IKALIMANG ARAWLayuninNasasagot nang wasto ang mga inihandang katanunganNakasusunod nang wasto sa mga panutoPagtatayaA. Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang mga pangungusap.1. Hiningi ______ Tita Lorna ang aming mga lumang laruan.2. Pagsunod sa utos ng mga magulang ang ipinangangaral _____ TitserIvy at Titser Boyet.3. “Maging makakalikasan tayo,” ang sabi _____ Padre Burgos.4. Tinanggap na ______ Ate at Kuya ang kanilang pabuya.5. Pinaghahandaan ______ Mayor Del de Guzman ang pagbabago atpagpapaunlad sa kanyang bayan.B. Daglatin ang mga sumusunod na salita:6. Lunes 11. Ginang7. Disyembre 12. Pangulo8. Oktubre 13. Kongresista9. Mister 14. Kagawad10. Ginoo 15. BinibiniC. Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang masayang pamilya ay kahanga-hanga. Ibinibigay ng mga magulangang pangangailangan ng mga anak. Ang mga anak naman ay gumagalang sakanilang mga magulang. Sinusunod nila ang utos ng kanilang ama’t ina. Angmabuti at masayang pamilya ay sandigan ng isang matatag na pamayanan. Nangunguna ang mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak.Ang pagdisiplina ay bahagi ng kanilang pagmamahal sa mga anak. Pinalalaki nilaang mga bata na may takot at pagmamahal sa Diyos.16. Anong klaseng pamilya ang kahanga-hanga?a. masaya b. matalino c. matapang17. Ang mga anak ay ________ sa kanilang mga magulang.a. sumusuway b. nagmamaktol c. gumagalang18. Pinalalaki ng magulang ang mga anak na may takot at pagmamahal sa______.a. Diyos b. kapwa c. magulang19. Alin ang nagpapakita ng pagmamahal ng mga magulang sa mgaanak?a. pagpapalayaw b. pagpalo c. pagdisiplina20. Kapag ang isang pamilya ay masaya at mabuting pamilya, alin sasumusunod ang ibubunga nito sa bayan?a. Maghihirap ang bayanb. Magiging matatag ang bayanc. Ikahihiya ang bayanD. Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 405. 150
Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang KoLingguhang LayuninPag-unlad ng BokabularyoNauunawaan ang gamit ng salita sa pangungusapPag-unawa sa BinasaNakapaghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upangmatugunan ang mga tanongWikang BinibigkasNaisasalaysay muli ang tekstong pinakingganKamalayang PonolohiyaNatutukoy ang mga paraan sa pagbuo ng bagong salitaPag-unawa sa PinakingganNaibibigay ang paksa ng tekstong pang-impormasyong napakingganGramatikaNagagamit ang pang-ukol na kay at kinaPagsulatNakasusulat ng mga pangungusap na nagsasalaysayNasisipi ang salita /maikling pangungusap mula sa huwaranKomposisyonNakapagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay naisinulat sa klasePagbabaybayNaisusulat ang mga salita nang may wastong baybayUNANG ARAWLayuninNauunawaan ang gamit ng salita sa pangungusapNakapaghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upangmatugunan ang mga tanongNaisasalaysay na muli ang tekstong napakingganPaksang AralinGamit ng Salita sa PangungusapPaunang PagtatayaPasagutan ang “Subukin Natin”, sa LM, pahina 406Tukoy-AlamMagpaguhit ng isang bagay na nais iregalo sa sariling ina o sa mga kapatid okaibigan.Ipakita ang natapos na gawain at sabihin kung para kanino ang iginuhit.PaglalahadPag-usapan ang mga napapanood o napapakinggang patalastas ng mgabata.Bakit mo ito nagustuhan?Ano ang mensahe nito? 151
Ipabasa ang “Basahin Natin”, sa LM, pahina 407.Ipagawa ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 408.Tungkol saan ang binasang teksto?Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang binasang teksto.Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?Paano ipakikita ang paggalang sa karapatan ng ibang tao?Pag - usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 408.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 409.Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 409.PaglalahatAno ang natutunan sa aralin?Ipabasa ang “Tandaan Natin”, pahina 409 sa LM.