAHANGO SA UNESCO-COURIER APRIL 1996NI ZHON NANZHAO Maraming mga pilosopo ang nagbahagi ng kani-kanilang pananaw sa laranganng edukasyon. Karamihan sa mga pananaw na ito ay nagsilbing gabay di lamang samga karaniwang tao kundi maging sa nagpaplano at gumagawa ng mga kurikulum. Isarin ito sa mga isinasaalang-alang ng mga mambabatas kung sila ay gagawa ng mgabatas na may kinalaman sa edukasyon. Isa sa mga pangunahing pilosopo na maynaging malaking bahagi sa larangan ng edukasyon sa Asya ay si Confucius. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1) Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ngedukasyon sa Asya; at2) Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kilala mo ba si Confucius? Isulat ang mga konseptong maiuugnay mo sa kanya. 8
May pangunahing bahagi ang edukasyon sa kultura at tradisyon ng mga Asyano.Sa Asya malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon. Si Confucius bilangpangunahing pilosopo sa China ay naniniwala na ang mga tao ay napapagaling atnapapahusay sa pamamagitan ng wastong pag-aaral. Binigyan-diin niya angkapangyarihan ng edukasyon na mapabuti ang lipunan at ang maituro ang mabutingpagkamamamayan. Sa lumipas na mga siglo, ang edukasyon ay naging pundasyon sapampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at pangkulturang pamumuhay ng mgaAsyano. Binigyan-diing din ang pagtuturo ng edukasyong pagpapahalaga o valueseducation. Karamihan sa mga magulang ay handang tiisin ang hirap ng pagkita ng peramapag-aral lang ang kanilang mga anak. Naniniwala sila na ito ay pinakamabisangparaan upang matakasan ang kahirapan. Maraming kwento ng mga ina sa iba't-ibangpanig ng Asya ang naging testimonya sa pagpapahalagang ito sa edukasyon tulad ngisang Haponesang ina na naniniwala na ang pangunahin niyang gawain ay turuan angkanyang anak ganun din ang isang inang Tsina na sa mahabang panahon ay nagtiis napumasok sa malayong lugar upang maituro ang kanyang natutunan sa kanyang anakna may kapansanan, gayundin ang kwento ng isang inang Koreana na napilitang ibentaang alagang baka matustusan lang ang pag-aaral ng anak. Ang mga kwentong ito ay dibago sa mga Pilipino sapagkat ganito din kalaki ang pagpapahalaga natin saedukasyon. Ilan sa mga isinulat ni Mahatma Ghandi at Rabindranath Tagore ng India aynagpatotoo rin sa pagpapahalagang ito ng mga Asyano sa edukasyon. Kung kaya't di kataka-taka na malaki ang inaasahan ng mga Asyanongmagulang at mga guro sa mga kabataan. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na angpaniniwalang ito ng mga magulang kasama ang mataas na uri ng kurikulum, mahabangoras sa pag-aaral, masususing paghubog ng mga intelektwal na kakayahan,pagsuporta ng mga magulang, at mabuting ugnayan ng mga guro at mag-aaral ay mgasalik sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral kung kaya't batid natin na mataas din angantas ng karunungan ng mga Asyanong mamamayan. 9
Ilan sa mga paglalarawan na binigay ni Confucius sa sistema ng edukasyon saAsya ay ang mga sumusunod:1. pagsasama-sama o COLLECTIVISM Ito marahil ang dahilan kung bakit malaking bahagi ng edukasyon sa Asya aynakatuon sa paghubog ng mga mamamayan upang maging mabuting kasapi di lamangng kani-kanilang pamilya kundi maging sa lipunan na kanyang kinabibilangan.2. ispiritwal na pag-unlad Kapuna-puna ang pagbibigay-diin sa mga paaralan ng wastong pag-uugali atpagkilala sa Dakilang Lumikha. Karamihan sa mga aralin ay naglalayon na hubugin angmabuting pagkatao ng mga mag-aaral.3. kabutihang asal Ayon kay Confucuis, ang edukasyon ay dapat na nagbibigay sa tao ngkabutihang-asal. Para sa kanya, ang mga iilang tao na magkakaroon ng pagkakataongmamuno ay dapat na matutong mangalaga ng mga tao at ang mga nasasakupannaman ay dapat na maging masunurin sa mga namumuno. Ito ang dapat na mangyariupang maging maayos ang lipunan. Katulad din ito ng kapangyarihan ng magulang satahanan at mga guro sa paaralan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Patunayan na malaki ang pagpapahalaga ng mga Asyano saedukasyon. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 10
Tandaan Mo! Malaki ang bahagi ng mga aral ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya. Ayon kay Confucius, ang sistema ng edukasyon sa Asya ay nagbibigay-diin sa: - pagsasama-sama o collectivism - ispiritwal na pag-unlad - kabutihang-asal Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang ito: Hindi sagabal ang kahirapan sa pagtatamo ng wastong edukasyon. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 11
ARALIN 2KATAYUAN NG EDUKASYON SA ASYA Hindi ganoon kadali na ikumpara ang gastusin ng sektor ng edukasyon sa Asyaat sa iba pang panig ng mundo tulad ng Europa. Higit na mas mataas ang pagbubuwisna isinasagawa ng mga bansang nasa Europa kaysa sa mga Asyanong bansa. Angmga kinokolektang buwis na ito ang pangunahing pinagkukunan ng pondo para sa mgapaaralan. Kaunting bansa lamang sa Asya ang may kakayahang magbigay ng librengedukasyon sa mataas na paaralan lalo na sa kolehiyo. Bagamat sa gitna ng ganitongsitwasyon kung saan may kakulangan sa pondo ng edukasyon, nakakatuwangmalaman na maraming pag-aaral o pagsasaliksik na naisagawa sa iba't-ibangpribadong organisasyon ay nagpapatunay na maraming mag-aaral sa mga bansangAsyano ang may mataas na antas ng karunungan sa lebel ng elementarya atsekundarya. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansangAsyano; at2. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Itala ang ilan sa mga suliranin na may kinalaman sa edukasyon.1.2.3.4.5. 12
Ilang Natatanging Gawi sa Larangan ng Edukasyon ng mga Bansang AsyanoA. Pagmonitor sa Larangan ng Edukasyon Karamihan sa mga pamahalaang Asyano ay regular na nagsasagawa ngpagmonitor sa bilang ng nagpapatala sa pagpasok sa mga paaralang elementarya atsekondarya. Bagamat ang mga bilang na ito ay di tiyak, ito ay mabisang basehan ngpagpaplanong gagawin para sa sektor ng edukasyon. May mga pagmomonitor din nanakapokus sa tinatawag na Drop-out Rate o bilang ng mga mag-aaral na di tinataposang panuruang taon at ang Cohort Survival Rate o bilang ng mga mag-aaral na dinakakatapos sa kani-kanilang programa (maaring elementarya, sekondarya atkolehiyo). Ang mga bilang na ito ay nagiging batayan ng mga pag-aaral na isasagawang mga ahensiya ng pamahalaan. Maraming bansa sa Asya tulad ng Indonesia at Thailand ang regular nanagsasagawa ng ganitong pagmomonitor. May mga iba na ang tuon ay nasa AcademicAchievement ng mga mag-aaral. Mayroon naman na ang pokus ay sa wika (language)at matematika. May mga bansa naman tulad ng Timog Korea at Hapon na angpagbabagong pisikal ng mga mag-aaral ang minomonitor taun-taon.B. Pagpili ng Wikang Panturo May mga bansang Asyano na gumagamit ng wikang panturo na di katulad ngwikang sinasalita ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Maraming Asyanongbansa rin ang maingat na pinag-aaralan ang gagamiting wikang panturo lalo na sa mganasa elementarya. Sa kaso ng Pilipinas ang patakaran sa Bilingual Education ayipinatupad bilang pagtugon sa Art. XIV Sec 7 ng 1987 Saligang Batas. Ayon sa 1987 Policy sa Bilingual Education (DECS no. 52 s. 1987) angpatakarang ito ay naglalayon na gawing magaling ang bawat Filipino sa paggamit ngFilipino at English sa lahat ng antas. Samantala sa Bhutan at sa karamihan ng mga paaralang elementarya saSingapore, ang wikang panturo ay English. 13