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangn Natin”, sa LM, pahina 410.IKALAWANG ARAWLayuninNatutukoy ang mga paraan ng pagbuo ng mga bagong salitaNakikilala at nabibigyan ng kahulugan ang mga hindi pamilyar na salitaNaibibigay ang paksa ng tekstong pang-impormasyong napakingganPaksang AralinPagkilala at Pagbuo ng mga Bagong SalitaKagamitanlarawan ng dating Pangulo Corazon C. AquinoTukoy-AlamBigyan ang mga bata ng flashcard na may nakasulat na pantig.Humanap ng kapareha o mga kasama upang makabuo ng isang salita.Pagbasa ng mga nabuong salita.PaglalahadIpakita ang larawan at pag-usapan ang nalalaman tungkol sa datingPangulong Corazon Aquino.Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM pahina 410.Ano-ano ang salitang ginamit sa teksto ang hindi mo maunawaan?Linangin ang bawat salitang ibinigay ng mga bata.Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.Pumili ng isang salita mula sa mga ibinigay ng mga bata.Ipabasa ito.Pantigin ang salitang ito.Ano-ano ang pantig na bumubuo dito?Paano naman nabubuo ang isang pantig?Paano ipakikita ang paggalang sa kababaihan?Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 412.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 412. 152
Gawin ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 413.PaglalahatPaano nabubuo ang isang salita?Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 414.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 414.IKATLONG ARAWLayuninNagagamit nang wasto ang pang-ukol na kay at kinaNakasusulat ng pangungusap na nagsasalaysayPaksang-AralinPang-ukol na kay at kinaTukoy-AlamMagpakita ng ilang mga gamit na pambabae at gamit na panlalaki.Ipatukoy sa mga bata kung para kanino ang bawat isa.PaglalahadHayaang mamasyal ng ilang saglit ang mga bata sa labas ng silid-aralan.Pagbalik sa klase, pag-usapan ang mga nasaksihan sa labas.Pag-usapan kung alin ang nais na isulat sa pisara.Hayaang magbahagi ang mga bata ng mga pangungusap upang makumpletoang isang talata tungkol sa pangyayaring nasaksihan sa labas ng silid-aralan.Ipabasa ang “Karapatan ay Igalang” sa \"Basahin Natin” sa LM pahina 407.Pasagutan ang “Sagutin Natin”,sa LM pahina 415.Ipabasa ang mga pangungusap na may kay at kina.Kailan ginagamit ang kay? Ang kina?Paano natin pahahalagahan ang ating mga karapatan?Sagutin ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 415.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM pahina 415.Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM pahina 416.PaglalahatKailan ginagamit ang kay? Ang kina?Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM pahina 416.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina 417.IKAAPAT NA ARAWLayuninNakapagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay naisinusulat ng klaseNakasusulat ng mga salita na may wastong baybayPaksang AralinPagsulat ng Maikling TalambuhayKagamitan 153
Individual Information FormTukoy-AlamHayaang punan ng mga bata ang Individual Information Form.(Ito ay isang form na gagawin ng guro upang makuha ang mga impormasyontungkol sa bawat mag-aaral tulad ng kaarawan, tirahan, pangalan ng mgamagulang at iba pa).PaglalahadHayaang magbahagi ang bawat bata ng nalalaman nila tungkol sa datingPangulong Aquino.Pagbasa ng maikling talambuhay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.Sagutan ang “Sagutin Natin,”Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo tungkol sa datingPangulong Aquino?Isalaysay muli sa sariling pangungusap ang buhay ni Pang. Aquino.Ano ang talambuhay?Bakit sumusulat ng isang talambuhay?Hayaang iwasto ng mga bata ang mga salitang ipakikita na may malingbaybay. (Gumamit ng show me board para dito)Paano natin mapahahalagahan ang ating buhay?Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 418.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 418.Gawin nang pangkatan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 419.PaglalahatAno ang natutunan mo sa aralin?Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 419.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 420.Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa sariling talambuhay.IKALIMANG ARAWLayuninNasasagot nang wasto ang mga tanongNasisipi ang salita /maikling pangungusap mula sa huwaran.Panimulang GawainIhanda ang mga bata sa gawain.Ipaliwanag ang mga panuto sa pagsusulit.PagtatayaA. Punan ng wastong pang-ukol na kay at kina ang mga patlang upang mabuo ang ang mga pangungusap sa mga talata. 154
Nagtungo kami 1. ___ Aldrin. Naabutan namin siya na nagpapakain ng mga alagang manok sa kanilang bakuran. Pagkatapos magpakain ay masaya niyang iniabot 2. ___ Mang Pilo ang mga itlog ng manok. Natuwa namang idinaan ito ni Mang Pilo 3. ____Aling Nene at Lora na abala sa pagbubukod ng mga itlog ayon sa laki at liit nito para ibenta. Iniabot ko 4. ____Aldrin ang aming pasalubong na puto. Masaya niya itong kinain at ibinahagi rin niya ito 5. ____ Mang Pilo, Aling Nene at Lora. May inihanda rin pala silang nilagang itlog na pinagsaluhan namin.B. Isulat sa patlang ang letra ng impormasyon sa ibaba na sasagot sa sumusunod na tanong_____6. Kailan ka ipinanganak?_____ 7. Sino-sino ang mga kapatid mo?_____ 8. Saan ka nag-aaral?_____ 9. Maaari bang sabihin mo kung sino ang iyong mga magulang?_____10. Ilan kayong magkakapatid? a. Tatlo kaming magkakapatid. b. Ang mga magulang ko ay sina Mario Nicolas at Viring Nicolas. c. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa San Mateo Elementary School. d. Ang mga kapatid ko ay sina King Cortes at Noriel Cortes. e. Ako ay ipinanganak noong ika-5 ng Nobyembre 2005.C. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita Cory. Siya ay asawa ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya dahil sa naganap na EDSA Revolution noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na si Ferdinand E. Marcos. Ang kanyang naisagawa ay nagpakita na siya ay may sapat na kakayahan at karapatan na dapat igalang. Siya ay kinilalang “Ina ng kalayaan” sa bansa. Siya ang ina ng ating kasalukuyang pangulo na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.11. Ang asawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ay si ________.12. Si Tita Cory ay ina ng ating kasalukuyang Pangulo ng bansa na si_____.13. Nakilala si Tita Cory nang maganap ang Edsa Revolution noong _____.14. Kinilalang diktador si ___________ dahil sa kaniyang pamamahala.15. Si ____________ ay kinilalang ina ng kalayaan.16. Ano ang paksa ng binasang talata? a. ang ina ng ating Pangulo b. Corazon C. Aquino, ulirang babae c. ang Edsa Revolution 155
17. Alin sa sumusunod na salita mula sa talata ang ginamit bilangpangngalan?a. paggawa b. kinilala c. diktador18. Alin sa sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitangkalayaan?a. akala b. bayaan c. laya19. “Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad.” Alin sa pangungusap angpangngalan?a. ina b. katulad c. pagmamahal20. Alin ang pangungusap na nagsasalaysay?a. Kumulog, kumidlat, at maya-maya ay umulan na nang malakas.b. Kumain ka na ba?c. Naku! Mahuhuli na naman tayo.B. PagsulatIpagawa ang “Sulatin Natin” sa LM,pahina 420.Aralin 4: Maging Huwaran sa Paningin ng DiyosLingguhang LayuninPag-unlad ng BokabularyoNakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita atnagkakaroon ng panibagong kahuluganPag-unawa sa PinakingganNakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang, at matapos mapakingganang tekstoPag-unawa sa BinasaNakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayariGramatikaNagagamit nang wasto ang pang-ukol na ayon saWikang BinibigkasNakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawainKomposisyonNakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sarilingideya, kaalaman, karanasan, at damdaminKaalaman sa Aklat at LimbagNagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mgabantas sa mga pangungusapPagsulatNaisusulat nang wasto ang mga salitang/pangungusap na ididiktaUNANG ARAWLayuninNakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita atnagkakaroon ng panibagong kahulugan 156
Nakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang, at matapos mapakingganang tekstoNakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayariPaksang-AralinTambalang SalitaPaunang PagtatayaPAsagutan ang “Subukin Natin”sa LM, pahina 421.Tukoy-AlamBigyan ang bawat bata ng isang flashcard na may nakasulat na salita.Hayaang humanap ng kapareha upang makabuo ng isang bagong salita.Iulat sa klase ang nabuong salita ang sabihin ang kahulugan nito.PaglalahadIpakita ang iba’t ibang kasuotan. Sabihin kung saang lugar o okasyon dapatisuot ang bawat isa.Pagpapayaman ng TalasalitaanBasahin at pag-aralan ang sumusunod na salita at kahulugan nito. Gamitin sasariling pangungusap. Maaari din naman na gamitin ang mga ito sapangungusap upang higit na maunawaan ng mga bata ang kahulugan ngbawat isa. Angkop-tama malaswa-hindi angkop, ‘di tama modo-ugali bahaghari-hudyat ng pagtigil ng ulan(rainbow) bato-balani-metal na dumidikit sa metal(magnet) alkalde-mayor ordinansa-batas disente-maayosIpakilala ang kuwento sa pagsasabi ng pamagat nito. Tungkol kaya saan angkuwento?Pagbasa ng “Manamit nang Angkop” sa “Basahin Natin” sa LM, p. 422.Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina424.Ano ang nangyari sa kuwento?Bakit nagbago ang babae sa kuwento?Ipabasa ang mga tambalang salita mula sa kuwentong binasa.Ano-anong salita ang bumubuo sa bawat isa?Linangin ang kahulugan ng bawat salita.Nagbago ba ang kahulugan ng mga salita nang mabuo ang isang tambalangsalita?Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina424.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina424 ay “Sanayin Natin”sa LM,pahina 425.PaglalahatAno ang tambalang salita?Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 426 . 157
Karagdagang PagsasanayIpagawa “Linangin Natin”sa LM , pahina 426IKALAWANG ARAWLayuninNakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawainPaksang-AralinPagbibigay ng PanutoTukoy-AlamSama-samang paggawa ng bangkang papel.Ipakita kung paano ito gawin upang masundan ng mga bata.Ipakita ang natapos na bangkang papel.Hayaang ibigay ng mga bata ang mga panuto kung paano gawin ang isangbangkang papel.PaglalahadIpakita sa mga kaklase ang isang album o portfolio na sariling gawa.Sabihin kung paano ito ginawa.Ipabasa ang “ Basahin Natin.”Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM , pahina 429.Ano-ano ang hakbang na isinagawa upang makabuo sina Cheska ng isangportfolio?Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin” sa LM , pahina429.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin” sa LM , pahina429.Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM , pahina430.PaglalahatAno ang natutunan mo sa aralin?Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 430.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin” sa LM , pahina 430.IKATLONG ARAWLayuninNagagamit nang wasto ng pang-ukol na ayon saNapapangkat ang mga salita ayon sa kayarian nito ( payak at tambalan)Paksang-AralinWastong Gamit ng Ayon sa at Ayon kayTukoy-AlamMagbigay ng ilang mga pangaral na napakinggan at sabihin din kung kaninoito napakinggan.PaglalahadAno-ano ang dapat nating gawin upang maging mabuting bata?Basahin ang “Basahin Natin.”Sagutan ang “Sagutin Natin” sa LM , pahina 431.Ipabasa ang ilang mga pahayag mula sa binasang teksto. 158