C. Suliranin ng mga Maliliit na Paaralan at Kakulangan ng Silid-Aralan Ang kakulangan sa mga paaralan ay di lamang suliranin ng Pilipinas. Ito aysuliranin din ng maraming bansang Asyano. Maraming kadahilanan ang maiuugnay sasuliraning ito. Pangunahin na ang kakulangan ng pondo. Bagamat may mga bansangtulad ng Bhutan na dahilan sa bulubundukin ay may kakulangan sa paaralan dahilan narin sa uri ng kanilang kapaligiran. Ito ang pangunahing rason kung bakit siksikan angmga paaralan dito lalo na sa antas ng elementarya. Sa ilang isla naman ng Maldives na may konting populasyon, ang pamahalaanay nagsasagawa ng natatanging pagsasanay para sa mga guro na maitatalaga sa mgaislang ito.D. Pagtuturo ng mga Special Subjects Hindi mabilang na pag-aaral ang naisagawa na upang sukatin ang pang-akademikong kahusayan ng mga mag-aaral. Nakatutuwang banggitin na maramingAsyanong mag-aaral ang nagtamo ng mataas na antas ng kagalingan at kahusayanayon na rin sa mga pag-aaral na ito. Samantala, may mga Asyanong bansa rin naman ang nagbibigay diin sa pag-aaral ng mga natatanging asignatura. Sa Myanmar (Burma) ang pagtuturo ng sining,musika at palakasan ay labis na binibigyang-diin. Sa Korea ang mga paaralangprimarya ay napakahusay sa pagtuturo ng katutubong sayaw. Halos lahat ng paaralangelementarya sa Asya ay nagbibigay ng atensyon sa pagtuturo ng kani-kanilang sining atkultura sa pamamagitan ng mga musika at sayaw. Sa Thailand at Pilipinas angpaggawa ng mga kagamitang ginagamitan ng mga katutubong materyales ay tinuturodin sa paaralan.E. Pakikiisa ng mga Magulang May mga ilang bansa din sa Asya na ang mismong pagpapagawa ng paaralanay katulong at kabalikat ang mga magulang. Sa Burma at Bhutan ang mga malalakingbahay ay tinatayo ng mga lokal na residente upang gawing silid-aralan. Ganito din angginagawa sa ilang nayon ng Maldives. Noong 1970, ang UNICEF, ang kauna-unahang 14
international agency, ang nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ngmateryales sa pagtatayo ng paaralan sa Nepal.F. Pagbabago ng Kurikulum Lahat ng mga Asyanong bansa ay nagsagawa ng iba't ibang pagbabago sa kani-kanilang kurikulum. May mga ilang bansa ang nagtagumpay ngunit marami rin angnakaranas ng sari-saring suliranin sa pagpapatupad ng kanilang kurikulum. Karamihansa mga bansang Asyano ay may isang opisyal na kurikulum para sa kanilang bansa.Karamihan naman ng mga aklat ay isinusulat ng mga gurong may karanasan na sapagtuturo ng elementarya at sekondarya. May ilan ding mga aklat na sinulat ng mgaeksperto sa kani-kanilang asignatura at larangan. Karaniwan ng suliranin sa pagpapatupad ng bagong kurikulum ay angkakulangan ng impormasyon ukol dito. Kadalasang ito ang nagiging sagabal upangmagtagumpay ang ano mang bagong kurikulum na ipinakikilala. Ang Pilipinas ay isa sa mga Asyanong bansa na nanguna sa pagsasagawa ngpagbabago sa antas elementarya at sekondarya kung saan ang pagpili sa mgakagamitang panturo ay sinusubok at pinag-aaralan. Maging ang mga guro ay sinasanaysa pagbabagong ipapatupad. Sa kasalukuyan, maraming Asyanong bansa na angnagsasagawa ng ganitong sistema kapag sila ay magbabago ng kurikulum. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Naniniwala ka ba na ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isangpribelihiyo? Patunayan. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 15
Tandaan Mo! May mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon sa bansang Asyano na tumatalakay sa aspeto ng: Pagmonitor sa larangan ng edukasyon Pagpili ng wikang panturo Suliranin ng maliliit na paaralan at kakulangan ng silid aralan Pagtuturo ng mga “Special Subjects” Pakikiisa ng mga magulang Pagbabago sa kurikulum Gawain 3: Paglalapat Punan ang speech balloon. Para sa akin, mahalaga ang edukasyon dahil ________. Sa pamamagitan ng napapanahong kaalaman, ako ay ________. 16
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426