Ano ang napapansin ninyo sa bawat pahayag?Bakit gumamit ng ayon sa? Ayon kay?Ipabasa ang ilang mga payak at tambalang salita mula sa tekstong binasa.Ipapangkat ang mga salita.Bigyang – katwiran ang ginawang pagpapangkat.Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM , pahina 431.Kasanayang PagpapayamanIpagawa“Gawin Natin” sa LM , pahina431.Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 432.PaglalahatKailan ginagamit ang ayon sa at ayon kay?Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 433.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”sa LM , pahina 433 .IKAAPAT NA ARAWLayuninNagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mgabantas sa mga pangungusapNakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sarilingideya, kaalaman, karanasan, at damdaminPaksang-AralinPaggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga BantasTukoy-AlamMagdikta ng ilang mga pangungusap. Tingnan kung tama ang pagkakasulatng mga bata.Ipasulat ang mga pangungusap sa pisara.PaglalahadIpabasa muli ang “Basahin Natin.”Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 434.Magbigay ng mga pangungusap tungkol sa natutunan sa binsang teksto.Isulat ang mga ibibigay ng mga bata.Ipabasa ang mga ito.Paano isinulat ang pangungusap?Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM pahina 434.Pasagutan ang “Sanayin Natin”sa LM , pahina 435.PaglalahatPaano isinusulat ang pangungusap?Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 435.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina. 159
IKALIMANG ARAWLayuninNasasagot nang wasto ang mga inihandang tanongNaisusulat nang wastong mga salitang/pangungusap na ididiktaPanimulang GawainIhanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit.Ipaliwanag ang mga panuto.Gawaing PagtatayaA. Punan ng ayon kay o ayon sa ang mga pangungusap.1. “Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo”, _____ PAG-ASA.2. _____ Titser Mina, ang mga batang mahilig kumain ng gulay ay hindisakitin.3. _____ Pastor Noli, dapat tayong magdasal bago matulog sa gabi atpagkagising sa umaga.4. “Lagi tayong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga bagay,” _____Padre Gomez.5. _____ mga siyentipiko, ating mararanasan ang “global warming” sapanahong ito.B. Salungguhitan ang payak na salita at ikahon ang tambalang salita.6. tanaw 9. balik-tanaw 12. kupas7. mata 10. masakit 13. matamis8. kapit-tuko 11. bughaw 14. takip-silimC. Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap.15. Aray_ dumugo ang sugat ko__16. Yehey__Dumating na si itay___17. Ang Diyos ay dakila sa lahat18. Hugis parisukat ba ang mesa19. Sandali__ Titingnan ko kung dumating na siya__D. Sipiin ang maikling talata at isulat ng tama ang mga makikitang maliang pagkakasulat. malapit na naman ang bakasyon. pupunta kami sa bulacan.Matutuwa sina lolo inggo at lola marina. Pasasalubungan namin sila nghamburger. Ibibili namin sila ng bagong damit. Pagkagaling namin sa Bulacan ay babalik kami ng maynila atisasama namin sina lolo at lola. Ipapasyal namin sila sa luneta park atmanila Ocean Park.Aralin 5 : Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa DiyosLingguhang LayuninWikang BinibigkasNasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/ binasa 160
Pag-unlad ng BokabularyoNagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malamanang kahuluganPag-unawa sa BinasaNaiuugnay ang binasa sa sariling karanasanKaalaman sa Aklat at LimbagNatutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusapGramatikaNagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kinaKomposisyonNakabubuo ng mga payak na pangungusapEstratehiya sa Pag-aaralNakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatanNakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resourcesPagsulatNagagamit nang angkop sa salita/bantas upang maipahayag ang sarilingideya,karanasan,kaalaman o damdamin.UNANG ARAWLayuninNasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/binasaNagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman angkahuluganPaksangAralinPagkilala sa mga Di Pamilyar na mga SalitaPaunang PagtatayaPasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 437.Tukoy-AlamMagpakita ng isang larawan sa mga bata.Pagawain ang mga bata ng Bilog ng mga Tanong. Pasulatin ang mga bata ngmga tanong na kayang sagutin ng ipinakitang larawan.Isulat ang mga tanongng pa – spiral.PaglalahadNakaranas ka na bang tumulong sa kapwa?Ano ang naidulot nito sa iyo?Ipabasa ang “Basahin Natin.”Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 438.Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan sa binasang teksto?Ano ang kahulugan ng bawat isa?Paano mo nalaman ang kahulugan?Pumili ng ilang mga salita sa binasang teksto.Ipalaro ang “Pinoy Henyo” gamit ang mga napiling salita upangmakapagtanong ang mga bata tungkol sa salitang ito at masabi sa huli angkahulugan nito.Talakayin ang “Pahalagahan Natin.” 161
Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahinam 439.Pasagutan ang “Sanayin Natin” ,sa LM, pahina 439PaglalahatAno ang natutunan mo sa aralin?Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 440.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin” , sa LM, pahina 440IKALAWANG ARAWLayuninNaiuugnay ang binasa sa sariling karanasanNatutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusapPaksang-AralinAng Simula at Katapusan ng PangungusapKagamitanlarawan ng iba’t ibang pook sambahanTukoy-AlamHayaang magbahagi ang mga bata ng nabasang kuwento o balita sa harapng klase.Ano ang pakiramdam mob ago/habang/matapos magbahagi sa harap ngklase?PaglalahadAnong relihiyon mo?Magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa impormasyong ito.Isulat sa talaan ang makakalap na impormasyon. (Dagdagan pa ito)Relihiyon Lalaki Babae KabuuanKatolikoProtestanteIglesiaIslamMagtanong tungkol sa talaang natapos.Basahin ang “Basahin Natin.”Pag-usapan ito sa pamamagitan ng “Sagutin Natin.”Tungkol saan ang binasa?Pansinin ang mga pangungusap sa tekstong binasa?Paano ito nagsimula? Nagtapos?Paano mo pasasalamatan ang May Likha ?Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM,pahina 442.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang- “Gawin Natin”, sa LM,pahina 442- “Sanayin Natin”, sa LM,pahina 442PaglalahatPaano nagsisimula ang isang pangungusap? Paano ito nagtatapos? 162
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM,pahina 442 .Karagdagang PagsaasanayIpagawa ang “LinanginNatin”, sa LM,pahina 443.IKATLONG ARAWLayuninNagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kinaNakasusunod nang wasto sa mga panutoNakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resourcesPaksang-AralinPaggamit ng Pang-ukol na para sa/para kay/kinaTukoy-AlamPunan ng tamang parirala ang pangungusap: “Ang pagtuturo ng guro ay ________ sa mga kabatang pag-asa ngbayan”.Bakit ganito ang iyong sagot?PaglalahadPagmasdan ang kapaligiran.Ano-ano ang napansin ninyo sa paligid?Ano ang pakiramdam mo kung malinis/marumi ang iyong paligid?Basahin ang “Eco-savers para sa Kalikasan”.Pasagutan ang “Sagutin Natin.”Pumili at ipabasa ang ilang mga pangungusap mula sa teksto na may parasa/para kay/para kina.Kailan ginagamit ang para sa/para kay/para kina?Hayaang gamitin ito ng mga bata upang makita kung talagang naunawaannila ang wastong paggamit ng mga pariralang ito.Ipakita at ipatukoy ang ngalan ng iba’t ibang print at electronic resources namakikita sa silid-aklatan.Saan ginagamit ang bawat isa?Paano gamitin ang bawat isa?Bakit kailangan nating pangalagaan an gating kapaligiran?Ano ang tinatawag na global warming?Gabayan ang mga bata sa paggamit ng print at electronic resources paramalaman ng mga bata ang kasagutan dito?Basahin ang “Pahalagahan Natin”,sa LM,pahina 444.Kasanayang PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa pahina 444at “Sanayin Natin”, pahina 445.PaglalahatKailan ginagamit ang pang-ukol na para sa/para kay/para kina?Ipabasa ang“Tandaan Natin”,sa LM,pahina 446.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM,pahina 446 163
IKAAPAT NA ARAWNakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatanNakasusulat ng mga pangungusap sa kabit-kabit na paraan na maytamang laki at layo sa isa’t isaPaksang-AralinPaggamit ng Silid-AklatanTukoy-AlamPagbabahaginan ng karanasan tungkol sa paggamit ng silid-aklatan.PaglalahadDalhin ang mga bata sa silid-aklatan.Obserbahan sila kung paano sila gumamit ng mga gamit dito at kung ano-anoang mga gawi nila sa loob ng silid.Talakayin ang mga naobserbahang gawi at asal ng mga bata sa loob ng silid-aklatan.Ipabasa ang” Mga tuntunin sa paggamit ng Silid-Aklatan”sa “Basahin Natin”sa LM,pahina447.Pasagutan ang“Sagutin Natin”sa LM,pahina 447.Ano-ano ang makikita sa loob ng silid?Magpakita ng isang aklat at pag-usapan ito batay sa pamagat, larawan sapabalat.Ipakilala rin ang may-akda at ang tagaguhit nito. Sabihin din ang gawain ngmga taong ito.Hayaang sumulat ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa larawan atpabalat ng aklat na ipinakita.Hayaang itama ng mga bata ang pagkakasulat nila ng pangungusap satulong ng mga tanong na: Gumamit ba ako ng malaking letra sa umpisa ng pangungusap? Paano ko isinulat ang tanging ngalan ng aklat/tao? Gumamit ba ako ng wastong bantas sa pagtatapos ng pangungusap? Naisulat ko ba ng wasto ang mga letra? May sapat bang layo ang pagkakasulat ko ng mga salita? Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ko ng mga letra?Kasanayang PagpapayamanPasagutan ang“Gawin Natin” , sa LM,pahina 448.Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM,pahina 448.PaglalahatAno ang dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan?Pag-usapan ang “Tandaan Natin”, sa LM,pahina 448.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM,pahina 449. 164
IKALIMANG ARAWLayuninNasasagot nang wasto ang mga inihandang katanunganNakasusunod nang wasto sa mga panutoPanimulang GawainIhanda ang mga bata sa pagsusulit.Ipaliwanag ang mga panuto.Pagtataya A. Sumulat sa kabit-kabit na paraan ng isang payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan.1. 2. 3.4. 5. 6. B. Punan ng tamang pang-ukol na para sa o para kay o para kina ang mga patlang sa loob ng talata. Kayamanan ng Magulang Ang mabubuting bata ay kayamanan 7. _____ kanilang mga magulang. Ipinagmamalaki sila ng kanilang mga nanay at tatay dahil nakalilikha sila ng mabubuting halimbawa 8. ____ kapwa at9. _____ bayan. Dapat ibigay ang tamang disiplina 10. ___ kabataan na magiging pag-asa ng bayan. 11. ___mga magulang, huwag kayong magsasawang gabayan ang inyong mga anak at dalhin ang mga ito sa tamang landas.B. Basahing mabuti upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napiling sagot. Isang lalaking pulubi ang biglang lumapit kay Tiya Viring habang ito ay abala sa pamimili ng sariwang gulay sa palengke. “Ale, palimos po,” ang sabi ng isang gusgusing pulubi ngunit matipuno ang pangangatawan. Tinitigan ito ni Tiya Viring. Nagdadalawang isip siyang bigyan ito ng pera dahil sa laki ng kaniyang katawan. Tatalikuran na sana ni Tiya Viring ang pulubi nang bigla niyang naalala na dapat samantalahin ang paggawa ng bagay na mabuti sa kapwa. Sa pag-ibig sa kapuwa ay naiibig din natin ang Diyos. 165
“O, ayan ang limang piso. Sa susunod mama, magtrabaho ka kasi malakinaman ang iyong katawan. Huwag kang aasa sa pagpapalimos.Magtrabaho ka,” paliwanag ni Tiya Viring. “Pasensiya na po, sisikapin ko po sa susunod. Galing lang po ako ngprobinsiya at napadpad dito sa lungsod. Ninakaw po ang lahat ng aking peraat gamit kaya ako nagkaganito,” paliwanag ng pulubi. “O, siya. Magsikap ka. Sa susunod, mag-iingat ka na,” pagwawakasni Tiya Viring sabay dagdag ng sampung piso sa iniabot sa pulubi. Lihim na nagsaya ang kalooban ni Tiya Viring dahil nakatulong siya sakapwa sa maliit na paraan.12. Ano ang ginagawa ni Tiya Viring nang lapitan siya ng pulubi?a. Kumakain sa karinderya.b. Nag-aabang ng jeep.c. Namimili ng gulay.13. Magkano ang ibinigay ni Tiya Viring sa pulubi?a. Limang piso c. Labinlimang pisob. Sampung piso14. Sa anong bilang ng talata makikita ang pagbabago ng isipan ni TiyaViring?a. 1 b. 2 c. 315. Ano ang dahilan ng pulubi at siya ay nagpapalimos?a. Nanakawan siya ng mga gamit at pera.b. Miyembro siya ng isang sindikato.c. Wala siyang trabaho.16. Nangako ba ang pulubi na magbabago?a. Oo b. Hindi c. Walang sinabi17. Bakit lihim na natuwa si Tiya Viring?a. Nabili niya lahat ng inilista niya.b. Makakauwi siya nang maaga.c. Nakagawa siya ng bagay na mabuti sa kapwa.18. Kung ikaw si Tiya Viring, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?Bakit?19. Kung ikaw ang nanakawan, mamamalimoska rin ba? Bakit?20. Sumulat ng sariling pamagat sa binasang talata.PagsulatIpagawa ang “Sulatin Natin” sa LM,pahina 449. 166
Aralin 6: Ang Diyos ay PasalamatanLingguhang LayuninPag-unawa sa BinasaNakikilahok sa mga malikhaing pagtugon sa kuwentoNapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasaPag-unawa sa PinakingganNakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwentoPag-unlad ng BokabularyoNauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidadGramatikaNagagamit nang wasto ang pang-ankop na ngKomposisyonNakabubuo ng mga payak na pangungusap batay sa napakinggang kuwentoUNANG ARAWLayuninNapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong Nakapagbibigay ngsariling wakas sa napakinggang kuwentoPaksangAralinPagbibigay ng Wakas sa KuwentoPaunang PagtatayaPasagutan ang “Subukin Natin”, sa LM, pahina 450.Tukoy-AlamIpakuwento sa mga bata ang paghahanda nilang ginagawa araw-araw parasa pagpasok sa paaralan.Isulat ang mga pangungusap na sasabihin ng mga bata.Ipabasa ang mga ito.Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?Ano kaya ang angkop na pamagat para sa natapos na maikling kuwento?Pabigyang-katwiran ang ibinigay sa pamagat.PaglalahadAno-ano ang ginagawa mo kung wala ang mga magulang mo sa bahay?Ipabasa ang kuwento sa “Basahin Natin.”Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 452.Gawin ang Kadenang Kuwento.Itanong : Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?Isulat ang unang pangungusap na sasabihin ng bata. Hayaang sundan ito ngpangungusap ng iba pang bata. Tapusin ang kadena sa ganitong paraan.Ipasalaysay muli ang napakinggang kuwento sa pamamagitan ng KadenangKuwento.Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kuwento, ano ang nais mo?Pabigyang katwiran ang sagot ng mga bata.Pag-usapan: “Iwasang mabagabag. Laging magtiwala at magpasalamat 167
sa Diyos na dakila”.Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, pahina 453.Kasanayang PagpapayamanPasagutan ang “Gawin Natin”, na makikita sa LM, pahina 454.Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 454.PaglalahatAno ang natutunan mo sa aralin?Ipabasa ang “Tandaan Natin”na makikita sa LM, pahina 455 .Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina 455.IKALAWANG ARAWLayuninNauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidadPaksang-AralinIba’t Ibang Antas ng WikaTukoy-AlamAlamin ang nalalaman ng mga bata sa jejemon.Ipagamit ito sa usapan.PaglalahadHayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan nila na masaya angkanilang buong pamilya.Ipabasa ang “Basahin Natin.”Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 456.Tukuyin ang mga pormal at hindi pormal na salita sa akda.Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita na tinukoy bilang pormal at di-pormal na salita.Kailan ginagamit ang pormal at di-pormal na mga salita?Ipaliwanag ang antas ng pormalidad ng wika na nakapokus lamang sapampanitikan, karaniwan, panlalawigan, at balbal.Pag-usapan ang“Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 456.Kasanayanag PagpapayamanIpagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 456 .Pasagutan ang“Sanayin Natin”, sa LM, pahina 457.PaglalahatAno ang natutunan mo sa aralin?Basahinang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 457.Karagdagang PagsasanayIpagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 458.IKATLONG ARAWLayuninNagagamit nang wasto ang pang-angkop na ngPaksang AralinPaggamit ng Pang-angkop na ng 168
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185